65 Ang Layunin ng Gawain ng Paghatol ng Diyos

I

Ang gawaing ginagawa ngayon ay upang talikuran

ng mga tao ang sinaunang ninuno nila, si Satanas.

Mga paghatol gamit ang salita’y

naglalantad ng katiwalian nila,

upang maunawaan nila ang diwa ng buhay.

Itong mga paghatol kaugnay sa kapalara’y

tumatagos sa puso ng tao,

sadyang susugat sa puso niya,

upang mapakawalan niya’ng mga bagay na ‘to

at maunawaan ang buhay,

kapangyariha’t karunungan ng Diyos,

at makilala rin ang sangkatauhang

tiniwali ni Satanas.


Sa higit na pagkastigo’t paghatol,

mas lalong puso ng tao’y masusugatan,

at mas magigising ang kanyang espiritu.


Ang paggising sa mga espiritu ng

pinakatiwali’t nalinlang na mga tao

ay ang mithiin ng ganitong uri ng paghatol.


II

Matagal nang namatay ang espiritu ng tao,

hindi niya alam ang Langit o ang Diyos.

Paano niya malalamang siya’y nasa bangin

ng kamatayan o impiyerno sa lupa?

O malalamang ang bangkay niya’y naging tiwali

at nahulog na sa Hades ng kamatayan?

O malalamang nasira na ng tao’ng lahat

sa lupa’t malabo nang maayos?


Paano malalaman ng tao na ang Diyos

ay dumating sa lupa ngayon

upang humanap ng mga tiwaling tao

na maaari Niyang iligtas?


Ang paggising sa mga espiritu ng

pinakatiwali’t nalinlang na mga tao

ay ang mithiin ng ganitong uri ng paghatol.


III

Kahit na matapos pinuhin at hatulan ang tao

sa lahat ng posibleng paraan,

bahagya ang kanyang kamalayan

at halos hindi tumutugon.

Napakababa ng sangkatauhan!

At bagama’t itong paghatol ay tila

umuulang mabagsik na yelo,

ito’y malaking pakinabang sa tao.


Kung ang tao’y ‘di hinatulan nang tulad nito,

walang makakamit;

imposibleng maliligtas ang tao

mula sa bangin ng paghihirap.


Ang paggising sa mga espiritu ng

pinakatiwali’t nalinlang na mga tao

ay ang mithiin ng ganitong uri ng paghatol.


IV

Kung ‘di dahil sa gawaing ‘to,

‘di halos makakalabas ang tao mula sa Hades,

matagal nang patay ang puso niya

at espiritu’y niyurakan ni Satanas.

Ang tanging paraan upang iligtas kayong

mga lumubog na sa pinakailalim na kalaliman

ay ang hatulan at tawagin kayo

nang walang kapaguran.


Ang paggising sa mga espiritu ng

pinakatiwali’t nalinlang na mga tao

ay ang mithiin ng ganitong uri ng paghatol.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay

Sinundan: 64 Ang Panloob na Kahulugan ng Gawain ng Paglupig

Sumunod: 66 Ang Katotohanan ng Gawain ng Paglupig sa mga Huling Araw

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

INasa’n Ka, minamahal ko?Alam Mo bang hanap-hanap Kita?‘Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.Sa kadiliman, hinahanap Kita.Di ako nawawalan...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito