744 Ang Katunayan ng Tagumpay ni Job Laban kay Satanas

1 Ang mga huwarang salita na sinabi ni Job, ay patunay na napagtagumpayan niya si Satanas. Sinabi niya: “Hubad akong lumabas sa bahay-bata ng aking ina, at hubad na babalik ako roon.” Ganito ang saloobin ng pagkamasunurin ni Job sa Diyos. Kasunod nito, sinabi niya: “Si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova.” Ang mga salitang ito na sinabi ni Job ay patunay na pinagmamasdan ng Diyos ang kailaliman ng puso ng tao, na nakikita Niya ang nasa isip ng tao, at pinatutunayan ng mga ito na ang Kanyang pagsang-ayon kay Job ay walang pagkakamali, na ang taong ito na inaprubahan ng Diyos ay matuwid.

2 “Si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova.” Ang mga salitang ito ay patotoo ni Job sa Diyos. Ang mga pangkaraniwang salitang ito ang nagpasuko kay Satanas, nagdala rito ng kahihiyan at naging dahilan ng pagtakas nito nang may pagkasindak, at, higit pa rito, nagkadena kay Satanas at nag-iwan dito nang walang mga kaparaanan. Gayundin, ang mga salitang ito ang nagparamdam kay Satanas ng pagiging kamangha-mangha at kapangyarihan ng mga gawa ng Diyos na si Jehova, at nagpahintulot dito na makita ang pambihirang pagkabighani ng isang tao na ang puso ay pinamamahalaan ng daan ng Diyos. Bukod pa rito, pinatunayan ng mga ito kay Satanas ang pambihirang sigla na ipinakita ng isang maliit at hamak na tao bunga ng kanyang pag-ayon sa daan ng pagkakaroon ng takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan.

Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

Sinundan: 743 Yaon Lang mga May Takot sa Diyos ang Nabubuhay Nang May Dignidad

Sumunod: 745 Tinalo ng Patotoo ni Job si Satanas

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito