Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

283 Papasukin ang Diyos sa Puso Mo

Makapapasok lamang sa iyong puso ang Diyos kung ito ay bubuksan mo sa Kanya. Makikita mo lamang kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, at makikita mo lamang ang Kanyang kalooban para sa iyo, kung Siya ay nakapasok sa iyong puso.

1 Sa sandaling iyon, matutuklasan mo na ang lahat ng tungkol sa Diyos ay napakahalaga, na kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay karapat-dapat pakaingatan. Kumpara doon, ang mga taong nakapaligid sa iyo, ang mga bagay at mga pangyayari sa iyong buhay, at maging ang iyong mga mahal sa buhay, ang iyong kasama, at ang lahat ng bagay na iyong minamahal, ay hindi man lamang dapat banggitin. Ang mga ito ay napakaliit, at napakababa; mararamdaman mo na walang materyal na bagay ang muling makapaglalapit sa iyo, at hindi ka na nila maaaring mapagbayad muli ng anumang halaga para sa kanila. Sa pagpapakumbaba ng Diyos makikita mo ang Kanyang kadakilaan at ang Kanyang pangingibabaw; higit pa rito, sa isang bagay na Kanyang ginawa na pinaniwalaan mong masyadong maliit, makikita mo ang Kanyang walang hanggang karunungan at ang Kanyang pagpapaubaya, at makikita mo ang Kanyang tiyaga, ang Kanyang pagtitimpi, at ang Kanyang pag-unawa sa iyo. Magbubunga ito sa iyo ng pag-ibig para sa Kanya.

2 Sa araw na iyon, mararamdaman mo na ang sangkatauhan ay nabubuhay sa isang maruming mundo, na ang mga taong nasa tabi mo at ang mga bagay na nangyayari sa iyong buhay, at maging yaong iyong iniibig, ang kanilang pag-ibig sa iyo, at ang kanilang tinatawag na pag-iingat o ang kanilang malasakit para sa iyo ay hindi man lamang dapat banggitin—ang Diyos lamang ang iyong minamahal, at ang Diyos lamang ang iyong pakapahalagahan nang lubos. Ang pag-ibig ng Diyos ay napakadakila, at ang Kanyang diwa ay napakabanal—sa Diyos ay walang panlilinlang, walang kasamaan, walang inggit, at walang alitan, ngunit tanging pagkamatuwid at kawastuhan, at lahat ng kung anong mayroon at kung ano ang Diyos ay dapat kasabikan ng mga tao. Dapat itong pagsikapan at hangarin ng mga tao.

Hango sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Tularan ang Karanasan ni Pedro

Sumunod:Ikaw ba ay Isang Taong Naghahangad na Maperpekto ng Diyos?

Baka Gusto Mo Rin