27. Ang Mga Kahihinatnan ng Sobra-sobrang Pagseselos

Ni Qinmo, Tsina

Noong 2016, gumagawa ako ng mga video sa iglesia. Napansin ko na mas maraming nagawang video si Sister Xin Cheng, at sa aming mga talakayan, ginagamit ang karamihan sa mga opinyon niya, at palaging hinihingi ng superbisor na ibahagi ni Sister Xin Cheng ang mga pananaw niya. Inakala kong matagal na siyang nagsasagawa at mahusay sa teknikal na kasanayan, kaya inisip ko, “Dahil bago ako rito, dapat akong matuto pa sa kanya.” Pero kalaunan, nalaman ko na dalawang buwan pa lang naririto si Xin Cheng, at sinimulan kong isipin, “Halos sabay kaming nagsimula sa paggawa ng aming tungkulin dito. Marahil ay ikukumpara ako ng iba sa kanya. Kung makakamit niya ang pagsang-ayon ng lahat, hindi puwedeng mas mahina ako sa kanya, kung hindi, hahamakin ako ng mga tao.” Kalaunan, sadya kong pinanood ang mga videong ginawa ni Xin Cheng, pero wala akong nakitang kahit anong partikular na espesyal, kaya inisip ko na walang espesyal sa mga kasanayan niya—dapat maabot ko rin ang antas na iyon. Para patunayan na hindi mas magaling si Xin Cheng kaysa sa akin, maingat akong nagninilay-nilay tuwing tinatalakay namin ang presentasyon ng mga video, sinusubukan kong magbigay ng mga kabatirang mas pinag-isipan kaysa sa kanya. Kahit kapag angkop ang mga pananaw niya, magdadagdag pa rin ako ng sarili kong mga pananaw bukod ng sa kanya, para isipin ng lahat na isinaalang-alang ko nang mas komprehensibo ang mga isyu kaysa sa ginawa niya.

Isang beses, nakita ko na talagang maganda ang videong ginawa ni Xin Cheng. Nakakaaliw itong panoorin. Bagama’t sa aking puso ay tinanggap ko ito, ang isipin na tanggaping maganda ang video niya ay parang hayagang pagsampal sa sarili ko, at talagang hindi ko magawa ito. Pinagaan ko ang loob ko sa pag-iisip na, “Kung isasapuso ko ito nang kaunti, hindi ako magiging mas malala kaysa sa kanya.” Pagkatapos niyon, partikular akong naging masinop sa paggawa ng mga video, paulit-ulit na pinag-iisipan ang mahahalagang bahagi, at isinasaalang-alang kung paano i-edit ang mga iyon para sa magandang effect. Pagkatapos ng kaunting pagsisikap, gumawa ako ng ilang video, at nang ipinasuri ko ang mga ito kay Xin Cheng, wala siyang nakitang anumang mga isyu, kaya nagkaroon ako ng kumpiyansang kapantay ng sa akin ang kasanayan niya. Pero kalaunan, hiningi ng superbisor na gabayan ako ni Xin Cheng. Inisip ko, “Halos magkasabay lang kaming nagsimula, kaya bakit niya ako dapat gabayan? Iniisip siguro ng superbisor na hindi ako kasinggaling ni Xin Cheng.” Sa aking puso ay lubos akong hindi kumbinsido, iniisip na, “Kung masunurin akong matututo sa kanya, parang pag-amin ito na mas mababa ako kaysa sa kanya, at kahit na mas maayos ang gawa ko sa hinaharap, siya ang pupurihin ng lahat. Hindi ko hahayaang mangyari iyon!” Kaya, kapag tinatalakay kay Xin Cheng ang presentasyon ng mga video, wala talaga akong pakialam sa mga opinyon niya at kaswal ko lang na binabalewala ang mga iyon. Sa kabaligtaran, kapag ibinabahagi ko ang mga pananaw ko, napakataimtim na nakikinig ni Xin Cheng, at madalas niyang binabanggit ang mga bahaging hindi niya makilatis at hinahanap niya ang mungkahi ko sa mga iyon. Tiningnan ko ito bilang isang tanda na mas marami akong alam kaysa sa kanya, at hindi ko siya itinuring na nararapat sa aking atensiyon. Hindi nagtagal, tumaas ang ranggo ni Xin Cheng para gawin ang tungkulin niya sa ibang lugar, at kapwa naging masaya at nainggit ako. Nainggit ako sa pagtaas ng ranggo niya, pero kasabay nito, lihim akong natuwa dahil ang pag-alis niya ay nangangahulugang nabawasan na ako ng isang kakompetensiya.

Pagkaalis ni Xin Cheng, may isang pagkakataong tinatalakay namin ang presentasyon sa isang video. Mahirap makilatis ang ilang isyu, na nagdudulot ng madalas na mga pagkaantala at mabagal na pag-usad. Hindi ko maiwasang isipin na, “Dati, noong hiniling ng superbisor kay Xin Cheng na tulungan ako at makipagbahaginan sa amin tungkol sa karanasan niya, binalewala ko ito, iniisip na nauwaan ko ang lahat ng alam niya at na hindi mahalaga kung kasama siya sa pangkat o hindi. Ngayong kakaalis lang ni Xin Cheng, nahaharap kami sa mga paghihirap. Limitado pala ang pagkaunawa ko sa mga prinsipyo. Kung walang isang taong nangangasiwa at gumagabay, hindi ko talaga kayang gumawa ng videong pasok sa pamantayan.” Noong sandaling iyon, nadama ko kung gaano ako kayabang, at nagsimula akong mangulila sa presensiya ni Xin Cheng, iniisip ko kung gaano sana kaganda na may isa pang kasama at mga mungkahing masasangguni. Naalala ko ang ilang salita ng Diyos: “Kailangan kayong magtulungan nang maayos para sa layunin ng gawain ng Diyos, para sa kapakinabangan ng iglesia, at upang hikayating sumulong ang inyong mga kapatid. Dapat kayong makipag-ugnayan sa isa’t isa, na bawat isa ay pinupunan ang pagkukulang ng iba at humahantong sa mas magandang resulta ng gawain, upang magpakita ng pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos. Ito ang tunay na pagtutulungan, at ang mga gumagawa lamang nito ang magtatamo ng tunay na pagpasok(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maglingkod Gaya ng Ginawa ng mga Israelita). Bigla kong napagtanto, na isinaayos ng Diyos na makipagtulungan ako kay Xin Cheng para mapunan namin ang mga kalakasan at kahinaan ng isa’t isa para gawing mas maayos ang mga video. Pero sa mga nakalipas na buwan, hindi ko inaasikaso ang dapat na ginagawa ko, nakatuon lamang ako sa pagkukumpara sa sarili ko sa kanya at pagpapakitang-gilas sa mga sarili kong abilidad, ibinubukod siya at hindi nakikipagtulungan sa kanya. Ngayong umalis na si Xin Cheng, wala na akong pagkakataong matuto sa kanya. Sa puntong ito, kinamuhian ko ang sarili ko dahil sa pagiging hindi makatwiran dati.

Sa aking paghahanap, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Ang ilang tao ay palaging natatakot na ang iba ay mas mahusay o mas mataas kaysa sa kanila, na ang iba ay kikilalanin habang sila ay hindi napapansin, at dahil dito ay inaatake at ibinubukod nila ang iba. Hindi ba ito isang kaso ng pagkainggit sa mga taong may talento? Hindi ba’t makasarili at kasuklam-suklam ito? Anong klaseng disposisyon ito? Ito ay pagiging malisyoso! Iyong mga iniisip lamang ang sarili nilang mga interes, binibigyang-kasiyahan lamang ang sarili nilang mga hangarin, nang hindi iniisip ang iba o isinasaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, ay may masamang disposisyon, at walang pagmamahal ang Diyos sa kanila(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). “Ano ang pinakakapansin-pansing disposisyon ng mga anticristo? Ibig sabihin, ano ang disposisyong makikita mo kapag nakikipag-ugnayan ka sa kanila, mula sa pagkarinig lamang ng isa o dalawang parirala nila? Kayabangan. … Patas na sabihing dahil mayabang sila at naniniwalang walang sinuman ang makapapantay sa kanila—na dahil rito, hindi nila gustong makipagtulungan o makipagtalakayan ng mga bagay-bagay sa sinuman, sa anumang ginagawa nila. Puwedeng makinig sila sa mga sermon, magbasa ng mga salita ng Diyos, makita ang paglalantad ng Kanyang mga salita, o mapungusan kung minsan, pero sa anumang kaso, hindi sila aamin na nagsiwalat sila ng katiwalian at na sumalangsang sila, lalong hindi sa pagiging mapagmataas at mapagmagaling. Hindi nila nagagawang maunawaan na isa lang silang ordinaryong tao, na may ordinaryong kakayahan. Hindi nila kayang maunawaan ang gayong mga bagay. Paano mo man sila pungusan, iisipin pa rin nilang may mahusay silang kakayahan, na mas mataas sila kaysa sa mga ordinaryong tao. Hindi ba’t wala na itong pag-asa? (Wala na itong pag-asa.) Wala na itong pag-asa. Iyon ay isang anticristo(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Unang Bahagi)). Sa pamamagitan ng paglalantad ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang naging pag-uugali ko ay ang mismong pagkainggit sa mahuhusay na tao at ang kayabangang walang katwiran na inilantad ng Diyos. Sa pagninilay-nilay ko noong kararating ko lang at kakasimula pa lang gumawa ng mga video, noong nakita ko si Xin Cheng na nagagawang makamit ang pagsang-ayon ng lahat kahit na kasasali lang din niya, ikinumpara ko ang sarili ko sa kanya, iniisip na kung kaya niyang gawin ito, kaya ko rin. Sa paggawa man ito ng mga video o pagbabahagi ng mga pananaw, piniga ko ang utak ko sa pagsubok na ipakitang-gilas ang katalinuhan ko. Ayaw ko ring kilalanin ang mga kalakasan ni Xin Cheng. Malinaw na mas mataas kaysa sa akin ang antas ng kasanayan niya sa paggawa ng video, at bagama’t sa puso ko ay tinanggap ko ito, sa salita ay tumanggi akong kilalanin ito. Hiniling ng superbisor kay Xin Cheng na mas gabayan pa ako para mabilis kong maarok ang mga prinsipyo at mapagbuti ang antas ng kasanayan ko, pero tiningnan ko iyon bilang isang tanda ng paghamak sa akin, at paulit-ulit kong tinrato si Xin Cheng nang may walang galang na saloobin. Dahil sa pagseselos ko, naipit ako sa mga gawi ko nang walang pagnanais na humusay, at wala akong natutuhang kahit ano mula sa pakikipagtulungan sa kanya. Bukod doon, dahil kasisimula ko pa lang sa pagsasanay sa paggawa ng video, marami akong pagkukulang sa aking mga kasanayan, pero nadama ko pa rin na parang alam ko ang lahat, at naging bulag at sutil ako sa aking kayabangan. Mas mahusay si Xin Cheng kaysa sa akin sa paggawa ng mga video, at nagagawa pa nga niyang mapagkumbabang humanap ng paggabay at makipagtalakayan ng mga isyu sa akin, pero binalewala ko ang mga kalakasan niya at walang kahihiyan ko pa ngang pinaniwalaang mas magaling ako kaysa sa kanya. Kung nagkaroon sana ako ng kahit kaunting katwiran para magawang kilalanin ang mga kakulangan ko, hindi maging mayabang at matuto mula kay Xin Cheng, hindi sana ako magiging ganito kawalang-wala at kakaawa-awa ngayon. Nang mapagtanto ko ito, nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, hindi ko inaasikaso ang dapat na ginagawa ko at binigo ko ang taimtim Mong layunin. Kahit ngayon, hindi pa rin ako naging bihasa sa mga kasanayan, na nakaantala sa tungkulin ko. Handa akong magsisi.”

Makalipas ang dalawang taon, isang bagong superbisor na nagngangalang Wang Lu ang naitalaga. Ako ang responsable dati sa gawain ni Wang Lu, pero naging superbisor na siya ngayon na nangangasiwa sa gawain ko, na talagang ikinaasiwa ko. Inisip ko, “Mas matagal ko nang ginagawa ang tungkulin ko kaysa sa kanya, pero naging superbisor na siya kaagad pagdating niya. Iisipin kaya ng mga kapatid na sa kabila ng mas mahabang pagsasanay ko, hindi pa rin ako kasinggaling ng isang baguhan?” Bagama’t hindi ko nilayong maging isang superbisor, ayaw ko ring mahamak. Kaya maingat kong tinanong ang isang sister tungkol sa opinyon niya kay Wang Lu, at sinabi ng sister na si Wang Lu ay may talagang mahusay na pagkaarok sa mga prinsipyo at magaganda ang resulta ng mga videong ginawa niya. Nang marinig ko ito, hindi ako kumbinsido at hindi makapaniwalang talagang ganoon siya kahusay. Pagkatapos niyon, palagi akong naghahanap ng mga katiting na problema kay Wang Lu para maibsan ang pagkiling sa pag-iisip ko. Isang gabi, dumating si Wang Lu para ibuod ang mga isyu sa aming gawain, at gusto kong makita kung ano ba mismo ang antas niya, kaya naghintay ako na makipagbahaginan siya. Gayumpaman, matagal siyang tahimik. Inisip ko, “Bilang isang superbisor, bakit hindi ka na magsimula? Mukhang superbisor ka lang sa pangalan. Ni hindi mo maayos ang katiting na gawaing ito.” Pagkatapos niyon, sadya kong sinabi sa mga sister na pasibo si Wang Lu at hindi mahusay sa kanyang mga tungkulin, at sumang-ayon sila sa pananaw ko. Medyo natuwa ako sa kasawian niya, iniisip na, “Bagama’t pinupuri siya ngayon, hindi kahanga-hanga ang kakayahan niya sa gawain sa anumang paraan. Malamang na hindi niya magagawang pangasiwaan nang matagal ang papel ng isang superbisor. Pagdating ng panahong iyon, iisipin ng mga kapatid na, bagama’t wala akong kakayahan na maging isang superbisor, kahit papaano ay maaasahan at mapagkakatiwalaan ako sa aking tungkulin, at hindi ako mas malala kaysa sa kanya.” Sa isa pang pagtitipon, tinanong ni Wang Lu ang kalagayan ko, at sumagot ako nang mapagwalang-bahala, kaya nahirapan siyang maarok ang tunay kong kalagayan, at sadya ko siyang inilagay sa isang mahirap na posisyon. Sa mga karaniwang pagtitipon, kahit na may mga kabatiran ako, hindi ako kaagad nakikipagbahaginan, at taimtim pa nga akong umasa na mananatili ring tahimik ang iba, para makita kung paano pangangasiwaan ni Wang Lu ang sitwasyon. Pero nagkusa ang lahat na magbukas at makipagbahaginan, at aktibo silang sumagot sa kahit anong tanong ni Wang Lu. Dahil nakita kong malaya at kampante ang lahat samantalang pakiramdam ko ay hindi ako nababagay, tinanong ko ang aking sarili, “Bakit kaya ng lahat na tratuhin nang tama si Wang Lu, samantalang palagi kong sinusubukang sumalungat sa kanya?” Sa aking pagninilay-nilay, napagtanto ko na umaandar na naman ang pagkaselosa ko.

Isang araw, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Anong uri ng disposisyon ito kapag may nakita ang isang tao na mas mahusay kaysa sa kanya at sinusubukan niya siyang pabagsakin, nagkakalat ng mga tsismis tungkol sa kanya, o gumagamit ng mga kasuklam-suklam na paraan para siraan siya at isabotahe ang kanyang reputasyon—inaapakan pa ang kanyang pagkatao—para maprotektahan ng taong ito ang sarili niyang puwang sa isip ng mga tao? Hindi lang ito kayabangan at kapalaluan, ito ay disposisyon ni Satanas, ito ay isang malisyosong disposisyon. Mapaminsala at buktot na nagagawa ng taong ito na batikusin at ihiwalay ang mga taong mas mahusay at mas malakas kaysa sa kanya. At ipinapakita ng hindi niya pagtigil hanggang sa mapabagsak ang mga tao kung gaano siya kademonyo! Dahil namumuhay siya ayon sa disposisyon ni Satanas, malamang na maliitin niya ang mga tao, subukang isangkalan sila, at pahirapan sila. Hindi ba ito paggawa ng masama? At habang namumuhay nang ganito, iniisip pa rin niyang maayos ang lagay niya, na mabuti siyang tao—subalit kapag may nakita siya na taong mas magaling kaysa sa kanya, malamang na pahirapan niya ito, na tapak-tapakan niya ito. Ano ang isyu rito? Hindi ba’t ang mga taong kayang gumawa ng ganoong masasamang gawa ay mga imoral at matitigas ang ulo? Ang mga gayong tao ay iniisip lamang ang sarili nilang mga interes, isinasaalang-alang lamang nila ang sarili nilang damdamin, at ang tanging nais nila ay matupad ang sarili nilang mga pagnanasa, ambisyon, at mithiin. Wala silang pakialam kung gaano kalaking pinsala ang idinudulot nila sa gawain ng iglesia, at mas gugustuhin nilang isakripisyo ang mga interes ng sambahayan ng Diyos para maprotektahan ang kanilang katayuan sa isipan ng mga tao at ang sarili nilang reputasyon. Hindi ba’t ang mga taong gaya nito ay mayayabang at nag-aakalang mas matuwid sila kaysa sa iba, mga makasarili at ubod ng sama? Ang gayong mga tao ay hindi lamang mayayabang at nag-aakalang mas matuwid sila kaysa sa iba, labis din silang makasarili at ubod ng sama. Hinding-hindi sila mapagsaalang-alang sa mga layunin ng Diyos. May takot sa Diyos na puso ba ang gayong mga tao? Wala man lang silang takot sa Diyos na puso. Ito ang dahilan kung bakit wala silang pakundangan kung kumilos at ginagawa nila ang anumang gusto nila, nang walang nadaramang anumang pagsisisi, walang anumang pangamba, walang anumang pagkabalisa o pag-aalala, at hindi iniisip ang mga ibubunga nito. Ito ang madalas nilang ginagawa, at kung paano sila palaging kumikilos. Ano ang kalikasan ng ganoong pag-uugali? Sa mas magaang na salita, ang mga gayong tao ay napakamainggitin at may napakalakas na paghahangad para sa pansariling reputasyon at katayuan; sila ay napakamapanlinlang at traydor. Sa mas masakit na pananalita, ang diwa ng problema ay ang gayong mga tao ay wala man lang may-takot-sa-Diyos na puso. Hindi sila takot sa Diyos, naniniwala sila na sila ang pinakamahalaga, at itinuturing nila na bawat aspeto ng kanilang sarili ay mas mataas kaysa sa Diyos at mas mataas kaysa sa katotohanan. Sa kanilang puso, ang Diyos ay hindi karapat-dapat banggitin at hindi mahalaga, at wala man lang anumang mataas na katayuan ang Diyos sa kanilang puso. Maisasagawa ba ang katotohanan ng mga walang puwang ang Diyos sa puso nila, at ng mga walang may-takot-sa-Diyos na puso? Hinding-hindi. Kaya, kapag karaniwan ay masaya silang kumikilos at pinananatiling abala ang kanilang sarili at gumugugol ng matinding lakas, ano ang ginagawa nila? Sinasabi pa ng mga taong ito na tinalikuran na nila ang lahat upang gumugol para sa Diyos at nagdusa na sila nang malaki, ngunit ang totoo, ang motibo, prinsipyo, at layon ng lahat ng kilos nila ay para sa sarili nilang katayuan at reputasyon, para maprotektahan ang lahat ng interes nila. Masasabi ba ninyo o hindi ninyo masasabing masama ang ganitong uri ng tao? Anong uri ng mga tao ang naniniwala sa Diyos sa loob ng maraming taon, subalit wala namang may-takot-sa-Diyos na puso? Hindi ba’t mapagmataas sila? Hindi ba’t mga Satanas sila? At anong mga bagay ang pinakawala sa walang takot sa Diyos na puso? Bukod sa mga halimaw, ito ay ang masama at ang mga anticristo, ang kauri ng mga diyablo at ni Satanas. Hindi talaga nila tinatanggap ang katotohanan; wala silang anumang may-takot-sa-Diyos na puso. Kaya nilang gumawa ng anumang kasamaan; sila ang mga kaaway ng Diyos, at ang mga kaaway ng Kanyang mga hinirang na tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Limang Kondisyong Dapat Matugunan para Makapagsimula sa Tamang Landas ng Pananalig sa Diyos). Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, nadama kong lubos na tumagos ang mga iyon sa puso ko. Labis akong napahiya sa mga salitang gaya ng “ang masama,” “ang mga anticristo,” “mga diyablo,” at “Satanas”. Malinaw na hindi ko kayang maging isang superbisor, pero gusto kong purihin ako ng iba. Dahil nakita ko si Wang Lu, na isang baguhan, na nalalampasan ang iba, natakot ako na sasabihin ng mga tao na sa kabila ng mahabang panahon ng pagsasanay ko, mas mababa pa rin ako kaysa sa baguhan, na pinagmukha akong hindi sapat. Mula sa pagseselos at hindi pagkakontento, tumuon ako sa paghahanap ng mga kamalian sa kanya. Noong unang sumali si Wang Lu at hindi pa siya pamilyar sa gawain, sinubukan kong maghanap ng kapintasan sa kanya dahil sa pagiging pasibo niya at hindi mahusay, para maliitin siya at sirain ang mga pagsisikap niya. Sa mga pagtitipon, hindi ako maagap sa pagbabahaginan at ayaw ko ring hayaan ang ibang kapatid na magbahagi, sadyang nilalayong ipahiya siya. Talagang kasuklam-suklam at mapaminsala ako, nang wala man lang takot sa Diyos! Sa panlabas, nagselos ako sa kanya at gumawa para sirain siya, pero sa realidad, ginugulo at ginagambala ko ang gawain ng iglesia, at sinasalungat ang disposisyon ng Diyos. Paggawa ito ng kasamaan! Hindi ko mismo magawang isakatuparan ang papel ng isang superbisor, pero sinunggaban ko ang mga pagkakamali ng iba para pahirapan sila, umaasang mabibigo rin sila. Kumikilos ako bilang isang lingkod ni Satanas. Kung patuloy akong mamumuhay sa pagseselos at pakikipagkompetensiya, sa malao’t madali, haharapin ko ang kaparusahan ng Diyos dahil sa paggawa ng maraming masamang gawa.

Sa aking pagninilay-nilay, binasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Sa kampo ni Satanas, sa lipunan man o sa mga opisyal na mga lupon, ano ang namamayaning atmospera? Ano ang mga popular na pagsasagawa? Dapat kayong magkaroon ng ilang pagkaunawa sa mga ito. Ano ang mga prinsipyo at mga alituntunin ng kanilang mga kilos? Ang bawat isa ay may sariling batas; nagkakanya-kanya ng landas ang bawat isa. Kumikilos sila ayon sa sarili nilang interes at gumagawa ayon sa pinipili nila. Sinuman ang may awtoridad ang siyang may huling salita. Kahit sandali ay hindi nila iniisip ang iba. Ginagawa nila ang maibigan nila, nagsisikap para sa katanyagan, pakinabang, at katayuan, at ganap na kumikilos ayon sa mga sarili nilang kagustuhan. Sa sandaling tumanggap sila ng kapangyarihan, mabilis nilang ginagamit ang kapangyarihang ito sa iba. Kung napasama mo ang loob nila, nanaisin nilang pahirapan ka, at wala ka nang magagawa kundi ang magbigay sa kanila ng mga regalo. Kasingsama sila ng mga alakdan, handa silang labagin ang mga batas, ang mga regulasyon ng pamahalaan, at gumawa ng mga krimen. Lahat ng ito ay kaya nilang gawin. Ganito kadilim at kasama sa kampo ni Satanas. Ngayon, pumarito ang Diyos upang iligtas ang sangkatauhan, upang tulutan ang mga taong tanggapin ang katotohanan, maunawaan ang katotohanan, at makalaya mula sa pang-aalipin at kapangyarihan ni Satanas. Kung hindi ninyo tatanggapin ang katotohanan at isasagawa ang katotohanan, hindi ba’t namumuhay pa rin kayo sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas? Kung gayon, ano ang pinagkaiba ng kasalukuyang kalagayan ninyo sa mga diyablo at ni Satanas? Makikipagkumpetensiya kayo sa paraang katulad ng sa mga walang pananampalataya. Lalaban kayo sa paraang katulad sa paglaban ng mga walang pananampalataya. Mula umaga hanggang gabi, kayo ay magpaplano, magpapakana, maiinggit at makikipagtalo. Ano ang ugat ng problemang ito? Ito ay dahil may mga tiwaling disposisyon ang mga tao, at namumuhay ang mga tao ayon sa mga tiwaling disposisyong ito. Ang paghahari ng mga tiwaling disposisyon ay ang paghahari ni Satanas; nananahan ang sangkatauhang ginawang tiwali sa loob ng satanikong disposisyon, at walang eksepsiyon dito(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang mga Prinsipyong Dapat Gumabay sa Asal ng Isang Tao). Pagkatapos mabasa ang mga salita ng Diyos, naalala ko na bago ako nanampalataya sa Diyos, sumunod ako sa mga panuntunan para manatiling buhay gaya ng “Isa lang ang lalaking maaaring manguna,” at “Ang pagiging lehitimo ay para sa nanalo; ang mga natalo ay laging nasa mali.” Naisip ko na ang malampasan ang mga nasa palibot ko at ang maging isang taong tinitingala at sinusuportahan ng iba ay ang halaga ng pag-iral. Sa ilalim ng pangingibabaw ng kaisipang ito, sa paaralan, ang mga may mas matataas na marka o mas pinapansin ng mga guro ang naging mga taong lihim kong pinagkukumparahan ng sarili ko. Pagkatapos maging manggagawa, madalas kong marinig na upang matiyak ang matatag na posisyon at maging respetado, dapat maging angat ang isang tao at maging napakagaling. Kapag may isang tao sa paligid ko na mas mahusay kaysa sa akin, parang krisis iyon, dahil nangangahulugan ito na may dagdag na kakompetensiya, at sa partikular na larangan, kung nahihigitan ng isang baguhan ang isang taong may karanasan na, mas lalong nakakahiya ito. Patuloy kong tiningnan ang mga bagay sa ganitong paraan kahit pa nagsimula na akong manampalataya sa Diyos. Sa anumang grupo ng mga tao, una ko munang tinitingnan kung sino ang mas magaling kaysa sa akin o kung sino ang maaaring maging banta sa posisiyon ko. Kung may sinumang nalampasan ako sa kahit anong larangan, mapapahiya ako at magseselos at hindi ako magiging kumbinsido. Nang nakita ko ang mga kapatid na mas magaling kaysa sa akin, nagselos ako at ibinukod ko sila, at palaging sinusubukang maliitin sila at itaas ang sarili ko. Para malampasan sila, kaya ko pa ngang gumamit ng pagpapakana, tinutukoy ang mga kamalian, at nanghuhusga kapag nakatalikod sila, umaasang mapapabagsak sila para malugod ako. Napagtanto ko na dahil sa pamumuhay sa mga panuntunan ni Satanas para manatiling buhay, naging mayabang ako, mapaminsala, at walang pagkatao, at ginulo ko rin ang gawain ng iglesia. Hindi ako tinrato ng Diyos ayon sa masasamang gawa ko kundi binigyan pa rin Niya ako ng pagkakataong magsisi. Nagpasalamat ako sa Diyos sa kaibuturan ng puso ko, at ayaw ko nang patuloy na mamuhay ayon sa mga tiwaling disposisyon ko.

Kalaunan, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Huwag kang laging gumawa ng mga bagay para sa sarili mong kapakanan at huwag mong palagiang isaalang-alang ang iyong mga sariling interes; huwag mong isaalang-alang ang mga interes ng tao, at huwag isipin ang iyong sariling pagpapahalaga sa sarili, reputasyon, at katayuan. Kailangan mo munang isaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at unahin ang mga iyon. Dapat mong isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos at magsimula sa pagkonsidera kung mayroon ba o walang karumihan sa paggampan mo sa iyong tungkulin, kung ikaw ba ay naging tapat, kung natupad mo ang iyong mga pananagutan, at kung naibigay mo ang lahat mo, gayundin kung buong-puso mo bang iniisip o hindi ang iyong tungkulin at ang gawain ng iglesia. Kailangan mong isaalang-alang ang mga bagay na ito. Kung madalas mong isipin ang mga ito at intindihin ang mga ito, magiging mas madali para sa iyo na gampanan nang maayos ang iyong tungkulin. Kung mahina ang iyong kakayahan, kung mababaw ang iyong karanasan, o kung hindi ka bihasa sa iyong mga propesyunal na gawain, kung gayon ay maaaring may ilang pagkakamali o kakulangan sa iyong gawain, at maaaring hindi ka makakuha ng magagandang resulta—ngunit nagawa mo ang lahat ng iyong makakaya. Hindi mo binibigyang-kasiyahan ang iyong mga makasariling paghahangad o kagustuhan. Sa halip, binibigyan mo ng palagiang pagsasaalang-alang ang gawain ng iglesia at ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Bagama’t maaaring hindi ka makapagkamit ng magagandang resulta sa iyong tungkulin, naituwid naman ang puso mo; kung, dagdag pa rito, kaya mong hanapin ang katotohanan upang malutas ang mga problema sa iyong tungkulin, maaabot mo ang pamantayan sa pagganap mo sa iyong tungkulin, at, kasabay nito, magagawa mong pumasok sa katotohanang realidad. Ito ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng patotoo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Tinukoy sa akin ng mga salita ng Diyos ang mga prinsipyong isasagawa: Kapag nahaharap sa mga sitwasyon, hindi ko dapat unahin ang pagprotekta sa sarili kong mga interes, reputasyon, o katayuan, kundi sa halip ay isaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at gawin ang anumang kinakailangan para protektahan ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Kapag nakita ko ang iba na mas mahusay kaysa sa akin at kayang gumawa ng aktuwal na gawain, dapat ko silang suportahan at itaguyod. Kahit na may mga kakulangan sila, dapat ko silang tratuhin nang tama, huwag magkimkim ng sobrang matataas na ekspektasyon sa kanila, at matuto sa kanilang mga kalakasan at kabutihan. Kasisimula pa lang ni Wang Lu sa pagsasagawa bilang isang superbisor, at normal para sa kanya na magkaroon ng kaunting mga pagkukulang. Hangga’t siya ang tamang tao at kaya niyang gumawa ng ilang aktuwal na gawain, dapat ko siyang tulungan nang may pagmamahal at dapat akong makipagtulungan sa kanya para magkasamang gawin ang gawain nang maayos. Ito ay pagtataguyod sa gawain ng iglesia. Noong itama ko ang aking pag-iisip, hindi na ako nagselos kay Wang Lu, sa halip, hinangaan ko siya nang unti-unti. Kahit na bata pa siya, masusi niyang isinaalang-alang ang mga isyu, gumawa siya nang mahinahon at matatag, at binigyang-pansin ang paghahanap sa mga prinsipyo. Ang lahat ng ito ang siyang wala sa akin. Hindi na ako nakaramdam ng pagtutol sa kanya, kaya ko ring magkusa para mag-ulat at makipagtalakayan sa kanya tungkol sa anumang isyu sa gawain, at handa rin akong tanggapin ang komento niya noong tinukoy niya ang aming mga pagkukulang sa gawain. Sa pagsasagawa sa ganitong paraan, hindi ako nahiya; sa halip, nakadama ako ng higit na paglaya.

Kalaunan, inilipat ako sa ibang pangkat para gumawa kasama ni Jian Ran. Bagama’t halos magkasingtagal na naming ginagawa ang tungkuling ito, nakita ko na malinaw na superyor kaysa sa akin ang kahusayan at mga propesyonal na kasanayan niya. Noong una, medyo nahihiya ako at nag-aalalang baka hamakin ako ng iba. Pero napagtanto ko na dahil sa kanyang malalakas na kasanayan, puwede akong matuto sa kanya para mapunan ang mga pagkukulang ko, kaya naging labis akong handa na makipagtulungan sa kanya. Gayumpaman, kalaunan, noong itinalaga siya ng superbisor para pangasiwaan ang gawain, at madalas na lumalapit sa kanya ang ibang sister para talakayin ang ilang isyu, nakaramdam na naman ako ng pagkiling. Inisip ko, “Hindi ba’t mas magaling at epektibo lang siya nang bahagya sa tungkulin niya? Dahilan na ba talaga iyon para palibutan siya ng lahat? Parang hindi ako nakikita ng mga tao.” Sa puso ko ay hindi ako kumbinsido, pero noong panahong iyon, napagtanto ko na umaandar na naman ang pagseselos ko. Kaya, nanalangin ako sa Diyos, hinihinging gabayan Niya ako upang pangasiwaan nang tama ang sitwasyong ito. Pagkatapos, binasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Ang papel na ginagampanan mo sa iyong buhay at ang tungkuling ginagawa mo ay matagal na panahon nang paunang itinalaga ng Diyos. Nakikita ng ilang tao na ang iba ay nagtataglay ng mga kalakasan na wala sa kanila at hindi sila nasisiyahan. Gusto nilang baguhin ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng ibayong pag-aaral, ibayong pagtuklas, at pagiging mas masikap. Ngunit may limitasyon ang maaaring matamo ng kanilang sigasig, at hindi nila mahihigitan ang mga may kaloob at kadalubhasaan. Gaano ka man lumaban, wala itong saysay. Inorden ng Diyos kung magiging ano ka, at walang magagawa ang sinuman para baguhin ito. Saan ka man magaling, doon ka dapat magsumikap. Anuman ang tungkuling nababagay sa iyo ay ang tungkulin na dapat mong gampanan. Huwag mong subukang ipilit ang iyong sarili sa mga larangang hindi saklaw ng iyong mga kasanayan at huwag mainggit sa iba. May kanya-kanyang tungkulin ang bawat tao. Huwag mong isiping magagawa mo ang lahat nang mabuti, o na mas perpekto ka o mas mahusay kaysa sa iba, na palaging gustong palitan ang iba at ibida ang sarili. Isa itong tiwaling disposisyon. May mga nag-iisip na hindi sila mahusay sa anumang bagay, at na wala talaga silang mga kasanayan. Kung ganoon ang kaso, kailangan mo lamang maging isang taong nakikinig at nagpapasakop sa isang praktikal na paraan. Gawin mo ang makakaya mo at gawin ito nang maayos, nang buong lakas mo. Sapat na iyon. Malulugod na ang Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang mga Prinsipyong Dapat Gumabay sa Asal ng Isang Tao). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na iba-iba ang kakayahan at mga kalakasan ng lahat, itinakda iyon lahat ng Diyos, at hindi tayo puwedeng makipagkompetensiya para sa mga iyon. Ang layunin ng Diyos ay para tratuhin natin nang tama ang mga kalakasan at pagkukulang ng ating sarili at ng iba, para tumayo sa sarili nating posisyon at gawin nang maayos ang ating mga tungkulin. Isang katunayan na hindi kasinggaling ng kay Jian Ran ang kakayahan ko sa gawain at pagkaarok sa mga prinsipyo, at mas kumonsulta sa kanya ang mga kapatid para magawa nang maayos ang kanilang mga tungkulin, hindi para hangaan siya at maliitin ako. Ginagawa ng lahat ang kanilang mga tungkulin bilang nilikha sa kanya-kanya nilang papel; walang mas mataas o mas mababa kaysa kaninuman. Eksaktong pinupunan ng mga kalakasan ni Jian Ran ang mga kakulangan ko, kaya aktibo ko dapat na hanapin ang payo niya at matuto sa kanya para mas magkamit pa. Sa sandaling ito, sumigla ako. Kailangan kong harapin ang sarili kong kakayahan at mga pagkukulang, isantabi ang mga ambisyon at pagnanais ko, at gawin kung ano ang kaya kong gawin nang maayos. Ito ang katwirang dapat mayroon ako. Kalaunan, tumuon ako sa paggawa sa gawaing dapat kong gawin sa pinakamakakaya ng abilidad ko, at naghanap at nakipagtalakayan ako kay Jian Ran kapag naharap ako sa mga bagay na hindi ko makilatis. Kalaunan, kapag nakakakilala ako ng mga taong mas magaling kaysa sa akin, may mga pagkakataong lumalabas pa rin ang pagseselos, pero kaya kong sadyang pagnilayan ang sarili ko at manalangin para maghimagsik laban doon, at hindi na sobrang napigilan at natali ang puso ko. Nagdala ng lalong kapanatagan at kalayaan ang pamumuhay nang ganito. Salamat sa Diyos!

Sinundan: 25. Ang mga Salita ng Diyos ay Nagpakita sa Akin ng Direksiyon sa Buhay

Sumunod: 28. Pagkilatis sa mga Tao Batay sa mga Salita ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito