564 Ang Pagninilay sa Sarili Mo sa Ganitong Paraan ay Mahalaga

1 Ang susi sa pagmumuni-muni-sa-sarili at pagkilala sa iyong sarili ay ito: Kapag mas nararamdaman mong nakagawa ka ng mabuti sa ilang tukoy na larangan o nagawa ang tama, at kapag mas naiisip mong nabibigyang-kasiyahan mo ang kalooban ng Diyos o kaya mong magmalaki sa ilang aspeto, mas karapat-dapat para sa iyo na kilalanin ang iyong sarili sa mga larangang iyon at mas karapat-dapat para sa iyo na saliksikin pang mabuti ang mga iyon para makita kung anong mga karumihan ang naroon sa iyo, at kung anong mga bagay sa iyo ang hindi makakapagbigay-kasiyahan sa kalooban ng Diyos. Gawin nating halimbawa si Pablo. Si Pablo ay lubhang maalam na tao, at dumanas siya ng maraming paghihirap sa kanyang pangangaral. Siya ay minahal nang lubos ng maraming tao. Bilang resulta, pagkatapos niyang makumpleto ang maraming gawain, ipinagpalagay niya na magkakaroon ng nakalaan na korona para sa kanya. Dahil dito, lalo’t lalo niyang natahak ang maling landas, hanggang sa huli ay pinarusahan siya ng Diyos.

2 Hindi nagtuon si Pablo sa paghahanap ng katotohanan sa mga salita ng Panginoong Jesus; naniwala lamang siya sa mga sarili niyang kuru-kuro at haka-haka. Inakala niya na hangga’t gumagawa siya ng ilang mabubuting bagay at nagpapakita ng magandang asal, pupurihin siya at gagantimpalaan ng Diyos. Sa huli, binulag ng mga sarili niyang kuru-kuro at guni-guni ang kanyang espiritu at tinakpan ng mga ito ang tunay niyang mukha. Ang kuwentong ito tungkol kay Pablo ay nagsisilbing babala para sa lahat ng nananalig sa Diyos, na tuwing nadarama natin na may nagawa tayong talagang maganda, o naniniwala tayo na talagang may talento tayo sa isang bagay, o iniisip natin na hindi natin kailangang magbago o mapakitunguhan sa isang bagay, dapat nating sikaping magnilay at kilalanin ang ating sarili sa aspetong iyon, upang tingnan kung talagang mayroon o walang anuman doon na kumakalaban sa Diyos.

3 Ang bawat galaw mo, ang lahat ng ginagawa mo, ang direksyon kung saan mo ito ginagawa, at kung ano ang mga layunin mo ay talagang natukoy na ng mga ideya at pananaw mo. Mahusay nang nakapagbalatkayo ang ibang tao, at hindi ka nakakakita ng anumang pag-uugali sa kanila nalumalaban sa Diyos ni nagpapahayag ng anuman na nilalabanan ang Diyos. Subalit, kinasusuklaman at kinamumuhian ng Diyos ang mga bagay na malalim na nakatanim sa isip ng tao. Ito ang nais na ilantad ng Diyos at ang dapat nating maunawaan. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi Ko na mas lalo mong nararamdamang maayos ang kalagayan mo sa isang bagay, mas kapaki-pakinabang para sa iyong kilalanin ang sarili mo sa bagay na iyon, at mas lalo mong dapat hanapin sa gayon ang katotohanan. Pagkatapos noon ka lang madadalisay at mapeperpekto ng Diyos.

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagkilala Lamang sa Sariling mga Maling Pananaw ng Isang Tao Siya Tunay na Makapagbabago

Sinundan: 563 Ang mga Pangunahing Prinsipyo ng Paglutas sa Kalikasan ng Isang Tao

Sumunod: 565 Mamumuhi Lamang ang Isang Tao sa Sarili Niya Kapag Tunay Niyang Nakikilala ang Kanyang Sarili

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito