Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

747 Yaon Lamang mga Taos na Naglilingkod kay Cristo ang Pinupuri ng Diyos

1 Napakasidhi ng inyong pagnanasa na kalugdan kayo ng Diyos, ngunit napakalayo ninyo sa Diyos. Ano ang nangyayari dito? Tinatanggap lamang ninyo ang Kanyang mga salita, ngunit hindi ang Kanyang pakikitungo at pagtatabas at lalong hindi ninyo natatanggap ang Kanyang bawat pagsasaayos, para magkaroon ng ganap na pananampalataya sa Kanya. Ano ba talaga ang nangyayari dito? Sa huling pagsusuri, ang inyong pananampalataya ay balat ng itlog na walang laman na kahit kailan ay hindi nakakabuhay ng inakay. Sapagkat ang inyong pananampalataya ay hindi nakakapagdala sa inyo ng katotohanan o nakakapagtamo para sa inyo ng buhay, at sa halip ay nakapagdala sa inyo ng pakiramdam ng pagtustos at pag-asa na ilusyon lamang.

2 Ang layunin ng inyong paniniwala sa Diyos ay para sa kapakanan ng pag-asang ito at pakiramdam ng pagtustos sa halip na para sa katotohanan at buhay. Samakatuwid, masasabi Ko na ang landasin ng inyong pananampalataya sa Diyos ay walang iba kundi para subukang manlangis upang makuha ang pabor ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapaalipin at kawalang-kahihiyan, at hindi maituturing na totoong pananampalataya sa anumang paraan. Sa ibang salita, anong bunga ang maaaring umusbong sa ganitong uri ng pananampalataya? Ang layunin ng pananampalataya ninyo sa Diyos ay upang gamitin ang Diyos para tuparin ang inyong mga layunin. Hindi ba ito higit pang patunay ng inyong pagkakasala laban sa disposisyon ng Diyos?

3 Naniniwala kayo sa pag-iral ng Diyos na nasa langit ngunit itinatanggi yaong sa Diyos na nasa lupa. Gayunpaman, hindi Ko sinasang-ayunan ang inyong mga palagay. Ang Aking pinapupurihan ay yaong mga tao lamang na nananatiling nakatungtong sa lupa at naglilingkod sa Diyos na nasa lupa, nguni’t hindi kailanman yaong hindi kumikilala kailanman sa Cristo na nasa lupa. Gaano mang katapat ang gayong mga tao sa Diyos na nasa langit, sa huli, hindi pa rin sila makakaligtas sa Aking kamay na nagpaparusa sa mga masama. Ang mga taong ito ay ang masasama; sila ay siyang masasama na lumalaban sa Diyos at hindi kailanman nagagalak sa pagsunod kay Cristo. Mangyari pa, kasama sa kanilang bilang ang lahat ng hindi nakakakilala, at, lalong higit, hindi kinikilala si Cristo.

Hango sa “Paano Makikilala ang Diyos na Nasa Lupa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Gaano Kalaki ang Pagkukulang Ninyo sa mga Hinihiling ng Diyos?

Sumunod:Nagtuon si Pedro sa Praktikal na Pagkilala sa Diyos

Baka Gusto Mo Rin