Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

545 Kapag Lalo Mong Pinalugod ang Diyos, Lalo Kang Pagpapalain

1 Habang lalo mong pinalulugod ang Diyos, lalo kang mas pagpapalain ng Diyos, at lalong lumalaki ang lakas ng iyong pag-ibig para sa Diyos; kaya, gayundin, magkakaroon ka ng pananampalataya at paninindigan, at madadama na walang anuman ang higit na mahalaga o makabuluhan kaysa sa isang buhay na ginugol sa pag-ibig sa Diyos. Maaaring sabihin na hangga't iniibig ng tao ang Diyos, kung gayon walang magiging kalungkutan. Bagama’t may mga pagkakataon na ang iyong laman ay mahina at ikaw ay napaliligiran ng maraming totoong kaligaligan, sa mga panahong ito tunay kang aasa sa Diyos, at sa loob ng iyong espiritu ikaw ay aaliwin, at makadadama ka ng katiyakan, at na magkakaroon ka ng isang bagay na maasahan. Sa ganitong paraan, magagawa mong mapagtagumpayan ang maraming kapaligiran, at kaya hindi ka na magrereklamo tungkol sa Diyos dahil sa kadalamhatian na iyong dinadanas; nanaisin mong umawit, sumayaw, at manalangin, makipagtipon at makipagniig, magbigay ng saloobin sa Diyos, at madadama mo na ang lahat ng tao, mga usapin, at mga bagay sa paligid mo na isinaayos ng Diyos ay naaangkop.

2 Kung hindi mo iniibig ang Diyos, ang lahat ng iyong nakikita ay magiging hindi kanais-nais sa iyo, walang magiging kaaya-aya sa iyong mga mata; hindi ka magiging malaya sa iyong espiritu bagkus kapus-palad, ang iyong puso ay palaging magrereklamo tungkol sa Diyos, at palagi mong mararamdaman na ikaw ay nagbabata ng napakaraming pagdurusa, at ito ay talagang hindi makatarungan. Kung hindi ka maghahangad para sa kapakanan ng kaligayahan, ngunit upang mapalugod ang Diyos at nang hindi maakusahan ni Satanas, kung gayon ang gayong paghahangad ay magbibigay sa iyo ng malaking kalakasan upang ibigin ang Diyos. Nagagawang ipatupad ng tao ang lahat ng sinalita ng Diyos, at ang lahat ng kanyang ginagawa ay nakapagpapalugod sa Diyos—ito ang ibig sabihin ng pagtataglay ng realidad.

Hango sa “Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Magulo pa ang Iyong Paniniwala

Sumunod:Paano Mo Dapat Gampanan ang Iyong Tungkulin

Baka Gusto Mo Rin