63. Narinig Ko na sa Wakas ang Tinig ng Diyos

Ni David, Venezuela

Marami akong iba’t ibang trabaho noong bata pa ako. Tagapamahala ako ng payroll para sa pamahalaan ng estado ng Sucre, Venezuela. Kinailangan kong pangasiwaan ang mga isyu sa payroll at ang napakaraming pangangailangan ng mga tao araw-araw. Naging opisyal din ako ng human resources para sa konseho ng lehislatibo, at sa maikling panahon, nagturo ako ng klase sa kompyuter sa isang night school para sa matatanda. May isang pagkakapareho ang lahat ng posisyon ko sa trabaho—direktang pakikipag-ugnayan sa napakaraming tao. Ang trabaho ko ang pang-araw-araw na sentro ng atensyon ko, at kahit medyo abala ako, napakapayapa ng buhay ko. Nang biglang tumama ang pandemya, hindi na ako puwedeng makisalamuha sa iba at hindi man lang matustusan ng kinikita ko ang kalahati ng gastos ko sa pagkain. Sumadsad sa krisis ang buhay ko. Kinailangan kong pumila para bumili ng pagkain, at may pilang katumbas ng 3 araw para bumili ng gas. Noong panahong iyon, bumaling ako sa mga salita ng Panginoon para makahanap ng kaginhawahan. Isa ring mananampalataya ang kapitbahay ko, at sa tuwing nagkakasalubong kami pinag-uusapan namin kung paanong ipinropesiya sa Bibliya ang lahat ng sakunang ito, at na ang kasamaan at katiwalian ng sangkatauhan ang pinagmumulan ng lahat ng kapahamakang ito. Tayo ay nasa mga huling araw, at ipinropesiya sa Bibliya na babalik ang Panginoong Jesus para hatulan tayo sa panahong ito, kaya kailangan nating bumalik sa panig ng Diyos para makamit ang Kanyang proteksyon at pagliligtas. Araw-araw, nananalangin ako sa Diyos para bigyan ako ng karunungan at gabayan ako. Gusto kong makilala ang Diyos, at kailangan ko Siyang hanapin, dahil ang salita ng Diyos ang tanging paraan para makahanap ako ng kaginhawahan, matigil sa pagkakasala, at maging isang taong nagdudulot ng kagalakan sa Diyos. Kaya nagbuklat ako ng Bibliya at hiniling sa Diyos na bigyan ako ng kaliwanagan. Binasa ko ang Aklat ng Mga Awit at Aklat ng Mga Kawikaan pati na ang Sermon ng Panginoong Jesus sa Bundok, pero hindi ko pa rin nahanap ang landas na dapat kong tahakin. Hindi ko talaga alam ang gagawin at palala nang palala ang problema ko sa pera. Bumabagsak sa krisis ang buhay ko at hindi ko na matustusan ang pangangailangan ng aking pamilya. Kapag may mga kailangan ang anak kong babae, hindi ko siya mabigyan. Napakalungkot ko, at ang tanging nagagawa ko ay damayan siya sa pagsasabing pansamantala lang ang mga paghihirap na ito, pero kahit ako ay hindi naniniwala ro’n. Nabalot ng kalungkutan ang puso ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong mangibang-bansa, umalis dito at maghanap ng ibang solusyon, pero hindi ko makuha ang lahat ng dokumentong kailangan ko o isang pasaporte dahil sa pandemya. Pahirap nang pahirap ang lahat ng bagay para sa akin. Noon din, sinabi ng asawa ko na ayaw na niya akong makasama. Iyon ang pinakamasakit na nangyari sa akin. Pakiramdam ko’y malapit na akong sumuko, na wala nang saysay ang buhay. Na-depress ako nang husto—sobra akong nasasaktan. Madalas na basang-basa ng luha ang mukha ko at maraming gabing hindi ako makatulog. Ang tanging paraan para magkaroon ako ng kaunting kapayapaan ay ang manalangin sa Diyos.

Tapos isang araw, nakatanggap ako ng mensahe sa WhatsApp. Inanyayahan ako ng isang sister na sumali sa isang Christian class para makinig sa salita ng Diyos, at tinanong ako kung gusto kong pag-aralan ito. Sinabi ko sa kanyang gusto ko, at isinali niya ako sa isang study group. Nang magkaroon ako ng pagkakataong marinig ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, pakiramdam ko’y ito ang sagot ng Diyos sa aking mga panalangin. Nahikayat ako ng maawtoridad na mga pahayag ng Makapangyarihang Diyos, at nilutas ng mga salitang ito ang napakaraming alinlangan at kuru-kurong mayroon ako. Nalaman kong nagbalik na ang Diyos at gumagawa Siya ng bagong gawain. Nagkaroon ito ng napakalaking epekto sa akin. Sa gitna ng aking pagkabigla, kagalakan, at kuryusidad, nalaman ko ang tungkol sa 6,000 taong plano ng pamamahala ng Diyos at ang Kanyang tatlong yugto ng gawain upang iligtas ang sangkatauhan, na gumagamit Siya ng ibang pangalan sa bawat kapanahunan (Jehova, Jesus, at Makapangyarihang Diyos), at ang kahulugan ng gawaing ginagawa Niya sa bawat kapanahunan. Naakit ako sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos—napakasaya ko. Gusto kong matuto ng marami pang katotohanan at ibahagi ang mga ito sa iba, kaya masaya kong ibinahagi ang ebanghelyo sa aking mga kapitbahay, sinasabi sa kanila na nagbalik na ang Panginoong Jesus. Akala ko ang sinumang mananampalatayang makaririnig sa ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw ay magsasaya, hahanapin ang katotohanan, at masayang tatanggapin ang ebanghelyo. Pero kabaligtaran nito ang nangyari. Tinanong nila ako, “Wala ni isa sa mga ito ang nasa Bibliya, saan mo ito nalaman?” Sinabi ko sa kanila, “Nalaman ko ang tungkol dito mula sa isang online study group, at kakasimula ko pa lang na pag-aralan ito, kaya limitado pa ang aking kaalaman, pero talagang nahikayat ako ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos.” Sinabihan nila ako na mag-ingat, at na maraming huwad na Cristo ang lilitaw sa mga huling araw. Pagkatapos ay pinadalhan nila ako ng dalawang talata sa Bibliya: “At kung may magsabi sa inyong sinumang tao, ‘Narito si Cristo’; o, ‘Naroon Siya’; huwag ninyong paniwalaan ang taong ito: Sapagkat may magsisilitaw na mga huwad na Cristo at mga huwad na propeta, at magpapakita ang mga ito ng mga tanda at mga kababalaghan, upang mailigaw nila, kung maaari, maging ang mga hirang. Datapuwat mag-ingat kayo: narito, ipinagpauna Ko nang sabihin sa inyo ang lahat ng bagay(Marcos 13:21–23). Sinabi nila na isang huwad na relihiyon ang sinisiyasat ko, at sa mundo ng makabagong panahon ng teknolohiya ng ika-21 siglo, kung magbabalik ang Panginoong Jesus, tiyak na magpapakita Siya ng malaking himala na yayanig sa buong mundo, pero wala pang nangyayaring ganun. Isa pa, hindi pa nagpapakita at nagpapagaling ng mga maysakit ang Panginoong Jesus, hindi pa Siya bumubuhay ng mga patay, at iba pa, kaya ibig sabihin, hindi pa nagbalik ang Panginoon. Nung narinig ko ang sinabi nila, napuno ng pagdududa ang puso ko. Natakot akong maipagkakanulo ko ang Panginoong Jesus. Nag-alala ako na malinlang ako at sumunod sa isang huwad na Cristo. Kumbinsido pa rin ako nung oras na ‘yon na magbabalik ang Panginoong Jesus sakay ng mga ulap at uupo sa isang malaking puting trono, hahatulan ang bawat tao ayon sa kanilang mga kasalanan, pero sinabi ng mga nag-eebanghelyo na ang Diyos ay naging tao at naghahayag ng mga salita para hatulan ang ating mga kasalanan. Nagtalo ang kalooban ko dahil sa lahat ng bagay na ito at lalo akong hindi mapalagay. Kahit inaabangan ko talaga ang aming panggabing sermon at nadamang gusto kong patuloy na siyasatin ito, tumagos pa rin sa puso ko ang sinabi ng mga kapitbahay ko, kaya naging maingat ako. Nang magsimula na ang sermon, nagpasya akong mag-leave sa grupo.

Sumulat ako ng mensahe sa WhatsApp tungkol sa aking dahilan sa pag-alis sa grupo, ipinapaliwanag ang aking mga alalahanin, na ako’y nag-aalala na malinlang ng isang huwad na Cristo, at isinama ko ang mga talata sa Bibliya na ipinadala sa akin ng aking mga kapitbahay. Nung ipapadala ko na ang mensaheng iyon at aalis sa grupo, bigla akong nakatanggap ng notification na wala nang charge ang cellphone ko at mamamatay na ito. Nagulat ako, dahil palagi akong nagcha-charge ng telepono ko bago ang mga pagtitipon, kaya bakit bigla na lang namatay ang baterya? Pero desidido pa rin ako. Sabi ko sa sarili ko, paanong walang malalaking kababalaghan kung nagbalik na si Cristo? Muli kong isinaksak ang telepono ko at nagpasyang ipadala ang mensahe nung mai-charge nang kaunti ang telepono ko. Nang umabot sa 5% ang baterya, binuksan ko ang aking telepono at nakakita ng ilang talata sa Bibliya na ipinadala sa grupo. Binasa ko ang mga ito dahil sa kuryusidad: “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig sa Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko(Pahayag 3:20). “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin(Juan 10:27). Nagbahagi ang mga kapatid, “Makikita natin mula sa salita ng Diyos na sa pagbabalik ng Panginoon, kakatok Siya sa pinto, at tatawagin ang Kanyang mga tupa sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Kung masasalubong man natin ang Panginoon ay pangunahing nakadepende sa kung naririnig natin ang Kanyang tinig. Kailangan nating marinig ang tinig ng Panginoon upang buksan ang pinto at salubungin Siya, at maghapunan na kasama Niya. Kaya’t kung may marinig kayong nagpapatotoo na ang Panginoon ay nagbalik na, huwag isara ang pinto o matakot na malinlang, kundi maging isang matalinong dalaga—ang pagtuon sa pakikinig sa tinig ng Panginoon ang susi.” Pagkatapos ay nakita ko ang isang sister na nagpadala ng sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa grupo. “Kung, sa panahon ngayon, may lumitaw na isang tao na kayang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, magpalayas ng mga demonyo, magpagaling ng mga maysakit, at magsagawa ng maraming himala, at kung sinasabi ng taong ito na siya si Jesus na naparito, isang huwad ito na gawa ng masasamang espiritung gumagaya kay Jesus. Tandaan ito! Hindi inuulit ng Diyos ang parehong gawain. Nakumpleto na ang yugto ng gawain ni Jesus, at hindi na muling isasagawa ng Diyos ang yugtong iyon ng gawain. … Sa mga haka-haka ng tao, kailangang laging magpakita ang Diyos ng mga tanda at kababalaghan, kailangang laging magpagaling ng mga maysakit at magpalayas ng mga demonyo, at kailangang laging maging katulad lamang ni Jesus. Subalit sa pagkakataong ito, hindi ganoon ang Diyos. Kung, sa mga huling araw, nagpakita pa rin ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, at nagtaboy pa rin ng mga demonyo at nagpagaling ng mga maysakit—kung gagawin Niya ang ginawa mismo ni Jesus—uulitin ng Diyos ang parehong gawain, at mawawalan ng kabuluhan o halaga ang gawain ni Jesus. Sa gayon, isinasagawa ng Diyos ang isang yugto ng gawain sa bawat kapanahunan. Kapag natapos na ang bawat yugto ng Kanyang gawain, agad itong ginagaya ng masasamang espiritu, at matapos simulang sundan ni Satanas ang mga yapak ng Diyos, nag-iiba ng pamamaraan ang Diyos. Kapag natapos na ng Diyos ang isang yugto ng Kanyang gawain, ginagaya ito ng masasamang espiritu. Kailangang maging malinaw sa iyo ang tungkol dito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Gawain ng Diyos Ngayon). Natigilan ako sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at sa pagbabahagi ng iba. Nilalaman ng mga ito ang lahat ng sagot na hinahanap ko. Sinabi ko sa sarili ko na talagang totoo ito. Palaging bago ang Diyos, hindi kailanman luma, at palaging gumagawa ng bagong gawain. Hindi Niya uulitin ang dati Niyang gawain. Hindi inulit ng Panginoong Jesus ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, kaya bakit gagawin ng Diyos ang kaparehong gawain ng Kapanahunan ng Biyaya pagbalik Niya? Naparito na ang Makapangyarihang Diyos at nagsimula ng bagong kapanahunan, at ginagawa Niya ang bagong gawain ng Kapanahunan ng Kaharian. Hindi pa nagagawa kahit kailan ang gawaing ito. Binalaan pa nga tayo ng Makapangyarihang Diyos, “Kung, sa panahon ngayon, may lumitaw na isang tao na kayang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, magpalayas ng mga demonyo, magpagaling ng mga maysakit, at magsagawa ng maraming himala, at kung sinasabi ng taong ito na siya si Jesus na naparito, isang huwad ito na gawa ng masasamang espiritung gumagaya kay Jesus.” Ang masasamang espiritu lamang ang gumagaya sa nakaraang gawain ng Diyos, at nagpapanggap na Diyos na gumagawa ng mga himala para iligaw ang mga tao. Talagang nagbigay ito ng kaliwanagan sa akin. Natutuhan ko kung paano matukoy ang mga huwad na Cristo at ang tunay na dahilan kung bakit hindi nagpapakita ang Diyos ng mga tanda at kababalaghan sa Kapanahunan ng Kaharian. Sa mga huling araw, ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol, paglilinis, at pagliligtas sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mga katotohanan, inaakay ang tao papunta sa Kanyang kaharian. Nang maunawaan ko ‘yon, nagpatuloy ako sa pagdalo sa mga pagtitipon.

Nang maglaon, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Walang sinumang naniniwala kay Jesus ang may karapatang sumpain o husgahan ang iba. Lahat kayo ay dapat maging makatwiran at maging mga taong tumatanggap sa katotohanan. Marahil, matapos marinig ang daan ng katotohanan at marinig ang salita ng buhay, naniniwala ka na isa lamang sa 10,000 ng mga salitang ito ang naaayon sa iyong mga paniniwala at sa Bibliya, sa gayon ay dapat kang patuloy na maghanap sa ika-10,000 ng mga salitang ito. Pinapayuhan pa rin kita na maging mapagpakumbaba, huwag kang masyadong tiwala sa sarili, at huwag mong masyadong itaas ang sarili. Sa kaunting pagpipitagang taglay mo sa puso mo para sa Diyos, magtatamo ka ng higit na liwanag. Kung sinusuri mong mabuti at paulit-ulit na pinagninilayan ang mga salitang ito, mauunawaan mo kung katotohanan ang mga ito o hindi, at kung ang mga ito ay buhay o hindi. Marahil, dahil iilang pangungusap lamang ang nabasa, pikit-matang huhusgahan ng ilang tao ang mga salitang ito, na sinasabing, ‘Kaunting kaliwanagan lamang ito mula sa Banal na Espiritu,’ o, ‘Huwad na Cristo ito na naparito upang linlangin ang mga tao.’ Yaong mga nagsasabi ng gayong mga bagay ay nabubulagan ng kamangmangan! Kakaunti ang nauunawaan mo tungkol sa gawain at karunungan ng Diyos, at pinapayuhan kita na magsimulang muli sa wala! Huwag ninyong pikit-matang husgahan ang mga salitang ipinahayag ng Diyos dahil sa paglitaw ng mga huwad na Cristo sa mga huling araw, at huwag kayong maging isang taong lumalapastangan sa Banal na Espiritu dahil natatakot kayong malinlang. Hindi ba kaawa-awa naman iyon? Kung, matapos ang maraming pagsusuri, naniniwala ka pa rin na ang mga salitang ito ay hindi ang katotohanan, hindi ang daan, at hindi pagpapahayag ng Diyos, sa huli ay parurusahan ka, at mawawalan ka ng mga pagpapala. Kung hindi mo matatanggap ang katotohanang iyon na sinambit nang napakaliwanag at napakalinaw, hindi ba hindi ka akma sa pagliligtas ng Diyos? Hindi ba isa kang taong hindi sapat na pinagpalang makabalik sa harap ng luklukan ng Diyos? Pag-isipan mo ito! Huwag kang padalus-dalos at mapusok, at huwag mong ituring na laro ang paniniwala sa Diyos. Mag-isip ka alang-alang sa iyong patutunguhan, alang-alang sa iyong mga inaasam, alang-alang sa iyong buhay, at huwag mong paglaruan ang sarili mo. Matatanggap mo ba ang mga salitang ito?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa). Naunawaan ko mula sa mga salita ng Diyos na kailangan nating maging katulad ng matatalinong dalaga tungkol sa pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw, hindi padalos-dalos na itanggi ang pagpapakita ni Cristo. Dahil lang lilitaw ang mga huwad na Cristo sa mga huling araw ay hindi nangangahulugan na pwede nating basta-bastang tanggihan at kondenahin ang bagong gawain ng Diyos at ang mga salitang Kanyang sinasabi. Kailangan nating matutuhan na pakinggan ang tinig ng Diyos, at siyasatin ang gawain ng Diyos nang may saloobin ng mapagpakumbabang paghahanap. Iyan ang tanging paraan upang marinig ang tinig ng Diyos at masalubong ang Panginoon. Kung hindi, mawawala sa atin ang kaligtasan ng Diyos. Gaya ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Huwag kang padalus-dalos at mapusok, at huwag mong ituring na laro ang paniniwala sa Diyos. Mag-isip ka alang-alang sa iyong patutunguhan, alang-alang sa iyong mga inaasam, alang-alang sa iyong buhay, at huwag mong paglaruan ang sarili mo. Matatanggap mo ba ang mga salitang ito?” Ipinakita sa akin ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na nang mapigilan ako ng mga maling pananaw na ibinahagi ng mga kapitbahay ko na siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, naging padalos-dalos ako sa aking pagtanggap. Hindi ko sinubukang magkaroon ng mas malalim na pagkaunawa sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos o maghanap ng mga tao sa loob ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos para sagutin ang aking mga tanong. Padalos-dalos na lang akong nagpasya na umalis sa grupo at huminto sa paghahanap sa tunay na daan. Muntik nang mawala sa akin ang kaligtasan ng Diyos sa mga huling araw dahil sa pagiging padalos-dalos ko. Tapos nalaman kong hindi ako maaaring magpadala sa pagiging padalos-dalos sa harap ng mga kalituhan at pagdududa, o pabigla-biglang manghusga, at kailangan kong maging maingat, manalangin sa Diyos at hanapin ang katotohanan sa lahat ng oras. Kailangan kong tratuhin nang may paggalang ang mga salita ng Diyos at mapagpakumbabang maghanap upang makilala ko ang tinig ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang patnubay, at masalubong ang pagbabalik ng Panginoon. Ang pagkain at pag-inom ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos araw-araw ay nagbigay sa akin ng mas malalim na pagkaunawa sa Bibliya, at kaya nakasiguro ako na ito ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw, at tinanggap ko ang Makapangyarihang Diyos nang walang pag-aalinlangan.

Isang araw, nabasa ko ang dalawa pang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Hindi mahirap magsiyasat tungkol sa gayong bagay, ngunit kinakailangan nito na malaman ng bawat isa sa atin ang katotohanang ito: Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng diwa ng Diyos, at Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng pagpapahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, ilalahad Niya ang gawaing layon Niyang gawin, at dahil ang Diyos ay naging tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at magagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban siya ng buhay, at ituro ang daan para sa kanya. Ang katawang-tao na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Kung layon ng tao na magsiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan niyang patunayan ito mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, patunayan kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy batay sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang sagot ay nasa Kanyang diwa (Kanyang gawain, Kanyang mga pagbigkas, Kanyang disposisyon, at maraming iba pang aspeto), sa halip na sa panlabas na anyo. Kung ang susuriin lamang ng tao ay ang Kanyang panlabas na anyo, at dahil dito ay hindi napansin ang Kanyang diwa, ipinapakita niyan na ang tao ay mangmang at walang alam(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). “Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at kaya ang Cristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinatawag na Diyos. Walang pagmamalabis rito, sapagkat taglay Niya ang diwa ng Diyos, at taglay Niya ang disposisyon ng Diyos, at karunungan sa Kanyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Ang mga tumatawag sa sarili nila na Cristo, subalit hindi naman kayang gawin ang gawain ng Diyos, ay mga manlilinlang. Hindi lamang pagpapakita ng Diyos sa lupa si Cristo, kundi partikular din na katawang-taong tinaglay ng Diyos habang ginagawa at tinatapos Niya ang Kanyang gawain sa tao. Hindi maaaring palitan ang katawang-taong ito ng kahit na sinumang tao, kundi isang katawang-taong sapat na makakayanan ang gawain ng Diyos sa lupa, at maipapahayag ang disposisyon ng Diyos, at kakatawan nang mahusay sa Diyos, at makapagbibigay ng buhay sa tao. Sa malao’t madali, babagsak lahat ng nagpapanggap na Cristo, sapagkat bagama’t inaangkin nilang sila si Cristo, hindi nila taglay ang diwa ni Cristo. Kaya naman sinasabi Ko na hindi kayang tukuyin ng tao ang pagiging-tunay ni Cristo, ngunit sinasagot at pinagpapasyahan ito ng Diyos Mismo. Sa ganitong paraan, kung tunay mong ninanais na hanapin ang daan ng buhay, dapat mo munang kilalaning ginagampanan ng Diyos ang gawain ng pagkakaloob ng daan ng buhay sa tao sa pamamagitan ng pagpunta sa lupa, at dapat mong kilalaning sa mga huling araw Siya pupunta sa lupa upang ipagkaloob ang daan ng buhay sa tao. Hindi ito tumutukoy sa nakalipas; nangyayari ito ngayon(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan). Nalaman ko sa mga salita ng Diyos na hindi tayo pwedeng humusga batay sa hitsura para matukoy ang tunay na Cristo sa mga huwad, at kailangan nating tingnan ang kanilang diwa, ibig sabihin, tukuyin ito sa pamamagitan ng pagtingin kung kaya nilang gawin ang gawain ng Diyos at ipahayag ang mga salita at disposisyon ng Diyos. Naging tao ang Diyos, nagpapahayag Siya ng mga katotohanan, at gumagawa ng Kanyang gawain. Ang lahat ng Kanyang inihahayag ay kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos—ito ay ganap na disposisyon ng Diyos, at maililigtas ng gawaing ginagawa Niya ang mga tao. Lahat ito ay mga bagay na hindi tinataglay ng tao o makakayang makuha. Samakatuwid, ang pinakatumpak na paraan upang matukoy kung si Cristo ang isang tao ay sa pamamagitan ng pagtingin kung nagagawa niya ang gawain ng Diyos at naipapahayag ang mga salita at disposisyon ng Diyos. No’ng panahong sinisiyasat ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos at nagbabasa ako ng Kanyang salita, bukod sa nakita ko ang pagmamahal sa tao na inihayag sa pamamagitan ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nakita ko rin ang pagiging matuwid, pagkapoot, at pagiging maharlika ng Diyos. Ang Kanyang mga salita ay parang isang matalas na tabak, na hinihiwa pabukas ang katiwalian sa loob ng ating mga puso, inilalantad ang ating satanikong kalikasan ng paglaban sa Diyos. Direkta nating makikita ang ating panloob na katiwalian sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, gayundin ang landas na dapat nating tahakin sa ating pananampalataya. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Kanyang mga salita, unti-unti nating malulutas ang ating mga tiwaling disposisyon at maisasabuhay ang normal na pagkatao. Inihahayag ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang napakaraming misteryo ng katotohanan at hinahayaan tayong malaman ang tungkol sa Kanyang 6,000 taong plano ng pamamahala upang iligtas ang sangkatauhan. Hindi matatagpuan ang mga bagay na ito sa Bibliya o sa anumang relihiyon. Ang lahat ng ito ay mga misteryo ng katotohanang inilalantad ng Diyos para sa sangkatauhan sa mga huling araw, at pawang mga bagay na hindi pa naririnig o nakikita ng mga tao kahit kailan. Bukod sa Diyos, walang kahit na sino o dakilang tao ang makapagpapahayag ng katotohanan at makapagliligtas sa sangkatauhan. Ang Diyos na nagkatawang-tao lamang ang makapagpapahayag ng katotohanan, makagagawa ng gawain ng paghatol at paglilinis ng tao, at makapagdadala sa atin ng daan, ng katotohanan, at ng buhay. Nakumpirma ko mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na Siya si Cristo ng mga huling araw, ang Diyos na lumikha ng langit, lupa, at lahat ng bagay, ang Diyos na nagpalabas ng kautusan upang gabayan ang buhay ng tao sa lupa, ang Diyos na ipinako sa krus upang tubusin ang buong sangkatauhan, at higit pa rito, ang Diyos na nagbalik sa mga huling araw upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan. Walang duda, ang Diyos ang Simula at ang Wakas, at ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Mga impostor ang mga huwad na Cristong iyon na hindi magtatagal ay babagsak dahil hindi nila kayang ipahayag ang katotohanan, hindi nila kayang gawin ang bagong gawain ng Diyos, at hindi nila kayang gabayan ang mga tao na iwaksi ang katiwalian at mailigtas. Ang kaya lang nilang gawin ay gayahin ang nakaraang gawain ng Diyos para iligaw at gawing tiwali ang mga tao. Ngayon, si Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, ay nagpapahayag ng katotohanan at gumagawa ng gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos. Nililinis at binabago Niya ang katiwalian ng mga tao, at inililigtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Lubos na pinatutunayan ng gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos na Siya ang pagpapakita ng tunay na Diyos. Sigurado ‘yan.

Dati, kumakapit ako sa aking mga kuru-kuro. Akala ko hahatulan ng Diyos ang mga kasalanan ng tao mula sa isang malaking puting trono sa langit sa mga huling araw, pero sa pamamagitan ng pakikipagtipon at pagbabasa ng mga salita ng Diyos, naitama ang kuru-kuro kong ito. Iyan ay dahil nalaman ko kung paano dinadalisay ng Diyos ang mga tao sa pamamagitan ng Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Nakita ko na sinabi ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagkat hindi Siya magsasalita ng mula sa Kanyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kanyang marinig, ang mga ito ang Kanyang sasalitain: at Kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). “Gawin Mo silang banal sa pamamagitan ng Iyong katotohanan: ang salita Mo’y katotohanan(Juan 17:17). “At kung ang sinumang tao’y nakikinig sa Aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi Ko siya hinahatulan: sapagkat hindi Ako naparito upang humatol sa sanlibutan, kundi upang iligtas ang sanlibutan. Siya na nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:47–48). Isang araw, nabasa ko ito sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya at, pagkatapos ng libu-libong taon ng pagtiwali ni Satanas sa kanya, nasa kanyang kalooban ang matatag na kalikasang lumalaban sa Diyos. Samakatuwid, kapag natubos na ang tao, ito ay walang iba kundi isang kaso ng pagtubos kung saan ang tao ay binili sa mataas na halaga, ngunit ang may lason na kalikasan sa kanyang kalooban ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang nadungisan ay kailangang sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos. Lahat ng gawaing ginagawa sa araw na ito ay para malinis at mabago ang tao; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ng pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at maaaring madalisay ang tao. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4). “Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan). Nalaman ko na ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ng Kanyang sarili at pagpapahayag ng mga katotohanan para baguhin at iligtas ang sangkatauhan. Nagsalita na ang Makapangyarihang Diyos, inihahayag ang satanikong kalikasan ng tao na kinabibilangan ng mga bagay na tulad ng kayabangan, katusuhan, at kasamaan. Inihayag din Niya ang pagiging makasarili at sakim ng tao, at pinahintulutan ang mga tao na makita ang katotohanan ng kanilang katiwalian sa pamamagitan ng paghatol ng Kanyang mga salita, para mapoot sila sa kanilang sarili, magsisi sa Diyos, at magkaroon ng paggalang at pagpapasakop sa Diyos. Ang tanging paraan upang malutas ang satanikong kalikasan ng tao ay sa pamamagitan ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Walang tao ang makakagawa nun. Napagtanto ko sa sandaling iyon na kung hahatulan ng Diyos ang bawat tao mula sa isang malaking puting trono sa langit, walang sinuman sa buong sangkatauhan, na ginawang tiwali ni Satanas, ang magkakaroon ng pagkakataong maligtas. Iyan ay dahil nababalutan ang buong sangkatauhan ng katiwalian ni Satanas. Bagama’t sa pamamagitan ng pagliligtas ng krus ng Panginoong Jesus, ay natubos na tayo at napatawad na ang ating mga kasalanan, makasalanan pa rin tayo. Paulit-ulit tayong dumadaan sa siklo ng pagkakasala at pagtatapat. Kung hindi tayo makakaranas ng paghatol, hindi malilinis ang ating katiwalian, at sa huli, kokondenahin at palalayasin tayo ng Diyos. Kapag direkta tayong nahatulan at nailantad ng mga salita ng Diyos saka lang natin makikilala ang ating mga sarili at magiging dalisay sa katiwalian. Gaya ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Lahat ng gawaing ginagawa sa araw na ito ay para malinis at mabago ang tao; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ng pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at maaaring madalisay ang tao.”

Nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa isang pagtitipon minsan na talagang pumukaw ng damdamin ko. “Yaong mga hindi nakauunawa sa katotohanan ay laging sumusunod sa iba: Kung sinasabi ng mga tao na ito ang gawain ng Banal na Espiritu, ikaw man ay magsasabi rin na ito ay gawain ng Banal na Espiritu; kung sinasabi ng mga tao na ito ay gawain ng masamang espiritu, mag-aalinlangan ka na rin o sasabihin rin na ito ay gawain ng masamang espiritu. Lagi mong ginagaya ang mga sinasabi ng iba, at hindi mo kayang kumilala mag-isa ng kaibhan ng kahit ano, ni hindi mo kayang mag-isip para sa iyong sarili. Ito ay isang tao na walang paninindigan, na hindi kayang kumilala ng pagkakaiba—ang gayong tao ay walang-halaga at napakasamang tao! Lagi mong inuulit ang mga sinasabi ng iba: Sinasabi ngayon na ito ang gawain ng Banal na Espiritu, ngunit malamang na balang araw ay may magsasabi na hindi ito gawain ng Banal na Espiritu, na ito sa katunayan ay walang iba kundi mga gawa ng tao—ngunit hindi mo ito mahiwatigan, at kapag nasaksihan mong sinasabi ito ng iba, sinasabi mo rin ang gayong bagay. Ito ay talagang gawain ng Banal na Espiritu, ngunit sinasabi mo na gawain ito ng tao; hindi kaya naging isa ka na sa mga lumalapastangan sa gawain ng Banal na Espiritu? Sa bagay na ito, hindi ba’t sumasalungat ka na sa Diyos dahil hindi mo kayang tukuyin ang pagkakaiba?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang mga Nakakikilala sa Diyos at Nakaaalam sa Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-lugod sa Diyos). Binalaan tayo ng mga salita ng Diyos laban sa pikit-matang pakikinig sa patnubay ng iba kapag sinisiyasat natin ang tunay na daan, at sa pagsuri sa gawain ng Diyos batay sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao. Maaaring ilayo tayo nito sa landas ng Panginoon, at sa huli ay maging dahilan para itakwil at palayasin tayo ng Diyos, na magpapawala sa ating pagkakataong maligtas. Ang malungkot na realidad na ito ay isang bagay na pwedeng mangyari sa sinuman sa atin. Nakaramdam ako ng hiya sa kung gaano ako naging hangal at padalos-dalos. Paano nangyaring kahit pagkatapos kong marinig ang tinig ng Diyos at maramdamang ang mga salitang ito ay naglalaman ng awtoridad at katotohanan, naimpluwensyahan pa rin ako ng mga kapitbahay ko, at nailigaw ng mga sinabi nila? Dahil sa kahangalan ko, muntik ko nang lisanin ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, palampasin ang pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, at sirain ang aking pagkakataong maligtas! Nakapagdulot sana ng hindi kanais-nais na resulta sa akin ang aking pagkabulag at kamangmangan! Naunawaan ko na kailangan kong maging matalinong dalaga sa lahat ng oras. Kapag naririnig natin ang tinig ng Diyos, hindi tayo maaaring mag-alinlangan tungkol dito. Dapat tayong manalangin mula sa puso at hilingin sa Diyos na bigyang-liwanag at gabayan tayo, at hindi basta-bastang makinig sa iba, dahil lahat tayo ay nilikha at hindi natin taglay ang katotohanan. Kailangan nating sundin ang mga salita ng Diyos sa lahat ng oras, tulad nung narinig ni Pedro ang mga salita ng Panginoong Jesus at pagkatapos ay sumunod siya sa Panginoon. Sa pagbabalik-tanaw sa aking dating kahangalan at kamangmangan, nanalangin ako sa Makapangyarihang Diyos, humihiling sa Kanya na patawarin ako sa aking mga pagkakamali. Nadama kong handa na akong tanggapin ang Makapangyarihang Diyos, at ang paghatol at pagliligtas ng Kanyang mga salita.

Simula noon, araw-araw ko nang binabasa ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Kapag nanghihina ako, humihingi ako sa Diyos ng pananampalataya at lakas, para hindi ako matisod at matumba. Sa patnubay at tulong ng Diyos, nalampasan ko na ang aking depresyon at naging positibong tao. May bago na rin akong trabaho. Nararamdaman ko na lahat ng ito ay dahil sa kamangha-manghang pagsasaayos ng Diyos. Unti-unti, medyo bumuti ang buhay ko. Higit sa lahat, araw-araw na akong nakakakain at nakakainom ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakikipagtipon at nakikipagbahaginan sa iba. Ngayon ay nagsimula na akong magbahagi ng ebanghelyo at magpatotoo sa mga salita ng Diyos, tumutulong sa mas maraming tunay na mananampalataya na nananabik sa tunay na daan na marinig ang tinig ng Diyos at tanggapin ang Kanyang pagliligtas sa mga huling araw.

Sinundan: 62. Mga Pagninilay Matapos ang Bulag na Pagsamba sa mga Tao

Sumunod: 64. Pagkamulat ng Isang Huwad na Lider

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

88. Ang Hirap ng Kulungan

Ni Xiao Fan, TsinaIsang araw noong Mayo 2004, dumadalo ako sa isang pagtitipon kasama ng ilang kapatid nang biglang pumasok ang mahigit 20...

40. Pag-uwi

Ni Muyi, South Korea “Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay malayang ipinagkaloob sa tao at bumabalot sa tao; ang tao ay inosente at...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito