32. Nangahas Akong Labanan ang Masasamang Puwersa ng mga Anticristo

Ni Wang Ju, Tsina

Pagkatapos manampalataya sa Diyos nang mahigit isang taon, naglingkod ako bilang lider ng grupo sa iglesia. Si Ye Ping ang aming lider sa iglesia. Nakita ko na mataas ang kakayahan niya, ginagawa niya nang masigasig ang kanyang tungkulin, at nagsasaayos siya ng gawain sa isang maayos at malinaw na paraan. Tuwing may problema ang sinuman, mabilis siyang nakakahanap ng mga akmang salita ng Diyos para ibahagi rito at nag-aalok siya ng tulong. Hinahangaan siya ng lahat at iniisip nila na nauunawaan niya ang katotohanan. Sa mga pagtitipon, madalas sabihin ni Ye Ping, “Napakaabala sa gawain ang iglesia ngayon, at dapat akong mag-abala kapwa sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo at ng pagdidilig. Karamihan ng mga tao sa iglesia ay mga bagong mananampalataya na hindi pa nakakaunawa ng katotohanan, kaya kailangan kong bigyan ng atensyon ang kanilang buhay pagpasok.” Inisip ng lahat ng kapatid na may pasanin siya, at kapag nahaharap sila sa mga problema, hinihintay nila si Ye Ping para makabahaginan. Hinangaan ko rin siya at inakala ko na isa siyang mabuting lider sa aming iglesia. Noong panahong iyon, ang lahat ng tao sa iglesia ay mataas ang tingin kay Ye Ping at madalas nilang sabihin na alam niya kung paano magbahagi at na mahusay siyang manggagawa. Kapag naririnig ito ni Ye Ping, nagpapakita siya ng isang nasisiyahang ekspresyon at may pagmamalaking sinasabi, “Naasikaso ko nang maigi ang lahat ng aytem ng gawain sa loob ng iglesia, at natatandaan ko ang mga sitwasyon ng bawat kapatid.” Naisip ko na ang yabang naman niya para sabihin ang bagay na iyon. Pero naisip ko na dahil lahat ng taong matataas ang kakayahan at may mga kaloob ay medyo mayabang, sapat nang magawa niya nang maayos ang gawain ng iglesia, kaya hindi ko na iyon sineryoso.

Pagkatapos niyon, natuklasan ko na si Ye Ping ang namumuno sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo pero hindi pa siya nagbahagi kailanman tungkol sa mga prinsipyo ng pagpapalaganap ng ebanghelyo o tungkol sa layunin ng Diyos. Hindi siya nakalutas ng mga tunay na problema, at nag-utos lang siya sa mga tao at gumawa ng mabababaw na trabaho. Minsan, isinaayos ni Ye Ping na magpalaganap ako ng ebanghelyo sa isang potensyal na tatanggap ng ebanghelyo. Habang nag-uusap kami, maya’t maya akong pisikal na hinarass ng taong tatanggap ng ebanghelyo. Nakita ko na ang kalikasan ng taong ito ay sobrang buktot, at hindi niya talaga tapat na sinisiyasat ang tunay na landas. Iniulat ko ito agad-agad kay Ye Ping. Sa gulat ko, masungit niya akong pinagalitan, “Iilang beses ka pa lang nagpunta at sumusuko ka na? Anong mga aral ang natutunan mo?” Tinapos niya ang pagsasalita at umalis na. Noong panahong iyon, nalito ako kung bakit bigla niya akong pinagalitan, at pakiramdam ko ay naagrabyado ako, “Hinarass ako ng isang tao, at hindi mo ako pinaginhawa ni nilutas ang problema, sa halip ay pinagalitan mo ako. Nasaan doon ang habag mo at pag-ako mo ng responsabilidad?” Kalaunan, patuloy akong naghanap, at nakumpirma ko na buktot ang kalikasan ng taong ito, na hindi niya minamahal ang katotohanan, at hindi siya karapat-dapat na tumanggap ng ebanghelyo, kaya sinukuan ko na lang siya. Pero pagkatapos nito, kahit walang dahilan ay palaging nakakahanap ng mali sa akin si Ye Ping. Halimbawa, sadya niya akong tatanungin ng ilang tanong, at kapag hindi ko nasagot, tatawagin niya akong magulo ang isip. Pinapunta niya rin ako para tumulong sa isang tao na hindi naghahangad sa katotohanan kahit kaunti. Nang hindi ko ito matulungan, sinamantala niya ang pagkakataon para sermunan ako. Hindi ko na pinangahasang iulat ang problemang ito sa mga nakatataas na lider, dahil inisip ko na lider din naman siya, at mataas ang tingin sa kanya ng maraming kapatid. Samantala, lider lang ako ng isang grupo, at dapat gawin ko ang makakaya ko para hindi ko mapasama ang loob niya. Pero hindi ko inasahan na ipapahinto ni Ye Ping nang wala sa katwiran ang tungkulin ko bilang lider ng grupo at isasaayos niya na makipagtipon ako kasama ang dalawang taong hindi man lang naghahangad sa katotohanan. Sa mga pagtitipon, iyong isa ay palaging nakakatulog, at iyong isa naman ay palagi akong kinukulit na makipagtsismisan. Pagkatapos ng dalawang buwan, walang natamo mula sa mga pagtitipong ito, at ako ay nasa kalagayan ng pagkalito. Naisip ko noong nakikipagtipon ako dati, kung paanong nagtatapat ang lahat at nagbabahagi tungkol sa kanilang mga karanasan at kaalaman, na sobrang ikinalugod ko. Pero ngayon, labis akong nasasaktan, at labis din akong negatibo at mahina. Naisip ko na sa pagdalo sa mga pagtitipon dito, sobrang laki ng nawala sa buhay ko. Kung magpapatuloy ako nang ganito, makakamit ko ba ang katotohanan at matatamo ang kaligtasan? Nalaman ko lang kalaunan na ibinubukod pala ako ni Ye Ping kaya pinapagtipon niya ako kasama ang dalawang taong paaalisin na. Nang malaman ko ang katotohanan, nasaktan at nagalit ako. Hindi ko talaga inakala na ganito siya katuso at kamapaghangad ng masama. Ang pagpapahirap sa akin nang ganito dahil hindi ako nakinig sa kanya, hindi ba’t ganito ang ginagawa ng masasamang tao? Nang panahong iyon, gusto ko talagang iulat ang sitwasyon ni Ye Ping sa mga lider at manggagawa, at makipagbahaginan sa mga kapatid at kilatisin siya. Pero, dahil noon pa lider sa iglesia si Ye Ping at maraming kapatid ang mataas ang tingin sa kanya, kung magbabahagi ako sa aking mga kapatid at kikilatisin ko siya, maniniwala ba silang lahat sa akin? Kapag narinig iyon ni Ye Ping, siguradong patuloy siyang maghihiganti at magpapahirap sa akin. Kung aakusahan niya ako at mapapaalis ako, hindi ba’t magtatapos na ang landas ko ng pananampalataya sa Diyos? Nang maisip ko ito, nilunok ko ang aking mga hinaing. Hindi nagtagal, dahil sa mga pagsasaalang-alang sa kaligtasan, hindi na nagawa ni Ye Ping na pamunuan ang gawain ng iglesia, at isang kapatid ang pansamantalang isinaayos na mamuno. Nang makipagtipon sa amin ang kapatid na ito, nakita niya na may ilang kaliwanagan at liwanag sa aking pagbabahagi tungkol sa mga salita ng Diyos at na handa akong gawin ang tungkulin ko, kaya pagkatapos maunawaan ang aking sitwasyon, pinayagan niya ako na ipagpatuloy ang aking tungkulin.

Pagkatapos niyon, narinig ko na dalawa pang kapatid ang patuloy na ibinubukod sa di malamang mga dahilan. Pagkarinig ko sa mga detalye, nalaman ko na ibinukod ni Ye Ping ang dalawang kapatid na ito dahil sa pagtatanggol nila sa isa pang kapatid. Dahil naantala ang gawain ng ebanghelyo dahil sa kapatid na iyon, walang tigil siyang pinungusan ni Ye Ping. Ipinaalala ng dalawang kapatid kay Ye Ping na, “Alam na niyang mali siya. Hindi mo siya dapat pungusan lang basta; dapat bahaginan mo rin siya tungkol sa katotohanan para malutas ang problema.” Pagkarinig nito, sobrang nairita si Ye Ping, at agad niyang ibinukod ang dalawa. Kapag hindi sumunod ang mga kapatid o ginalit siya ng mga ito, panghahawakan niya ang kanilang mga pagsalangsang at pagkukulang para pahirapan sila. Ito ay isang masamang gawa! Sa isang pagtitipon, nagbahagi ako at kinilatis ko siya, at pinatigil ako ng isang kapatid at sinabing, “Hinihingi mo ba na kilatisin namin si Ye Ping dahil gusto mong maghiganti sa kanya sa pagbubukod niya sa iyo noon? Kung ganoon nga, kailangan mo talagang magnilay sa sarili mo.” Nang marinig ko ito, napagtanto ko na karamihan sa mga kapatid ay nailigaw ni Ye Ping at mataas ang tingin nila sa kanya. Ako ay lider lang ng isang grupo, kaya paano nila mapaniniwalaan ang sinabi ko at kikilatisin ang isang tao na maraming taon nang lider? Sa panahon na ito, biglang pakiramdam ko ay nanliit ako. Naisip ko, “Ang pagkaunawa ko sa katotohanan ay mababaw, at hindi ko kayang lubusang himayin ang problema ni Ye Ping nang sabay-sabay. Kung patuloy akong magsasalita, baka iba ang maging pagkaintindi nila at isipin nilang naghihiganti ako para sa kapakanan ng aking mga personal na interes. Kung malalaman ito ni Ye Ping, baka ideklara niya na naghihiganti ako sa isang lider at patalsikin ako. Kung magkakagayon, hindi ba’t mawawala rin ang pagkakataon kong manampalataya sa Diyos? Hindi bale na. Mas mabuti nang hayaan ko na lang iyon para makaiwas ako sa gulo at hindi ako magdala ng problema sa sarili ko.” Kalaunan, pumili ng mga bagong lider at manggagawa ang iglesia, at napili ako bilang isang diyakono sa pagdidilig. Napiling mga lider sa iglesia sina Xin Ya at Li Ru, at ginawa naman si Ye Ping na pinuno sa gawain na patungkol sa teksto. Nagkaroon ng sama ng loob si Ye Ping sa puso niya dahil hindi siya napiling maging lider. Noong tumagal-tagal, palihim niyang inengganyo ang kapatid niya at si Wang Jing at binaluktot niya ang tama at mali at nagpakalat siya ng mga tsismis sa harap ng mga kapatid. Sinabi niya na ang mga napiling lider sa pagkakataong ito ay hinirang na bago pa ang halalan, kaya nailigaw niya ang mga kapatid at nakuha niya ang suporta nila sa pagbaligtad ng resulta ng halalan. Buti na lang, nauna nang nagbahagi ang mga lider sa lahat tungkol sa mga prinsipyo ng paghalal, kaya alam na ng mga kapatid ang loob at labas ng bagay na ito at hindi sila naloko. Pagkarinig sa bagay na ito, nagalit ako at nag-alala, at sinabi ko sa mga lider, “Isang bagay iyong pagpapahirap ni Ye Ping sa mga tao noon, at ngayon ay inililigaw niya at ineengganyo ang mga kapatid at inaabala ang gawain ng iglesia. Sobrang sama ng kalikasan nito! Kailangang maiulat ito agad sa nakatataas na mga lider!” Kapareho sa akin ang opinyon ng mga lider at iniulat nila ang sitwasyon sa nakatataas na lider na si Liu Ruo. Isiniwalat ni Liu Ruo ang masasamang gawa ni Ye Ping, ng kapatid nito at ni Wang Jing, pero pagkaalis ni Liu Ruo, kahit kaunti ay hindi nagpigil si Ye Ping at patuloy na nagpakalat ng mga salita niya sa iglesia, “Hindi kayang gumawa ng aktuwal na gawain ang mga lider at manggagawa at wala sa kanila ang gawain ng Banal na Espiritu; mga huwad na lider silang lahat. Hindi makakagawa ng gawain ng iglesia ang mga huwad na lider at hindi nila alam kung paano magbahagi tungkol sa katotohanan para malutas ang mga problema. Ang tanging nagagawa nila ay maminsala ng mga tao.” Kinausap din ni Ye Ping at ng iba pa ang mga nakabukod, “Tapat ninyong ginagawa ang tungkulin ninyo, at ang mga huwad na lider na iyon ang nagsawata at nagbukod sa inyo.” Sinabi rin nila sa isang kapatid na gumagawa ng tungkulin bilang host, “Walang silbi ang matapat na paggawa mo ng iyong tungkulin. Si ganito at ganyan ay gumawa rin ng tungkuling iyan gaya mo, at ngayon ibinukod na sila. Mangyayari din iyon sa iyo.” Matapos mapukaw at mailigaw ni Ye Ping at ng pangkat niya ang ilang taong walang pagkilatis, nagkaroon sila ng mga haka-hakang ideya tungkol sa mga lider at hindi sila nakipagbahaginan tungkol sa mga salita ng Diyos sa mga pagtitipon, palaging hinuhusgahan ang mga kamalian ng mga lider at inaatake at hinuhusgahan ang mga lider bilang mga walang kakayanang gumawa ng aktuwal na gawain. Mataas din ang tingin nila kay Ye Ping, sinasabi nila na marunong siyang magbahagi, marunong gumawa ng gawain ng iglesia, at akmang maging lider. Nailigaw rin nila ang ilang kapatid, nasulsulan ang mga ito na iulat ang mga kasalukuyang lider. Gumawa ng malaking problema sa buhay iglesia si Ye Ping at dinala niya ito sa kaguluhan, at hindi makasulong ang gawain. Nang makita kong naging ganito ang iglesia, may pakiramdam sa puso ko na hindi ko maipaliwanag. Upang makipaglaban para sa posisyon ng lider, napakaraming kasamaan ang ginawa ni Ye Ping. Isa siyang ganap na diyablo at kinakalaban niya ang Diyos!

Pagkatapos niyon, iniulat ko ang sitwasyon ni Ye Ping sa mangangaral. Agad nagbahagi ang mangangaral kay Ye Ping at sa iba pa. Ilang salita pa lang ang naibabahagi niya nang atakihin siya ni Ye Ping at ng pangkat nito, sinasabing kumakampi siya sa mga huwad na lider at hindi niya pinangangalagaan ang gawain ng iglesia. Ang pasalitang pag-atake na ito ay nagpaiyak sa mangangaral, at pagkatapos niyon, upang apulain agad ang kaguluhan, tinanggal niya ang dalawang lider sa iglesia at ang isang diyakono ng ebanghelyo nang walang dahilan. Pagkakita sa pagsasaayos na ito, hindi na kinaya ng puso ko, at naisip ko, “Hindi ba’t nababaligtad ang mga bagay? Hindi niya pinangasiwaan ang taong gumawa ng masama, kundi tinanggal pa ang mga kayang gumawa ng aktuwal na gawain. Napakawalang prinsipyo nito! Hindi ba’t sinusundan niya si Ye Ping sa paggawa ng masama?” Tinanong ko ang mangangaral, “Sa aling mga pag-uugali nila at sa aling mga prinsipyo mo ibinase ang desisyon mong palitan ang mga taong ito?” Sinabi niya na hindi malutas ng mga lider na ito at ng diyakono ng ebanghelyo ang mga problema ng mga kapatid, na hindi nagsalita ang mga ito tungkol sa sarili nilang katiwalian sa mga pagtitipon at na wala sa kanila ang gawain ng Banal na Espiritu, at pagkatapos ay ginawa niya akong pansamantalang tagapangasiwa ng gawain ng iglesia. Pagkarinig sa mga dahilang ibinigay ng mangangaral at pagkakita na sobrang pareho ang mga ito sa mga atake ni Ye Ping at ng pangkat niya laban sa mga lider, galit na galit ako. Sa daan pauwi, sadyang hindi ko matanggap iyon. Ngayon, maging ang mangangaral ay kumakampi kay Ye Ping. Ang lahat ng lider ng iglesia ay tinanggal na, at ako ay isa lamang diyakono sa pagdidilig. Wala akong mga prinsipyo sa pagkilatis, at hindi ako makapagbahagi nang malinaw tungkol sa katotohanan. Kung hindi ko magagawa nang maayos ang trabaho ko, hindi ba’t gagamitin ito ni Ye Ping bilang dahilan para ikondena at iulat ako? Bukod doon, magaling magsalita si Ye Ping at ang iba, at nailigaw na nila ang mga kapatid, kaya sino ang kakampi sa akin? Dahil sa mga ganitong kaisipan, ganap akong nawalan ng lakas ng loob at sobrang nanghina ang puso ko. Habang iniisip ko na kailangan kong maging responsable para sa gawain ng iglesia, medyo kimi ako. Ang posisyon ng pagiging lider ang habol ni Ye Ping, at kung ako ang mangangasiwa sa gawain ng iglesia, tiyak na iisipin niyang inookupa ko ang posisyon niya at tatargetin niya ako. Yamang may masamang hangarin ang pagkatao niya, papalampasin ba niya ako? Gagamit ba siya ng mas masama pang paraan para pahirapan ako? Habang mas iniisip ko ito, mas lalo akong nag-aalala at nababalisa, at binalak ko na ipangasiwa kay Sister Li Ru ang gawain ng iglesia sa ngalan ko. Sa ganitong paraan, hindi ako direktang aatakihin ni Ye Ping at ng mga kasama niya. Pagkatapos niyon, nang magsakatuparan kami ng gawain na nasa maliliit na grupo, pinapunta ko si Li Ru sa grupong kinabibilangan ni Ye Ping. Ang resulta, inatake nila si Li Ru. Hindi maisakatuparan ang gawain, at naapektuhan din ang kalagayan ni Li Ru. Sinisi ko ang sarili ko at nainis ako sa pagiging makasarili ko. Pero, kung talagang kailangan kong pangasiwaan ang bagay na ito, hindi ako magkakaroon ng pananampalataya para gawin ito. Kaya nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, may masasamang taong nang-aabala sa iglesia, at kailangan kong tumindig at pangalagaan ang gawain ng iglesia, pero natatakot akong gagamitin ito ni Ye Ping at ng mga kasama niya bilang paraan para pigilan at pahirapan ako, na magiging dahilan para mawala sa akin ang tungkulin ko. Nagtatago ako sa likuran na parang isang duwag, at hindi ko natupad ang aking responsabilidad. O Diyos, nagmamakaawa ako sa Iyo na bigyan Mo ako ng tapang at pananampalataya.” Pagkatapos kong manalangin, nakita ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nagpahiya sa akin. Sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Kung hindi kayang ipahayag ng mga tao ang nararapat nilang ipahayag habang naglilingkod o makamit kung ano ang likas na posible para sa kanila, at sa halip ay iniraraos lang nila ang mga bagay-bagay, naiwala na nila ang tungkuling dapat taglayin ng isang nilalang. Ang gayong mga tao ay kilala bilang ‘mga walang-kabuluhan’; sila ay mga walang-silbing yagit. Paano matatawag nang wasto na mga nilalang ang gayong mga tao?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao). Sinabi ng Diyos na ang mga hindi nakakagawa ng lahat ng bagay na kaya nila ay “mga walang-kabuluhan” at “mga walang-silbing yagit.” Ako ay ganoong tao. Nakita ko na partikular na inaalala ni Ye Ping ang kanyang reputasyon at katayuan at inaatake at ginagantihan niya ang mga sumusuway sa kanya, gumagamit ng maruruming panlilinlang para pahirapan sila. Upang makipaglaban para sa posisyon ng lider, nagpakana pa siya para iligaw ang mga tao at samahan nila siyang baligtarin ang mga resulta ng halalan. Kasama ang pangkat niya, naghasik siya ng alitan sa pagitan ng mga kapatid at ng mga lider. Walang duda at napakalinaw kong nakita ang masamang hangarin sa pag-uugali niya, pero nang magbahagi ako at kilatisin ko si Ye Ping at maghinala ang mga kapatid na naghihiganti ako sa kanya, natakot ako na kung patuloy ko siyang kikilatisin, sa huli ay mas maraming tao ang titindig para kumontra sa akin. Para protektahan ang sarili ko at umiwas na mapahamak at maatake ni Ye Ping at ng mga kasama niya, nawala pa nga ang kakaunting tapang na mayroon ako para kilatisin siya. Noong itinalaga sa akin ang gawain ng iglesia matapos tanggalin ang dalawang lider at ang diyakono, ang una kong naisip ay ang mga eksena kung saan inaatake ni Ye Ping at ng pangkat niya ang mga lider, at natakot ako na kung ako ang mangangasiwa sa gawain ng iglesia, maniniwala si Ye Ping na inookupa ko ang posisyon niya at gagamitin niya iyon para maghiganti sa akin. Palagi kong ginustong iwasan ang responsabilidad na ito at hindi ako nangahas na pangasiwaan ang gawain ng iglesia. Alam na alam kong labis-labis ang kasamaan ni Ye Ping at ng mga kasama niya. Inatake rin nila si Li Ru nang maraming beses. Gusto ko lang protektahan ang sarili ko, kaya noong nagtatakda ako ng gawain, sinadya kong papuntahin si Li Ru para komprontahin sila. Ginamit ko si Li Ru bilang panangga. Paano ako naging sobrang makasarili at kasuklam-suklam? Sa harap ng masasamang puwersa ng mga anticristo na nang-aabala sa iglesia, hindi ko itinaguyod ang mga prinsipyo at hindi ko nakayang tumindig sa panig ng katarungan. Paano ako maituturing na isang nilikha? Napakawalang-silbi ko talaga; sobrang nabigo ko ang Diyos! Habang mas sinusubukan kong pag-isipan ang mga salita ng Diyos, mas lalo kong sinisisi ang sarili ko at mas lalo akong nakararamdam ng pagsisisi. Hindi ko na kayang sugatan pa ang puso ng Diyos, at hindi na ako pwedeng maging sobrang makasarili at duwag, na sarili lamang ang isinasaalang-alang. Kailangan kong magpasakop sa mga sitwasyon na isinaayos ng Diyos, at ibigay ang kaya ko para magawa ang gawain ng iglesia nang una sa lahat. Pagkatapos niyon, may tapang na akong harapin si Ye Ping at ang mga kasama niya. Kahit na aatakihin pa rin ako ni Ye Ping at ng iba pa kapag isinakatuparan ko ang gawain, kahit gaano pa sila kawalang-katwiran, hindi ko na sila iiwasan. Bibigyan ko lang ng atensyon ang pagbabahagi ng mga katotohanang prinsipyo at hindi ako magpapaimpluwensiya sa kanila.

Pagkatapos niyon, nagnilay ako sa sarili ko, iniisip na, “Bakit ba ako sobrang takot sa kanila at bakit ba ako hindi nangangahas na harapin sila?” Sa gitna ng paghahanap na ito, nakita ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos na sobrang pumukaw sa akin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kapag nakipagsagupaan ang katarungan sa kasamaan, hindi sisiklab ang galit ng tao upang ipagtanggol ang pag-iral ng katarungan o upang pagtibayin ito; bagkus, kapag ang mga puwersa ng katarungan ay nanganganib, inuusig at inaatake, ang ginagawa ng tao ay ang di-pagpansin, pag-iwas o paglayo. Subalit, kapag humaharap naman sa mga puwersa ng kabuktutan, ang ginagawa ng tao ay ang pagpapaunlak, at labis na pagyuko(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II). “Sinabi ng Diyos: ‘Kung walang pahintulot ang Diyos, mahirap para kay Satanas na hipuin kahit na ang isang patak ng tubig o butil ng buhangin sa lupa; kung walang pahintulot ang Diyos, ni hindi malaya si Satanas na galawin man lamang ang mga langgam sa lupa, lalo na ang sangkatauhan, na nilikha ng Diyos.’ Hanggang saan mo magagawang paniwalaan ang mga salitang ito? Ibinubunyag ng pakikipaglaban sa mga anticristo at masasamang tao ang laki ng iyong pananalig. Kung mayroon kang tunay na pananampalataya sa Diyos, kung gayon, may tunay kang pananalig. Kung maliit lang ang iyong pananampalataya sa Diyos, at malabo at hungkag ang pananampalatayang iyon, kung gayon, wala kang tunay na pananalig. Kung hindi ka naniniwala na may kakayahan ang Diyos na magkaroon ng kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng ito at na nasa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos si Satanas, at natatakot ka pa rin sa mga anticristo at masasamang tao, natitiis mo ang paggawa nila ng kasamaan sa iglesia, ang panggugulo at pagsira nila sa gawain ng iglesia, at kaya mong makipagkompromiso kay Satanas o magmakaawa rito upang protektahan ang iyong sarili, nang hindi ka naglalakas-loob na tumindig at labanan siya, at kung ikaw ay naging isang taong lumilisan, mapagpalugod ng mga tao, at isang tagamasid, kung gayon ay wala kang tunay na pananampalataya sa Diyos. Nagiging kuwestiyonable ang pananampalataya mo sa Diyos, dahilan para maging kaawa-awa ang iyong pananampalataya!(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikawalong Bahagi)). Parang hinahatulan ako nang harap-harapan ng mga salita ng Diyos, na sobrang nagpabalisa at nagpatakot sa akin. Nakita ko na talagang sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng tao, at malinaw Niyang nakita kung ano ang nasa puso ko. Habang maingat kong pinag-iisipan ito, napagtanto ko na gaano man kalakas ang masasamang puwersa ni Satanas, hindi nila malalampasan ang hangganan na itinalaga ng Diyos para sa kanila, at ganap na hindi nila kaya at hindi nila papangahasang gawin ang mga bagay na hindi pinayagan ng Diyos. Ang pinakaugat ng takot ko kay Ye Ping at sa mga kasama niya ay dahil hindi ako nanampalataya sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay. Inisip ko na wala akong katayuan sa iglesia at walang tayog ang mga salita ko. Samantala, matagal nang lider si Ye Ping at magaling siyang magsalita na nagligaw rin sa ilang kapatid. Nagawa pa nga niyang kampihan siya ng mangangaral. Marupok ako at mahina, at walang bigat ang mga salita ko; wala akong laban sa kanya. Kaya kahit noong ibinukod at pinahirapan niya ako, at kahit noong nakita kong sinasawata niya ang mga kapatid habang gumagawa rin ng masama at ginagambala ang gawain ng iglesia, hindi pa rin ako naging matapang para iulat siya. Naisip ko na matatanggal ako at aalisin, at sa gayon ay mawawala ang pagkakataon kong makamit ang kaligtasan. Mas gugustuhin ko pang magkaroon ng walang saysay na pag-iral, hindi nakikialam habang patuloy siyang gumagawa ng masama at hindi isinisiwalat ang masasama niyang gawa. Kasabwat lang ako sa kanyang kasamaan at tahimik kong pinahihintulutan si Satanas na sirain ang gawain ng iglesia. Sa pag-iisip ng aking iba’t ibang karanasan habang nananampalataya sa Diyos, nakita ko na ginagabayan ako ng Diyos at Siya ang namamahala sa akin sa bawat hakbang. Naharap ako sa pagsasawata at pagpapahirap ni Ye Ping, at inisip ko na mabubukod na ako habambuhay, pero dahil sa mga pagsasaalang-alang sa kaligtasan, hindi nagawa ni Ye Ping ang gawain ng iglesia, at pinabalik ako sa tungkulin ko ng bagong kapatid na nangangasiwa sa gawain pagkatapos niyang maunawaan ang sitwasyon. Lahat ng naranasan ko nang direkta ay pinangunahan ng Diyos; hindi ba’t sa huli ay Siya rin ang magdedesisyon sa aking mga oportunidad at tadhana? Naranasan ko ang lahat ng kapaligirang ito na isinaayos ng Diyos, at nabigyan ako ng napakaraming katotohanan, pero bakit hanggang ngayon, hindi pa rin ako nagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos? Noong may mangyari sa akin, hindi ako nanalangin at tumawag sa Diyos o nagsagawa ng katotohanan. Sa halip, natakot ako sa katayuan at kapangyarihan ni Satanas. Nakita ko ang masasamang puwersang ito ni Satanas bilang mas matayog pa kaysa sa Diyos Mismo. Hindi ba’t sumusuko ako kay Satanas? Anong lugar sa puso ko ang iniwan ko para sa Diyos? Nakita ko na sa teorya lang ako naniwala na hawak ng Diyos ang kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay at na matuwid Siya, pero nang may mangyari sa akin, nakipagkompromiso ako kay Satanas at tumakas. Napakaliit ng pananampalataya ko sa Diyos! Sa panahong iyon, naunawaan ko sa wakas na kahit maglipana pansamantala ang masasamang puwersa ng mga anticristo, na sinasawata ang mga kapatid at inililigaw ang ilang taong magulo ang isip at walang pagkilatis, ginamit ng Diyos ang mga iyon para magserbisyo sa Kanya upang tulungan ang mga tao na matutong kumilatis. Sa malaon at madali, makikita kung ano talaga ang mga anticristo at ititiwalag sila. Gaya lang noon, nang may anticristo sa aming iglesia na gumawa ng maraming iba’t ibang kasamaan habang ginagawa ang kanyang tungkulin. Sa huli, lahat ng masasama niyang gawa ay nabunyag, at inabandona siya ng mga kapatid at pinatalsik mula sa iglesia. Nakita ko na ang iglesia ay kung saan naghahari ang pagiging matuwid ng Diyos. Kung hindi ito masigasig na nararanasan mismo ng isang tao, paano niya makikilala ang mga gawa ng Diyos? Nakita ko lang kung ano ang nasa ibabaw, at nang may mangyari sa akin, sumuko ako sa mga puwersa ni Satanas; walang lugar sa puso ko para sa Diyos. Ako ay isang ganap na hindi mananampalataya! Hindi ko nauunawaan ang katotohanan; ako ay isang kaawa-awang nilalang! Habang pinag-iisipan ito, nahiya ako sa kaduwagan at pagkamakasarili ko. Handa akong magsagawa ayon sa mga prinsipyo ng sambahayan ng Diyos at magtiwala sa Diyos para isiwalat at talikuran ang mga anticristo. Nagmadali akong makipagkita sa aking mga kapwa manggagawa at pag-usapan kung paano namin dapat pakitunguhan si Ye Ping at ang mga kasama niya.

Pagkatapos naming magkita-kita, kumain at uminom kami ng isang sipi ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Diyos: “Kung walang sinuman sa isang iglesia ang handang magsagawa ng katotohanan at walang sinumang maaaring tumayong saksi para sa Diyos, dapat ay ihiwalay nang lubusan ang iglesiang iyon, at kailangang putulin ang mga koneksyon nito sa ibang mga iglesia. Tinatawag itong ‘paglilibing sa kamatayan’; ito ang ibig sabihin ng pagtataboy kay Satanas. Kung may ilang lokal na maton sa isang iglesia, at sinusundan sila ng ‘maliliit na langaw’ na lubos na hindi makaintindi, at kung ang mga nagtitipon, kahit nakita na nila ang katotohanan, ay wala pa ring kakayahang tanggihan ang mga gapos at manipulasyon ng mga maton na ito, lahat ng hangal na iyon ay ititiwalag sa huli. Maaaring walang nagawang kakila-kilabot ang maliliit na langaw na ito, ngunit mas mapanlinlang pa sila, mas tuso at mahusay umiwas, at lahat ng kagaya nito ay lilipulin. Wala ni isang matitira!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naramdaman ko na pinapakawalan Niya ang galit Niya sa akin. “Paglilibing sa kamatayan” at “Wala ni isang matitira,” tumagos na parang espada ang mga salitang ito sa kaibuturan ng puso ko. Naramdaman ko na ang disposisyon ng Diyos ay matuwid at hindi nalalabag, at nanginig ako sa takot. Si Ye Ping at ang ibang mga anticristo at masasamang tao ay nang-abala sa iglesia sa loob ng halos isang taon dahil sa pakikipagpaligsahan para sa kapangyarihan at katayuan at gumawa ng napakaraming kasamaan. Malinaw na medyo kinilatis ko sila at nakita ko na ang kalikasang diwa ng masasamang taong ito, pero inantala ko ang pagsisiwalat at pag-uulat tungkol sa kanila, na hinayaan silang gumawa ng masama; nasalungat ko na ang disposisyon ng Diyos. Nang makita kong sabihin ng Diyos na dapat itiwalag sa huli ang lahat ng mapanlinlang at tusong tao, naisip ko kung paanong dati, para pangalagaan ang mga pansarili kong interes, nakita ko ang masasamang gawa ni Ye Ping pero hindi ko siya isiniwalat o iniulat, na dahilan para mawalan ng buhay pagpasok ang mga kapatid. Nakaramdam ako ng matinding paninisi sa sarili. Sa gitna ng aking pagninilay, napagtanto ko na dahil nakontrol ako ng satanikong lason na kilala bilang “Ang ibong nag-uunat ng kanyang leeg ang unang nababaril,” nakagawa ako ng mga bagay sa isang napakatuso at napakamapanlinlang na paraan. Pagkatapos akong pahirapan ni Ye Ping, may ilang beses na ginusto kong iulat ang katunayan ng kanyang masasamang gawa, pero pagkaisip na pagkaisip ko pa lang na maaaring sawatahin at pahirapan uli ako ni Ye Ping, na magsasapanganib sa aking mga oportunidad at sa aking hantungan, napapaurong ako dahil sa takot. Pagkatapos mamuno sa gawain ng iglesia, pinadala ko na lang si Li Ru para maging panangga habang nagtatago ako sa likod, hindi napapasama ang loob ninuman. Nakita ko na namumuhay ako ayon sa mga satanikong lason at na naging makasarili ako at kasuklam-suklam. Nang maharap ako sa isang krisis, nagtago na lang ako sa loob ng aking kabibi gaya ng isang suso. Wala ako ni katiting na tapang na harapin ito, lalo na ng anumang pagpapahalaga sa katarungan! Sa katunayan, habang mas maraming kompromiso ang ginagawa ko para umiwas sa gulo, mas lalo kong hinahayaan ang mga anticristo at ang mga taong gumagawa ng masama na gambalain ang iglesia, at mas lalo kong ibinibigay ang mga kapatid sa kalupitan ni Satanas at ng mga diyablo. Ngayon, ako ang namamahala sa gawain ng iglesia, at ang layunin ng Diyos ay ang sundin ko ang mga prinsipyo, protektahan ang mga kapatid, at hindi hayaan ang mga anticristo na pinsalain ang gawain ng iglesia. Kailangan kong tuparin ang obligasyon at responsabilidad ko. Dati, iniingatan ko lang ang sarili ko sa lahat ng paraan, at hindi ko naisagawa ang katotohanan at napalugod ang Diyos, pero hindi ako pinagbawalan ng Diyos na gampanan ang tungkulin ko; sa halip, ginamit Niya ang mga salita Niya para hatulan at balaan ako. Ito ang pinakadakilang pag-ibig ng Diyos! Sa panahong ito, kailangan kong iulat si Ye Ping at labanan ang masasamang puwersa ng mga anticristo hanggang sa dulo. Kailangan kong maging tunay na tao kahit minsan man lang! Pagkatapos niyon, iniulat namin ang katunayan ng masasamang gawa ni Ye Ping at ng mga kasama niya, pati na ang pagpapamalas ng mangangaral na sumunod sa kanila sa paggawa ng masama, sa nakatataas na mga lider. Pagkatapos maunawaan ng mga lider ang mga pagpapamalas ni Ye Ping, pinagbahaginan muna nila kami kasama ng mga kapatid at pinakilatis siya, at hiningan nila kami agad ng mas maraming katunayan tungkol sa masasamang gawa ni Ye Ping at ng mga kasama niya. Sa pakikipagbahaginan nang ilang panahon, nagsimulang makilatis ng mga kapatid si Ye Ping, at handa silang lahat na magbigay ng patunay ng masasamang gawa ni Ye Ping at ng mga kasama niya. Kalaunan, matapos mapatunayan ng mga lider ang mga pagpapamalas na iniulat namin, nakita nila na kapani-paniwala ang ebidensya, at pinaalis sa iglesia si Ye Ping at ang iba pa.

Kalaunan, nabasa namin ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos, at pinagbahaginan namin kung bakit hinayaan ng Diyos sa mga huling araw na gumawa ng masama at manggulo sa iglesia ang mga anticristo at masasamang tao, kung ano ang layunin ng Diyos dito, at kung anong mga aral ang dapat naming matutunan, Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Lumilitaw sa ilang iglesia at lumilikha ng kaguluhan ang mga anticristo at masasamang tao, at sa paggawa nito ay nililihis nila ang ilang tao—ito ba ay isang mabuting bagay o isang masamang bagay? Ito ba ay pagmamahal ng Diyos, o ito ba ay paglalaro at pagbubunyag ng Diyos sa mga tao? Hindi mo ito maunawaan, hindi ba? Pinagseserbisyo ng Diyos sa Kanya ang lahat ng bagay upang gawing perpekto at iligtas ang mga nais Niyang iligtas, at ang nakakamit sa huli ng mga tunay na naghahanap sa katotohanan at nagsasagawa ng katotohanan ay ang katotohanan. Gayunman, nagrereklamo ang ilang hindi naghahanap sa katotohanan, at sinasabi nila, ‘Hindi tama na gumawa ang Diyos sa ganitong paraan. Nagdudulot ito sa akin ng labis na pagdurusa! Muntik na akong mapasama sa mga anticristo. Kung talagang isinaayos ito ng Diyos, bakit Niya hinahayaang mapasama ang mga tao sa mga anticristo?’ Anong nangyayari rito? Ang hindi mo pagsunod sa mga anticristo ay nagpapatunay na taglay mo ang proteksyon ng Diyos; kung mapasama ka sa mga anticristo, iyan ay pagkakanulo sa Diyos at hindi ka na gusto ng Diyos. Kaya, mabuti ba o masamang bagay na nagdudulot ng kaguluhan sa iglesia ang mga anticristo at masasamang taong ito? Sa panlabas, tila ito ay isang masamang bagay, ngunit kapag nabunyag ang mga anticristo at masasamang taong ito, lumalago ang pagkilatis mo, sila ay inaalis, at lumalago ang tayog mo. Kapag nakaharap mong muli ang gayong mga tao sa hinaharap, makikilatis mo na sila bago pa man nila maipakita ang tunay nilang kulay, at tatanggihan mo sila. Tutulutan ka nitong matuto ng mga aral at makinabang; malalaman mo kung paano kilatisin ang mga anticristo at hindi ka na malilihis ni Satanas. Kaya, sabihin mo sa Akin, hindi ba’t mabuting bagay ang panggugulo at panlilihis ng mga anticristo sa mga tao? Kapag dumanas sila hanggang sa yugtong ito, saka lamang makikita ng mga tao na hindi kumilos ang Diyos alinsunod sa kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon, at na pinahihintulutan ng Diyos ang malaking pulang dragon na walang habas na lumikha ng mga kaguluhan at pinahihintulutan Niya ang mga anticristo na ilihis ang mga hinirang ng Diyos nang sa gayon ay magamit Niya si Satanas sa Kanyang layunin upang gawing perpekto ang Kanyang mga hinirang, at saka pa lamang mauunawaan ng mga tao ang mga mabusising layunin ng Diyos. Sinasabi ng ilang tao na, ‘Dalawang beses na akong nalihis ng mga anticristo at hindi ko pa rin sila makilatis. Kung darating ang isa pang mas tusong anticristo, malilihis na naman ako.’ Kung gayon, hayaan mong mangyari ulit ito nang sa gayon ay maranasan mo ito at matutunan mo ang leksiyon—dapat gawin ng Diyos ang mga bagay sa ganitong paraan para mailigtas Niya ang sangkatauhan mula sa impluwensiya ni Satanas(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Paglutas Lamang sa mga Kuru-kuro ng Isang Tao Siya Makakapagsimula sa Tamang Landas ng Pananalig sa Diyos 1). Pinaramdam sa akin ng mga salita ng Diyos na talagang napakamakapangyarihan Niya sa lahat at napakatalino Niya sa Kanyang gawain! Ang pang-aabala sa iglesia ng mga taong gumagawa ng masama at ng mga anticristo ay para bang hindi magandang bagay, at hindi nakaayon sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao, pero nangyari ito nang may pahintulot ng Diyos at may karunungan ng Diyos dito. Ginamit ng Diyos ang mga paggawa ni Satanas at ng mga diyablo sa iglesia para ibunyag at itiwalag sila, at para tulungan din kaming matutong maging mapagkilatis. Alam ng Diyos na ang aming mga tayog ay sobrang mababa at madali kaming maililigaw ng mga anticristo at ng mga taong gumagawa ng masama, kaya sa paggawa nila ng masama sa iglesia, ginawa Niya kami na maging mas mapagkilatis. Kasabay niyon, ibinunyag din Niya ang mga taong magulo ang isip at walang pagkilatis at pikit-matang sumusunod sa iba. Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Marami ang Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang Nahirang(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Marami ang Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang Nahirang). Mas malinaw kong nakita sa puso ko na maraming tao ang nananampalataya at sumusunod sa Diyos, at sa simula, ang mga trigo at masasamang damo ay magkakasamang nakabungkos, at hindi makikita kung alin ang mabuti at alin ang masama. Gayunpaman, habang umuusad ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, ang mga kayang tanggapin at hangarin ang katotohanan ay kayang tanggapin ang paghatol ng Diyos at palayain ang kanilang sarili mula sa katiwalian. Samantala, ang mga hindi mananampalataya, ang masasamang tao, at ang mga anticristo ay nahahayag kung ano ba talaga sila, at ganap na pinaaalis, at ang iglesia ay lumilinis nang lumilinis. Ito ang hindi maiiwasang kalalabasan ng matagumpay na pagtatapos ng gawain ng paghatol ng Diyos!

Noong Disyembre 4, 2018, ipinasa na sa iglesia ang anunsyo ng pagpapatalsik kay Ye Ping at sa iba pa. Nagdiwang ang lahat ng kapatid, at pinuri nila ang pagiging matuwid ng Diyos mula sa kaibuturan ng kanilang mga puso. Sa wakas ay humupa ang gulo sa iglesia, at bumalik sa normal na buhay-iglesia ang mga kapatid. Mula sa kaibuturan ng puso ko, nagpapasalamat ako sa Diyos sa Kanyang paggabay!

Sinundan: 31. Maituturing Ko Na Nang Tama Ang Aking Kakayahan

Sumunod: 34. Pagbangon mula sa Hinagpis sa Pagpanaw ng Ina

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

40. Gamot Para sa Inggit

Ni Xunqiu, TsinaSabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang laman ng tao ay kay Satanas, ito ay puno ng mga masuwaying disposisyon, nakakahiya ang...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito