950 Masyadong Maraming Hinihingi ang Tao sa Diyos

1 Masyadong maraming hinihingi ang mga tao sa Diyos, at ang gayong mga hinihingi ay sobra-sobra; sila ay lubos na di-makatwiran sa kung paano nila laging hinihingi sa Kanyang gawin ang mga bagay nang ganito o ganoon. Hindi kaya ng mga tao na ganap na magpasakop sa Diyos o sambahin Siya. Sa halip, ginagawa nila ang mga di-makatwirang kahilingan nila nang ayon sa mga sarili nilang kagustuhan. Inaasahan nila ang Diyos na palaging magparaya, na palaging maging mapagpasensya sa mga tao, na makipagtalastasan tungkol sa katotohanan tuwing nakikita Niya sila, na palaging kausapin sila, at iba pa. Dapat ninyong pagnilayan ang mga bagay na ito. Ang katwiran ng tao ay sadyang hindi perpekto, hindi ba? Hindi lang sa hindi nila kayang lubos na magpasakop sa mga pagsasaayos at paghahanda ng Diyos o tanggapin ang lahat na nagmumula sa Diyos, pero sa kabaligtaran, nagpapataw sila ng mga karagdagang hinihingi sa Diyos. Paano magiging tapat sa Diyos ang mga taong may mga ganitong hinihingi? Paano sila makakapagpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos? Paano nila magagawang mahalin ang Diyos?

2 Ang mga tao ay lahat may mga hinihingi kung paano sila dapat mahalin ng Diyos, magparaya sa kanila, bantayan sila at ingatan sila, at alagaan sila, pero wala silang hinihingi sa kung paano sila mismo ay dapat mahalin ang Diyos, isipin ang Diyos, maging mapagsaalang-alang sa Diyos, palugurin ang Diyos, taglayin ang Diyos sa mga puso nila, at sambahin ang Diyos. Umiiral ba ang mga bagay na ito sa mga puso ng mga tao? Ang mga ito ay mga bagay na dapat gawin ng mga tao, kaya bakit hindi sila masigasig sa pagsulong sa mga bagay na ito? Kaya ng ibang tao na maging masigasig sa maikling panahon, pero hindi ito nagtatagal; ang makatagpo ng kaunting dagok ay nagsasanhi na panghinaan sila ng loob, mawalan ng pag-asa, at magreklamo. Napakaraming problema ng mga tao, at napakakaunti lang ng mga taong naghahabol sa katotohanan at naghahanap na mahalin at palugurin ang Diyos. Lubhang di-makatwiran ang mga tao, tumatayo sila sa maling posisyon, at nakikita ang mga sarili nila bilang napakahalaga.

Hango sa “Ang Mga Taong Laging May Kinakailangan sa Diyos ang Pinaka-hindi-makatuwiran” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Sinundan: 949 Ang Paggawa Nang Walang Ingat ay Hindi Pagganap ng Tungkulin

Sumunod: 951 Bakit Laging Gumagawa ng mga Kahilingan ang Tao sa Diyos?

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.
Makipag-ugnayan sa Amin
Kontakin Kami Gamit ang Messnger

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito