7. Ang mga Salita ng Diyos ang Tangi Nating Batayan Para Tingnan ang Iba

Ni Theresa, USA

Mahigit tatlong taon ko nang kilala si Sheila at kilalang-kilala namin ang isa’t isa. Sa tuwing nagkikita kami, lagi niya akong kinukuwentuhan tungkol sa kasalukuyan niyang kalagayan. Sinasabi niyang lagi siyang naghihinala sa iba at labis na nababahala sa kung ano ang iniisip sa kanya ng iba. Sinabi rin niya na may mga pagkakataong napakababaw niya, at laging inaanalisa kung ano ang ibig sabihin ng mga tao. Sumasama ang loob niya kapag may hindi siya nagustuhan sa ekspresyon ng mukha ng isang tao, sa tono nito, o kahit sa ilang kaswal na puna. Hindi niya gustong maging gayon, pero hindi niya mapigilan. Madalas niyang sabihin na napakatiwali niya, mapanlinlang, at walang pagkatao, na kinamumuhian niya kung gaano niya pinahahalagahan ang reputasyon at katayuan at umiiyak siya habang nagsasalita. Nang makita ko kung gaano siya nagsisisi at nasusuklam sa kanyang sarili, akala ko ay gusto nga niya talagang magbago. Marahil ay seryoso ang tiwaling disposisyong ito. Ito ang kanyang matinding kahinaan at hindi magiging madali ang pagbabago; matatagalan ito. Kaya naisip ko na dapat akong maging madamayin. Gaano man ako kaabala sa aking tungkulin, kapag gusto niyang makipag-usap, isinasantabi ko ang aking gawain at pinakikinggan ang paglalahad niya ng kanyang nararamdaman, at madalas na pinalalakas ko ang kanyang loob, inaalo siya, at nagbabahagi sa kanya. Ngunit ang hindi ko maunawaan ay kung bakit kahit na mukhang makatwiran si Sheila sa kanyang pagbabahagi at kilalang-kilala niya ang kanyang sarili, kapag pinupuna ng iba ang kanyang mga problema, iniisip niyang hinahamak siya ng mga ito at nagiging negatibo siya. Nangyari ito nang paulit-ulit at hindi nagbago. Higit pa rito, nakausap na niya ang maraming tao tungkol sa isyung ito, nagtapat na siya nang maraming beses at maraming tao na ang nakipagbahaginan sa kanya. Ngunit pagkalipas ng ilang taon, hindi pa rin siya nagpapakita ng kahit na katiting na tanda ng pag-usad.

Naalala ko minsan, tinatalakay ng isang superbisor ang isang isyu namin sa pagdidilig sa mga baguhan, sinasabing hindi kami naging sapat na mapagmalasakit at mapagpasensya sa mga baguhan, at hindi kami agad nakapagbahagi at nakasuporta sa kanila nang hindi sila dumalo sa mga pagtitipon, na pagiging iresponsable. Sinasabi ito ng superbisor sa lahat ng tagapagdilig, at hindi partikular na sinisisi ang sinuman. Ngunit sinabi ni Sheila na inilalantad siya ng superbisor at ipinapahiya siya, kaya ayaw niyang magsalita noong pagtitipon. Isang beses pa, isang brother ang nagbabahagi tungkol sa kanyang kasalukuyang kalagayan, at nagsabi na minsan kapag nakikitungo siya sa iba na may mahinang kakayahan, hindi patas ang nagiging pagtrato niya sa mga ito. Nagpatuloy siya sa pagbabahagi ng kanyang karanasan at kung paano siya bumuti at nagkamit ng pagpasok. Ngunit nang marinig ito ni Sheila, inakala niyang siya ang tinutukoy nito, at na hinahamak ng brother ang kanyang kakayahan at minamaliit siya. Maraming araw siyang negatibo pagkatapos niyon, nagkaroon siya ng pagkiling laban sa brother, at iniwasan niya ito at hindi pinansin. Minsan pa, sa isang pulong ng gawain, tinukoy ng superbisor ang isang maliit na isyu sa kung paano dinidiligan ni Sheila ang mga baguhan, at bigla na lang umiyak at tumakbo palabas si Sheila, at matagal-tagal bago bumalik. Tahimik siyang umupo sa isang tabi, umaagos ang mga luha sa kanyang mukha, na para bang labis siyang inagrabyado. Nang makita ko ang ekspresyon sa kanyang mukha, hindi ko mapatahimk ang puso ko at naabala ang pagtitipon. Sa huli, walang nagawa ang superbisor kundi ang aluin at palakasin ang loob ni Sheila, hanggang sa wakas ay kumalma na ito. Kalaunan, nagbahagi sa kanya ang lider, tinutukoy na labis-labis niyang pinahahalagahan ang reputasyon at katayuan, at kailangang maging sentro siya ng pangangalaga at atensyon ng lahat para magawa niya ang kanyang tungkulin. Mas lalong hindi niya ito matanggap: Sa isang banda, sinabi niyang ang pagpuna ng superbisor ay may pagkiling at hindi patas, habang sinasabi ring mayroon siyang komplikadong kalikasan, at na gusto niyang magbago ngunit hindi niya magawa. Sinabi rin niya, “Hindi na ako maliligtas. Paano ako nagkaroon ng ganitong uri ng kalikasan? Bakit mas nakahihigit kaysa sa akin ang lahat at biniyayaan ng hindi gaanong komplikadong mga pag-iisip? Bakit hindi ako binigyan ng Diyos ng mabuting kalikasan?” Nang marinig ko siyang sabihin ang lahat ng ito, naisip ko, “Napakakasuklam-suklam niya at hindi makatwiran. Paano niya nagawang sisihin ang Diyos?” Ngunit pagkatapos ay naisip ko na baka nasa masamang kalagayan siya kailan lang, at nasabi lang niya ang mga bagay na ito dahil nanganganib ang kanyang reputasyon at katayuan. Siguro kapag bumuti ang kanyang kalagayan ay titigil na siya sa pagiging gayon.

Ngunit kalaunan ay napagtanto ko na kahit sino pa ang kasama ni Sheila, lagi siyang napipigilan ng kanilang mga ekspresyon—kapag naisip niyang ang isang tao ay malamig sa kanya o kapag hindi niya nagustuhan ang tono nito, ipinagpapalagay niya na ang taong iyon ay hinahamak siya. Sa aking sariling mga pakikisalamuha sa kanya, lubha akong nag-iingat, laging nag-aalala na baka mapasama ko ang loob niya, maging negatibo siya dahil sa akin at maantala ang kanyang mga tungkulin. Nakasasakal ang makipag-ugnayan kay Sheila at madalas ay gusto ko siyang iwasan. Ngunit pagkatapos ay maaalala ko na tiwali rin ako, at na hindi ko dapat laging pinupuna ang iba. Kailangan kong maging mapagmalasakit at mapagsaalang-alang sa mga paghihirap ng iba, at maging mapagparaya at mahabagin. Kaya pinilit ko ang sarili ko na makipag-ugnayan nang normal sa kanya at sinubukan kong hindi pasamain ang loob niya sa abot ng aking makakaya.

Kalaunan, dahil hindi man lang tinanggap ni Sheila ang katotohanan, dahil hindi siya makatwiran, at ginagambala niya ang iglesia, tinanggal siya ng lider at hiniling sa kanya na bumukod at magnilay. Nabigla talaga ako nang marinig ko ang balita, dahil kahit na si Sheila ay masyadong nag-aalala sa reputasyon at katayuan at madalas na naghihinala sa iba, handa pa rin naman siyang magtapat at makipagbahaginan, at tila hinahangad niya ang katotohanan. Kaya bakit siya ibubukod? Kalaunan lamang sa isang pagtitipon, nang basahin ng mga lider ang mga pagsusuri kay Sheila at gamitin ang mga salita ng Diyos para himayin ang kanyang pag-uugali, saka ako nagkaroon ng kaunting pagkilatis sa kanya. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang mga taong wala sa katwiran at masyadong nakayayamot kapag kumikilos ay sariling interes lang ang iniisip. Ginagawa nila ang anumang gusto nila, at puno ng mga maling paniniwala na pawang kabalintunaan lamang ang kanilang pananalita. Hindi sila tinatablan ng katwiran, at punung-puno ng masamang disposisyon. Walang sinumang nangangahas na makipag-ugnayan sa kanila, at walang may gustong makipagbahaginan sa kanila tungkol sa katotohanan, sa takot na mapahamak pa. Kinakabahan ang mga tao na prangkahin sila, natatakot na kung makapagsabi ng hindi nila gusto o hindi naaayon sa gusto nila, sasamantalahin nila iyon at pararatangan ng masama ang mga tao. Hindi ba’t masama ang gayong mga tao? Hindi ba’t mga buhay silang demonyo? Lahat ng may masasamang disposisyon at maling katwiran ay mga buhay na demonyo. At kapag nakipag-ugnayan ang isang tao sa isang buhay na demonyo, maaari niyang ipahamak ang sarili niya dahil lamang sa isang kapabayaan. Hindi ba’t magkakaproblema kung nasa iglesia ang gayong mga buhay na demonyo? (Oo.) Pagkatapos magwala at maglabas ng galit ang mga buhay na demonyong ito, may ilang panahon na maaari silang magsalita na parang tao at humingi ng paumanhin, ngunit hindi sila magbabago pagkatapos. Sino ang nakakaalam kung kailan uli iinit ang ulo nila at kung kailan sila magwawala ulit, maglilitanya ng kanilang mga maling paniniwala na pawang kabalintunaan lang naman. Nag-iiba iba ang puntirya ng kanilang pagngangalit at pagbubulalas sa bawat pagkakataon; gayundin ang pinagmumulan at dahilan ng kanilang mga pagbubulalas. Kahit ano ay maaaring makagalit sa kanila. Kahit ano ay maaaring hindi makasiya sa kanila, at kahit ano ay maaaring maging dahilan para sila ay maging bastos at hindi makatwiran. Nakakatakot, at napakagulo! Kumikilos ang masasamang taong ito na parang mga may sakit sa pag-iisip. Maaari silang mabaliw anumang oras, at walang nakakaalam kung ano ang kaya nilang gawin. Sila ang mga taong labis Kong kinamumuhian. Bawat isa sa kanila ay dapat alisin—lahat sila ay kailangang tanggalin. Ayaw Ko silang makasalamuha. Magulo ang isipan nila at malupit ang ugali nila, puno sila ng mga maling paniniwala na pawang kabalintunaan lamang at nagsasalita nang walang saysay, at kapag may nangyayari sa kanila, basta-basta na lang sila nagbubulalas. … Hindi nila aaminin na may problema sila, sa halip ay ipinapasa nila ang responsabilidad sa iba. Isisisi pa nila sa iba ang pag-uugali nila, sasabihing trinato sila nang masama, na para bang lahat ng kanilang pagwawala at walang-katuturang panggugulo ay kagagawan ng iba, at wala silang pagpipilian kundi kumilos nang gayon. Pinapalabas nila na ipinagtatanggol lang nila ang kanilang sarili, na kasalanang lahat iyon ng ibang tao. Sa sandaling hindi sila masiyahan, nagsisimula silang maglabas ng galit, dumadakdak ng walang katuturan at naglilitanya ng kanilang mga maling paniniwala na pawang kabalintunaan lamang. Kumikilos sila na para bang iba ang dapat sisihin, na para bang sila lamang ang mabuti at lahat ng iba ay masama. At ilang beses man sila magwala, at anumang mga maling paniniwala na pawang kabalintunaan lamang ang kanilang ilitanya, gusto pa rin nilang maging maganda ang sabihin ng iba tungkol sa kanila. Kapag nakagawa sila ng masama, hindi nila pinapayagan ang sinuman na ilantad iyon o sisihin sila. Kung may sinabi kang masama tungkol sa kanila, guguluhin ka nila nang walang katapusan tungkol dito at hindi nila iyon kalilimutan. Sino ang mga taong ito? Sila ay mga taong wala sa katwiran at masyadong nakayayamot, at masama silang lahat(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa). Sa sandaling may sabihin ang isang tao na nagsasapanganib sa kany ang mga interes, ang mga taong gayon ay nagsasalita nang hindi makatwiran at gumagawa ng eksena. Napakasama ng kanilang mga disposisyon na natatakot ang iba na mapasama ang loob nila at komprontahin sila. Malubha nilang nagagambala ang mga kapatid at ang buhay-iglesia. Gayon si Sheila noon pa man. Kapag tinutukoy ng iba ang kanyang mga isyu, hindi niya isinasaalang-alang kung totoo ba ang kanilang mga sinabi at hindi siya nagninilay, sa halip ay tumutuon siya sa kanilang tono at asal. Kapag hindi niya nagustuhan ang mga iyon, magagalit siya at magdadamdam sa kanila o magiging masama ang tingin sa kanila, iniisip na hinahamak siya ng mga ito at minamaliit siya, o kaya naman ay ilalabas niya ang kanyang kawalang-kasiyahan sa pamamagitan ng pag-iyak. Napigilan nito ang ibang tao, na laging kailangang umiwas o makibagay sa kanya. Tinalakay ng superbisor ang mga problema sa aming gawain ng pagdidilig para tulungan kaming mapabuti at mapahusay ang aming mga tungkulin, ngunit inakala ni Sheila na pinag-iinitan siya ng superbisor at inuungkat ang kanyang mga dating pagkakamali, kaya nagkaroon siya ng masamang pagtingin sa superbisor at patuloy na umiyak na para bang inagrabyado siya, na gumambala sa buong pagtitipon at nagpabalisa sa lahat. Nang ang isang brother ay nagbahagi ng kalagayan nito, nagsabi na hindi niya nagawang tratuhin nang patas ang mga tao, inakala ni Sheila na hinahamak at minamaliit siya nito, kaya hindi niya ito pinansin, at nagsimula pa ngang humagulhol para mailabas ang kanyang mga hinaing. Kaya hindi nangahas ang mga tao na komprontahin siya o pasamain ang loob niya, at nakakausap lang siya sa maingat na paraan, pinalulubag ang loob niya at inaayunan siya. Saka lang niya gagawin ang kanyang tungkulin. Ilang taon nang gayon ang ikinikilos ni Sheila. Nagkakaroon siya ng masamang pagtingin sa sinumang makasira sa kanyang reputasyon at katayuan o magsapanganib sa kanyang mga interes. Sinasabi pa nga niya na kaya siya negatibo ay dahil sa asal ng ibang tao sa kanya, na isang ganap na hindi makatwirang pagbabaligtad sa katotohanan. Hindi ba’t isa lamang siya sa mga di-makatwirang taong inilantad ng Diyos? Pagkatapos mapagtanto ito, doon ko lang nakita na hindi lamang ang pagiging mapaghinala sa iba at labis na pag-aalala sa reputasyon ang mga problema ni Sheila; hindi man lang niya tinanggap ang katotohanan at isa siyang nakayayamot at hindi makatwirang tao. Nagnilay ako kung paanong noong makita kong madalas talakayin ni Sheila ang kanyang kalagayan, magtapat tungkol sa kanyang mga katiwalian, suriin ang kanyang sarili sa mga pagtitipon at umiyak pa nga at nagsisi tuwing tinatalakay ang kanyang katiwalian, inakala kong mayroon nga siyang tunay na pagkakilala sa kanyang sarili at isa siyang naghahanap ng katotohanan. Ano ang mali sa aking pag-unawa?

Kalaunan, pagkatapos makipagbahaginan sa aking mga kapatid tungkol sa mga salita ng Diyos, sa wakas ay nagkaroon ako ng kaunting pagkilatis sa diumano’y “pagkakilala sa sarili” ni Sheila. “Kapag ipinagbabahaginan ng ilang tao ang pagkakilala nila sa kanilang sarili, ang unang lumalabas sa kanilang mga bibig ay, ‘Isa akong diyablo, isang buhay na Satanas, isang taong lumalaban sa Diyos. Sinusuway ko Siya at pinagtataksilan Siya; isa akong ulupong, isang masamang tao na dapat sumpain.’ Tunay ba itong pagkakilala sa sarili? Pangkalahatang ideya lang ang sinasabi nila. Bakit hindi sila nagbibigay ng mga halimbawa? Bakit hindi nila mailantad ang mga nakakahiyang bagay na ginawa nila para masuri? Naririnig sila ng ilang taong hindi marunong kumilatis at iniisip, ‘Aba, tunay na pagkakilala iyon sa sarili! Ang makilala ang kanilang sarili bilang ang diyablo, si Satanas, at sumpain pa ang kanilang sarili—napakataas naman ng naabot nila!’ Madaling malinlang ng ganitong pananalita ang maraming tao, lalo na ang mga bagong mananampalataya. Akala nila dalisay at nakakaunawa ng mga espirituwal na bagay ang taong nagsasalita, na isa itong taong nagmamahal sa katotohanan, at kwalipikadong maging lider. Subalit, sa sandaling makasalamuha na nila siya nang ilang panahon, nalalaman nilang hindi pala ganoon, na hindi pala gaya ng inisip nila ang taong iyon, kundi ubod ng huwad at mapanlinlang, mahusay sa pagkukunwari at panggagaya, na talaga namang nakakadismaya. Sa anong batayan kaya masasabi na talagang kilala ng mga tao ang kanilang sarili? Hindi mo pwedeng isaalang-alang lang ang sinasabi nila—ang susi ay tukuyin kung naisasagawa at natatanggap nila ang katotohanan. Para sa mga tunay na nakauunawa sa katotohanan, hindi lamang sila may tunay na kaalaman tungkol sa kanilang sarili, ang pinakamahalaga, naisasagawa nila ang katotohanan. Hindi lamang nila sinasabi ang kanilang tunay na pagkaunawa, kundi nagagawa rin talaga nila ang sinasabi nila. Ibig sabihin, ganap na magkaayon ang kanilang mga salita at kilos. Kung maliwanag at kaaya-ayang pakinggan ang sinasabi nila, pero hindi nila ito ginagawa, hindi ito isinasabuhay, kung gayon sa bagay na ito ay naging mga Pariseo sila, mapagpaimbabaw sila, at tiyak na hindi mga taong tunay na nakakikilala sa kanilang sarili. Napakaliwanag pakinggan ng maraming tao kapag ibinabahagi nila ang katotohanan, pero hindi nila napapansin kapag nagkakaroon sila ng mga pagbuhos ng tiwaling disposisyon. Kilala ba ng mga taong ito ang kanilang sarili? Kung hindi kilala ng mga tao ang kanilang sarili, sila ba ay mga taong nakakaunawa sa katotohanan? Ang lahat ng hindi nakakikilala sa sarili ay mga taong hindi nakakaunawa sa katotohanan, at lahat ng nagsasalita ng mga walang kabuluhang salita ng pagkakilala sa sarili ay may huwad na espirituwalidad, sila ay mga sinungaling. Napakaliwanag pakinggan ng ilang tao kapag nagsasalita sila ng mga salita ng doktrina, pero ang kalagayan sa kanilang mga espiritu ay manhid at hangal, hindi matalas ang kanilang pakiramdam, at hindi sila tumutugon sa anumang isyu. Masasabi na manhid sila, pero minsan, kapag napapakinggan silang magsalita, tila medyo matalas ang kanilang mga espiritu. Halimbawa, pagkatapos na pagkatapos ng isang insidente, nagagawa nilang makilala kaagad ang kanilang sarili: ‘Ngayon-ngayon lang naging malinaw sa akin ang isang ideya. Pinag-isipan ko ito at napagtanto ko na ito ay tuso, na nililinlang ko ang Diyos.’ Naiinggit ang ilang taong hindi marunong kumilatis kapag naririnig nila ito, sinasabing: ‘Napagtatanto kaagad ng taong ito kapag mayroon siyang pagbuhos ng katiwalian, at nagagawa rin niyang ipagtapat at ibahagi ang tungkol dito. Napakabilis ng reaksyon niya, matalas ang kanyang espiritu, mas mahusay siya kaysa sa atin. Tunay ngang isa itong taong naghahangad ng katotohanan.’ Tumpak na paraan ba ito ng pagsukat sa mga tao? (Hindi.) Kaya ano ba ang dapat na maging batayan sa pagsusuri kung talaga bang kilala ng mga tao ang kanilang sarili? Hindi lang ito dapat kung ano ang lumalabas sa kanilang mga bibig. Dapat mo ring tingnan kung ano talaga ang naipapamalas sa kanila, ang pinakasimpleng paraan ay ang tingnan kung nagagawa ba nilang isagawa ang katotohanan—ito ang pinakamahalaga. Pinatutunayan ng abilidad nilang isagawa ang katotohanan na tunay nilang kilala ang kanilang sarili, dahil ang mga tunay na nakakikilala sa kanilang sarili ay nagpapamalas ng pagsisisi, at kapag nagpapamalas ng pagsisisi ang mga tao saka lamang nila tunay na nakikilala ang kanilang sarili(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Tanging ang Pagkakilala sa Sarili ang Makakatulong sa Paghahangad ng Katotohanan). Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, natutunan ko na iyong mga tunay na nakakikilala sa kanilang sarili ay kayang tanggapin ang katotohanan, makaramdam ng hiya pagkatapos maghayag ng katiwalian, at tunay na magsisi at magbago pagkatapos. Sa kabaligtaran, ang iba ay sinasabi ang lahat ng tamang salita, tinatawag ang kanilang sarili na mga demonyo o Satanas, na para bang may malalim silang pagkakilala sa sarili, ngunit kapag nahaharap sa pagtatabas, hindi man lang nila ito tinatanggap at hindi sila nagninilay, at paulit-ulit pa nga nilang ipagtatanggol ang kanilang sarili at gagawa sila ng mga mapanlinlang na argumento. Gaano man kalaki ang tila pagkakilala sa sarili ng gayong mga tao, ang lahat ng ito ay panlilinlang. Naisip ko kung paanong si Sheila ay laging nakikipag-usap sa mga tao tungkol sa kanyang kalagayan, sinasabi na masyado siyang nag-aalala sa reputasyon at napipigilan ng mga asal ng mga tao. Sinabi rin niya na siya ay mapanlinlang at mapaghinala sa iba. Sa panlabas, mukha siyang prangka at matapat, tila kaya niyang makita ang kanyang sariling katiwalian at pagnilayan ang kanyang sarili, minsan pa nga ay umiiyak siya habang nagsasalita. Tila totoong nagsisisi siya at namumuhi sa sarili. Kaya inakala ko na siya ay isang naghahanap sa katotohanan. Ngunit ilang taon na niyang bukambibig ang mga pag-uugaling ito, gayunpaman, tila hindi siya kailanman nagbago. Sa pamamagitan lamang ng paghahayag ng mga salita ng Diyos ko nakita na pagkukunwari lamang ang diumano’y pagkakilala sa sarili ni Sheila; hindi niya talaga tinanggap ang katotohanan o pinagnilayan ang kanyang katiwalian. Madalas niyang ilapat sa kanyang sarili ang iba’t ibang malalalim pakinggan, ngunit walang laman na mga pahayag, sinasabi na hindi mabuti ang kanyang pagkatao, na siya ay mapanlinlang, malisyoso, isang anticristo, at dapat na ipadala sa impiyerno. Tila mayroon siyang malalim na pagkakilala sa sarili, ngunit kapag tinutukoy ng iba ang kanyang mga isyu o tinatabasan at iwinawasto siya, hinding-hindi niya ito tinatanggap, at mapanlaban pa nga siya, maramdamin, nakayayamot, at hindi makatwiran. Iiyak siya at makikipagtalo kung ano ang tama at mali, ginagambala ang iba hanggang sa hindi na sila makapagtipon o makagawa nang normal sa kanilang tungkulin. Malubha niyang naabala ang buhay-iglesia at ang gawain ng iglesia. Noon, hindi ko nauunawaan ang katotohanan at kulang ako sa pagkilatis, kaya nalinlang ako ng panlabas niyang pag-uugali, at inakala ko pa nga na siya ay isang naghahanap sa katotohanan. Litong-lito ako at napakahangal. Kalaunan ko lang napagtanto na nakikipag-usap sa iba si Sheila tungkol sa kanyang kalagayan hindi dahil hinahangad niya ang katotohanan para malutas ang kanyang mga problema at maituwid ang kanyang kalagayan, kundi dahil lang sa gusto niyang may mapaglabasan ng kanyang mga hinaing, isang taong aalo sa kanya at tutulong na maibsan ang kanyang paghihirap. Kahit gaano karaming tao ang pagtapatan niya, lagi lang siyang isang abala. Kung hindi siya tinanggal at hindi sinuri ang kanyang kalagayan, hindi ako magkakaroon ng pagkilatis sa kanya. May pagpaparaya at pagpapasensya ko sana siyang ituturing bilang isang sister, at maaari pang malinlang niya ako nang hindi ko namamalayan. Noon ko napagtanto kung gaano kahalagang tingnan ang mga tao alinsunod sa mga salita ng Diyos!

Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nagbigay sa akin ng kaunting pagkilatis sa mga motibo at taktika na ginamit ni Sheila para makapanlinlang. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Paano matutukoy ng isang tao kung mahal ng isang tao ang katotohanan? Sa isang banda, dapat tingnan kung kayang kilalanin ng taong ito ang kanyang sarili batay sa salita ng Diyos, kung kaya niyang pagnilayan ang kanyang sarili at makadama ng tunay na pagsisisi; sa kabilang banda, dapat tingnan kung natatanggap at naisasagawa nito ang katotohanan. Kung natatanggap at naisasagawa nito ang katotohanan, isang tao ito na nagmamahal sa katotohanan at nakasusunod sa gawain ng Diyos. Kung kinikilala lang niya ang katotohanan, ngunit hindi niya ito tinatanggap o isinasagawa kailanman, tulad ng sinasabi ng ilang tao, ‘Nauunawaan ko ang lahat ng katotohanan, pero hindi ko ito kayang isagawa,’ nagpapatunay ito na hindi siya isang taong nagmamahal sa katotohanan. Inaamin ng ilang tao na ang salita ng Diyos ay ang katotohanan at na mayroon silang mga tiwaling disposisyon, at sinasabi rin nila na handa silang magsisi at panibaguhin ang kanilang sarili, pero pagkatapos niyon, wala namang anumang pagbabago. Pareho pa rin ng dati ang mga salita at kilos nila. Kapag tinatalakay nila ang pagkilala sa kanilang sarili, para silang nagbibiro o bumubulalas ng isang salawikain. Hindi nila talaga pinagninilayan o kinikilala ang kanilang sarili sa kaibuturan ng kanilang puso, at ang pinakamahalaga, wala silang nadaramang pagsisisi. Lalong hindi sila nagtatapat ng kanilang katiwalian sa simpleng paraan para tunay na pagnilayan ang kanilang sarili. Sa halip, nagkukunwari sila na kilala nila ang kanilang sarili sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay na nagpapakita na may pagkakakilanlan nga sila. Hindi sila mga taong tunay na kilala ang kanilang sarili o tumatanggap sa katotohanan. Kapag nagsalita ang gayong mga tao tungkol sa pagkakilala sa kanilang sarili, nakikiayon lang sila; nagbabalatkayo sila at nanloloko, at huwad ang kanilang espirituwalidad. Ang ilang tao ay mapanlinlang, at kapag nakikita nila na ibinabahagi ng iba ang pagkaalam ng mga ito sa kanilang sarili, iniisip nila, ‘Lahat ng iba pa ay nagtatapat at sinusuri ang sarili nilang panlilinlang. Kung wala akong sasabihin, iisipin ng iba na hindi ko kilala ang sarili ko. Kung gayon, kailangan kong makiayon!’ Pagkatapos niyon, inilalarawan nila na napakalubha ng sarili nilang panlilinlang, ipinapaliwanag iyon nang madamdamin, at ang kanilang pagkakilala sa sarili ay tila napakalalim. Pakiramdam ng lahat ng nakaririnig ay talagang kilala nila ang kanilang sarili, at kaya naman naiinggit ang mga ito sa kanila, at dahil dito pakiramdam ng mga ito ay para bang maluwalhati sila, na para bang pinalamutian nila ng sinag ang sarili nilang ulo. Ang ganitong pagkakilala sa sarili na nakamtan sa pamamagitan ng wala sa loob na pagsasabi nang gayon, na may kasamang pagkukunwari at panlilinlang, ay lubos na naililigaw ang iba. Napapanatag ba ang konsiyensiya nila kapag ginagawa nila ito? Hindi ba lantarang panlilinlang lang ito? Kung hungkag lang ang mga salita ng mga tao tungkol sa pagkakilala sa kanilang sarili, gaano man katayog o kabuti ang kaalamang iyon, patuloy pa ring malalantad sa kanila ang isang tiwaling disposisyon, tulad lamang ng nangyari dati, nang hindi talaga nagbabago. Hindi iyan tunay na pagkakilala sa sarili. Kung sadyang magkukunwari at makapanlilinlang ang mga tao sa ganitong paraan, pinapatunayan nito na hindi talaga nila tinatanggap ang katotohanan, at katulad lang sila ng mga hindi nananalig. Sa pamamagitan ng pagtalakay nila sa kanilang pagkakilala sa sarili sa ganitong paraan, sinusunod lang nila ang kalakaran at sinasabi ang anumang akma sa panlasa ng lahat. Hindi ba’t nakalilinlang ang kanilang kaalaman at pagsusuri sa kanilang sarili? Tunay bang pagkakilala ito sa sarili? Hinding-hindi. Ito ay dahil hindi sila nagtatapat at nagsusuri ng kanilang sarili nang mula sa puso, at bahagya lang silang nagtatalakay tungkol sa kanilang sarili sa isang huwad, mapanlinlang na paraan para lang makiayon. Ang mas malala pa, para hangaan at kainggitan sila ng iba, sadya silang nagpapalabis upang magmukhang mas mabigat ang kanilang mga problema kapag tinatalakay nila ang pagkakilala sa sarili, ibig sabihin ay may halong personal na mga layunin at mithiin ang kanilang pagtatapat. Kapag ginagawa nila ito, hindi sila nakokonsiyensiya, panatag ang kanilang konsiyensiya matapos silang magbalatkayo at manlinlang, wala silang nadarama matapos suwayin at linlangin ang Diyos, at hindi sila nagdarasal sa Diyos para aminin ang kanilang pagkakamali. Hindi ba’t matigas ang ulo ng ganitong mga tao? Kung hindi sila nakokonsiyensiya, maaari ba silang makadama ng pagsisisi? Maaari bang talikdan ang laman at magsagawa ng katotohanan ng isang taong walang tunay na pagsisisi? Maaari bang tunay na magsisi ang isang taong walang tunay na pagsisisi? Hinding-hindi. Kung hindi man lang siya nagsisisi, hindi ba’t kakatwa lang na talakayin ang pagkakilala sa sarili? Hindi ba’t pagbabalatkayo at panlilinlang lamang ito?(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Tanging ang Pagkakilala sa Sarili ang Makakatulong sa Paghahangad ng Katotohanan). Mahilig siyang makipag-usap sa iba tungkol sa kanyang kalagayan at ginagamit niya ang mga salita ng Diyos para pagnilayan ang kanyang sarili sa mga pagtitipon. Inilalarawan niya ang kanyang sarili gamit ang napakabigat na mga salita. Sa panlabas, tila may malalim siyang pagkakilala sa sarili at mukhang labis na may pagsisisi at pagkapoot sa kanyang sarili, ngunit ang lahat ng ito ay isang palabas lang para sa iba para malinlang sila na tinanggap niya ang katotohanan at kilala niya ang kanyang sarili. Itong diumanong pagkakilala sa sarili ay paraan niya ng panlilinlang at panloloko sa iba, pinaniniwala sila na buong tapang niyang inilalantad ang sarili, nang sa gayon ay hindi lamang sila mabigo sa pagkilatis sa kanya, bagkus ay magkaroon din ng malaking respeto sa kanya. Gayundin, sa tuwing naghahayag ng katiwalian si Sheila, ginagamit niya ang pagbubunyag ng Diyos sa mga anticristo para ilarawan ang kanyang sarili, sinasabing naghahangad siya ng reputasyon at katayuan, tumatahak sa landas ng isang anticristo, na ang pagnanasa sa katayuan ay namayani na sa kanyang buhay at na kung hindi siya magsisisi, papatayin siya ng pagnanasang ito. Ngunit sa sandaling isapanganib ng isang sitwasyon ang kanyang reputasyon at katayuan, bumabalik siya sa mga dati niyang gawi, kaya sa kabila ng ilang taong pakikipagbahaginan tungkol sa kanyang kalagayan, hindi siya nakapagkamit ng anumang pagbabago. Tinukoy na ng mga lider ang kanyang mga isyu at nakipagbahaginan na sa kanya nang maraming beses, ngunit hindi siya nakikinig at hindi gumawa ng anumang pagbabago. Nagiging mapanlaban pa nga siya, walang tigil na nakikipagdebate at gumagawa ng mga mapanlinlang na argumento. Nang makita niya kung paano nagawa ng iba na isantabi ang kanilang sarili at hangarin ang katotohanan, hindi siya natuto sa kanilang mga kalakasan, sa halip ay inisip lang niya na ipinanganak sila na may mabuting kalikasan, at na hindi niya maisagawa ang katotohanan at lagi siyang naghihinala sa mga tao dahil hindi siya pinagkalooban ng Diyos ng mabuting kalikasan. Hindi niya kinamuhian ang kanyang satanikong disposisyon at sa halip ay sinisi ang Diyos, sinisisi Siya at sinasabi na hindi Siya matuwid. Ipinakita nito na ang diwa ni Sheila ay sa isang demonyo, at na pawang kabalintunaan at hindi makatwiran. Kung hindi dahil sa paghahayag ng mga salita ng Diyos, ituturing ko sana siyang isang naghahanap sa katotohanan.

Kalaunan, sa isang pagtitipon, natagpuan ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos. “Tanging ang mga nagmamahal sa katotohanan ang kabilang sa sambahayan ng Diyos; sila lamang ang tunay na mga kapatid. Iniisip mo ba na ang lahat ng madalas na pumupunta sa pagtitipon ay mga kapatid? Hindi masasabing ganoon nga. Anong mga tao ang hindi mga kapatid? (Ang mga nayayamot sa katotohanan, mga hindi tumatanggap sa katotohanan.) Ang mga hindi tumatanggap sa katotohanan at sawa na rito ay pawang masasamang tao. Lahat sila ay walang konsiyensiya o katwiran. Walang isa man sa kanila ang inililigtas ng Diyos. Walang pagkatao ang mga ito, pabaya sila sa kanilang gawain at mabagsik ang asal nila. Nabubuhay sila ayon sa mga satanikong pilosopiya at gumagamit ng mga tusong pagmamaniobra at ginagamit, inuuto, at dinadaya ang iba. Hindi nila tinatanggap ni katiting na katotohanan, at pinasok nila ang sambahayan ng Diyos para lamang magtamo ng mga pagpapala. Bakit natin sila tinatawag na mga walang pananalig? Dahil sawa na sila sa katotohanan, at hindi nila tinatanggap ito. Sa sandaling ibinabahaginan ang katotohanan, nawawalan sila ng interes, nayayamot sila rito, hindi nila kayang tiisin na mapakinggan ang tungkol dito, at nararamdaman nila na nakakabagot ito at hindi mapakali sa pagkakaupo. Malinaw na mga wala silang pananampalataya at hindi nananalig. At anumang gawin mo, hindi mo sila dapat ituring bilang mga kapatid. … Kung hindi sila interesado sa katotohanan, paano nila maisasagawa ang katotohanan? Kaya ano ang ipinamumuhay nila? Walang pagdududa, namumuhay sila ayon sa mga pilosopiya ni Satanas, lagi silang mapanlinlang at tuso, at hindi sila nabubuhay nang may normal na pagkatao. Hindi sila kailanman nananalangin sa Diyos o naghahanap ng katotohanan, kundi hinaharap nila ang lahat ng bagay gamit ang mga panlalansi, taktika, at pilosopiya ng tao para mabuhay—na isang nakakapagod at puno ng pasakit na pag-iral. … Ang mga hindi nagmamahal sa katotohanan ay hindi talaga nananalig sa Diyos. Ang mga hindi talaga matanggap ang katotohanan ay hindi matatawag na mga kapatid. Yaon lamang mga nagmamahal at nagagawang tumanggap sa katotohanan ang mga kapatid. Ngayon, sino iyong mga hindi nagmamahal sa katotohanan? Sila ang mga hindi nananalig. Yaong mga hindi talaga tumatanggap ng katotohanan ay sawa na at tumalikod na sa katotohanan. Ang mas tiyak, sila ay pawang mga hindi nananalig na pinasok ang iglesia. Kung nagagawa nila ang lahat ng klase ng kasamaan at ginugulo at ginagambala ang gawain ng iglesia, sila ay mga kampon ni Satanas. Dapat silang tanggalin at palayasin. Hindi sila maituturing na mga kapatid. Lahat ng nagpapakita sa kanila ng pagmamahal ay napakahangal at walang alam(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang tunay na mga kapatid ay yaong mga umiibig sa katotohanan at kayang tanggapin ang katotohanan. Tunay nilang ginugugol ang kanilang sarili para sa Diyos at mayroon silang mga patotoo sa pagsasagawa ng katotohanan. Marahil ay hindi sila makapagsabi ng anumang malalim na pagkakilala sa sarili, ngunit minamahal nila ang katotohanan at isinasagawa kung gaano man karaming salita ng Diyos ang nauunawaan nila. Kahit na maaaring nakagagawa sila ng mga paglabag, naghahayag ng katiwalian, at nagiging negatibo kung minsan, dahil hinahangad nila ang katotohanan, kapag tinabas at iwinasto sila o kapag naharap sa kabiguan, kaya nilang tanggapin ito mula sa Diyos, hanapin ang katotohanan at pagnilayan ang kanilang sarili. Kapag nababatid nila ang kanilang mga problema, kaya nilang dahan-dahang ituwid at iayos ang mga ito. Tanging ang mga taong gayon lang ang tunay na mga kapatid. Iyong mga hindi naman tumatanggap at bagkus ay namumuhi pa sa katotohanan, hindi sila maaaring tawaging mga kapatid. Kung hindi mabuti ang kanilang pagkatao at gumagawa sila ng lahat ng uri ng kasamaan na gumagambala sa gawain ng iglesia, sila ay masasamang tao at mga anticristo at lalong hindi kwalipikado para matawag na isang brother o sister. Kahit na manatili sila sa iglesia, sila ay mga huwad na mananampalataya lamang na pinasok ang sambahayan ng Diyos. Gaano katagal man silang manampalataya, sa huli ay ilalantad sila at palalayasin ng Diyos. Sa panlabas, parang hindi naman nakagawa ng anumang malaking kasamaan si Sheila, ngunit ang lahat ng kanyang ginawa ay nakagulo sa pag-iisip ng mga tao at humadlang sa kanilang mga tungkulin, at matagal na niyang ginagawa iyon. Paano man nakipagbahaginan o sumuporta sa kanya ang iba, hindi siya kailanman gumawa ni katiting na pagbabago, at nakipagdebate pa nga, nakipagtalo, at kumilos nang hindi makatwiran. Ipinakita nito na hindi man lang tinanggap ni Sheila ang katotohanan at likas na nayayamot siya sa katotohanan. Siya ay kauri ng diyablo at hindi isa sa ating mga sister. Noon, hindi ko nauunawaan ang aspetong ito ng katotohanan at wala akong pagkilatis. Inakala ko na hangga’t naniniwala ang isang tao sa Diyos at kinikilala ang Kanyang pangalan, siya ay dapat na ituring na brother o sister. Pikit-mata akong nakikiramay at nagpaparaya sa kanya, hangal na nagpapakita sa kanya ng kabaitan at suporta nang walang pagkilatis. Bilang resulta, marami sa mga pagsisikap ko ay walang saysay. Litong-lito ako at napakahangal.

Ngayong ibinukod na si Sheila, nakita ko na kung gaano katuwid ang Diyos. Yaong mga hindi naghahanap sa katotohanan at kumikilos nang hindi makatwiran ay hindi magiging matatag sa iglesia, at sa huli ay ilalantad ng Diyos. Naunawaan ko rin ang mabubuting layunin ng Diyos: nagsaayos ang Diyos ng mga sitwasyon para hayaan akong matuto ng mga aral. Kailangan kong sunggaban ang mga iyon. Simula ngayon, kailangan kong maglaan ng mas maraming oras at lakas sa katotohanan, at tingnan at gawin ang mga bagay alinsunod sa mga salita ng Diyos.

Sinundan: 5. Ang Pagganap ng Tungkulin ay Imposible Kung Walang Pagkamatapat

Sumunod: 10. Ipinahamak Ako ng Pagkukunwaring Nakakaintindi

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

40. Pag-uwi

Ni Muyi, South Korea “Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay malayang ipinagkaloob sa tao at bumabalot sa tao; ang tao ay inosente at...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito