302 Itinuturing ng mga Tao si Cristo Bilang Isang Karaniwang Tao

1 Inaasam ng lahat ng tao na makita ang totoong mukha ni Jesus, at hangad ng lahat na makapiling Siya. Wala ni isa sa mga kapatid ang magsasabi na ayaw nilang makita o makapiling si Jesus. Bago ninyo nakita si Jesus—bago ninyo nakita ang Diyos na nagkatawang-tao, malamang ay pumasok sa inyong isipan ang lahat ng uri ng mga ideya, halimbawa, tungkol sa pagpapakita ni Jesus, sa Kanyang paraan ng pagsasalita, sa Kanyang paraan ng pamumuhay, at iba pa. Ngunit kapag nakita ninyo Siya talaga, mabilis na magbabago ang inyong mga ideya.

2 Hindi maaaring kaligtaan ang pag-iisip ng tao, na siya namang totoo—ngunit higit pa riyan, ang kakanyahan ni Cristo ay hindi magpaparaya sa pagbabago ng tao. Iniisip ninyo na si Cristo ay isang imortal o isang pantas, ngunit hindi Siya itinuturing ninuman na isang normal na taong may kakanyahan ng pagka-Diyos. Sa gayon, marami sa mga nananabik araw at gabi na makita ang Diyos ay talagang mga kaaway ng Diyos, at hindi Niya kaayon. Hindi ba isang pagkakamali ito sa panig ng tao? Noong araw, ngayon, at sa hinaharap, marami sa mga nakakaugnay ni Cristo ay nabigo o mabibigo; lahat sila ay gumaganap sa papel ng mga Fariseo. Ang dahilan ng inyong kabiguan ay dahil mismo sa mayroon sa mga kuru-kuro ninyo na isang Diyos na matayog at nararapat hangaan.

3 Ngunit ang katotohanan ay hindi naaayon sa nais ng tao. Hindi lamang sa hindi matayog si Cristo, kundi talagang maliit Siya; hindi lamang Siya isang tao, kundi isa Siyang ordinaryong tao; hindi lamang Siya hindi maaaring umakyat sa langit, kundi ni hindi Siya makagala nang malaya sa lupa. At dahil dito, itinuturing Siya ng mga tao na tulad sa isang ordinaryong tao; kaswal ang pakikitungo nila sa Kanya kapag Siya ay kapiling nila, at kinakausap nila Siya nang walang ingat, samantalang naghihintay pa rin sa pagdating ng “totoong Cristo.” Itinuturing ninyo na ang Cristong dumating na ay isang ordinaryong tao, at ang Kanyang salita ay sa isang ordinaryong tao. Dahil dito, wala pa kayong natatanggap na anuman mula kay Cristo, at sa halip ay ganap na nalantad sa liwanag ang inyong sariling kapangitan.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Hindi Kaayon ni Cristo ay Tiyak na mga Kalaban ng Diyos

Sinundan: 301 Hindi Alam ng mga Tao ang Tunay na Mukha ng Diyos

Sumunod: 303 Mayroon Ka bang Tunay na Pananampalataya kay Cristo?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

INasa’n Ka, minamahal ko?Alam Mo bang hanap-hanap Kita?‘Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.Sa kadiliman, hinahanap Kita.Di ako nawawalan...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito