363 Hindi Alam ng mga Tao Kung Gaano Sila Kahamak

Sa loob ng isipan ng mga tao,

ang Diyos ay laging sumusumpa sa kanila.

At sa gayon Siya’y hindi nila pinapansin;

palagi silang naging malamig sa Kanya.

Kaya sinasabi ng Diyos na sila ay imoral

at sila ay walang katinuan

dahil sa maling akala ng mga puso nila;

wala rin silang tunay na damdamin ng tao.


Walang nagmamalasakit na tao

sa damdamin ng Diyos,

nguni’t di umano’y “katuwiran”

ang gamit upang makitungo.

Ang tao’y naging ganito sa loob ng maraming taon;

hindi nagbago ang kanyang disposisyon.

Di niya pinapahalagahan ang kanyang sarili,

kaya’t tinawag siyang hamak at walang halaga.

Walang pagmamahal sa sarili,pinipinsala lamang ang sarili,

di ba nagpapakita ito ng kanyang kawalang-halaga?


Ang sangkatauhan ay tulad ng isang masamang babae,

sarili ay pinaglalaruan at ibinibigay

upang kusang magpahalay,

gayunman ‘di makita ng tao ang kanyang kababaan.

Ang uri ng kasiyahang natatagpuan niya

ay pagtatrabaho para sa iba, pakikipag-usap,

sa gayon ay naibibigay sa mga kamay nila;

hindi ba ito ang karumihan ng sangkatauhan?


Dahil ‘di niya kilala’ng sarili niya,

ang nais niyang ipakitang alindog at pangit na

mukha ang pinakadakilang kapintasan

niyang kasuklam-suklam sa Diyos.

Walang tamang relasyon sa mga tao,

kaya pa’no magkakaroon ng tamang ugnayan sa Diyos?


Marami nang nasabi ang Diyos sa sangkatauhan,

upang mamuhay Siya sa mga puso ng tao,

nang makalaya sila sa kanilang

mga diyus-diyosan, na naninirahan doon.

At magagamit na ng Diyos ang kapangyarihan

Niya sa sangkatauhan, at matatapos Niya ang layunin

ng pag-iral ng Diyos sa mundo.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 14

Sinundan: 362 Hindi Tinutulutan ng Diyos na Lokohin Siya ng Sinumang Nilalang

Sumunod: 364 Masyado Kayong Mapanghimagsik

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito