8. Paano winawakasan ng pagkakatawang-tao ng Diyos para gawin ang gawain ng paghatol ang kapanahunan ng pananalig ng sangkatauhan sa malabong Diyos at ang madilim na kapanahunan na sakop ni Satanas?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“At mangyayari sa mga huling araw, na ang bundok ng bahay ni Jehova ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at magiging mataas sa mga burol; at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon. At maraming bayan ay magsisiyaon at mangagsasabi, Halina kayo, at tayo’y magsiahon sa bundok ni Jehova, sa bahay ng Dios ni Jacob; at tuturuan niya tayo ng kaniyang mga daan, at tayo’y magsisilakad sa kaniyang mga landas: sapagka’t mula sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ni Jehova ay mula sa Jerusalem. At siya’y hahatol sa gitna ng mga bansa, at sasaway sa maraming tao: at kanilang pupukpukin ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod, at ang kanilang mga sibat ay maging mga karit: ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, o mangagaaral pa man sila ng pakikipagdigma. Oh sangbahayan ni Jacob, halikayo, at tayo’y magsilakad sa liwanag ni Jehova” (Isaias 2:2–5).

“Pinasasalamatan ka namin, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, na ikaw ngayon, at naging ikaw nang nakaraan; sapagka’t hinawakan mo ang iyong dakilang kapangyarihan, at ikaw ay naghari. At nangagalit ang mga bansa, at dumating ang iyong poot, at ang panahon ng mga patay upang mangahatulan, at ang panahon ng pagbibigay mo ng ganting-pala sa iyong mga alipin na mga propeta, at sa mga banal, at sa mga natatakot sa iyong pangalan, maliliit at malalaki; at upang ipahamak mo ang mga nagpapahamak ng lupa” (Pahayag 11:17–18).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Winakasan ng pagdating ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ang Kapanahunan ng Biyaya. Pumarito Siya pangunahin upang ipahayag ang Kanyang mga salita, gamit ang mga salita para gawing perpekto ang tao, tanglawan at liwanagan ang tao—at sa gayon ay inaalis ang puwang ng malabong Diyos sa puso ng tao. Nang pumarito si Jesus, hindi Niya ginawa ang yugtong ito ng gawain. Nang pumarito Siya, nagsagawa Siya ng maraming himala, pinagaling Niya ang mga maysakit at pinalayas ang mga demonyo, at ginawa Niya ang gawain ng pagtubos na magpapako sa krus. Bunga nito, sa mga kuru-kuro ng mga tao, naniniwala sila na ganito dapat ang Diyos. Sapagkat nang pumarito si Jesus, hindi Niya ginawa ang gawaing tanggalin ang wangis ng malabong Diyos sa puso ng tao; nang pumarito Siya, ipinako Siya sa krus, pinagaling Niya ang mga maysakit at pinalayas ang mga demonyo, at ipinangaral Niya ang ebanghelyo ng kaharian ng langit. Sa isang banda, inaalisan ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga huling araw ang puwang na hawak ng malabong Diyos sa mga kuro-kuro ng tao, kaya wala na ang wangis ng malabong Diyos sa puso ng tao. Sa pamamagitan ng Kanyang mga praktikal na salita at gawain, ang Kanyang paggalaw sa lahat ng lupain, at ang natatanging praktikal at normal na gawaing ginagawa Niya sa tao, ipinapaalam Niya sa tao ang pagiging praktikal ng Diyos, at inaalisan ng puwang ang malabong Diyos sa puso ng tao. Sa isa pang banda, ginagamit ng Diyos ang mga salitang ipinahayag ng Kanyang katawang-tao para gawing ganap ang tao, at maisakatuparan ang lahat ng bagay. Ito ang gawaing isasakatuparan ng Diyos sa mga huling araw.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagkilala sa Kasalukuyang Gawain ng Diyos

Sa pagparito sa tao ngayon, ang layunin ng Diyos ay walang iba kundi baguhin ang mga iniisip at espiritu ng mga tao, pati na ang larawan ng Diyos sa kanilang puso na milyun-milyong taon na nilang taglay sa kanilang puso. Gagamitin Niya ang pagkakataong ito upang gawing perpekto ang tao. Ibig sabihin, sa pamamagitan ng kaalaman ng tao, babaguhin Niya ang paraan ng pagkilala ng mga tao sa Kanya at ang kanilang saloobin sa Kanya, na magbibigay ng kakayahan sa tao na gumawa ng isang matagumpay na bagong simula sa pagkilala sa Diyos, at magkamit ng paninibago at pagbabago ng espiritu ng tao. Ang pagpupungos at pagdidisiplina ang mga paraan, samantalang ang paglupig at pagpapanibago ang mga layunin. Ang pagwawaksi sa mapamahiing mga kaisipang taglay ng tao tungkol sa malabong Diyos ang layon ng Diyos noon pa man, at nitong huli ay naging isa ring agarang bagay para sa Kanya. Sana’y pag-isipan pang mabuti ng lahat ng tao ang mangyayari sa sitwasyong ito sa hinaharap.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok (7)

Ngayon lamang, na personal Akong pumaparito sa tao at binibigkas ang Aking mga salita, nagkaroon ng kaunting kaalaman ang tao tungkol sa Akin, na nag-aalis sa puwang na sakop “Ko” sa kanilang isipan, at sa halip ay lumilikha ng isang puwang para sa praktikal na Diyos sa kanilang kamalayan. Ang tao ay may mga kuru-kuro at puno ng pag-uusisa; sino ang hindi magnanais na makita ang Diyos? Sino ang hindi magnanasang makaharap ang Diyos? Subalit ang tanging sumasakop sa isang tiyak na puwang sa puso ng tao ay ang Diyos na sa pakiramdam ng tao ay malabo at mahirap unawain. Sino ang makatatanto nito kung hindi Ko sinabi sa kanila nang malinaw? Sino ang tunay na maniniwala, nang may katiyakan at walang bahid ng pagdududa, na Ako ay talagang umiiral? May malaking pagkakaiba sa pagitan ng “Ako” sa puso ng tao at ng “Ako” ng realidad, at walang sinumang may kakayahang ikumpara ang mga ito. Kung hindi Ako naging tao, hindi Ako kailanman makikilala ng tao, at kahit nakilala niya Ako, hindi ba isang kuru-kuro pa rin ang gayong pagkakilala? …

… Dahil natukso at nagawang tiwali na ni Satanas ang tao, dahil nadala na siya sa pamamagitan ng mga kuru-kuro at pag-iisip, naging tao Ako upang personal na lupigin ang buong sangkatauhan, upang ilantad ang lahat ng kuru-kuro ng tao, at upang basagin ang iniisip ng tao. Dahil dito, hindi na muling nagmamalaki ang tao sa Aking harapan, at hindi na muling naglilingkod sa Akin gamit ang sarili niyang mga kuru-kuro, at sa gayon ay ganap nang naiwaksi ang “Ako” sa mga kuru-kuro ng tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 11

Para sa lahat ng nabubuhay sa laman, ang pagbabago ng kanilang disposisyon ay nangangailangan ng mga layong hahangarin, at ang pagkilala sa Diyos ay nangangailangan ng pagsaksi sa praktikal na mga gawa at tunay na mukha ng Diyos. Matatamo lamang ang dalawang ito ng katawang-tao ng Diyos, at maisasakatuparan lamang ang dalawang ito ng normal at nahahawakang katawang-tao. Ito ang dahilan kung bakit kailangan ang pagkakatawang-tao, at kung bakit ito kailangan ng lahat ng tiwaling sangkatauhan. Dahil kinakailangang makilala ng mga tao ang Diyos, kailangang maiwaksi sa kanilang mga puso ang mga imahe ng malabo at higit-sa-karaniwang mga diyos, at dahil hinihinging iwaksi nila ang kanilang tiwaling disposisyon, dapat muna nilang malaman ang kanilang tiwaling disposisyon. Kung gagawin lamang ng tao ang gawain para maiwaksi mula sa puso ng mga tao ang mga imahe ng malalabong diyos, mabibigo siyang makamit ang nilalayong epekto. Hindi mailalantad, maiwawaksi, o ganap na mapapatalsik ng mga salita lamang ang mga imahe ng malalabong diyos sa puso ng mga tao. Sa paggawa nito, hindi pa rin posible sa huli na iwaksi ang mga bagay na malalim na nakaugat sa mga tao. Makakamit lamang ang angkop na epekto kapag napalitan ng praktikal na Diyos at ng tunay na wangis ng Diyos ang malalabo at di-pangkaraniwang mga bagay na ito, at unti-unting ipinapaalam sa mga tao ang mga ito. Kinikilala ng tao na malabo at hindi pangkaraniwan ang Diyos na kanyang hinangad sa mga nakaraang panahon. Ang may kakayahang makapagkamit ng epektong ito ay hindi ang tuwirang pamumuno ng Espiritu, lalong hindi ang mga aral ng isang partikular na indibidwal, kundi ang Diyos na nagkatawang-tao. Nailalantad ang mga kuru-kuro ng tao kapag opisyal na ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang gawain, sapagkat ang pagiging normal at ang praktikalidad ng Diyos na nagkatawang-tao ay ang kabaligtaran ng malabo at di-pangkaraniwang diyos sa imahinasyon ng tao. Maibubunyag lamang ang orihinal na mga kuru-kuro ng tao kapag naihambing sa Diyos na nagkatawang-tao. Kung wala ang paghahambing sa Diyos na nagkatawang-tao, hindi maibubunyag ang mga kuru-kuro ng tao; sa madaling salita, kung walang praktikalidad bilang hambingan, hindi maihahayag ang malalabong bagay. Walang may kakayahang gumamit ng mga salita upang gawin ang gawaing ito, at walang sinuman ang may kakayahang magsalita nang maliwanag sa gawaing ito gamit ang mga salita. Ang Diyos Mismo ang makakagawa ng Kanyang sariling gawain, at wala nang iba pa ang makakagawa ng gawaing ito sa ngalan Niya. Gaano man kayaman ang wika ng tao, hindi niya kayang sabihin nang maliwanag ang praktikalidad at pagiging normal ng Diyos. Maaari lamang makilala ng tao ang Diyos nang higit na praktikal, at maaari lamang Siyang makita nang higit na malinaw, kung personal na gagawa ang Diyos sa tao at ganap na ipakikita ang Kanyang wangis at pagiging Diyos. Hindi makakamtan ang epekto na ito ng sinumang tao na sa laman. Mangyari pa, wala ring kakayahan ang Espiritu ng Diyos na makamit ang epektong ito.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao

Ang pinakadakilang kalakasan ng Kanyang gawain sa katawang-tao ay maaari Siyang mag-iwan ng tumpak na mga salita at mga panghihikayat, at ang Kanyang tumpak na mga layunin para sa sangkatauhan sa mga taong sumusunod sa Kanya, sa gayon pagkatapos, ang Kanyang mga tagasunod ay maaaring higit na tumpak at sa mas praktikal na mga termino ay maipasa ang lahat ng Kanyang mga gawain sa katawang-tao, at ang Kanyang mga layunin para sa buong sangkatauhan, sa mga tumatanggap sa ganitong daan. Tanging ang Diyos sa katawang-tao na gumagawa sa gitna ng tao ang tunay na ginagawang realidad ang pagsama ng Diyos sa tao at pamumuhay kasama ang tao, at tumutupad sa pagnanais ng tao na mamasdan ang mukha ng Diyos, masaksihan ang gawain ng Diyos, at marinig ang personal na salita ng Diyos. Winawakasan ng Diyos na nagkatawang-tao ang kapanahunan na likod lamang ni Jehova ang nagpakita sa sangkatauhan, at tinatapos din Niya ang kapanahunan ng pananampalataya ng sangkatauhan sa malabong diyos. Sa partikular, dinadala ng gawain ng huling Diyos na nagkatawang-tao ang buong sangkatauhan sa isang kapanahunan na higit na makatotohanan, higit na praktikal, at higit na maganda. Ang gawaing ito ay hindi lamang tinatapos ang kapanahunan ng kautusan at mga regulasyon ngunit ang higit na mahalaga, inihahayag nito sa sangkatauhan ang Diyos na praktikal at normal, na matuwid at banal, na nagbubukas sa gawain ng plano ng pamamahala at nagpapamalas ng mga misteryo at hantungan ng sangkatauhan, na lumikha sa sangkatauhan at winawakasan ang gawain ng pamamahala, at nanatiling nakatago sa loob ng libo-libong taon. Winawakasan nang lubusan ng gawaing ito ang kapanahunan ng kalabuan, tinatapos nito ang kapanahunan na ang ninais ng buong sangkatauhan ay hanapin ang mukha ng Diyos ngunit hindi nila nagawa, winawakasan nito ang kapanahunan kung kailan nagsilbi kay Satanas ang buong sangkatauhan, at ganap nitong inaakay ang buong sangkatauhan tungo sa isang ganap na bagong panahon. Lahat ng ito ay bunga ng gawain ng Diyos sa katawang-tao sa halip ng Espiritu ng Diyos. Kapag gumagawa ang Diyos sa Kanyang katawang-tao, saka lang ang mga taong sumusunod sa Kanya ay hindi na naghahanap at nag-aapuhap ng mga bagay na tila kapwa umiiral at di-umiiral, at tumitigil sa paghula sa mga layunin ng malabong diyos. Kapag pinalalaganap ng Diyos ang Kanyang gawain sa katawang-tao, ipapasa ng mga sumusunod sa Kanya ang gawain na Kanyang ginawa sa katawang-tao sa lahat ng mga relihiyon at denominasyon, at kanilang ipararating ang lahat ng Kanyang mga salita sa mga pandinig ng buong sangkatauhan. Ang lahat na naririnig ng mga yaong tumatanggap sa Kanyang ebanghelyo ay magiging mga katunayan ng Kanyang gawain, magiging mga bagay na personal na nakikita at naririnig ng tao, at magiging mga katunayan at hindi sabi-sabi. Ang mga katunayang ito ay ang katibayan na ginagamit Niya sa pagpapalaganap ng gawain, at ito rin ang mga kasangkapan na ginagamit Niya sa pagpapalaganap ng gawain. Kung wala ang pag-iral ng mga katunayan, ang Kanyang ebanghelyo ay hindi lalaganap sa lahat ng bansa at sa lahat ng lugar; kapag walang katunayan kundi pawang mga imahinasyon lamang ng tao, hindi Niya kailanman magagawa ang gawain ng panlulupig sa buong sansinukob. Ang Espiritu ay hindi nahahawakan ng tao, at di-nakikita ng tao, at ang gawain ng Espiritu ay hindi kayang mag-iwan para sa tao ng anumang karagdagang katibayan o anumang karagdagang katunayan ng gawain ng Diyos. Hindi kailanman makikita ng tao ang tunay na mukha ng Diyos, palagi siyang maniniwala sa isang malabong diyos na hindi umiiral. Hindi kailanman makikita ng tao ang tunay na mukha ng Diyos, ni hindi rin kailanman maririnig ng tao ang mga salita na personal na sinabi ng Diyos. Sadyang wala namang laman ang mga imahinasyon ng tao, at hindi mapapalitan ang tunay na mukha ng Diyos; ang likas na disposisyon ng Diyos, at ang gawain ng Diyos Mismo ay hindi magagaya ng tao. Ang di-nakikitang Diyos sa langit at ang Kanyang gawain ay maaari lamang dalhin sa lupa ng pagkakatawang-tao ng Diyos at pagparito Niya sa gitna ng tao para personal na gawin ang Kanyang gawain. Ito ang pinaka-ideyal na paraan para makapagpakita ang Diyos sa tao, kung saan nakikita ng tao ang Diyos at nakikilala ang tunay na mukha ng Diyos, at hindi ito matatamo ng isang Diyos na hindi nagkatawang-tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao

Sa Kapanahunan ng Kaharian, gumagamit ang Diyos ng mga salita upang pasimulan ang bagong kapanahunan, baguhin ang paraan ng Kanyang paggawa, at gawin ang gawain ng buong kapanahunan. Ito ang prinsipyong ginagamit ng Diyos sa paggawa sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay naging tao at nagsasalita mula sa iba’t ibang perspektiba, nagbibigay-kakayahan sa tao na tunay na makita ang Diyos, na Siyang ang Salitang nagpapakita sa katawang-tao, at mamasdan ang Kanyang karunungan at pagiging kamangha-mangha. Gumagawa ang Diyos sa ganitong paraan upang mas mainam na makamit ang mga layon ng paglupig sa mga tao, paggawang perpekto sa mga tao, at pagtitiwalag sa mga tao, na siyang tunay na kahulugan ng paggamit ng mga salita upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita. Sa pamamagitan ng mga salita, nalalaman ng tao ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, ang diwa ng tao, at kung ano ang nararapat pasukin ng tao. Sa pamamagitan ng mga salita, ang lahat ng gawaing nais gawin ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita ay naisasakatuparan. Sa pamamagitan ng mga salita, ang mga tao ay ibinubunyag, itinitiwalag, at sinusubukan. Ang mga tao ay nakita na ang mga salitang ito, narinig na ang mga salitang ito, at kinilala na ang pag-iral ng mga salitang ito. Dahil dito, naniwala na sila sa pag-iral ng Diyos, sa pagkamakapangyarihan-sa-lahat at karunungan ng Diyos, at sa puso ng Diyos ng pagmamahal at pagliligtas sa tao. Ang terminong “mga salita” ay maaaring ordinaryo at simple, ngunit ang mga salitang sinambit mula sa bibig ng Diyos na nagkatawang-tao ay niyayanig ang sansinukob, binabago ang puso ng mga tao, binabago ang kanilang mga kuru-kuro at dating disposisyon, at binabago ang dating anyo ng buong mundo. Sa pagdaan ng mga kapanahunan, tanging ang Diyos ng kasalukuyan ang gumagawa sa ganitong paraan, at Siya lamang ang nangungusap nang gayon at pumaparito upang iligtas ang tao nang gayon. Mula sa oras na ito, namumuhay ang tao sa ilalim ng patnubay ng mga salita ng Diyos, sa gitna ng pagpapastol at pagtutustos ng Kanyang mga salita; namumuhay ang mga tao sa mundo ng mga salita ng Diyos, sa gitna ng mga sumpa at pagpapala ng mga salita ng Diyos, at ang karamihan ng tao ay namumuhay sa ilalim ng paghatol at pagkastigo ng Kanyang mga salita. Ang mga salita at ang gawaing ito ay pawang para sa kaligtasan ng tao, para matupad ang kalooban ng Diyos, at para mabago ang orihinal na anyo ng mundo ng dating paglikha. Nilikha ng Diyos ang mundo gamit ang mga salita, inaakay Niya ang mga tao sa sansinukob gamit ang mga salita, nilulupig at inililigtas Niya sila gamit ang mga salita, sa huli, gagamitin Niya ang mga salita upang wakasan ang buong dating mundo, sa gayon ay makumpleto ang kabuuan ng Kanyang plano ng pamamahala.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita

Sa panahon ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa lupa, kapag Kanyang personal na ginagawa ang Kanyang gawain sa gitna ng tao, ang lahat ng gawain na Kanyang ginagawa ay upang talunin si Satanas, at tatalunin Niya si Satanas sa pamamagitan ng paglupig sa tao at ginagawa kayong ganap. Kapag kayo ay matunog na nagpapatotoo, ito, rin, ay magiging palatandaan ng pagkatalo ni Satanas. Sa una ang tao ay nilulupig at sa kahuli-hulihan ay lubos na ginagawang perpekto upang talunin si Satanas. Sa diwa, gayunpaman, kasabay ng pagkatalo ni Satanas, ito rin ang pagliligtas ng buong sangkatauhan mula rito sa salat-sa-tubig na dagat ng dalamhati. Isinasakatuparan man ang gawaing ito sa buong sansinukob o sa Tsina, itong lahat ay upang talunin si Satanas at dalhin ang kaligtasan sa kabuuan ng sangkatauhan nang sa gayon ay maaaring pumasok ang tao sa dako ng kapahingahan. Ang nagkatawang-taong Diyos, itong normal na katawang-tao, ay talagang para sa kapakanan ng pagtalo kay Satanas. Ang gawain ng Diyos sa katawang-tao ay ginagamit upang magdala ng kaligtasan sa lahat niyaong nasa ilalim ng langit na umiibig sa Diyos, ito ay para sa kapakanan ng panlulupig sa buong sangkatauhan, at, higit pa rito, para sa kapakanan ng pagtalo kay Satanas. Ang ubod ng buong gawaing pamamahala ng Diyos ay hindi maihihiwalay mula sa pagkatalo ni Satanas upang dalhin ang kaligtasan sa lahat ng sangkatauhan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan

Ang diwa ng pagliligtas sa tao ay ang digmaan laban kay Satanas, at ang digmaang ito ay unang-unang nasasalamin sa pagliligtas sa tao. Ang yugto ng mga huling araw, kung saan malulupig ang tao, ay ang huling yugto sa pakikipagdigma kay Satanas, at ito rin ang gawain ng ganap na pagliligtas sa tao mula sa kapangyarihan ni Satanas. Ang panloob na kahulugan ng paglupig sa tao ay ang pagbabalik ng pagsasakatawan ni Satanas—ang tao na nagawang tiwali ni Satanas—sa Lumikha kasunod ng paglupig sa kanya, kung saan sa pamamagitan nito ay maghihimagsik siya laban kay Satanas at lubusang magbabalik sa Diyos. Sa ganitong paraan, ang tao ay ganap nang naligtas. At kaya, ang gawain ng panlulupig ay ang huling gawain sa digmaan laban kay Satanas at ang huling yugto sa pamamahala ng Diyos para sa kapakanan ng pagtalo kay Satanas. Kung wala ang gawaing ito, ang lubos na kaligtasan ng tao sa kahuli-hulihan ay magiging imposible, ang ganap na pagkatalo ni Satanas ay magiging imposible rin, at ang sangkatauhan ay hindi kailanman makakapasok sa kamangha-manghang hantungan, o makakalaya sa impluwensiya ni Satanas. Dahil dito, ang gawain ng pagliligtas sa tao ay hindi matatapos bago ang pakikipagdigma kay Satanas ay natatapos, sapagkat ang ubod ng gawain ng pamamahala ng Diyos ay para sa kapakanan ng pagliligtas sa tao. Ang pinakaunang sangkatauhan ay nasa mga kamay ng Diyos, ngunit dahil sa panunukso at pagtiwali ni Satanas, ang tao ay naigapos ni Satanas at nahulog sa mga kamay ng masama. Kaya, si Satanas ay naging ang layon na tatalunin sa gawain ng pamamahala ng Diyos. Sapagkat ang tao ay inangkin ni Satanas, at dahil ang tao ang puhunan na ginagamit ng Diyos upang isakatuparan ang buong pamamahala, kung ililigtas ang tao, kung gayon ay kailangang maagaw siya mula sa mga kamay ni Satanas, ibig sabihin na ang tao ay kailangang mabawi pagkatapos ng pagkabihag ni Satanas. Sa gayon, kailangang matalo si Satanas sa pamamagitan ng mga pagbabago sa dating disposisyon ng tao at sa pagpapanumbalik ng orihinal na katwiran ng tao. Sa ganitong paraan, ang tao, na nabihag, ay maaagaw pang muli mula sa mga kamay ni Satanas. Kung napapalaya ang tao mula sa impluwensiya at pagkagapos ni Satanas, sa gayon ay mapapahiya si Satanas, ang tao sa kahuli-hulihan ay mababawi, at si Satanas ay magagapi. At dahil ang tao ay napalaya mula sa madilim na impluwensiya ni Satanas, ang tao ang magiging samsam ng kabuoang labanang ito, at si Satanas ay magiging ang layon na parurusahan sa sandaling natapos ang labanan, kung saan pagkatapos nito ang kabuuang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay makukumpleto na.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan

Habang nagiging kumpleto ang Aking mga salita, unti-unting nabubuo ang kaharian sa mundo at unti-unting bumabalik sa normalidad ang tao, at sa gayon ay naitatatag sa lupa ang kahariang nasa Aking puso. Sa kaharian, nababawi ng lahat ng tao ng Diyos ang buhay ng normal na tao. Wala na ang nagyeyelong taglamig, napalitan ng isang mundo ng mga lungsod ng tagsibol, kung saan tumatagal nang buong taon ang tagsibol. Hindi na nalalantad ang mga tao sa kapanglawan ng mundo ng tao, at hindi na nila tinitiis ang nakangangatog na lamig ng mundo ng tao. Hindi nag-aaway-away ang mga tao, hindi nagdidigmaan ang mga bansa, wala nang patayan at dugong dumadaloy mula sa patayan; lahat ng lupain ay puspos ng kagalakan, at lahat ng dako ay punung-puno ng pagmamalasakit ng mga tao sa isa’t isa. Ako ay gumagalaw sa buong mundo, nasisiyahan Ako mula sa kaitaasan ng Aking luklukan, at naninirahan Ako sa piling ng mga bituin. Inaalayan Ako ng mga anghel ng mga bagong awit at mga bagong sayaw. Wala nang luhang umaagos sa kanilang mukha nang dahil sa sarili nilang karupukan. Hindi Ko na naririnig, sa Aking harapan, ang tinig ng mga anghel na umiiyak, at hindi na rin nagbubukas ng paghihirap ang sinuman sa Akin.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 20

Kapag nagawa nang ganap ang lahat ng tao ng Diyos at naging kaharian ni Cristo ang lahat ng bansa sa daigdig, iyon na ang panahon kung kailan dadagundong ang pitong kulog. Ang kasalukuyang araw ay isang hakbang patungo sa yugtong iyon; napakawalan na ang pag-atake tungo sa araw na iyon. Ito ang plano ng Diyos, at magkakatotoo ito sa malapit na hinaharap. Gayumpaman, ang lahat ng sinabi ng Diyos ay naisakatuparan na Niya. Sa gayon, malinaw na ang mga bansa ng daigdig ay mga kastilyong buhangin lamang, malapit nang madurog—napipinto na ang huling araw, at babagsak ang malaking pulang dragon sa ilalim ng salita ng Diyos. Para matiyak na ang plano ng Diyos ay ganap na matagumpay, ang mga anghel ay bumaba sa mundo ng tao at nagsimulang gawin ang pinakamakakaya nila para mapalugod ang Diyos, at ang Diyos na nagkatawang-tao Mismo ay nasa lugar ng digmaan para makidigma laban sa kaaway. Kung nasaan ang pagkakatawang-tao, doon pupuksain ang kaaway. Unang wawasakin ang Tsina; lilipulin ito ng kamay ng Diyos. Hinding-hindi Niya ito kakaawaan kahit kaunti. Habang mas nahihinog ang mga tao ng Diyos, pinapatunayan nito na higit pang nadudurog ang malaking pulang dragon; malinaw itong nakikita ng tao. Ang pagkahinog ng mga tao ng Diyos ay isang hudyat ng pagkawasak ng kaaway. Isang munting paliwanag ito sa kung ano ang kahulugan ng “makipaglaban.”

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob,” Kabanata 10

Kapag bumalik na ang bawat bansa at ang bawat taong hinirang Ko sa harap ng Aking luklukan, ipagkakaloob Ko na ang lahat ng kasaganaan ng langit sa mundo ng tao, upang, dahil sa Akin, ang mundong iyon ay mapuno ng walang-kapantay na kasaganaan. Habang umiiral ang lumang mundo, ipupukol Ko ang Aking poot sa bawat bansa at ipapahayag ang mga atas administratibo na naisapubliko sa buong sansinukob, at kakastiguhin ang sinumang lumalabag sa mga ito:

Kapag nagsasalita Ako sa buong sansinukob, naririnig ng lahat ng tao ang Aking tinig, ibig sabihin, nakikita ng lahat ng tao ang lahat ng gawa na isinakatuparan Ko sa buong sansinukob. Yaong mga sumasalungat sa Aking mga layunin, ibig sabihin, yaong mga kumokontra sa Akin sa mga gawa ng tao, ay babagsak sa gitna ng Aking pagkastigo. Gagawin Kong panibago ang napakaraming bituin sa kalangitan; at dahil sa Akin, ang araw at ang buwan ay mapapanibago, ang kalangitan ay hindi na gaya ng dati; at lahat ng bagay sa lupa ay mapapanibago—maisasakatuparan ang lahat ng ito dahil sa Aking mga salita. Ang lahat ng bansa sa loob ng sansinukob ay muling hahati-hatiin at mapapalitan ng Aking kaharian, upang ang mga bansa sa ibabaw ng lupa ay maglalaho magpakailanman, at ang matitira lang ay ang kaharian na sumasamba sa Akin; lahat ng bansa sa lupa ay mawawasak at titigil sa pag-iral. Sa mga tao sa loob ng sansinukob, ang lahat ng sa mga diyablo ay lilipulin. Ang lahat ng sumasamba kay Satanas ay babagsak sa gitna ng Aking naglalagablab na apoy—ibig sabihin, maliban doon sa mga sumusunod sa agos, lahat ay magiging abo. Kapag kinakastigo Ko ang bawat tao, ang relihiyosong komunidad, sa iba’t ibang antas, ay babalik sa Aking kaharian, at malulupig sa pamamagitan ng Aking mga gawa, dahil nakita na nila na dumating na “ang Banal na nakasakay sa isang puting ulap”. Lahat ng tao ay pagbubukud-bukurin ayon sa kanilang uri, at tatanggap ng iba’t ibang pagkastigo na nararapat sa kanilang mga kilos; ang lahat ng lumaban sa Akin ay mamamatay, at, yaon namang mga hindi Ako kasali sa kanilang mga gawa sa lupa, dahil sa kanilang naging pag-uugali, sila ay patuloy na iiral sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng Aking mga anak at Aking mga tao. Magpapakita Ako sa di-mabilang na mga bansa at tao, at ipapahayag Ko ang sarili Kong tinig sa lupa, ipinoproklama ang pagkumpleto ng Aking dakilang gawain, tinutulutan ang lahat ng tao na makita ito gamit ang sarili nilang mga mata.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 26

Sinundan: 7. Paano dapat unawain ng isang tao na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay?

Sumunod: Tanong 1: Pinatototohanan mo na ang Diyos ay naging tao na bilang Anak ng tao para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, subalit pinaninindigan ng karamihan sa mga relihiyosong pastor at elder na babalik ang Panginoon na sakay ng mga ulap. Ibinabatay nila ito lalo na sa mga talata sa Biblia na: “Ang kaparehong Jesus na ito … ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon Niya sa langit” (Mga Gawa 1:11). “Narito, Siya ay pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawat mata(Pahayag 1:7). At bukod pa riyan, itinuturo din sa atin ng mga pastor at elder ng relihiyon na sinumang Panginoong Jesus na hindi pumaparito na sakay ng mga ulap ay huwad at kailangang tanggihan. Kaya, hindi tayo nakatitiyak kung naaayon ba ang pananaw na ito sa Biblia o hindi; tama ba ang ganitong klaseng pagkaunawa o hindi?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito