692 Ang Pag-uugali ng Tao sa mga Pagsubok

1 Habang naglalakad ka sa landas ngayon, ano ang pinaka-angkop na klase ng pagsisikap? Sa iyong pagsisikap, anong klase ng tao ang dapat mong makita sa sarili mo? Dapat mong malaman kung paano mo dapat harapin ang lahat ng sumasapit sa iyo ngayon, mga pagsubok man ito o paghihirap, o walang-awang pagkastigo at pagsumpa. Dapat mong bigyan ito ng maingat na pagsasaalang-alang sa lahat ng pagkakataon. Sinasabi Ko ito dahil ang sumasapit sa iyo ngayon, sa kabila ng lahat, ay maiikling pagsubok na paulit-ulit na nangyayari; marahil ay hindi mo itinuturing na mabigat sa isipan ang mga ito, kaya hinahayaan mo na lang magdaan ang mga bagay na ito, at hindi mo itinuturing ang mga ito na napakahalagang yaman sa pagsisikap na sumulong. Masyado kang bulagsak! Sobrang bulagsak na ipinapalagay mo na isang ulap na nakalutang sa harap ng iyong mga mata ang napakahalagang yamang ito; hindi mo pinahahalagahan ang malulupit na hagupit ng ulan na bumabagsak paminsan-minsan—mga hagupit na maiikli, at para sa iyo, tila marahan—kundi basta minamasdan mo lang ang mga ito, nang hindi mo sineseryoso, na itinuturing ang mga ito na paminsan-minsang pagkatok lamang. Napakayabang mo!

2 Sa halip na ituring na pinakamainam na proteksyon ang paulit-ulit na paghagupit at disiplina, ang tingin mo sa mga ito ay walang katuturang panggugulo ng Langit, o dili kaya’y angkop na paghihiganti sa iyo. Napakamangmang mo! Walang awa mong itinago sa dilim ang magagandang panahon; oras-oras, itinuring mong pag-atake ng iyong mga kaaway ang magagandang pagsubok at disiplina. Wala kang kakayahang makibagay sa iyong kapaligiran; at lalo nang ayaw mong gawin ‘yon, sapagkat ayaw mong matuto ng anuman mula sa paulit-ulit—at para sa iyo ay malupit—na pagkastigo. Hindi ka nagtatangkang maghanap o maggalugad, at basta ka na lang sumusuko sa iyong kapalaran, pumupunta kung saan ka dalhin nito. Hindi nabago ng sa tingin mo ay mababagsik na pagkastigo ang puso mo, ni hindi pumalit ang mga ito sa puso mo; sa halip, sinasaksak ng mga ito ang puso mo. Ang tingin mo rito sa “malupit na pagkastigo” ay walang iba kundi ang iyong kaaway sa buhay na ito, at wala kang natutuhan. Masyado kang mapagmagaling!

3 Madalang kang maniwala na nagdaranas ka ng ganitong mga pagsubok dahil napakasama mo; sa halip, iniisip mo na napakamalas mo, at sinasabi mo na palagi kitang hinahanapan ng mali. Sa ngayon, gaano ba talaga karami ang alam mo tungkol sa Aking sinasabi at ginagawa? Huwag mong isipin na likas kang matalino, medyo mas mababa lamang kaysa sa kalangitan ngunit mas mataas kaysa sa lupa. Hindi ka mas matalino kaysa sa iba—at masasabi pa nga na mas hangal ka kaysa sinumang iba pang mga tao sa lupa na may katwiran, sapagkat napakataas ng tingin mo sa iyong sarili, at hindi ka nakaramdam kailanman na mas mababa ka sa iba; tila nahihiwatigan mo ang pinakamaliit na detalye ng Aking mga kilos. Sa katunayan, isa kang tao na walang katwiran, sapagkat wala kang ideya kung ano ang Aking gagawin, at lalo kang walang alam kung ano ang Aking ginagawa ngayon. Kaya sinasabi Ko na hindi ka kapantay ng isang matandang magsasaka na nagtatrabaho sa lupain, isang magsasaka na wala ni katiting na pagkaunawa sa buhay ng tao subalit umaasa sa mga pagpapala ng Langit habang nagbubungkal ng lupa. Hindi ka nag-uukol ng kahit isang segundo para pag-isipan ang iyong buhay, wala kang alam na dapat ipagbunyi, at lalo nang wala kang alam tungkol sa sarili mo. Masyado kang “mapagmataas”!

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Hindi Natututo at Nananatiling Mangmang: Hindi Ba Sila mga Hayop?

Sinundan: 691 Ang Pagsapit ng Karamdaman ay Pag-ibig ng Diyos

Sumunod: 693 Nakakamit ng Diyos sa Huli Yaong mga Nagtataglay ng Katotohanan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito