Paano Hangarin ang Katotohanan (20)
Ngayon, ipagpapatuloy natin ang pagbabahaginan sa ating nakaraang paksa. Noong nakaraan, nagbahaginan tayo tungkol sa mga pinagmulan ng lahat ng uri ng tao, at tinalakay natin ang tatlong uri. Naaalala ba ninyo kung ano ang tatlong uri? (Ang isang uri ay pagrereinkarnasyon mula sa mga hayop, ang isa ay pagrereinkarnasyon mula sa mga diyablo, at ang isa pa ay pagrereinkarnasyon mula sa mga tao.) Saan tayo umabot sa ating talakayan? (Umabot tayo sa punto ng pagtalakay ng kung paano nagtataglay ng normal na pagkatao ang uri ng mga taong nagreinkarnasyon mula sa mga tao, at kung paanong mayroon silang konsensiya at katwiran sa loob ng kanilang pagkatao. Kabilang dito ang dalawang katangian ng pagkilatis ng tama sa mali, at pagkaalam kung ano ang wasto at hindi wasto.) Ang isa ay ang pagkilatis ng tama sa mali, at ang isa naman ay ang pagkaalam kung ano ang wasto at hindi wasto; ang mga ito ang mga katangian ng mga tao. Taglay ng mga tao ang dalawang katangiang ito dahil sa pangunahin ay nagtataglay sila ng konsensiya at katwiran; samakatwid, ang mga nagtataglay ng konsensiya at katwiran ay may kakayahan ng pagkilatis ng tama sa mali at pagkaalam kung ano ang wasto at hindi wasto. Nagkaroon din tayo ng ilang detalyadong pagbabahaginan tungkol sa aspektong ito. Pangunahin nating pinagbahaginan ang tungkol sa mga pagpapamalas ng mga hindi kayang kumilatis ng tama sa mali at hindi kayang makaalam kung ano ang wasto at hindi wasto, inilalantad ang ilan sa kanilang mga pagpapamalas sa negatibong panig, at pagkatapos niyon, pinag-usapan natin kung ano ang mga positibong bagay, hindi ba? (Oo.) Ngayon, ipagpatuloy natin ang pagbabahaginan sa paksa ng pagrereinkarnasyon mula sa mga tao. Ang mga nagreinkarnasyon mula sa mga tao ay hindi lang kayang kumilatis ng tama sa mali, kundi alam din nila kung ano ang wasto at hindi wasto. Ang pagkilatis ng tama sa mali ay pangunahing tungkol sa pagkaalam kung ano ang mga positibong bagay at kung ano ang mga negatibong bagay—ibig sabihin, ang isang taong kayang kumilatis ng tama sa mali ay kayang kilatisin ang lahat ng uri ng mga tao, pangyayari, at bagay; kahit ang mga bagay na hindi pa nila naranasan noon, gagamitin nila ang kanilang konsensiya at katwiran para gumawa ng isang simpleng pagtatasa sa mga ito. Kung makakaharap sila ng gayong mga bagay at makakaramdam sila ng pagkabagabag sa kanilang konsensiya o hindi tugma ang mga bagay na ito sa kanilang katwiran, gagawa sila ng isang pangunahing pagpili, hindi namamalayang nararamdaman ang pagiging wasto o hindi wasto, o ang positibo o negatibong kalikasan, ng gayong mga bagay. Ibig sabihin, gagamitin ng mga tunay na tao ang mga pangunahing pakiramdam ng kanilang konsensiya o katwiran para tasahin ang mga di-pamilyar na bagay na nakahaharap nila, para kilatisin kung ang mga ito ay mga positibong bagay o mga negatibong bagay, at kung ang mga ito ay wasto o hindi wasto. Gayumpaman, para sa mga taong hindi nagtataglay ng konsensiya at katwiran, napakahirap na kilatisin ang tama sa mali at malaman kung ano ang wasto at hindi wasto, tungkol man ito sa mga di-pamilyar na bagay o mga pamilyar na bagay. Sa partikular, lalo pa nga silang walang kakayahang malaman kung wasto o hindi ang ilang bagong bagay na lumilitaw sa lipunan. Hindi nila kayang kilatisin kung ang mga ito ay mga positibong bagay o mga negatibong bagay. Kung lumitaw ang isang positibong bagay sa lipunan, makikisabay pa nga sila sa mga makamundong kalakaran sa kung paano nila ito tratuhin, at sa pagkondena at pagtanggi rito. Ito ang pagkakaiba sa pagitan ng mga tao at mga di-tao. Nakikita mo, bagama’t pare-pareho silang mukhang tao, ang ilan ay hindi pa kailanman narinig ang katotohanan o natanggap ang panustos ng mga salita ng Diyos, subalit anuman ang kapaligirang kinaroroonan nila, mayroon silang pinakabatayang pamantayan para sa kanilang mga kilos—kahit papaano, isang pinakabatayang pamantayan ng konsensiya. Hinding-hindi sila gagawa ng mga bagay na labag sa konsensiya o moralidad. Ito ay dahil sa kaibuturan ng kanilang puso ay nasusuklam sila sa mga negatibong bagay, at nagtataglay sila ng konsensiya at katwiran ng tao, at kaya, sa kung paano sila umasal at kumilos, mayroon silang isang pangunahing pinakabatayang pamantayan ng moralidad. Gayumpaman, para sa mga di-taong iyon, kung titingnan ang mga katangian ng kanilang klasipikasyon, hindi sila nagtataglay ng konsensiya at katwiran. Sa isang banda, hindi nila kayang kumilatis sa pagitan ng mga positibo at negatibong bagay. Sa kabilang banda, hindi sila nakararamdam ng pagkasuklam o pagkamuhi sa mga negatibong bagay na iyon o maging sa malilinaw na maling bagay, at wala rin silang abilidad na labanan ang mga ito; may kakayahan pa nga silang mahalin ang mga negatibong bagay at sundin ang masasamang kalakaran. Ang mas nakalulungkot pa, ang ilang taong nananampalataya sa Diyos at nagsasabing sumusunod sila sa Diyos ay kaya pa ring sumunod sa masasamang kalakaran at gawin ang masasamang na bagay na iyon tulad lang ng mga walang pananampalataya, ginagawa ito nang walang anumang pagkaramdam ng kahihiyan, ni anumang panunumbat mula sa kanilang konsensiya.
Sa panahon ngayon, maraming tao ang nagse-selfie gamit ang kanilang mga telepono. Anong uri ng mga larawan ang kinukunan ng mga taong may normal na pagkatao? Kumukuha sila ng mga litrato na makabuluhan at karapat-dapat alalahanin, na may layuning mag-iwan ng ilang magagandang alaala. Kahit na kunan nila ng litrato ang kanilang sarili, kumukuha sila ng mga litrato na mukhang pino, angkop, marangal, at matuwid. Ang kanilang mga kilos sa usaping ito ay pawang nasa saklaw ng konsensiya at katwiran ng normal na pagkatao. Ngunit iba ang mga walang konsensiya at katwiran; nagse-seselfie rin sila, ngunit problematiko ang kanilang mga selfie. Anong uri ng mga litrato ang kinukunan ng ilang babae? Hindi sila kumukuha ng mga marangal, matuwid, at angkop na litrato. Kapag nakikita nila online ang mga babaeng walang pananampalataya na kumukuha ng ilang mapanuksong litrato, malalaswang larawan, o mga partikular na kakatwang larawan, ginagaya nila ang mga ito, kumukuha rin ng ilang litrato na nagpapatulo ng laway ng mga lalaki at nagdudulot ng malalaswang pag-iisip—ibig sabihin, partikular silang kumukuha ng mga litrato ng kanilang sarili kung saan mukha silang mga patutot, mahahalay na babae, o malalaswang litrato. Gusto ng ilang babae na maglagay ng makapal na kolorete, pinapaputi nang husto ang kanilang mukha at pinapupula nang husto ang kanilang labi, at naglalagay ng makeup sa mata sa paraang nagmumukha silang kakatwa; sadya silang pumopostura sa isang mapang-akit at nakakabighaning paraan sa harap ng kamera, ang kanilang mga mata ay may tingin na nakahahalina at mahalay, na nagdudulot sa mga lalaki ng malalaswang pag-iisip kapag nakikita nila ang lahat ng ito. Mayroon ding mga babae na inilalaylay ang kanilang mahabang buhok sa kanilang mga mukha, bahagyang itinitingala ang kanilang mga mukha at nagpapakita ng isang mapang-akit at mahalay na tingin sa mga siwang ng kanilang buhok. Sa madaling salita, ang gayong mga babae ay kumukuha ng mga litrato gamit ang anumang mga ekspresyon at kilos na sa tingin nila ay mapang-akit at seksi. Pagkatapos maglitrato nang ganito, ang mga babaeng ito ay nakakaramdam din ng matinding narsisismo, hinahangaan ang sarili nilang mga mapanuksong larawan paminsan-minsan. Higit pa rito, inilalagay nila ang kanilang pinakapinahahalagahan at paboritong mga selfie bilang wallpaper sa kanilang kompyuter o telepono, at ang ilan sa mga babaeng ito ay ipino-post pa nga ang mga ito online. Sa tuwing tinitingnan nila ang mga litratong ito, pakiramdam nila ay napakakaakit-akit nila, na ipinanganak sila para maging isang bituin, at na kung hindi sila nanampalataya sa Diyos, tiyak na sisikat sila nang husto. Tingnan ninyo, anong uri ng landas ang tinatahak nila? Hindi lang nila mismo palaging hinahangaan ang mga litrato, kundi ipinapakita rin nila ang mga litratong ito sa mga taong nakapaligid sa kanila. Kung hindi sila pupurihin ng mga tao pagkatapos makita ang mga litrato, hindi sila nasisiyahan sa kanilang kalooban. Kung makakatagpo sila ng isang taong kauri nila na partikular na humahanga sa kanilang mga litrato at nagsasabing, “Napakaganda ng pagkakakuha sa litratong ito, litrato ito ng isang bituin! Kamukhang-kamukha nito si ganito’t ganyan,” lalo pa silang nasisiyahan sa kanilang sarili, at nagpapakasaya sila sa damdaming ito araw-araw. Gusto rin ng ilang tao na palamutian ang kanilang mga larawan, naglalagay ng isang pares ng tainga ng kuneho sa kanilang ulo at nagdaragdag ng mga whisker ng pusa, iniisip na mas cute sila kaysa sa mga kuneho at kuting. Tinatanong nila ang lahat ng makatagpo nila, “Sa tingin mo ba ay mas kamukha ko ang isang kuneho o isang kuting?” Kapag sinabi ng mga tao, “Sino ang nakakaalam kung ano ang kamukha mo?” labis silang nagagalit. Sabihin ninyo sa Akin, hindi ba’t baluktot ang pag-iisip ng isang tao na ayaw maging isang wastong tao kundi nais na maging isang hayop? Ipino-post pa nga nila ang mga “obra maestra” nilang ito online, sinusubukang makakuha ng papuri mula sa mas maraming tao. Mayroon ding ilang tao na nagbibihis bilang mga eskrimador o mga kabalyerong gumagala kapag kumukuha ng mga selfie—o bilang si Spider-Man o Batman mula sa mga pelikulang Kanluranin—o nagbibihis sila bilang mga astig, suplado, at misteryosong mga karakter. Ginagawa nila ang lahat ng ito sa pag-asang magugustuhan at sasang-ayunan sila ng iba, at nahuhumaling sila rito araw-araw. Sabihin ninyo sa Akin, anong uri ng mga tao ang mga ito? Sila ba ay mga normal na tao? Hinding-hindi; sila ay mga di-tao. Bagama’t ang pagkuha ng mga selfie ay isang simple at maliit na usapin lamang sa gitna ng masasamang kalakaran, ibinubunyag nito ang mga gusto at hinahangad ng isang tao, at ibinubunyag nito ang kanyang karakter, ang mga pangangailangan ng kanyang pagkatao, at ang mga bagay na nasa kaibuturan ng kanyang kaluluwa. Ginagamit ng mararangal at matutuwid na tao ang cellphone, ang kasangkapang ito, para kumuha ng mga litrato ng mga positibo, makabuluhan, at mahahalagang bagay, samantalang ang mga taong hindi nagtataglay ng mga katangian ng pagkatao ay kumukuha ng mga litrato ng mga negatibo at buktot na bagay—mga bagay na kinakailangan ng sarili nilang kalikasang diwa. Masasabi na ang uri ng pagkatao ng isang tao ang siyang tumutukoy sa uri ng mga pangangailangan na mayroon siya, sa uri ng mga litrato na kinukunan niya, at sa paraan ng pagpili niya ng pagbibihis sa kanyang sarili at pagpepresenta ng kanyang imahe. Pipiliin ng mga taong may normal na pagkatao na kumuha ng ilang mararangal, matutuwid, pino, makabuluhan, at mahahalagang litrato bilang mga alaala, habang ang mga taong walang normal na pagkatao ay susunod sa masasamang kalakaran ng mundo, ginagawa ang mga bagay na gusto nila. Bagama’t isang maliit na usapin ang pagkuha ng mga selfie, sapat na ito para makita ang mga kaloob-loobang kagustuhan at hangarin ng mga tao. Anuman ang usapin, kahit pa ito ay isang bagay kung saan hindi masyadong malinaw na masasabi ng mga taong may normal na pagkatao kung anong mga bagay ang positibo at kung ano ang negatibo, dahil ang gayong mga tao ay pinipigilan ng konsensiya at katwiran, natural nilang pipiliin ang mga positibong bagay. Kung, dahil sa isang panandaliang kawalan ng pagkilatis, pumili sila ng isang negatibong bagay o hindi sinasadyang gumawa sila ng isang bagay na negatibo, agad silang magkakaroon ng pakiramdam sa kanilang puso—susumbatan sila ng kanilang konsensiya, o hindi ito magiging tugma sa kanilang katwiran. Kapag ang mga taong hindi nagtataglay ng pagkatao ay nahaharap sa mga positibong bagay, pakiramdam nila na ang mga positibong bagay ay labis na nakakabagot at nakakainip, hinding-hindi karapat-dapat na banggitin, at minamaliit ng mga tao, habang sa kanilang puso ay partikular nilang gusto at hinahangaan ang mga negatibong bagay, lalo na ang mga bagay na napakapopular sa loob ng masasamang kalakaran. Kung kukunan mo ng isang marangal at matuwid na litrato ang ganitong uri ng tao, maiinis sila at iismiran ito, sasabihin, “Sino ang kumukuha pa rin ng ganitong mga litrato? Laos na laos na ito!” Sila mismo ang pumipiling kumuha ng malalaswang litrato. Para sa mga normal na tao, nakakadiri at pangit tingnan ang gayong mga larawan, ngunit sinasabi ng ganitong uri ng tao, “Seksi ito. Nauunawaan mo ba kung ano ang seksi? Ito ay sunod sa uso; ito ay mataas na sining. Hindi mo naiintindihan ang sining!” Hindi lang sila hindi nandidiri kapag kumukuha ng malalaswang larawan ng kanilang sarili, kundi partikular din silang mahilig na sumunod sa mga bagay na ito na sunod sa uso at malaswa.
Ang mga di-tao ay lubhang masigasig sa mga negatibong bagay. Kapag may lumitaw na ilang negatibong bagay sa gitna ng masasamang kalakaran, mabilis nilang malalaman ang tungkol sa mga ito at magkakaroon sila ng mataas na antas ng pagtanggap sa mga ito. Kung mayroon silang pagkakataon at pinahihintulutan ng mga kondisyon, tiyak na gagawin nila ang mga bagay na iyon mula sa masasamang kalakaran na gusto at sinasang-ayunan nila. Hinding-hindi sila tatanggi, at hinding-hindi sila tatayo lamang sa isang tabi, lalo nang hindi nila kasusuklaman o lalayuan ang mga ito; sa halip, ibubuhos nila ang kanilang sarili sa mga ito. Sa partikular, ang ilang taong nananampalataya sa Diyos ay mahigpit ding sumusunod sa ilang nauusong kasabihan at pagsasagawa na naririnig nilang nagmumula sa Kanluran. Halimbawa, mayroong isang holiday sa Kanluran na tinatawag na Halloween, na sa katunayan ay isang pista ng mga multo. Sa araw na ito, ang matatanda at mga bata ay pawang nagsusuot ng iba’t ibang kasuotan tulad ng para sa mga pagtatanghal sa entablado o teatro. Ang ilan ay nagbibihis bilang mga mangkukulam, ang ilan bilang mga prinsipe o prinsesa, at ang iba bilang mga palaka, ahas, dinosaur, at iba pa. Pagkatapos ay magdadala sila ng mga basket o bag sa iba’t ibang mall, tindahan, at tahanan para humingi ng kendi. Ipinagdiriwang din ng ilang taong nananampalataya sa Diyos ang pistang ito, at nagsusuot sila ng mga kasuotan ng multo, nakakaramdam ng lubos na kaligayahan at iniisip na ito ay isang magandang pagkakataon para gumanap ng iba’t ibang papel. Anong mga kasuotan ang pinipili nilang isuot? Hindi sila nagsusuot ng mga kasuotan ng medyo positibong mga karakter, tulad ng mga opisyal ng militar, heneral, o bayani; iginigiit nilang isuot ang mga damit ng mga mangkukulam at manggagaway. Nagbibihis na tulad ng iba’t ibang diyablo para ipagdiwang ang pista ng mga multo, nakakaramdam sila ng kaligayahan at sa tingin nila ay masaya ito, hindi napagtatanto na ito ay isang bagay na kinasusuklaman ng Diyos at isang negatibong bagay sa mundo ng mga tao. Sa kaibuturan, ang ganitong uri ng tao ay walang malinaw na pagkaunawa sa gayong mga negatibong bagay, at hindi alam kung paano niya dapat tratuhin ang mga bagay na ito ng tradisyonal na kultura at ang mga sekular na kalakarang ito. Wala rin siyang tunay na pagkaunawa kung ano ba talaga siya mismo, hindi alam kung siya ba ay tao o multo. Hindi niya alam kung siya ay tao o multo, ngunit mahirap siyang hikayating maging tao, samantalang kung hihilingin mo sa kanya na maging multo o hayop, labis siyang nasisiyahan dito at hindi kailanman tumatanggi. Kaya sabihin ninyo sa Akin, ano ba talaga ang ganitong uri ng tao? Kung hihilingin mo sa kanya na maging isang taong may konsensiya at katwiran, madalas niyang sasabihin, “Magkano ba ang halaga ng konsensiya? Sino pa ba ang may pakialam sa konsensiya sa panahon ngayon? Sino pa ba ang may pakialam sa pagkagiliw at sa katarungang moral? Sino pa ba ang may pakialam sa moralidad?” Ngunit kung hihilingin mo sa kanya na magbihis at gumanap bilang isang manggagaway, o magsuot ng kasuotan ng dinosaur para gumanap bilang isang dinosaur, hindi siya tumututol o tumatanggi. Sabihin ninyo sa Akin, anong uri ng tao ito? Sa kanyang kalikasang diwa, mayroon ba talaga siyang kahit kaunting pagmamahal para sa mga positibong bagay? Nasusuklam ba siya kahit kaunti sa mga negatibong bagay? Kung titingnan ito mula sa mga tao, pangyayari, at bagay na pinipili niya, halata na wala siyang anumang pagmamahal para sa mga positibong bagay, at hindi siya nakakaramdam ng anumang pagkasuklam sa mga negatibong bagay. Sa kabaligtaran, partikular siyang nasusuklam sa mga positibong bagay, tinatrato ang mga ito nang may panunuya at paghamak. Para naman sa mga negatibong bagay—lalo na iyong mga partikular na popular at kasalukuyang usong-uso sa gitna ng masasamang kalakaran—labis niya itong hinahangaan at sinasang-ayunan. Sa partikular, ipinagmamalaki ng ilang tao na nakasasabay sila sa masasamang kalakaran at gumaganap sila ng mga papel ng mga diyablo, masasamang espiritu, at mababangis na hayop, pakiramdam nila ay naiiba sila sa karamihan. Malinaw na ang ganitong uri ng tao ay walang konsensiya at katwiran; habang mas nagmumula sa masasamang kalakaran ang isang bagay, mas gusto niya ito. Ang ilang taga-Silangan sa partikular—sa sandaling marinig ang mga taong nag-uusap tungkol sa kung ano ang uso sa Kanluran, kung ano ang gusto ng mga taga-Kanluran, at kung ano ang isinusuot at ginagamit ng mga taga-Kanluran—ay tinatanggap ang lahat ng ito nang hindi gumagamit ng anumang pagkilatis, at sinusubukan nilang gayahin ito. Kahit pa ito ay isang bagay na buktot, na labag sa konsensiya at katwiran, at labag sa katotohanan, tinatanggap pa rin nila ito. Sinasabi ng ilang tao, “Ito ba ay pagsamba sa mga bagay na banyaga at labis-labis na pagpuri sa mga dayuhan?” Ganoon ba iyon? (Hindi, sa kanilang kalikasang diwa ay gusto lang talaga nila ang mga buktot na bagay na ito.) Tama iyan. Pakiramdam nila na ang mga bagay na popular sa mga taga-Silangan ay hindi sapat na sopistikado, kaya sinusunod nila ang mga bagay na popular sa Kanluran, nais na maging natatangi at naiiba sa karamihan, at na tingalain ng iba. Ano’t anuman, ang ganitong uri ng tao ay hindi nagtataglay ng mga katangian ng pagkatao. Kung huhusgahan batay sa kanilang mga gusto at hinahangad, at batay rin sa kanilang mga kaisipan, pananaw, at mga pagbubunyag sa bawat usapin, wala silang konsensiya at katwiran. Ang kanilang mga kaisipan at pananaw ay kapareho ng sa mga hindi-tao, at kapareho pa nga ng sa mga diyablo at kay Satanas. Ang kanilang paninindigan at perspektiba sa pagtingin sa mga usapin ay tiyak na kontra, at kasalungat sa, paninindigan at perspektiba ng isang normal na tao gaya ng hinihingi ng Diyos. Gayumpaman, dahil ang mga tunay na tao ay likas na nagtataglay ng konsensiya at katwiran ng tao, huhusgahan nila ang sinumang tao, pangyayari, o bagay batay sa mga pakiramdam ng kanilang konsensiya at katwiran, pinipili ang mga positibong bagay mula sa mga ito, at kinikilatis ang wasto at di-wasto.
Ang ilang tao, sa kapaligiran ng lipunang Silangan, ay pinipigilan ng tradisyonal na kulturang Silangan at kayang sumunod sa ilang tradisyon ng Silangan. Bagama’t hindi sila gumagawa ng ilang bagay na labag sa konsensiya at moralidad, sa kaibuturan ay gusto nila ang mga bagay na ito. Samakatwid, sa sandaling magbago ang kapaligiran, sa sandaling magkaroon sila ng pagkakataon, ipapakita nila ang tunay na panig ng kanilang pagkatao, ganap na babaguhin kung ano ang hitsura nila, at magbubunyag ng isang katangiang di-tao. Paano dapat ipaliwanag ang katangiang ito na di-tao? Ipinapahiwatig ito ng hindi pagkilatis ng tama sa mali, hindi pagkaalam kung ano ang wasto at hindi wasto, at hindi pagtataglay ng konsensiya at katwiran ng normal na pagkatao. Ang ilang tao, kapag nasa Silangan sila, ay tila may matuwid na istilo, marangal, mabuti, at pino, at partikular na nagmamalasakit sa kanilang pamilya, walang masamang reputasyon. Ngunit pagdating nila sa Kanluran, iba na sila. Naririnig nilang sinasabi ng ilang tao, “Ang mga taga-Kanluran ay partikular na bukas, at partikular na malaya pagdating sa mga ugnayan sa pagitan ng mga lalaki at babae.” Ang totoo, hindi ito naaayon sa mga katunayan, ngunit ayon sa kanilang mga kaisipan at kuru-kuro, naniniwala sila na sa sandaling makarating sila sa Kanluran, malaya na sila, at hindi na nila kailangang mag-alala tungkol sa anumang reputasyon o moral na integridad, o sa mga kasabihan ng tradisyonal na kultura ng Silangan. Iniisip nila na hindi kailangang sumunod ng mga babae sa kagandahang-asal ng isang babae, at hindi kailangang manatili ng mga lalaki sa monogamya, at na pagkatapos makarating sa Kanluran, maaari silang maging maluwag sa pakikipag-ugnayan sa kabilang kasarian, at hindi sila pagtatawanan o pupunahin ng sinuman. Naniniwala sila na ganito lang talaga ang kulturang Kanluranin, na ito ang kalakaran sa lipunan, at walang sinumang kumokontra dito. Sa sandaling magsimula silang mag-isip sa ganitong paraan, hindi ba’t hindi na sila lumalakad sa mabuting landas? Malapit nang malantad ang mga bagay na tunay nilang minamahal sa kanilang pagkatao, gayundin ang tunay na mukha ng kanilang pagkatao. Pagkatapos makarating sa Kanluran ng mga taga-Silangan—lalo na ng mga Tsino—dahil ang kanilang mga asawa ay nasa kanilang pinanggalingang bansa, habang sila ay nag-iisa sa isang banyagang lupain na may mga di-pamilyar na tao at lugar, at kailangan nilang parehong magtrabaho at mamuhay at mag-asikaso ng ilang iba pang komplikadong usapin, ang kanilang buhay ay medyo mahirap, at nakakaramdam sila ng napakatinding kalungkutan sa kanilang pag-iisa. Samakatwid, isang uri ng “magkapareha sa panahon ng digmaan” ang naging popular sa komunidad ng mga Tsino sa Estados Unidos—kabilang dito ang paghahanap ng isang pansamantalang asawa para magtayo ng isang pansamantalang tahanan at mamuhay nang magkasama, tinutulungan at sinusuportahan ang isa’t isa para harapin nang magkasama ang mga paghihirap sa buhay, at kasabay nito ay tinutugunan ang mga pisyolohikal na pangangailangan ng laman. Dahil mahirap mamuhay nang mag-isa sa isang banyagang lupain, maraming tao ang naghahanap ng isang miyembro ng kabilang kasarian para bumuo ng isang magkapareha sa panahon ng digmaan para matugunan ang kanilang iba’t ibang pangangailangan. Sinasabing pagkatapos mamuhay nang magkasama sa loob ng maraming taon ang ilang magkapareha sa panahon ng digmaan, dumarating ang mga asawa ng magkabilang panig, at ang dalawang pamilya ay nagiging magkaibigan pa nga at nakikipag-ugnayan sa isa’t isa. Isa itong pagsasagawa na naging uso sa mga walang pananampalataya para harapin ang mga paghihirap sa buhay. Sabihin ninyo sa Akin, mayroon bang mga tao sa mga nananampalataya sa Diyos na gumagawa ng gayong mga bagay? (Kaya rin itong gawin ng ilang hindi mananampalataya.) Sa mga nananampalataya sa Diyos, marami ang hindi naghahangad sa katotohanan, at mayroon ding ilan na malinaw na mga hindi mananampalataya na talagang hindi interesado sa katotohanan. Ang ilan ay hindi man lang nagtataglay ng konsensiya at katwiran. Kapag naririnig ng mga taong ito ang tungkol sa mga negatibong bagay na ito, sa kaibuturan ay hindi talaga sila nasusuklam; pakiramdam nila ay katanggap-tanggap ang mga bagay na ito, at ang ilan ay nagpapakasaya pa nga sa mga ito. Hindi sila nasusuklam sa mga bagay na ito, at iniisip pa nga nila, “Napakanormal lang nito. Ginagawa ito ng lahat ng walang pananampalataya; isa itong kalakaran, hindi isang krimen. Una, hindi ito ilegal. Ikalawa, hindi nito sinisira ang moralidad ng publiko. Ikatlo, isa itong pisyolohikal na pangangailangan ng tao. Ang paggawa nito ay patas, makatwiran, at legal—ano ang mali rito?” Sa tingin nila ay normal ito. Huwag na nating pag-usapan ang mga walang pananampalataya—kung kayang gawin ng mga taong nananampalataya sa Diyos ang gayong mga bagay, anong uri sila ng mga tao? Hindi ba’t may mali sa kanilang pagkatao? (Mayroon, ang ganitong uri ng tao ay talagang walang pagkatao.) Kayang gawin ng mga taong walang pagkatao ang gayong mga kasuklam-suklam na bagay. Ang mga taong may pagkatao ay hindi man lang kayang tanggapin ang mga kaisipan at pananaw ng masamang kalakarang ito, lalo na ang gawin ang gayong mga bagay, at kinasusuklaman at kinamumuhian nila ang mga ito mula sa kaibuturan ng kanilang puso. Ito man ay para maalagaan ng magkabilang panig ang isa’t isa o para sa iba pang layunin, mula sa perspektiba ng konsensiya at katwiran ng pagkatao, ang pagbuo ng isang “magkapareha sa panahon ng digmaan” ay hindi isang positibong bagay. Kung ang isang taong nananampalataya sa Diyos ay hindi man lang alam kung ang ganitong uri ng bagay ay isang positibong bagay ba o kung ito ba ay makatwiran, mayroon ba siyang konsensiya at pagkatao? Sinasabi ng ilang tao, “Bagama’t hindi ko alam kung ito ay isang positibong bagay, nananampalataya ako sa Diyos, kaya hindi ko ito magagawa. Ang mga walang pananampalataya ay hindi nananampalataya sa Diyos o natatakot sa Diyos, kaya wala silang kamalayan kapag ginagawa ito, ngunit nananampalataya ako sa Diyos, kaya hindi ko ito magagawa.” Kung ganito sila mag-isip, pinatutunayan nitong mayroon silang konsensiya at katwiran ng tao. Bagama’t hindi nila alam kung wasto o hindi ang usaping ito, ni alam kung ito ay isang positibong bagay o kung ano ang sinasabi ng Diyos tungkol dito, nagagawa nilang gamitin ang pangunahing konsensiya at katwiran ng pagkatao para tasahin ito. Kahit pa hindi nila malinaw na malaman kung ito ay positibo o negatibo, nakikita nila na ang usaping ito ay labag sa moralidad at pagkatao at hindi dapat gawin. Mayroon silang isang partikular na antas ng pagkilatis tungkol sa gayong mga bagay, kaya kapag nangyayari sa kanila ang gayong mga bagay, tinatanggihan nila ang mga ito. Masasabing ang mga hindi tumatanggi at kayang tumanggap nang buo sa gayong mga bagay ay hindi mga tao; wala silang normal na pagkatao, at hindi sila nagtataglay ng konsensiya at katwiran. Ang katunayan na kaya nilang tanggapin ang mga negatibong bagay na ito ay nagpapakita na ang kanilang konsensiya at katwiran ay hindi talaga gumagana, at na hindi nila ginamit ang pinakamababang pamantayan na siyang konsensiya at katwiran para kilatisin, labanan, o tanggihan ang gayong mga bagay; samakatwid, malinaw na may problema sa pagkatao ng ganitong uri ng tao. Sinasabi ng ilang tao, “May problema sa pagkatao ng ganitong uri ng tao, kaya siya ba ay mula sa mga hayop o sa mga diyablo?” Siya man ay mula sa mga hayop o sa mga diyablo, kolektibo silang tinutukoy bilang mga di-tao. Kapag pumunta sila sa Kanluran at nakita nila na ang mga bansang Kanluranin ay maunlad, mayaman, at malaya, at na ang mga sistemang panlipunan ng mga ito ay mas moderno kaysa sa mga bansang Silangan, iniisip nila na lahat ng bagay sa Kanluran ay tama at mas mahusay kaysa sa Silangan. Iniisip nila na ang mga taga-Silangan ay sarado ang isip, konserbatibo, at hindi sanay sa mundo, habang ang mga taga-Kanluran ay bukas, malaya, at maalam sa mundo, at partikular na bukas pagdating sa pag-aasawa o mga ugnayan sa pagitan ng mga kasarian. Iniisip nila na napakanormal para sa mga lalaki at babae na magyakapan at maghalikan kapag nagkikita sila sa kalye. Ngunit ang totoo, may mga prinsipyo ang mga taga-Kanluran kapag nagyayakapan sa pagkikita; hindi nila basta-bastang niyayakap ang kahit sino. Sa partikular, hindi gaanong ginagawa ng mga nasa hustong gulang ang ganitong uri ng bagay; karamihan ay mga kabataan ang mahilig gumawa nito. Sa kabaligtaran, sa mga lugar kung saan nagtitipon ang mga Asyano, madalas na nakikita ang isang lalaki at isang babae na gumagawa ng iba’t ibang matalik na pagkilos sa publiko, lalo na sa mga mataong lugar sa kalsada. Makikita pa nga na ginagawa ito ng matatandang tao, na partikular na nakakadiring makita. Marahil ay naglakbay ang ilang Asyano sa Kanluran at nakita ang kultural na buhay at etiketa ng mga taga-Kanluran, at pagkatapos ay sinabi nilang ang mga taga-Kanluran ay malaya, bukas, at liberal sa mga seksuwal na usapin. Batay sa mga pahayag na ito, maraming Asyano ang basta-bastang nag-iisip ng lahat ng uri ng buktot na bagay sa kanilang isipan. Ang totoo, kung tunay mong susuriin ang lipunang Kanluranin o magkakaroon ka ng malalim na pakikipag-ugnayan at pakikisalamuha sa mga taga-Kanluran, matutuklasan mo na maraming bagay ang ganap na naiiba sa kung ano ang iniisip at sinasabi ng mga Asyano. Lalo na sa ilang komunidad na may mga relihiyosong pinagmulan o mas malalayong komunidad, sila ay partikular na konserbatibo at tradisyonal, hindi talaga katulad ng mga kathang-isip na ikinakalat ng mga Asyano. Ang mga pahayag na ang mga taga-Kanluran ay napakabukas pagdating sa mga ugnayan sa pagitan ng mga kasarian ay mga imahinasyon lang ng mga tao, hindi mga katunayan. Kung may isang taong talagang nag-iisip sa ganitong paraan, at inilalapat niya sa kanyang sarili ang diumanong pagiging bukas na ito na sa tingin niya ay totoo, basta-bastang nagpapasasa sa kanyang mga pagnanasa ng laman, kung gayon ay problema na niya iyon; wala itong anumang kinalaman sa mga kalakaran, kultura, o tradisyon ng anumang lipunan. Hindi ang kultura o mga tradisyong Kanluranin ang naglilihis sa kanya, kundi siya mismo ang may mga problema. Hindi ba’t gayon nga? (Oo.) Kapag binabanggit ng mga taga-Silangan ang mga taga-Kanluran, ang unang sinasabi nila ay, “Ang mga taga-Kanluran ay malaya, bukas, at liberal sa mga seksuwal na usapin,” na nagpapahiwatig na ang mga tao sa Kanluran ay maaaring magpasasa sa pagnanasa o makibahagi pa nga sa insesto. Pinamamahalaan ng gayong mga kaisipan at pananaw, nagsisimulang magpasasa ang mga taga-Silangan pagkarating sa Kanluran. Ang kanilang pagpapasasa ay hindi dahil sa tunay nilang nakita ang mga penomenong ito at ginaya ang mga ito, kundi dahil nasa kanilang kalikasan na talaga na mahalin ang kabuktutan; ginagamit lang nila ang diumano’y kulturang Kanluranin o mga tradisyong Kanluranin bilang isang dahilan para magpasasa sa kanilang laman. Sa katunayan, dahil ang ganitong uri ng tao ay hindi isang positibong karakter at hindi nagtataglay ng mga katangian ng pagkatao, at dahil nasa kanyang likas na kalikasan na mahalin ang mga negatibong bagay at lahat ng di-wastong bagay, naghahanap siya ng iba’t ibang dahilan at palusot para gumawa ng mga bagay na salungat o mapanlaban pa nga sa mga positibong bagay. Bukod dito, pakiramdam niya ay ganap na makatwiran siya, iniisip na ganito na ang lahat ng taga-Kanluran sa panahon ngayon. Ito ba ay batay sa katunayan? Pawang walang katuturan ang sinasabi niya at nagsasabi siya ng mga walang batayang paratang! Malinaw na kapag sinasabi ng ganitong uri ng tao, “Ang mga taga-Kanluran ay malaya, bukas, at liberal sa mga seksuwal na usapin,” ang katunayan ay mayroon siyang mga natatagong intensyon—ang makamit ang kanyang layon na magpasasa sa kanyang mga pagnanasa. Bakit kayang sundin ng ganitong uri ng tao ang mga negatibong bagay na ito nang may gayong kumpiyansa sa sarili? Sa isang banda, wala siyang wastong pagkaunawa sa mga positibo at negatibong bagay; kapag nakakaharap ng mga di-pamilyar na bagay, hindi niya kayang gamitin ang pinakamababang pamantayan na siyang konsensiya at katwiran para tasahin ang mga ito. Malinaw na ang ganitong uri ng tao ay hindi nagtataglay ng mga katangian ng pagkatao. Kung hindi niya kayang maarok ang isang malinaw na positibong bagay bilang isang positibong bagay, ni tanggapin ito bilang isang positibong bagay, kung gayon, ang ganitong uri ng tao ay tiyak na walang konsensiya at katwiran ng isang normal na tao. Sa kabilang banda, kung hindi alam ng isang tao kung ano ang mga positibong bagay, ni kung ano ang mga negatibong bagay, kung gayon ay malinaw na hindi niya kayang kumilatis ng tama sa mali at kung ano ang wasto at hindi wasto. Dahil mayroon siyang mga maling kaisipan at pananaw, kahit pa gumawa siya ng ilang maling bagay o mga bagay na labag sa konsensiya at katwiran, wala siyang anumang kamalayan tungkol dito. Napakalinaw na hindi kayang pag-ibahin ng ganitong uri ng tao ang tama at mali at ang wasto at di-wasto. Hindi siya nagtataglay ng konsensiya at katwiran ng normal na pagkatao, at hindi niya alam kung ang ilang bagay na nangyayari sa buhay o sa proseso ng pananatiling buhay ay wasto o hindi wasto, at hindi rin posible para sa kanya na gumamit ng kanyang konsensiya para tasahin at suriin ang pagiging wasto at hindi wasto ng mga ito. Samakatwid, madalas siyang gumawa ng ilang maling bagay na labag sa konsensiya at katwiran, at pagkatapos gawin ang mga ito, wala siyang anumang kamalayan tungkol dito, at pakiramdam pa nga niya ay ganap siyang makatwiran, iniisip na kumilos siya nang wasto at siya ay matuwid na tao. Hindi ba’t ito ay ganap na pagbabaligtad sa kung ano ang mga bagay-bagay? (Oo.)
Nakikita ng ilang tao na masyadong makulit ang mga anak ng iba at sinasabi nila, “Napakakulit na bata; isang tingin pa lang ay masasabi mo nang hindi siya mabuti. Tiyak na hindi siya gagawa ng wastong gawain paglaki niya. Paano mangyayaring may mararating siya?” Pero kung sasabihin ng iba sa ganoong tao na makulit ang anak niya, sasagot siya, “Ano naman kung makulit siya? Ang pagiging makulit ng anak ko ay isang pagpapamalas ng maganda niyang kinabukasan. Paglaki niya, mangingibabaw siya sa karamihan; baka maging mataas na opisyal pa nga siya!” Kapag makulit ang mga anak ng ibang tao, sinasabi niyang walang mararating ang mga ito paglaki ng mga ito, pero kapag makulit ang sarili niyang anak, sinasabi niyang mangingibabaw ito sa karamihan paglaki nito. Alin sa mga pahayag niya ang tama? (Wala.) Kung gayon, bakit niya ito sinasabi? Nagsasalita ba siya batay sa pagiging patas? (Hindi.) Na nakapagsasabi siya ng gayong mga bagay ay nagpapakita na wala siyang kamalayan ng konsensiya. Hindi pa nga lumalaki ang mga anak ng ibang tao, kaya paano niya masasabi na walang mararating ang mga ito? Kung may mararating ba ang mga tao paglaki nila ay nakadepende sa pag-orden ng Diyos at sa landas na tinatahak nila; paanong madedepende iyon sa isang pangungusap lang mula sa kanya! Ang pagsasabi niya ng gayong mga bagay ay nagpapakita na wala siyang kamalayan ng konsensiya. Kaparehong isyu ito ng pagiging makulit, pero kapag sarili niyang anak ang pinag-uusapan, binibigyan niya ito ng positibong paglalarawan, samantalang kapag ang mga anak ng iba ang pinag-uusapan, binibigyan niya ito ng negatibong paglalarawan. Patas ba ang mga salita niya? (Hindi.) Kung gayon, anong uri ng tao ang patas? (Isang taong may konsensiya.) Ano ang mga katangian ng isang taong may konsensiya? Ang isang taong may konsensiya ay nagtataglay ng dalawang katangian: pagiging matuwid at mabait. Ang pagiging matuwid ay nangangahulugan na, sa pinakamababa, dapat tama ang puso ng isang tao kapag nagsasalita at kumikilos siya. Ang mga salitang binibigkas ng isang tao ay dapat na patas, obhetibo, at batay sa katunayan; wala dapat kinikilingan ang mga ito, hindi dapat pinagtatakpan ng mga ito ang mga pagkukulang, at hindi dapat batay sa mga damdamin ang mga ito. Kapag makulit ang mga anak ng ibang tao, sinasabi niyang hindi magiging mabuti ang mga ito paglaki ng mga ito, pero kapag makulit ang sarili niyang anak, sinasabi niyang magkakaroon ito ng magandang kinabukasan paglaki nito. Ang parehong pagpapamalas ng kakulitan ay binibigyan niya ng dalawang magkaibang paglalarawan. Masasabi mo bang matuwid ang taong ito? (Hindi.) May konsensiya ba ang isang taong nagsasalita batay lamang sa mga damdamin? (Hindi.) Ang puntong ito pa lang ay sapat na para patunayang wala siyang konsensiya. Puro magagandang bagay lang ang sinasabi niya tungkol sa sarili niyang anak, na may mga pagpapala at mabubuting hangarin, pero isinusumpa niya ang mga anak ng ibang tao kapag binabanggit niya ang mga ito. Ito ay pagiging hindi mabait at hindi matuwid. Dahil hindi siya nagtataglay ng konsensiya, nagagawa niyang sabihin ang gayong mapaminsalang mga salita. Ang gayong tao ay hindi nagsasalita nang patas at walang ipinapahayag kundi baluktot na pangangatwiran. Sa isang banda, ipinapakita nito na hindi siya matuwid; sa kabilang banda, ipinapakita nito na hindi siya mabait. Ilalarawan bilang masama ng mga taong hindi mabait ang mga sitwasyon ng iba anuman ang mga ito. Nagsasalita sila nang may lihim na mga intensyon, umaasa nang husto na maging masama ang mga bagay-bagay para sa iba. Mayroong malisya at diwa ng pagsumpa sa iba sa sinasabi nila. Palagi silang nagsasalita sa ganitong paraan at hindi sila kailanman nababagabag sa kanilang konsensiya dahil dito. Nagsasalita sila sa ganitong paraan tungkol sa mga usapin ng ibang tao, at ganito rin nila tinatrato ang iba. Halimbawa, nangaliwa ang asawa ng isang babae. Dahil takot sa sasabihin ng iba tungkol dito, sinasabi niya sa mga tao, “Nangangaliwa ang asawa ko dahil masyado talaga siyang namumukod-tangi. Magandang lalaki siya at may kakayahan. Sa masamang lipunang ito sa panahon ngayon, napakawalanghiya ng mga babaeng iyon—ibinibigay na lang nila ang sarili nila sa kanya. Dahil lang ito sa masyado siyang namumukod-tangi. Pinapatunayan din nito na hindi ako nagkamali ng paghusga sa kanya; magaling talaga ako pumili!” Pero kung asawa naman ng iba ang nangaliwa, sinasabi niya, “Halatang hindi siya disenteng tao. Wala siyang pera o itsura, pero naghahanap siya ng mga kalaguyo. Sinumang babaeng mananatili sa piling niya ay bulag!” Pinapayuhan pa nga niya ang babaeng iyon na talikuran na agad ang asawa nito, at maghanap ng bago. Nagtatanong ang taong iyon, “Nangangaliwa rin ang asawa mo, kaya bakit hindi ka maghanap ng bago?” Sinasabi niya, “Iba ang asawa ko sa asawa mo. Tampalasan ang asawa mo. Ang sa akin ay masyado lang namumukod-tangi, at ipinipilit ng iba ang sarili nila sa kanya. Hindi napigilan ng asawa ko ang sarili niya, samantalang ang asawa mo ay aktibong naghanap ng kalaguyo.” Kita mo, nagbabago ang sinasabi niya tungkol sa lahat ng bagay kapag tungkol na ito sa kanya. Anumang bagay na may kinalaman sa kanya ay mapapalusutan at isang espesyal na kaso; inilalarawan niya ang lahat ng ito sa positibong paraan. Pero kapag tungkol na ito sa iba, iba na; inilalarawan niya ang lahat ng ito bilang masama. Kung gayon, kung hindi nananampalataya sa Diyos ang mga magulang ng gayong tao, ano ang sasabihin niya? “Bagama’t hindi nananampalataya sa Diyos ang mga magulang ko, mabubuting tao sila sa mundo. Hindi sila nakikipag-away o nagmumura sa iba, at tinutulungan nila ang sinumang nakakaranas ng paghihirap. Kilala sila sa lahat ng dako bilang napakabuti at mababait na tao. Kung nanampalataya sila sa Diyos, tiyak na magiging mas mabuti sila kaysa sa atin!” Ngunit kapag hindi nananampalataya sa Diyos ang mga magulang ng ilang kapatid, sinasabi niya, “Pawang mga diyablo ang mga magulang mo.” Kapag nananampalataya naman sa Diyos ang mga magulang ng ilang kapatid, sinasabi niya, “Kahit pa nananampalataya sila sa Diyos, mga mananampalataya lang sila sa pangalan, at hindi sila mabubuti. Dahil nananampalataya sila sa Diyos, bakit hindi ka nila sinusuportahan sa paggawa mo ng tungkulin mo?” Sa tuwing may kinalaman na ito sa sarili niya, nagbabago ang sinasabi niya. Hindi siya kailanman nagsasalita batay sa mga obhetibong katunayan, at hindi kailanman patas ang kanyang mga salita. Mayroon siyang isang pamantayan para sa sarili niyang mga usapin at iba naman para sa iba. Sa kaibuturan ng kanyang puso, walang patas na pamantayan para tasahin ang lahat ng uri ng tao, pangyayari, at bagay. Anumang may kinalaman sa kanya ay mabuti at positibo, at may iba’t ibang makatwirang dahilan; anumang may kinalaman sa iba ay dapat kondenahin, isumpa, at tanggihan, at sa mga diyablo at kay Satanas. Para naman sa kanyang pamilya, mga kamag-anak, at mga kaibigan, lahat sila ay mabubuting tao, mga tunay na mananampalataya, at mga kapatid. Pero pagdating sa mga kapatid sa iglesia, basta-basta niyang hinuhusgahan ang mga ito, sinasabing ang isang ito ay hindi mananampalataya, ang isang iyon ay hindi deboto sa paggawa ng tungkulin niya, at dapat silang paalisin lahat. Kung magkamali nang bahagya o magkaroon ng maliit na isyu ang isang kapatid, agad niya itong sinasamantala, isinisiwalat sa publiko, at pagkatapos ay pinangangaralan at minamaliit niya ang kapatid na iyon nang may matalim na tingin. Pero kapag ang sarili niyang mga kamag-anak ang gumawa ng mali, sinusubukan lang niyang ayusin ang sitwasyon at ginagawa niya ang lahat para ipagtanggol ang mga ito gamit ang mapanlinlang na pangangatwiran. Mayroon bang anumang pagiging patas ang gayong tao? (Wala.) Wala siyang anumang pagiging patas. Kapag nakikitungo sa mga kapatid at sa ibang tao, “sumusunod siya sa mga prinsipyo” nang may matalim na tingin, pakiramdam niya ay taglay niya ang katotohanang realidad. Madalas siyang magyabang sa harap ng iba, sinasabi niya, “Tingnan ninyo kung gaano ako sumusunod sa mga prinsipyo. Napakatatag ng paninindigan ko. Kaya kong isagawa ang katotohanan nang napakahusay.” Pero pagdating sa sarili niyang mga usapin sa pamilya—ang kanyang asawa, mga anak, mga kamag-anak, at maging ang kanyang aso—nagbabago ang saloobin niya. Halimbawa, kung tumatahol ang aso niya sa tuwing makakakita ito ng isang estranghero at nangangagat nang walang pinipili kapag may mga kakilalang bumibisita, sinasabi niya, “Tingnan ninyo, ang asong ito ay tunay na isang mabuti at tapat na tagapagbantay. Lubos itong tapat sa akin, ang amo nito; hindi ito kailanman nagbabago!” Pero kung ang aso ng iba ang nangangagat nang walang pinipili kapag nakakakita ng isang kakilala, sinasabi niya, “Bulag ang asong ito. Hindi man lang nito tinitingnan kung sino ang narito. Wala itong mga prinsipyo sa pagbabantay ng bahay. Bakit ito basta-bastang nangangagat?” Hindi man lang siya patas sa mga aso. Anong uri ng tao ito? (Hindi ito tao.) Iniisip niya na lahat ng ginagawa niya ay tama at makatwiran, at na naaayon ito sa mga positibong bagay; iniisip pa nga niya na sumusunod siya sa mga katotohanang prinsipyo. Pero pagdating sa anumang hindi patas na bagay na ginagawa niya o anumang baluktot na pangangatwirang ipinapahayag niya, hindi niya kailanman iniisip na mali ito, at hindi niya rin ito itinatama kailanman. Kung pagsasabihan o ilalantad mo siya, hindi niya ito tatanggapin. Ano ang huling resulta? Ito ay na matigas siyang naninindigan sa sarili niyang mga pahayag at sa kanyang diumano’y mga prinsipyo, at kumikilos pa nga na para bang siya ang pagsasakatawan ng katarungan at tinatasa niya ang lahat ng usapin. Ang katunayan, ang perspektiba at paninindigan kung saan niya sinusuri ang pagiging tama ng mga bagay-bagay ay ganap na salungat at baligtad sa mga katotohanang prinsipyo, ngunit siya mismo ay hindi ito kailanman napagtatanto. Naglilitanya siya ng sandamakmak na maling pananampalataya at mga walang-katotohanang argumento, at matigas ang ulong kumakapit sa mga salitang ito, at sinasalungat pa nga ang katotohanan at sinusubukang makipagtalo sa mga taong nakakakilatis ng tama sa mali at nakakaunawa sa katotohanan. Anong uri ng mga tao ang mga ito? Sila ay mga taong hindi makatwiran. Kahit pa ang ginagawa at iginigiit nila ay hindi itinuturing na mali sa paningin ng mga tao, batay sa marami nilang pagpapamalas at pagbubunyag, talagang hindi sila nagtataglay ng pagiging matuwid, kabaitan, at katwiran, ng mga katangiang ito ng pagkatao. Sa pagtingin pa lang kung paano nila tinatrato ang iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay sa pang-araw-araw na buhay, baluktot ang pagsusuri nila maging sa isang bata o isang aso—gaano man kasama ang sarili nilang aso, ito pa rin ang pinakamahusay sa mundo; at gaano man kabuti ang aso ng iba, hindi nila magawang magsabi ng kahit isang mabuting bagay tungkol dito. Hinding-hindi nila susuriin nang patas ang isang tao o isang usapin, lalong hindi nila tratratuhin nang patas ang isang tao o isang usapin. Sa kanilang pagkatao, mayroon lang mga damdamin at pagkiling. Pinoprotektahan lang nila ang sarili nilang mga interes at ang sinumang tao at anumang pangyayari at bagay na may kaugnayan sa kanila. Bukod dito, pakiramdam nila ay walang anumang bagay sa buhay na sulit gawin. Sa anumang grupo ng mga tao at sa anumang usapin, ang katangian ng kanilang kalikasan na ipinapamalas nila ay ang pagbaluktot sa lahat ng obhetibong tao, pangyayari, at bagay, at ang maling paglalarawan sa mga ito. Sinusuri at tinatrato nila ang mga ito nang ganap na ayon sa sarili nilang mga kaisipan at pananaw o batay sa kung kapaki-pakinabang ba ang mga ito sa kanila.
Ang mga ganitong uri ng tao, na walang mga katangian ng pagkatao, ay hindi nagtataglay ng pagiging matuwid, kabaitan, at katwiran ng pagkatao. Batay sa mga pagpapamalas na ito, hindi ba’t mahirap pakitunguhan ang gayong mga tao? (Oo.) Mahirap silang pakitunguhan at mahirap pakisamahan. Hinding-hindi mo sila mapapatanggap ng mga tamang kaisipan at pananaw, dahil wala silang pakultad na tumanggap ng mga positibong bagay. Nangangahulugan ito na hindi nila taglay ang mga kondisyon para tanggapin ang anumang tamang kaisipan at pananaw. Samakatwid, maraming tamang pananaw at positibong bagay ang binibigyan nila ng maling kahulugan at binabaluktot nila, at pagkatapos mabaluktot, nagiging iba’t ibang kaisipan, pananaw, at pahayag ang mga ito na partikular sa ganitong uri ng tao. Kahit pa nananampalataya sila sa Diyos, gaano man karami ang nabasa nilang mga salita ng Diyos o gaano man karaming sermon at pagbabahaginan ang napakinggan nila, palagi nilang pinanghahawakan ang sarili nilang mga walang-katotohanang kaisipan at pananaw sa kanilang puso, hindi kailanman binibitiwan ang mga ito. Kahit pa bigyan sila ng Diyos ng katotohanan, imposibleng matanggap nila ang mga tamang kaisipan at pananaw mula sa Diyos, ni magawa nilang tratuhin o suriin ang isang tao o isang usapin nang may mga tamang paglalarawan at sa tamang paraan. Batay sa mga katangian ng kanilang pagkatao, tatratuhin lang nila ang lahat ng uri ng tao, pangyayari, at bagay gamit ang kanilang partikular na mga walang-katotohanang kaisipan at pananaw, at magpupumilit silang gawin ito. Kaya, makikita mo sa gayong mga tao na, bukod sa pagkakaroon ng mga mapagmataas at mapanlinlang na disposisyon, mayroon silang isa pang malinaw na nangingibabaw na disposisyon, iyon ay ang pagiging partikular na matigas ang kalooban. Ang partikular na pagpapamalas nito ay na sila ay labis na matigas ang ulo, hangal, sutil, at sarado pa nga ang isip. Kapag nakikisalamuha ka sa gayong tao at tinatalakay mo ang ilang paksa, o magkasama kayong humaharap sa ilang usapin habang nakikipag-ugnayan ka sa kanya, nakikita mo na ang kanyang mga saloobin at disposisyon sa pagharap sa mga usapin ay partikular na matigas ang kalooban, matigas ang ulo, hangal, at sutil. Ang isang tamang bagay o isang tamang kaisipan at pananaw na malinaw na napakadaling tanggapin para sa isang normal na tao ay nagiging napakahirap tanggapin pagdating sa kanya, na may maraming balakid na kasangkot. Hindi mo tuloy alam kung matatawa ka o maiiyak, at nararamdaman mo na ang taong ito ay partikular na problematiko: “Bakit nagiging isang mahirap na problema sa kanya ang gayon kasimpleng bagay? Ni tao ba siya?” Ang pagpapatanggap sa kanya ng isang tamang bagay o isang tamang pananaw ay kasinghirap ng panghihikayat sa isang lobo na tumigil sa pagkain ng karne at sa halip ay kumain ng iba’t ibang gulay. Katumbas ito ng paghiling sa kanya na baguhin ang kanyang klasipikasyon—ganoon ito kahirap. Maaaring para sa isang maliit na bagay, gumugol ka ng maraming oras sa pagpapaliwanag at nagsisikap ka nang husto para bahagya siyang mahikayat na tanggapin ito, pero kapag may isa na namang bagay na lumitaw, muling nagpapamalas ang kanyang disposisyong matigas ang kalooban, at nagpapamalas ito sa isang partikular na hayag na paraan—kung saan ipinapakita niya ang kanyang baluktot na pag-arok at katigasan ng ulo, pati na rin ang pagiging hangal, sutil, at sarado ang isip. Habang mas nakakaugnayan mo ang gayong mga tao at mas nagkakaroon ka ng kabatiran sa kanila, matutuklasan mo na magkakaiba ang mga diwa ng mga tao. Pagdating sa diwa ng gayong mga tao, maaaring kailanganin mong gumugol ng napakatinding pagsisikap para maipaunawa sa kanila at maipaliwanag nang malinaw ang mga bagay-bagay tungkol sa ilang hindi gaanong mahalagang usapin, sa wakas ay nagkakamit ng ilang resulta nang may matinding paghihirap. Gayumpaman, pagdating sa mga isyu ng pananaw at paninindigan, o malalaking usapin, hindi mo sila kailanman makausap. Sa puntong iyon, malalaman mo na may mga klasipikasyon para sa mga tao, at magkakaiba ang klasipikasyon ng bawat isa. Kung hindi makapag-usap nang maayos o hindi makapagtulungan nang may pagkakasundo ang dalawang tao, at hindi sila mabilis na magkasundo at magkaisa sa kanilang mga pananaw kapag tinatalakay ang anumang usapin, kung gayon ay magkaiba sila ng klasipikasyon. Dahil ang mga uri ng tao na hindi alam kung ano ang wasto at kung ano ang di-wasto ay walang kakayahan sa kanilang pagkatao na makilatis kung ano ang wasto at kung ano ang di-wasto, hindi nila kailanman matatanto kung bakit tama ang malilinaw na tamang kaisipan at pananaw, mga tamang salita, at mga tamang bagay, o kung saan nakasalalay ang pagiging tama ng mga ito. Sasabihin nila, “Bakit tama ang sinasabi mo? Bakit hindi tama ang sinasabi ko? Paano ba naging tama ang sinasabi mo?” Minsan, para patunayan na tama ang sinasabi mo, kailangan mong magpakita ng mga katunayan at mangatwiran, magbigay ng maraming halimbawa at gumawa ng maraming analohiya, dumaraan sa napakaraming abala at nag-iisip nang mabuti bago mo maipaliwanag nang malinaw sa kanila ang isang usapin. Pagkatapos itong magawa sa wakas, kailangan mo pa ring mag-isip nang mabuti at dumaan sa maraming abala para maipaliwanag nang malinaw sa kanila ang susunod na usaping lilitaw. Kung palagi mong gagawin ito, sa paglipas ng panahon ay matutuklasan mo na sa huli ay hindi nito mababago ang klasipikasyon ng isang tao, at na ang iyong ginagawa ay isang gawaing walang kabuluhan. Kahit na maglaan ka ng maraming pagsisikap at umasa sa kanila nang husto, ang mga resultang matatanggap mo ay napakaliit, dahil walang sinuman ang makakapagbago sa klasipikasyon ng isang tao. Kung hindi man lang alam ng isang tao kung ano ang wasto at kung ano ang di-wasto, mayroon lang isang aksyon na makakapagbago sa kanyang klasipikasyon, at iyon ay ang bumalik siya sa kanyang orihinal na anyo para muling magreinkarnasyon. Kung papalarin siya, magrereinkarnasyon siya bilang isang tao; kung mamalasin siya at muli siyang magrereinkarnasyon bilang isang bagay na hindi tao, wala pa ring pag-asa na mapaalam sa gayong mga tao kung ano ang wasto at kung ano ang di-wasto. Ganoon lang talaga iyon.
Ang mga ganitong uri ng tao, na walang mga katangian ng pagkatao, ay may isa pang katangian sa kanilang pakikisama sa iba: Kaya nilang punahin ang iba’t ibang uri ng mga pagkakamali sa lahat ng iba pa, pero kapag mayroon sila ng mga parehong pagkakamaling ito, hindi nila kailanman inaamin na mga pagkakamali ang mga ito. Sadyang hindi nila makita ang anumang kalakasan o merito sa iba; pinupuna lang nila ang mga pagkakamali ng mga ito at inilalantad ang mga pagkukulang ng mga ito, ginagamit ito bilang palusot para sabihin na hindi kaya ng iba na makipagtulungan sa kanila nang may pagkakasundo, at na ang kawalan ng abilidad na makipagtulungan nang may pagkakasundo ay pawang kasalanan ng iba, samantalang sila mismo ay walang anumang kasalanan, at ang iba ang kailangang kumilala sa kanilang sarili. Ano ang problema rito? Sa kanilang pag-asal at pakikitungo sa mga bagay-bagay, hindi kailanman kaya ng mga ganitong tao na tratuhin nang makatwiran ang iba, ni kayang tratuhin ang sarili nilang mga problema sa isang makatwiran, tama, at patas na paraan. Masasabi ba ninyo na wasto o di-wasto ang kanilang saloobin sa pagharap sa mga usapin at pagtrato sa mga tao? (Di-wasto.) Pero alam ba nila ito? (Hindi.) Palagi nilang tinatasa at tinitingnan ang iba na para bang mas matuwid sila. Ang paraan nila ng pagtingin sa iba, at ang perspektiba kung saan nila ginagawa ito, ay kinabibilangan ng paggamit sa sarili nilang tinatawag na “wasto at di-wasto” para kilatisin ang iba. Nakikita nila ang lahat ng ginagawa ng iba bilang mali at mas mababa sa kanila. Kung may lumitaw na alitan at hindi nila magawang makipagtulungan nang may pagkakasundo, naniniwala sila na problema lahat ito ng ibang tao at na kagagawan ito ng iba, na may mga tiwaling disposisyon ang iba, at na ang iba ang dapat gumawa ng mga pagbabago at mag-iba. Nakikita nila ang iba bilang puno ng mga kapintasan at problema, nang walang kahit isang merito, habang tinitingnan nila ang sarili nila bilang sagana sa merito, at walang anumang kapintasan. Masasabi mo bang may katwiran ang gayong mga tao? (Wala.) May silbi ba ang mga mata ng mga taong walang katwiran? (Wala.) Sadyang hindi nila makita ang mga kalakasan at merito sa lahat ng uri ng tao. Sa kabaligtaran, sinusunggaban nila ang mga pagkukulang ng iba—na, sa katunayan, ay maaaring hindi naman talaga mga pagkukulang—at pinalalaki nila ang mga ito. Ayos lang ang mga bagay-bagay kung walang mga problemang lumilitaw, pero sa sandaling lumitaw ang isang problema, sinusunggaban nila ang mga pagkukulang ng kabilang partido at hindi ito binibitiwan, sinasabing, “Sa anong paraan ka mas magaling kaysa sa akin? Kung mas magaling ka kaysa sa akin, bakit nangyari pa rin ang problemang ito?” Sumasabog ang kanilang malalim na pagsuway, at lahat ng kanilang tunay na panloob na pananaw ay nalalantad. Hindi nila kailanman tinitingnan ang mga tao, pangyayari, at bagay sa isang makatwirang paraan. Sa kanilang mga mata, anumang pagpapamalas mula sa ibang tao ay isang problema, isang kapintasan. Batay sa kanilang mga kaisipan at pananaw, walang anuman sa mga iyon ang pumapasa sa pamantayan; lahat ng iyon ay mali, lahat ay mga negatibong bagay, at lahat ay isang bagay na magagamit nila para sa paghusga. Mahirap pakitunguhan ang gayong mga tao. Hindi sila nagtataglay ng konsensiya at katwiran ng normal na pagkatao, kaya sa kaibuturan ng kanilang puso, ang kanilang diumano’y “tama at mali” ay nangangahulugan lang na anuman ang sa tingin nila ay wasto ay wasto, at anuman ang sa tingin nila ay hindi wasto ay di-wasto. Tinatasa nila ang pagiging wasto ng mga tao, pangyayari, at bagay batay sa sarili nilang ebalwasyon at mga kagustuhan, at batay rin sa sarili nilang mga interes. Hindi nila titingnan nang patas ang mga tao at mga bagay. Anuman at sinumang hindi nila gusto, hindi kaayon, hindi pinakikinabangan, o kaya ay minamaliit ay pangkalahatang itinuturing na mali at masama, nang walang puwang para sa talakayan. Ang gayong mga tao ay hindi lang mahirap pakitunguhan kundi nakakatakot din. Kung mayroong gayong tao sa paligid mo, sa sandaling maipahayag na ang lahat ng kanilang kaisipan at pananaw, ganap nang nalalantad ang kanilang karakter. Makikita mo kung ano ba talaga ang nasa kaibuturan ng kanilang kaluluwa, kung ano ba talaga ang minamahal nila, kung ano ba talaga ang mga pangangailangan nila, at kung ano ba talaga ang hinahangad nila. Ang makita ang mga bagay na ito sa kanila ay maaaring magdulot na masuklam ka sa kanila habambuhay. Siyempre, kapag nalantad na ang lahat ng problemang ito sa kanila, magkakaroon ka na ng sagot tungkol sa mga pagpapamalas nila tulad ng kanilang baluktot na pag-arok, at ang katigasan ng ulo, kahangalan, pagiging sutil, at pagkahilig sa mga pagbabaluktot na ibinubunyag nila dahil sa kanilang disposisyong matigas ang kalooban. Ano ang sagot na ito? Ito ay na ang gayong mga tao ay hindi nagtataglay ng normal na pagkatao—ibig sabihin, hindi sila nagtataglay ng konsensiya at katwiran ng isang tao; sila ay mga di-tao. Kung mayroon silang kaunting konsensiya at katwiran, hindi sila kakapit sa baluktot na pangangatwiran at magsasalita tungkol dito na para bang tama ito. Dahil nakarinig na sila ng napakaraming sermon sa kanilang pananampalataya sa Diyos, dapat ay nakaunawa na sila ng kahit kaunting katotohanan, at dapat ay medyo nagbago na ang kanilang mga pananaw sa mga bagay-bagay. Kaya bakit tinitingnan pa rin nila ang mga bagay-bagay gamit ang mga pananaw ng mga walang pananampalataya, at tinatrato ang mga maling pananaw at baluktot na pangangatwiran bilang tama at ang katotohanan, at kinokondena pa nga ang katotohanan, mga positibong bagay, at mga tamang bagay bilang mga negatibong bagay? Kapag nalalantad ang kanilang mga maling kaisipan at pananaw, makukuha mo ang kasagutan. Hindi kataka-taka na kaya nilang sabihin ang napakaraming bagay sa buhay na nagbabaligtad sa itim at puti at nagbabaluktot sa mga katotohanan—ito ay dahil sa kanilang ganap na pagtangging tanggapin ang katotohanan. Dahil taglay nila ang katangian ng pagiging tutol sa katotohanan, makatwiran lang na ibunyag nila ang mga bagay na iyon. Hindi ito dahil sa kung paano sila tinuruan ng kanilang mga magulang, ni sa impluwensiya ng kapaligiran, lalo namang hindi sa kung ano ang itinuro sa kanila ng lipunan; ito ang katangian ng kanilang pagkatao. Sila ay tutol sa katotohanan; mayroon silang ganitong katangian. Kung ano ang minamahal ng isang tao, kung anong uri ng pagkatao ang ibinubunyag niya, kung ano ang likas niyang ipinapakita sa pang-araw-araw na buhay, at kung ano ang kanyang karaniwang kalagayan sa buhay—lahat ng ito ay nakadepende sa mga katangian ng isang tao. Walang sinuman ang makakapagbago sa mga katangian ng isang tao. Tulad lang ng isang ahas: Dahil mayroon itong katangian ng pagiging baliko, hindi ito kailanman gagapang nang tuwid. Tulad lang ng isang alimango: Naglalakad ito nang patagilid, at kahit na ilagay mo ito sa isang makitid na espasyo, maglalakad pa rin ito nang patagilid. Ang mga ito ang mga katangian ng mga ito, at hindi mababago ang mga katangian. Kung hindi makilatis ng isang tao ang tama sa mali o malaman kung ano ang wasto at di-wasto, masasabing ang katangiang ito ay isang katangiang taglay niya. Dahil taglay niya ang katangiang ito, likas siyang nagbubunyag ng maraming bagay na may kaugnayan dito sa kanyang pang-araw-araw na buhay—ito ay napakanormal.
Ang ilang tao, pagdating sa mga damdamin o sa pagharap sa mga bagay-bagay, ay hindi alam kung ano ang wasto at kung ano ang di-wasto. Gayundin, hindi rin nila alam kung ano ang wasto at kung ano ang di-wasto pagdating sa pag-asal sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan. Halimbawa, hindi nila alam kung anong distansya ang dapat panatilihin kapag nakikipag-ugnayan at nakikisalamuha sa kabilang kasarian, kung anong mga paksa, mga komento, at paraan ng pagkilos ang dapat iwasan, o kung anong mga detalye ang dapat bigyang-pansin sa kanilang pang-araw-araw na pananalita at pag-asal. Mahirap itong maunawaan—hindi ba’t alam ng lahat ng normal na tao na dapat may mga hangganan sa pakikisalamuha sa kabilang kasarian? (Oo.) Isa ba itong bagay na kailangang ituro? Kapag bata pa ang isang tao, maaaring kailangan itong ituro sa kanya ng mga magulang niya, pero habang unti-unti siyang lumalaki at nagkakaisip, likas niyang nalalaman ang mga bagay na ito nang hindi na kailangan pang turuan ng kanyang pamilya o ng lipunan. Isa itong bagay na likas, hindi ba? Ang pagkaalam na may mga hangganan sa pagitan ng mga lalaki at babae ay isang katangian ng pagkatao. Kabilang sa mga katangian ng pagkatao ang konsensiya at katwiran, kaya tiyak na alam ng mga tao kung ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng pagkaramdam ng kahihiyan. Kung mayroon kang pagkaramdam ng kahihiyan, alam mo kung paano pakitunguhan ang kabilang kasarian. Kung hindi mo alam, at kumikilos ka nang walang pagkaramdam ng kahihiyan—hindi alam kung anong paraan ng pagkilos ang wasto at kung anong paraan ang di-wasto, kung anong paraan ang angkop at makatwiran, at kung anong paraan ang labis at lumalampas sa hangganan—kung gayon ay may problema sa iyong pagkatao, dahil ito ay isang bagay na dapat alam ng isang normal na tao kahit papaano. Kung alam ng isang tao ang mga bagay na ito at kaya niyang sundin ang mga ito, taglay niya ang konsensiya at katwiran ng pagkatao; kung hindi niya alam ang alinman sa mga bagay na ito at kailangan pa siyang paalalahanan at pigilan ng iba, kung gayon ay malaki ang problema ng ganitong uri ng tao. Partikular na may isang uri ng tao na hindi uupo kasama ng mga taong kapareho niya ng kasarian kapag may kasamang ibang tao, kundi partikular na uupo sa tabi ng kabilang kasarian, at sobrang lalapit sa kanila—hindi niya ito iniiwasan. Kapag pinapaalalahanan ng iba ang gayong tao, nagtataka pa nga siya, sinasabi niya, “Ano ang masama sa pag-upo nang magkalapit? Ano naman ang posibleng gawin namin sa publiko? Nasa hustong gulang na ako—kailangan ko bang bantayan mo ako? Bakit palagi mo akong pinag-iinitan?” May lakas pa nga siya ng loob na sabihin, “Ano naman ang posibleng gawin namin sa publiko?”—mayroon ba siyang anumang pagkaramdam ng kahihiyan? (Wala.) Ang isyu ba ay kailangan may gawin talaga siya? O kaya, hangga’t wala siyang ginagawa, hindi niya kailangang sundin ang mga hangganan sa pagitan ng mga lalaki at babae? Hindi ba’t may pagkakaiba sa pagitan ng mga lalaki at babae? (Mayroon.) Kung ganoon, dapat may mga hangganan sa pagitan nila, at ang pagpapanatili ng mga hangganang ito ay bunsod ng pagkaramdam ng kahihiyan sa loob ng pagkatao. Kung mayroon kang pagkaramdam ng kahihiyan, natural mong pananatilihin ang mga hangganan kapag nakikipag-ugnayan sa kabilang kasarian; hindi mo kakailanganin ang iba na pangasiwaan ka, ni kakailanganin na pigilan ka ng kapaligiran—kaya mo itong gawin nang mag-isa. Kung wala ka kahit ng katiting na pagkaramdam ng kahihiyang ito at kailangang bantayan at paalalahanan ka ng iba, kung gayon ay nasa malaking panganib ang isang tulad mo. Ang ilang tao ay partikular na kaswal sa mga usapin sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan, at madalas na kumikindat at tumitingin nang may malisya sa kabilang kasarian, at nagiging palahawak sa mga ito. Sa partikular, gustong-gusto ng ilang tao na magpasikat sa harap ng kabilang kasarian. Habang mas maraming miyembro ng kabilang kasarian ang naroroon, mas nagiging magaslaw at mas nasasabik sila, at mas masigasig silang nagpapasikat. Sa tingin ng iba ay hindi ito angkop at hindi marangal, pero hindi nila nararamdaman na problema ito, ni nadarama nila na kinokondena sila ng kanilang konsensiya. Sa halip, iniisip nila, “Normal na normal ito. Hindi ba’t ganito dapat ang ugnayan ng mga lalaki at babae? Hindi ba’t isinilang ang mga babae sa mundong ito para sa mga lalaki? At ang mga lalaki para sa mga babae? Ano ang masama sa kaunting pagsasaya nang magkasama? Hindi ba’t isa itong masayang bagay? Ang pamumuhay nang kasingseryoso ninyo ay nakakapagod! Hindi ba ninyo narinig na sinasabi ng mga tao, ‘Ang mga lalaki at babaeng nagtutulungan ay nagpapagaan sa pasanin’?” Nakikita mo, sa tingin nila ay katanggap-tanggap ang anumang kaisipan o pananaw. Sa partikular, lubos nilang tinatanggap ang mga walang-katotohanang kaisipan at pananaw na ito, ngunit hindi nila tinatanggap ang mga positibong pahayag kahit kaunti, sa halip ay nilalabanan, pinabubulaanan, at tinatanggihan ang mga ito. Kung susubukan mo silang paalalahanan, naiinis sila rito, at sa kanilang puso ay kinamumuhian ka nila at tinitingnan ka nang may pagkamapanlaban. Hindi nila tinatanggap ang payo ng sinuman, at iginigiit nilang kumilos sa ganitong paraan. Maaaring mawalan ng kontrol o magpadala sa kapabayaan sa isang sandali ang ilang tao, paminsan-minsang kumikilos nang medyo imoral. Nang hindi na kailangang paalalahanan ng iba, hindi sila mapakali sa loob at nararamdaman nilang dapat silang mag-ingat sa hinaharap. Ito ang pagpapamalas na dapat taglayin ng isang taong may konsensiya at katwiran. Ngunit ang isa pang uring ito ng tao ay sumobra na at lumampas na sa hangganan sa malubhang paraan; nagpapasasa na siya sa pagnanasa ng laman. Maraming tao ang hindi masikmurang makita ito. Kung magpapatuloy siya nang ganito, magdudulot siya ng panganib sa kanyang sarili, at siya ay itataboy at ititiwalag ng Diyos. Ngunit wala siyang pakialam, at sinasabi niya, “Ano namang panganib mayroon sa pagpapasasa sa pagnanasa?” Ang totoo, wala siyang anumang kamalayan. Ang ilang babae na nasa edad bente ay kaswal na nakikisalamuha sa kabilang kasarian, natutulog sa bahay ng mga lalaki. Kung lalabas ito, masisira ang kanilang reputasyon, ngunit kahit gayon ay wala silang pakialam. May pagkaramdam ba ng kahihiyan ang gayong tao? (Wala.) Wala silang pagkaramdam ng kahihiyan kahit katiting. Lalaki man o babae, kung walang pinakamababang hangganan sa puso ang isang tao tungkol sa mga usapin sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan, at hindi niya alam ang kahulugan ng salitang “kahihiyan,” kung gayon ay ganap nitong kinukumpirma na hindi siya nagtataglay ng mga katangian ng pagkatao. Kung nagtataglay ng mga katangian ng pagkatao ang isang tao, at paminsan-minsan siyang nagkakamali na may kinalaman sa kabilang kasarian o gumagawa ng isang bagay na sumosobra na, pagsisisihan niya ito habambuhay. Sa tuwing maiisip niya ito, mamumula ang kanyang mukha, at makakaramdam siya ng bahagyang kirot sa kanyang puso; hindi siya mapapakali at mababalisa siya, ayaw nang banggitin muli ang usapin, at umaasang hindi na muling mangyayari ang gayong bagay sa hinaharap. Ang ginawa niya ay isang permanenteng mantsa sa kanya. Ang mga normal na tao ay may pagkaramdam ng kahihiyan at may pinakamababang hangganan tungkol sa mga usapin sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan; kokontrolin at pipigilan nila ang kanilang sarili, at hindi nila gagawin ang gayong mga bagay. Kahit na mawalan sila ng kontrol sa isang sandali at magkamali sa kabilang kasarian, makakaramdam sila ng pagsisisi. Hindi nila dadagdagan ang kanilang pagkakamali, ni bibigyang-layaw ang kanilang sarili at hahayaang magpakababa sila kapag pinahihintulutan ito ng kapaligiran; sa halip, mapipigilan sila. Paano ito nakakamit? Ito ang mabuting resultang nakukuha mo mula sa pagiging pinipigilan ng iyong konsensiya at katwiran. Pipigilan at kokontrolin ka ng iyong konsensiya at katwiran, at bibigyan ka ng pinakamababang hangganan, na siya ring iyong pinakamababang pamantayan sa pagtrato sa gayong mga usapin; ibig sabihin, tutulungan ka ng mga ito na iwasang lampasan ang pinakamababang hangganang ito at pipigilan kang gawin ang gayong mga bagay. Sa sandaling magdulot ang kahinaan o isang espesyal na dahilan na pansamantala kang hindi makapagpigil sa iyong mga pagnanasa at sa gayon ay magkamali ka sa kabilang kasarian, makakaramdam ka ng pagkasuklam at pagkapoot sa kaibuturan ng iyong puso, at makakaramdam ka pa nga ng pagsisisi habambuhay—hindi na ito mangyayari sa pangalawang pagkakataon sa buhay na ito. Gayumpaman, walang pakialam ang mga taong walang pagkatao kapag ginagawa nila ang gayong mga bagay. Ipinangangalandakan pa nga nila ito kung saan-saan at tinitingnan nila kung ano ang lagay nila kumpara sa iba, iniisip na ito ay isang kasanayan at isang kapabilidad, na ito ay tinatawag na pagkakaroon ng karisma, at na ito ay tinatawag na pagkakamit ng kalamangan—at na sayang kung hindi ito gagawin. Kung magkakaroon ng pagkakataon ang gayong mga tao, gagawin ba nila ulit ang gayong mga bagay? Ang sagot ay tiyak na oo—talagang gagawin nila ito ulit. Hindi sila kailanman nababagabag sa paggawa ng gayong mga bagay, sa halip ay ipinagyayabang pa nila ang mga ito. Hindi ba’t nakakasuklam ito? (Nakakasuklam ito.) Sapat nang nakakadismaya na hindi sila nababagabag, pero nagpapasikat pa sila, na lalong mas nakakasuklam. Ang ginagawa nila ay nagdudulot sa iba na makaramdam ng paghamak, ngunit sila mismo ay walang nararamdamang kahihiyan; hindi karapat-dapat tawaging tao ang gayong mga tao. Madalas silang gumawa ng gayong mga kahiya-hiyang bagay, ngunit hindi sila nakakaramdam ng hiya, pagsisisi, o pagkabagabag, at kung may pagkakataon o tama ang mga kondisyon sa hinaharap, gagawin nila ulit ang mga ito—ito ay isang pagpapamalas ng kawalan ng pagkaramdam ng kahihiyan. Kung gayon, sabihin ninyo sa Akin, kung hindi isasagawa ng gayong tao ang katotohanan, makakaramdam ba siya ng pagkabagabag o pagkakonsensiya? (Hindi.) Tama, hindi rin siya makakaramdam ng pagkabagabag o pagkakonsensiya. Bakit ganoon? (Dahil wala siyang konsensiya o katwiran.) Pagdating sa paggawa ng mga kahiya-hiyang bagay, ang isang taong walang konsensiya o katwiran ay hindi nakakaramdam ng hiya sa paggawa ng isang bagay na kahit ang mga walang pananampalataya ay ituturing na kahiya-hiya, ni nababagabag siya kapag ginagawa niya ito. Kung gayon, mas malamang pa na hindi siya makakaramdam ng pagkabagabag kapag gumagawa siya ng mga bagay na sumasalungat sa katotohanan, hindi ba? (Oo.) Sa paningin ng mga walang pananampalataya, ang hindi pagsasagawa sa katotohanan at hindi paghahangad sa katotohanan ay normal na normal; hindi ito itinuturing na kahiya-hiya, ni itinuturing na pagsalungat sa moralidad ng tao, dahil ganoon ang karamihan sa mga tao. Kaya, hindi ito nagdudulot sa ganoong klase ng tao na makaramdam ng anuman. Kung ang isang normal na tao ay pinungusan dahil nabigo siyang isagawa ang katotohanan at sumalungat siya sa mga prinsipyo, dahil mayroon siyang konsensiya at katwiran, makokonsensiya siya sa kanyang puso, at hindi mapapakali ang kanyang konsensiya. Ngunit kapag ang isang taong walang konsensiya at katwiran ay gumagawa ng mga bagay na walang kahihiyan, o mga bagay na nagdudulot ng paghamak at pagkasuklam sa iba, hindi siya nakakaramdam ng pagiging hindi komportable o pagkabagabag. Sa kanyang pananaw, hindi ba’t ganap na normal na hindi niya isagawa ang katotohanan? Wala siyang anumang kamalayan, kaya wala nang pag-asa ang gayong mga tao.
Sabihin ninyo sa Akin, marami ba ang mga nakakakilatis sa kung ano ang tama at mali, wasto at hindi wasto? Tingnan ninyo ang mga tao sa paligid ninyo, kabilang ang pamilya, mga kaibigan, at mga kasamahan, at pagkatapos ay tingnan ninyo ang mga kapatid. Sa mga taong ito, marami ba o kakaunti ang mga nakakakilatis at nakakatalos sa kung ano ang tama at mali, at kung ano ang wasto at hindi wasto? (Napakakaunti.) Hindi marami ang nakaaalam kung ano ang wasto at kung ano ang di-wasto. Ibig sabihin, sa mundong ito, hindi marami ang mga taong may matuwid at mabait na pagkatao, hindi marami ang patas at obhetibo sa kanilang pananalita at mga kilos, at na hindi walang pakundangang gumagawa ng masasamang bagay, at hindi marami ang nagsasalita nang may katwiran, at na hindi gumagamit ng baluktot na pangangatwiran. Lalo na sa mga walang pananampalataya, napakakaunti ng gayong mga tao. Kapag nakakasalamuha ka ng sinumang walang pananampalataya, kailangan mo lang marinig silang magsalita para malaman kung anong uri sila ng tao. Masyadong maraming kamalian at halo sa mga salita ng mga walang pananampalataya. Karamihan sa kanila ay hindi nagsasalita nang patas at obhetibo; nagsasalita sila batay sa kanilang mga damdamin at para protektahan ang sarili nilang mga interes. Anumang maling salita ang sabihin nila o anumang maling bagay ang gawin nila, wala silang kamalayan tungkol dito sa kaibuturan ng kanilang puso. Bilang isang mananampalataya sa Diyos, kung ang isang tao ay tulad ng isang walang pananampalataya na hindi alam kung ano ang wasto at kung ano ang di-wasto sa kanyang pananalita at mga kilos—at kahit na mali ang mga salitang sinasabi niya at ang mga pananaw na pinanghahawakan niya ay pikit-mata pa rin siyang nagpupumilit sa mga ito, itinuturing ang mga maling pananaw bilang mga positibong bagay at ang katotohanan, at ginagamit pa nga ang gayong mga pananaw para palitan ang katotohanan at ang mga salita ng Diyos—may pag-asa pa bang maligtas ang gayong tao? (Wala.) Ang ilang tao ay dalawampu o tatlumpung taon nang nananampalataya sa Diyos, o habambuhay pa nga, ngunit hindi nila kailanman nalalaman kung ano ang mga positibong bagay at kung ano ang mga negatibong bagay, ni kailanman ay malinaw sa kanila kung ano ang wasto at kung ano ang di-wasto. Hangga’t ang isang bagay ay kapaki-pakinabang sa kanila, gusto nila ito at ipinagtatanggol nila ito; kung hindi ito kapaki-pakinabang sa kanila, sinasabi nilang masama at mali ito, at tinatanggihan ito. Namuhay sila hanggang ngayon nang may gayong pilosopiya at saloobin para sa mga makamundong pakikitungo, ngunit sinasabi pa rin nilang nananampalataya sila sa Diyos at nais nilang maligtas—hindi ba’t isang kalokohan ito? (Oo.) Sinasabi rin nilang sila ay mga tagasunod ng Diyos at mga saksi para sa Diyos. Ano ang magagamit nila para magpatotoo sa Diyos? Ni hindi nila alam kung ano ang wasto at kung ano ang di-wasto, ngunit sinasabi nilang nais nilang magpatotoo sa Diyos—hindi ba’t lubos na walang katuturan ito? Gagamitin ba ng Diyos ang gayong mga tao na magulo ang isip para magpatotoo sa Kanya? (Hindi.) Magiging isang kahihiyan sa Diyos kung ang gayong mga tao ang magpapatotoo sa Kanya. Hindi nila kailanman nararamdaman na tama ang anumang ginagawa ng Diyos. Kung susuriin gamit ang kanilang mga kaisipan at pananaw, maraming bagay na ginagawa ng Diyos ang hindi umaayon sa kanilang mga kaisipan at pananaw, ni umaayon sa kanilang mga kuru-kuro ang mga ito, at siyempre, hindi rin umaayon sa mga interes ng kanilang laman. Kadalasan, ang mga salita ng Diyos o ang gawain ng Diyos ay sumasalungat sa kanilang mga kagustuhan, sa kanilang mga personal na pagnanais at ambisyon, at sa kanilang iba’t ibang personal na interes. Samakatwid, para sa ilang tao na sampu o dalawampung taon nang nananampalataya sa Diyos, napakahirap para sa kanila na magsabi ng kahit isang salita na nagmumula sa puso, na sabihing lahat ng ginagawa ng Diyos ay tama at walang pagkakamali. Masasabing mayroong isang bagay na nakatago sa kanilang puso. Sa pananampalataya sa Diyos sa lahat ng taon na ito, mayroon silang direktang karanasan: Nararamdaman nilang hindi natugunan ang kanilang mga pagnanais; nais nilang maging isang opisyal ngunit hindi sila naging gayon, at nais nilang magkamit ng mga pagpapala ngunit hindi nila nakuha ang mga ito. Tila hindi sila tinatrato nang patas ng sambahayan ng Diyos. Mayroon silang mga hinaing at pakiramdam na inaagrabyado sila sa kanilang puso na nais nilang ipahayag ngunit hindi nila magawa; natatakot sila na kung magsasalita sila, masasalungat nila ang Diyos, magbibigay sila sa iba ng magagamit laban sa kanila, o mabibigo silang mapanatili ang kanilang mabuting imahe sa puso ng mga tao. Kaya, marami silang bagay na kinikimkim sa loob. Dahil lang hindi nila ito sinasabi nang malakas ay hindi nangangahulugang wala silang mga iniisip o ilang bagay sa kanilang puso. At ano ang mga diumano’y “bagay” na ito? Ang mga ito ay hindi ang positibong pag-arok at kaalaman ng mga taong ito tungkol sa Diyos at sa Kanyang gawain, kundi ang kanilang hindi pagkaarok, pagsuway, at sama ng loob sa Diyos, pati na rin ang mga hinaing na pinaniniwalaan nilang dinanas nila, na naipon sa napakaraming taon ng pananampalataya sa Diyos. Ngunit dahil ang Diyos ang sinasampalatayaan nila, hindi nila ito masabi. Bakit napakaraming bagay sa kanilang puso na hindi nila maipahayag? May dahilan din sa likod nito. Ang puntong ito pa lang ay sapat na para ipakita na hindi pa nila tunay na nauunawaan ang katotohanan sa kabila ng pananampalataya sa Diyos sa loob ng maraming taon. Hindi nila sineseryoso ang paghahangad ng katotohanan sa kanilang pananampalataya sa Diyos. Anuman ang mangyari sa kanila, hindi nila tinitingnan ang mga bagay-bagay ayon sa mga salita ng Diyos, ni hinahanap ang katotohanan para makahanap ng isang landas ng pagsasagawa. Hindi nila kailanman tinanggap ang mga salita ng Diyos bilang ang katotohanan at bilang buhay. Hindi nila itinatangi o binibigyan ng halaga ang katotohanan, at hindi rin sila taimtim tungkol sa kung paano isasagawa ang katotohanan. Sa kanilang maraming taon ng pananampalataya sa Diyos, palagi silang naninindigan nang salungat sa Diyos, sinisiyasat, inuusisa, at kinukuwestiyon ang mga salita ng Diyos, nilalabanan pa nga ang mga salita ng Diyos, o sinusuri at hinuhusgahan ang mga salita at gawain ng Diyos gamit ang kanilang diumano’y mga wastong pananaw. Kaya, pagkatapos manampalataya sa Diyos sa loob ng maraming taon, sa wakas ay may sinasabi sila na mula sa puso: “Ano ba ang nakamit ko mula sa pananampalataya sa Diyos?” Ang ipinahihiwatig ay na wala silang nakamit mula sa pananampalataya sa Diyos. Sa kanilang puso, naniniwala silang labis silang nagdusa at nagbayad ng malaking halaga sa paggampan ng kanilang tungkulin sa sambahayan ng Diyos sa paglipas ng mga taon, ngunit hindi natugunan ang kanilang pagnanais na magkamit ng mga pagpapala at ang kanilang kagustuhang hangarin ang kasikatan at pakinabang. Naniniwala pa nga ang ilan na hindi binigyang-katarungan ng Diyos ang mga kaapihang dinanas nila, kaya nakakaramdam sila ng pagsuway, sama ng loob, at puno sila ng hinaing sa loob. Alang-alang sa pagkakamit ng mga pagpapala at alang-alang sa kanilang hantungan, wala silang pagpipilian kundi ang gampanan nang may sama ng loob ang kaunti sa kanilang tungkulin at gumawa ng kaunting gawain sa sambahayan ng Diyos, ngunit sa huli, nauuwi sa wala ang kanilang mga pag-asa at wala silang nakakamit. Umiiral ba ang mga taong tulad nito? Mayroong ilang gayong tao. Na wala silang nakamit pagkatapos manampalataya sa Diyos sa loob ng maraming taon ay dahil sa sarili nilang mga problema. Wala silang abilidad na makaarok o makaunawa sa katotohanan, at sumusunod sila sa Diyos at ginagampanan nila ang kanilang tungkulin nang may intensyon na magkamit ng mga pagpapala. Bagama’t medyo taimtim nilang ginugol ang kanilang sarili, at nagbayad sila ng malaking halaga at labis na nagdusa, hindi sila kailanman naging interesado sa mga salitang binibigkas ng Diyos o sa mga katotohanang ipinapahayag ng Diyos. Hindi nila kailanman tinanggap ang mga ito sa kanilang puso, ni kailanman ay sineryoso ang pagsasagawa sa katotohanan. Samakatwid, hindi nila kailanman nalalaman kung nagtataglay ba sila ng katotohanang realidad o hindi. Iniisip nila, “Kaya naming magbahagi tungkol sa katotohanan at nauunawaan namin ang ilang katotohanan, kaya paano masasabing hindi kami nagtataglay ng katotohanang realidad?” Ngunit hindi sila makasulat ng kahit isang tunay na patotoong batay sa karanasan, kaya nasaan ang katotohanang realidad nilang ito? Ang kanilang mga kilos at gawa ay kapareho pa rin ng sa mga walang pananampalataya; nagbago lang nang kaunti ang kanilang pag-uugali kumpara sa mga walang pananampalataya. Sa kanilang mga paraan at pamamaraan ng pag-asal, at sa kanilang mga kaisipan at pananaw sa lahat ng pangyayari at bagay—lalo na tungkol sa mga positibong bagay at negatibong bagay, at tungkol sa kung ano ang wasto at kung ano ang di-wasto—hindi nila kailanman tiningnan ang mga bagay-bagay batay sa mga salita ng Diyos o sa katotohanan. Sa halip, tinitingnan nila ang lahat ayon sa sarili nilang mga kaisipan at pananaw. Naniniwala sila na anuman ang gusto nila ay isang positibong bagay, at anuman ang kinamumuhian nila ay isang negatibong bagay. Hindi nila kailanman tinitingnan ang mga tao at bagay-bagay gamit ang mga salita ng Diyos bilang batayan, at hindi nila kailanman hinahanap ang katotohanan o tinatanggap ang katotohanan sa mga tao, pangyayari, at bagay na kanilang nakakaharap—sinusunod lang nila ang sarili nilang imahinasyon para kumilos, mamuhay, at gampanan ang kanilang tungkulin ayon sa sarili nilang mga pagnanais, intensyon, at kagustuhan. Naniniwala sila na ang kanilang abilidad na talikuran ang mga bagay-bagay, gugulin ang sarili, magdusa, at magbayad ng halaga ay nangangahulugang nakagawa na sila ng malaking ambag sa Diyos; iniisip nilang ito ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at na ito ay paghahangad sa katotohanan. Naniniwala sila sa diyos na iniisip nila sa kanilang puso sa sarili nilang paraan, at hinahangad nila ang katotohanan sa sarili nilang paraan. Kapag pinupungusan sila dahil sa palaging pagkilos nang basta-basta at walang pakundangan ayon sa sarili nilang kalooban sa paggampan ng kanilang tungkulin, o kapag hindi sila ginagamit para sa mahahalagang gampanin sa sambahayan ng Diyos, nasisiraan sila ng loob at nadidismaya. Sa huli, binubuod nila ang lahat sa isang pahayag: “Ano ba ang nakamit ko mula sa pananampalataya sa Diyos sa loob ng napakaraming taon?” Talagang wala silang nakamit. Ang dahilan kung bakit hindi nila nakamit ang katotohanan ay dahil hindi nila hinahangad ang katotohanan; hindi masisisi ang Diyos para dito. Ito ay dahil hindi nagpapakita ng pagkiling ang Diyos sa mga tao, at gayundin ang katotohanan. Nabigo kang makamit ang katotohanan hindi dahil hindi ka binigyan ng Diyos ng pagkakataon o dahil hindi Niya hinayaang marinig mo ang Kanyang mga salita, kundi dahil narinig mo ang mga salita ng Diyos ngunit hindi mo pinagbubulayan, iniisip, isinasagawa, o dinaranas ang mga ito. Dahil hindi mo minamahal ang katotohanan kaya hindi mo ito tinatanggap. Hindi tinakpan ng Diyos ang iyong mga mata o isinara ang iyong puso; sa halip, ang iyong mga kagustuhan at ang iyong pagiging katawa-tawa ang humarang sa iyong puso kaya hindi mo matanggap ang katotohanan. Nabigo kang makamit ang katotohanan hindi dahil hindi ito ipinagkaloob sa iyo ng Diyos, kundi dahil hindi mo kailanman nagustuhang magbasa ng mga salita ng Diyos, at hindi mo tinatanggap ang mga salita ng Diyos o ang katotohanan sa iyong puso. Itinuturing mo ang sarili mong mga paniniwala at pananaw bilang ang katotohanan na dapat hangarin at pasakupan—nais mo bang sambahin ka ng mga tao bilang Diyos? Ang mga salita ng Diyos at ang gawain ng Diyos ay isang pormalidad lang, isang pormula, para sa iyo; hindi mo talaga hinangad ang katotohanan at buhay. Kaya, ang iyong pananampalataya sa Diyos ay maaari lang magtapos sa isang paraan—na talagang wala kang nakamit. Bakit hindi mo nakamit ang katotohanan? Hindi ito dahil hindi ka pinagkalooban ng Diyos ng biyaya, kundi dahil sa landas na personal mong tinatahak. Binigyan ka ng Diyos ng maraming pagkakataon at taimtim at matiyaga ka Niyang hinihikayat at tinutulungan, ngunit hindi ka nakikinig. Hindi mo rin tinatanggap ang pagpupungos. Palagi mong hinahangad ang pagkakamit ng mga pagpapala o hinahangad ang reputasyon at katayuan, hindi ka kailanman tumitigil. Ang iyong kabiguan sa huli na makamit ang katotohanan ay ganap na dulot ng landas na personal mong tinahak. Hindi mo tinahak ang landas ng paghahangad sa katotohanan. Wala itong kinalaman sa Diyos. Hindi nagpapakita ng pagkiling ang Diyos sa mga tao, at gayundin ang katotohanan. Anuman ang iyong klasipikasyon, hangga’t ikaw ay isang tao, kung gayon, kahit ipagpalagay na ang iyong abilidad na umarok sa katotohanan ay maaaring medyo mas mahina kaysa sa isang normal na tao, kung kaya mo pa ring makinig sa mga salita ng Diyos gamit ang iyong puso, tanggapin ang mga salita ng Diyos, at isagawa ang mga salita ng Diyos—sa kabila ng katunayang maaaring nakakaunawa ka lang ng ilang doktrina at sumusunod sa ilang regulasyon—may makakamit ka pa rin. Kaya itong gawin ng karamihan sa mga tao, kaya bakit hindi mo kaya? Nakikinig din sa mga sermon at gumagampan sa kanilang tungkulin ang iba, kaya bakit kaya nilang makamit ang katotohanan, gumampan ng kanilang tungkulin nang pasok sa pamantayan, at iwaksi ang kanilang mga tiwaling disposisyon at magpasakop sa Diyos, ngunit hindi mo kaya? Isinaayos ng Diyos ang kapaligiran para sa iyo upang gampanan mo ang iyong tungkulin, umaasang mauunawaan mo ang katotohanan at maisasagawa ito. Hindi ka hinadlangan ng Diyos, ngunit ikaw mismo ay palaging nag-iimbot sa mga makamundong bagay at sa kalayawan ng laman, hindi ka kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, at tinututulan at tinatanggihan mo ang katotohanan sa iyong puso. Itinataguyod mo ang mga pilosopiya at pag-aaral at kaalaman ni Satanas bilang mga positibong bagay at bilang ang katotohanan, habang binabalewala ang mga salita ng Diyos at ang katotohanan, itinuturing ang mga ito bilang iyong kaaway, bilang isang bagay na sumasalungat sa iyo. Dahil hindi mo minamahal ang katotohanan sa iyong puso, bakit ka nananampalataya sa Diyos? Nananampalataya ka sa Diyos ngunit hindi ka nakikinig sa mga salita ng Diyos o tumatanggap sa mga salita ng Diyos—makakaasa ka pa bang maligtas? Hindi mo tinatanggap ang katotohanan o iwinawaksi ang iyong mga tiwaling disposisyon, kaya paano ka maliligtas? Hindi mo tinatanggap ang mga salita ng Diyos at hindi mo hinahangad ang katotohanan, ngunit nais mo pa ring matanggap at kilalanin ng Diyos, isa itong pananaginip nang gising; hindi ito mangyayari. Hindi mo tinatanggap ang mga salita ng Diyos at hindi mo tinatanggap ang katotohanan, kaya nangangahulugan iyon na walang puwang para sa Diyos sa iyong puso. Lalayo ka lang nang lalayo sa Diyos. Magiging tulad ka lang ng isang walang pananampalataya; magiging imposible para sa iyo na matamo ang kaligtasan.
May ilang tao na hindi pa kailanman tunay na tumanggap sa mga salita ng Diyos sa kaibuturan ng kanilang puso; hindi nila tinatanggap kahit isang salita ng Diyos. Kapag hindi sila inaangat o ginagamit ng sambahayan ng Diyos, nagrereklamo sila: “Paano nangyaring hindi ako gusto ng Diyos? Bakit hindi ako kailanman inaangat o inilalagay ng sambahayan ng Diyos sa isang mahalagang posisyon? Nakakaunawa ako ng ilang katotohanan, mayroon akong mga adhikain at determinasyon, at handa akong gugulin ang sarili ko para sa Diyos! May pinag-aralan ako at may lakas, at kaya kong magdusa at magbayad ng halaga—kaya bakit hindi ako binibigyan ng pagkakataon ng sambahayan ng Diyos? Hindi patas ang pagtrato sa akin sa ganitong paraan! Nagkakaroon ng mga pagkakataon ang iba, kaya bakit ako ay hindi? Hindi matuwid ang Diyos!” Kung gayon, bakit hindi mo tingnan kung umaayon ka ba sa mga prinsipyo ng sambahayan ng Diyos para sa pag-aangat at paggamit ng mga tao? Sarado ang puso mo sa Diyos, at lumalaban ka sa mga salitang sinasabi ng Diyos—naisapuso mo na ba ang sinasabi ng Diyos? Hinanap mo na ba kailanman ang mga salita ng Diyos kapag gumagawa ka ng mga bagay-bagay? Hindi ka nakikinig sa sinasabi ng mga salita ng Diyos, at hindi mo kailanman hinahanap ang mga layunin ng Diyos o ang mga katotohanang prinsipyo, kaya paano ka gagamitin ng sambahayan ng Diyos? Kahit pa maghanda ang Diyos ng isang kapaligiran para sa iyo, at bigyan ka ng sambahayan ng Diyos ng pagkakataong maiangat at magamit, sa anong gawain ka ba magiging mahusay? Anong gawain ang kaya mong akuin? Kung gagamitin ang gayong tao para sa gawain ng iglesia, tiyak na susundin niya ang sarili niyang kalooban para walang-pakundangang gumawa ng mga maling gawa, at magdulot ng mga paggambala at panggugulo, na maaari lang humantong sa isang bagay: Ititiwalag siya. May dalawang dahilan kung bakit natitiwalag ang mga tao: Ang isa ay pagiging isang huwad na lider na hindi kayang gumawa ng tunay na gawain, at ang isa pa ay pagiging isang anticristo na walang-pakundangang gumagawa ng mga maling gawa, gumagawa ng mga bagay sa sarili niyang paraan, at hindi itinataguyod ang gawain ng iglesia o ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Sa huli, pareho silang dapat itiwalag. Hindi mo kailanman tinatanggap ang katotohanan, tutol ka sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, sarado ang puso mo sa Diyos, at hindi mo hinahanap ang mga katotohanang prinsipyo kapag gumagawa ka ng mga bagay-bagay. Kahit pa tratuhin ka ng Diyos nang may kabaitan at bigyan ka ng pagkakataon, at kahit pa iangat at gamitin ka ng sambahayan ng Diyos, hindi ka magiging mahusay sa gawain, ni makakaya mong umako ng anumang gawain nang mag-isa. Sa huli, kakailanganin pa ring itiwalag ka. Umaasa kang iangat at gamitin ka ng sambahayan ng Diyos, pero positibo ba ang iyong mentalidad? Kung ang layon mo ay hindi ang tuparin ang iyong tungkulin, makamit ang katotohanan, at suklian ang pag-ibig ng Diyos, kung gayon, ang iyong mentalidad ay binubuo ng walang iba kundi mga ambisyon at pagnanais; dulot ito ng pag-aalboroto ng iyong mapagmataas na disposisyon, at hindi ito tinatanggap ng Diyos. Sabihin mo sa Akin, sa mga pagpapamalas na tulad ng sa iyo, maglalakas-loob ba ang sambahayan ng Diyos na gamitin ka? Kung gagamitin ka, magdudulot lang ito ng problema at kawalan sa gawain ng iglesia. Wala kang kayang gawin nang maayos, at pagkatapos mong gumawa ng isang bagay, kailangang remedyuhan ng ilang tao ang sitwasyon at linisin ang gulo. Samakatwid, hindi naglalakas-loob ang sambahayan ng Diyos na gamitin ka. Ang bawat aytem ng gawain ng iglesia ay napakahalaga—kaya mo bang akuin ang mga ito? Kung may mangyaring mali, kaya mo ba itong panagutan? Hindi ka mahusay sa gawain at hindi mo ito kayang akuin, pero gusto mo pa ring ilagay ka ng sambahayan ng Diyos sa isang mahalagang posisyon—napakataas naman ng ambisyong iyan! Kung talagang gusto mong maiangat para mamahala sa gawain ng iglesia, bakit hindi mo maisipan na sangkapan ang iyong sarili ng mas maraming katotohanan at unawain ang mas maraming katotohanan? Huwag kang maging kaaway ng mga salita ng Diyos. Bitiwan mo ang sarili mong diumano’y mga tamang kaisipan at pananaw, at basahin mo nang taimtim ang mga salita ng Diyos. Kahit ang pagkakaroon lang ng saloobin ng pagpapasakop sa mga salita ng Diyos ay magiging mabuti na. Wala ka man lang saloobin ng pagpapasakop sa mga salita ng Diyos, lalong hindi mo tinatanggap ang mga ito. Kung hindi mo tinatanggap ang mga salita ng Diyos pero gusto mo pa ring maiangat sa sambahayan ng Diyos at gumawa ng gawain ng iglesia, hindi ka magtatagal nang ilang araw bago ka itiwalag. Ang mga ganitong uri ng tao ay tila may sariling mga adhikain sa kaibuturan ng kanilang puso, pero hindi kailanman maisasakatuparan ang mga adhikaing ito, at hindi masisiyahan ang kanilang puso. Bagama’t maraming taon na silang nananampalataya sa Diyos at gumagampan ng kanilang mga tungkulin sa sambahayan ng Diyos, at kaya nilang talikuran ang mga bagay-bagay at gugulin ang kanilang sarili, dahil palaging sarado ang kanilang puso sa Diyos at mayroon silang lumalaban na saloobin sa katotohanan, pakiramdam nila ay wala silang nakamit pagkatapos manampalataya sa Diyos sa loob ng napakaraming taon. Sinasabi Ko, “Totoong-totoo ang sinasabi mo; talagang wala kang nakamit.” Kung tunay kang nagkamit ng kaunting katotohanan pagkatapos mong manampalataya sa Diyos sa loob ng napakaraming taon, iyon ay talagang magiging mahalaga. Kung talagang may mga kayamanan sa loob mo, kung gayon ay talagang magugustuhan at pahahalagahan ng sambahayan ng Diyos ang ganoong tao. Sa kasamaang-palad, hindi ka ganoong uri ng tao. Ang nakamit mo ay hindi ang katotohanan, ni mga kayamanan; sa halip, ang nakamit mo ay isang ulong puno ng mga hinaing, pagsuway, kawalang-kasiyahan, at mga reklamo. Sinasabi mong wala kang nakamit, at tama iyon; iyon talaga ang totoo. Kung talagang nakaunawa ka ng kaunting katotohanan at nagkamit ka ng kaunting katotohanan, kung gayon ay hindi ka magkakaroon ng mga hinaing, pagsuway, mga reklamo, at iba pang gayong mga negatibong bagay sa iyong puso. Sa halip, magkakaroon ka ng pananalig sa Diyos, pagkaunawa sa Diyos, pagsasaalang-alang sa Diyos, pagpapasakop sa Diyos, at takot sa Diyos—lahat ng positibong bagay na ito. Nakapanghihinayang na ang nasa loob mo ay hindi mga positibong bagay, kundi ganap na mga negatibong bagay. Ngunit mahigpit mong pinanghahawakan ang mga ito, iniisip na ang mga bagay na ito ang pinakamahalaga; habang pinanghahawakan ang mga ito, iniisip mong nasa tama ka at mayroon kang palusot. Isa itong hangal na ideya. Ang galit, pagkamuhi, paghusga, at pagsuway at hinanakit mong iyan ay hindi ang katotohanan. Lahat ng iyon ay mga bagay na nagmumula kay Satanas; malalalang tumor ang mga iyon na nagmula sa mga tiwaling disposisyon ni Satanas. Dapat kang mag-isip ng paraan para malutas ang mga ito. Hindi ka kayang bigyang-kakayahan ng mga bagay na ito na magtamo ng kaligtasan, ni hindi ka kayang bigyang-kakayahan ng mga ito na tanggapin ang katotohanan at humarap sa Diyos nang bukas at lantad para maging isang tunay na nilikha at tumanggap ng kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Lumikha. Kung, sa kabaligtaran, palagi mong pinahahalagahan ang mga bagay na ito at hindi mo binibitiwan ang mga ito, magdudulot lang ito na lalo ka pang mapalayo sa Diyos, at lalo pang magdilim at lalo pang masadlak ang iyong kalooban. Sa huli, hahantong ito sa pagkakaroon mo ng paunti nang paunting pananalig sa Diyos, at sa pagiging lalo pang nasusuklam sa mga salita ng Diyos, sa gawain ng Diyos, sa mga hinihingi ng Diyos, at sa disposisyong diwa ng Diyos. Nananampalataya ka sa Diyos pero unti-unti kang lalong napapalayo sa Kanya; hindi ito isang magandang senyales. Para sa iyo, isa itong kalamidad na magdudulot ng ganap na pagkasira. Dapat mong ituwid ang sitwasyong ito at huwag kang kumapit sa mga bagay na ito. Kung kakapit ka sa mga negatibong bagay na ito, dadalhin ka lang nito patungo sa pagkawasak. Mas mabuti pang ilabas mo ang mga bagay na ito para himayin ang mga ito, bitiwan ang mga ito, at tanggapin ang katotohanan. Sinasabi ng ilang tao, “Hindi ba’t sinabi Mo na ang mga taong tulad namin ay walang pakultad para tanggapin ang katotohanan?” Wala kang pakultad para tanggapin ang katotohanan, pero sinasabi Ko sa iyo ngayon: Ang mga hinaing, kawalang-kasiyahan, pagsuway, hinanakit, pagkamuhi, at paghusga sa loob mo ay pawang mga bagay na lumalaban sa Diyos. Kung nauunawaan mo ito at kaya mong kilatisin ang mga problema sa loob mo, dapat mong bitiwan ang mga bagay na ito. Sinasabi ng ilang tao, “Hindi ko nauunawaan ang katotohanan, kaya hindi ko alam kung paano bibitiw.” Kung gayon, alam mo ba kung paano sumunod sa mga regulasyon? Gawin mo lang ang anumang ipinapagawa sa iyo ng mga salita ng Diyos. Halimbawa, kaya mo bang umiwas sa paggawa ng masama? Kaya mo bang umiwas sa paghusga sa Diyos? Kaya mo bang gumawa ng mas maraming mabubuting bagay? Kaya mo bang umiwas sa pagsunod sa mga gumagawa ng masama? Kaya mo bang buksan ang iyong puso sa Diyos? Kaya mo bang mag-ulat ng mga problema sa sambahayan ng Diyos kapag natutuklasan mo ang mga ito? Kaya mo bang magsalita mula sa puso kapag nagdarasal sa Diyos? Kaya mo bang umiwas sa pagiging pabasta-basta sa paggawa ng iyong tungkulin? Kung kaya mong gawin ang mga bagay na ito, may pag-asa ka pa. Kung hindi mo magawa kahit ang mga bagay na ito, sasabihin Ko sa iyo ang totoo: Wala ka nang pag-asa. Ang naghihintay sa iyo ay hindi liwanag kundi kadiliman. Isa ka pa ring taong nabibilang kay Satanas, at hindi ka maliligtas.
Kahit pa hindi nauunawaan ng isang tao ang katotohanan, kung nagtataglay siya ng konsensiya at katwiran, kaya niyang kilatisin kung ano ang tama at mali sa isang antas, anuman ang makaharap niya. Gayumpaman, hindi alam ng mga taong walang konsensiya at katwiran kung ano ang tama at mali sa maraming usapin, na nagiging dahilan para isipin ng iba na napakakakatwa nila. Kapag nakikisalamuha sa kanila o nangangasiwa ng usapin kasama nila ang mga tao, maraming bagay ang hindi umuubra sa kanila, at maraming salita ang hindi nila naiintindihan. Bukod dito, ang kanilang mga kaisipan at pananaw ay napakahindi pangkaraniwan at sukdulan, at sa tingin ng mga tao ay hindi ito sukat akalain, na para bang hindi sila kailanman namuhay sa mundo ng mga tao. Hindi nila nauunawaan ang maraming bagay na kinikilala ng lahat bilang tama; bukod sa hindi nila kayang sang-ayunan o tanggapin ang mga ito, kaya pa nga nilang magpahayag ng isang hanay ng mga baluktot na pangangatwiran at mga maling paniniwala. Sa partikular, may ilang tao na madalas gumawa ng mga palihim na pakana sa loob ng isang grupo, naghahasik ng alitan at binabaluktot ang mga katunayan at kasinungalingan. Para bang araw-araw ay wala silang inaasikasong wastong bagay; hinuhusgahan nila ang taong ito o kung hindi naman ay hinuhusgahan ang usaping iyon, at nalulugod sila rito. Kahit pa walang pumapansin sa mga bagay na sinasabi nila, at walang interesado sa mga bagay na ito, hindi pa rin sila napapagod sa pagsasabi at paggawa ng mga ito. Palagi silang naghahasik ng alitan sa mga ugnayan ng mga tao, hinuhusgahan ang iba at binabaluktot ang mga katunayan at kasinungalingan nang hindi nakikita. Kapag hindi nasusunod ang gusto nila, naghihimutok sila, nagrereklamo, at nanghuhusga pa nga nang patalikod sa mga tao. Ang kanilang buhay ay ganap na puno ng mga bagay na ito. Hindi mo sila kailanman makikitang nagbabahagi tungkol sa sarili nilang pagkaunawa—nagbabahagi tungkol sa kaliwanagan at liwanag na natamo nila mula sa mga salita ng Diyos, o kaya ay nakikipagbahaginan at nagbabahagi sa lahat ng kanilang karanasan sa isang partikular na usapin. Habang lalong tinatalakay ang gayong mga wastong usapin, lalo silang nananahimik, walang maagap na saloobin, at mukhang walang sigla at hindi makaipon ng anumang lakas. Ang kinahihiligan nila ay ang maghasik ng alitan at magbaluktot ng mga katunayan at kasinungalingan. Kahit kapag tinatalakay ang isang usapin, kumikilos sila na parang mga walang pananampalataya sa pagtingin dito mula sa perspektiba ng tama at mali, wasto at hindi wasto, hindi kailanman tinatalakay ang anumang usapin batay sa konsensiya at katwiran ng normal na pagkatao. Palagi nilang ginagampanan ang mga papel ng mga lamok, langaw, daga, at iba pa sa mga grupo ng mga tao, ginugulo at nililigalig ang kanilang mga normal na buhay. Sa sandaling magsalita at magpahayag sila ng kanilang mga pananaw, o magsuri at manghusga ng isang bagay, nakakaramdam ang mga tao ng pagtutol at pagkabagabag sa kanilang puso, at ang ilang tao na mababa ang tayog na hindi nakakaunawa sa katotohanan ay nalilihis at nalilimitahan pa nga nila. Ang mga taong ito ay hindi kailanman gumaganap ng isang positibong papel sa isang grupo; palagi silang nagtsitsismisan at nagbabaluktot ng mga katunayan at kasinungalingan, pinag-uusapan ang mga pagkakamali ng taong ito at pagkatapos ay kung ano ang ginawa ng taong iyon. Ngunit hindi nila kailanman nararamdaman na mayroong anumang mali sa paggawa nito; sa halip, naniniwala sila na ganito dapat mamuhay ang mga tao, at na sa pamumuhay lamang sa ganitong paraan maaaring maging masaya at malaya ang isang tao. Itinuturing nila ang ganitong maling paraan ng pamumuhay at paraan ng pag-aasikaso sa mga bagay bilang tama, bilang ang paraan ng pamumuhay na dapat taglayin ng mga taong may normal na pagkatao, at hindi nila tinatanggap kapag pinupungusan at inilalantad sila ng iba. Kung hindi gumagana ang kanilang pamamaraan sa isang partikular na grupo, pumupunta sila sa ibang grupo para maghanap ng mga taong kauri nila—ng iba na kapareho nila ng masamang pag-iisip—para husgahan ang mga tama at mali kasama nila. Sa sandaling makahanap sila ng isang kaisa nila sa isipan, pakiramdam nila na ang bawat araw ng kanilang buhay ay napakasaya at napakaligaya. Sa anumang konteksto, ang papel na ginagampanan ng mga taong ito ay bilang isang taong nagbabaluktot sa mga katunayan at kasinungalingan, naghahasik ng alitan, sumusubok na mang-akit ng mga tao, at gumugulo at umaatake sa mga tao. Kung tatanungin mo sila kung anong mga nakatagong motibo ang kinikimkim nila sa paggawa nito at kung anong layon ang gusto nilang makamit, hindi nila mismo maipaliwanag nang malinaw kung bakit nila ito ginagawa. Maaaring wala silang malinaw na layon, ngunit ang kondisyon kung saan sila karaniwang namumuhay ay puno ng mga pagpapamalas at pagsasagawang ito. Sabihin mo sa Akin, ano ang klasipikasyon ng gayong mga tao? Kung sasabihin mong mayroon silang mga nakatagong motibo sa paggawa nito, puno sila ng mga palusot: “Hindi ko sinasadyang makaapekto sa paggampan ng tungkulin ng sinuman, hindi ko sinasadyang guluhin ang sinuman, at hindi ko sinasadyang guluhin ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Hindi ko ba puwedeng sabihin kung ano lang ang nasa isip ko?” Kapag inilalantad mo sila, nagiging sutil sila; iginigiit nilang gawin ito nang ganito, iginigiit nilang masunod ang sarili nilang gusto, at iginigiit nilang mamuhay nang ganito kasama ng iba. Kahit sino pa ang husgahan nila o anuman ang mga katunayan at kasinungalingan na baluktutin nila, tama ba ang paraan nila ng pamumuhay at pag-asal? (Hindi.) Ngunit nalulugod pa sila rito. Sasabihin mo bang napakalubha ng problema sa gayong mga tao? (Oo.) Sila ay mga nasa hustong gulang na, ngunit hindi nila alam kung aling mga salita at aling mga kilos ang tama, mahalaga, makabuluhan, at maituturing na pag-aasikaso sa wastong gawain, at hindi nila alam kung aling mga kilos ang maituturing na pagpapabaya sa wastong gawain—ang ganitong uri ng mga tao, sa esensya, ay mga salbahe, hindi mga normal na tao. Nagdudulot man sila o hindi ng mga panggugulo sa iba, dahil sa namumuhay sila araw-araw sa isang kondisyon ng walang-pakundangang paggawa ng mga maling gawa nang hindi nalalaman kung tama o mali ba ang kanilang ginagawa, at itinuturing nila na wastong gawain ang pagbaluktot sa mga katunayan at kasinungalingan at paghahasik ng alitan habang wala silang anumang kamalayan sa kanilang konsensiya, sasabihin mo bang mayroon silang pagkatao? Kung tunay silang may normal na pagkatao, dapat alam nila kung ano ang mga prinsipyong namamahala sa pagsasalita at pagkilos, at higit pa rito, dapat alam nila na sa pag-asal, dapat maunawaan ng isang tao ang katotohanan, at na ito ang pinakamalaking pangangailangan ng mga tao. Gayumpaman, hindi nila alam kung ano ang kailangan ng mga tao o kung ano ang dapat gawin ng mga tao. Wala silang normal na pagkatao; sila ay mga hayop. Ang ilan ay mas masahol pa nga kaysa sa mga hayop. Tingnan ninyo ang mga pusa: Natutulog sila at minsan ay naglalaro sa araw, at nanghuhuli ng mga daga pagsapit ng dilim. Nakakapinsala sa mga tao ang mga daga, kaya sa paghuli sa mga ito, gumagawa ang mga pusa ng isang bagay na kapaki-pakinabang para sa mga tao. O tingnan ninyo kung paano namumuhay ang mga aso. Bukod sa pakikipaglaro sa kanilang mga amo, binabantayan ng mga aso ang tahanan. Kapag may dumarating na estranghero, nagsisimulang tumahol ang mga ito para alertuhin ang kanilang amo at bantayan ang tahanan. Kapag inilalabas sila ng kanilang amo, nananatili sila sa tabi ng kanilang amo, at kung may lumapit na estranghero, pinoprotektahan nila ang kanilang amo. Tinutupad nila ang papel ng pagprotekta at pagbabantay sa tahanan. Mga pusa o aso man, lahat sila ay kayang mag-asikaso ng wastong gawain. Siyempre, ginagawa ito ng mga hayop hindi dahil sa naghaharing puwersa ng konsensiya kundi dahil sa instinto. Nang likhain ng Diyos ang mga ito, nilikha Niya ang instintong ito at binigyan ang mga ito ng gayong misyon, at nananatili ang mga ito sa misyon ng mga ito, at walang sinuman ang makapagbabago nito. Kaya pa ngang tuparin ng mga hayop ang kanilang mga responsabilidad at mag-asikaso ng wastong gawain. Kung ang isa ay tao, sa pinakamababa, dapat siyang pamahalaan ng konsensiya at katwiran. Dapat mayroon siyang mga pamantayan at isang pinakamababang hangganan sa kanyang puso tungkol sa kung ano ang dapat at hindi niya dapat gawin araw-araw, kung aling mga kilos ang may kaugnayan sa katotohanan, at kung aling mga kilos ang maituturing na pagpapabaya sa wastong gawain. Ang mga pamantayang ito at ang pinakamababang hangganang ito ay maaaring mabilis na masukat gamit ang konsensiya at katwiran ng pagkatao. Halimbawa, ang pagiging imoral at walang pagpipigil, ang pagkahilig na magbaluktot ng mga katunayan at kasinungalingan, at iba pa—anong uri ng mga tao ang gumagawa ng mga bagay na ito? Matatanto ng mga normal na tao: “Iyon ay mga bagay na ginagawa ng mga tambay at salbahe na nagpapabaya sa wastong gawain. Masyadong abala ang mga normal na tao sa mga wastong usapin; sino naman ang gagawa ng mga bagay na iyon? Walang saysay ang mga iyon! Bukod pa rito, ang mga bagay na ito na pagbaluktot sa mga katunayan at kasinungalingan at paghahasik ng alitan ay pawang mga negatibo at mali. Kung may konsensiya at katwiran ang mga tao, hinding-hindi nila dapat gawin ang mga ito. Paminsan-minsan, maaaring may isang uri ng espesyal na sitwasyon—may isang taong nagpapasama ng loob mo—at maaari kang maghimutok nang kaunti dahil sa pagkamainitin ng ulo, pero hindi mo ito maaaring gawing karaniwan para sa iyong pang-araw-araw na buhay; hindi mo ito maaaring ituring na wastong gawain!” Ito ay isang bagay na maaaring masukat gamit ang konsensiya at katwiran ng isang normal na tao, kaya nagagawa niyang umiwas sa paggawa ng mga bagay na ito. Pero itinuturing ng mga taong hindi nagtataglay ng konsensiya at katwiran ang mga bagay na ito bilang wastong gawain. Hindi sila nababalisa o nag-aalala tungkol sa pag-antala sa kanilang tungkulin. Kapag hindi pa nila natatapos ang kanilang gawain at hinihimok sila ng iba, hindi nila ito sineseryoso. Lahat ng iba ay abala sa paggawa ng kanilang mga tungkulin, pero nagkukunwari silang hindi ito nakikita. Sa tuwing gusto nila, nakikipagdaldalan sila, nagbabaluktot ng mga katunayan at kasinungalingan o kaya ay naghahasik ng alitan. Ang mga pagpapamalas na ito ay hindi mga pagpapamalas ng normal na pagkatao, kundi mga pagpapamalas ng pagiging di-tao. Bilang isang miyembro ng lahi ng tao, pagkatapos umabot sa hustong gulang, dapat pagbulayan ng lahat ang ilang wastong usapin, tulad ng kung anong pananaw sa buhay ang dapat itatag ng isang tao, kung anong mga adhikain at paghahangad ang dapat taglayin ng isang tao, kung ano ang dapat paniwalaan ng isang tao, kung anong landas ang dapat tahakin ng isang tao, kung paano mamuhay para magkaroon ng halaga at kabuluhan sa buhay na ito, at iba pa—napakaraming bagay ang dapat pagbulayan at maunawaan ng isang tao. Lalo na pagkatapos manampalataya ng mga tao sa Diyos at gumawa ng isang tungkulin sa sambahayan ng Diyos, kung saan malaki ang saklaw ng bawat aytem ng gawain, nangangailangan ng pag-usad at kahusayan para matapos. Napakaabala ng lahat—sino ang may panahong magbaluktot ng mga katunayan at kasinungalingan at maghasik ng alitan? Hindi gugugulin ng karamihan sa mga tao ang kanilang oras sa mga bagay na ito. Dagdag pa rito, karamihan sa mga tao ay walang ganitong libangan; sinumang may ganitong libangan ay nagmumukhang napakakakatwa at kakaiba. Iyong mga nagtuturing na isang libangan ang pagbaluktot sa mga katunayan at kasinungalingan at paghahasik ng alitan ay mga di-tao, dahil ang kanilang pag-uugali ay ganap na naiiba sa pag-uugali ng mga normal na tao, at sumasalungat sa mga prinsipyo sa paggawa ng mga bagay na dapat taglayin ng mga normal na tao. Samakatwid, ang gayong mga tao ay mga hamak na nagpapabaya sa kanilang wastong gawain. Ang mga bagay na ginagawa nila ay hindi ang dapat gawin ng mga normal na tao; ang papel na ginagampanan nila ay papel ng isang di-tao. Ngunit iniisip nila mismo na ito ay napakabuti at tama. Hindi ba’t ito ay hindi pagkaalam kung ano ang tama at kung ano ang mali? (Oo.)
May ilang tao na palaging kumikilos nang palihim at mapanghimasok kapag nakatalikod ang mga tao. Halimbawa, may ilan na mahilig tumingin sa pribadong impormasyon ng ibang tao, tulad ng kanilang mga personal na talaarawan at mga tala sa espirituwal na debosyon. May ilan na mahilig makinig nang palihim sa mga panalangin ng iba, o makinig nang palihim sa mga usapan ng iba para malaman kung nababanggit ba sila at kung ano ang tingin ng iba sa kanila. May ilan na sumisilip sa mga kompyuter ng iba para tingnan kung anong mga mensahe mayroon ang mga ito, kung sino ang kinokontak ng mga ito, kung anong mga kanta ang pinakikinggan ng mga ito, at kung anong mga video ang pinapanood ng mga ito, palaging nag-uusisa sa mga pribadong buhay ng iba. Mayroon ding ilang tao na malilikot ang kamay na naghahalungkat sa mga personal na gamit, mga pakete, at maging sa higaan ng iba nang walang pahintulot. Tinitingnan nila ang anumang kinakain, isinusuot, o ginagamit ng iba. Kung may makita silang magandang bagay, kinukuha nila ito at ginagamit, at kung nasisiyahan sila sa paggamit nito, itinuturing nila itong pag-aari nila. Kapag bumibili ang iba ng ilang meryenda o tinapay, sumisilip sila, at kung may makita silang masarap, kumakagat sila o kumukuha ng isang piraso. Ang layunin nila ay hindi lang tumingin, kundi kumain dahil matakaw sila. Kung gusto nilang kumain, puwede naman silang humingi, at walang tatawa sa kanila. Pero bakit nila ninanakaw ang pagkain ng iba nang patalikod? Tama bang gawin ito? (Hindi.) Alam nilang mali ito pero ginagawa pa rin nila, at madalas nila itong ginagawa, hinahalungkat ang mga gamit ng iba na para bang pag-aari nila ang mga ito. Kung matutuklasan, binibigyang-katwiran nila ang kanilang sarili sa pagsasabing tumitingin lang sila, at hindi sila nahihiya rito. Kapag walang tao sa paligid, patuloy silang naghahalungkat at nagnanakaw. Wala silang pagkaramdam ng kahihiyan; hindi man lang nila alam kung wasto ba ito o hindi. Anong uri ng tao ang gumagawa ng gayong mga bagay? Sa pangkalahatan, kahit ang matitinong anim o pitong taong gulang na bata ay hindi ginagawa ang mga bagay na ito. Kung ginagawa pa rin ito ng isang nasa hustong gulang na, ito ay dahil nakasanayan na nilang gawin ang mga ito mula pagkabata. Para itong isang magnanakaw na nasanay nang magnakaw at nang-uumit saanman siya magpunta. Kahit pa wala namang kulang sa kanya, gusto pa rin niyang magnakaw; naging likas na sa kanya ito at hindi niya maitigil. Kahit pa gusto niyang tumigil, hindi niya kaya. Ipinanganak siyang magnanakaw. Hindi ba’t sila ay mga di-tao? (Oo.) Mausisa ka at iginigiit mong tingnan ang mga personal na gamit ng iba, pero ano ang maidudulot na mabuti ng pagtingin? Kahit pa tumingin ka, hindi sa iyo ang mga iyon, at hindi mo makukuha ang mga iyon. Kung talagang gusto mong humiram ng isang bagay minsan, magpaalam ka lang sa tao, at gamitin mo lang ito pagkatapos niyang pumayag. Gawin mo ang mga bagay nang hayagan at tapat; huwag kang maging palihim. Kung gusto mong isuot ang damit ng iba, hayagan mong hilingin sa kanila na ipahiram ito sa iyo. Maaari mo lang itong isuot kung papayag siyang ipahiram ito sa iyo. Kung may pag-aatubili niyang gustong ipahiram sa iyo ang isang bagay na pinahahalagahan niya, ito ay maituturing na pagmamahal sa pagitan ng mga kapatid. Kung hindi niya ito ipahiram sa iyo, huwag mo itong isuot nang palihim. Ang mga mananampalataya sa Diyos ay pawang mga nasa hustong gulang na, ngunit ang ilan sa kanila ay hindi pa rin disente sa kanilang pagkilos, at may ilang indibidwal pa nga na malilikot ang kamay. Palihim nilang hinahalungkat ang mga gamit ng iba nang hindi nalalamang mali ito. Sa sandaling matuklasan sila at pag-usapan sila ng iba, hindi sila nakakaramdam ng kahihiyan, at iniisip pa nga nila, “Ano naman kung hinalungkat ko ang mga gamit mo? Wala namang nawala sa iyo, at hindi naman itinangi bilang banal ang mga gamit mo, kaya bakit hindi ko puwedeng tingnan ang mga iyon?” Tingnan ninyo, gumagamit pa nga sila ng baluktot na pangangatwiran. Malubha ang problemang ito; hindi lang ito isang isyu sa kanilang pag-uugali, kundi isang problema sa kanilang pagkataong diwa. At ano ang problema sa kanilang diwa? Ang gayong mga tao ay walang anumang kamalayan kapag gumagawa sila ng mali. Sa sandaling may isang taong makatuklas sa kanilang ginawa at ituwid sila, hindi lang nila ito hindi tinatanggap, kundi binibigyang-katwiran pa nila ang kanilang sarili, gumagamit sila ng baluktot na pangangatwiran, at nagpapatuloy sa paggawa nito sa ganoong paraan. Ipinapakita nito na sila ay mga di-tao. Isang katangian ng mga di-tao ay hindi nila kailanman inaamin na mali sila kapag gumagawa sila ng mali, wala silang anumang pagsisisi, nagpapatuloy sila sa paniniwalang tama sila, at puno sila ng mga pangangatwiran. Ibig sabihin, sinasabi nilang tama ang mga maling bagay, mga baluktot na bagay, at mga baliko at buktot na bagay. Ito ay pagtuturing na tama ang walang-katotohanang pangangatwiran. Ang mga nagtataglay ng katangiang ito ay walang konsensiya at katwiran. Ang mga taong walang konsensiya at katwiran ay mga di-tao. Ang mga ito mismo ang uri ng mga pagpapamalas na mayroon ang mga di-tao. Kapag palihim nilang hinahalungkat ang mga gamit ng iba, paano mo man sila ilantad o bahaginan ng katotohanan, hindi nila ito tinatanggap. Hindi lang sila hindi nakakaramdam ng pagsisisi, kundi gumagamit din sila ng baluktot na pangangatwiran, sinasabi nila, “Hinalungkat ko lang ang mga gamit ng isang tao—ano ang mali roon? Kung ikukumpara sa mga gumagawa ng kahalayan, pagpatay, o panununog, at nakagawa na ng bawat masamang gawa na maiisip, ako na ang pinakamabuting tao! Saan ka pa makakahanap ng isang taong kasingbuti ko?” Hindi ba’t ito ay lubos na hindi makatwiran? (Oo.) Kung may isang taong gumawa ng mali at matigas ang ulong tumatangging umamin, wala na siyang pag-asa. Ang ilang tao ay gumagawa ng mga pagkakamaling napakalubha na hindi katanggap-tanggap kahit pa tasahin gamit ang moralidad ng tao, lalo na kung gamit ang katotohanan; dahil sa kanilang kakayahan, hindi sila nasasangkapan para matanto ito. Pagdating sa pagkatao, sa sandaling mawalan ng konsensiya at katwiran ang isang tao, siya ay isa nang di-tao. Gaano man kabuti, kabait, kadakila, o karangal ang tingin mo sa iyong sarili, kung wala kang mga pagpapamalas ng konsensiya at katwiran, kundi sa halip ay isinasabuhay mo ang maraming pagpapamalas ng mga di-tao, at marami ka pa ngang partikular na pagsasagawa at maling kaisipan at pananaw, kung gayon ikaw ay isang di-tao. Ang mga pangunahing katangian ng mga di-tao ay na hindi nila tinatanggap ang katotohanan o mga positibong bagay, kundi tinatanggap nila ang mga maling bagay bilang mga tamang pananaw, at kaya pa nga nilang lituhin ang tama at mali at gawing puti ang itim para ilihis ang mga tao.
May isang uri ng tao, dahil nakikitang maganda ang anak niyang babae, na gustong gamitin ito para kumita ng malaking pera. Kaya, ipinakikipagkasundo niya itong ipakasal sa isang mayamang lalaki at humihingi siya ng maraming bigay-kaya. Kapag nakuha na niya ang bigay-kaya, nagsisimula na siyang kumain, uminom, at magpakasaya. Pagkaraan ng ilang panahon, kapag halos naubos na niya ang lahat ng pera, bumabalik siya sa pamilya ng lalaki para humingi pa. Kapag sinabi ng pamilya na naibigay na nila ang lahat ng pera para sa bigay-kaya at hindi na sila makapagbibigay pa, ipinakikipagkasundo ng mga magulang ang babae sa ibang pamilya at muling humihingi ng marami-raming bigay-kaya. Nakikita ng unang pamilya na hindi nila hahayaang magpakasal ang anak na babae sa kanilang pamilya, kaya binabawi nila ang bigay-kaya. At ano ang sinasabi ng mga taong iyon? “Hindi maaaring pakasalan ng anak ko ang anak mo dahil hindi ka nagbigay ng sapat na bigay-kaya. Hindi namin dapat ibalik ang pera sa iyo. Sino ba ang nagsabi sa iyo na huwag magbigay ng sapat? Hindi ka nagbigay ng sapat na pera pero gusto pa ring pakasalan ang anak ko? Hinding-hindi maaari!” Pagkatapos makuha ang pera sa pamamagitan ng panlilinlang, nagsisimula na siyang gumamit ng baluktot na pangangatwiran. Napagtatanto ng unang pamilya na isang manloloko, isang tampalasan, ang nakaharap nila, kaya hindi na lang nila ito pinapansin. Naging biktima rin ng parehong panloloko ang ikalawang pamilya. Ipinagkakasundo ang babae sa ilang pamilya nang maraming ulit, at pagkatapos ng lahat ng pagpapasa-pasa, hindi siya nakapag-asawa, pero kumita ng malaking pera ang kanyang pamilya. Mabuti ba ang pamilyang ito? (Hindi.) Bakit hindi? (Ginamit nila ang pagpapakasal ng kanilang anak para lokohin ang mga lalaki para sa pera ng mga ito. Nang hilinging ibalik ito, tumanggi sila at gumamit ng baluktot na pangangatwiran. Wala silang katwiran kahit kaunti. Ang mga taong tulad nito ay hindi alam kung ano ang wasto at kung ano ang di-wasto, at walang pagkaramdam ng kahihiyan, kaya masama sila.) Ipinapakita nila ang lahat ng pag-uugaling ito. Hindi nila alam kung ano ang wasto at kung ano ang di-wasto at wala silang pagkaramdam ng kahihiyan. Ginagastos nila ang perang nakuha sa panloloko nang hindi nakakaramdam ng anumang paninisi sa sarili, at kumakain at umiinom pa nga sila nang maayos, at namumuhay araw-araw nang may malinis na konsensiya. Sabihin ninyo sa Akin, mayroon bang mga taong tulad nito sa mga nananampalataya sa Diyos? (Malamang na mayroon.) Mayroon. Ang mga taong ito ay may lahat ng uri ng taktika sa panloloko, kaya imposibleng makapagbantay laban sa kanila. Ganito ang magulong mundo ng bisyo ng mga walang pananampalataya, pero kung kayang manloko ng mga tao sa ganitong paraan ang isang taong nananampalataya sa Diyos, tiyak na hindi siya isang mabuting tao. Masyadong masama ang kanyang kalikasan; kahit habang nananampalataya sa Diyos, isa siyang hindi mananampalataya. Hindi ba’t ito ay itinatakda ng kanyang kalikasan? (Oo.) Hindi man lang siya naniniwala sa ganti, pero nananampalataya siya sa Diyos—anong uri siya ng hamak na nilalang? Niloloko niya ang mga tao para sa bigay-kaya ng mga ito at hindi niya hinahayaang magpakasal ang kanyang anak na babae. Ito ay panlilinlang. Bukod dito, hindi lang isang pamilya ang niloloko niya, kundi marami, pero namumuhay pa rin siya nang may malinis na konsensiya. At sinasabi pa niyang nananampalataya siya sa Diyos. Kinikilala ba ng Diyos ang gayong tao? (Hindi.) Hindi kinikilala ng Diyos ang kanyang pananampalataya. Kung mayroong gayong mga tao sa sambahayan ng Diyos, dapat silang alisin. Ayaw ng sambahayan ng Diyos sa gayong mga tao. Hindi mababago ang mga manloloko; hindi inililigtas ng Diyos ang masasamang tao. Ang isang manloloko ay manloloko ng mga tao saanman siya magpunta. Pagdating niya sa sambahayan ng Diyos, lilinlangin ba niya ang mga kapatid? Lilinlangin ba niya ang sambahayan ng Diyos? Tiyak na oo. Ililigtas ba ng Diyos ang gayong tao? Hindi siya ililigtas ng Diyos. Anong uri ng mga tao ang mga manloloko? Sa tumpak na pananalita, sila ay mga di-tao. Ang mga di-tao ay mga taong walang konsensiya at katwiran. Kaya, maglilibot ba ang gayong tao para manloko ng mga tao habang nananampalataya sa Diyos? Tiyak na oo. Kung sasabihin niyang nananampalataya siya sa Diyos, tatratuhin siya ng ilang kapatid nang may pagmamahal, tutulungan siya sa kanyang mga paghihirap at bibigyan siya kapag siya ay nangangailangan. Pero sa huli, sa paglipas ng panahon, matutuklasan nila na hindi talaga hinahangad ng taong ito ang katotohanan at isa itong manloloko. Hindi ba’t nalinlang sila? Samakatwid, dapat matutunan ng isang tao kung paano kilatisin ang mga manloloko para maiwasang malinlang. Ito ay para protektahan ang mga kapatid mula sa panlilinlang. Kung matuklasan ang gayong tao, dapat siyang alisin, dahil mayroon siyang masamang reputasyon at may kakayahang gumawa ng anumang masamang bagay—isa siyang tampalasan sa lipunan. Paano makakamit ng isang tampalasan ang kaligtasan? Hindi pinapayagan ang mga tampalasan na umiral sa loob ng iglesia. Hindi sila angkop na mamuhay kasama ng hinirang na mga tao ng Diyos. Dapat silang alisin; hindi sila karapat-dapat na manatili sa sambahayan ng Diyos.
Mayroon ding ilang tao na mahilig manghiram ng mga gamit ng iba. Pagkain man ito, damit, kasangkapan, kompyuter, o muwebles, hinihiram nila ang lahat—maging ang pera, alahas, at mga sasakyan. May sariling pera ang ilan pero hindi sila bumibili ng sarili nilang gamit; mahilig lang silang manghiram sa iba, sinasadyang samantalahin ang mga ito. Halimbawa, may ilang taong nanghihiram ng sasakyan para lumabas, at hindi nila pinapalitan ang gasolina kapag nasaid na nila ito. May ilan pa ngang nanghihiram ng sasakyan at hindi ito isinasauli, naghihintay hanggang sa dumating ang may-ari at bawiin ito bago nila ibalik. May ilang taong nanghihiram ng mga kasangkapan, at hindi nila ito ipinapaayos para sa may-ari kapag nasira nila, ni hindi man lang sila humihingi ng paumanhin. May ilang taong nanghihiram ng pera at ginagastos ang lahat ng ito, nang walang intensyong magbayad, na para bang sarili nilang pera ito. Umaasa lang sila na makalimutan ito ng nagpahiram, na siyang gusto nilang mangyari, sinasadyang manamantala. Ginagamit nila ang pera ng iba para sa negosyo, sa pagkain, inumin, at libangan, habang iniipon ang sarili nilang pera para kumita ng interes o mamuhunan sa mga stock. Kapag tinanong kung kailan nila ibabalik ang pera, sinasabi nila, “Babayaran ko ito kapag may pera na ako. Paano ko ito mababayaran kung wala akong pera ngayon!” Kita ninyo? Nalalantad ang tunay nilang kulay, hindi ba? Intensyon na talaga nila sa simula pa lang na hindi magbayad kailanman. Anong uri ng tao ito? Isa itong tampalasan. Ang iba naman, kapag nakitang may magandang relo ang isang tao, ay hinihiram ito nang ilang araw, at sa huli ay nagiging marumi ang relo. Kapag kukunin na ito ng may-ari, nagagalit sila at sinasabing, “Napakadamot mo! Ilang araw pa lang ito sa akin at binabawi mo na ito agad!” Anong uri ng pag-iisip ito? Palaging gustong angkinin ang magagandang gamit ng iba. Hindi ba’t pagiging sakim ito? Pakiramdam nila ay ganap na lehitimo ang panghihiram ng mga gamit, kaya palagi silang naghahanap ng mga pagkakataon para manghiram sa iba. Anuman ang hiramin nila, hindi nila ito gustong isauli kailanman, umaasang maangkin ang mga gamit. Anong uri ng tao ito? (Isa itong barumbado at tampalasan; isa itong di-tao.) Napakaraming tampalasan at mga di-tao na tulad nito sa mga walang pananampalataya—hindi na natin sila tatalakayin pa. Pero mayroon bang mga taong tulad nito sa mga nananampalataya sa Diyos? Kung ang gayong tao ay nakapasok nang palihim sa iglesia, hindi ba’t isa siyang barumbado at tampalasan? (Oo.) Ang mga tampalasang tulad nito ay nananampalataya sa Diyos para lang magkamit ng mga pagpapala. Kapag nakikisalamuha sila sa mga kapatid, palagi silang may pag-iisip na samantalahin ang mga ito. Palagi silang nagmamasid kung sino sa mga kapatid ang may pera, kung sino ang may impluwensiya, o kung kaninong pamilya ang may magagandang gamit, at partikular nilang pinupuntirya ang mga taong ito. Ginagamit nila kung sinuman ang magagamit nila at nakikisalamuha sila sa sinumang madaling samantalahin. Palagi silang nanghihiram ng mga gamit sa mga kapatid at inuutusan ang mga ito sa ilalim ng islogan na “magkakapamilya ang mga kapatid,” at hinihingi pa nga nila na patuluyin sila ng mga kapatid. Ang ilang kapatid na nagsisimula pa lang manampalataya sa Diyos ay hindi nakakaunawa sa katotohanan at walang pagkilatis, kaya tinatrato ng mga ito ang gayong tao bilang isang kapatid, naiilang na tanggihan ito. Pero sa paglipas ng panahon, natutuklasan nila na ang taong ito ay nagiging palamunin sa kanilang tahanan at ayaw umalis, kumakain nang walang katapusan kapag nakakakita ng masarap na pagkain, at kumukuha ng magagandang gamit kapag gusto nito. Bukod dito, hindi hinahangad ng taong ito ang katotohanan o ginagampanan ang kanyang tungkulin kahit kaunti, iniisip lang ang pananamantala buong araw. Kaya, nasusuklam sila rito. Dahil nakikita na mayroong gayong mga tao sa sambahayan ng Diyos, nagkakaroon pa nga ng mga kuru-kuro ang ilan tungkol sa Diyos, iniisip nila, “Paano nagawang hirangin ng Diyos ang gayong tao?” Ang totoo, hindi hinirang ng Diyos ang gayong tao; sa halip, nakapasok ito nang palihim sa iglesia. Ang mga taong nangaral ng ebanghelyo sa kanya ay hindi alam ang tunay niyang pinagmulan, at tinanggap siya ng iglesia. Nangyayari talaga ang mga sitwasyong tulad nito. Hinding-hindi hinihirang ng Diyos ang gayong mga tampalasan at mga di-tao. Kung matuklasan ang gayong masasamang tao at mga tampalasan, dapat silang iwasan at itakwil. Huwag silang tratuhin bilang mga kapatid; sila ay mga palamunin lamang. Kung tatratuhin mo ang gayong tampalasan bilang isang kapatid at iisipin mo na isa siyang taong hinirang ng Diyos, kung gayon ay baluktot ang pagkaarok mo. Ang mga taong hinihirang ng Diyos ay, sa pinakamababa, iyong mga may mabuting pagkatao na kayang tumanggap ng katotohanan. Hinding-hindi kailanman hihirangin ng Diyos ang mga tampalasan at masasamang tao, dahil hindi inililigtas ng Diyos ang mga tampalasan at masasamang tao; ayaw ng Diyos sa gayong mga tao. Kahit na manampalataya sa Diyos ang gayong mga tao, ibubunyag at ititiwalag pa rin sila ng Diyos. Nauunawaan na ba ninyo ngayon? (Oo.) Lubos na nasusuklam ang mga tao pagkatapos makitungo sa gayong mga indibidwal, at kinapopootan at pinandidirihan nila ang mga ito. Kaya, kung makikisalamuha sila sa Diyos, posible bang magustuhan ng Diyos ang gayong mga tao? Malinaw ang sagot: Hinding-hindi gusto ng Diyos ang gayong mga tao, ni hindi Niya hihirangin ang mga ito kailanman. Hindi kailangan ng sambahayan ng Diyos ang gayong mga tao para gampanan ang mga tungkulin, at wala silang kakayahan para sa anumang gawain. Sila ay mga salbahe lamang, mga taong sumasabay lang sa agos. Pumupunta sila sa sambahayan ng Diyos para lang maging palamunin. Iniisip nila na ang mga taong nananampalataya sa Diyos ay pawang mga taong totoo, partikular na tunay at mapagmahal, at handang tumulong sa iba. Iniisip nila na kahit pa pautangin sila ng mga mananampalataya, magiging masyadong nakakailang para sa mga ito na singilin sila, at kahit na hindi nila ibalik ang pera, hindi sila isusumbong ng mga mananampalataya. Iniisip nila na ang mga taong ito ang pinakamadaling samantalahin. At dahil ayaw nilang magtrabaho, nanghihiram na lang sila ng pera sa mga kapatid. Nakakaraos sila nang hindi nagtatrabaho, at makakatulong ang iglesia kung magkakaproblema sila. Hindi lang ang upa nila ang nasasagot, kundi pati na rin ang panggastos nila, at lumilipas ang mga araw nila nang wala silang alalahanin. Walang pagkilatis ang ilang kapatid at sa huli ay sinusuportahan nila ang pamumuhay ng gayong mga tao, tunay na hinahayaan ang mga ito na manamantala at makagamit ng palusot. Hindi ba’t ito ay dahil wala silang pagkilatis? (Oo.) Masyadong hangal ang mga tao at walang pagkilatis sa iba, kaya minsan ay gumagawa sila ng ilang kahangalan. Alam na ba ninyo kung paano kilatisin ang gayong mga tao ngayon? (Oo.) Dahil kaya na ninyo silang kilatisin, dapat ninyong alisin ang gayong mga tao. Hindi sila hinirang na mga tao ng Diyos, kaya hindi kailangang magpakita ng anumang pagmamahal sa kanila. Palagi nilang gustong makakuha ng isang bagay nang walang kapalit at umani kung saan hindi sila nagtanim—sila ay mga salbahe! Anong karapatan nilang gastusin ang pinaghirapan mong pera at gamitin ang mga gamit mo ayon sa gusto nila? Ang pagpaparaya at pagbibigay-layaw sa gayong tao, at ang pagsuporta pa nga sa kanyang pamumuhay—hindi ito ang tungkulin mong bigay ng Diyos, ni ang atas at misyong ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos. Wala kang anumang responsabilidad o obligasyon na magpakita ng pagmamahal sa kanya. Ang pagpapakita ng pagmamahal sa mga tunay na kapatid ay naaayon sa mga prinsipyo at mga hinihingi ng Diyos; ito ang iyong responsabilidad at obligasyon. Ang pagtustos, pagtulong, at pagsuporta sa mga tunay na kapatid, kahit pa may tulong na pinansyal at materyal, ay pawang naaayon sa mga layunin ng Diyos. Ang mga ito ay mabubuting gawa, at tinatandaan ng Diyos ang mga ito. Ngunit para sa mga di-taong ito, hindi kailangang maging magalang, ni kailangang kumilos nang may pagmamahal sa kanila. Ang pagmamahal, pagpaparaya, at pasensya ay para sa mga tunay na kapatid. Para sa mga di-tao, para sa mga barumbado, tampalasan, at salbahe, hindi kailangang magpakita ng pagmamahal, pagpaparaya, o pasensya. Ito ang prinsipyo. Para sa isang salbahe, isang palamunin na walang pagkaramdam ng kahihiyan at hindi alam kung ano ang wasto at kung ano ang di-wasto, kung pikit-mata kang magpapakita sa kanya ng pasensya at pagmamahal, iyon ay kahangalan at walang prinsipyo, at hindi ito tinatandaan ng Diyos kahit kaunti. Ang paggawa mo ng mga bagay na ito ay walang kinalaman sa katotohanan; hindi ito tinatanggap ng Diyos, at ginagawa ito nang walang kabuluhan.
May ilang tao na madalas na inaatake ang mga kapatid, mga lider at manggagawa, at ang sambahayan ng Diyos at ang mga pagsasaayos ng gawain nito; inaatake pa nga nila at hinuhusgahan ang Diyos. At ano ang kanilang idinadahilan sa paggawa nito? “Patas ako sa ginagawa ko. Wala akong ibang intensyon. Sinasabi ko ang mga bagay na ito at ginagawa ko ito nang may saloobin ng paghahangad sa katotohanan at pagiging masigasig!” Kung pakikinggan ay napakamakatwiran nila at nagsasalita sila nang may ere ng pagiging matuwid. Ang totoo, bawat salitang sinasabi nila at lahat ng ginagawa nila ay hindi naaayon sa katotohanan at bunga ng kanilang mga maling kaisipan at pananaw; bukod dito, lahat ng ito ay nagdudulot ng mga paggambala at panggugulo sa gawain ng iglesia, ngunit iniisip nila, “Tama ang ginagawa ko. Nasa tama ako. Hindi mo ako maaaring kondenahin!” Nananampalataya sila sa Diyos, ngunit inaatake nila Siya. Puno ng pagsuway at hinanakit ang kanilang puso sa Diyos, at minamaliit at hinahamak pa nga nila Siya, ngunit hindi nila napagtatanto na mali ito, at sa halip ay ginagawa nila ito na para bang ito ang tamang bagay, na para bang ito ang kanilang tungkulin at obligasyon. Sa tiwaling sangkatauhan, masasabing ang gayong mga tao ang may pinakamalulubhang problema. Ang kanilang mga pagpapamalas at pagbubunyag ay hindi ang karaniwang mga maling kaisipan at pananaw o mga paraan ng pagharap sa mga bagay na karaniwang nakikita sa mga normal na tao, ni mga depekto ng pagkatao ang mga ito. Sa halip, ano ang sangkot sa mga ito? (Sangkot sa mga ito ang Diyos at ang gawain ng sambahayan ng Diyos.) Sangkot sa mga ito ang saloobin ng isang tao sa mga positibong bagay at sa Diyos. Ang mga pagpapamalas niyang ito ay hindi lang basta may kinalaman sa mga ugnayan sa pagitan ng mga tao o sa mga paraan at pamamaraan ng mga tao sa pagharap sa mga bagay-bagay; may kinalaman ang mga ito sa ugnayan sa pagitan ng mga tao at ng Diyos, kung paano tinatrato ng mga tao ang Diyos, at ang saloobin ng mga tao sa Kanya. Hindi lang walang kahit katiting na pagpapasakop ang mga taong ito sa kanilang saloobin sa Diyos, kundi sa kanilang puso, madalas din nilang inaatake, hinuhusgahan, at kinokondena ang lahat ng gawain at salita ng Diyos na hindi umaayon sa mga kuru-kuro ng tao. Itinatatwa pa nga nila na ang lahat ng salita ng Diyos ay ang katotohanan, at kaya nilang isantabi ang lahat ng pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos. Sa panlabas, hindi sila gumagawa ng anumang mga argumento o pahayag o hayagan at lantaran na nanunulsol sa mga tao, ngunit sa kaibuturan ng kanilang puso, madalas silang nagkikimkim ng mga kaisipan ng paghusga at pag-atake sa Diyos. Paminsan-minsan, nagpapakalat sila ng ilang maling kaisipan at pananaw na nanghuhusga sa Diyos, nagpapakalat ng pagkanegatibo at kamatayan para guluhin ang puso ng mga tao at ilayo sila sa Diyos. Ang diwa ng mga taong ito ay diwa ng mga anticristo. Napakaraming walang-katotohanang kaisipan at pananaw sa puso ng mga anticristo. Bagama’t hindi sila nangangahas na ipahayag ang mga ito nang hayagan, likas na nabubunyag ang mga bagay na ito kapag nakikisalamuha sila sa mga tao nang palihim. Sabihin ninyo sa Akin, may mga problema ba ang gayong mga tao? (Mayroon.) Anong uri ng problema? (Ang gayong mga tao ay may diwa ng mga diyablo, dahil walang samaan ng loob sa pagitan nila at ng Diyos, at napakaraming katotohanan ang ipinapahayag ng Diyos para iligtas ang mga tao, ngunit palagi nila Siyang inaatake at hinuhusgahan. Kinamumuhian nila ang katotohanan at kinamumuhian nila ang Diyos sa kanilang puso—mayroon silang diwa ng mga diyablo.) Nakikita ninyo, nangangaral Ako rito, at habang nakikinig ang lahat, pinag-iisipan ng ilang tao sa kaibuturan nila kung paano nila ito mauunawaan at matatanggap nang maayos: “Ano ang paksa ng sermon ngayon? Paano ko dapat suriin ang aking sarili kumpara sa mga nalantad na pagpapamalas na ito ng katiwalian at kilalanin ang aking sarili?” Ang saloobin nila ay isang saloobin ng pagtanggap. Ang mga taong ito na may saloobin ng pagtanggap, na namumuhay sa saklaw ng konsensiya at katwiran ng normal na pagkatao, ay madalas na nagkakamit ng kaunting kaliwanagan at liwanag. Sa kaibuturan ng kanilang puso, hindi nila itinataboy ang gawain ng Diyos o ang mga positibong bagay. Sadya lamang na dahil sa kanilang mahinang kakayahan, medyo mabagal silang makaarok ng katotohanan, at kung minsan ay mali ang kanilang kalagayan dahil kontrolado sila ng kanilang mga tiwaling disposisyon. Gayumpaman, nagsusumikap ang kanilang puso tungo sa katotohanan, at normal ang kanilang ugnayan sa Diyos sa halos lahat ng oras. Minsan lang, kapag ginugulo ng kanilang mga tiwaling disposisyon, nagkakaroon sila ng negatibong kalagayan at hindi sila gaanong malapit sa Diyos. Ngunit sa kanilang puso, hindi nila sinisiyasat o kinukuwestiyon ang Diyos, ni nilalabanan o ibinubukod nila Siya, lalo nang wala silang saloobin ng pangmamaliit sa Diyos, panunuya sa Diyos, o pagpapakasaya sa Kanyang kapinsalaan. Ngunit may isa pang grupo ng mga tao na iba. Anuman ang paksang tinatalakay, hindi sila nakikinig sa sermon nang may mentalidad ng pagkauhaw sa katotohanan at ng pagpapasakop at pagtanggap dito. Sa halip, nakikinig sila nang may mentalidad ng pagsisiyasat at pagkuwestiyon: “Bakit mo sinasabi ito? Ano ang layunin mo sa pagsasabi ng mga bagay na ito? Sino ang sinusubukan mong ilantad at ibunyag? O sino ang sinusubukan mong atakihin at kondenahin? Ano ang kinalaman nito sa akin?” Kung kaya itong tanggapin ng iba at iangkop sa kanilang sarili, naiinis sila. Kung matuklasan nila na sa tingin ng isang tao ay hindi niya maarok ang mga katotohanang ito at hindi niya ito maiangkop sa kanyang sarili, labis silang natutuwa at nakakaramdam ng malaking tagumpay: “Sa wakas, makapagmamalaki na ako sa Diyos! Sa wakas, may magagamit na ako laban sa Kanya!” Madalas silang makinig sa mga sermon nang may ganitong uri ng pag-iisip. Lalo na kapag ang isang nilalaman na tinatalakay ay tumutukoy sa kanilang mga kalagayan at pagpapamalas, ang kanilang saloobin ay hindi saloobin ng pagtanggap, ni saloobin ng pagpapakumbaba at kababaang-loob. Sa halip, nakakaramdam sila ng paglaban, pagkasuklam, at pagkapoot sa kanilang puso. Pakiramdam nila, ang sinasabi Ko ay pangangaral lang at pagsasabi ng matatayog na salita. Ayaw nilang makinig at hindi nila ito matanggap. Lalo na kapag natutukoy ang kanilang mga sensitibong isyu at kahinaan, lalo pa silang nakakaramdam ng pagkasuklam at pagkapoot, at labis na hindi komportable ang kalooban nila. Ang kanilang pagiging hindi komportable ay hindi nagmumula sa pagsisisi o kalungkutan mula sa katunayang mayroon silang mga tiwaling disposisyon, kundi mula sa kanilang paglaban at pagtanggi sa pamamaraan at wikang ginamit para ilantad sila, pati na rin sa nilalaman ng paglalantad at sa sarili nilang nalantad na diwa. Sa ilalim ng mga karaniwang sitwasyon, kapag ang isang normal na tao ay umaako ng isang aytem ng gawain ng iglesia, hangga’t tinatanggap niya ang mga pagsasaayos ng gawain o ang panustos at gabay mula sa Itaas nang may saloobin ng pagpapakumbaba at pagpapasakop, magkakaroon siya ng kaunting pag-usad pagkatapos ng isang yugto ng panahon. Makukuha niya ang kasanayan dito, matutuklasan ang ilang pamamaraan, at mahahanap ang ilang prinsipyo at landas ng pagsasagawa. Sa madaling salita, patuloy siyang uusad, magbabago, at may matatamo. Ngunit iba ang mga nagkikimkim ng paglaban sa kanilang puso. Dahil puno ng pagsisiyasat, paglaban, panunuya, at pagbabantay sa Diyos ang kanilang puso, para sa kanila, ang Diyos at ang katotohanan ang mga pakay ng kanilang pagsisiyasat. Hindi sila nauuhaw sa katotohanan. Kapag ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin, umaasa sila sa kanilang mga kaloob o munting katusuhan para gawin ang mga bagay-bagay. Sa sandaling makaharap sila ng mga problema o paghihirap, hindi nila hahanapin ang katotohanan para lutasin ang mga ito. Pagdating sa mga usaping may kinalaman sa mga katotohanang prinsipyo, sadyang wala silang kaalam-alam. Anumang mga isyu ang kanilang kinakaharap, hangga’t may kinalaman ang mga ito sa mga katotohanang prinsipyo, pakiramdam nila ay nakakapagod at mabigat ang mga ito, at hindi nila kayang abutin—tulad ng pagpilit sa isang isda na mamuhay sa lupa o pagpilit sa isang baboy na lumipad. Gaano man magsikap ang gayong mga tao, hindi nila maaabot ang katotohanan. Anuman ang sabihin nila, para silang mga hindi miyembro ng iglesia, na nagdudulot sa iyo na magduda kung nabasa na ba nila kailanman ang mga salita ng Diyos o nakipagbahaginan na ba sila tungkol sa katotohanan sa lahat ng taon ng kanilang pananampalataya, at kung tunay na ba silang namuhay kailanman ng buhay iglesia. Talagang nakakalito ito. Hindi ba’t napakamapanggulo ng gayong mga tao? Mayroon Akong termino para ilarawan sila: Wala silang espirituwal na awra. Nangangahulugan ito na kahit kapag gumagawa ng pinakasimpleng bagay, hindi nila malaman kung paano ito gagawin, at hindi nila makuha ang kasanayan dito kahit na magsikap sila. Ang kawalan ng espirituwal na awra ay hindi tiyak na nangangahulugang mukhang mapurol at matamlay ang isang tao. Sa halip, nangangahulugan ito na wala siyang kamalayan pagdating sa paggawa ng mga bagay-bagay. Anuman ang gawin niya, hindi niya mahanap ang mga prinsipyo o direksyon, at gaano katagal man niyang gawin ito, hindi niya maarok ang mga panuntunang kasangkot dito. Partikular itong totoo para sa iba’t ibang aytem ng gawain sa sambahayan ng Diyos. Bagama’t maaaring ang gayong mga tao ay edukado, medyo bata, at mukhang matalino, mukha silang partikular na lampa kapag gumagampan ng mga tungkulin at gumagawa ng gawain sa sambahayan ng Diyos. Nagagalit ang mga tao kapag pinapanood sila; tila nakakalito ito. Narito ang isang buhay na taong humihinga, edukado at may talento—paanong labis siyang walang kakayahan sa bawat aytem ng gawain? Paanong ganito siya kalampa? Ang totoo, hindi masama ang gawaing ginawa niya sa mundo, kaya bakit siya sobrang alanganin at walang kakayahan kapag ginagawa ang gawain ng sambahayan ng Diyos? May problema rito. Kapag tatlo hanggang limang taon nang nananampalataya sa Diyos ang gayong mga tao, ang nauunawaan lang nila ay ang iilang salita at doktrinang iyon. Sumisigaw lang sila ng mga islogan kapag nagsasalita sila at talagang walang mga prinsipyo sa kanilang mga kilos. Pagkatapos nilang manampalataya sa loob ng pito o walong taon, ang sinasabi nila ay ang dating bagay pa rin, nang walang kahit katiting na pag-usad. Tulad ng mga plastik na bulaklak, hindi sila nagbago kahit kaunti. Wala silang pagkakilala sa sarili, walang pagpasok sa mga salita ng Diyos, at walang natamo. Kapag nagbabahagi sila tungkol sa katotohanan, para silang nagkukuwento o nag-uusap tungkol sa mga usapin sa tahanan—bakit labis na nakakailang itong pakinggan? Sinasabi ng iba, “Dapat nating gampanan ang ating tungkulin nang may debosyon, ialay ang ating sinseridad, at gampanan nang maayos ang ating tungkulin, at gugulin ang ating sarili para sa Diyos.” Ngunit ano ang sinasabi nila? “Magsikap lang tayo, ibuhos natin ang lahat dito, at galingan natin ang paggawa!” Pagkatapos manampalataya sa Diyos nang mahigit isang dekada, hindi man lang nila masabi ang mga salitang “gampanan ang tungkulin nang may debosyon.” Ang alam lang nilang sabihin ay, “Magsikap pa, gumawa ng mas maraming gawain, gumawa ng mga bagay para sa sambahayan ng Diyos, ilaan ang ating buhay sa paggawa para sa sambahayan ng Diyos. Wala tayong gaanong maibibigay, pero mayroon tayong lakas!” Ang lahat ng ito ay mga bagay na sinasabi ng mga hindi taga-iglesia; hindi man lang nila magamit nang wasto ang mga espirituwal na termino. Ang gayong mga tao ay ilang taon nang nananampalataya sa Diyos, hindi bababa sa pito o walo, o mahigit sampung taon. Ginagampanan na nila ang mga tungkulin sa sambahayan ng Diyos sa buong panahong iyon at nakarinig na sila ng maraming sermon. Kaya bakit hindi nila magamit nang maayos ang mga espirituwal na termino kapag nagsasalita sila? Ano ang iniisip, pinagkakaabalahan, pinagbubulayan, at isinasaalang-alang ng gayong mga tao sa kanilang puso araw-araw? Isa itong ganap na misteryo! Kung oobserbahan mo sila sa loob ng isang panahon, matutuklasan mo na ang iniisip, pinagbubulayan, at pinagkakaabalahan nila araw-araw ay pawang mga usapin ng laman. Makitid ang kanilang isip, mabusisi sila sa maliliit na bagay, at masyadong mapaghanap ng mali, abala buong araw sa kung sino ang mabuti at kung sino ang masama, mga personal na sama ng loob, at iba pang gayong walang kuwenta at walang kabuluhang bagay, na walang kinalaman sa katotohanan. Ang kanilang mga kaisipan, ideya, at pananaw ay pawang mali, katawa-tawa, at baligho. Sa panlabas, mukhang edukado at may kakayahan ang gayong mga tao; ang ilan ay nagpatakbo pa nga ng mga negosyo sa lipunan. Bakit kaya pagkatapos nilang manampalataya sa Diyos, tila wala silang kahit katiting na espirituwal na awra? Paano mo man sila tingnan, mukha lang silang isang kahoy na pigura o isang robot. Bakit napakalampa nila anuman ang tungkuling gawin nila? Bakit labis na nakakailang pakinggan ang mga espirituwal na termino na lumalabas sa kanilang mga bibig? Hindi man lang sila kasinggaling ng isang loro na kayang gumaya ng pananalita. Kung paulit-ulit mong sasabihin ang “Amen, salamat sa Diyos!” sa harap ng isang loro, matututunan nitong sabihin ito nang napakatatas. Ngunit hindi man lang masabi ng mga taong ito ang “salamat sa Diyos”; ang sinasabi nila ay “salamat, Diyos ko.” At kung titingnan mo ang kanilang mga prinsipyo sa pagharap sa mga bagay-bagay, ang iniisip, kinakalkula, at pinaplano nila sa kanilang puso araw-araw, at ang minamahal at masigasig nilang hinahangad sa loob nila, ay walang anumang kinalaman sa mga positibong bagay; lahat ng ito ay mga bagay ng masasamang kalakaran, mga negatibong bagay. Samakatwid, ang iniisip ng mga taong ito sa kanilang puso ay pawang kasamaan—ang pahayag na ito ay hindi mali kahit kaunti. Kahit kapag nakikipagbahaginan sila sa mga pagtitipon, ang nilalaman ng kanilang pagbabahagi at ang mga kaisipan at pananaw na kanilang ibinubunyag ay pawang baluktot. Hindi nila hinahangad ang katotohanan kahit kaunti at hindi sila nakakatamo ng anumang kaliwanagan o pagtanglaw. Kapag ang iba ay nakikipagbahaginan at nagbabahagi ng kanilang personal na kaliwanagan, pagtanglaw, at pagkaunawa sa mga salita ng Diyos, mukha silang labis na naaasiwa, alanganin, at ganap na hindi alam kung ano ang gagawin. Pagdating sa pagpapakapagod at pagtatrabaho, mayroon silang kaunting lakas at handa silang magsumikap, ngunit kung hihilingin mo sa kanila na makipagbahaginan tungkol sa katotohanan, wala silang masabi. Gaano man karaming taon na nananampalataya sa Diyos ang gayong mga tao, hindi nila kailanman napagtatanto kung anong landas ang dapat tahakin ng mga tao sa buhay o kung ano ang pinakamahalagang hangarin. Ang isang taong may kaunting konsensiya at katwiran, kahit pa hindi siya nananampalataya sa Diyos, ay makakakilala ng kaunting sentido komun at kabatiran na dapat taglayin ng mga tao sa buhay sa oras na umabot siya sa edad na singkwenta o sesenta; sa mas malalim na antas, makikilala rin niya ang ilang pilosopiya sa buhay. At lalo na itong totoo para sa mga mananampalataya sa Diyos—pagkatapos manampalataya sa loob ng sampu o dalawampung taon, mauunawaan na nila ang ilang katotohanan at magkakaroon sila ng tunay na pananalig at may-takot-sa-Diyos na puso. Ngunit iyong mga hindi nagmamahal sa katotohanan, kahit ilang taon na silang nananampalataya sa Diyos, ay walang anumang pagkatanto o anumang pakiramdam para sa mga usaping may kinalaman sa kanilang buhay, sa kung anong landas ang tatahakin, o sa mga espirituwal na bagay sa buhay. Kahit pa umabot sila ng isandaang taong gulang, magagawa lang nilang mapagmatigas na sabihin ang iilang doktrinang iyon at panghawakan ang iilang pananaw na iyon. Hindi ba’t napakamapanggulo ng gayong mga tao? Anong uri sila ng mga tao? Kung ang gayong mga tao ay may masamang pagkatao, sila ay mga diyablo at mga Satanas. Kung hindi sila masasamang tao kundi mga taong magulo lang ang isip, manhid, at mapurol ang isip, ano sila? (Mga hayop.) Nangangahulugan iyon na sila ay nagreinkarnasyon mula sa mga hayop; ito ay ganap na totoo. May parehong katangian ang mga nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo at ang mga nagreinkarnasyon mula sa mga hayop: Hindi nila tinatanggap ang katotohanan at tutol sila sa katotohanan. Hangga’t nakikipagbahaginan ka tungkol sa katotohanan, ang mga nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo ay nagpapakita ng malinaw na pagtutol at paglaban; mayroon silang malilinaw na ideya, kaisipan, at pananaw na pumupuntirya sa bawat katotohanan. Gayumpaman, ang mga nagreinkarnasyon mula sa mga hayop ay walang malinaw na mga kaisipan at pananaw; magulo ang isip nila. Nakakaramdam lang sila ng pagkasuklam sa kanilang puso at hindi nila tinatanggap ang katotohanan. Mayroon din silang ilang baluktot na kaisipan at pananaw na ganap na hindi mapaninindigan. Ang mga ito ay mga pananaw na hindi maaaring ilabas sa publiko, at na hindi kailanman sasabihin ng sinumang normal na tao, ngunit labis nila itong pinahahalagahan. Sa madaling salita, ang mga pagpapamalas ng mga nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo at mga nagreinkarnasyon mula sa mga hayop ay ang pagkakaroon ng isang saloobin ng sukdulang pagkasuklam at pagkapoot sa katotohanan: Ang nauna ay nagtataglay ng sukdulang suhetibong pagkasuklam, pagkapoot, at pagkondena; ang huli ay nagtataglay ng isang wala-sa-sariling pagkasuklam, pagkapoot, at pagdistansya—bagama’t hindi ito kasingradikal, pareho ang kalikasan ng kanilang saloobin sa katotohanan. Samakatwid, gaano man karaming sermon ang marinig ng dalawang uring ito ng mga tao, hindi nila ito maintindihan o maunawaan dahil sadyang hindi nila ito matanggap. Kung ang isang tao ay tatlo o limang taon nang nananampalataya sa Diyos at hindi magamit nang ganap o nang maayos ang mga espirituwal na termino, ito ay mapapalampas, dahil ang mga espirituwal na termino ay labis na hindi pamilyar sa lahat; ang mga ito ay bagong uri ng wika. Kapag nagsimulang manampalataya sa Diyos ang mga tao, hindi nila gaanong nauunawaan ang mga espirituwal na terminong naririnig nila, at marami ang banyaga sa kanila. Ngunit pagkatapos manampalataya sa Diyos nang mahigit limang taon, dahil madalas silang makinig sa mga sermon, makipagbahaginan tungkol sa katotohanan, at makisalamuha sa wikang ito, unti-unti silang nagiging pamilyar dito. Magagawa na nilang bigkasin ito nang madali, matatas, natural, at malaya. Magagawa na nilang gamitin ito, at magiging sarili na nila itong wika at isang bahagi ng kanilang buhay. Ang mga ito ang mga pagpapamalas ng mga normal na tao. Iyong mga walang pagpapamalas ng mga normal na tao ay hindi makakamit ang mga bagay na ito. Kahit kapag nagsasalita sila ng ilang pangunahing espirituwal na termino, sobrang nakakaasiwa itong pakinggan, at mahirap para sa iba na maunawaan. Kapag nakikisalamuha ka sa gayong mga tao, malamang na hindi mo sila maririnig na magsabi ng kahit isang bagay na nakapagpapatibay sa mga tao, o na makatwiran o kumpleto. Anuman ang sabihin nila ay hindi kumpleto—mayroon itong simula ngunit walang katapusan, o may katapusan ngunit walang simula—o kung hindi naman ay walang lohika sa kanilang pag-iisip, isang daloy lang ng walang kabuluhang salita. Matapos mabuhay nang napakatagal, hindi pa rin sila marunong makipag-usap. Hindi nila maipahayag, mailarawan, o maipaliwanag nang malinaw kung ano ang kanilang iniisip o kung ano ang kanilang naranasan. Palaging hindi kumpleto ang kanilang sinasabi kapag nagsasalita sila, palagi silang nagpapakita ng kahangalan, o kung hindi naman ay nagpapahayag sila ng mga baluktot na kaisipan at pananaw. Mula sa alinmang anggulo mo ito tingnan—ang kanilang saloobin sa Diyos, ang mga pagbubunyag at pagpapamalas ng kanilang pagkatao sa pang-araw-araw na buhay, o ang katunayang wala silang natamo pagkatapos mabuhay nang napakaraming taon—ang gayong mga tao ay mga di-tao. Madali ba para sa mga di-tao na maunawaan ang katotohanan? (Hindi.) Lumilinaw na nang lumilinaw ngayon na hindi madali para sa gayong mga tao na maunawaan ang katotohanan.
Tungkol naman sa pagkaalam kung ano ang wasto at kung ano ang di-wasto, pagkatapos talakayin ang mga halimbawang ito, hindi ba’t dapat alam na ninyo ngayon kung paano kilatisin kung ano ang wasto at kung ano ang di-wasto? Karamihan sa mga halimbawang tinalakay natin ay negatibo. Sa pamamagitan ng paghahambing sa mga negatibong halimbawang ito, dapat ay alam na ng mga tao, sa pangunahin, kung aling mga bagay ang mga positibong bagay. Sinumang nagtataglay ng mga katangian ng pagkatao ay may kamalayan sa gayong mga negatibong bagay. Samakatwid, gagawin lang ng isang normal na tao ang gayong mga bagay sa ilalim ng mga espesyal na sitwasyon, at pagkatapos gawin ang mga ito, makakaramdam siya ng pagsisisi at pasakit, at magkakaroon ng saloobin ng pagsisisi. Ngunit iba ang mga di-tao. Kahit na gawin niya ang mga bagay na ito sa loob ng isandaang taon, hindi niya malalaman na mali siya; iisipin pa rin niyang tama siya at magpapatuloy siya hanggang sa wakas. Kung ilalantad mo na mali ang ginagawa niya, sasagot siya, “Sa anong batayan mo sinasabing mali ang ginagawa ko? Ginagawa ko na ito sa loob ng napakaraming taon, at walang sinuman ang nagsabi kailanman na mali ako.” Ano ang nararamdaman mo kapag naririnig mo siyang sabihin ito? (Pakiramdam ko ay hindi tinatablan ng katwiran ang taong ito.) Hindi siya tinatablan ng katwiran. Sinasabi mo sa kanya na mali ang paggawa nito, ngunit hindi niya ito tinatanggap, nananatiling walang kamalayan tungkol sa kung ano ang wasto at kung ano ang di-wasto. Kung gayon, matitigilan ka na lang: “Imposibleng makapangatwiran sa iyo; tapos na ang usapang ito!” Malinaw na ba sa iyo ngayon ang mga pagpapamalas ng mga di-tao? (Oo.) Hindi nauunawaan ng mga di-tao ang mga bagay-bagay sa buhay, ang mga usapin ng damdamin, kung paano umasal at humarap sa mga bagay-bagay, o ang mga usaping may kinalaman sa integridad at dignidad; masasabi ring hindi nila maaabot ang mga bagay na ito. Nang may malinis na konsensiya, pinipili nila ang mga maling kaisipan, pananaw, at pamamaraang iyon para tratuhin ang mga tao at mga bagay, at para umasal at kumilos. Bukod dito, pikit-mata silang nagpapatuloy at naniniwalang tama na gawin iyon. Ibinubunyag nito na talagang walang konsensiya o katwiran sa kanilang pagkatao. Kaya, malinaw na hindi taglay ng mga taong ito ang mga katangian ng pagkatao; masasabi lamang na sila ay mga di-tao. Wala silang taglay na kahit katiting na konsensiya o katwiran, at ganap silang namumuhay ayon sa mga pilosopiya ni Satanas, iniisip na sila ay kahanga-hanga at hindi sumusuko kaninuman. Pagkatapos manampalataya sa Diyos, kung gugugulin ng mga taong ito ang kanilang sarili nang kaunti para sa Diyos, iniisip na nila na sila ay mga taong nagmamahal sa Diyos at nagpapasakop sa Kanya. Maaaring sabihin ng gayong mga tao na mahal nila ang Diyos, ngunit sa kanilang puso, nagkikimkim pa rin sila ng mga kuru-kuro tungkol sa Kanya, at kapag nakikita nilang gumagawa ang Diyos ng mga bagay na hindi naaayon sa kanilang mga kuru-kuro, kaya pa rin nilang husgahan at labanan ang Diyos. Sa gayong mga sitwasyon, mayroon pa nga silang kapal ng mukha na walang-kahihiyang ipahayag na sila ang mga pinakanagmamahal sa Diyos. Hindi ba’t hindi sila tinatablan ng katwiran? Napakaraming taong tulad nito sa relihiyon. Nagsasalita sila tungkol sa Bibliya at sa panlabas ay tila nauunawaan nila ang lahat ng doktrina, ngunit hindi nila makilala ang katotohanang ipinahayag ng Diyos. Habang nananampalataya sa Panginoong Jesus, kinokondena nila ang Diyos na nagkatawang-tao. Nananampalataya ang mga tao sa Diyos ngunit lumalaban sa Kanya, at kaya pa nga nilang subukang hanapan Siya ng mali at atakihin Siya. Palagi nilang sinusubukan na magpakana laban sa Diyos, palaging gustong husgahan ang Diyos, palaging gustong suriin kung tama ba o mali ang mga salita ng Diyos, suriin kung tama ba o mali ang mga kilos ng Diyos, at siyasatin kung tama ba o mali ang Diyos. Mayroon bang anumang konsensiya o katwiran ang gayong mga tao? Nananampalataya ka sa Diyos, kinakain at iniinom mo ang Kanyang mga salita, at nagtatamasa ka ng napakarami Niyang biyaya at ng napakarami Niyang pagpapala, ngunit hangga’t natutuklasan mo na gumagawa ang Diyos ng isang bagay na hindi naaayon sa iyong mga kuru-kuro, nangangahas kang husgahan ang Diyos, labanan ang Diyos, at kondenahin ang Diyos. Ito ay pagiging hindi tinatablan ng katwiran. Ang mga taong wala sa katwiran ay mga di-tao; hindi sila angkop na manampalataya sa Diyos at hindi angkop na humarap sa Diyos.
Sige, hanggang dito na lang ang pagbabahaginan natin sa araw na ito. Paalam!
Abril 27, 2024