99. Tama ba ang Pananampalataya sa Diyos kung para Lamang sa Biyaya?
Sa pagtatapos ng 2016, patuloy ang paulit-ulit na pagdumi ng anak ko, at walang kahit anong gamot ang nakatulong. Sa hindi inaasahan, ilang araw lamang pagkatapos kong simulan ang pananampalataya ko sa Diyos, gumaling na ang karamdaman ng anak ko. Pagkalipas ng ilang panahon, nang hindi ko namamalayan, gumaling din ang matagal nang pananakit ng ulo ko. Lubos akong nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos noon, ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para gawin ang anumang tungkuling iniayos ng iglesia. Noong panahong iyon, hinadlangan ng asawa ko ang pananalig ko sa Diyos, ngunit hindi ako nagpadaig, naniniwala ako na hangga’t taos-puso akong nananampalataya sa Diyos at ginagampanan ang mga tungkulin ko, tatanggapin ko ang mga pagpapala ng Diyos at magkakaroon ng pagkakataong maligtas.
Noong Abril 2020, napili ako bilang isang lider ng iglesia, at mas aktibo kong ginawa ang tungkuling ito. Isang araw, makalipas ang ilang buwan, pagkatapos kumain, nakaramdam ako ng matinding pagkapagod at pagkahilo, kaya inalam ko ang presyon ng dugo ko, at natuklasan na nasa pagitan ito ng 160mmHg at 90mmHg. Hindi ko ito mapaniwalaan, iniisip na, “Hindi ako nagkaroon ng mataas na presyon ng dugo noon, bakit bigla itong naging ganito kataas?” Dahil bata pa naman ako, naisip ko na hangga’t taos-puso kong ginagampanan ang mga tungkulin ko, pangangalagaan ako ng Diyos, at tiyak na bababa ang presyon ng dugo ko, kaya naman, hindi ako labis na nabahala at gumamit lamang ng ilang home remedy bilang panlunas. Noong Marso 2021, nagpakuha ako ng presyon ng dugo ko sa isang parmasya, at ito ay nasa pagitan ng 185mmHg at 128mmHg. Gulat na gulat ang doktor, sinasabi na, “Napakataas ng presyon ng dugo mo; mag-ingat ka nang husto na huwag matumba kapag nagbibisikleta.” Nang marinig ko ang sinabing ito ng doktor, medyo nabahala ako, at naisip ko, “Maaaring magdulot ng maraming komplikasyon ang mataas na presyon ng dugo, may ilang tao na nagkakaroon ng cerebral congestion dahil sa mataas na presyon ng dugo at biglang namamatay, may iba namang nagkakaroon ng mga cerebral infarction at nauuwi sa paglalakad nang papilay-pilay, at may iba pang nauuwi sa pagkaparalisa, hindi na kayang alagaan ang sarili nila. Paano kung matumba ako at maging paralisado?” Sa puntong ito, nagsimula akong magreklamo, iniisip na, “Palagi kong ginagampanan ang mga tungkulin ko, kaya bakit napakataas pa rin ng presyon ng dugo ko? Bakit hindi ako pinangalagaan ng Diyos?” Isang umaga, nang bumangon ako, bigla akong nakaramdam ng matinding pagkahilo, labis na sumakit ang parehong balikat ko, at pakiramdam ko ay parang may ilang litid na hinihila sa loob ng ulo ko, at napakasakit igalaw ng ulo ko na para bang ito ay mabibiyak. Pakiramdam ko ay maaari akong mamatay anumang sandali dahil sa pagputok ng isang ugat. Nagpunta ako sa ospital para magpaeksamin, at sinabi ng doktor na dulot ng malubhang cervical spondylosis ang pananakit ng ulo ko. Pagkatapos ng gamutan, bahagyang guminhawa ang mga sintomas, ngunit nakararamdam pa rin ako ng labis na pagkahilo at paminsan-minsang pananakit ng ulo. Naging bahagya akong negatibo, iniisip na, “Sa kabila ng lahat ng pagsisikap at paggugol ko, bakit hindi man lamang bumubuti ang kalagayan ko, sa halip ay lalo pa itong lumalala? Kung magpapatuloy itong ganito, maaari akong mamatay sa anumang sandali. Marahil mas mabuti kung isang uri na lamang ng gawain ang gagawin ko. Mas hindi ito nakapapagod kaysa sa pagiging isang lider, at marahil ay bubuti ang kondisyon ko.” Bagama’t patuloy kong ginagawa ang mga tungkulin ko, nabubuhay ako sa kalagayan ng pagkabalisa at pagdurusa, at wala akong nadaramang pananagutan para sa mga tungkulin ko. Noong nakita kong hindi naging mabisa ang gawaing ebanghelyo, wala akong pagnanais na suriin ang mga dahilan o lutasin ang mga problema.
Kalaunan, gumamit ako ng ilang home remedy at uminom ng gamot para sa pagpapababa ng presyon ng dugo, at bahagyang bumaba ang presyon ng dugo ko. Gayumpaman, nag-alala pa rin ako na muling lumala ang kondisyon ko, iniisip ko na sa kabila ng lahat ng pagsisikap at paggugol ko, hindi man lamang ako nakatanggap ng anumang pagpapala, kundi lalo pang lumalala ang kalusugan ko, kaya nawalan na ako ng kagustuhang gawin ang tungkulin ko bilang isang lider, iniisip ko na ang paggawa ng isang uri na lamang ng gawain ay mas magaan at magbibigay-daan sa akin na mas maalagaan ang kalusugan ko. Sa panahong iyon, dahil sa hindi mabuting kalagayan ko, kadalasan ay negatibo at walang sigla ang pagbabahagi ko sa mga pagtitipon, at hindi ako nakatuon sa mga tungkulin ko, na nagresulta sa patuloy na pagbaba ng bisa ng gawaing ebanghelyo. Kung hindi pa ako pinungusan ng mga nakatataas na lider dahil sa pagiging sobrang pabasta-basta sa mga tungkulin ko, at binalaan na kung hindi ako magsisisi, ako ay tatanggalin, hindi ko pa mapagtatanto na nagagambala at nagugulo ko ang gawain, hindi pa ako makararamdam ng takot, at sa wakas ay lalapit sa Diyos upang magdasal at pagnilayan ang sarili ko. Isang araw, nakarinig ako ng isang himno ng mga salita ng Diyos. “Dapat Mong Hangarin ang Kalooban ng Diyos Kapag Nagkaroon Ka ng Karamdaman.” Sinasabi nito na: “Paano mo dapat danasin ang karamdaman kapag dumarating ito? Dapat kang lumapit sa Diyos at magdasal, maghanap at mag-apuhap sa layunin ng Diyos; dapat mong suriin ang iyong sarili para malaman kung ano ang nagawa mong salungat sa katotohanan, at kung ano ang katiwaliang nasa iyo na hindi pa nalulutas. Hindi malulutas ang iyong tiwaling disposisyon nang hindi ka sumasailalim sa pagdurusa. Sa pagpapatatag lang ng pagdurusa hindi magiging imoral ang mga tao, at makakapamuhay sa harap ng Diyos sa lahat ng oras. Kapag nagdurusa ang isang tao, palagi siyang nagdarasal. Hindi niya naiisip ang mga kasiyahan ng pagkain, pananamit, at iba pang kasiyahan; palagi siyang nagdarasal sa kanyang puso, sinusuri ang kanyang sarili para malaman kung may mali siyang nagawa o kung saan siya maaaring nakasalungat sa katotohanan” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pananampalataya sa Diyos, Pinakamahalaga ang Pagkakamit ng Katotohanan). Pagkarinig ko sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ginagamit ng Diyos ang karamdamang ito upang mapagnilayan ko ang sarili ko at makilala ang tiwali kong disposisyon, na ito ay para sa layuning iligtas ako, at na naglalaman ito ng taimtim na layunin ng Diyos. Ilang taon na akong nananampalataya sa Diyos, ngunit nang harapin ko ang karamdaman, hindi ko naisip na hanapin ang layunin ng Diyos sa panalangin, ni hindi ko pinagnilayan kung aling aspekto ng tiwali kong disposisyon ang nais ng Diyos na dalisayin at baguhin, o kung anong karumihan ang nasa pananampalataya ko. Sa halip, nanatili ako sa kalagayan ng pagkanegatibo at paglaban dahil sa karamdaman, at nang magkaroon ng maraming problema sa gawaing ebanghelyo, hindi ko naisip ang tungkol sa paglutas sa mga ito, sa halip ay ninais ko pang takasan ang mga tungkulin ko. Naging mapagmatigas ang disposisyon ko, at naging tunay na wala akong konsensiya at katuwiran! Pagkatapos ay lumapit ako sa Diyos sa panalangin, sinasabi ko, “Diyos ko, ayaw ko nang magpatuloy sa pagiging sobrang mapagmatigas, pakiusap, akayin Mo ako upang matutunan ang aral mula sa karamdamang ito.”
Kalaunan, sinikap kong hanapin ang mga solusyon sa mga problema ko, at nanood ako ng isang video ng patotoong batay sa karanasan, kung saan kasama ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na lubos na nauugnay sa kalagayan ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang inaalala lamang ng maraming sumusunod sa Diyos ay kung paano magtamo ng mga pagpapala o umiwas sa sakuna. Sa sandaling nabanggit ang gawain at pamamahala ng Diyos, tumatahimik sila at nawawalan ng lahat ng interes. Iniisip nila na ang pag-unawa sa gayong nakababagot na isyu ay hindi magpapalago sa kanilang buhay o magbibigay ng anumang pakinabang. Sa gayon, bagama’t narinig na nila ang tungkol sa pamamahala ng Diyos, hindi nila ito seryosong hinaharap. Hindi nila ito itinuturing na isang bagay na mahalagang tanggapin, lalong hindi nila tinatanggap ito sa pamamagitan ng pagturing dito bilang bahagi ng kanilang buhay. Iisa lamang ang simpleng layunin ng gayong mga tao sa pagsunod sa Diyos, at ang layuning iyon ay ang tumanggap ng mga pagpapala. Ang gayong mga tao ay hindi nag-aabalang pansinin ang anumang ibang bagay na walang direktang kinalaman sa layuning ito. Para sa kanila, walang mithiing mas lehitimo kaysa maniwala sa Diyos upang makatanggap ng mga pagpapala—ito mismo ang halaga ng kanilang pananampalataya. Kung may isang bagay na hindi nakakatulong sa layuning ito, nananatili silang ganap na hindi naaantig nito. Ganyan ang karamihan sa mga taong naniniwala sa Diyos ngayon. Ang kanilang layunin at adhikain ay mukhang lehitimo, dahil habang naniniwala sila sa Diyos, gumugugol din sila para sa Diyos, inaalay nila ang kanilang sarili sa Diyos, at ginagampanan nila ang kanilang tungkulin. Isinusuko nila ang kanilang kabataan, tinatalikuran ang pamilya at propesyon, at gumugugol pa ng maraming taon na malayo sa tahanan na nag-aabala. Para sa kapakanan ng kanilang pangunahing mithiin, binabago nila ang kanilang sariling mga interes, ang kanilang pananaw sa buhay, at maging ang direksyong kanilang hinahanap; subalit hindi nila mabago ang layunin ng kanilang paniniwala sa Diyos. Paroo’t parito sila para sa pamamahala ng sarili nilang mga huwaran; gaano man kalayo ang daan, at gaano man karami ang mga hirap at balakid sa daan, nananatili silang matiyaga at walang takot sa kamatayan. Anong kapangyarihan ang nagtutulak sa kanila na patuloy na ialay ang kanilang sarili sa ganitong paraan? Ang kanila bang konsiyensya? Ang kanila bang dakila at marangal na katangian? Ang kanila bang determinasyong labanan ang mga puwersa ng kasamaan hanggang sa pinakahuli? Ang kanila bang pananampalatayang magpatotoo sa Diyos nang hindi naghahanap ng kapalit? Ang kanila bang katapatan sa pagiging handang isuko ang lahat upang maisakatuparan ang kalooban ng Diyos? O ang kanila bang diwa ng debosyon na laging isakripisyo ang personal na maluluhong kahilingan? Ang magbigay pa rin ng napakalaki ang isang taong hindi kailanman naunawaan ang gawain ng pamamahala ng Diyos, sa payak na pananalita, ay isang himala! Sa sandaling ito, huwag nating talakayin kung gaano kalaki ang naibigay ng mga taong ito. Ang kanilang pag-uugali, gayunman, ay lubos na karapat-dapat nating himayin. Bukod pa sa mga pakinabang na lubos na nauugnay sa kanila, maaari kayang may iba pang mga dahilan kaya ang mga taong hindi kailanman nauunawaan ang Diyos ay nagbibigay ng napakalaki sa Kanya? Dito, natutuklasan natin ang isang dating di-matukoy na problema: Ang relasyon ng tao sa Diyos ay lantarang para sa sariling interes lamang nito. Isa itong relasyon sa pagitan ng isang tumatanggap at isang nagbibigay ng pagpapala. Sa madaling salita, ito ang relasyon sa pagitan ng empleyado at ng amo. Nagtatrabaho nang husto ang empleyado para lang makatanggap ng mga gantimpalang ipinagkakaloob ng amo. Walang pagmamahal sa gayong relasyon na nakabatay lang sa interes, transaksyon lamang. Walang nagmamahal o minamahal, kawanggawa at awa lamang. Walang pag-unawa, walang magawang pigil na galit at panlilinlang lamang. Walang pagiging matalik, isang pagitan lamang na hindi matatawid” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 3: Maaari Lamang Maligtas ang Tao sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos). Isinisiwalat ng Diyos na bagama’t maraming tao ang gumaganap ng kanilang mga tungkulin, nagsasakripisyo, ginugugol ang kanilang sarili, at abala sa kanilang gawain, sa panlabas ay waring nagpapasakop at nagbibigay-kasiyahan sa Diyos, sa diwa, mayroon silang sariling mga layunin, at sinusubukang gamitin ang Diyos at makipagpalitan sa Diyos upang makamit ang kanilang layuning makatanggap ng mga pagpapala. Pinagnilayan ko kung paano, mula nang tanggapin ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, gumaling ang karamdaman ng anak ko, at gumaling din ang matagal nang pananakit ng ulo ko, kaya naging aktibo ako sa pagtupad ng mga tungkulin ko, at kahit pa noong sinubukan ng pamilya ko na hadlangan ako, hindi ako nagpatalo, naniniwalang hangga’t mahigpit kong pinagsisikapan ang mga tungkulin ko, tatanggap ako ng biyaya at pagpapala ng Diyos sa hinaharap at sa huli ay maililigtas. Kahit pagkatapos kong malaman na mayroon akong mataas na presyon ng dugo, hindi ko tinalikuran ang mga tungkulin ko, at handa akong magpuyat, gaano man ito kahirap o nakapapagod, naniniwala na kung tapat ako sa mga tungkulin ko, maaaring alisin ng Diyos ang karamdaman ko. Noong hindi bumuti ang kondisyon ko at patuloy pang lumalala, hindi ako nakaunawa at nagreklamo ako, at hindi ko pinansin ang mga problema sa gawaing ebanghelyo, iniisip pa na talikuran ang tungkulin ko bilang isang lider. Nakita ko na ang mga taon ng sakripisyo at paggugol ko ay hindi upang tuparin ang tungkulin ng isang nilikha, kundi upang subukan at gamitin ang Diyos para makipagpalitan ng mga pagpapala sa hinaharap at isang mabuting destinasyon at kahihinatnan. Ang relasyon ko sa Diyos ay parang sa isang empleado lamang sa kanilang amo, pawang transaksiyonal.
Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kahit paano man sila sinusubukan, ang katapatan ng mga taong nasa puso nila ang Diyos ay nananatiling hindi nagbabago; ngunit para sa mga taong walang Diyos sa kanilang puso, sa sandaling ang gawain ng Diyos ay hindi kapaki-pakinabang sa kanilang laman, binabago nila ang kanilang pananaw tungkol sa Diyos, at nililisan pa ang Diyos. Ganoon ang mga hindi maninindigan sa katapusan, na naghahanap lamang ng mga pagpapala ng Diyos at walang pagnanais na gumugol ng kanilang mga sarili para sa Diyos at ialay ang kanilang mga sarili sa Kanya. Ang uring ito ng mga hamak na tao ay patatalsikin lahat kapag natapos na ang gawain ng Diyos, at hindi sila karapat-dapat sa kahit na anong awa. Yaong mga walang pagkatao ay walang kakayahang mahalin ang Diyos nang tunay. Kapag ang paligid ay tiwasay at ligtas, o may pakinabang na matatamo, sila ay lubusang masunurin sa Diyos, ngunit sa sandaling ang kanilang ninanais ay nalagay sa alanganin o hindi nila nakuha, ay agad silang naghihimagsik. Kahit na pagkatapos lamang ng isang gabi, maaari silang magbago mula sa isang nakangiti at ‘mabait’ na tao tungo sa isang pangit at mabangis na mamamatay-tao, biglang itinuturing na mortal na kaaway ang kanilang tagapagpala kahapon nang walang pagkatugma o kadahilanan. Kung ang mga demonyong ito ay hindi napalayas, ang mga demonyong ito na papatay nang walang kurap, hindi ba sila magiging tagong panganib?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na ang isang taong may Diyos sa kanilang puso ay nababatid na ang lahat ng bagay ay nagmumula sa Diyos, at kung sila man ay makatanggap ng mga pagpapala o makaranas ng mga sakuna, sila ay handang magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos. Katulad ni Job sa panahon ng kanyang mga pagsubok, nang nawala ang kanyang mga kawan at pinapastulan, namatay ang kanyang mga anak, at napuno siya ng mga sugat, hindi siya nagreklamo sa Diyos o tinalikuran Siya, kundi sa halip ay pinuri pa niya ang Diyos: “Si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova” (Job 1:21). si Job ay may tunay na pananalig sa Diyos at may-takot-sa-Diyos na puso. Inihambing ko ito sa sarili kong pag-uugali. Pagkatapos kong tanggapin ang gawain ng Diyos, gumaling ang karamdaman ng anak ko, at nawala rin ang matagal nang pananakit ng ulo ko. Natanggap ko ang biyaya ng Diyos at naging masigasig sa paggugol ko, ngunit nang lumala nang lumala ang karamdaman ko, at hindi ko natanggap ang mga pagpapalang inaasahan ko, agad akong tumalikod sa Diyos at nagsimulang magreklamo tungkol sa Kanya. Nawala ang nadarama kong pananagutan para sa mga tungkulin ko at hindi ko man lang pinanghawakan ang mga interes ng iglesia. Inisip ko lamang ang pansarili kong mga interes, nais ko lamang makatanggap ng mga pagpapala at pakinabang mula sa Diyos, at nang hindi ko nakamit ang mga ito, naging negatibo at pabaya ako, at kumontra sa Diyos. Napagtanto ko kung gaano ako naging makasarili at kasuklam-suklam, walang taglay na pagkatao at katuwiran. Kung patuloy akong magiging sobrang mapagmatigas, sa huli ay itataboy at ititiwalag ako ng Diyos.
Kalaunan, nagbasa pa ako ng higit pang mga salita ng Diyos: “Dahil ang mapagpala ay hindi isang naaangkop na layuning dapat hangarin ng mga tao, ano ang isang naaangkop na layunin? Ang paghahangad ng katotohanan, ang paghahangad ng mga pagbabago sa disposisyon, at ang magawang magpasakop sa lahat ng pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos: ito ang mga layuning dapat hangarin ng mga tao. Sabihin natin, halimbawa, na ang mapungusan ay nagdudulot sa iyong magkaroon ng mga kuru-kuro at maling pagkaunawa, at hindi mo na magawang magpasakop. Bakit hindi mo magawang magpasakop? Dahil pakiramdam mo ay nakuwestiyon ang iyong hantungan o ang iyong pangarap na mapagpala. Nagiging negatibo ka at sumasama ang loob mo, at gusto mong sukuan ang iyong tungkulin. Ano ang dahilan nito? May problema sa iyong hangarin. Kaya paano ito dapat lutasin? Kinakailangan na agad mong talikuran ang mga maling ideyang ito, at na agad mong hanapin ang katotohanan para lutasin ang problema ng iyong tiwaling disposisyon. Dapat mong sabihin sa iyong sarili, ‘Hindi ako dapat sumuko, dapat ko pa ring magawa nang mabuti ang tungkuling dapat gawin ng isang nilikha, at isantabi ang aking pagnanasang mapagpala.’ Kapag binitiwan mo ang pagnanasang mapagpala at tinahak mo ang landas ng paghahangad sa katotohanan, mawawala ang bigat na pasan mo. At magagawa mo pa rin bang maging negatibo? Kahit na may mga pagkakataon pa rin na negatibo ka, hindi mo ito hinahayaang limitahan ka, at sa puso mo, patuloy kang nagdarasal at nakikibaka, binabago ang layunin ng iyong paghahangad mula sa paghahangad na mapagpala at magkaroon ng hantungan, ay nagiging paghahangad sa katotohanan, at iniisip mo, ‘Ang paghahangad sa katotohanan ay ang tungkulin ng isang nilikha. Para maunawaan ang ilang partikular na katotohanan ngayon—wala nang mas dakilang pag-aani, ito ang pinakadakilang pagpapala sa lahat. Kahit na ayaw sa akin ng Diyos, at wala akong magandang hantungan, at mawasak ang aking mga pag-asa na mapagpala, gagawin ko pa rin ang aking tungkulin nang maayos, obligado akong gawin iyon. Anuman ang dahilan, hindi nito maaapektuhan ang pagganap ko sa aking tungkulin, hindi nito maaapektuhan ang pagsasakatuparan ko sa atas ng Diyos; ito ang prinsipyong sinusunod ko sa aking pagkilos.’ At sa pamamagitan nito, hindi ba’t nadaig mo ang mga limitasyon ng laman? Maaaring sabihin ng ilan, ‘Paano kung negatibo pa rin ako?’ Kung gayon ay hanapin ninyong muli ang katotohanan para lutasin ito. Ilang beses ka mang malugmok sa pagiging negatibo, kung patuloy mo lang hahanapin ang katotohanan para lutasin ito, at patuloy na magpupunyagi para sa katotohanan, unti-unti kang makaaahon sa iyong pagiging negatibo. At balang araw, madarama mo na wala ka nang pagnanasang magtamo ng mga pagpapala at hindi ka na nalilimitahan ng hantungan at kahihinatnan mo, at na mas madali at mas malaya kang mabubuhay nang wala ang mga bagay na ito” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan Mayroong Buhay Pagpasok). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang pagkakaroon ng mga pagpapala ay hindi ang layuning dapat nating hangarin sa ating pananalig sa Diyos, ni ang tamang landas na dapat nating tahakin sa ating pananalig sa Diyos. Ang landas na dapat nating tahakin sa ating pananalig sa Diyos ay isang landas na naghahangad sa katotohanan at nagkakamit ng pagbabago sa disposisyon, pagiging handang magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos, at pagiging isang tunay na nilikha ng Diyos. Ginagampanan ko ang mga tungkulin ko upang makatanggap ng biyaya at pagpapala ng Diyos, ngunit nang lumala ang karamdaman ko at naramdaman kong nasira ang pag-asa ko sa mga pagpapala, naging negatibo at mapanlaban ako. Bagama’t sa panlabas ay hindi ko tinalikuran ang mga tungkulin ko, ang puso ko ay nagtaksil na sa Diyos. Ginampanan ko ang mga tungkulin ko nang pabasta-basta at hindi ko tinutugunan ang mga problema, na nagreresulta sa hindi mabisang gawaing ebanghelyo, at ang mga kapatid ay namumuhay sa mga negatibong kalagayan, na nagdulot ng pinsala sa gawain ng iglesia. Lumalakad ako sa landas na salungat sa layunin ng Diyos. Ngayon ay nauunawaan ko na hindi natin dapat hangarin ang mga pagpapala sa ating pananalig, kundi dapat nating hangarin ang katotohanan at iwaksi ang ating mga tiwaling disposisyon, maging handang magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos, at maging isang makatuwirang tao. Katulad ni Job, na nagpuri sa pagiging matuwid ng Diyos makatanggap man siya ng biyaya o magdusa ng kasawian, siya ay may tunay na pagpapasakop sa Diyos at isang napakamakatuwirang tao. Sa aking pag-usad, naging handa akong itama ang mga maling pananaw ko sa paghahangad, magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos at tuparin ang mga tungkulin ko bilang isang nilikha. Tungkol naman sa karamdaman ko, ipagpapatuloy ko ang normal na medikasyon at paggagamot, bibigyang-pansin ang diyeta ko, at mag-eehersisyo nang nararapat. Nang bitawan ko ang paghahangad ko sa mga pagpapala, naramdaman kong mas gumaan ang kalooban ko at mas naging masigasig ako sa mga tungkulin ko. Kalaunan, nakipagtulungan ako sa mga manggagawa sa ebanghelyo upang suriin ang mga paglihis at problema, sinubaybayan at pinangasiwaan ang kanilang mga gawain, at gumawa ng mga pagsasaayos sa mga hindi angkop na tauhan. Pagkaraan ng ilang panahon, ang bisa ng gawain ng ebanghelyo ay bumuti kompara sa dati.
Kalaunan, inalam ko ang presyon ng dugo ko nang ilang beses, at laking gulat ko, normal ang presyon ng dugo ko. Labis akong natuwa, ngunit nakaramdam din ako ng matinding pagkakasala. Pinagnilayan ko kung paano, noong namuhay ako sa karamdaman, wala akong nadaramang pananagutan para sa mga tungkulin ko, na naging sanhi ng mga kawalan sa gawain, ngunit hindi pinansin ng Diyos ang mga pagsalangsang ko at binigyan Niya ako ng pagkakataong magsisi, at damang-dama ko ang pagkakautang ko sa Diyos. Kalaunan, nagbasa ako ng isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Sa kanilang pananalig sa Diyos, ang hinahanap ng mga tao ay makakuha ng mga pagpapala para sa hinaharap; ito ang kanilang mithiin sa kanilang pananampalataya. Lahat ng tao ay may ganitong hangarin at inaasam, subalit ang katiwalian sa kanilang kalikasan ay dapat malutas sa pamamagitan ng mga pagsubok at pagpipino. Sa alinmang mga aspeto na hindi ka nadalisay at nagpakita ka ng katiwalian, ito ang mga aspeto kung saan dapat kang mapino—ito ang pagsasaayos ng Diyos. Lumilikha ang Diyos ng isang kapaligiran para sa iyo, pinipilit kang maging pino roon nang sa gayon ay malaman mo ang iyong sariling katiwalian. Sa huli, umaabot ka sa punto kung saan mas gugustuhin mong mamatay para maisuko ang iyong mga pakana at mga ninanasa at magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos. Samakatuwid, kung ang mga tao ay walang ilang taon ng pagpipino at kung hindi sila nagtitiis ng itinakdang dami ng pagdurusa, hindi nila maaalis sa sarili nila ang pagpipigil ng katiwalian ng laman sa kanilang mga saloobin at sa kanilang mga puso. Sa alinmang aspeto, ang mga tao ay napipigilan pa rin ng kanilang satanikong kalikasan, at sa alinmang aspeto na mayroon pa rin silang sarili nilang mga ninanasa at hinihingi, ito ang mga aspeto kung saan dapat silang magdusa. Sa pagdurusa lamang natututunan ang mga aral, ibig sabihin ay nakakamit ang katotohanan, at nauunawaan ang mga layunin ng Diyos. Sa katunayan, maraming katotohanan ang nauunawaan sa pagdanas ng pagdurusa at pagsubok. Walang nakakaunawa sa mga layunin ng Diyos, walang nakakakilala sa pagkamakapangyarihan at sa karunungan ng Diyos, o walang nagpapahalaga sa matuwid na disposisyon ng Diyos kapag nasa isang maginhawa at magaan na kapaligiran o kapag ang mga kaganapan ay kaaya-aya. Magiging imposible iyan!” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Mula sa mga salitang ito ng Diyos, nakita ko na napakarunong ng Diyos sa Kanyang gawain. Ang isang malubhang karamdaman ay tila masakit mula sa pananaw ng tao, ngunit ginagamit ng Diyos ang mga sakit na ito upang pinuhin at linisin ang mga tao. Katulad na lamang ng sa karamdaman ko, kahit na sa panlabas ay mukhang dumanas ako ng ilang sakit, ginamit ng Diyos ang karamdamang ito upang dalisayin ang mga karumihan sa pananalig ko sa Kanya, at kung wala ang pagbubunyag ng karamdamang ito, hindi ko sana napagtanto ang layuning nagbanto sa pananalig ko upang makapagtamo ng mga pagpapala, at sisikapin ko pa ring linlangin ang Diyos at makipagpalitan sa Diyos sa mga tungkulin ko, at sa kalaunan ay ibubunyag at ititiwalag ako ng Diyos. Ang karanasang ito ay nagpakita sa akin ng taimtim na layunin ng Diyos na iligtas ang mga tao. Noong una akong nanampalataya sa Diyos, tinamasa ko ang maraming biyaya Niya, at sa mga sandaling iyon, hindi ko masyadong naunawaan at inisip ko na ang Diyos ay Diyos lamang na nagkaloob ng biyaya. Ngunit ang totoo, ang biyayang ibinibigay ng Diyos sa mga tao ay ibinigay upang dalhin ang mga tao sa harap Niya upang tanggapin ang Kanyang pagliligtas. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang ipahayag ang katotohanan at magsagawa ng paghatol, at kasabay nito, inaayos Niya ang iba’t ibang sitwasyon upang pinuhin at dalisayin ang mga tao, upang sila ay makapagpasakop at sumamba sa Kanya at makamit ang Kanyang pagliligtas. Sa pananampalataya sa Diyos, hindi ko lamang dapat tinatamasa ang Kanyang biyaya, dapat ko ring maranasan ang paghatol, pagkastigo, mga pagsubok, at mga pagpipino, at dapat kong hangarin ang pagbabago sa tiwali kong disposisyon at balikatin ang tungkulin ko. Kahit na dumanas ako ng kaunting sakit mula sa karamdamang ito, naranasan ko na ang ginawa ng Diyos sa akin ay ang Kanyang pag-ibig at pagliligtas, at nakilala ko rin ang karunungan sa gawain ng Diyos. Nagpapasalamat ako sa Diyos mula sa kaibuturan ng puso ko!