729 Ang Tamang Pag-uugali sa Diyos

1 Ang tanging saloobing dapat taglayin ng isang nilalang sa kanyang Lumikha ay yaong pagsunod, walang pasubaling pagsunod. Hindi mo kailangang talakayin kung paano at bakit nagawa iyon ng Diyos; ang kailangan mo lamang gawin ay panatilihin ang iyong pananampalataya na Siya ang katotohanan, at kilalanin na Siya ang Lumikha sa iyo, na Siya ang iyong Diyos. Mas mataas pa ito kaysa buong katotohanan, mas mataas kaysa sa lahat ng pangmundong karunungan, kaysa sa tinatawag ng tao na moralidad, mga prinsipyo ng tamang pag-uugali, kaalaman, edukasyon, pilosopiya o tradisyonal na kultura, at higit pa itong mataas kaysa sa pagmamahal o pakikisama o sa tinatawag na pagmamahalan sa pagitan ng mga tao—mas mataas pa ito kaysa anupamang iba.

2 Gaano man katagal naniniwala ang isang tao sa Diyos, gaano man kahaba ang daan na kanilang nalakbay, gaano man kalaking gawain ang kanilang nagawa at ilan mang mga tungkulin ang kanilang nagampanan, ang panahong ito ay paghahandang lahat sa kanila para sa iisang bagay: upang sa dakong huli ay magawa mong kamtin ang walang-pasubali at lubusang pagpapasakop sa Diyos. Anuman ang kapaligiran, mga tao, pangyayari, at mga bagay na dumarating sa iyo at naisaayos ng Diyos, dapat kang magkaroon lagi ng masunuring saloobin at huwag mong itanong kung bakit. Kung lagi mong sinusuri kung ang ginagawa ba ng Diyos ay tumutugma sa iyong mga kuru-kuro, tinitingnan kung ang ginagawa ba ng Diyos ay ang ibig mo, o maging kung tumatalima ba ito sa pinaniniwalaan mong katotohanan, kung gayon ay wala ka sa tamang lugar, at magdudulot ito sa iyo ng gulo at malamang ay magkakasala ka sa disposisyon ng Diyos.

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Ikalawang Bahagi)

Sinundan: 728 Makakapagpasakop Ka ba Talaga sa mga Pagsasaayos ng Diyos?

Sumunod: 730 Paano Magpasakop sa Awtoridad ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito