Tanong 4: Binanggit ng Panginoong Jesus ang mga misteryo ng kaharian ng langit sa mga disipulo, at bilang nagbalik na Panginoong Jesus, naghayag na rin ba ng maraming misteryo ang Makapangyarihang Diyos? Maaari n’yo bang ibahagi sa amin ang ilan sa mga misteryong inihayag ng Makapangyarihang Diyos? Malaking tulong iyon sa amin sa pagtukoy sa tinig ng Diyos.

Sagot: Tuwing nagkakatawang tao ang Diyos, marami Siyang inihahayag na katotohanan at misteryo sa atin. Walang duda ’yan. Nagkakatawang tao ang Diyos para iligtas ang sangkatauhan, kaya nga, natural Siyang nagpapahayag ng maraming katotohanan, at naghahayag ng maraming misteryo. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Panginoong Jesus, ang Diyos na nagkatawang-tao ay naghayag ng maraming misteryo habang nangangaral at ginagawa ang Kanyang gawain, tulad ng, “Mangagsisi kayo: sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit(Mateo 4:17). “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit(Mateo 7:21). Marami ring iba pang misteryong inihayag ang Panginoong Jesus bukod pa rito, na hindi ko tatalakayin ngayon. Sa mga huling araw, dumating na ang Makapangyarihang Diyos, at isinagawa ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos, at ipinahayag na ang lahat ng katotohanan para sa pagdadalisay at kaligtasan ng sangkatauhan. Hindi lang naisakatuparan ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng propesiya ng Panginoong Jesus, kundi inilantad pa sa atin ang mga dakilang misteryo ng nakaraan, ng kasalukuyan, at ng hinaharap, na nauugnay sa plano sa pamamahala ng Diyos. Basahin natin ang isang talata ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Ang gawain na Akin nang pinamamahalaan nang libu-libong taon ay ganap na nabubunyag sa tao sa mga huling araw lamang. Ngayon Ko lamang nailantad sa tao ang buong misteryo ng Aking pamamahala, at batid na ng tao ang layunin ng Aking gawain at, bukod dito, ay nakaunawa na sa lahat ng Aking mga misteryo. Nasabi Ko na sa tao ang lahat ng tungkol sa hantungan na kanyang inaalala. Nabuksan Ko na para sa tao ang lahat ng Aking mga misteryo, mga misteryo na nakatago nang mahigit 5,900 taon(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay ang Gawain Din ng Pagliligtas sa Tao). “Liliwanagin para sa iyo ng yugtong ito ng gawain ang kautusan ni Jehova at ang pagtubos ni Jesus, at ito’y pangunahin upang maunawaan mo ang buong gawain ng anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos, at mapahalagahan ang lahat ng kabuluhan at diwa ng anim na libong taong plano ng pamamahala na ito, at maunawaan ang layunin ng lahat ng gawaing isinagawa ni Jesus at ang mga salitang Kanyang sinabi, at maging ang iyong bulag na paniniwala at pagsamba sa Biblia. Tutulutan ka nito na lubos na maunawaan ang lahat ng ito. Magagawa mong maunawaan kapwa ang gawain na ginawa ni Jesus, at ang gawain ng Diyos ngayon; mauunawaan mo at iyong mapagmamasdan ang lahat ng katotohanan, ang buhay, at ang daan. … Ang huling yugto ang magdadala ng gawain ng Diyos sa isang ganap na wakas at magbibigay ng konklusyon nito. Magagawang maunawaan at malaman ng lahat ang plano ng pamamahala ng Diyos. Ang mga kuru-kuro sa loob ng tao, ang kanyang mga layunin, ang kanyang mali at katawa-tawang pagkaunawa, ang kanyang mga kuru-kuro sa gawain nina Jehova at Jesus, ang kanyang mga pananaw tungkol sa mga Gentil, at ang kanyang iba pang mga paglihis at mga kamalian ay itatama. At mauunawaan ng tao ang lahat ng tamang landas ng buhay, at ang lahat ng gawaing ginawa ng Diyos, at ang buong katotohanan. Kapag nangyari iyon, ang yugtong ito ng gawain ay matatapos na(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 2).

Inihayag na sa atin ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng misteryo ng Kanyang 6,000-taong plano sa pamamahala para sa kaligtasan ng sangkatauhan. At sinabi na sa atin ng Makapangyarihang Diyos ang layunin ng Diyos sa pamamahala sa sangkatauhan. Naipakita Niya sa atin kung bakit nagsagawa ang Diyos ng tatlong yugto ng gawain para iligtas ang sangkatauhan, kung paano naisulong ang tatlong yugtong ito ng gawain sa paisa-isang hakbang, at kung ano ang mga kaugnayan at kaibahan ng mga ito sa isa’t isa. Sinabi na rin sa atin ng Makapangyarihang Diyos ang kabuluhan ng mga pangalan ng Diyos, kung paano ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, at kung ano ang kabuluhan ng gawain ng paghatol. Naihayag Niya sa atin ang mga misteryo ng pagkakatawang-tao, at ang totoong pangyayari sa Biblia. Isiniwalat ng Makapangyarihang Diyos na ang Diyos ang pinagmulan ng buhay ng lahat ng bagay, at kung paano naghahari ang Diyos sa lahat ng bagay. Sinabi na sa atin ng Makapangyarihang Diyos ang natatanging awtoridad ng Diyos, ang matuwid na disposisyon ng Diyos, ang kabanalan ng Diyos, at ang pagiging makapangyarihan at ang karunungan ng Diyos. Bukod pa rito, naihayag din sa atin ng Makapangyarihang Diyos kung paano umunlad ang buong sangkatauhan hanggang ngayon, at kung paano ginawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, at sinabi na sa atin ang katotohanan na ginawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, ang pinagmulan ng pagkontra at pagkakanulo ng tiwaling sangkatauhan sa Diyos, kung paano kumikilos ang Diyos para iligtas ang sangkatauhan, kung paano nagsagawa si Satanas ng mga tusong plano para gambalain at abalahin ang gawain ng Diyos, at kung paano tatalunin ng Diyos si Satanas at wawakasan ang tadhana ni Satanas. Naipakita sa atin ng Makapangyarihang Diyos ang kahulugan ng tunay na buhay, kung paano dapat mamuhay ang mga tao para maging tunay na masaya, gayon din ang katapusan ng iba’t ibang uri ng tao, ang tunay na patutunguhan ng sangkatauhan, at, sa huli, kung paano wawakasan ng Diyos ang kapanahunang ito, at kung paano darating ang kaharian ni Cristo, at kung anu-ano pa. Naihayag nang lahat sa atin ng Makapangyarihang Diyos ang mga misteryong ito. Mula sa mga katotohanan at misteryong inihayag ng Panginoong Jesus at Makapangyarihang Diyos, makikita natin na ang mga misteryong ito ay pawang nauugnay sa Diyos, at sa kaharian ng langit, gayundin kung ano ang isasakatuparan ng Diyos sa hinaharap. Ang mga misteryong ito ay pawang konektado sa plano sa pamamahala ng Diyos at sa patutunguhan ng sangkatauhan. May malalim na kahulugan ang paghahayag ng Diyos sa mga misteryong ito. Mula sa mga katotohanan at misteryong inihayag ng Panginoong Jesus at Makapangyarihang Diyos, makatitiyak tayo na tinig ng Diyos ang lahat ng mga salitang ito. Dahil Diyos lamang ang maaaring makaalam sa mga misteryong ito. Tanging Diyos lamang ang nakakaalam. Hindi ito alam ng mga anghel, ni ng sangkatauhan. Kaya nga, ang mga katotohanan at mga misteryong inihayag ng Panginoong Jesus at Makapangyarihang Diyos ay pagpapahayag ng iisang Espiritu, at gawa ng iisang Diyos. Ang gawain ng paghatol sa mga huling araw na ginawa ng Makapangyarihang Diyos ay nagpapatuloy mula sa natapos na gawain ng Panginoong Jesus. Tinutupad nito ang mga salita ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kanyang Sarili; kundi ang anumang bagay na Kanyang marinig, ang mga ito ang Kanyang sasalitain: at Kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). Ang mga tunay na pangyayaring ito ay nagpapatunay na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagpakitang nag-iisang tunay na Diyos!

Inihahayag sa atin ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanan at misteryong dapat maunawaan ng tiwaling sangkatauhan. Kaya nadarama natin na malinaw, payapa at maliwanag ang ating pananampalataya sa Diyos. Sa ganitong paraan, nakakapasok tayo sa tamang landas ng paniniwala sa Diyos. Kailangan lang nating tanggapin at sundin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos at ipagpatuloy ang pagpasok sa lahat ng katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, para mamuhay tayo sa katotohanan, at magkamit ng kaligtasan at makapasok sa kaharian ng langit! Makinig tayo sa isang talata na inihahayag ng Makapangyarihang Diyos ang misteryo ng disposisyon ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang disposisyon ng Diyos ay nabibilang sa Tagapamahala ng lahat ng bagay at mga buhay na nilalang, sa Panginoon ng lahat ng nilikha. Kumakatawan ang disposisyon Niya sa karangalan, kapangyarihan, pagkamaharlika, kadakilaan, at higit sa lahat, sa kataas-taasang kapangyarihan. Ang disposisyon Niya ay ang sagisag ng awtoridad, ang sagisag ng lahat ng matuwid, ang sagisag ng lahat ng marikit at mabuti. Higit pa riyan, isa itong sagisag Niya na hindi maaaring madaig o masalakay ng kadiliman at ng anumang puwersa ng kaaway, at sagisag rin Niya na hindi maaaring masaktan (ni hindi rin Siya nagpaparayang masaktan) ng sinumang nilikha. Ang disposisyon Niya ang sagisag ng pinakamataas na kapangyarihan. Walang tao o mga tao na kaya o maaari na manggambala sa gawain Niya o disposisyon Niya. … Ang kagalakan ng Diyos ay dahil sa pag-iral at paglitaw ng pagkamakatuwiran at liwanag, dahil sa pagkawasak ng kadiliman at kasamaan. Nalulugod Siya sa pagdadala ng liwanag at ng isang mabuting buhay sa sangkatauhan; ang kagalakan Niya ay isang matuwid na kagalakan, isang sagisag ng pag-iral ng lahat ng bagay na positibo at, higit pa rito, isang sagisag ng pagkamapalad. Ang galit ng Diyos ay dahil sa pinsalang dulot ng pag-iral at panghihimasok ng kawalan ng katarungan sa sangkatauhan Niya, dahil sa pag-iral ng kasamaan at kadiliman, dahil sa pag-iral ng mga bagay na nagtataboy sa katotohanan, at higit pa, dahil sa pag-iral ng mga bagay na sumasalungat sa kung anong mabuti at maganda. Ang galit Niya ay sagisag na hindi na umiiral ang lahat ng bagay na negatibo at, higit pa riyan, isa itong sagisag ng kabanalan Niya. Ang kalungkutan Niya ay dahil sa sangkatauhan na mayroon sana Siyang pag-asa ngunit nahulog na sila sa kadiliman, sapagkat hindi umaabot sa mga inaasahan Niya ang gawaing ginagawa Niya sa tao, at sapagkat lahat sa sangkatauhang minamahal Niya ay hindi kayang makapamuhay sa liwanag. Nakakaramdam Siya ng kalungkutan para sa inosenteng sangkatauhan, para sa tapat ngunit mangmang na tao, at para sa taong mabuti ngunit sa kanyang sariling mga pananaw ay nagkukulang. Ang kalungkutan Niya ay sagisag ng kabutihan Niya at ng awa Niya, isang sagisag ng kagandahan at ng kabaitan. Ang kaligayahan Niya, mangyari pa, ay nagmumula sa pagkatalo ng mga kaaway Niya at pagkakamit ng mabuting pananampalataya ng tao. Higit pa riyan, umuusbong ito mula sa pagpapatalsik at pagkawasak ng lahat ng puwersa ng kaaway, at sapagkat tumatanggap ang sangkatauhan ng mabuti at mapayapang buhay. Hindi katulad ng kagalakan ng tao ang kaligayahan ng Diyos; sa halip, ito ay ang pakiramdam ng paglikom ng magagandang bunga, isang pakiramdam na higit pa sa kagalakan. Ang kasiyahan Niya ay sagisag ng paglaya ng sangkatauhan sa pagdurusa mula sa oras na ito, at isang tanda ng pagpasok ng sangkatauhan sa isang daigdig ng liwanag(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Napakahalagang Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos).

Naihayag sa atin ng Makapangyarihang Diyos kung ano ang kinakatawan ng disposisyon ng Diyos, at ang simbolismo at kahulugan ng disposisyon ng Diyos. Naipahayag din ng Makapangyarihang Diyos ang kaugnayan ng kasiyahan, galit, kalungkutan, at kaligayahan sa disposisyon ng Diyos at sa sangkatauhan. Sino pa bukod sa Diyos Mismo ang makapagsasalita ng disposisyon ng Diyos nang napakalinaw? At sino ang makakaalam ng simbolismo at kahulugan ng disposisyon ng Diyos? Noon pa mang unang panahon hanggang ngayon, wala pang nakapagbigay ng gayon katumpak at katiyak na patotoo tungkol sa disposisyon ng Diyos, Ang kasiyahan, galit, kalungkutan, at kaligayahan ng Diyos ay nakikita sa Kanyang buong gawain ng pamamahala sa sangkatauhan. At habang nararanasan natin ang gawain ng Diyos, kaya rin nating tunay na tikman at madama na ang kasiyahan, galit, kalungkutan, at kaligayahan sa disposisyon ng Diyos ay hindi lamang mga salita kundi praktikal, ang mga ito’y tunay at malinaw. Ang kasiyahan, galit, kalungkutan, at kaligayahan ng Diyos ay pawang pagpapahayag ng diwa ng buhay ng Diyos. Ang mga ito ay realidad ng mga positibong bagay, at mga simbolo ng pagkamatuwid. Sa gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan, nakikita natin na ang kasiyahan, galit, kalungkutan at kaligayahang inihayag ng Diyos ay pawang para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Lahat ng ito ay para iligtas ang sangkatauhan, upang makalaya ang sangkatauhan mula sa pagpapahirap ni Satanas at mamuhay sa liwanag. At, bukod pa riyan, ang mga ito ay para pamunuan ang sangkatauhan sa magandang patutunguhan. Sa pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, nakita natin na tunay na kontrolado ng Diyos ang lahat ng bagay, at naghahari Siya sa lahat ng bagay. Ang disposisyon ng Diyos ang simbolo ng pinakamataas na awtoridad. Ito ay simbolo na hindi kayang sugpuin o pinsalain ng mga puwersa ng kadiliman, at hindi mapipigil ng puwersa ng kalaban ang Diyos sa pagsasagawa ng Kanyang kalooban. Tandaan ang Kapanahunan ng Biyaya: Habang nangangaral at gumagawa ng gawain si Jesus, galit na galit na hinusgahan at kinontra ng mga pinuno ng komunidad ng mga relihiyoso ang Panginoong Jesus. Nakisanib pa ang kanilang mga puwersa sa pamahalaan ng Roma para ipako si Jesus sa krus. Subalit ang karunungan ng Diyos ay nakasalig sa mga tusong plano ni Satanas. Natubos ang sangkatauhan nang ipako si Jesus sa krus, at dahil doon ay kumalat ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus hanggang sa mga dulo ng sansinukob, at yaong mga kumontra at kumondena sa gawain ng Diyos ay pinatawan ng parusa ng Diyos. Sa ganitong paraan, nakikita natin na ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi malalabag ng tao! Ngayon, dumating na ang Kapanahunan ng Kaharian. Mula nang simulan Niya ang gawain ng paghatol sa China, ang matatag na balwarteng ito ng Ateismo, ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos ay galit na galit na namang kinontra at kinokondena ng mga pinuno ng mga relihiyon. Kaya, mayroon ding malulupit na pagdakip at pang-uusig ng masamang rehimen ng CCP. Subalit kumalat pa rin ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos sa buong Mainland China. Yaong mga nagmula sa iba’t ibang mga sekta at denominasyon na talagang lubos na naniniwala sa Diyos ay bumalik na sa harapan ng trono ng Diyos. Lahat ng katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay makikita rin ng publiko online para hanapin at hangarin ng mga tao mula sa mga bansa at teritoryo sa buong mundo. May dalang awtoridad, at kapangyarihan, ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nabihag nito ang puso ng milyun-milyong tao. Partikular na, yaong mga tunay na naniniwala sa Diyos, at nauuhaw sa tunay na daan ay bumalik nang lahat sa harapan ng trono ng Diyos, at masayang nadidiligan at napaglalaanan ng mga salita ng Diyos. Talagang nagawang ganap ng Makapangyarihang Diyos ang isang grupo ng mga mananagumpay at nakakuha ng isang grupo ng mga tao na katulad ng Diyos ang iniisip. Yaong mga nasa komunidad ng mga relihiyon na kumokontra at humuhusga sa gawain ng Diyos, samantala, ay pinarusahan at isinumpa nang lahat sa iba’t ibang katindihan. Ang ilan ay inilantad bilang mga anticristo, at napatawan na ng parusa, na napakalupit. Mas masahol pa kay Judas ang pagkamatay nila. Sa ganitong paraan, nakikita natin na tunay na hindi masaktan ng tao ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Ang masamang rehimen ng CCP, na kumakalaban sa Diyos at itinalaga ang sarili na kalabanin ang Diyos, ay isinumpa na rin ng Diyos. Nakatadhana itong malipol, na lubos na nagpapamalas ng matuwid na disposisyon ng Diyos! Mula sa katunayan ng gawain ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, nakikita natin ang natatanging awtoridad ng Diyos, na kumokontrol sa lahat ng bagay. Ang disposisyon ng Diyos ay isang simbolong hindi mapipigilan ng anumang mga puwersa ng kadiliman. Lahat ng puwersang kumakalaban sa Diyos ay babaliktad sa gitna ng kaparusahan ng Diyos, at hindi na iiral. Totoo ito. Naranasan natin ang paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa pamamagitan ng salita. Nakita natin na ang disposisyon ng Diyos ay hindi lang maawain at mahabagin, kundi matuwid at makahari. Maraming beses nating hindi naunawaan ang Diyos dahil hindi natin nauunawaan ang Kanyang kalooban, subalit ang Diyos ay nagpapaalala, nagpapanatag, at nagpapayo sa atin, kaya nararanasan natin ang awa at habag ng Diyos. Ngunit kapag sinuway natin ang Diyos, malupit Niya tayong hinahatulan, binubunyag, at dinidisiplina, Revision: kaya nagpapasalamat tayo na ang disposisyon ng Diyos ay matuwid, makahari, at hindi pinapayagan ang pagkakasala ng tao! Sa mga tunay na karanasan natin, nakita na natin kung gaano katotoo, katunay at kalinaw ang disposisyon ng Diyos, ang Diyos ay napakabanal, napakamatuwid, napakagiliw at kapita-pitagan. Totoo at tunay na nagpakita ang Diyos para gumawa na kasama ng tao at kaharap natin, at personal tayong ginagabayan, at inililigtas tayo. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang ating Panginoon, ang ating Diyos, ang nag-iisang tunay na Diyos na lumikha sa langit at lupa at sa lahat ng bagay, at naghahari sa lahat ng bagay.

mula sa iskrip ng pelikulang Paghihintay

Sinundan: Tanong 3: Ano ang pagkakaiba ng mga salita ng Diyos na inihatid ng mga propetang katulad nina Isaias, Ezekiel, at Daniel mula sa Kapanahunan ng Kautusan, sa mga salitang ipinahayag ng Diyos sa laman?

Sumunod: Tanong 1: Namatay sa krus ang Panginoong Jesus para sa atin. Tinubos niya tayo sa mga kasalanan at pinatawad ang ating mga sala, ginawa Niya ito para iligtas tayo at ipinagkaloob sa atin na makapasok sa kaharian ng langit. Kahit patuloy tayong nagkakasala at kailangan pa tayong linisin, pinatawad ng Panginoon ang lahat ng kasalanan natin at ginawa tayong karapat-dapat sa pamamagitan ng ating pananampalataya. Akala ko hangga’t isinasakripisyo natin ang lahat para makagawa para sa Panginoon, hangga’t payag tayong magtiis ng paghihirap at magbigay ng kabayaran, papayagan tayong makapasok sa kaharian ng langit. Akala ko ’yon ang pinangako sa atin ng Panginoon. Gano’n pa man, ilan sa mga kapatid natin ang kumukwestyon ngayon sa paniniwalang ’yon. Sabi nila kahit daw nagsikap tayo para sa Panginoon, madalas pa rin tayong magkasala at ikinukumpisal ang mga kasalanan natin, kaya hindi pa rin tayo nalilinis. Inihayag nila na banal ang Panginoon, kaya hindi Siya maaaring makita ng mga taong hindi banal. Ang tanong ko ay: Tayong mga isinakripisyo ang lahat para sa Panginoon, talaga bang madadala tayo sa kaharian ng langit? Talagang hindi pa natin alam ang sagot sa tanong na ’yon, kaya gusto naming kausapin niyo kami tungkol do’n.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 10: Matagal na akong nagtatrabaho para sa United Front, at napag-aralan ko na ang iba’t ibang relihiyon. Ang Kristiyanismo, Katolisismo at Eastern Orthodoxy ay pawang mga relihiyong orthodox na nananalig kay Jesus. Pero ibang-iba ang pananalig n’yo sa Makapangyarihang Diyos. Ayon sa mga dokumento ng CCP, ang Makapangyarihang Diyos ay ni hindi kabilang ng Kristiyanismo. Nangangaral kayo ng ebanghelyo sa iba’t ibang sekta sa ilalim ng Kristiyanismo na hindi kayo kinikilalang Kristiyano. Kaya hinding-hindi ko kayo papayagang manalig sa Makapangyarihang Diyos. Maaari lang kayong manalig sa Kristiyanismo kung gusto nyo. Mas magaan ang pagpapahirap ng gobyerno sa ganitong paraan. Kung maaresto at mabilanggo kayo dahil sa pananalig sa Makapangyarihang Diyos, manganganib ang buhay n’yo. Nakita na ng CCP na lahat ng nananalig sa Makapangyarihang Diyos ay walang salang mga alagad ni Cristo sa mga huling araw na mga disipulo at apostol ni Cristo. Ang lubhang pinangangambahan ng CCP ay ang mga pahayag at patotoo sa aklat na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao na ipinahayag ni Cristo sa mga huling araw, pati na ang matatag na grupong sumusunod kay Cristo sa mga huling araw. Napag-aralan na namin ang kasaysayan ng Kristiyanismo. Ang lubhang pinangambahan ng imperyong Romano ay ang mga disipulo at apostol ni Jesus. Kaya nang hulihin ang mga taong ito, pinagpapatay sila sa iba’t ibang pamamaraan. Ngayon, kung hindi ginawa ang mga hakbang na ito para supilin at lubos na ipagbawal ang grupong ito ng mga tao na sumusunod sa Cristo ng mga huling araw, ilang taon pa lang, mapapailalim sa kanila ang lahat ng iba’t ibang relihiyon. Sa ngayon, ang ilang pangunahing grupong Kristiyano sa China ay napailalim na ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kung hindi inimbento ng CCP ang ilang opinyon ng publiko at nagpakana ng Kaso sa Zhaoyuan, darating siguro ang araw na mapapailalim ang iba’t ibang relihiyon sa mundo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kapag napailalim sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng iba’t ibang relihiyon, lubhang makakasama ’yan sa pamamahala ng CCP. Sa gayon, matatag ang determinasyon ng Central Committee na gamitin ang lahat ng puwersa para lubos na ipagbawal ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa loob ng maikling panahon. Dapat n’yong malaman, ang paglitaw ng Kidlat ng Silanganan ay hindi lamang nabalita sa China, malaking balita rin ito sa mundo. Dahil gumawa kayo ng napakalaking hakbang, paanong hindi galit na maglulunsad ng malakihang pagsupil at pag-aresto ang CCP laban sa inyo? Kung kailangan n’yong maniwala sa Diyos, maaari lang kayong manalig sa Kristiyanismo. Talagang bawal kayong manalig sa Makapangyarihang Diyos. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay hindi kabilang ng Kristiyanismo, hindi n’yo ba alam ’yan?

Sagot: Kasasabi n’yo lang ng mismong dahilan kaya sinusupil ng CCP ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Pero hindi ba n’yo alam kung...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito