98. Binitiwan Ko Na ang Aking Pagnanais para sa Katayuan

Ni Li Ning, Tsina

Noong Disyembre 2023, nahalal ako bilang isang mangangaral. Nang marinig ko ang balita, medyo nag-alala ako, “Bilang isang mangangaral, kailangan kong maging responsable sa ilang iglesia. Kailangan kong madalas na makipagtipon sa mga lider at diyakono ng iglesia at makipagbahaginan sa kanila para gabayan ang gawain. Kailangan dito ang pagkaunawa sa katotohanan at kakayahang makipagbahaginan tungkol sa katotohanan para lumutas ng mga problema. Maikling panahon pa lang akong nananampalataya sa Diyos, at mababaw pa ang pagkaunawa ko sa katotohanan. Kasisimula ko pa lang magsanay bilang mangangaral at kapos pa ako sa maraming aspekto. Kung hindi ko malulutas ang mga problema ng aking mga kapatid sa panahon ng mga pakikipagtipon, ano na lang ang iisipin nila sa akin? Iisipin kaya nila na hindi ko kaya ang tungkuling ito at mamaliitin ako?” Pero naisip ko rin, “Tinatawag ako ng tungkuling ito nang may pahintulot ng Diyos, at higit pa riyan, biyaya Niya ito. Hindi ko puwedeng biguin ang Diyos at dapat akong umasa sa Kanya sa paggawa ng gawain.” Kaya naman, tinanggap ko ang tungkuling ito.

Noong una, sa pamamagitan lang ng sulat ako nakikipag-ugnayan sa mga lider at diyakono ng iglesia tungkol sa gawain, pero hindi ito gaanong epektibo. May ilang gawain na nangangailangan ng mga pagtitipon para personal na maunawaan ang sitwasyon at makapagbigay ng praktikal na gabay. Naisip ko na karamihan sa mga lider ng iglesia ay mas matagal nang nananampalataya kaysa sa akin, at tiyak na mas marami silang nauunawaang katotohanan kaysa sa akin. Kung hindi ako makakapagbahagi nang maayos at hindi ko makakayang lutasin ang kanilang mga problema at paghihirap, hindi ba’t nakakahiya talaga iyon? Kung sa pamamagitan ng liham kami mag-uusap, magkakaroon ako ng oras para pagnilayan ang kanilang mga problema, at lumapit sa mga nakatataas sa akin tungkol sa anumang hindi ko nauunawaan. Kahit papaano, hindi ako mapapahiya sa harap nilang lahat. Gayumpaman, kung walang mga pagtitipon, walang paraan para maunawaan nang detalyado ang kanilang mga problema at paghihirap, kaya wala akong nagawa kundi anyayahan sila sa isang pagtitipon. Kabadong-kabado ako sa panahon ng pagtitipon. Sinabi ng isang sister na marami siyang nakaharap na problema habang ginagawa ang gawain ng pag-aalis at hindi niya alam kung paano lutasin ang mga ito, at masama rin ang kalagayan niya. Nablangko ang isip ko, at hindi ko matukoy kung paano lutasin kaagad ang mga problemang ito, kaya naman ay mas lalo pa akong kinabahan. Naisip ko, “Naghihintay pa rin ang aking sister na makipagbahaginan ako sa kanya. Ito ang una kong pakikipagtipon. Kung hindi ako makakalutas ng mga problema, ano na lang kaya ang iisipin ng mga kapatid ko tungkol sa akin? Iisipin kaya nila na bilang isang mangangaral sa antas ko, hindi ko man lang kayang lutasin ang mga problemang ito?” Para hindi ako makilatis ng mga kapatid, wala akong nagawa kundi pilitin ang sarili kong maghanap sa mga salita ng Diyos. Matagal akong naghanap, pero wala pa rin akong makitang mga salitang babagay sa kalagayan ng aking sister. Sa wakas, nagawa kong makahanap ng isang sipi, pero pagkatapos ko itong basahin, walang sinuman ang nakipagbahaginan tungkol dito. Tahimik na tahimik ang silid at hiyang-hiya ako. “Napakalaking kahihiyan nito. Paniguradong dahil ito sa hindi angkop ang sipi na nahanap ko at hindi nito kayang lutasin ang mga problemang ito. Siguradong alam na ng mga kapatid ang tunay kong kakayahan ngayon. Paano ko pa sila haharapin sa hinaharap?” Habang lalo ko itong iniisip, lalo kong nararamdaman na hindi ko kayang gawin ang tungkuling ito. Sa huli, sandali na lang akong nagbahagi ng ilang salita sa paraang pabasta-basta, at iniba ko ang usapan sa pamamagitan ng pagtatanong tungkol sa gawain. Pero dahil kinabahan ako, at nag-alala rin ako kung ano ang magiging tingin sa akin ng mga kapatid kung hindi ko malulutas ang mga problema, nagkaroon lang ako ng kaunting ideya sa kanilang gawain at nagawa kong kumapit hanggang matapos ang pagtitipon. Naging napakanegatibo ko pagkauwi ko, at naisip ko, “Talagang bigo ang pagtitipon ngayong araw. Hindi ko lang nabigong lutasin ang mga problema ng mga kapatid, nailantad ko pa nang husto ang tunay kong kakayahan. Paano ko pa haharapin ang mga kapatid sa hinaharap?” Noong panahong iyon, namumuhay ako sa isang negatibong kalagayan at wala akong siglang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos. Hindi na rin ako gaanong masigasig sa pagsubaybay sa gawain, at sinadya kong iwasan ang mga pagtitipon. Halos isang buwan pa nga akong hindi nangahas na makipagtipon sa mga lider at diyakono. Hindi naaarok ng ilang lider ng iglesia ang mga prinsipyo ng pagkilatis sa mga tao, at napakabagal ng pag-usad ng pag-oorganisa ng mga materyales para sa pag-aalis ng mga tao. Matapos ang ilang komunikasyon sa pamamagitan ng mga liham, wala pa ring pagbuti, kaya kinailangan naming magkita nang personal para sa praktikal na gabay. Gayumpaman, hindi ako nangahas na makipagkita at makipagbahaginan sa kanila para maiwasan ang kahihiyan. Naantala nito ang gawain ng pag-aalis ng iglesia.

Kalaunan, nang makipagtipon ako sa aking mga katrabaho, sinabi ko sa kanila ang tungkol sa kalagayan ko. Ipinakita sa akin ng sister na katuwang ko ang isang video ng pagbasa ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kapag ang isang tao ay nahalal ng mga kapatid na maging lider, o iniangat ng sambahayan ng Diyos para gawin ang isang tiyak na gawain o gampanan ang isang tiyak na tungkulin, hindi ito nangangahulugan na mayroon siyang espesyal na katayuan o posisyon, o na ang mga katotohanang nauunawaan niya ay mas malalim at mas marami kaysa sa ibang mga tao—lalo nang hindi ito nangangahulugan na ang taong ito ay kayang magpasakop sa Diyos, at hindi Siya ipagkakanulo. Tiyak na hindi rin ito nangangahulugan na kilala niya ang Diyos, at isa siyang taong may takot sa Diyos. Sa katunayan, hindi niya natamo ang anuman dito. Ang pag-aangat at paglilinang ay pag-aangat at paglilinang lamang sa prangkang salita, at hindi katumbas nito na pauna na siyang inorden at na nasumpungan siyang karapat-dapat ng Diyos. Ang pag-aangat at paglilinang sa kanya ay nangangahulugan lamang na iniangat na siya, at naghihintay na malinang. At ang huling kalalabasan ng paglilinang na ito ay depende sa kung hinahangad ng taong ito ang katotohanan, at kung kaya niyang piliin ang landas ng paghahangad ng katotohanan. Samakatwid, kapag inangat at nilinang ang isang tao sa iglesia para maging lider, iniaangat at nililinang lamang siya sa literal na paraan; hindi ito nangangahulugan na pasok na siya sa pamantayan at mahusay bilang isang lider, na kaya na niyang gampanan ang gawain ng pamumuno, at kayang gawin ang tunay na gawain—hindi ganoon. Hindi malinaw na nakikilatis ng karamihan sa mga tao ang mga bagay na ito, at batay sa sarili nilang mga imahinasyon ay hinahangaan nila ang mga iniangat. Isa itong pagkakamali. Kahit ilang taon na silang nananampalataya sa Diyos, taglay nga ba talaga ng mga iniangat ang katotohanang realidad? Maaaring hindi. Nagagawa ba nilang ipatupad ang mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos? Maaaring hindi. Mayroon ba silang pagpapahalaga sa responsabilidad? Tapat ba sila? Kaya ba nilang magpasakop? Kapag may nakakaharap silang isang isyu, nagagawa ba nilang hanapin ang katotohanan? Walang nakakaalam sa lahat ng ito. Mayroon bang may-takot-sa-Diyos na puso ang mga taong ito? At gaano kalaki ang may-takot-sa-Diyos na puso nila? Nagagawa ba nilang iwasang sundin ang sarili nilang kalooban kapag gumagawa sila ng mga bagay-bagay? Magagawa ba nilang hanapin ang Diyos? Sa panahon na ginagampanan nila ang gawain ng pamumuno, nagagawa ba nilang madalas na humarap sa Diyos para hanapin ang mga layunin ng Diyos? Naaakay ba nila ang mga tao sa katotohanang realidad? Tiyak na wala silang kakayanan sa gayong mga bagay. Hindi pa sila nakakatanggap ng pagsasanay at wala pa silang sapat na mga karanasan, kaya wala silang kakayanan sa mga bagay na ito. Ito ang dahilan kung bakit ang pag-aangat at paglilinang sa isang tao ay hindi nangangahulugang nauunawaan na niya ang katotohanan, ni hindi nito sinasabi na kaya na niyang gawin ang kanyang tungkulin sa paraang pasok sa pamantayan. Kaya, ano ang pakay at kabuluhan ng pag-aangat at paglilinang sa isang tao? Ito ay na ang taong ito ay iniaangat bilang isang indibidwal, para makapagsagawa siya, at para siya ay espesyal na madiligan at magsanay, na nagbibigay-daan sa kanya na maunawaan ang mga katotohanang prinsipyo, at ang mga prinsipyo, kaparaanan, at sistema ng paggawa ng iba’t ibang bagay at ng paglutas sa iba’t ibang problema, gayundin kung paano pangasiwaan at harapin ang iba’t ibang uri ng kapaligiran at mga taong nakakaharap niya alinsunod sa mga layunin ng Diyos, at sa paraan na pumoprotekta sa mga interes ng sambahayan ng Diyos. Batay sa mga puntong ito, ang mga taong may talento na iniaangat at nililinang ng sambahayan ng Diyos ay mayroon bang sapat na kakayanang isagawa ang kanilang gawain at gampanan nang maayos ang kanilang tungkulin sa panahon ng pag-aangat at paglilinang o bago ang pag-aangat at paglilinang? Siyempre wala. Samakatwid, hindi maiiwasan na, sa panahon ng paglilinang, mararanasan ng mga taong ito ang pagpupungos, paghatol at pagkastigo, paglalantad at maging ang pagtatanggal; ito ay normal, ito ay pagsasanay at paglilinang(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (5)). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang pag-angat at ang paglinang sa isang tao ay hindi nangangahulugang mas magaling na siya kaysa sa iba, na nagtataglay siya ng katotohanang realidad, o na kaya niyang makita nang malinaw at malutas ang anumang problema. Kapag inaangat at nililinang ng iglesia ang isang tao, ito ay nagbibigay sa taong iyon ng responsabilidad at pasanin, at nagbibigay-daan sa kanya na magkaroon ng mas maraming pagkakataong magsanay, at matutong maghanap ng mga problema at maghanap ng katotohanan upang lutasin ang mga ito. Normal na normal lang na may ilang bagay na hindi niya mauunawaan o hindi niya kayang gawin. Katulad na lang noong nakipagtipon ako sa mga kapatid. Dahil maikling panahon pa lang akong nananampalataya sa Diyos at kasisimula ko pa lang gawin ang tungkuling ito, normal lang naman na hindi ko alam kung paano lutasin ang ilang problema. Gayumpaman, palagi akong naniniwala na bilang isang mangangaral, kailangan kong kayaning lutasin ang lahat ng problema, at hindi ko puwedeng sabihin na wala akong ideya kung paano lutasin ang mga iyon. Pinagtakpan ko ang sarili kong mga kakulangan nang hindi ko malutas ang mga problema. Naging negatibo rin ako at binigyang-hatol ang sarili ko na walang kapabilidad sa tungkulin ng isang mangangaral, at halos isang buwan pa nga akong hindi nangahas na makipagtipon sa mga lider at diyakono, na nakaantala sa gawain ng iglesia. Sa katunayan, bagama’t isa akong mangangaral, ganoon pa rin ang tayog ko. Marami pa rin akong kakulangan, at mababaw ang pagkaunawa ko sa katotohanan, at kailangan kong maghanap at magtanong pa tungkol sa mga bagay na hindi ko nauunawaan o hindi ko kayang gawin, at maging bukas sa pakikipagbahaginan sa mga kapatid, natututo sa kanilang mga kalakasan upang mapunan ang aking mga kahinaan at magawa nang maayos ang aking tungkulin. Pagkatapos maunawaan ito, handa na akong makipagkita sa mga lider at diyakono ng iglesia para sa isang pagtitipon.

Pero nang sumulat ako para ipaalam sa kanila ang tungkol sa pagtitipon, hindi ko namalayang lumitaw na naman ang dati kong mga alalahanin. Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na tumugon mismo sa kalagayan ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang mga tiwaling tao ay mayroon lahat ng isang karaniwang pagkukulang: Kapag wala silang katayuan, hindi sila nagmamataas o gumagamit ng isang partikular na asal habang nakikisalamuha o nakikipag-usap sa iba. Ang kanilang pananalita ay walang artipisyal na tono at ito ay pangkaraniwan at normal. Hindi sila nagkukunwari, o nag-aalala tungkol sa kung ano ang iniisip ng iba tungkol sa kanila. Wala silang nararamdamang anumang sikolohikal na presyur, at nagagawa nilang maging bukas at makisalamuha sa ibang mga tao sa pakikipagbahaginan at sa mga taos-pusong usapan. Nararamdaman ng iba na sila ay palakaibigan at madaling lapitan, at iniisip na sila ay medyo mabuti. Sa sandaling magkamit sila ng katayuan, sila ay nagiging mapagmataas, hindi nila pinapansin ang mga karaniwang tao, walang sinumang nakakalapit sa kanila; pakiramdam nila ay marangal sila, at na sila ay iba sa mga karaniwang tao. Mababa ang tingin nila sa karaniwang tao, nagmamalaki sila kapag nagsasalita, at tumitigil sila sa hayagang pagbabahagi sa iba. Bakit hindi na sila nagbabahagi nang hayagan? Nararamdaman nilang may katayuan na sila ngayon, at sila ay mga pinuno. Iniisip nilang dapat magkaroon ng partikular na imahe ang mga pinuno, maging mas mataas kaysa sa ordinaryong tao, magkaroon ng mas malaking tayog at pagtitiis; naniniwala sila na kung ihahambing sa mga karaniwang tao, dapat magtaglay ang mga pinuno ng higit na pasensya, magawang magdusa at gumugol nang higit, at mapaglabanan ang anumang tukso mula kay Satanas. Kahit na mamatay ang kanilang mga magulang o ibang kapamilya, pakiramdam nila ay dapat mayroon silang pagpipigil sa sarili na huwag maiyak, o na dapat ay umiyak sila nang palihim, nang hindi nakikita ng iba, kaysa sa harap ng iba. Iniisip nila na hindi nila puwedeng hayaan ang sinuman na makita ang kanilang mga pagkukulang o depekto o alinman sa kanilang mga kahinaan, at ni hindi nila puwedeng hayaan na malaman ng sinuman na naging negatibo sila; sa halip, dapat nilang itago ang lahat ng ganoong mga bagay. Naniniwala silang ganito dapat kumilos ang isang may katayuan. Kapag pinipigilan nila ang kanilang sarili nang ganito, hindi ba’t ang katayuan ay naging kanilang diyos, kanilang panginoon? At dahil dito, nagtataglay pa rin ba sila ng normal na pagkatao? Kapag mayroon silang ganitong mga ideya, nililimitahan nila ang kanilang sarili, at nagpanggap sila nang ganito, hindi ba’t nahumaling na sila sa katayuan?(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Lutasin ang mga Tukso at Gapos ng Katayuan). Sa pamamagitan ng paglalantad ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang dahilan kung bakit hindi ko kailanman natrato nang tama ang sarili kong mga pagkukulang at depekto mula nang maging mangangaral ako ay dahil inilagay ko ang sarili ko sa isang pedestal bilang isang mangangaral. Bago pa ang pagtitipon, sa sandaling maisip ko na ang mga lider at diyakono na haharapin ko ay maraming taon nang nananampalataya sa Diyos, kakabahan na ako, natatakot na hindi ko malulutas ang mga problema, at na maniniwala silang isa akong walang kakayahang mangangaral, iiwan akong nahihiya at naaasiwa. Sa panahon ng pagtitipon, kahit na malinaw na hindi ko nakilatis ang mga problema ng sister o nalutas ang mga ito, naniniwala pa rin ako na bilang isang mangangaral, hindi ko talaga puwedeng sabihin na hindi ko nakilatis ang mga ito. Samakatwid, basta na lang ako nakahanap ng isang sipi ng mga salita ng Diyos at pabasta-bastang nakipagbahaginan, hindi pinapansin kung nalutas ba o hindi ang mga problema ng sister, bago ibahin ang usapan para alamin ang tungkol sa ibang gawain. Kahit ganoon, dahil nag-aalala akong hindi ko magagawang lutasin ang mga problema na natuklasan ko, tinanong ko na lang nang pahapyaw ang tungkol sa gawain. Bilang resulta, hindi nakalutas ng kahit anong problema ang pagtitipon. Kung nagawa kong maging bukas at matapat sa panahong iyon, at pagkatapos ay makipagbahaginan at maghanap ako kasama ng lahat, kahit paano ay malulutas sana ang mga problema ng sister. At kung hindi talaga ito malulutas, pagkatapos ay naghanap sana ako mula sa iba. Gayumpaman, pinrotektahan ko ang aking katayuan at imahe bilang isang mangangaral sa lahat ng pagkakataon, palaging nagkukunwari at nagbabalatkayo. Naisip ko kung paanong noong nakipagtipon sa akin ang mga nakatataas na lider, nagbahagi ako sa abot ng aking naunawaan, at binuksan ang aking puso at nagtanong tungkol sa anumang hindi ko nauunawaan. Pakiramdam ko ay gumaan at lumaya ako sa buong panahon ng mga pagtitipong iyon. Gayumpaman, sa tuwing nakikipagtipon ako sa mga kapatid, ganap na nawawala ang magaan at malayang pakiramdam na ito. Naniwala ako na bilang isang mangangaral, naroon ako para lutasin ang kanilang mga problema, kaya hindi ko namamalayang itinaas ko ang sarili ko sa isang pedestal bilang isang mangangaral. Palagi kong sinusubukang ikubli at itago ang aking mga kakulangan, at bilang resulta, hindi ko nagawang tanggapin ang pamumuno ng Diyos. Humantong ito sa kawalan ng sigla at bunga ng aking pakikipagbahaginan sa mga pagtitipon, at iniwan ako nitong nakakaramdam ng matinding pagod.

Nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos at nagkamit ng kaunti pang pagkaunawa sa aking problema. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kumpara sa mga ordinaryong tao, mas matindi ang pagmamahal ng mga anticristo sa kanilang reputasyon at katayuan, at isa itong bagay na nakapaloob sa kanilang disposisyong diwa; hindi ito isang pansamantalang interes, o ang lumilipas na epekto ng kanilang paligid—ito ay isang bagay na nasa kanilang buhay, nasa kanilang mga buto, kaya ito ay kanilang diwa. Masasabing sa lahat ng ginagawa ng mga anticristo, ang una nilang isinasaalang-alang ay ang kanilang sariling reputasyon at katayuan, wala nang iba pa. Para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ang kanilang buhay, at ang layong hinahangad nila sa buong buhay nila. Sa lahat ng kanilang ginagawa, ang una nilang isinasaalang-alang ay: ‘Ano ang mangyayari sa aking katayuan? At sa aking reputasyon? Ang paggawa ba nito ay magbibigay sa akin ng magandang reputasyon? Itataas ba nito ang aking katayuan sa isipan ng mga tao?’ Iyon ang unang bagay na kanilang iniisip, na sapat na patunay na mayroon silang disposisyon at diwa ng mga anticristo—at dahil dito kaya nila isinasaalang-alang ang mga bagay sa ganitong paraan. Maaaring sabihin na para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ay hindi kung anong karagdagang hinihingi lamang, lalong hindi mga bagay na panlabas sa kanila na makakaya nila kahit wala ang mga ito. Bahagi ang mga iyon ng kalikasan ng mga anticristo, iyon ay nasa kanilang mga buto, sa kanilang dugo, ang mga iyon ay likas sa kanila. Ang mga anticristo ay hindi walang pakialam kung sila ba ay nagtataglay ng reputasyon at katayuan; hindi ganito ang kanilang saloobin. Kung gayon, ano ang kanilang saloobin? Ang reputasyon at katayuan ay malapit na nauugnay sa kanilang pang-araw-araw na buhay, sa kanilang pang-araw-araw na kalagayan, sa kung ano ang kanilang hinahangad sa araw-araw. Para sa mga anticristo, ang katayuan at reputasyon ang buhay nila. Paano man sila mabuhay, anuman ang kapaligiran na tinitirhan nila, anuman ang gawain na kanilang ginagawa, anuman ang kanilang hinahangad, anuman ang kanilang mga layon, anuman ang direksyon ng kanilang buhay, umiikot ang lahat ng ito sa pagkakaroon ng magandang reputasyon at mataas na katayuan. At hindi nagbabago ang pakay na ito; hinding-hindi nila kayang isantabi ang gayong mga bagay. Ito ang totoong mukha ng mga anticristo at ang kanilang diwa(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)). Inilalantad ng Diyos na itinuturing ng isang anticristo ang reputasyon at katayuan bilang kanyang buhay. Anuman ang gawin niya, palagi niyang isinasaalang-alang muna ang sarili niyang reputasyon at katayuan, at kung wala ang reputasyon at katayuan, wala siyang motibasyon na gumawa ng kahit ano. Ito ay itinatakda ng kanyang kalikasang diwa. Pinrotektahan ko rin ang aking reputasyon at katayuan sa lahat ng pagkakataon. Matapos akong mahalal bilang isang mangangaral, nagsimula na akong mag-alala na hindi ko kayang lutasin ang mga problema kahit bago pa man ako dumalo sa anumang pagtitipon. Ayaw kong pumunta sa mga pagtitipon dahil natatakot akong makita ng mga kapatid ang tunay kong kakayahan. Kahit na alam na alam ko na hindi naaarok ng mga kapatid ang mga prinsipyo ng pag-oorganisa ng mga materyales para sa pag-aalis ng mga tao at kailangan nila ng harapang gabay, natakot akong magmukhang hangal sa harap nila at mapahiya, kaya hindi ako pumupunta sa pagtitipon. Nangangahulugan ito na nagkaroon ng mahabang pagkaantala sa paglutas ng mga problema sa gawain ng pag-aalis, na nakaantala sa gawain. Masyado kong pinahahalagahan ang tungkol sa reputasyon at katayuan! Sa nakaraan, noong nasa mundo pa ako, mayroon akong matinding pagnanais para sa reputasyon at katayuan. Noong nagtatrabaho ako, madalas akong purihin ng lider ng aming turno sa mga pulong dahil maganda ang etika ko sa gawain at may kaunti akong kasanayan. Mataas din ang tingin sa akin ng boss at hiniling niya sa akin na maging responsable sa ilang gampanin. Dahil dito, tuwang-tuwa ako. Pero nang kailangang ulitin ang trabahong ginawa ko at pinuna ako ng lider ng aming turno, dahil pakiramdam ko ay napahiya ako sa harap ng napakaraming tao, gusto ko na lang magbitiw. Pagkatapos dumating sa sambahayan ng Diyos para gawin ang aking tungkulin, inuna ko pa rin ang sarili kong pride at katayuan, at hindi ako nangahas na aminin na hindi ko alam mangasiwa ng ilang gawain. Hindi pa ako matagal na nananampalataya sa Diyos, pero biniyayaan ako ng Diyos na magawa ang aking tungkulin bilang isang mangangaral. Ang layunin ng Diyos ay para sanayin ko ang sarili kong hanapin ang katotohanan para lumutas ng mga problema sa aking tungkulin. Magandang pagkakataon ito para magkamit ng katotohanan. Gayumpaman, hindi ko inisip kung paano gagawin nang maayos ang aking tungkulin at palulugurin ang Diyos, kundi puspusan kong sinubukang protektahan ang sarili kong pride at katayuan. Nang makita ko ang mga problema sa gawain ng iglesia na nangangailangan ng solusyon, umurong ako at umiwas na lutasin ang mga iyon para protektahan ang sarili kong pride at katayuan. Hindi ko man lang pinansin ang gawain ng iglesia. Talagang makasarili at kasuklam-suklam ako. Ang landas na tinatahak ko ay landas ng isang anticristo na lumalaban sa Diyos! Nang maunawaan ko ito, naramdaman kong napakadelikado ng kalagayan ko, at handa akong magmadaling magsisi at baguhin ang mga bagay-bagay.

Kalaunan, matapos malaman ng mga nakatataas na lider ang tungkol sa kalagayan ko, nagbahagi sila sa akin ng dalawang sipi ng mga salita ng Diyos, na nagbigay sa akin ng landas ng pagsasagawa sa pagbitiw sa katayuan. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Paano ka magiging isang taong ordinaryo at normal? … Una, huwag mong bigyan ang iyong sarili ng isang titulo at pagkatapos ay hayaan itong limitahan ka, sinasabi, ‘Ako ang lider, ako ang lider ng pangkat, ako ang superbisor, o ako ang pinakamaalam at pinakabihasa sa teknikal sa larangan.’ Huwag kang magpalimita sa titulong itinalaga mo sa iyong sarili. Sa sandaling mangyari ito, igagapos ka nito nang mahigpit; maaapektuhan nito ang iyong mga salita at kilos, pati na rin ang iyong normal na pag-iisip at paghusga. Dapat mong palayain ang iyong sarili mula sa mga limitasyon ng katayuang ito. Una, bumaba ka mula sa posisyon ng opisyal na titulong ito, at tumayo sa posisyon ng isang ordinaryong tao. Ang iyong pag-iisip ay magiging medyo normal. Kailangan mo ring aminin: ‘Hindi ko alam kung paano ito gawin, at hindi ko iyon nauunawaan—kailangan kong magsaliksik at mag-aral,’ o ‘Hindi ko pa ito naranasan kailanman, kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin.’ Kapag nasasabi mo kung ano talaga ang iniisip mo at nagsasalita ka nang matapat nang ganito, magtataglay ka ng normal na katwiran. Kung hahayaan mong makilala ng iba ang tunay na ikaw, magkakaroon sila ng normal na pananaw sa iyo, at hindi mo na kakailanganing magpanggap. Hindi ka na makakaramdam ng matinding presyur, at magagawa mo nang makipag-usap sa iba nang normal. Ang mamuhay nang ganito ay malaya at maginhawa. Sinumang nakakaramdam na masyadong nakakapagod ang buhay ay sarili lang niya ang dapat sisihin. Huwag magpanggap o magtago ng anuman. Una, maging bukas ka tungkol sa kung ano ang iniisip mo sa iyong puso at sa iyong mga tunay na kaisipan, upang malaman at maunawaan ng lahat ang mga ito. Sa ganitong paraan, ang iyong mga alalahanin, pati na rin ang mga hadlang at hinala sa pagitan mo at ng iba, ay mawawala lahat. Dagdag pa rito, mayroon pang ibang bagay na gumagapos din sa iyo, iyon ay na palagi mong itinuturing ang iyong sarili bilang pinuno ng pangkat, isang lider o isang manggagawa, isang taong may titulo, may katayuan at posisyon—kung sasabihin mo na hindi mo ito nauunawaan at wala kang kakayahang gawin iyon, hindi ba’t pagmamaliit iyon sa iyong sarili? Kapag binitiwan mo ang mga tanikalang ito sa iyong puso, kapag tumigil ka sa pag-iisip sa iyong sarili bilang isang lider o isang manggagawa, at kapag tumigil ka sa pag-iisip na mas magaling ka kaysa sa ibang tao at sa halip ay nararamdaman mong isa kang ordinaryong tao, kapareho ng lahat ng iba pa, at na may ilang larangan kung saan mas mababa ka kaysa sa iba, kung gayon, kapag nakikipagbahaginan ka sa katotohanan at sa mga bagay na may kaugnayan sa gawain nang may ganitong pag-iisip, magiging iba kapwa ang mga resulta at ang atmospera. Kung, sa iyong puso, palagi kang may mga alalahanin, kung palagi kang nakakaramdam ng bigat at pagkapigil, at gusto mong bitiwan ang mga bagay na ito ngunit hindi mo magawa, kung gayon ay dapat kang taimtim na manalangin sa Diyos, dapat mong pagnilayan ang iyong sarili, kilalanin ang iyong mga pagkukulang, at magsumikap tungo sa katotohanan. Kung isasagawa mo ang katotohanan, magkakaroon ka ng mga resulta. Anuman ang gawin mo, huwag kang magsalita at kumilos mula sa isang posisyon ng katayuan o nang iniisip ang iyong titulo. Una, isantabi mo ang lahat ng ito, at manatili sa lugar ng isang ordinaryong tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpapahalaga sa mga Salita ng Diyos ang Pundasyon ng Pananampalataya sa Diyos). “Ano ang kahulugan ng katayuan sa iyo? Sa katunayan, ang katayuan ay isa lamang pasobra, isang karagdagang bagay, tulad ng isang piraso ng damit o sumbrero. Isang palamuti lamang ito. Wala itong totoong silbi, at hindi naaapektuhan ng presensya nito ang anumang bagay. Mayroon ka mang katayuan o wala, ikaw pa rin ang taong iyan. Hindi mo makakamit ang katotohanang realidad dahil lang sa nakamit mo ang katayuan. Kung kaya bang maunawaan ng mga tao ang katotohanan at magtamo ng katotohanan at buhay ay walang kinalaman sa katayuan. Hangga’t hindi mo itinuturing na malaking bagay ang katayuan, hindi ka nito malilimitahan. Gayumpaman, kung mahal mo ang katayuan at partikular kang nakatuon dito, palaging itinuturing ito bilang isang mahalagang bagay, kung gayon ay makokontrol ka nito, at palagi mong gugustuhing pangalagaan ang iyong katayuan at ang iyong imahe sa isipan ng mga tao. Hindi ka magiging handang maging bukas at ilantad ang iyong sarili, o magtamo ng pagkakilala sa sarili, at hindi ka magiging handang isantabi ang iyong pagkakakilanlan at katayuan bilang isang lider sa iyong mga kilos, pananalita, pakikisalamuha sa iba, at paggampan sa iyong tungkulin. Anong uri ng suliranin ito? Hindi ba’t isa itong usapin ng pagiging nalilimitahan ng katayuan? Nangyayari ito dahil nagsasalita at kumikilos ka mula sa isang mataas na katayuan at hindi maitigil ang pagmamataas. Hindi ba’t pinahihirapan mo lamang ang sarili mo sa paggawa nito? Kung talagang nauunawaan mo ang katotohanan, at kung maaari kang magkaroon ng katayuan nang hindi umaasta nang nakatataas gaya ng ginagawa mo, kundi sa halip ay natututukan mo ang pagtupad sa lahat ng tungkulin at responsabilidad na dapat mong gawin, at kung nakikita mo ang sarili bilang karaniwang kapatid, hindi ka malilimitahan ng katayuan, hindi ba?(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Lutasin ang mga Tukso at Gapos ng Katayuan). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang salitang “mangangaral” ay isang titulo lamang, at walang anumang kinakatawan. Hindi naman dahil lamang sa isa akong mangangaral ay nauunawaan ko na kaagad ang katotohanan at nakakalutas ako ng mga problema; pareho pa rin ang tayog ko gaya ng dati, at hindi ko pa rin magagawa ang mga bagay na hindi ko kayang gawin. Umaasa ang Diyos na magagawa kong maging isang praktikal at ordinaryong tao; hindi magapusan o malimitahan ng mga titulo; magtapat tungkol sa aking katiwalian at mga depekto sa tuwing may mga pagtitipon, nakikipagbahaginan sa abot ng aking nauunawaan; isagawa ang pagiging isang matapat na tao, na nagsasabing “Hindi ko alam” kapag nahaharap sa mga problema o paghihirap na hindi ko malutas; at makipagbahaginan at maghanap kasama ng mga kapatid para magawa nang maayos ang aking tungkulin. Pagkatapos maunawaan ang layunin ng Diyos, handa akong umasa sa Diyos na pumasok sa aspektong ito. Kalaunan, sa mga pagtitipon, hindi ko na inilalagay ang sarili ko sa pedestal ng isang mangangaral, at kapag nahaharap ako sa mga problemang hindi ko nauunawaan, tinatalakay at nilulutas namin itong lahat nang magkakasama.

Minsan, pumunta ako sa isang iglesia para alamin ang tungkol sa gawain nito at nakita ko ang isang brother na nakaugnayan ko na dati. Ang kanyang buhay pagpasok ay napakabuti, at kaya niyang makipagbahaginan tungkol sa katotohanan para lumutas ng ilang problema. Nagsimula akong mag-isip, “Kung hindi ako kasinggaling niya sa paglutas ng mga problema, ano na lang ang iisipin ng mga kapatid sa akin? Iisipin kaya nila na ako, isang mangangaral, ay hindi man lang kayang gamitin ang katotohanan para lumutas ng mga problema? Kahiya-hiya iyon!” Napagtanto kong nalilimitahan na naman ako ng aking katayuan at titulo, at naisip ko ang mga pagtitipon noon, kung saan palagi akong nagtatago ng mga bagay-bagay at nagkukunwari para sa reputasyon at katayuan, at hindi ako nangahas na magtapat at maglantad ng mga bagay na hindi ko nauunawaan o hindi ko kayang gawin. Talagang miserable at napakasakit na magmataas sa mga pagtitipon! Ayoko nang gawin ito. Naalala ko ang mga salita ng Diyos: “Kung ayaw mong pahirapan ng mga gapos at limitasyon ng katayuan, dapat mong isuko ang lahat ng titulong ito at mga korona at sabihin sa iyong mga kapatid ang iyong tunay na kalagayan at ang mga iniisip sa iyong puso. Hayaan mong makita nila ang iyong mga pagkukulang at kapintasan; sa ganitong paraan, magagawa ka nilang tratuhin nang tama, hindi ka nila labis na titingalain o hahangaan, at hindi mo na kakailanganing magbalatkayo. Pagkatapos, ngayong nagbukas ka na at inihayag ang iyong tunay na kalagayan, hindi ba’t mas makakaramdam ng kapanatagan at kaginhawahan ang iyong puso? Bakit ka maglalakad nang may napakabigat na pasanin sa iyong likod? Kung ipapakita mo ang iyong tunay na sitwasyon, talaga bang mamaliitin ka ng mga kapatid? Talaga bang tatalikuran ka nila? Hinding-hindi. Sa kabaligtaran, sasang-ayunan at hahangaan ka ng mga kapatid sa pagkakaroon ng lakas ng loob na magsalita mula sa iyong puso. Sasabihin nila na isa kang matapat na tao. Hindi ito makahahadlang sa iyo sa paggawa ng gawain ng iglesia, ni magkakaroon ng kahit katiting na negatibong epekto rito. Kung talagang makita ng mga kapatid na mayroon kang mga paghihirap, magkukusa silang alalayan ka at makipagtulungan sa iyo. Hindi ba’t ganoon ang mangyayari?(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpapahalaga sa mga Salita ng Diyos ang Pundasyon ng Pananampalataya sa Diyos). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na kung gusto kong bitiwan ang katayuan at mga titulo, dapat maging matapat akong tao, maging bukas sa pakikipagbahaginan tungkol sa aking mga tunay na iniisip kasama ang mga kapatid nang hindi nagtatago o nagkukunwari, magtanong sa mga kapatid at makipagbahaginan sa lahat tungkol sa mga bagay na hindi ko nauunawaan, natututo mula sa kalakasan ng isa’t isa para punan ang aming mga kahinaan. Kapaki-pakinabang ito kapwa sa akin at sa gawain ng iglesia. Kaya, tahimik akong nagdasal sa Diyos na nawa’y akayin Niya ako na bitiwan ang pride at katayuan, iwaksi ang mga paglimita ng mga titulo, at maging isang matapat na tao, nagiging bukas sa pakikipagbahaginan. Sa pagtitipon, nagtapat ako at sinabi kong marami akong depekto, at na kung sinuman ang may mga problema, maaari kaming makipagbahaginan nang sama-sama at matuto sa mga kalakasan ng isa’t isa. Nang hindi ko na inilagay ang sarili ko sa pedestal ng isang mangangaral, hindi na ako gaanong tensiyonado o nalilimitahan sa pagtitipon. Sa halip, naramdaman kong talagang napalaya at malaya ako sa buong pagtitipong iyon. Nagkamit din ako ng kaunting liwanag mula sa pagbabahagi ng mga kapatid at mas malinaw kong nakita ang mga problema. Mula sa kaibuturan ng aking puso, naramdaman kong napakaginhawa na bitiwan ang katayuan at mga titulo kapag nakikipagtipon.

Sa pamamagitan ng aking karanasan sa panahong ito, naunawaan ko na ang tanging mga bagay na idinulot sa akin ng paghahangad ng reputasyon at katayuan sa paggawa ng aking tungkulin ay pagdurusa at pagpapahirap, at na ang landas na tinatahak ko ay ang landas ng mga anticristo, na lumalaban sa Diyos. Maititiwalag lang ako ng Diyos sa huli. Sa pamamagitan lamang ng pagtayo sa wastong posisyon ng isang nilikha, pagiging praktikal at deretsahang pagiging bukas at pagiging isang matapat na tao magagawa ko nang maayos ang aking tungkulin.

Sinundan: 97. Itinuwid Ko ang Aking mga Maling Pananaw sa Pananampalataya sa Diyos

Sumunod: 99. Mga Pagninilay Matapos Kong Tanggihan ang Aking Tungkulin

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

60. Ang Diyos ay Napakamatuwid

Ni Zhang Lin, JapanNoong Setyembre 2012, ako ang namamahala sa gawain sa iglesia nang makilala ko ang pinuno kong si Yan Zhuo. Nalaman kong...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito