75. Ang Natutuhan Ko Mula sa Pagpapatalsik ng Isang Masamang Tao

Ni An Xin, Tsina

Noong Abril ng 2021, bumalik ako sa orihinal kong iglesia pagkatapos kong malayo at nakilala ko si Liu Min. Muntik nang mapatalsik si Liu Min dati dahil bilang isang lider ng iglesia, hindi lamang siya nabigo sa paggawa ng tunay na gawain kundi itinaas din niya ng ranggo ang mga tao batay sa sarili niyang kalooban na laban sa mga prinsipyo, pinrotektahan ang mga anticristo at masasamang tao nang hindi sila pinangangasiwaan. Nagresulta ito sa pagiging hindi mabisa ng iba’t ibang gawain sa iglesia. Sa panahong iyon, may mga kapatid na nakipagbahaginan sa kanya, ngunit hindi niya ito tinanggap. Ang lider noong panahong iyon, si Sister Wang Yi, ay tinasa ang kanyang pag-uugali at naghinala na siya ay maaaring isang masamang tao, ngunit dahil sa kakulangan ng katibayan, napagpasyahan nito na baka ito ay pansamantalang pagpapamalas lamang. Matapos makipagtalakayan sa ibang mga lider at manggagawa, nagpasya silang bigyan si Liu Min ng isa pang pagkakataon na magsisi at obserbahan siya. Kaya, hindi siya napatalsik.

Minsan, habang nakikipag-usap ako kay Liu Min, tinanong ko siya kung anong mga aral ang natutuhan niya sa karanasang iyon. Akala ko ay magkakaroon siya ng kaunting tunay na pagkaunawa at pagsisisi pagkatapos ng gayon kalaking kabiguan at pagbubunyag. Sa hindi ko inaasahan, sinabi ni Liu Min, “May pagkamainitin ng ulo lang ako kung kumilos. At saka, walang tumulong sa akin noong panahong iyon.” Nang marinig ko ito, naisip ko, “Kahit na hindi ka pinatalsik, totoo namang gumawa ka ng masasamang bagay. Bakit hindi ka magnilay sa iyong sarili at matuto mula rito?” Nang maglaon, nalaman kong hindi lang sa hindi niya nakilala ang kanyang sarili, kundi binaluktot din niya ang mga katunayan, at nagpakalat siya ng mga tsismis saanman siya magpunta na nagpaniwala sa iba na siya ay ginawan ng mali at sinupil ni Wang Yi. Dahil hindi nalalaman ang katotohanan sa bagay na iyon, naniwala ang mga kapatid sa kanya, iniisip na si Wang Yi ang problema. Kalaunan, nahalal ako bilang isang lider ng iglesia. Hindi nagtagal pagkatapos noon, napansin kong pinababayaan ni Liu Min ang kanyang tungkulin at mas inuuna ang mga personal na bagay. Pinuna ko ang kanyang pagiging iresponsable at nakipagbahaginan ako sa kanya tungkol sa mga salita ng Diyos hinggil sa wastong saloobin sa mga tungkulin ng isang tao. Ngunit hindi niya ito tinanggap at nagkaroon pa nga siya ng pagkiling laban sa akin. Sa mga pagtitipon, paulit-ulit niyang sinasabi sa mga kapatid na masyado akong maraming hinihingi sa kanya, inililigaw sila gamit ang kanyang mga salita kung kaya’t sila rin ay nagkaroon ng pagkiling laban sa akin. Ang sitwasyong ito ay nagparamdam sa akin ng labis na pagkapigil. Hindi ko tinangkang agad na punahing muli ang kanyang mga problema, sa takot na patuloy niya akong pag-initan at hindi tigilan. Ngunit hindi tumigil si Liu Min sa paggawa ng mga kasamaan. Sinamantala niya ang balita na ang isang kapatid ay ibinukod ng iglesia para magnilay, binabaluktot ang mga katunayan upang magpakalat ng mga kasinungalingan sa pamamagitan ng pagsasabing arbitraryong nagpapatalsik ng mga tao ang mga lider at manggagawa at sa gayon ay sinisira ang kanilang mga buhay. Lumikha ito ng pagkabalisa sa mga kapatid at naging maingat sila sa mga lider at manggagawa, na naglubog sa iglesia sa kaguluhan. Nang makita ko ang kalubhaan ng sitwasyon, napagtanto ko na mayroong problema. Naisip ko ang pag-uugali ni Liu Min, kung paanong palagian niyang tinatanggihan ang katotohanan, at may tendensiya siyang punahin ang mga aksiyon ng iba at gamitin ang mga ito upang maghiganti sa kanila. Hindi lamang niya hindi inamin ang kanyang nagdaang paggawa ng kasamaan pagkatapos na matanggal sa kanyang posisyon, kundi patuloy niyang sinamantala ang bagay na ito at hindi niya ito tinigilan, hinuhusgahan si Wang Yi sa bawat pagkakataon, at sinasabing siya ay ginawan ng mali; at noong pinuna ko na siya ay naging iresponsable sa paggawa ng kanyang tungkulin, nagkaroon siya ng sama ng loob sa akin at binaluktot niya ang mga katunayan upang husgahan ako nang patalikod, na nagdulot sa mga kapatid na magkaroon ng pagkiling laban sa akin. Nalaman ko rin na noong siya ay isang lider, sa kabila ng paglitaw ng isang grupo ng mga anticristo sa iglesia, hindi lamang siya nabigo na pangasiwaan sila, kundi hiniling din niya sa mga diyakono na mas tulungan ang mga anticristo na ito nang may pagmamahal, at hiningi pa nga niya sa mga nagsumbong sa mga anticristo na magkaroon ng mas mabuting pagkaunawa sa kanilang sarili at matutuhan ang kanilang mga aral. Higit pa rito, matapos matanggal ang kanyang nakababatang kapatid na babae dahil sa hindi paggawa ng tunay na gawain, maraming beses na sumulat si Liu Min sa nakatataas na pamunuan, mariing tinatanong sila kung bakit tinanggal ang kanyang kapatid, at nagsasabi pa nga ng, “Kapag may nagtanggal sa akin sa posisyon ko, hindi ko sila titigilan.” Nang malaman ko ito, naisip ko, “Ang pag-uugali ni Liu Min ay hindi lamang isang panandaliang pagbubunyag ng katiwalian; ito ay isang problema sa kanyang kalikasang diwa!” Nabasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos: “Lahat ng nagawang tiwali ni Satanas ay may mga tiwaling disposisyon. May ilang tao na nagtataglay ng tiwaling disposisyon lamang, samantalang ang iba ay hindi ganito: Hindi lamang sila mayroong mga tiwali at satanikong disposisyon, kundi napakamalisyoso rin ng kanilang likas na pagkatao. Hindi lamang inihahayag ng kanilang mga salita at kilos ang kanilang mga tiwali at satanikong disposisyon; ang mga taong ito, bukod dito, ang totoong mga diyablo at si Satanas(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan). “Anuman ang mga pagkakamali o masamang bagay na nagawa nila, hindi papayag ang mga taong iyon na may malulupit na disposisyon na may maglantad o magpungos sa kanila. Kapag may naglantad at sumalungat sa kanila, labis silang magagalit, gaganti, at hindi nila kailanman titigilan ang isyu. Wala silang pasensya at pagtitimpi sa ibang tao, at wala silang pagpaparaya sa iba. Ano ang prinsipyo kung saan nakabatay ang kanilang asal? “Gugustuhin ko pang magkanulo kaysa ipagkanulo.” Sa madaling salita, hindi nila kayang tiisin na masalungat ng kahit sino. Hindi ba’t ito ang lohika ng masasamang tao? Ito mismo ang lohika ng masasamang tao. Walang sinuman ang pwedeng sumalungat sa kanila. Para sa kanila, hindi katanggap-tanggap na galitin sila ng sinuman kahit kaunti, at kinamumuhian nila ang sinumang gumawa nito. Patuloy nilang tutugisin ang taong iyon at hindi titigilan ang isyu—ganito ang masasamang tao(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 14). Sa liwanag ng mga salita ng Diyos, nakita ko na ang kalikasan ni Liu Min ay malisyoso at na namumuhi siya sa katotohanan. Hindi lamang niya patuloy na pinrotektahan ang mga anticristo at masasamang tao, kundi madalas din niyang pinupuna ang mga aksiyon ng iba upang magdulot ng walang katapusang gulo. Nagpapakahirap siyang mag-isip ng mga paraan upang husgahan at gantihan ang mga nagbigay ng payo sa kanya o gumawa ng mga bagay na naglagay sa panganib sa kanyang mga interes. Sa paggawa nito, naghasik siya ng hindi pagkakasundo sa loob ng iglesia at nagdulot ng kaguluhan sa buhay iglesia. Sa kabila ng maraming pagtatangka na bahaginan at tulungan siya, hindi pa rin siya nagsisi. Batay sa kanyang palagiang pag-uugali, nakumpirma kong isa nga siyang masamang tao. Matapos makipagtalakayan sa iba pang mga lider at manggagawa, iniulat namin ang kanyang sitwasyon sa nakatataas na pamunuan.

Sinabihan kami ng nakatataas na pamunuan na magsimula sa pamamagitan ng paghihiwalay kay Liu Min upang maiwasan ang karagdagang kaguluhan sa buhay iglesia, at kolektahin ang kanyang mga kagamitan. Pagkatapos noon, makikipagbahaginan kami at kikilatisin namin siya kasama ng mga kapatid, at pagkatapos ay patatalsikin siya. Nang marinig ko ito, nagkaroon ako ng ilang alalahanin, at naisip ko, “Noong nakaraan, dahil sa hindi sapat na katibayan, hindi napatalsik si Liu Min, at nang malaman niya ito, nagdulot siya ng walang humpay na kaguluhan, at hindi na tinigilan si Wang Yi mula noon. Nang punahin ko ang kanyang mga isyu, hindi lamang niya ito hindi tinanggap, kundi patuloy niya ring binaluktot ang mga katunayan upang husgahan ako. Noong tinanggal ang kanyang nakababatang kapatid na babae, sinabi niya pa na kapag may nagtanggal sa kanya, hindi niya ito titigilan. Napakasama ng pagkatao ni Liu Min; kapag nalaman niyang napatalsik siya, hindi ba’t magdudulot siya ng malaking kaguluhan? Sino ang nakakaalam kung anong masasamang bagay ang maaari niyang gawin sa akin? Maghihiganti kaya siya sa akin? Alam niya pa naman kung saan ako nakatira. Paano kung galit na galit siyang pumunta sa bahay ko para makipagtalo sa akin, at gumawa ng gulo at malaman ng lahat ng kapitbahay ko ang aking pananalig, na maglalagay sa akin sa panganib?” Habang mas naiisip ko iyon, mas lalo akong natatakot. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang paparating na sitwasyon. Nanalangin ako sa Diyos at hiniling kong gabayan Niya ako. Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang mga anticristo ay nagtataglay ng lubhang malulupit na disposisyon. Kung susubukan mo silang pungusan o ilantad, kamumuhian ka nila at ibabaon nila sa iyo ang mga ngipin nila na para bang sila ay mga makamandag na ahas. Hindi mo sila maiwawaksi o maiaalis kahit anong pilit mo. Kapag nakakatagpo kayo ng mga gayong anticristo, natatakot ba kayo? May ilang tao na natatakot at nagsasabi, ‘Hindi ako nangangahas na pungusan sila. Masyado silang mabangis, para silang mga makamandag na ahas, at kung pupulupot sila sa akin, magiging katapusan ko na.’ Anong uri ng mga tao ang mga ito? Masyadong mababa ang tayog nila, wala silang silbi sa anumang bagay, hindi sila mabubuting sundalo ni Cristo, at hindi nila kayang magpatotoo sa Diyos. Kaya, ano ang dapat ninyong gawin kapag nakatagpo kayo ng mga gayong anticristo? Kung pinagbabantaan ka nila o tinatangka nilang kitilin ang buhay mo, matatakot ka ba? Sa mga gayong sitwasyon, dapat mabilis kang makipagkaisa sa mga kapatid mo at manindigan, magsiyasat, magtipon ng ebidensiya, at maglantad sa anticristo hanggang maalis siya sa iglesia. Lubusan itong paglutas sa problema. Kapag natuklasan mo ang isang anticristo at malinaw mong natukoy na taglay niya ang mga katangian ng isang masamang tao at kaya niyang magparusa at maghiganti sa iba, huwag mo nang hintayin na makagawa pa siya ng kasamaan at makapagtipon ng ebidensiya bago mo ito pangasiwaan. Ito ay pagiging pasibo at magreresulta sa ilang kawalan. Kapag ipinapakita ng mga anticisto na mayroon silang mga katangian ng isang masamang tao at ibinubunyag nila ang mapanira at mapaminsala nilang disposisyon, at magsisimula na silang kumilos, pinakamainam na agad mo silang pangasiwaan, tugunan, alisin, at patalsikin. Ito ang pinakamatinong pamamaraan. Ang ilang tao ay natatakot sa paghihiganti ng mga anticristo at hindi sila naglalakas-loob na ilantad ang mga ito. Hindi ba’t kahangalan ito? Hindi mo magawang pangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, na likas na nagpapakita na hindi ka tapat sa Diyos. Natatakot ka na pwedeng makahanap ang isang anticristo ng sandata para makaganti sa iyo—ano ang problema? Pwede kayang dahil hindi ka nagtitiwala sa pagiging matuwid ng Diyos? Hindi mo ba alam na ang katotohanan ang naghahari sa sambahayan ng Diyos? Kahit na matuklasan ng isang anticristo ang ilang isyu ng katiwalian sa iyo at at gumawa ng gulo tungkol dito, hindi ka dapat matakot. Sa sambahayan ng Diyos, ang mga problema ay pinangangasiwaan batay sa mga katotohanang prinsipyo. Ang paggawa ng mga pagsalangsang ay hindi nangangahulugang masamang tao ang isang tao. Hindi kailanman pinangangasiwaan ng sambahayan ng Diyos ang sinuman dahil sa isang panandaliang pagpapakita ng katiwalian o paminsan-minsang paglabag. Iwinawasto ng sambahayan ng Diyos ang mga anticristo at masasamang tao na palagiang nanggugulo at gumagawa ng masama, at hindi tumatanggap ng kahit katiting na katotohanan. Hindi kailanman inaagrabyado ng sambahayan ng Diyos ang isang mabuting tao. Tinatrato nito ang lahat nang patas. Kahit na akusahan ng hindi totoo ng mga huwad na lider o anticristo ang isang mabuting tao, ipapawalang-sala sila ng sambahayan ng Diyos. Hindi kailanman aalisin o pangangasiwaan ng iglesia ang isang mabuting tao na kayang maglantad ng mga anticristo at na may pagpapahalaga sa katarungan. Palaging natatakot ang mga tao na makakahanap ang mga anticristo ng sandata para gantihan sila. Ngunit hindi ka ba natatakot na masalungat ang Diyos at maranasan ang Kanyang pagtataboy? Kung natatakot ka na makahanap ng paraan ang isang anticristo na makaganti sa iyo, bakit hindi mo kunin ang ebidensya ng masasamang gawa ng anticristong iyon para iulat at ilantad siya? Sa paggawa nito, makakamit mo ang pagsang-ayon at suporta ng hinirang na mga tao ng Diyos, at higit sa lahat, matatandaan ng Diyos ang iyong mabubuting gawa at mga kilos ng katarungan. Kaya, bakit hindi mo gawin ito? Dapat palaging tandaan ng hinirang na mga tao ng Diyos ang atas ng Diyos. Ang pag-aalis ng masasamang tao at mga anticristo ang pinakamahalagang laban sa pakikipagsagupa kay Satanas. Kung maipapanalo ang labang ito, magiging patotoo ito ng isang mananagumpay. Ang pakikipaglaban sa mga Satanas at diyablo ay isang patotoong batay sa karanasan na dapat taglayin ng hinirang na mga tao ng Diyos. Isa itong katotohanang realidad na dapat taglayin ng mga mananagumpay. Pinagkalooban ng Diyos ang mga tao ng napakaraming katotohanan, inakay ka Niya sa loob ng napakahabang panahon, at napakarami niyang itinustos para sa iyo, para patotohanan at pangalagaan mo ang gawain ng iglesia. Pero lumalabas na kapag gumagawa ng masasamang gawa ang masasamang tao at ang mga anticristo at kapag ginugulo nila ang gawain ng iglesia, nagiging duwag ka at umaatras ka, tumatakbo nang nakatakip ang mga kamay sa ulo—wala kang kwenta. Hindi mo madaig si Satanas, hindi ka nakapagpatotoo, at kinasusuklaman ka ng Diyos. Sa kritikal na sandaling ito, kailangan mong manindigan at makipagdigma sa mga Satanas, ilantad ang masasamang gawa ng mga anticristo, kondenahin at isumpa sila, huwag silang bigyan ng lugar na mapagtataguan, at alisin sila palayo sa iglesia. Ito lang ang maituturing na pagkamit ng tagumpay laban sa mga Satanas at pagwawakas sa kapalaran nila. Isa ka sa hinirang na mga tao ng Diyos, isang tagasunod ng Diyos. Hindi ka pwedeng matakot sa mga hamon; dapat kang kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Ito ang ibig sabihin ng pagiging isang mananagumpay. Kung natatakot ka sa mga hamon at nakikipagkompromiso ka dahil natatakot ka sa paghihiganti ng masasamang tao o mga anticristo, kung gayon, hindi ka isang tagasunod ng Diyos, at hindi ka kabilang sa hinirang na mga tao ng Diyos. Wala kang kwenta, mas mababa ka pa kaysa sa mga tagapagserbisyo. Pwedeng sabihin ng ilang duwag, ‘Napakalakas ng mga anticristo; kaya nilang gawin ang anumang bagay. Paano kung maghiganti sila sa akin?’ Salita ito ng magulo ang isipan. Kung natatakot ka sa paghihiganti ng mga anticristo, nasaan ang pananalig mo sa Diyos? Hindi ba’t pinrotektahan ka ng Diyos sa buong buhay mo? Hindi ba’t nasa mga kamay rin ng Diyos ang mga anticristo? Kung hindi ito pinahihintulutan ng Diyos, ano ang magagawa nila sa iyo? Dagdag pa rito, gaano man kasama ang mga anticristo, ano ba talaga ang kaya nilang gawin? Hindi ba’t masyadong madali para sa hinirang na mga tao ng Diyos na magkaisa at ilantad, at pangasiwaan sila? Kung gayon, bakit ka matatakot sa mga anticristo? Ang mga gayong tao ay walang kwenta at hindi karapat-dapat na sumunod sa Diyos. Umuwi ka na lang, palakihin mo ang mga anak mo, at mamuhay ka nang tahimik. Sa harap ng panggugulo ng mga anticristo sa gawain ng iglesia at pamiminsala sa hinirang na mga tao ng Diyos, paano dapat tumugon ang hinirang na mga tao ng Diyos sa masasamang gawa ng mga anticristo? Paano dapat manindigan sa patotoo nila ang mga sumusunod sa Diyos? Paano nila dapat labanan ang mga puwersa ni Satanas at ang mga anticristo? Nagpapasakop ka man at nagiging tapat sa Diyos o nakaupo ka lang sa tabi-tabi at ipinagkakanulo mo ang Diyos—ganap na mabubunyag ang mga ito kapag nanggugulo, gumagawa ng masama, at sumasalungat sa Diyos ang mga anticristo. Kung hindi ka isang taong nagpapasakop sa Diyos at tapat sa Kanya, kung gayon, isa kang taong nagkakanulo sa Kanya. Walang ibang pagpipilian. Ang ilang naguguluhang indibidwal at iyong mga walang pagkilatis ay pinipiling maging nyutral sa paninindigan nila at hindi sila makapagdesisyon. Sa mga mata ng Diyos, walang katapatan sa Diyos at mga taksil sa Kanya ang mga taong ito(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikawalong Bahagi)). Sinasabi ng mga salita ng Diyos na ang paglalantad sa mga anticristo at masasamang tao ay responsabilidad at tungkulin ng lahat ng hinirang na mga tao ng Diyos at na ito ay isang aktuwal na pagpapamalas ng pagprotekta sa gawain ng iglesia. Gayumpaman, talagang natatakot akong ilantad at pangasiwaan ang masasamang tao. Palagi kong nararamdaman na kapag inilantad ko sila, pupuluputan nila ako na parang makamandag na ahas at hindi ko sila maaalis. Sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Masyadong mababa ang tayog nila, wala silang silbi sa anumang bagay, hindi sila mabubuting sundalo ni Cristo, at hindi nila kayang magpatotoo sa Diyos.” Nakonsensiya at nalungkot ako nang mabasa ko ang mga salitang “wala silang silbi sa anumang bagay.” Bilang isang lider ng iglesia, dapat sana ay isinaalang-alang ko ang layunin ng Diyos at pinrotektahan ang normal na operasyon ng gawain ng iglesia at buhay iglesia. Ngunit nang makita ko si Liu Min na nagpapakalat ng mga tsismis at panghuhusga sa lahat ng dako na ang mga lider at manggagawa ay nagpapatalsik ng mga tao nang walang mga prinsipyo, na naging dahilan upang ang mga kapatid ay magkaroon ng pagkiling at maging maingat laban sa mga lider at manggagawa, at labis na ginulo ang buhay iglesia, wala akong lakas ng loob na pangasiwaan si Liu Min ayon sa mga prinsipyo. Natakot akong pag-iinitan at gagantihan niya ako, pahihirapan ako at magdudulot ng kaguluhan sa akin. Upang protektahan ang sarili kong mga interes, ginusto kong kumilos na parang isang pagong, pinanonood ang masasamang tao na ginugulo ang iglesia ngunit hindi ito hinaharap at hindi pinoprotektahan ang gawain ng iglesia sa tamang panahon. Hindi ko talaga ginampanan ang mga responsabilidad ko. Labis akong makasarili at isa akong napakawalang-silbing duwag! Lalo na nang nabasa ko ang mga salita ng Diyos na: “Kung natatakot ka sa paghihiganti ng mga anticristo, nasaan ang pananalig mo sa Diyos? Hindi ba’t pinrotektahan ka ng Diyos sa buong buhay mo? Hindi ba’t nasa mga kamay rin ng Diyos ang mga anticristo? Kung hindi ito pinahihintulutan ng Diyos, ano ang magagawa nila sa iyo?” Mas lalo pa akong napahiya. Ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay, at ang mga anticristo at masasamang tao ay nasa mga kamay din ng Diyos. Kung walang pahintulot ng Diyos, wala silang magagawa. Nanampalataya ako sa Diyos at kumain at uminom ng napakaraming salita ng Diyos, ngunit wala akong tunay na pananalig sa Diyos. Ako ay tunay na kaawa-awa! Sa pag-iisip tungkol dito, kinamuhian ko ang aking sarili sa pagiging isang kabiguan at nagpasya ako na isaalang-alang ang layunin ng Diyos at umasa sa Diyos sa pag-aalis ng masamang taong ito. Kaya, nanalangin ako sa Diyos, humihiling sa Kanya na bigyan ako ng pananalig at lakas para mapanindigan ko ang mga prinsipyo at hindi ako matakot sa masamang taong ito.

Kalaunan, inilantad at hinimay namin ang ugali ni Liu Min at inihiwalay siya. Hindi ito tinanggap ni Liu Min o pinagnilayan man lang ang kanyang sarili at sinabi pa nga niya na ginawa niya ang mga bagay na ito dahil hindi siya tinulungan ng mga kapatid. Wala siyang pagkilala sa kanyang masasamang gawa, at lalo nang walang pagsisisi. Noong panahong iyon, walang gaanong pagkakilala ang mga kapatid tungkol sa kanya. Inakala nila na si Liu Min ay may ilang kaloob, na nakikipagbahaginan siya sa isang lohikal at malinaw na paraan, at na kaya niyang magtiis ng pagdurusa at gumugol ng kanyang sarili. Maganda ang impresyon nila sa kanya. Naguluhan ako, iniisip kong, “Kapag nakipagbahaginan ako sa mga kapatid at hinimay ko si Liu Min bilang isang masamang tao, at hindi nila ito tinanggap at hindi sila sumang-ayon sa pagpapatalsik sa kanya, ano ang dapat kong gawin? Iisipin ba ng lahat na hindi patas ang pangangasiwa ko sa mga bagay-bagay at magkakaroon ba sila ng pagkiling laban sa akin? Magkakagulo ba ang iglesia? Kapag nagkaganoon, mananagot ba ako? Matatanggal ba ako?” Sa sandaling iyon, napagtanto kong nabubuhay na naman ako sa isang estado ng karuwagan at pag-aalala, kaya nanalangin ako sa Diyos, handang maghimagsik laban sa aking sarili at isagawa ang katotohanan. Pagkatapos, naghanap ako ng paraan para makipagbahaginan sa mga kapatid sa paraang makakakuha ng mga resulta. Nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang ikatlong hinihingi sa ikalabindalawang responsabilidad ng mga lider at manggagawa ay na kapag nahaharap sa mga paggambala at panggugulo na dulot ng masasamang tao, ang mga lider at manggagawa ay dapat na kumain at uminom ng salita ng Diyos kasama ang hinirang na mga tao ng Diyos para pagnilayan at kilalanin ang sarili nila, at magkaroon sila ng tunay na pagbabago. Dapat maakay nila ang hinirang na mga tao ng Diyos na makapasok sa katotohanang realidad, iwaksi ang mga tiwaling disposisyon ng mga ito, at makamit ang pagsunod sa Diyos, pagpapasakop sa Diyos, at pagpapatotoo sa Diyos. Ang ganitong uri lang ng gawain ang naaayon sa mga layunin ng Diyos. Sa isang banda, ang mga lider at manggagawang gumagawa sa ganitong paraan ay nagagawang lutasin ang mga problema at sangkapan ang sarili nila ng katotohanan habang gumagawa sila. Dagdag pa rito, sa pamamagitan ng pakikipagbahaginan sa katotohanan para lutasin ang mga problema, natutulungan nila ang mga kapatid na maunawaan ang katotohanan, malaman kung paano pagnilayan at kilalanin ang sarili nila, iwaksi ang mga tiwaling disposisyon nila, gawin nang maayos ang mga tungkulin nila, malaman kung paano kilatisin at tratuhin ang mga tao, makamit ang pagsunod sa Diyos at pagpapasakop sa Diyos, hindi mapigilan ng iba, at magawang makapanindigan sa patotoo nila. Pagtupad ito sa mga tungkulin ng mga lider at manggagawa; ito ang prinsipyong dapat isagawa ng mga lider at manggagawa sa paglutas ng mga problema habang isinasagawa ang gawain ng iglesia. Anumang mga problema ang lumitaw sa iglesia, una sa lahat, ang mga lider at manggagawa ay dapat hanapin ang katotohanan, arukin ang mga layunin ng Diyos, at hanapin ang paggabay ng Diyos nang magkakasama. Pagkatapos, dapat silang maghanap ng mga nauugnay na mga salita ng Diyos para lutasin ang iba’t ibang umiiral na problema. Sa proseso ng paglutas sa mga problema, ang mga lider at manggagawa ay dapat na mas makipagbahaginan sa mga kapatid tungkol sa mga nauugnay na salita ng Diyos, at maunawaan ang diwa ng mga problema batay sa mga salita ng Diyos. Dapat din nilang himukin ang hinirang na mga tao ng Diyos na makipagbahaginan tungkol sa sariling pagkaunawa ng mga ito para makilatis ang mga isyung ito. Kapag pare-pareho na ang pagkaunawa ng mayorya at nagkaroon na ng kasunduan ang mga ito, mas madali nang malutas ang mga problema. Sa paglutas ng mga problema, huwag paulit-ulit na alalahin ang mga pangyayari o usisain ang maliliit na detalye o sisihin ang mga indibidwal na sangkot sa mga problema. Sa umpisa, huwag tumuon sa maliliit na isyu; sa halip, malinaw na makipagbahaginan sa katotohanan, dahil mabubunyag nito ang kalikasan ng mga problema. Ang pamamaraang ito lang ang nakakatulong sa hinirang na mga tao ng Diyos na matutunang kilatisin ang mga isyu batay sa mga salita ng Diyos, magkamit ng pagkilatis mula sa mga tao, pangyayari, at bagay na lumilitaw, at matuto ng mga praktikal na aral mula sa mga ito. Tinutulutan din sila nito na ikumpara sa tunay na buhay ang mga salita at doktrinang karaniwan nilang nauunawaan, na nagbibigay sa kanila ng kakayahan na tunay na maunawaan ang katotohanan. Hindi ba’t ito ang dapat gawin ng mga lider at manggagawa? … Paano dapat akayin ng mga lider ng iglesia ang hinirang na mga tao ng Diyos? Ang pangunahing paraan ay ang akayin ang hinirang na mga tao ng Diyos na tukuyin at lutasin ang mga problema sa tunay na buhay, isagawa at danasin ang salita ng Diyos sa tunay na buhay, para bukod sa maisasagawa ng hinirang na mga tao ng Diyos ang katotohanan, makikilatis din nila ang mga negatibong bagay at mga negatibong tao—mga huwad na lider, mga huwad na manggagawa, masasamang tao, mga hindi mananampalataya, at mga anticristo. Ang layon ng pagkilatis sa iba’t ibang tao ay ang malutas ang mga problema. Sa pamamagitan lang ng lubusang paglutas sa mga panggugulo na dulot ng masasamang tao at mga anticristo uusad nang maayos ang gawain ng iglesia, at maisasakatuparan ang kalooban ng Diyos sa iglesia. Kasabay nito, ang pagtugon sa masasamang tao ay nagsisilbing babala rin para maiwasang makagawa ng mga pagkakamali o kasamaan, nagbibigay kakayahan sa sarili na magkaroon ng takot sa Diyos at umiwas sa kasamaan(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 20). Matapos mabasa ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang isang aspekto ng responsabilidad ng isang lider at manggagawa ay na kapag ang masasamang tao at mga anticristo ay ginambala at ginulo ang gawain ng iglesia, dapat nilang sangkapan ng katotohanan ang kanilang sarili at ang mga kapatid at dapat silang sama-samang matuto ng mga aral, na aakay sa kanila sa pagkilala sa mga anticristo at masasamang tao, at upang hindi mailigaw at magulo ng mga ito. Kasabay nito, dapat din nilang gabayan ang mga kapatid para maunawaan ang kahalagahan ng gawain ng paglilinis ng iglesia. Sa pamamagitan lamang ng pag-aalis sa mga hindi mananampalataya, mga anticristo, at masasamang tao na mahahangad ng mga taong hinirang ng Diyos ang katotohanan at matutupad nila ang kanilang mga tungkulin sa isang matatag na kapaligiran. Nang maunawaan ko ang mga bagay na ito, naisip ko, “Ang mga kapatid ay walang pagkakilala kay Liu Min sa ngayon, at ang ilan ay sumasamba pa nga sa kanya dahil nakikita nila ang kanyang malilinaw na kaloob, at mahusay na pananalita, ngunit hindi nila nakikilala ang kanyang diwa batay sa mga motibo at kalikasan ng kanyang mga aksiyon, at kanyang saloobin sa katotohanan. Dapat kong pangunahan ang mga kapatid na kilalanin ang pag-uugali at mga pagkilos ni Liu Min ayon sa mga salita ng Diyos, upang hindi na sila mailigaw. Ito ay pagtupad sa responsabilidad ng isang lider.” Pagkatapos, naghanap ako ng mga katotohanan tungkol sa pagkilala sa kalikasang diwa ng mga tao at ginamit ko ang palagiang pag-uugali ni Liu Min upang makipagbahaginan sa mga kapatid. Pagkatapos makinig, sumang-ayon silang patalsikin si Liu Min. Sinabi pa nga ng ilang kapatid na, “Ngayon ay naiintindihan ko na kung ano ang ibig sabihin ng Diyos kapag isinisiwalat Niya kung paanong ang masasamang tao ay matigas ang ulo na tumatangging magsisi, si Liu Min ay isang buhay na halimbawa.” Nang makita ko ang resultang ito, napuno ako ng pasasalamat sa Diyos, dahil alam kong ito ay bunga ng mga salita ng Diyos. Kalaunan, sama-sama kaming nagbahaginan at nakita namin na ang pagpapahintulot ng Diyos sa iglesia na magkaroon ng mga anticristo at masasamang tao ay naglalaman ng Kanyang mabuting layunin, gamit ang tunay na halimbawang ito ni Liu Min upang ipakita sa amin kung ano ang masasamang tao. Mas praktikal ito kaysa sa pagsasalita ng mga hungkag na salita ng teorya.

Kalaunan, nagnilay rin ako sa aking sarili, napapaisip kung bakit ba ako sobrang natakot at nag-alinlangan na manindigan sa mga prinsipyo pagdating sa pagpapatalsik sa masasamang tao? Nabasa ko ang mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Hangga’t hindi nararanasan ng mga tao ang gawain ng Diyos at nauunawaan ang katotohanan, ang kalikasan ni Satanas ang namamahala at nagdodomina sa kanilang kalooban. Ano ba ang partikular na nakapaloob sa kalikasang iyon? Halimbawa, bakit ka makasarili? Bakit mo pinoprotektahan ang sarili mong katayuan? Bakit ka mayroong gayong katinding mga damdamin? Bakit ka nasisiyahan sa mga di-matutuwid na bagay na iyon? Bakit gusto mo ang mga kasamaang iyon? Ano ang batayan ng pagkahilig mo sa mga ganoong bagay? Saan nagmumula ang mga bagay na ito? Bakit ka masayang-masaya na tanggapin ang mga ito? Sa ngayon, naunawaan na ninyong lahat na ang pangunahing dahilan sa likod ng lahat ng bagay na ito ay dahil nasa kalooban ng tao ang lason ni Satanas. Ano ang lason ni Satanas? Paano ito maipapahayag? Halimbawa, kung magtatanong ka ng, ‘Paano dapat mamuhay ang mga tao? Para saan ba dapat nabubuhay ang mga tao?’ sasagot ang mga tao: ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba.’ Ipinahahayag ng nag-iisang pariralang ito ang pinakaugat ng problema. Ang pilosopiya at lohika ni Satanas ay naging buhay na ng mga tao. Anuman ang hinahangad ng mga tao, ginagawa nila ito para sa kanilang sarili—kaya’t nabubuhay lamang sila para sa kanilang sarili. ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba’—ito ang pilosopiya sa buhay ng tao, at kinakatawan din nito ang kalikasan ng tao. Naging kalikasan na ng tiwaling sangkatauhan ang mga salitang ito at ang mga ito ang tunay na larawan ng satanikong kalikasan ng tiwaling sangkatauhan. Ang satanikong kalikasang ito na ang naging batayan para sa pag-iral ng tiwaling sangkatauhan. Sa loob ng ilang libong taon, namuhay ang tiwaling sangkatauhan ayon sa kamandag na ito ni Satanas, hanggang sa kasalukuyang panahon(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Tahakin ang Landas ni Pedro). Habang iniisip ko ang mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang dahilan kung bakit labis akong nag-alinlangan at nag-alala tungkol sa pagpapatalsik kay Liu Min ay dahil kinontrol ako ng mga lason ni Satanas tulad ng “Ang matitinong tao ay mahusay sa pag-iingat sa sarili, tanging hangad nila ay hindi magkamali,” “Mas kakaunti ang gulo, mas mainam,” at “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba” gayon din ang “Ang ibong nag-uunat ng kanyang leeg ang unang nababaril.” Nang mangyari ang mga bagay-bagay, nagsimula akong isaalang-alang kung paano protektahan ang aking sarili at tiyakin na hindi mapipinsala ang mga interes ko. Bilang isang lider ng iglesia, malinaw kong nakilala ang diwa ni Liu Min bilang isang masamang tao, ngunit natakot akong salungatin siya at gumanti siya, at nag-alala ako na ang kawalan ng pagkakilala ng mga kapatid ay aakay sa kanila na magkaroon muli ng pagkiling laban sa akin, at na kapag nangyari ito, magugulo ang iglesia at baka tanggalin ako at hindi ko maprotektahan ang katayuan ko. Kahit anong pag-iisip ang gawin ko tungkol dito, pakiramdam ko ang paglalantad sa masamang taong ito ay makakasama sa akin, kaya umatras ako at hindi ko pinatalsik ang masamang taong ito sa tamang panahon. Ginagawa ang gawain ng paglilinis ng iglesia upang dalisayin ang iglesia, at tiyakin na ang gawain ng iglesia at buhay iglesia ay hindi magugulo. Gayumpaman, hindi ko kayang panindigan ang gawain ng iglesia at nanood lang ako habang ang mga kapatid ay inililigaw, at habang ang buhay iglesia ay ginugulo, wala akong ginawa, pakiramdam ko ay hangga’t ang aking mga interes ay hindi napipinsala, maayos ang lahat ng bagay. Nakita ko na sa pamumuhay nang ayon sa mga lason na ito ni Satanas, unti-unting naging manhid ang aking konsensiya, at ang tanging naiisip ko lang ay ang aking mga interes. Habang mas iniisip ko ito, mas lalo kong nararamdaman na ako ay napakamakasarili at napakakasuklam-suklam, na wala akong katapatan sa Diyos, at na ako ay ganap na walang pagkatao! Noon ko lang napagtanto na ang pag-asa sa mga lason na ito ni Satanas sa mga pagkilos ng isang tao ay paglaban sa Diyos at paggambala sa gawain ng iglesia bilang alipores ni Satanas. Kung hindi ako magsisisi, mas marami lang akong magagawang kasamaan at kalaunan ay kasusuklaman at ititiwalag ng Diyos! Isa pang inaalala ko kung bakit hindi ako nanindigan sa mga prinsipyo ay na baka tanggalin ako kapag nagkagulo ang iglesia dahil hindi ko hinarap nang maayos ang masamang taong ito. Sa aking paghahanap, nabasa ko ang ilan sa mga salita ng Diyos: “Ang mga kayang gumanap ng isang tungkulin sa sambahayan ng Diyos ay dapat na mga taong ang pasanin ay ang gawain ng iglesia, na umaako ng responsabilidad, na pinaninindigan ang mga katotohanang prinsipyo, at kayang magdusa at magbayad ng halaga. Kung ang isang tao ay nagkukulang sa mga larangang ito, hindi siya karapat-dapat na gumanap ng isang tungkulin, at hindi niya tinataglay ang mga kondisyon para sa pagganap ng tungkulin. Maraming tao ang natatakot na umako ng responsabilidad sa pagganap ng isang tungkulin. … Sinasabi nila sa kanilang sarili, ‘Kung ang bagay na ito ay sa akin para ayusin, paano kung magkamali ako? Kapag tinitingnan nila kung sino ang dapat sisihin, hindi ba nila ako haharapin? Hindi ba’t ang responsabilidad para dito ay unang babagsak sa akin?’ Ito ang inaalala nila. Subalit naniniwala ka bang sinisiyasat ng Diyos ang lahat? Ang lahat ay nagkakamali. Kung ang isang taong may tamang layunin ay kulang sa karanasan at hindi pa nakapag-asikaso ng ganitong uri ng usapin noon, pero ginawa niya ang kanyang makakaya, nakikita iyon ng Diyos. Dapat kang maniwala na kinikilatis ng Diyos ang lahat ng bagay at ang puso ng tao. Kung hindi man lang ito pinaniniwalaan ng isang tao, hindi ba’t isa siyang hindi mananampalataya? Anong kabuluhan ang mayroon sa pagganap ng gayong tao ng isang tungkulin?(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Unang Bahagi)). Matapos mabasa ang mga salita ng Diyos, naunawaan kong matuwid ang Diyos, sinisiyasat Niya ang lahat, at pinangangasiwaan ng iglesia ang mga tao batay sa mga prinsipyo, batay sa kanilang palagiang pagganap at sa kanilang kalikasang diwa. Kung ang layunin ng isang tao ay isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos at itaguyod ang gawain ng iglesia, at hindi lang niya naiintindihan ang katotohanan at nabibigo lang siyang makita ang diwa ng isang problema kung kaya’t hindi niya ito mapangasiwaan nang maayos, at nagagawa niyang ayusin ang mga bagay sa tamang panahon sa pamamagitan ng pagbabahaginan at tulong, pakikitunguhan ng iglesia nang patas ang gayong mga tao at hindi sila pangangasiwaan o tatanggalin. Gayumpaman, kung ang isang tao ay sadyang nagdudulot ng kaguluhan nang may masasamang intensiyon, pangangasiwaan siya ng iglesia batay sa mga prinsipyo. Hindi ko naunawaan ang matuwid na disposisyon ng Diyos o pinaniwalaan na sinisiyasat ng Diyos ang puso ng mga tao, ni pinaniwalaan na ang katotohanan ay naghahari sa iglesia. Nabuhay lang ako sa sarili kong mga kuru-kuro at imahinasyon, nababahala at nag-aalala. Ito ay talagang baluktot! Ang pagkaunawa sa mga bagay na ito ay nagparamdam sa akin ng ganap na kalayaan. Nabasa ko rin ang mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Gumaganap ka ngayon ng iyong tungkulin sa sambahayan ng Diyos. Ano ang unang prinsipyo sa pagtupad ng isang tungkulin? Ito ay na kailangan mo munang gampanan ang tungkuling iyon nang buong puso, lubos na pagsikapan, at protektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Ito ay isang katotohanang prinsipyo, isa na dapat mong isagawa(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Unang Bahagi)). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos ang isang landas ng pagsasagawa. Sa hinaharap, tuwing mahaharap ako sa mga bagay-bagay, dapat ay isaalang-alang ko ang mga layunin ng Diyos, magsagawa ako ayon sa mga katotohanang prinsipyo, at itaguyod ko ang gawain ng iglesia. Ito ang pagtupad ng aking tungkulin.

Kalaunan, inilantad ko ang masasamang gawa ni Liu Min at inanunsiyo namin ng kapareha kong sister ang pagpapatalsik sa kanya. Bagama’t mayroon pa rin akong ilang alalahanin, naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Llahat kayo’y nagsasabi na isinasaalang-alang ninyo ang pasanin ng Diyos at ipagtatanggol ang patotoo ng iglesia, ngunit sino ba sa inyo ang talagang nagsaalang-alang sa pasanin ng Diyos? Itanong sa iyong sarili: Ikaw ba’y isang tao na nagpakita ng pagsasaalang-alang para sa pasanin Niya? Magagawa mo bang maging matuwid para sa Kanya? Makakapanindigan ka ba at makakapagsalita para sa Akin? Maisasagawa mo ba nang matatag ang katotohanan? Ikaw ba’y may sapat na lakas ng loob na labanan ang lahat ng gawa ni Satanas? Makakaya mo bang isantabi ang iyong mga damdamin at ilantad si Satanas para sa kapakanan ng Aking katotohanan? Mapahihintulutan mo ba ang Aking mga layunin na matugunan sa iyo? Naihandog mo na ba ang iyong puso sa pinakamahahalagang sandali? Ikaw ba’y taong sumusunod sa Aking kalooban? Itanong mo sa iyong sarili ang mga katanungang ito at madalas mong isipin ang mga ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 13). Kasama sa mga tanong ng Diyos sa Kanyang mga salita ang Kanyang mga inaasahan sa mga tao. Umaasa ang Diyos na magagawa nating isaalang-alang ang Kanyang layunin, itaguyod ang mga prinsipyo, at magkaroon ng lakas ng loob na ilantad ang masasamang tao. Hindi ko na puwedeng biguin pa ang Diyos. Kailangan kong isagawa ang katotohanan at itaguyod ang gawain ng iglesia. Kaya, pinag-isa namin ng kapareha kong sister ang puso’t isipan namin at nagdasal kami. Batay sa mga salita ng Diyos, inilantad at hinimay namin ang mga isyu ni Liu Min. Bagama’t hindi niya pa rin kilala ang kanyang sarili, wala na siyang masabi. Nang makita ko ang resultang ito, hindi ko napigilang magpasalamat sa Diyos sa aking puso. Pagkatapos ng karanasang ito, nagkaroon ako ng kaunting pananalig sa Diyos at kaunting pagkaunawa sa sarili kong tiwaling disposisyon. Naranasan ko ang kapayapaang nagmumula sa pagsasagawa ng katotohanan.

Sinundan: 74. Pagiging Mabuting Tao Ba ang Pagiging Tapat sa Iba?

Sumunod: 76. Nasaktan Ko ang Aking Sarili sa Pamamagitan ng mga Balatkayo at Panlilinlang

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito