63. Anong Mga Karumihan ang Nakatago sa Likod ng Pagtukoy sa Mga Isyu?

Ni Ding Zhen, Tsina

Noong Nobyembre ng 2021, nahirang ako bilang isang lider ng iglesia. Dahil aktibo ako sa aking mga tungkulin at nakakuha ng kaunting resulta ang gawain ko, medyo tiningala ako ng mga kapatid. Mataas din ang tingin sa akin ng mga nakatataas na lider at madalas na nagtatanong tungkol sa kalagayan ko. Ang ibang iglesia ay may mga pangangaralang potensyal na tatanggap ng ebanghelyo, at inirekomenda ako ng superbisor ng ebanghelyo para ipalaganap ang ebanghelyo. Pinuri din ako ng sister na tinutulungan ko dahil sa pagkakaroon ko ng ganoong kakayahan sa gayon kabatang edad. Napakasaya ko at naisip na, “Bagama’t hindi pa ako matagal na nagiging lider, hinahangaan ako ng lahat ng kapatid at ng nakatataas na lider, at alam din ng nasa ibang iglesia na may kakayahan ako sa gawain. Mukhang medyo magaling ako sa ginagawa ko, at tiyak na iniisip ng lahat na isa akong pambihirang talento.” Talagang pinasaya ako ng mga kaisipang ito, at palagi akong puno ng enerhiya.

Noong Mayo ng 2022, inilipat si Liu Yun sa aming iglesia para gumawa bilang isang lider. Nang dumating na si Liu Yun sa aming iglesia, sinimulan niyang kilalanin ang mga tauhan at kumustahin din ang pag-usad ng iba’t ibang gampanin. Natuklasan niya na hindi ligtas ang isa sa mga tahanan kung saan nakatago ang mga aklat at na may ilang problema na may kinalaman sa paglabag sa mga prinsipyo. Nakakita rin siya ng isang tao na naglahad ng ilang walang pananampalatayang salita sa mga pagtitipon, ginugulo ang buhay iglesia, at hindi gumawa ng mga pagbabago sa kabila ng paulit-ulit na pagbabahaginan. Pinaalalahanan kami ni Liu Yun na kailangan naming matutuhan ang pagkilatis at ibukod ang taong ito ayon sa mga prinsipyo. Nagpatuloy si Liu Yun na aktibong suportahan ang mga baguhan na negatibo, mahina, at hindi regular na nagtitipon, at unti-unti, nagsimulang bumuti ang mga kalagayan ng mga baguhan. Nagawa rin niyang mapagbalik-loob ang ilang tao. Nang makita ko ang mga ito, nadama kong talagang si Liu Yun ay isang may kakayahang manggagawa na nagagawang makakita at makalutas ng mga problema, pero nakadama rin ako ng kapaitan sa loob ko, “Pareho kaming lider ng iglesia, pero may ilang problema na naresolba niya na hindi ko man lang napansin. Tiyak na pinagkukumpara kami ng lahat at iniisip na mas magaling si Liu Yun kaysa sa akin. Hindi ba’t medyo bumabagsak ang katayuan ko sa mga mata ng iba?” Kalaunan, sa isang pagpupulong ng magkakatrabaho, binanggit ni Liu Yun kung paanong kamakailan ay sinusuportahan niya ang mga baguhan. Tumango sa pagsang-ayon ang mga nakatataas na lider habang nakikinig at tutok na tutok ding nakinig ang mga nakikipagtulungang kapatid. Nakita kong parami nang parami ang atensyon na ibinibigay ng lahat sa kanya, at nakadama ako ng pagkailang at medyo pagkabalewala, iniisip na, “Lagi kong tinatalakay dati sa mga pagtitipon ang kaalaman ko na batay sa karanasan at talagang medyo pinapahalagahan din ako ng mga lider noon. Ngayon, nakatuon kay Liu Yun ang atensyon ng lahat. Kung magpapatuloy nang ganito ang mga bagay-bagay, sino ang magbibigay-pansin o hahanga sa akin? Hindi, kailangan kong ipakita sa lahat na may kulang siya. Mababawasan nito ang kumpiyansa niya at pahihinain ang loob niya, habang pinipigilan din ang lahat sa paghanga sa kanya. Ibabalik nito sa akin ang atensyon ng lahat at magagawa kong mapanumbalik ang aking ningning.”

Pagkatapos nito, habang nakikipagtulungan kay Liu Yun, sadya akong tumutok sa mga kapintasan at pagkukulang niya. Nakita kong nagpapakitang-gilas siya minsan at gusto kong talakayin ang problema niyang ito. Pero ang katotohanan ay natukoy na ng iba ang pagkukulang na ito at medyo nagbago na siya. Pero para masamantala ang pagkakataong ito upang pahinain si Liu Yun, binilang ko sa loob-loob ko ang mga bagay na ipinagmalaki niya at tinandaan ang mga iyon, para kapag binigyan ko siya ng kaunting “gabay at tulong,” dapat ay mayroon akong hindi mapabubulaanang batayan at maipapakita sa kanya na napakalubha pa rin ng kanyang tiwaling disposisyon sa usaping ito, at na halos hindi pa rin siya nagbabago. Sa ganoong paraan, medyo mababawasan ang kanyang kumpiyansa at magagawa kong mangibabaw. Kalaunan, nakakita ako ng ilang malulupit na salita ng Diyos na naglalantad at naghahatol para magamit sa kanya. Nang makita ko ang malulupit na salitang ito ng Diyos, naisip ko, “Nagbubunyag lang si Liu Yun ng kaunting katiwalian at sinusubukang magbago. Kung gagamitin ko sa kanya ang mga salitang ito ng Diyos, matatanggap niya kaya ito?” Pero pagkatapos ay naisip ko, “Ilan taon na siyang nananampalataya sa Diyos; dapat ay ayos lang siya. At saka, talaga namang may ganito siyang problema, at kung maging negatibo at mahina siya, at magsimulang humina ang gawain niya dahil hindi niya ito matanggap, bibigyang-daan lamang ako nito para mangibabaw.” Pagkatapos, basta’t humanap ako ng ilang salita ng Diyos tungkol sa pagsasagawa para pasukin niya, iniisip na sa ganitong paraan ay walang magsususpetsa sa aking mga lihim na motibo. Nang sumunod na araw, sa isang pagpupulong ng magkakatrabaho, nakinig ako sa paglalahad niya ng kanyang kalagayan, sinasabing kamakailan ay naging abala siya sa mga panlabas na usapin at hindi nakatuon sa buhay pagpasok, at na bagama’t ayaw niyang tahakin ang landas ni Pablo, hindi niya mapigilan ang sarili niya— bago siya matapos magsalita, hindi ako nakapagpigil. Naisip ko, “Dahil gusto niyang tumutok sa buhay pagpasok, puwede kong kunin ang sandaling ito bilang isang pagkakataon para tukuyin ang mga problema niya at maipakita sa kanya ang mga kakulangan niya. Ang mas mahalaga, naririto ang lahat ng nakatataas na lider, at mga kapatid, kaya kung magsasalita ako, malalaman ng lahat ang tungkol sa mga pagkukulang niya at titigil sa masyadong paghanga sa kanya. At kapag nakita ng lahat kung paano ko nagawang bigyan siya ng gabay at tulong, makikita nila ako bilang isang taong nagdadala ng pasanin. Dalawa ang makukuha ko nang sabay!” Taglay ang ganito sa aking isipan, nilakasan ko nang kaunti ang boses ko kaysa sa karaniwan, at sinabi kay Liu Yun sa isang medyo sabik na tono, “Palagi mong sinasabing gusto mong tumuon sa buhay pagpasok, pero wala kang partikular na landas ng pagsasagawa. Puwede ka talagang magsimula sa pagninilay-nilay sa maliliit na bagay. Isinulat ko ang ilang isyu mo na nakita ko. Puwede mong pagnilayan nang kaunti ang mga ito.” Habang nagsasalita ako, sinimulan kong buksan ang liham na isinulat ko na inililista ang mga paraan na nagpakitang-gilas siya. Pagkatapos ay nagsalita ako sa kanya sa isang seryosong tono tungkol sa saloobin ng Diyos sa mga mahilig magpakitang-gilas at hinimay ko ang landas kung nasaan ang mga taong ito at ang mga kahihinatnan ng pagtahak dito. Pagkatapos ay nagmungkahi ako ng ilang landas ng pagsasagawa. Pagkatapos kong gawin ang lahat ng ito, mukhang medyo nailang at nahiya si Liu Yun, at nagsabing, “Tinatanggap ko ang sinabi mo, at kailangan ko ng ilang panahon para magnilay.” Medyo nakonsensiya ako nang sabihin niya ito, at natakot na makikita ng lahat na mayroon akong mga lihim na motibo. Pero pagkatapos ay naisip ko, “Totoo ang sinabi ko, at bukod doon, nakakita rin ako ng ilang landas ng pagsasagawa, kaya dapat ay walang maging problema.” Hindi ako pinabulaanan ng mga nakatataas na lider at mga kapatid, kaya mukhang sang-ayon sila sa akin. Medyo nakahinga ako nang maluwag dahil sa kaisipang ito.

Isang gabi, makalipas ang dalawang araw, habang magkasama naming tinatalakay ni Liu Yun ang gawain, nakadama ako ng bahagyang pagkabalisa tungkol sa “tulong” na ibinigay ko sa kanya, at kinumusta ko ang kalagayan niya. Sinabi niya na hindi ito napakabuti. Nadama niya na bilang isang mananampalataya sa loob ng napakaraming taon, pero halos hindi nagagawang baguhin ang aspektong ito ng kanyang tiwaling disposisyon ay tumukoy na wala siyang kakayahang magbago, at talagang negatibo ang pakiramdam niya. Nabagabag ako nang marinig ito, iniisip na, “Maaari kayang nasaktan siya sa pagtukoy ko sa problema niya hanggang sa punto na nakadama siya ng pagkanegatibo?” Kaya naman ginamit ko ang mga salita ng Diyos para maingat na ibahagi ang landas para lutasin ang aspektong ito ng kanyang tiwaling disposisyon, at pagkatapos ay sinabi sa kanya na kailangan niyang harapin ito nang tama at ayusin ang kalagayan niya. Nakita ko siyang nagkamit ng kaunting pagkaunawa, na nagdulot sa akin na mapanatag nang bahagya. Kalaunan, pinagnilayan ko ang sarili ko batay sa usaping ito at nanalangin sa Diyos, hinihingi sa Kanyang gabayan akong makilala ang sarili kong tiwaling disposisyon. Binasa ko ang mga siping ito ng mga salita ng Diyos: “Ang ilang tao ay palaging natatakot na ang iba ay mas mahusay o mas mataas kaysa sa kanila, na ang iba ay kikilalanin habang sila ay hindi napapansin, at dahil dito ay inaatake at ibinubukod nila ang iba. Hindi ba ito isang kaso ng pagkainggit sa mga taong may talento? Hindi ba’t makasarili at kasuklam-suklam ito? Anong klaseng disposisyon ito? Ito ay pagiging malisyoso! Iyong mga iniisip lamang ang sarili nilang mga interes, binibigyang-kasiyahan lamang ang sarili nilang mga hangarin, nang hindi iniisip ang iba o isinasaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, ay may masamang disposisyon, at walang pagmamahal ang Diyos sa kanila(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). “Ang ikatlong pamamaraan na ginagamit ng mga anticristo para kontrolin ang mga tao: Inihihiwalay at binabatikos nila ang mga naghahangad sa katotohanan. May ilang mga taong mahal ang mga positibong bagay, ang katarungan at liwanag, at ang pakikipagbahaginan tungkol sa katotohanan. Madalas nilang nilalapitan ang mga kapatid na naghahanap at naghahangad sa katotohanan upang makabahaginan ang mga ito. Ikinaiinit ng ulo ng mga anticristo na makita ito. Para sa kanila, ang lahat ng naghahangad sa katotohanan ay parang karayom sa kanilang mata, isang tinik sa kanilang lalamunan; binabatikos, inihihiwalay, at sinasaktan nila ang lahat ng naghahangad ng katotohanan. Siyempre, hindi lamang babatikusin ng mga anticristo ang mga taong ito gamit ang mga brutal at malulupit na taktika na halata namang kayang makita ng mga tao. Gagayahin nila ang estilo ng pagbabahagi tungkol sa katotohanan, at gamit ang ilang salita at doktrina, huhusgahan nila ang mga tao at aatakihin ang mga ito. Iniisip tuloy ng mga tao na akma at makatwiran ang ginagawa nila, na tumutulong sila—na walang mali sa ginagawa nila. Ano ba itong mga ‘akma at makatwirang’ pamamaraan nila? (Ginagamit nila ang mga salita ng Diyos para husgahan ang mga tao at atakihin sila.) Tama—ginagamit nila ang mga salita ng Diyos para ilantad ang mga tao at husgahan sila. Iyon ang kanilang pinakakaraniwang pamamaraan. Sa panlabas, tila patas, makatwiran, at talagang akma ang ganitong paraan ng pananalita, pero sa loob, hindi nila intensiyong tumulong sa iba para makinabang ang mga ito, pero para ilantad, husgahan, kondenahin, at insultuhin ang mga ito. Iyon talaga ang gusto nilang maisakatuparan. Kaya ang problema ay kung saan sila nagsisimula(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikatlong Aytem: Inihihiwalay at Binabatikos Nila ang mga Naghahangad sa Katotohanan). “Ang lantarang panunupil ng mga anticristo sa mga tao, pagbukod sa mga tao, pambabatikos laban sa mga tao, at paglantad sa mga problema ng mga tao ay pawang pinupuntirya. Walang pag-aalinlangan, ginagamit nila ang mga kaparaanang tulad nito para puntiryahin ang mga naghahangad sa katotohanan at nakakakilatis sa kanila. Sa pagsira sa mga taong ito, nakakamit nila ang layon na patatagin ang sarili nilang posisyon. Ang pambabatikos at paghihiwalay sa mga tao nang ganito ay likas na mapaminsala. May kalupitan ang kanilang pananalita at paraan ng pagsasalita: paglalantad, pagkondena, paninirang-puri, at panlalapastangan. Binabaluktot pa nila ang mga katunayan, nagsasabi ng mga positibong bagay na para bang negatibo ang mga iyon at ng negatibo na para bang positibo ang mga iyon. Ang pagbabaligtad ng itim at puti at paghahalo-halo ng tama at mali nang ganito ay isinasakatuparan ang layon ng mga anticristo na talunin ang mga tao at sirain ang kanilang reputasyon. Anong pag-iisip ang nag-uudyok sa pambabatikos at paghihiwalay na ito sa mga hindi sumasang-ayon? Kadalasan, nagmumula ito sa inggit. Sa isang malupit na disposisyon, ang inggit ay may kasamang matinding pagkamuhi; at dahil sa inggit nila, binabatikos at inihihiwalay ng mga anticristo ang mga tao. Sa sitwasyong katulad nito, kung ang mga anticristo ay malalantad, maiuulat, mawawalan ng katayuan, at lubos na mababatikos sa kanilang isipan; hindi sila magpapasakop ni matutuwa roon, at magiging mas madali pa nga na magkaroon sila ng determinasyong maghiganti. Ang paghihiganti ay isang uri ng pag-iisip, at isang uri din ito ng tiwaling disposisyon. Kapag nakikita ng mga anticristo na nakasisira sa kanila ang ginawa ng isang tao, na mas may kakayahan ang iba kaysa sa kanila, o na mas maganda o mas madunong ang mga pahayag at mungkahi ng isang tao kaysa sa kanila, at sumasang-ayon ang lahat sa mga pahayag at mungkahi ng taong iyon, nadarama ng mga anticristo na nanganganib ang kanilang posisyon, umuusbong ang inggit at pagkamuhi sa kanilang puso, at nambabatikos at naghihiganti sila. Kapag naghihiganti, karaniwan na ang mga anticristo ang unang umaatake sa kanilang pinupuntirya. Maagap sila sa pambabatikos at pagpapabagsak sa mga tao, hanggang sa magpasakop ang mga ito. Saka lamang nila madarama na nakapaglabas na sila ng galit. Ano ang iba pang mga pagpapamalas ng pambabatikos at paghihiwalay sa mga tao? (Paghamak sa iba.) Ang paghamak sa iba ay isa sa mga paraan ng pagpapamalas nito; gaano ka man kahusay sa paggawa ng iyong trabaho, hahamakin o kokondenahin ka pa rin ng mga anticristo, hanggang sa ikaw ay maging negatibo at mahina at hindi na makatayo. Pagkatapos ay matutuwa sila, at naisakatuparan na nila ang kanilang layon kung magkagayon(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalawang Aytem: Binabatikos at Inihihiwalay Nila ang mga Hindi Sumasang-ayon). Nang mabasa ko ang mga salita ng Diyos, napagtanto ko na natakot akong isipin lang ng iba si Liu Yun at hindi ako hangaan, kaya ko siya inatake at ibinukod, at na isa itong malisyosong disposisyon. Dumating Liu Yun upang suportahan ang aming iglesia at hindi lamang siya gumawa ng tunay na gawain, kundi tinulungan din ako sa aking mga tungkulin. Pero hindi ko inisip kung paano makipagtulungan nang matiwasay sa kanya para sa pagtupad ng mga tungkulin o pagprotekta sa gawain ng iglesia, itinuring ko lang siya bilang isang banta sa aking katayuan at natakot na kung magpapatuloy ang mga bagay gaya ng dati, wala nang hahanga sa akin, kaya sinadya kong hanapin ang mga pagkukulang niya at pagkatapos ay sinamantala ang mga iyon, ginagamit ang “gabay at tulong” bilang paraan para atakihin siya. Bagama’t mukhang tinutulungan ko siyang maunawaan ang kanyang sarili, sa realidad, nagseselos lang ako sa pagiging mas mahusay niya kaysa sa akin sa lahat ng paraan. Gusto kong malimitahan niya ang kanyang sarili at masiraan siya ng loob pagkatapos niyang basahin ang paglalantad at paghahatol ng mga salita ng Diyos, para hindi siya maging ganoon kaangat. Nakita ko na ang “pagtulong” ko kay Liu Yun ay talagang isa lamang pagkukunwari para atakihin siya. Nagseselos ako sa kanya at gusto kong pabagsakin siya, magawa siyang negatibo, at panatilihin siya sa ilalim ko. Ang mga kilos ko ay kapareho ng sa isang anticristo na umaatake at nagbubukod sa mga naghahangad ng katotohanan, gumagamit ng tila mga lehitimo at makatwirang pamamaraan para supilin ang mga tao at sa gayong paraan ay pinatatatag ang kanilang katayuan sa mata ng mga kapatid. Isang malupit na disposisyon ang ibinunyag nito! Ipinadama sa akin ng mga konotasyon ng mga salita ng Diyos na nagkikimkim ang Diyos ng pagkasuklam at pagkamuhi sa mga disposisyon ng mga anticristo at napuno ako ng damdamin ng pagkabahala at takot. Naisip ko na tiyak na kapopootan ako ng Diyos. Kaya nanalangin ako sa Diyos, “O Makapangyarihang Diyos, gusto kong magsisi. Ayaw kong atakihin o ibukod na naman ang aking mga kapatid. Pakiusap, kaawaan mo ako at tulutan mo akong magkamit ng kaunting tunay na pagkilala sa sarili ko mula rito.”

Kalaunan, binasa ko pa ang mga salita ng Diyos na nagbigay sa akin ng kaunting pagkaunawa sa aking problema. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Anong uri ng disposisyon ito kapag may nakita ang isang tao na mas mahusay kaysa sa kanya at sinusubukan niya siyang pabagsakin, nagkakalat ng mga tsismis tungkol sa kanya, o gumagamit ng mga kasuklam-suklam na paraan para siraan siya at isabotahe ang kanyang reputasyon—inaapakan pa ang kanyang pagkatao—para maprotektahan ng taong ito ang sarili niyang puwang sa isip ng mga tao? Hindi lang ito kayabangan at kapalaluan, ito ay disposisyon ni Satanas, ito ay isang malisyosong disposisyon. Mapaminsala at buktot na nagagawa ng taong ito na batikusin at ihiwalay ang mga taong mas mahusay at mas malakas kaysa sa kanya. At ipinapakita ng hindi niya pagtigil hanggang sa mapabagsak ang mga tao kung gaano siya kademonyo! Dahil namumuhay siya ayon sa disposisyon ni Satanas, malamang na maliitin niya ang mga tao, subukang isangkalan sila, at pahirapan sila. Hindi ba ito paggawa ng masama? At habang namumuhay nang ganito, iniisip pa rin niyang maayos ang lagay niya, na mabuti siyang tao—subalit kapag may nakita siya na taong mas magaling kaysa sa kanya, malamang na pahirapan niya ito, na tapak-tapakan niya ito. Ano ang isyu rito? Hindi ba’t ang mga taong kayang gumawa ng ganoong masasamang gawa ay mga imoral at matitigas ang ulo? Ang mga gayong tao ay iniisip lamang ang sarili nilang mga interes, isinasaalang-alang lamang nila ang sarili nilang damdamin, at ang tanging nais nila ay matupad ang sarili nilang mga pagnanasa, ambisyon, at mithiin. Wala silang pakialam kung gaano kalaking pinsala ang idinudulot nila sa gawain ng iglesia, at mas gugustuhin nilang isakripisyo ang mga interes ng sambahayan ng Diyos para maprotektahan ang kanilang katayuan sa isipan ng mga tao at ang sarili nilang reputasyon. Hindi ba’t ang mga taong gaya nito ay mayayabang at nag-aakalang mas matuwid sila kaysa sa iba, mga makasarili at ubod ng sama? Ang gayong mga tao ay hindi lamang mayayabang at nag-aakalang mas matuwid sila kaysa sa iba, labis din silang makasarili at ubod ng sama. Hinding-hindi sila mapagsaalang-alang sa mga layunin ng Diyos. May takot sa Diyos na puso ba ang gayong mga tao? Wala man lang silang takot sa Diyos na puso. Ito ang dahilan kung bakit wala silang pakundangan kung kumilos at ginagawa nila ang anumang gusto nila, nang walang nadaramang anumang pagsisisi, walang anumang pangamba, walang anumang pagkabalisa o pag-aalala, at hindi iniisip ang mga ibubunga nito. Ito ang madalas nilang ginagawa, at kung paano sila palaging kumikilos. Ano ang kalikasan ng ganoong pag-uugali? Sa mas magaang na salita, ang mga gayong tao ay napakamainggitin at may napakalakas na paghahangad para sa pansariling reputasyon at katayuan; sila ay napakamapanlinlang at traydor. Sa mas masakit na pananalita, ang diwa ng problema ay ang gayong mga tao ay wala man lang may-takot-sa-Diyos na puso. Hindi sila takot sa Diyos, naniniwala sila na sila ang pinakamahalaga, at itinuturing nila na bawat aspeto ng kanilang sarili ay mas mataas kaysa sa Diyos at mas mataas kaysa sa katotohanan. Sa kanilang puso, ang Diyos ay hindi karapat-dapat banggitin at hindi mahalaga, at wala man lang anumang mataas na katayuan ang Diyos sa kanilang puso. Maisasagawa ba ang katotohanan ng mga walang puwang ang Diyos sa puso nila, at ng mga walang may-takot-sa-Diyos na puso? Hinding-hindi. Kaya, kapag karaniwan ay masaya silang kumikilos at pinananatiling abala ang kanilang sarili at gumugugol ng matinding lakas, ano ang ginagawa nila? Sinasabi pa ng mga taong ito na tinalikuran na nila ang lahat upang gumugol para sa Diyos at nagdusa na sila nang malaki, ngunit ang totoo, ang motibo, prinsipyo, at layon ng lahat ng kilos nila ay para sa sarili nilang katayuan at reputasyon, para maprotektahan ang lahat ng interes nila. Masasabi ba ninyo o hindi ninyo masasabing masama ang ganitong uri ng tao? Anong uri ng mga tao ang naniniwala sa Diyos sa loob ng maraming taon, subalit wala namang may-takot-sa-Diyos na puso? Hindi ba’t mapagmataas sila? Hindi ba’t mga Satanas sila? At anong mga bagay ang pinakawala sa walang takot sa Diyos na puso? Bukod sa mga halimaw, ito ay ang masama at ang mga anticristo, ang kauri ng mga diyablo at ni Satanas. Hindi talaga nila tinatanggap ang katotohanan; wala silang anumang may-takot-sa-Diyos na puso. Kaya nilang gumawa ng anumang kasamaan; sila ang mga kaaway ng Diyos, at ang mga kaaway ng Kanyang mga hinirang na tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Limang Kondisyong Dapat Matugunan para Makapagsimula sa Tamang Landas ng Pananalig sa Diyos). Sa pagbabasa ko ng mga salita ng Diyos at pag-aayon ng mga ito sa sarili kong pag-uugali, naunawaan ko na ang pagbubukod at panunupil ko sa iba ay nag-ugat sa aking ganap na kawalan ng isang may-takot-sa-Diyos na puso. Pawang alang-alang sa sarili kong reputasyon at katayuan ang mga ideya, kaisipan, at kilos ko. Bago dumating si Liu Yun, angat ako sa bawat paraan, pero nang makita ko kung paano niya ako nalamangan sa lahat ng aspekto, nagselos ako at hindi magawang tanggapin ang superyoridad niya, at ayaw kong malampasan niya ako. Ito ang dahilan kung bakit ko sinamantala ang katiwaliang ibinunyag niya at ginamit ang “pagtulong” sa kanya bilang isang tila lehitimong paraan upang ipahiya siya, ipakita sa lahat ang mga kapintasan niya, at mabawi ang paghanga ng mga tao. Sa paggawa nito, ginamit ko ang mga salita ng Diyos bilang isang sandata upang atakihin si Liu Yun, gustong ipadama sa kanya ang pagkanegatibo at mawalan siya ng ganang gawin ang kanyang tungkulin, binibigyang-daan akong umangat at pinipigilan ang iba na makita ang kasuklam-suklam kong layunin. Napakatraydor at napakabuktot ko! Namuhay ako sa pamamagitan ng mga satanikong lason, iniisip na hindi ganoon kalaki ang iglesia para sa aming dalawa. Hindi ko kayang hayaan na may nakahihigit o nakakalamang sa akin sa iglesia. Gusto kong patuloy na matamasa ang paghanga ng iba at magkaroon ng lugar sa mga puso nila dahil lamang nagkakamit ako ng kaunting resulta sa aking gawain. Isang may kakayahang manggagawa si Liu Yun, epektibo sa kanyang mga tungkulin, at nagagawang pasulungin ang iba’t ibang gampanin ng iglesia, pero hindi ko inisip kung paano makipagtulungan nang matiwasay sa kanya sa paggawa ng mga tungkulin o pagprotekta sa gawain ng iglesia. Inisip ko lamang ang tungkol sa pagiging pinakanagniningning, hanggang sa punto na inaatake si Liu Yun upang ipadama sa kanya ang pagkanegatibo at palakihin ang sarili ko. Wala man lang akong pagsasaalang-alang kung maaapektuhan ba nito ang gawain ng iglesia, at nakita kong wala akong anumang may-takot-sa-Diyos na puso. Hinihingi ng Diyos sa mga kapatid na makipagtulungan sa pagseserbisyo at tuparin ang kanilang mga tungkulin na nagkakaisa sa puso at isipan. Gayumpaman, noong may nakita akong isang tao sa iglesia na may kakayahang gumawa ng tunay na gawain at resolbahin ang mga problema, ang inisip ko lang ay kung paano niya ako maaaring agawan ng paghanga ng iba, kaya ibinukod at sinupil ko siya. Tinrato ko ang iglesia bilang isang lugar para ipakita ang mga abilidad ko, at ang ginawa ko ay nagdudulot ng mga pagkagambala at pagkakagulo, na isang bagay na tunay na kinamumuhian ng Diyos! Umusal ako sa Diyos ng isang tahimik na panalangin, “O Diyos ko, ang Iyong mga salita ng paghatol, paglalantad, paggabay, at panustos ay nagtulot sa akin na unti-unting magkamit ng kaunting pagkaunawa sa sarili ko, at nakikita ko na ang paghahabol sa reputasyon at katayuan ay maglalagay lamang sa akin sa paglaban sa Iyo. Ayaw ko nang sumalungat sa Iyo. Handa akong magsagawa ayon sa Iyong mga salita. Pakigabayan Mo ako!”

Pagkatapos nito, binasa ko pa ang mga salita ng Diyos: “Bilang isang miyembro ng nilikhang sangkatauhan, kailangang panatilihin ng isang tao ang kanyang sariling posisyon, at umasal nang may konsensiya. Matapat na bantayan kung ano ang ipinagkatiwala sa iyo ng Lumikha. Huwag kumilos nang wala sa lugar, o gawin ang mga bagay-bagay na labas sa saklaw ng iyong kakayahan o na kasuklam-suklam sa Diyos. Huwag subukang maging isang dakilang tao, isang superman, o isang engrandeng indibidwal, at huwag hangarin na maging Diyos. Ito ang hindi dapat naisin ng tao. Katawa-tawa ang paghahangad na maging dakila o superman. Ang paghahangad na maging Diyos ay lalo pang mas kahiya-hiya; ito ay karima-rimarim, at kasuklam-suklam. Ang mahalaga, at ang dapat na panghawakan ng mga nilikha nang higit pa sa anumang mga bagay, ay ang maging tunay na nilikha; ito lamang ang tanging layon na dapat hangarin ng lahat ng tao(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I). “Para sa lahat ng gumaganap ng tungkulin, gaano man kalalim o kababaw ang kanilang pagkaunawa sa katotohanan, ang pinakasimpleng paraan para isagawa ang pagpasok sa katotohanang realidad ay ang isipin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos sa lahat ng bagay, at bitiwan ang kanilang mga makasariling hangarin, mga personal na layunin, mga motibo, pagmamalaki, at katayuan. Unahin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos—ito man lang ay dapat gawin ng isang tao. Kung ni hindi man lang ito magawa ng isang taong gumaganap ng tungkulin, paano masasabi na ginagampanan niya ang kanyang tungkulin? Hindi iyon pagganap ng kanyang tungkulin. Dapat mo munang isipin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos, at isaalang-alang ang gawain ng iglesia. Unahin mo muna ang mga bagay na ito; pagkatapos niyan, saka mo lamang maaaring isipin ang katatagan ng iyong katayuan o kung ano ang tingin sa iyo ng iba. Hindi ba ninyo nararamdaman na mas dumadali ito nang kaunti kapag hinahati ninyo ito sa dalawang hakbang at gumagawa kayo ng ilang kompromiso? Kung magsasagawa ka nang ganito sa maikling panahon, madarama mo na hindi naman pala mahirap na bigyang-kasiyahan ang Diyos. Bukod pa riyan, dapat mong magawang tuparin ang iyong mga responsabilidad, gampanan ang iyong mga obligasyon at ang iyong tungkulin, at isantabi ang iyong mga makasariling hangarin, layon, at motibo; dapat kang magpakita ng pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos, at unahin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, ang gawain ng iglesia, at ang tungkulin na dapat mong gampanan. Pagkatapos danasin ito sa sandaling panahon, madarama mo na magandang umasal sa ganitong paraan. Ito ay pamumuhay nang prangka at tapat, at hindi pagiging isang hamak at kasuklam-suklam na tao; pamumuhay ito nang makatarungan at marangal sa halip na pagiging kasuklam-suklam, hamak, at walang silbi. Madarama mo na ganito dapat kumilos ang isang tao at ito ang wangis na dapat niyang isabuhay. Unti-unti, mababawasan ang hangarin mong bigyang-kasiyahan ang sarili mong mga interes(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Ipinaunawa sa akin ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos na hinihingi sa atin ng Diyos na umasal nang tapat, gawin nang maayos ang ating mga tungkulin, at gawin ang lahat ng bagay sa harap Niya at tanggapin ang pagsisiyasat Niya. Kapag nakita natin ang iba na nalalampasan tayo, dapat tayong magkaroon ng isang may-takot-sa-Diyos na puso, mas lalong manalangin sa Kanya, isantabi ang ating paghahangad sa paghanga, reputasyon, at katayuan, at magsimula sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, kung paano gawin nang maayos ang ating mga tungkulin, kung paano kumilos sa paraang nakakalugod sa Diyos, at pagkatapos, dapat tayong makipagtulungan nang matiwasay sa iba upang tuparin ang ating mga tungkulin at paluguran ang Diyos, at gawin ang mga bagay na kapaki-pakinabang sa buhay ng ating mga kapatid. Sa pamamagitan ng pag-asal at paggawa sa mga bagay sa ganitong paraan, makapapamuhay tayo nang bukas at makakamit ang pagsang-ayon ng Diyos. Nang maunawaan ko ang mga ito, nagkusa akong magtapat kay Liu Yun at sa iba tungkol sa katiwaliang ibinubunyag ko. Medyo nahiya ako habang ginagawa ko ito, kaya umusal ako ng isang tahimik na panalangin, na hinihingi sa Diyos na bigyan ako ng lakas ng loob. Hindi ako hinamak ng mga kapatid pagkatapos ng aking pag-amin, at sinabi ni Liu Yun na sa pamamagitan ng aking paggabay at pagpupungos sa kanya, mas naunawaan niya nang kaunti pa ang kanyang tiwaling disposisyon. Dahil nakita ko na nagawa ni Liu Yun na harapin nang tama ang mga bagay at magkamit ng kaunting pagpasok, pinasalamatan ko ang Diyos mula sa kaibuturan ng puso ko, at pinasalamatan ko rin ang Diyos sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon na makilala ang sarili ko, makapagsisi at magbago.

Makalipas ang ilang panahon, tinatalakay ni Liu Yun sa amin ang gawain, at sinabi niya ang tungkol sa ilang pananaw niya sa gawain. Naisip ko, “Ang galing-galing mong magsalita at napakarami mong sinasabi, paano ako magiging angat? Ang totoo niyan ay may kulang pa rin sa ilang aspekto ng iyong gawain ng pagsubaybay. Kailangan kong tukuyin ang mga pagkukulang na ito sa iyong gawain ng pagsubaybay para makita ng mga katrabaho natin ang mga paglihis mo sa iyong mga kamakailan lang na tungkulin.” Nang sandaling iyon, napagtanto ko, na gusto ko na namang hangarin ang paghanga ng iba at lampasan si Liu Yun. Naisip ko ang sinabi ng Diyos, na ang mga naghahangad ng reputasyon at katayuan ay wala kahit anong pusong may-takot-sa-Diyos, at na ang masasamang tao at mga anticristo lamang ang gumagawa ng gayong mga bagay. Nagsimula kong bahagyang kamuhian ang sarili ko at ayaw kong magpatuloy nang ganito. Pagkatapos ay naalala ko ang isang himno ng mga salita ng Diyos: “Sa Pagtanggap sa Pagsisiyasat ng Diyos Ka Makakapamuhay sa Harap Niya.” Sinasabi nito: “Lahat ng iyong ginagawa, bawat kilos, bawat layunin, at bawat tugon ay dapat dalhin sa harap ng Diyos. Kahit ang iyong pang-araw-araw na espirituwal na buhay—ang iyong mga dalangin, ang iyong pagiging malapit sa Diyos, kung paano ka kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, ang pakikipagbahaginan mo sa iyong mga kapatid, at ang buhay mo sa loob ng iglesia—at ang iyong paglilingkod bilang pagtulong ay maaaring dalhin sa harap ng Diyos para sa Kanyang masusing pagsusuri. Ang gayong pagsasagawa ang tutulong sa iyo na lumago sa buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pineperpekto ng Diyos Yaong mga Kaayon ng Kanyang Puso). Umusal ako ng isang tahimik na panalangin sa Diyos, “O Makapangyarihang Diyos, gusto kong itama ang pagnanais kong hanapin ang reputasyon at katayuan at tumigil sa pakikipagkompetensiya kay Liu Yun. Pakibantayan at pakiprotektahan Mo ang puso ko. Handa akong tanggapin ang pagsisiyasat Mo.” Pagkatapos manalangin nang ganito, mas lalo akong nakadama ng kapanatagan. Kaya tinalakay namin kung paano tutuloy sa aming mga tungkulin mula ngayon. Nagbahaginan kami nang nakikipagtulungan sa isa’t isa at nagkamit ng ilang layon at direksyon. Pagkatapos magsagawa sa ganitong paraan, mas naging panatag at maaliwalas ang puso ko, at napagtanto ko na ang pagsasagawa ayon sa mga salita ng Diyos ay ginagawang walang kahirap-hirap at matiwasay ang pakikipag-ugnayan sa iba. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!

Sinundan: 62. Sa Wakas ay Nagkamit Ako ng Kaunting Kamalayan sa Sarili

Sumunod: 64. Paglaya Mula sa Putikan ng Yaman at Katanyagan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito