Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Klasikong Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

III Mga Klasikong Salita tungkol sa mga Hiwaga ng Pagkakatawang-tao ng Diyos

1. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at ang Cristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinatawag na Diyos. Walang kalabisan tungkol dito, sapagka’t Siya ay may taglay ng diwa ng Diyos, at may taglay ng disposisyon ng Diyos, at may karunungan sa Kanyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Sila na itinuturing ang sarili nila bilang Cristo, nguni’t hindi kayang gawin ang gawain ng Diyos ay mga manlilinlang. Ang Cristo ay hindi lang ang pagpapakita ng Diyos sa lupa, kundi ang partikular na katawang-tao ring tinaglay ng Diyos habang ginagawa at tinatapos Niya ang Kanyang gawain sa tao. Ang katawang-taong ito ay hindi kayang palitan ng kahit na sinong tao lang, kundi ng isang taong sapat na makakayanan ang gawain ng Diyos sa lupa, at makapagpapahayag ng disposisyon ng Diyos, at maaaring katawanin nang husto ang Diyos, at makapagbibigay ng buhay sa tao. Sa malao’t madali, yaong mga nagpapanggap na Cristo ay babagsak na lahat, dahil kahit sinasabi nila na sila ang Cristo, wala silang taglay na diwa ng Cristo. Kaya nga sinasabi Ko na ang pagiging-tunay ng Cristo ay hindi kayang tukuyin ng tao, nguni’t ito’y sinasagot at pinagpapasiyahan ng Diyos Mismo.

—mula sa “Tanging ang Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

2. Ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ay na ang Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao, at Siya’y napaparito upang gumawa sa gitna ng mga tao na Kanyang nilikha sa larawan ng isang katawang-tao. Kaya, para magkatawang-tao ang Diyos, kailangan muna Siyang magkaroon ng katawan, katawang-tao na may normal na pagkatao; ito ang pinakaunang dapat munang mangyari. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na ang Diyos ay buhay at gumagawa sa katawang-tao, ang Diyos sa Kanyang tunay na diwa ay nagkakaroon ng katawan, nagiging isang tao.

—mula sa “Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinatahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

3. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at ang Cristo ay ang katawang pinasukan ng Espiritu ng Diyos. Ang katawang ito ay hindi katulad ng sinumang taong may katawan. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo kundi pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay may kapwa normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi taglay ng sinumang tao. Ang Kanyang normal na katauhan ang sumusuporta sa lahat ng Kanyang normal na mga gawain sa katawang-tao, samantalang ang Kanyang pagka-Diyos ang nagsasakatuparan ng gawain ng Diyos Mismo. Maging ito man ang Kanyang pagkatao o pagka-Diyos, kapwa itong nagpapasakop sa kalooban ng Amang nasa langit. Ang diwa ni Cristo ay ang Espiritu, iyon ay, ang pagka-Diyos. Samakatuwid, ang Kanyang diwa ay yaong sa Diyos Mismo; ang diwa na ito ay hindi gagambala sa Kanyang sariling gawain, at hindi Siya posibleng makagawa ng anumang bagay na nakasisira sa Kanyang sariling gawain, ni hindi rin Siya bibigkas ng anumang mga salita na sumasalungat sa Kanyang sariling kalooban. Samakatuwid, ang nagkatawang-taong Diyos ay siguradong hindi kailanman gagawa ng kahit anong gawain na nakagagambala sa Kanyang sariling pamamahala. Ito ang dapat maintindihan ng lahat ng tao.

—mula sa “Ang Diwa ni Cristo ay Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

4. Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ay magkakaroon ng diwa ng Diyos, at Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magkakaroon ng pagpapahayag ng Diyos. Yamang ang Diyos ay nagiging katawang-tao, ilalahad Niya ang gawaing dapat Niyang gawin, at yamang ang Diyos ay nagiging katawang-tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at nagagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban ng buhay ang tao, at ipakita sa tao ang daan. Ang katawan na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Para masiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan itong matukoy ng tao mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy mula sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy[a] kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang susi ay bigyang-pansin ang Kanyang diwa (Kanyang gawa, Kanyang mga salita, Kanyang disposisyon, at marami pang iba), sa halip na ang panlabas na anyo. Kung ang nakikita lamang ng tao ay ang Kanyang panlabas na anyo, at hindi niya napapansin ang Kanyang diwa, ipinapakita niyan ang kamangmangan at kawalang-muwang ng tao.

—mula sa Paunang Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

5. Nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang walang materyal na katawan, kundi ang tao, na may laman at nagawang tiwali na ni Satanas. Ito ay tiyak na dahil ang laman ng tao ay naging tiwali kaya nagawa ng Diyos ang taong maka-laman na pakay ng Kanyang gawain; bukod dito, sapagka’t ang tao ay ang pakay ng katiwalian, nagawa Niya ang tao na tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Ang tao ay isang nilalang na may kamatayan, na may laman at dugo, at ang Diyos lamang ang tanging Isa na maaaring magligtas sa tao. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay dapat maging isang katawang-tao na nagtataglay ng parehong mga katangian bilang tao upang gawin ang Kanyang gawain, upang makamit ng Kanyang gawain ang mas mahusay na mga epekto. Kailangang maging katawang-tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain dahil ang tao ay sa laman, at hindi kayang pagtagumpayan ang kasalanan o alisin ang kanyang sarili sa laman.

—mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Pagliligtas ng Diyos na Naging Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

6. Walang sinumang mas angkop, at karapat-dapat, kaysa sa Diyos sa katawang-tao para sa gawain ng paghatol sa katiwalian ng katawan ng tao. Kung ang paghatol ay isinagawa nang direkta ng Espiritu ng Diyos, kung gayon ito ay hindi magiging para sa lahat. Bukod dito, ang gayong gawain ay magiging mahirap para sa tao na tanggapin, sapagka’t ang Espiritu ay hindi kayang lumapit nang harap-harapan sa tao, at dahil dito, ang mga epekto ay hindi magiging agaran, lalong hindi makikita ng tao ang di-naaagrabyadong disposisyon ng Diyos nang lalong malinaw. Matatalo lamang nang lubusan si Satanas kung hahatulan ng Diyos sa katawang-tao ang katiwalian ng sangkatauhan. Dahil tulad sa tao na nagtataglay ng normal na pagkatao, maaaring tuwirang hatulan ng Diyos sa katawang-tao ang kasamaan ng tao; ito ang tatak ng Kanyang likas na kabanalan, at ng Kanyang pagiging katangi-tangi. Diyos lamang ang karapat-dapat, at nasa posisyon, na hatulan ang tao, sapagkat taglay Niya ang katotohanan, at katuwiran, kaya nga nagagawa Niyang hatulan ang tao. Yaong mga walang katotohanan at katuwiran ay hindi akmang hatulan ang iba. Kung ang gawain na ito ay ginawa ng Espiritu ng Diyos, kung gayon ito ay hindi magiging tagumpay laban kay Satanas. Ang Espiritu ay likas na higit na mabunyi kaysa may kamatayang mga nilalang, at ang Espiritu ng Diyos ay likas na banal, at matagumpay sa laman. Kung direktang ginawa ng Espiritu ang gawaing ito, hindi Niya magagawang hatulan ang lahat ng pagsuway ng tao, at hindi maaaring ibunyag ang lahat ng hindi pagkamatuwid ng tao. Sapagka’t ang gawain ng paghatol ay natutupad din sa pamamagitan ng mga pagkaintindi ng tao sa Diyos, at ang tao ay hindi kailanman nagkaroon ng anumang mga pagkaintindi sa Espiritu, at sa gayon ang Espiritu ay hindi kaya ang mas mainam na pagbubunyag sa hindi pagkamatuwid ng tao, lalong hindi kaya ang ganap na pagsisiwalat ng gayong hindi pagkamatuwid. Ang nagkatawang-taong Diyos ay kaaway ng lahat ng tao na hindi nakakakilala sa Kanya. Sa pamamagitan ng paghatol sa mga pagkaintindi ng tao at pagsalungat sa Kanya, isinisiwalat Niya ang lahat ng pagsuway ng sangkatauhan. Ang mga epekto ng Kanyang gawain sa katawang-tao ay mas kitang-kita kaysa sa mga gawain ng Espiritu. At kaya, ang paghatol ng lahat ng sangkatauhan ay hindi natutupad nang direkta ng Espiritu, nguni’t ito ay gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Ang Diyos sa katawang-tao ay makikita at mahihipo ng tao, at ang Diyos sa katawang-tao ay maaaring ganap na lupigin ang tao. Sa kanyang relasyon sa Diyos sa katawang-tao, ang tao ay umuusad mula sa pagsalungat patungo sa pagsunod, mula sa pag-uusig patungo sa pagtanggap, mula sa pagkaintindi patungo sa kaalaman, at mula sa pagtanggi patungo sa pag-ibig. Ito ang mga epekto ng gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Naliligtas lamang ang tao sa pamamagitan ng pagtanggap ng Kanyang paghatol, unti-unti lamang na nakikilala Siya sa pamamagitan ng mga salita ng Kanyang bibig, nalulupig Niya sa panahon ng kanyang pagsalungat sa Kanya, at tumatanggap ng panustos ng buhay mula sa Kanya sa panahon ng pagtanggap ng Kanyang pagkastigo. Ang lahat ng gawaing ito ay ang gawain ng Diyos sa katawang-tao, at hindi ang gawain ng Diyos sa Kanyang pagkakakilanlan bilang Espiritu.

—mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Pagliligtas ng Diyos na Naging Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

7. Hayagang naging tao ang Diyos para sa layunin ng paghahatid ng isang bagong kapanahunan, at, siyempre, kapag inihahatid Niya ang isang bagong kapanahunan, natapos na rin Niya ang naunang kapanahunan. Ang Diyos ay ang Simula at ang Katapusan; Siya Mismo ang nagpapatakbo ng Kanyang gawain at kaya dapat Siya Mismo ang tatapos sa naunang kapanahunan. Iyon ang patunay na tinatalo Niya si Satanas at nilulupig ang mundo. Tuwing gumagawa Siya Mismo sa gitna ng tao, ito ay simula ng isang bagong labanan. Kung walang pagsisimula ng bagong gawain, natural na walang konklusyon ng luma. At ang kawalang konklusyon ng luma ang patunay na ang pakikipagdigma kay Satanas ay hindi pa natatapos. Tanging kung ang Diyos Mismo ay dumarating at nagdadala ng bagong gawain sa gitna ng tao na ganap na makakalaya ang tao mula sa sakop ni Satanas at makakatamo ng isang bagong buhay at bagong simula. Kung hindi, mamumuhay magpakailanman ang tao sa lumang kapanahunan at mamumuhay magpakailanman sa ilalim ng lumang impluwensiya ni Satanas. Sa bawa’t kapanahunan na pinangunahan ng Diyos, ang isang bahagi ng tao ay napapalaya, at sa gayon ay sumusulong ang tao kasama ng gawain ng Diyos patungo sa bagong kapanahunan. Ang tagumpay ng Diyos ay tagumpay para sa lahat niyaong mga sumusunod sa Kanya. Kung ang sangkatauhang nilikha ay inakusahan ng pagtatapos ng kapanahunan, kung gayon iyon man ay sa pananaw ng tao o ni Satanas, ito ay walang iba kundi isang gawa na sumasalungat o nagtataksil sa Diyos, hindi ng pagsunod sa Diyos, at ang gawa ng tao ay magiging kasangkapan para kay Satanas. Magiging ganap na kumbinsido si Satanas kung tatalima at susunod lamang ang tao sa Diyos sa isang kapanahunan na inihatid ng Diyos Mismo, dahil iyon ang tungkulin ng isang nilalang. Kaya sinasabi ko na kailangan lamang ninyong sumunod at tumalima, at wala nang ibang hinihingi sa inyo. Iyon ang ibig sabihin ng pagpapanatili ng bawa’t isa sa kanyang tungkulin at pagganap ng kanyang gawain. Ginagawa ng Diyos ang Kanyang sariling gawain at hindi kailangan ang tao para humalili sa paggawa ng Kanyang gawain, at hindi rin Niya isinasangkot ang Kanyang Sarili sa gawain ng mga nilalang. Gumaganap ang tao ng kanyang sariling tungkulin at hindi nakikialam sa gawain ng Diyos, at iyon ang tunay na pagsunod at patunay na natalo na si Satanas. Pagkatapos ng Diyos Mismo na naghatid sa bagong kapanahunan, hindi na Siya Mismo gumagawa sa gitna ng tao. Pagkatapos noon saka lamang opisyal na humahakbang ang tao patungo sa bagong kapanahunan upang gampanan ang kanyang tungkulin at tuparin ang kanyang misyon bilang isang nilalang. Ganyan ang mga alituntunin ng paggawa na hindi maaaring suwayin ninuman. Ang ganitong paraan lamang ng paggawa ang matino at makatwiran. Ang gawain ng Diyos ay ginagawa ng Diyos Mismo. Siya ang nagpapasimulang patakbuhin ang Kanyang gawain, at Siya rin ang tumatapos nito. Siya ang nagplaplano ng gawain, at Siya rin ang namamahala nito, at lalo na, Siya ang nagpapabunga sa gawain. Tulad ito ng nakasaad sa Biblia, “Ako ang Pasimula at ang Katapusan; Ako ang Tagahasik at ang Tagaani.” Ang lahat ng may kaugnayan sa gawain ng Kanyang pamamahala ay ginagawa Niya Mismo. Siya ang Tagapamahala ng anim-na-libong-taong plano sa pamamahala; walang sinuman ang makakagawa ng Kanyang gawain bilang kahalili Niya o magtatapos ng Kanyang gawain, dahil Siya ang may kontrol ng lahat. Dahil nilikha Niya ang mundo, aakayin Niya ang buong mundo na mamuhay sa Kanyang liwanag, at tatapusin Niya ang buong kapanahunan upang dalhin ang lahat ng Kanyang plano sa katuparan!

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

8. Ang unang pagkakatawang-tao ay upang tubusin ang tao mula sa kasalanan sa pamamagitan ng katawang-tao ni Jesus, iyon ay, iniligtas Niya ang tao mula sa krus, nguni’t ang tiwaling maka-satanas na disposisyon ng tao ay nanatili pa rin sa loob ng tao. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay hindi na upang magsilbing handog para sa kasalanan kundi upang lubos na iligtas yaong mga taong tinubos mula sa kasalanan. Ito ay ginagawa upang ang mga pinatawad ay mapalaya mula sa kanilang mga kasalanan at magawang ganap na malinis, at magkamit ng pagbabago sa disposisyon, at sa gayon ay makakawala sa kapangyarihan ng kadiliman ni Satanas at makakabalik sa harap ng trono ng Diyos. Tanging sa paraang ito maaaring maging lubos na mapabanal ang tao. Sinimulan ng Diyos ang gawain ng pagliligtas sa Kapanahunan ng Biyaya nang matapos na ang Kapanahunan ng Kautusan. Nitong mga huling araw, ganap na dadalisayin ng Diyos ang sangkatauhan sa pamamagitan ng paggawa ng gawain ng paghatol at pagkastigo sa tao para sa pagka-mapanghimagsik, saka tatapusin ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagliligtas at papasok sa kapahingahan. Samakatuwid, sa tatlong yugto ng gawain, dalawang beses lamang nagkatawang-tao ang Diyos upang isagawa Niya Mismo ang Kanyang gawain sa tao. Iyon ay dahil isa lamang sa tatlong yugto ng gawain ang pag-akay sa tao sa kanilang mga buhay, habang ang iba pang dalawa ay ang gawain ng pagliligtas. Tanging kung nagiging katawang-tao ang Diyos saka Siya maaaring mamuhay kasama ng tao, maranasan ang paghihirap ng mundo, at mamuhay sa isang ordinaryong laman. Tanging sa ganitong paraan Niya maaaring matustusan ang taong Kanyang nilikha ng praktikal na salitang kailangan nila. Ang tao ay nakakatanggap ng lubos na kaligtasan mula sa Diyos dahil sa Diyos na nagkatawang-tao, hindi direkta mula sa kanilang mga panalangin sa langit. Sapagka’t ang tao ay makalaman; hindi kaya ng tao na makita ang Espiritu ng Diyos at lalong hindi niya kayang lapitan Siya. Ang kaya lamang na makasama ng tao ay ang katawang-tao ng nagkatawang-taong Diyos; sa pamamagitan lamang Niya mauunawaan ng tao ang lahat ng salita at ang lahat ng katotohanan, at makakatanggap ng buong kaligtasan. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay sapat upang alisin ang mga kasalanan ng tao at ganap na dalisayin ang tao. Samakatuwid, ang pangalawang pagkakatawang-tao ay magdadala sa pagtatapos ng lahat ng gawain ng Diyos sa katawang-tao at kukumpleto sa kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Pagkatapos noon, ang gawain ng Diyos sa katawang-tao ay lubos na magtatapos. Pagkatapos ng ikalawang pagkakatawang-tao, hindi na Siya muling magiging katawang-tao para sa Kanyang gawain. Sapagka’t ang Kanyang buong pamamahala ay darating sa isang pagtatapos. Sa mga huling araw, ganap nang makakamit ng Kanyang pagkakatawang-tao ang Kanyang hinirang na bayan, at ang lahat ng tao sa mga huling araw ay mapaghihiwalay na ayon sa kanilang uri. Hindi na Niya gagawin ang gawain ng pagliligtas, ni hindi rin Siya babalik sa katawang-tao upang magsakatuparan ng anumang gawain.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

9. Ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ay na ang isang payak at normal na tao ay ginagawa ang gawain ng Diyos Mismo; ibig sabihin, ginagawa ng Diyos na iyon ang Kanyang banal na gawain sa pagkatao at sa gayo’y nagagapi si Satanas. Ang pagkakatawang-tao ay nangangahulugan na ang Espiritu ng Diyos ay nagiging isang katawang-tao, iyon ay, ang Diyos ay nagiging tao; ang gawain na ginagawa Niya sa katawang-tao ay ang gawain ng Espiritu, na naging tunay sa katawang-tao, ipinahayag sa pamamagitan ng katawang-tao. Walang sinuman maliban sa katawang-tao ng Diyos ang maaaring tumupad sa ministeryo ng nagkatawang-taong Diyos; iyon ay, ang nagkatawang-taong Diyos lamang, itong karaniwang katauhan—at walang sinumang iba pa—ang makakapagpahayag ng maka-Diyos na gawain. Kung, noong una Siyang pumarito, ang Diyos ay hindi nagkaroon ng normal na katauhan bago Siya nag-dalawampu’t siyam na taong gulang—kung noong ipanganak Siya ay agad Siyang nakagawa ng mga himala, kung noong matuto Siyang magsalita ay agad Siyang nakapagsalita ng wika ng langit, kung noong una Siyang tumapak sa lupa ay naunawaan na Niya kaagad ang lahat ng makamundong mga bagay, na nahihiwatigan ang iniisip at mga intensyon ng bawat tao—hindi maaaring tawagin ang taong iyon na isang normal na tao, at hindi maaaring tawagin ang katawang iyon na katawan ng tao. Kung ganito ang nangyari kay Cristo, nawalan sana ng kahulugan at diwa ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Ang pagtataglay Niya ng normal na katauhan ay nagpapatunay na Siya ang totoong Diyos na nagkatawang-tao; ang katotohanan na Siya ay sumailalim sa normal na proseso ng paglaki ng tao ay lalo pang nagpapakita na Siya ay may normal na katawan; at bukod doon, ang Kanyang gawain ay sapat na patunay na Siya ang Salita ng Diyos, Espiritu ng Diyos, na naging tao. Ang Diyos ay nagkakatawang-tao dahil sa mga pangangailangan ng gawain; sa madaling salita, ang yugtong ito ng gawain ay kailangang isagawa sa katawang-tao, isagawa sa normal na katauhan. Ito ang unang kailangan para sa “ang Salita na naging tao,” para sa “ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao,” at ito ang tunay na kuwento sa likod ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos.

—mula sa “Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinatahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

10. Sapagka’t ang Diyos ay nagkatawang-tao, Kanyang napapaging-tunay ang Kanyang diwa sa loob ng Kanyang katawang-tao, sa gayon ang Kanyang katawang-tao ay sapat upang isagawa ang Kanyang gawain. Samakatuwid, lahat ng gawain ng Espiritu ng Diyos ay pinapalitan ng gawain ni Cristo sa loob ng panahon ng Kanyang pagkakatawang-tao, at ang kaibuturan ng lahat ng gawain sa buong panahon ng pagkakatawang-tao ay ang gawain ni Cristo. Ito ay hindi maaaring maihalo sa gawain mula sa kahit anong ibang kapanahunan. At mula nang nagkatawang-tao ang Diyos, Siya ay gumagawa sa pagkakakilanlan ng Kanyang katawang-tao; yamang Siya ay nagkatawang-tao, tinatapos din Niya sa katawang-tao ang gawain na dapat Niyang gawin. Maging ito man ay ang Espiritu ng Diyos o ito man ay si Cristo, Sila ay kapwa Diyos Mismo, at ginagawa Niya ang gawain na dapat Niyang gawin at ginagampanan ang ministeryong dapat Niyang gampanan.

—mula sa “Ang Diwa ni Cristo ay Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

11. Ang buhay na ipinamumuhay ng nagkatawang-taong Diyos sa panahon ng Kanyang ministeryo ay isa na parehong pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Kung mula sa sandali ng Kanyang pagsilang ay masigasig na sinimulan ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang ministeryo, na nagsasagawa ng kahima-himalang mga tanda at kababalaghan, hindi sana Siya nagkaroon ng pisikal na kakanyahan. Samakatuwid, umiiral ang Kanyang katauhan para sa kapakanan ng Kanyang pisikal na kakanyahan; hindi maaaring magkaroon ng katawan kung walang katauhan, at ang isang taong walang katauhan ay hindi isang tao. Sa ganitong paraan, ang katauhan ng katawan ng Diyos ay tunay na pagmamay-ari ng nagkatawang-taong laman ng Diyos. Ang sabihing “kapag naging tao ang Diyos Siya ay ganap na banal, hindi talaga tao,” ay isang kalapastanganan, dahil imposible itong panindigan, na lumalabag sa prinsipyo ng pagkakatawang-tao. Kahit pagkatapos Niyang simulang gampanan ang Kanyang ministeryo, ang Kanyang pagka-Diyos ay nananahan pa rin sa panlabas na balat ng tao kapag ginagawa Niya ang Kanyang gawain; ito ay dahil nang panahong iyon, ang Kanyang pagkatao ay para lamang pahintulutan ang Kanyang pagka-Diyos na gampanan ang gawain sa normal na katawang-tao. Kaya ang kumakatawan ng gawain ay ang pagka-Diyos na nananahan sa Kanyang katauhan. Ang Kanyang pagka-Diyos, hindi ang Kanyang pagkatao, ang nasa gawain, datapwa’t ito ay isang pagka-Diyos na nakatago sa loob ng Kanyang pagkatao; ang Kanyang gawain sa katunayan ay tinutupad sa pamamagitan ng Kanyang ganap na pagka-Diyos, hindi sa pamamagitan ng Kanyang pagkatao. Nguni’t ang tagaganap ng gawain ay ang Kanyang katawang-tao. Maaaring sabihin ng isa na Siya ay isang tao at isa ring Diyos, sapagka’t ang Diyos ay nagiging isang Diyos na namumuhay sa katawang-tao, may balat ng tao at diwa ng tao nguni’t mayroon ding diwa ng Diyos. Sapagkat Siya ay isang tao na may diwa ng Diyos, nakakataas Siya sa sinuman sa mga taong nilikha, nakakataas sa sinumang taong makakagawa ng gawain ng Diyos. Kaya nga, sa lahat ng may balat ng taong kagaya Niya, sa lahat ng nagtataglay ng katauhan, Siya lamang ang Diyos Mismo na nagkatawang-tao—lahat ng iba pa ay mga taong nilikha. Kahit lahat sila ay may katauhan, katauhan lamang ang mayroon ang mga taong nilikha, samantalang ang Diyos na nagkatawang-tao ay naiiba: Sa Kanyang katawang-tao hindi lamang Siya may katauhan kundi ang mas mahalaga ay mayroon Siyang pagka-Diyos. Ang Kanyang katauhan ay makikita sa panlabas na anyo ng Kanyang katawan at sa Kanyang pang-araw-araw na buhay, nguni’t ang Kanyang pagka-Diyos ay mahirap matalos. Dahil ang Kanyang pagka-Diyos ay naipapahayag lamang kapag Siya ay may katauhan, at hindi kahima-himalang tulad ng palagay ng mga tao, lubhang mahirap para sa mga tao na makita ito. Kahit ngayon lubos na mahirap para sa mga tao na arukin ang totoong diwa ng nagkatawang-taong Diyos. Sa katunayan, kahit pagkatapos Kong magsalita tungkol dito nang ganoon kahaba, inaasahan Ko na ito ay isa pa ring misteryo sa karamihan sa inyo. Ang isyung ito ay napakasimple: Yamang ang Diyos ay nagiging tao, ang Kanyang diwa ay kumbinasyon ng pagkatao at pagka-Diyos. Ang kumbinasyong ito ay tinatawag na Diyos Mismo, ang Diyos Mismo sa lupa.

—mula sa “Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinatahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

12. Umiiral ang pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao para mapanatili ang normal na banal na gawain sa katawan; ang Kanyang normal na pag-iisip ng tao ay sumusuporta sa Kanyang normal na katauhan at sa lahat ng Kanyang normal na pisikal na gawain. Maaaring sabihin ng isang tao na umiiral ang Kanyang normal na pag-iisip ng tao upang suportahan ang lahat ng gawain ng Diyos sa katawan. Kung ang katawang ito ay hindi nagtaglay ng isang normal na isipan ng tao, hindi maaaring gumawa ang Diyos sa katawan, at hindi maisasakatuparan kailanman ang kailangan Niyang gawin sa katawan. Kahit ang nagkatawang-taong Diyos ay nagtataglay ng normal na isipan ng tao, ang Kanyang gawain ay hindi nahahaluan ng pantaong kaisipan; isinasabalikat Niya ang gawain sa katauhan na may normal na isipan, sa ilalim ng patiunang-kundisyon na nagtataglay Siya ng pagkatao na may isipan, hindi sa pamamagitan ng pagsasagawa ng normal na pag-iisip ng tao. Gaano man katayog ang mga kaisipan ng Kanyang katawang-tao, ang Kanyang gawain ay hindi nagdadala ng tatak ng pangangatwiran o pag-iisip. Sa madaling salita, ang Kanyang gawain ay hindi binubuo ng isipan ng Kanyang katawang-tao, kundi direktang pagpapahayag ng maka-Diyos na gawain sa Kanyang pagkatao. Ang lahat ng Kanyang gawain ay ang ministeryo na kailangan Niyang tuparin, at wala rito ang anumang inisip ng Kanyang utak. Halimbawa, ang pagpapagaling sa maysakit, ang pagpapalayas ng mga demonyo, at pagpapako sa krus ay hindi mga produkto ng Kanyang pantaong isipan, hindi matatamo ng kahit sinong tao na may pantaong isipan. Gayundin, ang mapanlupig na gawain ngayon ay ang ministeryo na dapat magawa ng nagkatawang-taong Diyos, nguni’t hindi ito ang gawain ng kagustuhan ng tao, ito ang gawain na dapat gawin ng Kanyang pagka-Diyos, gawain na walang kahit sinong tao ang may kaya. Kaya ang Diyos na nagkatawang-tao ay dapat magtaglay ng isang normal na isipan ng tao, dapat magtaglay ng karaniwang pagkatao, dahil dapat Niyang gampanan ang Kanyang gawain sa katauhan na may normal na isipan. Ito ang diwa ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, ang pinakadiwa ng Diyos na nagkatawang-tao.

Bago ginampanan ni Jesus ang gawain, Siya’y namuhay lamang sa Kanyang karaniwang pagkatao. Walang sinuman ang makakapagsabi na Siya ay Diyos, walang sinuman ang nakaalam na Siya ay nagkatawang-taong Diyos; kilala lamang Siya ng mga tao bilang isang ganap na ordinaryong tao. Ang Kanyang lubos na payak, normal na pagkatao ay patunay na ang Diyos ay nagkatawang-tao sa laman, at na ang Kapanahunan ng Biyaya ay ang kapanahunan ng paggawa ng nagkatawang-taong Diyos, hindi ang kapanahunan ng paggawa ng Espiritu. Ito ay patunay na ang Espiritu ng Diyos ay ganap na naging totoo sa katawang-tao, na sa kapanahunan ng pagkakatawang-tao ng Diyos ang Kanyang katawang-tao ay gagawa ng lahat ng gawain ng Espiritu. Ang Cristo na may normal na katauhan ay isang katawan kung saan ang Espiritu ay naging totoo, nagtataglay ng normal na katauhan, normal na diwa, at pag-iisip ng tao. Ang ibig sabihin ng “maging totoo” ay nagiging tao ang Diyos, ang Espiritu ay nagiging katawang-tao; upang palinawin ito, ito’y kapag ang Diyos Mismo ay nananahan sa isang katawang may normal na katauhan, at sa pamamagitan nito ay ipinapahayag Niya ang Kanyang banal na gawain—ito ang ibig sabihin ng maging totoo, o magkatawang-tao.

—mula sa “Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinatahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

13. Ang Diyos ay nakarating sa lupa upang gawin ang Kanyang gawain sa gitna ng tao, upang personal na ibunyag sa tao ang Sarili Niya, at tulutan ang tao na mapagmasdan Siya; ito ba ay maliit na bagay? Ito ay tunay na mahalagang bagay! Hindi ito gaya ng iniisip ng tao na ang Diyos ay dumating nang sa gayon ay makita Siya ng tao, nang sa gayon ay maaaring maunawaan ng tao na ang Diyos ay tunay at hindi malabo o hungkag, at na ang Diyos ay mataas ngunit mapagkumbaba rin. Ganoon lang kaya ito kasimple? Tiyak na dahil natiwali na ni Satanas ang laman ng tao, at ang tao ang siyang hinahangad iligtas ng Diyos, kaya kailangang magkatawang-tao ang Diyos upang makipagdigma kay Satanas at upang personal na akayin ang tao. Ito lamang ang kapaki-pakinabang sa Kanyang gawain. Ang dalawang katawang-tao ng Diyos ay umiral upang talunin si Satanas, at umiral din upang mas mabisang iligtas ang tao. Iyon ay dahil ang siyang nakakagawa ng pakikipagdigma kay Satanas ay ang Diyos lamang, maging ito man ay ang Espiritu ng Diyos o ang katawang-tao ng Diyos. Sa madaling sabi, ang siyang nakakagawa ng pakikipagdigma kay Satanas ay hindi ang mga anghel, lalong hindi ito ang tao, na nagawa nang tiwali ni Satanas. Walang kapangyarihan ang mga anghel na gawin ito, at ang tao ay lalo pang mas inutil. Sa gayon, kung ninanais ng Diyos na gawaan ang buhay ng tao, kung ninanais Niyang personal na pumunta sa lupa upang gawaan ang tao, kung gayon ay kailangan Niyang personal na maging katawang-tao, iyon ay, kailangan Niyang personal na ibihis ang katawang-tao, at taglay ang Kanyang likas na pagkakakilanlan at ang gawain na kailangan Niyang gawin, pumunta sa gitna ng tao at personal na iligtas ang tao. Kung hindi, kung ang Espiritu ng Diyos o ang tao ang gumawa ng gawaing ito, kung gayon ang digmaang ito ay mabibigo magpakailanman na kamtin ang epekto nito, at hindi matatapos kailanman. Tanging kapag ang Diyos ay nagiging katawang-tao upang personal na makipagdigma laban kay Satanas sa gitna ng tao na nagkakaroon ng pagkakataon ang tao sa kaligtasan. Bilang karagdagan, sa gayon lamang napapahiya si Satanas, at naiiwang walang anumang mga pagkakataon na sasamantalahin o anumang mga plano na isasakatuparan. Ang gawain na ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ay di-nakakamit ng Espiritu ng Diyos, at lalo pang hindi makakayang gawin sa pangalan ng Diyos ng sinumang tao na makalaman, sapagkat ang gawain na Kanyang ginagawa ay para sa kapakanan ng buhay ng tao, at upang baguhin ang tiwaling disposisyon ng tao. Kung ang tao ay makikisali sa digmaang ito, tatakas lamang siya sa kahabag-habag na kaguluhan, at hindi kakayaning basta baguhin ang tiwaling disposisyon ng tao. Hindi Niya kakayaning iligtas ang tao mula sa krus, o lupigin ang lahat ng mapaghimagsik na sangkatauhan, kundi makakaya lamang na gumawa ng kaunting lumang gawain batay sa prinsipyo, o kaya ay anupamang gawain na walang kaugnayan sa pagkatalo ni Satanas. Kaya bakit mag-aabala? Ano ang kabuluhan ng gawain na hindi nakakatamo sa tao, lalong hindi nakakatalo kay Satanas? At kaya, ang digmaan laban kay Satanas ay maisasakatuparan lamang ng Diyos Mismo, at hindi basta nakakayang gawin ng tao. Ang tungkulin ng tao ay tumalima at sumunod, sapagkat hindi kayang gawin ng tao ang gawain ng pagbubukas ng bagong kapanahunan, ni, higit pa rito, naisasakatuparan niya ang gawain ng pakikipagdigma kay Satanas. Mapapasaya lamang ng tao ang Lumikha sa ilalim ng pangunguna ng Diyos Mismo, kung saan sa pamamagitan nito ay natatalo si Satanas; ito lamang ang isang bagay na magagawa ng tao. At kaya, sa tuwing nagsisimula ang isang bagong digmaan, na ang ibig sabihin, sa tuwing nagsisimula ang gawain ng bagong kapanahunan, ang gawaing ito ay personal na ginagawa ng Diyos Mismo, kung saan sa pamamagitan nito ay pinangungunahan Niya ang buong kapanahunan, at nagbubukas ng isang bagong landas para sa kabuuan ng sangkatauhan. Ang bukang-liwayway ng bawat isang bagong kapanahunan ay isang bagong simula sa pakikipagdigma kay Satanas, kung saan sa pamamagitan nito pumapasok ang tao sa mas bago, mas magandang kinasasaklawan at isang bagong kapanahunan na personal na pinangungunahan ng Diyos Mismo.

—mula sa “Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

14. Sa yugto ng panahon na ang Panginoong Jesus ay gumagawa, makikita ng mga tao na ang Diyos ay nagkaroon ng maraming pantaong pagpapahayag. Halimbawa, maaari Siyang sumayaw, maaari Siyang makadalo sa mga kasalan, maaari Siyang makipagniig sa mga tao, makipag-usap sa kanila, at tumalakay ng mga bagay sa kanila. Bilang karagdagan doon, ang Panginoong Jesus ay nakabuo rin ng napakaraming gawain na sumasagisag sa Kanyang pagka-Diyos, at mangyari pa ang lahat ng gawaing ito ay isang pagpapahayag at isang pagbubunyag ng disposisyon ng Diyos. Sa panahong ito, nang ang pagka-Diyos ng Diyos ay napagtanto sa isang karaniwang katawang-tao na maaaring makita at mahipo ng mga tao, hindi na nila naramdaman na Siya ay aandap-andap, na hindi nila magagawang makalapit sa Kanya. Sa halip, maaari nilang subukang unawain ang kalooban ng Diyos o intindihin ang Kanyang pagka-Diyos sa pamamagitan ng bawat pagkilos, ng mga salita, at ng gawain ng Anak ng tao. Inihayag ng nagkatawang-tao na Anak ng tao ang pagka-Diyos ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang pagkatao at ipinarating ang kalooban ng Diyos sa sangkatauhan. At sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kalooban at disposisyon ng Diyos, Kanya ring ibinunyag sa mga tao ang Diyos na hindi makikita o mahihipo sa espirituwal na dako. Ang nakita ng mga tao ay ang Diyos Mismo, nahihipo at may laman at mga buto. Kaya ang nagkatawang-tao na Anak ng tao ay gumawa ng mga bagay gaya ng sariling pagkakakilanlan, katayuan, larawan, disposisyon ng Diyos, at ang kung anong mayroon at kung ano Siya ay kongkreto at makatao. Bagama’t ang panlabas na kaanyuan ng Anak ng tao ay mayroong ilang limitasyon na may kinalaman sa larawan ng Diyos, ang Kanyang diwa at ang kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay lubos na kinakatawan ang sariling pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos—mayroon lamang ilang pagkakaiba sa anyo ng pagpapahayag. Hindi alintana kung ito man ay ang pagkatao ng Anak ng tao o ang Kanyang pagka-Diyos, hindi natin maitatanggi na kinakatawan Niya ang sariling pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos. Sa panahong ito, gayunman, gumawa ang Diyos sa katawang-tao, nagsalita mula sa pananaw ng katawang-tao, at tumayo sa harapan ng sangkatauhan sa pagkakakilanlan at katayuan ng Anak ng tao, at ito ang nagbigay ng pagkakataon sa mga tao na masagupa at maranasan ang tunay na mga salita at gawain ng Diyos sa gitna ng sangkatauhan. Ito ay nagtulot din sa mga tao ng kaunawaan sa Kanyang pagka-Diyos at sa Kanyang kadakilaan sa gitna ng pagpapakumbaba, gayundin upang magkamit ng isang paunang pagkaunawa at paunang pakahulugan sa pagiging tunay at realidad ng Diyos. Bagama’t ang gawain na nakumpleto ng Panginoong Jesus, ang Kanyang mga paraan sa paggawa, at ang pananaw kung paano Siya nagsasalita ay kaiba mula sa totoong persona ng Diyos sa espirituwal na dako, ang lahat ng bagay tungkol sa Kanya ay talagang kumakatawan sa Diyos Mismo na hindi pa kailanman nakita ng mga tao noon—hindi ito maitatanggi! Na ang ibig sabihin, kahit na sa anumang anyo nagpapakita ang Diyos, kahit na sa alinmang pananaw Siya nagsasalita, o sa anumang larawan Siya humaharap sa sangkatauhan, walang kinakatawan ang Diyos kundi ang Diyos Mismo. Hindi Niya maaaring katawanin ang sinumang tao—Hindi Niya maaaring katawanin ang sinumang tiwaling tao. Ang Diyos ay Diyos Mismo, at ito ay hindi maitatanggi.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

15. Ang diwa ng Diyos mismo ay humahawak ng awtoridad, subali’t Siya ay may kakayahang lubusang magpasakop sa awtoridad na nagmumula sa Kanya. Maging ito man ay gawain ng Espiritu o gawain ng katawang-tao, ang isa ay hindi sumasalungat sa isa. Ang Espiritu ng Diyos ay ang awtoridad sa buong sangnilikha. Ang katawang-taong may diwa ng Diyos ay nagtataglay din ng awtoridad, subali’t ang Diyos sa katawang-tao ay may kakayahang gawin ang lahat ng gawain na sumusunod sa kalooban ng Amang nasa langit. Ito ay hindi maaaring makamtan o maisipan ng kahit sinong tao. Ang Diyos Mismo ay awtoridad, subali’t ang Kanyang katawang-tao ay maaaring magpasakop sa Kanyang awtoridad. Ito ang panloob na kahulugan ng mga salitang: “Si Cristo ay sumusunod sa kalooban ng Diyos Ama.” Ang Diyos ay Espiritu at may kakayahang gawin ang gawain ng pagliligtas, tulad ng kakayahang maging tao ng Diyos. Kunsabagay, ang Diyos Mismo ang gumagawa ng Kanyang sariling gawain; hindi siya gumagambala o nakikialam, lalong hindi nagsasakatuparan ng gawaing magkasalungat, sa kadahilanang ang diwa ng gawaing ginawa ng Espiritu at ng katawang-tao ay magkatulad. Maging ito man ay ang Espiritu o ang katawang-tao, magkatulad Silang gumagawa upang matupad ang iisang kalooban at upang pamahalaan ang magkatulad na gawain. Bagaman ang Espiritu at ang katawang-tao ay may dalawang magkaibang katangian, ang Kanilang mga diwa ay magkatulad; kapwa Silang may diwa ng Diyos Mismo, at ng pagkakakilanlan ng Diyos Mismo. Ang Diyos Mismo ay walang mga elemento ng pagsuway; ang Kanyang diwa ay mabuti. Siya ang pagpapahayag ng lahat ng kagandahan at kabutihan, gayundin ng lahat ng pag-ibig. Kahit nasa katawang-tao, ang Diyos ay hindi gumagawa ng anuman na sumusuway sa Diyos Ama. Kahit na sa paggugol ng pagsasakripisyo ng Kanyang buhay, Siya ay buong-pusong papayag at walang ibang pinipili. Ang Diyos ay walang mga elemento ng pagmamagaling at pagpapahalaga sa sarili, o kahit na kapalaluan at pagmamataas; Siya ay walang elemento ng kabuktutan. Lahat ng sumusuway sa Diyos ay nanggagaling kay Satanas; si Satanas ang pinagmumulan ng lahat ng kapangitan at kasamaan. Kaya ang tao ay may mga katangian na katulad ng kay Satanas ay dahil sa ang tao ay nagawa nang tiwali at naimpluwensyahan ni Satanas. Si Cristo ay hindi pa nagawang tiwali ni Satanas, kaya Siya ay mayroon lamang mga katangian ng Diyos at wala niyaong kay Satanas. Kahit gaano kahirap ang gawain o kahina ang katawang-tao, ang Diyos, habang Siya ay nabubuhay sa katawang-tao, ay hindi kailanman gagawa ng anumang bagay na gumagambala sa gawain ng Diyos Mismo, lalo na ang pagpapabaya sa kalooban ng Diyos Ama nang dahil sa pagsuway. Mas pipiliin pa Niyang magdusa ng mga sakit ng katawang-tao kaysa salungatin ang kalooban ng Diyos Ama; ito ay kagaya ng sinabi ni Jesus sa panalangin, “Ama ko, kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito: gayon ma’y huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo.” Ang tao ay pipili, subali’t si Cristo ay hindi. Bagaman Siya ay may pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, hinahanap pa rin Niya ang kalooban ng Diyos Ama, at tinutupad kung ano ang ipinagkakatiwala sa Kanya ng Diyos Ama, mula sa pananaw ng katawang-tao. Ito ay isang bagay na hindi kayang abutin ng tao. Yaong mga nagmumula kay Satanas ay hindi magkakaroon ng diwa mula sa Diyos, kundi tanging yaong sumusuway at lumalaban sa Diyos. Ito ay walang kakayahang lubos na sumunod sa Diyos, lalo na ang buong-loob na sumunod sa kalooban ng Diyos. Lahat ng taong wala kay Cristo ay kayang gawin yaong lumalaban sa Diyos, at wala ni isang tuwirang makagagawa ng gawaing ipinagkatiwala ng Diyos; walang kahit isa ang may kakayahang ipalagay ang pamamahala ng Diyos bilang kanilang sariling tungkulin na dapat gampanan. Ang pagpapasakop sa kalooban ng Diyos Ama ay ang diwa ni Cristo; ang pagsuway laban sa Diyos ay ang katangian ni Satanas. Ang dalawang katangiang ito ay hindi magkaayon, at kung sino man ang may mga katangian ni Satanas ay hindi matatawag na Cristo. Ang dahilan kung bakit ang tao ay walang kakayahang gawin ang gawain ng Diyos kahalili Niya ay dahil sa ang tao ay wala kahit isang diwa ng Diyos. Ang tao ay gumagawa para sa Diyos para sa pansariling kapakanan ng tao at ng kanyang mga inaasam-asam sa hinaharap, subali’t si Cristo ay gumagawa upang matupad ang kalooban ng Diyos Ama.

—mula sa “Ang Diwa ni Cristo ay Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

16. Ang pagkatao ni Cristo ay pinamamahalaan ng Kanyang pagka-Diyos. Bagaman Siya ay nasa katawang-tao, ang Kanyang pagkatao ay hindi lubusang katulad ng tao sa laman. Siya ay may sariling natatanging karakter, at ito rin ay pinamamahalaan ng Kanyang pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay walang kahinaan; ang kahinaan ni Cristo ay tumutukoy sa Kanyang pagkatao. Sa isang tiyak na antas, ang kahinaang ito ay pumipigil sa Kanyang pagka-Diyos, subali’t ang gayong mga hangganan ay nakapaloob sa isang tiyak na sakop at panahon, at hindi walang-hangganan. Pagdating naman sa panahon ng pagtupad ng gawain ng Kanyang pagka-Diyos, ito ay ginagawa nang hindi alintana ang Kanyang pagkatao. Ang pagkatao ni Cristo ay ganap na tuwirang pinamamahalaan ng Kanyang pagka-Diyos. Bukod sa karaniwang buhay ng Kanyang pagkatao, lahat ng iba pang pagkilos ng Kanyang pagkatao ay iniimpluwensyahan, naaapektuhan at pinapatnubayan ng Kanyang pagka-Diyos. Bagaman si Cristo ay may pagkatao, ito ay hindi nakakagambala sa gawain ng Kanyang pagka-Diyos. Ito ay tiyak na dahil sa ang pagkatao ni Cristo ay pinapatnubayan ng Kanyang pagka-Diyos; bagaman ang Kanyang pagkatao ay hindi angkop sa Kanyang kilos tungo sa iba, ito ay hindi nakakaapekto sa karaniwang gawain ng Kanyang pagka-Diyos. Kapag sinabi Ko na ang Kanyang pagkatao ay hindi nagawang tiwali, ang ibig Kong sabihin ay ang pagkatao ni Cristo ay maaaring tuwirang mapangunahan ng Kanyang pagka-Diyos, at Siya ay may mas mataas pang pandama kaysa roon sa karaniwang tao. Ang Kanyang pagkatao ay pinakanababagay sa pagiging pinangungunahan ng pagka-Diyos sa Kanyang gawain; ang Kanyang pagkatao ay pinaka-may-kakayahang magpahayag ng gawain ng pagka-Diyos, at pati na rin pinaka-may-kakayahang magpasakop sa ganoong gawain.

—mula sa “Ang Diwa ni Cristo ay Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

17. Ang unang nagkatawang-taong Diyos ay hindi tinapos ang pagkakatawang-tao; tinupad lamang Niya ang unang hakbang ng gawain na kinailangan para sa Diyos na gawin sa katawang-tao. Kaya, upang tapusin ang gawain ng pagkakatawang-tao, ang Diyos ay bumalik sa katawang-tao sa isa pang pagkakataon, isinasabuhay ang lahat ng pagiging-karaniwan at realidad ng katawang-tao, ibig sabihin, ginagawa ang Salita ng Diyos na hayag sa lubusang normal at ordinaryong katawang-tao, sa gayon ay tinatapos ang gawain na Kanyang iniwan na hindi natapos sa katawang-tao. Ang ikalawang nagkatawang-taong laman ay katulad ng una sa kakanyahan, nguni’t ito ay mas makatotohanan, mas normal kaysa una. Bilang isang kinahinatnan, ang paghihirap na tiniis ng ikalawang nagkatawang-taong laman ay mas higit kaysa roon sa una, nguni’t ang pagdurusang ito ay resulta ng Kanyang ministeryo sa katawang-tao, na iba sa mga paghihirap ng tiniwaling tao. Ito rin ay nagmula sa pagiging-karaniwan at realidad ng Kanyang katawang-tao. Dahil ginagampanan Niya ang Kanyang ministeryo sa lubos na normal at totoong katawang-tao, ang katawang-tao ay dapat magtiis ng higit na matinding paghihirap. Habang mas normal at totoo ang katawang-tao, mas higit Siyang magdurusa sa pagganap ng Kanyang ministeryo. Ang gawain ng Diyos ay ipinahahayag sa napaka-pangkaraniwang laman, isa na kailanma’y hindi higit-sa-karaniwan. Dahil ang Kanyang katawang-tao ay normal at dapat ding pasanin ang gawain ng pagliligtas sa tao, Siya ay nagdurusa nang mas matindi pa sa higit-sa-karaniwang katawang-tao—ang lahat ng pagdurusang ito ay nagmula sa realidad at normalidad ng Kanyang katawang-tao. Mula sa napagdaanan nang paghihirap ng dalawang nagkatawang-taong laman na habang gumaganap sa Kanilang mga ministeryo, makikita ng isa ang kakanyahan ng nagkatawang-taong laman. Habang mas normal ang laman, mas higit na kahirapan ang Kanyang dapat tiisin habang gumaganap ng gawain; habang mas totoo ang laman na gumaganap ng gawain, mas masaklap ang mga nagiging pagkaunawa ng tao, at mas maraming panganib ang maaaring mangyari sa Kanya. At gayon pa man, habang mas tunay ang laman, at habang ang laman ay mas higit na nagtataglay ng mga pangangailangan at ganap na pakiramdam ng isang karaniwang tao, ay mas may kakayahan Siya na gampanan ang gawain ng Diyos sa katawang-tao. Ang katawang-tao ni Jesus ang siyang ipinako sa krus, ang Kanyang katawang-tao na isinuko Niya bilang handog para sa kasalanan; ito’y sa pamamagitan ng laman na may karaniwang pagkatao na tinalo Niya si Satanas at ganap na nailigtas ang tao mula sa krus. At ito ay bilang isang ganap na laman na ang pangalawang nagkatawang-taong Diyos ay gumaganap ng panlulupig na gawain at tinatalo si Satanas. Tanging ang katawang-tao na ganap na karaniwan at totoo ang makagaganap ng panlulupig na gawain sa kabuuan nito at makagagawa ng malakas na patotoo. Iyon ay upang sabihin, ang gawain ng[b] panlulupig sa tao ay ginagawang epektibo sa pamamagitan ng realidad at pagiging-karaniwan ng Diyos sa katawang-tao, hindi sa pamamagitan ng higit-sa-karaniwang mga himala at mga pagbubunyag. Ang ministeryo ng nagkatawang-taong Diyos na ito ay upang magsalita, at sa gayong paraan ay lupigin at gawing perpekto ang tao; sa madaling salita, ang gawain ng Espiritu na naging totoo sa katawang-tao, ang tungkulin ng katawang-tao, ay magsalita at sa gayong paraan ay lupigin, ibunyag, gawing perpekto, at alisin nang ganap ang tao. At sa gayon, nasa panlulupig na gawain kung saan matatapos nang buo ang gawain ng Diyos sa katawang-tao. Ang unang pantubos na gawain ay simula lamang ng gawain ng pagkakatawang-tao; ang katawang-tao na siyang gumagawa ng panlulupig na gawain ay tatapusin ang buong gawain ng pagkakatawang-tao. Sa kasarian, ang isa ay lalaki at ang isa’y babae; sa ganito ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay natapos na. Inaalis nito ang maling mga pagkaintindi ng tao sa Diyos: ang Diyos ay maaaring maging lalaki at babae, at ang nagkatawang-taong Diyos sa kakanyahan ay walang kasarian. Ginawa Niya ang parehong lalaki at babae, at hindi Niya pinag-iiba ang mga kasarian. Sa yugtong ito ng gawain ang Diyos ay hindi nagpapakita ng mga palatandaan at mga kababalaghan, upang makamit ng gawain ang mga resulta nito sa pamamagitan ng mga salita. Ang dahilan nito, bukod dito, ay sapagka’t ang gawain ng nagkatawang-taong Diyos sa pagkakataong ito ay hindi upang pagalingin ang maysakit at palayasin ang mga demonyo, kundi upang lupigin ang tao sa pamamagitan ng pagsasalita, na ibig sabihin ay na ang likas na abilidad na taglay nitong nagkatawang-taong laman ng Diyos ay sambitin ang mga salita at lupigin ang tao, hindi para pagalingin ang maysakit at palayasin ang mga demonyo. Ang Kanyang gawain sa karaniwang pagkatao ay hindi upang gumawa ng mga milagro, hindi magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo, kundi ang magsalita, at sa gayon ang ikalawang nagkatawang-taong laman ay mas mukhang karaniwan sa mga tao kaysa roon sa una. Nakikita ng mga tao na ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay hindi kasinungalingan; subali’t itong nagkatawang-taong Diyos ay iba sa nagkatawang-taong si Jesus, at kahit Sila’y parehong nagkatawang-taong Diyos, Sila’y hindi ganap na magkatulad. Si Jesus ay nagtaglay ng karaniwang pagkatao, ordinaryong pagkatao, nguni’t Siya’y sinamahan ng mga palatandaan at mga kababalaghan. Sa ganitong Diyos na nagkatawang-tao, ang mga mata ng tao ay walang makikitang mga palatandaan o mga kababalaghan, kahit ang magpagaling ng maysakit o ang magpalayas ng mga demonyo, o ang paglalakad sa dagat, o ang pag-aayuno sa loob ng apatnapung araw…. Hindi Niya ginagawa ang kaparehong gawain na ginawa ni Jesus, hindi dahil ang Kanyang katawang-tao ay naiiba kay Jesus sa kakanyahan, kundi dahil sa hindi Niya ministeryo ang pagpapagaling ng maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo. Hindi Niya sinisira ang Kanyang sariling gawa, hindi Niya ginagambala ang Kanyang sariling gawain. At dahil nilulupig Niya ang tao gamit ang Kanyang tunay na mga salita, hindi kinakailangan na supilin siya ng mga milagro, at kaya ang yugtong ito ay upang tapusin ang gawain ng pagkakatawang-tao.

—mula sa “Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinatahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

18. Ang bawat yugto ng gawaing ginawa ng Diyos ay may sariling praktikal na kabuluhan. Noong una, nang pumarito si Jesus, Siya ay lalaki, nguni’t nang dumating ang Diyos sa pagkakataong ito, Siya ay babae. Mula rito, makikita mo na nilikha ng Diyos ang kapwa lalaki at babae para sa kapakanan ng Kanyang gawain, at sa Kanya ay walang pagkakaiba ang kasarian. Kapag dumarating ang Kanyang Espiritu, maaari Niyang kunin ang anumang uri ng katawang-tao na gusto Niya at maaari Siyang katawanin ng katawang-taong yaon. Maging lalaki man o babae, maaari nitong katawanin ang Diyos hangga’t ito ay ang Kanyang nagkatawang-taong laman. Kung si Jesus ay nagpakita bilang isang babae nang Siya ay dumating, sa madaling salita, kung isang sanggol na babae, at hindi isang lalaki, ang ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, ang yugtong yaon ng gawain ay kapareho ding matatapos. Kung gayon ang naging sitwasyon, ang kasalukuyang yugto ng gawain ay kailangan sanang kumpletuhin ng isang lalaki, nguni’t pareho pa ring makukumpleto ang gawain. Ang gawaing ginawa sa alinmang yugto ay parehong makabuluhan; hindi naulit ang alinmang yugto ng gawain ni sumasalungat sa isa. Noon, nang ginagawa ni Jesus ang Kanyang gawain, Siya ay tinawag na ang bugtong na Anak na lalaki, at tinutukoy ng “Anak na lalaki” ang kasariang lalaki. Kung gayon, bakit hindi nababanggit sa yugtong ito ang bugtong na Anak na lalaki? Ito ay dahil ang mga kinakailangan ng gawain ay nangailangan na ng pagbabago sa kasarian na iba mula roon kay Jesus. Para sa Diyos walang pagkakaiba ang kasarian. Ginagawa Niya ang Kanyang gawain ayon sa kagustuhan Niya at sa paggawa ng Kanyang gawain wala Siya sa ilalim ng anumang mga pagbabawal, kundi natatanging malaya. Gayunpaman, ang bawat yugto ng gawain ay may sariling praktikal na kabuluhan.

—mula sa “Binubuo ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

19. Bakit sinasabi Ko na ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ay hindi natapos sa gawain ni Jesus? Sapagka’t ang Salita ay hindi ganap na nagkatawang-tao. Ang ginawa ni Jesus ay isang parte lamang ng gawain ng Diyos sa katawang-tao; ginawa lamang Niya ang mapantubos na gawain at hindi ginawa ang ganap na pagkakamit sa tao. Sa kadahilanang ito ang Diyos ay nagkatawang-taong muli sa mga huling araw. Ang yugtong ito ng gawain ay tinutupad din sa isang ordinaryong laman, ginagawa ng isang lubos na karaniwang tao, isa na ang pagkatao nito ay hindi man lamang nakahihigit. Sa madaling salita, ang Diyos ay naging isang ganap na tao, at ito ay isang tao na ang pagkakakilanlan ay doon sa Diyos, isang ganap na tao, isang ganap na katawang-tao, na gumaganap ng gawain. Sa mata ng tao, Siya lamang ay isang laman na hindi nakahihigit sa lahat, isang napaka-ordinaryong tao na makakapagsalita sa wika ng langit, na hindi nagpapakita ng mga mahimalang tanda, hindi gumagawa ng milagro, lalo nang hindi naglalantad ng panloob na katotohanan tungkol sa relihiyon sa malalaking bulwagang pinagtitipunan. Ang gawain ng ikalawang nagkatawang-taong laman para sa tao’y lubos na hindi gaya noong una, kaya ang dalawa ay tila lubusang walang anumang pagkakapareho, at wala noong unang gawain ang makikita ngayon. Kahit na ang gawain ng ikalawang nagkatawang-taong laman ay naiiba mula roon sa nauna, hindi nito pinatutunayan na ang Kanilang pinagmulan ay hindi iisa at pareho. Kung pareho ang Kanilang pinagmulan ay depende sa kalikasan ng gawain na ginawa sa pamamagitan ng mga laman at hindi sa Kanilang panlabas na mga balat. Sa panahon ng tatlong yugto ng Kanyang gawain, ang Diyos ay dalawang beses na nagkatawang-tao, at sa parehong panahon ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagpapasinaya sa isang bagong kapanahunan, naghahatid ng bagong gawain; pinupunan ng mga pagkakatawang-tao ang isa’t isa. Imposible para sa mga mata ng tao na sabihin na ang dalawang laman ay talagang nagmula sa parehong pinanggalingan. Kaya nga, ito ay higit sa kakayahan ng mata ng tao o ng isip ng tao. Nguni’t sa Kanilang kakanyahan Sila’y pareho, pagka’t ang Kanilang gawain ay nagmumula sa parehong Espiritu. Kung nagmumula ang dalawang nagkatawang-taong laman sa parehong pinanggalingan ay hindi mahahatulan ng kapanahunan at lugar kung saan Sila ipinanganak, o iba pang dahilan, kundi sa pamamagitan ng banal na gawain na inihayag Nila. Ang ikalawang nagkatawang-taong laman ay hindi gumaganap ng kahit anong gawaing ginawa ni Jesus, dahil ang gawain ng Diyos ay hindi umaayon sa kinasanayan, nguni’t sa bawat panahon ito’y nagbubukas ng bagong daan. Ang pangalawang pagkakatawang-tao ay hindi layuning palalimin o patatagin ang impresyon ng unang katawang-tao sa isipan ng mga tao, kundi upang punuan ito at upang gawin itong perpekto, para palalimin ang pagkakilala ng tao sa Diyos, para suwayin ang lahat ng patakaran na umiiral sa puso ng mga tao, at para lipulin ang mga maling larawan ng Diyos sa kanilang mga puso. Ito ay maaaring sabihin na walang indibidwal na yugto ng sariling gawain ng Diyos ang makapagbibigay ng ganap na pagkakilala tungkol sa Kanya; bawat isa’y nagbibigay lamang ng parte, hindi ng kabuuan. Kahit ang Diyos ay nagpahayag na ng Kanyang buong disposisyon, dahil sa limitadong kakayahan ng tao sa pag-unawa, ang kanyang pagkakilala tungkol sa Diyos ay hindi pa rin kumpleto. Ito’y imposible, gamit ang wika ng tao, na ipabatid ang kabuuan ng disposisyon ng Diyos; gaano ba kakaunti maaaring lubos na maihayag ng isang yugto ng Kanyang gawain ang Diyos? Siya ay gumagawa sa katawang-tao sa ilalim ng takip ng Kanyang normal na pagkatao, at makikilala lamang Siya ng isa sa pamamagitan ng mga pagpapahayag ng Kanyang pagka-Diyos, at hindi sa pamamagitan ng Kanyang katawang panlabas. Ang Diyos ay nagiging katawang-tao para payagan ang tao na makilala Siya sa pamamagitan ng Kanyang mga iba’t ibang gawain, at wala kahit dalawang yugto sa Kanyang gawain ang pareho. Tanging sa paraang ito magagawa ng tao na magkaroon ng lubos na kaalaman sa gawain ng Diyos sa katawang-tao, hindi nakakulong sa isang aspeto. Kahit na ang gawain ng dalawang nagkatawang-taong laman ay magkaiba, ang kakanyahan ng mga katawang-tao, at ang pinagmulan ng Kanilang gawain, ay magkapareho; Sila lamang ay umiiral para gampanan ang dalawang magkaibang yugto ng gawain, at lumitaw sa dalawang magkaibang kapanahunan. Kahit ano pa man, ang mga nagkatawang-taong laman ng Diyos ay magkabahagi sa parehong kakanyahan at sa parehong pinanggalingan—ito ay isang katotohanan na walang sinuman ang makakapagtanggi.

—mula sa “Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinatahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

20. Si Jesus ay gumawa ng isang yugto ng gawain na tinupad lamang ang diwa ng “ang Salita ay kasama ng Diyos”: Ang katotohanan ukol sa Diyos ay kasama ng Diyos, at ang Espiritu ng Diyos ay kasama ng katawang-tao at hindi maihihiwalay sa Kanya, iyon ay, ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao ay kasama ng Espiritu ng Diyos, na siyang lalong malaking katunayan na ang Jesus na nagkatawang-tao ay ang unang pagkakatawang-tao ng Diyos. Tinupad ng yugtong ito ng gawain ang panloob na kahulugan ng “ang Salita ay nagkakatawang-tao,” nagbigay ng mas malalim na kahulugan sa “ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos,” at tinutulutan ka na paniwalaan nang matibay na “Sa simula ay ang Salita.” Na ang ibig sabihin, sa panahon ng paglikha ang Diyos ay nagtataglay ng mga salita, ang Kanyang mga salita ay kasama Niya at hindi maihihiwalay sa Kanya, at lalo pang ginawang mas malinaw ng panghuling kapanahunan ang kapangyarihan at awtoridad ng Kanyang mga salita, at tinutulutan ang tao na makita ang lahat ng Kanyang mga salita—na marinig ang lahat ng Kanyang mga salita. Ang gayon ay ang gawain ng panghuling kapanahunan. Dapat kang makarating sa pagkaalam sa mga bagay na ito nang lubusan. Hindi ito isang pagtatanong sa pagkilala sa laman, nguni’t pagkilala sa laman at sa Salita. Ito ang kung saan dapat kang sumaksi, yaong dapat malaman ng bawat isa. Sapagka’t ito ang gawain ng ikalawang pagkakatawang-tao—at ang huling pagkakataon na ang Diyos ay naging katawang-tao—lubos nitong kinukumpleto ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao, ganap na ipinatutupad at pinabubukal ang lahat ng gawain ng Diyos sa laman, at tinutuldukan ang panahon ng pagiging katawang-tao ng Diyos.

—mula sa “Pagsasagawa (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

21. Ang gawain at pagpapahayag ni Cristo ang nagpapakita sa Kanyang diwa. Siya ay may kakayahang kumpletuhin nang may totoong puso yaong naipagkatiwala sa Kanya. Siya ay may kakayahang sambahin ang Diyos sa langit na may totoong puso, at taglay ang totoong puso ay hinahanap ang kalooban ng Diyos Ama. Ito ay nalalamang lahat sa pamamagitan ng Kanyang diwa. At gayundin ang Kanyang likas na pagbubunyag ay nalalaman sa pamamagitan ng Kanyang diwa; ang dahilan na ang Kanyang likas na pagbubunyag ay tinatawag na ganyan ay sapagka’t ang kanyang pagpapahayag ay hindi gaya-gaya o bunga ng pag-aaral ng tao, o resulta ng maraming taong paglilinang ng tao. Hindi Niya ito natutuhan o pinalamutihan ang Kanyang sarili nito; bagkus ito ay likas sa Kanyang kaloob-looban. Maaaring itanggi ng tao ang Kanyang gawain, Kanyang pagpapahayag, Kanyang pagkatao, at ang buong buhay ng Kanyang normal na pagkatao, subali’t walang makakatanggi na sinasamba Niya ang Diyos sa langit nang may totoong puso; walang makakatanggi na dumating Siya upang tuparin ang kalooban ng Ama na nasa langit, at walang makakatanggi sa katapatan kung paano Niya hinahanap ang Diyos Ama. Bagaman ang Kanyang imahe ay hindi kalugod-lugod sa mga pandama, ang Kanyang pagsasalita ay hindi nagtataglay ng di-pangkaraniwang paggawi, at ang Kanyang gawain ay hindi nakakawasak sa mundo o nakakayanig sa langit na tulad ng inaakala ng tao, Siya nga si Cristo, na nagsasakatuparan sa kalooban ng Diyos Ama nang may totoong puso, ganap na nagpapasakop sa Amang nasa langit, at masunurin hanggang kamatayan. Ito ay dahil sa ang Kanyang diwa ay ang diwa ni Cristo. Ang katotohanang ito ay mahirap paniwalaan ng tao subali’t ito ay tunay na umiiral. Sa panahong ang ministeryo ni Cristo ay ganap nang naisakatuparan, makikita na ng tao mula sa Kanyang gawain, na ang Kanyang disposisyon at Kanyang kabuuan ay kumakatawan sa disposisyon at kabuuan ng Diyos sa langit. Sa panahong yaon, ang kalahatan ng Kanyang gawain ay makapagpapatunay na Siya ay talagang ang katawang-tao na kung saan ang Salita ay nagkakatotoo, at hindi katulad niyaong laman at dugong tao.

—mula sa “Ang Diwa ni Cristo ay Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

22. Bagama’t ang kaanyuan ng Diyos na nagkatawang-tao ay eksaktong kagaya ng sa tao, natututuhan Niya ang kaalamang pantao at nagsasalita sa wika ng tao, at minsan ay ipinapahayag pa Niya ang Kanyang mga ideya sa pamamagitan ng mga pamamaraan o pagpapahayag ng sangkatauhan, ang paraan kung paano Niya nakikita ang mga tao, ang diwa ng mga bagay-bagay, at kung paaano nakikita ng mga tiwaling tao ang sangkatauhan at ang diwa ng mga bagay-bagay ay lubos na hindi magkapareho. Ang Kanyang pananaw at ang taas kung saan Siya nakatindig ay isang bagay na hindi matatamo para sa isang tiwaling tao. Ito ay dahil sa ang Diyos ay katotohanan, ang katawang-tao na Kanyang isinusuot ay nagtataglay din ng diwa ng Diyos, at ang Kanyang mga saloobin at yaong inihahayag ng Kanyang pagkatao ay katotohanan din. Para sa mga tiwaling tao, ang Kanyang ipinapahayag sa katawang-tao ay mga panustos ng katotohanan, at ng buhay. Ang mga panustos na ito ay hindi lamang para sa isang tao, kundi para sa buong sangkatauhan. Para sa sinumang tiwaling tao, sa kanyang puso ay mayroon lamang mangilan-ngilang tao na nakakasama niya. Mayroon lamang iilang tao ang pinahahalagahan niya, na pinagmamalasakitan niya. Kapag ang sakuna ay abot-tanaw na una niyang iniisip ang sarili niyang mga anak, asawa, o mga magulang, at ang isang higit na mapagkawanggawang tao ay mag-iisip lamang ng ilan sa mga kamag-anak o isang mabuting kaibigan; nag-iisip pa ba siya ng iba? Hindi kailanman! Sapagkat ang mga tao ay, kung tutuusin, mga tao, at makatitingin lamang sila sa lahat ng bagay mula sa pananaw at mula sa kinatatayuan ng isang tao. Gayunman, ang Diyos na nagkatawang-tao ay lubos na naiiba mula sa isang taong tiwali. Kahit gaano man kaordinaryo, gaano kanormal, gaano man kababa ang uri ng katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, o kahit pa gaano kababa ang tingin sa Kanya ng mga tao, ang Kanyang mga kaisipan at Kanyang saloobin tungo sa sangkatauhan ay mga bagay na hindi matataglay ng sinumang tao, at walang sinumang tao ang makagagaya. Palagi Niyang pagmamasdan ang sangkatauhan mula sa pananaw ng pagka-Diyos, mula sa taas ng Kanyang posisyon bilang ang Lumikha. Palagi Niyang makikita ang sangkatauhan sa pamamagitan ng diwa at ng pag-iisip ng Diyos. Tiyak na hindi Niya makikita ang sangkatauhan mula sa taas ng isang karaniwang tao, at mula sa pananaw ng isang taong tiwali. Kapag tinitingnan ng mga tao ang sangkatauhan, tumitingin sila gamit ang pananaw ng tao, at sila ay gumagamit ng mga bagay-bagay gaya ng kaalaman ng tao at mga patakaran at mga teorya ng tao bilang panukat. Ito ay nasa loob ng saklaw ng kung ano ang makikita ng mga tao gamit ang kanilang mga mata; ito ay nasa loob ng saklaw ng makakamit ng mga taong tiwali. Kapag tinitingnan ng Diyos ang sangkatauhan, tumitingin Siya gamit ang isang maka-Diyos na pananaw, at ginagamit Niya ang Kanyang diwa at kung ano ang mayroon at kung ano Siya bilang panukat. Kasama sa saklaw na ito ang mga bagay na hindi makikita ng mga tao, at ito ay kung saan ang Diyos na nagkatawang-tao at ang mga taong tiwali ay ganap na magkaiba. Ang pagkakaibang ito ay nalalaman sa pamamagitan ng magkaibang mga diwa ng tao at ng Diyos, at itong magkaibang mga diwang ito ang nagtitiyak ng kanilang mga pagkakakilanlan at mga kinatatayuan gayundin ang pananaw at taas mula sa kung saan nila nakikita ang mga bagay-bagay.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

23. Ang katawang-tao na ibinihis ng Espiritu ng Diyos ay ang sariling katawang-tao ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ay kataas-taasan; Siya ay makapangyarihan sa lahat, banal, at matuwid. Gayon din naman, ang Kanyang katawang-tao ay kataas-taasan, makapangyarihan sa lahat, banal, at matuwid. Ang katawang-tao na tulad nito ay may kakayahan lamang na gawin yaong matuwid at kapaki-pakinabang sa sangkatauhan, yaong banal, maluwalhati, at makapangyarihan, at walang kakayahang gumawa ng anumang lumalabag sa katotohanan o moralidad at katarungan, maging ng anumang bagay na nagkakanulo sa Espiritu ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ay banal, at sa gayon ang Kanyang katawang-tao ay hindi nagagawang tiwali ni Satanas; ang Kanyang katawang-tao ay may naiibang diwa kaysa sa laman ng tao. Sapagka’t ang tao, hindi ang Diyos, ang siyang ginagawang tiwali ni Satanas; hindi posibleng magawang tiwali ni Satanas ang katawang-tao ng Diyos. Sa gayon, sa kabila ng katunayang ang tao at si Cristo ay nananahan sa loob ng parehong espasyo, tao lamang ang sinasakop, ginagamit, at binibitag ni Satanas. Sa kabaligtaran, si Cristo ay magpasawalang-hanggang hindi tinatablan ng katiwalian ni Satanas, sapagka’t kailanman ay hindi makakayanan ni Satanas na umakyat sa lugar ng kataas-taasan, at hindi kailanman makakalapit sa Diyos.

—mula sa “Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

24. Ang praktikal na Diyos Mismo na binabanggit ngayon ay gumagawa sa parehong pagkatao at sa pagka-Diyos. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng praktikal na Diyos, ang Kanyang normal na gawaing pantao at buhay at ang Kanyang ganap na maka-Diyos na gawain ay nakakamit. Ang Kanyang pagkatao at pagka-Diyos ay pinag-isa, at ang parehong gawain ay[c] tinutupad gamit ang mga salita; maging ito man ay sa pagkatao o pagka-Diyos, bumibigkas Siya ng mga salita. Kapag ang Diyos ay gumagawa sa pagkatao, Siya ay nagsasalita sa wika ng sangkatauhan, upang magawang makibahagi at maunawaan ng mga tao. Ang Kanyang mga salita ay sinasabi nang malinaw, at madaling maunawaan, upang ang mga iyon ay maibabahagi sa lahat ng tao; hindi alintana kung ang mga taong ito ay may angking kaalaman, o mababa ang pinag-aralan, silang lahat ay makakatanggap ng mga salita ng Diyos. Ang gawain ng Diyos sa pagka-Diyos ay isinasakatuparan din gamit ang mga salita, nguni’t ito ay puno ng tustos, puno ito ng buhay, walang-bahid ng mga ideya ng tao, hindi ito kinapapalooban ng mga kagustuhan ng tao, at ito ay walang limitasyong pantao, ito ay nasa labas ng hangganan ng anumang normal na pagkatao; ito, rin, ay isinasakatuparan sa katawang-tao, nguni’t ito ang direktang pagpapahayag ng Espiritu. Kung tinatanggap lamang ng mga tao ang gawain ng Diyos sa pagkatao, kung gayon ay pananatilihin nila ang kanilang sarili sa isang tiyak na nasasakupan, at sa gayon mangangailangan ng pampalagiang pakikitungo, pagtatabas, at disiplina upang magkaroon ng bahagyang pagbabago sa kanila. Kung wala ang gawain o presensiya ng Banal na Espiritu, gayunman, sila ay laging babalik sa kanilang lumang mga gawi; ito ay sa pamamagitan lamang ng gawain ng pagka-Diyos na ang mga karamdaman at mga kakulangang ito ay maitatama, saka lamang magagawang ganap ang mga tao. Sa halip na patuloy na pakikitungo at pagtatabas, ang kinakailangan ay positibong pagtustos, paggamit ng mga salita upang mapunan ang lahat ng pagkukulang, paggamit ng mga salita upang ibunyag ang bawat kalagayan ng mga tao, paggamit ng mga salita upang pamahalaan ang kanilang mga buhay, ang kanilang bawat pagbigkas, ang kanilang bawat pagkilos, upang ilantad ang kanilang mga hangarin at adhikain; ito ang tunay na gawain ng praktikal na Diyos. At sa gayon, sa iyong saloobin sa praktikal na Diyos dapat kang parehong magpasakop sa harap ng Kanyang pagkatao, kinikilala at tinatanggap Siya, at, saka, dapat mo ring tanggapin at sundin ang gawain at mga salita ng pagka-Diyos. Ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao ay nangangahulugang lahat ng gawain at mga salita ng Espiritu ng Diyos ay ginagawa sa pamamagitan ng Kanyang normal na pagkatao, at sa pamamagitan ng Kanyang pagkakatawang-tao. Sa ibang salita, ang Espiritu ng Diyos ay parehong namamahala sa Kanyang gawaing pantao at nagsasakatuparan ng gawain ng pagka-Diyos sa katawang-tao, at sa Diyos na nagkatawang-tao iyong makikita ang parehong gawain ng Diyos sa pagkatao at ang ganap na gawain sa pagka-Diyos; ito ang mas praktikal na kabuluhan ng pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao. Kung makikita mo ito nang malinaw, makakaya mong pagdugtung-dugtungin ang lahat ng iba’t ibang bahagi ng Diyos, at titigilan na ang labis na pagpapahalaga sa Kanyang gawain sa pagka-Diyos, at sobrang pagmamaliit sa Kanyang gawain sa pagkatao, at hindi ka na tutungo sa mga sukdulan, o liliko kung saan-saan. Sa pangkalahatan, ang kahulugan ng praktikal na Diyos ay yaong ang gawain ng Kanyang pagkatao at ng Kanyang pagka-Diyos, ayon sa pamamahala ng Espiritu, ay ipinahahayag sa pamamagitan ng Kanyang katawang-tao, kaya’t makikita ng mga tao na Siya ay buhay na buhay at makatotohanan, at tunay at aktwal.

—mula sa “Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ang Diyos Mismo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

25. Ang laman ng tao ay nagawang tiwali na ni Satanas, at lubusang binulag, at matinding napinsala. Ang pinakapangunahing dahilan kung bakit gumagawa ang Diyos nang personal sa katawang-tao ay dahil ang layon ng Kanyang pagliligtas ay ang tao, na galing sa katawan, at dahil si Satanas ay gumagamit din ng laman ng tao upang abalahin ang gawain ng Diyos. Ang paglaban kay Satanas ang talagang gawaing panlulupig sa tao, at kasabay nito, ang tao din ang layon ng pagliligtas ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay napakahalaga. Ginawang tiwali ni Satanas ang laman ng tao, at ang tao ay naging sagisag ni Satanas, at naging layon upang talunin ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang gawain ng pakikipaglaban kay Satanas at pagliligtas sa buong sangkatauhan ay nangyayari sa lupa, at ang Diyos ay dapat maging tao upang gawin ang paglaban kay Satanas. Ito ang gawain na sukdulang praktikal. Kapag ang Diyos ay gumagawa sa katawang-tao, Siya ay aktuwal na nakikipaglaban kay Satanas sa katawang-tao. Kapag Siya ay gumagawa sa katawang-tao, ginagawa Niya ang Kanyang gawain sa espirituwal na dako, at ginagawa nang buo ang Kanyang gawain sa espirituwal na dako na tunay sa lupa. Ang tanging nalulupig ay ang tao, kung sino ang hindi masunurin sa Kanya, ang natatalo ay ang pinakalarawan ni Satanas (siyempre, ito ay tao rin), na nakikipag-alitan sa Kanya, at ang naililigtas sa dakong huli ay ang tao rin. Sa ganitong paraan, mas kinakailangan para sa Kanya na maging isang tao na may panlabas na anyo ng isang nilalang, upang Siya ay may kakayahang gumawa ng tunay na pakikipaglaban kay Satanas, panlulupig sa tao, na mapanghimagsik sa Kanya at nagmamay-ari ng parehong panlabas na anyo katulad ng sa Kanya, at pagliligtas sa tao, na may parehong panlabas na anyo gaya Niya at napinsala na ni Satanas. Ang Kanyang kaaway ay ang tao, ang pakay ng Kanyang paglupig ay ang tao, at ang layon ng Kanyang pagliligtas ay ang tao, na nilikha Niya. Kaya Siya ay dapat maging tao, at sa ganitong paraan, ang Kanyang gawain ay nagiging mas madali. Nagagawa Niyang talunin si Satanas at lupigin ang sangkatauhan, at, higit pa rito, ay may kakayahan upang iligtas ang sangkatauhan.

—mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Pagliligtas ng Diyos na Naging Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

26. Ang tao ay nagawang tiwali na ni Satanas, at siya ang pinakamataas sa lahat ng nilalang ng Diyos, kaya ang tao ay nangangailangan ng pagliligtas ng Diyos. Ang pakay ng pagliligtas ng Diyos ay ang tao, hindi si Satanas, at ang maliligtas ay ang laman ng tao, at ang kaluluwa ng tao, at hindi ang demonyo. Si Satanas ang layon ng paglipol ng Diyos, ang tao ay ang layon ng pagliligtas ng Diyos, at ang laman ng tao ay nagawang tiwali na ni Satanas, kaya ang unang ililigtas dapat ay ang laman ng tao. Ang laman ng tao ay ang pinakamatinding nagawang tiwali, at ito ay naging isang bagay na lumalaban sa Diyos, na lantaran pang sumasalungat at tinatanggihan ang pag-iral ng Diyos. Ang tiwaling laman na ito ay talagang masyadong hindi mapaamo, at walang mas mahirap na pakitunguhan o baguhin kaysa sa tiwaling disposisyon ng laman. Pumapasok si Satanas sa laman ng tao upang lumikha ng gulo, at ginagamit ang laman ng tao upang abalahin ang gawain ng Diyos, at pahinain ang plano ng Diyos, at sa gayon ang tao ay naging si Satanas, at ang kaaway ng Diyos. Upang mailigtas ang tao, dapat muna siyang lupigin. Ito ang dahilan kung bakit humaharap ang Diyos sa hamon at pumapasok sa katawang-tao upang gawin ang gawain na balak Niyang gawin, at labanan si Satanas. Ang Kanyang layunin ay ang kaligtasan ng sangkatauhan, na naging tiwali, at ang pagkatalo at pagkalipol ni Satanas, na naghihimagsik laban sa Kanya. Natatalo Niya si Satanas sa pamamagitan ng Kanyang gawaing panlulupig sa tao, at kasabay na inililigtas ang tiwaling sangkatauhan. Kung kaya, nalulutas ng Diyos ang dalawang problema kaagad. Siya ay kumikilos sa katawang-tao, at nagsasalita sa katawang-tao, at isinasagawa ang lahat ng gawain sa katawang-tao upang mas mahusay na makipag-ugnayan sa tao, at mas mahusay na lupigin ang tao.

—mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Pagliligtas ng Diyos na Naging Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

27. Ang pagliligtas ng Diyos sa tao ay hindi direktang ginawa sa pamamagitan ng paraan ng Espiritu o bilang Espiritu, sapagka’t ang Kanyang Espiritu ay hindi maaaring mahawakan o makita ng tao, at hindi maaaring malapitan ng tao. Kung sinubukan Niyang direktang iligtas ang tao sa paraan ng Espiritu, hindi makakaya ng tao na tanggapin ang Kanyang pagliligtas. At kung hindi dahil sa Diyos na nagsuot ng panlabas na anyo ng isang nilalang na tao, hindi nila makakayang tanggapin ang kaligtasang ito. Sapagka’t walang paraan ang tao upang makalapit sa Kanya, katulad ng walang maaaring makalapit sa ulap ni Jehova. Tanging sa pamamagitan ng pagiging isang tao ng paglikha, iyan ay, ang paglalagay ng Kanyang salita sa Kanyang magiging katawang-tao, saka lamang Niya personal na magagawa ang salita tungo sa lahat ng sumusunod sa Kanya. Saka lamang maaaring marinig ng tao para sa kanya mismo ang Kanyang salita, makita ang Kanyang salita, at matanggap ang Kanyang salita, at sa gayon sa pamamagitan nito ay lubusang mailigtas. Kung ang Diyos ay hindi naging katawang-tao, walang makalamang tao ang makakatanggap ng gayong dakilang kaligtasan, at wala rin kahit isang tao ang maliligtas. Kung ang Espiritu ng Diyos ay gumawa nang direkta sa tao, ang tao ay masasaktan o ganap na mabibihag ni Satanas dahil hindi kaya ng tao na makisama sa Diyos.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

28. Kung ang Diyos ay hindi nagkatawang-tao, Siya ay nananatiling Espiritu na parehong hindi nakikita at hindi nahahawakan ng tao. Ang tao ay isang nilalang ng laman, at ang tao at ang Diyos ay nabibilang sa dalawang magkaibang mundo at magkaiba sa kalikasan. Ang Espiritu ng Diyos ay hindi tugma sa taong laman, at walang mga relasyong maaaring maitatag sa pagitan nila; higit pa rito, ang tao ay hindi maaaring maging isang espiritu. Dahil dito, ang Espiritu ng Diyos ay dapat na maging isa sa mga nilalang at gumawa ng Kanyang orihinal na gawain. Ang Diyos ay maaaring parehong umakyat sa pinakamataas na lugar at ibaba ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng pagiging isang taong nilikha, gumagawa ng gawain at namumuhay na kasama ng tao, nguni’t ang tao ay hindi maaaring umakyat sa pinakamataas na lugar at maging isang espiritu at lalong hindi siya makakababa sa pinakamababang lugar. Samakatuwid, ang Diyos ay dapat magkatawang-tao upang isakatuparan ang Kanyang gawain. Katulad na katulad ng unang pagkakatawang-tao, tanging ang katawang-tao ng Diyos na nagkatawang tao ang maaaring tumubos sa tao sa pamamagitan ng Kanyang pagpapapako sa krus, samantalang hindi posible para sa Espiritu ng Diyos na maipako sa krus bilang handog para sa kasalanan ng tao. Ang Diyos ay maaaring direktang magkatawang-tao upang magsilbing handog para sa kasalanan ng tao, nguni’t ang tao ay hindi maaaring direktang umakyat sa langit upang tanggapin ang handog para sa kasalanan na inihanda ng Diyos para sa kanila. Dahil dito, ang Diyos ay dapat na maglakbay nang pabalik-balik sa pagitan ng langit at lupa, sa halip na hayaan ang tao na umakyat sa langit upang kunin ang kaligtasang ito, sapagka’t ang tao ay nahulog at hindi maaaring umakyat sa langit, lalo na ang tanggapin ang handog para sa kasalanan. Samakatuwid, kinailangan na lumapit si Jesus sa gitna ng mga tao at personal na gawin ang gawain na hindi maaaring maisakatuparan ng tao. Tuwing nagkakatawang-tao ang Diyos, lubos itong kinakailangang gawin. Kung alinman sa mga yugto ay maaaring maisakatuparan nang direkta sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos, hindi na Niya sana tiniis ang mga kawalang-dangal ng pagkakatawang-tao.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

29. Para sa mga ililigtas, ang nagsisilbing halaga ng Espiritu ay higit na mas mababa kaysa sa katawang-tao: Ang gawain ng Espiritu ay nagagawang masakop ang buong sansinukob, lahat ng bundok, ilog, lawa, at karagatan, nguni’t ang gawain ng katawang-tao ay mas mabisang may kinalaman sa bawat tao na nakakaugnayan Niya. Higit pa rito, ang katawang-tao ng Diyos na mayroong nasasalat na anyo ay maaaring mas maunawaan at mapagkatiwalaan ng tao, at higit pang mapalalim ang kaalaman ng tao sa Diyos, at maaaring mag-iwan sa tao ng mas malalim na impresyon ng mga aktwal na mga gawa ng Diyos. Ang gawain ng Espiritu ay nababalutan ng misteryo, ito ay mahirap para sa mga may kamatayan na nilalang upang arukin ang lalim, at mas mahirap para sa kanila upang makita, at kaya maaari lamang silang umasa sa mga hungkag na pagpapalagay. Ang gawain ng katawang-tao, sa kabilang banda, ay karaniwan, at batay sa realidad, at nagtataglay ng mayamang karunungan, at ito ay isang katotohanan na maaaring makita ng pisikal na paningin ng tao; maaaring personal na maranasan ng tao ang karunungan ng mga gawain ng Diyos, at hindi kailangan na gamitin ang kanyang masaganang imahinasyon. Ito ang katumpakan at tunay na halaga ng gawain ng Diyos sa katawang-tao. Ang Espiritu ay maaari lamang gumawa ng mga bagay na hindi nakikita ng tao at mahirap para sa kanyang isipin, halimbawa ang kaliwanagan ng Espiritu, ang paggalaw ng Espiritu, at ang patnubay ng Espiritu, nguni’t para sa tao na may isip, ang mga ito ay hindi nagbibigay ng anumang malinaw na kahulugan. Sila ay nagbibigay lamang ng isang makabagbag-damdamin, o isang malawak na kahulugan, at hindi maaaring magbigay ng isang tagubilin na mga salita. Ang gawain ng Diyos sa katawang-tao, sa kabilang banda, ay lubos na naiiba: Ito ay may tumpak na patnubay ng mga salita, may malinaw na kalooban, at may malinaw na kinakailangang mga layunin. At kaya ang tao ay hindi kailangang mag-apuhap sa paligid, o gamitin ang kanyang imahinasyon, lalo na ang gumawa ng mga panghuhula. Ito ang kalinawan ng gawain sa katawang-tao, at ang malaking pagkakaiba mula sa gawain ng Espiritu. Ang gawain ng Espiritu ay angkop lamang para sa isang limitadong saklaw, at hindi maaaring palitan ang gawain ng katawang-tao. Ang gawain ng katawang-tao ay nagbibigay sa tao ng mas tumpak at kinakailangang mga layunin at mas makatotohanan, mahalagang kaalaman kaysa sa gawain ng Espiritu. Ang pinakamahalagang gawain sa tiwaling tao ay yaong nagbibigay ng tumpak na mga salita, malinaw na mga layunin upang itaguyod, at maaaring makita at mahawakan. Tanging ang makatotohanang gawain at napapanahong pagpatnubay ang angkop sa mga panlasa ng tao, at tanging tunay na gawain ang maaaring magligtas sa tao mula sa kanyang tiwali at mahalay na disposisyon. Ito ay maaari lamang makamit ng nagkatawang-taong Diyos; tanging ang nagkatawang-taong Diyos ang maaaring magligtas sa tao mula sa kanyang dating tiwali at mahalay na disposisyon. Kahit na ang Espiritu ang likas na diwa ng Diyos, ang gawaing tulad nito ay maaari lamang gawin ng Kanyang katawang-tao. Kung ang Espiritu ay gumawa nang nag-iisa, kung gayon ay hindi posible na maging epektibo ang Kanyang gawain—ito ay isang malinaw na katotohanan.

—mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Pagliligtas ng Diyos na Naging Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

30. Para sa lahat na naghahangad ng katotohanan at nasasabik sa pagpapakita ng Diyos, ang gawain ng Espiritu ay makakapagbigay lamang ng pagpupukaw ng damdamin o pagbubunyag, at isang pakiramdam ng pagkamangha na hindi naipaliliwanag at hindi nailalarawan ng isip, at isang pakiramdam na ito ay dakila, walang kapantay, at kahanga-hanga, nguni’t hindi rin maaaring makamit at matamo ng lahat. Ang tao at ang Espiritu ng Diyos ay maaari lamang tumingin sa bawat isa mula sa malayo, na parang may napakalayong distansya sa pagitan ng mga ito, at sila ay kailanman hindi maaaring maging magkapareho, na parang pinaghiwalay ng isang hindi nakikitang pagitan. Sa katunayan, ito ay isang ilusyon na ibinibigay ng Espiritu sa tao, dahil ang Espiritu at ang tao ay hindi pareho ng uri, at ang Espiritu at ang tao ay hindi kailanman magkasamang umiral sa parehong mundo, at sapagka’t ang Espiritu ay hindi nagtataglay ng pagkatao. Kaya ang tao ay hindi kinakailangan ang Espiritu, sapagka't ang Espiritu ay hindi direktang magagawa ang gawain na pinakakinakailangan ng tao. Ang gawain ng katawang-tao ay nag-aalok sa tao ng tunay na mga layunin upang itaguyod, malinaw na mga salita, at isang pakiramdam na Siya ay tunay at normal, na Siya ay mapagpakumbaba at pangkaraniwan. Kahit maaaring matakot ang tao sa Kanya, para sa karamihan ng mga tao Siya ay madaling makaugnay: Maaaring masdan ng tao ang Kanyang mukha, at dinggin ang Kanyang tinig, at hindi Siya kailangang tingnan mula sa malayo. Pakiramdam ng tao na madaling lapitan ang katawang-taong ito, hindi malayo, o di-maarok, nguni’t nakikita at mahihipo, dahil ang katawang-tao na ito ay nasa parehong mundo bilang tao.

—mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Pagliligtas ng Diyos na Naging Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

31. Nang ang Diyos ay hindi pa naging tao, hindi masyadong naintindihan ng mga tao ang Kanyang sinabi sapagkat ito ay nanggaling sa ganap na pagkaDiyos. Ang pananaw at ang nilalaman ng Kanyang sinabi ay hindi nakikita at hindi maabot ng sangkatauhan; ito ay ipinahayag mula sa espirituwal na dako na hindi makikita ng mga tao. Para sa mga taong nabuhay sa laman, hindi sila maaaring magdaan sa espirituwal na dako. Ngunit pagkatapos naging tao ang Diyos, nagsalita Siya sa sangkatauhan mula sa pananaw ng pagiging tao, at Siya ay lumabas at dinaig ang saklaw ng espirituwal na dako. Maaari Niyang ipahayag ang Kanyang banal na disposisyon, kalooban, at saloobin, sa mga bagay na maiisip ng mga tao at mga bagay na kanilang nakita at nakasagupa sa kanilang mga buhay, at gamit ang mga pamamaraan na matatanggap ng mga tao, sa isang wika na kanilang maiintindihan, at kaalaman na kanilang mauunawaan, upang tulutan ang sangkatauhan na maintindihan at makilala ang Diyos, upang maintindihan ang Kanyang layunin at ang Kanyang mga kinakailangan na pamantayan sa loob ng saklaw ng kanilang kakayahan, sa antas na kanilang makakaya. Ito ang pamamaraan at prinsipyo ng gawain ng Diyos sa pagkatao. Bagama’t ang mga pamamaraan ng Diyos at ang Kanyang mga prinsipyo sa paggawa sa katawang-tao ay nakamit karamihan sa pamamagitan mismo ng pagkatao, ito ay totoong nakapagtamo ng mga resulta na hindi matatamo sa pamamagitan ng paggawa sa mismong pagka-Diyos.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

32. Ngayon ay nakikita ng tao na ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay sadyang di-pangkaraniwan. Napakarami ng hindi magagawang makamit ng tao; ang mga iyon ay mga hiwaga at mga kababalaghan. Samakatuwid, marami ang mga nagpasakop. Ang ilan ay hindi kailanman nagpasakop sa sinumang tao magmula ng mga araw ng kanilang mga kapanganakan, gayunma’y kapag nakita nila ang mga salita ng Diyos sa araw na ito, lubos silang nagpapasakop nang hindi napapansing nagawa nila ang gayon, at hindi sila nagtatangkang siyasating mabuti o magsalita ng ano pa mang bagay. Ang sangkatauhan ay nahulog sa ilalim ng salita at nakadapa sa ilalim ng paghatol ng salita. Kung ang Espiritu ng Diyos ay direktang nagsalita sa tao, silang lahat ay magpapasakop sa tinig, babagsak paibaba na walang mga salita ng pagbubunyag, tulad ng kung paanong si Pablo ay nahulog sa lupa sa gitna ng liwanag habang siya ay naglalakbay sa Damasco. Kung ang Diyos ay nagpatuloy na gumawa sa ganitong paraan, hindi kailanman magagawa ng tao na kilalanin ang kanyang sariling katiwalian sa pamamagitan ng paghatol ng salita at makamit ang kaligtasan. Tanging sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao magagawa Niyang personal na ihatid ang Kanyang mga salita sa mga pandinig ng lahat upang ang lahat ng may mga pandinig ay maaaring makarinig ng Kanyang mga salita at makatanggap ng Kanyang gawain ng paghatol sa pamamagitan ng salita. Gayon lamang ang resulta na nakamit sa pamamagitan ng Kanyang salita, sa halip na ang paglitaw ng Espiritu na tumatakot sa tao para magpasakop. Sa pamamagitan lamang ng gayong praktikal at hindi-pangkaraniwang gawain maaaring lubusang maibunyag ang lumang disposisyon ng tao, na malalim na naitago sa loob ng maraming taon, upang makilala ito ng tao at mabago ito. Ito ang praktikal na gawain ng Diyos na nagkatawang-tao; Siya ay nagsasalita at nagsasagawa ng paghatol sa isang praktikal na paraan upang makamit ang mga resulta ng paghatol sa tao sa pamamagitan ng salita. Ito ang awtoridad ng Diyos na nagkatawang-tao at ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Ito ay ginagawa upang ipakilala ang awtoridad ng Diyos na nagkatawang-tao, ang mga resulta na nakamit sa pamamagitan ng gawain ng salita, at na ang Espiritu ay dumating sa laman; ipinakikita Niya ang Kanyang awtoridad sa pamamagitan ng paghatol sa tao sa pamamagitan ng salita. Kahit na ang Kanyang katawang-tao ay ang panlabas na anyo ng isang ordinaryo at normal na pagkatao, ito ay ang mga resultang nakakamit ng Kanyang mga salita na nagpapakita sa tao na Siya ay puno ng awtoridad, na Siya ay ang Diyos Mismo at na ang Kanyang mga salita ay ang pagpapahayag ng Diyos Mismo. Ipinakikita nito sa lahat ng tao na Siya ay ang Diyos Mismo, ang Diyos Mismo na nagkatawang-tao, at walang sinuman ang maaaring sumuway sa Kanya. Walang maaaring makalampas sa Kanyang paghatol sa pamamagitan ng salita, at walang puwersa ng kadiliman ang maaaring mangibabaw sa Kanyang awtoridad. Nagpapasakop nang lubos ang tao sa Kanya dahil Siya ang Salita na nagkatawang-tao, dahil sa Kanyang awtoridad, at dahil sa Kanyang paghatol sa pamamagitan ng salita. Ang gawain na dinala ng Kanyang nagkatawang-taong laman ay ang awtoridad na Kanyang tinataglay. Siya ay nagkakatawang-tao dahil ang katawang-tao ay maaari ring magtaglay ng awtoridad, at Siya ay may kakayahang magsakatuparan ng gawain sa gitna ng tao sa isang praktikal na paraan, na nakikita at nahahawakan ng tao. Ang gayong gawain ay mas makatotohanan kaysa anumang gawain na direktang ginawa sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos na nagtataglay ng lahat ng awtoridad, at ang mga resulta nito ay maliwanag din. Ito ay dahil ang nagkatawang-taong Diyos ay nakakapagsalita at nakakagawa ng gawain sa isang praktikal na paraan. Ang panlabas na anyo ng Kanyang katawang-tao ay walang awtoridad at maaaring lapitan ng tao. Ang Kanyang diwa ay nagtataglay ng awtoridad, nguni’t walang nakakakita sa Kanyang awtoridad. Kapag Siya ay nagsasalita at gumagawa, hindi magawa ng tao na matalos ang pag-iral ng Kaniyang awtoridad; ito ay mas kanais-nais sa Kanyang aktwal na gawain. At lahat ng mga naturang gawain ay makakapagkamit ng mga resulta. Kahit na walang tao ang nakakatanto na Siya ay nagtataglay ng awtoridad o nakakakita na hindi Siya dapat pagkasalaan o nakakakita sa Kanyang poot, sa pamamagitan ng Kanyang natatalukbungang awtoridad at poot at pampublikong pagsasalita, nakakamit Niya ang hinahangad na mga resulta ng Kanyang mga salita. Sa madaling salita, sa pamamagitan ng tono ng Kanyang boses, mahigpit na pagsasalita, at lahat ng karunungan ng Kanyang mga salita, ang tao ay lubusang nakukumbinsi. Sa ganitong paraan, ang tao ay nagpapasakop sa salita ng Diyos na nagkatawang-tao, na tila ba walang awtoridad, at dahil doon natutupad ang layunin ng Diyos na iligtas ang tao. Ito ang isa pang kabuluhan ng Kanyang pagkakatawang-tao: upang magsalita nang mas makatotohanan at hayaan ang katotohanan ng Kanyang mga salita na magkaroon ng epekto sa tao nang sa gayon ay masaksihan nila ang kapangyarihan ng salita ng Diyos. Kaya ang gawaing ito, kung hindi ginawa sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, ay hindi magkakamit ng pinakamaliit na mga resulta at hindi magagawang lubos na iligtas ang mga makasalanan.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

33. Para sa lahat ng nabubuhay sa laman, ang pagbabago ng kanilang disposisyon ay nangangailangan ng mga layuning pagsisikapan, at ang pagkilala sa Diyos ay nangangailangan ng pagsaksi sa tunay na mga gawa at tunay na mukha ng Diyos. Ang katawang-tao lamang ng Diyos ang makakagawa ng dalawang ito, at maisasakatuparan lamang ang dalawang ito ng normal at tunay na katawan. Ito ang dahilan kung bakit kailangan ang pagkakatawang-tao, at kung bakit ito kailangan ng lahat ng tiwaling sangkatauhan. Dahil kailangang makilala ng mga tao ang Diyos, ang mga larawan ng malabo at higit-sa-karaniwang mga Diyos ay kailangang maiwaksi sa kanilang puso, at dahil kailangan nilang alisin ang kanilang tiwaling disposisyon, kailangan muna nilang malaman ang kanilang tiwaling disposisyon. Kung gagawin lamang ng tao ang gawain para maiwaksi ang mga larawan ng malalabong Diyos mula sa puso ng mga tao, mabibigo siyang makamit ang tamang epekto. Ang mga larawan ng malalabong Diyos sa puso ng mga tao ay hindi maaaring ilantad, alisin, o ganap na mapalis ng mga salita lamang. Sa paggawa nito, sa huli ay hindi pa rin posibleng iwaksi ang mga bagay na ito na malalim na nakaugat sa mga tao. Tanging ang praktikal na Diyos at ang tunay na larawan ng Diyos ang makakapalit sa malabo at higit-sa-karaniwang mga bagay na ito upang tulutan ang mga tao na unti-unting malaman ang mga ito, at sa ganitong paraan lamang maaaring makamit ang angkop na epekto. Kinikilala ng tao na ang Diyos na kanyang hinangad ng mga nakaraang panahon ay malabo at hindi pangkaraniwan. Na ang maaaring makapagkamit ng epekto na ito ay hindi ang direktang pamumuno ng Espiritu, lalong hindi ang mga aral ng isang tiyak na indibidwal, nguni’t ang nagkatawang-taong Diyos. Ang mga pagkaintindi ng tao ay inilalantad kapag opisyal na ginagawa ng nagkatawang-taong Diyos ang Kanyang gawain, dahil ang pagiging normal at ang realidad ng nagkatawang-taong Diyos ay ang kabaligtaran ng malabo at hindi pangkaraniwang Diyos sa imahinasyon ng tao. Ang orihinal na mga pagkaintindi ng tao ay maaari lamang ibunyag sa pamamagitan ng kaibahan ng mga ito sa nagkatawang-taong Diyos. Kung wala ang paghahambing sa nagkatawang-taong Diyos, ang mga pagkaintindi ng tao ay hindi mabubunyag; sa ibang salita, kung walang kaibahan sa realidad ang malalabong bagay ay hindi mabubunyag. Walang may kakayahan na gumamit ng mga salita upang gawin ang gawaing ito, at walang sinuman ang may kakayahang magsalita nang maliwanag sa gawaing ito gamit ang mga salita. Tanging ang Diyos Mismo ang makakagawa ng Kanyang sariling gawain, at wala nang ibang makakagawa ng gawaing ito para sa Kanya. Gaano man kayaman ang wika ng tao, hindi niya kayang sabihin nang maliwanag ang realidad at pagiging normal ng Diyos. Maaari lamang makilala ng tao ang Diyos nang mas praktikal, at maaari lamang Siyang makita nang mas malinaw, kung personal na gagawa ang Diyos sa tao at ganap na ipapakita ang Kanyang larawan at pagkatao. Hindi makakamtan ng sinumang makamundong tao ang epektong ito. Siyempre, ang Espiritu ng Diyos ay hindi rin kayang makamit ang epekto na ito. Maaaring iligtas ng Diyos ang tiwaling tao mula sa impluwensya ni Satanas, nguni’t ang gawain na ito ay hindi maaaring direktang gawin ng Espiritu ng Diyos; sa halip, ito ay maaari lamang gawin ng katawang-tao na suot ng Espiritu ng Diyos, ng nagkatawang-taong katawan ng Diyos. Ang katawang ito na tao at Diyos din, ay isang tao na nagmamay-ari ng normal na pagkatao at Diyos din na nagmamay-ari ng buong pagka-Diyos. At sa gayon, kahit na ang katawang-taong ito ay hindi ang Espiritu ng Diyos, at lubos na naiiba sa Espiritu, ito pa rin ang nagkatawang-taong Diyos Mismo na nagliligtas sa tao, na ang Espiritu at ang katawang-tao rin. Kahit na ano ang tawag sa Kanya, sa huli ito pa rin ang Diyos Mismo na nagliligtas ng sangkatauhan. Sapagka’t ang Espiritu ng Diyos ay hindi mapaghihiwalay mula sa katawang-tao, at ang gawain ng katawang-tao ay ang gawain din ng Espiritu ng Diyos; lamang, ang gawaing ito ay hindi ginagawa gamit ang pagkakakilanlan ng Espiritu, nguni’t ito ay ginagawa gamit ang pagkakakilanlan ng katawang-tao. Ang gawain na kailangang direktang gawin ng Espiritu ay hindi nangangailangan ng pagkakatawang-tao, at ang gawain na kailangang gawin ng katawang-tao ay hindi maaaring gawin nang direkta ng Espiritu, at maaari lamang gawin ng Diyos na nagkatawang-tao. Ito ang kinakailangan para sa gawaing ito, at ito ang kinakailangan ng tiwaling sangkatauhan. Sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos, isang yugto lamang ang direktang natupad ng Espiritu, at ang natitirang dalawang yugto ay ipinatutupad ng nagkatawang-taong Diyos, at hindi direkta ng Espiritu. Ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan na ginawa ng Espiritu ay hindi kabilang ang pagpapalit ng tiwaling disposisyon ng tao, at wala rin itong kaugnayan sa kaalaman ng tao sa Diyos. Ang gawain ng katawang-tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya at sa Kapanahunan ng Kaharian, sa kabilang banda, ay naglalakip sa tiwaling disposisyon ng tao at ang kanyang kaalaman tungkol sa Diyos, at ito ay isang mahalaga at maselang bahagi ng gawain ng pagliligtas. Samakatuwid, ang tiwaling sangkatauhan ay mas kinakailangaan ang pagliligtas ng nagkatawang-taong Diyos, at mas nangangailangan ng direktang gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Kinakailangan ng sangkatauhan ang nagkatawang-taong Diyos upang magpastol sa kanya, sumuporta sa kanya, diligin siya, magpakain sa kanya, hatulan at kastiguhin siya, at nangangailangan siya ng higit na biyaya at mas higit na pagtubos mula sa nagkatawang-taong Diyos. Tanging ang Diyos sa katawang-tao ang maaaring maging pinagtitiwalaan ng tao, ang pastol ng tao, ang handang sumaklolo sa tao, at lahat ng ito ay ang pangangailangan ng pagkakatawang-tao ngayon at sa mga nakaraang panahon.

—mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Pagliligtas ng Diyos na Naging Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

34. Sa Kapanahunan ng Kaharian, ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagwiwika ng mga salita upang lupigin ang lahat ng naniniwala sa Kanya. Ito ay “ang Salita na nagpapakita sa katawang-tao”; ang Diyos ay naparito sa panahon ng mga huling araw upang gawin ang ganito, na ibig sabihin, Siya ay naparito upang tuparin ang aktwal na kabuluhan ng Salita na nagpapakita sa katawang-tao. Nagwiwika lamang Siya ng mga salita, at bihirang mayroong pagdating ng mga katunayan. Ito ang pinakasubstansya ng Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at kapag ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagwiwika ng Kanyang mga salita, ito ang pagpapakita ng Salita sa katawang-tao, at ang Salita na dumarating sa katawang-tao. “Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios, at nagkatawang-tao ang Verbo.” Ito (ang gawain ng pagpapakita ng Salita sa katawang-tao) ay ang gawain na tutuparin ng Diyos sa mga huling araw, at ang huling kabanata ng Kanyang buong plano ng pamamahala, at sa gayon ang Diyos ay naparito sa lupa at naghayag ng Kanyang mga salita sa katawang-tao. Yaong ginagawa ngayon, yaong gagawin sa hinaharap, yaong tutuparin ng Diyos, ang huling hantungan ng tao, yaong mga maliligtas, yaong mga mawawasak, at iba pa—ang gawaing ito na dapat makamit sa katapusan ay maliwanag nang nakasaad, at ang lahat ay upang tuparin ang aktwal na kabuluhan ng Salita na nagpapakita sa katawang-tao. Ang mga atas administratibo at saligang-batas na dati nang nailathala, yaong mga mawawasak, yaong mga papasok sa kapahingahan—ang lahat ng salitang ito ay dapat na matupad. Ito ang gawaing pangunahing natupad ng Diyos na nagkatawang-tao sa panahon ng mga huling araw. Ipinauunawa Niya sa mga tao kung saan yaong mga itinadhana ng Diyos ay nabibilang at kung saan yaong mga hindi itinadhana ng Diyos ay nabibilang, kung paanong ang Kanyang mga tao at mga anak ay mapapagbukud-bukod, ano ang mangyayari sa Israel, ano ang mangyayari sa Egipto—sa hinaharap, bawat isa sa mga salitang ito ay matutupad. Ang mga hakbang ng mga gawain ng Diyos ay bumibilis. Ginagamit ng Diyos ang salita bilang ang paraan upang ibunyag sa tao kung ano ang gagawin sa bawat kapanahunan, kung ano ang gagawin ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, at ang ministeryo na Kanyang gagampanan, at lahat ng salitang ito ay upang isakatuparan ang aktuwal na kabuluhan ng Salitang nagpapakita sa katawang-tao.

—mula sa “Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

35. Ang Diyos ay naparito sa lupa pangunahin upang tuparin ang katunayan na “ang Salita ay nagiging tao,” na ibig sabihin, Siya ay naparito upang ang Kanyang mga salita ay mailabas mula sa katawang-tao (hindi tulad ng sa panahon ni Moises sa Lumang Tipan, nang ang Diyos ay direktang nagsalita mula sa langit). Matapos iyon, ang bawat isa sa Kanyang mga salita ay matutupad sa Kapanahunan ng Milenyong Kaharian, ang mga iyon ay magiging mga katunayang nakikita ng mga mata ng mga tao, at makikita ang mga iyon ng mga tao gamit ang sariling mga mata nang walang kahit bahagyang pagkakaiba. Ito ang pinakamataas na kahulugan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Na ang ibig sabihin, ang gawain ng Espiritu ay natutupad sa pamamagitan ng katawang-tao, at sa pamamagitan ng mga salita. Ito ang tunay na kahulugan ng “ang Salita ay nagiging tao” at “ang pagpapakita ng Salita sa katawang-tao.” Ang Diyos lamang ang maaaring makapagsalita ng kalooban ng Espiritu, at tanging ang Diyos sa katawang-tao ang maaaring magsalita sa ngalan ng Espiritu; ang mga salita ng Diyos ay ginagawang payak sa katawang-tao ng Diyos, at ang lahat ay nagagabayan ng mga iyon. Walang sinuman ang hindi sakop, lahat sila ay umiiral sa loob ng saklaw nito. Mula lamang sa mga pagbigkas na ito makakaalam ang mga tao; yaong mga hindi nakakatamo sa paraang ito ay nananaginip nang gising kung sa tingin nila ay matatamo nila ang mga pagbigkas na ito mula sa langit. Ganoon ang awtoridad na ipinapakita sa katawang-tao ng Diyos: na nagpapapaniwala sa lahat. Kahit na ang pinaka-kapita-pitagang mga eksperto at mga relihiyosong pastor ay hindi makakapagsalita ng mga salitang ito. Sila ay dapat magpasakop sa ilalim nila, at walang makakagawa ng panibagong simula. Gagamitin ng Diyos ang mga salita upang lupigin ang sansinukob. Gagawin Niya ito hindi sa Kanyang katawang-tao, kundi sa pamamagitan ng paggamit ng mga pagbigkas mula sa bibig ng Diyos na naging tao upang lupigin ang lahat ng tao sa buong sansinukob; tanging ito lamang ang Salita na naging tao, at ito lamang ang pagpapakita ng Salita sa katawang-tao. Marahil, sa mga tao, mukhang hindi nakagawa ng maraming gawain ang Diyos—nguni’t kailangan lamang bigkasin ng Diyos ang Kanyang mga salita upang lubusang mapaniwala ang mga tao, at para sila’y lubusang humanga. Sa walang katunayan, sumisigaw at naghihiyawan ang mga tao; sa mga salita ng Diyos, sila ay nananahimik. Tiyak na matutupad ng Diyos ang katunayang ito, sapagka’t ito ang matagal nang naitatag na plano ng Diyos: ang pagtupad sa katunayan ng pagdating ng Salita sa lupa.

—mula sa “Nakarating na ang Milenyong Kaharian” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

36. Ang pinakamainam na bagay tungkol sa Kanyang gawain sa katawang-tao ay maaari Siyang mag-iwan ng tumpak na mga salita at mga pangaral, at ang Kanyang tumpak na kalooban para sa sangkatauhan patungkol sa mga taong sumusunod sa Kanya, sa gayon pagkatapos nito ang Kanyang mga tagasunod ay maaaring mas tumpak at mas konkretong maipasa ang lahat ng Kanyang mga gawain sa katawang-tao at ang Kanyang kalooban para sa buong sangkatauhan sa mga tumatanggap sa ganitong paraan. Tanging ang gawain ng Diyos sa katawang-tao sa gitna ng tao ang tunay na nagsasakatuparan sa katunayan ng kung ano ang Diyos at ang pamumuhay kasama ng tao. Tanging ang gawaing ito ang nagsasakatuparan sa kagustuhan ng tao na mamasdan ang mukha ng Diyos, masaksihan ang gawain ng Diyos, at marinig ang personal na salita ng Diyos. Winawakasan ng Diyos na nagkatawang-tao ang kapanahunan na likod lamang ni Jehova ang nagpakita sa sangkatauhan, at tinatapos din ang kapanahunan ng paniniwala ng sangkatauhan sa malabong Diyos. Partikular na, ang gawain ng huling Diyos na nagkatawang-tao ay dinadala ang buong sangkatauhan sa isang kapanahunan na mas makatotohanan, mas praktikal, at mas kaaya-aya. Hindi lamang Niya tinatapos ang kapanahunan ng kautusan at doktrina; ang mas mahalaga, inihahayag Niya sa sangkatauhan ang isang Diyos na tunay at normal, na matuwid at banal, na nagpapasimula sa gawain ng plano ng pamamahala at nagpapamalas ng mga hiwaga at hantungan ng sangkatauhan, na lumikha sa sangkatauhan at winawakasan ang gawaing pamamahala, at nanatiling nakatago nang libu-libong taon. Winawakasan Niya ang kapanahunan ng kalabuan nang lubusan, tinatapos Niya ang kapanahunan kung saan ang ninais ng buong sangkatauhan na hanapin ang mukha ng Diyos ngunit hindi nila nagawa, winawakasan Niya ang kapanahunan kung kailan nagsilbi kay Satanas buong sangkatauhan, at inaakay ang buong sangkatauhan hanggang sa dulo ng isang ganap na bagong panahon. Lahat ng ito ay resulta ng gawain ng Diyos sa katawang-tao sa halip na ng Espiritu ng Diyos. Kapag ang Diyos ay gumagawa sa Kanyang katawang-tao, ang mga taong sumusunod sa Kanya ay hindi na humihingi at naghahanap sa mga malabo at hindi malinaw na mga bagay, at tumitigil sa paghula sa kalooban ng malabong Diyos. Kapag pinalalaganap ng Diyos ang Kanyang gawain sa katawang-tao, ang mga sumusunod sa Kanya ay ipapasa ang gawain na Kanyang ginawa sa katawang-tao sa lahat ng mga relihiyon at denominasyon, at kanilang ipagtatalastasan ang lahat ng Kanyang mga salita sa mga pandinig ng buong sangkatauhan. Ang lahat na naririnig ng mga yaong tumanggap sa Kanyang ebanghelyo ay magiging mga katunayan ng Kanyang gawain, magiging mga bagay na personal na nakita at narinig ng tao, at magiging mga katunayan at hindi sabi-sabi. Ang mga katunayang ito ay ang katibayan na Kanyang pinalalaganap ang gawain, at ito rin ang mga kasangkapan na ginagamit Niya sa pagpapalaganap ng gawain. Kung wala ang pag-iral ng mga katunayan, ang Kanyang ebanghelyo ay hindi lalaganap sa lahat ng bansa at sa lahat ng lugar; kapag walang katunayan nguni’t sa mga guni-guni lamang ng tao, Hindi Niya kailanman magagawa ang gawaing panlulupig sa buong sansinukob. Ang Espiritu ay hindi masasalat ng tao, at di-nakikita ng mga tao, at ang gawain ng Espiritu ay hindi kayang mag-iwan ng anumang karagdagang katibayan o mga katunayan ng gawain ng Diyos para sa tao. Ang tao ay hindi kailanman makikita ang tunay na mukha ng Diyos, at palaging maniniwala sa malabong Diyos na hindi umiiral. Ang tao ay hindi kailanman makikita ang tunay na mukha ng Diyos, ni ang tao ay makaririnig ng mga salita na personal na sinabi ng Diyos. Ang mga imahinasyon ng tao, kunsabagay, ay walang laman, at hindi mapapalitan ang tunay na mukha ng Diyos; ang likas na disposisyon ng Diyos, at ang gawain ng Diyos Mismo ay hindi magagaya ng tao. Ang di-nakikitang Diyos sa langit at ang Kanyang gawain ay maaari lamang dalhin sa lupa ng Diyos na nagkatawang-tao na personal na ginagawa ang Kanyang gawain sa mga tao. Ito ang pinakamainam na paraan kung saan nagpapakita ang Diyos sa tao, kung saan nakikita ng tao ang Diyos at nalalaman ang tunay na mukha ng Diyos, at hindi ito makakamtan ng isang Diyos na hindi nagkatawang-tao.

—mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Pagliligtas ng Diyos na Naging Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

37. Ang dahilan na magagawa ng katawang-taong ito ang gawain na hindi kaya ng tao ay sapagka’t ang Kanyang panloob na diwa ay hindi katulad ng sa sinumang tao, at ang dahilan na kaya Niyang iligtas ang tao ay sapagka’t ang Kanyang pagkakakilanlan ay naiiba mula sa sinumang tao. Ang katawang-tao na ito ay napakahalaga sa sangkatauhan sapagka’t Siya ay tao at lalong higit ay Diyos, sapagka’t maaari Niyang gawin ang mga gawain na hindi kaya ng ordinaryong katawan ng tao, at dahil maaari Siyang magligtas ng tiwaling tao, na naninirahan kasama Niya sa lupa. Bagama’t Siya ay kapareho sa tao, ang nagkatawang-taong Diyos ay mas mahalaga sa sangkatauhan kaysa sa sinumang tao na may halaga, dahil magagawa Niya ang gawain na hindi magagawa ng Espiritu ng Diyos, mas mayroong kakayahan kaysa sa Espiritu ng Diyos upang magpatotoo sa Diyos Mismo, at mas mayroong kakayahan kaysa sa Espiritu ng Diyos upang lubos na makamtan ang sangkatauhan. Bilang resulta, kahit na ang katawang-tao na ito ay karaniwan at ordinaryo, ang Kanyang ambag sa sangkatauhan at ang Kanyang kahalagahan sa pag-iral ng sangkatauhan ay lubos na ginagawa Siyang napakahalaga, at ang tunay na halaga at kabuluhan ng katawang-tao na ito ay hindi masukat ng sinumang tao. Kahit na ang katawang-tao na ito ay hindi maaaring direktang puksain si Satanas, maaari Niyang gamitin ang Kanyang gawain upang lupigin ang sangkatauhan at talunin si Satanas, at gawin si Satanas na lubos na magpasakop sa Kanyang kapamahalaan. Sapagka’t ang Diyos ay nagkatawang-tao na kaya Niyang talunin si Satanas at kayang iligtas ang sangkatauhan. Hindi Niya direktang pinupuksa si Satanas, nguni’t naging katawang-tao upang gawin ang gawain na lupigin ang sangkatauhan, na nagawang tiwali ni Satanas. Sa ganitong paraan, mas mahusay Niyang magagawang magpatotoo sa Sarili Niya sa gitna ng mga nilalang, at mas mahusay na nagagawang iligtas ang tiwaling tao. Ang paglupig ng nagkatawang-taong Diyos kay Satanas ay magdudulot ng mas malaking patotoo, at ito ay mas mapanghikayat, kaysa sa direktang pagpuksa ng Espiritu ng Diyos kay Satanas. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay mas kayang magawang tumulong sa tao para kilalanin ang Lumikha, at mas kayang magpatotoo sa Sarili Niya sa gitna ng mga nilalang.

—mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Pagliligtas ng Diyos na Naging Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

38. Sa pagkakataong ito, pumaparito ang Diyos upang gumawa ng gawain hindi sa espirituwal na katawan kundi sa isang napakakaraniwang katawan. Hindi lamang ito ang katawan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, kundi ito rin ang katawan kung saan magbabalik ang Diyos. Ito ay isang napaka-ordinaryo na katawang-tao. Sa Kanya, wala kang makikitang anumang kaiba kumpara sa iba, nguni’t maaari kang makatanggap mula sa Kanya ng mga katotohanang hindi mo pa kailanman dating narinig. Ang hamak na katawang-taong ito ay ang pagsasakatawan ng lahat ng salita ng katotohanan mula sa Diyos, na siyang pumapasan sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at isang pagpapahayag ng kabuuan ng disposisyon ng Diyos para malaman ng tao. Hindi ba labis ang iyong pagnanais na makita ang Diyos sa langit? Hindi ba labis ang iyong pagnanais na maintindihan ang Diyos sa langit? Hindi ba labis ang iyong pagnanais na makita ang hantungan ng sangkatauhan? Sasabihin Niya sa iyo ang lahat ng lihim na ito na wala pang sinumang tao ang nakapagsabi sa iyo, at sasabihin pa Niya sa iyo ang mga katotohanan na hindi mo nauunawaan. Siya ang iyong pintuan patungo sa kaharian, at ang iyong gabay patungo sa bagong kapanahunan. Ang gayong karaniwang katawang-tao ay nagtataglay ng maraming hindi maarok na mga hiwaga. Ang Kanyang mga gawa ay maaaring hindi mo maabot, nguni’t ang adhikain ng lahat ng gawaing Kanyang ginagawa ay sapat upang iyong makita na hindi Siya isang simpleng katawang-tao gaya ng inaakala ng tao. Sapagka’t kinakatawan Niya ang kalooban ng Diyos gayundin ang pangangalaga na ipinakita ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw. Kahit na hindi mo naririnig ang mga salitang Kanyang sinasabi na tila yumayanig sa langit at lupa, o nakikita ang Kanyang mga mata na tila mga naglalagablab na ningas, at kahit na hindi mo nararamdaman ang disiplina ng Kanyang bakal na pamalo, maririnig mo mula sa Kanyang mga salita ang galit ng Diyos at nalalaman na ang Diyos ay nagpapamalas ng pagkahabag sa sangkatauhan; nakikita mo ang matuwid na disposisyon ng Diyos at ang Kanyang karunungan, at higit sa lahat, natatanto ang pagmamalasakit at pag-aalaga ng Diyos sa buong sangkatauhan.

—mula sa “Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng mga Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

39. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang pahintulutan ang tao na makita ang Diyos sa langit na namumuhay sa kalagitnaan ng mga tao sa lupa, at bigyang-kakayahan ang tao na makilala, sundin, igalang at ibigin ang Diyos. Ito ang dahilan kung bakit nagbalik na Siya sa katawang-tao sa pangalawang pagkakataon. Kahit na ang nakikita ng tao sa kasalukuyan ay isang Diyos na katulad ng tao, ang Diyos na mayroong ilong at dalawang mata, at isang di-katangi-tanging Diyos, sa katapusan ay ipakikita sa inyo ng Diyos na kung wala ang pag-iral ng taong ito, ang langit at lupa ay sasailalim sa napakalaking pagbabago; kung wala ang pag-iral ng taong ito, ang langit ay magiging madilim, magkakagulo sa lupa, at ang buong sangkatauhan ay mamumuhay sa taggutom at mga salot. Ipakikita Niya sa inyo na kung wala ang pagliligtas ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, matagal na sanang winasak ng Diyos ang buong sangkatauhan sa impiyerno; kung wala ang pag-iral ng katawang-taong ito, kung gayon kayo ay magiging pinakapinuno ng mga makasalanan at mga bangkay magpakailanman. Nararapat ninyong malaman na kung hindi umiiral ang katawang-taong ito, ang buong sangkatauhan ay mahaharap sa di-maiiwasang kalamidad at mahihirapang makatakas sa mas matinding kaparusahan ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw. Kung hindi isinilang ang karaniwang katawang-taong ito, lahat kayo ay mapupunta sa katayuan kung saan ang pagkabuhay ni ang kamatayan ay hindi darating gaano man ninyo ito naisin; kung wala ang pag-iral ng katawang-taong ito, kung gayon sa araw na ito hindi ninyo makakayang tanggapin ang katotohanan at lumapit sa trono ng Diyos. Sa halip, parurusahan kayo ng Diyos dahil sa inyong mabigat na mga kasalanan. Alam ba ninyo? Kung hindi dahil sa muling pagkakatawang-tao ng Diyos, walang magkakaroon ng pagkakataon sa kaligtasan; kung hindi dahil sa pagdating ng katawang-taong ito, matagal nang tinapos ng Diyos ang lumang kapanahunan. Kaya, magagawa ninyo pa bang tanggihan ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos? Yamang maaari kayong lubhang makinabang sa karaniwang taong ito, kung gayon bakit hindi ninyo Siya tanggapin nang buong puso?

—mula sa “Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng mga Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

40. Sa katapusan ang bawat bansa ay sasamba sa karaniwang taong ito, gayundin ay magbibigay pasasalamat at susunod sa hamak na taong ito. Sapagka’t Siya ang nagdala ng katotohanan, ng buhay, at ng daan upang mailigtas ang buong sangkatauhan, malunasan ang hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng Diyos at tao, papaglapitin ang Diyos at tao, at maipaalam ang mga iniisip sa pagitan ng Diyos at tao. Siya rin ang nagdala ng higit pang kaluwalhatian sa Diyos. Hindi ba karapat-dapat ang karaniwang taong gaya nito sa iyong pagtitiwala at pagsamba? Ang gayon bang karaniwang katawang-tao ay hindi angkop upang tawaging Cristo? Ang gayon bang karaniwang tao ay hindi maaaring maging ang pagpapahayag ng Diyos sa gitna ng mga tao? Hindi ba karapat-dapat sa inyong pagmamahal at para inyong hawakan ang gayong tao na tumutulong sa sangkatauhan upang mailigtas sa sakuna? Kung tanggihan ninyo ang mga katotohanang namutawi mula sa Kanyang bibig at kamuhian din ang Kanyang pag-iral sa gitna ninyo, ano ang inyong magiging kapalaran?

—mula sa “Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng mga Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

41. Silang mga nagnanais na makamtan ang buhay nang hindi umaasa sa katotohanan na sinambit ni Cristo ay ang mga pinakahibang na tao sa mundo, at silang mga hindi tumatanggap ng daan ng buhay na inihatid ni Cristo ay mga ligaw sa guni-guni. At sa gayon sinasabi Ko na ang mga tao na hindi tumatanggap sa Cristo ng mga huling araw ay magpakailanmang kamumuhian ng Diyos. Si Cristo ay ang daanan ng tao patungo sa kaharian sa mga huling araw, na walang sinuman ang makakalampas. Walang sinuman ang maaaring gawing perpekto ng Diyos kundi sa pamamagitan ni Cristo lang. Naniniwala ka sa Diyos, at sa gayon dapat mong tanggapin ang Kanyang mga salita at sumunod sa Kanyang paraan. Hindi mo dapat isipin lang ang pagtanggap ng mga pagpapala nang hindi tumatanggap ng katotohanan, o tinatanggap ang tustos ng buhay. Dumarating si Cristo sa mga huling araw upang lahat ng tunay na naniniwala sa Kanya ay maaaring mabigyan ng buhay. Ang Kanyang gawain ay para sa pagtatapos ng lumang kapanahunan at ang pagpasok sa isang bago, at ito ang landas na dapat tahakin ng lahat ng papasok sa bagong kapanahunan. Kapag wala kang kakayahang kilalanin Siya, at bagkus ay isinusumpa, nilalapastangan, o inuusig pa Siya, kung gayon nakatakda kang masunog magpakailanman, at hindi kailanman makakapasok sa kaharian ng Diyos. Dahil ang Cristong ito ay ang Mismong pagpapahayag ng Banal na Espiritu, ang pagpapahayag ng Diyos, ang Siyang pinagkatiwalaan na ng Diyos na gumawa sa Kanyang gawain sa lupa. At sa gayon ay sinasabi Ko na kung hindi mo matatanggap ang lahat ng ginagawa ng Cristo ng mga huling araw, kung gayon lumalapastangan ka sa Banal na Espiritu. Ang ganti na dapat pagdusahan ng mga lumalapastangan sa Banal na Espiritu ay maliwanag sa lahat. Sinasabi Ko rin sa iyo na kapag lumaban ka sa Cristo ng mga huling araw, at ipagkaila Siya, walang sinuman kung gayon ang makapagpapasan sa mga kahihinatnan para sa iyo. Bukod pa rito, simula sa araw na ito hindi ka magkakaroon ng isa pang pagkakataon upang makamtan ang pagsang-ayon ng Diyos; kahit na subukin mo pang tubusin ang iyong sarili, hindi mo kailanman muling makikita ang mukha ng Diyos. Sapagka’t ang iyong kinakalaban ay hindi isang tao, ang iyong itinatakwil ay hindi isang mahinang nilalang, kundi si Cristo. Alam mo ba ang kahihinatnan nito? Hindi isang maliit na pagkakamali ang iyong ginawa, kundi isang karumal-dumal na krimen. At sa gayon, ipinapayo Ko sa lahat na huwag ilabas ang inyong mga pangil laban sa katotohanan, o gumawa ng bulagsak na mga pamumuna, dahil ang katotohanan lang ang makapagdadala sa iyo ng buhay, at wala kundi ang katotohanan ang makapagpapahintulot na maipanganak kang muli at makita ang mukha ng Diyos.

—mula sa “Tanging ang Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Talababa:

a. Ang nakasaad sa orihinal na teksto ay “para sa.”

b. Wala sa orihinal na teksto ang pariralang “ang gawain ng.”

c. Ang nakasaad sa orihinal na teksto ay “at ang dalawa ay.”

Sinundan:II Mga Klasikong Salita tungkol sa Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw

Sumunod:IV Mga Klasikong Salita tungkol sa Biblia

Baka Gusto Mo Rin