445 Ang Kawangis ng mga Ginagamit ng Diyos

Ang mga taong ginagamit ng Diyos

‘di kamukha ng iba.

Parang ‘di sila makatwiran,

o relasyon sa iba’y ‘di maganda.

Nguni’t maingat silang magsalita.

Kung mangusap ay maayos.

Tahimik ang puso nila sa harap ng Diyos.


Mga taong gamit ng Diyos,

pagmamahal ‘di panlabas, ‘di nagpapasikat.

Ngunit ‘pag nagsalita ng espirituwal na bagay,

puso nila’y bukas, at sila’y nagbibigay

ng kaliwanagan sa lahat ng tao

na kanilang natamo sa tunay na pagdanas nito.

Ganyan nila ipinapakitang Diyos ay mahal nila

at pinalulugod, kalooban Niya.

Sila ay masigla, kaibig-ibig, at walang-sala,

nguni’t nagtataglay ng kapanatagan.

Ito ang kawangis ng mga ginagamit ng Diyos.


Yaong mga ginagamit ng Diyos,

‘pag sinisiraan at kinukutya,

‘di sila nagpapakontrol sa ibang

tao, bagay, o sitwasyon,

sa harap ng Diyos, tahimik pa rin sila.

Ganitong tao’y tila may sariling pananaw.

Anuman ang gawin ng iba,

puso nila’y ‘di kailanman iniiwan ang Diyos.

Sila ay masigla, kaibig-ibig, at walang-sala,

nguni’t nagtataglay ng kapanatagan.

Ito ang kawangis ng mga ginagamit ng Diyos.


Yaong mga ginagamit ng Diyos,

kapag ang iba ay nakikipag-usap nang walang ingat,

nananatili silang kalmado at nananalangin sa Diyos,

hinahanap Kanyang mga hangarin

o iniisip Kanyang salita.

Hindi nila iniisip kung paano mapanatili

tamang ugnayan sa ibang tao.

Ang ganitong tao ay mukhang

walang pilosopiya ng buhay.

Sila ay masigla, kaibig-ibig, at walang-sala,

nguni’t nagtataglay ng kapanatagan.

Ito ang kawangis ng mga ginagamit ng Diyos.


Ang pamantayan ng Diyos sa paggamit ng tao ay

binabaling nila puso nila sa Kanya,

hinahangad ang Kanyang salita,

handang hanapin ang katotohanan.

Ganitong mga tao ang maaaring maliwanagan,

makamit ang gawa ng Banal na Espiritu.

Sila ay masigla, kaibig-ibig, at walang-sala,

nguni’t nagtataglay ng kapanatagan.

Ito ang kawangis ng mga ginagamit ng Diyos.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Napakahalagang Magtatag ng Isang Normal na Kaugnayan sa Diyos

Sinundan: 444 Mayroon Ka Bang Normal na Relasyon sa Diyos?

Sumunod: 446 Magkaroon ng Normal na Relasyon sa Diyos para Maperpekto

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

281 Panahon

IIsang malungkot na kaluluwa’ng naglalakbay,sinusuri’ng bukas, hinahanap nakalipas,masipag na nagsisikap,naghahangad ng isang pangarap.‘Di...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito