38. Ang Mga Problemang Nakaharap sa Pagdidilig sa Mga Baguhan

Ni Qiuyue, Tsina

Dinidiligan ko ang mga baguhan sa iglesia. Isang gabi noong Setyembre 2008, gaya ng dati, hinihintay kong dumating sa bahay ang isang mag-asawa, sina Yu Hui at Xin Ming, para sa isang pagtitipon. Katatanggap lang nila sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Halos isang oras na ang lumipas at hindi pa sila dumarating, at nagsisimula na akong mag-alala at hindi mapanatag, iniisip na, “Magmula nang tanggapin ng batang mag-asawang ito ang bagong gawain ng Diyos, napakaaktibo nila palagi sa bawat pagtitipon. Palagi silang dumarating sa oras at bihirang mahuling dumating. Ano ba ang nangyayari ngayong gabi? Magdidis-oras na ng gabi, at wala pa ring bakas nila. Hindi, hindi na ako makapaghihintay! Kailangan ko nang umalis at alamin kung ano ang nangyayari.” Nagmadali akong pumasok sa kuwarto ko, inilagay ko sa bag ko ang libro ng mga salita ng Diyos, isinukbit ko sa balikat ko, at lumabas na ako. Noong mismong sandaling iyon, dumating sila, halatang balisa at nababagabag. Inilabas nila sa kanilang mga bag ang mga libro nila ng mga salita ng Diyos at ipinatong ang mga iyon sa mesa. Pagkatapos, naupo sila sa sofa nang nakatungo, na walang sinasabi, paminsan-minsan, dumurungaw sila sa bintana, na parang gusto nilang umalis. Nagulat ako at naisip ko, “Siguradong may pinagdaraanan sila!” Tahimik akong nagdasal sa Diyos, hinihingi sa Kanyang gabayan ako sa pakikipagbahaginan at paglutas sa mga problema nila. Habang nagsasalin ako ng tsaa, nagtanong ako, “Xin Ming, Yu Hui, kumusta kayo sa bahay? O may mga kuru-kuro ba kayo sa gawain ng Diyos? Anumang mga problema ang nakakaharap natin, basta’t lumalapit tayo sa Diyos at naghahanap ng katotohanan, malulutas ang anumang problema. Buksan natin ang mga puso natin at mag-usap tayo.”

Pagkalipas ng ilang sandali, tumingala si Xin Ming at atubiling sinabi, “Sister, hindi ko talaga maunawaan: Ang Makapangyarihang Diyos ba na sinasampalatayahan natin ay tao o Diyos?” Pagkatapos ay sinabi ni Yu Hui, “Sister, sa totoo lang, noong makalawa, binabasa namin ni Xin Ming sa bahay ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nang dumating si Elder Zhang mula sa simbahan namin. Sinabi niya sa amin na tingnan ang ulat sa website na nasa telepono niya. Ang ulat ay tungkol sa sinasabi ng CCP at ng mga lider ng relihiyon na ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nananampalataya sa isang ordinaryong tao. Marami ring iba pang sinasabi ang ulat. Pagkatapos itong basahin, nagulat ako at talagang nabagabag. Hindi ako makakain o makatulog, at hindi ako nakatulog kahit saglit sa loob ng dalawang gabi. Hindi maalis-alis sa isip ko ang mga salitang ‘isang ordinaryong tao’, at nag-aalala ako na mali kung talagang nananampalataya kami sa isang tao. Kung ganoon, hindi ba’t nasayang lang namin ang mahigit sa sampung taon ng pananampalataya sa Panginoong Jesus? Paano kami makapapasok sa kaharian ng langit kung ganoon? Pero naisip ko, noong mga panahong nananampalataya ako kay Jesus, madalas kong naririnig ang mga pastor at elder na ipinaliliwanag ang Bibliya, pero tuyo at madilim ang pakiramdam ko sa espiritu ko. Wala pa nga akong gana na pumunta sa mga pagtitipon. Pero magmula noong tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, naramdaman ko na ang pagbabasa sa mga salita ng Diyos ay binuhay ang puso ko at talagang nakatulong sa ating mga buhay. Nagkaroon ng kapayapaan at kagalakan sa puso namin ni Xin Ming nitong mga nakaraang araw. Pero ngayon, pagkatapos ng sinabi ni Elder Zhang, hindi ko alam kung ano ang gagawin. Sister, sabihin mo sa akin, sino ba mismo ang Makapangyarihang Diyos na sinasampalatayahan natin? Siya ba si Cristo, o isang ordinaryong tao?”

Agad kong ibinahagi, “Xin Ming, Yu Hui, maaaring natatakot tayo na isang tao ang Makapangyarihang Diyos na sinasampalatayahan natin, pero isipin natin ito sandali: Hindi ba’t isang ordinaryong tao rin sa anyo ang Panginoong Jesus? Bakit nagawa nating sumampalataya sa Panginoong Jesus nang mahigit sa sampung taon? Bakit nanampalataya sina Pedro, Juan, at ang Samaritana na ang ordinaryong taong ito, ang Panginoong Jesus, ay si Cristo? Naisip ba ninyo ang mga katanungang ito?”

Napakurap nang sandali si Xin Ming at nagsabing, “Bakit tayo nananampalataya? Hindi ko pa talaga napag-isipan ang mga tanong na iyon. Basta naisip ko na si Jesus ay ang Panginoon, ang Cristo, at na dapat tayong manampalataya.”

Sinabi ko, “Bagama’t nanampalataya tayo sa Panginoong Jesucristo, hindi natin naunawaan ang diwa ni Cristo. Kaya ngayon, bagama’t sumusunod tayo sa Makapangyarihang Diyos, hindi natin alam kung paano kumilatis kapag may nagsabing nananampalataya tayo sa isang ordinaryong tao. Sa totoo lang, noong una kong tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, may kapareho akong mga kaisipan, at nalilito rin ako sa isyung ito. Kalaunan, nagbasa ng ilang sipi mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang isang sister at ibinahagi ang katotohanan sa paksang ito. Noon ko lang naunawaan na ang Makapangyarihang Diyos na sinasampalatayahan natin ay ang Cristo ng mga huling araw.” Habang nagsasalita ako, binuksan ko kaagad ang libro ng mga salita ng Diyos at nagsabing, “Magbasa tayo ng dalawang sipi mula sa mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: ‘Tinatawag na Cristo ang Diyos na nagkatawang-tao, at si Cristo ay ang katawang-taong isinuot ng Espiritu ng Diyos. Hindi katulad ng sinumang tao sa laman ang katawang-taong ito. Ang kaibhang ito ay dahil si Cristo ang pagkakatawang-tao ng Espiritu, sa halip na pagiging makalaman. Siya ay kapwa may normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Hindi taglay ng sinumang tao ang pagka-Diyos Niya. Ang normal na pagkatao Niya ang nagpapanatili sa lahat ng normal na gawain Niya sa katawang-tao, habang isinasakatuparan ng pagka-Diyos Niya ang gawain ng Diyos Mismo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay Pagpapasakop sa Kalooban ng Ama sa Langit). ‘Ang “pagkakatawang-tao” ay ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao; gumagawa ang Diyos sa gitna ng nilikhang sangkatauhan sa larawan ng katawang-tao. Kaya, dahil Siya ang pagkakatawang-tao ng Diyos, kailangan muna Siyang maging katawang-tao, katawang-taong may normal na pagkatao; ito ang pinakapangunahing kinakailangan. Sa katunayan, ang pahiwatig ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na ang Diyos ay buhay at gumagawa sa katawang-tao, na ang Diyos sa Kanyang pinakadiwa ay nagkakatawang-tao, nagiging isang tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos). Ibinubunyag ng mga salita ng Diyos ang mga katotohanan at misteryo na hindi naunawaan ng sangkatauhan sa loob ng libo-libong taon. Ano ang pagkakatawang-tao? Ano ang Cristo? Si Cristo ang Diyos na nagkatawang-tao, at ang Espiritu ng Diyos na pumaparito sa lupa para maging isang tao na may laman at dugo, nagpapakita at gumagawa sa katawang-tao. Sa panlabas, mukhang isang lubos na normal at ordinaryong tao ang nagkatawang-taong Diyos, pero taglay Niya ang Espiritu ng Diyos na nananahan sa loob Niya at ang diwa ng pagka-Diyos. Gaya lang noong nagkatawang-tao ang Panginoong Jesus para gawin ang gawain Niya, nagpakita rin Siya bilang isang ordinaryong tao at dumaan sa normal na proseso ng paglaki ng isang tao. May mga magulang, at mga kapatid Siya, at noong panahong iyon, tinawag Siya ng mga tao na Jesus ng Nazaret, ang anak ng karpinterong si Jose. Ito ang mga pagpapamalas ng normal na pagkatao ng Panginoong Jesus. Sa panlabas, isang ordinaryong Hudyo lang ang Panginoong Jesus, pero may diwa Siya ng pagka-Diyos. Kaya Niyang ipahayag ang katotohanan at ipagkaloob sa tao ang daan ng pagsisisi. Kaya Niyang gampanan ang gawain ng pagtutubos, ng pagpapatawad sa mga kasalanan ng mga tao, at ipahayag ang mapagmahal at maawaing disposisyon ng Diyos. Kaya Niyang gumawa ng mga tanda at kababalaghan gaya ng pagpapagaling sa maysakit, pagtataboy sa mga demonyo, at muling pagbuhay sa patay, at pagpapakain sa limang libong tao sa pamamagitan ng limang tinapay at dalawang isda. Ang mga salita at gawain ng Panginoong Jesus, ang mga disposisyong ipinahayag Niya, at ang awtoridad na ipinakita Niya ay mga bagay na walang sinuman ang makakaabot o magtataglay. Ang mga ito ay mga pagbubunyag ng pagka-Diyos na diwa ng Panginoong Jesus. Samakatwid, ang Panginoong Jesus ay ang Cristo, na kilala rin bilang ang Anak ng tao. Ang Panginoong Jesus ay ang nagkatawang-taong Diyos, at ito ay isang katunayan na laganap na tinatanggap ng relihiyosong mundo. Kung ang isang entidad ay may pagka-Diyos lang na walang normal na pagkatao, kung ganoon, ang entidad na ito ay ang hindi nakikita at hindi nahahawakang Banal na Espiritu at hindi matatawag na Cristo. Pero kung ang isang tao ay may pagkatao lang na walang pagka-Diyos, kung gayon ang taong ito ay hindi ang Diyos na nagkatawang-tao. Gaya lang nating mga ordinaryong tao, lahat tayo ay sa laman, at ginawa tayong tiwaling lahat ni Satanas. Pagkatao lang ang taglay natin. Kahit sina Daniel, Isaias, at iba pang sinaunang santo at propeta ay pagkatao lang ang taglay. Mga miyembro lang sila ng tiwaling sangkatauhan at hindi nagtataglay ng pagka-Diyos ni Cristo. Samakatwid, natatangi ang pagka-Diyos na diwa ni Cristo at isang bagay na walang sinuman ang nagtataglay.”

Kumurap si Yu Hui na wari’y may malalim na iniisip. Pagkatapos mag-isip-isip nang ilang sandali, sinabi niya, “Kung hindi ibinunyag ng Makapangyarihang Diyos ang mga misteryong ito, walang sinuman sa atin ang makakaunawa nito. Maging ang mga pastor at elder ng relihiyosong mundo ay hindi ito nauunawaan. Madalas nilang ipinangangaral na si Cristo ay ang Hari, ang Hinirang ng Diyos. Si David ay ang hari ng Israel at hinirang din, pero bakit hindi siya puwedeng tawaging Cristo? Hindi ito maipaliwanag nang malinaw ng mga pastor at elder. Nauunawaan ko na ngayon. Pagkatao lang ang taglay ni David at hindi siya nagtataglay ng diwa ng pagka-Diyos, kaya hindi siya matatawag na Cristo. Pero kapwa may normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos ang Panginoong Jesus, kaya matatawag Siyang Cristo. Gaya ng madalas nating inaawit, ‘Cristo, Cristo, Jesuscristo, ang pinakapundasyon ng iglesia...’” Habang kumakanta, banayad na tinatapik-tapik ni Yu Hui ang kamay sa ritmo.

Nang nakita ko sila na pareho nang nagsasalita at nagbabahagi, dahan-dahan nang humupa ang kaba ko. Ngumiti ako at sinabing, “Tama iyan. Kapag naunawaan natin kung ano si Cristo, malinaw rin sa atin kung bakit tinatawag na Cristo at Anak ng tao ang Panginoong Jesus. Ngayon, naaalala ba ninyo na ilang bahagi sa Bibliya ang nagpopropesiya sa pagbabalik ng Panginoon bilang ang ‘ pagparito ng Anak ng tao’?”

Sumagot sila, “Oo, naaalala namin!” Dire-diretsong binigkas ni Xin Ming, “Sinasabi sa Lucas 17:24: ‘Sapagkat gaya ng kidlat, na kumikislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan.’”

Pagkatapos, ibinahagi ko, “Kapag binabanggit natin ang ‘Anak ng tao,’ ibig sabihin, pumarito sa lupa ang Espiritu ng Diyos at naging tao, ipinanganak ng isang normal na tao, na may mga magulang at pamilya. Sa panlabas, isa lang Siyang ordinaryong tao. Sa mga huling araw, nagkatawang-tao muli ang Diyos bilang ang Anak ng tao, na siyang Makapangyarihang Diyos. Sa panlabas, isang ordinaryong Anak ng tao lang ang Makapangyarihang Diyos, pero Siya ang kumakatawan sa Espiritu ng Diyos. Siya ay Diyos Mismo. Ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanan para dalisayin at iligtas ang sangkatauhan, at ginawa Niya ang gawain ng paghatol at pagkastigo sa mga huling araw para ganap na lutasin ang makasalanang kalikasan ng mga tao, para iligtas sila sa katiwalian at pinsala ni Satanas, at sa huli, para dalhin sila sa kaharian ng Diyos. Nalutas ng katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos at ng gawaing nagawa Niya ang lahat ng kalituhan at paghihirap na dinanas ng mga mananampalataya ng Panginoon sa Kapanahunan ng Biyaya, at ang mga katotohanang ito ay mga bagay na walang ibang makakapagpahayag. Hindi nakabatay sa pagkilala ng tao kung Siya ba ang Diyos na nagkatawang-tao, lalong hindi ito nakabase sa mga walang batayang tsismis at maling kaisipan mula sa CCP o mga relihiyosong lider. Sa halip, natutukoy ito ng gawaing ginagawa ng Diyos at ng diwa Niya. Sa pagsisiyasat sa tunay na daan, para mahusgahan kung Siya ba ay ang Diyos na nagkatawang-tao, hindi puwedeng tingnan lang natin ang ang panlabas na anyo Niya at balewalain ang diwa Niya. Basahin natin ang isang sipi ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: ‘Hindi mahirap magsiyasat tungkol sa gayong bagay, ngunit kinakailangan nito na malaman muna ng bawat isa sa atin ang katotohanang ito: Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng diwa ng Diyos, at Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng pagpapahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, dadalhin Niya ang gawaing layon Niyang gawin, at dahil ang Diyos ay naging tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at magagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban ito ng buhay, at ituro ang daan para rito. Ang katawang-tao na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Kung layon ng tao na magsiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan niyang patunayan ito mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, para patunayan kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan makilala ang kaibhan batay sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang susi ay nasa Kanyang diwa (Kanyang gawain, Kanyang mga pagbigkas, Kanyang disposisyon, at maraming iba pang aspekto), sa halip na sa panlabas na anyo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Napakalinaw ng mga salita ng Diyos. Para matukoy natin kung Siya ba ang Diyos na nagkatawang-tao, ang mga pangunahing bagay na puwede nating gamitin para makilatis ito ay ang mga salita Niya, ang gawain Niya, at ang disposisyong ipinapahayag Niya. Ito lang ang mga paraan para makilala natin si Cristo. Mukhang ordinaryo at normal si Cristo, pero makikilala natin Siya kung Siya ba ay Diyos o hindi sa pamamagitan ng gawain at mga salita Niya. Gaya ng Panginoong Jesus. Mukha Siyang isang ordinaryong tao, pero nagawa Niyang tapusin ang Kapanahunan ng Kautusan, simulan ang Kapanahunan ng Biyaya, at maipako sa krus para tubusin ang sangkatauhan. Nagsalita ang Panginoong Jesus nang may awtoridad at kapangyarihan. Sa isang salita, binuhay Niya si Lazaro mula sa kamatayan, at pinakain Niya ang 5,000 katao sa pamamagitan ng limang tinapay at dalawang isda. Ang mga salita at gawain ng Panginoong Jesus, pati na rin ang awtoridad na ipinakita Niya, ay sapat na para patunayan ang pagkakakilanlan at katayuan Niya. Hindi Siya ordinaryong tao, kundi si Cristo! Pero ang mga punong pari, eskriba, at Pariseo noong panahong iyon ay hindi naghangad na siyasatin ang gawain ng Panginoong Jesus, pero batay sa nakita nila, hinusgahan nila ang Panginoong Jesus bilang isang tao lang, sinasabing, Hindi ba’t ito ang anak ng karpintero?’ Hindi ba’t si Jesus lang ito na mula sa Nazaret?’ Hindi ba’t kilala natin ang mga magulang Niya?’ Sinamantala nila ang bawat pagkakataong mayroon sila para kondenahin ang Panginoong Jesus. Hindi tumuon ang mga mananampalataya sa pagkilatis, at gaya ng mga tambo na sumasayaw sa hangin, sinunod nila ang mga Pariseo sa pagkondena sa Panginoong Jesus. Sa huli, nakipagtulungan ang mga Pariseo sa gobyernong Romano para maipako Siya sa krus. Noong AD 70, nagdusa sila sa sumpa at kaparusahan ng Diyos. Nawasak ang Israel, at tumakas ang mga Israelita papunta sa mga banyagang lupain sa loob ng dalawang libong taon. Ito ang kalunos-lunos na kinalabasan ng paglaban at pagkondena kay Jesucristo. Bagama’t puno ng mapagmahal na kabaitan at awa ang Panginoong Jesus, nagtataglay rin ng katuwiran at pagiging maharlika ang Diyos, at hindi nalalabag ang disposisyon Niya. Ang Panginoong Jesus ay ang Diyos na nagkatawang-tao, at ang gawain at mga salita Niya ay mga pagpapahayag ng Banal na Espiritu. Hindi tinanggap ng mga Pariseo ang katotohanang ipinahayag ni Jesucristo, at walang habas pa nga silang nag-imbento ng mga tsismis tungkol sa Panginoong Jesus, hinusgahan at kinondena Siya. Ibig sabihin nito ay tinatanggihan nila ang katotohanan at tinatanggihan si Cristo, at paglapastangan ito laban sa Banal na Espiritu. Ang kasalanan na paglapastangan sa Banal na Espiritu ay hindi patatawarin sa buhay na ito o sa mundong darating! Sinabi ng Panginoong Jesus: ‘Ang bawat kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao; datapuwat ang kapusungang laban sa Banal na Espiritu ay hindi ipatatawad(Mateo 12:31).”

Pagkatapos makinig, galit na sinabi ni Xin Ming, “Labis na kamuhi-muhi ang mga Pariseong iyon! Ni hindi nila nakilala ang Panginoong Jesucristo, pero Siya ay kinondena nila at nag-imbento ng mga tsismis tungkol sa Kanya. Walang saysay ang maraming taon ng pagbabasa nila sa Lumang Tipan!” Tumingin si Yu Hui kay Xin Ming at sinabing, “Hindi mo puwede na sabihing ganoon. Kung ipinanganak tayo noon, baka nakondena natin ang Panginoong Jesus gaya nila. Hindi natin masasabi!”

Nagpatuloy ako, “Tama iyan. Dapat magsilbing mga babala sa mga susunod na henerasyon ang mga pagkakamaling ito ng nakaraan! Sa mga huling araw, nagkatawang-tao muli ang Panginoong Jesus bilang ang Anak ng tao para magsalita at gumawa sa lupa. Ang Anak ng tao na ito ay ang Makapangyarihang Diyos. Sa pagharap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos, hindi ba’t dapat tayong maging maingat at mapanuri, maghanap at magsiyasat nang may pusong may-takot-sa-Diyos, at hindi humusga batay lang sa mga anyo? Magbasa tayo ng ilang kasulatan. Sinasabi sa Juan 16:12–13: ‘Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon man ay kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan.’ Sinasabi sa Pahayag 2:7: ‘Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.’ Gayundin, ‘Siya na nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:48). Mula sa mga kasulatang ito, makikita natin na nagpropesiya ang Panginoong Jesus na magsasalita Siya ng maraming bagay kapag bumalik Siya, at na ipapahayag Niya ang katotohanan at isasakatuparan ang gawain ng paghatol. Kaya, sabihin ninyo sa akin, natupad na ba ang mga propesiyang ito?” “Natupad na,” sabay silang sumagot.

Kinuha ko ang kopya ko ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao at sinabing, “Ang librong ito, Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, ay ang balumbong binuksan ng Kordero. Ito ang salitang binigkas ng Banal na Espiritu sa mga iglesia. Ang mga katotohanang ito ay ang mga salita ng Diyos na nagtutustos sa buhay ng tao, at ang mga ito ay walang hanggang daan ng katotohanan. Sa pamamagitan ng pagbabasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nakikita natin na hindi lamang ibinubunyag ng Makapangyarihang Diyos ang misteryo ng anim na libong taon ng plano ng pamamahala ng pagliligtas ng Diyos, kundi ibinubunyag din ang misteryo ng pagkakatawang-tao, ang kaugnayan sa pagitan ng Bibliya at ng Diyos, at ang mga kalalabasan at hantungan ng lahat ng uri ng tao. Hinahatulan at inilalantad din ng Diyos ang makasalanang kalikasan ng paglaban ng sangkatauhan sa Diyos, at ang katotohanan tungkol sa paggawang tiwali ni Satanas sa sangkatauhan at ang iba’t iba nilang tiwaling disposisyon. Ipinapakita rin Niya sa tao ang landas para makalaya sa kasalanan, at kasabay nito, ibinubunyag ng Diyos sa sangkatauhan ang Kanyang matuwid, maharlika, at puspos ng poot na disposisyon na hindi nalalabag. Ang mga salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos ay ganap na tumutupad sa mga propesiya ng Bibliya. Pag-isipan natin ito: Kung isang ordinaryong tao lang ang Makapangyarihang Diyos, paano Niya mabubunyag ang pinakaloob na katotoohanan ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya? Paano Niya maihahayag ang misteryo ng gawain ng pamamahala ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan? Paano Niya maipapahayag ang matuwid na disposisyon ng Diyos at ang Kanyang pagkamakapangyarihan-sa-lahat at karunungan? Kung isang ordinaryong tao lang ang Makapangyarihang Diyos, paano Niya masisimulan ang Kapanahunan ng Kaharian at tatapusin ang Kapanahunan ng Biyaya, na dinadala sa isang bagong kapanahunan ang mga pinatawad sa kanilang mga pagkakasala at sumunod sa Panginoong Jesus, at sinisimulan ang gawain ng paghatol simula sa sambahayan ng Diyos? Sinong dakilang tao o sikat na personalidad ang makakapagsalita ng gayong mga salita at makagagawa ng gayong mga gawain? Sinong pastor o elder ang makapagsasabi ng gayong mga salita? Siguradong wala sa kanila! Ngayon, pag-isipan natin: Bukod sa Diyos, sino ang makatatapos sa anim na libong taon ng plano ng pamamahala ng Diyos? Sino pa ang makapagpapahayag ng katotohanan para hatulan ang mga tao, linisin sila, at iligtas sila sa kasalanan? Sino pa ang makatutukoy sa kalalabasan ng lahat ng uri ng tao? Walang sinuman. Tanging ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos ang makagagawa ng gawaing ito at may gayong awtoridad! Dahil tanging ang Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, ang makagagawa ng gawaing ito, kung ganoon, tao ba o Diyos ang Makapangyarihang Diyos?”

Sabay na sumagot sina Yu Hui at Xin Ming, “Diyos Siya!” Kumalma ang tensiyonadong ekspresyon ni Yu Hui, at sumilay ang ngiti sa mukha niya. Sabik na sabik niyang sinabi, “Labis na kahanga-hanga! Naparito ang Makapangyarihang Diyos para isakatuparan ang gawain ng paghatol simula sa sambahayan ng Diyos at nagpahayag ng napakaraming salita. Pawang gawain ito ng Diyos. Kung ordinaryong tao lang Siya, paano Niya ito makakamit?”

Talagang sabik na sabik ako at sinabi nang nakangiti, “Talagang mainam na kaya ninyong maarok ito nang ganito! Magbasa tayo ng isang sipi mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at magiging mas malinaw pa ang puso natin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: ‘Sa pagkakataong ito, pumaparito ang Diyos upang gumawa ng gawain hindi sa espirituwal na katawan, kundi sa isang napaka-ordinaryong katawan. Bukod dito, ito ang katawan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, at ito rin ang katawan kung saan bumabalik ang Diyos sa katawang-tao. Isa itong napaka-ordinaryong katawang-tao. Kung titingnan Siya, wala kang makikitang anumang nagpapabukod-tangi sa Kanya sa iba, ngunit maaari kang magkamit mula sa Kanya ng mga katotohanang hindi pa narinig dati. Itong hamak na katawang-taong ito lang ang pagsasakatawan ng lahat ng salita ng Diyos ng katotohanan, ang tagapagdala ng gawain ng Diyos sa mga huling araw, at ang pagpapahayag kung saan nauunawaan ng tao ang buong disposisyon ng Diyos. Hindi mo ba lubhang ninanais na makita ang Diyos na nasa langit? Hindi mo ba lubhang ninanais na maunawaan ang Diyos na nasa langit? Hindi mo ba lubhang ninanais na makita ang hantungan ng sangkatauhan? Sasabihin Niya sa iyo ang lahat ng lihim na ito—mga lihim na wala pang taong nakapagsabi sa iyo, at sasabihin din Niya sa iyo ang mga katotohanang hindi mo nauunawaan. Siya ang pasukan mo patungo sa kaharian, at ang gabay mo patungo sa bagong kapanahunan. Ang ordinaryong katawang-tao ito ay nagtataglay ng maraming hiwagang di-maarok ng tao. Hindi mo maarok ang Kanyang mga gawa, ngunit ang buong layon ng gawaing ginagawa Niya ay sapat upang bigyan ka ng kakayahan na makitang hindi Siya isang simpleng katawang-tao na gaya ng inaakala ng mga tao, sapagkat kinakatawan Niya ang mga layunin ng Diyos sa mga huling araw, at ang pagmamalasakit ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw. Bagama’t hindi mo naririnig ang Kanyang mga salitang tila yumayanig sa kalangitan at lupa, bagama’t hindi mo makita ang Kanyang mga matang tulad ng lumalagablab na apoy, at bagama’t hindi mo natatanggap ang pagdidisiplina ng Kanyang bakal na pamalo, gayumpaman, maririnig mo mula sa Kanyang mga salita na nagiging puno ng poot ang Diyos at mababatid na nagpapakita ang Diyos ng awa sa sangkatauhan, at makikita ang matuwid na disposisyon ng Diyos at ang karunungan Niya, at higit pa rito, mapapahalagahan ang malasakit ng Diyos sa buong sangkatauhan. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang pahintulutan ang tao na makita sa lupa ang Diyos na nasa langit na namumuhay kasama ng mga tao, at bigyang-kakayahan ang tao na kumilala, magpasakop, matakot, at magmahal sa Diyos. Ito ang dahilan kung bakit bumalik Siya sa katawang-tao sa pangalawang pagkakataon. Kahit na ang nakikita ng tao ngayon ay isang Diyos na katulad ng tao, isang Diyos na mayroong ilong at dalawang mata, at isang hindi kapansin-pansing Diyos, sa huli, ipakikita sa inyo ng Diyos na kung hindi umiral ang taong ito, sasailalim ang mga langit at ang lupa sa napakatinding pagbabago; kung hindi umiral ang taong ito, magdidilim ang kalangitan, masasadlak sa kaguluhan ang lupa, at mamumuhay ang buong sangkatauhan sa gitna ng taggutom at mga salot. Ipakikita Niya sa inyo na kung hindi pumarito ang Diyos na nagkatawang-tao upang iligtas kayo sa mga huling araw, matagal na sanang winasak ng Diyos ang buong sangkatauhan sa impiyerno; kung hindi umiral ang katawang-taong ito, magiging mga pangunahing makasalanan kayo magpakailanman, at magiging mga bangkay kayo habang panahon. Dapat ninyong malaman na kung hindi umiral ang katawang-taong ito, magiging imposible para sa sangkatauhan na matakasan ang isang malaking kalamidad, at magiging imposible para dito na makatakas sa mas matinding kaparusahang ipapataw ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw. Kung hindi isinilang ang karaniwang katawang-taong ito, lahat sana kayo ay nasa kalagayan kung saan nagsusumamo kayo para sa buhay nang walang kakayahang mamuhay at manalangin para sa kamatayan nang hindi namamatay; kung hindi umiral ang katawang-taong ito, hindi ninyo makakamit ang katotohanan at makakapunta sa harap ng trono ng Diyos ngayon, kundi sa halip, parurusahan kayo ng Diyos dahil sa mabibigat ninyong kasalanan. Alam ba ninyong kung hindi dahil sa pagbabalik sa katawang-tao ng Diyos, walang magkakaroon ng pagkakataon sa kaligtasan; at kung hindi dahil sa pagparito ng katawang-taong ito, matagal na sanang tinapos ng Diyos ang lumang kapanahunan? Dahil dito, magagawa pa rin ba ninyong tanggihan ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos? Yamang napakaraming pakinabang ang matatamo ninyo sa karaniwang taong ito, bakit hindi ninyo Siya malugod na tatanggapin?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alam Mo Ba? Gumawa ang Diyos ng Dakilang Bagay sa Gitna ng mga Tao). Si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at isa itong ganap na katunayan. Kung hindi ipinahayag ni Cristo ang katotohanan, at hindi natin narinig ang tinig ng Diyos, hinuhusgahan lang Siya batay sa anyo, kung ganoon, magiging mahirap para sa atin na makilala Siya. Sa panlabas, isang ordinaryong tao ang Makapangyarihang Diyos, pero Siya ay Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw. Nagpahayag Siya ng maraming katotohanan at gumagawa Siya para iligtas ang buong sangkatauhan. Gayumpaman, ang gobyernong CCP at ang mga lider mula sa mundo ng relihiyon, ay humuhusga na isang ordinaryong tao ang Makapangyarihang Diyos. Isang ganap na maling kaisipan ito. Pag-isipan natin ito. Ateista ang CCP at sumusunod sa Satanismo ni Marx. Mapanlaban ito sa Diyos at palaging inaaresto at inuusig ang mga Kristiyano. Isa itong laganap na kinikilalang katunayan. Puwede ba nating paniwalaan ang sinasabi nila?”

Kinuyom ni Xin Ming ang kamao niya at inihampas ito sa mesa, dismayadong sinasabi, “Ateista ang gobyernong CCP, at nilalabanan nito ang Diyos. Noong nanampalataya tayo sa Panginoong Jesus, nagdusa tayo nang matindi sa panunupil at pag-uusig nito. Paano ko nagawang paniwalaan ang mga walang batayang tsismis nito?”

Sumagot ako kay Xin Ming sa pagsasabing, “Magmula nang itatag ang CCP, palagi nitong inuusig ang mga Kristiyano, at binansagan nito na isang kulto ang Kristiyanismo, at libro ng kulto ang Bibliya. Inaaresto nito ang mga Kristiyano sa iba’t ibang lugar, pinahihirapan, kinokondena, at sinisentensiyahan ang mga ito, nagdudulot na magkawatak-watak ang maraming pamilya at mamatay ang mga tao. Ngayong dumating ang Makapangyarihang Diyos para iligtas ang tao, lalo pang nanggagalaiti ang CCP at nakikita ang Diyos bilang isang kaaway. Naghahanap ito kung saan-saan ng mga kopya ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, kinukumpiska at sinisira ang mga iyon kapag nakita. Kapag ang mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagtitipon para magbahaginan tungkol sa mga salita ng Diyos, ipangaral ang ebanghelyo, at magpatotoo tungkol sa Diyos, ginagamit ng CCP ang buong kapangyarihan ng bansa para supilin at arestuhin sila, nagkakalat kung saan-saan sa internet ng mga walang batayang tsismis at paninira sa Iglesia, walang kabuluhang nagtatangkang lipulin ang iglesia ng Diyos. Ang gayong masamang ateistang partido na mapanlaban sa Diyos ay ni hindi alam kung ano si Cristo o kung ano ang pagkakatawang-tao. Wala itong kalipikasyon na magkomento sa mga usapin ng pananalig, pero walang pakundangan nitong sinasabi na naniniwala sa isang tao ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Hindi ba’t purong pagkakalat ito ng mga walang batayang tsismis at kalapastanganan? Ang mga lider ng relihiyon na iyon, kapag nakikita nila ang pagpapakita at gawain ng Diyos, sa halip na akayin ang mga mananampalataya na hanapin ang katotohanan at salubungin ang Panginoon, ay nakikisali pa talaga sa CCP sa pagkondena sa Makapangyarihang Diyos! Kapag nakikita nila ang dagsa ng mga mananampalataya na nagsisiyasat sa Kidlat ng Silanganan, at na parami nang parami ang mga taong tumatanggap dito, natatakot sila na mawawalan sila ng mga posisyon at kabuhayan, kaya ginagawa nila ang lahat ng makakaya nila para hadlangan at limitahan ang mga mananampalataya sa pagsisiyasat sa tunay na daan, ganap na isinasara ang mga iglesia at nagpapakalat ng mga walang batayang tsismis at paninira sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, na nagdudulot sa marami na hindi nakakaunawa sa katotohanan na maging takot na takot na siyasatin ang Kidlat ng Silanganan pagkatapos marinig ang mga walang batayang tsismis at maladiyablong salita nila, at mapalampas ang pagkakataong salubungin ang pagparito ng Panginoon. Paano naiiba ang mga kilos na ito ng mga relihiyosong pastor at elder sa mga Pariseo na lumaban sa Panginoong Jesus?”

Tumango nang may pagsang-ayon sina Yu Hui at Xin Ming. Sinabi ni Yu Hui, “Sa pamamagitan ng pagbabasa sa mga salita ng Diyos at pakikinig sa pagbabahagi mo, naunawaan ko na sa wakas na habang gumagawa ang Diyos para iligtas ang mga tao, ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao. Kapag naparito ang Makapangyarihang Diyos para ipahayag ang katotohanan at gumawa para iligtas ang sangkatauhan, nanggigigil si Satanas, at desperadong nag-iimbento ng mga kasinungalingan para magdala ng pagkagambala at pagkawasak. Napakatraydor at sama nito! Salamat sa gabay ng Diyos, nanatili kami at nagkamit ng pagkaunawa. Kung wala ito, malamang ay naniwala na kami ni Xin Ming sa mga walang batayang tsismis at maladiyablong salitang ikinakalat ng CCP at ng mga relihiyosong pastor at elder, at nawalan sana kami ng lakas ng loob na magpatuloy na manampalataya. Halos maiwala namin ang pagliligtas ng Diyos. Muntik na talaga!” Kinuha kaagad ni Yu Hui sa mesa ang libro ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, at mahigpit itong niyakap sa dibdib niya. Bigla ring sumilay kay Xin Ming ang pagkatanto, at sinabi niya, “Mula ngayon, hindi na tayo dapat maniwala sa mga walang batayang tsismis at maling kaisipan na ikinakalat ng CCP at ng mga pastor at elder mula sa mundo ng relihiyon. Walang maitutulong ang mga iyon sa buhay natin. Sa halip, dapat tayong gumugol ng mas maraming oras sa pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at dumalo nang mas madalas sa mga pagtitipon para makipagbahaginan, at unti-unti, mauunawaan natin ang bagong gawain ng Diyos.”

Nagsimula akong lumuha, at may pagkasabik kong sinabi, “Naunawaan na ninyo ang katotohanan tungkol sa pagkakatawang-tao ng Diyos, at nakalaya na kayo sa panlilihis ng mga walang batayang tsismis at maling kaisipan ng CCP at ng mundo ng relihiyon, at nakabalik kayo sa Diyos. Tunay na biyaya ito ng Diyos! Gaano man subukan ng CCP at ng mundo ng relihiyon na ikalat ang mga walang batayang tsismis, siraan, at dungisan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, makikilala pa rin ng mga tunay na nananampalataya sa Diyos ang tinig ng Diyos at babalik sa presensiya Niya. Naniniwala ang mga huwad na mananampalataya na iyon sa mga walang batayang tsismis at maladiyablong salita ng CCP at ng mundo ng relihiyon, at ayaw nilang hanapin o siyasatin ang gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Kaya, nabihag sila ng halimaw at namarkahan ng marka ng halimaw. Sila ay parang mga ipa na tinangay ng hangin at sinunog ng di-kailanman-mamatay na apoy. Sa ganitong paraan, napaghihiwalay ang trigo at mga mapanirang damo. Masyadong makapangyarihan-sa-lahat at marunong ang Diyos!”

Pagkatapos ng pagtitipon namin, maingat na iniligpit nina Xin Ming at Yu Hui ang mga libro nila ng mga salita ng Diyos, isinabit ang mga bag nila sa kanilang balikat, at masayang umalis. Tumayo ako sa tabi ng bintana, pinanonood sila hanggang sa hindi na sila matanaw, at hindi ko maiwasang mapabulalas, “Salamat sa Makapangyarihang Diyos!”

Sinundan: 37. Paano Ko Napagtagumpayan Ang Mga Mapanlumong Emosyon Ko

Sumunod: 39. Hindi Ko na Nararamdamang Mababa Ako

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito