114 Ang Panalangin ng Bayan ng Diyos

I

Nagbalik ang bayan ng Diyos

sa harap ng Kanyang trono,

inaalay natin ang ating mga dalangin sa Diyos.

Nawa’y pagpalain ng Diyos

ang mga nananabik sa Kanyang pagpapakita,

na marinig nila ang Kanyang tinig

sa lalong madaling panahon.

Nawa’y bigyang liwanag ng Diyos

ang mga nagbabantay

at naghihintay na makita

ang pagdating ng Manunubos.

Nawa’y kumawala ang sangkatauhan

sa gapos ng kanilang paniniwala,

sa ganoo’y hanapin nila

at suriin ang tunay na daan.

Ang lahat ng mga pinili ng Diyos

nawa’y sumunod sa mga yapak ng Kordero.

Nawa’y makamtan ng sangkatauhan ang pagtustos

ng salita ng Diyos

ng hindi na mauhaw ang kanilang espiritu.

Nawa’y matutunan ng sangkatauhan

na magkaroon ng pagkaunawa

at nang hindi na malinlang

ng mga kasinungalingan ni Satanas.

Nawa’y patnubayan tayo ng Diyos

upang maipangaral

ang ebanghelyo at magpatotoo sa Kanya.

Nawa’y palaging kasama ng Diyos

ang Kanyang bayan,

panatilihin tayong nabubuhay

sa Kanyang pagmamahal.


II

Nawa’y bigyang liwanag tayo ng Diyos,

nang maunawaan natin ang Kanyang salita

at malaman ang Kanyang kalooban.

Nawa’y pakamahalin ng mga tao

ang salita ng Diyos at isabuhay ito.

Nawa’y lagi tayong hatulan

at disiplinahin ng Diyos,

nang matapat nating matupad

ang ating tungkulin.

Nawa’y bigyan pa tayo ng Diyos

ng mas maraming pagsubok,

nang ang ating mga disposisyon ay magbago.

Nawa’y malaman ng lahat ng tao

ang mabuti sa masama,

isagawa ang katotohanan at sundin ang Diyos.

Nawa’y parusahan ng Diyos

ang mga gumagawa ng masama,

upang maging payapa ang buhay iglesia.

Nawa’y perpektuhin ng Diyos

ang mas maraming tao

upang maging kaisa ng Kanyang puso

at kaisa ng Kanyang isipan.

Nawa’y lahat ng tao ay mag-alay ng tunay

na pagmamahal sa kaibig-ibig na Diyos.

Nawa’y pagpalain ng Diyos

ang lahat ng nagbabalik sa Kanya,

upang lahat tayo ay mabuhay sa liwanag.

Sinundan: 113 Pinahahalagahan ng Puso Ko ang Salita ng Diyos

Sumunod: 115 Ang Katotohanan ng mga Salita ng Diyos ay Napakahalaga

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

966 Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat

IKung ang tanongay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.Ang Diyos ay ‘di mapapabayaano maiiwan sa likod ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito