13. Kung Paano Ako Napinsala ng Pagiging Pabaya

Ni Kristen, Italya

Noong Oktubre 2021, nagsimula akong magsagawa ng pagdidilig sa mga baguhan. Nang mag-isang linggo na, napagtanto ko na napakarami kong kailangang matutunan. Kinailangan ko mismong maging pamilyar sa lahat ng uri ng katotohanang prinsipyo, at kinailangan ko ring isagawa ang pagbabahagi tungkol sa katotohanan para malutas ang kanilang iba’t ibang isyu at paghihirap, pero mababaw ang pagkaunawa ko sa katotohanan at hindi ako magaling sa pakikipag-usap. Sa tingin ko’y talagang mahirap ang tungkulin na ito, lalo na nang gustuhin ng lider ng pangkat na lutasin ko kaagad ang mga isyu at paghihirap ng mga baguhan. Ang lahat ng baguhan ay may marami-raming problema, kaya para malutas ang mga iyon, kinailangan kong maghanap ng maraming nauugnay na katotohanan, at isaalang-alang kung paano magbabahagi nang malinaw. Gaano kalaking halaga ang kailangan kong bayaran para gawin ito? Sa tingin ko ay talagang mahirap na makamit ang lahat ng ito, kaya sinabi ko sa lider ng pangkat na wala akong kakayahan at hindi ko ito kayang gawin nang maayos. Nakipagbahaginan sa akin ang lider ng pangkat, na nagsasabing kailangan kong magdala ng pasanin sa aking tungkulin at hindi ako dapat matakot na magdusa. Atubili akong sumang-ayon sa kanya matapos marinig ang pagbabahagi niya, pero sa puso ko, ayaw kong magbayad ng halaga. Sa mga pagtitipon, patuloy akong nakikipagbahaginan sa mga baguhan gaya ng dati, at dahil hindi ko alam ang mga paghihirap nila, nagpapaligoy-ligoy lang ako sa aking pagbabahagi at walang mga natatamong resulta, na naging dahilan kaya nagsimulang bumaba ang bilang ng mga baguhang regular na dumadalo sa mga pagtitipon. Nang malaman ng lider ng pangkat ang problema, hiniling niya sa akin na tulungan at suportahan ko sila kaagad, pero naisip ko, “Maraming pagbabahaginan tungkol sa katotohanan ng mga pangitain ng gawain ng Diyos ang naibigay na sa kanila ng mga manggagawa ng ebanghelyo, pero hindi pa rin sila dumadalo sa mga pagtitipon. Kaya may magagawa pa ba ang pagbabahagi ko? Bukod doon, lahat ng baguhang iyon ay hindi pa nakikipagtipon kamakailan, kaya siguradong uubos ng maraming oras ang pakikipagbahaginan sa kanila, na magiging nakakapagod.” Sa pag-iisip na iyon, pinadalhan ko na lang sila ng mga mensahe para mangumusta, at isinantabi ang mga hindi tumugon, hindi ko sila pinapansin. Ang mga may mas maraming problema, inihuhuli ko sila sa listahan ko ng babahaginan, o ipinapasa ko na lang sila sa mga manggagawa ng ebanghelyo para masuportahan. Hindi nagtagal, humintong makipagtipon ang ilang baguhan dahil matagal nang hindi nalulutas ang mga isyu nila. Nakokonsensiya ako at nababagabag sa tuwing napapansin kong hindi nakikipagtipon ang mga baguhan, at na dapat akong mas magbayad ng halaga para malutas ang mga isyu nila. Pero nang maisip kong gaanong magiging pagkaabala iyon, hinayaan ko na lang.

Naaalala ko ang isang baguhan, na isang dating Katoliko, na nagkaroon ng mga kuru-kuro tungkol sa nagkatawang-taong Diyos na nagpapakita at gumagawa sa mga huling araw, at huminto sa pakikipagtipon. Kahit anong mensahe o tawag ko sa kanya, binabalewala niya lang ako. Pagkalipas ng dalawang araw, nagmensahe siya sa akin, “Ipinanganak ako sa isang Katolikong pamilya. Katoliko ako mula pa noong bata ako, at 64 na taon na ngayon. Sa Panginoong Jesus lang ako nananampalataya—hindi ako mananampalataya sa Makapangyarihang Diyos.” Ang sagot ko ay, “Ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Ang tanging paraan para maligtas at makapasok sa kaharian ng langit ay ang tanggapin ang pagpapakita at gawain ng Panginoon sa mga huling araw.” Pagkatapos noon, hindi siya sumagot. Ilang beses ko pa siyang hinanap, pero binalewala niya pa rin ako. Kaya ipinasa ko ang problemang ito sa lider ng pangkat. Hindi inaasahan, pinadalhan niya ako ng ilang nauugnay na sipi ng mga salita ng Diyos, hinihiling sa akin na hanapin ang katotohanan para lutasin ito. Nang makita kong kailangan kong sangkapan ang sarili ko ng maraming katotohanan at pag-isipan kung paano magbahagi para magkamit ng mga resulta, naramdaman ko na sobrang nakakapagod ito. Hindi sumasagot sa akin ang baguhan at kahit na gumugol ako ng panahon para sangkapan ang sarili ko, baka hindi pa rin siya makinig sa pagbabahagi ko, kaya isinantabi ko na lang siya at binalewala siya. May isang baguhan na talagang abala sa trabaho araw-araw, at hindi siya kailanman nagkaroon ng oras para dumalo sa mga pagtitipong inimbitahan ko siya. Sa simula, araw-araw ko siyang pinapadalhan ng mga salita ng Diyos at mga himno, pero sumasagot lang siya ng “Amen,” at hindi nagpapakita sa mga pagtitipon. Kalaunan, tumigil ako sa pagpapadala ng mga salita ng Diyos sa kanya. Tingin ko ay napakaabala niya sa trabaho, at na ito ang tunay na sitwasyon niya, at kahit na gaano karaming oras ang igugol ko, hindi ko malulutas ang problemang iyon. Sa katunayan, alam kong dapat akong magsaayos ng mga angkop na oras ng pagtitipon batay sa mga suliranin niya, at pagkatapos ay maghanap ng mga nauugnay na sipi ng mga salita ng Diyos para makipagbahaginan tungkol sa kanyang mga kuru-kuro, at ito lang ang paraan para magkamit ng mga resulta. Pero sa tingin ko ay masyadong kumplikado at nakakaabala ito, kaya ayaw kong magbayad ng ganitong halaga. Gayumpaman, kung hindi ako makipagbahaginan sa kanya at malaman ng lider, pupungusan niya ako sa hindi ko paggawa ng tunay na gawain. Kaya kinailangan kong pilitin ang sarili ko na makipagbahaginan sa baguhan nang ilang beses, at nang makita kong hindi pa rin siya dumadalo sa mga pagtitipon, pakiramdam ko ay hindi siya nauuhaw sa katotohanan, at na hindi ito dahil sa nagkulang ako. Kaya sa huli, binalewala ko na lang siya. Palagi akong pabaya sa tungkulin ko, iniiwasan ang lahat ng paghihirap. Kapag nakakatagpo ako ng mga baguhang may kuru-kuro o totoong suliranin, ayaw kong pagsikapang isaalang-alang kung paano lutasin ang mga isyu nila, at ipinapasa ko lang ang mga isyung ito sa lider ng pangkat. Pagkaraan ng ilang buwan, napakakaunting baguhan ang regular na nakikipagtipon. Pinungusan at inilantad ako ng lider matapos niyang matuklasan ang isyung ito. Sinabi niyang napakapabaya ko sa aking tungkulin at sinabi sa akin na kailangan kong magbago kaagad. Kaya nagpasya akong maghimagsik laban sa aking laman at diligan nang maayos ang mga baguhan. Pero kapag naharap ako sa mga baguhang may maraming isyu, ayaw ko pa ring magbayad ng halaga sa paglutas ng kanilang mga problema. Sa halip, nagdadahilan lang ako at sinasabing wala akong kakayahan at hindi akma para sa tungkuling iyon. Dahil nakitang nanatili akong pabaya, hindi nagbago, at walang bunga ang tungkulin ko, malupit akong pinungusan ng lider, na nagsasabing, “Masyado kang pabaya sa tungkulin mo. Hindi ka kailanman nagtatanong tungkol sa mga problema ng mga baguhan, at kahit kapag may kaunti kang nalaman sa mga iyon, hindi ka nagsisikap na lutasin ang mga iyon. Paanong naging paggawa iyon sa isang tungkulin? Pinipinsala mo lang ang mga baguhan! Kung hindi ka magbabago, matatanggal ka!” Dahil pinungusan at binalaan ako nang ganoon, nakonsensiya at natakot rin ako. Nagsimula kong pagnilayan ang sarili ko: Bakit hindi ko magawa nang maayos ang tungkuling ito, at ang tingin ko palagi ay napakahirap nito?

Isang araw sa aking mga debosyonal, nabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Ang ilang tao ay walang anumang prinsipyo kapag gumagampan ng mga tungkulin nila. Palagi nilang sinusunod ang sarili nilang kalooban at kumikilos sila nang walang pakundangan. Hindi ba’t ito ay pagiging pabaya? Hindi ba’t nililinlang nila ang Diyos? Kahit kailan ba ay naisaalang-alang na ninyo ang mga kahihinatnan ng gayong pag-uugali? Sa paggampan ninyo sa inyong tungkulin, talagang wala kayong ipinapakitang anumang pagsasaalang-alang para sa mga layunin ng Diyos, at kayo ay walang puso. Hindi kayo episyente sa lahat ng ginagawa ninyo, kulang kayo ng kahit katiting na buong-pusong dedikasyon at pagsisikap. Matatamo ba ninyo ang pagsang-ayon ng Diyos sa ganitong paraan? Maraming tao ang gumagampan sa kanilang mga tungkulin nang labag sa loob, at hindi nila kayang magpursige. Hindi nila matiis ang kahit katiting na pagdurusa at lagi nilang nararamdaman na nagdusa sila ng malaking kawalan, hindi rin nila hinahanap ang katotohanan para lutasin ang mga paghihirap. Masusundan ba nila ang Diyos hanggang sa huli sa paggampan ng kanilang mga tungkulin sa ganitong paraan? Ayos lang ba na maging pabaya sa anumang ginagawa nila? Magiging katanggap-tanggap ba ito sa konsensiya? Kahit na sukatin ayon sa pamantayan ng tao, hindi pasok sa pamantayan ang gayong asal—kaya maaari ba itong ituring na pasok sa pamantayan na paggampan sa tungkulin? Kung gagampanan mo ang tungkulin mo sa ganitong paraan, hindi mo kailanman makakamit ang katotohanan. Hindi magiging pasok sa pamantayan kahit ang pagtatrabaho mo. Kung magkagayon, paano mo makakamit ang pagsang-ayon ng Diyos? Sa paggampan ng kanilang mga tungkulin, maraming tao ang natatakot sa paghihirap, masyadong tamad, at nag-iimbot ng pisikal na kaginhawahan. Hindi sila kailanman nagbabayad ng halaga upang matuto ng mga propesyonal na kasanayan, at hindi nila isinasapuso ang pagbubulay-bulay sa katotohanan sa mga salita ng Diyos. Naniniwala sila na kapag nagiging pabasta-basta sila sa ganitong paraan, nakakaiwas sila sa problema—hindi nila kailangang gumawa ng anumang pagsasaliksik o humingi ng payo sa iba, hindi nila kailangang gamitin ang kanilang isip o gumugol ng mental na pagsisikap, at nakatitipid sila ng napakalaking pagsisikap, hindi nagtitiis ng anumang pisikal na paghihirap, at nagagawa pa rin nilang tapusin ang gampanin. Ngunit sa huli, ang mga resulta ay hindi pasok sa pamantayan. Kung pupungusan mo sila, hindi sila handang umamin, at patuloy na nakikipagtalo, sinasabing: ‘Hindi ako naging tamad o walang-ginagawa, natapos ang gampanin—bakit mo ako hinahanapan ng mali? Hindi ba’t masyado ka lang nambubusisi? Maayos na ang paggawa ko sa ganitong paggampan sa tungkulin ko. Paanong hindi ka pa nasisiyahan?’ Tingin ba ninyo ay makakausad pa ang ganitong mga tao? Palagi silang pabasta-basta kapag ginagawa nila ang kanilang mga tungkulin habang puno ng mga palusot. Kapag may lumilitaw na mga problema ay ayaw nilang punahin ng sinuman ang mga ito. Anong klaseng disposisyon ito? Hindi ba’t isa itong satanikong disposisyon? Magagampanan ba ng mga tao ang kanilang mga tungkulin nang pasok sa pamantayan kapag gayon ang kanilang disposisyon? Mapapalugod ba nila ang Diyos?(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Tanging ang Isang Tao na Maayos na Gumagampan sa Kanyang Tungkulin Nang Buong Puso, Isipan, at Kaluluwa ang Nagmamahal sa Diyos). Inilalantad ng Diyos ang maraming tao dahil sa pagiging napakatamad sa kanilang tungkulin, sa palaging pagpapakasasa sa pisikal na kaginhawahan, kawalan ng kasipagan, at pagiging kontento sa pagmumukhang abala. Hinding-hindi nila magagawa nang maayos ang tungkulin nila nang ganoon. Napagtanto ko na ang dahilan kaya hindi ako nagkakaresulta sa aking tungkulin ay hindi dahil sa wala akong kakayahan, kundi dahil tamad lang ako, at takot na magdusa. Pakiramdam ko ay kailangang marami akong alam na katotohanan sa pagdidilig ng mga baguhan, na kailangan kong matutunang lutasin ang iba’t ibang problema at paghihirap nila, at na dahil doon ay talagang naging nakakapagod ang tungkuling ito, kaya iniraos ko na lang ito. Gusto ng lider ng pangkat na asikasuhin ko sa lalong madaling panahon ang mga isyu ng mga baguhan, at nagawa ko sana iyon kung nagsikap ako. Pero nang makita kong kakailanganin nito ng mas maraming oras at pagsusumikap ko, ipinasa ko ito sa lider ng pangkat o sa mga manggagawa ng ebanghelyo. Nakikita ko na hindi dumadalo sa mga pagtitipon ang mga baguhan dahil may mga kuru-kuro sila o nahaharap sila sa mga paghihirap o suliranin, pero wala akong pakialam. Hindi ako kumilos nang sabihin sa akin ng iba ang mga landas ng paglutas. Minsan nagpapadala ako sa mga baguhan ng mga salita ng Diyos o mga himno, pero pagkalipas ng ilang araw, hindi ko naipagpapatuloy, at binabalewala ko na lang sila. Nakita kong tamad talaga ako, sakim sa kasiyahan ng laman, at na hindi talaga ako taos-puso sa tungkulin ko. Mapanlinlang lang ako, nakikiayon lang sa iglesia. Masyado akong kasuklam-suklam at kamuhi-muhi sa Diyos!

Pagkatapos noon, nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Kakaunti ang mga oportunidad sa ngayon para gumampan sa isang tungkulin, kaya dapat mong sunggaban ang mga iyon kung kaya mo. Kapag naharap ka sa isang tungkulin, doon mo dapat ibigay ang tunay na pagsisikap; doon mo kailangang ialay ang iyong sarili at igugol ang sarili mo para sa Diyos at kung kailan kailangan mong magbayad ng halaga. Huwag kang mag-iwan ng anumang bagay, magkimkim ng anumang mga pakana, magbigay ng anumang palugit, o maghanda ng malulusutan. Kung ikaw ay nagiging maluwag, nanlalansi, o tuso at nagpapakatamad, malamang na hindi maging maganda ang trabaho mo. Ipagpalagay na sabihin mong, ‘Walang nakakita na nagiging tuso ako at nagpapakatamad. Ang galing!’ Anong klaseng pag-iisip ito? Akala mo ba nalinlang mo ang mga tao, at pati na ang Diyos? Ngunit sa totoo lang, alam ba ng Diyos kung ano ang nagawa mo? Alam Niya. Sa katunayan, malalaman ng sinumang nakikipag-ugnayan sa iyo sa ilang panahon ang iyong katiwalian at kapangitan; sadyang maaaring hindi nila iyon sasabihin nang tahasan: Magkakaroon sila ng pagtatasa sa iyo sa kanilang puso. Marami nang taong nabunyag at naitiwalag dahil nakilatis ng karamihan sa mga tao ang diwa ng mga ito, at inilantad nila ang tunay na pagkatao ng mga taong ito at pinaalis ang mga ito sa iglesia. Kaya, hinahangad man nila ang katotohanan o hindi, dapat gampanan nang maayos ng mga tao ang kanilang tungkulin sa abot ng kanilang makakaya; dapat silang magabayan ng kanilang konsensiya at gumawa ng ilang tunay na bagay. Maaaring mayroon kang mga pagkukulang, ngunit kung kaya mong maging epektibo sa paggampan sa iyong tungkulin, hindi ka ititiwalag. Kung palagi mong iniisip na ayos ka lang, na tiyak na hindi ka matitiwalag, kung hindi ka kailanman nagninilay o nagsisikap na kilalanin ang iyong sarili, at binabalewala mo pa rin ang iyong mga wastong gampanin at palagi kang pabasta-basta, kapag talagang nawalan na ng pasensya sa iyo ang mga taong hinirang ng Diyos, ilalantad nila ang iyong tunay na pagkatao, at ititiwalag ka. Pagkatapos, magiging huli na ang lahat para sa pagsisisi, dahil nakilatis ka na ng lahat, at nawalan ka na ng lahat ng iyong dangal at integridad. Kung walang nagtitiwala sa iyo, magtitiwala ba sa iyo ang Diyos? Sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng tao: Tiyak na hindi Siya magtitiwala sa gayong tao. … Ang mga mapagkakatiwalaang tao ay ang mga may pagkatao, at ang mga taong may pagkatao ay nagtataglay ng konsensiya at katwiran, at dapat na maging napakadali para sa kanila na gampanan nang maayos ang kanilang tungkulin, dahil tinatrato nila ang kanilang tungkulin bilang isang bagay na nakaatang sa kanila. Ang mga taong walang konsensiya o katwiran ay tiyak na gagampanan nang hindi mahusay ang kanilang tungkulin. Hindi sila kumikilos nang may pananagutan anuman ang tungkuling kanilang ginagampanan. Palagi silang kailangang alalahanin ng iba, pangasiwaan, at usisain ang kanilang gawain; kung hindi, maaari silang magdulot ng mga problema habang ginagampanan ang kanilang tungkulin, at makagawa ng masama habang gumagawa ng isang gampanin, na magdudulot ng higit na abala kaysa pakinabang. Sa madaling salita, dapat palaging suriin ng mga tao ang kanilang sarili kapag ginagampanan ang kanilang tungkulin: ‘Nagampanan ko ba ang tungkuling ito nang pasok sa pamantayan? Isinapuso ko ba ito? Nasa pabasta-bastang kalagayan ba ako?’ Kung palagi kang pabasta-basta, nasa panganib ka. Sa pinakamababa, nangangahulugan ito na wala kang kredibilidad, at hindi ka mapagkakatiwalaan ng mga tao. Ang mas malala pa, kung palagi kang pabasta-basta kapag ginagawa ang iyong tungkulin, at kung palagi mong nililinlang ang Diyos, nasa malaking panganib ka! Ano ang mga kahihinatnan ng lantarang pakikibahagi sa panlilinlang? Nakikita ng lahat na sadya kang gumagawa ng mali. Namumuhay ka nang ganap na ayon sa sarili mong mga tiwaling disposisyon, at ikaw ay walang iba kundi pabasta-basta sa iyong tungkulin, at hindi mo isinasagawa ang katotohanan kahit kaunti—ang ibig sabihin nito ay wala kang pagkatao! Kung namamalas ito sa iyo sa lahat ng oras—hindi ka gumagawa ng anumang malalaking pagkakamali pero walang tigil sa maliliit, at hindi nagsisisi mula sa simula hanggang sa huli, kung gayon ay isa kang masamang tao, isang hindi mananampalataya, at dapat na paalisin—ito ay isang malubhang kahihinatnan. Ganap kang mabubunyag at maititiwalag bilang isang hindi mananampalataya at masamang tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Buhay Pagpasok ay Nagsisimula sa Paggampan ng Tungkulin). “Lubhang mahalaga kung paano mo dapat ituring ang mga atas ng Diyos. Isa itong napakaseryosong bagay. Kung hindi mo kayang tapusin ang ipinagkatiwala ng Diyos sa iyo, hindi ka angkop na mamuhay sa Kanyang presensiya at dapat mong tanggapin ang iyong kaparusahan. Ganap na likas at may katwiran na tapusin ng mga tao ang mga atas na ipinagkakatiwala ng Diyos sa kanila. Ito ang pinakamataas na responsabilidad ng tao, at kasinghalaga nito ang kanyang mismong buhay. Kung kaswal mo lang na tinatrato ang mga atas ng Diyos, ito ay isang napakalubhang pagkakanulo sa Diyos. Sa paggawa nito, mas kahabag-habag ka kaysa kay Hudas, at dapat kang sumpain(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao). Dahil nahaharap ako sa pagbubunyag ng mga salita ng Diyos, nararamdaman ko ang Kanyang pagkasuklam at pagkapoot para sa mga taong pabaya sa kanilang tungkulin. Wala silang konsensiya, katwiran, integridad, at dignidad, at ganap na hindi mapagkakatiwalaan. Kung mananatili silang hindi nagsisisi, sila ay masasamang tao, hindi mananampalataya, at dapat na itiwalag. Mahalagang trabaho ang pagdidilig sa mga baguhan. Katatanggap lang nila sa bagong gawain ng Diyos, at kailangan nila ng mas maraming pagdidilig para magkaugat sa tunay na daan, upang hindi sila nakawin ni Satanas. Bukod doon, walang sinumang tumatanggap sa gawain ng Diyos ang nakagagawa nito nang madali at maayos: Lahat ng ito ay dahil sa kaliwanagan at gabay ng Diyos at sa ilang kapatid na nagbabayad ng halaga para magdilig, magbigay, magtustos at tumulong sa kanila. Saka lamang sila maihaharap sa Diyos. Bilang tagadilig, responsabilidad kong diligan ang mga baguhan. Lalo na nang makita kong nahihirapan ang mga baguhan, dapat sana ay nagmadali ako at humanap ng mga paraan para malutas ang mga isyung ito. Pero sa halip, iniwasan ko ang mahihirap na trabaho at naging tuso ako. Kapag nakikita kong nahaharap sa mga paghihirap ang mga baguhan, palagi kong pinipili ang mga problemang madaling lutasin, at isinasantabi ang mahihirap na isyu at binabalewala ang mga ito. Ang mas malala pa, malinaw na nagiging mapanlinlang at iresponsable ako sa aking tungkulin, nagiging dahilan para hindi dumalo sa mga pagtitipon ang ilang baguhan at humihinto pa nga, pero iniwasan ko ang responsabilidad sa pagsasabing hindi sila nauuhaw sa katotohanan, o wala akong kakayahan at hindi ko kayang lutasin ang kanilang mga problema para linlangin ang iba at ipawalang-sala ang sarili ko sa pagiging pabaya. Hindi ba’t ginagawa ko ang tungkulin ko tulad ng isang walang pananampalataya na nagtatrabaho para sa kanyang amo? Nanlilinlang ako, iniraraos lang ang mga araw ko, nang walang kamalayan ng konsensiya. Matapos ang maraming taon ng aking pananalig, sinubukan ko pa ring lokohin at dayain ang Diyos nang wala man lang pag-aalinlangan. Sobra akong tuso at mapanlinlang! Wala man lang akong pagkatao. Noong una kong tinanggap ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw, abala ako sa trabaho araw-araw, at hinahadlangan ng mga magulang ko ang aking pananalig. Talagang na-stress ako noon at inisip ko pa ngang bumitaw sa mga pagtitipon. Pero matiyagang paulit-ulit na ibinahagi sa akin ng mga kapatid ang katotohanan at nagsaayos ng mga pagtitipon para tumugma sa iskedyul ko. Minsan hindi ako nakakadalo dahil napakaabala ko sa trabaho, kaya mahabang oras na nagbibisikleta ang mga kapatid para bahaginan ako ng salita ng Diyos, para tulungan at suportahan ako. At dahan-dahan, natutunan ko ang tungkol sa gawain ng Diyos, at nakita ko na ang tanging paraan para maligtas ay ang hangarin ang katotohanan. Pagkatapos ay gusto ko nang dumalo sa mga pagtitipon at tumanggap ng tungkulin. Palaging binibigyang-diin ng iglesia na ang pagdidilig sa mga baguhan ay nangangailangan ng pasensya at labis na pagsasaalang-alang sa kanilang mga paghihirap, na kailangan natin silang tulungan nang may pagmamahal at hikayatin sila na dumalo sa mga pagtitipon para magkaugat sa tunay na daan sa lalong madaling panahon. Nakita ko na puno ng pagmamahal at awa ang Diyos para sa atin, at na inililigtas Niya tayo sa pinakamalawak na antas. Napakamaingat Niya sa bawat tao na nagsisiyasat sa tunay na daan. Hindi Siya susuko kung may kaunting pag-asa man lang. Pero napakalamig ko at walang pagpapahalaga sa responsabilidad sa mga baguhan. Wala man lang akong pakialam sa buhay pagpasok nila, kaya hindi nalutas kaagad ang mga problema nila, at ayaw na ng ilan na dumalo sa mga pagtitipon. Batay sa pag-uugali ko, paano iyon naging paggawa ng isang tungkulin? Gumagawa lang ako ng masama, sinusubukang lokohin at dayain ang Diyos! Labis akong nakonsensiya nang matanto ko ito at kinamuhian ko ang sarili ko sa kawalan ng pagkatao.

Nabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos kalaunan: “Kontento ka na ba sa pamumuhay sa ilalim ng impluwensiya ni Satanas, nang may kapayapaan at kagalakan, at kaunting makalamang kaginhawahan? Hindi ba’t ikaw ang pinakamababa sa lahat ng tao? Wala nang mas hahangal pa kaysa sa mga iyong nakakita sa kaligtasan ngunit hindi naghangad na makamit ito; sila ay mga taong nagpapakasasa sa laman at nasisiyahan kay Satanas. Umaasa ka na ang iyong pananalig sa Diyos ay hindi magsasanhi ng anumang mga paghihirap o kapighatian, o ng kahit katiting na pagdurusa. Lagi mong hinahangad ang mga bagay na iyon na walang-halaga, at hindi mo pinahahalagahan ang buhay, sa halip ay inuuna mo ang iyong sariling malabis na kaisipan bago ang katotohanan. Ikaw ay napakawalang-halaga! Nabubuhay ka na parang isang baboy—ano nga ba ang pagkakaiba sa pagitan mo, at ng mga baboy at mga aso? Hindi ba’t lahat ng hindi naghahangad sa katotohanan, at sa halip ay iniibig ang laman, ay pawang mga hayop? Hindi ba’t ang mga patay na walang mga espiritu ay mga naglalakad na bangkay? Gaano na karaming salita ang nasambit sa gitna ninyo? Kaunting gawain lamang ba ang nagawa sa gitna ninyo? Gaano na karami ang naipagkaloob Ko sa inyo? Kaya bakit hindi mo ito nakamit? Ano ang iyong mairereklamo? Hindi ba’t wala kang natamo dahil sa iyong labis na pag-ibig sa laman? At hindi ba’t dahil ito sa ang iyong mga kaisipan ay masyadong maluho? Hindi ba’t dahil ito sa ikaw ay napakahangal? Kung mabibigo kang makamit ang mga pagpapalang ito, masisisi mo ba ang Diyos sa hindi pagliligtas sa iyo? … Ipinagkakaloob Ko sa iyo ang tunay na daan nang hindi humihingi ng anumang kapalit, gayunman ay hindi ka naghahangad. Isa ka pa rin ba sa mga nananampalataya sa Diyos? Ipinagkakaloob Ko ang tunay na buhay ng tao sa iyo, gayunman ay hindi ka naghahangad. Hindi ba’t kauri ka ng mga baboy o aso? Ang mga baboy ay hindi naghahangad ng buhay ng tao, hindi nila hinahangad na maging malinis, at hindi nila nauunawaan kung ano ang buhay. Bawat araw, pagkatapos nilang kumain nang busog, natutulog na sila. Naipagkaloob Ko na sa iyo ang tunay na daan, gayunman ay hindi mo ito nakamtan, wala kang anuman. Handa ka bang magpatuloy sa ganitong buhay, ang buhay ng isang baboy? Ano pang silbi na mabuhay ang gayong mga tao? Ang iyong buhay ay kasumpa-sumpa at walang-dangal, nabubuhay ka sa gitna ng karumihan at kahalayan, at hindi mo hinahangad ang anumang layon, kaya hindi ba’t ang iyong buhay ang pinakahamak sa lahat? Mayroon ka bang lakas ng loob na humarap sa Diyos? Kung magpapatuloy ka na dumanas sa ganitong paraan, hindi ba’t wala kang matatamo? Ang tunay na daan ay naipagkaloob na sa iyo, ngunit kung makakamit mo ito sa huli o hindi ay nakasalalay sa iyong sariling paghahangad(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). Nang mabasa ko ang mga naninitang salita ng Diyos, nakadama ako ng gayong pagkokonsensiya at pagsisisi. Para linisin at baguhin ang ating mga tiwaling disposisyon, para bigyan tayo ng pagkakataong maligtas, taimtim tayong tinustusan ng Diyos ng napakaraming katotohanan, at detalyado Siyang nagbahagi tungkol sa bawat aspekto ng katotohanan, sa takot na hindi natin ito maunawaan. Nagbuhos ang Diyos ng napakaraming dugo ng Kanyang puso para sa atin. Ang sinumang may pagkatao ay dapat magsumikap na hangarin ang katotohanan at maging tapat sa kanyang tungkulin. Pero wala talaga akong konsensiya. Hindi ko talaga hinahangad ang katotohanan, nagpapakasasa lang ako sa pisikal na kaginhawahan, at namumuhay pa rin ayon sa mga satanikong pilosopiya, tulad ng “Mabuhay nang hindi nag-iisip,” at “Maigsi ang buhay, kaya magpakasaya habang kaya.” Tinanggap ko ang mga satanikong pilosopiyang ito bilang mga salita ng karunungan na dapat ipamuhay, iniisip na kailangan nating tratuhin nang maayos ang ating sarili sa ilang dekada natin sa mundo, at huwag masyadong pagurin ang ating sarili, at na dapat nating gawing walang inaalala at masaya ang buhay natin. Ginagawa ko ang isang tungkulin sa kondisyon na hindi ako magdurusa ng paghihirap o kapaguran ng laman. Ginagawa ko kung ano ang pinakamadali. Sa anumang oras na kailangan kong pigain ang utak ko tungkol sa kung anong bagay, nagiging mapanlaban ako at tumatakas, ipinapasa ang problema sa iba o isinasantabi at binabalewala ito. Hindi ko talaga sineseryoso ang tungkulin ko, kaya hindi nalutas ang mga isyu ng ilang baguhan at tumigil na sila sa pagdalo sa mga pagtitipon. Noon ko lang nakita na mas lalo akong ginawang masama ng mga satanikong pilosopiyang iyon. Buong araw akong nagpapakasasa sa kaginhawahan at hindi ko talaga hinahangad ang katotohanan, ginugulo ang aking tungkulin, at hindi man lang nag-aalala rito. Ayaw kong matuto at wala akong kakayahan, hindi nagkakamit ng mga katotohanang dapat ko sanang nakamit, at hindi tinutupad ang aking mga responsabilidad. Hindi ba’t ganap akong walang silbi? Naranasan ko talaga na pinipinsala ako ng pagpapakasasa sa pisikal na kaginhawahan at sinisira ang pagkakataon kong maligtas. Sa katunayan, ang pagdanas ng paghihirap sa tungkulin ay isang magandang pagkakataon para sumandal sa Diyos at hanapin ang katotohanan. Ang mga paghihirap na pumipilit sa akin na hanapin ang katotohanan at matutunang sundin ang mga prinsipyo sa aking tungkulin ay magagandang paraan para hangarin ko ang katotohanan at buhay pagpasok. Pero tinatrato ko ang mga bagay na ito na istorbo, isang pasanin na dapat isantabi. Nang matanto ko iyon, pinagsisihan ko talaga kung paanong binigyang-layaw ko ang aking laman, at nawalan ng napakaraming magagandang pagkakataon para maunawaan ang katotohanan. Ayaw kong patuloy na iraos lang ang tungkulin. Kailangan kong maghimagsik laban sa laman at isapuso ang aking tungkulin.

Isang araw, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na naglalantad sa mga huwad na lider, na mas nagpaunawa sa akin sa mga kahihinatnan ng pagiging pabaya sa aking tungkulin. Sabi ng mga salita ng Diyos: “May isang trabaho na maaaring makumpleto ng isang tao sa isang buwan. Kung aabutin ng anim na buwan para magawa ang trabahong ito, hindi ba’t maituturing na kawalan ang mga gastusin sa natitirang limang buwan? Hayaan ninyo Akong magbigay ng isang halimbawa tungkol sa pangangaral ng ebanghelyo. Sabihin nang handa ang isang tao na saliksikin ang tunay na daan at maaari siyang mahikayat sa isang buwan lang, pagkatapos ay papasok siya sa iglesia at patuloy na tatanggap ng pagdidilig at pagtutustos, at sa loob ng anim na buwan maaari siyang makapagtatag ng pundasyon. Pero kung ang saloobin ng taong nangangaral ng ebanghelyo sa usaping ito ay saloobin ng pagwawalang-bahala at pagiging pabasta-basta, at binabalewala rin ng mga lider at manggagawa ang mga responsabilidad nila, at sa huli ay aabutin ng kalahating taon para mahikayat ang taong iyon, hindi ba’t katumbas ng kalahating taon na ito ang magiging kawalan sa buhay niya? Kung mahaharap siya sa malalaking sakuna at hindi pa siya nakapagtatag ng pundasyon sa tunay na daan, malalagay siya sa panganib, at hindi ba’t mabibigo siya ng mga taong iyon kung gayon? Ang gayong kawalan ay hindi masusukat sa pera o mga materyal na bagay. Kung naantala ang pagkaunawa ng taong iyon sa katotohanan nang kalahating taon, at naantala ang pagtatatag niya ng pundasyon at ang pagsisimula niya sa paggampan ng tungkulin niya nang kalahating taon, sino ang mananagot para dito? Kaya bang akuin ng mga lider at manggagawa ang pananagutan para dito? Walang sinuman ang kayang pasanin ang pananagutan para sa pag-antala sa buhay ng isang tao(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (4)). Pinahiya at pinagsisi ako ng mga salita ng Diyos. Katulad lang ako ng isang huwad na lider na hindi gumagawa ng tunay na gawain, pabaya sa aking tungkulin at iresponsable, dahilan kaya hindi nakikipagtipon ang mga baguhan, at ang ilan ay umalis pa sa pananalig dahil hindi nalutas ang kanilang mga isyu. Hindi ba’t pinipinsala lang ng ganoong pagdidilig ang mga baguhan? Bagama’t hindi umalis ang iba sa pananalig, nagdusa ng mga kawalan ang buhay nila dahil kumapit sila sa mga kuru-kuro at hindi nakipagtipon nang mahabang panahon. Iyon ay mga kawalan na hindi ko mapupunan. Kung hindi ko masyadong inalala ang aking laman, nakapagbayad ng halaga, at seryosong tinrato ang mga problema ng bawat baguhan, baka naunawaan sana ng ilan sa kanila ang katotohanan at mas maaga silang nagkaugat sa tunay na daan, namuhay ng buhay ng iglesia, gumawa ng tungkulin, mas maagang nakapaghanda ng mabubuting gawa, at hindi sana ganoon ang mangyayari. Pero sa puntong iyon, masyado nang huli para sa anumang sasabihin. Talagang sumama ang loob ko at nakonsensiya ako, at labis na nakaramdam ng pagkakautang sa Diyos. Isang pagsalangsang iyon, isang mantsang iniwan ko sa aking tungkulin! Napuno rin ako ng pagsisisi at takot. Pakiramdam ko ay nagdulot ako ng malalaking problema. Umiiyak akong nanalangin, “O Diyos, palagi akong nagpapakasasa sa kaginhawahan at pabaya ako sa tungkulin ko, na kinasusuklaman Mo. Gusto kong magsisi sa Iyo. Pakiusap siyasatin Mo ang puso ko. Kung patuloy akong magiging pabaya, pakiusap ituwid at disiplinahin Mo ako.”

Pagkatapos ay inilista ko ang mga baguhan na negatibo, mahina, at hindi dumadalo sa mga pagtitipon, at naghanap ako ng mga nauugnay na salita ng Diyos para lutasin ang kanilang mga isyu. Tinanong ko rin ang mga sister na mahusay magdilig tungkol sa mga prinsipyo at diskarte. Kalaunan, hinanap ko ang baguhan na may mga kuru-kurong panrelihiyon, na hindi nakikipagtipon. Nagpadala ako sa kanya ng ilang mensahe, wala sa mga iyon ang tinugunan niya. Medyo nasiraan ako ng loob at inisip na dapat kong kalimutan na lang ito. Tutal, siya naman ang huminto sa pagsagot—totoo ito. Nagpadala rin ako ng isa pang mensahe sa baguhan na abala sa trabaho, at nang makita kong tinanggihan niya ang imbitasyon ko na magtipon, ayaw ko nang magbayad ng halaga sa pagsuporta sa kanya. Nang sandaling iyon, naisip ko ang panalangin ko sa Diyos, pati na ang mga salita Niyang ito: “Kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin, sa katunayan, ginagawa mo ang dapat mong gawin. Kung ginagawa mo ito sa harap ng Diyos, kung ginagampanan mo ang iyong tungkulin at nagpapasakop ka sa Diyos nang may pag-uugali ng pagkamatapat at may puso, hindi ba’t mas magiging tama ang saloobing ito? Kaya paano mo magagamit ang saloobing ito sa tunay na buhay? Dapat mong gawing realidad ang ‘pagsamba sa Diyos nang may puso at pagkamatapat.’ Tuwing gusto mong maging pabasta-basta, tuwing gusto mong kumilos sa tusong paraan at maging tamad, at tuwing nawawala ka sa pokus o gusto mong magsaya, dapat mong isaalang-alang: ‘Sa pagkilos nang ganito, ako ba ay nagiging di-mapagkakatiwalaan? Ganito ba ang pagsasapuso ko sa paggawa ng aking tungkulin? Sa paggawa nito, nabibigo ba akong maging deboto? Nabibigo ba akong tuparin ang atas na naipagkatiwala ng Diyos sa akin?’ Ganito ka dapat magnilay sa sarili mo. Kung malalaman mo na ikaw ay palaging pabasta-basta sa iyong tungkulin, na wala kang debosyon, at na nasaktan mo ang Diyos, ano ang dapat mong gawin? Dapat mong sabihing, ‘Sa oras na iyon, nadama ko na may mali rito, pero hindi ko ito itinuring na problema; pinahapyawan ko lang iyon nang walang-ingat. Ngayon ko lang natanto na talagang ako ay naging pabasta-basta, na hindi ko natupad ang aking responsabilidad. Talagang wala akong konsensiya at katwiran!’ Natuklasan mo ang problema at nakilala mo nang kaunti ang iyong sarili—kaya ngayon, dapat mong baguhin ang sarili mo! Ang iyong saloobin sa paggampan sa iyong tungkulin ay mali. Itinuring mo itong ekstra na trabaho at mababaw lang na nagsikap, at hindi mo isinapuso iyon. Kung muli kang pabasta-basta na katulad nito, dapat kang manalangin sa Diyos at hayaan Siyang disiplinahin at ituwid ka. Kapag mayroon kang gayong determinasyon sa paggampan ng iyong tungkulin, saka ka lamang tunay na makapagsisisi. Makapagbabago ka lamang kapag malinis ang iyong konsensiya at nagbago na ang iyong saloobin sa paggampan mo sa iyong tungkulin(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Madalas na Pagbabasa Lamang ng mga Salita ng Diyos at Pagninilay sa Katotohanan Maaaring Magkaroon ng Landas na Susundin). Tinulungan ako ng mga salita ng Diyos na makita na hindi mahirap gawin nang maayos ang isang tungkulin, na dapat tayong maging matapat, tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos, at gawin ang ating makakaya para isakatuparan ang ating nalalaman, ang ating makakaya, hindi gumamit ng panlilinlang o maging pabaya, at na kailangan natin ng ganitong uri ng saloobin para gawin nang maayos ang ating tungkulin. Kaya nagpasya ako na hindi ko na muling bibiguin ang Diyos sa pagkakataong ito. Kahit na hindi dumalo sa mga pagtitipon ang mga baguhang iyon pagkatapos ng aking tulong at suporta, matutupad ko pa rin ang responsabilidad ko, at hindi ako magsisisi.

Nakipag-usap ako sa isa pang sister para maghanap ng landas ng pagsasagawa at hinanap ko rin ang baguhang iyon na may mga kuru-kurong panrelihiyon para bahaginan. Nagtapat ako sa kanya tungkol sa sarili kong mga karanasan sa pananalig. Nagulat ako, sumagot siya sa mga mensahe ko. Totoong nasiyahan siya sa mga pagtitipon, pero may ilan siyang di-nalulutas na kuru-kuro at pagkalito. Naantig talaga ako sa mga taos-pusong salita ng baguhang ito at nagbahagi ako ng pagbabahaginang nakatutok sa mga kuro-kuro niya. Sa huli, sumang-ayon siyang dumalo sa mga pagtitipon at hindi nagtagal, tumanggap siya ng isang tungkulin. Mayroon akong hindi maipaliwanag na damdamin nang makita kong naging ganoon ang mga bagay-bagay. Parehong galak at pagsisisi ang naramdaman ko. Kung wala ang kaliwanagan at pagtanglaw ng mga salita ng Diyos na nagpahintulot sa akin na makilala ang sarili ko at baguhin ang aking saloobin sa aking tungkulin, nakagawa na naman sana ako ng panibagong pagsalangsang. Pagkatapos noon, hinanap ko na naman ang baguhang abala sa trabaho. Dati, palagi ko siyang pinipilit na dumalo sa mga pagtitipon nang hindi isinasaalang-alang ang mga paghihirap niya. Sa pagkakataong ito, nagbahagi ako tungkol sa mga salita ng Diyos para tulungan siya batay sa kanyang aktuwal na sitwasyon, at iniayon nang tama ang mga oras ng pagtitipon. Kapag wala siyang oras para makipagtipon, binabasahan ko siya ng mga salita ng Diyos kapag may libre siyang oras, at matiyagang nakikipagbahaginan sa kanya. Pagkatapos ay naging handa siyang magtapat sa akin at magtalakay ng mga salita ng Diyos na nabasa niya. Masaya rin niyang sinabi sa akin na kahit anong mangyari, hindi siya basta-bastang bibitaw sa pagtitipon, o sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos. Pagkatapos niyon, kailanman ay wala na siyang pinalampas na pagtitipon, at gaano man kaabala ang trabaho niya, naglaan siya ng oras sa pagninilay-nilay sa mga salita ng Diyos. Sa ganitong uri ng suporta at tulong para sa mga baguhan, ang ilan sa kanila ay naging handang dumalo muli sa mga pagtitipon. Nang ituwid ko ang saloobin ko, sumandal sa Diyos, at tunay na nagsumikap, nagkaroon ako ng mas magagandang resulta sa tungkulin ko.

Palagi akong mapanlinlang at pabaya sa tungkulin ko noon. Bagama’t hindi ako pisikal na nagdurusa, palagi akong namumuhay sa paghihirap. Hindi ko matanggap ang patnubay ng Diyos, paunti nang paunti ang naisasagawa ko sa aking tungkulin, at palagi akong nag-aalala na aabandonahin at ititiwalag ako ng Diyos. Masyado akong nanlumo at nasaktan. Sa sandaling isinapuso ko ang aking tungkulin, naramdaman ko ang presensiya at patnubay ng Diyos. Umusad din ako sa aking tungkulin at nagkamit ako ng kapayapaan at katatagan. Talagang naranasan ko kung gaano kahalaga ang ating saloobin sa tungkulin. Kapag nahaharap sa mga suliranin, sa pamamagitan lang ng pagbabayad ng tunay na halaga at pagsasaalang-alang sa layunin ng Diyos saka natin makakamit ang kaliwanagan at gabay ng Banal na Espiritu at epektibong magagawa ang ating tungkulin.

Sinundan: 12. Ang Aking Mahirap na Landas Tungo sa Maayos na Pakikipagtulungan

Sumunod: 14. Isang Araw na Hindi Malilimutan Kailanman

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito