3. Ang mga Nakamit Ko Mula sa Buhay sa Kulungan

Ni Li Ke, Tsina

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang pinakamalaking suliranin ng tao ay na palagi niyang iniisip ang kanyang kapalaran at kinabukasan, at iniidolo niya ang mga bagay na ito. Hinahangad ng tao ang Diyos alang-alang sa kanyang kapalaran at kinabukasan; hindi niya sinasamba ang Diyos dahil sa kanyang pagmamahal sa Diyos. Kung kaya, sa paglupig sa tao, ang pagkamakasarili, kasakiman, at mga bagay na pinakahadlang sa pagsamba ng tao sa Diyos ay dapat mapakitunguhan lahat. Sa paggawa nito, ang paglupig sa tao ay naisakatuparan. Bilang resulta, sa mga unang yugto ng paglupig sa tao, kinakailangan munang alisin ang mga labis na ambisyon at ang pinakanakamamatay na mga kahinaan ng tao, sa gayon ay maibunyag ang mapagmahal-sa-Diyos na puso ng tao at mabago ang kanyang kaalaman tungkol sa buhay ng tao, ang kanyang pananaw sa Diyos, at ang kahulugan ng kanyang pag-iral. Sa ganitong paraan, nalilinis ang mapagmahal-sa-Diyos na puso ng tao, na ang ibig sabihin, ang puso ng tao ay nalulupig(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan). Sa pagbabasa ko ng siping ito ng mga salita ng Diyos, naalala ko ang karanasan ko noong maaresto ako. Dahil dito, tunay kong napagtanto kung gaano kapraktikal ang mga salita ng Diyos. Kung gusto ng isang taong bitawan ang pagsasaalang-alang niya sa kanyang kinabukasan at tadhana, at magawang magpasakop at magmahal sa Diyos, dapat niyang maranasan ang paghatol, pagkastigo, mga pagsubok, at pagpipino ng Diyos sa mga huling araw.

Sa pagtatapos ng 2012, inaresto ako ng mga pulis ng CCP habang ipinapangaral ko ang ebanghelyo. Sa paulit-ulit na interogasyon at pagtatangka ng mga pulis na pilitin akong umamin, ang mga salita ng Diyos ang gumabay sa akin na manindigan sa aking patotoo nang hindi nagiging isang Hudas. Hindi nakuha ng mga pulis ang impormasyong gusto nila tungkol sa iglesia, at sa huli, sinentensiyahan nila ako ng tatlo at kalahating taon sa bilangguan sa kasong “pagpapahina sa pagpapatupad ng batas.” Bagama’t inihanda ko na ang sarili ko sa pagkakakulong pagkatapos kong maaresto, gulong-gulo pa rin ang puso ko nang mabasa ko ang hatol. Tahimik kong binilang sa isip ko ang mga araw, “Tatlo at kalahating taon—mahigit isang libong araw at gabi iyan! Paano ko ito malalampasan?” Talagang nag-alala ako nang marinig kong sabihin ng isang dating bilanggo, “Talagang madilim sa kulungan, at kapag hindi natapos o hindi nagawa nang maayos ang trabaho, bubugbugin ka. Namamatay sa loob ang mga mahihina, at doon, kapag may namatay, parang aso lang ito na namatay—walang pakialam ang mga guwardiya kahit kaunti.” Medyo natakot ako, at naisip ko, “Sa mga buwang ginugol ko sa detention house, lalong lumala ang sakit ko sa tiyan at nauwi na ito sa pagdurugo ng sikmura. Sa tuwing gumagamit ako ng banyo, may namumuong dugo na lumalabas. Medyo namamaga na rin ang mga binti at paa ko. Sa ganitong kalagayan ng katawan ko, makalalabas pa kaya ako nang buhay pagkatapos ng ilang taon sa hindi makataong kulungang iyon? Kung mamamatay ako sa kulungan, hindi ba’t hindi ko na makikita ang araw na maisasakatuparan ang kaharian ng Diyos?” Sa pag-iisip sa mga ito, hindi ko maiwasang mag-alala tungkol sa aking kinabukasan, at nagkaroon ako ng maling pagkaunawa sa Diyos sa puso ko: Ginagamit kaya ng Diyos ang sitwasyong ito para ibunyag at itiwalag ako? Kahit na alam kong hindi ako dapat magkaroon ng maling pagkaunawa sa Diyos, at na kailangan ko ang sitwasyong inihanda Niya, sa loob ng ilang araw, gulong-gulo ang puso ko, at hindi ako makatulog sa gabi. Sa aking pasakit, paulit-ulit akong tumawag sa Diyos, “O Diyos, alam kong mali na magkaroon ng maling pagkaunawa sa Iyo, pero napakahina ko ngayon. Pakiusap, bigyan Mo ako ng pananalig at lakas para danasin ang sitwasyong kahaharapin ko.” Pagkatapos magdasal, naalala ko ang isang talata mula sa Lumang Tipan, kung saan nagsalita ang Diyos na si Jehova kay Josue: “Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang nang mabuti; huwag kang matakot, ni manlupaypay: sapagkat si Jehova mong Diyos ay sumasaiyo saan ka man pumaroon(Josue 1:9). Naisip ko rin ang sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa lahat ng bagay sa sansinukob, walang anuman na hindi Ako ang may huling kapasyahan. Mayroon bang anumang wala sa Aking mga kamay?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos Para sa Buong Sansinukob, Kabanata 1). Ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan at kontrol sa lahat ng bagay, kaya kahit sa kulungan ng CCP, hindi ba’t nasa mga kamay pa rin ng Diyos ang kapalaran ko? Nang maisip ko ito, nakaramdam ako ng kalayaan sa aking puso.

Isang araw noong Oktubre 2013, ipinadala ako sa bilangguan upang magsilbi ng aking sentensiya. Sa mga kulungan sa Tsina, ang mga bilanggo ay mga libreng kasangkapan lang na ginagamit nila para kumita ng pera. Nagtatrabaho ang mga bilanggo nang 16 hanggang 17 oras sa isang araw, at kung minsan ay mas mahaba pa ang oras para sa mga madaliang trabaho; ang mga hindi nakatatapos sa kanilang mga gampanin ay pisikal na pinarurusahan. Ang trabaho ko noon ay ang mamalantsa ng ilang bahagi ng damit. Kailangan kong hawakan ang plantsa sa iisang posisyon nang mahigit sampung oras sa isang araw, at kailangan kong kumilos nang mabilis. Dahil ang kulungan ay gumagana na parang assembly line, kapag mabagal ang isang tao, naaapektuhan nito ang bilis ng buong linya ng produksyon, at kung sinuman ang maging sanhi ng pagkaantala, pinarurusahan sila. Hindi na maiunat ang dalawa kong daliri dahil sa sobrang tagal ng mahigpit na pagkakahawak sa plantsa, at kailangan ko pang pilitin para maiunat ang mga ito. Sabi nga nila, “Konektado sa puso ang mga daliri,” at kung minsan, sa sobrang sakit ng kamay ko ay hindi ako makatulog sa gabi. Ang napakabigat na trabaho, kasama pa ng pagdurugo ng aking sikmura na hindi pa lubusang gumagaling, ay lubhang nagpahina sa aking katawan, at sa loob ng tatlong buwan sa kulungan, nagsimula akong makaramdam ng pananakit ng likod, paninikip ng dibdib, at hirap sa paghinga. Sa pag-iisip pa lang sa mahabang sentensiya sa hinaharap, natakot ako na kung magpapatuloy ang mga bagay nang ganito, mababaldado ako, hindi man ako mamatay. Kung mabaldado ako, magiging problema ang buhay pagkatapos kong lumaya, kaya paano ko gagawin ang aking mga tungkulin? Kung hindi ko magagampanan ang tungkulin ko, hindi ba’t mawawalan na ako ng pagkakataong maligtas? Desperado kong hinihiling sa Diyos na parusahan sa lalong madaling panahon ang malaking pulang dragon, dahil kung babagsak ang malaking pulang dragon, hindi ko na kakailanganing danasin ang mga paghihirap na ito. Noong panahong iyon, binigyan ko ng malaking pansin ang mga balita mula sa labas, at kapag dumarating ang mga bagong bilanggo, sinusubukan kong alamin kung ano na ang nangyayari sa labas, nagtatanong kung may mga kalamidad o kaguluhang nangyayari. Pero sa paglipas ng mga araw, nanatiling kalmado ang mga bagay sa labas, at medyo nanlumo ako. Bakit hindi pinarurusahan ng Diyos ang malaking pulang dragon? Kung mananatili ako nang ganito sa kulungan sa matagal na panahon, mababaldado ako, hindi man ako mamatay! Sa pag-iisip sa mga bagay na ito, napuno ng kadiliman at pagkasira ng loob ang puso ko. Sa aking pagdurusa, nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, sa pag-iisip pa lang na mababaldado ang kamay ko, labis akong nasisiraan ng loob, at patuloy akong nag-aalala na kung mabaldado ako, wala na akong patutunguhan sa buhay. Nag-aalala rin ako na hindi ko na magagampanan ang aking mga tungkulin at dahil doon ay hindi na ako maliligtas. O Diyos, pakiusap, gabayan Mo akong makaalis sa maling kalagayang ito.”

Isang araw, sa oras namin sa labas, nakita ko na ang mga bundok sa di-kalayuan, na dati ay naninilaw at tuyot, ay naging luntian na nang hindi ko namamalayan. Habang tinitingnan ko ang mga bulaklak at damo sa mga bundok, may ilang salita ng Diyos na pumasok sa isip ko: “Umaabot ang mga bulaklak at damo patawid sa mga dalisdis, ngunit nagdaragdag ng kislap ang mga liryo sa Aking kaluwalhatian sa lupa bago sumapit ang tagsibol—makakamit ba ito ng tao? Maaari kaya siyang magpatotoo sa Akin sa lupa bago Ako bumalik? Maiaalay kaya niya ang kanyang sarili alang-alang sa Aking pangalan sa bansa ng malaking pulang dragon?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos Para sa Buong Sansinukob, Kabanata 34). Paulit-ulit kong pinagnilayan ang mga salitang ito ng Diyos, iniisip kung paanong ang mga bulaklak at damo, bagama’t ordinaryo at simple, ay walang hinihinging kahit ano sa Lumikha. Maranasan man nila ang nagyeyelong taglamig o nag-aapoy na tag-araw, tumutubo at namumulaklak pa rin sila taon-taon ayon sa mga batas na itinakda ng Diyos para sa kanila, nagdaragdag ng ganda sa lupang nilikha ng Diyos, at nagpapatotoo sa kamangha-manghang mga gawa ng Diyos. Sabi ng Diyos: “Umaabot ang mga bulaklak at damo patawid sa mga dalisdis, ngunit nagdaragdag ng kislap ang mga liryo sa Aking kaluwalhatian sa lupa bago sumapit ang tagsibol.” Malinaw kong naunawaan na ginagamit ng Diyos ang mga salitang ito para gabayan akong makawala sa pagkasira ng aking loob, at naantig ako at nahiya. Tulad ng mga bulaklak at damo, isa lang akong maliit na nilikha, pero palagi kong hinihiling na kumilos ang Diyos ayon sa mga kagustuhan ko, at nang hindi tuparin ng Diyos ang mga hiling ko at hindi pinarusahan ang malaking pulang dragon, lumayo ang puso ko sa Kanya. Talagang wala akong katwiran! Kapag ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, mayroon Siyang sariling plano, at alam ng Diyos ang tamang panahon para wasakin ang malaking pulang dragon. Dapat kong hayaan ang Diyos na pamatnugutan ang lahat ng bagay. Bukod pa rito, kung ako man ay mababaldado, kung mabubuhay ako, at kung magagampanan ko ang aking mga tungkulin, lahat ay nasa mga kamay ng Diyos. Hindi kailangan ang mga pag-aalala ko. Sa pag-iisip sa mga bagay na ito, mas napanatag ang puso ko.

Kalaunan, nagkataong nakakita ako ng isang aklat na pinamagatang Ang Pananalig ng mga Tanyag na Tao mula sa isa pang bilanggo, na naglalaman ng mga salaysay ng maraming kilalang ebanghelista, kapwa Tsino at dayuhan, tulad nina Hudson Taylor, Robert Morrison, Wang Mingdao, Watchman Nee, at iba pa. Hinding-hindi ko inasahan na makahahanap ako ng ganoong aklat sa mahigpit na kontroladong kulungan ng CCP, kaya sabik ko itong hiniram para basahin. Labis na napalakas ang loob ko ng magagandang patotoo ng mga banal sa lahat ng panahon sa aklat, at naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Ang ipinagkakaloob Ko sa inyo ngayon ay higit pa sa ipinagkaloob Ko kay Moises at kay David, kaya’t gayundin ay hinihingi Ko na ang inyong patotoo ay humigit pa sa kay Moises at ang inyong mga salita ay humigit pa sa kay David. Sandaang beses ang Aking ibinibigay sa inyo—kaya’t gayundin ay hinihingi Ko sa inyo na suklian Ako ng sandaang beses. Dapat ninyong malaman na Ako ang nagkakaloob ng buhay sa sangkatauhan, at kayo ang tumatanggap ng buhay mula sa Akin at dapat magpatotoo sa Akin. Ito ang inyong tungkulin na Aking ipinapadala sa inyo at nararapat ninyong gawin para sa Akin. … Higit pa ang nauunawaan ninyo sa Aking mga misteryo sa langit kaysa kina Isaias at Juan; higit pa ang nalalaman ninyo tungkol sa Aking pagiging kaibig-ibig at pagiging kagalang-galang kaysa sa lahat ng banal ng mga nakaraang kapanahunan. Ang natanggap ninyo ay hindi lamang ang Aking katotohanan, ang Aking daan, at ang Aking buhay, kundi mga pangitain at paghahayag na higit pa sa natanggap ni Juan. Naunawaan ninyo ang higit na maraming misteryo, at nakita na rin ang Aking tunay na mukha; higit pa ang natanggap ninyo sa Aking paghatol at higit pa ang nalalaman ninyo tungkol sa Aking matuwid na disposisyon. Kung kaya, kahit na ipinanganak kayo sa mga huling araw, nauunawaan ninyo ang mga bagay na nauna at ang mga bagay sa nakalipas, at naranasan na rin ninyo ang mga bagay sa kasalukuyan, na personal Kong ginawa. Hindi labis ang hinihingi Ko sa inyo, sapagkat napakarami Ko nang naibigay sa inyo, at napakarami na ninyong nakita sa Akin. Samakatwid, hinihingi Ko sa inyong magpatotoo para sa Akin sa mga banal ng mga nagdaang kapanahunan, at ito lamang ang nais ng Aking puso(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Alam Mo sa Pananalig?). Naisip ko ang mga banal ng nakaraang mga henerasyon. Hindi nila natamasa ang pagdidilig at panustos ng napakaraming salita ng Diyos na natatamasa ko, pero ibinigay nila ang kanilang buhay para magpatotoo sa pagliligtas ng Panginoong Jesus. Ang ilan ay binato hanggang mamatay, ang ilan ay pinagpira-piraso ng mga kabayo, ang ilan ay nilagari hanggang mamatay, at ang iba ay ipinako nang patiwarik sa krus, pero lahat sila ay nagbigay ng isang maganda at matunog na patotoo para sa Diyos. Natamasa ko na ang panustos ng napakaraming salita ng Makapangyarihang Diyos, kaya dapat akong magbigay ng isang maganda at matunog na patotoo para sa Diyos tulad ng ginawa ng mga banal ng nakaraang mga henerasyon para ipahiya si Satanas. Ito rin ang inaasahan ng Diyos sa atin na tumanggap ng Kanyang gawain sa mga huling araw. Nang maisip ko ito, nagkaroon ako ng determinasyon na tularan ang halimbawa ng mga banal sa nakaraang mga henerasyon. Naging handa akong maghimagsik laban sa aking laman at isuko ang aking mga hindi makatwirang kahilingan sa Diyos, na ilagay ang aking kinabukasan at tadhana sa mga kamay ng Diyos, at magpasailalim sa Kanyang mga pamamatnugot at pagsasaayos. Kahit na talagang mabaldado nga ako, susunod pa rin ako sa Diyos hanggang sa wakas. Bukod pa rito, kahit na pahirapan nga ako hanggang mamatay sa kulungan ng CCP, ito ay pag-uusig para sa kapakanan ng katuwiran. Ito ay isang maluwalhating bagay, at hindi ako dapat malungkot. Sa halip, dapat akong umasa sa Diyos upang manindigan sa aking patotoo. Sa mga sumunod na araw, sinadya kong pagnilayan ang mga salita ng Diyos na naaalala ko, inawit ko ang mga himnong natutunan ko, at ipinagkatiwala ko rin ang aking mga paghihirap sa Diyos, bumabaling sa Kanya. Unti-unti, bumuti ang kalagayan ko.

Akala ko, sa pamamagitan ng karanasang ito, naisantabi ko na ang mga pag-iisip tungkol sa aking kinabukasan at tadhana, pero isang sitwasyon ang dumating na nagbunyag sa akin at nilinaw sa akin na hindi iyon magiging ganoon kadali. Noong taglamig ng 2014, dahil sa hina ng katawan ko at sa napakasamang mga kondisyon sa kulungan, kung saan kailangan kong maghugas ng buhok at maligo gamit ang malamig na tubig mula sa gripo kahit sa malupit na taglamig, halos palagi akong sinisipon. Sa paglipas ng panahon, pumutok ang maliliit na ugat sa ilong ko dahil sa madalas na pagsinga. Sa simula, paunti-unti lang at paputol-putol ang pagdurugo, pero lalong lumala ang pagdurugo habang tumatagal, hanggang sa huli, sa ilang pagkakataon, walang tigil ang pagdurugo ng ilong ko, na parang tubig na umaagos mula sa gripo. Nakita ng mga guwardiya na sobra na ang pagdurugo ko at natakot silang baka mamatay ako sa pagawaan, kaya ipinadala nila ako sa ospital ng kulungan. Gayumpaman, napakasama ng mga kondisyong medikal sa ospital ng kulungan, at binigyan lang ako ng doktor ng IV at walang ginawang hakbang para patigilin ang pagdurugo. Naglagay din siya ng isang plastik na balde sa harap ko, at malamig na sinabi, “Kung magdurugo ka, isahod mo sa balde. Huwag mong patuluin ang dugo mo at dumihan ang sahig.” Pagkasabi niyon, tumalikod na lang siya at umalis. Pabalik-balik ang pagdurugo ng ilong ko, kaya gumamit ako ng tissue para ipasak sa mga butas ng ilong ko at patigilin ang pagdurugo. Pero dahil may pasak ang mga butas ng ilong ko, nagsimulang bumuhos ang dugo mula sa bibig ko. Dahil sa sobrang pagdurugo, naramdaman kong dahan-dahang nawawala ang init sa aking katawan. Patuloy na dumadaloy nang paputol-putol ang dugo mula sa ilong ko, at hindi nagtagal, naubos ko na ang isang buong pakete ng tisyu. Tuluyan na akong naubusan ng lakas, at ang tanging nagawa ko ay hayaan na lang na dumaloy ang dugo mula sa bibig at ilong ko papunta sa aking damit. Hindi nagtagal, may malaking pulang mantsa na sa dibdib ko, at nagsimula akong lalong ginawin. Mahina na lang akong nakasandal sa malamig na pader, at pakiramdam ko ay nabibilang na ang mga huling sandali ng buhay ko. Habang nakatitig sa kisame, naisip ko, “Kung magpapatuloy ito, hindi magtatagal at mamamatay ako dahil sa pagkaubos ng dugo. Kung mamamatay ako nang ganito rito sa kulungan, walang sinumang makaaalam. Hindi ko na muling makikita ang mga kapatid ko, lalo na ang masaksihan ang araw ng kaluwalhatian ng Diyos.” Naisip ko rin kung paano, matapos kong matagpuan ang Diyos, isinuko ko ang aking karera at iniwan ang aking tahanan dahil sa pagtugis sa akin ng CCP, at kung paano ko patuloy na ginagawa ang aking tungkulin sa iglesia. Hindi ko inasahan na sa huli ay mamamatay ako sa kulungan sa halip na tumanggap ng mga pagpapala. Habang mas iniisip ko ito, mas lalong sumasama ang loob ko, at napuno ng kapanglawan ang puso ko. Sa aking paghihirap, tahimik akong nanalangin sa Diyos, “O Diyos, ang kinakaharap ko ay naglalaman ng Iyong layunin, pero napakaliit ng tayog ko, at sa pagkakita na malapit na akong mamatay, puno ng pasakit at kawalan ng pag-asa ang puso ko. O Diyos, pakiusap, bigyan Mo ako ng pananalig at lakas, upang sa pamamagitan Mo ay maging matatag ako.” Pagkatapos magdasal, naisip ko ang sinabi ni Job sa panahon ng kanyang mga pagsubok: “Si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova” (Job 1:21). Nang dumating kay Job ang tukso ni Satanas, nawala sa kanya ang lahat ng kanyang ari-arian at mga anak, at ang buong katawan niya ay napuno ng nagnanaknak na sugat. Ang mga bagay na ito ay hindi makakayanang dagok para sa sinuman, ngunit si Job ay mayroong may-takot-sa-Diyos na puso. Hindi siya nagreklamo laban sa Diyos, ni nagkasala sa pamamagitan ng kanyang bibig, sa halip, tinanggap niya ito mula sa Diyos, naniniwalang lahat ng kanyang yaman at mga anak ay ibinigay sa kanya ng Diyos, at bagama’t mukha itong pagnanakaw ng mga tulisan, ipinahintulot ito ng Diyos. Kaya naman, nagpasakop si Job sa pagkuha ng Diyos ng mga bagay mula sa kanya at kusang-loob na ibinalik ang lahat ng mayroon siya sa Diyos, pinupuri pa rin ang banal na pangalan ng Diyos. Sa gitna ng mga tukso ni Satanas, ang pananalig, pagpapasakop, at takot ni Job sa Diyos ay nagpahintulot sa kanya na manindigan sa kanyang patotoo para sa Diyos at ipahiya si Satanas, at natanggap niya ang pagsang-ayon at pagpapala ng Diyos. Sa pagninilay sa patotoo ni Job, napagtanto ko na lahat ng mayroon ako, kabilang ang aking buhay, ay ibinigay ng Diyos, na tama lang na bawiin ito ng Diyos, at na dapat akong magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Ngunit nang maharap sa kamatayan, napuno ako ng pasakit at kawalan ng pag-asa, at hindi ito matanggap ng puso ko. Nakita ko na wala akong pagpapasakop sa Diyos, at na ang pananalig ko ay tunay na kaawa-awa. Nang mapagtanto ito, nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, handa kong ilagay ang buhay ko sa Iyong mga kamay. Mabuhay man ako o mamatay, handa akong magpasakop sa Iyong kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos.” Pagkatapos magdasal, mas napayapa ang puso ko, at naramdaman kong ang Diyos ang aking matatag at makapangyarihang sandigan. Hindi ko inaasahan, nang lubusan kong ipinagkatiwala ang aking buhay at kamatayan sa Diyos, nakita ko ang Kanyang mga gawa, at gumamit ang Diyos ng isang bilanggo na hindi ko kilala para hanapin ang direktor ng ospital ng kulungan, sinasabing ako ay kababayan ng direktor, at hiniling dito na tulungan ako. Ang totoo, hindi kami magkababayan ng direktor. Pagkatapos magpunta ng direktor at makitang duguan ako, mabilis niyang sinabi, “Huwag kang mag-alala, pasasamahan kita para dalhin ka sa ospital ng lungsod para masalinan ng dugo at mabigyan ng agarang lunas.” Ngunit pagkatapos akong dalhin ng mga guwardiya sa ospital ng lungsod, para makatipid, isang operasyon lang para patigilin ang pagdurugo ang isinagawa sa akin, at hindi ako sinalinan ng dugo. Akala ko, dahil sa dami ng dugong nawala sa akin, tiyak na hahayaan ako ng mga guwardiya na magpahinga ng ilang araw. Ngunit hindi ko inaasahan, pagkababa ko pa lang sa operating table, agad akong ipinadala ng mga guwardiya pabalik sa pagawaan para magtrabaho. Nahihilo ako at naliliyo, at umiikot ang mundo sa paningin ko. Sa puso ko, mas lalo kong kinamuhian ang paglapastangan ng CCP sa buhay ng tao. Tinatahak ko ang tamang landas sa buhay sa pamamagitan ng pananampalataya sa Diyos at pangangaral ng ebanghelyo, pero dinaranas ko ang ganitong kalupitan mula sa CCP! Bukod sa pagkamuhi, napuno ng kalungkutan ang puso ko, at naisip ko, “Mukhang mamamatay na talaga ako sa kulungan sa pagkakataong ito, at hindi ko na makikita ang araw na maisasakatuparan ang kaharian ng Diyos.” Napagtanto kong mali ang kalagayan ko, at sa pagbabalik-tanaw sa mga nakaraang karanasan, alam kong sinusubok ako ng Diyos sa sakit na ito. Handa akong magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos, at hanapin ang Kanyang layunin. Kalaunan, nang magpasakop ako, muli kong nakita ang mga gawa ng Diyos. Narinig ng isang guwardiya mula sa aking bayan ang aking sitwasyon at nakiusap sa lider ng pagawaan, na payagan akong magpahinga ng ilang araw, at sa wakas ay nakabawi ako. Nakita ko ang pagkamakapangyarihan-sa-lahat at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at nagkaroon ako ng higit pang pananalig sa Kanya, at naunawaan ko na kung ako man ay mabubuhay o mamamatay ay nasasa Diyos. Gaano man kabuktot ang malaking pulang dragon o paano man nito subukang patayin ako, kung walang pahintulot ng Diyos, walang sinuman ang makakukuha ng buhay ko.

Naisip ko kung paanong sa lahat ng pagkakataong ito na naharap ako sa ganitong mga sitwasyon, iniisip ko ang tungkol sa aking kinabukasan at tadhana, laging nag-aalala na kung mamamatay ako, hindi ako maliligtas, at napagtanto ko na ang mga sitwasyong inihanda ng Diyos ay hindi lamang para ipakita sa akin ang kabuktutan ng CCP, kundi para din ipaunawa sa akin ang sarili kong tiwaling disposisyon. Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Ang hinahangad ng mga tao sa kanilang pananampalataya sa Diyos ay ang magtamo ng mga pagpapala para sa hinaharap; ito ang kanilang layon sa kanilang pananampalataya. Lahat ng tao ay may ganitong intensyon at inaasam, subalit ang katiwalian sa kanilang kalikasan ay dapat malutas sa pamamagitan ng mga pagsubok at pagpipino. Sa alinmang aspekto na ang mga tao ay hindi nadalisay at nagbubunyag pa rin ng katiwalian, ito ang mga aspekto kung saan dapat silang mapino—ito ang pagsasaayos ng Diyos. Naghahanda ang Diyos ng mga kapaligiran para sa iyo, pinipilit kang sumailalim sa pagpipino sa mga ito nang sa gayon ay makilala mo ang iyong sariling katiwalian. Sa huli, umaabot ka sa punto kung saan magiging handa kang isuko ang iyong mga plano at mga pagnanais at magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos kahit pa nangangahulugan ito ng pagkamatay(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Sa pagninilay sa mga salita ng Diyos at paghahambing sa mga ito sa sarili kong mga karanasan, napagtanto ko na sa pamamagitan lamang ng pagpipino malinaw na makikita ng isang tao ang kanyang tunay na tayog at magkakaroon ng pagkaunawa sa kanyang katiwalian. Dati, palagi kong iniisip na ang pagtalikod sa aking pamilya at karera para gawin ang aking tungkulin, ang pagharap sa pag-aresto at pag-uusig ng malaking pulang dragon at hindi pagkakanulo sa Diyos, ay ginawa akong isang tapat na mananampalataya. Ngunit sa sitwasyong ito, sa wakas ay nakita ko na nananampalataya ako sa Diyos para lamang sa isang magandang kinabukasan at hantungan, at na hindi ko taos-pusong gustong bigyang-kasiyahan ang Diyos. Kaya nang makita kong hindi ako makakukuha ng mga pagpapala, naging negatibo ako at nagdusa. Noong una kong malaman ang tungkol sa aking tatlo at kalahating taong sentensiya, naisip ko kung gaano kalubha ang pagdurugo ng aking sikmura at kung gaano kahina ang aking katawan, at natakot ako na mamamatay ako sa kulungan at hindi na makikita ang araw na maisasakatuparan ang kaharian. Dahil dito, labis akong nagdurusa na hindi ako makatulog, at nagkamali pa ako ng pagkaunawa na ginagamit ng Diyos ang sitwasyong ito para itiwalag ako. Pagkapasok sa kulungan, dahil sa sobrang bigat ng trabaho, hindi ko maiunat ang aking mga daliri, at nag-alala ako na kung mababaldado ako, wala na akong patutunguhan sa buhay. Nag-alala rin ako na hindi ko magagampanan ang aking tungkulin at dahil doon ay hindi ako maliligtas, kaya hinangad kong wasakin na ng Diyos ang malaking pulang dragon sa lalong madaling panahon at namuhay ako sa isang kalagayan ng pagkasira ng loob. Kalaunan, dahil sa walang tigil na pagdurugo ng aking ilong, natakot akong baka mamatay ako at nagdusa ako at naging miserable, pinagsisisihan pa nga na umalis ako ng bahay para gawin ang aking tungkulin. Noon ko lang nakita na sa pagpapanatili ng aking pananalig at paggawa ng aking tungkulin, hindi ko isinasagawa ang katotohanan o nagpapasakop sa Diyos kahit kaunti, ni hindi ko sinusubukang suklian ang pagmamahal ng Diyos. Sa halip, ginagamit ko ang paggampan sa aking tungkulin para subukang makipagtawaran para sa biyaya at mga pagpapala ng Diyos at subukang makakuha ng magandang kinalabasan at hantungan. Bagama’t nagkukunwari ako na ginugugol ko ang aking sarili para sa Diyos, sa diwa, sinusubukan kong tugunan ang sarili kong pagnanais na mapagpala. Sa paggawa ng tungkulin sa ganitong paraan, sinusubukan kong makipagtawaran sa Diyos, at sinusubukan kong gamitin at linlangin Siya. Anong konsensiya o katwiran ang mayroon ako? Kung hindi dahil sa paggamit ng Diyos sa pag-uusig ng malaking pulang dragon para ibunyag at pinuhin ako, magpapatuloy sana ako sa pananampalataya sa Diyos at paggawa ng aking tungkulin na may intensyong mapagpala. Sa huli, matutulad sana ako kay Pablo, na ginamit ang kanyang mga paggugol at sakripisyo bilang puhunan para humingi ng biyaya sa Diyos, na walang kahihiyang sinabi, “Nakipagbaka na ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, napanatili ko ang pananalig: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong ng katuwiran” (2 Timoteo 4:7–8). Sa paniniwala sa ganitong paraan hanggang sa pinakahuli, hindi ko sana makakamit ang katotohanan at maliligtas, at magdudulot lang ako ng kapahamakan sa aking sarili. Sa wakas ay naunawaan ko ang masidhing layunin ng Diyos—ginagamit Niya ang ganitong uri ng sitwasyon para pinuhin ako at dalisayin ako mula sa aking katiwalian at mga karumihan. Tunay kong naramdaman na bagama’t hindi nakaayon sa kalooban ko ang mga kilos ng Diyos, lahat ng iyon ay pagmamahal at pagliligtas para sa akin. Kasabay nito, naramdaman ko rin ang awa at proteksyon ng Diyos para sa akin. Nang matanggap ko ang hatol at nag-alala akong hindi ako makalalabas nang buhay sa kulungan, ang Diyos ang nagbigay-liwanag at gumabay sa akin sa pamamagitan ng Kanyang mga salita at binigyan ako ng pananalig na maranasan ang malupit na kapaligiran ng kulungan. Nang mag-alala ako na baka mabaldado ako at hindi makaligtas, ginabayan ako ng Diyos sa pamamagitan ng mga bulaklak at damo, at sa pamamagitan ng mga gawa ng mga banal mula sa nakaraang mga henerasyon sa aklat, pinalalakas ang loob kong magkaroon ng determinasyon na magpatuloy. Nang hindi mapigilan ang pagdurugo ko at nasa bingit ako ng kamatayan, gumamit ang Diyos ng isang hindi pamilyar na bilanggo na pumunta sa direktor, at ako ay nailigtas. Madalas kong naiisip ang mga salita sa “Ang Hinagpis ng Makapangyarihan sa Lahat” kung saan sinabi ng Diyos: “Siya ay nagbabantay sa iyong tabi(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos). Lubos kong naramdaman na sa mga panahon ng krisis, ang Diyos lamang ang aking sandigan, at ang tanging kanlungan ko! Naisip ko kung paano, sa lahat ng mga taon ng pananampalataya ko sa Diyos, hindi ko kailanman ibinigay ang tunay kong puso sa Kanya. Sinusubukan kong makipagtransaksyon sa Diyos sa paggawa lang ng kaunting bahagi ng aking mga tungkulin, ngunit hindi ako tinrato ng Diyos ayon sa aking paghihimagsik, at sa mga panahon ng kagipitan, kapag tumatawag ako sa Diyos, kasama ko pa rin Siya. Inakay at ginabayan din Niya ako sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, gumagamit Siya ng iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay para tulungan ako. Sa sandaling iyon, bumulwak sa puso ko ang pagsisisi at paninisi sa sarili, at tahimik akong nanalangin sa Diyos, “O Diyos, hindi ko hinangad nang maayos ang katotohanan, at nagbayad lang ako ng halaga para sa aking kinabukasan at hantungan. Kung makaliligtas ako at makaaalis, tiyak na hahangarin ko nang maayos ang katotohanan at hindi ko sasayangin ang Iyong pagliligtas sa akin. Kahit na wala akong magandang hantungan, gagawin ko pa rin nang maayos ang aking tungkulin at susuklian ang Iyong pagmamahal!”

Sa pagdaan sa karanasang ito, mas naunawaan ko ang kahalagahan ng paggamit ng Diyos sa malaking pulang dragon para magserbisyo. Kung hindi ko personal na naranasan ang pag-uusig ng malaking pulang dragon, hindi ko sana makikita nang ganoon kalinaw ang mala-demonyong diwa nito, hindi rin sana nadagdagan ang aking pananalig at pagpapasakop sa Diyos, at hindi sana ako nagkaroon ng tunay na pagkaunawa sa aking tiwaling disposisyon. Tunay kong naranasan na ang gawain ng Diyos sa pagliligtas sa mga tao ay napakapraktikal at napakarunong! Naunawaan ko rin na ang malaking pulang dragon ay lumalaban sa Diyos at pinipinsala ang hinirang na mga tao ng Diyos sa ganoong kahibang na paraan, at matagal nang gusto ng Diyos na wasakin ito, ngunit dahil kami, ang grupong ito ng mga tao, ay hindi pa nagagawang ganap, kailangan pa rin Niyang gamitin ang malaking pulang dragon para magserbisyo. Kapag natapos na itong magserbisyo, darating na ang katapusan nito.

Noong Nobyembre 9, 2015, pinalaya ako pagkatapos kong pagsilbihan ang aking sentensiya. Dalawang guwardiya ang naghatid sa akin sa tarangkahan ng kulungan, at tinanong ako ng isa sa mga guwardiya, “Mananampalataya ka pa rin ba sa Diyos pagkatapos mong umalis? Kung gagawin mo iyan, babalik ka lang uli rito!” Matatag kong sinabi, “Ang pananampalataya sa Diyos ay kalayaan ko!” Gulat na tumingin sa akin ang dalawang guwardiya at pagkatapos ay umiling na lang. Mahigit sampung araw lang pagkatapos kong mapalaya, kinontak ako ng aking mga kapatid, at muli akong sumali sa hanay ng mga nagpapakalat ng ebanghelyo ng kaharian.

Kalaunan, naisip ko, “Bakit ako nakararamdam ng pagkamiserable at pagkabalisa kapag nasasangkot sa mga bagay-bagay ang aking kinabukasan at tadhana, hanggang sa punto na nakikipagtalo ako sa Diyos, at hindi na magawang tunay na makapagpasakop sa Kanyang mga pamamatnugot at pagsasaayos? Ano ba talaga ang kumokontrol sa akin?” Sa aking mga debosyonal, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Bago danasin ng mga tao ang gawain ng Diyos at maunawaan ang katotohanan, ang kalikasan ni Satanas ang namamahala at nagdodomina sa kanilang kalooban. Ano ba ang partikular na nakapaloob sa kalikasang iyon? Halimbawa, bakit ka makasarili? Bakit mo pinoprotektahan ang sarili mong katayuan? Bakit ka mayroong gayong katitinding damdamin? Bakit gusto mo ang mga di-matuwid na bagay na iyon at ang masasamang bagay na iyon? Ano ang batayan ng pagkagusto mo sa ganoong mga bagay? Saan nagmumula ang mga bagay na ito? Bakit mo gusto at tinatanggap ang mga ito? Sa ngayon, naunawaan na ninyong lahat na: Ang pangunahing dahilan ay dahil nasa kalooban ng tao ang mga lason ni Satanas. Kaya, ano ang mga lason ni Satanas? Paano maipapahayag ang mga ito? Halimbawa, kung magtatanong ka ng, ‘Paano dapat mamuhay ang mga tao? Para saan ba dapat nabubuhay ang mga tao?’ sasagot ang lahat ng tao: ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba.’ Ipinahahayag ng nag-iisang parirala lang na ito ang pinakaugat ng problema. Ang pilosopiya at lohika ni Satanas ay naging buhay na ng mga tao. Anuman ang hinahangad ng mga tao, ang totoo ay ginagawa nila ito para sa kanilang sarili—kaya’t nabubuhay silang lahat para sa kanilang sarili. ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba’—ito ang pilosopiya sa buhay ng tao, at kinakatawan din nito ang kalikasan ng tao. Naging kalikasan na ng tiwaling sangkatauhan ang mga salitang ito at ang mga ito ang tunay na larawan ng satanikong kalikasan ng tiwaling sangkatauhan. Ang satanikong kalikasang ito ang ganap na naging pundasyon para sa pag-iral ng tiwaling sangkatauhan. Sa loob ng ilang libong taon, namuhay ang tiwaling sangkatauhan ayon sa lason na ito ni Satanas, hanggang sa kasalukuyang panahon(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Tahakin ang Landas ni Pedro). Pagkatapos basahin ang siping ito ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang palagi kong pag-aalala tungkol sa aking kinabukasan at tadhana sa aking pananalig at mga tungkulin ay hindi isang simpleng pagbubunyag ng tiwaling disposisyon, kundi pangunahing dahil mayroon akong satanikong kalikasan sa loob ko. Namuhay ako ayon sa mga satanikong pilosopiya na “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba” at “Huwag kumilos kung walang gantimpala,” at sa lahat ng ginawa ko, sinunod ko ang mga prinsipyo ng pansariling interes. Talagang makasarili at kasuklam-suklam ako. Isinuko ko ang lahat para gawin ang aking mga tungkulin, pero sa totoo lang, naghahanap ako ng pansariling pakinabang, at sinusubukang makipagpalitan para makamit ang pagpapala ng pagpasok sa kaharian ng langit. Naaalala ko noong unang ipangaral sa akin ng isang tao ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus. Narinig ko na ang pananampalataya sa Panginoon ay magdadala ng biyaya at mga pagpapala, at na ang kaluluwa ko ay maliligtas at mapupunta sa langit pagkamatay. Kaya, nanampalataya ako sa Panginoon. Pagkatapos tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, nalaman ko na lubusang lilinisin at ililigtas ng Diyos ang mga tao at dadalhin sila sa susunod na kapanahunan, kaya hindi masukat ang pagkasabik ko. Upang makatanggap ng mga pagpapala sa hinaharap, buong-tapang kong tinalikuran ang aking pamilya at karera, at piniling gawin ang aking mga tungkulin nang full-time. Pagkatapos manampalataya sa Makapangyarihang Diyos nang mahigit isang taon, inaresto ako dahil sa pangangaral ng ebanghelyo. Pagkatapos mapalaya sa piyansa, hinigpitan ng mga pulis ang aking kilos at pinagbawalan akong umalis sa lokal na lugar, hinihiling na maging available ako anumang oras, kung hindi ay ikukulong ako. Gayumpaman, pinili ko pa ring gawin ang aking mga tungkulin sa ibang lugar, dahil akala ko, sa paggawa nito, maaalala ako ng Diyos at matatanggap ko ang Kanyang mga pagpapala. Ngunit nang muli akong maaresto, binigyan ng tatlo at kalahating taong sentensiya, at naharap sa pagiging baldado o pagkamatay sa kulungan, naramdaman kong nawasak ang aking mga pag-asa na makatanggap ng mga pagpapala, kaya napuno ako ng pasakit at kapanglawan, at pinagsisihan ko pa nga na pumunta ako sa ibang lugar para gawin ang aking mga tungkulin. Naisip ko na pagkatapos kong magbayad ng gayong halaga, hindi dapat hayaan ng Diyos na mamatay ako, at na dapat Niya akong bigyan ng magandang hantungan. Napagtanto ko na ang pamumuhay ayon sa mga satanikong lason na ito ay nagtulak sa akin na maging labis na makasarili, ang tanging iniisip ay sariling kapakinabangan. Wala akong takot o pagpapasakop sa Diyos. Bilang isang nilikha, hindi ko matatalikurang responsabilidad ang manampalataya sa Diyos at gampanan ang aking mga tungkulin, pero lahat ng iniisip at ninanais ko ay para sa sarili ko lang. Gusto kong gamitin ang aking mga tungkulin bilang pagkakataon para subukang makipagtawaran sa Diyos at maisakatuparan ang pangarap kong mapagpala. Napakamakasarili at napakakasuklam-suklam ko talaga! Naisip ko kung paano nagkatawang tao ang Diyos nang dalawang beses para iligtas ang sangkatauhan, nakaranas ng pagtatakwil at paninirang-puri mula sa mundo, at tiniis ang maling pagkaunawa, mga reklamo, at maging ang pagsasamantala mula sa mga nananampalataya sa Diyos. Pero kailanman ay hindi humingi ang Diyos ng anuman sa mga tao, lalong hindi Niya hiniling sa sinuman na suklian Siya. Ipinapahayag lamang Niya ang katotohanan para diligan at tustusan ang mga tao, at tahimik na naghihintay sa kanilang pagbabalik. Tunay na walang pag-iimbot ang pag-ibig ng Diyos! Naisip ko kung gaano karaming salita ng Diyos ang aking kinain at ininom, at kung gaano karami ang natanggap ko mula sa Diyos, pero hindi ko kailanman naisip na suklian ang pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ng paggawa nang maayos sa aking mga tungkulin. Tumuon lang ako sa pagpilit sa Diyos na bigyan ako ng magandang hantungan, at nang hindi ko ito natanggap, naging negatibo ako at nagdusa, at pinagsisihan ko pa nga ang halagang ibinayad ko. Nakaramdam ako ng matinding paninisi sa sarili at pagkakonsensiya, at kinamuhian ko ang aking sarili sa sobrang kawalan ng konsensiya at pagkatao!

Sa ilalim ng patnubay ng Diyos, naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Isa kang nilikha—mangyari pa ay dapat mong sambahin ang Diyos at hangaring mamuhay nang makahulugan. Kung hindi mo sasambahin ang Diyos kundi mamumuhay ka sa loob ng iyong maruming laman, hindi ba isang hayop ka lamang na nakasuot ng damit ng tao? Dahil isa kang tao, dapat mong gugulin ang sarili mo para sa Diyos at tiisin ang lahat ng pagdurusa! Dapat mong tanggapin nang masaya at may katiyakan ang kaunting pagdurusang pinagdaraanan mo ngayon at mamuhay ka nang makahulugan, kagaya nina Job at Pedro. … Kayo ay mga taong naghahangad sa tamang landas at naghahanap ng pag-unlad. Kayo ay tumitindig sa bansa ng malaking pulang dragon, at kayo ang mga tinatawag na matuwid ng Diyos. Hindi ba iyon ang pinakamakahulugang buhay?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa (2)). Ang mga salita ng Diyos ay nagbigay sa akin ng direksyon para sumulong. Naunawaan ko na bilang isang nilikha, dapat kong hangarin ang katotohanan, sambahin ang Diyos, tuparin ang tungkulin ng isang nilikha, at mamuhay ng isang makabuluhang buhay. Ito ang tamang landas sa buhay! Nagpasya ako na hindi na ako susubok na makipagtransaksyon sa Diyos, at na maninindigan ako sa posisyon ng isang nilikha, gagampanan nang maayos ang aking tungkulin at hahangaring mahalin at mabigyang-kasiyahan ang Diyos.

Siyam na taon na akong nakalabas ng kulungan ngayon, at sa tuwing naaalala ko ang karanasang ito sa kulungan, nakararamdam ako ng matinding halo-halong emosyon. Kung hindi ko naranasan ang sitwasyong ito, hindi ko sana napagtanto kung gaano pa kahilaw ang tayog ko, o kung gaano kaliit ang pananalig ko sa Diyos, lalong hindi ko sana naunawaan ang aking makasarili at kasuklam-suklam na tiwaling disposisyon, at ang aking mga maling paghahangad. Kasabay nito, naunawaan ko rin na ginagamit ng Diyos ang malaking pulang dragon para magserbisyo, ginagawa ito para ibunyag ako at linisin ang aking satanikong disposisyon, sa gayon ay binabago ang aking walang-katotohanang mga pananaw sa paghahangad ng mga pagpapala sa aking pananalig, at nagiging dahilan para bitawan ko ang marami kong alalahanin tungkol sa aking kinabukasan at tadhana. Ito ang mga bagay na hindi ko sana makakamit sa isang komportableng kapaligiran. Ngayon, ang mga pag-aresto ng CCP sa mga mananampalataya ay lalong lumulubha, at madalas kong naririnig ang tungkol sa mga kapatid na inaaresto at sinisentensiyahan, at maging ang ilan na binubugbog hanggang mamatay. Kung minsan ay naiisip ko kung paanong tumatanda na ako at kung paanong hindi na kasinlakas ng dati ang aking kalusugan. Dalawang beses na akong naaresto, at kung muli akong maaaresto, tiyak na makatatanggap ako ng mabigat na sentensiya. Malamang na mamatay ako sa kulungan at hindi ko na makikita ang araw na maisasakatuparan ang kaharian. Ngunit kapag naiisip ko ang gabay at mga gawa ng Diyos na naranasan ko, mas nagiging mapayapa at panatag ang puso ko. Naiisip ko ang isang himno ng iglesia na madalas kong inaawit na labis na nagpapalakas ng loob ko, “Sumusunod kay Cristo, Hindi Ako Kailanman Tatalikod, Kahit Hanggang Kamatayan”: “Ang Anak ng tao sa mga huling araw ay nagpapahayag ng katotohanan, ginigising ang di-mabilang na puso. Nakikita kong ang mga salita ng Diyos ay pawang katotohanan, kaya sumusunod ako sa Kanya. Si Satanas, ang malaking pulang dragon, ay hibang na inaapi at inaaresto ang hinirang na mga tao ng Diyos. Iyong mga sumusunod kay Cristo at gumagawa ng mga tungkulin nila ay ibinubuwis ang kanilang buhay. Balang araw, maaari akong maaresto at mausig dahil sa pagpapatotoo sa Diyos. Sa puso ko, malinaw kong nauunawaan na isa itong pang-uusig na alang-alang sa pagiging matuwid. Balang araw, baka maaresto at makulong ako dahil sa pangangaral ng ebanghelyo. Ito ang pagdurusang inorden ng Diyos para sa mga sumusunod sa Kanya. Hindi ko alam kung gaano katagal ko pa matatahak ang landas na ito ng pangangaral ng ebanghelyo, pero hangga’t nabubuhay ako, ipapakalat ko ang mga salita ng Diyos at magpapatotoo ako kay Cristo. Ginugugol ko ang aking sarili para lang hangarin ang katotohanan at tuparin ang atas ng Diyos. Sa buhay na ito, ikinararangal ng puso ko ang sumunod at magpatotoo kay Cristo. Kahit hindi ko makita ang araw na maisasakatuparan ang kaharian, sapat nang makapagpatotoo at mapahiya si Satanas sa araw na ito. Kasama ko ang Diyos sa pag-uusig at kapighatian; Siya ang aking sandigan. Marahil ang buhay ko ay maglalahong parang isang panandaliang paputok, ngunit ang mamatay bilang martir para sa Diyos ay isang matunog na patotoo. Naihandog ko ang aking munting lakas sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian. Wala akong mga reklamo at mga pagsisisi. Dahil nakapagpatotoo ako sa Diyos, hindi naging walang saysay ang buhay ko. Ito ang pag-orden ng Diyos, at nag-aalay ako sa Kanya ng papuri at pasasalamat” (Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Alam kong ang daan pasulong ay puno ng maraming paghihirap at balakid, ngunit anuman ang mga pagsubok at kapighatiang mararanasan ko, o kung magkakaroon man ako ng magandang kinabukasan o hantungan, magpapasakop ako sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, tutuparin ang aking tungkulin, at hahangaring isabuhay ang mga liriko ng kantang ito sa aking pang-araw-araw na buhay.

Sinundan: 2. Mga Aral na Natutunan Mula sa Isang Masakit na Kabiguan

Sumunod: 4. Mga Pagninilay Pagkatapos Maibukod

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito