55. Isang Pagkamulat Mula sa Bilangguan

Ni He Li, Tsina

Ako ay isang dating beteranong miyembro ng partido komunista. Dating mahirap na magsasaka ang pamilya namin, pero binigyan kami ng gobyerno ng lupa at ng isang bagong bahay, kaya nadama kong dapat akong maging mapagpasalamat sa partido komunista. Dahil lubos akong naimpluwensiyahan ng propaganda ng partido komunista, kaya sinamba ko ang partido at nagsilbi bilang kadre sa nayon sa loob ng mahigit tatlumpung taon. Noong panahong iyon, nagpasan ako ng malalaking responsabilidad nang walang kahit katiting na sama ng loob, at madalas akong napipilitang pabayaan ang mga operasyon ng pagsasaka ng pamilya namin dahil sa mga tungkulin ko bilang isang kadre. Talagang pinapahalagahan ako dahil sa mga ambag ko sa partido at kalaunan, ginawaran ako ng mga titulo ng pagkilala bilang “nangungunang kadre” at “nangungunang miyembro ng partido.” Matapos kong tanggapin ang mga karangalang ito, mas lalo akong naging tapat sa partido. Pagkatapos kong pumasok sa pananalig, naniwala ako na hindi lamang ako dapat maging deboto sa aking pananampalataya, kailangan ko ring magpatuloy sa maayos na pagganap sa lahat ng aking gawain sa loob ng partido. Pagkatapos lamang na arestuhin at usigin ako nang dalawang beses ng CCP at sa huli ay permanenteng nalumpo dahil doon, na sa wakas ay namulat ako, na isang dating beteranong miyembro ng partido.

Isang taon pa lang ako sa pananalig nang, noong Abril ng 2024, inaresto ako ng mga pulis dahil sa pagho-host ng isang pagtitipon kasama ng mga kapatid. Dinala ako ng dalawang opisyal sa tanggapan ng lokal na pamahalaan ng lalawigan at kaagad na nagsimulang kapkapan ako. Sinabi ng isa sa kanila, “Mas makakabuti kung sasabihin mo na lang sa amin ang totoo. Basta’t bigyan mo kami ng malinaw na salaysay ng iyong pananalig sa Makapangyarihang Diyos, puwede kang patuloy na magsilbi bilang isang kadre. Kung hindi, huwag mo kaming sisihin kung maging malupit kami sa iyo!” Naisip ko, “Ang ginawa ko lang naman ay nagdaos ng isang pagtitipon at nagbasa ng mga salita ng Diyos, wala naman akong ginawang kahit ano na labag sa batas. Dagdag pa roon, maraming taon na akong nagsisilbi bilang isang kadre, ginawa ko ang makakaya ko para sa partido, at nagsikap ako kahit na hindi ako palaging nagkakamit ng karangalan. Batay sa lahat ng iyon, sigurado akong wala silang gagawing kahit na ano sa akin.” Kaya sumagot ako, nagsasabing, “Hindi labag sa batas ang manampalataya sa Diyos. Wala akong pakialam kung makakapagpatuloy man akong magsilbi bilang isang kadre o hindi.” Malupit na sumigaw ang isa sa mga opisyal, “Magmatigas ka pa at makikita mo kung paano ka namin tatratuhin!” Pagkatapos niyon, hindi lamang nila sinalakay ang bahay ko, dinala pa nila ang asawa kong may malubhang sakit. Hinagis nila sa lupa ang aking mga sertipiko ng “nangungunang miyembro ng partido” at sinabing, “Paano mo nagawang manampalataya sa Diyos gayong isa kang kilalang miyembro ng Partido Komunista? Direktang pagkontra ito sa Partido Komunista!” Nang hapong iyon, pinaghiwalay at tinanong kaming mag-asawa ng mga pulis. Sa silid interogasyon sa National Security Brigade, agresibong nagsisigaw ang lider ng pulutong ng mga guwardiya, “Sino ang lider ng iglesia ninyo? Sino ang nakakaugnayan mo?” Bago pa ako makasagot, sinabunutan niya ako at iniuntog ang ulo ko sa upuan. Nahulog ako sa sahig, nakaramdam ako ng hilo at nagdilim ang paningin ko. Dahil alam kong binigyan ng CCP ng awtoridad ang mga pulis na manakit ng mga tao nang ganap na walang pananagutan, medyo natakot ako at nag-alala ako sa kung ano ang maaaring gawin nila sa akin. Tumawag ako sa Diyos, hinihiling na protektahan Niya ako para makapanindigan ako sa aking patotoo. Pagkatapos kong manalangin, naalala ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ako ang iyong suporta at ang iyong kalasag, at lahat ay nasa Aking mga kamay. Ano, kung gayon, ang iyong ikinatatakot?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 9). Totoo nga, gaano man kalulupit ang mga pulis, nasa mga kamay silang lahat ng Diyos. Ang Diyos ang aking kalasag, kaya wala akong dapat katakutan. Basta’t sinsero akong nagtitiwala sa Diyos, walang pagsubok na hindi ko malalampasan. Binigyan ako ng pananalig at lakas ng mga salita ng Diyos at nabawasan ang tindi ng sakit. Pagkatapos nilang makita ang mga numero ng mga kapatid may area code mula sa ibang mga lalawigan habang tinitingnan ang telepono ko, sinabi ng opisyal, “Batay lang dito, puwede kang makulong nang walo hanggang sampung taon.” Naisip ko, “Wala akong ginagawang mali sa pagsampalataya ko sa Diyos at wala akong nilabag na kahit anong batas. Batay sa anong batas ako dapat mahatulan nang walo hanggang sampung taong pagkakakulong? Anumang hatol ang isampal mo sa akin, hindi ko kailanman ipagkakanulo ang mga kapatid ko.” Dahil nakita nilang wala akong sasabihing kahit na ano, dinala ako ng mga opisyal sa detention center.

Pagdating sa detention center, patuloy akong tinanong ng mga opisyal at pinilit akong pagtaksilan ang mga kapatid ko, pero hindi ako kailanman sumuko. Noong Mayo ng 2004, isang opisyal ang nagbigay sa akin ng reporma sa edukasyon sa pamamagitan ng abiso sa paggawa at sinabihan akong pirmahan ko iyon. Nagpataw sila sa akin ng gawa-gawang kaso ng “panggugulo sa kapayapaan ng lipunan” at hinatulan ako nang dalawa’t kalahating taon ng reporma sa edukasyon sa pamamagitan ng pagtatrabaho. Nagalit ako at kinompronta ko ang opisyal, “Anong batas ang nilabag ko sa pagsampalataya sa Diyos? Bakit ako inaresto? At bakit ang bigat ng hatol?” Pero mukhang natutuwa siya sa pagdurusa ko, sinasabing, “Hindi mo pa rin aaminin ang pagkakasala mo? Kung gayon sa tingin ko, hindi ka nahirapan. Ang pagho-host ng pagtitipon ay katumbas ng pagkakanlong ng mga kriminal at isang direktang pagkontra sa CCP. Ituturing ka niyon bilang isang kriminal sa politika.” Nang gabing iyon, patuloy kong inisip kung bakit ako binigyan ng gayon kabigat na hatol dahil lamang sa pananampalataya sa Diyos. Kahit na pinagbabawalan ng gobyerno sa pagsasagawa ng relihiyon ng mga miyembro ng partido komunista, hindi ba dapat na hindi ako isali doon dahil naging kadre naman ako sa loob ng maraming taon at pinarangalan ako bilang isang nangungunang miyembro? Nang mapagtanto ko ito, sobra akong nadismaya sa CCP at pinanghinayangan ko naa masigasig ko itong pinagsilbihan noon. Ang dalawang kapatid na inarestong kasama ko ay binigyan ng mas mabigat pang mga hatol. Nanggalaiti ako at hindi ko lang maintindihan kung bakit masyadong kinamumuhian ng CCP ang mga nananampalataya sa Diyos. Napakahirap lang talagang isagawa sa Tsina ang aming pananalig—kaya hindi nakakapagtakang sinabi ng Diyos: “Ang malaking pulang dragon ay inuusig ang Diyos at kaaway ng Diyos, kaya nga, sa lupaing ito, ang mga tao ay sumasailalim sa pamamahiya at pang-aapi dahil sa pananampalataya nila sa Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Simple ba ang Gawain ng Diyos na Tulad ng Inaakala ng Tao?). Noong mailatag lang sa harap ko ang mga katunayan saka ako nagkamit ng ilang kamalayan. Nakita ko na matinding kinamumuhian at histerikal na nilalabanan ng CCP ang Diyos. Gaano ka man magsilbi at magsakripisyo ng sarili mo para sa partido, basta’t nanampalataya ka sa Diyos, hindi ka nila madaling palulusutin. Sila ay tunay na mga demonyong lumalaban-sa-Diyos! Noong panahong iyon, tahimik na nakipagbahaginan ang isang kapatid sa akin habang wala ang opisyal, sinabi niya, “Pinahintulot ng Diyos na maaresto tayo. Ang napakahirap na pagsubok na ito ay mas may kakayahang makaperpekto ng ating pananalig. Dapat tayong magtiwala sa Diyos para makapanindigan sa aking patotoo.” Napagtanto ko, noon, na may pahintulot ng Diyos na nahatulan ako ng reporma sa edukasyon sa pamamagitan ng pagtatrabaho. Ginagamit ng Diyos ang pagsubok na ito para gawing perpekto ang aking pananalig. Nang maunawaan ko ang layunin ng Diyos, nakaramdam ako ng bagong determinasyon at hindi na ako nabahala sa hatol sa akin. Kung kailangan kong magsilbi nang dalawang taon at kalahati, sige! Nagtiwala ako sa Diyos at nanampalataya ako na bibigyan Niya ako ng kalakasan para manindigan.

Sa kampo ng pagtatrabaho, pinagtrabaho kami na parang mga makina. Hindi pa katagalan nang dumating ako, sinabihan kami ng opisyal na, “Ayon sa mga panuntunan, may mga karapatang pantao kayo, pero sa realidad, wala talaga kayong karapatang pantao. Sumunod kayo sa mga pinag-uutos at gawin ninyo ang sinabi sa inyo! Dito, walang lugar para sa argumento o negosasyon at hindi kayo dapat gumawa ng kahit anong mga kahilingan o pakiusap! Hindi kayo pinapayagang magsabi ng pagtutol, na mabigat ang hatol sa inyo, o na hindi kayo dapat naririto. At hindi kayo dapat mangahas na magsabing, ‘Walang kalayaan dito,’ ‘Mahirap ang buhay rito,’ o ‘Nakakapagod ang mano-manong trabaho,’ atbp. Hindi pinapahintulutan ang mga pahayag sa itaas. Sumunod kayo sa mga utos!” Sa kampo ng pagtatrabaho, walang kalayaan. Pagkatapos ng unang buwan ko sa kampo, itinalaga ako sa pagawaan ng tisa. Ang temperatura sa pugon ng mga tisa ay nasa mga 50°C (122°F). Napakaiinit ng mga tisa kapag unang tinatanggal sa pugon at hindi puwedeng hindi ka masaktan kapag lumapit ka rito. Pinuwersa kaming magtrabaho ng mga opisyal sa kampo at pinagsuot kami ng basang-basang damit na koton bilang mahinang proteksyon. Gumagamit ng uling ang pagawaan ng tisa para sunugin ang mga tisa at napupuno ng usok ang buong pagawaan ng tisa. Bilang resulta, palagi kaming marumi, mabaho, at balot ng abo mula ulo hanggang paa. Mas mahigpit sila sa mga mananampalataya ng Diyos. Araw-araw, pinupuwersa kaming magtrabaho nang mahirap at ng maruruming gawain sa loob ng mahigit sampung oras. Kapag bumagal ang kilos namin, sisigawan kami ng mga opisyal, “Bilisan ninyong magtrabaho, bilisan ninyong magtrabaho!” Sa pagtatapos ng araw, pagod na pagod ako at napakasakit ng likod ko na ang kaya ko lang gawin ay ang mahiga sa sahig, ayaw kong kumilos. Bukod pa roon, hindi kami nakakakain nang sapat, kaya unti-unti akong nanghina, wala akong lakas, at madalas akong nahihilo. Sa gabi, mahihiga ako sa kama ko at mag-iisip na, “Ang malaking pulang dragon ay hindi kami tinatratong gaya ng mga tao, pinagtatrabaho kami ng ganitong mahirap na uri ng trabaho. Mahigit limampung taon na ako, at kung magpapatuloy ito, hindi ako sigurado kung matatapos ko ang dalawa at kalahating taon ng pagkakakulong!” Habang iniisip ko ang mga ito, medyo nasiraan ako ng loob kaya tahimik akong tumawag sa Diyos, na nagsasabing, “O Diyos! Napakahirap ng buhay rito. Nag-aalala ako na hindi ko magagawang tagalan ang buhay rito. O Diyos! Pakiusap bigyan Mo ako ng kalakasan at pananalig para makayanan ko ang mahabang panahon ko rito sa bilangguan.” Pagkatapos kong manalangin, naisip ko na ang mga salita ng Diyos ang aking buhay, at dapat akong magtiwala sa mga salita ng Diyos para makapagpatuloy. Wala akong dalang kahit anong mga salita ng Diyos para mabasa at naaalala ko lang ang ilang himno, kaya dapat kong tiyakin na hindi ko makakalimutan ang mga iyon. Sa gabi, itinatalukbong ko ang kumot sa aking ulo at sa isip ko ay tahimik akong umaawit ng mga himno ng Diyos, binibilang ko sa mga daliri ang mga himnong naaalala ko. Tuwing inaawit ko ang mga himno, nakakaramdam ako ng matinding panghihikayat. May isang himno na nagsasabing: “Ang pananampalataya ay parang isang trosong tulay: Yaong mga nakakapit nang mahigpit sa buhay ay mahihirapang tumawid dito, ngunit yaong mga handang isakripisyo ang kanilang sarili ay makakatawid, nang hindi nahuhulog at walang pangamba(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 6). Napagtanto ko na ginagamit ng Diyos ang pagsubok na ito para maperpekto ang ating pananalig. Naniniwala ako na, dahil kakampi ko ang Diyos, walang paghihirap na hindi ko kayang pagtagumpayan. Inawit ko rin ang himnong ito: “Nararanasan ng Diyos ang pagdurusa ng tao at naninindigan sa kanila 'pag sila'y nakastigo na. Iniisip Niya ang buhay ng tao sa lahat ng oras. Tanging ang Diyos ang pinakanagmamahal sa sangkatauhan. Tahimik Niyang tinitiis ang pagtanggi sa Kanya. Sa pagdaan sa pagsubok kasama Siya ng tao” (Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin, Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos). Sobrang nakakapanghikayat at nakakaantig ang himnong ito. Sa kabila ng pagkabilanggo ko, kasama ko ang Diyos, kaya may pananalig at kalakasan akong harapin nang harapan ang dalawa’t kalahating taon sa kulungan. Gaano man kahirap o nakakapagod ang buhay, kailangan kong umasa sa Diyos para makapagpatuloy. Kapag natapos ko na ang sentensiya ko, alam kong dapat akong umuwi at magbasa pa ng mga salita ng Diyos at isagawa nang maayos ang pananalig ko.

Noong Hunyo ng 2004, naging napakainit ng panahon. Isang araw, nakaramdam ako ng pagkatuliro at pagkahilo, nawalan ng lakas ang mga braso at binti ko, at habang pababa ako mula sa mahigit tatlong talampakang magkakapatong na tisa, bigla akong nawalan ng balanse at bumagsak ako sa lupa, patihaya akong bumagsak sa isang tambak ng mga durog na tisa. Pagkabagsak ko, nakaramdam ako ng matinding kirot sa may puwitan at kaliwang hita ko. Napakatindi ng sakit kaya pinagpawisan ako nang malamig, nagsimulang kumabog ang puso ko at namaluktot ako, hindi ako makatayo. Nang mapansin ng isang opisyal na nakahiga ako roon, hindi siya nag-abalang tingnan kung may problema ako at basta na lang siyang sumigaw, “Bumangon ka at magtrabaho!” Napakasakit ng pakiramdam ko kaya hindi ako makakilos at nagpatuloy akong nakahiga sa lupa nang dalawang minuto pa bago ako nakahinga nang maluwag. Natakot akong mabugbog, kaya nilabanan ko ang halos hindi matiis na kirot at dahan-dahang akong bumangon mula sa lupa para ipagpatuloy ang trabaho. Nang gabing iyon, namaluktot ako sa pagkakahiga sa kama dahil sa kirot at hindi ako nangahas na igalaw kahit kaunti ang kaliwang binti ko, kung saan may napakatinding kirot na parang may bali ako sa buto. Napakasakit niyon na hindi ako makatulog magdamag. Nang oras na iyon, walang sinumang nagpakita ng anumang malasakit sa akin at napuno ako ng kapanglawan. Nag-alala rin ako, “Seryosong pinsala ito—kung talagang naparalisado ako, paano ako makakapagsustento para sa pamilya ko sa hinaharap? …” Habang mas lalo ko itong iniisip, lalong sumama ang pakiramdam ko, kaya tumawag ako sa Diyos nang may luha sa aking mga mata, “O Diyos! Hindi ako sigurado kung kaya ko pang makatayo. Ikaw lang ang inaasahan ko, pakiusap bigyan Mo ako ng pananalig at kalakasan.” Pagkatapos kong manalangin, naalala ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Ang kapalaran ng tao ay nasa kontrol ng mga kamay ng Diyos. Ikaw ay walang kakayahang kontrolin ang iyong sarili: Kahit na parating nagmamadali at nag-aabala ang tao para sa kanyang sarili, nananatili siyang walang kakayahan na kontrolin ang kanyang sarili. Kung kaya mong malaman ang iyong mga sariling hinaharap, kung makokontrol mo ang iyong sariling kapalaran, isa ka pa rin bang nilikha?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan). Tunay nga, nasa mga kamay ng Diyos ang mga kapalaran natin. Nasa sa Diyos na ang pasya kung magiging paralisado ako o hindi, kaya walang saysay na mag-alala tungkol dito dahil lalo lang akong madidismaya. Handa akong ibigay ang sarili ko sa mga kamay ng Diyos—anuman ang mangyari at kahit talagang maging paralisado ako, susunod ako sa Diyos hanggang sa pinakadulo! Kalaunan, nag-aplay ako sa mga opisyal para magpahinga dahil sa sakit, pero tinanggihan nila ang aplikasyon ko, kaya wala akong nagawa kundi ang tiisin ang malupit na sakit, diniinan ko ang kaliwang binti ko gamit ang kaliwang kamay at pilit na naglakad papunta sa pagawaan. Nang makita ng isa sa mga opisyal sa pagawaan ang kondisyon ko, malupit siyang naglitanya na, “Pinepeke mo lang ang pinsala mo para hindi ka makapagtrabaho! Pagkontra sa CCP ang pananampalataya sa Diyos at itinuturing ka bilang isang politikal na kriminal. Mas mabigat na krimen iyon kaysa sa pagnanakaw. Dapat ka lang pahirapan!” Galit na galit ako—pinapahirapan at inaabuso nila ako dahil lang nanampalataya ako sa Diyos. Talagang kasuklam-suklam sila. Naalala ko ang sumusunod na sipi ng mga salita ng Diyos: “Kalayaang pangrelihiyon? Lehitimong mga karapatan at mga interes ng mga mamamayan? Ang mga iyon ay mga panlalansing lahat para pagtakpan ang kasalanan! … Bakit naglalagay ng isang di-mapapasok na balakid sa gawain ng Diyos? Bakit gumagamit ng iba’t ibang pandaraya upang linlangin ang mga tao ng Diyos? Nasaan ang tunay na kalayaan at lehitimong mga karapatan at mga interes? Nasaan ang katarungan? Nasaan ang kaaliwan? Nasaan ang init? Bakit gumagamit ng madayang mga pakana upang linlangin ang mga tao ng Diyos? Bakit gumagamit ng puwersa para pigilin ang pagdating ng Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 8). “Ngayon na ang oras: Matagal nang tinipon ng tao ang lahat ng kanyang lakas, nailaan na niya ang lahat ng kanyang pagsisikap at binayaran ang bawat halaga para dito, upang punitin ang kahindik-hindik na mukha ng diyablong ito at tulutan ang mga tao, na nabulag na, at nagtiis na ng bawat uri ng pagdurusa at paghihirap, na bumangon mula sa kanilang pasakit at maghimagsik laban sa masama at matandang diyablong ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 8). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, nakilala ko ang maladiyablong diwa ng poot ng CCP sa Diyos. Sinasabi mismo ng CCP na ito ay dakila, marangal, at hindi nagkakamali, sinasabi nitong sinusuportahan nito ang kalayaan sa relihiyon at mga lehitimong karapatan at interes, pero ang mga iyon ay mapanlinlang at mga maladiyablong salita lahat. Dahil personal kong naranasan ang pag-aresto at pang-aapi ng CCP, nakita ko kung paano nila dinadaya at pinapahirapan ang mga tao. Madilim at masama ang CCP—mga demonyo sila sa pinakatotoong pakahulugan ng salita. Napakatumpak at praktikal na isiniwalat ng mga salita ng Diyos ang lahat ng ito! Ang dahilan kung bakit sobrang walang habas na inaaresto at pinapahirapan ng CCP ang mga nananampalataya sa Diyos ay iyong gusto nilang puwersahin ang mga itong itatwa at ipagkanulo ang Diyos, pero hindi ako kailanman susuko sa kanila. Kinamuhian ko ang sarili ko dahil sobrang ganap akong nadaya at sobrang pikit-mata kong sinamba ang CCP bilang isang dakilang tagapagbigay at naging mapagpasalamat sa kanila dahil lamang binigyan nila ako ng kapirasong lote. Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay at sa Diyos din ang lupa para ipamigay. Paano ako nagkamaling iugnay ang biyaya ng Diyos sa diyablong si Satanas? Noon ko lang napagtanto na ang isa na palagi kong sinamba at pinasalamatan ay isang demonyong lumalaban sa Diyos at aktibong sinusubukan akong hilahin papunta sa impiyerno!

Hanggang siyam na araw pa pagkatapos bago ako nasuri ng doktor sa kulungan at na-diagnose ako na may femoral head necrosis. Nang marinig ko ang diagnosis, naisip ko kaagad, “Malala ba iyon? Kung talagang paralisado na ako, hindi ba’t ganap na magiging walang silbi ako? Kung gayon, tapos na ang buhay ko!” Binigyan lang ako ng reseta ng doktor para sa ilang araw na gamot, pero hindi lang nito pinatunayan na ganap na hindi ito epektibo, mas lalo pa talaga akong nakaramdam ng kirot. Nang panahong iyon, hindi na ako makalakad—kapag kailangan kong gumamit ng palikuran, kailangan kong yumukod hanggang baywang, kumapit sa pader, at dahan-dahang maglakad. Ang paglalakad na dati ay aabutin lang ng ilang minuto ay mangangailangan na ngayon nang mahigit kalahating oras. Kailangan kong umasa sa ibang bilanggo para dalhan ako ng pagkain, at kapag nakalimutan nila kailangan ko na lang magtiis ng gutom o uminom ng tubig para mawala ang kirot ng tiyan. Mahihiga na lang ako sa kama, kasing-bagal ng suso ang paggapang ng oras habang nagdurusa ako. Naisip ko, “Hindi umuubra ang gamot at hindi nila hahayaang pumunta ako sa ospital kahit na ganito na kalala ang kondisyon ko. Siguro mamamatay na lang ako rito….” Habang mas nag-iisip ako, mas lalong sumasama ang pakiramdam ko at bumubuhos ang luha ko mula sa aking mga mata. Naisip ko na ngang wakasan ang buhay ko para matapos na ito. Pagkatapos ay bigla kong naalala na ang lahat ng bagay ay nasa mga kamay ng Diyos at kailangan ko lang magtiwala sa Diyos! Patuloy akong tumawag sa Diyos at naalala ko ang himnong ito ng mga salita ng Diyos “Ang Pagsapit ng Karamdaman ay Pag-ibig ng Diyos”: “Huwag mawalan ng pag-asa kapag nagkaroon ka ng karamdaman, patuloy na maghanap nang maghanap at huwag susuko, at tatanglawan at bibigyang-liwanag ka ng Diyos. Gaano ba ang pananampalataya ni Job? Ang Makapangyarihang Diyos ay isang manggagamot na makapangyarihan sa lahat! Ang manahan sa karamdaman ay ang magkasakit, subalit ang manahan sa espiritu ay ang gumaling(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 6). Habang pinagbubulayan ko ang mga salita ng Diyos, napuno ng kalakasan ang puso ko. Tama, makapangyarihan sa lahat ang Diyos, at kapag lang may pananalig ako sa Kanya saka ko magagawang magpatotoo tungkol sa mga gawa Niya. Pero sa gitna ng aking pagdurusa, ninais kong wakasan ang buhay ko—wala akong tunay na pananalig sa Diyos at naging katatawanan ako ni Satanas. Talagang mababa ang tayog ko. Sa sumunod na ilang araw, madalas akong manalangin sa Diyos, humimig ng mga himno, at nahikayat at naantig. Dahan-dahan, parang nabawasan ang napakatinding kirot na dumudurog sa katawan ko. Sa ikalabindalawang araw, sa wakas ay dinala na ako sa ospital para sa higit pang mga pagsusuri. Dahil sa seryosong kalagayan ng aking kondisyon, pinroseso nila na pansamantala akong makalaya para magpagamot. Ang opisyal na kasama ko ay nagsumite ng huwad na pahayag, na nagsasabing nahulog ako mula sa isang lumang upuan habang nanonood ng telebisyon sa isang silid-aralan. Nang sinubukan kong linawin na ang totoo ay nahulog ako habang nagtatrabaho sa pagawaan ng tisa, sumimangot ang opisyal at sinabing, “Hindi mo makukuha ang kalayaan mo para magpagamot kapag iginiit mo ang pagsasabi ng istoryang iyan. Patuloy ka na lang na magdurusa sa bilangguan!” Nag-alala ako na kung aantalahin ko pa ang pagpapagamot, mauuwi akong paralisado, kaya wala akong nagawa kundi ang pumirma sa huwad na pahayag. Pagkauwi ko, inoperahan ako, pero dahil napakatagal naantala ng gamutan, nauwi ako sa permanenteng pagkakalumpo.

Noong unang makauwi ako galing ng ospital, nakahiga lang ako at hindi makakilos at umasa ako sa aking asawa para subuan ako ng pagkain at gamot. Halos dalawang linggo pagkauwi ko sa bahay, dumating sa bahay namin ang kalihim panlalawigan ng partido at inabot sa akin ang dalawang papel, na malamig na nagsasabing, “Pinawalang-bisa na ang pagiging miyembro mo ng partido, pumirma ka rito.” Naisip ko, “Mabuti, tanggalin ninyo ang pagiging miyembro ko! Ayaw ko nang isakripisyo ang buhay ko para sa partido!” Dahil doon, walang pag-aalinlangan akong pumirma sa mga dokumento ng pagpapawalang-bisa. Inalala ko ang aking mahigit tatlumpung taon ng paggawa bilang kadre ng nayon. Umawit ako ng mga papuri sa partido, matapat na ibinigay ang lahat ko, at nangamkam ng pinaghirapang yaman ng mga tao sa pamamagitan ng iba’t ibang klase ng pandaraya. Sobra akong nagsikap na nawalan na nga ako ng oras para asikasuhin ang pagsasakang negosyo ng sarili kong pamilya at, dahil doon, sobrang napagod ang asawa ko at nagkasakit. Dati, inakala kong bilang isang miyembro ng partido, dapat akong maging tapat sa partido. Kung hindi ko naranasang maaresto, maapi, mapatalsik sa partido, at alisan ng posisyon ko bilang kadre, nagpatuloy sana akong ibigay ang lahat ko para sa partido. Sa kabila ng pagdaan ko sa ilang pagdurusa at pagkalumpo ng kaliwang binti ko, nakilatis ko ang lumalaban-sa-Diyos na malademonyong diwa ng CCP at hindi na nila ako naligaw o naloko. Buong puso kong kinamuhian at inabandona ang CCP at ganap kong inilaan ang sarili ko sa Diyos. Lahat ng ito ay resulta ng pagmamahal at pagliligtas ng Diyos! Nang gabing iyon, nang sinabi ko sa asawa ko ang lahat ng napagtanto at natutuhan ko at nakita niya kung paano ako nagbago, tumawa siya at sinabing, “Dati ay gusto mong sumunod sa Diyos at manatiling tapat sa partido. Ngayong hindi ka na parte ng CCP, kaya na nating ilaan ang lahat ng lakas natin sa paghahangad ng katotohanan at paggampan sa ating mga tungkulin.”

Noong mga panahong iyon, napilitan ang asawa ko na dalhin ang pasanin ng lahat ng aming gawaing-bahay. Mayroon na siyang napakalalang karamdaman sa tiyan, at bukod pa roon, may dagdag na siyang responsabilidad na alagaan ako at gawin ang lahat ng gawaing-bahay. Minsan masyado siyang napapagod na kapag dumarating siya para hainan ako ng pagkain, nakikita kong nanginginig ang mga kamay niya. Sobrang nakakalungkot na makita ang asawa ko nang ganoon at madalas ay hindi ko mapigilang umiyak. Pagkatapos ng apat ng buwan, hindi ko pa rin maigalaw ang binti ko at nagsimula akong mag-isip kung permanente akong mapaparalisa. “Kung talagang mapaparalisa ako, paano ako makakapagpatuloy na mabuhay? Hindi pa ba epektibong matatapos ang buhay ko?” Dati ay haligi ako ng tahanan namin, pero naging ganap akong walang silbi at umasa pa nga sa asawa ko para tulungan akong pumunta sa palikuran. Awang-awa ako sa asawa ko at naging pasanin lang ako sa kanya—inudyukan ako ng mga kaisipang ito na wakasan ang buhay ko. Kapag dumarating ang asawa ko para pakainin ako, ayaw kong lunukin ang pagkain, iniisip kong magpakagutom na lang at mamatay. Sa aking pinakamababang sandali, paulit-ulit akong tumawag sa Diyos nang may luha sa aking mga mata at nagsabing, “O Diyos! Sobra akong nagdurusa ngayon. Pakiusap magbukas Ka ng isang landas para sa akin, pakiusap iligtas Mo ako….” Pagkatapos kong manalangin, naalala ko ang mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Sa mga huling araw na ito ay kailangan ninyong magpatotoo sa Diyos. Gaano man kalaki ang inyong pagdurusa, dapat kayong magpatuloy hanggang sa kahuli-hulihan, at maging sa inyong huling hininga, kailangan pa rin kayong maging tapat sa Diyos at magpasakop sa pagsasaayos ng Diyos; ito lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos, at ito lamang ang malakas at matunog na patotoo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos). Ang mga salita ng Diyos ay binigyan ako ng pananalig at kalakasan at pinaramdam din sa akin ang pagkapahiya at panliliit. Gusto kong wakasan ang buhay ko pagkatapos na maranasan ang maliit lang na pagdurusa—anong klaseng patotoo iyon? Naisip ko kung paano hinarap ni Job ang napakalaking pagsubok na nawala ang lahat ng kanyang anak at pagmamay-ari at ang katawan niya ay tinubuan ng pigsa, pinuri pa rin niya ang pangalan ng Diyos at nagbigay ng maluwalhating patotoo sa kabila ng kanyang matinding pagdurusa. Pero, naging negatibo na ako pagkatapos kong maranasan ang ilang pagdurusa mula sa karamdaman. Hindi ko hinanap ang layunin ng Diyos; sa halip, ninais kong wakasan na lang ang buhay ko. Kung hindi ako binigyang-liwanag ng Diyos sa tamang oras lang, nahulog na sana ako sa pakana ni Satanas. Nang mapagtanto ko ito, humupa ang pagnanais kong wakasan ang buhay ko at nagpasya akong sumunod sa Diyos hanggang sa huling hininga ko at patotohanan Siya! Makalipas ang isang buwan, biglang nagawa kong itaas muli ang kaliwang paa ko. Napakasaya ko at sabik na sabik na dumaloy ang luha mula sa aking mga mata at patuloy akong nagbigay ng pasasalamat sa Diyos. Kalaunan, unti-unti kong nabawi ang abilidad kong makalakad. Hindi ko kailanman naisip na makakalakad akong muli. Talagang lahat ng ito ay dahil sa Diyos!

Noong 2008, sa ilalim ng bandila ng “pagpapanatili ng panlipunang katatagan bilang paghahanda para sa Beijing Olympics,” nagsimulang supilin ng CCP ang iglesia at arestuhin ang sinumang kapatid na may naunang mga kaso. Isang araw bago ang Olympics, dumating sa bahay ko ang dalawang opisyal mula sa kampo ng pagtatrabaho at sinabi sa akin na hindi ko pa nasagutan ang mga papeles para sa pagpapalaya sa kampo ng pagtatrabaho at kailangan kong sumama sa kanila para iproseso ang mga kinakailangang dokumento. Sinabi nila sa akin na hindi aabutin ng mahigit sa tatlong araw ang buong proseso, kaya naniwala ako sa kanila at sumang-ayon na sumama sa kanila. Nagulat ako, na ang dapat na tatlong araw ay naging apat na buwang pagkakakulong. Habang nakakulong ako, pinuwersa ako ng mga opisyal na gawin ang araw-araw na 12 oras na mano-manong trabaho, sa isang medyo madilim na pagawaan. Kung hindi ko matapos ang mga itinalaga sa akin sa tamang oras, mapaparusahan ako. Dahil sa pinsalang mayroon ako sa kaliwang binti, nakakaupo lang ako nang halos 20 minuto pagkatapos ay kailangan kong tumayo, kung hindi, mababarahan ang sirkulasyon sa binti ko. Kinailangan kong palaging gumalaw-galaw para mabawasan ang kirot. Gayundin, dahil kinailangan kong magtrabaho nang mahahabang oras sa medyo madilim na paligid na iyon, nagsimulang lumabo ang paningin ko. Makalipas ang apat na buwan, at dahil lamang sa pagsisikap ng anak kong magamit ang lahat ng koneksyon niya, saka ako napalaya sa wakas at pinayagang makabalik sa bahay. Noong makauwi ako, dumating sa bahay namin ang isang opisyal at nananakot na sinabing, “Minamanmanan ka naming mabuti. Kapag nalaman namin na isinasagawa mo na naman ang pananampalataya mo, aarestuhin ka at bibigyan ng mabigat na hatol!” Naisip ko, “Mga kasuklam-suklam na demonyo kayo. Kaya ninyong makontrol ang katawan ko, pero hindi ninyo makokontrol ang puso ko. Kahit pa maaresto akong muli, patuloy akong mananampalataya sa Diyos!”

Naalala ko kung paanong sa kabila ng sobra-sobrang paggawa ko para sa partido sa halos kalahati ng buhay ko, nag-iwan pa rin sila ng permanenteng pinsala sa akin at ng ilang beses kong kagustuhan na wakasan ang buhay ko. Ang mga salita ng Diyos ang nagbigay sa akin ng pananalig at kalakasan, ang unti-unting nagbalik sa akin mula sa bingit ng kamatayan, tinulutan akong magkamit ng pagkilatis sa masamang diwa ng malaking pulang dragon, at ipinakita sa akin kung paanong ang Diyos ang pinagmulan ng buhay ng tao, ang Diyos lamang ang magsisilbing buhay ng tao at ang pananampalataya lamang sa Diyos at pagsunod sa Kanya ang pinakamakabuluhan. Mainam na sinasabi ito ng himno “Ang Pinakamakabuluhang Buhay”: “Ang Pinakamakabuluhang Buhay”: “Isa kang nilikha—mangyari pa ay dapat mong sambahin ang Diyos at mamuhay nang makahulugan. Dahil isa kang tao, dapat mong gugulin ang sarili mo para sa Diyos at tiisin ang lahat ng pagdurusa! Dapat mong tanggapin nang masaya at may katiyakan ang kaunting pagdurusang pinagdaraanan mo ngayon at mamuhay ka nang makahulugan, kagaya nina Job at Pedro. Kayo ay mga taong patuloy na naghahanap sa tamang landas, yaong mga naghahangad ng paglago. Kayo ay mga taong naninindigan sa bansa ng malaking pulang dragon, yaong mga tinatawag na matuwid ng Diyos. Hindi ba iyon ang pinakamakahulugang buhay?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 2).

Sinundan: 54. Nagdadala ng Kapayapaan ang Pagiging Mapagpakumbaba

Sumunod: 56. Nilulupig ng Salita ang Lahat ng Kasinungalingan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito