27. Ang Nakamit Ko Mula sa Pagtanggap ng Pagpupungos

Ni Viola, Italya

Pinangangasiwaan ko ang paggawa ng video sa iglesia. Masyado akong tensyonado araw-araw dahil sa dami ng gawain. Naging abala ako sa paglutas ng lahat ng uri ng problema at pagsubaybay sa gawain ng iba. Hindi ako makapagpahinga. Pagkalipas ng maikling panahon, madalas na pinupuna ni Sister Jennifer ang mga video namin, at sinasabi na ang mga problemang ito ay dahil sa kulang kami sa pagsisikap sa aming tungkulin. Nakaramdam ako ng matinding pagtutol nang makita ko ang mga mensaheng ito mula sa kanya. Ginagawa na namin ang aming makakaya para mabawasan ang mga pagkakamali, at ang makamit ang ganoon karami sa gawain ay mabuti na rin naman. Hindi ba’t pinatatagal lang niya ang proseso sa paghahanap ng mali sa maliliit na bagay? Hindi ko kailanman isinapuso ang mga mungkahi niya, sa pag-aakalang nanggugulo lang siya nang walang dahilan at inaantala ang aming gawain. Isang araw, nakipagkita ako kay Jennifer para makipag-usap. Isinama ko ang ilang prinsipyo para magbahagi kung paanong nakaaapekto ang paghahanap niya ng mga mali sa pag-usad ng gawain namin. Nagulat ako nang pagkatapos magbahagi, sinabi niya sa marahas na tono, “Isang aspekto iyan ng prinsipyo ng usapin. Pero hayaan mong ipaalala ko sa iyo—huwag mong isipin na ang mga prinsipyo ay palusot para sa pabasta-basta at iresponsableng pag-uugali sa iyong tungkulin. Magkaibang bagay ang dalawang ito. Huwag kang malito.” Nang marinig ko ang sinabi niya, bagaman wala akong sinabing anuman, dinamdam ko ito. Naisip kong, “Ibig mo bang sabihin, pabasta-basta at iresponsable ako sa tungkulin ko? Halatang naghahanap ka ng mali at pinababagal ang mga bagay-bagay, pero pinipintasan mo pa rin ako! Ano ba ang malaking bagay sa ilang maliit na problema? Hindi makaaapekto ang mga ito sa kalidad ng mga video kahit kaunti, at medyo maganda na ang nagawa namin. Hindi mo alam kung gaano karami ang trabaho namin, pero pinupuna mo lang ang maliliit na isyu at pagkatapos ay pinupungusan mo ako nang ganito. Napakayabang mo!” Pagkatapos niyon, tumanggi akong makipag-ugnayan kay Jennifer. Hangga’t ito ay isang isyu na tinukoy niya, naging salungat ako, at nasangkot ang mga emosyon ko kapag pinangangasiwaan ang mga isyu.

Halos tuwing kalahating buwan pagkatapos nito, naghahanda si Jennifer ng buod ng mga puna para sa amin tungkol sa mga isyu sa trabaho. Minsan, ibinahagi pa niya ang punang ito sa lider. Nang marinig ko ito, galit na galit ako, iniisip na, “Nakagawa kami ng ilang pagkakamali, pero sa sobrang dami ng trabaho namin buwan-buwan, hindi ba’t normal na may maliliit na bagay na hindi naming nagawa nang tama? Kailangan ba talagang sabihin sa lider? Nanghuhumaling ka sa maliliit na bagay, masyadong mataas ang mga pamantayan mo. Tinatrato mo ba kaming mga kapatid na parang mga makina? Hindi ba kami kailanman puwedeng magkamali?” Habang mas iniisip ko ito, mas lalo akong naiinis. Nang dumating ang lider para kausapin ako, direkta kong itinuro si Jennifer, sinabing napakayabang niya. Wala siyang kamalayan sa sarili, kundi tinukoy lang niya ang mga problema namin. Nakita ng lider na wala akong kamalayan sa sarili, at nagbahagi na kailangan kong tratuhin nang tama si Jennifer. Sinabihan niya akong magnilay sa sarili at matuto ng leksyon. Pero nagbingi-bingihan ako sinabi ng lider. Ipinagpaliban ko ang paglutas sa mga isyung binanggit ni Jennifer sa kanyang puna, at hindi ako nagsikap na pag-isipan kung paano maiiwasan ang mga katulad na isyu sa hinaharap. Medyo nababatid ko na wala ako sa tamang kalagayan, kaya hinanap ko ang Diyos sa panalangin, hinihingi sa Kanya na pangunahan ako para matutuhan ang aral ko at magkaroon ng kamalayan sa sarili sa usaping ito.

Sa aking mga debosyonal isang araw, nabasa ko ang ilang salita ng Diyos na nakatulong sa aking matamo ang kaunting kamalayan sa kalagayan ko. Sabi ng mga salita ng Diyos: “Kapag mahilig pagtalunan ng mga tao ang tama at mali, sinusubukan nilang linawin kung tama ba o mali ang bawat isang bagay, hindi sila tumitigil hangga’t hindi nalilinaw ang usapin at naunawaan kung sino ang tama at kung sino ang mali, nakapako sila sa mga bagay na wala namang kasagutan: Ano ba talaga ang silbi ng pagkilos nang ganito? Tama ba talagang pagtalunan ang tama at mali? (Hindi.) Nasaan ang pagkakamali? May koneksyon ba sa pagitan nito at ng pagsasagawa ng katotohanan? (Walang koneksyon.) Bakit mo nasasabing walang koneksyon? Ang pagtatalo sa tama at mali ay hindi pagsunod sa mga katotohanang prinsipyo, hindi ito pagtalakay o pagbabahagi sa mga katotohanang prinsipyo; sa halip, lagi na lang pinag-uusapan ng mga tao kung sino ang tama at kung sino ang mali, kung sino ang nakagawa ng tama at kung sino ang nagkamali, kung sino ang nasa katwiran at kung sino ang hindi, kung sino ang may matinong katwiran, at kung sino ang wala, at kung sino ang nagpahayag ng mas mataas na doktrina; ito ang sinusuri nila. Kapag sinusubok ng Diyos ang mga tao, lagi nilang sinusubukang mangatwiran sa Diyos, lagi na lang silang nakakaisip ng ipapalusot. Tinatalakay ba ng Diyos ang gayong mga bagay sa iyo? Tinatanong ba ng Diyos kung ano ang konteksto? Tinatanong ba ng Diyos ang mga rason at dahilan mo? Hindi Niya itinatanong. Tinatanong ng Diyos kung may saloobin ka ng pagpapasakop o paglaban nang subukin ka Niya. Tinatanong ng Diyos kung nauunawaan mo ba o hindi ang katotohanan, kung mapagpasakop ka ba o hindi. Ito lamang ang tinatanong ng Diyos, at wala nang iba. Hindi tinatanong sa iyo ng Diyos kung ano ang dahilan ng kawalan mo ng pagpapasakop, hindi Niya tinitingnan kung may maganda ka bang rason—talagang hindi Niya isinasaalang-alang ang gayong mga bagay. Tinitingnan lang ng Diyos kung naging mapagpasakop ka ba o hindi. Kahit ano pa ang kapaligirang tinitirhan mo at kung ano ang konteksto, ang masusing sinisiyasat lang ng Diyos ay kung may pagpapasakop ba sa iyong puso, kung mayroon ka bang saloobin ng pagpapasakop; hindi nakikipagdebate sa iyo ang Diyos sa kung ano ang tama at mali, walang pakialam ang Diyos sa kung ano ang mga rason mo, ang mahalaga lamang sa Diyos ay kung tunay kang mapagpasakop, ito lamang ang hinihingi sa iyo ng Diyos. Hindi ba’t isa itong katotohanang prinsipyo? Ang uri ng mga taong mahilig makipagtalo sa kung ano ang tama at mali, na gustung-gustong nakikipagpalitan ng maiinit na salita—may mga katotohanang prinsipyo ba sa kanilang puso? (Wala.) Bakit wala? Kahit kailan ba ay pinagtuunan nila ng pansin ang mga katotohanang prinsipyo? Kahit kailan ba ay hinangad nila ang mga ito? Hinanap man lang ba nila ang mga ito? Hindi nila kailanman pinagtuunan ng pansin ang mga ito, o hinangad ang mga ito o hinanap ang mga ito, at lubhang wala ang mga ito sa kanilang mga puso. Bunga nito, nakakapamuhay lamang sila sa loob ng mga kuru-kuro ng tao, ang pawang laman ng kanilang mga puso ay tama at mali, matuwid at di-matuwid, mga palusot, mga dahilan, mga panlilinlang, at mga argumento, at pagkaraan naman nito ay babatikusin, hahatulan, at kokondenahin nila ang isa’t isa. Ang disposisyon ng mga taong kagaya nito ay na gusto nilang pinagdedebatihan ang tama at mali, at hinahatulan at kinokondena ang mga tao. Ang mga taong kagaya nito ay walang pagmamahal o pagtanggap sa katotohanan, malamang na subukan nilang mangatwiran sa Diyos, at husgahan pa nga ang Diyos at lumaban sa Diyos. Sa huli, mapaparusahan sila(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 15). Mula sa paglalantad ng mga salita ng Diyos, nakita ko na ang mga tao na palaging nagsasalita tungkol sa tama at mali sa isang sitwasyon ay sinisiyasat muna ito nang maigi: kung sino ang tama, kung sino ang mali, kung sino ang may katwiran sa panig niya. Kung nakapagsasalita sila nang paliguy-ligoy sa harap ng iba, nagsisimula silang ipagtanggol ang kaso nila, itinutuon nila ang tingin nila sa iba, nagiging masuwayin, salungat, at umaatake pa sa iba nang hindi naghahanap ng katotohanan o nagninilay sa sarili nilang mga isyu. Hindi sila nagpapasakop sa mga sitwasyong inilalatag ng Diyos para sa kanila. Naisip ko kung paano ako kumikilos nang ganito. Nang tinukoy ni Jennifer ang ilang problema sa gawain namin, alam kong umiiral ang mga problemang ito, pero naghanap ako ng mga dahilan at palusot para pangatwiranan ang sarili ko, iniisip na ang matapos ang ganito karaming gawain ay isa nang malaking tagumpay kung isasaalang-alang ang dami ng trabaho namin, at na hindi maiiwasan ang maliliit na problema. Sinubukan ko pang pabulaanan siya gamit ang mga prinsipyo para pigilan siyang tukuyin ang mga problema, iniisip na masyadong mataas ang mga hinihingi niya, at na hindi mahalaga ang mga problema at hindi malaking bagay kahit hindi malutas ang mga ito. Nang pinuna ako ni Jennifer sa pagiging pabasta-basta at iresponsable, hindi ko lang ito hindi tinanggap mula sa Diyos, kundi nagkaroon pa ako ng pagkiling laban sa kanya at inisip na naghahanap siya ng mali. Nang nagsalita siya nang mahigpit at nasaktan ng mga salita niya ang pride ko, binansagan kong mayabang ang disposisyon niya, at hinusgahan ko pa siya sa harap ng lider, nagpapakanang mahikayat ang lider na pumanig sa akin at pagmukhain siyang masama. Nang tinulungan ako ng lider, tumanggi akong makinig. Hindi ko tumanggap ng mga sitwasyong mula sa Diyos o nagnilay sa sarili kong mga problema. Sa halip, nangatwiran, nagpalusot, at nakipagtalo ako sa kung sino ang tama at mali. Nagpakita lang ako ng pagkamainitin ng ulo, nang walang kahit katiting na saloobin ng pagpapasakop. Paano ko matatawag mananampalataya ang sarili ko? Umaasta akong parang isang hindi mananampalataya.

Pagkatapos, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos na nakatulong sa akin na mas maunawaan pa ang layunin ng Diyos. Sabi ng mga salita ng Diyos: “Ang anumang ginagawa ng mga tao ay may kaugnayan sa paghahanap sa katotohanan at sa pagsasagawa ng katotohanan; ang anumang may kaugnayan sa katotohanan ay may kaugnayan sa kalidad ng pagkatao ng mga tao, at sa saloobin nila sa paggawa ng mga bagay-bagay. Kadalasan, kapag gumagawa ang mga tao ng mga bagay-bagay sa isang walang prinsipyong paraan ito ay dahil sa hindi nila nauunawaan ang mga prinsipyo sa likod nito. Ngunit sa maraming pagkakataon, hindi lang hindi nauunawaan ng mga tao ang mga prinsipyo, ayaw din nilang unawain ang mga ito. Bagaman maaaring may kaunti na silang alam tungkol sa mga ito, ayaw pa rin nilang mas mapabuti. Wala sa kanilang puso ang pamantayang ito, at gayon din ang pangangailangang ito. Kaya, lubos na mahirap para sa kanila ang gawin nang mabuti ang mga bagay-bagay, lubos na mahirap para sa kanila ang gawin ang mga bagay-bagay sa isang paraan na naaayon sa katotohanan at nagpapalugod sa Diyos. Ang susi sa kung nagagawa ba ng mga tao nang katanggap-tanggap ang kanilang mga tungkulin ay nakadepende sa kung ano ang kanilang pinagsisikapan, kung hinahangad ba nila ang katotohanan o hindi, at kung mahilig ba sila sa mga positibong bagay o hindi. Kung hindi minamahal ng mga tao ang mga positibong bagay, hindi madali para sa kanila na tanggapin ang katotohanan, na lubos na nakaliligalig—bagaman gumaganap sila sa isang tungkulin, nagtatrabaho lang sila. Kahit nauunawaan mo man o hindi ang katotohanan, at kung nagagawa mo mang unawain o hindi ang mga prinsipyo, kung ginagampanan mo ang iyong tungkulin batay sa iyong konsensiya, kahit papaano, ay magkakamit ka ng katamtamang mga resulta. Ito lamang ang katanggap-tanggap. Kung nagagawa mong hangarin ang katotohanan at gawin ang mga bagay-bagay alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo, magagawa mong ganap na matupad ang mga hinihingi ng Diyos at maging alinsunod sa mga layunin ng Diyos. Ano ang mga hinihingi ng Diyos? (Na ibigay ng mga tao ang kanilang buong puso at lakas sa maayos na pagganap sa kanilang mga tungkulin.) Paano dapat unawain ang ‘pagbibigay ng kanilang buong puso at lakas’? Kung inilalaan ng mga tao ang kanilang buong isip sa pagganap sa kanilang mga tungkulin, ibinibigay nila ang kanilang buong puso. Kung ginagamit nila ang lahat ng kanilang lakas sa pagganap sa kanilang mga tungkulin, ibinibigay nila ang kanilang buong lakas. Madali bang ibigay ang lahat ng iyong puso at lakas? Hindi ito madaling matamo nang walang konsensiya at katwiran. Kung ang isang tao ay walang puso, kung wala siyang pag-iisip at walang kakayahang magmuni-muni, at kung, nahaharap sa isang problema, ay hindi niya alam kung paano hanapin ang katotohanan, at wala siyang mga paraan o daan upang gawin ito, kaya ba niyang ibigay ang kanyang buong puso? Tiyak na hindi(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Tao ang Pinakamalaking Benepisyaryo ng Pamamahala ng Diyos). Matapos pagnilayan ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko ang layunin Niya. Hindi hinihingi ng Diyos na makamit ng mga tao ang pagiging perpekto sa mga tungkulin nila, bagkus tinitingnan Niya kung nagsisikap silang gawin ang makakaya nila, at kung may saloobin silang magsikap na humusay sa tungkulin nila. Sinusuri ng Diyos ang puso ng mga tao. Pinagnilayan ko ang saloobin ko sa tungkulin ko kumpara sa mga salita ng Diyos. Palagi kong nararamdamang marami akong trabaho, na may maraming bagay na dapat isaalang-alang at asikasuhin, at na normal lang na lumitaw ang maliliit na problema sa trabaho. Minsan kahit alam kong maiiwasan ang mga problemang iyon, hindi ko ginustong magsikap na mapaghusay ang mga bagay-bagay, na humantong sa pagtagal at hindi pagkakalutas ng mga problema. Pero ang totoo, hindi hinihingi ng Diyos na hindi ako kailanman magkamali sa tungkulin ko. Kinasusuklaman lang Niya ang pabasta-basta at iresponsable kong saloobin. Tinutukoy ni Jennifer ang problema para mabigyang-pansin ko ito, tinutulungan akong ayusin ito nang maagap at gawin ang tungkulin ko nang maayos. Sa sandaling napagtanto ko ito, medyo bumuti ang kalagayan ko. Pagkatapos noon, nakipagbahaginan at nagbuod ako kasama ang iba, at nag-isip kung paano magbago. Sa sumunod na may tumukoy sa isang problema, hindi na ako kasingmapanlaban at pabasta-basta tungkol dito, bagkus nilutas ko ito kasama ng lahat.

Kalaunan, pinagnilayan ko ang sarili ko. Bakit tutol na tutol ako sa mga mungkahi ni Jennifer? Pagkatapos ay nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos, at nagkamit ako ng kaunting kamalayan sa sarili. Sabi ng Diyos: “Ang karaniwang pag-uugali ng mga anticristo sa pagpupungos ay masidhing tanggihang tanggapin o aminin iyon. Gaano man karaming kasamaan ang ginagawa nila o gaano mang pinsala ang ginagawa nila sa gawain ng sambahayan ng Diyos at sa buhay pagpasok ng hinirang na mga tao ng Diyos, hindi sila nakakaramdam ni katiting na pagsisisi o na may pagkakautang silang ano man. Mula sa pananaw na ito, mayroon bang pagkatao ang mga anticristo? Talagang wala. Nagdudulot sila ng samu’t saring pinsala sa hinirang na mga tao ng Diyos at nagdadala ng pinsala sa gawain ng iglesia—kitang-kita itong maliwanag pa sa sikat ng araw ng hinirang na mga tao ng Diyos, at nakikita nila ang sunod-sunod na masasamang gawa ng mga anticristo. At gayumpaman hindi tinatanggap o kinikilala ng mga anticristo ang katunayang ito; nagmamatigas silang tumatangging aminin na mali sila o na sila ang may pananagutan. Hindi ba’t isa itong indikasyon na tutol sila sa katotohanan? Ganoon na lamang katindi ang pagtutol ng mga anticristo sa katotohanan. Gaano man karaming kasamaan ang gawin nila, matigas silang tumatangging aminin ito, at nananatili silang hindi nagpapasakop hanggang sa huli. Sapat nitong pinatutunayan na hindi kailanman sineseryoso ng mga anticristo ang gawain ng sambahayan ng Diyos o tinatanggap ang katotohanan. Hindi sila narito para maniwala sa Diyos; mga kampon sila ni Satanas, na naparito para gambalain at guluhin ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Reputasyon at katayuan lamang ang laman ng puso ng mga anticristo. Naniniwala sila na kung aaminin nila ang kanilang pagkakamali, kakailanganin nilang managot, at kung magkagayon, lubhang makokompromiso ang kanilang katayuan at reputasyon. Bilang resulta, lumalaban sila nang may saloobin ng ‘magkaila hanggang mamatay.’ Paano man sila inilalantad o hinihimay-himay ng mga tao, ginagawa nila ang makakaya nila para itanggi ito. Kung sinasadya man o hindi ang kanilang pagtanggi, sa madaling salita, sa isang banda, inilalantad ng mga ugaling ito ang kalikasang diwa ng mga anticristo na tumututol at namumuhi sa katotohanan. Sa isa pang banda, ipinapakita nito kung gaano pinahahalagahan ng mga anticristo ang kanilang sariling katayuan, reputasyon, at mga interes. Samantala, ano ang kanilang saloobin ukol sa gawain at mga interes ng iglesia? Paghamak at pagiging iresponsable. Walang-wala silang konsensiya at katwiran. Ipinapakita ba ng pag-iwas ng mga anticristo sa responsabilidad ang mga problemang ito? Sa isang banda, ang pag-iwas sa responsabilidad ay nagpapatunay sa kanilang kalikasang diwa ng pagtutol at pagkamuhi sa katotohanan, habang sa isa pang banda, ipinapakita nito ang kawalan nila ng konsensiya, katwiran, at pagkatao. Gaano man napipinsala ng kanilang panggugulo at masasamang gawain ang buhay pagpasok ng mga kapatid, hindi sila nakadarama ng paninisi sa sarili at hindi kailanman nababahala tungkol dito. Anong uri ng nilikha ito? Kahit ang pag-amin sa bahagi ng kanilang pagkakamali ay maituturing bilang pagkakaroon nila ng kaunting konsensiya at katwiran ngunit wala ni katiting na ganoong pagkatao ang mga anticristo. Kaya ano sila sa palagay ninyo? Ang mga anticristo ay mga diyablo sa diwa(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)). Inilantad ng mga salita ng Diyos na hindi tinatanggap ng mga anticristo ang katotohanan. Tutol sila sa katotohanan at likas na kinasusuklaman ang katotohanan. Kapag pinungusan at inilalantad sila, nagpapalusot sila, at hindi nakararamdam ng pagsisisi kahit na nagdudulot sila ng seryosong pinsala sa gawain. Hindi man lang nila maamin ang kanilang mga pagkakamali at partikular na mapagmatigas. Nagnilay ako pagkatapos ikumpara ang sarili ko sa mga salita ng Diyos. Malinaw na pabasta-basta ako sa tungkulin ko, at may maraming pagkalingat at problema, pero hindi ako nakaramdam ng pagkakasala o pagsisisi. Kapag nahaharap sa pagpupungos, at pagpapaalala, hindi ko ito tinatanggap. Palagi akong nakahahanap ng mga dahilan para pangatwiranan ang sarili ko at balewalain ito. Ayokong aminin ang sarili kong mga pagkakamali. Naisip ko na sa pag-amin ng mga pagkakamali, magmumukha akong masama, at mapipinsala ang reputasyon, katayuan, at imahe ko, na dahilan para maliitin ako ng iba. Ganap akong hindi makatwiran. Nagbubunyag ako ng isang disposisyon ng pagiging tutol sa katotohanan. Binigyan ako ng mga mungkahi ng iba para matulungan akong makita kung paano ako nagkukulang sa aking tungkulin, para maituwid ko ang mga problema nang maagap at magawa nang mas mabuti ang aking tungkulin. Pero hindi ko ito kailanman tinanggap mula sa Diyos, ni hindi ko pinagnilayan ang sarili ko. Kaya, hindi kailanman nalutas ang isyu ng pagiging pabasta-basta ko sa aking tungkulin, at hindi ko kailanman natupad ang tungkulin ko bilang superbisor, dahilan para maging pabasta-basta ang iba sa kanilang tungkulin at madalas ding magkamali. Sa puntong ito, nakita ko sa wakas na ang hindi paglutas sa satanikong disposisyong ito ng pagiging tutol sa katotohanan ang nagpapahirap sa akin na tanggapin ang katotohanan at mga mungkahi ng iba. Kung patuloy akong hindi magsisisi o lulutasin ang tiwaling disposisyong ito, darami ang mga problema at pagkakamali sa tungkulin ko, at sa huli ay gagawa ako ng kasamaan, kokontrahin ang Diyos at kasusuklaman at ititiwalag Niya. Nakababahala talaga para sa akin ang mapagtanto ito, at nanalangin ako sa Diyos sa pagsisisi, handang magsagawa ng katotohanan sa tungkulin ko simula ngayon, at hindi mamuhay sa katiwalian.

Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos na nagbigay sa akin ng landas para malutas ang disposisyon ng pagiging tutol sa katotohanan. Sabi ng mga salita ng Diyos: “Kung may magbibigay sa iyo ng mungkahi kapag hindi mo nauunawaan ang katotohanan, at magsasabi sa iyo kung paano kumilos alinsunod sa katotohanan, dapat mo munang tanggapin ito at tulutan ang lahat na magbahagi rito, at tingnan kung tama o hindi ang landas na ito, at kung naaayon ba ito sa mga katotohanang prinsipyo o hindi. Kung makumpirma mong naaayon ito sa katotohanan, magsagawa ka sa ganoong paraan; kung matukoy mo na hindi ito naaayon sa katotohanan, kung gayon, huwag kang magsagawa sa ganoong paraan. Ganoon lang ito kasimple. Kapag hinahanap mo ang katotohanan, dapat kang maghanap sa maraming tao. Kung may masasabi ang sinuman, dapat kang makinig sa kanila, at seryosohin ang lahat ng kanilang sinasabi. Huwag silang balewalain o iwasan, dahil nauugnay ang kanilang sinasabi sa mga bagay na nasa saklaw ng iyong tungkulin at dapat mong seryosohin ito. Ito ang tamang saloobin at ang tamang kalagayan. Kapag ikaw ay nasa tamang kalagayan, at hindi ka nagpapakita ng isang disposisyong tutol at napopoot sa katotohanan, kung gayon, mapapalitan ang iyong tiwaling disposisyon ng ganitong pagsasagawa. Ito ang pagsasagawa sa katotohanan. Kung isasagawa mo ang katotohanan sa ganitong paraan, ano ang magiging mga bunga nito? (Magagabayan tayo ng Banal na Espiritu.) Ang pagtanggap ng patnubay ng Banal na Espiritu ay isang aspeto. Minsan, magiging napakasimple ng bagay at maaaring makamit gamit ang sarili mong pag-iisip; matapos ibigay ng iba ang kanilang mga mungkahi sa iyo at naunawaan mo, magagawa mong iwasto ang mga bagay-bagay at kumilos alinsunod sa mga prinsipyo. Maaaring isipin ng mga tao na isa itong maliit na bagay, ngunit para sa Diyos, isa itong malaking bagay. Bakit Ko sinasabi ito? Sapagkat, kapag nagsasagawa ka sa ganitong paraan, para sa Diyos, isa kang taong kayang magsagawa ng katotohanan, isang taong nagmamahal sa katotohanan, at isang taong hindi tutol sa katotohanan—kapag nakikita ng Diyos ang puso mo, nakikita rin Niya ang disposisyon mo, at isa itong malaking bagay. Sa madaling salita, kapag ginagawa mo ang iyong tungkulin at kumikilos sa presensiya ng Diyos, ang isinasabuhay at ipinamamalas mo ay pawang mga katotohanang realidad na dapat taglayin ng mga tao. Ang mga saloobin, kaisipan, at kalagayan na taglay mo sa lahat ng iyong ginagawa ay ang pinakamahahalagang bagay para sa Diyos, at ang mga ito ang sinusuri ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Madalas na Pamumuhay Lamang sa Harap ng Diyos Magkakaroon ng Normal na Relasyon ang Isang Tao sa Kanya). Itinuro ng mga salita ng Diyos ang isang landas ng pagsasagawa. Kapag binibigyan ako ng mga mungkahi o pinupungusan ako ng mga kapatid, dapat muna akong magkaroon ng saloobin ng pagtanggap at pagsunod. Kapag hindi ko alam kung paano ito isakatuparan, hindi ko ito dapat ayawan o kontrahin, kundi dapat ko muna itong tanggapin, pagkatapos ay makipagbahaginan sa isang taong nakauunawa sa katotohanan, at pagkatapos ay isagawa ito kapag nauunawaan ko na ang mga prinsipyo. Ito ay pagsasakatuparan ng tungkulin ko ayon sa layunin ng Diyos. Naisip ko kung paanong kapag pinapansin at tinutukoy ng iba ang mga problema o pagkukulang sa gawain ko, kapag binibigyan nila ako ng mga mungkahi at pinupungusan ako, lahat ito ay pagiging responsable nila sa gawain ng iglesia, hindi pagpuntirya sa akin o pagpapahirap sa akin. Dapat ko itong tanggapin mula sa Diyos at maging masunurin at magnilay sa mga problema ko, at baguhin at ayusin ang mga ito nang maagap. Iyon lang ang paraan para bumuti ang gawain ko nang paunti-unti, at maiwasang makagambala ang tiwaling disposisyon ko sa gawain ng iglesia.

Isang araw, nagpadala si Jennifer ng mensahe na tumutukoy sa ilang isyu sa mga video namin. Nang makita ko ito, saglit akong kumontra. Tinalakay at nilutas ko na ang mga isyung ito kasama ang iba. Bakit niya muling binabanggit ang mga ito? May gusto akong sabihin para depensahan ang sarili ko, pero nang tumigil ako para pag-isipan ito, kung tinukoy niya ito, siguradong mayro’n pa ring mga pagkalingat o pagkukulang sa gawain. Kaya, nagkusa akong tanungin si Jennifer tungkol dito. Matapos magkaroon ng malalim na pagkaunawa, sa wakas ay natanto ko na tinalakay ko lang ang mga isyung ito sa mga kapatid, pero hindi ko nasubaybayan ang gawain nila sa tamang oras pagkatapos, kaya hindi ganap na nalutas ang mga problemang ito. Napagtanto ko rin na hindi ako nagiging maagap at responsable sa gawain ko, kundi pasibo lang akong naghihintay na tukuyin ng iba ang mga problema bago ito lulutasin. Kaya, nagkusa akong tanungin ang iba kung anong mga problema ang nando’n pa rin sa mga video namin, at nakipagbahaginan at nilutas ang mga ito sa tamang oras. Pagkaraan ng ilang panahon, malinaw na paunti na nang paunti ang mga problema, at napayapa at gumaan ang loob ko sa aking tungkulin. Naramdaman ko rin sa puso ko na sa pamamagitan lamang ng pagtanggap sa mga mungkahi ng iba, paghanap sa katotohanan at paglutas ng aking mga problema ko magagawa nang maayos ang aking tungkulin. Salamat sa Diyos!

Sinundan: 26. Responsabilidad ang Susi sa Pangangaral ng Ebanghelyo Nang Mabuti

Sumunod: 28. Huwag Hayaang Pangunahan Ka ng Inggit

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

44. Nakauwi na Ako

Ni Chu Keen Pong, Malaysia Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito