58. Ang mga Kahihinatnan ng Pagpoprotekta sa Sarili

Ni Xiaowei, Tsina

Isinaayos na kumustahin ni Sister Guan Xin ang gawain ng aming iglesia noong 2019. Nakilala ko siya dalawang taon nang nakalilipas, at sa pakikisalamuha sa kanya sa pagkakataong ito, nalaman kong ganoong-ganoon pa rin siya. Sa mga pagtitipon, lagi siyang nagbabahagi ng doktrina, hindi ng anumang karanasan o pag-unawa sa mga salita ng Diyos. Noong nakita niyang nahihirapan ang iba sa gawain nila, hindi siya nagbahagi tungkol sa katotohanan para malutas ang mga bagay-bagay, bagkus ay pinagsabihan at pinagalitan niya lang sila. Hindi lang nito pinagkaitan ang mga kapatid ng landas ng pagsasagawa, naipit din sila dahil dito. Noong hindi agad mabago ng ilang tao ang mga negatibo nilang kalagayan, nilimitahan at pinagalitan sila ni Guan Xin, na nakahadlang sa mga kapatid, at ang iba ay nawalan ng kumpiyansang gumanap ng tungkulin. Madalas niyang ibinibida kung paano niya isinuko ang trabaho at pamilya niya, kung paano siya nagdusa at nagbayad ng halaga, at maraming mas bagong miyembro ng iglesia na walang pagkakilala ang talagang tumitingala sa kanya. Noong panahong iyon, hindi maayos ang takbo ng gawain ng iglesia at hindi maganda ang kalagayan ng mga kapatid. Kalaunan, nalaman ko na ang diyakono ng ebanghelyo na si Li Xiao, ay hindi nagpapasan ng dalahin sa tungkulin niya at hindi talaga gumagawa ng anumang praktikal na gawain. Hindi siya nagbago pagkatapos ng maraming pagbabahagi at kritisismo, at naging negatibo at mapanlaban pa nga. Naaantala nito ang aming gawain ng ebanghelyo at kailangan siyang mapalitan. Kinausap ko si Guan Xin tungkol sa mga problemang ito. Pero sa pakiramdam niya, mahirap makahanap ng mabuting kandidato para sa posisyon nito at iginiit niyang huwag itong palitan. Tinanong pa nga niya ako nang malakas, “Mula nang matuklasan mo ang mga problema ni Li Xiao, ilang beses mo na siyang sinubukang tulungan dahil sa pagmamahal? Natupad mo na ba ang mga responsibilidad mo? Huwag kang masyadong mapagmataas, bagkus ay tingnan mo ang potensyal ng mga tao!” Naisip ko, “Ang mapagmahal na pagtulong ay para sa mga taong kayang tanggapin ang katotohanan. Ang isang taong ayaw tumanggap ng anumang pagbabahagi at pagbabago ay dapat na mapalitan agad-agad. Naaayon ito sa mga prinsipyo. ” Noong una, pinanindigan ko ang pananaw ko, pero hindi sumang-ayon si Guan Xin, kaya nag-alala ako at nagsimula kaming magtalo. Pinayuhan ako ng ilang kapatid doon na huwag kong subukang manalo, at medyo napigilan ako nito. Walang sinuman ang may pagkakilala sa sinasabi niya, kaya kung ipipilit kong ipatanggal si Li Xiao, baka sabihin nilang mapagmataas ako at matigas ang ulo ko, na ginagambala ko ang gawain ng iglesia. Nang maisip ko ito, hindi na ako nagsalita pa.

Kinailangan naming maghalal ng nakatataas na lider pagkatapos noon at pinagmungkahi kami ng mga nararapat na kandidato. Gustong irekomenda ng ilan sa mga kapatid si Guan Xin. Iniisip ko na mahilig siyang gumawa sa sarili niyang paraan nang hindi hinahanap ang mga prinsipyo, at nagtatalakay lang siya tungkol sa doktrina, at hindi niya malutas ang mga praktikal na problema ng iba. Hindi siya mabuting kandidato. Dapat akong magbahagi para sa pagkakilala ng iba. Pero nagkaroon na kami ng alitan ni Guan Xin tungkol sa pagpapalit sa diyakono ng ebanghelyo at ang akala ng iba, gusto kong manalo. Kung sasabihin ko ngayon na hindi mabuting kandidato si Guan Xin, sasabihin kaya nilang ginagamit ko ang pagkakataong ito para gantihan at hadlangan siya? Naisip ko, “Sige, mas kaunti ang abala, mas maganda. Puwede nilang ihalal si Guan Xin kung gusto nila—ayos na kung hindi ko siya iboboto.” Pero pagdating ng oras para magsulat ng mga pagsusuri, nag-alala ako. Lahat ay may magagandang masasabi tungkol kay Guan Xin, kaya kung isusulat ko ang matapat kong opinyon, malalaman ng lider na alam na alam kong hindi siya mabuting kandidato, pero hindi ako nagbabahagi sa iba tungkol sa katotohanan, at hindi nagmumungkahi ng mga kandidatong nakaayon sa mga prinsipyo. Sasabihin kaya ng lider na hindi ko itinataguyod ang gawain ng iglesia? Ititigil ba niya ang pagsasanay sa akin? Pakiramdam ko ay nasa pagitan ako ng dalawang nag-uumpugang bato. Nagpasya akong sumabay sa agos. Kaya sa pagsusuri ko, isinulat ko lang ang tungkol sa mga positibong aspeto ni Guan Xin, at hindi totoong sinabi na hinahanap niya ang katotohanan, may mabuting pagkatao siya, mapagmahal siya sa iba, at kapag may nakikita siyang katiwalian sa amin, nakahahanap siya ng mga naaangkop na salita ng Diyos para tulungan kami. Pagkasulat ko sa pagsusuring iyon, talagang nanlumo ang kaluluwa ko, at parang inakusahan ang konsensya ko. Nang basahin ko ang mga salita ng Diyos pagkatapos nun, hindi ako nagtamo ng anumang kaliwanagan, at parang nakapanghihina ang tungkulin ko, pero hindi ko pinagnilayan ang sarili ko. Isa pa, pinanghahawakan ko rin ang paniniwala ko sa suwerte. Sa napakaraming kandidato, malamang na hindi naman siya mahahalal. Kung hindi siya mahahalal, hindi malalantad ang maling pagsusuri ko. Kalaunan, nalaman ko na talagang nahalal si Guan Xin bilang nakatataas na lider. Nagulat ako, at hindi ako mapakali. Nailigaw ba ang mga tao ng lahat ng positibong pagsusuri sa kanya? Pero wala pa rin akong lakas ng loob na sabihin sa lider ang katotohanan, kaya pinalubag ko na lang ang loob ko na kung hindi talaga nararapat sa pamumuno si Guan Xin, inilantad na sana siya ng Diyos. Iyon ang iniisip ko, pero hindi pa rin ako mapakali.

Pagkalipas ng humigit-kumulang isang buwan, may lider na sumulat ng liham, at nanghihingi siya ulit sa amin ng mga pagsusuri kay Guan Xin. Napagtanto ko na malamang na nagkaroon ng mga problema sa tungkulin niya bilang nakatataas na lider. Natakot ako, at nakita ko rin na nagsipi ang lider ng ilan sa mga salita ng Diyos sa kanyang liham. Sabi ng Diyos, “Sundin ang daan ng Diyos: Ano ang pinatutungkulan ng ‘daan ng Diyos’? Pagkakaroon ng takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. At ano ang pagkakaroon ng takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan? Kapag sinusuri mo ang isang tao, halimbawa—nauugnay ito sa pagkakaroon ng takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Paano mo sila kinikilatis? (Dapat tayong maging matapat, makatarungan, at patas, at hindi dapat nakabatay sa emosyon ang ating mga salita.) Kapag sinasabi mo kung ano mismo ang iniisip mo, at kung ano mismo ang nakita mo, nagiging matapat ka. At higit sa lahat, ang ibig sabihin ng pagiging matapat ay pagsunod sa daan ng Diyos. Ito ang itinuturo ng Diyos sa mga tao; ito ang daan ng Diyos. Ano ang daan ng Diyos? Pagkakaroon ng takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Ang pagiging matapat ba ay bahagi ng pagkakaroon ng takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan? At ito ba ay pagsunod sa daan ng Diyos? (Oo.) Kung ikaw ay hindi matapat, ang nakita mo at ang naiisip mo ay hindi tugma sa lumalabas sa bibig mo. May nagtatanong sa iyo, ‘Ano ang opinyon mo sa taong iyon? Tumatanggap ba siya ng responsibilidad para sa gawain ng iglesia?’ at sumasagot ka, ‘Medyo magaling siya, at tumatanggap siya ng mas maraming responsibilidad kaysa sa akin, mas mahusay ang kakayahan niya kaysa sa akin, at mabuti rin ang pagkatao niya, nasa kahustuhan siya at matatag siya.’ Pero ito ba talaga ang iniisip mo sa puso mo? Ang talagang iniisip mo ay na bagama’t may kakayahan nga ang taong ito, hindi naman siya maaasahan, at medyo tuso, at napakamapagpakana. Ito talaga ang iniisip mo, pero noong oras nang magsalita, naisip mo na, ‘Hindi ko puwedeng sabihin ang totoo, hindi ko dapat mapasama ang loob ng sinuman,’ kaya mabilis kang nagsabi ng ibang bagay, pinili mong magsalita ng mabubuting bagay tungkol sa kanya, at wala ni isa sa sinabi mo ang talagang nasa isip mo, ang lahat ng ito ay kasinungalingan at pagpapaimbabaw. Ipinapakita ba nito na sinusunod mo ang daan ng Diyos? Hindi. Ang tinatahak mo ay ang landas ni Satanas, ang daan ng mga demonyo. Ano ang daan ng Diyos? Ito ang katotohanan, ito ang batayan ng pag-uugali ng mga tao, ito ang daan ng pagkakaroon ng takot sa Diyos at paglayo sa kasamaan. Bagama’t nakikipag-usap ka sa ibang tao, nakikinig rin ang Diyos, at pinagmamasdan ang iyong puso, sinisiyasat Niya ang puso mo. Nakikinig ang mga tao sa sinasabi mo, pero sinisiyasat ng Diyos ang puso mo. Kaya ba ng mga tao na siyasatin ang puso ng mga tao? Ang pinakamagagawa nila ay ang makita na hindi ka nagsasabi ng totoo. Nakikita nila ang kung ano ang nasa panlabas. Ang Diyos lamang ang nakakakita ng nasa pinakakaibuturan ng puso mo, ang Diyos lamang ang nakakakita ng iniisip mo, ng pinaplano mo, ng maliliit na pakana na nasa loob ng puso mo, ng mga mapandayang paraan, at ng masasamang iniisip. At nakikitang hindi ka nagsasabi ng totoo, ano ang opinyon sa iyo ng Diyos, ano ang pagsusuri Niya sa iyo? Na sa bagay na ito, hindi mo sinunod ang daan ng Diyos, dahil hindi ka nagsabi ng totoo. Kung nagsasagawa ka ayon sa mga hinihingi ng Diyos, sinabi mo dapat ang totoo: ‘Isa siyang taong may kakayahan, pero hindi siya maaasahan.’ Obhektibo o tumpak man ang ebalwasyong ito o hindi, nagmula naman ito sa puso at totoo ito; ito ang pananaw at posisyon na dapat sana ay ipinahayag mo. Pero hindi mo ginawa—kaya sinusunod mo ba ang daan ng Diyos? (Hindi.) Kung hindi mo sinabi ang totoo, may mapapala ka ba na ipagdiinan na sinusunod mo ang daan ng Diyos at binibigyan mo ng kasiyahan ang Diyos? Pakikinggan kaya ng Diyos ang pagsigaw mo? Papansinin kaya ng Diyos kung paano ka sumigaw, kung gaano ka kalakas sumigaw, o kung gaano katindi ang pagnanais mo? Papansinin kaya Niya kung ilang beses kang sumigaw? Hindi Niya papansinin ang mga ito. Ang tinitingnan ng Diyos ay kung isinasagawa mo ba ang katotohanan, kung ano ang pinipili mo at kung paano mo isinasagawa ang katotohanan kapag may nangyayari sa iyo. Kung ang pinili mo ay ang panatilihin ang mga ugnayan, panatilihin ang sarili mong mga interes at reputasyon, at para lang pangalagaan ang sarili mo, makikita ng Diyos na ito ang pananaw at saloobin mo kapag may nangyayari sa iyo, at kikilatisin ka Niya: Sasabihin Niyang hindi ka isang taong sumusunod sa Kanyang daan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pinakamahalaga sa Pananalig sa Diyos ay ang Pagsasagawa ng Katotohanan). Naantig ako sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Kailanman ay hindi ko itinuring na napakahalaga ng pagsusulat ng pagsusuri at hindi rin ako naghanap ng anumang katotohanang dapat kong isagawa sa usaping ito. Hindi ko talaga pinagnilayan kung nagkaroon ako ng anumang mga maling motibo o nagpakita ng katiwalian nang isulat ko ang pagsusuring iyon, kung may paggalang sa puso ko para sa Diyos, kung sinusuri ko siya nang patas. Sa puntong iyon, napagtanto ko na may kinalaman ang pagsusulat ng mga pagsusuri kung may takot sa Diyos ang isang tao, kung itinataguyod niya ang gawain ng iglesia. Naghahalal kami ng nakatataas na lider, na may kinalaman sa gawain ng ilang iglesia at sa pagpasok sa buhay ng mga kapatid. Ang pagsusulat ng hindi patas na pagsusuri gamit ang mga hindi matapat na salita ay makapagliligaw ng mga tao, at ang paghahalal ng hindi nararapat na tao ay makagagambala sa gawain ng iglesia, na makapipinsala sa pagpasok sa buhay ng mga kapatid. Alam kong hindi mabuting kandidato si Guan Xin para sa nakatataas na pamumuno, pero para mapanatili ang sarili kong imahe at katayuan, sa takot kong baka sabihin ng iba na pinaghihigantihan ko siya, sinisiil siya, hindi ako nagsalita. Nagsulat sana ako ng matapat na pagsusuri at iniulat ko sana ang aktwal na kalagayan ni Guan Xin, pero natakot ako na baka sabihin ng lider na may pagkakilala ako pero hindi ko iyon ibinabahagi sa iba, na hindi ko itinataguyod ang gawain ng iglesia, at maaapektuhan niyon ang pagtingin niya sa akin. Kaya gumamit ako ng mga tusong pamamaraan, nagsusulat ng mga bagay sa pagsusuri ko na salungat sa mga katunayan. Inilarawan ko si Guan Xin bilang isang taong naghahanap sa katotohanan at gumagawa ng totoong trabaho. Hindi talaga totoo ang isinulat ko. Napakamapanlinlang at tuso ko. Hinihingi ng Diyos na tayo ay maging matapat, magsalita alinsunod sa mga katunayan at nang naaangkop. Pero nagsinungaling ako tungkol sa isang bagay na kasinghalaga ng paghahalal ng lider. Wala akong anumang paggalang sa Diyos. Nagsasabuhay ako ng sataniko at malademonyong kalikasan. Ganoon nagsimula ang demonyo, sa pagsisinungaling. Sinalungat ko ang mga katunayan, nagsinungaling ako, at isa talaga iyong malademonyong kalikasan! Hindi ko isinaalang-alang ang gawain ng iglesia, bagkus ay nagsulat ako ng pagsusuring labag sa mga katunayan, at nilinlang ang mga kapatid, kaya ang maling tao ang naihalal nila. Paggambala iyon sa gawain ng iglesia. Natakot ako nang mapagtanto ko ito.

Kalaunan, nabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Kapag naging buhay na ang katotohanan sa iyo, kapag inobserbahan mo ang isang taong lapastangan sa Diyos, walang takot sa Diyos, at walang ingat at walang gana habang ginagampanan ang kanyang tungkulin, o inaabala at pinakikialaman ang gawain ng iglesia, tutugon ka ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan, at matutukoy at mailalantad mo sila ayon sa kinakailangan. Kung hindi mo naging buhay ang katotohanan, at nabubuhay ka pa rin sa loob ng iyong satanikong disposisyon, kapag nakatuklas ka ng masasamang tao at diyablong nagdudulot ng mga pagkaantala at paggambala sa gawain ng iglesia, magbubulag-bulagan at magbibingi-bingihan ka; isasantabi mo sila, nang walang paninisi mula sa iyong budhi. Iisipin mo pa nga na ang sinumang nagdudulot ng mga kaguluhan sa gawain ng iglesia ay walang kinalaman sa iyo. Gaano man nagdurusa ang gawain ng iglesia at ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, wala kang pakialam, hindi ka nakikialam, o nakokonsiyensiya—ginagawa ka nitong isang taong walang budhi o pakiramdam, isang walang pananalig, isang tagapagserbisyo. Kinakain mo ang sa Diyos, iniinom ang sa Diyos, at tinatamasa ang lahat ng nagmumula sa Diyos, ngunit pakiramdam mo ay walang kinalaman sa iyo ang anumang pinsala sa mga interes ng sambahayan ng Diyos—ginagawa ka nitong isang traydor na kumakagat sa kamay na nagpapakain sa iyo. Tao ka ba kung hindi mo pinoprotektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos? Isa itong demonyo na isiniksik ang sarili sa iglesia. Nagpapanggap kang naniniwala sa Diyos, nagkukunwaring isang hinirang na tao, at nais mong samantalahin ang sambahayan ng Diyos. Hindi mo isinasabuhay ang buhay ng isang tao, at malinaw na isa ka sa mga walang pananalig(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang mga Tunay Lamang na Nagpapasakop sa Diyos ang May Pusong May Takot sa Kanya). Talagang nakaaantig para sa akin ang mga paghahayag ng mga salita ng Diyos. Ako ang traydor na kumakagat sa kamay ng nagpapakain sa kanya na binanggit ng Diyos. Kumakain at umiinom ako ng mga salita ng Diyos, nagtatamasa ng lahat ng Kanyang panustos, pero hindi ko itinataguyod ang gawain ng iglesia. Sa halip ay kumikilos ako alang-alang lamang sa sarili kong mga interes, hindi isinasagawa ang mga katotohanang alam na alam ko, na humantong sa pagliligaw sa iba na maghalal ng isang huwad na lider. Hindi ba’t pagpinsala iyon sa gawain ng iglesia, at sa ibang mga kapatid? Habang lalo ko iyong iniisip, mas napopoot ako sa sarili ko dahil sa pagiging masyadong tuso at masama. Gusto ko lang protektahan ang sarili ko, hindi ang gawain ng iglesia. Hindi talaga ako tunay na mananampalataya. Naging madilim at malungkot ang espiritu ko. Hindi ako nabibigyang-liwanag ng mga salita ng Diyos at wala akong anumang nagagawa sa tungkulin ko. Itinatago ng Diyos ang Kanyang mukha sa akin. Kung ipagpapatuloy ko ang pagiging traydor na hindi nagsisisi, tiyak na mapalalayas ako ng Diyos. Talagang naramdaman ko ang matuwid na disposisyon ng Diyos na hindi pinalalampas ang anumang paglabag ng tao, at napoot ako sa sarili ko dahil sa hindi pagsasagawa ng katotohanan. Nagdasal ako sa Diyos, handang magsisi at magsagawa ng katotohanan, para makabawi sa aking paglabag!

Nabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Para sa lahat ng tumutupad ng kanilang tungkulin, gaano man kalalim o kababaw ang kanilang pagkaunawa sa katotohanan, ang pinakasimpleng paraan ng pagsasagawa upang makapasok sa realidad ng katotohanan ay ang isipin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos sa lahat ng bagay, at bitiwan ang mga makasariling pagnanasa, mga personal na layunin, mga motibo, pagmamalaki, at katayuan. Unahin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos—ito man lang ay dapat gawin ng isang tao. Kung hindi ito magawa ng isang taong gumaganap sa kanyang tungkulin, paano masasabi na ginagampanan niya ang kanyang tungkulin? Hindi ito pagganap ng isang tao sa tungkulin. Dapat mo munang isaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, isaalang-alang ang kalooban ng Diyos, at isaalang-alang ang gawain ng iglesia, at unahin ang mga bagay na ito; pagkatapos niyan, saka mo lamang maaaring isipin ang katatagan ng iyong katayuan o kung ano ang tingin sa iyo ng iba. Hindi ba ninyo nararamdaman na mas dumadali nang kaunti kapag hinahati-hati ninyo ito sa mga hakbang na ito at gumagawa kayo ng ilang kompromiso? Kung magsasagawa ka nang ganito sa maikling panahon, madarama mo na hindi mahirap bigyang-kasiyahan ang Diyos. Bukod pa riyan, dapat mong magawang tuparin ang iyong mga responsibilidad, gampanan ang iyong mga obligasyon at tungkulin, isantabi ang iyong mga makasariling hangarin, isantabi ang sarili mong mga layon at motibo, magkaroon ng pagsasaalang-alang sa kalooban ng Diyos, at unahin mo ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, ang gawain ng iglesia, at ang tungkulin na dapat mong gampanan. Pagkatapos danasin ito sa sandaling panahon, madarama mo na magandang umasal sa ganitong paraan. Ito ay pamumuhay nang prangka at tapat, nang hindi nagiging isang hamak at walang-silbing tao, at pamumuhay nang makatarungan at marangal kaysa pagiging kasuklam-suklam at salbahe. Madarama mo na ganyan dapat mamuhay at kumilos ang isang tao. Unti-unti, mababawasan ang hangarin sa puso mo na bigyang-kasiyahan ang sarili mong mga interes(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Nakahanap ako ng isang landas ng pagsasagawa mula sa mga salita ng Diyos. Kailangan nating unahin palagi ang gawain ng iglesia, at kapag sumasalungat ang mga personal nating interes sa gawain ng iglesia, kailangan nating talikdan ang ating sarili, bitiwan ang sarili nating mga interes, at unahin ang ating tungkulin at mga responsibilidad. Sa pagkakataong ito ay sinabihan akong muling isulat ang pagsusuri, at magsisisi ako sa Diyos. Hindi ko pwedeng patuloy na isaalang-alang kung ano ang iisipin ng iba sa akin, o patuloy na protektahan ang aking sarili. Kailangan kong isulat ang totoo at maging matapat.

Nagtapat ako sa mga kapatid pagkatapos nun. Sinabi ko sa kanila ang tungkol sa katiwaliang ipinakita ko, at ang pagninilay ko sa aking sarili at kung ano ang natutuhan ko. Nagbahagi rin ako tungkol sa mga prinsipyo sa paghahalal ng mga lider, na kailangan naming pumili ng mga taong naghahangad ng katotohanan, may mabuting pagkatao, at kayang gumawa ng praktikal na gawain. Nang ihambing iyon kay Guan Xin, nagkamit ang lahat ng pagkakilala at nakadama ng kahandaang magsulat ng bagong mga pagsusuri. Nagsulat din ako ng tumpak na pagsusuri batay sa palagiang pag-uugali ni Guan Xin. Sa pagsasagawa nun ay nakadama ako ng kapayapaan.

Nakatanggap ako ng liham galing sa lider noong araw na iyon, sinasabing natanggal na si Guan Xin. Sinabi rin niya na habang nasa posisyong iyon si Guan Xin, naging mapagmataas, mapandikta ito, at hindi nakipagtulungan, na nakahadlang sa maraming proyekto ng iglesia. Ginamit din nito ang posisyon nito para maniil ng iba, na nagdulot sa kanila na maging negatibo. Ang mga bagay na ito na sinabi ng liham ay parang sunud-sunod na sampal sa akin. Nag-init ang mukha ko, at ganap na nablangko ang utak ko. Ang alam ko lang, nagkasala talaga ako sa Diyos, at na may bahagi ako sa paggawa ng masama ng isang huwad na lider. Ganoon na ang ikinilos niya dati, at may pagkakilala na ako roon, pero hindi lang ako nabigong iulat siya, hinayaan ko pang irekomenda siya ng ibang mga kapatid bilang nakatataas na lider. Napagtanto kong wala akong nadamang anumang responsibilidad sa gawain ng iglesia. Palihim kong tinutulungan ang isang huwad na lider na gumawa ng masama at magpalala sa mga bagay-bagay. Naghanap pa nga ako ng mga dahilan para sa sarili ko, para sa hindi pagsasagawa ng katotohanan. Pakiramdam ko’y kahit na hindi ko iniulat ang nalalaman ko, ihahayag iyon ng Diyos. Inilalantad nga ng Diyos ang lahat ng bagay, pero dapat nating tuparin ang sarili nating mga tungkulin, ilantad ang mga huwad na lider at itaguyod ang gawain ng iglesia. Pero pasibo lang akong nag-aabang, ninanais na ang Diyos ang kumilos, na Siya ang maglantad kay Sister Guan. Hindi ko tinupad ang tungkulin ko, ang responsibilidad ko. Malubhang napinsala nun ang gawain ng iglesia at pagpasok sa buhay ng mga kapatid. Pabigat nang pabigat ang pakiramdam ko habang lalo ko iyong iniisip. Alam kong hindi na maitatama ang mga paglabag ko. Sa aking pasakit, lumapit akong muli sa Diyos sa panalangin at pagsisisi. Gusto ko ring malaman kung bakit pinrotektahan ko ang sarili kong mga interes sa sandaling naharap ako sa isang isyu. Ano ang ugat ng problema?

Nabasa ko ang siping ito sa aking mga debosyonal: “Hangga’t hindi nararanasan ng mga tao ang gawain ng Diyos at natatamo ang katotohanan, ang kalikasan ni Satanas ang namamahala at nagdodomina sa kanilang kalooban. Ano ba ang partikular na nakapaloob sa kalikasang iyon? Halimbawa, bakit ka makasarili? Bakit mo pinoprotektahan ang sarili mong katayuan? Bakit ka mayroong gayong katinding mga damdamin? Bakit ka nasisiyahan sa mga di-matutuwid na bagay na iyon? Bakit gusto mo ang mga kasamaang iyon? Ano ang batayan ng pagkahilig mo sa mga ganoong bagay? Saan nagmumula ang mga bagay na ito? Bakit ka masayang-masaya na tanggapin ang mga ito? Sa ngayon, naunawaan na ninyong lahat na ang pangunahing dahilan sa likod ng lahat ng bagay na ito ay dahil nasa kalooban ninyo ang lason ni Satanas. Ano ang lason ni Satanas? Paano ito maipapahayag? Halimbawa, kung magtatanong ka ng, ‘Paano dapat mamuhay ang mga tao? Para saan ba dapat nabubuhay ang mga tao?’ sasagot ang mga tao: ‘Bawat tao ay para sa kanyang sarili, at bahala na ang iba.’ Ipinahahayag ng nag-iisang pariralang ito ang pinakaugat ng problema. Ang pilosopiya at lohika ni Satanas ay naging buhay na ng mga tao. Anuman ang hinahangad ng mga tao pagkatapos, ginagawa nila ito para sa kanilang sarili—kaya’t nabubuhay lamang sila para sa kanilang sarili. ‘Bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba’—ito ang pilosopiya sa buhay ng tao, at kinakatawan din nito ang kalikasan ng tao. Naging kalikasan na ng tiwaling sangkatauhan ang mga salitang ito, ang tunay na larawan ng satanikong kalikasan ng tiwaling sangkatauhan, at ang satanikong kalikasang ito na ang naging batayan para sa pag-iral ng tiwaling sangkatauhan; sa loob ng ilang libong taon, namuhay ang tiwaling sangkatauhan ayon sa kamandag na ito ni Satanas, hanggang sa kasalukuyang panahon(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Tahakin Ang Landas ni Pedro). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos na kahit na isa akong mananampalataya, hindi ko itinuturing ang katotohanan ng mga salita ng Diyos bilang aking pamantayan sa pamumuhay. Namumuhay pa rin ako alinsunod sa mga ideya ni Satanas, tulad ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba,” “Unahin ang kita,” at “Matitinong tao’y mabuti’t maingat sa sarili, tanging hangad nila’y hindi magkamali.” Namumuhay ako batay sa mga satanikong lason na ito. Pakiramdam ko’y kailangang isaalang-alang ng mga tao ang kanilang mga sarili sa buhay, at matutuhang protektahan ang sarili nilang mga interes para hindi mapinsala ang mga ito. Iyon ang tanging paraan para maging matalino, para hindi dumanas ng pinsala. Pero sa pamamagitan ng aral na ito’y nakita ko na maaari ngang panandaliang naprotektahan ng pamumuhay ayon sa mga satanikong lason na ito ang sarili kong mga interes, pero dahil dito ay isinuko ko ang batayang pamantayan ko bilang isang tao. Naging makasarili, tuso, at masama ako, at sinalungat ko pa nga ang konsensya ko, hindi naging matapat. Naging isa akong tao na walang pagkatao o dignidad, na hindi karapat-dapat pagkatiwalaan, at sa huli ay napinsala ko ang buhay ng mga kapatid at malubhang nagambala ang gawain ng iglesia, gumagawa ng paglabag na hinding-hindi ko mapagbabayaran. Kinapootan ko kung gaano ako katinding nagawang tiwali ni Satanas, na wala akong konsensya at hindi ako karapat-dapat mamuhay sa harap ng Diyos. At ipinakita sa akin ng karanasang ito na hindi ko talaga nauunawaan ang Diyos, na hindi ako naniniwalang sinisiyasat Niya ang lahat ng bagay. Nag-alala ako na kung magbabahagi ako sa iba tungkol sa pagkakilala ko kay Guan Xin, iisipin nilang sinusubukan kong maghiganti, sinasadyang supilin siya. Pero sa sambahayan ng Diyos, ang katotohanan ang naghahari at nakikita ng Diyos ang lahat. Basta’t mabuti ang intensyon ko at kumikilos ako nang naaayon sa mga prinsipyo, susuportahan ako ng iba kapag naunawaan nila ang katotohanan. Kahit na sa simula ay mali ang maging pagkaunawa ng iba sa akin, magagawa ko ang tungkulin ko sa harap ng Diyos at magiging malinis ang konsensya ko. Nang maunawaan ko ito ay lalo pa akong napayapa, at nagpasya ako na sa hinaharap, talagang itataguyod ko ang mga prinsipyo.

Pagkatapos ng lahat ng iyon, naisip ko si Li Xiao, ang diyakono ng ebanghelyo na hindi kailanman tinanggap ang katotohanan at hindi nagkaroon ng pasanin sa kanyang tungkulin. Dapat ay natanggal na siya, batay sa mga prinsipyo. Ibinahagi ko ang mga saloobin ko sa ilang diyakono. Sinabi ng mga diyakono, “Kung tatanggalin natin siya ngayon, walang angkop na maging kapalit niya sa iglesia. Tulungan at suportahan muna natin siya sa ngayon.” Iniisip ko na ilang beses ko na siyang tinulungan at sinuportahan, pero hindi niya tinatanggap ‘yon. Kung patuloy siyang magsisilbi bilang diyakono ng ebanghelyo, lalo lang niyang maaantala ang gawain. Pero totoo na walang ibang mabubuting kandidato sa iglesia para sa diyakono ng ebanghelyo. At kung hindi sasang-ayon ang lahat, pero ipagpipilitan ko iyon, hindi ba’t sasabihin nilang masyado akong mapagmataas at sutil? Sa ilang sandali, hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin, kaya lumapit ako sa Diyos sa panalangin at paghahanap. Pagkatapos ng panalangin ko, napagtanto kong sinimulan ko na namang protektahan ang sarili kong mga interes. Kailangan kong itaguyod ang mga prinsipyo ng katotohanan sa aking tungkulin—hindi pwedeng palabuin ko ang tama at mali. Kung isasaalang-alang ‘yon batay sa mga prinsipyo, si Li Xiao ay isang huwad na manggagawa. Kung pananatilihin namin siya sa posisyong iyon, maaapektuhan ang gawain ng ebanghelyo. Hindi ako pwedeng tumangging harapin iyon dala ng takot na sasabihin ng ibang mapagmataas ako—kailangan kong itaguyod ang mga prinsipyo. Kaya nagbahagi ako ng mga nauugnay na katotohanan sa aking mga katuwang, at sumang-ayon silang tanggalin ang diyakono ng ebanghelyo. Pagkatapos nun, isinaayos ng nakatataas na lider na mamahala sa aming gawain ng ebanghelyo ang isang sister mula sa isa pang iglesia. Mayroon siyang pasanin sa kanyang tungkulin at nauunawaan niya ang mga prinsipyo. Unti-unting bumuti ang aming gawain ng ebanghelyo. Labis din akong naging panatag at payapa, na para bang isa itong magandang paraan ng pamumuhay, at sa wakas ay maisasagawa ko na rin ang ilang katotohanan.

Sinundan: 56. Nilulupig ng Salita ang Lahat ng Kasinungalingan

Sumunod: 59. Pag-Iwan sa Pag-aaral Ko

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito