68. Ang Sakit na Dala ng Reputasyon at Katayuan

Ni Fangxiang, Tsina

Marso ng nakaraang taon, nang itinaas ang posisyon ko sa pagiging isang lider ng grupo at inatasan akong mamahala sa pagdidilig ng ilang grupo. Nang panahong iyon naisip ko na dahil ako ay napili bilang isang lider ng grupo, mayroon siguro akong mas magandang kakayahan kaysa sa aking mga kapatid sa iglesia. Masayang-masaya ako dahil dito, pero bahagya rin akong nag-alala. Kahit kailan ay hindi pa ako namahala ng anumang gawain—kung hindi ko masosolusyonan ang mga problema ng aking mga kapatid, at hindi mapamamahalaan nang maayos ang gawain, ano na lang ang iisipin sa akin ng mga kapatid ko? Masyadong nakahihiya na mapalitan dahil hindi ko nagawa ang tungkulin. Sa kabila ng bahagyang pag-aalala, alam ko na ito ay atas ng Diyos at dapat kong tanggapin ito mula sa Diyos at magpasakop, kaya tinanggap ko ang tungkulin. Nang makitang hindi pa ako pamilyar sa gawain, dalawang grupo lamang muna ang ipinamahala sa akin ng kapatid kong babaeng kasamahan ko sa paggawa. Nang maisip ko kung paanong dapat akong makipagtipon sa ibang mga kapatid, sobra akong kinabahan. Sa nakalipas, ang pangunahing tungkulin ko ay pagdidilig. Kung ang pagbabahagi ko ay medyo mababaw, o hindi ko sapat na nagampanan ang aking mga tungkulin, itinuturing itong normal lang. Pero ngayon ay isa na akong lider ng grupo at inaasahan na magbahagi ng katotohanan upang malutas ang kalagayan ng mga kapatid, at tulungan din sila sa anumang problema o paghihirap na nararanasan nila sa kanilang mga tungkulin. Sa gayon lang ako masasang-ayunan ng mga tao at sasabihin na isa akong manggagawang may talento. Kung hindi ko malulutas ang kanilang mga problema, hindi maiiwasan na hahamakin nila ako at bababa ang tingin nila sa akin. Sa pag-iisip sa lahat ng ito, nag-alinlangan ako sa aking sarili at naisip kong mas mabuti pang ipagpatuloy ko na lang ang pagtupad sa dati kong tungkulin. Sa gayon, hindi masyadong malalantad ang aking mga pagkukulang, at mapananatili ko ang aking dangal. Sa sumunod na ilang araw, lagi akong nagugulo habang iniisip ang lahat ng ito. Sa mga pagtitipon, hindi ko mapatahimik ang aking puso. Lagi akong nag-aalala na baka ako hamakin ng aking mga kapatid kapag hindi ako nakapagbahagi nang maayos, at habang lalo akong nag-aalala, mas lalo akong kinakabahan. Hindi ko makita ang ugat ng mga problema ng aking mga kapatid ni matulungan silang lutasin ang mga ito, at natatakot pa nga akong pumunta sa mga pagtitipon. Labis akong nababagabag, kaya’t makailang beses akong lumapit sa Diyos sa panalangin, hinihiling sa Kanya na patnubayan ako na mas maunawaan ang aking kalagayan. Noon ko nakita ang isang sipi ng mga salita ng Diyos; Ito ay mula sa “Para Malutas ang Tiwaling Disposisyon ng Isang Tao, Dapat na Mayroon Siyang Tiyak na Landas ng Pagsasagawa.” “Lahat ng natiwaling tao ay nagdurusa mula sa isang magkakatulad na suliranin: Kapag wala silang katayuan, kapag sila’y ordinaryong mga kapatid, hindi sila nagmamalaki kapag nakikipag-ugnay o nakikipag-usap sa sinuman, o hindi sila gumagamit ng partikular na estilo o tono sa kanilang pananalita; sila ay karaniwan lamang at normal, at hindi na kailangang ialok ang kanilang mga sarili. Hindi sila nakararamdam ng anumang sikolohikal na presyon, at nakapagbabahagi nang bukas at mula sa puso. Madali silang lapitan at madaling makahalubilo; nararamdaman ng iba na napakabuti nilang mga tao. Gayunman, sa sandaling magkamit sila ng katayuan, sila ay nagiging mapagmataas at makapangyarihan, na parang walang sinumang makakaabot sa kanila; nararamdaman nila na nararapat silang igalang, at na sila ay iba sa mga karaniwang tao. Mababa ang tingin nila sa karaniwang tao at tumitigil sila sa hayagang pagbabahagi sa iba. Bakit hindi na sila nagbabahagi nang hayagan? Nararamdaman nilang may katayuan na sila ngayon, at sila’y mga pinuno. Iniisip nilang dapat magkaroon ng partikular na imahen ang mga pinuno, maging mataas nang bahagya kaysa sa ordinaryong tao, at magkaroon ng higit na tayog at magawang tumupad ng higit na maraming tungkulin; naniniwala sila na kung ihahambing sa mga ordinaryong tao, dapat magtaglay ang mga pinuno ng higit na tiyaga, magawang magdusa at gumugol nang higit, at mapaglabanan ang anumang tukso. Iniisip pa nga nilang hindi maaaring umiyak ang mga pinuno, gaano man karaming kasapi ng kanilang pamilya ang maaaring mamatay, at kung kailangan nilang umiyak, dapat nila itong gawin nang lihim, upang walang makakikita ng anumang mga pagkukulang, kapintasan, o kahinaan sa kanila. Nararamdaman pa nga nila na hindi maaaring ipaalam ng mga pinuno sa sinuman kung sila ay naging negatibo; sa halip, dapat nilang itago ang lahat ng ganoong mga bagay. Naniniwala silang ganito dapat kumilos ang isang may katayuan. Kapag pinipigilan nila ang kanilang sarili nang ganito, hindi ba ang katayuan ay nagiging kanilang Diyos, kanilang Panginoon? At dahil dito, nagtataglay pa rin ba sila ng normal na pagkatao? Kapag mayroon silang ganitong mga ideya—kapag ikinulong nila ang kanilang sarili rito, at ginawa nila ito—hindi ba sila nahumaling sa katayuan?(Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Inihayag sa akin ng mga salita ng Diyos kung paanong hindi ako nakakapamuhay nang malaya dahil ako ay nakagapos at napipigilan ng katayuan at reputasyon. Bago ako naging isang lider ng grupo, lagi kong tinatalakay ang gawain at pinag-uusapan ang mga problema sa lahat. Inisip ko na dahil lahat kami ay magkakapatid, halos magkakapareho kami ng tayog, kaya’t hindi ako nababagabag sa kung ano ang iisipin ng iba sa akin at nagagawa kong maging bukas at malaya. Pero nang ako’y maging isa nang lider ng grupo, bigla kong naisip na dahil mas mataas ang katayuan ko kaysa sa mga kapatid, dapat naiintindihan ko ang mas maraming katotohanan kaysa sa kanila, at nagagawa ko lang ang aking trabaho kung nalulutas ko ang bawat isa nilang problema at paghihirap. Bago pa man ako dumalo sa isang pagtitipon, nag-aalala na ako na sakaling hindi ko malutas ang problema ng aking mga kapatid, hahamakin nila ako. Para maiwasan na magmukhang hangal sa harap nila, ni hindi ko na tinangkang dumalo sa anumang pagtitipon. Sobra akong nahapis at nabagabag. Inilagay ko ang aking sarili sa isang pedestal at hindi mabitiwan ang aking katayuan. Sa pagninilay dito, napagtanto ko na masyado kong inalala ang aking reputasyon at katayuan. Sinisikap ko na laging magmukhang magaling sa harap ng lahat at sa sandaling may panganib na mabunyag ang aking mga kahinaan, ikinukubli ko ang aking sarili at nagpapanggap. Itinuring ko ang aking promosyon bilang tanda ng katayuan, at hindi bilang isang atas at tungkulin na bigay ng Diyos. Ginusto kong gamitin ang katayuan para itaas ang sarili ko at makamit ang paghanga ng aking mga kapatid. Napakaaba at nakahihiya ako!

Nanalangin ako sa Diyos sa aking puso, sinabi sa Kanya na handa akong talikuran ang masasamang layunin at haka-hakang ito. Tapos, isang sipi ng mga salita ng Diyos ang pumasok sa isip ko. “Ang hinihingi ng Diyos sa mga tao ay hindi ang kakayahang tapusin ang ilang gawain o isakatuparan ang anumang dakilang pagsasagawa, at hindi rin Niya kailangan sila na magpasimula ng anumang dakilang pagsasagawa. Ang nais ng Diyos ay magawa ng mga tao ang lahat ng makakaya nila sa isang praktikal na paraan, at mamuhay alinsunod sa Kanyang mga salita. Hindi kailangan ng Diyos na maging dakila o marangal ka, at hindi rin Niya kailangan na magsagawa ka ng anumang mga himala, at hindi rin Niya nais na makakita ng anumang kaaya-ayang mga sorpresa sa iyo. Hindi Niya kailangan ang ganoong mga bagay. Ang tanging kailangan ng Diyos ay ang makinig ka sa Kanyang mga salita at, matapos mong marinig ang mga ito, isapuso mo ang mga ito at sundin ang mga ito habang nagsasagawa ka sa isang praktikal na pamamaraan, upang ang mga salita ng Diyos ay maaaring maging ang isinasabuhay mo, at maging ang buhay mo. Sa gayon, masisiyahan ang Diyos. … Hindi talaga mahirap magsagawa ng tungkulin, ni hindi ito mahirap gawin nang buong katapatan, at sa isang katanggap-tanggap na pamantayan. Hindi mo kailangang isakripisyo ang iyong buhay o gumawa ng anumang mahirap, kailangan mo lamang sundin ang mga salita at tagubilin ng Diyos nang matapat at matatag, nang hindi idinaragdag ang sarili mong mga ideya o pinatatakbo ang sarili mong negosyo, nang tumatahak sa tamang landas. Kung magagawa ito ng mga tao, mayroon talaga silang wangis ng tao, mayroon silang tunay na pagsunod sa Diyos, at naging matapat na tao, na siyang kawangis ng isang tunay na tao(“Ang Tamang Pagtupad ng Tungkulin ay Nangangailangan ng Nagkakaisang Pakikipagtulungan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, nakita ko na hindi napakalaki ng hinihingi ng Diyos sa atin—hindi Siya humihingi ng isang partikular na dami ng mga nagawa o tagumpay, o kaya na tayo’y maging isang uri ng superhuman na may walang hanggang kapangyarihan. Nais lang Niya na tayo’y maging tunay na mga nilalang, na praktikal na tinutupad ang ating mga tungkulin nang naaayon sa Kanyang mga hinihingi. Nang itaas ako ng Diyos sa tungkuling ito na lider ng grupo, hindi Niya gustong maghabol ako ng reputasyon at katayuan, ang gusto Niya ay tanggapin ko ang Kanyang atas at praktikal na hanapin ang katotohanan. Kung makararanas ako ng paghihirap sa aking tungkulin, dapat akong magkusang manalangin sa Diyos at umasa sa Kanya para makahanap ng landas ng pagsasaayos. Sa mga pagtitipon kasama ang mga kapatid, dapat lang akong magbahagi nang naaayon sa aking pagkaunawa, at, kung hindi malinaw sa akin ang isang bagay, dapat akong maging tapat sa kanila at humanap ng solusyon nang magkakasama. Sa ganitong paraan ko lang makakamit ang patnubay ng Diyos. Nang maunawaan ko ang mga layunin ng Diyos, nagkaroon ako ng kompiyansa na gawin ang aking tungkulin. Sa mga pagtitipon kasama ang aking mga kapatid, sinadya kong manalangin sa Diyos, hindi ko inalala ang reputasyon o katayuan, at nagawa kong maging bukas sa aking mga kapatid tungkol sa aking katiwalian. Sa pagtatalakayan, naramdaman ko ang patnubay ng Banal na Espiritu at nagawa kong matuklasan ang ilang problema. Nagawa ko ring ilapat ang naturang patnubay sa mga tunay na sitwasyon at magbigay ng mga mungkahi. Marami pa rin akong kapintasan at pagkukulang, pero nakatagpo ako ng ilang daan pasulong sa pamamagitan ng pakikipagtalakayan sa lahat at naging mas malaya ang pakiramdam ko. Nakita ko na kapag nagtakda ako ng tamang layunin, nagtuon sa aking mga gawain, at tinupad ang aking tungkulin sa isang praktikal na paraan na naaayon sa hinihingi ng Diyos, makakamit ko ang kanyang patnubay.

Makalipas ang tatlong buwan, pinamahala ako sa ilan pang dagdag na grupo. Maisip pa lang na kailangan kong magbahagi sa napakaraming kapatid sa mga pagtitipon ay labis na akong kinabahan. Ang bawat grupo ay may magkakaibang sitwasyon, at hindi ko pa kilala ang mga kapatid sa mga grupong ito at hindi ko alam ang kanilang mga sitwasyon. Kung pupunta ako at hindi ko malulutas ang kanilang mga isyu, hindi kaya nila ako hamakin at sabihin na hindi ko kayang lumutas ng mga praktikal na problema at hindi ako karapat-dapat na maging isang lider ng grupo? Para makuha ang pagsang-ayon ng lahat, napakaraming oras ang ginugol ko sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos para magtaglay ako ng katotohanan, pero nang dumating na ang oras ng pagtitipon, sobra pa rin akong kabado. Noong simula, nang magpunta ako sa isang pagtitipon, labis akong balisa kaya’t lahat ng kalamnan ko sa mukha ay naninigas. Ayaw kong mapansin ito ng mga kapatid kaya nagkunwari ako na kalmadong naghahanap ng mga salita ng Diyos sa kompyuter, pero sa puso ko natataranta akong nananalangin sa Diyos, nagsusumamo sa Kanya na tulungan akong kumalma. Tinanong ko ang ilang kapatid tungkol sa kanilang mga kalagayan at paghihirap, at matapos magbahagian, napagtanto ko na ang lahat ay may magkakaibang problema, at mangangailangan ng pagbabahagi na mayroong magkakaibang sipi ng mga salita ng Diyos. Hindi ko malaman ang gagawin—kung makahahanap ako ng mga sipi na mailalapat at makatutulong sa kalagayan ng lahat, masisiyahan ang lahat at magmumukha akong magaling, pero kapag wala akong nakitang anuman, magiging sobrang kabagot-bagot ng pagtitipon. Nakakaasiwa! Habang lalo akong kinakabahan, mas lalo akong hindi makapag-isip nang malinaw. Mahabang oras na ang lumipas at wala pa rin akong natagpuang angkop na sipi ng mga salita ng Diyos. Sa totoo lang, gusto ko sanang maging bukas sa pagbabahagi sa aking mga kapatid at sama-sama kaming maghanap ng mabubuting sipi, pero nag-aalala rin ako na gagawin kong mukhang hangal ang sarili ko, kung ako, na lider ng grupo, ay hindi makahanap ng angkop na sipi. Nang maisip ko ito, hindi ko na nagawang maging bukas at napilitan na lang akong sapalarang pumili ng ilang mabubuting sipi ng mga salita ng Diyos na wala talagang kaugnayan sa mga kalagayan ng aking mga kapatid. Walang nagbahagi matapos ang pagbasa ng mga salita ng Diyos, at ni katiting ay hindi ako nakaramdam ng katanglawan. Sa huli, nagbigay na lang ako ng mga pilit na pagbabahagi ayon sa kaalaman sa doktrina, pero labis na nakakaasiwa ang kapaligiran. Bigo ang pagtitipon at natapos nang ganoon. Pagbalik ko mula sa pagtitipon, narinig ko ang kapatid kong kasamahan ko sa paggawa na sabik na ikinukwento ang kanyang natutunan mula sa pagtitipon ng ibang grupo, pero ako ay nakasimangot at labis na nabagabag na hindi ako halos makahinga. Habang lalo kong iniisip iyon, lalo akong nagmumukhang hindi akma para sa tungkuling ito, at gusto ko na lang magbitiw. Sa sobrang pagkamiserable, nanalagin ako sa Diyos nang paulit-ulit: “Mahal na Diyos! Napakamiserable ng pakiramdam ko. Lagi kong inaalala ang katayuan at reputasyon, hindi ko alam kung paano ko dapat gawin ang tungkuling ito, at wala rin akong pagnanasang lalong magsumikap. Nananalangin ako na patnubayan Ninyo akong maunawaan ang aking sarili at makaalis sa negatibong kalagayan na ito.”

Sa aking paghahanap, may natagpuan akong sipi ng mga salita ng Diyos na naglalantad sa kalikasan at diwa ng mga anticristo at labis akong naantig. Sinasabi ng mga salita ng Diyos, “At kaya para sa mga anticristo, ang katayuan at reputasyon ay ang buhay nila. Paano man sila mabuhay, ano man ang kapaligiran na tinitirhan nila, ano man ang gawain na kanilang ginagawa, ano man ang kanilang pinagsisikapan, ano man ang kanilang mga layunin, ano man ang direksyon ng kanilang buhay, umiikot ang lahat ng ito sa pagkakaroon ng magandang reputasyon at mataas na katayuan. At hindi nagbabago ang pakay na ito; hinding-hindi nila ito kayang isantabi. Ito ang totoong mukha ng mga anticristo, at ang kanilang kakanyahan. Maaari mo silang ilagay sa isang sinaunang gubat sa pusod ng kabundukan, at hindi pa rin nila tatalikdan ang katayuan at reputasyon; maaari mo silang ilagay sa gitna ng isang grupo ng mga karaniwang tao, at ang lahat ng iniisip nila ay katayuan at reputasyon pa rin. Sa sandaling nagtamo sila ng pananalig, nakikita nila ang sarili nilang katayuan at reputasyon na katumbas ng paghahanap ng pananampalataya sa Diyos; na ibig sabihin, habang tinatahak nila ang landas ng pananampalataya sa Diyos, pinagsisikapan din nila ang kanilang sariling katayuan at reputasyon. Masasabi na sa kanilang mga puso, naniniwala sila na ang pananalig sa Diyos at ang paghahanap ng katotohanan ay ang pagsisikap para sa katayuan at reputasyon; ang pagsisikap para sa katayuan at reputasyon ay ang paghahanap din ng katotohanan, at ang pagkakamit ng katayuan at reputasyon ay ang pagkakamit ng katotohanan at buhay. Sa landas ng pananalig sa Diyos, kapag nararamdaman nilang hindi sila nagkamit ng mataas na katayua—kung walang gumagalang o tumitingala sa kanila, kung hindi sila dinadakila sa gitna ng iba, at walang tunay na kapangyarihan—kung gayon sila ay labis na pinanghihinaan ng loob, at naniniwala na walang kabuluhan o halaga ang pananalig sa Diyos. ‘Ang daan ba na aking pinaniniwalaan ay hindi sinasang-ayunan ng Diyos? Hindi ba ako nagkamit ng buhay?’ Sa kanilang mga isip, malimit nilang kinakalkula ang tungkol sa mga bagay na ito; pinaplano nila kung paano magkakamit ng posisyon sa bahay ng Diyos o sa kapaligirang kanilang kinalalagyan, paano sila magkakamit ng isang mataas na reputasyon at isang partikular na antas ng awtoridad, kung paano nila makukumbinsi ang mga tao na makinig sa kanila at bolahin sila kapag sila ay nagsasalita, kung paano nila sila mapapasunod na gawin ang kanilang sinasabi, kung paano sila magkakaroon ng nagkakaisang pasya sa mga bagay-bagay at igiit ang kanilang presensya bilang isang grupo. Ito ang malimit nilang iniisip sa kanilang mga isipan. Ito ang pinagsisikapan ng ganoong mga tao(“Ginagawa Nila ang Kanilang Tungkulin para Lamang Maging Tanyag Sila at Maisakatuparan ang Kanilang Sariling mga Interes at Ambisyon; Hindi Nila Iniisip Kailanman ang mga Interes ng Sambahayan ng Diyos, at Ipinagpapalit pa ang mga Interes na Iyon para sa Kanilang Personal na Kaluwalhatian (Ikalawang Bahagi)” sa Paglalantad sa mga Anticristo). Inihambing ko ito sa aking sariling kalagayan at asal, at nakita ko kung gaano ako nahumaling sa reputasyon at katayuan. Matagal ko nang hangad na gumawa ng pangalan para sa aking sarili at makaramdaman ng pagtanggap. Sa pagtupad sa aking tungkulin, ang inalala ko lang ay ang magkamit ng paghanga at mapaganda ang sarili kong imahe. Walang puwang ang Diyos sa aking puso. Ipinakita ko ang aking sarili na may anticristong disposisyon. Mula sa sandaling ako ay maitaas bilang lider ng grupo, nagsimula ko nang isipin na ako’y isang taong may katayuan—inilagay ko ang aking sarili sa isang pedestal at labis akong natakot na kapag hindi ko nalutas ang mga praktikal na isyu at nawalan ng respeto ang aking mga kapatid sa akin, na mawawala ang aking titulo at maging ang aking nahihiwatigang katayuan at imahe sa kanilang paningin. Sa pagharap sa mga isyu ng aking mga kapatid, hindi ko alam kung aling mga sipi ng mga salita ng Diyos ang gagamitin para malutas ang mga ito at hindi ako handang maging bukas at maging matapat, na maghanap at magbahagi nang magkakasama. Upang maprotektahan ang sarili kong katayuan, nagpanggap ako at nagpakitang-tao, nagbigay ng mga pilit na pagbabahagi ayon sa kaalaman sa doktrina para mabawasan ang pagkaasiwa nang hindi iniisip kung nalutas ko ba talaga ang mga problema ng aking mga kapatid. Kaya’t ang lahat ng mga pagtitipon ay walang bisa. Hindi ako nagnilay sa sarili nang lumabas ang mga isyung ito, sa halip ay naging negatibo pa at ninais na magbitiw nang ako’y mapahiya. Kulang na kulang ako sa pagkatao! Nang mapagtanto ko ang lahat ng ito, labis akong nanghinayang at nanalangin ako sa Diyos at naging handang magsisi at magbago.

Nakita ko rin ang sipi na ito ng mga salita ng Diyos: “Sa kabuuan, kahit ano pang direksyon ang pinagpupunyagian mo, o kahit ano pang mithiin ang pinagsisikapan mong abutin, kahit gaano ka pa kapursigidong talikuran ang katayuan, hangga’t may isang partikular na puwang sa iyong puso ang katayuan, at nagagawa nitong kontrolin at impluwensiyahan ang iyong buhay at ang mga mithiing pinagpupunyagian mo, lubhang makokompromiso ang mga pagbabago sa iyong disposisyon, at maiiba ang pagkakilala at pagtingin sa iyo ng Diyos. Higit pa rito, ang gayong paghahangad sa katayuan ay nakakaapekto sa iyong kakayahang maging isang katanggap-tanggpap na nilalang ng Diyos, at siyempre, nakakaapekto ito sa iyong kakayahang gampanan ang iyong tungkulin sa isang katanggap-tanggap na pamantayan. Bakit Ko sinasabi ito? Walang higit na kamuhi-muhi para sa Diyos kundi ang mga taong naghahangad ng katayuan, dahil ang paghahangad ng katayuan ay tiwaling disposisyon; bunga ito ng katiwalian ni Satanas, at sa pananaw ng Diyos hindi ito dapat umiiral. Hindi niloob ng Diyos na ibigay ito sa tao. Kung lagi kang nakikipagkumpitensya at nakikipaglaban para sa katayuan, kung palagi mo itong pinakaiingat-ingatan, kung lagi mong gustong sunggaban ito para sa iyong sarili, hindi ba ito nagtataglay ng kaunting kalikasan ng paglaban sa Diyos? Hindi niloob ng Diyos ang katayuan para sa mga tao; ipinagkakaloob ng Diyos sa mga tao ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at sa huli’y ginagawa silang isang katanggap-tanggap na nilalang ng Diyos, isang hamak at walang-kabuluhang nilalang ng Diyos—hindi isang tao na may katayuan at katanyagan at iginagalang ng libu-libong tao. Kaya, saanmang perspektibo ito tingnan, walang kahahantungan ang paghahanggad ng katayuan(“Ginagawa Nila ang Kanilang Tungkulin para Lamang Maging Tanyag Sila at Maisakatuparan ang Kanilang Sariling mga Interes at Ambisyon; Hindi Nila Iniisip Kailanman ang mga Interes ng Sambahayan ng Diyos, at Ipinagpapalit pa ang mga Interes na Iyon para sa Kanilang Personal na Kaluwalhatian (Ikatlong Bahagi)” sa Paglalantad sa mga Anticristo). Sa umpisa, medyo natakot ako sa kasidhian ng mga salita ng Diyos. Napagtanto ko na walang higit pang nakasusuklam sa Diyos kundi ang mga taong naghahabol sa katayuan. Kung ang isang tao ay hindi magsisisi, mauuwi ito sa kanyang personal na kapahamakan at pagkasira. Maraming taon na akong nanininiwala sa Diyos, at tinatamasa ang napakaraming biyaya ng Diyos at ang pagtustos ng Kanyang mga salita. Ngayon, binigyan rin Niya ako ng pagkakataon na magsanay bilang isang lider ng grupo. Dinagdagan niya ang mga kabigatan ko at pinahintulutan akong matutunan kung paano hanapin ang katotohanan at mga prinsipyo sa pamamagitan ng pagtupad sa aking mga tungkulin, na higit na nagbigay ng kaliwanagan sa akin upang maunawaan ko ang katotohanan at magkamit ako ng pagpasok sa buhay. Pero ni minsan hindi ko inisip kung paano ko dapat hanapin ang katotohanan upang suklian ang pag-ibig ng Diyos. Inisip ko lang ang pansarili kong reputasyon, pakinabang at katayuan. Lubos akong walang budhi at katwiran! Upang iligtas ang napakatiwaling sangkatauhan, ang Diyos ay nagkatawang-tao at pumarito sa mundo, dumanas ng labis-labis na kahihiyan. Ang Diyos ay kataas-taasan at dakila, pero ni minsan ay hindi Niya itinaas ang sarili. Tahimik lamang Siyang nagpapahayag ng katotohanan at humahatol at nililinis ang ating mga tiwaling disposisyon, upang matanggal natin ang ating karumihan at maani ang Kanyang pagliligtas. Nakita ko kung gaano kamapagpakumbaba at kaibig-ibig ang Diyos. Ako’y isang napakaliit na nilalang lang, puno ng karumihan at katiwalian, subalit sinisikap kong palaging pagandahin ang aking imahe upang makuha ang paggalang ng mga tao at mailapit sila sa akin. Napakamapagmataas at walang hiya ko. Naisip ko rin si Pablo, na mahilig mangaral at gumawa upang makamit ang paghanga at paggalang ng ibang tao. Sa haba ng panahon ng kanyang paniniwala, ni minsan hindi niya sinikap na baguhin ang kanyang disposisyon, lagi lang siyang naghahangad ng katayuan, mga gantimpala at korona. Sa katapusan, inangkin pa niya na siya ang Diyos, at sinikap na agawin ang lugar ng Diyos sa puso ng mga tao. Nilalakaran ni Pablo ang daan ng anticristo na lumalaban sa Diyos at sa bandang huli ay nilabag ang disposisyon ng Diyos kaya’t siya’y inihagis Niya sa impiyerno upang magdusa ng walang hanggang kapahamakan. Kung hindi ako magbabago, tiyak na parehas ng kapalaran ni Pablo ang daranasin ko. Nang malaman ko ang mga kahihinatnang ito, nagpatirapa ako sa harap ng Diyos at nagsisi sa Kanya, hiniling na patnubayan Niya ako na matagpuan ang tamang landas ng pagsasagawa.

Kalaunan, may nakita akong video ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Mahirap bitiwan ang katayuan at katanyagan. Dapat hanapin ng mga tao ang katotohanan. Sa isang banda, dapat nilang makilala ang kanilang sarili, at maging positibo’t aktibo sa paglalantad ng kanilang sarili; sa isa pang banda, dapat nilang kilalanin na wala ang katotohanan sa kanila, at napakaraming kulang sa kanila. Kung susubukan mong ipaisip sa mga tao na magaling ka sa lahat ng bagay, na perpekto ka, kung gayon ay mapanganib ito—mas malamang na pagpunyagian mo ang kasikatan at katanyagan. Dapat mong ipakita sa mga tao na may kapintasan ka, na mayroon kang mga kahinaan at depekto, mga bagay na hindi kayang gawin, na lampas sa iyong kakayahan. Isa ka lamang ordinaryong tao, hindi ka isang pambihirang tao o pinakamakapangyarihan sa lahat. Kapag kinikilala mo ang katotohanang ito, at ipinababatid din ito sa iba, ang unang ginagawa nito ay pigilan ang ugali mong makipagkumpitensya; itinutulot nito, sa isang partikular na antas, na makontrol mo ang mentalidad mong makipagkumpitensya at ang iyong paghahangad na makipagkumpitensya. Kapag hinahamak o tinutuya ka ng ibang mga tao, huwag mong tutulan kung ano ang sinasabi nila dahil lamang sa hindi ito kaaya-aya, o tanggihan ito sa pamamagitan ng pagsasabi sa iyong sarili na walang problema sa iyo, na ikaw ay perpekto—hindi dapat ganito ang iyong saloobin sa gayong mga salita. Ano ang dapat na maging saloobin mo? Dapat mong sabihin sa iyong sarili, ‘May mga pagkakamali ako, may kapintasan ang lahat ng bagay tungkol sa akin, at ako’y isang ordinaryong tao lamang. Anuman ang kanilang paghamak at panunuya sa akin, kung totoo naman ang ilang sinasabi nila, dapat ko itong tanggapin mula sa Diyos.’ Kung magagawa mo ito, katunayan ito na hindi ganoon kahalaga ang katayuan, katanyagan, at ang mga opinyon ng ibang mga tao patungkol sa iyo. … Dapat kang magkaroon ng kamalayan kapag may palagian kang simbuyo na makipagkompitensya. Kung hindi malutas, ang pagnanasang makipagkompitensya ay maaari lamang humantong sa masasamang bagay, kaya’t huwag magsayang ng oras at hanapin ang katotohanan, itigil kaagad ang pagiging mapagkompitensya, at palitan ng pagsasagawa ng katotohanan ang mapagkompitensyang pag-uugali na ito. Kapag isinasagawa mo ang katotohanan, ang iyong pagiging mapagkompitensiya, mga hindi makatotohanang paghahangad, at mga pagnanasa ay lubos na mababawasan, at hindi na makasasagabal sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang iyong mga kilos ay maaalala at pupurihin ng Diyos(“Ginagawa Nila ang Kanilang Tungkulin para Lamang Maging Tanyag Sila at Maisakatuparan ang Kanilang Sariling mga Interes at Ambisyon; Hindi Nila Iniisip Kailanman ang mga Interes ng Sambahayan ng Diyos, at Ipinagpapalit pa ang mga Interes na Iyon para sa Kanilang Personal na Kaluwalhatian (Ikatlong Bahagi)” sa Paglalantad sa mga Anticristo). Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ako’y isa lang na nilalang na ginawang tiwali ni Satanas, kaya’t normal na ako’y mayroong mga kapintasan at kakulangan. Hindi kailanman hiningi ng Diyos na ako ang maging pinakamagaling na manggagawa, na magkaroon ako ng napakahusay na kakayahan at tayog, o maging napakataas at perpektong tao. Ang nais lang Niya ay magkaroon ako ng dalisay at matapat na puso, na praktikal kong hanapin ang katotohanan at lumakad sa landas ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan. Sa sambahayan ng Diyos, ang mga lider at mga lider ng grupo ay nilikha lamang dahil kailangan sila sa gawain, pero lahat tayo ay mga nilikha lamang na tumutupad sa ating mga tungkulin, at wala talagang pagkakaiba sa katayuan sa pagitan natin at ng ating mga kapatid. Binibigyan tayo ng Diyos ng iba’t ibang tungkulin base sa ating kakayahan at tayog. Dahil lang ako’y isang lider ng grupo ay hindi nangangahulugan na mayroon akong katotohanang realidad, pero inoobliga ko lagi ang sarili ko na alamin ang ugat ng bawat isyu at lutasin ang bawat problema. Talagang hindi ito praktikal at bunga ito ng aking kayabangan at hindi pagkaunawa sa aking sarili. Dapat kong ipantay ang aking sarili sa aking mga kapatid, at dapat kaming matuto mula sa isa’t isa at hanapin ang katotohanan nang magkakasama upang malutas ang anumang problema na aming kakaharapin habang tinutupad ang aming mga tungkulin. Kung mayroon akong hindi maunawaan, hindi ako dapat magkunwari—dapat ay buong tapang kong ilahad ang aking kakulangan at maghanap kasama ng aking mga kapatid. Saka ko lamang mas maayos na matutupad ang aking mga tungkulin.

Kalaunan, may ilang kapatid na namumuhay sa pagkanegatibo at kinailangan kong makipagtipon at makipagbahagian sa kanila. Sa umpisa ay kinakabahan ako. Nag-aalala ako sa kung ano ang iisipin nila sa akin kung hindi maayos ang pagbabahagi ko, kung kaya ninais ko na maghanda muna sa bahay sa pamamagitan ng paghahanap ng mga angkop na sipi ng mga salita ng Diyos, naisip ko na sa ganitong paraan, madali kong malulutas ang kanilang mga problema habang nasa pagtitipon at makukuha ko ang respeto ng lahat. Tapos napagtanto ko na mayroon akong maling layunin sa pagtupad sa aking tungkulin. Gusto ko lang malutas ang lahat ng problema ng mga kapatid para umani ng kanilang paghanga at paggalang—gumagawa pa rin ako para sa reputasyon at katayuan. Kaya’t nanalangin ako sa Diyos, hiniling sa Kanya na tulungan akong labanan ang aking mga maling layunin. May nakita akong sipi ng mga salita ng Diyos: “Para maimpluwensya ng Banal na Espiritu ang kalooban ng isang tao at magkaroon ng positibong pagbabago sa kanilang kalagayan, kailangan ng taong iyon ang isang mataas na antas ng pagbabago, pagpapalaya, pagdurusa, at pagtalikod, upang unti-unting magbago ang taong iyon. Matagal iyon nangyayari—pero ilang segundo lamang ang kailangan para mailantad ng Diyos ang isang tao. Kung hindi mo ginagampanang mabuti ang tungkulin mo, nguni’t palaging naghahangad ng karangalan at nakikipagpaligsahan para sa katungkulan, pangalan, karangalan, at iyong sariling mga pakinabang, sa gayon habang namumuhay sa ganoong kalagayan, gusto mo bang makagawa ng paglilingkod? Makapaglilingkod ka kung gusto mo, nguni’t posible na ikaw ay malantad bago matapos ang iyong paglilingkod. Sa sandaling ikaw ay nalalantad, ang tanong ay hindi na kung mapapabuti pa ang iyong kalagayan; sa halip, malamang na ang iyong kalalabasan ay naalaman na, at iyan ay magiging isang suliranin para sa iyo(“Ipagkaloob ang Iyong Tunay na Puso sa Diyos, at Makakamit Mo ang Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Habang nagninilay sa mga salita ng Diyos, napagtanto ko na kung ang aking layunin ay ang gamitin ang mga pagtitipon at pagbabahagian para itaguyod ang sarili ko at umani ng paghanga, at hindi para malutas ang anumang problema ng mga kapatid habang tinutupad ang kanilang mga tungkulin, ako’y lumalakad pa rin sa landas na lumalaban sa Diyos. Kahit na dumalo pa ako sa isang pagtitipon, hindi ko makukuha ang patnubay ng Diyos at ang pagtitipon ay mawawalan ng bisa. Nang mapagtanto ko ito, nanalangin ako sa Diyos, itinuwid ang aking mga layunin, at lantarang ibinahagi sa kapatid kong kasamahan ko sa paggawa ang aking katiwalian at mga kakulangan. Sa mga pagtitipon, nagbahagi lang ako sa mga nauunawaan ko, at ang mga kapatid ko ay tinalakay din ang kanilang pagkaunawa. Magkakasama, nakahanap kami ng landas ng pagsasagawa sa pamamagitan ng aming pagbabahagi at ang mga kalagayan nila ay bumuti. Naramdaman ko ang paggawa at patnubay ng Banal na Espiritu, at naging napakaginhawa at malaya ng aking pakiramdam. Nakita ko kung paanong sa pagbitiw sa aking pag-aalala sa katayuan at reputasyon at pagtupad sa aking mga tungkulin nang kasama ang aking mga kapatid, makakamit ko ang mga pagpapala at patnubay ng Diyos.

Sa pamamagitan ng karanasang ito, natutunan ko na masyado kong inalala ang reputasyon at katayuan at naging napakaliit ng lugar ng Diyos sa puso ko. Hindi ako nagmahal at nagpasakop sa Diyos sa puso ko at tinatahak ko ang maling landas. Dahil sa patnubay ng Diyos at sa paghatol at paghahayag ng Kanyang mga salita, sa wakas nagsimula ko nang makilala ang sarili ko at ang aking mga layunin at saloobin sa pagtupad ng aking tungkulin ay bumuti. Malinaw ko nang nakikita ngayon na ang paghahabol sa reputasyon, katayuan at sa paggalang at paghanga ng iba ay walang saysay o halaga—nagdadala lang ito ng kapahamakan. Ang pagtuon lamang sa pagsasagawa ng katotohanan, paghahangad ng pagbabago ng disposisyon, at pagtupad nang maayos sa tungkulin para masiyahan ang Diyos ang mga tamang hangarin.

Sinundan: 66. Hindi na Ako Mapanghamak sa Aking Katuwang

Sumunod: 69. Nang Ma-diagnose na May Kanser si Mama

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

40. Gamot Para sa Inggit

Ni Xunqiu, TsinaSabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang laman ng tao ay kay Satanas, ito ay puno ng mga masuwaying disposisyon, nakakahiya ang...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito