Paano Hangarin ang Katotohanan (24)
Noong nakaraan, nagbahaginan tayo tungkol sa nilalaman ng pagbitiw sa mga hadlang sa pagitan ng sarili at ng Diyos, at sa pagkamapanlaban ng isang tao sa Diyos, na napapaloob sa mas malaking paksa ng “pagbitiw” sa “Paano Hangarin ang Katotohanan.” Sangkot sa nilalamang ito ang mga kuru-kuro at imahinasyon tungkol sa nagkatawang-taong Diyos. Anong mga aspekto ang pinagbahaginan natin? (Noong nakaraan, pangunahing ibinahagi at inilantad ng Diyos ang ilan sa aming mga kuru-kuro at imahinasyon tungkol sa nagkatawang-taong Diyos, at nagbahagi rin ang Diyos tungkol sa dalawang prinsipyo ng pagsasagawa para sa amin: Ang isa ay ang huwag ihambing ang nagkatawang-taong Diyos sa Diyos sa langit, at ang isa pa ay ang huwag itumbas ang nagkatawang-taong Diyos sa tiwaling sangkatauhan.) Para malutas ang mga kuru-kuro at imahinasyon tungkol sa nagkatawang-taong Diyos, ang dapat isagawa ng mga tao ay ang dalawang prinsipyong ito na nabanggit sa nakaraang pagbabahaginan. Ano ang una? (Ang huwag ihambing ang nagkatawang-taong Diyos sa Diyos sa langit.) At ano ang ikalawa? (Ang huwag itumbas ang nagkatawang-taong Diyos sa tiwaling sangkatauhan.) Pangunahin ay ang dalawang ito. Noong nakaraan, nagbahagi Ako tungkol sa unang prinsipyo—ang huwag ihambing ang nagkatawang-taong Diyos sa Diyos sa langit—at maikling nagpakilala ng mga paksa tungkol sa buhay ng nagkatawang-taong Diyos na nakikita ng mga tao at hindi pa nila nauunawaan. Ngayon, magpapatuloy Ako sa pagbabahagi tungkol sa paksang may kinalaman sa nagkatawang-taong Diyos. Habang mas nagbabahagi Ako, mas makakaunawa ang mga tao, at mas magiging lubos ang pagkaunawa nila. Habang mas nagbabahagi Ako tungkol sa kabuluhan ng normal na pagkatao o ng kababaang-loob at pagiging tago ng nagkatawang-taong Diyos, mas mauunawaan ng mga tao ang nagkatawang-taong Diyos, at mas magiging praktikal ang pagkaunawa nila sa Kanya. Mas mauunawaan nila ang praktikal na panig ng nagkatawang-taong Diyos, o ang mga aspekto Niya na nakikita at nakakasalamuha ng mga tao, at magiging mas tumpak at praktikal ang pagkakilala nila. Sa ganitong paraan, bibitiwan ng mga tao ang ilan sa kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon tungkol sa Diyos sa langit na hindi kaayon ng realidad. Habang mas binibitiwan ng mga tao ang kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon tungkol sa Diyos sa langit, at habang mas nakikilala at naaarok nila ang pagiging praktikal at pagiging normal ng nagkatawang-taong Diyos, mas magiging normal ang ugnayan sa pagitan ng mga tao at ng Diyos. Ang isang punto tungkol sa hindi paghahambing ng nagkatawang-taong Diyos sa Diyos sa langit ay na dapat kang magkaroon ng pagkaunawa sa pagiging praktikal at pagiging normal ng nagkatawang-taong Diyos. Habang mas nauunawaan mo ang pagiging praktikal at pagiging normal ng nagkatawang-taong Diyos, mas mauunawaan mo ang Diyos sa langit, at hindi mo susukatin ang Diyos sa langit gamit ang iyong mga kuru-kuro at imahinasyon. Siyempre, mula sa isang obhetibong pananaw, may iba pang mangyayari: Magkakaroon ka ng tamang saloobin sa Diyos, magkakaroon ka ng obhetibong pananaw sa iba’t ibang pagpapamalas na ipinapakita ng nagkatawang-taong Diyos sa Kanyang pagkatao, at mas tumpak at praktikal mo ring makikilala ang Diyos sa langit. Pinipigilan ka nitong palaging magkaroon ng mga kuru-kuro at imahinasyon tungkol sa nagkatawang-taong Diyos na hindi kaayon ng realidad, at pinipigilan ka rin nitong palaging ihambing ang nagkatawang-taong Diyos sa Diyos sa langit. Kapag tinatalakay ang nagkatawang-taong laman ng Diyos—ibig sabihin, si Cristo—may isang partikular na paksa na madalas mabanggit: ang pagiging normal at pagiging praktikal, at ang kababaang-loob at pagiging tago, ng nagkatawang-taong Diyos. Madalas na nagsasalita ang mga tao tungkol sa Kanyang pagiging normal at pagiging praktikal, at madalas din silang nagsasalita tungkol sa Kanyang kababaang-loob at pagiging tago; gayumpaman, pagdating sa mga praktikal na isyung kasangkot dito, masasabing walang kalinawan ang lahat ng tao. Ano ba talaga ang pagiging normal at pagiging praktikal ng Diyos? Ano ang Kanyang kababaang-loob at pagiging tago? Ibig sabihin, pagdating sa kung ano ba talaga ang pagiging normal, pagiging praktikal, kababaang-loob, at pagiging tago ng nagkatawang-taong Diyos sa puso ng mga tao, gayundin kung paano unawain at kilalanin ang mga bagay na ito, hindi malinaw sa mga tao ang katotohanan o ang diwa sa bagay na ito, at ipinapangaral lang nila ang mga ito na para bang isang uri ng teorya o espirituwal na terminolohiya ang mga ito. Kaya, malaki ang pangangailangan na magbahaginan tayo tungkol sa paksang ito ng pagiging normal at pagiging praktikal, at ng kababaang-loob at pagiging tago, ng nagkatawang-taong Diyos sa isang detalyado at sistematikong paraan. Sa pamamagitan ng gayong pagbabahaginan, magiging malinaw sa mga tao kung ano ang bumubuo sa pagsasabuhay ng pagiging normal at pagiging praktikal ng nagkatawang-taong Diyos, nitong Anak ng tao na nagtataglay ng isang espesyal na pagkakakilanlan.
Ano ang mauunawaan ninyo sa pagiging normal at pagiging praktikal ng nagkatawang-taong Diyos pagdating sa inyong literal na pag-arok, o sa maaabot ng inyong mga kuru-kuro at imahinasyon? Sa mga taon na ito ng pakikisalamuha, pakikipag-ugnayan, o pakikipag-usap sa nagkatawang-taong Diyos, ano ba talaga ang naramdaman at nakilala ninyo tungkol sa pagiging normal at pagiging praktikal ng nagkatawang-taong Diyos? Karamihan sa mga paksang pinagbahaginan noong nakaraan ay tungkol sa mga problema ng tiwaling sangkatauhan. Ibig sabihin, pinagbahaginan natin ang iba’t ibang problemang mayroon kayo, na kinasasangkutan ng mga tiwaling disposisyon, paglilingkod sa Diyos, at paggampan ng mga tungkulin, gayundin ng pagkatao, kakayahan, mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao, at mga saloobin at pananaw sa Diyos—pinag-usapan natin ang lahat ng ito. Nangaral Ako ng katotohanan at nagbigay ng mga sermon sa loob ng napakaraming taon, at lahat ng ito ay tungkol sa inyong mga problema. Sa pagkakataong ito, sa wakas ay hindi na natin pinag-uusapan ang inyong mga problema, kundi sa halip ay ang ilang bagay na may kinalaman sa nagkatawang-taong Diyos, na nagtutulot sa atin na tingnan ang mga bagay-bagay mula sa ibang anggulo. Hindi ba ninyo nakikitang medyo nakakarelaks ang paksang ito, medyo malaya sa anumang pasanin, at hindi gaanong nakakailang? (Oo.) Kung gayon, ano ang mga bagay na nakikita, napagtatanto, o nauunawaan ninyo pagdating sa pagiging normal at pagiging praktikal o sa kababaang-loob at pagiging tago ng nagkatawang-taong Diyos? Maaari kayong magsalita tungkol sa mga teorya o katunayan; ayos lang ang kahit ano. Hindi kayo makasagot—kung gayon, kadalasan ba ay wala kayong mga naiisip sa inyong mga isipan tungkol sa nagkatawang-taong laman ng Diyos? Walang kaalaman kahit kaunti? At walang anumang nararamdaman? Tiyak na mayroon, hindi ba? Minsan ay maaaring isa itong ideyang mabilis na naglalaho, minsan ay maaaring isa itong bagay na pinag-iisipan ninyo nang sandali, at minsan ay maaaring ilang malalim na impresyon na mayroon kayo sa inyong puso. Kung isa itong ideyang mabilis na naglalaho, maaaring hindi mo ito matandaan; o minsan ay may lumilitaw na isang partikular na kaisipan o pananaw sa likod ng iyong isipan, at maaaring hindi mo rin iyon matandaan. Pero minsan ay mayroon kang isang partikular na impresyon sa nagkatawang-taong Diyos, at ang impresyong ito naman ang nagdudulot na magkaroon ka ng pananaw. Iiral ang impresyong ito sa iyong isipan sa loob ng mahabang panahon. Tiyak na matatandaan mo ito. Hindi dapat blangko ang iyong isipan, hindi ba? Kaya talakayin ninyo ang inyong pagkaunawa sa pagiging normal at pagiging praktikal, o sa kababaang-loob at pagiging tago, ng nagkatawang-taong Diyos. (Diyos ko, ang pagkaunawa ko sa pagiging normal at pagiging praktikal ng nagkatawang-taong Diyos ay mayroon din Siyang mga normal na pangangailangan ng laman. Halimbawa, kapag matagal na nagsasalita si Cristo, mauuhaw Siya at kakailanganin Niyang uminom ng tubig. Kapag nakikipagbahaginan Siya sa amin sa mga pagtitipon sa loob ng tatlo o apat na oras, mapapagod din Siya at kakailanganin Niyang magpahinga. Kapag matagal Siyang naglalakad, kakailanganin din Niyang magpahinga. Ibig sabihin, sa panlabas, si Cristo ay katulad ng isang normal na tao, at taglay din Niya ang buong saklaw ng mga emosyon ng normal na pagkatao: Nakakaramdam Siya ng saya kapag nakakarinig Siya ng mga nakagagalak na bagay, at nakakaramdam ng lungkot kapag nakakarinig Siya ng mga nakakabagabag na bagay. Ang mga ito ay mga pagpapamalas din ng pagiging normal at pagiging praktikal ng nagkatawang-taong Diyos.) Nakapagsabi kayo ng ilang katunayan. Ang mga ito ay mga bagay na inyong nakita, at mga bagay rin na inyong nakakaugnayan at nararamdaman. May iba pa ba? (Diyos ko, magdadagdag ako ng isang punto: Narinig ko noon na kapag papatnubayan Mo ang ilang propesyonal na gawain, kailangan Mo ring mag-aral at umunawa ng ilang espesyalisadong kaalaman.) Ito ba ay isang bagay na narinig na ninyong lahat? Na kapag nagbibigay Ako ng patnubay sa ilang propesyonal na gawain, kailangan Ko rin itong pag-aralan sa isang praktikal na paraan, at kailangan Ko ring makaunawa at maging bihasa sa ilang nauugnay na propesyonal na kaalaman—ito ba ang impormasyong natanggap ng karamihan sa mga tao? Ito ba ang iniisip ninyong lahat? (Hindi. Halimbawa, kapag pinapatnubayan Mo ang gawain ng pangkat ng mga gumagawa ng pelikula, nanonood Ka lang ng ilang pelikula at palabas sa telebisyon paminsan-minsan para makasabay; hindi Ka partikular na naglalaan ng oras para pag-aralan ito o saliksikin ito.) Kailangang itama ang usaping ito. Talagang wala Akong lakas para maghanap ng mga mapagkukunan ng impormasyon o mag-aral ng anumang uri ng propesyonal na kaalaman. Sadya lamang na nakapanood na Ako ng ilang pelikula kaya mayroon Akong kaunting impresyon tungkol sa kung ano dapat ang hitsura ng mga ito sa pangkalahatan; bukod pa roon, batay sa ilang nauugnay na propesyonal na kaalaman na ibinigay ng mga kapatid, inaalam at hinahango Ko ang mga nauugnay na prinsipyo, at nagbibigay Ako ng kaunting patnubay para sa propesyonal na gawain. Ang mahalagang punto rito ay ang pag-arok sa mga prinsipyo, at ang pagpatnubay sa kanila batay sa mga prinsipyo. Ang mga paghihirap ng mga gumagawa ng gawain ay, sa isang banda, hindi komprehensibo ang kanilang propesyonal na kaalaman, at, sa kabilang banda, hindi nila naaarok ang mga katotohanang prinsipyo, dagdag pa ang mahina nilang kakayahan. Dahil dito, sa pagbibigay Ko sa kanila ng kaunting gabay batay sa pagkaunawa sa mga prinsipyo, mas mabuti ang mga resulta kaysa kung sila mismo ang gumawa nito. Ginagawa Ko ito batay sa prinsipyo ng pagpapakalat ng mga salita ng Diyos, pagpapatotoo sa Diyos, hindi pagbibigay-kahihiyan sa Diyos, at pagbibigay-kakayahan sa mga tao na matuto nang higit pa tungkol sa gawain ng Diyos at higit pang maunawaan ang katotohanan, at nagbunga ito ng mga partikular na resulta. Pagdating sa mga aktuwal na propesyonal na kasanayan, halos wala Ako ng mga ito. Sa simula pa lang ay wala na Ako ng espesyalisadong kaalamang iyon, at hindi Ko rin kailanman partikular na sinubukang pag-aralan ito gaya ng sinabi ninyo. Anumang uri ng propesyonal na gawain ang ginagabayan Ko, hindi Ko kailanman sinubukang pag-aralan ito, at hindi rin Ako naghanap ng mga materyal na pang-edukasyon, mga mapagkukunan ng impormasyon, o nauugnay na propesyonal na kaalaman. Sa pinakahigit, naghahanap ang mga kapatid ng ilang nauugnay na materyal na pang-edukasyon o mga halimbawa at ipinapasa ang mga ito sa Akin para tingnan, at mula sa mga ito ay humahango Ako ng ilang nauugnay na prinsipyo, at ilang paraan ng paggawa para sa propesyong iyon, at pinapatnubayan Ko ang kanilang gawain batay sa mga ito.
Tungkol sa aspektong ito, ang pagiging normal at pagiging praktikal ng nagkatawang-taong Diyos, nakita ng mga tao ang ilan sa pagiging normal at pagiging praktikal na ipinapakita ng mga instinto ng Kanyang katawang-tao. Kabilang dito ang mga instinto ng tao, pati na rin ang ilang pagpapakita at limitasyon ng iba’t ibang likas na kondisyon ng laman; ito ay pagiging normal at pagiging praktikal sa tunay na kahulugan ng mga terminong ito. Maging ito man ay ang panlabas Niyang ipinapakita, o ang Kanyang mga panloob na kaisipan at pananaw, o mga panloob na prinsipyo ng sariling asal ng Kanyang pagkatao—sa madaling salita, ang pinakasimple at pinakapangunahing pagkaunawa sa pagiging normal at pagiging praktikal ng nagkatawang-taong Diyos ay na hindi Siya pambihira, nakahihigit, o kakaiba. Ibig sabihin, mula sa panlabas na anyo ng nagkatawang-taong Diyos, wala kang makikitang anumang espesyal na pagpapamalas na naiiba sa mga ordinaryong tao. Kung hindi Siya magsasalita o gagawa ng anumang bagay, sa pagtingin lang sa Kanyang mga katangian sa mukha, sa Kanyang pisikal na anyo, at sa Kanyang buong persona, wala kang makikitang anumang kakaiba. Hindi Siya pambihira, nakahihigit, o kakaiba; isa lang Siyang ordinaryong tao. Sa tumpak o obhetibong pananalita, kung ang taong ito ay nasa gitna ng maraming tao at hindi nagsasalita, hindi gumagawa ng gawain, o hindi nagpapahayag ng katotohanan, hindi mo masasabi kung paano naiiba ang taong ito sa sinumang iba pa. Halimbawa, kung nakaupo Ako sa gitna ninyo at may pumasok na isang estranghero, makikita niyang ang anyo Ko ay katulad lang ng sa inyo. Hindi Ako nakaupo sa upuang pandangal, ni namumukod-tangi. Mayroon Akong ordinaryong anyo; hindi Ako pambihira, hindi napakataas, at hindi Ako mukhang isang uri ng dakilang tao—isa lang Akong ordinaryong tao. Kaya hindi niya masasabi kung sino ang nagkatawang-taong Diyos. Kung mamumuhay Akong kasama ng isang grupo ng mga tao, wala ka ring makikitang anumang naiiba tungkol sa Akin. Alam mo lang na ang nagkatawang-taong Diyos na ito ay babae, pero sadyang hindi mo masasabi kung sino ang nagkatawang-taong Diyos gamit ang mga mata lang, maliban na lang kung madalas kang nakikinig sa Aking mga sermon, kung gayon ay masasabi mo sa pamamagitan ng Aking boses. Kung may taong may boses na katulad ng sa Akin, maaaring magkamali pa nga ang ilang tao at ipalagay na siya ang nagkatawang-taong Diyos. Nangyayari ba ang mga gayong bagay? Nangyari na talaga ito. Ang ilang indibidwal ay mukhang nakahihigit at namumukod-tangi, partikular na nagtataglay ng awra at estilo, at mukhang partikular na marangal, tulad ng isang taong may katayuan at isang partikular na posisyon. Ang ilang hangal na kapatid, o mga taong partikular na gustong makatagpo ang nagkatawang-taong Diyos, ay magkakamali sa pag-iisip na ang gayong tao ang nagkatawang-taong Diyos, at yuyuko at luluhod pa nga sa kanya. Ang taong niyuyukuran ay nakakaramdam ng labis na katuwaan sa loob at tahimik pa nga itong tinatanggap. Kapag paalis na siya, ang mga hangal na taong iyon na yumuko at lumuhod ay lumuluha pa nga at nag-aatubiling mawalay sa kanya; hinihila nila ang kanyang damit at ayaw siyang paalisin, sinasabing, “Kailan ka babalik? Mangungulila kami sa iyo!” Sinasabi pa nga nila nang may partikular na pananabik, “Sa wakas ay nakatagpo ko na ang nagkatawang-taong Diyos. Wala akong mga pagsisisi sa buhay na ito. Kahit mamatay ako, magiging sulit ang buhay ko!” Hindi man lang nililinaw ng taong niyuyukuran ang sitwasyon. Narinig na ba ninyo ang mga gayong bagay? (Oo.) Imposibleng mangyari ang ganitong uri ng bagay sa ibang bansa. Bakit ito nangyari sa kalakhang Tsina? Dahil ang nagkatawang-taong Diyos ay nagpakita at gumawa sa Tsina, tiyak na mayroon Siyang wangis ng isang Tsino, kaya nangyari ang ganitong uri ng bagay sa kalakhang Tsina. Hindi na natin tatalakayin kung tama o mali ang dalawang panig na sangkot sa usaping ito. Tungkol sa isyung ito mismo, paano man nauunawaan ng mga tao ang pagiging normal at pagiging praktikal ng nagkatawang-taong Diyos, batay sa kanilang mga kuru-kuro, naniniwala ang mga tao na ang nagkatawang-taong Diyos ay dapat magkaroon ng isang napakataas na wangis, isang marangal na anyo, at lalo na ng isang marangal na pagkakakilanlan. Dapat din Siyang magkaroon ng isang natatanging anyo at paraan ng pagsasalita, na nagpaparamdam sa lahat ng tumitingin sa Kanya na Siya ay tulad ng Diyos, na Siya ang Diyos, nang walang katiting na pagdududa. Kung mukha Siyang hindi kapansin-pansin sa mga tao, at hindi nila makita ang awra ng Diyos o ang wangis ng Diyos sa Kanya, imposibleng Siya ang Diyos. Naniniwala ang mga tao na ang nagkatawang-taong Diyos ay tiyak na partikular na napakataas, marangal, at nagtataglay ng awra, mukhang partikular na tulad ng isang taong may maharlikang pagkakakilanlan—dapat Siyang tumayo nang tuwid kapag naglalakad Siya, dapat na maliwanag at matalas ang Kanyang mga mata, at dapat na partikular na matalim ang Kanyang tingin; dapat Niyang malaman kaagad kung ano ang iniisip ng sinuman sa pamamagitan lang ng pagtingin dito, at dapat Niyang masabi sa isang sulyap kung sino ang nagkikimkim ng pagkamapanlaban o masasamang kaisipan. Ang mga kaisipang ito na mayroon ang mga tao ay sumasalamin sa isang partikular na penomenon: Ang mga tao ay may maraming imahinasyon tungkol sa nagkatawang-taong Diyos. Pero sa katunayan, ang nagkatawang-taong Diyos ay hindi katulad ng Diyos ng mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao; mayroong pagkakaiba. Ang panlabas na anyo ng nagkatawang-taong Diyos ay partikular na ordinaryo. Hindi Siya napakataas kahit kaunti, hindi nakahihigit kahit kaunti, at hindi higit sa natural kahit kaunti; masasabi pa nga na walang anumang espesyal tungkol sa Kanya. Mula sa panlabas, halos wala Siyang ipinagkaiba sa lahat ng nilikhang tao. Ibig sabihin, halos kaparehong-kapareho Siya ng mga taong nilikha ng Diyos pagdating sa iba’t ibang kapabilidad na taglay nila, pati na rin sa mga instinto, normal na pag-iisip, at iba’t ibang abilidad ng mga tao. Ang mga ito ang mga panlabas na bagay na direktang nakikita ng mga tao gamit ang mga mata at ang nakakasalamuha nila, at naaarok at nauunawaan ng mga tao. Ang mga panlabas na bagay na ito ay madaling makita at maunawaan ng mga tao, kaya hindi ang mga ito ang magiging pokus ng ating pagbabahaginan. Ang pagiging normal at pagiging praktikal ng nagkatawang-taong Diyos, at ang Kanyang kababaang-loob at pagiging tago, ang pokus ng ating pagbabahaginan.
Tungkol naman sa kung ano ang dapat maunawaan ng mga tao tungkol sa nagkatawang-taong Diyos, maging ito man ay ang Kanyang pagiging normal at pagiging praktikal, o ang Kanyang kababaang-loob at pagiging tago, binubuo ito ng mga kaisipan o mga paraan ng pagkilala na sadyang wala sa puso ng mga tao; ang mga kaisipang ito ay hindi man lang umiiral sa loob ng kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon. May kinalaman dito ang pamumuhay ng nagkatawang-taong Diyos sa gitna ng mga tao, kung paano Siya namumuhay sa tunay na kapaligiran ng sangkatauhan, kung paano Siya umaasal sa Kanyang buhay, at kung paano Siya nagsasalita at gumagawa sa gitna ng mga tao. May kinalaman dito ang mga isyu tungkol sa diwa ng nagkatawang-taong Diyos, at ang mga isyung ito ay karapat-dapat na pagbahaginan. Ang mga aspektong ito ay mga bagay rin na hindi nakikita ng mga tao o napakahirap maunawaan ng mga tao, at siyempre, mga bagay rin ang mga ito na hindi umiiral sa pagkakilala ng mga tao o sa loob ng kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon tungkol sa nagkatawang-taong Diyos. Ibig sabihin, ang pagkakilala, pagkaunawa, at mga imahinasyon ng mga tao tungkol sa nagkatawang-taong Diyos ay halos wala namang kaugnayan sa realidad ng buhay at pag-iral ng nagkatawang-taong Diyos. Dahil dito, ang malaking bahagi ng pagkakilala ng mga tao tungkol sa diwa ng nagkatawang-taong Diyos ay hindi praktikal at hindi obhetibo, at binubuo pa nga ng ilang kuru-kuro at imahinasyon na hindi naaayon sa realidad. Ang nagkatawang-taong Diyos ay namumuhay sa gitna ng mga tao at sa materyal na mundong ito; ang Kanyang pagiging normal at pagiging praktikal ay nasasalamin sa Kanyang buhay, pati na rin sa proseso ng Kanyang pag-iral. Sa Kanyang buhay at sa proseso ng Kanyang pag-iral, sa isang banda, ang may kinalaman ay ang buhay ng katawang-taong ito, at sa kabilang banda, ang may kinalaman ay ang ministeryong ginagampanan ng nagkatawang-taong Diyos. Tingnan natin mula sa dalawang aspektong ito kung paano naiiba ang pagiging normal at pagiging praktikal na isinasabuhay at taglay ng nagkatawang-taong Diyos mula sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao—kung aling mga bahagi ng pagiging normal at pagiging praktikal na ito ang hindi maunawaan o ang binabalewala ng mga tao pagkatapos makita ang mga ito, pero sa katunayan ay mga pagpapamalas ng pagiging normal at pagiging praktikal na taglay ng nagkatawang-taong laman ng Diyos. Dahil may kinalaman dito ang buhay at pag-iral ng nagkatawang-taong Diyos, kaakibat nito ang maraming tunay na isyu, pati na rin ang maraming kaisipan at pananaw tungkol sa mga tunay na isyung ito. Ang totoo, ang mga kaisipan at pananaw na ito ay praktikal at obhetibong ipinapakita at isinasabuhay sa buhay ng nagkatawang-taong Diyos at sa ministeryong Kanyang ginagampanan. Gayumpaman, dahil nagkikimkim ang mga tao ng napakaraming kuru-kuro at imahinasyon—tungkol man sa Diyos sa langit o sa Diyos sa lupa—at dahil hungkag ang lahat ng ito at hindi naaayon sa realidad, binabalewala ng karamihan sa mga tao ang pagiging normal at pagiging praktikal, at ang kababaang-loob at pagiging tago, na nakikita ng mga tao na ipinapamalas ng nagkatawang-taong Diyos—nitong espesyal na pagkakakilanlan ng Diyos. Ang pinagtutuunan ng pansin ng karamihan sa mga tao ay ang mga tanda at kababalaghan, mga misteryo, mga higit sa natural na kakayahan, at mga bagay na malalim, engrande, o medyo nakahihigit at kakatwa, at iba pa. Subalit binabalewala ng mga tao ang mga tunay na obhetibo, praktikal, at totoong bagay na isinasabuhay at ipinapakita ng Diyos Mismo. Kahit ilang taon pang mamuhay ang nagkatawang-taong laman ng Diyos sa gitna ng sangkatauhan, dahil binabalewala ng mga tao ang mga bagay na ito, ang kanilang pagkakilala sa Diyos ay palaging nananatiling nakapako sa kanilang mga hungkag at malalabong imahinasyon. Dahil dito, ang pagkakilala ng mga tao sa Diyos ay palaging lubhang hindi obhetibo at hindi praktikal. Ngayon, sa pamamagitan ng pagbabahaginan tungkol sa paksang ito, kilalanin natin ang pagiging normal at pagiging praktikal na nasasalamin sa buhay ng nagkatawang-taong Diyos at sa ministeryong Kanyang ginagampanan. Maging ito man ay ang buhay ng nagkatawang-taong Diyos, o ang ministeryong Kanyang ginagampanan, kapwa may kinalaman sa dalawang aspekto ang pagsasabuhay ng Kanyang pagiging normal at pagiging praktikal. May kinalaman dito ang mga pananaw ng nagkatawang-taong Diyos—nitong Anak ng tao na nagtataglay ng isang espesyal na pagkakakilanlan—sa lahat ng uri ng tao, pangyayari, at bagay, at ang Kanyang mga prinsipyo at pamamaraan para sa pangangasiwa ng lahat ng uri ng mga usapin. Narinig na ninyo sa mga pagbabahaginan sa paglipas ng mga taon ang tungkol sa mga prinsipyo at pamamaraan ng pagtrato at pangangasiwa ng nagkatawang-taong Diyos sa lahat ng uri ng mga usapin, at alam na ninyo ngayon ang tungkol sa mga bagay na ito. Ang mga bagay na ito, na tila napakatayog at engrande sa inyong mga isipan, ay pawang may kinalaman sa katotohanan. Sa isang banda, kinakatawan ng mga ito ang mga layunin ng Diyos sa langit; kinakatawan ng mga ito kung ano ang hinihingi sa mga tao at kung ano ang itinuturo sa kanila ng Diyos na nagtataglay ng pagkakakilanlan at diwa ng Diyos. Sa kabilang banda, hindi maikakaila na kinakatawan din ng mga ito ang mga prinsipyo, pamamaraan, at mga kaisipan at pananaw ng nagkatawang-taong Diyos, nitong Anak ng tao, sa kung paano Niya tinitingnan o pinangangasiwaan ang lahat ng uri ng usapin. Nakipagbahaginan na Ako sa inyo nang matagal tungkol sa napakaraming nilalamang ito na kinasasangkutan ng mga katotohanang prinsipyo; maraming paksa, at medyo mahahaba ang mga ito. Sapat na ang nilalamang ito para katawanin ang mga kaisipan at pananaw, mga saloobin, at mga prinsipyo ng nagkatawang-taong Diyos—ng Anak ng tao—para sa pangangasiwa ng mga bagay sa lahat ng uri ng usapin. Hindi natin pag-uusapan ang aspektong ito ngayon.
Ang pangunahing paksang ating pagbabahaginan ay ang mga prinsipyo ng nagkatawang-taong Diyos sa sariling asal, at ang Kanyang mga paraan ng paggawa ng mga bagay, sa Kanyang buhay at pag-iral. Sa pamamagitan ng Aking pagbabahagi sa dalawang aspektong ito, mas mauunawaan ninyo ang pagiging normal at pagiging praktikal ng nagkatawang-taong Diyos, at mas mauunawaan ninyo ang nagkatawang-taong Diyos. Sa isang banda, sa pamumuhay sa gitna ng sangkatauhan, ang nagkatawang-taong Diyos ay may prinsipyo sa kung paano Siya umaasal, at mayroon din Siyang prinsipyo sa kung paano Siya gumagawa ng mga bagay. Napakasimple ng mga prinsipyong ito. Ang Aking prinsipyo para sa Aking sariling asal ay ang umasal nang sumusunod sa mga panuntunan, at ang Aking prinsipyo sa paggawa ng mga bagay ay ang tapat na gawin ang mga ito. Ang pag-asal nang sumusunod sa mga panuntunan at tapat na paggawa ng mga bagay—ang mga ito ang Aking mga prinsipyo at kredo sa kung paano Ako umaasal at kung paano Ako gumagawa ng mga bagay. Ilang salita iyon sa kabuuan? (Labing-apat na salita.) Napakasimple ng labing-apat na salitang ito, at napakadaling maunawaan ang literal na kahulugan ng mga ito. Hinding-hindi abstrakto o hungkag ang mga ito, hinding-hindi malalim, at hinding-hindi matayog at engrande. Ang pag-asal nang sumusunod sa mga panuntunan at tapat na paggawa ng mga bagay—ang mga ito ang Aking mga prinsipyo at kredo sa kung paano Ako umaasal at kung paano Ako gumagawa ng mga bagay. Sumusunod Ako sa mga prinsipyong ito kapag umaasal at gumagawa Ako ng mga bagay; ganitong-ganito Ko ito ginagawa. Nakikita ba ninyo na isa itong katunayan? Naitutugma ba ninyo ito sa mga katunayan? Sa isang banda, kapag nangangaral at nagbabahagi Ako, kapag nakikisalamuha at nakikipag-ugnayan Ako sa mga tao, at kapag nakikipag-usap Ako sa mga tao, palagi Ko silang sinasabihan na umasal sa ganitong paraan. Sa kabilang banda, Ako Mismo ay umaasal din sa ganitong paraan—hindi Ako sumisigaw ng mga islogan. Kung gayon, bakit Ko sinasabi sa mga tao ang tungkol sa mga prinsipyong ito? Ito ay dahil Ako Mismo ay gumagawa ng mga bagay at umaasal sa ganitong paraan; walang anumang malalim dito. Sinasabi ng ilang tao, “Ang mga kredo Mong ito para sa pag-asal ay masyadong simple; hinding-hindi pino ang mga ito. Hindi makakatawan ng mga ito ang pagkakakilanlan ng nagkatawang-taong Diyos!” Tama ba ito? (Hindi.) Ang pag-asal nang sumusunod sa mga panuntunan at tapat na paggawa ng mga bagay—ang mga ito ay mga prinsipyo at kredo. Isinasagawa Ko ang mga ito sa Aking pang-araw-araw na buhay, at isinasagawa Ko rin ang mga ito kapag ginagampanan ang Aking ministeryo, na ibig sabihin, kapag gumagawa ng gawain. Ganito Ako umasal, at ganito Ako gumawa ng mga bagay. Pag-usapan lang natin ang mga bagay na ito na para bang nagkukuwentuhan at nag-uusap lang tayo, para makapagrelaks kayo nang kaunti, at matuto nang kaunti pa tungkol sa Aking buhay mula sa Akin. Ayos ba iyon? (Oo.) Kung, sa isang punto ng ating pag-uusap, sasabihin ng ilan sa inyo, “Tumututol ako! Ang sinasabi Mo ay hindi naaayon sa Iyong mga pagpapamalas,” kung gayon ay susubukan Kong sabihin ito sa ibang paraan, at itatama Ko ito o iwawasto Ko ito sa hinaharap. Kung ang ilan sa inyo ay magtataas ng inyong kamay at magsasabi, “Sumasang-ayon ako! Ang sinasabi Mo ay ganap na naaayon sa nakita at narinig naming ipinamalas Mo sa Iyong buhay; ang sinasabi Mo ay isang katunayan,” kung gayon ay ipagpapatuloy Ko ito. Ayos ba iyon? (Oo.)
Ang pag-asal nang sumusunod sa mga panuntunan at tapat na paggawa ng mga bagay—sa buhay man o sa gawain, pinanghahawakan Ko ang mga kredong ito. Marahil ay labis ninyong naunawaan ang mga ito sa gawaing ginagawa Ko, kaya pag-usapan muna natin kung paano nailalapat ang mga ito sa Aking buhay. Ang nagkatawang-taong Diyos ay isang tao na nagtataglay ng isang espesyal na pagkakakilanlan sa gitna ng sangkatauhan, pero kapag gumagawa ng mga bagay ay hindi Siya umaasal na para bang espesyal Siya kahit kaunti. Hindi Niya kailanman itinuturing ang Kanyang sarili bilang isang espesyal na tao; Siya ay isa lamang ordinaryong tao. Sa alinmang bansa Siya naroon, sumusunod Siya sa mga batas at regulasyon ng bansang iyon. Kung mayroong bagay na kailangan Niyang gawin pero hindi Niya nauunawaan, agad Niyang kinokonsulta at inaalam kung ano ang isinasaad ng mga lokal na batas at polisiya, kung ano ang ilegal na gawin at kung ano ang hindi, at ginagawa Niya ito kung paano man angkop, nang hindi binibigyan ang Kanyang sarili ng espesyal na pagtrato. Ang paggawa ba ng mga bagay sa ganitong paraan ay pagiging masunurin sa mga panuntunan, at ito ba ay pagiging tapat sa paggawa? (Oo.) Ito ay pag-asal Niya nang sumusunod sa mga panuntunan at tapat na paggawa ng mga bagay. Sa isang malaya at demokratikong bansa, kung kailangan Niyang maunawaan ang mga nauugnay na batas para magawa ang mga bagay-bagay, kumokonsulta Siya sa isang abogado o inaalam Niya ang mga batas at regulasyon. Hindi Siya gumagawa ng mga ilegal na bagay, at hindi rin Niya sinasamantala ang mga butas sa batas; mahigpit Siyang sumusunod sa mga batas at regulasyon, dahil pinoprotektahan ng mga batas at regulasyon ng karamihan ng mga bansa ang mga lehitimong karapatan at interes ng mga indibidwal, at ang mga ito ang dapat sundin ng mga tao. Halimbawa, kung may itinatayo tayo sa bakuran at kailangan nating maglagay ng isang bagay roon, dapat muna nating alamin kung ano ang mga regulasyon ng gobyerno tungkol dito, kung puwede bang ilagay ang bagay na ito sa bakuran, at kung puwede, kung saan ito angkop na ilagay. Pagkatapos malinawan tungkol sa mga detalye, ginagawa natin ang mga bagay ayon sa mga regulasyon ng gobyerno. Kung hindi ito pinapayagan ng gobyerno, hindi natin ito gagawin. Hindi natin susubukang gumawa ng gulo nang walang katwiran, at hinding-hindi natin sadyang lalabagin ang batas para gawin ito. Halimbawa, kung gusto nating magtayo ng isang uri ng estruktura, kailangan nating mag-aplay para maaprubahan ito ng gobyerno. Sa sandaling aprubahan ito ng gobyerno, maaari nang magsimula ang konstruksiyon. Kapag nakompleto na ang proyekto, kailangan pa rin nitong pumasa sa inspeksiyon ng gobyerno. Kung pumasa ito sa inspeksiyon, magagamit natin ito nang may payapang isip. Ito ang proseso para sa konstruksiyon. Maaaring sabihin ng ilang tao, “Para sa ganitong uri ng maliit na proyekto, isinasaad ba ng gobyerno na kailangan nating magpaapruba? Kung opsyonal ito, hindi na kailangang magpaapruba. Makakaiwas tayo sa abala.” Sinasabi Ko, “Dapat nating tiyakin ito. Paano kung nangangailangan nga ito ng pag-apruba ng gobyerno, at hindi tayo kumuha nito—hindi ba’t lalabagin natin ang mga regulasyon? Hindi natin dapat labagin ang mga ito. Dahil itatayo natin ang estrukturang ito, dapat nating subukang magpaapruba. Kung sasabihin ng gobyerno na hindi na kailangang magpaapruba, mapapanatag tayo na hindi mag-aplay para dito. Kung sasabihin ng gobyerno na dapat itong aprubahan, ang pag-aplay natin para sa pag-apruba ay magiging makatwiran at sumusunod sa batas.” Para sa anumang bagay na may kinalaman sa batas o mga regulasyon ng gobyerno, dapat tayong kumonsulta at makatiyak. Kung hindi, magdudulot ito ng malaking problema kung magkaaberya. Ang isang pangunahing panuntunan sa pamumuhay sa ibang bansa ay ang huwag gumawa ng anumang ilegal o anumang bagay na lumalabag sa mga regulasyon ng gobyerno. Halimbawa, kung nakatira tayo sa kanayunan at gusto nating mag-alaga ng mga manok o tupa, kailangan nating magpaapruba sa gobyerno. May mga detalyadong regulasyon ang gobyerno para sa mga bagay na ito, at hinding-hindi tayo dapat lumabag sa mga ito o sumubok na kumuha ng mga espesyal na pribilehiyo. Kung lalabagin natin ang mga regulasyon ng gobyerno at mahuhuli tayo, magdudulot ito ng malaking problema. Kaya hinihingi nito na sumunod tayo sa batas, at kasangkot din dito ang mga prinsipyo ng ating pag-asal at pamumuhay. Saanman tayo manirahan, dapat tayong umasal nang sumusunod sa mga panuntunan at tapat na gumawa ng mga bagay. Sa Aking pang-araw-araw na buhay, nakikipag-ugnayan din Ako sa Aking mga kapitbahay nang sumusunod sa mga panuntunan. Hindi Ako gumagawa ng ingay o nanggugulo ng iba. Anuman ang isinasaad ng gobyerno, dapat tayong sumunod dito. Kahit na mag-alaga ka ng aso, kailangan mo itong alagaan nang maayos para hindi ito palaging tumatahol at nakakaabala sa pahinga ng mga kapitbahay. Lalo na tuwing Sabado at Linggo kapag nasa bahay ang lahat ng iyong kapitbahay, kailangan mong maging mas maingat pa na huwag silang guluhin. Kapag umuulan ng niyebe sa taglamig, kailangan mong maghintay hanggang pagkalipas ng alas-otso ng umaga para simulan ang paglilinis ng niyebe. Ang paglilinis ng niyebe nang masyadong maaga ay lumilikha ng ingay na makagugulo sa pahinga ng iyong mga kapitbahay at magdudulot ng pagkainis nila. Kung may malilinaw na regulasyon ang gobyerno, kailangan mong sumunod sa mga ito. Huwag mong sadyang labagin ang mga regulasyon ng gobyerno; huwag mong kalabanin ang gobyerno. Ito ay tinatawag na pag-asal nang sumusunod sa mga panuntunan. Saanman Ako manatili, halos hindi Ako gumagawa ng ingay. Hindi Ako kailanman nagpapatugtog ng musika sa labas, at hindi Ako nag-iingay o nagsasalita nang malakas. Kapag inilalakad ang aso, hindi Ko ito hinahayaang palaging tumahol. Ginagawa Ko ang Aking pinakamakakaya upang hindi Ko magulo ang Aking mga kapitbahay, hindi mapakialaman ang kanilang buhay, at hindi sila inisin. Hindi ba’t ito ay pag-asal nang sumusunod sa mga panuntunan? (Oo.) Iyan ang dahilan kung bakit maraming taon Ko na ngayong nakakasundo ang Aking mga kapitbahay. Namumuhay kami nang mapayapa kasama ang isa’t isa, nagbabatian kapag nagkikita kami, at namumuhay nang magkakasama sa isang palakaibigan at mapayapang paraan. Saanman tayo manirahan, dapat tayong sumunod sa mga panuntunan kapag nakikipag-ugnayan sa ating mga kapitbahay. Hindi tayo dapat magdulot ng problema sa kanila, at hindi rin natin kailangang maging sunud-sunuran—dapat nating tratuhin nang tama ang iba at gawin ang mga bagay nang patas at makatarungan. Kung gagawin natin ito, hindi magkakaroon ng anumang alitan sa paglipas ng panahon.
Tungkol naman sa aspekto ng pag-asal ng nagkatawang-taong Diyos nang sumusunod sa mga panuntunan, sinasabi ng ilang tao, “Hindi ba’t napakanormal na bagay nito?” na sinasagot Ko ng, “Talagang tama ka; ganoon lang ito kanormal.” Saan nagmumula ang pagiging normal na ito? Nagmumula ito sa konsensiya at katwiran ng pagkatao. Dahil mismo nagtataglay ang nagkatawang-taong Diyos ng ganap na konsensiya at katwiran ng normal na pagkatao, pagdating sa sariling asal—na isang bagay na itinuturing ng mga tao na isang napakakaraniwang isyu—ang prinsipyong sinusunod Niya ay napakakaraniwan din: ang pagiging masunurin sa mga panuntunan. Pagkatapos marinig ito, maaaring sabihin ng ilang tao, “Ano ba ang napakahalaga rito? Karapat-dapat man lang ba itong banggitin? Ito ba ay pagiging normal at praktikal? Mga di-mahalagang usapin ang mga ito.” Gayumpaman, ang pag-asal ng nagkatawang-taong Diyos nang sumusunod sa mga panuntunan ay isang pagpapamalas ng Kanyang pagiging normal at pagiging praktikal, kaya karapat-dapat itong pag-usapan, at makabuluhan para sa mga tao na magkaroon ng pagkakilala tungkol dito. Iniisip ng mga tao na karaniwan lang para sa Akin na umasal nang sumusunod sa mga panuntunan. Pero paano kung binigyan Ko ang Aking sarili ng espesyal na pagtrato sa lahat ng aspekto ng Aking buhay, at ipinagmalaki Ko ang Aking sarili sa bawat pagkakataon, sinasabi Ko, “Ako si Cristo. Galing Ako sa langit. Wala Akong katulad. Sa gitna ng sangkatauhan, Ako ay bukod-tangi. Ang buong sangkatauhan, lahat ng buhay na nilalang, at lahat ng nilikha ay dapat na yurakan sa ilalim ng Aking mga paa. Ang lahat ng bagay ay Aking tuntungan. Mananampalataya man sa Diyos o walang pananampalataya ang isang tao, dapat na yumukod at sumamba ang lahat sa Akin. Kapag lumalapit sila sa Akin, dapat silang lahat ay maging magalang at mapitagan”? Magiging normal ba ito? (Hindi.) Hindi iyon magiging normal. Nakikita mo ba na umaasal Ako nang ganoon? (Hindi.) Hindi Ako umaasal nang ganoon. Nakakasundo Ko ang lahat ng nakakasalamuha Ko, lalo na ang mga walang pananampalataya. Tinatrato Ko sila at nakikipag-ugnayan Ako sa kanila ayon sa mga panuntunan at etiketa. Kapag nakikipagtalakayan o kumokonsulta tungkol sa anumang bagay sa mga tao, partikular Akong magalang sa kanila. Kapag mayroong bagay na hindi Ko nauunawaan, nagtatanong at nag-uusisa Ako nang higit pa, at napakatiyaga ng ilang tao sa pagtulong na sagutin ang Aking mga tanong. Siyempre, hindi sa umaasal lang Ako nang sumusunod sa mga panuntunan para suklian ang pagtrato nilang ito; sa halip, ito ay dahil, sa pamumuhay sa tunay na kapaligirang ito, likas na sumusunod ang nagkatawang-taong Diyos sa gayong prinsipyo kapag nakikipag-ugnayan sa mga tao at gumagawa ng mga bagay-bagay. Halimbawa, ang aklatan ay isang lugar para sa pagbabasa at pag-aaral. Kapag pumunta ka roon, dapat kang sumunod sa mga panuntunan nito. Hindi ka puwedeng maging maingay, at dapat mong subukang umiwas sa pagsasalita hangga’t maaari. Kung gusto mong magsalita, dapat na hinaan mo ang iyong boses o lumabas ka, at lalo na kung tumunog ang iyong telepono, dapat kang agad na lumabas para sagutin ito, ang lahat ng ito ay para hindi magulo o maapektuhan ang pagbabasa ng iba. Ito ay tinatawag na pagsunod sa mga panuntunan. Sa ganitong uri ng kapaligiran, kung makakatanggap Ako ng tawag, lalabas Ako para sagutin ito. Sinasabi ng ilang tao, “Sino ba ang hindi nakakaalam nito?” Mayroon talagang mga tao na hindi nakakaalam nito. Sa ilang restawran, supermarket, at mga lugar kung saan pumupunta ang mga tao para gumawa ng mga bagay-bagay sa Kanluran, madalas kang makarinig ng ilang tao na nagsasalita nang napakalakas, at partikular na nasusuklam ang mga serbidor at kawani roon. Partikular na hindi nauunawaan ng ilang Asyano ang mga panuntunan kahit kaunti at nagmumukha silang napakababa ng uri. Sa ilang lugar, may malilinaw na nakasulat na panuntunan, pero umaasal sila na para bang hindi man lang nila nakita ang mga ito. Kahit na makakita sila ng mga panuntunan na nakasulat sa kanilang sariling wika, hindi sila sumusunod sa mga ito, at nilalabag pa nga nila ang mga ito. Kapag pinapaalalahanan sila ng mga kawani, nakikipagtalo pa nga sila sa mga ito. Hindi ba’t ito ay pagpapahiya sa sarili? Sanay ang ilang tao na maghari-harian sa kanilang sariling bansa. Kapag pumunta sila sa Kanluran, iniisip pa rin nilang teritoryo nila ito, umaasal nang agresibo at nagmamalaki na parang mga gorilya, hindi sumusunod sa mga panuntunan kahit kaunti. Bilang resulta, saanman sila magpunta ay kinamumuhian at kinasusuklaman sila ng mga tao. Nagdudulot pa nga ng gulo ang ilang tao kapag kumukuha ng pagsusulit sa DMV. Pagkatapos, kapag nakikita nila ang kanilang mga kababayan, ipinapahayag pa nga nila, “Tayong mga Tsino ay malaya saanman tayo magpunta. Kahit kailan ay ayaw na ayaw natin sumunod sa mga panuntunan. Habang mas kaswal tayo, mas mabuti. Kung may sinumang susubok na disiplinahin ako, gagawa ako ng malaking eksena!” Hindi ba’t isang buhay na diyablo ang taong tulad nito? Sa tingin mo ba, ikaw ay nasa sarili mong bansa, kung saan puwede kang maghari-harian kung mayroon kang kapangyarihan at impluwensiya? Nasa ibang bansa ka, sa isang bansa na pinamamahalaan ng batas. Kung lalabagin mo ang mga batas at regulasyon, kailangan mong pasanin ang legal na pananagutan. Ang pagsunod sa mga batas at regulasyon ang pinakamaliit na dapat gawin ng isang tao. Kung hindi man lang nauunawaan ng isang tao ang mga pangunahing panuntunang ito, ganap siyang walang wangis ng tao.
Sa pangkalahatan ay napakaingat Ko sa mga pampublikong lugar. Lalo na kapag pumupunta Ako sa mga ahensya ng gobyerno para mag-asikaso ng mga usapin, kumikilos Ako nang may pag-iingat at iniiwasan Kong labagin ang kanilang mga panuntunan. Anumang form ang sagutan Ko o anumang mga tanong ang sagutin Ko, palagi Akong kumikilos ayon sa mga panuntunan. Pagkatapos mag-asikaso ng mga usapin nang ilang beses, nagkaroon na Ako ng karanasan. Madali ang pagsunod sa mga panuntunan; ang nakakabahala ay ang hindi pagkaunawa sa mga panuntunan. Huwag nang isipin ang pagpapahiya sa sarili—maaari ba itong makaapekto sa paggawa ng mga bagay-bagay? Maaari, kaya dapat umasal ang isang tao nang sumusunod sa mga panuntunan. Sa pangkalahatan ay nagagawa ng mga taga-Kanluran ang mga bagay na ito. Ang nagkatawang-taong Diyos ay may normal na pagkamakatwiran at konsensiya, kaya siyempre ay nagagawa rin Niya ang mga ito, at maagap Niya itong ginagawa. Hindi Niya inuuri ang Kanyang sarili bilang bukod-tangi sa gitna ng nilikhang sangkatauhan, at hindi rin Niya kailanman nilalampasan ang mga batas at regulasyong ito para maghanap ng pribilehiyo para sa Kanyang sarili. Anumang transaksiyon ang inaasikaso Ko sa isang ahensya ng gobyerno, palagi Kong sinusunod ang mga proseso. Hindi Ako kailanman gumigiit, sinasabing, “Mayroon Akong espesyal na katayuan at espesyal na pagkakakilanlan. Puwede ba ninyo Akong bigyan ng kaunting espesyal na pagtrato?” Sa isang banda, hindi Ako kumokonsulta sa sinuman para hanapin ang ganitong uri ng paraan. Sa kabilang banda, hindi Ako kailanman nagdarasal sa Diyos sa langit, sinasabing, “Diyos Ko, puwede Ka bang gumawa ng mga tanda at kababalaghan para sa Akin, isinasakatuparan ang usaping ito nang agaran, para hindi Ko na kailangang sundin ang mga prosesong ito tulad ng ginagawa ng mga tao?” Hindi Ako kailanman nagdarasal nang ganito; sa halip, inaasikaso Ko ang mga usapin ayon sa mga proseso nang sumusunod sa mga panuntunan. Siyempre, kapag inaasikaso ang mga usaping ito, nakakaharap Ko rin ang ilang espesyal na sitwasyon. Ang mga espesyal na sitwasyon ay nangangailangan ng espesyal na pangangasiwa. Kung kailangang magbayad ng bayarin, binabayaran Ko ito. Kung kailangan Kong maghintay, naghihintay Ako. Kung kailangan Kong mag-aplay para sa isang bagay o kumuha muli ng kumpirmasyon mula sa gobyerno, kung gayon ay nag-aaplay Ako at kumukuha muli ng kumpirmasyon. Tiyak na mahigpit Kong susundin ang mga proseso ayon sa mga batas at regulasyon, at hindi Ako lalampas sa awtoridad ng sinuman. Namimili man Ako sa isang supermarket o nag-aasikaso ng mga usapin sa isang ahensya ng gobyerno, kung pumipila ang mga tao, pumipila Ako kasama nila. Kapag Ako na ang kasunod, mabilis Akong humahakbang pasulong. Anuman ang ipagawa nila sa Akin, ginagawa Ko ito nang sumusunod sa mga panuntunan ayon sa kanilang mga hinihingi. Ganito Ako umasal. Kapag nakakaharap ng mga bagay sa buhay, ganito Ako kumikilos at dumaranas ng mga ito. Bagama’t may ilang espesyal na pagkakataon kung saan makararanas Ako ng ilang pagkaagrabyado, hindi nito kailanman naaapektuhan ang Aking mga kredo ng “pag-asal nang sumusunod sa mga panuntunan at tapat na paggawa ng mga bagay.” Ginagawa Ko pa rin kung ano ang dapat Kong gawin. Ako, sa partikular, ay mukhang Asyano, may maliit na pangangatawan at pangkaraniwang hitsura, hindi nagsasalita nang may malakas na boses, at mukhang ordinaryo at pangkaraniwan sa mga tao, hindi namumukod-tangi sa karamihan, at hindi nakakakuha ng atensiyon ng sinuman kahit kaunti. Samakatwid, kapag nag-aasikaso ng mga usapin sa ilang espesyal na kapaligiran, nahaharap Ako sa iba’t ibang antas ng diskriminasyon, o nakakatanggap ng iba’t ibang antas ng “espesyal na pagtrato.” Kung nakaharap ninyo ang mga bagay na ito, ano ang gagawin ninyo? Makikipagtalo ba kayo sa mga taong iyon, magsasampa ng reklamo laban sa kanila, o magdarasal sa Diyos na isumpa sila? Aling pamamaraan ang gagamitin ninyo? (Kung naaangkop ang sitwasyon, baka makipagtalo ako sa kanila.) At magdarasal ka ba sa iyong puso na isumpa sila? (Hindi ako aabot sa ganoon, pero medyo magagalit ako sa loob-loob ko.) Kapag tinatrato ka nang naiiba o nakakaranas ka ng diskriminasyon, dapat mong pakalmahin ang mga bagay-bagay. Ako naman, hindi Ako nagdarasal na isumpa sila, at hindi rin Ako nakikipagtalo o nakikipag-away sa kanila tungkol sa mga bagay-bagay. Sa halip, pinakakalma Ko muna ang mga bagay-bagay at hinaharap ang mga ito nang tama. Makakaramdam Ako ng kaunting di-pagkakomportable sa Aking puso, pero pagkalipas ng ilang araw, magiging maayos din Ako; matatanggap Ko rin ito. Kahit na magtiis ka ng pang-iinsulto sa iyong dignidad at integridad, hindi ka maaaring magpakita ng pagkamainitin ng ulo; hindi mo maaaring pangasiwaan ang mga bagay nang may pagkamainitin ng ulo. Kung gayon, paano mo dapat pangasiwaan ang mga ito? Kung may magdidiskrimina laban sa iyo o mang-iinsulto sa iyo, dapat mo siyang tratuhin nang may pasensiya, lumayo ka sa kanya, at huwag kang magpakita ng pagkamainitin ng ulo; kung magkagayon ay wala siyang magagawa sa iyo. Ituring mo na lang na isang aral ang magkaroon ng kaunting kawalan sa pagkakataong ito. Kung makaharap Ako ng ganitong uri ng bagay, dahil sa pagkamakatwiran at konsensiya ng Aking normal na pagkatao, masasaktan Ako, at mararamdaman Ko rin na nakaranas ng dagok ang Aking integridad at dignidad. Makakaramdam Ako ng di-pagkakomportable at pasakit sa loob-loob Ko. Pero hinding-hindi Ako makakaramdam ng pagkaagrabyado nang dahil sa mayroon Akong espesyal na pagkakakilanlan at espesyal na katayuan, lalong hindi Ko kamumuhian o isusumpa ang mga nagdidiskrimina sa Akin. Habang tumatanda Ako, mas nararamdaman Ko na ang mga bagay na ito ay lubhang normal. Sa pamumuhay sa mundong ito ng tao, sa gitna ng gayong tiwaling sangkatauhan, ang mga bagay na ito ay lubhang normal. Ganito ang pakiramdam Ko hindi dahil sanay na Ako sa gayong mga bagay at naging manhid na Ako sa mga ito, kundi dahil ang mga tao ay pawang mga tiwaling tao. Ang diskriminasyon nila ay hindi personal na nakapuntirya sa iyo; sa halip, ang buong lahi ng tao ay ganito. Tingnan mo, sa US, isang bansang may iba’t ibang lahi ng mga imigrante, sasabihin ng mga tao ng bawat lahi na nakaranas sila ng diskriminasyon; kahit ang mga puti ay sasabihin ito. Makakaharap ang mga tao ng diskriminasyon sa iba’t ibang pagkakataon, sa iba’t ibang kapaligiran, at sa gitna ng iba’t ibang grupo ng mga tao. Minsan, ito ay diskriminasyon mula sa ibang mga lahi, at minsan ay nakakaharap din ang isang tao ng ilang diskriminasyon o hindi patas na pagtrato mula sa sarili niyang lahi. Ang itinuturing mong diskriminasyon ay maaaring ang pinakakaraniwang paraan lang ng pangangasiwa sa mga bagay-bagay pagdating sa pagtrato ng mga tiwaling tao sa isa’t isa. Ganitong-ganito ang sangkatauhang ito, kaya huwag mong masyadong seryosohin ang gayong mga bagay. Normal lang ang magalit, pero dapat mong mabilis na matalos ang mga usaping ito at pagkatapos ay bitiwan ang mga ito. Huwag mong harapin ang mga ito nang may pagkamainitin ng ulo. Huwag mong isipin na maghiganti sa sinuman at huwag kang magdasal na isumpa ang sinuman. Huwag mong isipin na hindi ka karaniwan. Isa kang karaniwang tao, at ganoon ka tinatrato ng iba. Kung nakikita nilang madali kang kayan-kayanin, aapihin ka nila. Hindi ba’t ganap na normal ito? Huwag kang umasa sa mga kuru-kuro at imahinasyon para isipin na, “Hindi ako isang karaniwang tao. Mayroon akong napakataas na halaga at napakataas na katayuan. Magdarasal akong isumpa ang sinumang mang-aapi sa akin. Kung sasabihin ko sa iyo kung sino ang sumusuporta sa akin, matatakot ka nang sobra. Kapag hawak ko na ang kapangyarihan sa hinaharap, paluluhurin kita at pagmamakaawain, at payuyukuin kita nang paulit-ulit na parang manok na tumutuka ng bigas.” Hindi Ako kailanman nagkaroon ng gayong mga kaisipan. Mayroong diskriminasyon saanman sa mundo. Ang diskriminasyon ng mga tao ay hindi lamang nakapuntirya sa iyo. Ang mundong ito mismo ay puno ng kawalan ng katarungan, diskriminasyon, lahat ng uri ng kabuktutan, at lahat ng uri ng paggawa ng kasamaan. Kapag nakakaharap Ako ng gayong mga bagay, dahil hindi Ko tinatrato ang Aking sarili bilang anumang uri ng espesyal na tao, napakadali para sa Akin na bitiwan ang mga bagay na ito. Hindi ba’t ito ay pagsunod din sa mga kredo ng pag-asal nang sumusunod sa mga panuntunan at tapat na paggawa ng mga bagay? (Oo.)
Sa Kanyang buhay, hindi maiiwasang makisalamuha at makisama ng nagkatawang-taong Diyos sa mga tao, kabilang na ang ilang kapatid na nananampalataya sa Diyos, gayundin ang ilang walang pananampalataya. Kapag nakikisalamuha sa mga kapatid na nananampalataya sa Diyos, siyempre ay mayroon din Siyang ilang prinsipyo para sa pag-asal at pagharap sa mga bagay-bagay pagdating sa pagkatao. Bagama’t hindi Siya mahigpit na sumusunod sa mga panuntunan ng kagandahang-asal at pagtanaw ng utang na loob at sa mga kalakaran ng mundo, pagdating sa pakikipagpalitan ng pabor, nagsisikap Siyang hindi manamantala sa iba o maghanap ng pribilehiyo para sa Kanyang sarili. Kapag ginugugol ng ilang kapatid ang ilan sa kanilang lakas at oras sa pag-aasikaso ng mga personal na usapin para sa Akin, hahanap Ako ng pagkakataon na bigyan sila ng maliit na regalo, bisitahin sila, ilibre sila ng pagkain, o gumawa ng iba pang bagay. Hindi ito panunuhol; ito ay kagandahang-asal at pagtanaw ng utang na loob, at hindi pananamantala sa iba. Para naman sa mga kapatid na wala pa Akong anumang pribadong pakikipag-ugnayan, hindi Ako kailanman nagbigay ng mga regalo sa sinuman sa kanila nang dahil lang sa mayroon silang katayuan o nakapag-ambag sila sa sambahayan ng Diyos, at hindi rin Ako nagbigay sa sinuman sa kanila ng mga bagay o espesyal na pagtrato dahil pinahahalagahan Ko sila o mayroon Akong maayos na ugnayan sa kanila. Hindi kailanman nangyari ang gayong mga bagay. Sa madaling salita, kapag nakikisama at nakikisalamuha sa mga tao, nagsisikap Akong hindi manamantala sa kanila o maghanap ng pribilehiyo para sa Aking sarili. Hindi magiging dahilan ang Aking espesyal na pagkakakilanlan para isipin Kong, “Paano man kita gamitin ay angkop lang, at dapat mo itong tanggapin; isa itong pagtataas sa iyo.” Hindi Ako mag-iisip nang ganito. Kung mag-aasikaso ka ng ilang personal na usapin para sa Akin, mga usaping labas sa gawain ng iglesia, tatandaan Ko ang pabor na ito at susuklian kita. Sa batayang ito, makikipagpalitan Ako ng pabor sa iyo. Lalong tiyak na pagdating sa mga walang pananampalataya—kung may inasikaso ang isang walang pananampalataya para sa Akin at gumastos siya ng partikular na halaga ng pera, una sa lahat, titiyakin Kong hindi Ako magkakaroon ng pinansyal na pagkakautang sa kanya. Hindi Ko siya hahayaang magbayad mula sa sarili niyang bulsa; bibigyan Ko siya kung magkano man ang kailangang pera. Dagdag pa rito, sa pag-aasikaso ng usaping ito para sa Akin ay labis siyang nag-abala, nagpakapagod nang husto, at nagparoo’t parito, kaya dapat Ko siyang bigyan ng regalo bilang kagandahang-asal, bigyan ng kaunting kompensasyon para sa pabor, at hindi samantalahin. Ginagawa niya ang gawaing ito at ito ang ikinabubuhay niya; hindi Ko siya puwedeng hayaang malugi o magbayad ng pera mula sa sarili niyang bulsa dahil may inasikaso siya para sa Akin. Hindi iyon magiging angkop. Kaya, hindi Ako naghahanap ng pribilehiyo para sa Aking sarili sa gayong mga usapin. Siyempre, hindi ito pagsunod sa mga panuntunan ng laro; kundi dapat lang sumunod ang isang tao sa mga pinakapangunahing kalakaran ng mundo at sa kagandahang-asal at pagtanaw ng utang na loob; walang mga eksepsiyon ang maaaring gawin sa usaping ito. Kung sasabihan mo ang isang tao na mag-asikaso ng isang usapin at hindi mo siya babayaran, at palagi mong sinusubukang manamantala sa kanya, isa itong pagpapamalas ng kawalan ng integridad. Ano ang Aking mga prinsipyo sa mga usaping ito? Kung may gusto kang ipagawa, at angkop ang planong ibinibigay niya at kaya mong bayaran ang presyo niya, ituloy mo ito. Kung hindi mo ito kayang bayaran, huwag mo itong ituloy; humanap ka ng mas murang gagawa nito. Gawin mo lang kung ano ang kaya mong bayaran. Huwag mong akuin ang higit sa iyong makakaya, at huwag mong isipin kung paano ka makapananamantala ng iba. Kung wala kang pinansyal na kakayahan para maasikaso ito, manghiram ka ng pera, umutang ka, o maghintay ka hanggang sa kumita ka ng sapat na pera para magawa ito. Sa madaling salita, gumawa ka ng sarili mong paraan; hindi ka puwedeng manamantala ng iba. Kung ito ang propesyon nila, kapag may inasikaso sila para sa iyo, dapat mong tuparin ang pangako mo at bayaran mo sila. Ito ay ganap na likas at may katwiran. Ang hindi pananamantala ng iba, hindi panlilinlang ng iba, hindi pagkakautang sa iba, hindi pag-asal nang walang-hiya, at hindi pagkakaroon ng mga utang—ito ay tinatawag na pag-asal nang sumusunod sa mga panuntunan. Kapag nahihirapan ka, huwag mong ibuhos ang mga problema mo sa iba; kapag mahirap ka, huwag kang manamantala ng iba; kapag mayaman ka, huwag mong ipagmayabang ang yaman mo; at huwag kang magmalaki dahil sa iyong pagkakakilanlan at katayuan. Ito ang Aking kredo sa pakikisalamuha sa mga tao at pagharap sa mga usapin. Halimbawa, minsan ay hahanap Ako ng isang tao para mag-asikaso ng isang bagay para sa Akin. Sabihin na nating karaniwan ay nagkakahalaga lang ito ng isang libong dolyar, pero nanghihingi siya ng limang libo. Bagama’t kaya Ko itong bayaran, hindi Ko tatanggapin na madaya nang ganito. Gumagastos Ako kung magkano man ang karaniwang kailangan para magawa ito, at hindi Ako nakikipagtawaran sa mga tao. Kung hindi Ko ito kayang bayaran, hahanap Ako ng mas mura. Hinding-hindi Ako aasal nang walang kahihiyan, at hindi Ko rin sasabihing mahirap Ako para pababain nila ang presyo; hindi Ako kailanman nagsasabi ng gayong mga bagay. Nagbibigay Ako kung magkano man ang kailangang pera para maasikaso ito, nagbabayad ayon sa presyo ng merkado at kumikilos ayon sa mga panuntunan. Sadyang ganito Ako kahigpit. Ang ilang mayamang tao ay partikular na pasikat at hambog. Nagsusuot sila ng mga mamahaling tatak, mga diyamanteng singsing, at mga kuwintas, ginagayakan ang kanilang sarili mula ulo hanggang paa ng mga nakakasilaw na alahas. Bukod pa rito, nagsusuot sila ng mga sapatos na mataas ang takong saanman sila magpunta, at sa pangkalahatan ay iniiwasan nilang maglakad sa mga karpet, iniisip na masyadong hindi kapansin-pansin iyon kapag walang tunog—partikular silang naglalakad sa mga sahig na gawa sa marmol o kahoy para mapansin ng mga tao ang pagdating nila. Hindi man lang nila hinuhubad ang kanilang mamahaling sunglasses kapag pumapasok sa isang silid, at sinusuri nila ang silid mula sa pintuan para makita kung sino ang naroon, na para bang sinasabing, “Nakita ba ninyo na dumating na ang reyna?” Saanman sila magpunta, dapat muna silang magmalaki. Kapag nagsusuot Ako ng sunglasses kapag lumalabas Ako sa tag-araw, agad Ko itong inilalagay sa Aking bag kapag nakarating na Ako sa Aking paroroonan, kundi ay baka makita Ako ng mga tao na nakasuot ng sunglasses at isipin nilang nagmamalaki Ako, na maaaring magdulot ng mga maling pagkaunawa. Karamihan sa mga sapatos na isinusuot Ko ay may mga swelas na goma o foam, at sinusubukan Kong hindi gumawa ng anumang ingay kapag naglalakad. Kapag pumupunta Ako sa isang lugar para mag-asikaso ng mga usapin, kung kailangan Kong pindutin ang doorbell, ginagawa Ko iyon. Kung hindi Ko kailangang pindutin ang doorbell, pagpasok Ko, sinasabihan Ko muna ang receptionist na may appointment Ako kay ganito-at-ganyan sa isang partikular na oras, at pagkatapos ay uupo Ako roon at maghihintay. Nakikita Ko ang ilang tao na nakaupo at nakatingin sa kanilang mga telepono kapag wala silang ginagawa. Nakadekuwatro sila, ipinapalis-palis ang kanilang kinulot na buhok, at mayroon silang mamahaling bag sa tabi nila—masyado silang pasikat. Saanman Ako magpunta, partikular Akong umaasal nang hindi kapansin-pansin. Naghahanap Ako ng sulok na mauupuan, niyayakap Ko ang Aking bag sa Aking dibdib para maiwasang mahablot ito ng masasamang tao. Maingat Ako at nananatiling umaasal nang hindi kapansin-pansin. Kapag Ako na ang tinatawag, mabilis Akong pumupunta para asikasuhin ang usapin nang hindi nag-aaksaya ng oras, sinusubukang hindi makakuha ng atensyon hangga’t maaari. Sumusunod Ako sa mga panuntunan kapag nag-aasikaso ng mga bagay-bagay at hindi Ako nagkakautang sa mga tao. Saanman Ako magpunta, pinapanatili Kong kontrolado ang Aking mga kilos; ayaw Kong makakuha ng atensyon ng sinuman. Ibig sabihin, saanman Ako magpunta para mag-asikaso ng isang bagay, tahimik Akong kumikilos, hindi kailanman nag-iingay nang husto na nagiging kapansin-pansin ang Aking presensya. Kapag nakikisalamuha sa mga walang pananampalataya, kung karaniwang mayroon silang mga partikular na panuntunan para sa pag-aasikaso ng mga bagay-bagay, sinusunod Ko ang mga panuntunang iyon. Halimbawa, ang panuntunan sa ganito-at-ganyang industriya ay na pagkatapos asikasuhin ng isang tao ang isang usapin para sa iyo, kailangan mo siyang ilibre ng pagkain. Batay sa presyo ng aming transaksyon, ang pagkain ay karaniwang dapat magkahalaga ng humigit-kumulang labinlimang dolyar, kaya inililibre Ko siya ng pagkain na nagkakahalaga ng ganoon. Sinasabi ng ilang tao, “Dahil inililibre Mo siya ng pagkain, gumastos Ka ng kaunti pang pera para magpasikat.” Hindi iyon kinakailangan. Anuman ang kanilang mga panuntunan, sinusunod natin ang mga ito. Huwag lumampas sa nararapat, at huwag mag-aksaya ng pera para lang magpasikat. Sa Kanluran, kapag sinasabihan ang isang tao na mag-asikaso ng isang bagay para sa iyo, o umuupa ng mga manggagawang bayad kada oras o mga trabahador at iba pang gaya nito, nakagawian na ang magbigay ng tip. May mga panuntunan ang ilang industriya tungkol sa halaga ng tip, habang ang iba ay wala. Para sa mga walang gayong panuntunan, kadalasan, dahil sa pagiging magalang at paggalang sa manggagawa, nagbibigay Ako ng makatwirang tip batay sa kanyang singil, sa kalidad ng kanyang gawain, at sa kanyang saloobin. Kung maganda ang trabaho niya, bibigyan Ko siya ng dagdag na limang dolyar; kung karaniwan lang ang ginawa niya at ayaw Ko na siyang kunin ulit sa hinaharap, hindi Ko siya bibigyan ng dagdag na pera, pero hindi Ko siya bibigyan ng mas mababa kaysa sa kinita niya. Tungkol naman sa pagbibigay ng mga tip, hindi Ko tinatrato ang Aking sarili na parang isang mayamang negosyante at sadyang ipinagmamayabang ang Aking yaman, naglalabas ng isang dakot na pera at ibinibigay ito sa isang tao nang hindi ito binibilang. Hinding-hindi Ko ginagawa ang gayong mga bagay. Sa halip, bago siya magsimulang magtrabaho, inihahanda Ko na nang maaga ang pera batay sa kanyang singil at ibinibigay ito sa kanya kapag aalis na siya. Lubos na nasisiyahan dito ang karamihan sa mga tao. Maituturing din itong isang panuntunan para sa pag-aasikaso ng mga usapin sa Kanluran. Dahil isa itong panuntunan, dapat natin itong sundin at huwag labagin. Kung bago ka sa isang lugar at hindi mo nauunawaan ang mga panuntunan, pinakamainam na pag-aralan mo ang mga ito. Sa sandaling maunawaan mo ang mga ito, huwag kang magkunwaring walang alam; gawin mo ang iyong buong makakaya na asikasuhin ang mga usapin ayon sa mga panuntunan. Siyempre, hindi sa natatakot Ako na husgahan Ako ng mga tao habang nakatalikod Ako o sabihin nilang hindi Ako umaasal nang sumusunod sa mga panuntunan—hindi ito dahil sa takot sa mga bagay na ito. Sa halip, pakiramdam Ko ay ganito ito dapat gawin; ito ang dapat Kong gawin. Sinasabi ng ilang tao, “Kung babawasan Mo ng sampung dolyar ang ibibigay Mo sa kanila, hindi ba’t magkakaroon Ka ng sapat para sa dagdag na pagkain?” Hindi mo ito puwedeng tingnan sa ganoong paraan. Iyon ang kinita nila. Kung kulang ng sampung dolyar ang ibibigay mo sa kanila, katumbas ito ng pagkuha ng sampung dolyar mula sa kanila. Ang paggamit sa perang kinuha mo mula sa iba para sa sarili mong mga gastusin ay kawalan ng konsensiya. Ang paggawa ng mga bagay na labag sa iyong konsensiya ay hindi kaayon ng pagkatao; ito ay kawalan ng pagkatao. Kung susubukan mo silang bayaran nang kulang nang tulad niyon, hindi ka umaasal nang sumusunod sa mga panuntunan. Ang pag-asal nang sumusunod sa mga panuntunan ay nangangahulugan, sa pinakamababa, ng pagkilos nang walang kinikilingan at pagsasalita nang diretsahan. Ipagpalagay na nasa industriya ka ng pagseserbisyo at kailangan mong umasa sa mga tip para makapaghanapbuhay. Kung hindi ka bibigyan ng tip ng isang tao, na pananamantala sa iyo, ano ang mararamdaman mo? Pareho lang ito ng lohika. Ang hindi pagbibigay ng tip ay maaaring hindi labag sa batas sa isang partikular na industriya, at walang hahabol sa iyo dahil dito, pero mapapanatag ba ang iyong konsensiya? Kung hindi mapapanatag ang iyong konsensiya, magkakaroon ka ng pagkakautang sa iyong konsensiya. Kung magkakaroon ka ng napakaraming gayong utang sa buhay na ito, kailan mo mababayaran ang mga ito? Hindi ka puwedeng umasal nang ganito. Marahil ay nananamantala ka nang kaunti sa isang tao sa pamamagitan ng hindi pagbibigay sa kanya ng tip, pero hindi ka ba nakakaramdam ng pag-aakusa mula sa iyong konsensiya? Kung talagang hindi, tunay na may problema sa iyo. Kung susubukan mong manamantala sa isang tao sa gayon kaliit na bagay, hindi ba’t may kakayahan kang gumawa ng mas malalalang bagay? Kapag may gayong mentalidad, maisasagawa mo pa ba ang katotohanan?
Maaaring makatagpo ang lahat ng mga halimbawang ito na pinagbahaginan natin tungkol sa pag-asal nang sumusunod sa mga panuntunan sa takbo ng kanilang buhay at pananatiling buhay. Para sa nagkatawang-taong Diyos, na namumuhay sa gitna ng sangkatauhang ito, ang mga bagay na ito ay imposible ring maiwasan at mga bagay na dapat Niyang harapin. Kapag ginagawa ang mga bagay na ito, sa pangkalahatan ay mahigpit na sinusunod ng nagkatawang-taong Diyos ang mga kredo at prinsipyo ng pag-asal nang sumusunod sa mga panuntunan at paggawa ng mga bagay nang tapat. Ginagawa Ko Mismo ang mismong bagay na ito. Siyempre, kapag ang Aking mga pakikisalamuha sa inyo ay may kinalaman sa gawain ng iglesia o sa inyong personal na buhay, kung hihilingin ninyo sa Akin na makipagbahaginan sa inyo o kokonsultahin ninyo Ako tungkol sa kung paano pangasiwaan ang isang partikular na isyu, makikipagbahaginan Ako sa inyo nang mahigpit na ayon sa Aking mga kredo ng sariling asal. Tanggapin man ninyo ang mga ito o hindi, ang Aking mga pananaw at ang mga paraan at prinsipyo kung paano Ako umaasal ay nananatiling hindi nagbabago. Hinding-hindi Ko ituturo sa inyo na samantalahin ang mga butas sa batas para higit na makinabang; ang paggawa nito ay ganap na hindi angkop. Anuman ang mangyari, ipapatukoy Ko muna sa inyo nang malinaw kung ang usapin ay may kinalaman sa mga batas, patakaran, o regulasyon ng isang partikular na industriya. Kung may kinalaman ito sa mga bagay na ito, sasabihin Ko sa inyo na kumonsulta sa mga opisyal ng gobyerno, kumonsulta sa isang abogado, o hanapin ang mga nauugnay na panuntunan online. Kung may kinalaman ito sa mga pinansyal na isyu, dapat kayong kumonsulta sa isang accountant. Dapat kayong magsagawa sa ganitong paraan nasa alinmang bansa kayo naroroon. Ganito Ako gumawa ng mga bagay-bagay, at hinding-hindi kita hihikayatin na labagin ang mga kredong ito. Sa halip, hinihingi Ko sa iyo na mahigpit na sundin ang mga batas at regulasyon ng bawat bansa, kabilang na ang mga panuntunan at probisyon ng anumang pampublikong lugar o anumang industriya. Kung hindi mo alam ang mga ito, dapat kang magkusa na pag-aralan ang mga ito at kumonsulta sa mga tao tungkol sa mga ito. Kung alam mo ang mga ito, dapat mong gawin ang lahat ng iyong makakaya para sundin ang mga ito. Anuman ang sinasabi ng mga panuntunan, ganoon natin dapat gawin ang mga bagay-bagay. Kahit pa minsan ay naaapektuhan ng mga panuntunan o batas ng bansa ang oras na ginugugol mo sa paggampan ng iyong tungkulin, o naaapektuhan ang ilang usaping may kaugnayan sa iyong tungkulin, dapat mo pa ring sundin ang mga ito. Maaari kang humanap ng mga paraan para iayos ang oras ng paggampan mo ng iyong tungkulin o ang kapaligiran kung saan mo ito ginagawa para maiwasang sumalungat sa mga batas at regulasyon ng bansa, at para maiwasan din ang masangkot sa mga gawi o magsahi ng mga insidente na lumalabag sa mga batas at regulasyon ng bansa. Angkop bang gawin ang mga bagay sa ganitong paraan? (Oo.) Ito ay sa isang banda. Sa kabilang banda naman, anuman ang mga batas at regulasyon ng alinmang bansa, at makatwiran man o hindi makatwiran ang mga ito, hangga’t malinaw na itinatakda ang mga ito ng gobyerno, at hangga’t ang mga ito ay nasa loob ng saklaw ng Aking buhay at pag-iral, sinusunod at tinutupad Ko ang mga ito hangga’t kaya Ko. Hinding-hindi Ako magbibigay ng mga komento o pagpuna tungkol sa anumang aspekto ng mga batas at regulasyon ng gobyerno na hindi makatwiran o hindi para sa mga interes ng mga tao; sa halip, sinusunod Ko ang anumang mga panuntunang itinatakda ng gobyerno. Siyempre, kapag nagsasalita Ako tungkol sa pagsunod sa mga batas at regulasyon ng gobyerno, hindi kabilang dito ang mga batas na tumututol sa relihiyosong pananampalataya o mga batas na nagtatanggi at lumalaban sa Diyos. Sa halip, tumutukoy ito sa mga batas at regulasyon na nagpoprotekta sa mga karapatan ng mga mamamayan, nagpapanatili ng kaayusan sa lipunan, at nagsusulong ng pagiging patas; ang mga ito ang dapat sundin ng mga tao. Anumang mga ideya mayroon ang mga tao sa kanilang isipan, ang pagsunod sa mga batas at regulasyon ang prayoridad. Dapat igalang ng isang tao ang mga batas ng bansa, at igalang ang mga panuntunan at probisyon ng anumang industriya. Kung hindi ka makaangkop sa mga ito o hindi mo gusto ang mga ito, maaari mong iwasan ang industriyang ito, o maaari mong lisanin ang bansa. Pero sa makatwirang pananalita, kung nakatira ka sa isang partikular na bansa, o may mga pakikipagtransaksyon ka sa mga tao sa isang partikular na industriya, dapat mong sundin ang mga batas ng bansa, ang mga probisyon at direktiba ng industriya o ng ilang partikular na espesyal na okasyon at kapaligiran, at maging ang ilang moral na pamantayan. Nagsisikap Akong mahigpit na sumunod sa mga batas, regulasyon, at probisyon ng sangkatauhan, sa ilang espesyal na panuntunan at direktiba sa mga pampublikong lugar, at sa mga pangunahing pamantayan ng moralidad at asal ng pagkatao. Hindi Ko kailanman iginigiit ang Aking espesyal na pagkakakilanlan at katayuan, at hindi rin Ako sumasalungat sa anumang batas, regulasyon, direktiba, probisyon, at iba pang gaya nito. Hindi Ko hinahamon ang mga ito o sinasadyang labagin ang mga ito at gawin ang Aking sariling kagustuhan; sa halip, mahigpit Kong sinusunod ang mga ito. Sa likod ng mahigpit na pagsunod Kong ito ay ang paggalang sa kanilang mga batas, regulasyon, probisyon, at panuntunan. Ito rin ang prinsipyong aktuwal na isinasagawa at sinusunod ng isang tao kapag umaasal siya nang sumusunod sa mga panuntunan at gumagawa ng mga bagay nang tapat. Marahil ay hindi nauunawaan ng ilang tao kung ano ang Aking saloobin sa mga bagay na ito; maaaring mayroon silang ilang ideya na hindi naaayon sa realidad sa kanilang isipan, o may ilang hungkag na kuru-kuro at imahinasyon tungkol sa Aking mga prinsipyo at kredo sa paggawa ng gayong mga bagay. Sa pamamagitan ng pakikipagbahaginan nang ganito, may nakikita ba kayong anumang hungkag dito? (Wala.) Ang pagsasabing walang anumang hungkag ay nangangahulugang ang Aking saloobin sa mga bagay na ito ay ang tratuhin ang mga ito nang makatwiran mula sa perspektiba ng pagkatao. Hindi Ako umaako ng posisyon ng pagiging nakatataas, hindi Ako tumitindig mula sa perspektiba ng ikatlong langit, at hindi Ko tinatrato ang mga bagay na ito mula sa espesyal na katayuan ng pagkakaroon ng pagkakakilanlan ng Diyos. Sa halip, tinatrato Ko ang mga ito sa isang paraang labis na gaya ng sa tao mula sa isang makatwirang perspektiba. Hindi Ko kailanman iginigiit ang Aking pagkakakilanlan bilang ang nagkatawang-taong Diyos sa paraan ng pagtrato Ko sa mga bagay na ito, ni ginagamit kailanman ang pagkakakilanlang ito para tingnan ang mga ito sa isang mapagmataas na paraan. Hindi Ko kailanman hinahamon ang mga bagay na ito, at hindi Ko ginagambala ang mga batas at regulasyon ng bansa o ang mga panuntunan ng anumang industriya. Sa halip, mahigpit Kong sinusunod ang mga batas, regulasyon, probisyon, at iba pang gayong mga bagay nang masunurin at tapat. Sa mas praktikal pa, pagdating sa pakikisalamuha sa mga tao, sumusunod din Ako sa isang prinsipyong labis na gaya ng sa tao.
Nagbahaginan na tayo tungkol sa ilang pagpapamalas ng nagkatawang-taong Diyos ng pag-asal nang sumusunod sa mga panuntunan. Maaaring ang mga ito ay mga bagay na hindi ninyo kailanman naisip, o mga bagay na hindi ninyo kailanman sineryoso; maaaring mayroon kayong napakahungkag na ideya tungkol sa mga bagay na ito; o, kapag nakikita, nakakaharap, o naririnig ninyo ang tungkol sa mga bagay na ito, maaaring tahasan ninyong binabalewala ang mga ito. Gayumpaman, ang mga bagay na ito ay isang repleksyon ng pagiging normal at pagiging praktikal, at ng kababaang-loob at pagiging tago, na ipinapamalas ng nagkatawang-taong laman ng Diyos. Dagdag pa rito, ang mga ito rin ang pinakanormal at pinakapraktikal na pagpapamalas ng Kanyang sariling asal kapag ang Espiritu ng Diyos ay nagbibihis ng katawang-tao at pumaparito sa gitna ng mga tao. Sa pamamagitan ng mga pagpapamalas na ito, mas mauunawaan ng mga tao kung paano tinitingnan, tinatrato, at pinangangasiwaan ng Diyos sa langit ang isyu ng pag-asal at pagiging isang miyembro ng sangkatauhan. Ang mga kredo at prinsipyong ito ng sariling asal ay nagtutulot sa mga tao na makita at malaman na hindi gumagawa ang Diyos ng anumang bagay nang hungkag, na ginagawa Niya ang lahat ng bagay nang praktikal, at nagsasagawa Siya ayon sa mga prinsipyo nang praktikal, sumusunod sa mga batas at regulasyon ng sangkatauhan, at sa mga panuntunan ng iba’t ibang larangan ng lipunan ng tao. Habang sinusunod ang mga batas at regulasyong ito, kailangan ding gampanan ng nagkatawang-taong Diyos ang Kanyang ministeryo at gawin ang gawaing nilalayon Niyang gawin. Maging ito man ay ang Kanyang pagsasabuhay ng normal na pagkatao, o ang Kanyang paggawa ng gawain ng pagka-Diyos, wala sa mga ito ang sumasalungat o kumokontra sa isa’t isa. Ang mga kredo at prinsipyo ng sariling asal na ipinapakita ng Diyos sa Kanyang normal na buhay-tao ay nagpapakita ng pagiging normal at pagiging praktikal ng nagkatawang-taong Diyos—ito ay isang aspekto. Ang isa pang aspekto ay na isinasabuhay Niya ang normal na pagkatao—na nagtataglay ng konsensiya at katwiran—na dapat taglayin ng Espiritu ng Diyos sa pagiging isang tao o pagbibihis sa Kanyang sarili ng katawang-tao sa gitna ng mga tao. Bagama’t ang pagsasabuhay na ito ay tila walang kaugnayan sa ministeryong ginagampanan ng nagkatawang-taong Diyos sa Kanyang pagka-Diyos sa karamihan ng oras, ang mga kredo at prinsipyo na sinusunod ng pagsasabuhay ng Diyos sa pagkatao ay kapareho ng diwa ng katotohanan, ng disposisyon ng Diyos, at ng Kanyang mga hinihingi para sa sangkatauhan na ipinapahayag sa Kanyang gawain ng pagka-Diyos. Ang mga prinsipyo ng sariling asal na sinusunod ng nagkatawang-taong Diyos sa Kanyang buhay-tao ay ang umasal nang sumusunod sa mga panuntunan at gumawa ng mga bagay nang tapat. Kung gayon, ang mga prinsipyo ng gawain na sinusunod Niya kapag ginagawa ang Kanyang gawain sa pagka-Diyos ay halos pareho lang—umaasal Siya nang sumusunod sa mga panuntunan at gumagawa ng mga bagay nang tapat; hindi nagbabago ang mga prinsipyo. Samakatwid, hinggil sa nagkatawang-taong Diyos, ang Kanyang pagkatao at pagka-Diyos ay hindi kailanman nagkakahiwalay; ganap na nagkakaisa ang mga ito. Ang Kanyang pagka-Diyos ay maaaring ipahayag sa pamamagitan ng Kanyang pagkatao, at ang Kanyang pagkatao ay isang pagpapamalas ng isang bahagi ng Kanyang pagka-Diyos. Samakatwid, kapag namumuhay ang nagkatawang-taong Diyos sa gitna ng sangkatauhan, ang Kanyang pagkatao at pagka-Diyos na makikita ng mga tao sa panahong ito ay hindi magkabukod o magkahiwalay; nagkakaisa ang mga ito. Ang pagsasabuhay ng Kanyang pagkatao at ang mga kredo at prinsipyo ng Kanyang sariling asal ay, sa isang partikular na antas, pinangangasiwaan, naiimpluwensiyahan, at pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos. Sa kabilang banda, masasabi rin na isinasabuhay Niya ang Kanyang normal na pagkatao na nagtataglay ng konsensiya at katwiran. Tanging sa gayong pagkatao lang mababalikat ng nagkatawang-taong laman ng Diyos ang kabuuan ng Kanyang gawain ng pagka-Diyos, ang gawaing dapat Niyang gawin sa Kanyang pagka-Diyos; sa gayong pagkatao lang matutupad ng nagkatawang-taong laman ng Diyos ang ministeryong dapat Niyang gampanan, at magagampanan ito nang maayos. Ito ay isang pagkaunawa. Ang isa pang pagkaunawa ay na ang ministeryong ginagampanan ng nagkatawang-taong Diyos ay nakakamit sa pamamagitan ng gayong pagkatao na nagtataglay ng pagiging normal at pagiging praktikal. Ano’t anuman, ang pagkataong diwa at ang pagka-Diyos ng nagkatawang-taong Diyos ay parehong bumubuo sa nagkatawang-taong Diyos, na may espesyal na pagkakakilanlan ni Cristo. Samakatwid, ang mga kredo at prinsipyo ng sariling asal ng pagkatao ng nagkatawang-taong Diyos na nakikita mo, hanggang sa Kanyang mga partikular na pagpapamalas, saloobin, at pananaw sa lahat ng Kanyang ginagawa, ay bahagi ng Kanyang pagkatao at, siyempre, masasabi ring bahagi ng Kanyang pagka-Diyos. Hindi maaaring paghiwalayin ang dalawang ito. Ibig sabihin, kapag nakikita mo ang gayong pagkatao sa nagkatawang-taong Diyos, dapat kang makatiyak na Siya ang katawang-tao na ibinihis ng Diyos sa Kanyang sarili. Siyempre, kapag nakakaharap mo ang katotohanang ipinapahayag ng Diyos, habang kinikilala na ang nagkatawang-taong Diyos ay may pagka-Diyos, dapat mo ring kilalanin na ang Kanyang pagkatao ay bahagi ng nagkatawang-taong Diyos, na may espesyal na pagkakakilanlan. Ano’t anuman, sa huli ay tinutulutan ang mga tao na makita ang normal at praktikal na panig na ito ng nagkatawang-taong Diyos at ang mga kredo at prinsipyo ng sariling asal na isinasabuhay Niya, dahil may kinalaman ang mga ito sa maraming isyu na kinakaharap ng katawang-tao ng Diyos sa Kanyang pag-iral at buhay. Bagama’t ang mga praktikal na pagpapamalas na ito sa buhay-tao ng nagkatawang-taong Diyos ay hindi umaabot sa antas ng ministeryong ginagampanan Niya o sa Kanyang pagtustos ng katotohanan, daan, at buhay sa mga tao, ang mga prinsipyo at kredong ito ng sariling asal ay hindi hiwalay sa pagka-Diyos sa loob ng nagkatawang-taong Diyos. Mismong dahil ang katawang-taong ito ay ang nagkatawang-taong laman ng Diyos at ang katawang-tao na ibinihis ng Espiritu ng Diyos sa Kanyang sarili, ang normal na pagkatao ng nagkatawang-taong Diyos na ito ay magkakaroon ng gayong mga kredo at prinsipyo ng sariling asal. Ang ipinapahiwatig nito ay napakahirap para sa sinumang miyembro ng tiwaling sangkatauhan, o sinuman sa tiwaling sangkatauhan na may nakaaangat na pinagmulan, pagkakakilanlan, halaga sa lipunan, at marangal na katayuan, na umasal nang sumusunod sa mga panuntunan at gumawa ng mga bagay nang tapat; walang sinuman ang eksepsiyon. Samakatwid, ang aspektong ito ng pagiging normal at pagiging praktikal ang mga tinataglay ng pagkatao ng nagkatawang-taong Diyos at ang Kanyang pagiging tao, at siyempre, bahagi rin ito ng mga tinataglay ng pagka-Diyos ng nagkatawang-taong Diyos at ang Kanyang pagiging Diyos; ipinapahayag at ipinapakita lang Niya ito sa pamamagitan ng Kanyang pagkatao. Kung nagyayabang ang nagkatawang-taong Diyos saanman Siya magpunta, palaging iginigiit ang Kanyang katayuan, nagsasalita nang may pagmamalaki, nararamdamang Siya ay marangal, minamaliit ang lahat at umaasal nang mapagmataas at palalo, at palaging gustong yurakan ang lahat; kung isinusumpa Niya ang sinumang hindi yumuyukod sa pagsamba, ginagawa silang abo, pinapatay sila kaagad, o hinahampas sila gamit ang Kanyang matalim na tingin, magiging mahirap sabihin kung talagang mayroon Siyang diwa ng pagka-Diyos sa loob Niya. Sa isang banda, ang nagkatawang-taong Diyos ay may konsensiya at katwiran ng normal na pagkatao para mapanatili ang lahat ng buhay, salita, at gawa ng Kanyang katawang-tao. Sa kabilang banda, ang Kanyang pagka-Diyos ay gumagawa rin sa loob Niya, dahil ang pagka-Diyos, ano’t anuman, ang Kanyang tunay na buhay. Kung ang Kanyang pagkatao ay kasingmapagmataas at kasingmapagmagaling ng pagkatao ng tiwaling sangkatauhan, sasabihin mo ba na ang taong ito ay ang nagkatawang-taong Diyos? (Hindi.) Ipagpalagay na ang isang tao ay palaging may mga higit sa natural na pagpapamalas, palaging iniisip na siya ay isang nilalang sa langit na bumaba sa lupa, palaging may ganitong pakiramdam, at palaging nagsasalita sa mga tao na tila nakatataas siya, idinudulot na tingalain ng mga tao ang kanyang mga salita at gawa. Ipagpalagay na palagi siyang may mga higit sa natural at higit sa karaniwan na kaisipan sa kanyang puso, sa isang sulyap lang ay nasasabi na niya kung ano ang nangyari sa nakaraang buhay ng isang tao, kung anong mga kasamaan ang nagawa nito, kung anong mga bagay ang nagawa nito, o kung ilang beses na itong nagreinkarnasyon bilang isang tao o isang hayop. Bukod pa rito, ipagpalagay na palaging nararamdaman ng taong ito na siya ay partikular na marangal, palaging may mga higit sa natural na pagpapamalas kapag nagsasalita, at sinasamahan ng mga tanda at kababalaghan, na nagpaparamdam sa mga tao na siya ay espesyal. Ang gayong tao ay magiging hindi normal. Sa isang banda, ang buhay disposisyon sa loob niya ay magiging hindi normal; sa kabilang banda, ang buhay sa loob niya ay hindi magiging buhay ng pagka-Diyos. Ito ang tanging paraan para ipaliwanag ito.
Maging ito man ay ang Kanyang mga kredo ng sariling asal o ang Kanyang mga prinsipyo para sa pagharap sa mga usapin, ang lahat ng ipinapakita at isinasabuhay ng nagkatawang-taong Diyos ay lubhang normal at praktikal. Tingnan mo ang mga bagay na sinabi Ko at ang mga bagay na ginagawa Ko sa Aking buhay—mayroon ba sa mga ito ang hindi normal? Mayroon ba sa mga ito ang higit sa natural o hindi karaniwan? (Wala.) Anuman ang Aking pinangangasiwaan, wala kang makikitang anumang kakaiba tungkol sa Akin. Hindi Ako isang kakaibang tao; isa lang Akong normal na tao. Bukod pa rito, ang Aking mga kaisipan, pananaw, pag-iisip, at lohika sa pagharap sa bawat usapin ay hindi baluktot, sukdulan, o higit sa natural. Ako ay kalmado at mahinahon kapag nakikisalamuha at nakikisama sa mga tao. Kung ang mga tao ay handang makisalamuha sa Akin, nakikisalamuha Ako sa kanila; kung hindi, hindi Ko sinusubukang mapalapit sa kanila. Sa tingin mo ba ay normal ang Aking pag-iisip pagdating sa pakikisalamuha sa mga tao, pagharap sa mga usapin, paggawa ng lahat ng uri ng bagay, at pag-asal? (Oo.) Normal ang lahat ng ito. Hindi Ko kayo kailanman hinimok o inudyukan na labanan ang gobyerno ng anumang bansa, at hindi Ko rin kailanman sinabi sa inyo ang tulad ng: “Ang mga mananampalataya sa Diyos ay nagmulang lahat sa Diyos; kayong lahat ay nagmula sa ikatlong langit. Huwag ninyong katakutan ang mundong ito; yurakan ninyo ang mundong ito! Kayong lahat ay mga matagumpay na anak na lalaki; kunin ninyo ang pamalong bakal para pamunuan ang mundong ito at pamunuan ang sangkatauhang ito. Ang lahat ng bagay ay nasa ilalim ng inyong mga paa!” Sinabi Ko ba ito kailanman? (Hindi.) Ano ang Aking sinabi? Na dapat kayong sumunod sa mga panuntunan sa lahat ng inyong ginagawa. Sa alinmang bansa kayo nananampalataya sa Diyos at gumagampan ng inyong tungkulin, dapat ninyong sundin ang batas at gawin ang mga bagay ayon sa mga regulasyon ng gobyerno. Hinding-hindi kayo dapat kumilos nang walang pakundangan at ayon sa sarili ninyong kagustuhan; dapat kayong maging maingat at hindi maging mapagpalayaw. Kung lalabagin ninyo ang mga batas at regulasyon ng gobyerno, sa sandaling may magreklamo laban sa inyo, maaapektuhan nito ang paggampan ninyo ng inyong tungkulin. Lagi Ko itong inuulit-ulit sa inyo. Bagama’t tila napakakaraniwang pakinggan, ito ay napakapraktikal, dahil masyadong kaunti ang inyong karanasan sa buhay at kulang kayo sa kabatiran, at malaki ang tendensiya ninyong magkamali. Kayo ay mga mananampalataya sa Diyos. Ang inyong layunin sa pagpunta sa iba’t ibang bansa para gampanan ang inyong tungkulin ay ang sumunod sa kalooban ng Diyos at magpatotoo sa Diyos, hindi ang kalabanin ang anumang bansa o anumang naghaharing partido. Kayo ay mga nilikha lang na gumagampan ng inyong mga tungkulin; dapat kayong ganap na magpasakop sa kapamahalaan ng Lumikha, at dapat kayong magpasakop sa kung paano man pinapamatnugutan at isinasaayos ng Diyos ang mga bagay-bagay. Sa alinmang bansa kayo magpunta, anuman ang uri ng kapaligiran na inyong tinitirhan, o sa alinmang tahanan ng mga kapatid kayo tumuloy, dapat kayong sumunod sa mga panuntunan, tumutulong hangga’t kaya ninyo. Bukod pa rito, dapat ninyong sundin ang anumang mga batas at regulasyon na mayroon ang bansa. Paulit-ulit Ko kayong hinihikayat na huwag labagin ang mga panuntunan at huwag hayaang may magreklamo laban sa inyo. Kung may magreklamo laban sa inyo, dapat ninyong alamin kung anong pagkakamali ang inyong nagawa, anong regulasyon ang inyong nilabag, at kung bakit inihain ang reklamo. Matuto kayo ng aral para hindi na ito maulit. Kung hindi ka matututo ng aral, patuloy na may magrereklamo laban sa iyo. Ang Aking mga salita sa bagay na ito ay pawang mga solusyon sa mga problema batay sa mga aktuwal na sitwasyon—sinasabi Ko sa iyo kung paano mamuhay, kung paano manatiling buhay, at kung paano sundin ang mga panuntunan, para hindi magdulot ng hindi kinakailangang problema sa iyong sariling buhay at pananatiling buhay. Sa alinmang bansa ka magpunta, naroon ka para gampanan ang iyong tungkulin. Una, dapat kang makiangkop sa bansa at sumunod sa mga batas at regulasyon nito. Hindi mo dapat gambalain ang kanilang umiiral na kaayusan o hindi ka dapat magdulot ng anumang problema sa kanila. Saka ka lang nila tatanggapin at tatratuhin bilang isang miyembro ng bansa, at sa ganitong paraan ka lang mapapayapa para gampanan ang iyong tungkulin. Kung hindi mo man lang sinusunod ang mga lokal na panuntunan, at gumagawa ka ng mga bagay na lumalabag sa mga panuntunan, na nagiging dahilan para ang mga tao ay palaging magreklamo at lumikha ng problema para sa iyo, hanggang sa punto na kinamumuhian ka pa nga nila at ayaw na nilang manirahan ka roon, paano mo pa mapapangarap na gampanan ang iyong tungkulin? Saan ka man manirahan, dapat mong sundin ang mga lokal na batas at regulasyon. Sabihin ninyo sa Akin, tama ba ang pagsasagawa sa ganitong paraan? Kapaki-pakinabang ba ito sa inyo sa paggampan ng inyong tungkulin? (Oo.) Napakapraktikal ng pagsasagawa sa ganitong paraan. Ang pagsunod sa mga batas at regulasyon ay pangunahing sentido komun sa tunay na buhay. Hindi ito paggawa ng malaking isyu mula sa wala, lalong hindi ito pagiging masyadong sensitibo; isa itong prinsipyo na dapat mong sundin sa tunay na buhay. Kung may mangyari o may lumitaw na problema, tinatalakay natin ang pinakamahusay na paraan para lutasin ito at kung paano matuto ng aral mula rito para makapagsikap kang makagawa ng mas kaunting pagkakamali o ganap na maiwasan mong gawin ang mga ito sa hinaharap, at maging isa kang tao na umaasal nang sumusunod sa mga panuntunan at tapat. Ang ilang tao ay hindi sumusunod sa mga panuntunan saanman sila magpunta. Nagkakalat sila kahit saan, at paminsan-minsan ay nag-iingay sila at ginugulo nila ang pahinga ng kanilang mga kapitbahay. Tulad ng mga ligaw na hayop na pumapasok sa isang nayon, naaapektuhan at nagugulo nila ang kapaligiran ng komunidad, nagdudulot ng paghamak at pagkasuklam mula sa mga tao saanman sila magpunta. Sinasabi Ko sa mga taong ito na dapat mahigpit nilang sundin ang mga lokal na batas at regulasyon, at na dapat nilang sundin ang mga panuntunan, at na sa pamamagitan lang ng pag-asal sa ganitong paraan magkakaroon ang isang tao ng normal na pagkatao. Sabihin ninyo sa Akin, tama ba ang Aking paraan ng pag-iisip at ang Aking panimulang punto sa pagharap sa mga usaping ito? (Oo.) Hindi Ako gumagawa ng mga bagay na matayog at engrande, o abstrakto, o higit sa karaniwan, o hindi nakagawian. Itinutuwid at pinapatnubayan Ko lang ang mga tao tungkol sa maliliit na usaping ito sa kanilang buhay, at sa mga pagkakamali at kapintasan na lumilitaw sa kanilang buhay, tinutukoy at iwinawasto ang kanilang mga isyu at binibigyan sila ng mga payo. Para sa nagkatawang-taong Diyos, praktikal ba ang pag-asal nang ganito? (Oo.) Napakapraktikal nito! Ang pagharap sa mga usaping ito ay hindi hungkag kahit kaunti, at hindi ito hiwalay sa tunay na buhay kahit kaunti. Kaya, tinitingnan man ang mga kredo at prinsipyo ng sariling asal at paggawa ng mga bagay na makikita sa pang-araw-araw na buhay ng nagkatawang-taong Diyos, o ang mga katotohanang ibinabahagi Niya sa ministeryong Kanyang ginagampanan, ang parehong aspekto ay napakanormal at napakapraktikal. Ang parehong aspekto ay mga bagay na mauunawaan, maaarok, matatanggap, at makakamit ng mga tao na may normal na pag-iisip, na nagmamahal sa mga positibong bagay, at may konsensiya at katwiran. Wala sa dalawang aspekto ang hiwalay sa tunay na buhay kahit kaunti; ito ay pagiging normal at praktikal.
Kinasasangkutan ba ng mga prinsipyo ng sariling asal at paggawa ng mga bagay ang maliliit na usaping ito sa buhay na kakabanggit Ko lang? Nakatutulong ba ang mga ito sa inyo? (Oo.) Kung gayon ay magpatuloy tayo. Minsan, may nasirang tubo ng tubig sa lawn sprinkler system ng aming bakuran, at umagos ang tumutulong tubig sa bakuran ng kapitbahay. Agad Kong inutusan ang isang tao na sabihan ang kapitbahay at tingnan kung kailangan namin itong linisin para sa kanila. Medyo hindi masaya ang kapitbahay nang makita ang napakaraming tubig na umaagos papasok, pero dahil nagkusa kaming sabihan sila, hindi na nila ito pinalaki bilang pagiging magalang. Kalaunan, noong Pasko, binigyan namin sila ng isang kahon ng tsokolate bilang paghingi ng paumanhin. Laking gulat at tuwa nila, at sinabihan kami na magsabi lang o huwag mag-atubiling pumunta sa kanilang pintuan at magsabi kung kailangan namin ng anumang tulong. Pagsapit ng gabi, isinama pa nila ang kanilang anak para bigyan kami ng isang basket ng prutas, sinasabing, “Maligayang Pasko! Salamat sa inyong regalo, at maligayang pagdating sa aming komunidad!” Sandali kaming nag-usap at pagkatapos ay umalis na sila. Naisip Ko na medyo maayos ang pagharap sa usapin sa ganitong paraan; kung magkakasundo kami ng aming mga kapitbahay nang ganito, hindi magiging masyadong masama ang ugnayan. Ito ay pagbibigay sa kabilang panig ng regalo bilang paghingi ng paumanhin upang pagaanin ang ugnayan o ayusin ang mga bagay-bagay kapag may lumilitaw na isyu, pagkakaroon ng simpleng pagpapalitan ng pabor. Siyempre, hindi nila tinatanggap ang iyong regalo nang libre, nang nananamantala sa iyo; sinusuklian nila ito. Tingnan mo, napakapartikular ng mga taga-Kanluran. Kapag nagbibigay sila ng mga regalo, labis silang sinsero. Hindi mahalaga kung mamahalin ba ang mga regalo; ang susi ay napakasinsero ng kanilang puso. Ito ay pagpapalitan ng pabor, at ang pagharap sa usapin sa ganitong paraan ay lubos na angkop. Siyempre, mayroong konteksto para sa pagharap sa ganitong uri ng usapin. Kapag walang nangyayari, hindi na kailangang makipaglapit sa sinuman nang walang dahilan, magkusa na ipagluto sila ng pagkaing Tsino o bigyan sila ng mga regalo, nag-aabala pa para mapanatili ang ugnayan sa kanila. Hindi kailangang gawin ito. Sa mga normal na pakikisalamuha, ang batiin lang sila kapag nakikita mo sila at ang mamuhay nang may pagkakasundo ay sapat na. Pero kapag may lumitaw na isyu—halimbawa, kung may nagawa kang mali at kailangan mong humingi ng paumanhin—pumunta ka at humingi ng paumanhin. Dahil sa pagkamakatwiran ng normal na pagkatao kaya mo ito ginagawa; hindi ito eksaherado o mapagpanggap kahit kaunti. Sabihin ninyo sa Akin, angkop ba ang pagharap dito sa ganitong paraan? Alinsunod ba ito sa mga prinsipyo? (Oo.) Hindi ito pagiging sunud-sunuran, ni pagiging mapagmataas at dominante. Hindi ka umaasal nang nakatataas, pero pinapanatili mo rin ang iyong dignidad. Iniisip ng ilang tao, “Ang mga taga-Kanluran ay mahilig kumain ng pagkaing Tsino. Para maiwasan na magreklamo sila laban sa atin kung lalabagin natin ang ilang panuntunan sa hinaharap, ipagluto natin sila ng ilang dumpling at bigyan natin sila ng ilang meryenda.” Ang panunuyo nang walang dahilan—sabihin ninyo sa Akin, angkop ba ito? (Hindi.) Sa isang banda, hindi masasabi kung ang pagkaing niluto mo ay lasang galing sa isang tunay na restawran at kung gugustuhin man lang ba ng kabilang panig na kainin ito. Bukod pa rito, hindi ka rin nila kilalang mabuti. Kung bibigyan mo sila ng pagkaing ikaw mismo ang gumawa, magtitiwala ba sila sa iyo? Sa kabilang banda, bakit mo sila binibigyan ng mga regalo kung wala namang partikular na nangyari? Kilala ka ba nila nang mabuti? Mayroon ka bang anumang mga pakikipagtransaksyon sa kanila, o pagkakaibigan? Wala, kaya hindi ba’t ang palaging pagsubok na bigyan sila ng pagkaing Tsino ay isang bagay na gagawin ng isang baliw? (Oo.) Hindi ba’t nakakainis ito para sa mga tao? (Oo.) Tingnan ninyo ang Aking mga prinsipyo sa pakikisalamuha sa mga kapitbahay. Normal ba ang Aking pag-iisip? Inilalapat Ko ba ang mga prinsipyo nang tumpak at angkop? (Oo.) Mayroon ba Akong anumang mga pagpapamalas ng magulong lohika ng pag-iisip? (Wala.) Ang Aking mga pakikisalamuha sa mga tao ay pawang normal. Sa mga normal na sitwasyon, hindi Ako kailanman nagbibigay ng mga regalo sa mga tao. Kung talagang tutulungan Ako ng isang tao, bibigyan Ko siya ng isang bagay para ipahayag ang Aking pasasalamat. Ang pakikisalamuha sa mga tao sa ganitong paraan ay angkop. Ito ay pagiging normal at praktikal, at ito rin ay pag-asal nang sumusunod sa mga panuntunan at paggawa ng mga bagay nang may katapatan sa tungkulin. Hindi nauunawaan ng karamihan ng tao ang mga prinsipyong ito; ito ay tinatawag na pagiging hangal at mangmang. Sumasang-ayon ba kayo? (Oo.) Ipinapakita ng ilang tao ang kanilang kahangalan sa kanilang paggawa ng mga bagay-bagay. Palagi silang nagbibigay ng mga regalo sa mga tao at nanunuyo nang walang dahilan, at kapag nakikita ito ng mga tao, iniisip ng mga ito na may mali sa kanila. Hindi Ko ito ginagawa. Hindi Ako sumisipsip sa mga tao. Mayroon Akong dignidad, at mayroon Akong mga prinsipyo Ko sa paggawa ng mga bagay-bagay. Kapag talagang may lumitaw na isyu, kumikilos Ako ayon sa mga prinsipyo. Sinusunod Ko ang mga panuntunan, mayroon Akong hangganan, at ang Aking paraan ng pag-iisip ay lohikal, kaayon ng normal na pag-iisip, at kaayon ng pagkamakatwiran. Maraming detalye tungkol sa aspektong ito, ang pagiging normal at pagiging praktikal ng nagkatawang-taong Diyos, pero hindi na kailangang maging detalyado tungkol sa maraming bagay. Sa madaling salita, ang Kanyang pag-iisip sa bagay na ito ay tiyak na normal.
Hindi Ko kailanman ipinapakilala ang Aking sarili kapag nakikisalamuha Ako sa mga tao; kahit kapag nakakatagpo Ko ang mga kapatid, hindi Ko kailanman ipinapakilala ang Aking sarili. Sa Aking mga pakikisalamuha sa mga tao, hindi Ako kailanman nagmamalaki bilang ang nagkatawang-taong Diyos. Nakikita mo ba ang mga ito bilang normal at praktikal na mga pagpapamalas ng pag-asal nang sumusunod sa mga panuntunan at paggawa ng mga bagay nang may katapatan sa tungkulin? (Oo.) Halimbawa, sinasabi ng ilang kapatid, “Ikaw ay Diyos, Ikaw ang Lumikha. Isang karangalan para sa sinuman na gumawa ng mga bagay para sa Iyo. Kung hindi nila gagawin ang mga ito nang maayos, naghahanap sila ng kamatayan!” Kapag nakakatagpo Ako ng gayong mga tao, sinasabi Ko, “Lumayo ka sa Akin! Ano ang silbi ng pagsasabi ng mga bagay na iyon? Kahit pa gumawa ang mga kapatid ng mga bagay para sa Akin, hindi Ako gumagawa ng gayong mga hinihingi sa kanila.” Sinuman ang Aking makasalamuha, hindi Ko kailanman sinasabi sa kanila ang Aking pagkakakilanlan. Sabihin mo sa Akin, isa ba itong pagpapamalas ng normal na pag-iisip at normal na pagkatao? (Oo.) Tingnan mo, palaging ipapakilala ng isang baliw na tao ang kanyang sarili, sinasabi nito, “Ako ang Jade Emperor! Ako ang Inang Reyna ng Kanluran na bumaba sa lupa! Galing ako sa langit. Kung kayong maliliit na alipores ay hindi makikinig sa akin, pupuksain ko kayo!” Ano ang ang ganitong tao? (Isang Satanas at isang diyablo.) Siya ay magiging isang Satanas at isang diyablo. Sa mga termino ng tao, tatawagin siyang isang taong may sakit sa pag-iisip, isang taong walang normal na pagkamakatwiran. Aasal ba nang sumusunod sa mga panuntunan at gagawa ba ng mga bagay nang may katapatan sa tungkulin ang isang taong walang normal na pagkamakatwiran? (Hindi.) Maaari ka lang umasal nang sumusunod sa mga panuntunan at gumawa ng mga bagay nang may katapatan sa tungkulin kung kahit papaano man lang ay nagtataglay ka ng pinabuting konsensiya at pamantayang pagkamakatwiran. Dahil ang nagkatawang-taong Diyos ay may normal na pagkatao, ang Kanyang pag-asal at mga kilos ay kinokontrol ng konsensiya at katwiran ng normal na pagkatao, at natural Siyang namumuhay sa loob ng gayong normal na pagkatao na may konsensiya at pagkamakatwiran; samakatwid, sa pag-asal at paggawa ng mga bagay, mahigpit Siyang sumusunod sa mga prinsipyo ng pag-asal nang sumusunod sa mga panuntunan at paggawa ng mga bagay nang may katapatan sa tungkulin. Kung papalya ang ilang walang pananampalataya sa isang personal na usapin para sa Akin, o sadyang lilinlangin nila Ako, o sadyang sisirain nila ang mga bagay-bagay, kukuha Ako ng aral mula rito at hindi Ko na sila kailanman gagamitin ulit. Para naman sa mga walang pananampalataya, gaano man kaganda pakinggan ang kanilang mga salita, dapat Akong maging mapagbantay; kung hindi Ako mag-iingat, mahuhulog Ako sa kanilang mga panlilinlang. Masyadong maraming manlilinlang sa mundong ito. Wala silang pakialam kung sino ka; hangga’t kaya ka nilang linlangin, lilinlangin ka nila. Sa espirituwal na mundo, malinaw na nakikita ni Satanas at ng mga diyablo na ang Diyos ay may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay, at nakikita nila ang pagkamakapangyarihan-sa-lahat ng Diyos at ang diwa ng Diyos, pero hindi nila kailanman iginagalang ang Diyos, kinatatakutan ang Diyos, o kinikilala ang pagkakakilanlan at diwa ng Diyos. Ngayong nagkatawang-tao na ang Diyos, sabihin ninyo sa Akin, sino sa sangkatauhan na ginawang tiwali ni Satanas ang magagawang kumilala sa Diyos at magpasakop sa Kanya? Kahit ang mga taong nananampalataya sa Diyos ay hindi Siya ganap na kinikilala, lalong hindi sila nagpapasakop sa Kanya. Sinasabi ng ilang tao na yuyukod sila at sasamba sa harap ng Diyos—ayos lang sa kanila ang lumuhod sa harap ng langit, lumuhod sa harap ng krus, lumuhod sa harap ng pangalan ni Jehova, o lumuhod sa harap ng isang larawan ng Panginoong Jesus, pero sa kanilang puso ay hindi nila kayang lumuhod sa Akin, sa taong ito: “Ikaw ba ang sinasampalatayaan ko? Hindi ka mukhang diyos! Kung luluhod ako sa harap mo, hindi ba’t ibinababa ko ang aking sarili? Kaya kong lumuhod sa harap ng langit, lupa, at ng aking mga magulang—paanong luluhod ako sa harap ng isang hamak na tulad mo? Lalo na’t isa kang babae, hindi kapansin-pansin ang iyong hitsura, hindi ka sikat, at wala kang katayuan o prestihiyo sa mundo—bakit ako luluhod sa harap mo?” Hindi komportable ang pakiramdam nila sa loob nila. Kapag gusto nilang lumuhod, nag-aalangan sila, at bago pa man sila lumuhod, tumatayo na naman sila, umaayaw at nag-aatubili. Sinasabi Ko, “Huwag kang lumuhod sa harap Ko. Kung gusto mong lumuhod, lumuhod ka sa harap ng Diyos sa langit. Hindi Ko kailangan na lumuhod ka sa harap Ko; hindi Ko ito matatanggap. Wala Akong gayon kalaking kapangyarihan na kaya kitang dalhin sa himpapawid at dalhin sa ikatlong langit. Isa lang Akong ordinaryong tao. Dinadala kita, na isang tiwaling tao, sa harap ng Diyos. Pagkatapos ay sinasabi Ko sa iyo ang mga katotohanang nalalaman at nauunawaan Ko para isagawa mo, para matamo mo ang kaligtasan, ganap na binabago ka para maging isang nilikha na pasok sa pamantayan at pagkatapos ay ibinabalik ka sa Lumikha—ito ang Aking responsabilidad at Aking ministeryo. Para sa inyong lahat, iyon lang ang silbi Ko. Wala Akong naisakatuparan na anumang karapat-dapat purihin pagdating sa iyo, at wala rin Akong nagawang ganoon pagdating sa Diyos sa langit. Isa lang Akong ordinaryong tao na gumawa ng mga bagay na dapat Kong gawin, nagsalita ng mga salitang dapat Kong sabihin, at gumawa ng gawaing dapat Kong gawin. Handa ka man o hindi sa iyong puso, mula sa perspektiba ng Aking pagkatao, hindi Ako handang tanggapin ang iyong pagluhod at pagsamba kahit kaunti. Bukod pa rito, umaayaw at lumalaban ka sa iyong puso, kaya lalong hindi Ko ito matatanggap.” Tingnan mo, normal ba ang Aking pag-iisip? Sa anumang aspekto ng pagkatao ito nagmula, isa itong pagpapamalas ng normal na pag-iisip. Dahil ang nagkatawang-taong Diyos ay namumuhay sa loob ng normal na pagkatao, at namumuhay na parang isang ordinaryong tao sa tunay na buhay, at hindi pambihira, kung paano Niya tinatrato at pinangangasiwaan ang iba’t ibang usapin ay, sa pangkalahatan, pinamamahalaan ng konsensiya at katwiran ng Kanyang pagkatao. Nagiging dahilan ito para magkaroon ng mga kuru-kuro ang maraming tao; iniisip nila, “Hindi ba’t isa lang Siyang ordinaryo at normal na tao?” Kahit pa kinikilala ng mga tao ang pagkakatawang-tao at tinatanggap nila ang gawain ng Diyos, sa kanilang puso ay ayaw nilang lumuhod sa harap ng taong ito at sumamba sa Kanya o magpasakop sa Kanya. Sa totoo lang, mula sa Aking puso, ayaw Kong tanggapin ang iyong pagluhod at pagsamba, dahil mayroon Akong dignidad at pagkamakatwiran. Lalo na kapag nag-aatubili ka, kahit pa handa kang lumuhod sa harap Ko at sumamba sa Akin, hindi Ako magiging handang tanggapin ito. Ano ang ibig sabihin nito? Nangangahulugan ito na sa loob ng konsensiya at katwiran ng pagkatao ng nagkatawang-taong Diyos na ito, mayroon ding pagkaramdam ng kahihiyan. Ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng pagkaramdam ng kahihiyan? Nangangahulugan ito na, kung may magsasabing, “Nag-aatubili akong lumuhod sa harap ng taong ito at sumamba sa kanya; medyo ayaw ko sa loob-loob ko”; o kung may namumuhay sa isang kalagayan ng pagiging magulo ang isip; o kung may lumuluhod at sumasamba habang puno ng mga imahinasyon tungkol sa Diyos, sasabihin Ko na ang mga ganitong uri ng pagluhod at pagsamba ay pawang hindi lehitimo. Hindi Ko kailangan ang mga ritwal na tulad nito; hinding-hindi kayo dapat makibahagi sa gayong ritwalismo. Kahit pa lumuhod ka sa harap Ko, mahihiya Akong tanggapin ito. Kung ipipilit mong lumuhod sa harap Ko, dapat Ko bang sabihin na “Pagpalain ka” o “Salamat sa iyo”? Talagang hindi Ko alam kung ano ang sasabihin. Bakit? Hindi pa nga malinaw sa iyo ang tungkol sa iyong sariling sitwasyon sa iba’t ibang aspekto ngayon, pero sinusubukan mo pa ring lumuhod sa harap Ko at sumamba sa Akin; talagang hindi Ko ito matatanggap. Hindi Ko alam kung tunay kang sumasamba sa Diyos. Kung susubukan Kong tanggapin ka bilang isang tao na may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan, talagang hindi ka papasa sa pamantayan. Kaya doon naaantala ang mga bagay-bagay sa usaping ito—labis na kahiya-hiya ito. Hindi pa rin malinaw sa Akin kung bilang ano kita dapat tanggapin o kung ano ang magiging angkop na sabihin sa iyo, kaya partikular Akong lumalaban sa usaping ito sa loob-loob Ko. Kayong lahat ay hinding-hindi dapat lumuhod sa harap Ko at sumamba sa Akin. Hindi Ko ito kailangan, at hindi Ko ito gusto. Kung kailangan ninyong maunawaan ang anumang aspekto ng katotohanan o kailangan ninyo ng anumang aspekto ng mga prinsipyo ng sariling asal at paggawa ng mga bagay, maaari Akong makipagbahaginan tungkol sa mga ito. Pero kung gusto ninyong makibahagi sa pormalidad na ito, pinapayuhan Ko kayo na huwag itong gawin, kahit papaano man lang ay hindi ngayon. Bago kayo magkaroon ng tunay na pagpapasakop sa Diyos sa inyong puso at bago kayo tumahak sa landas ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan, huwag ninyo itong gawin; huwag kayong makibahagi sa pormalidad na ito. Ang paggawa nito ay hindi magiging mabuti; gagawin nitong nakakailang ang mga bagay-bagay para sa ating dalawa. Pinakamabuting iwasan ang paggawa ng bagay na ito; ang pakikibahagi sa gayong ritwalismo ay walang silbi.
Sa pakikipagbahaginan tungkol sa isyu ng mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao tungkol sa nagkatawang-taong Diyos, nagbigay Ako ng maraming halimbawa na kinasasangkutan ng pagiging normal at pagiging praktikal ng nagkatawang-taong Diyos. Sa mga halimbawang ito, makikita ninyo na ang nagkatawang-taong Diyos ay hindi pambihira, higit sa karaniwan, higit sa natural, o hindi kumbensiyonal. Ang mga ito at ang iba pang gayong mga bagay ang dapat maunawaan ng mga tao tungkol sa pagiging normal at pagiging praktikal, at sa kababaang-loob at pagiging tago, ng nagkatawang-taong Diyos. Ang Kanyang pagsasabuhay, at ang Kanyang mga kredo at prinsipyo ng sariling asal, ay pawang partikular na praktikal at partikular na normal, at kapag nakakatagpo Siya ng mga bagay-bagay, kaya rin Niyang maging mapagpasensya at mapagparaya. Anuman ang Kanyang gawin, ang lahat ng isinasabuhay at ipinapamalas ng nagkatawang-taong Diyos sa Kanyang buhay ay nagpapakita na mayroong praktikal na panig sa pag-asal ng nagkatawang-taong laman ng Diyos. Ibig sabihin, kung paano Niya hinaharap ang iba’t ibang bagay at pinangangasiwaan ang iba’t ibang problema ay ganap na nakabatay sa Kanyang mga kredo at prinsipyo ng sariling asal, na ang umasal nang sumusunod sa mga panuntunan at gumawa ng mga bagay nang may katapatan sa tungkulin. Ilang taon na ang nakalipas, ang anak ng aming kapitbahay ay papasok na sa kolehiyo, at nagdaos sila ng isang party sa bakuran para magdiwang, nagkakantahan at nagsasayawan sila. Kumakanta pa rin sila nang may gamit na mikropono nang ala-una o alas-dos ng madaling araw, at malinaw itong naririnig ng maraming kalapit na kapitbahay. Ang mga taga-Kanluran ay mahilig maghain ng mga reklamo, pero sa sitwasyong ito, walang naghain ng reklamo, dahil lahat kami ay maraming taon nang magkakapitbahay sa puntong iyon. Naramdaman ng lahat, “Napakaraming taon nang nag-aaral ng mga bata, at bihira para sa kanila na makapagrelaks, kaya hayaan silang magwala. Ang magambala nang ganito paminsan-minsan at hindi makatulog nang maayos sa isang gabi ay hindi isang malaking problema; ituturing na lang natin ito bilang pagpupuyat.” Normal ba ang pag-iisip nang ganito? Dapat bang magkaroon ang isang tao ng ganitong uri ng pagpapasensya at pagpaparaya sa iba? (Oo.) Sinasabi ng ilang tao, “Ikaw ay Diyos, paano Mo nagagawang pagpasensyahan ang mga tiwaling tao na nag-iingay? Hindi Ka dapat maging mapagpasensya; napakahalaga ng Iyong pahinga!” Sinasabi Ko, “Kaninong pahinga ba ang hindi mahalaga? Mahalaga ang pahinga ng lahat.” Pero ang mga nasa hustong gulang ay minsan kailangang magkaroon ng kaunting pagpaparaya at magpakita ng kaunting pag-unawa; lalo na sa mga bata, dapat tayong magpakita sa kanila ng kaunting pagpaparaya. Bukod pa rito, kapag namumuhay ka sa mundong ito, maraming bagay ang hindi nangyayari ayon sa gusto mo, at kadalasan, kailangan mo lang maging mapagpasensya. Wala lang ang mga bagay na ito; kailangan mo ring magbata ng mga bagay na mas malala pa rito at tunay na nagdudulot sa iyo ng pinsala. Sa pamumuhay sa mundong ito, sa proseso ng pananatiling buhay, lahat ay nakakaharap ng maraming sitwasyon kung saan wala silang pagpipilian. Talaga bang maiipit ka na lang kapag nakaharap mo ang gayong mga sitwasyon? Hindi ka na ba makakapagpatuloy sa pamumuhay? Sisikat pa rin ang araw kinabukasan. Dapat magpatuloy ang buhay. Hindi kailangang maging makitid ang isip sa isang maliit na bagay, hindi ito mabitiwan at umaakto na parang katapusan na ng mundo. Hindi na kailangang gumawa ng gulo o palakihin ang isang maliit na problema. Para sa mga bagay na tulad nito, dapat kang maging mapagparaya at mapagpasensya. Kapag dumating ang araw na mas marami ka nang naranasan, magkakaroon ka ng kabatiran at malalaman mo kung paano tratuhin ang mga ito. Sabihin ninyo sa Akin, normal ba ang ganitong uri ng pag-iisip? (Oo.) Ano ang iisipin ng isang taong may hindi normal na pag-iisip? “Ikaw na bata ka, lumaki ka na at nagsimula nang mag-party. Ang mga walang pananampalatayang ito ay tunay na mga diyablo! Alam mo ba kung sino ako? Ginambala mo ang aking pahinga, kaya pagsisisihin kita. Isinusumpa kita!” Normal ba ang gayong mga kaisipan? (Hindi.) Ang mga kaisipang ito ay hindi normal, kaya hindi ka dapat mag-isip nang ganoon. Ako Mismo ay hindi mag-iisip nang ganoon. Kapag nangyayari ang mga bagay na ito, kaya Kong maging mapagpasensya at tratuhin ang mga ito nang tama; kaya Kong tratuhin at pangasiwaan ang mga bagay na ito nang may mga kaisipan at pananaw ng isang nasa hustong gulang. Siyempre, ang mga ito ay mga partikular na pagpapamalas din ng pag-asal nang sumusunod sa mga panuntunan at paggawa ng mga bagay nang may katapatan sa tungkulin. Sinasabi ng ilang tao, “Ang pagiging mapagbigay ng Diyos ay kasinglawak ng dagat at kalangitan, kaya ang gayong mga hamak na tao ay walang anuman sa Diyos. Gaano man kaingay, hindi Niya ito naririnig; wala Siyang nararamdaman. Ito ay tinatawag na pagiging nasa mas mataas na antas, ito ay tinatawag na pagiging nasa ibang dimensiyon, ito ay tinatawag na pagkakaroon ng lawak ng isipan.” Ganito ba iyon? (Hindi.) Talagang hindi Ako nakatuon sa “lawak ng isipan.” Hindi Ako sigurado kung ano ang ibig sabihin ng “lawak ng isipan,” at hindi Ko rin nauunawaan kung ano ang “pagiging nasa ibang dimensiyon,” at wala Ako sa ganoon “kataas” na antas. Alam Ko lang kung ano ang normal na pag-iisip at normal na pagkamakatwiran, kung paano kumilos sa paraang naaayon sa pagkatao at pagkamakatwiran, kung anong mga bagay ang dapat tiisin nang may pagpapasensya at kung anong mga bagay ang dapat tratuhin nang seryoso, at kung anong mga prinsipyo at kredo ang dapat mahigpit na sundin kapag nakikisalamuha sa mga tao, gayundin kung paano mag-isip sa paraang hindi baluktot, radikal, higit sa natural, o sukdulan sa ilang partikular na sitwasyon, at kung paano mag-isip nang normal nang hindi kumikiling sa isang panig o sa kabilang panig. Alam Ko ang mga bagay na ito, pero hindi Ko kailanman nalaman kung ano ang ibig sabihin ng “pagiging nasa ibang dimensiyon,” “pagkakaroon ng lawak ng isipan,” at “pagpapanatiling hindi kapansin-pansin sa pag-asal.” Sinusunod Ko lang ang mga prinsipyo ng pag-asal nang sumusunod sa mga panuntunan at paggawa ng mga bagay nang may katapatan sa tungkulin. Hindi ba’t simple ito? (Oo.) Anuman ang usaping Aking pangasiwaan, mula sa Aking perspektiba at paninindigan ay tinitingnan Ko ang bawat usapin at bawat tao nang tama, makatarungan, matino, at makatwiran bilang isang ordinaryo at normal na tao, nagsisikap na makamit ang katarungan, pagiging patas, pagiging matino, at pagkamakatwiran sa lahat ng Aking ginagawa, nang hindi nagiging radikal, hungkag, o hindi kumbensiyonal. Bukod pa rito, hindi Ako umaasal na nakatataas, at hindi Ko kailanman tinitingnan ang anumang bagay mula sa gayon kahungkag na posisyon gaya ng ikatlong langit. Bagama’t ang Aking pagharap sa maraming bagay sa tunay na buhay nang ganito ay tila napakakaraniwan sa mga tao, ang mga ito ay ilang kaisipan at pananaw, at mga paraan ng pag-asal, na dapat taglayin ng isang tao sa pamumuhay at pananatiling buhay bilang isang miyembro ng sangkatauhan. Ang pamumuhay nang ganito ay lubos na nakakapagpakalma at hindi nakakapagod, kaya nararamdaman ng maraming tao na madali Akong pakisamahan, nang walang anumang uri ng hindi kinakailangang komplikasyon. Ang Aking layunin sa pagsasabi sa inyo ng mga bagay na ito ay hindi para ipaalam lang sa inyo ang ilang bagay, kundi para sabihin sa inyo na mayroon Akong mga prinsipyo kapag nakikisalamuha sa sinuman o humaharap sa mga usapin—hindi Ko kailanman kinukuha ang mga bagay sa pamamagitan ng puwersa o panlilinlang, hindi Ako kailanman nambobola, hindi Ko kailanman gustong manamantala sa sinuman kapag nakikitungo sa mga tao, at lalong hindi Ko lalabagin ang batas para harapin ang anumang usapin. Sa madaling salita, ang mga prinsipyo ng Aking sariling asal ay ang sumunod sa mga kredo ng pag-asal nang sumusunod sa mga panuntunan at paggawa ng mga bagay nang may katapatan sa tungkulin, para mapanatag ang Aking konsensiya at maging patas sa paggawa ng mga bagay, hindi manakit o mandaya ng sinuman, at hindi pinsalain ang mga interes ng ibang tao. Kahit makinabang man Ako, hindi ito mangyayari dahil sa pamiminsala sa mga interes ng ibang tao; sa halip, nagsisikap Akong maging patas at makatarungan. Sinabi Ko na sa inyo ang mga bagay na ito at ibinigay Ko na ang mga halimbawang ito, at nakipag-usap na rin Ako sa inyo tungkol sa mga prinsipyo ng aspektong ito, kung paano umasal, sa teorya. Sadyang ganitong klase Ako ng tao. Kung gusto ninyong malaman ang higit pa para maberipika ang pagiging normal at pagiging praktikal, at ang kababaang-loob at pagiging tago, na Aking sinabi, at para maberipika na talagang kumikilos Ako ayon sa mga prinsipyong ito ng “pag-asal nang sumusunod sa mga panuntunan at paggawa ng mga bagay nang may katapatan sa tungkulin,” malugod Ko kayong inaanyayahan na mag-imbestiga at mangalap ng ebidensya sa lahat ng lugar para makita kung batay ba sa katunayan ang Aking sinasabi. Sa madaling salita, dapat maging malinaw sa inyong lahat ang mga bagay na ito. Sa pangkalahatan, ang mga ito ang lahat ng usapin tungkol sa buhay at pag-iral ng nagkatawang-taong Diyos. Ang mga ito ang dapat ninyong maunawaan, at ang kinakailangan din ninyong maunawaan.
Hindi lamang mahigpit na sumusunod ang Diyos na nagkatawang-tao sa mga kredo at prinsipyo ng pag-asal nang sumusunod sa mga panuntunan at paggawa ng mga bagay nang may katapatan sa tungkulin sa Kanyang buhay bilang tao, kundi mahigpit din Siyang sumusunod sa mga kredo at prinsipyong ito sa ministeryong Kanyang ginagampanan. Maraming taon na Akong gumagawa at nangangaral, at palagi na ninyong binabasa ang mga salitang Aking ibinabahagi. Sa pamamagitan ng iba’t ibang paksa, dapat ay naunawaan na ninyo ang Aking mga pananaw, paninindigan, at saloobin tungkol sa iba’t ibang isyu. Alam ninyo ito sa teorya, pero alam ba ninyo kung paano Ako umaasal at gumagawa ng mga bagay sa ministeryong Aking ginagampanan? Marahil alam lang ng ilan sa inyo na may mga ginawa Ako at alam ninyo kung anong mga pagpapamalas ang Aking ipinakita, pero pagdating sa mga partikular na usapin, baka hindi pa ninyo alam kung ano ang iniisip Ko sa Aking puso o kung ano ang Aking mga plano at balak. Kaya, magbibigay Ako ng maikling pagpapakilala. Pagdating sa usapin ng paggampan sa Aking ministeryo, sa pangkalahatan, sa gawaing kaya at dapat Kong gawin—at kinasasangkutan ng Aking ministeryo—ibinibigay Ko ang Aking buong makakaya, at hindi Ako nasasailalim sa anumang limitasyon. Wala Akong hinihingi mula sa inyo, at hindi rin Ako umaangkin ng papuri. Ginagawa Ko lang ang lahat ng posibleng paraan upang malinaw na maipaliwanag kung ano ang kaya Kong gawin, kung ano ang Aking nauunawaan, at kung ano ang Aking nalalaman. Para maipaliwanag nang malinaw ang mga bagay-bagay, kahit pa mahaba o nakakaabala ito, ginagawa Ko ang Aking buong makakaya para linawin ang mga ito. Nagsusumikap Akong umabot sa punto kung saan nararamdaman Ko sa Aking puso na naunawaan na ninyo at na naipaliwanag Ko na nang malinaw ang mga bagay-bagay, saka lamang Ako titigil sa pagsasalita, at magtatapos na roon ang paksa. Kung pakiramdam Ko ay masyadong kaunti ang Aking nasabi at baka hindi kayo nakaunawa, idedetalye Ko ito, magsasalita Ako nang higit pa, at sasabihin Ko pa nga ito nang paulit-ulit, sumusubok ng bawat posibleng paraan upang malinaw na maipaliwanag ang paksa. Hindi Ako natatakot na pagtawanan ninyo Ako—hindi Ako natatakot na pagtawanan ng ilang intelektuwal at sabihin nila, “Talagang napakahaba Mong magsalita!” Tinutupad Ko lang ang Aking responsabilidad batay sa mga prinsipyo ng pag-asal nang sumusunod sa mga panuntunan at paggawa ng mga bagay nang may katapatan sa tungkulin, ipinapaliwanag nang malinaw at payak ang mga salitang nilalayon Kong sabihin. Kung hindi maunawaan ng mga tao ang ilan sa mga salitang Aking ibinabahagi tungkol sa katotohanan, at pakiramdam nila ay hindi pa rin ito malinaw pagkatapos nilang marinig ang mga ito, magbibigay Ako ng halimbawa at magsasalita nang mas partikular. Bagama’t kailangan Kong magsabi ng maraming salita sa ganitong paraan, kahit nakakaramdam ng pagkaubos ng lakas, pagkapagod ng isip, at panunuyo ng Aking bibig, kailangan Ko pa ring gawin ang bawat posibleng paraan upang malinaw na maipaliwanag ang mga bagay-bagay. Kung hindi kayo makakaunawa pagkatapos Kong magsalita sa pagkakataong iyon, magdaraos Ako ng isa pang pagtitipon. At ano ang kaakibat niyon? Ang pagdaraos ng isa pang pagtitipon at pagsasalita hanggang sa matuyo ang Aking bibig ay nangangahulugang Ako ay labis na mapapagod; nangangahulugan ito ng muling pagdanas ng pagkapagod. Pero hindi Ako puwedeng magpakatamad. Hindi Ko puwedeng iwasang pag-usapan ang paksang ito nang walang pagsasaalang-alang kung naunawaan na ba ninyo ito, dahil lang sa tinalakay Ko na ito noong nakaraan at natatakot Akong mapagod. Kailangan Kong subukan ang lahat ng posibleng paraan upang malinaw na maipaliwanag ang paksang ito. Tungkol naman sa kung kaya ba ninyong maunawaan, tanggapin, at isagawa ang katotohanan pagkatapos marinig ang mga salitang ito, nakasalalay iyon sa personal ninyong paghahangad; hindi Ko na pinakikialaman iyon. Gayumpaman, pagdating sa mga paksang gusto Kong talakayin at hindi Ko pa natatalakay, at sa mga responsabilidad na hindi Ko pa natutupad o sa mga pasaning hindi Ko pa naibababa, tiyak na kinakailangan Kong tapusin ang mga ito at pangasiwaan ang mga ito nang maayos, hanggang sa maramdaman Ko sa loob-loob Ko, “Malinaw na itong naipaliwanag ngayon. Natalakay Ko na ang lahat ng nakapaloob sa paksang ito. Kahit papaano man lang, alam na ninyo ito at nauunawaan ninyo ito.” Saka Ako makakaramdam ng kapanatagan sa loob-loob Ko. Maaaring ang pagdaraos ng ilan pang karagdagang pagtitipon para sa inyo ay magdudulot sa Akin ng matinding pagkapagod kaya hindi Ako makakatulog nang ilang araw, pero sa susunod na mangyari ito, ganito pa rin ang gagawin Kong diskarte. Hindi Ako magpapakatamad, na sinasabing, “Para maiwasang mapagod, hindi Ako magsasalita nang ganoon karami, at magbabawas Ako ng isang pagtitipon. Tapusin na natin ang paksang ito rito; hindi naman hinahangad ng karamihan sa mga tao ang katotohanan.” Hindi Ako magiging pabaya sa inyo, ni magiging pabaya sa ministeryong Aking ginagampanan. Kapag ginagawa Ko ito, hindi Ko kailanman sinasabi na kinakailangan Kong gawin ang tama para sa Aking konsensiya, o gawin ang tama para sa mga kapatid na nakaupo rito at nakikinig sa Aking pangangaral nang ilang oras. Sa halip, natural at sa abot ng Aking makakaya ay ibinubuhos Ko sa inyo ang lahat ng dapat Kong gawin, gustong gawin, at gustong sabihin, hinahayaan kayong marinig ito at makamit ito. Hindi Ako nagpapakatamad, at hindi Ako kumikilos nang pabasta-basta. Kung hindi Ko maipaliwanag nang malinaw ang isang bagay sa unang pagkakataon, uulitin Ko ito nang dalawa o tatlong beses sa iba’t ibang paraan. Kahit pa mayroon kayong ilang opinyon tungkol sa Akin sa inyong puso o sabihin ninyong mahaba Akong magsalita, wala Akong pakialam. Hangga’t kaya Kong ipaliwanag nang malinaw ang mga bagay-bagay at makamit ang resulta, sapat na iyon. Kapag nagsasalita Ako, kumikilos Ako batay sa prinsipyo ng “paggawa ng mga bagay nang maayos at lubusan, pagtupad sa Aking responsabilidad, at pagbuhos sa inyo ng lahat ng nasa loob Ko.” Hindi Ako nagpapakatamad, o kumikilos nang pabasta-basta. Ito ang saloobin ng Diyos na nagkatawang-tao sa paggampan ng Kanyang ministeryo.
Para naman sa mga bagay na hindi kinasasangkutan ng Aking ministeryo, tulad ng paggabay sa inyo paminsan-minsan sa mga usaping saklaw ng inyong mga tungkulin, nasa labas ito ng Aking ministeryo. Baka hindi ninyo ito batid. Sa totoo lang, bukod sa pagbabahagi tungkol sa katotohanan at paggabay sa inyo na maunawaan ang mga katotohanang prinsipyo at pumasok sa katotohanang realidad, wala nang iba pang may kinalaman sa Akin; hindi ito ang nararapat Kong gawin. Hayaan ninyong linawin Ko ito sa inyo. Ang paggabay sa inyong gawain ay wala sa saklaw ng Aking ministeryo, at walang kinalaman sa Akin. Ayos lang kung gawin Ko man ang gawaing ito o hindi; iyon ay usapin ninyong mga tao. Ito ang unang pagkakataon na binanggit Ko ito—ang usapin ninyong mga tao. Ibig sabihin, ang inyong usapin, ang usapin ng mga tao, ay walang kinalaman sa Akin. Bakit Ko sinasabi ito? Ang ginagampanan ninyo ay ang inyong tungkulin, at ang ginagampanan Ko ay ang Aking ministeryo. Gumagawa Ako ng gawain, habang kayo ay gumagampan ng tungkulin; mayroong pagkakaiba. Tungkol sa paggabay sa inyo sa mga usaping saklaw ng inyong mga tungkulin, bukod sa pagbabahagi tungkol sa mga katotohanang prinsipyo, kung tatanungin ninyo Ako tungkol sa mga propesyonal na kasanayan o iba’t ibang gawain, susubukan Ko ang Aking buong makakaya upang malinaw na maipahayag kung ano ang Aking nauunawaan, kung ano ang Aking naaarok, at ang mga prinsipyong Aking napanghawakan, upang malaman at maunawaan ninyo ang mga ito. Gagawin Ko ang Aking buong makakaya para turuan kayo at tulungan kayong matuto. Para sa mga bagay na hindi Ko alam, ipapahanap Ko sa inyo ang mga sanggunian, o kung mayroong sinuman sa inyo na may alam tungkol dito, kokonsultahin Ko siya, “Napag-aralan mo ang propesyong ito, kaya ano ang sinasabi tungkol sa usaping ito ng mga materyales sa pag-aaral sa industriya? Ano ang mga panuntunan sa larangang ito ng kaalaman? Hanapin natin ang mga prinsipyo rito, upang ang ating gawain ay mas bumagay sa panlasa at mapanuring mata ng mga propesyonal, upang hindi tayo kutyain o maging katawa-tawa, upang hindi tayo magmukhang hangal, at upang hindi tayo magdala ng kahihiyan sa sambahayan ng Diyos.” Tingnan mo, ang mga himno ng koro, mga musical, paggawa ng pelikula, pagsusulat ng iskrip, sining, pati na rin ang pagsasayaw, mga kasuotan, at iba pa na Aking ginagabayan—anumang aspekto ito ng propesyonal o di-propesyonal na gawain, hindi ito gawain na nasa saklaw ng ministeryong Aking ginagampanan. Ito ay inyong tungkulin. Ang pagtawag dito na “inyong tungkulin” ay nangangahulugang ito ay inyong usapin, at na dapat kayo ang mangasiwa rito, dahil ang mga usaping ito ay kinasasangkutan ng mga partikular na larangan ng kaalaman, at mga teknikal at propesyonal na isyu ng mga partikular na industriya, at ang mga ito ay mga bagay na kailangan ninyong matutunan. Kayo ang dapat mag-aral sa mga dapat ninyong pag-aralan, kayo ang dapat magtanong sa mga dapat ninyong itanong, at kayo ang dapat magsagawa sa mga dapat ninyong isagawa. Ito, sa katunayan, ay walang kinalaman sa Akin. Ang gawaing Aking ginagawa ay ang katawanin ang nagkatawang-taong laman ng Diyos sa pagpapahayag ng mga salita, at ang katawanin ang Diyos sa pagsasalita sa inyo at paggawa sa inyo. Para naman sa gawaing walang kinalaman sa Aking ministeryo, iyon ay usapin ninyong mga tao. Para sa gawaing ito, nagsaayos ang Diyos ng isang lider at pastol para akayin kayo, at nagtatag din Siya ng iba’t ibang pagsasaayos ng gawain at iba’t ibang atas administratibo at regulasyon. Dapat kayong mahigpit na sumunod sa mga pagsasaayos ng lider na itinatag ng Diyos para sa inyo—ang taong ginagamit ng Banal na Espiritu—at magpasakop sa kanyang pamumuno. At para naman sa anuman sa gawaing Aking ginagawa sa labas ng Aking ministeryo, saan iyon nabibilang? Ang lahat ng ito ay nabibilang bilang karagdagang gawain. Hindi Ko kailangang gumampan ng tungkulin. Gumagawa Ako ng gawain at gumagampan ng Aking ministeryo, at ginagampanan ninyo ang inyong tungkulin. Samakatwid, kaya Kong gabayan ang inyong gawain, pero hindi ito ang nararapat Kong gawin. Kung iniisip ninyo, “Kailangan Mong gawin ang gawaing ito; ito ay Iyong gawain. Paanong magiging ayos lang na hindi Mo ito gawin? Kung hindi Mo ito gagawin, iaatang ko sa Iyo ang responsabilidad at hindi Kita palalampasin,” kung gayon ay sinasabi Kong mali kayo. Hindi ninyo ito puwedeng iatang sa Akin. Iyon ay tungkulin ninyong mga tao. Kapag hindi ninyo nauunawaan ang isang bagay tungkol sa inyong tungkulin, dapat kayong makipagbahaginan, magtalakayan, at maghanap nang kayo-kayo lang. Kung tatanungin mo Ako, at pahihintulutan ng Aking mga sitwasyon sa panahong iyon, matutulungan kita. Kung wala Akong oras at hindi kita matutulungan, hindi Ko na iyon pananagutan. Kung ang ilan sa inyo ay gagamit ng baluktot na pangangatwiran, sinasabing ito ay ang dapat Kong gawin, kung gayon ay mali ka. Ito ang tungkuling dapat ninyong gawin, at wala itong kinalaman sa Akin. Kung hindi mo ginagampanan nang maayos ang iyong tungkulin, iyon ay pagiging iresponsable mo at kawalan mo ng katapatan. Kung hindi mo tutuparin ang iyong tungkulin at susubukan mong ipasa sa Akin ang responsabilidad, isa itong pagpapamalas ng kawalan ng katwiran, at nakikita ito ng Diyos bilang lubhang kasuklam-suklam. Gayumpaman, kung nakikita Kong talagang hindi ninyo kayang gawin ang isang bagay, na hindi ninyo ito abot, at na hindi ninyo alam ang mga prinsipyo para sa paggawa ng gawaing ito, kailangan Kong tumulong, magbigay sa inyo ng isa o dalawang halimbawa, at kailangan Ko kayong ilagay sa tamang landas. Kung hindi pa rin ninyo ito magawa, at hindi pinapahintulutan ng Aking mga sitwasyon na gawin Ko ito, o hindi Ko rin ito magawa, ang tanging magagawa natin ay itigil ang aytem na ito ng gawain. Iyon lang ang magagawa natin—sino ba ang masisisi kung masyadong limitado ang inyong mga abilidad at napakahina ng inyong kakayahan? Pero kung gagampanan Ko nga ang isang aytem ng gawain, gagampanan Ko ito sa abot ng Aking makakaya. Kung alam Ko kung paano gawin ang isang bagay, sasabihin Ko iyon sa inyo, at ipapaalam Ko rin sa inyo kung ano ang hindi Ko alam gawin. Para sa mga bahaging hindi Ko alam, kokonsultahin Ko kayo. Kung hindi rin ninyo alam, magbubulay-bulay, mag-iisip, at maghahanap Ako nang mag-isa. Sa sandaling makaisip Ako ng isang landas, ilang ideya, at ilang palatandaan na susundan, magbabahagi Ako sa inyo, nagsusumikap na gawin ang Aking buong makakaya upang gawin ang gawaing ito nang maayos at lubusan. Sa isang banda, ito ay pagkakaroon ng pananagutan sa gawain. Sa kabilang banda, tinutulutan kayo nitong matuto ng isang bagay sa proseso ng Aking paggabay sa inyo. Natututunan ninyo ang mga prinsipyong kailangang maarok at ang mga katotohanang kailangang maunawaan para sa aspektong ito ng propesyonal na gawain. May ilang tao na, bagama’t nakakaunawa ng kaunting propesyonal na kaalaman, ay hindi makagawa ng isang tapos na produkto, kaya ginagabayan Ko sila. Pagkatapos itong magawa, nakakaramdam pa rin Ako ng kawalang-katiyakan tungkol dito, kaya pinapakonsulta Ko sila sa isang eksperto sa industriya, at ipinapasuri ito sa eksperto. Kung sasabihin ng eksperto na ang paggawa nito sa ganitong paraan ay sumusunod sa mga pamantayan ng industriya at hindi tayo nagiging katawa-tawa tungkol dito, ipagpapatuloy natin ang hakbang na ito. Kung sasabihin ng eksperto na mukhang ginawa ito ng isang baguhan, na ito ay mukhang nakakahiya, hindi tama, at hindi pasok sa mga pamantayan, agad nating sasabihan ang eksperto na gumawa ng ilang pagbabago rito. Hindi tayo puwedeng maging mapagmagaling, hindi tayo puwedeng magkunwaring nauunawaan natin ang isang bagay kung hindi naman, at kailangan mayroon tayong kamalayan sa sarili. Hindi natin dapat linlangin ang ating sarili; kailangan nating seryosohin ang mga bagay-bagay, nagsusumikap na magkamit ng isang bagay sa usapin ng mga propesyonal na kasanayan pagkatapos tapusin ang isang aytem ng gawain. Samakatwid, kapag ginagawa ang ganitong uri ng bagay, kahit pa isa Akong baguhan pagdating sa mga propesyonal na kasanayan at hindi Ako masyadong nakakaunawa, gagawin Ko pa rin ang Aking buong makakaya. Sinasabi ng ilang tao, “Bakit ginagabayan Mo pa rin sila kahit kapag hindi Ka nakakaunawa?” Ito ay dahil may limitadong mga propesyonal na kasanayan ang mga taong ito; talagang wala silang pagkamalikhain o magagandang ideya pagdating sa mga masining na produksiyong kinasasangkutan ng mga propesyonal na kasanayan. Mayroon Akong kaunting kalakasan sa larangang ito at mayroon Akong ilang ideya, kaya ibinibigay Ko ang mga ito sa mga taong ito na may kaunting pundasyon o kaunting sentido kumon sa isang partikular na propesyon, at iniisip ng lahat ng taong ito na napakaganda ng mga ideya Kong ito. Dahil nakikita Kong iniisip nilang napakaaganda ng Aking mga ideya, nagpapatuloy Ako at ginagabayan sila nang “mapangahas,” at ang ilan sa mga gawaing ginagabayan Ko sa ganitong paraan ay puwede na. Hindi Ako nagiging walang-hiya sa pagsasabi niyon; ang “puwede na” na ito ay may batayan—sinasabi Ko lang ito dahil ang mga ito ay nakita na ng mga eksperto sa industriya at sinabi nilang puwede na ang mga ito. Ang “puwede na” na ito ay hindi nangangahulugang napakaganda ng mga ito o umabot na sa isang propesyonal na pamantayan, kundi kahit papaano man lang, bineripika ng mga eksperto na maayos ang mga ito, at kaya nakakaramdam Ako ng kapanatagan. Sa ngayon, iniisip ng karamihan sa mga tao na ang ilang gawaing Aking ginabayan ay puwede na, at lumalabas na ang ilan sa mga ito ay nanalo pa nga ng mga parangal sa ilang kompetisyon, hindi ba? (Oo.) Anumang aspekto ng gawain o anumang uri ng bagay ang Aking ginagawa, hangga’t mayroon Akong ilang kaisipan at ideya, o pakiramdam Ko ay mayroon Akong magandang malikhaing konsepto, talagang magsasalita Ako. Susubukan Ko ang lahat ng posibleng paraan upang tumulong ang mga kapatid na ilapat ang mga ideyang ito sa produksiyon, upang mas maraming tao ang maging handang tingnan ito. Ang resulta ay naipapalaganap nang higit, mas mabuti, at mas malawak ang gawain ng Diyos at ang mga salita ng Diyos—sa gayon ay nakakamit ang ating layon. Tungkol naman sa mga paraan at metodo ng paggawa Ko ng mga bagay-bagay, nakabatay pa rin ang mga ito sa mga prinsipyo ng pag-asal nang sumusunod sa mga panuntunan at paggawa ng mga bagay nang may katapatan sa tungkulin. Kapag gumagawa Ako ng mga bagay-bagay, tahimik Akong kumikilos, at ginagawa Ko ang lahat ng pagsisikap upang tapusin ang gampanin at gawin ito nang maayos. Sa sandaling makompleto at mai-upload ang gawain, tapos na ang yugtong iyon.
Ang mga bagay na ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao sa loob ng saklaw ng ministeryong Kanyang ginagampanan ay nakabatay sa Kanyang mga prinsipyo ng pag-asal nang sumusunod sa mga panuntunan at paggawa ng mga bagay nang may katapatan sa tungkulin. Kapag gumagawa ng mga bagay sa labas ng saklaw na ito, hindi rin Siya lumilihis mula sa mga prinsipyong ito; umaasal din Siya nang sumusunod sa mga panuntunan at gumagawa ng mga bagay nang may katapatan sa tungkulin. Para sa mga problemang nakikita at natutuklasan Ko, ipinaparating Ko ang mga ito sa pamamagitan ng iba, o personal Akong nakikisangkot upang magbigay ng gabay at pagwawasto, at upang tumulong na lutasin ang mga ito. Sa madaling salita, pagdating sa mga bagay na maaari ninyong makasalamuha o narinig na ninyo sa inyong mga tunay na buhay, sa pangkalahatan ay pinangangasiwaan Ko ang lahat, anuman ito, batay sa gayong prinsipyo. Higit pa rito, hindi Ko pinag-iiba ang malalaki at maliliit na usapin. Pag-aalaga man ito ng mga pusa, pag-aalaga ng mga aso, pagtatayo ng mga kulungan ng baboy, pagtatayo ng mga kulungan ng tupa, o pagluluto, paggawa ng mga damit, o maging paglilinis, nakikisangkot Ako sa anumang nakikita Ko. Kapag nakikita Kong may ginagawa kayong mali, tinatagubilinan at iwinawasto Ko kayo. Iyong mga may puso ay makikinig at tatanggapin ito, habang iyong mga walang puso ay hindi makikinig at tatanggap. Pagkatapos, tinitingnan Ko kung sino ang nakikinig at nakakasunod sa Aking mga tagubilin, at ginagamit Ko sila. Sa paglipas ng mga taon ng pakikisalamuha sa inyo, ganito Ko ginagawa ang mga bagay-bagay. Pagkatapos sabihin sa inyo kung ano ang gagawin, patuloy Akong sumusubaybay hanggang sa matapos ang usapin at magawa ito nang maayos. Bagama’t maraming bagay ang hindi Ko ginagawa gamit ang sarili Kong mga kamay, palaging nakatuon ang Aking puso sa anumang sinusubaybayan Ko; hindi kailanman nililisan ng Aking puso ang mga bagay na ito. Kung may kailangang pangasiwaan nang apurahan at mabilis, gumagawa Ako mula bukang-liwayway hanggang dapithapon at hanggang sa kalaliman ng gabi para matapos ito, patuloy na sumusubaybay, nangangasiwa, at nagtatagubilin. Pero dahil sa Aking pisikal na kondisyon, gaya ng maiisip ninyo, labis na nakakapagod ang paggawa ng gawaing ito. Sa sandaling matapos na ito, tumitigil na Ako sa pagpunta roon. Kalaunan, may nakakapansin at nagsasabing, “Inorganisa ng Diyos ang mga bagay-bagay rito nang napakaayos para sa atin, pero hindi Niya ito natatamasa; tayo ang nakakatamasa ng lahat ng ito.” Sinasabi Ko na hangga’t natatamasa ninyo ito, sapat na iyon. Sa sandaling maayos na ang mga bagay-bagay para sa inyo, at angkop na ang lahat para sa inyo sa usapin ng inyong buhay at paggampan ng inyong mga tungkulin, hindi Ko na kailangang pagkaabalahan ang mga bagay na ito. Sa totoo lang, ang trabaho ng Diyos na nagkatawang-tao ay ang magbahagi tungkol sa katotohanan at magtustos ng katotohanan; ang ibang gawain ay walang kinalaman sa Akin. Pero sa paglipas ng mga taon na ito, bukod sa paggawa ng Aking gawain, naging abala rin Ako sa pagtulong sa inyo na lutasin ang mga problemang mayroon kayo sa paggampan ng inyong mga tungkulin, na kinailangan Ko ring pagsikapan nang husto. Bagama’t maraming gawain ang hindi nakaatang sa Akin, at maraming bagay na hindi Ko pa nagagawa noon—dahil hindi Ko kailanman sistematikong natutunan ang ilang uri ng kaalaman o kasanayan, o napangasiwaan ang mga bagay na ito sa buhay—hindi Ako tumayo lang sa isang tabi at walang ginawa habang nahaharap ang iglesia at ang sambahayan ng Diyos sa iba’t ibang bagay. Sa halip, ginagawa Ko ang Aking buong makakaya upang gabayan at tulungan kayong lahat, at pagdating sa mga usapin sa pang-araw-araw na buhay, ginagawa Ko rin ang lahat ng Aking makakaya upang maayos ang mga bagay-bagay para sa inyo. Kumikilos mula sa perspektiba ng pagkatao, ginagawa Ko ang Aking makakaya. Kung may nakikita Akong kailangang gawin at hindi Ko ito ginagawa, hindi Ako napapalagay sa loob-loob Ko. Kung nakakatuklas Ako ng problema at hindi Ko ito iwinawasto, hindi Ako napapalagay sa loob-loob Ko. Kung may gawaing walang nakakaalam kung paano gawin, at mayroon Akong mga ideya at kaya Ko itong gawin, pero hindi Ko ito ginagawa, hindi Ako napapalagay sa loob-loob Ko. Kaya, kailangan Ko lang kumilos. Samakatwid, sa panlabas, tila bukod sa pagsasalita at pangangaral, wala na Akong ibang ginawa. Pero labis Akong nagsumikap alang-alang sa inyong mga pang-araw-araw na buhay at sa mga pangunahing pangangailangan na kailangan ninyo para gampanan ang inyong mga tungkulin. Napakahina ng kakayahan ng karamihan sa mga tao na hindi man lang nila magawa nang maayos ang mga bagay na ito, kaya kailangan Kong mag-isip kung paano kayo gagabayan. Bagama’t mukha Akong karaniwan at hindi Ako isang mahalagang tao, at hindi Ako nakatanggap ng anumang uri ng pagsasanay sa lipunan, pagdating sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tauhan na gumagampan ng kanilang mga tungkulin sa sambahayan ng Diyos, mula nang una Ko kayong makasalamuha hanggang ngayon, walang ni isang aspekto ng inyong pangunahing kapaligiran sa pamumuhay, mga kondisyon sa pamumuhay, at mga pang-araw-araw na pangangailangan ang hindi Ko pinagsumikapan. Gamitin nating halimbawa ang pagtatanim ng mga gulay sa bukid. Noong una, nang makita Kong karamihan sa mga tao sa bukid ay nanirahan sa kanayunan at gumawa ng gawain ng pagtatanim nang ilang taon, pumili Ako ng ilang tao na marunong magtanim para akuin ang gawaing ito. Sinabi Ko sa kanila kung anong mga gulay ang itatanim sa kung anong panahon at kung paano itatanim ang mga ito, iniisip na hindi Ko na kakailanganing mag-alala tungkol dito pagkatapos niyon. Pero pagkaraan ng ilang panahon, pumunta Ako sa bukid at nakita Kong ganap na magulo ang lahat. Hindi makayanan ng superbisor ang responsabilidad, at hindi rin makagawa nang maayos ang mga manggagawa. Sa huli, wala Akong magawa kundi ang makisangkot, sumubaybay, at tagubilinan sila nang unti-unti. Mula sa pagpili at pagbili ng mga buto hanggang sa pag-alam kung gaano karami ang itatanim at kung paano pipiliin ang lupa, pati na rin kung ano ang itatanim sa bawat panahon, gaano karami ang itatanim, paano ito itatanim, sino ang dapat maging responsable sa pagtatanim, paano maglalagay ng pataba, at anong mga bagay ang dapat bantayan, ipinaliwanag Ko nang malinaw ang lahat sa kanila. Personal Ko silang tinagubilinan nang ganito; maliban na lang sa pagluluto para sa kanila at pagpapakain sa kanila, ginawa Ko ang lahat. Sinasabi ng ilang tao, “Hindi ba’t tinatrato Mo sila na parang mga tatlong taong gulang na bata?” Sa katunayan, ganoon nga talaga iyon. Ang mga taong ito ay tila mga nasa hustong gulang na lahat, pero talagang hindi nila kayang pasanin ang mga responsabilidad na ito. Kinailangan Ko lang silang akayin at personal na tagubilinan at turuan sa ganitong paraan bago tuluyang maging maayos ang mga bagay-bagay. Kalaunan, ang lahat ng taong gumagampan ng kanilang mga tungkulin ay nakakain na ng butil at gulay na sila mismo ang nagtanim. Sa tag-araw, nakakakain din sila ng ilang prutas, at sa taglamig, nakakakain sila ng mga gulay na inimbak nila. Kung hindi nakisangkot ang Itaas at hindi tiningnan ang gawaing ito, at hinayaan na lang ang mga tao sa ibaba na gawin ito, nagkagulo-gulo sana ang lahat ng ito. Ano’t anuman, ano ang katunayang sinasabi Ko sa inyo? Marami Akong nagawang bagay nang hindi sinasabi ang mga ito, pero ang mga bagay na sinasabi Ko ay tiyak na ang mga nagawa Ko.
Nagbabahagi Ako tungkol sa mga bagay na ito hindi para sabihin sa inyo kung gaano karaming bagay ang Aking nagawa, kung gaano katinding pagkapagod ang Aking dinanas, o ang laki ng Aking pagsisikap para sa inyong kapakanan. Hindi na kailangang pag-usapan ang mga bagay na ito. Kaya ano ang sinasabi Ko sa inyo? Ang Diyos na nagkatawang-tao ay pumaparito sa mundong ito ng mga tao upang katawanin ang Diyos sa paggawa ng gawain. Ang Kanyang trabaho ay ang ministeryong Kanyang ginagampanan. Sa yugtong ito ng mga huling araw, ang Kanyang trabaho ay ang bigyan ang mga tao ng lahat ng katotohanang kailangan nila upang matamo ang kaligtasan. Sa ministeryong Kanyang ginagampanan, mahigpit Siyang sumusunod sa mga kredo at prinsipyo ng pag-asal nang sumusunod sa mga panuntunan at paggawa ng mga bagay nang may katapatan sa tungkulin. Sa labas nito, sa Kanyang buhay bilang tao at pagdating sa Kanyang mga pagpapamalas ng pagkatao, hindi rin Niya nilampasan ang mga prinsipyo at kredong ito. Paggabay man ito sa inyo sa paggampan ng inyong mga tungkulin o pagtulong sa inyo na pangasiwaan ang iba’t ibang usapin tungkol sa mga pangunahing pangangailangan sa buhay, kumikilos Ako batay sa mga prinsipyo ng pag-asal nang sumusunod sa mga panuntunan at paggawa ng mga bagay nang may katapatan sa tungkulin. Hindi Ako kailanman sumisigaw ng mga islogan o nagsasalita nang may pagmamalaki, at hindi Ako kailanman nag-uutos nang pikit-mata; ginagawa Ko lang ang mga bagay nang praktikal. Hanggang sa anong antas Ko ito ginagawa? Halimbawa, noong tinatagubilinan ang pagtatanim sa bukid, ipinalista Ko sa kanila ang lahat ng uri ng gulay na alam nila, kung ano ang mga pangalan ng mga gulay na iyon, ano ang hitsura ng mga ito, gaano katagal ang panahon ng paglaki ng mga ito, at aling uri ang pinakamainam at pinakaangkop para sa lokal na pagtatanim. Batay sa Aking nalalaman, pumili Ako ng isa o dalawang uri ng bawat gulay, nagpasya kung sino ang magiging responsable sa pagtatanim ng mga ito, at sa huli ay ginawa ito upang makakain ang lahat ng sariwang gulay sa bawat panahon. Hindi Ako kailanman sumisigaw ng mga islogan, sinasabing, “Napakamasustansiya ng gulay na ito. Labis na nakikinabang ang mga tao sa pagkain nito. Ang ganito at ganyan ay isang siyentipikong paraan ng pagtatanim nito.” Hindi Ako kailanman nag-aral ng nutrisyon, at hindi Ko rin nauunawaan ang pagsasaka. Ano ang alam Ko? Alam Ko kung paano piliin ang uri ng gulay na angkop itanim sa isang partikular na lokasyon, upang pagkatapos nitong lumaki, masarap ang lasa nito, handa ang lahat na kainin ito, at hindi ito itinanim nang walang saysay—ganito lang kapraktikal ang Aking diskarte. Ang lahat ng ito ay pag-asal nang sumusunod sa mga panuntunan at paggawa ng mga bagay nang may katapatan sa tungkulin. Ang mga ito ang mga prinsipyo at kredong Aking sinusunod; ganito Ako umasal sa paglipas ng mga taon. Hindi Ako kailanman sumisigaw ng mga islogan, at hindi Ko kailangan ang inyong pasasalamat. Hangga’t angkop ang inyong pagkain at tirahan, at hindi ganap na magulo ang mga bagay-bagay, nakakaramdam Ako ng kapanatagan. Kapag walang sinumang nang-aabala o nanggugulo, at mukhang malinis kahit saan, maayos na naitanim ang mga butil at gulay, maayos na naaalagaan ang mga baboy, tupa, at iba pang alagang hayop, at medyo maayos ang lahat ng iba pang lugar, kung saan hindi na problema ang mga pangunahing pangangailangan para sa karamihan ng mga taong gumagampan ng kanilang mga tungkulin, maaari na Akong tumigil sa pag-aalala. Ang Aking mga hinihingi sa usaping ito ay hindi mahigpit. Tingnan ninyo, sumigaw ba Ako kailanman ng mga islogan kapag ginagabayan kayo sa anumang gawain o sa mga isyung kinasasangkutan ng inyong mga pangunahing pangangailangan? Hindi Ako kailanman sumigaw ng mga islogan. Pagkatapos Kong maayos ang mga bagay-bagay para sa inyo, naghahanap Ako ng mga angkop na tao upang ipatupad ang gawain. Kung hindi angkop ang mga taong nahanap at hindi maipatupad ang gawain, pinapalitan sila. Kapag naipatupad na sa wakas ang gawain, at angkop nang napangasiwaan ang karamihan sa mga bagay, at maayos nang naisaayos ang mga pangunahing pangangailangan ng mga tauhan na gumagampan ng kanilang mga tungkulin, saka Ko lang maaaring itigil ang Aking gawaing pantao, hindi Ko na kailangang magsikap sa usaping ito. Palagi pa ring nagtatanong sa Akin ang ilang tao tungkol sa di-mahahalagang usapin. Sinasabi ng isang tao, “Ano ang dapat naming gawin kung hindi makasuso ang bagong silang na tupa?” Sinasabi naman ng isa pa, “Ano ang dapat naming gawin kung palaging lumiliit ang mga damit na ginagawa namin?” Kailangan ninyong alamin kung paano lutasin ang mga bagay na ito nang kayo lang; iyon ay usapin ninyo, at wala itong kinalaman sa Akin. Kahit kapag nagbabahagi tungkol sa katotohanan, isang beses Ko lang itong sinasabi. May mga audio recording ng mga sermon at pagbabahaginan. Kung hindi ninyo nauunawaan, maaari ninyong pakinggan ang mga ito nang ilang beses pa, at maglaan kayo ng oras upang magbulay-bulay, maghanap, at magbahaginan. Kung, batay rito, medyo nalilito pa rin kayo tungkol sa ilang isyu at hindi ninyo alam kung paano pangasiwaan ang mga ito, maaari nating pagbahaginan ang mga ito kapag nagkita tayo. Pero pagdating sa kung ano ang makakamit ng mga tao, pinakamabuti para sa inyo na pangasiwaan ang mga gayong bagay nang kayo lang. Nilikha ng Diyos ang langit at lupa at lahat ng bagay para sa mga tao—ang araw, buwan, mga bituin, tubig, hangin, sikat ng araw, pagkain, pati na rin ang iba’t ibang kapaligiran at mga buhay na bagay na kailangan ng mga tao, pagkatapos ay inilagay Niya ang mga tao sa lupa. Pinapanatili ng Diyos ang mga batas ng paglaki at pag-andar ng lahat ng bagay para sa mga tao, at pinapanatili ang mga kapaligiran sa pamumuhay ng mga tao—nasa mga tao na kung paano talaga sila mamumuhay. Para naman sa kung anong mga bagay ang itatanim sa anong panahon, kailan aanihin ang mga ito, paano iimbakin ang mga ito pagkatapos ng anihan, anong mga pamamaraan ang gagamitin kapag ginagawa ang mga itong pagkain, ano ang mas maraming kakainin, ano ang mas kaunting kakainin, ano ang kakainin sa anong panahon, gaano karami ang kakainin araw-araw—iyon ay sariling usapin na ninyo. Ngayong napakalinaw nang naibahagi ang katotohanan, at maayos nang naisaayos para sa inyo ang mga usapin tungkol sa buhay, kung hihilingin pa rin ninyo sa Akin na tulungan kayong gawin ang ganito at ganyan, at hahanapin pa rin ninyo Ako upang magbahagi sa inyo tungkol sa ganito at ganyan, kung gayon ay labis kayong walang katwiran. Tungkol naman sa mga naibahagi Ko na, sinasabi Ko sa inyo na pangasiwaan at lutasin ang mga bagay na ito nang kayo-kayo lang. Ang iglesia ay may mga lider sa lahat ng antas, at mayroon ding taong ginagamit ng Banal na Espiritu upang akayin kayo. Dapat kayo mismo ang maghanap at lumutas ng mga bagay-bagay; huwag kayong lumapit sa Akin para sa lahat ng bagay. Ang dahilan ay nasabi Ko na ang lahat ng dapat sabihin, naisaayos Ko pa nga ang inyong mga pangunahing pangangailangan para sa inyo, at pagdating sa di-mahahalagang usaping iyon, hindi ang mga iyon ang dapat Kong lutasin, kundi sariling usapin ninyo ang mga iyon, at dapat kayo mismo ang mangasiwa sa mga ito.
Gaano man karaming salita ang sabihin ng Diyos na nagkatawang-tao o gaano man karaming bagay ang Kanyang gawin, kinakailangang malaman ng mga tao na ang pinakamahalagang punto tungkol sa pagiging normal at pagiging praktikal, at sa kababaang-loob at pagiging tago, ng Diyos na nagkatawang-tao, ay ito: Namumuhay man ang Diyos na nagkatawang-tao sa gitna ng mga tao o gumagampan ng Kanyang ministeryo, ang mga pinakapangunahing kredo at prinsipyo ng Kanyang pagkatao, na isinasabuhay ng Kanyang laman, ay ang pag-asal nang sumusunod sa mga panuntunan at paggawa ng mga bagay nang may katapatan sa tungkulin. Nasasalamin ito sa nagkatawang-taong laman ng Diyos, at natural, nasasalamin din ito sa Diyos na nagtataglay ng pagkakakilanlan at diwa ng Diyos, ang Diyos sa Kanyang likas na pagkakakilanlan. Siyempre, sa kaso ng Diyos, hindi ito tinatawag na “pag-asal nang sumusunod sa mga panuntunan,” pero kahit papaano man lang, sa paraan ng paggawa ng Diyos ng mga bagay-bagay, at sa paraan ng Kanyang pagtrato sa mga tao at mga bagay, tiyak na mahigpit din Siyang sumusunod sa mga prinsipyong ito. Ito ay kapwa kung ano ang mga tinataglay ng pagkatao at kung ano ang pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao, at kung ano ang mga tinataglay ng pagka-Diyos at kung ano ang pagka-Diyos ng Diyos sa Kanyang likas na pagkakakilanlan. Ang mga tinataglay ng Kanyang pagkatao at kung ano ang Kanyang pagkatao ay kinapapalooban ng pag-asal nang sumusunod sa mga panuntunan at paggawa ng mga bagay nang may katapatan sa tungkulin, habang ang diwa ng Diyos sa Kanyang likas na pagkakakilanlan ay kinapapalooban ng pagtrato ng Diyos sa mga tao nang sumusunod sa mga panuntunan at paggawa ng mga bagay nang may katapatan sa tungkulin. Hindi na natin masyadong pag-uusapan pa ang tungkol dito. Anuman ang perspektiba mo—pagdating sa lahat ng bagay na nilikha ng Diyos, sa kataas-taasang kapangyarihan at gabay ng Diyos sa sangkatauhan, mula sa malalaking usapin hanggang sa maliliit, at mula sa malalawak hanggang sa maliliit na detalye—ginagawa ng Diyos ang lahat ng bagay nang sumusunod sa mga panuntunan at nang may katapatan sa tungkulin. Noong hindi pa nagkakatawang-tao ang Diyos, nakatago Siya sa gitna ng lahat ng bagay. Bagama’t hindi nakita ng sangkatauhan ang pigura ng Diyos o ang tunay na mukha ng Diyos, palagi nang inaakay ng Diyos ang buong sangkatauhan. Palagi rin Niyang ginagawa ang bawat isang bagay, pinamamahalaan ang bawat isang bagay, at may kataas-taasang kapangyarihan Siya sa bawat isang bagay sa sansinukob sa praktikal na paraan; walang anumang hungkag sa Kanyang ginagawa. Siyempre, walang ni isang bagay na ginawa ng mga kamay ng Diyos ang nananatili sa antas ng mga teorya o islogan. Sa halip, sa bawat isang bagay na ginagawa ng Diyos—napapahalagahan mo man ito o hindi, nakikita mo man ito o hindi—ginagawa Niya ito nang sumusunod sa mga panuntunan at nang may katapatan sa tungkulin. Ginagawa Niya nang praktikal ang gawaing nilalayon Niyang gawin. Hindi Siya kailanman gumagawa ng mga pagpapahayag o binibigyang-katwiran ang Kanyang sarili sa mga tao, at hindi rin Siya sumisigaw ng anumang islogan. Sa halip, palagi Siyang gumagawa ng mga pagbigkas at nagsasalita, praktikal na inaakay at tinutustusan ang buong sangkatauhan. Ito rin ang mga tinataglay ng Diyos at ang Kanyang pagiging Diyos. Ang mga tinataglay ng Diyos na nagkatawang-tao at ang Kanyang pagiging Diyos ay tiyak na hindi mahihiwalay o sasalungat sa mga tinataglay ng Diyos Mismo at sa Kanyang pagiging Diyos. Samakatwid, pagkatapos malaman ng mga tao kung ano ang mga tinataglay ng Diyos na nagkatawang-tao at ang Kanyang pagiging Diyos, o malaman ang mga kredo at prinsipyo ng sariling asal na sinusunod ng Diyos na nagkatawang-tao, sa malaking bahagi ay makikilala nila ang diwa ng Diyos sa Kanyang likas na pagkakakilanlan, at kung ano ang mga tinataglay Niya at ang Kanyang pagiging Diyos. Bilang resulta, ang mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao tungkol sa Diyos sa langit ay mababawasan hanggang sa isang partikular na antas, at ang kanilang kaalaman, pag-unawa, o mga pananaw sa Diyos ay magiging mas praktikal. Sa relatibong pananalita, magagawa rin nilang tratuhin ang Diyos na nagkatawang-tao nang mas tumpak, obhetibo, at makatwiran, sa halip na kondenahin kung ano ang mga tinataglay ng Kanyang pagkatao at kung ano ang Kanyang pagkatao, o hamakin o balewalain kung ano ang mga tinataglay ng Kanyang pagkatao at kung ano ang Kanyang pagkatao. Sa halip, sa isang banda, magagawa nilang tratuhin ito nang tama, at sa kabilang banda, mas magagawa pa nila—sa pamamagitan ng kung ano ang mga tinataglay ng Kanyang pagkatao at kung ano ang Kanyang pagkatao—na makita kung ano ang mga tinataglay ng Kanyang pagka-Diyos at kung ano ang Kanyang pagka-Diyos, kaya mas tumpak na makikilala kapwa ang Diyos sa langit at ang Diyos sa lupa.
Sige, tatapusin natin dito ang ating pagbabahaginan tungkol sa paksang ito para sa araw na ito. Paalam!
Agosto 10, 2024