139 O Diyos, Alam Mo Ba Kung Gaanong Nananabik Ako sa Iyo?

I

Puso ko’y nananabik sa Iyo

at sa Iyong pagbabalik.

Mukha Mo’y ‘di ko makita,

at ang puso ko’y labis na nag-aalala.

Mahaba’t madilim na gabi—

kailan ko makikita’ng liwanag?

Sabik akong naghihintay na makita Kang muli,

sabik na makita Kang muli.

O, Diyos! Alam mo bang

hinihintay ko ang pagbabalik Mo?

Nakikiusap na ‘wag Mong iwan—

‘di ko kayang wala Ka!


II

Tinig Mo’y naririnig ko,

nagagalak ang aking puso.

Dumadalo ako sa piging kasama Ka,

at ninanamnam ang Iyong mga salita.

Tahimik kong ipinasyang ialay

lahat ng mayroon ako.

Nagpapatotoo’t nagpapalaganap ako

ng Iyong salita,

upang tugunan ang Iyong kalooban.

O, Diyos! Nawa’y hinihintay Mo ang pag-ibig ko.

Buong puso’t isip ay alay upang palugdan Ka;

‘di ko kayang wala Ka!


III

Sa ilalim ng Iyong paghatol,

may kirot at kalungkutan.

Kahit mahina ang laman, ‘di Kita kinalimutan,

‘di Kita kinalimutan.

Kinasusuklaman ko’ng laman,

lalo na si Satanas.

Masaya kong tinatanggap ang paghatol

para mas mabilis na maialis ang katiwalian.

‘Di ko kayang mamatay

nang ‘di natutugunan ang nais ng puso Mo.

Kung makikita ko’ng ‘Yong ngiti,

lubos akong masisiyahan!


IV

Salita Mo’y nagbibigay sa’kin

ng pananampalataya’t lakas.

‘Di na ako magiging negatibo.

Iniibig Kitang tunay.

Labis akong nagdusa sa mga pagsubok,

at katiwalian ko’y nalinis.

Gaano man karaming paghihirap,

iibig at magpapatotoo ako sa Iyo.

Umaasa akong maging bagong tao

at makamit ang pagsang-ayon Mo.

Iniaalay ang dalisay kong pag-ibig sa Iyo

at ‘di mawawalay sa Iyo!

Iniaalay ang dalisay kong pag-ibig sa Iyo

at ‘di mawawalay sa Iyo!

Sinundan: 138 Saan Ka man Pumunta Magiging Kasama Mo Ako

Sumunod: 140 O Diyos, Nangungulila Ako sa Iyo

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito