208 Isang Pagpapala ang Paghatol ng Diyos

1 O Diyos! Ipinapahayag Mo ang katotohanan upang hatulan at linisin ang sangkatauhan, ibinubunyag ang pagmamahal Mo. Ang Iyong mga salita ay hinahatulan at inilalantad ang kalikasan ng tao; sa wakas ay nakikita ko na kung gaano ako katiwali. Nais kong tanggapin ang Iyong paghatol at paglilinis nang sa gayon ay mabago ang aking mga satanikong disposisyon. Nagdurusa man ako sa matinding pagpapahihirap ng mga pagsubok, ang Iyong mga salita ay palagi kong kasama, ginagabayan ako. Napakaraming beses nang ako ay nanghihina at negatibo, binigyan ako ng mga salita Mo ng tiwala sa sarili at lakas. Napakaraming beses nang ako ay nabigo at nadapa, itinayo akong muli ng mga salita Mo. Napakaraming beses nang ako ay mapagmataas at masuwayin, hinatulan ako ng mga salita Mo at niyugyog hanggang magising ang puso ko. Ngayon ko lang nakikita na napakahalaga ng mga salita Mo at na ang mga ito ang tustos ng buhay ko.

2 Bumibigkas Ka ng mga salita, nagkakaloob ng katotohanan, ng daan at ng buhay sa sangkatauhan. Hinahatulan at nililinis Mo ang sangkatauhan, hinahayaan ang mga tao na magkamit ng buhay; mga pagpapala Mo ang lahat ng ito. Sa pag-unawa sa katotohanan at pagwaksi sa katiwalian namin, maaari kaming mabuhay sa liwanag. Sa pag-asa sa mga salita Mo, tumatayo kaming matatag sa gitna ng mga pag-uusig, paghihirap, pagsubok, at pagpipino. Tumatangis kami kapag nabibigo at nadarapa, ngunit pinagiginhawa at ginagabayan kami ng mga salita Mo. Sa pagsunod sa Iyo, pagdanas ng mga pagsubok at paghihirap, nakamit namin ang katotohanan kahit na nagdusa kami. Nabago nang bahagya ang disposisyon namin; isinasabuhay na namin ang isang pagkakatulad sa tao, lahat ay dahil sa biyaya Mo. Nagpapasalamat ako sa Iyong paghatol at pagkastigo na naglilinis sa aking mga tiwaling disposisyon.

3 Ikaw ang katotohanan, ang daan, at ang buhay; ang pagkakatawang-tao ay ang praktikal na Diyos. Ang mga salita Mo ay katotohanan lahat; kinakailangan ang lahat ng mga ito sa buhay namin. Nagbabayad Ka ng anumang halaga upang linisin kami at gawing perpekto. Mapagpakumbaba at patago Kang gumagawa sa gitna ng mga tao; napakalalim ng pagmamahal Mo sa sangkatauhan. Isang pagpapala ang paghatol Mo na lubos naming natikman. Labis naming natamasa ang pagmamahal Mo; hindi namin kailanman mababayaran ito. Kahit nagdadala ng pagdurusa ang pagsunod sa Iyo, napakarami naming nakamit. Nakamit namin ang katotohanan at buhay mula sa Iyo; mamahalin Ka namin at magpapatotoo kami sa Iyo magpakailanman.

Sinundan: 207 Nalupig Ako ng mga Salita ng Diyos

Sumunod: 209 Pagsisisi Pagkatapos Sumailalim sa Paghatol

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito