14. Mga Pagninilay sa Pagsunod sa Isang Tao Habang Nananalig sa Diyos

Ni Xiaolu, Tsina

Sa lahat ng naging karanasan ko, may isang partikular na nag-iwan ng malalim na impresyon sa akin. Isang taon, pumunta si Li Juan, isang nakatataas na lider, sa iglesia namin para pangasiwaan ang aming gawain. Noong panahong iyon, isang miyembro ng iglesia ang nagpapalaganap ng mga pagkiling laban sa mga lider at manggagawa, at bumubuo ng paksyon para guluhin ang iglesia. Nakipagbahaginan kami sa kanya nang maraming beses, pero hindi siya nagsisi. Hindi kami sigurado kung dapat namin siyang tukuyin bilang isang anticristo, kaya tinanong namin si Li Juan. Gumamit si Li Juan ng mga katotohanan tungkol sa kung paano makilala ang mga anticristo para makipagbahaginan sa amin kung paano matukoy ito, binibigyan kami ng landas pasulong. Nalaman ko rin sa mga usapan namin na noong bagong lider pa si Li Juan, nilutas niya sa loob lang ng dalawang linggo ang ilang kaguluhan sa iglesia na hindi nalutas ng iba sa loob ng dalawang buwan. Ngayon bilang isang nakatataas na lider, napangasiwaan na niya ang gawain ng maraming iglesia at nalutas ang marami sa mga isyu ng mga ito. Bago ko namalayan, nagsimula na akong tingalain siya. Pagkatapos nun, nagkaroon kami ng kapareha ko ng mga isyu na hindi namin maunawaan, kaya hinintay namin na dumating si Li Juan at bigyan kami ng gabay. Makalipas ang isang buwan, sa wakas ay bumalik siya sa iglesia namin. Ibinahagi ko kaagad ang mga isyu at paghihirap na aming kinahaharap at mabilis niya ulit na naayos ang mga bagay. Talagang hinangaan ko si Li Juan pagkatapos ng ilang pakikipag-ugnayan sa kanya. Pakiramdam ko ay karapat-dapat siyang maging isang nakatataas na lider, na nauunawaan niya ang katotohanan at may pagkakilala. Ang mga problemang hindi ko talaga malutas ay madali para sa kanya na asikasuhin. Umasa ako na mas madalas siyang makapupunta para gabayan kami. Sa gulat ko, natanggal si Li Juan makalipas ang dalawang buwan dahil sa pagiging mayabang, mapandikta sa kanyang mga tungkulin, mapanggambala sa gawain ng iglesia, at dahil hindi niya tinanggap ang pagpupungos sa kanya. Hindi ko akalain ang pagkakatanggal niya, pero naisip ko na makabubuti ito para sa kanya. Kung makikilala niya ang kanyang sarili at magbabago, puwede siyang tumanggap muli ng mahalagang gawain. Kaya kahit natanggal siya, hindi nagbago ang puwang na hawak niya sa puso ko.

Makalipas ang ilang buwan inatasan ako at si Li Juan ng iglesia na mangasiwa sa gawain ng paglilinis. Tuwang-tuwa ako. Gusto kong samantalahin ang pagkakataong ito para matuto pa mula sa kanya. Kalaunan kapag tinatalakay namin ang ilang isyu, palagi siyang nakahahanap ng mga nauugnay na prinsipyo na maibabahagi at nalulutas niya ang mga isyu. Madalas din niyang ikuwento ang tungkol sa pagiging lider niya matapos lang ang maikling panahong umanib siya sa pananampalataya, kung paano umunlad ang gawain dahil sa kanyang pagsusumikap, kung paano niya nakilala ang sarili niya pagkatapos ng kanyang pagkatanggal, at na binibigyan siyang muli ng iglesia ng mahalagang gawain. Nang marinig ko ang lahat ng ito, lalo ko siyang tiningala, at palagi ko siyang pinupuntahan para sa mga katanungan ko. Palagi siyang may sagot. Sa paglipas ng panahon, huminto ako sa pagtutok sa pagdarasal at paghahanap sa Diyos sa aking tungkulin, at sa halip ay umasa ako kay Li Juan sa lahat ng bagay, iniisip na anuman ang sabihin niya ay tama. Noong panahong iyon, masyadong mataas ang tingin ko sa kanya. Bulag ko siyang inidolo, at halos sumunod ako sa kanya sa paggawa ng isang malaking kasamaan.

Isang araw, nalaman ko na noong naging lider dati si Zhang Ping, nagsabi siya ng mapanghusgang mga bagay sa kanyang pamilya tungkol sa kapareha niya, dahil may pagkiling siya laban sa kapareha niya. Pagkatapos ay inulit ng pamilya niya ang mga bagay na ito sa isang pagtitipon ng grupo. Binansagan ng lider ng iglesia si Zhang Ping bilang isang anticristo dahil lang sa bagay na iyon. Pakiramdam ng pamilya niya na ang pagharap dito sa ganoong paraan ay hindi naaayon sa mga prinsipyo, kaya sumulat sila ng liham para iulat ito. Pero binansagan ng lider ng iglesia na ang buong pamilya ni Zhang Ping ay isang grupo ng mga anticristo at ibinukod sila. Nang tingnan ang mga dokumento ng pagtitiwalag kay Zhang Ping, nakita kong namumuhay lang siya sa loob ng isang tiwaling disposisyon at nagsabi ng ilang mapanghusgang bagay. Hindi siya dapat binansagan na isang anticristo. Ginawa ng kanyang pamilya ang ulat na iyon para lang tukuyin ang isang problema, hindi sila bumuo ng paksyon o nanggulo sa gawain ng iglesia. Hindi sila dapat tinawag na mga anticristo. Isa pa, nakipag-ugnayan ako kay Zhang Ping ilang taon bago iyon nangyari. Ayos naman ang pagkatao niya at hindi siya mukhang masamang tao. Inisip ko kung nagkamali ba ang lider sa pagtawag sa kanya na anticristo at pagtitiwalag sa kanya. Hindi maliit na isyu iyon. Gusto kong hingin ang tulong ni Li Juan na pag-isipan itong muli. Pero ang nakagugulat, napakadeterminado niyang sinabing, “Mapanghusga si Zhang Ping sa kanyang kapareha, at masamang gawa iyon. Nagsalita ang pamilya niya para sa kanya at naghain ng ulat, kaya grupo sila ng mga anticristo. Puwede nating siyasatin at tingnan kung gumawa sila ng iba pang masasamang gawa.” Pakiramdam ko ay hindi tamang magsalita siya nang tapos nang ganoon, pero naisip ko kung ganoon katiyak si Li Juan, siguradong nauunawaan niya ang mga bagay-bagay. Kung sabagay, naglingkod siya bilang isang nakatataas na lider, marami na siyang karanasan, at may mahusay na pagkakilala. Tiyak na alam niya ang katotohanan at mas nakikita niya ang mga bagay kaysa sa akin. Kaya binago ko ang tono ko, sinabing, “Ilang taon na akong hindi nakikipag-ugnayan kay Zhang Ping. Hindi ko alam kung may nagawa siyang iba pang masasamang gawa. Siyasatin natin ito at pagkatapos ay magpasya.” Hindi nagtagal, nakakuha kami ng karagdagang impormasyon tungkol kay Zhang Ping. Wala siyang ibang ginawang masasamang gawa, at pagkatapos husgahan ang kanyang kapareha ay nagnilay siya at nakilala ang kanyang sarili. Hindi rin hinimok ng kanyang pamilya ang iba na ipagtanggol si Zhang Ping. Batay sa kanilang pag-uugali, hindi sila dapat binansagang mga anticristo at itiniwalag. Ibinahagi ko ang impormasyong ito kay Li Juan, pero talagang mapanghamak siya at inisip na ang pagbansag kay Zhang Ping bilang isang anticristo ay hindi mali. Sinabi niya, “Kung mag-iiwan tayo ng mga anticristo sa iglesia at patuloy silang gumagawa ng masama at nakagagambala, may bahagi tayo sa kasamaan nila!” Isa pang kapatid ang hindi rin sumang-ayon kay Li Juan. Sinabi rin niya na hindi sila isang grupo ng mga anticristo, kundi nagpakita lang ng kaunting katiwalian, at dapat namin silang ibalik sa iglesia. Kumpiyansa pa ring sinabi ni Li Juan na, “Kahit pa hindi isang anticristo si Zhang Ping, siya ay isang masamang tao. Siniraan niya ang kanyang katrabaho sa harap ng kanyang pamilya, at pagkatapos ay ibinahagi iyon ng kanyang pamilya sa isang pagtitipon at gumawa ng ulat. Hindi ba iyon panggugulo sa iglesia? Hindi natin sila puwedeng tanggapin muli! Kailangan nating alamin pa ang kasamaan nila.” Medyo nag-alinlangan ako matapos marinig ang sinabi ni Li Juan. Masyado siyang nakasisiguro na dapat itiwalag si Zhang Ping. Ibig sabihin ba niyon ay limitado ang pananaw ko tungkol dito? Masamang tao ba talaga si Zhang Ping? Matagal nang naging lider si Li Juan, kaya tiyak na mayroon siyang mas malawak na pananaw sa mga bagay-bagay kaysa sa amin. Naisip kong kulang ako sa pagkakilala at na puwede kaming patuloy na magsiyasat kung ano ang nagawa ni Zhang Ping. Kaya, kahit na hindi ako lubos na komportable, pinatibay ko ang loob ko at pinausisa pa sa mga kapatid ang tungkol sa bagay na ito. Talagang hindi ako mapalagay pagkatapos kong gawin ang mga pagsasaayos na ito, at nagdilim ang puso ko. Hindi ko talaga mailarawan ang pakiramdam. Nanalangin ako sa Diyos, hinihiling sa Kanya na gabayan ako na makilala ang sarili ko sa pamamagitan nito, at magawang kumilos nang naaayon sa layunin Niya. Nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos pagkatapos kong manalangin: “Bawat iglesia at bawat indibiduwal ay minamasdan ng Diyos. Gaano man karaming tao ang gumaganap ng isang tungkulin o sumusunod sa Diyos sa isang iglesia, sa sandaling lumayo sila sa mga salita ng Diyos, sa sandaling mawala sa kanila ang gawain ng Banal na Espiritu, hindi na nila mararanasan ang gawain ng Diyos, at sa gayon sila—at ang tungkuling ginagampanan nila—ay wala nang koneksyon at wala nang bahagi sa gawain ng Diyos, sa kasong ito ay naging isang relihiyosong grupo na ang iglesiang ito. Sabihin ninyo sa Akin, ano ang mga kahihinatnan kapag naging relihiyosong grupo ang isang iglesia? Hindi ba ninyo masasabi na nasa malaking panganib ang mga taong ito? Hindi nila kailanman hinahanap ang katotohanan kapag nahaharap sa mga problema at hindi sila kumikilos alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo, bagkus ay nasa ilalim ng mga pagsasaayos at mga manipulasyon ng mga tao. Marami pa nga ang hindi kailanman nananalangin o naghahanap ng mga katotohanang prinsipyo habang ginagampanan ang kanilang tungkulin; nagtatanong lang sila sa iba at ginagawa ang sinasabi ng iba, kumikilos ayon sa mga hudyat ng iba. Anuman ang ipagawa sa kanila ng ibang tao, iyon ang ginagawa nila. Pakiramdam nila, ang pagdarasal sa Diyos tungkol sa kanilang mga problema at paghahanap ng katotohanan ay malabo at mahirap, kaya naghahanap sila ng isang simple at madaling solusyon. Iniisip nila na ang pag-asa sa iba at paggawa sa sinasabi ng iba ay madali at napakamakatotohanan, kaya nga ginagawa na lamang nila ang sinasabi ng ibang mga tao, nagtatanong sila sa iba at ginagawa ang sinasabi ng mga ito sa lahat ng bagay. Bunga nito, kahit matapos ang maraming taon ng pananampalataya, kapag sila ay naharap sa isang problema, ni minsan ay hindi sila humaharap sa Diyos, nananalangin at hinahanap ang Kanyang mga pagnanais at ang katotohanan, at pagkatapos ay nagtatamo ng pag-unawa sa katotohanan, at gumagawa at kumikilos alinsunod sa mga layunin ng Diyos—hindi pa sila kailanman nagkaroon ng ganoong uri ng karanasan. Ang gayong mga tao ba ay talagang nagsasagawa ng pananampalataya sa Diyos?(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Tanging sa Pagkakaroon ng Takot sa Diyos Makatatahak ang Isang Tao sa Landas ng Kaligtasan). Ipinakikita ng mga salita ng Diyos na kapag wala Siyang puwang sa puso ng isang tao at hindi nito hinahanap ang mga katotohanang prinsipyo, sa halip ay pinipiling makinig sa ibang tao at sumunod sa mga plano nila, hindi iyon pananalig sa Diyos; hindi kinikilala ng Diyos ang ganoong uri ng pananampalataya. Hindi ba’t iyon mismo ang kalagayan ko? Sa usapin ng pamilya ni Zhang Ping, sabi ni Li Juan, sigurado siyang grupo sila ng mga anticristo. Pakiramdam ko ay hindi iyon naaayon sa mga katunayan, pero iginalang ko siya nang husto kaya hindi ko hinanap ang mga katotohanang prinsipyo. Sinunod ko kung ano man ang sinabi niya sa akin. Napagtanto ko mula sa mga resulta ng aming pagsisiyasat na hindi wasto ang pagkakabansag sa pamilya nila, pero nang makitang mapilit si Li Juan, ganap kong binalewala ang sarili kong mga pananaw. Kahit na hindi ako komportable, hindi ko pa rin hinanap ang mga katotohanang prinsipyo. Pinilit ko na lang ang sarili ko na gawin ang sinabi ni Li Juan. Walang puwang ang Diyos sa puso ko. Paano iyon naging pananalig? Habang lalo ko iyong iniisip, mas sumama ang pakiramdam ko. Palagi kong itinuturing ang sarili ko na isang tunay na mananampalataya. Hindi ko kailanman inakalang sasambahin at susundan ko ang isang tao. Nabalisa ako, na ibig sabihin ay itinaboy na ako ng Diyos. Kung hindi ako magsisisi, matitiwalag talaga ako. Natakot ako sa kaisipang ito, kaya nagdasal ako, hinihiling sa Diyos na tulungan akong baguhin ang aking kalagayan, hanapin ang katotohanan at magawang tratuhin si Zhang Ping at ang kanyang pamilya sa maprinsipyong paraan.

Pagkatapos niyon, naghanap ako ng mga katotohanang prinsipyo na nauugnay sa isyu ni Zhang Ping, at natutunan ang kaibahan sa pagitan ng isang anticristo at ng isang tao na may karaniwang tiwaling disposisyon. Ang pangunahing katangian ng mga anticristo ay itinuturing nila ang kapangyarihan bilang buhay, at palaging gustong kontrolin ang mga hinirang ng Diyos. Pinarurusahan nila ang mga tao para makakuha ng kapangyarihan. Gumagawa sila ng napakaraming kasamaan, at lubha nilang ginugulo ang gawain ng iglesia. Isa pa, ang mga anticristo ay tutol at namumuhi sa katotohanan. Sila ay masasamang tao sa diwa, at walang konsensiya o katinuan. Wala silang nadaramang pagsisisi, gaano man karaming kasamaan ang nagawa nila, at walang pag-asang magsisisi sila. Ang mga karaniwang tiwaling tao ay hindi maiwasang magsalita at gumawa ng mga bagay para sa katanyagan, pakinabang at katayuan, pero kaya nilang tanggapin ang katotohanan at pagnilayan ang sarili nila. Matapos tahakin ang maling landas, kaya nilang magkaroon ng kamalayan sa sarili nila, at magpakita ng pagsisisi. Katulad ito ng sinasabi ng Diyos na: “Kahit sino pa sila, kahit gaano karaming kasamaan ang ginawa nila, o gaano kalubha ang kanilang mga kamalian, kung ang isang tao ay natukoy bilang isang anticristo o nagtataglay ng disposisyon ng isang anticristo ay nakasalalay sa kung nagagawa niyang tanggapin ang katotohanan at ang mapungusan, at kung taglay nila ang tunay na pagsisisi. Kung kaya nilang tanggapin ang katotohanan at ang mapungusan, kung taglay nila ang tunay na pagsisisi, at handa silang igugol ang buong buhay nila sa pagtatrabaho para sa Diyos, kung gayon, tunay itong nagpapahiwatig ng kaunting pagsisisi. Ang isang taong gaya nito ay hindi maaaring iklasipika bilang isang anticristo(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)). Alam ko sa puso ko na hindi anticristo si Zhang Ping, at hindi ako puwedeng patuloy na mag-alinlangan at pikit-matang makinig kay Li Juan.

Nagpatuloy ako sa paghahanap. Bakit kaya nang magkaiba ang pananaw namin ni Li Juan sa mga bagay-bagay, hindi ko hinanap ang mga prinsipyo, at pikit-mata na lang akong sumunod sa kanya? Ano ang ugat ng problemang ito? Naalala ko na sinasabi ng Diyos: “Hindi ang pagpapakumbaba ni Cristo ang hinahangaan mo, kundi ang mga huwad na pastol na may bantog na katayuan. Hindi mo minamahal ang pagiging kaibig-ibig o ang karunungan ni Cristo, kundi iyong mahahalay na nakalublob sa karumihan ng mundo. Tinatawanan mo ang pasakit ni Cristo na walang lugar na mapagpapahingahan ng Kanyang ulo, ngunit hinahangaan mo ang mga bangkay na naghahanap ng mga alay at namumuhay sa kabuktutan. Hindi ka handang magdusa sa tabi ni Cristo, ngunit masayang inihahagis ang sarili sa mga bisig ng mga walang habas na anticristo, kahit na tinutustusan ka lamang nila ng laman, mga salita, at kontrol. Kahit ngayon, bumabaling pa rin sa kanila ang puso mo, tungo sa kanilang reputasyon, sa kanilang katayuan, sa kanilang impluwensya. Gayunpaman patuloy kang nagtataglay ng saloobin na nahihirapan kang lunukin ang gawain ni Cristo at hindi mo ito matanggap. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi Kong kulang ka sa pananampalataya upang kilalanin si Cristo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isa Ka bang Tunay na Mananampalataya sa Diyos?). Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, nakita ko na sumasamba at sumusunod ako sa isang tao dahil hindi ko dinadakila si Cristo sa aking pananampalataya; sa halip, sinasamba ko ang katayuan at kapangyarihan. Dahil isang nakatataas na lider si Li Juan at mayroon siyang ilang magandang solusyon kapag nangangasiwa sa gawain, inakala kong alam niya ang katotohanan at may pagkakilala, kaya tiningala ko siya at hinangaan siya. Kaya wala akong sariling mga ideya o opinyon noong magkaperaha kami. Ginagawa ko ang anumang sabihin niya, lubos na itinuturing ang mga salita niya bilang katotohanan. Kahit na sa isang bagay na kasinghalaga ng kung dapat matiwalag si Zhang Ping at ang kanyang pamilya, pikit-mata ko pa ring sinunod si Li Juan. Naantala nito ang pagpapabalik sa pamilyang iyon sa iglesia, at naantala ang buhay pagpasok nila. Pinahahalagahan ng Diyos ang buhay ng bawat tao. Ang mga inaapi ng mga huwad na lider ay hindi nakapamumuhay ng buhay-iglesia nang matagal. Namumuhay sila sa kadiliman, at walang magawa at nasa pasakit. Ngunit hindi ko isinasaalang-alang ang mga layunin ng Diyos; hindi ko inaako ang responsabilidad para sa buhay ng iba. Sa usapin ng pamilya ni Zhang Ping, palagi akong urong-sulong at nakikinig kay Li Juan. Labis akong naguguluhan! Kung wala ang espirituwal na kadiliman at pasakit na iyon, hindi sana ako magigising; patuloy sana akong gagawa ng mali. Nanalangin ako sa Diyos sa pagsisisi, “Diyos ko! Ayokong patuloy na idolohin at sundan ang isang tao. Gusto ko pong parangalan Ka bilang dakila, at kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo.” Kalaunan, ibinahagi ko kay Li Juan ang aking opinyon, at maikli niyang sinabi na, “Pag-usapan natin ito mamaya.” Tapos iniba niya ang paksa. Nakikita kong kumakapit pa rin siya sa sarili niyang pananaw at walang pakialam sa buhay ng iba. Nagalit ako. Nagpasya ako na kahit anong mangyari, kailangan kong sabihin sa lider namin ang tungkol sa sitwasyon ng pamilya ni Zhang Ping. Dumating ang lider para isakatuparan ang ilang gawain makalipas ang ilang araw at ibinunyag na naging mapandikta si Li Juan sa gawain ng paglilinis. Basta-basta niyang binansagan ang mga tao nang hindi sumusunod sa mga prinsipyo, at lubhang ginulo ang gawain ng iglesia. Kaya naman, tinanggal ng lider si Li Juan. Napag-alaman na sa kaso ni Zhang Ping, alam na alam ni Li Juan na mali siya, pero ayaw niyang aminin ito. Personal niyang isinaayos ang mga tao na kumuha ng impormasyon kay Zhang Ping para hanapan ito ng mali. Determinado siyang maitiwalag si Zhang Ping at ang pamilya nito bilang mga anticristo. Galit na galit ako. Para protektahan ang katayuan niya, wala siyang pakialam sa buhay ng mga kapatid. Ubod siya ng sama. Sa pagbabalik-tanaw sa panahong kasama ko si Li Juan, palagi niyang ikinukuwento ang pagsisikap niya, kaya itinuring ko siyang isang taong naghahanap sa katotohanan. Hindi ko ginamit ang katotohanan para suriin ang mga motibo at diwa ng mga kilos niya. Ang tunay na pagbabahagi ng karanasan ay nangangahulugang pagtatalakay sa kung ano ang natutuhan mo tungkol sa iyong sarili sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, anong mga katotohanang natutuhan mo, at kung paano mo isinagawa ang katotohanan para palugurin ang Diyos. Pero hindi makapagsalita si Li Juan tungkol sa tunay na pagkaunawa. Ang mga panahon ng pagdurusa na ikinukwento niya ay lahat para itaas at patotohanan ang sarili niya, at para makakuha ng paghanga. Nasa landas siya ng anticristo. Sa puntong ito, nagkaroon ako ng kaunting pagkakilala kay Li Juan at lalo kong kinasuklaman ang sarili ko. Matagal na akong mananampalataya, pero hindi ko tiningnan ang mga tao o mga bagay-bagay sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Tiningnan ko lang ang mga kaloob at kakayahan ng mga tao, at sinamba ang katayuan at kapangyarihan. Muntik ko nang sinunod si Li Juan sa paggawa ng masama, pagtitiwalag nang hindi tama sa mga tao, at pagdudulot sa hindi na mababagong pinsala. Napakabulag at napakahangal ko! Nagsimula akong matakot sa kaisipang ito.

Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kapag ang isang tao ay nahalal ng mga kapatid na maging lider, o itinaas ng ranggo ng sambahayan ng Diyos para gawin ang isang gawain o gampanan ang isang tungkulin, hindi ito nangangahulugan na mayroon siyang espesyal na katayuan o posisyon, o na ang mga katotohanang nauunawaan niya ay mas malalim at mas marami kaysa sa ibang mga tao—lalo nang hindi ito nangangahulugan na ang taong ito ay nagpapasakop sa Diyos, at hindi Siya pagtataksilan. Tiyak na hindi rin ito nangangahulugan na kilala niya ang Diyos, at may takot siya sa Diyos. Sa katunayan, hindi niya natamo ang anuman dito; ang pagtaas ng ranggo at paglilinang ay pagtataasng ranggo at paglilinang lamang sa prangkang salita, at hindi katumbas nito na pauna na siyang itinalaga at sinang-ayunan ng Diyos. Ang pagtaas ng kanyang ranggo at paglilinang sa kanya ay nangangahulugan lamang na itinaas na siya ng ranggo, at naghihintay na malinang. At ang huling kalalabasan ng paglilinang na ito ay depende sa kung hinahangad ng taong ito ang katotohanan, at kung kaya niyang piliin ang landas ng paghahangad ng katotohanan. Samakatwid, kapag itinaas ng ranggo at nilinang ang isang tao sa iglesia para maging lider, itinataas lamang siya ng ranggo at nililinang sa literal na paraan; hindi ito nangangahulugan na isa na siyang lider na pasok sa pamantayan, o isang mahusay na lider, na kaya na niyang gampanan ang gawain ng isang lider, at kayang gawin ang tunay na gawain—hindi ganoon. Hindi malinaw na nakikilatis ng karamihan sa mga tao ang mga bagay na ito, at batay sa sarili nilang mga imahinasyon ay tinitingala nila ang mga itinaas ng ranggo. Isa itong pagkakamali. Kahit ilang taon na silang nananalig sa Diyos, taglay nga ba talaga ng mga itinaas ng ranggo ang katotohanang realidad? Maaaring hindi. Nagawa ba nilang ipatupad ang mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos? Maaaring hindi. Alam ba nila ang kanilang responsabilidad? Tapat ba sila? Kaya ba nilang magpasakop? Kapag may nakaharap silang isang isyu, nagagawa ba nilang hanapin ang katotohanan? Walang nakakaalam sa lahat ng ito. Mayroon bang may-takot-sa-Diyos na puso ang mga taong ito? At gaano kalaki ang may-takot-sa-Diyos na puso nila? Nagagawa ba nilang iwasang sundin ang sarili nilang kalooban kapag gumagawa sila ng mga bagay-bagay? Magagawa ba nilang hanapin ang Diyos? Sa panahon na ginagampanan nila ang gawain ng mga lider, nagagawa ba nilang madalas na humaharap sa Diyos para hanapin ang mga layunin ng Diyos? Naaakay ba nila ang mga tao sa katotohanang realidad? Tiyak na wala silang kakayahan sa mga gayong bagay. Hindi pa sila nakatanggap ng pagsasanay at wala pa silang sapat na mga karanasan, kaya wala silang kakayahan sa mga bagay na ito. Ito ang dahilan kung bakit ang pagtataas ng ranggo at paglinang sa isang tao ay hindi nangangahulugang nauunawaan na niya ang katotohanan, ni hindi nito sinasabi na kaya na niyang gawin ang kanyang tungkulin sa paraang pasok sa pamantayan. … Ano ang layunin ng pagsasabi Ko nito? Ito ay para ipaalam sa lahat na dapat nilang harapin nang tama ang iba’t ibang uri ng talento na isinusulong at nililinang sa sambahayan ng Diyos, na hindi sila dapat maging malupit sa kanilang mga hinihingi sa mga taong ito, at, siyempre, na hindi rin sila dapat maging hindi makatotohanan sa kanilang pananaw tungkol sa mga ito. Kahangalan ang labis na paghanga at pagtingala sa kanila; hindi makatao at hindi makatotohanan ang humingi nang labis na malupit sa kanila. Kaya, ano ang pinakamakatwirang paraan ng pagtrato sa kanila? Ang ituring sila bilang mga karaniwang tao at, kapag kinakailangan mong kumonsulta sa isang tao tungkol sa isang problema, ang makipagbahaginan ka sa kanila at matuto mula sa kalakasan ng bawat isa at punan ang isa’t isa(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 5). Napakalinaw ng mga salita ng Diyos. Ang mapili bilang lider o manggagawa ay hindi ibig sabihin na alam ng taong iyon ang katotohanan at magagawa niya nang sapat ang tungkulin niya. Mayroon din siyang mga tiwaling disposisyon. Maaari niyang gampanan ang tungkulin niya ayon sa sarili niyang mga kapritso at karanasan, at maaari siyang gumawa ng mga bagay na lumalabag sa mga prinsipyo. Kailangan nating makilala ang mga tao ayon sa mga katotohanang prinsipyo, hindi bulag na sumunod kaninuman. Higit pa riyan, kahit na nakapagbibigay-tanglaw ang pagbabahagi ng mga lider sa katotohanan, ito ay kaliwanagan at patnubay ng Banal na Espiritu at dapat na tanggapin mula sa Diyos. Hindi dapat tayo bulag na sumasamba at sumusunod sa mga lider. Kung may mga pagkakamali o pagkalingat sa gawain ng isang lider o manggagawa, o kung nilalabag niya ang anumang katotohanang prinsipyo, dapat itong harapin nang tama. Puwedeng magbigay ng mga payo at tulong nang may pagmamahal para makapagbago siya at gumawa ng mga bagay ayon sa prinsipyo. Pero dahil sinamba ko ang katayuan at kapangyarihan, mapanlinlang kong inakala na dahil isang nakatataas na lider si Li Juan, siguradong mas alam niya ang katotohanan kaysa sa atin. Napakabalukot ng pag-iisip ko! Bagama’t matagal na siyang naging lider at may karanasan sa gawain, at nakapagsasalita siya ng ilang doktrina at nalulutas ang ilang isyu, hindi ibig sabihin niyon na nauunawaan niya ang katotohanan. Ang pagbabahagi at pagkaunawa niya ay kadalasang magandang pakinggan, at sinabi niya na kapag hindi natin nauunawaan ang mga bagay, dapat nating hanapin ang mga katotohanang prinsipyo, hindi kumapit sa sarili nating mga pananaw. Pero sa harap ng mga problema, palagi niyang sinusunod ang gusto niya. Ni ayaw niyang tanggapin ang mga mungkahi ng iba at wala siyang pusong naghahanap. Nagsasalita lang siya tungkol sa doktrina nang walang anumang realidad. Wala siyang anumang pagninilay o pagkaunawa sa kanyang mapagmataas at satanikong kalikasan, at handang basta-bastang itiwalag ang mga tao para mapanatili ang katayuan niya. Kung susuriin si Li Juan batay sa lahat ng ito, malinaw na kauri siya ng mga huwad na lider at mga anticristo.

Naibalik si Zhang Ping at ang kanyang pamilya sa iglesia pagkatapos niyon. Nang maisip ko kung paanong hindi nila nagawang mamuhay ng buhay-iglesia sa loob nang mahigit dalawang buwan at ang lahat ng espirituwal na pasakit na siguradong dinanas nila, sumama ang pakiramdam ko na hindi ko mailarawan. Kinamuhian ko ang sarili ko dahil hindi ko hinahanap ang katotohanan, at nakikinig lang sa isang tao. Kung hinanap ko ang mga katotohanang prinsipyo at ibinalik sila kaagad sa iglesia, hindi sana maaantala ang buhay pagpasok nila. Napagtanto ko sa puntong iyon na pinadadali ng bulag na pagsamba sa isang tao na makagawa ng masama at malabanan ang Diyos kasama niya. Kinasuklaman ko rin kung gaano ako kabulag at naguguluhan, na sinundan ko ang isang tao sa paggawa ng napakalaking kasamaan. Kalaunan, nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Ang pinakasimpleng paraan para mailarawan ang pananampalataya sa Diyos ay ang magtiwalang may Diyos, at, sa pundasyong ito, ang sundan Siya, magpasakop sa Kanya, tanggapin ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan, mga pangangasiwa, at pagsasaayos, pagsunod sa Kanyang mga salita, pamumuhay ayon sa Kanyang mga salita, paggawa ng lahat ayon sa Kanyang mga salita, pagiging isang totoong nilikha, at natatakot sa Kanya at nilalayuan ang kasamaan; ito lamang ang totoong pananampalataya sa Diyos. Ito ang ibig sabihin ng pagsunod sa Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Hindi Maliligtas ang Isang Tao sa Pamamagitan ng Paniniwala sa Relihiyon o Pagsali sa Seremonyang Panrelihiyon). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos na ang pagkatakot sa Diyos, pagdadakila sa Kanya, at paghahanap sa mga katotohanang prinsipyo kapag nangyayari ang mga problema ay ang pinakapangunahing dapat nating panindigan sa pananalig natin sa Diyos. Kahit sino man ito, basta’t naaayon sa mga katotohanang prinsipyo ang sinasabi niya, dapat mo itong sundin, at matatag na tanggihan ang anumang nagmumula sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao. Lahat ay dapat gawin ayon sa mga salita ng Diyos. Iyan ang tunay na pananampalataya, at tunay na pagsunod sa Diyos. Salamat sa Diyos! Nalinawan ako sa aking hinaharap na landas ng pagsunod sa Diyos.

Isang araw, nang tinatalakay ko ang pagsasanay sa mga tao kasama ang lider ng iglesia na si Sister Mingyi, binanggit niya na nagagawa ni Sister Zhao Xunzhen na kilalanin ang sarili kapag may mga nangyayari, at praktikal ang pagbabahagi niya sa katotohanan, kaya puwede siyang linangin bilang superbisor ng gawain ng pagdidilig. Pero sa mga pakikipag-ugnayan ko kay Xunzhen, nalaman kong wala siyang kakayahan at walang dalisay na pagkaunawa sa katotohanan. Talagang pasibo siya sa tungkulin niya at ilang magkakasunod na buwan na siyang hindi nakakukuha ng magagandang resulta. Hindi siya mabuting kandidato. Pero dahil inirerekomenda siya ni Mingyi, napaisip ako kung mali ba ang pananaw ko sa mga bagay-bagay. Matagal nang lider ng iglesia si Mingyi, kaya siguradong mas higit ang pagkakilala niya kaysa sa akin. Naisip ko na dapat kong sundin ang sinabi niya. Pero nakonsensiya ako nang isipin ko iyon nang ganoon. Napagtanto ko na nakatuon ako sa katayuan ni Mingyi at sa mga taon na naglingkod siya bilang lider. Hindi ba’t sinasamba ko ang katayuan at kapangyarihan, at sumusunod muli sa isang tao? Naisip ko ang usapin kay Zhang Ping at sa pamilya niya. Ang mga kahihinatnan ng pagsamba ko sa kapangyarihan at hindi pagtataguyod sa mga prinsipyo ay nakababahala para sa akin. Sa likod ng muling pagharap ko sa ganitong bagay ay ang layunin ng Diyos. Kung hindi ko pa rin maitataguyod ang mga prinsipyo, at tutulungang ihirang ang isang hindi angkop na kandidato bilang superbisor, maaantala niyon ang buhay pagpasok ng mga kapatid. Lider si Mingyi, pero hindi iyon nangangahulugang alam niya ang katotohanan o ganap na nauunawaan ang mga tao. Ang mungkahi niya ay isang bagay lang na puwede kong isaalang-alang. Kailangan kong pag-isipan kung dapat linangin si Xunzhen batay sa mga prinsipyo. Kalaunan, nangolekta ako ng ilang pagsusuri kay Xunzhen, na nagkumpirmang wala siyang kakayahan at hindi gumagawa ng aktuwal na gawain, kaya hindi siya mabuting kandidato. Ibinahagi ko ang opinyon ko kay Mingyi at sumang-ayon siya. Dama ko sa puso ko na ang tanging paraan para maging payapa ay ang hindi bulag na sumunod sa sinuman, kundi ang magsagawa nang ayon sa mga katotohanang prinsipyo.

Nakaukit sa puso ko ang nangyari kay Zhang Ping at sa pamilya niya. Ipinakita sa akin ng hindi malilimutang aral na ito ang mga kahihinatnan ng pagsamba at pagsunod sa isang tao habang nananalig. Naranasan ko rin na ang paghahanap sa katotohanan at paggawa ng mga bagay ayon sa katotohanan ang tanging paraan para sumunod sa Diyos at makamit ang pagsang-ayon Niya.

Sinundan: 13. Pagharap sa Panunupil ng isang Matapat na Ulat

Sumunod: 15. Mga Karumihan sa Aking mga Sakripisyo Para sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

40. Gamot Para sa Inggit

Ni Xunqiu, TsinaSabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang laman ng tao ay kay Satanas, ito ay puno ng mga masuwaying disposisyon, nakakahiya ang...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito