Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Sana'y Palagi Kang Manatili sa Aking Puso

Bilis

Sana'y Palagi Kang Manatili sa Aking Puso

I

Manatili Ka sa piling ko sa tagsibol at taglagas,

lumakad Kang kasama ko sa init at lamig.

Ang pagmasdan, Iyong malungkot na mukha,

puso ko'y lubhang nagdadalamhati.

II

Di ko kailanman nalalaman Iyong pag-iisa,

'di naaaliw ang sakit Mong nadarama.

Nakaharap sa Inyong taos-pusong mga payo,

maraming beses matigas aking ulo.

Palagi Kitang sinasaktan, lagi Kitang binibigo.

'Di ko alam hanggang sumapit Iyong pagtutuwid.

Katabi Mo ako, pasan Mo'y 'di ko napapagaan.

Pa'no nalalaman ng isang manhid ang 'Yong pagdurusa?

Sa tamis ng pag-ibig, tunay na nadarama,

puso Mo'y tunay.

Sino kayang gaganda pa sa'Yo,

sinong higit na iginagalang!

Laging kasama Mo,

sa 'Yo'y di kailanman ako hihiwalay.

Nawa'y makita galak sa'Yong mukha,

nawa'y manatili Ka sa puso ko.

III

Para sa aking mga pagnanasa, para sa laman,

nalimutan ko, katotohana't moralidad.

Kapag nalulula ako sa panghihinayang,

ang Iyong puso'y akin nang nasasaktan.

IV

Walang nakakaunawa sa Iyong kalungkutan.

Masama, dumaraing ako sa mga pagdurusa.

Sa kasakiman, humihiling ako sa 'Yo.

Sa mga alalahanin, sinong karamay Mo?

Palagi Kitang sinasaktan, lagi Kitang binibigo.

Di ko alam hanggang sumapit Iyong pagtutuwid.

Katabi Mo ako, pasan Mo'y 'di ko napapagaan.

Pa'no nalalaman ng isang manhid ang 'Yong pagdurusa?

Sa tamis ng pag-ibig,

tunay na nadarama,

puso Mo'y tunay.

Sino kayang gaganda pa sa'Yo,

sinong higit na iginagalang!

Laging kasama Mo,

sa 'Yo'y di kailanman ako hihiwalay.

Nawa'y makita galak sa'Yong mukha,

nawa'y manatili Ka sa puso ko.

Sinundan:Isang Panaghoy para sa Kalunos-lunos na Mundo

Sumunod:Awit ng Pagmamahal sa Diyos nang Walang Panghihinayang

Baka Gusto Mo Rin