812 Nagtuon si Pedro sa Praktikal na Pagkilala sa Diyos

I

Noong kapiling ni Pedro si Jesus,

marami siyang nakitang

katangiang kaibig-ibig, dapat tularan,

tumustos sa kanya.

Higit na nakita niya’ng Diyos kay Jesus,

at isinapuso’ng lahat ng kay Jesus,

lahat ng tungkol sa buhay Niya,

mga salita’t pagkilos Niya.


Nalaman ni Pedro na ‘di ordinaryong tao si Jesus.

Bagama’t anyo Niya’y pareho lang ng sa iba,

puno Siya ng pag-ibig, empatiya’t awa sa tao.

Lahat ng ginawa’t sinabi Niya’y

higit na nakatulong.

Napakaraming natamo ni Pedro

sa unang pagkakataon.


II

Nakita ni Pedro na mukhang

karaniwang tao lang si Jesus

ngunit may kakaibang katangiang

‘di maipaliwanag.

Nakita niyang kakaiba si Jesus,

iba’ng mga gawa Niya sa iba.

May espesyal Siyang katangian,

mahinaho’t ‘di apurado.


‘Di kailanman nagmalabis

o nagbawas si Jesus ng anumang bagay.

Namuhay Siya sa paraang nahayag

ang isang karakter na parehong

normal at kahanga-hanga.

Mahinahon magsalita, masayahin ngunit payapa.

Pinanatili Niya’ng dignidad

sa kabuuang gawain Niya.


III

Nakita ni Pedrong si Jesus ay tahimik,

minsa’y masalita.

Sasaya Siyang parang kalapati,

o malulungkot at mananahimik.

Magagalit Siyang parang sundalo

o umuungal na leon.

May panahong tatawa Siya,

minsa’y mananalangi’t iiyak.


Anumang kilos ni Jesus,

natutunan ni Pedro ang pagmamahal

at respeto kay Jesus na walang hanggan.

Pagtawa ni Jesus, dulot sa kanya’y ligaya.

Pighati’y nagdulot ng kalungkutan.

Galit ay nagpanginig sa kanya sa takot.

Ngunit, mga kahilingan,

awa’t kapatawaran ni Jesus

ang nagdulot ng totoong pag-ibig,

paggalang at pananabik sa Kanya.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Nakilala ni Pedro si Jesus

Sinundan: 811 Ang Paghahangad ni Pedro ang Lubos na Nakaayon sa Kalooban ng Diyos

Sumunod: 813 Ang Kaalaman ni Pedro Tungkol kay Jesus

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

INasa’n Ka, minamahal ko?Alam Mo bang hanap-hanap Kita?‘Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.Sa kadiliman, hinahanap Kita.Di ako nawawalan...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito