166 Nawa’y Mabatid Natin ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos

Namumuhay sa lupaing ito ng karumihan,

tayo’y malabis na inuusig ng malaking pulang dragon.

At nakabuo tayo ng pagkapoot para dito.

Hinahadlangan nito ang pag-ibig natin sa Diyos

at hinihikayat ang ating kasakiman

para sa ‘ting mga pagkakataon sa hinaharap.

Tinutukso tayo nito na maging negatibo, para labanan ang Diyos.

Tayo’y nalinlang, napasama’t napinsala nito hanggang ngayon,

sa puntong ‘di natin makayang

suklian ang pag-ibig ng Diyos ng ating puso.

Nawa’y paliwanagan tayo ng Diyos,

upang mabatid natin pagiging kaibig-ibig N’ya,

ibigin ang ating Diyos sa kaibuturan ng ating mga puso,

at ipakita ang pag-ibig natin para sa Kanya

sa iba’t ibang tungkulin.

Nawa’y pagkalooban tayo ng Diyos

ng pusong walang-maliw ang pag-ibig sa Kanya.

Ito ang inaasahan ng Diyos. Ito ang inaasahan ng Diyos.

Ito ang inaasahan ng Diyos.


Nais nating mahalin ang Diyos,

ngunit sa kabila nito, tayo’y walang kapangyarihan.

Lahat tayo’y biktima nito.

Sa kadahilanang ito,

poot tayo sa pulang dragon mula sa kaibuturan natin,

at ma’ari lamang tayong maghintay na malipol ito ng Diyos.

Dapat nating itakda ang ating puso sa

pagsasakatuparan ng kalooban ng Diyos na mahalin Siya.

Ito ang landas na dapat nating tahakin.

Ito ang pa’no natin dapat gugulin ang buhay natin.

Isagawa natin ang kalooban ng Diyos bilang ating layunin

at mamuhay ng buhay na puno ng kahulugan at karingalan.


Sa ganito, mamamatay tayo nang walang panghihinayang,

may pusong puno ng pasasalamat at aliw.

Nawa’y paliwanagan tayo ng Diyos,

upang mabatid natin pagiging kaibig-ibig N’ya,

ibigin ang ating Diyos sa kaibuturan ng ating mga puso,

at ipakita ang pag-ibig natin para sa Kanya

sa iba’t ibang tungkulin.

Nawa’y pagkalooban tayo ng Diyos

ng pusong walang-maliw ang pag-ibig sa Kanya.

Ito ang inaasahan ng Diyos. Ito ang inaasahan ng Diyos.

Ito ang inaasahan ng Diyos. Ito ang inaasahan ng Diyos.

Sinundan: 165 Ang Walang Hanggang Marka

Sumunod: 167 Sa Pag-ibig ng Diyos, Wala Akong Kinatatakutan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito