776 Pinanghawakan ni Pedro ang Tunay na Pananampalataya at Pag-ibig

Si Pedro ay madalas na nagdarasal kay Jesus, na laging nakadarama ng pagsisisi at pagkakautang dahil sa hindi niya natugunan ang kalooban ng Diyos at hindi siya umabot sa mga pamantayan ng Diyos. Ang mga isyung ito ang naging pinakamalaki niyang pasanin. Sabi niya: “Balang araw ilalaan ko sa Iyo ang lahat ng mayroon ako at lahat ng pagkatao ko, at ibibigay ko sa Iyo yaong pinakamahalaga. Diyos ko! Walang halaga ang aking buhay, at walang halaga ang aking katawan. Iisa lamang ang aking pananampalataya at iisa lamang ang aking minamahal. Sumasampalataya ako sa Iyo sa aking isipan at minamahal Kita sa puso ko; ang dalawang bagay na ito lamang ang tanging maibibigay ko sa Iyo at wala nang iba pa.” Lubhang lumakas ang loob ni Pedro sa mga salita ni Jesus, nang sa gayon nang siya ay nasa krus, nasabi niyang: “Diyos ko! Hindi ko magawang mahalin Ka nang sapat! Kahit hilingin Mong mamatay ako, hindi pa rin Kita maaaring mahalin nang sapat! Saan Mo man isugo ang aking kaluluwa, tuparin Mo man o hindi ang dati Mong mga pangako, anuman ang gawin Mo pagkatapos, mahal Kita at naniniwala ako sa Iyo.” Ang kanyang pinanghawakan ay ang kanyang pananampalataya, at tunay na pagmamahal.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Nakilala ni Pedro si Jesus

Sinundan: 775 Hangaring Mahalin ang Diyos Kahit Gaano Kalaki ang Iyong Pagdurusa

Sumunod: 777 Tularan ang Karanasan ni Pedro

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

281 Panahon

IIsang malungkot na kaluluwa’ng naglalakbay,sinusuri’ng bukas, hinahanap nakalipas,masipag na nagsisikap,naghahangad ng isang pangarap.‘Di...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito