Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 18

Sa ilang nakalipas na araw, naganap ang isang malubhang insidente kung saan ginugulo ng mga anticristo ang gawain ng pagpapalawig ng ebanghelyo. Alam ba ninyong lahat ang tungkol dito? (Oo.) Matapos mangyari ang insidenteng ito, nagsimula ang muling pagsasaayos ng gawain ng ebanghelyo sa sambahayan ng Diyos, at ang ilang tao ay nagsimulang maitalagang muli o mailipat, at ang ilang bagay na may kaugnayan sa gawain ay inayos din, tama ba? (Oo.) Ang ganitong uri ng malaking pangyayari ay naganap sa sambahayan ng Diyos at lumitaw ang mga anticristo sa paligid ninyo—natuto na ba kayo ng ilang aral mula sa pagharap sa ganito kahalagang pangyayari? Hinanap ba ninyo ang katotohanan? Nakita ba ninyo ang diwa ng ilang problema, at nakakuha ng ilang aral mula sa ganito kalaking pangyayari? Kapag may nangyayari, hindi ba’t karamihan sa mga tao ay nakakakuha lamang ng ilang aral mula rito, at nauunawaan ang ilang doktrina, nang hindi sinisiyasat ang diwa nito, at hindi natututo kung paano tingnan ang mga tao at mga bagay, at umasal at kumikilos ayon sa katotohanan? Mayroong ila tao na nagninilay-nilay lamang ayon sa sarili nilang pag-iisip at kalkulasyon kahit ano man ang mangyari sa kanila. Lubos silang kulang sa mga prinsipyo ng katotohanan, at kulang din sila sa katalinuhan at karunungan. Nagbubuod lang sila ng ilang leksiyon, at pagkatapos, gumagawa sila ng isang pagpapasya: “Kapag nangyaring muli ang mga bagay na ito sa hinaharap, kailangan kong mag-ingat at bigyang-pansin ang mga bagay na hindi ko masabi, ang mga bagay na hindi ko magawa, pati na rin ang mga uri ng tao na dapat akong magbantay, at ang mga uri ng tao na dapat kong panatilihing malapit sa akin.” Maituturing ba ito ng pagkatuto ng leksiyon at pagkakaroon ng karanasan? (Hindi.) Kaya, kapag nangyari ang mga bagay na tulad nito, malaki o maliit man na mga pangyayari ang mga ito, paano dapat danasin ng mga tao ang mga ito, harapin ang mga ito, at malalim na pasukin ang mga ito upang matuto sila ng mga aral, at maunawaan ang ilang katotohanan at lumago sa tayog habang nahaharap sa mga kapaligirang ito? Karamihan sa mga tao ay hindi nagninilay-nilay sa mga bagay na ito, tama ba? (Tama.) Kung hindi nila pinagninilayan ang mga bagay na ito, sila ba ay mga taong naghahanap sa katotohanan? Sila ba ay mga taong naghahangad sa katotohanan? (Hindi.) Sa tingin ba ninyo, kayo ay isang taong naghahangad sa katotohanan? Sa batayan ng aling mga bagay ninyo pinaniniwalaan na hindi kayo isang taong naghahangad sa katotohanan? At batay sa aling mga bagay ninyo paminsan-minsang iniisip na kayo ay isang taong naghahangad sa katotohanan? Kapag nagtitiis kayo ng kaunting paghihirap at nagbabayad ng kaunting halaga sa inyong tungkulin, at paminsan-minsan ay mas seryoso sa inyong gawain, o nag-aambag ng kaunting pera, o tinatalikuran ang inyong pamilya, nagbibitiw mula sa inyong trabaho, sumusuko sa inyong pag-aaral, at tinatalikuran ang pag-aasawa upang igugol ang inyong sarili para sa Diyos, o umiiwas sa pagsunod sa mga makamundong kalakaran, o umiiwas sa masasamang taong nakakatagpo ninyo, at iba pa—kapag nagagawa ninyo ang mga bagay na ito, nararamdaman ba ninyo na kayo ay isang taong naghahangad sa katotohanan at isang tunay na mananampalataya? Hindi ba’t ganoon ang iniisip ninyo? (Oo.) Ngayon, sa anong batayan ninyo iniisip ito? Nakabatay ba ito sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan? (Hindi.) Ito ay isang ilusyon lang; sariling opinyon lamang ninyo ito. Kapag paminsan-minsan ninyong sinusunod ang ilang panuntunan at ginagawa ang mga bagay ayon sa mga nakasanayang proseso, at nagtataglay kayo ng ilang pagpapamalas ng mabuting pagkatao, kapag nagagawa ninyong maging mapagtiis at mapagparaya, kapag kayo ay mapagpakumbaba sa panlabas, mababang-loob, hindi nagpapanggap, at hindi mayabang, at kapag mayroon kayong kaunting responsableng pagpapasya o pag-iisip sa gawain ng sambahayan ng Diyos, iniisip ninyo na talagang hinangad ninyo ang katotohanan at kayo ay tunay na isang taong naghahangad sa katotohanan. Kaya, binubuo ba ng mga pagpapamalas na ito ang paghahangad sa katotohanan? (Hindi.) Upang maging tumpak, ang mga panlabas na kilos, pag-uugali, at pagpapamalas na ito ay hindi paghahangad sa katotohanan. Kaya, bakit palaging iniisip ng mga tao na ang mga pagpapamalas na ito ay paghahangad sa katotohanan? Bakit ba palagi nilang iniisip na sila ay mga taong naghahangad sa katotohanan? (Sa kanilang mga kuru-kuro, iniisip ng mga tao na kung magsisikap sila at gugugol sila nang kaunti, ito ay mga pagpapamalas ng paghahangad sa katotohanan. Kaya, kapag nagbabayad sila ng kaunting halaga o nagdurusa nang kaunti sa kanilang mga tungkulin, iniisip nila na sila ay mga taong naghahangad sa katotohanan, ngunit hindi nila kailanman hinanap dati kung ano ang sinasabi ng salita ng Diyos tungkol sa usaping ito, o kung paano hinuhusgahan ng Diyos kung ang isang tao ay naghahangad sa katotohanan. Dahil dito, palagi silang namumuhay sa gitna ng kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon, iniisip na sila ay dakila.) Hindi kailanman binibitiwan ng mga tao ang kanilang mga kuru-kuro, at pagdating sa mahalagang usapin ng pagtukoy kung sila ay mga taong naghahangad sa katotohanan, palagi silang umaasa sa kanilang sariling mga kuru-kuro at imahinasyon, at sa kanilang iniilusyon. Bakit sila kumikilos nang ganito? Hindi ba’t dahil panatag sila kapag sila nag-iisip at kumikilos sila sa ganitong paraan, pinaniniwalaang hindi talaga nila kailangang magbayad ng halaga para maghangad sa katotohanan, at na maaari pa rin silang tumanggap ng mga pakinabang at pagpapala sa huli? May isa pang dahilan, na kung saan ang mga diumano’y mabuting pag-uugali ng mga tao, tulad ng kanilang pagtalikod, kanilang pagdurusa, kanilang pagbabayad ng mga halaga, at iba pa, ay mga bagay na kaya nilang isakatuparan at kamtin, tama ba? (Tama.) Madali para sa mga tao na talikuran ang kanilang mga pamilya at trabaho, ngunit hindi madali para sa kanila na tunay na hangarin ang katotohanan, isagawa ang katotohanan, o kumilos batay sa mga katotohanang prinsipyo, at hindi madali para sa kanila na makamit ang mga bagay na ito. Kahit na nauunawaan mo ang kaunting katotohanan, magiging napakahirap para sa iyo na talikuran ang sarili mong mga ideya, kuru-kuro, o tiwaling disposisyon, at napakahirap para sa iyo na panghawakan ang mga katotohanang prinsipyo. Kung isa kang taong naghahangad sa katotohanan, bakit parang wala kang pag-usad tungkol sa iba’t ibang aspekto ng katotohanan sa mga taong nananampalataya ka sa Diyos? Nagbayad ka man ng halaga, o ano man ang iyong tinalikuran o inabandona, ang mga panghuling resultang nakamit mo ay ang mga nakamit ba sa pamamagitan ng paghahangad at pagsasagawa sa katotohanan? Gaano man karaming halaga ang nabayaran mo, gaano ka man nagdusa, o gaano man karaming bagay sa laman ang tinalikuran mo, ano ang iyong natamo sa huli? Natamo mo ba ang katotohanan? Mayroon ka bang anumang nakamit patungkol sa katotohanan? Umusad ka ba sa iyong buhay pagpasok? Nabago mo na ba ang iyong mga tiwaling disposisyon? Nagtataglay ka ba ng tunay na pagpapasakop sa Diyos? Hindi natin pag-uusapan ang napakalalim na aral o pagsasagawa bilang pagpapasakop sa Diyos, sa halip, pag-uusapan lang natin ang pinakasimpleng bagay. Tinalikuran mo ang lahat, nagdusa ka at nagbayad ng mga halaga sa loob ng napakaraming taon—mapapangalagaan mo ba ang mga interes ng sambahayan ng Diyos? Lalo na kapag ang mga anticristo at masasamang tao ay gumagawa ng kasamaan para guluhin ang gawain ng iglesia, magbubulag-bulagan ka ba, pananatilihin ang mga interes ng masasamang taong iyon, at pinoprotektahan ang iyong sarili, o papanig ka ba sa Diyos, pananatilihin ang mga interes ng Kanyang sambahayan? Nagsagawa ka na ba ayon sa mga katotohanang prinsipyo? Kung hindi pa, walang ipinagkaiba sa kay Pablo ang iyong pagdurusa at ang mga halagang binayaran mo. Ginagawa lamang ang mga ito para makakuha ng mga pagpapala, at lahat ito ay walang saysay. Pareho ang mga ito sa sinabi ni Pablo tungkol sa pakikipaglaban sa mga laban at pagtapos sa mga kursong dapat niyang gawin, at sa huli ay pagtatamo ng mga pagpapala at gantimpala—wala talagang ipinagkaiba sa mga ito. Tinatahak mo ang landas ni Pablo; hindi mo hinahangad ang katotohanan. Iniisip mo na ang iyong mga pagtalikod, pagggugol, pagdurusa, at mga halagang binayaran ay pagsasagawa sa katotohanan, kung gayon, ilang katotohanan ang naunawaan mo sa mga nakalipas na taon? Ilang katotohanan ang taglay mo? Sa ilang usapin mo napangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos? Sa ilang usapin ka pumanig sa katotohanan at sa Diyos? Ilan sa iyong mga kilos ka umiwas ka sa paggawa ng masama o pagsunod sa sarili mong kagustuhan dahil mayroon kang pusong may takot sa Diyos? Ito ang lahat ng bagay na dapat maunawaan at suriin ng mga tao. Kung hindi nila susuriin ang mga bagay na ito, kung gayon, habang tumatagal ang pananampalataya nila sa Diyos, at lalo na, habang tumatagal ang paggampan nila sa isang tungkulin, mas lalo nilang iisipin na nakagawa sila ng isang kontribusyon na karapat-dapat purihin, na sila ay tiyak na maliligtas, at na sila ay sa Diyos. Kung isang araw ay matatanggal sila, malalantad, at mapapalayas, sasabihin nila: “Kahit hindi ako nakapagbigay ng isang kontribusyon na karapat-dapat purihin, kahit papaano ay nagsumikap naman ako, at kahit na hindi ako nagsumikap, kahit papaano ay nagpakapagod naman ako. Sa batayan ng pagdurusa at pagbabayad ko ng mga halaga sa loob ng napakaraming taon, hindi ako dapat tanggalin o tratuhin nang ganito ng sambahayan ng Diyos. Hindi ako dapat basta na lang na itapon ng sambahayan ng Diyos pagkatapos ko itong pagsilbihan!” Kung ikaw ay isang tunay na tao na naghahangad sa katotohanan, hindi mo dapat sabihin ang mga bagay na ito. Kung isa kang tao na naghahangad sa katotohanan, ilang beses mo bang naipatupad ang mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos sa paraang masinsinan at tumpak? Ilan na sa mga ito ang naipatupad mo? Ilang bagay sa gawain ang nasubaybayan mo? Ilan sa mga ito ang nasuri mo na? Sa saklaw ng iyong mga responsabilidad at tungkulin, at sa loob ng saklaw ng kung ano ang kayang tamuhin ng iyong kakayahan, kakayahan sa pag-unawa, at pag-unawa sa katotohanan, gaano na karami ang iyong nagawa sa abot ng iyong makakaya? Aling mga tungkulin ang nagawa mo nang maayos? Ilang mabubuting gawa ag naihanda mo? Ito ang mga pamantayan sa pagsubok kung ang isang tao ay tagahangad ng katotohanan. Kung nagkaproblema ka sa lahat ng bagay na ito, at hindi nakakuha ng anumang resulta, iyon ay nagpapatunay na nagdurusa at nagbabayad ka ng mga halaga sa mga taon na ito habang umaasang makatanggap ng mga pagpapala, at na hindi ka nagsasagawa sa katotohanan at nagpapasakop sa Diyos; ang lahat ng iyong nagawa ay para sa iyong sarili lamang, para sa katayuan at mga pagpapala, at hindi ito pagsunod sa daan ng Diyos. Kung gayon, ano ang lahat ng iyong nagawa? Hindi ba’t ang panghuling kalalabasan para sa mga taong ganito ay katulad ng kay Pablo? (Oo.) Tinatahak ng mga taong ito ang landas ni Pablo, natural na magiging katulad ng kay Pablo ang kalalabasan nila. Huwag mong isipin na nakagawa ka ng isang kontribusyon na karapat-dapat purihin dahil lang sa nananampalataya ka sa Diyos, at tinalikuran mo ang iyong trabaho, pamilya, o sa ilang sitwasyon maging ang iyong maliliit na anak. Wala kang nagawang anumang kontribusyon na karapat-dapat purihin, isa ka lang na nilikha, lahat ng ginagawa mo ay para sa iyong sarili, at ang mga bagay na dapat mong gawin. Magagawa mo bang magdusa at magbayad ng mga halaga kung hindi para makatanggap ng mga pagpapala? Magagawa mo bang talikuran ang iyong pamilya at magbitiw sa iyong trabaho? Huwag ituring ang pagtalikod sa iyong pamilya, pagbitiw sa iyong trabaho, pagdurusa, at pagbabayad ng mga halaga bilang katumbas ng paghahangad sa katotohanan at paggugol ng iyong sarili para sa Diyos. Niloloko mo lang ang sarili mo.

Iyong mga hindi tumatanggap sa katotohanan, o sa pagtatabas at pagwawasto man lang, ay inilalantad at inaalis paisa-isa sa tuwing nagsasagawa ng malakihang pag-aalis ang sambahayan ng Diyos. Ang ilang tao, na may mga problemang hindi gaanong seryoso, ay pinahihintulutang manatili sa ilalim ng obserbasyon, at binibigyan sila ng pagkakataong magsisi pagkatapos nilang malantad. Para sa iba, masyadong matindi ang mga problema nila, hindi pa rin sila nagbabago sa kabila ng paulit-ulit na pagpuna, ginagawa nila ang parehong mga bagay at paulit-ulit na gumagawa ng parehong mga pagkakamali, at ginugulo, ginagambala, at pinipinsala nila ang gawain ng iglesia, kaya sa huli sila ay inaalis at itinitiwalag ayon sa mga prinsipyo, at hindi na binibigyan mga pagkakataon. Sinasabi ng ilang tao: “Nalulungkot ako para sa kanila na hindi na sila binibigyan ng pagkakataon.” Hindi ba’t binigyan sila ng sapat na pagkakataon? Hindi sila nananampalataya sa Diyos para makinig sa Kanyang mga salita, para tanggapin ang pagkastigo at paghatol ng Kanyang mga salita, o para tanggapin ang Kanyang paglilinis at kaligtasan, inaasikaso lang nila ang sarili nilang pamumuhay. Pagkatapos nilang simulan ang gawain ng iglesia o gampanan ang iba’t ibang tungkulin, nagsisimula silang makilahok sa maraming maling gawain, nanggugulo at nanggagambala, nagdudulot ng malubhang pinsala sa gawain ng iglesia, pati rin ng matitinding kawalan sa mga interes ng sambahayan ng Diyos. Matapos silang bigyan ng paulit-ulit na pagkakataon, at unti-unting palayasin mula sa iba’t ibang grupo ng paggampan sa tungkulin, isinasaayos ng sambahayan ng Diyos na gampanan nila ang kanilang mga tungkulin sa pangkat ng ebanghelyo, pero pagkarating ng mga taong iyon doon, hindi sila nagsisikap sa kanilang mga tungkulin, at nakikilahok pa rin sila sa iba’t ibang uri ng maling gawain, nang hindi nagsisisi o nagbabago man lang. Gaano man magbahagi sa katotohanan ang sambahayan ng Diyos, o anumang pagsasaayos sa gawain ang ginagawa nito, at kahit na binibigyan nito ang mga taong ito ng mga pagkakataon, babala, at iwinawasto at tinatabasan pa nga sila, walang saysay ang lahat ng ito. Hindi naman sila masyadong manhid, masyado silang mapagmatigas. Siyempre, ang katigasang ito ay nagmumula sa perspektiba ng kanilang mga tiwaling disposisyon. Sa kanilang diwa, hindi sila tao, sila ay diyablo. Sa pagpasok sa iglesia, bukod sa pagkilos bilang mga Satanas, hindi sila gumagawa ng anumang bagay na makakabuti gawain ng sambahayan ng Diyos at sa gawain ng iglesia. Gumagawa lang sila ng masasamang bagay; pumupunta lang sila para guluhin at pinsalain ang gawain ng iglesia. Matapos makapagbalik-loob ng ilang tao habang nangangaral ng ebanghelyo, pakiramdam nila ay mayroon silang kapital at na nakagawa sila ng isang kontribusyon na karapat-dapat purihin, at nakokontento na sila sa kanilang mga tagumpay, iniisip na maaari silang mamuno bilang hari sa sambahayan ng Diyos, na pwede silang mag-utos at magdesisyon sa anumang aspekto ng gawain, at na pwede nilang pilitin ang mga tao na isagawa at ipatupad ang mga ito. Gaano man magbahagi ang Itaas sa katotohanan o magsaayos sa gawain, hindi ito sineseryoso ng mga taong ito. Sa harap mo, nagssabi sila ng mga bagay na napakakaaya-ayang-pakinggan: “Maganda ang mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos, naituwid ng mga ito ang mga bagay-bagay sa tamang panahon, kung hindi, hindi namin malalaman kung gaano na kami kalayo.” Kapag ibinaling nila ang kanilang ulo, nagbabago sila, at nagsisimulang magpakalat ng kanilang sariling mga ideya. Sabihin mo sa Akin, tao ba talaga ang mga taong ganito? (Hindi.) Kung hindi sila tao, ano sila? Sa panlabas, nakasuot sila ng isang layer ng balat ng tao, ngunit sa diwa, hindi sila gumagawa ng mga bagay na pantao—sila ay mga demonyo! Ang papel na ginagampanan nila sa iglesia ay partikular na guluhin ang iba’t ibang bagay ng gawain ng sambahayan ng Diyos. Ginugulo nila ang anumang gawaing ginagawa nila, at hindi sila kailanman naghanap sa katotohanan o ang mga prinsipyo, tumingin sa mga pagsasaayos ng gawain, o kumilos ayon sa mga ito. Sa sandaling nagkakaroon sila ng kaunting kapangyarihan, ipingangalandakan nila ito at ipinagmamalaki ang kanilang sarili sa harap ng mga hinirang ng Diyos. Lahat sila ay may mukha ng mga demonyo, at walang wangis ng tao. Hindi nila kailanman itinaguyod ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, pinangangalagaan lamang nila ang kanilang sariling mga interes at katayuan. Anuman ang antas ng pamumuno ang pinaglilingkuran nila, o anumang bagay sa gawain ang kanilang pinangangasiwaan, sa sandaling ipinagkatiwala sa kanila ang gawain, ito ay nagiging sa kanila na, sila ang may huling pasya, at ang mas mabuting huwag na itong suriin ng iba, pangasiwaan ito, o subaybayan ito, at lalong hindi na sila dapat makialam. Hindi ba’t ang mga ito ay tunay na anticristo? (Oo.) At gusto pa rin ng mga taong ito na magtamo ng mga pagpapala! Mayroon Akong dalawang salita para sa mga taong ito: hindi makatwiran at hindi matutubos. Ang mga hindi naghahangad sa katotohanan ay maaaring matisod sa anumang hadlang, at hindi sila lalayo. Noon, palagi Kong sinasabi sa inyo: “Kung kaya ninyong magserbisyo hanggang sa katapusan, at maging isang tapat na tagapagserbisyo, mabuti rin iyon.” Ang ilang tao ay hindi nagmamahal sa katotohanan, at hindi sila handang hangarin ito. Ano ang dapat gawin tungkol dito? Silay ay dapat na mga tagapagserbisyo. Kung kaya mong magsumikap sa pagseserbisyo, at hindi magdulot ng anumang pagkagambala o kaguluhan, o gumawa ng anumang kasamaan na magtutulak sa iyo na mapaalis, at magagarantiya mo na hindi ka gagawa ng kasamaan, at maipagpapatuloy mo ang pagseserbisyo hanggang sa huli, kung gayon, mananatili kang umiiral. Bagamat hindi ka makakatanggap ng napakaraming pagpapala, kahit papaano ay makapaglilingkod ka sa panahon ng gawain ng Diyos, magiging isa kang tapat na tagapagserbisyo, at sa huli, hindi ka pagmamalupitan ng Diyos. Ngunit sa ngayon, may ilang tagapagserbisyo na talagang hindi makakapaglingkod hanggang sa huli. Bakit ganoon? Dahil wala silang mga espiritu ng tao. Hindi natin susuriin kung anong uri ng espiritu ang namamalagi sa loob nila, pero kahit papaano, kung titingnan ang kanilang pag-uugali mula sa simula hanggang wakas, ang diwa nila ay iyong sa diyablo, hindi sa isang tao. Hindi nila tinatanggap ang anumang katotohanan, at mas lalo pang hindi nila hinahangad ito.

Sa nakalipas na sampung taon, noong hindi napagbahaginan nang detalyado ang bawat aspekto ng katotohanan, hindi nauunawaan ng mga tao kung ano ang ibig sabihin ng paghahangad sa katotohanan o pangangasiwa sa mga bagay batay sa mga katotohanang prinsipyo. Ang ilang tao ay kumikilos batay sa mga sarili nilang kagustuhan, imahinasyon, at kuru-kuro, o sumusunod sa mga panuntunan. Ito ay maipagpapatawad, dahil hindi sila nakaunawa. Ngunit ngayon, 10 taon na ang lumipas, bagamat hindi pa natatapos ang ating pagbabahaginan sa iba’t ibang aspekto ng katotohanan, ang iba’t ibang pangunahing katotohanan na nauugnay sa mga taong gumagawa at gumagawa ng mga tungkulin, kahit papaano, ay naipaliwanag na nang malinaw patungkol sa mga prinsipyo. Anumang uri ng tungkulin ang ginagampanan nila, ang mga taong nagtataglay ng puso at espiritu, na nagmamahal sa katotohanan at kayang hangarin ito, ay dapat na makapagsagawa sa parte ng mga katotohanang prinsipyo sa pamamagitan ng pag-asa sa kanilang konsensiya at katwiran. Ang mga tao ay nagkukulang at nabibigong abutin ang mga mas matataas at mas malalim na katotohanan, at hindi nila makilala ang diwa ng ilang problema, o ang mga diwa na nauugnay sa katotohanan, ngunit dapat nilang maisagawa ang mga katotohanan na kaya nilang maabot, at na mga hayagang itinakda. Kahit papaano, dapat nilang mapanghawakan, maipatupad, at maipamahagi ang mga pagsasaayos ng gawain na hayagang itinakda ng sambahayan ng Diyos. Gayunpaman, iyong mga sa demonyo ay hindi man lang kayang gawin ang mga bagay na ito. Sila ang mga uri ng tao na hindi man lang makapagserbisyo hanggang sa huli. Kapag hindi man lang makapagbigay ng serbisyo hanggang sa katapusan ang mga tao, nangangahulugan ito na itatapon sila mula sa karwahe sa kalagitnaan ng paglalakbay. Bakit sila itatapon mula sa karwahe? Kung tahimik silang nakaupo sa karwahe, natutulog, nananatili sa kanilang pwesto, o nililibang pa nga ang kanilang sarili, hangga’t hindi nila inaabala ang lahat o ang pasulong na direksiyon ng buong tren, sino ba ang may pusong itapon sila mula sa karwahe? Walang gagawa niyon. Kung talagang makakapagserbisyo sila, hindi rin sila itatapon ng Diyos mula sa karwahe. Ngunit ang paggamit sa mga taong ito para magserbisyo ngayon ay magdudulot ng mas maraming kawalan kaysa sa mga pakinabang. Ang iba’t ibang aspekto ng gawain ng sambahayan ng Diyos ay dumanas ng mga napakalaking kawalan dahil sa mga pang-aabala ng mga taong ito. Sila ang dahilan ng labis na pag-aalala! Hindi nila nauunawaan ang katotohanan, kahit paano pa ito ibinahagi, at pagkatapos, gumagawa pa rin sila ng masasamang bagay. Ang pakikisalamuha sa mga taong ito ay tunay na nangangahulugan ng pakikisali sa walang-katapusang pag-uusap, at pagdanas ng walang-katapusang galit. Ang napakahalagang punto ay na ang mga taong ito ay nakagawa ng labis na kasamaan, at nagdulot ng mga napakalaking kawalan sa pagpapalawig ng ebanghelyo sa sambahayan ng Diyos. Sa mga kaunting tungkuling ginagampanan nila, nagdudulot lang sila ng mga pagkagambala at kaguluhan, at ang mga kawalang idinudulot nila sa gawain ng sambahayan ng Diyos ay hindi na mababawi. Gumagawa ng maraming masamang bagay ang mga taong ito. Habang kasama ang mga ordinaryong miyembro ng iglesia, ginagawa nila ang anumang gusto nila, nilulustay nila ang mga handog, pinalalaki nila ang bilang ng mga taong napagbalik-loob nila habang ipinalalaganap ang ebanghelyo, at ginagamit nila ang ibang tao nang hindi nararapat. Eksklusibo nilang ginagamit ang ilang masasamang tao, mga taong naguguluhan, at mga taong nanggugulo sa paggawa ng masasamang bagay. Hindi sila nakikinig sa mga mungkahi ng sinuman, at sinusupil at pinarurusahan nila ang sinumang nagpapahayag ng opinyon. Sa ilalim ng kanilang saklaw, hindi ipinapatupad ang mga salita ng Diyos, ang Kanyang mga hinihingi at mga pagsasaayos ng gawain, sa halip ay isinasantabi lang ang mga ito. Ang mga taong ito ay nagiging mga maton at maniniil ng bayan; nagiging diktador sila. Sabihin mo sa Akin, maaari bang panatilihin ang mga taong tulad nito? (Hindi.) Sa kasalukuyan, tinanggal na ang ilang tao, at pagkatapos matanggal ay pinag-uusapan nila ang tungkol sa “pagpapasakop sa mga pagsasaayos ng sambahayan ng Diyos,” para ipakita na sila ay napakarangal, napakamasunurin, at sadyang mga tagahangad ng katotohanan. Sa pagsasabi nito, ang ibig nilang sabihin ay wala silang masasabi tungkol sa anumang ginagawa ng sambahayan ng Diyos, at handa silang magpasakop sa mga pagsasaayos nito. Sinasabi nila na handa silang magpasakop sa mga pagsasaayos ng sambahayan ng Diyos—kaya bakit sila gumawa ng napakalaking kasamaan, na naging dahilan para tanggalin sila ng iglesia? Bakit hindi nila ito maintindihan? Bakit hindi nila ito ipinaliwanag? Nagdulot sila ng iba’t ibang uri ng problema at kawalan sa gawain ng sambahayan ng Diyos habang gumagawa—hindi ba’t kinakailangan nilang buksan ang kanilang sarili at ilahad ang kanilang sarili tungkol dito? Tapos na ba ang usapin kung basta lang na hindi nila ito babanggitin? Sinasabi nila na gusto nilang magpasakop sa mga pagsasaayos ng sambahayan ng Diyos, ipinapakita kung gaano sila karangal at kadakila—ito ay ganap na pagkukunwari at panlalansi! Kung natututo silang magpasakop sa mga pagsasaayos ng sambahayan ng Diyos, bakit hindi sila nagpasakop sa mga naunang pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos? Bakit hindi nila ipinatupad ang mga ito? Ano ang ginagawa nila noon? Sino ba talaga ang sinusunod nila? Bakit hindi sila nagpaliwanag tungkol dito? Sino ang kanilang panginoon? Isinakatuparan ba nila ang bawat aspekto ng gawaing isinaayos ng sambahayan ng Diyos? Nagtamo ba sila ng mga resulta? Makakayanan ba ng kanilang gawain ang maingat na pagsusuri? Paano nila mapupunan ang mga kawalan sa kanilang panggugulo sa paggawa ng kasamaan sa sambahayan ng Diyos? Hindi ba’t karapat-dapat pag-usapan ang bagay na ito? Maaari ba nilang sabihin na magpapasakop sila sa mga pagsasaayos ng sambahayan ng Diyos, at iyon lang? Sabihin mo sa Akin, may pagkatao ba ang mga ganitong tao? (Wala.) Wala silang pagkatao, katwiran, at konsensiya, at wala silang kahihiyan! Hindi nila nararamdaman na nakagawa sila ng napakaraming kasamaan, at nagdulot ng mga napakalaking kawalan sa sambahayan ng Diyos. Nagdulot sila ng napakaraming pagkagambala at kaguluhan nang hindi nakararamdam ng pagsisisi, ng anumang pakiramdam ng pagkakautang, o anumang pagkilala sa bagay na ito. Kung susubukan mong papanagutin sila, sasabihin nila, “Hindi lang ako ang taong gumawa niyon”—may mga dahilan sila. Ang ibig nilang sabihin ay na hindi pwedeng ipatupad ang mga parusa kung lahat naman ay nagkakasala, at na dahil gumagawa ng masama ang lahat, sila bilang indibidwal ay hindi dapat managot. Mali ito. Dapat nilang ipaliwanag ang kasamaang ginawa nila—bawat indibidwal ay dapat magpaliwanag sa anumang kasamaang ginawa nila. Dapat silang magpasakop sa mga pagsasaayos ng sambahayan ng Diyos, at harapin nang tama ang kanilang sariling mga problema. Kung taglay nila ang saloobing ito, maaari silang magkaroon ng isa pang pagkakataon at manatili, subalit hindi sila pwedeng palaging gumawa ng masama! Kung walang kamalayan sa kanilang konensiya, kung hindi nila maramdaman na may utang sila sa Diyos sa anumang paraan, at hindi man lang sila nagsisisi, mula sa perspektiba ng tao, maaari silang bigyan ng pagkakataon, pahintulutang patuloy na gawin ang kanilang mga tungkulin, at hindi managot, ngunit paano ito nakikita ng Diyos? Kung hindi sila papanagutin ng mga tao, ganoon din ba ang Diyos? (Hindi.) Tinatrato ng Diyos ang lahat ng tao at bagay nang may mga prinsipyo. Hindi makikipagkompromiso sa iyo ang Diyos at aayusin ang mga bagay, hindi Siya magiging isang mapagpalugod ng tao na katulad mo. Ang Diyos ay may mga prinsipyo, Siya ay may matuwid na disposisyon. Kung lumalabag ka sa mga prinsipyo at atas administratibo ng sambahayan ng Diyos, dapat kang iwasto ng iglesia at ng sambahayan ng Diyos alinsunod sa mga prinsipyo at sa mga itinakda ng mga atas administratibo. Tungkol sa mga ibubunga ng iyong pagkakasala sa Diyos, sa katunayan, sa puso mo ay alam mo kung paano ka nakikita o tinatrato ng Diyos. Kung talagang tinatrato mo ang Diyos bilang Diyos, dapat kang humarap sa Kanya para magtapat, aminin mo ang iyong mga kasalanan, at magsisi. Kung wala kang ganitong saloobin, kugn gayon, isa kang walang pananampalataya, isa kang diyablo, ikaw ay isang kaaway ng Diyos, at dapat kang masumpa! Ano ang silbi ng iyong pakikinig sa mga sermon kung gayon? Dapat kang lumabas; hindi ka karapat-dapat makinig sa mga sermon! Ang mga katotohanan ay sinasalita para marinig ng mga normal na tiwaling tao; bagamat mayroong mga tiwaling disposisyon ang gayong mga tao, mayroon silang determinasyon at kagustuhang tanggapin ang katotohanan, kaya nilang pagnilayan ang kanilang sarili sa tuwing may nangyayari sa kanila, at kaya nilang magtapat, magsisi, at magbago kapag nakagawa sila ng mali. Ang gayong mga tao ay maaaring maligtas, at para sa kanila ang mga katotohanang sinasalita. Ang mga taong walang saloobin ng pagsisisi kahit ano pa ang nangyayari sa kanila ay hindi mga ordinaryong tiwaling tao, sila ay ganap na naiiba; ang diwa nila ay sa diyablo, hindi sa isang tao. Bagamat maaaring hindi rin nila hinahangad ang katotohanan, ang mga ordinaryong tiwaling tao ay kadalasang kayang umiwas sa paggawa ng masasamang bagay batay sa kanilang konsensiya, sa kaunting kahihiyang taglay ng kanilang normal na pagkatao, at sa kaunting katwiran na mayroon sila, at wala silang intensiyon na sadyang magdulot ng mga pagkagambala at kaguluhan. Sa ilalim ng normal na mga sitwasyon, ang gayong mga tao ay kayang magserbisyo at sumunod hanggang sa huli, at nagagawa nilang manatiling buhay. Gayunpaman, mayroong isang uri ng mga tao, na walang konsensiya o katwiran, na walang kahit anong pakiramdam ng karangalan o kahihiyan, na walang mga pusong nagsisisi kahit gaano pa karami ginagawa niyang kasamaan, at na walang kahihiyang nagtatago sa loob ng sambahayan ng Diyos, umaasa pa rin na makatanggap ng mga pagpapala, at hindi marunong magsisi. Kapag may nagsasabing, “Nagdulot ka ng pagkagambala at kaguluhan sa paggawa niyan,” sinasabi niya, “Talaga ba? Kung gayon, nagkamali ako, pagbubutihin ko na lang sa susunod.” Sasagot ang ibang taong iyon, “Kung gayon, dapat mong makilala ang iyong mga tiwaling disposisyon,” at sasabihin niya, “Kilalanin kung anong mga tiwaling disposisyon? Naging ignorante at hangal lang ako. Pagbubutihin ko na lang sa susunod.” Wala siyang malalim na pag-unawa, at niloloko lang niya ang mga tao gamit ang kanyang mga salita. Kaya bang magsisi ng mga taong may ganitong saloobin? Ni wala silang kahihiyan—hindi sila tao! Sinasabi ng ilang tao: “Kung hindi sila tao, mga hayop ba sila?” Sila ay mga hayop, ngunit mas mababa pa sila kaysa sa mga aso. Pag-isipan ito, kapag ang isang aso ay gumawa ng masamang bagay o ng maling pag-uugali, kung sasawayin mo ito nang isang beses, agad itong malulungkot, at palagi itong magiging mabait sa iyo, na ang ibig sabihin nito ay: “Pakiusap, huwag kang magalit sa akin, hindi ko na uulitin.” Kapag muling nangyari ang ganoong bagay, sadyang titingin sa iyo ang aso para sabihin sa iyo na: “Hindi ko gagawin ito, huwag kang mag-alala.” Natatakot man ang aso na mapalo, o sinusubukan man nitong makuha ang pabor ng amo nito, paano mo man ito tingnan, kapag alam ng aso na ayaw o hindi pumapayag ang amo nito sa isang bagay, hindi ito gagawin ng aso. Kaya nitong pigilan ang sarili; may pakiramdam ito ng kahihiyan. Maging ang mga hayop ay may pakiramdam ng kahihiyan, ngunit ang mga taong ito ay wala. Kung gayon, tao pa rin ba sila? Mas mababa pa nga sila kaysa sa mga hayop, kaya sila ay hindi makatao at mga walang buhay na bagay, sila ay tunay na mga diyablo. Hindi sila kailanman nagninilay-nilay sa kanilang sarili o nagtatapat kahit gaano pa kalaki ang kasamaang ginagawa nila, at lalong hindi nila alam kung paano magsisi. May ilang tao na nahihiyang humarap sa kanilang mga kapatid dahil nakagawa sila ng kaunting kasamaan, at kung pipiliin sila ng mga kapatid sa panahon ng halalan, sasabihin nila: “Hindi ko tatanggapin ang tungkuling ito, hindi ako kwalipikado. Noon, gumawa ako ng ilang kahangalan, na nagdulot ng ilang kawalan sa gawain ng iglesia. Hindi ako karapat-dapat sa posisyong ito.” Ang mga taong tulad nito ay nagtataglay ng pakiramdam ng kahihiyan, at mayroon silang konsensiya at katwiran. Ngunit ang masasamang taong iyon ay walang pakiramdam ng kahihiyan. Kung hihilingin mo sa kanila na maging lider, agad silang tatayo at sasabihing: “Kita mo na! Ano ang tingin mo rito? Hindi kaya ng sambahayan ng Diyos kung wala ako. Bigatin ako, napakahusay ko!” Sabihin mo sa Akin, hindi ba’t mahirap iparamdam sa mga taong ito ang kahihiyan? Gaano kahirap ito? Mas mahirap pa ito kaysa sa pagsukat sa mga pader ng Shanhai Pass ng China—wala silang kahihiyan! Gaano man karaming kasamaan ang ginagawa nila, walang-kahihiyang nagpapakatamad pa rin sila sa iglesia. Kailanman ay hindi sila naging mapagpakumbaba sa kanilang mga pakikipag-ugnayan sa mga kapatid, namumuhay pa rin sila gaya ng dati, at paminsan-minsan ay ipinagmamayabang pa nga nila ang kanilang “mga dakilang tagumpay,” tungkol sa kanilang mga nakaraang pagtalikod, paggugol, pagdurusa, at mga halagang binayaran nila, at ang tungkol sa kanilang nakaraang “kaluwalhatian at kadakilaan.” Sa sandaling magkaroon sila ng pagkakataon, agad silang tumatayo para ipagmarangya at ipagmalaki ang kanilang sarili, ikinukwento ang tungkol sa kanilang kapital at ipinangangalandakan ang kanilang mga kwalipikasyon, ngunit hindi nila kailanman ikinukwento kung gaano karaming kasamaan ang nagawa nila, kung gaano karaming handog ng Diyos ang nilustay nila, o kung gaano karaming kawalan ang naidulot nila sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Hindi man lang sila nagtatapat kapag nagdarasal sila sa Diyos sa lihim, at hindi sila kailanman lumuluha dahil sa mga pagkakamaling nagawa nila o sa mga kawalang naidulot nila sa sambahayan ng Diyos. Ganoon sila katigas at kawalang-kahihiyan. Hindi ba’t ganap silang hindi makatwiran at hindi matutubos? (Oo.) Sila ay hindi matutubos, at hindi sila maliligtas. Gaano mo man sila bigyan ng pagkakataon, para lang itong pakikipag-usap sa isang matigas na pader, o pamimilit sa isang tao na gawin ang isang bagay na hindi nito kaya, o paghiling sa mga diyablo at kay Satanas na sambahin ang Diyos. Kaya, pagdating sa mga taong ito, sa huli, ang saloobin ng sambahayan ng Diyos ay ang sukuan sila. Kung handa silang gampanan ang mga tungkuling kaya nila, bibigyan sila ng kaunting pagkakataon ng sambahayan ng Diyos. Kung hindi sila handang gampanan ang mga tungkulin, at sasabihing: “Aalis ako para magtrabaho, kumita ng pera, at magpalipas ng aking mga araw; aasikasuhin ko ang sarili kong pamumuhay,” maaari silang umalis, bukas ang pintuan ng sambahayan ng Diyos, maaari silang magmadali at umalis! Ayaw Kong makitang muli ang pagmumukha nila, nakasusuklam! Bakit sila nagpapanggap? Ang kaunting pagdurusang tiniis nila, ang maliliit na halagang binayaran nila, ang kanilang mga kaunting na pagtalikod at paggugol, ay mga paunang kondisyon lamang na inihanda nila makagawa sila ng masama. Kung mananatili sila sa sambahayan ng Diyos, anong uri ng serbisyo ang maibibigay nila para dito? Anong mga pakinabang ang maidudulot nila sa gawain ng sambahayan ng Diyos? Mayroon ka bang anumang ideya kung gaano kalaking pagkagambala at kaguluhan ang maidudulot ng masasamang gawa at masasamang bagay na ginawa ng isang masamang tao, isang anticristo, sa loob ng anim na buwan sa gawain ng iglesia? Sabihin mo sa Akin, ilang kapatid ang mangangailangang gumawa para makabawi rito? Hindi ba’t hindi sulit ang paggamit ng masamang taong iyon, ng anticristong iyon, para sa kaunting serbisyo? (Oo.) Hindi natin pag-uusapan ang laki ng mga kawalan na maaaring maidulot ng isang grupo ng mga anticristo na nagsasama-sama para gumawa ng masasamang bagay, ngunit gaano kalaking pinsala ang maaaring maidulot sa gawain ng iglesia sa dahil sa isang maling paniniwala at maladiyablong pahayag na sinalita ng isang anticristo, o sa isang kakatwang utos na ipinapatupad ng isang anticristo? Sabihin mo sa Akin, gaano karaming tao ang mangangailangang gumawa, at gaano katagal, para makabawi rito? Sino ang mananagot sa kawalang ito? Walang may kaya! Mababawi kaya ang kawalang ito? (Hindi.) Sinasabi ng ilang tao: “Kung kukuha tayo ng ilan pang tao na tutulong, at magtitiis ng kaunti pang paghihirap ang mag kapatid, baka makakabawi tayo rito.” Bagamat maaaring makakabawi ka sa ilan sa mga ito, gaano karaming tao at materyal na rekurso ang kakailanganing igugol ng sambahayan ng Diyos? Sa partikular, sino ang makakabawi sa nawalang oras, at sa mga kawalang dinanas ng mga hinirang ng Diyos pagdating sa kanilang buhay pagpasok? Walang makakagawa. Samakatuwid, ang mga kamaliang nagawa ng mga anticristo ay hindi mapapatawad! Sinasabi ng ilang tao: “Sinabi ng mga anticristo, ‘Babayaran namin ang perang nawala.’” Siyempre kailangan nilang bayaran iyon! “Sinabi ng mga anticristo, ‘Magdadala kami ng mas maraming tao, para makabawi sa mga naiwala namin.’” Iyon ang pinakamaliit na bagay na magagawa nila. Dapat silang bumawi sa kasamaang ginawa nila! Ngunit sino ang makakabawi sa oras na nawala? Kaya ba nila? Imposibleng mabawi pa ito. Kaya, ang mga kamaliang nagawa ng mga taong ito ay ang pinakakasuklam-suklam sa mga kasalanan! Hindi mapapatawad ang mga ito. Sabihin mo sa Akin, hindi ba’t totoo iyon? (Totoo.)

Kapag nakikita ng ilang tao na medyo mahigpit na pinangangasiwaan ng sambahayan ng Diyos ang mga anticristo—hindi binibigyan ng pagkakataon at direktang pinaaalis ang mga anticristo—naiisip nila ito: “Hindi ba’t sinabi ng sambahayan ng Diyos na binibigyan nito ng mga pagkakataon ang mga tao? Kapag nakagawa ng isang maliit na pagkakamali ang isang tao, ayaw na ba sa kanya ng sambahayan ng Diyos? Hindi ba siya binibigyan ng pagkakataon nito? Dapat bigyan siya nito ng pagkakataon, masyado namang hindi mapagmahal ang sambahayan ng Diyos!” Sabihin mo sa Akin, ilang pagkakataon na ba ang naibigay sa mga taong iyon? Ilang sermon na ba ang napakinggan nila? Masyado bang kaunti ang pagkakataong ibinigay sa kanila? Kapag gumagawa sila, hindi ba nila alam na gumagampan sila ng mga tungkulin? Hindi ba nila alam na ipinalalaganap nila ang ebanghelyo at ginagawa ang gawain ng sambahayan ng Diyos? Hindi ba nila alam ang mga bagay na ito? Nagpapatakbo ba sila ng isang negosyo, kompanya, o pabrika? Namamahala ba sila ng kanilang sariling mga negosyo? Ilang pagkakataon na ba ang naibigay ng sambahayan ng Diyos sa mga taong ito? Ang bawat isa sa kanila ay nagtamasa ng maraming pagkakataon. Para sa mga inilipat mula sa iba’t ibang grupo tungo sa pangkat ng ebanghelyo, mayroon ba sa kanila ang natanggal pagkatapos na mabilang sa pangkat ng ebanghelyo sa loob lamang ng ilang araw? Wala sa kanila, maliban na lang kung ang kasamaang nagawa nila ay masyadong malubha, kung gayon tataggalin sila. Bawat isa sa kanila ay nabigyan ng sapat na pagkakataon, kaya lang hindi nila alam kung paano pahalagahan ang mga ito o kung paano magsisi. Sinusunod nila ang sarili nilang kagustuhan, palaging tinatahak ang landas ni Pablo. Nagsasalita sila ng mga napakaganda-pakinggan at malinaw na salita, ngunit hindi sila kumikilos na parang tao. Dapat pa rin bang bigyan ng pagkakataon ang mga ganitong tao? (Hindi.) Noong nabigyan sila ng pagkakataon, tinatrato sila na parang tao, pero hindi sila tao. Hindi nila ginagawa ang mga bagay na ginagawa ng mga tao, kaya pasensya na, bukas ang pintuan ng sambahayan ng Diyos—maaari silang lumabas at umalis. Hindi na sila gagamitin ng sambahayan ng Diyos. Ang sambahayan ng Diyos ay may malaya pagdating sa paggamit ng mga tao, may karapatan ito. Magiging maayos lang ba kung hindi sila ginagamit ng sambahayan ng Diyos? Kung gusto nilang manampalataya, magagawa nila ito sa labas ng sambahayan ng Diyos. Ano’t anuman, hindi sila gagamitin ng sambahayan ng Diyos—hindi nito pwedeng gawin iyon, nagsasanhi sila ng labis na pag-aalala! Nagdulot sila ng napakalaking kawalan sa sambahayan ng Diyos, at walang sinuman ang makakabayad para dito—hindi nila ito kayang bayaran! Hindi sa dahil malas sila, hindi sa dahil hindi sila binigyan ng pagkakataon ng sambahayan ng Diyos, hindi sa dahil hindi mapagmahal ang sambahayan ng Diyos, at pinahirapan sila nang husto, at lalong hindi sa dahil itinatapon sila ng sambahayan ng Diyos pagkatapos nilang makompleto ang kanilang gawain. Ito ay dahil masyado nang sumosobra ang mga taong ito, hindi na sila matitiis, at hindi nila maipaliwanag ang mga bagay na nagawa nila. Para sa bawat bagay sa gawain, nagbigay ng mga prinsipyo sa paggawa ang sambahayan ng Diyos, at ang Itaas ay personal na nagbigay ng patnubay, pagsusuri, at pagtutuwid. Hindi ito isang usapin lang ng pagdaraos ng ilang pagtitipon, o pagsasabi ng ilang salita ng sambahayan ng Diyos at ng Itaas; nakapagsalita na sila ng maraming salita at nakapagdaos ng maraming pagtitipon, taimtim na nagpapayo sa mga tao, at sa huli, ang nakuha nilang kapalit ay panlalansi, at nagambala at nagulo ang gawain ng iglesia sa huli, at tuluyang nagkaproblema. Sabihin mo sa Akin, sino ang handa pa ring magbigay ng pagkakataon sa mga taong iyon? Sino ang handang magpanatili sa kanila? Maaari silang manggulo sa paggawa ng masama, ngunit tiyak na hindi nila pinagbabawalan ang sambahayan ng Diyos sa pangangasiwa sa kanila ayon sa mga prinsipyo? Ang pangangasiwa sa kanila sa ganitong paraan ay hindi dapat tawaging hindi mapagmahal, dapat itong tawaging pagtataglay ng mga prinsipyo. Ang pagmamahal ay ibinibigay sa mga taong maaaring mahalin, sa mga taong mangmang na maaaring patawarin; hindi ito ibinibigay sa masasamang tao, sa mga diyablo, o sa mga sadyang nanggagambala at nanggugulo, hindi ito ibinibigay sa mga anticristo. Nararapat lamang na sumpain ang mga anticristo! Bakit nararapat lamang silang sumpain? Dahil, gaano man kalaki ang ginagawa nilang kasamaan, hindi sila nagsisisi, nagtatapat, o nagbabago, nakikipagkumpitensiya sila sa Diyos hanggang sa pinakahuli. Humaharap sila sa Diyos na nagsasabing, “Kapag namatay ako, mamamatay akong nakatayo. Hindi ako susuko. Kapag haharap ako sa Iyo, hindi ako luluhod o yuyuko. Hindi ako tatanggap ng pagkatalo!” Anong klaseng bagay ito? Kahit na malapit na silang mamatay, sasabihin pa rin nilang, “Patuloy kong lalabanan ang sambahayan ng Diyos hanggang sa huli. Hindi ko ipagtatapat ang aking mga kasalanan—wala akong ginawang mali!” Sige, kung wala silang ginawang mali, maaari na silang umalis. Hindi sila gagamitin ng sambahayan ng Diyos. Ayos lang ba kung hindi sila gagamitin ng sambahayan ng Diyos? Ayos lang talaga ito! Sinasabi ng ilang tao, “Kung hindi ako gagamitin ng sambahayan ng Diyos, kung gayon, wala itong sinumang magagamit.” Dapat tingnan ng mga taong ito kung talaga bang walang sinuman—mayroon bang anumang gawain sa sambahayan ng Diyos ang umaasa sa mga tao? Kung wala ang gawain ng Banal na Espiritu at ang proteksiyon ng Diyos, sino ba ang makakarating sa kung nasaan sila ngayon? Anong bagay sa gawain ang maaaring napanatili hanggang ngayon? Iniisip ba ng mga taong ito na sila ay nasa sekular na mundo? Kung ang alinmang grupo sa sekular na mundo ay mawawalan ng pangangalaga ng isang pangkat ng mga indibidwal na may talento at mahusay, hindi nito makokompleto ang alinman sa mga proyekto nito. Ang gawain sa sambahayan ng Diyos ay naiiba. Ang Diyos ang nangangalaga, namumuno, at gumagabay sa gawain sa sambahayan ng Diyos. Huwag isipin na ang gawain sa sambahayan ng Diyos ay nakasalalay sa suporta ng sinumang tao. Hindi ito ang lagay, at ito ang pananaw ng isang walang pananampalataya. Sa palagay ba ninyo ay angkop para sa sambahayan ng Diyos na abandonahin ang masasamang tao tulad ng mga anticristo at walang pananampalataya? (Oo.) Bakit ito angkop? Dahil napakalaki ng mga kawalang naidulot ng paggamit sa mga taong iyon para magsagawa ng gawain, walang pigil na nilulustay ng mga taong iyon ang lakas-tao at mga pinansiyal na mapagkukunan, at wala silang anumang prinsipyo. Hindi sila nakikinig sa salita ng Diyos, at ganap silang kumikilos batay sa sarili nilang mga ambisyon at hangarin. Hindi nila nirerespeto ang mga salita ng Diyos o ang mga pagsasaayos ng gawain sa sambahayan ng Diyos, ngunit kapag may sinasabi ang isang anticristo, lubos nila itong nirerespeto, at nagsasagawa sila alinsunod dito. Nabalitaan ko na mayroong isang hangal na matatagpuan sa Europa, ngunit gumagawa ng mga gampaning nakabase sa Asya. Sinabi ng sambahayan ng Diyos na ililipat siya nito para gumawa ng pagpapalaganap ng ebanghelyo sa Europa, upang hindi na siya maabala sa pagkakaiba ng oras, pero hindi siya pumayag, at ayaw na niyang bumalik sa paggawa ng mga gampanin sa Europa, kahit na isinaayos ito ng sambahayan ng Diyos, sapagkat ang anticristong sinasamba niya ay nasa Asya, at ayaw niyang humiwalay sa kanyang amo. Hindi ba’t isa siyang hangal? (Oo.) Sabihin mo sa Akin, karapat-dapat ba siyang gumampan sa kanyang tungkulin? Kailangan ba natin siya? Ang mga pagsasaayos ng gawain na ginawa ng sambahayan ng Diyos ay angkop. Kung ikaw ay nasa Europa, dapat kang gumawa ng mga gampaning nakabase sa Europa at hindi sa Asya. Saanmang kontinente ka naroroon, dapat mong gawin ang mga gampanin doon, at sa gayon ay hindi ka na maaabala ng mga pagkakaiba ng oras—magandang bagay iyon! Gayunpaman, hindi pumayag ang taong ito. Hindi gumana sa kanya ang mga salita ng sambahayan ng Diyos; hindi siya magawang ilipat ng sambahayan ng Diyos, kinailangan niya ang kanyang amo para magdesisyon. Kung sasabihin ng kanyang amo na, “Bumalik ka para gawin ang mga gampanin sa Europa,” babalik siya para gawin ang mga gampaning iyon. Kung sasabihin ng kanyang amo na, “Hindi ka pwedeng bumalik para gawin ang mga gampanin sa Europa, kailangan kita para umasikaso sa mga bagay-bagay rito,” sasabihin niya, “Kung gayon, hindi ako pwedeng bumalik.” Para kanino siya nagserbisyo? (Para sa kanyang amo.) Nagserbisyo siya para sa kanyang amo—isang anticristo. Kung gayon, hindi ba’t dapat siyang malinis kasama ang kanyang amo? Hindi ba’t dapat siyang mapatalsik? (Oo.) Bakit galit na galit Ako sa mga taong ganito? Dahil gumagawa sila ng labis na kasamaan; kahit sino ay magagalit kapag nalaman ito. Sinusubukan ng mga taong ito na sadyang lansihin ang Diyos—iyon ay masyadong mapaminsala! Sabihin mo sa Akin, bakit ako galit na galit sa mga taong ganito? (Sinasabi nila na nananampalataya sila sa Diyos, pero ang totoo, nakikinig sila sa kanilang mga amo. Hindi sila tunay na sumusunod at nagpapasakop sa Diyos.) Ganap nilang inilaan ang kanilang sarili sa pagsunod sa mga diyablo at kay Satanas. Ang sinasabi nilang sumusunod sila sa Diyos ay isang panakip lamang. Sinusundan at pinaglilingkuran nila si Satanas sa likod ng pagkukunwaring pagsunod sa Diyos at paggugol ng kanilang sarili para sa Diyos, at sa huli, gusto pa rin nilang makakuha ng mga gantimpala at pagpapala mula sa Diyos. Hindi ba’t ganap iyon na walang kahihiyan? Hindi ba’t iyon ay ganap na hindi makatwiran at hindi na matutubos? (Oo.) Sabihin mo sa Akin, papanatilihin ba ng sambahayan ng Diyos ang mga ganitong tao? (Hindi.) Kung gayon, ano ang angkop na paraan ng pangangasiwa sa kanila? (Ang linisin sila, kasama ang kanilang mga amo.) Gusto nilang sundan ang kanilang mga amo, at masyado silang determinadong gumawa hanggang sa mamatay sila para lang sa kanilang mga amo; hindi nila pinangangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin, hindi nila ginagampanan ang kanilang mga tungkulin habang namumuhay sa harap ng Diyos, pinaglilingkuran nila ang kanilang mga amo sa loob ng isang grupo ng mga anticristo—ito ang diwa ng kanilang gawain. Kaya naman, kahit anong gawin nila, hindi ito maaalala. Ang mga taong tulad nito ay dapat linisin, ni hindi sila karapat-dapat na magbigay ng serbisyo! Kung gayon, sa palagay ba ninyo ay nagiging ganito lamang ang mga taong katulad nila dahil sa nakakatagpo sila ng masasamang tao o dahil sa ginagawa nila ang ganitong uri ng gawain? Naiimpluwensiyahan ba sila ng kanilang mga kapaligiran, o nililigaw ba sila ng masasamang tao? (Wala sa dalawang ito.) Kung gayon, bakit sila nagkakaganito? (Sila ay ganitong uri ng tao sa kanilang kalikasang diwa.) Ang mga taong ito ay may parehong kalikasang diwa sa kanilang mga among anticristo. Sila ay parehong uri ng tao. Mayroon silang parehong mga hilig, kaisipan, at pananaw, pati na rin ng mga diskarte at pamamaraan sa paggawa ng mga bagay-bagay; mayroon silang parehong wika at iisang landas ng paghahangad, at pareho ang kanilang mga hangarin, motibo, at pamamaraan sa pagkakanulo sa Diyos at panggugulo sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Isipin ninyo, pareho sila ng saloobin tungkol sa mga pagsasayos ng gawain sa sambahayan ng Diyos, kung saan nagsisinungaling sila sa kanilang mga nakatataas at naglilihim ng mga bagay-bagay sa mga nasa ibaba nila. Mayroon silang mga patakaran para sa mga nasa itaas nila at mga estratehiya para sa mga nasa ibaba nila. Sa mga nasa itaas nila, ganap silang masunurin sa panlabas, at sa mga nasa ibaba nila, nanggugulo sila paggawa ng masama. Mayroon silang parehong mga diskarte at pamamaraan. Kapag iwinawasto sila ng Itaas, sinasabi nila, “Nagkamali ako, mali ako, masama ako, masuwayin ako, isa akong diyablo!” At pagkatapos ay tatalikod sila at sasabihing: “Huwag nating ipatupad ang mga pagsasaayos ng gawain ng Itaas!” Pagkatapos nito, ginagawa lang nila ang mga bagay ayon sa sarili nilang kagustuhan. Ganap na iniraraos lang nila ang proseso sa pangangaral ng ebanghelyo, pinalalaki nila ang bilang, at nilalansi ang sambahayan ng Diyos. Ito ang mga pamamaraan ng mga grupong ito ng mga anticristo. Palagi nilang pinangangasiwaan ang mga pagsasaayos ng gawain gamit ang kanilang sariling mga estratehiya at pamamaraan—hindi ba’t nabubunyag ang kanilang mga demonyong mukha? Tao ba sila? Hindi, hindi sila tao, sila ay mga demonyo! Hindi tayo nakikipag-ugnayan sa mga demonyo, kaya magmadali tayong paalisin sila rito. Ayaw Kong makita ang kanilang malademonyong mukha; dapat silang umalis! Ang mga handang magserbisyo ay maaaring ipadala sa grupong B, ang mga ayaw magserbisyo ay maaaring itiwalag. Tama ba ang hakbang na ito? (Oo.) Ito ang pinakaangkop na hakbang! Pareho ang kanilang diwa, kaya kapag nag-uusap at kumikilos sila nang magkakasama, maayos at madali nila itong nagagawa, at kapag ginagawa nila ang mga bagay-bagay nang magkakasama, mayroong matibay na pagkakaisa at lihim na pagkakaunawaan sa pagitan nila. Sa sandaling ibuka ng mga among iyon ang kanilang bibig, anumang malademonyong bagay ang sasabihin nila, agad na tatalima ang kanilang mga tagasunod sa mga ito, at sa puso nila, magiging proud pa nga ang mga tagasunod na ito, iisipin na, “Tama ka, ganoon ang gawin natin! Masyadong maselan ang mga pagsasaayos ng gawain mula sa Itaas, hindi natin magagawa ang mga bagay-bagay nang ganoon.” Gaano man kahusay o kaespesipiko ang pagkakabigkas sa mga pagsasaayos ng gawain ng Itaas, ang mga ito ay hindi ipapatupad ng mga taong ito, at gaano man kabaluktot o kahangal ang mga bagay na sinasabi ng mga diyablo at ni Satanas, makikinig sila sa mga ito ito. Kung gayon, para kanino sila nagseserbisyo? Makakapagserbisyo ba ang mga ganitong tao sa sambahayan ng Diyos hanggang sa pinakahuli? (Hindi.) Hindi sila makakapagserbisyo hanggang sa pinakahuli. Nagpapakita man ng pagtitiyaga ang Diyos sa isang tao, o sa mga kilos ng isang diyablo, palaging may hangganan. Nagpapakita Siya ng pagpapaubaya sa mga tao hangga’t maaari, ngunit kapag umabot na ito sa isang partikular na punto, ilalantad Niya ang mga dapat ilantad, at palalayasin ang mga dapat palayasin. Kapag umabot na sa puntong ito, wala nang magagawa ang mga taong iyon. Ito ay hindi lamang sa hindi nila hinahangad o minamahal ang katotohanan, ito ay na salungat sa katotohanan ang kanilang kalikasang diwa. Isipin mo ito, sa tuwing nagsasalita ka tungkol sa mga positibong bagay, dalisay na pagkaunawa, o mga prinsipyo na naaayon sa katotohanan, hindi sila nakikinig. Kung mas dalisay ang iyong mga salita, mas sumasama ang loob nila. Sa sandaling magsimula kang magsalita tungkol sa mga katotohanang prinsipyo, hindi sila mapakali, at naghahanap sila ng mga dahilan na maiba ang usapan, na mailipat ang atensiyon, o kaya’y pasimple silang nagsasalin ng tubig para uminom. Sa sandaling magbahagi ka sa katotohanan o magsalita tungkol sa pagkilala sa iyong sarili, naiinis sila, at ayaw nilang makinig. Kung hindi man nila kinakailangang gumamit ng banyo, nauuhaw o nagugutom naman sila, o kaya’y inaantok, o kinakailangan daw nilang sagutin ang isang tawag o asikasuhin ang isang bagay. Palagi silang may palusot, at hindi sila mapakali. Kung gagamitin mo ang kanilang mga pamamaraan, at pag-uusapan ang kanilang mga pahayag at diskarte na tanging nagdudulot ng mga pagkagambala at kaguluhan, magiging masigasig sila, at nagagawa nilang magsalita nang tuloy-tuloy. Kung hindi kayo parehon ng wika, ayaw nila sa iyo at iiwasan ka nila. Ito ay mga tipikal na diyablo! May ilang tao na, hanggang ngayon, ay hindi pa rin makakilatis sa ganitong uri ng diyablo, at iniisip nila na sadyang hindi lang hinahangad ng mga taong ito ang katotohanan. Bakit napakahina ng pag-iisip nila? Bakit nila nasasabi ang mga ganitong kamangmangan? Hindi lang ba talaga hinahangad ng mga taong iyon ang katotohanan? Hindi, sila ay masasamang demonyo, at sawang-sawa na sila sa katotohanan. Ang mga taong iyon ay kumikilos nang maayos sa mga pagtitipon, pero pagkukunwari lang ang lahat ng iyon. Sa totoo lang, nakikinig ba talaga sila sa nilalaman na ibinabahagi o sa mga salita ng Diyos na binabasa sa mga pagtitipon? Ilang salita ang talagang pinakikinggan nila? Ilan ang tinatanggap nila? Ilan ang kaya nilang sundin? Hindi man lang sila makapagsalita tungkol sa mga pinakasimple at pinakapangkaraniwang sinasalitang doktrina. Pagdating sa mga taong ganoon, gaano man sila katagal nang gumagawa, o kung anong antas ng lider o superbisor ang pinaglilingkuran nila, hindi nila kayang mangaral ng mga sermon, o magsalita tungkol sa kanilang sariling mga karanasan. Kung may magsasabing, “Magsalita ka nang kaunti tungkol sa kaalaman mo sa isang bagay. Hindi mo kailangang magkaroon ng karanasan tungkol dito, magsalita ka lang tungkol sa mga kaalaman at pag-unawang mayroon ka tungkol dito,” hindi nila maibubuka ang kanilang bibig, parang sineselyuhan ang mga ito, at hindi man lang sila makapagsasalita tungkol sa ilang doktrina. Kung makapagsalita man sila nang sapilitan tungkol dito, magiging nakakaasiwa at kakaiba ito pakinggan. Sinasabi ng ilang kapatid: “Bakit kaya kapag nangangaral ang ilang lider ng mga sermon, para silang mga guro na nagbabasa ng teksto sa mga bata kung pakikinggan? Bakit nakakaasiwa at kakaiba ang dating nito?” Ito ay tinatawag na hindi marunong mangaral ng mga sermon. At bakit hindi sila marunong mangaral ng mga sermon? Ito ay dahil wala silang katotohanang realidad. Bakit wala silang katotohanang realidad? Dahil hindi nila tinatanggap ang katotohanan, nayayamot sila rito sa kanilang puso, at lumalaban sila sa anumang prinsipyo o pahayag ng katotohanan. Kung sinasabing lumalaban sila, posibleng hindi mo ito makikita mula sa panlabas, kaya paano mo masasabing lumalaban sila? Gaano man magbahagi sa katotohanan ang sambahayan ng Diyos, itatatwa at tatanggihan nila ito sa puso nila, at lubos na masusuklam dito. Gaano man magbahagi ang ibang tao sa kaalaman ng mga ito sa katotohanan, iisipin nila, “Maaaring paniwalaan mo iyan, pero ako hindi.” Paano ba nila sinusukat kung ang isang bagay ay ang katotohanan? Hangga’t ito ay isang bagay na pinaniniwalaan nilang mabuti at tama, iisipin nila na ito ang katotohanan. Kung hindi nila gusto ang isang pahayag, kung gayon, kahit gaano pa ito katama, hindi nila ito ituturing na katotohanan. Kaya naman, kung titingnan natin ang ugat ng usaping ito, sa kaibuturan ng kanilang puso, lumalaban sila sa katotohanan, nayayamot sila sa katotohanan, at napopoot sila sa katotohanan. Ang katotohanan ay walang puwang sa puso nila—kinamumuhian nila ito. Maaaring hindi ito makita ng ilang tao, at sasabihing, “Hindi ko sila karaniwang nakikitang nagsasabi ng anumang bagay na nakakainsulto sa Diyos, lumalapastangan sa katotohanan, o lumalabag sa mga katotohanang prinsipyo.” Pagkatapos, mayroong isang katunayan na nakikita nila: Ang bawat partikular na detalyeng itinakda ng mga pagsasaayos ng gawain sa sambahayan ng Diyos ay kinakailangan, at isinusulong upang maprotektahan ang mga interes ng gawain ng Diyos, ang pag-usad ng buhay ng mga hinirang ng Diyos, ang normal na kaayusan ng buhay-iglesia, at ang normal na pagpapalawig ng gawain ng ebanghelyo. Ang punto ng mga pagsasaayos ng gawain sa bawat yugto ng panahon, at ang partikular na pagsasabak, pag-oorganisa, at pagbabago sa bawat aspekto ng gawain, ay upang protektahan ang normal na pag-unlad ng gawain sa sambahayan ng Diyos, at higit pa rito, upang tulungan ang mga kapatid na makaunawa at makapasok sa mga katotohanang prinsipyo. Upang maging mas tumpak, masasabi na dinadala ng mga bagay na ito sa harap ng Diyos ang mga kapatid at tinutulungan silang makapasok sa mga katotohanang realidad, na inaakay at hinihila ng mga bagay na ito ang bawat tao pasulong, hinahawakan ang kanilang mga kamay habang nagtuturo, sumusuporta, at nagtutustos sa kanila. Pagdating sa pagpapatupad ng mga pagsasaayos ng gawain, ito man ay partikular na pagbabahagi tungkol dito sa mga pagtitipon, o pagpapalaganap nito sa pamamagitan ng pagsasalita, ang layon ay bigyang-daan ang mga hinirang ng Diyos na makaranas sa gawain ng Diyos, at makapagkamit sa tunay na buhay pagpasok, at ito ay palaging kapaki-pakinabang sa buhay pagpasok ng mga hinirang ng Diyos. Walang ni isang pagsasaayos ang nakapipinsala sa gawain ng sambahayan ng Diyos o sa buhay pagpasok ng mga hinirang ng Diyos, at walang pagsasaayos ang lumilikha ng mga kaguluhan o pagkawasak. Gayunpaman, hindi kailanman nirerespeto ng mga anticristo itong mga pagsasaayos ng gawain o ipinapatupad ang mga ito. Sa halip, kinamumuhian nila ang mga ito, iniisip na ang mga ito ay napakasimple at hindi kapansin-pansin, na hindi kahanga-hanga ang mga ito gaya ng kung paano sila mismo gumagawa, at na hindi sila makatatanggap ng mas higit na pakinabang sa kanilang katanyagan, katayuan, at reputasyon habang ginagawa ang gawaing ito. Bilang resulta, hindi nila kailanman pinakikinggan ang mga pagsasaayos ng gawain o tinatanggap ang mga ito, at lalong hindi nila ito ipinapatupad. Sa halip, ginagawa nila ang mga bagay ayon sa sarili nilang kagustuhan. Batay rito, sabihin mo sa Akin, sadya lang bang hindi hinahangad ng mga anticristo ang katotohanan? Mula sa puntong ito, malinaw mong makikita na napopoot sila sa katotohanan. Kung sinasabing napopoot sila sa katotohanan, hindi mo ito makikita, ngunit sa pamamagitan ng pagtingin sa kung paano pinangangasiwaan ng mga anticristong iyon ang pagpapatupad ng mga pagsasaayos ng gawain, mababatid mo ito. Napakalinaw na pagdating sa kung paano pinangangasiwaan ng mga huwad na lider at manggagawa ang mga pagsasaayos ng gawain, kadalasan, iniraraos lang nila ang proseso, pinag-uusapan ang mga pagsasaayos ng gawain nang isang beses, at iyon lang. Hindi nila isinasagawa nang tama ang kasunod na pagsusubaybay at pag-oobserba, o ang partikular na gawain. Ito ay mga huwad na lider. Ang mga huwad na lider, kahit papaano, kaya pa rin nilang ipatupad ang mga pagsasaayos ng gawain, iraos ang proseso, at panatilihin ang mga ito. Samantala, hindi man lang mapanatili ng mga anticristo ang mga pagsasaayos ng gawain, tumatanggi lang silang tanggapin o ipatupad ang mga ito, at sa halip ay ginagawa nila ang mga bagay-bagay ayon sa sarili nilang kagustuhan. Ano ang isinasaalang-alang nila? Ang kanilang sariling katayuan, kasikatan, at katanyagan. Isinasaalang-alang nila kung pinahahalagahan ba sila ng Itaas, kung gaano karaming kapatid ang sumusuporta sa kanila, kung gaano karaming puso ng mga tao ang mayroon silang puwang, kung gaano karaming puso ng mga tao ang pinamumunuan nila, kinokontrol ang mga taong iyon, at kung gaano karaming tao ang nasa kapangyarihan nila. May pakialam sila sa mga bagay na iyon. Hindi nila kailanman iniisip kung paano didiligan o tutustusan ang mga kapatid sa paglatag ng pundasyon sa tunay na daan, at lalong hindi nila iniisip kung kumusta ang buhay pagpasok ng mga kapatid, kung paano ginagampanan ng mga kapatid ang kanilang mga tungkulin, ito man ay pagpapalaganap ng ebanghelyo o ng iba pang uri ng tungkulin, o kung kaya ba nilang kumilos ayon sa mga prinsipyo, at kailanman ay wala silang pakialam kung paano dalhin ang mga kapatid sa harap ng Diyos. Wala silang pakialam sa mga bagay na iyon. Hindi ba’t nakalatag ang lahat ng katunayang ito sa harap ng iyong mga mata? Hindi ba’t ang mga ito ay mga pagpapamalas na madalas mong nakikita sa mga anticristo? Hindi ba’t sapat na patunay ang mga katunayang ito na ang mga taong ito ay napopoot sa katotohanan? (Oo.) Sa lahat ng panahon, ang tanging mga bagay na pinahahalagahan ng isang anticristo ay katayuan, kasikatan, at katanyagan. Sabihin nang inilagay mo ang isang anticristo para mamahala sa buhay-iglesia, upang magkaroon ng maayos na buhay-iglesia ang mga kapatid, at tulungan silang maunawaan ang katotohanan at mailatag ang kanilang mga pundasyon habang namumuhay sa buhay-iglesia, upang magtaglay ng tunay na pananampalataya sa Diyos, humarap sa Diyos, at magkaroon ng kakayahang mamuhay nang nakapag-iisa, at magkaroon ng pananalig na magampanan ang kanilang mga tungkulin. Sa ganoong paraan, ang gawain ng pagpapalawig ng ebanghelyo sa sambahayan ng Diyos ay magkakaroon ng ilang reserbang puwersa, at mas maraming mahuhusay na manggagawa ng ebanghelyo ang patuloy na mailalaan upang matupad ang kanilang mga tungkulin sa pagpapalawig ng ebanghelyo. Ganoon ba ang iisipin ng anticristo? Talagang hindi ganoon ang iisipin nila. Sasabihin nila: “Ano ba ang halaga ng buhay-iglesia? Kung buong-pusong namumuhay ang lahat sa buhay-iglesia, at nagbabasa ng mga salita ng Diyos, at kung nauunawaan nilang lahat ang katotohanan, sino ang makikinig sa mga utos ko? Sinong magmamalasakit sa akin? Sino ang magbibigay-pansin sa akin? Hindi ko pwedeng hayaan ang lahat na tumuon sa buhay-iglesia sa lahat ng oras o na mahumaling dito. Kung ang lahat ay palaging nagbabasa ng mga salita ng Diyos, at kung ang lahat ay humarap na sa Diyos, sino ang maiiwan sa paligid ko?” Hindi ba’t ganito ang saloobin ng isang anticristo? (Oo.) Iniisip nila na kung pagtutuunan nila ang pagtutustos sa mga kapatid sa pagkamit ng katotohanan at buhay, makasasama ito sa kanilang paghahangad ng katanyagan, pakinabang, at katayuan. Iniisip nila: “Kung igugugol ko ang lahat ng oras ko sa paggawa ng mga bagay para sa mga kapatid, magkakaroon pa ba ako ng panahon para hangarin ang katanyagan, pakinabang, at katayuan? Kung pupurihin ng lahat ng kapatid ang pangalan ng Diyos at susundin ang Diyos, wala nang matitirang susunod sa akin. Masyadong kahiya-hiya iyon para sa akin!” Ito ang mukha ng isang anticristo. Ang mga anticristo ay hindi lamang bastang nabibigong hangarin ang katotohanan; labis silang nayayamot sa katotohanan. Sa kanilang pansariling kamalayan, hindi nila sinasabing: “Napopoot ako sa katotohanan, napopoot ako sa Diyos, at napopoot ako sa lahat ng pagsasaayos ng gawain, sa mga pahayag, at sa mga pagsasagawa na kapaki-pakinabang sa mga kapatid.” Hindi nila ito sasabihin. Gumagamit lamang sila ng ilang diskarte at pag-uugali para labanan ang mga pagsasagawa ng gawain sa sambahayan ng Diyos. Kaya, ang diwa ng mga diskarte at pag-uugaling ito ay na, ginagawa nila ang mga bagay-bagay ayon sa sarili nilang kagustuhan, at pinapasunod at pinapasakop sa kanila ang ibang tao. Dahil dito, anuman ang gawin ng sambahayan ng Diyos, hindi nila ito rerespetuhin. Hindi ba’t ganito ang lagay? (Oo.) Maraming beses na tayong nagbahaginan noon tungkol sa mga pagpapamalas na ito ng mga anticristo. Maliit ang tayog ninyo, at mababaw ang inyong pagkaunawa sa katotohanan; napakaraming kasamaan ang ginawa ng mga anticristo sa harap mismo ng inyong mga mata, subalit nabigo kayong makilatis ito. Kayo ay hangal at kahabag-habag, manhid at mahina ang isip, naghihikahos at bulag. Ito ang inyong tunay na mga pagpapamalas at ang inyong tunay na tayog. Ang mga anticristo ay nagdudulot ng napakaraming gulo at ng napakalaking kawalan sa gawain ng sambahayan ng Diyos, at mayroon pa ring mga tao na nagsasabing dapat silang gamitin para maglingkod. Ang paggamit sa kanila ay nagdudulot ng mas maraming pinsala kaysa sa kabutihan, ngunit hindi mo alam kung paano sila tanggalin o pangasiwaan—ilang taon pa ba ang aabutin para magbago ang tayog at mga ideya mong ito? Ang ilang tao ay palaging nagmamayabang, “Ako ay isang taong naghahangad sa katotohanan,” ngunit hindi nila makilatis ang mga anticristo kapag nakakatagpo nila ang mga ito, at maaaring sumusunod pa nga sila sa mga anticristong iyon—nasaan ang mga pagpapamalas ng kanilang paghahangad sa katotohanan? Narinig na nila ang napakaraming sermon, ngunit wala pa rin silang pagkakilatis. Sige na, tatapusin Ko na rito ang pagbabahaginan natin tungkol sa paksang ito, at sa susunod ay pag-uusapan natin ang tungkol sa ating pangunahing paksa.

Sa huli nating pagtitipon, nagbahaginan tayo tungkol sa nilalaman na nauugnay sa mga ekspektasyon ng magulang sa loob ng “pagbitiw sa mga pasanin na nagmumula sa pamilya.” Tapos na tayong magbahaginan tungkol sa mga nauugnay na prinsipyo at pangunahing paksa na kasangkot dito. Ang kasunod, magbabahaginan tayo sa isa pang aspekto ng pagbitiw sa mga pasanin na nagmumula sa pamilya—ang pagbitiw sa mga ekspektasyon sa anak. Sa pagkakataong ito, magpalit tayo papel. Tungkol sa nilalaman na may kinalaman sa mga ekspektasyon ng magulang, ito ang ilang bagay na dapat gawin ng mga tao mula sa perspektiba ng isang anak. Pagdating sa kung paano dapat harapin at pangasiwaan ng mga anak ang iba’t ibang ekspektasyon sa kanila ng kanilang mga magulang, at ang iba’t ibang diskarte na ginagamit ng kanilang mga magulang sa kanila, at kung anong mga prinsipyo ang dapat nilang isagawa, ito ay tungkol sa tamang pagharap sa iba’t ibang problema na nagmumula sa mga magulang galing sa perspektiba ng isang anak. Ngayon, magbahaginan tayo tungkol sa paksang “ang pagbitiw sa mga ekspektasyon sa anak,” na hinggil sa pangangasiwa sa iba’t ibang problema ng mga tao tungkol sa kanilang mga anak mula sa perspektiba ng isang magulang. May mga aral na dapat matutunan at mga prinsipyong dapat sundin dito. Bilang anak, ang pinakamahalaga ay ang kung paano mo dapat harapin ang mga ekspektasyon ng iyong mga magulang, kung anong uri ng saloobin ang dapat mong panghawakan tungo sa mga ekspektasyong ito, pati na rin kung paano sumunod, at anong mga prinsipyo ng pagsasagawa ang dapat mong taglayin sa sitwasyong ito. Natural na ang bawat tao ay may pagkakataon na maging isang magulang, o maaaring magulang na sila; ito ay may kinalaman sa mga ekspektasyon at saloobin na mayroon ang mga tao sa kanilang mga anak. Ikaw man ay ang magulang o ang anak, dapat kang magtaglay ng iba’t ibang prinsipyo sa pagharap sa mga ekspektasyon ng kabilang panig. Ang mga anak ay may mga prinsipyong dapat nilang sundin pagdating sa pagharap sa mga ekspektasyon ng kanilang mga magulang, at natural na may mga katotohanang prinsipyo rin ang mga magulang na dapat nilang sundin para sa pagharap sa mga ekspektasyon ng kanilang mga anak. Kaya’t isipin muna ito, anong mga prinsipyo ang nakikita o naiisip ninyo ngayon na dapat sundin ng mga magulang sa kanilang pagtrato sa mga anak nila? Kung pag-uusapan natin ang tungkol sa mga prinsipyo, maaaring medyo malayong may alam kayo rito, at maaaring masyadong malawak at malalim ang paksa, kaya, sa halip ay pag-usapan natin kung ano ang mga ekspektasyon mo para sa iyong mga anak kung ikaw ay isang magulang. (Diyos ko, kung magiging isa akong magulang balang araw, unang-una sa lahat, sana ay magiging malusog ang mga anak ko, at lumaki silang malusog. At saka, sana magkaroon sila ng sarili nilang mga pangarap at maging ambisyoso sa pagtupad ng kanilang mga pangarap sa buhay, na magkaroon sila ng magandang kinabukasan. Ito ang dalawang pangunahing bagay na nanaisin ko.) Nanaisin mo rin ba na maging opisyal na may mataas na ranggo ang mga anak mo o na maging napakayaman nila? (Nanaisin ko rin ang mga bagay na iyon. Nanaisin ko na kahit papaano ay umunlad sila sa buhay, maging mas mahusay kaysa sa ibang tao, at tingalin sila ng iba.) Ang mga pinakabatayang hinihingi ng mga magulang para sa kanilang mga anak ay na maging malusog ang katawan nila, magtagumpay sila sa kanilang propesyon, umunlad sa buhay, at maging maayos ang takbo ng lahat ng aspekto ng kanilang buhay. Mayroon bang iba’t ibang ekspektasyon ang mga magulang para sa kanilang mga anak? Kung sino man ang may anak, magsalita ka. (Nais kong maging malusog ang mga anak ko, at sana’y maging maayos ang takbo ng kanilang buhay, at maging mapayapa at ligtas ang kanilang buhay. Sana ay maging magkasundo sila ng kanilang pamilya, at na magagawa nilang respetuhin ang matatanda at alagaan ang mga bata.) May nais pa ba kayong idagdag? (Kung ako ay magiging isang magulang balang araw, bukod sa mga ekspektasyong kababanggit pa lang, nanaisin ko rin na magiging masunurin at matino ang mga anak ko, na magiging mabuting anak sila sa akin, at na makakaasa ako sa kanila na alagaan ako sa aking pagtanda.) Napakahalaga ng ekspektasyong ito. Ang mga magulang na umaasa sa kanilang mga anak na magpapakita ng paggalang sa magulang ay isang relatibong tradisyonal na ekspektasyon na taglay ng mga tao sa kanilang mga kuru-kuro at subconscious. Ito ay medyo tipikal na bagay.

Ang pagbitiw sa mga ekspektasyon sa anak ay isang napakahalagang parte ng pagbitiw sa mga pasanin na nagmumula sa pamilya. May ilang ekspektasyon ang lahat ng magulang sa kanilang mga anak. Malaki man o maliit ang mga ito, malapit o malayo, ang mga ekspektasyong ito ay isang saloobin na mayroon ang mga magulang sa pag-asal, kilos, buhay ng kanilang mga anak, o sa kung paano sila hinaharap ng kanilang mga anak. Ang mga ito ay isa ring uri ng partikular na hinihingi. Ang mga partikular na hinihinging ito, mula sa perspektiba ng kanilang mga anak, ay mga bagay na dapat nilang gawin, dahil, batay sa mga tradisyonal na kuru-kuro, hindi pwdeng sumuway ang mga bata sa utos ng kanilang mga magulang—kung gagawin nila iyon, hindi sila mabuting anak. Dahil dito, malalaki at mabibigat na pasanin ang dinadala ng maraming tao tungkol sa bagay na ito. Kaya, hindi ba’t dapat maunawaan ng mga tao kung makatwiran ba o hindi ang mga partikular na ekspektasyon ng mga magulang para sa kanilang mga anak, at kung dapat bang mayroon ganitong mga ekspektasyon ang kanilang mga magulang o hindi, pati na rin kung alin sa mga ekspektasyong ito ang makatwiran, alin ang hindi makatwiran, alin ang marapat, at alin ang sapilitan at hindi marapat? Higit pa rito, mayroong mga katotohanang prinsipyo na dapat unawain at sundin ng mga tao pagdating sa kung paano nila dapat harapin ang mga ekspektasyon ng magulang, kung paano nila dapat tanggapin o tanggihan ang mga ito, at kung anong saloobin at perspektiba nila dapat tingnan at harapin ang mga ekspektasyong ito. Kapag hindi nalutas ang mga bagay na ito, madalas na dinadala ng mga magulang ang mga ganitong uri ng pasanin, iniisip na responsabilidad at obligasyon nila na magkaroon ng mga ekspektasyon sa kanilang mga anak, at, natural, na mayroong higit pang mga bagay na dapat nilang taglayin. Iniisip nila na kung wala silang mga ekspektasyon sa kanilang mga anak, kapareho lang ito ng hindi pagtupad sa kanilang mga responsabilidad o obligasyon sa kanilang mga supling, at katumbas ng hindi paggawa sa mga dapat gawin ng mga magulang. Iniisip nila na magiging masamang magulang sila dahil dito, mga magulang na hindi tumutupad sa kanilang mga responsabilidad. Samakatuwid, pagdating sa usapin ng mga ekspektasyon nila sa kanilang mga anak, di-sinasadyang bumubuo ng iba’t ibang hinihingi ang mga tao para sa kanilang mga anak. Mayroon silang iba’t ibang hinihingi para sa iba’t ibang anak sa iba’t ibang panahon at sa ilalim ng iba’t ibang sitwasyon. Dahil sa ganitong uri ng pananaw at pasanin nila pagdating sa kanilang mga anak, ginagawa ng mga magulang ang mga bagay na dapat nilang gawin ayon sa mga hindi opisyal na panuntunang ito, tama man o mali ang mga ito. Mayroong mga hinihingi ang mga magulang sa kanilang mga anak habang tinatrato ang mga pamamaraang ito bilang isang obligasyon at responsabilidad, at kasabay nito, ipinipilit nila ang mga ito sa kanilang mga anak na tamuhin ng kanilang mga anak ang mga ito. Hatiin natin ang usaping ito sa ilang bahagi sa ating pagbabahaginan; mas magiging malinaw ito sa ganoong paraan.

Bago umabot sa hustong gulang ang kanilang mga anak, isinulong na ng mga magulang ang iba’t hinihingi para sa kanilang mga anak. Siyempre, sa loob ng iba’t ibang hinihinging ito, inihahabilin din nila sa kanilang mga anak ang iba’t ibang uri ng ekspektasyon. Kaya, habang inihahabilin ng mga magulang ang iba’t ibang ekspektasyon sa kanilang mga anak, personal silang nagbabayad ng iba’t ibang halaga at gumagawa ng iba’t ibang uri ng paraan para maisakatuparan ang mga ekspektasyong ito. Kaya, bago umabot sa hustong gulang ang mga anak, iba’t ibang paraan ang pagtuturo sa kanila ng mga magulang, at mayroong iba’t ibang hinihingi sa kanila ang mga magulang. Halimbawa, mula sa murang edad, sinasabi ng mga magulang sa kanilang mga anak: “Kailangan mong mag-aral nang mabuti at higit pang mag-aral. Magiging mas magaling ka lang kaysa sa iba at hindi ka mamaliitin ng iba kung mag-aaral ka nang mabuti.” Mayroon ding mga magulang na nagtuturo sa kanilang mga anak na, paglaki ng mga ito, kailangang magpakita ng pagiging mabuting anak sa kanila ang mga ito, hanggang sa punto na, kahit dalawa o tatlong taong gulang pa lang ang kanilang mga anak, palagi nilang tinatanong ang mga ito: “Aalagaan mo ba ang papa mo kapag malaki ka na?” At sinasabi ng kanilang mga anak: “Oo.” Nagtatanong sila: “Aalagaan mo ba ang mama mo?” “Oo.” “Mas mahal mo ba ang papa mo o ang mama mo?” “Mahal ko ang papa ko.” “Hindi, kailangan mo munang sabihin na mahal mo ang mama mo, tapos, sabihin mo na mahal mo ang papa mo.” Natututuhan ng kanilang mga anak ang mga bagay na ito mula sa mga magulang. Ang turo ng kanilang mga magulang, sa pamamagitan man ng salita o ng halimbawa, ay may malalim na impluwensiya sa murang isipan ng mga bata. Siyempre, nagbibigay din ito sa kanila ng partikular na dami ng kaalaman, tinuturuan sila nito na ang kanilang mga magulang ay ang mga taong pinakanagmamahal at pinakasumasamba sa kanila sa mundo, at ang mga taong pinakanararapat nilang pakitaan ng pagsunod at pagiging mabuting anak. Natural na nakikintal sa kanilang murang isipan ang ideya na “Dahil ang mga magulang ko ang mga taong pinakamalapit sa akin sa mundo, dapat palagi ko silang sundin.” Kasabay nito, umuusbong ang isang ideya sa kanilang murang isipan—sapagkat ang mga magulang nila ang mga taong pinakamalapit sa kanila, ang lahat ng ginagawa ng kanilang mga magulang ay dapat para tiyakin na magkaroon ng magandang pamumuhay ang kanilang mga anak. Dahil dito, iniisip nila na dapat nilang tanggapin nang walang kondisyon ang mga kinikilos ng kanilang mga magulang; kahit anong uri ng pamamaraan ang ginagamit ng mga ito, makatao man o hindi ang mga ito, naniniwala sila na dapat nilang tanggapin ang mga ito. Sa edad kung saan hindi pa nila kayang makakilatis ng kung ano ang tama at mali, ang turo ng kanilang mga magulang, sa pamamagitan ng mga salita o ng halimbawa, ay nagtatanim ng ganitong uri ng ideya sa loob nila. Habang nasa ilalim ng ganitong uri ng ideya, maaaring ipagawa ng mga magulang ang iba’t ibang bagay sa kanilang mga anak, sa ilalim ng pagkukunwaring nais lang nila kung ano ang ikabubuti para sa kanilang mga anak. Kahit na ang ilan sa mga bagay na iyon ay hindi ayon sa pagkatao, o sa mga talento, kakayahan, o kagustuhan ng kanilang mga anak, sa ilalim ng mga sitwasyong ito, kung saan walang karapatang kumilos nang kusa o nang nakapagsasarili ang kanilang mga anak, walang magagawa at walang kakayahan ang mga anak na tumutol sa mga diumano’y ekspektasyon at hinihingi ng kanilang mga magulang. Ang magagawa lang nila ay sundin ang bawat sabihin ng kanilang mga magulang, hayaang masunod ang kanilang mga magulang, hayaang kontrolin sila ng kanilang mga mga magulang, at akayin sila ng kanilang mga magulang sa anumang uri ng landas. Samakatuwid, bago umabot sa hustong gulang ang kanilang mga anak, ang lahat ng ginagawa ng mga magulang, ito man ay hindi sinasadya o may mabuting intensiyon, magkakaroon ito ng kaunting positibo o negatibong epekto sa pag-asal at pagkilos ng kanilang mga anak. Ibig sabihin, ang lahat ng kanilang ginagawa ay magkikintal ng iba’t ibang ideya at pananaw sa kanilang mga anak, at maaaring ang mga ideya at maaaring pa ngang naibaon nang malalim sa subconscious ng kanilang mga anak ang mga ideya at pananaw na ito, upang kapag umabot na sila sa hustong gulang, malalim pa ring maiimpluwensiyahan ng mga ideya at pananaw na ito ang patingin nila sa mga tao at mga bagay, ang kanilang pag-asal at pagkilos, at maging ang mga landas na tinatahak nila.

Bago sila umabot sa hustong gulang, hindi makatutol ang mga bata sa kanilang mga kapaligiran ng pamumuhay, sa kanilang minana, o sa itinuro ng kanilang mga magulang sa kanila, dahil wala pa sila sa hustong gulang, at hindi pa nila masyadong nauunawaan ang mga bagay-bagay. Kapag nagsasalita Ako tungkol sa panahong bago umabot sa hustong gulang ang isang bata, ang tinutukoy Ko ay kapag ang isang bata ay hindi nakapag-iisip o nakapaghuhusga kung ano ang tama at mali nang mag-isa. Sa mga sitwasyong ito, maaari lamang hayaan ng mga bata na kontrolin sila ng kanilang mga magulang. Ito ay dahil mismo ang mga magulang ang nagdedesisyon tungkol sa lahat ng bagay bago umabot sa hustong gulang ang kanilang mga anak, na sa panahon ng masamang yugtong ito, panghahawakan ng mga magulang ang mga kaukulang pamamaraan ng pagtuturo, mga ideya, at mga pananaw batay sa mga kalakarang panlipunan, para udyukan ang kanilang mga anak na gawin ang ilang bagay. Halimbawa, napakatindi ng kompetisyon ngayon sa lipunan. Naimpluwensiyahan ang mga magulang ng iba’t ibang kalakaran at kasunduan sa lipunan, kaya tinatanggap nila ang ideyang ito na matindi ang kompetisyon, at agad nila itong ipinapasa sa kanilang mga anak. Tinatanggap nila na napakatindi ng penomena at ng kalakaran ng kompetisyon sa lipunan, pero ang nararamdaman nila ay kagipitan. Kapag naramdaman nila ang kagipitang ito, agad nilang naiisip ang kanilang mga anak, sinasabing: “Napakatindi ng kompetisyon sa lipunan ngayon, hindi naman ito ganito noong bata pa kami. Kung ang mga anak namin ay mag-aaral, magtatrabaho, at haharap sa lipunan, at iba’t ibang tao at bagay sa parehong paraang ginawa namin noon, madali silang mapapalayas sa lipunan. Kaya, dapat naming samantalahin ang katunayan na bata pa sila, kailangan naming umpisahang impluwensiyahan sila ngayon—hindi namin pwedeng hayaang matalo ang aming mga anak sa simula pa lang.” Matindi ang kompetisyon ngayon sa lipunan, at lahat ng tao ay may malalaking inaasam para sa kanilang mga anak, kaya’t agad nilang ipinapasa sa kanilang mga anak ang kagipitang ito na tinanggap nila mula sa lipunan. Ngayon, alam na ba ito ng kanilang mga anak? Dahil wala pa sila sa hustong gulang, hindi nila ito alam. Hindi nila alam kung tama o mali ang panggigipit na ito mula sa kanilang mga magulang, o kung dapat ba nilang tanggihan o tanggapin ito. Kapag nakikita ng mga magulang na kumikilos nang ganito ang kanilang mga anak, sinasaway nila ang mga ito: “Bakit ba napakahangal mo? Masyadong matindi ang kompetisyon ngayon sa lipunan, at wala ka pa ring naiintindihan. Bilisan mo at mag-aral ka na sa kindergarten!” Sa anong edad nag-aaral sa kindergarten ang mga bata? Ang ilan sa kanila ay nagsisimula sa tatlo o apat na taong gulang. Bakit ganito? Sa lipunan ngayon, pinapakalat ang isang parirala: Hindi mo pwedeng hayaang matalo ang iyong mga anak sa simula pa lang, ang edukasyon ay dapat magsimula sa napakaagang edad. Kita mo, nagdurusa ang ang mga bata sa nakapamurang edad, at nagsisimula sila sa kindergarten sa tatlo o apat na taong gulang. At anong uri ng kindergarten ang pinipili ng mga tao? Sa mga ordinaryong kindergarten, madalas na naglalaro ang mga guro ng “Ang Agila at ang mga Manok” kasama ang mga bata, kaya iniisip ng mga magulang na hindi nila pwedeng piliin ang mga ganoong kindergarten. Naniniwala sila na kailangan nilang pumili ng isang magara at bilingual na kindergarten. At para sa kanila, hindi sapat ang matuto ng isang wika lamang. Kapag hindi pa rin magaling magsalita ang mga bata sa kanilang sariling wika, kailangan nilang matuto ng pangalawang wika. Hindi ba’t pinahihirapan nito ang mga bata? Ngunit ano ang sinasabi ng mga magulang? “Hindi natin pwedeng hayaang matalo ang anak natin sa simula pa lang. Sa panahon ngayon, mayroong mga isang taong gulang na bata na tinuturuan ng mga yaya sa bahay. Sariling wika ang sinasalita ng mga magulang ng mga bata, at ang mga yaya ay nagsasalita ng pangalawang wika, tinuturuan ang mga bata ng Ingles, Espanyol, o Portuges. Apat na taong gulang na ang anak namin, medyo matanda na sila. Kung hindi natin sisimulan ang pagtuturo sa kanila ngayon, magiging huli na ang lahat. Kailangan nating simulan ang pagtuturo sa kanila nang maaga hangga’t maaari, at maghanap ng kindergarten na nagtuturo sa dalawang wika, kung saan may bachelor’s at master’s degree ang mga guro.” Sinasabi ng mga tao: “Masyadong mahal ang ganoong paaralan.” Sumasagot sila: “Ayos lang. Malaki ang bahay namin; pwede kaming lumipat sa isang mas maliit na bahay. Ibebenta namin ang aming bahay na may tatlong silid at papalitan ito ng may dalawang silid lang. Iipunin namin ang perang iyon at gagamitin para papag-aralin ang anak namin sa isang magarang kindergarten.” Hindi sapat ang pagpili ng magandang kindergarten, sa tingin nila ay kailangan nilang kumuha ng mga tutor para tulungan ang kanilang mga anak na mag-aral para sa Mathematical Olympiad sa bakanteng oras ng mga ito. Kahit na likas na ayaw ng kanilang mga anak na mag-aral para dito, kailangan pa rin itong gawin ng mga anak nila, at kung mabibigo ang mga ito sa pag-aaral dito, kung gayon, mag-aaral ang mga ito ng pagsayaw. Kung hindi sila magaling sumayaw, mag-aaral silang kumanta. Kung hindi sila magaling kumanta, at nakita ng kanilang mga magulang na maganda ang kanilang katawan, at may mahahabang braso at binti, iisipin ng mga magulang nila na pwede silang maging isang modelo. Pagkatapos ay ipapadala sila ng kanilang mga magulang sa art school para mag-aral ng pagmomodelo. Dahil dito, ipinapadala ang mga bata sa mga boarding school sa edad na apat o lima, at mula sa tatlong silid ay nagiging dalawang silid na lang ang bahay ng kanilang pamilya, mula sa dalawang silid hanggang sa isang silid, mula sa isang silid hanggang sa isang inuupahang bahay na lamang. Lalong dumarami ang mga sesyon ng pagtuturo na dinadaluhan ng kanilang mga anak sa labas ng paaralan, at unti-unting lumiliit ang kanilang mga tahanan. May mga magulang pa nga na buong pamilya nila ang kanilang inililipat sa timog, sa hilaga, nang pabalik-balik, upang makapasok sa magagandang paaralan ang kanilang mga anak, at sa huli, hindi na nila alam kung saan sila pupunta, hindi alam ng kanilang mga anak kung nasaan ang kanilang bayan, at malaking problema ang lahat ng ito. Nagbabayad ng iba’t ibang halaga ang mga magulang, bago umabot sa hustong gulang ang kanilang mga anak, para sa kinabukasan ng kanilang mga anak, upang hindi matalo ang kanilang mga anak sa simula pa lang, at upang makaangkop ang kanilang mga anak sa mapagkumpitensyang lipunang ito, at magkaroon ng magandang trabaho at matatag na kita kalaunan. Ang ilang magulang ay napakahusay, nagpapatakbo sila ng malalaking negosyo o nagsisilbi bilang matataas na opisyal, at naglalaan sila ng mga napakalaking pamumuhunan para sa kanilang mga anak. Ang ibang magulang naman ay hindi gaanong mahusay, ngunit katulad ng iba, nais nilang ipadala ang kanilang mga anak sa magagarang paaralan, sa iba’t ibang klase pagkatapos ng eskuwela, mga klase sa sayaw, mga klase sa sining, upang mag-aral ng iba’t ibang wika at musika, pini-pressure at pinahihirapan nang husto ang kanilang mga anak. Iisipin ng kanilang mga anak: “Kailan kaya ako papayagang maglaro nang kaunti? Kailan ako lalaki at makapagdedesisyon tulad ng ginagawa ng matatanda? Kailan kaya ako hindi na kailangang pumasok sa eskuwela, tulad ng isang matanda? Kailan ako makakapanood ng TV, hayaan ang sarili ko na wala akong iisipin, at maglalakad-lakad sa isang lugar nang mag-isa, nang hindi inuutus-utusan ng aking mga magulang?” Pero madalas na sinasabi ng kanilang mga magulang: “Kung hindi ka mag-aaral, kakailanganin mong manlimos ng pagkain sa hinaharap. Tingnan mo kung gaano kaliit ang pag-asa mo! Hindi pa oras para maglaro ka, pwede kang maglaro kapag matanda ka na! Kung ngayon ka maglalaro, hindi ka magtatagumpay sa hinaharap; kung saka ka na maglalaro, maaaring maging mas higit at mas maganda pa ang pagsasaya mo, pwede kang maglakbay sa buong mundo. Hindi mo ba nakita ang lahat ng mayayamang taong iyon sa mundo—naglaro ba sila noong bata pa sila? Nag-aral lang sila.” Nagsisinungaling lang sa kanila ang kanilang mga magulang. Nakita ba ng kanilang mga magulang sa mismong sariling mga mata nito na ang mayayamang taong iyon ay nag-aral lang at hindi kailanman naglaro? Naiintindihan ba nila ang bagay na ito? Ang ilan sa mga mayaman at pinakamaperang tao sa mundo ay hindi nag-aral sa unibersidad—isa itong katunayan. Minsan, kapag nagsasalita ang mga magulang, dinadaya lang nila ang kanilang mga anak. Bago umabot sa hustong gulang ang kanilang mga anak, nagsasabi ng maraming kasinungalingan ang mga magulang upang mas makontrol ang kanilang kinabukasan, at makontrol ang kanilang mga anak at pasunurin ang mga ito sa kanila. Siyempre, kinakailangan din nilang tiisin ang iba’t ibang paghihirap at magbayad ng iba’t ibang halaga para dito. Ito ang tinatawag na “kapuri-puring pagmamahal ng isang magulang.”

Upang maisakatuparan ang kanilang mga ekspektasyon sa kanilang mga anak, maraming pangarap ang inihahabilin ng mga magulang sa kanilang mga anak. Dahil dito, hindi lamang nila tinuturuan, ginagabayan, at iniimpluwensiyahan ang kanilang mga anak gamit ang kanilang mga salita, kasabay nito, gumagamit din sila ng mga kongkretong aksyon para kontrolin ang kanilang mga anak, at pasunurin sa kanila ang kanilang mga anak, para kumilos at mamuhay ayon sa landas itinalaga nila at sa direksiyong itinatag nila. Handa man o hindi ang kanilang mga anak na gawin ito, sa huli, isa lang ang sinasabi ng mga magulang: “Kung hindi ka makikinig sa akin, magsisisi ka! Kung hindi mo ako susundin o seseryosohin ang pag-aaral mo ngayon, at magsisisi ka balang araw, huwag mo akong lapitan, huwag mong sabihing hindi kita pinagsabihan!” Isang beses, pumunta kami sa isang gusali para magsagawa ng ilang gawain, at nakita namin ang ilang taong tagapaglipat na nagsisikap nang husto para maiakyat ang ilang kagamitan sa itaas ng hagdan. Kaharap nila ang isang ina na inaakay ang kanyang anak pababa ng hagdan. Kung makikita ng isang normal na tao ang eksenang ito, sasabihin niya: “May mga taong naglilipat ng kagamitan, tumabi muna tayo.” Ang mga taong bumababa ay kakailanganing magmadali para huwag makaharang, nang hindi makabangga sa kagamitan, o makaabala sa mga tagapaglipat ng gamit. Ngunit nang makita ng ina ang eksenang ito, sinamantala niya ang pagkakataon para simulang magturo tungkol sa isang sitwasyon. Tandang-tanda ko pa ang napakalinaw niyang sinabi. Ano ang sinabi niya? Sabi niya: “Tingnan mo kung gaano kabigat ang iniilipat nilang mga gamit, at kung gaano ito ka-nakakapagod. Hindi nila seryoso ang kanilang pag-aaral noong bata sila, kaya ngayon, hindi sila makahanap ng magandang trabaho, kaya kailangan nilang maglipat ng mga kagamitan at magtrabaho ng husto. Nakikita mo ba?” Mukha namang bahagyang nakaunawa ang anak, at naniwala na tama ang sinabi ng kanyang ina. May sinserong ekspresyon ng takot, pangamba, at paniniwala na lumitaw sa kanyang mga mata, at tumango siya, muling tiningnan ang mga tagapaglipat ng gamit. Sinamantala ng ina ang pagkakataong ito para agad na turuan ang kanyang anak, sinasabing: “Nakikita mo? Kung hindi mo seseryosohin ang iyong pag-aaral habang bata ka pa, kung gayon, paglaki mo, kakailanganin mong maglipat ng mga kagamitan at magtrabaho nang husto gaya nito para maghanapbuhay.” Tama ba ang mga pahayag na ito? (Hindi.) Sa anong paraan mali ang mga ito? Sinusunggaban ng inang ito ang kahit anong pagkakataon para pangaralan ang kanyang anak—ano sa palagay mo ang naging mentalidad ng kanyang anak pagkatapos itong marinig? Nakilatis ba niya kung tama o mali ang mga pahayag na ito? (Hindi.) Kung gayon, ano ang inisip niya? (“Kung hindi ko seseryosohin ang aking pag-aaral, kakailanganin kong magtrabaho nang husto gaya nito sa hinaharap.”) Naisip niya: “Naku hindi, lahat ng taong kinakailangang magtrabaho nang husto ay hindi nagseryoso sa kanilang pag-aaral. Dapat akong makinig sa mama ko, at paghusayan ko ang aking pag-aaral. Tama si mama, ang lahat ng hindi nag-aaral ay kinakailangang magtrabaho nang husto.” Ang mga ideyang natanggap niya mula sa kanyang ina ay nagiging mga panghabang-buhay na katotohanan sa loob ng kanyang puso. Sabihin mo sa Akin, hindi ba’t hangal ang magulang na ito? (Oo.) Bakit siya hangal? Kung ginagamit niya ang bagay na ito para piliting mag-aral ang kanyang anak, tiyak bang magtatagumpay ang kanyang anak? Magagarantiya ba nito na hindi na kailangang magtrabaho nang husto o magpakapawis ng kanyang anak sa hinaharap? Mabuti bang gamitin niya ang bagay na ito, ang eksenang ito, para takutin ang kanyang anak? (Masama ito.) Mag-iiwan ito ng panghabang-buhay na epekto sa kanyang anak. Hindi ito mabuting bagay. Kahit pa magkarooon ng kaunting pagkaunawa ang batang ito hinggil sa mga salitang ito paglaki niya, magiging mahirap pa ring alisin sa kanyang puso at subconscious ang teoryang ito na itinuro ng kanyang ina. Sa isang antas, magdudulot ito ng maling impresyon at lilimitahan nito ang kanyangpag-iisip, at iimpluwensiyahan ang kanyang mga pananaw sa mga bagay-bagay. Karamihan sa mga ekspektasyon ng mga magulang sa kanilang mga anak bago sila umabot sa hustong gulang ay na makakapag-aral sila nang mabuti, magsumikap, maging masipag, at hindi mabigong tugunan ang kanilang mga ekspektasyon. Kaya naman, bago umabot sa hustong gulang ang kanilang mga anak, sa anumang kabayaran, ginagawa ng mga magulang ang lahat para sa kanilang mga anak, isinasakripisyo ang sarili nilang kabataan, mga taon, at oras, pati na rin ang kanilang sariling kalusugan at normal na pamumuhay, at isinusuko pa nga ng ilang magulang ang sarili nilang trabaho, ang kanilang mga dating pangarap, o maging ang sarili nilang pananampalataya, para turuan ang kanilang mga anak at tulungan ang mga ito na makapag-aral habang pumapasok sa paaralan. Sa iglesia, marami-raming tao ang gumugol ng lahat ng kanilang oras kasama ang kanilang mga anak, tinuturuan nila ang mga ito, para makasama nila sa kanilang tabi habang lumalaki ang mga ito, upang magtagumpay ang kanilang mga anak sa propesyon at magkaroon ng matatag na trabaho sa hinaharap, at upang maging maayos ang takbo ng mga bagay-bagay sa trabaho ng kanilang mga anak. Ang mga magulang na ito ay hindi pumupunta sa mga pagtitipon o gumagampan ng mga tungkulin. Mayroon silang mga partikular na hinihingi sa puso nila ukol sa sarili nilang pananampalataya, at nagtataglay ng kaunting determinasyon at kapasyahan, ngunit dahil hindi nila kayang bitiwan ang kanilang mga ekspektasyon sa kanilang mga anak, pinipili nilang samahan ang mga ito sa yugtong ito bago umabot sa hustong gulang ang mga ito, tinatalikuran ang sarili nilang mga tungkulin bilang nilkha, at ang sarili nilang mga paghahangad tungkol sa kanilang pananampalataya. Ito ang pinakamalungkot na bagay. May mga magulang na nagbabayad ng malalaking halaga para maturuan ang kanilang mga anak na maging artista, artist, manunulat, o siyentista, at para magawang tugunan ng kanilang mga anak ang mga ekspektasyon nila. Iniiwan nila ang kanilang trabaho, tinatalikuran ang kanilang propesyon, at ang mas higit pa, tinatalikuran pa nga nila ang sarili nilang mga pangarap at kasiyahan para masamahan ang kanilang mga anak. Mayroon pa ngang mga magulang na isinusuko ang kanilang buhay may asawa para sa kanilang mga anak. Pagkatapos nilang maghiwalay, inaako nila ang mabigat na pasanin ng pagpapalaki at pagtuturo sa kanilang mga anak nang mag-isa, itinataya ang kanilang buhay para sa kanilang mga anak, at inilalaan ito para sa kinabukasan ng kanilang mga anak, para lang maisakatuparan nila ang kanilang mga ekspektasyon sa kanilang mga anak. May ibang magulang din na gumagawa ng maraming bagay na hindi nila dapat gawin, na nagbabayad ng maraming halagang hindi kinakailangang, nagsasakripisyo ng kanilang sariling oras, kalusugan, at mga paghahangad bago pa umabot sa hustong gulang ang kanilang mga anak, upang umunland sa mundo ang kanilang mga anak sa hinaharap, at maipundar ang kanilang sarili sa lipunan. Sa isang aspekto, para sa mga magulang, ito ay mga hindi kinakailangang sakripisyo. Sa isa pang aspekto, para sa mga anak, malaking pressure at mabigat na pasanin ang mga pamamaraang ito para sa kanila bago pa sila umabot sa hustong gulang. Ito ay dahil ang kanilang mga magulang ay nagbayad na ng napakaraming halaga, dahil masyado nang marami ang igunugol ng kanilang mga magulang pagdating sa salapi, oras, o enerhiya. Gayunpaman, bago pa umabot sa hustong gulang ang mga anak na ito, at habang wala pa silang kakayahang makakilatis sa tama o mali, wala silang magagawa; hahayaan na lang nilang gawin ito ng kanilang mga magulang. Kahit na mayroon silang mga iniisip sa kaloob-looban ng kanilang isipan, patuloy pa rin silang sumusunod sa mga kilos ng kanilang mga magulang. Sa mga sitwasyong ito, hindi namamalayang napapaisip ang mga anak na nagbayad ng mga napakalaging halaga ang kanilang mga magulang para maturuan sila, at napapaisip din sila na hindi nila ganap na mababayaran o masusuklian ang kanilang mga magulang sa buhay na ito. Bilang resulta, sa panahong nagtuturo at sumasama sa kanila ang kanilang mga magulang, iniisip nila na ang mga tanging bagay na magagawa nila, ang mga tanging bagay na maisasakatuparan nila para masuklian ang kanilang mga magulang, ay ang pasayahin ang kanilang mga magulang, kamtin ang malalaking bagay para mapalugod ang mga ito, at ang huwag biguin ang mga ito. Para naman sa mga magulang, sa panahong ito na bago umabot sa hustong gulang ang kanilang mga anak, pagkatapos nilang mabayaran ang mga halagang ito, at habang mas lumalaki ang mga ekspektasyon nila sa kanilang mga anak, sa isipan nila ay unti-unting nagiging mabigat ang mga hinihingi nila sa kanilang mga anak. Ibig sabihin, pagkatapos mabayaran ng mga magulang ang mga halagang ito at magawa ang mga paggugol na ito, hinihingi nila na dapat magtagumpay ang kanilang mga anak, at magkamit ng malalaking bagay para masuklian sila. Samakatuwid, tinitingnan man natin ito mula sa perspektiba ng isang magulang o anak, sa loob ng relasyong ito ng “paggugol para sa” at “iginugugol para sa,” lalong tumataas at tumataas ang mga ekspektasyon ng mga magulang para sa kanilang mga anak. “Lalong tumataas at tumataas ang mga ekspektasyon” ay isang magandang paraan ng pagkakasabi tungkol dito. Sa katunayan, sa kaibuturan ng puso ng mga magulang, habang mas gumugugol at nagsasakripisyo sila, mas lalo nilang iniisip na dapat silang suklian ng kanilang mga anak ng tagumpay, at kasabay nito, mas lalo nilang iniisip na may utang sa kanila ang kanilang mga anak. Habang mas gumugugol ang mga magulang, at mas dumarami ang kanilang mga inaasam, mas tumataas din ang kanilang mga ekspektasyon, at mas lalong lumalaki ang mga ekspektasyon nila na susuklian sila ng kanilang mga anak. Ang mga ekspektasyon ng mga magulang sa kanilang mga anak bago umabot sa hustong gulang ang mga ito, mula sa “Kailangan nilang matuto ng maraming bagay, hindi sila dapat matalo sa simula pa lang” hanggang sa “Paglaki nila, kailangan nilang umunlad sa mundo at maipundar ang kanilang sarili sa lipunan,” ay unti-unting nagiging isang mabigat na hinihingi para sa kanilang mga anak. Ang hinihinging ito ay: Paglaki mo at pagkatapos mong maitatag ang iyong sarili sa lipunan, huwag mong kalimutan ang iyong mga pinagmulan, huwag kalimutan ang iyong mga magulang, sila ang mga taong dapat una mong suklian, dapat ipakita mo sa kanila ang pagiging isang mabuting anak, at tulungan silang magkaroon ng magandang buhay, dahil sila ang mga nagtaguyod sa iyo sa mundong ito, sila ang mga taong nagturo sa iyo; ang pagkapundar ng iyong sarili sa lipunan ngayon, pati na rin ang lahat ng iyong tinatamasa, at ang lahat ng iyong pag-aari, ay binili sa pamamagitan ng puspusang pagsisikap ng iyong mga magulang, kaya dapat mo silang suklian habang nabubuhay ka, gantimpalaan sila, at maging mabuti sa kanila. Ang mga ekspektasyon ng mga magulang para sa kanilang mga anak bago umabot sa hustong gulang ang mga ito—na maipupundar ng kanilang mga anak ang mga sarili nito sa lipunan at uunlad sa mundo—ay nagiging ganito, unti-unting nagiging isang uri ng hinihingi at pangongolekta na ginagawa ng mga magulang sa kanilang mga anak. Ipagpalagay natin na sa panahong bago sila umabot sa hustong gulang, hindi nakakakuha ng matataas na marka ang kanilang mga anak; sabihin nating nagrerebelde ang mga ito, na ayaw mag-aral o sumunod sa mga magulang, at sumusuway sa mga magulang. Sasabihin ng mga magulang: “Akala mo ba madali para sa akin? Sa tingin mo, para kanino ko ginagawa ang lahat ng ito? Ginagawa ko ito para sa ikabubuti mo, hindi ba? Lahat ng ginagawa ko ay para sa iyo, at hindi mo ito pinahahalagahan. Hangal ka ba?” Gagamitin nila ang mga salitang ito para takutin at kontrolin ang kanilang mga anak. Tama ba ang pamamaraang ito? (Hindi.) Hindi ito tama. Ang “marangal” na parteng ito ng mga magulang ay ang kasuklam-suklam din na parte ng mga magulang. Ano nga ba ang mali sa mga salitang ito? (Ang mga ekspektasyon ng mga magulang sa kanilang mga anak at pagtuturo sa kanilang mga anak ay mga pansariling pagsusumikap lamang. Ginigipit nila ang kanilang mga anak, pinapaaral ng ganito at ganyan, upang magkaroon ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak, mabigyan sila ng parangal bilang mga magulang, at pakitaan sila ng mga ito ng pagiging mabuting anak sa hinaharap.) Ang totoo, ang lahat ng ginagawa ng mga magulang ay para sa kanilang sarili.) Kung isasantabi muna natin ang katunayan na iniisip lang ng mga magulang ang pansarili nilang mga interes at makasarili sila, at pag-uusapan lang ang mga ideyang iniindoktrina nila sa kanilang mga anak bago umabot sa hustong gulang ang mga ito, at ang panggigipit nila sa mga ito, iginigiit sa kanilang mga anak na mag-aral ng ganito at ganoong paksa, na pumasok sa ganito at ganoong trabaho paglaki nila, at magkamit ng ganito at ganoong tagumpay—ano ang kalikasan ng mga pamamaraang ito? Sa ngayon, hindi natin susuriin kung bakit ginagawa ito ng mga magulang, o kung angkop ba o hindi ang mga pamamaraang ito. Ibabahagi muna natin at susuriin ang kalikasan ng mga pamamaraang ito, at maghahanap tayo ng mas tumpak na landas ng pagsasagawa batay sa ating pagsusuri sa diwa ng mga ito. Kung ibabahagi at mauunawaan natin ang aspektong ito ng katotohanan mula sa perspektibang iyon, magiging mas tumpak ito.

Una sa lahat, tama ba o mali itong mga hinihingi at mga pamamaraan ng mga magulang sa kanilang mga anak? (Mali ang mga ito.) Kung gayon, sa huli, saan nanggagaling ang salarin pagdating sa mga pamamaraang ito na ginagamit ng mga magulang sa kanilang mga anak? Hindi ba’t ito ang mga ekspektasyon ng mga magulang para sa kanilang mga anak? (Oo.) Sa loob ng personal na kamalayan ng mga magulang, iniisip, pinaplano, at itinatakda nila ang iba’t ibang bagay tungkol sa kinabukasan ng kanilang mga anak, at bilang resulta, nagkakaroon sila ng mga ekspektasyong ito. Sa udyok ng mga ekspektasyong ito, iginigiit ng mga magulang sa kanilang mga anak na mag-aral ng iba’t ibang kasanayan, na mag-aral sila ng teatro at sayaw, o sining, at iba pa. Iginigiit nila na ang kanilang mga anak ay maging mga indibidwal na may talento, at na pagkatapos ay magiging mga nakatataas, hindi mga nasasakupan. Iginigiit nila maging mga opisyal na may mataas na ranggo ang kanilang mga anak, at hindi mga kawal; iginigiit nila na maging manager ang kanilang mga anak, CEO, at executive, na nagtatrabaho para sa mga nangungunang 500 kumpanya sa buong mundo, at iba pa. Lahat ng ito ay mga personal na ideya ng mga magulang. Ngayon, mayroon bang anumang konsepto ang mga anak sa nilalaman ng mga ekspektasyon ng kanilang mga magulang bago sila umabot sa hustong gulang? (Wala.) Wala silang anumang konsepto sa mga bagay na ito, hindi nila nauunawaan ang mga ito. Ano ang nauunawaan ng mga anak? Nauunawaan lamang nila ang pagpunta sa paaralan para matutong magbasa, ang pag-aaral nang mabuti, at ang pagiging mababait at mga masunuring bata. Medyo mabuti naman ang ganito mismo. Ang pagpunta sa paaralan para pumasok sa mga klase ayon sa nakatakdang iskedyul nila, at pag-uwi para tapusin ang kanilang takdang-aralin—ito ang mga bagay na nauunawaan ng mga bata, ang iba ay paglalaro lang, pagkain, mga pantasya, mga pangarap, at iba pa. Bago sila umabot sa hustong gulang, ang mga anak ay walang konsepto sa lahat ng hindi kilalang bagay sa kanilang mga landas sa buhay, at wala rin silang nakikinita tungkol sa mga ito. Ang lahat ng bagay na nakikinita o napagpapasyahan sa oras umabot sa hustong gulang ang mga anak na ito ay nagmumula sa kanilang mga magulang. Samakatuwid, ang mga maling ekspektasyon ng mga magulang para sa kanilang mga anak ay walang kinalaman sa kanilang mga anak. Kinakailangan lamang na makilatis ng mga anak ang diwa ng mga ekspektasyon ng kanilang mga magulang. Ano ang batayan ng mga ekspektasyong ito? Saan nagmumula ang mga ito? Nagmumula ang mga ito sa lipunan at sa mundo. Ang punto nitong lahat ng ekspektasyon ng magulang ay upang matutong umangkop ang mga anak sa mundo at sa lipunang ito, upang hindi sila mapalayas sa mundo o sa lipunan, at maipundar nila ang kanilang sarili sa lipunan, upang makakuha ng permanenteng trabaho, magkaroon ng matatag na pamilya, at magandang kinabukasan, kaya nagkakaroon ng iba’t ibang ekspektasyon ang mga magulang para sa kanilang mga anak. Halimbawa, ngayon ay medyo uso ang pagiging isang computer engineer. Sinasabi ng ilang tao: “Magiging isang computer engineer ang anak ko sa hinaharap. Maaari silang kumita ng maraming pera sa larangang ito, magbibitbit ng computer sa palibot buong araw, magtatrabaho ng computer engineering. Magiging maganda rin ang imahe ko rito!” Sa mga sitwasyong ito, kung saan walang anumang konsepto ang mga anak, itinatakda ng kanilang mga magulang ang kanilang kinabukasan. Hindi ba’t mali ito? (Oo.) Ang mga inaasam ng kanilang mga magulang sa mga anak nila ay ganap na nakabatay sa kung paano tinitingnan ng isang taong nasa hustong gulang ang mga bagay-bagay, pati na rin sa mga pananaw, perspektiba, at mga kagustuhan ng isang taong nasa hustong gulang tungkol sa mga usapin ng mundo. Hindi ba’t pansariling saloobin lang ito? (Oo.) Sa magandang pagkasabi, maaari mong sabihin na pansariling saloobin lang ito, ngunit ano ba talaga ito? Ano ang ibang pakahulugan nito? Hindi ba’t ito ay pagiging makasarili? Hindi ba’t ito ay pamimilit? (Ganoon na nga.) Gusto mo ang ganito o ganyang trabaho at propesyon, nasisiyahan kang mamuhay nang may matatag na posisyon at magarang buhay, naglilingkod bilang opisyal, o bilang isang mayaman sa lipunan, kaya ipinagagawa mo rin sa mga anak mo ang mga bagay na iyon, na maging ganoong klaseng tao rin sila, at na tahakin nila ang ganoong uri ng landas—ngunit masisiyahan ba silang mamuhay sa gayong kapaligiran at magtrabaho nang ganoon sa hinaharap? Nababagay ba sila rito? Ano ang tadhana nila? Ano ang mga pagsasayos at pasya ng Diyos tungkol sa mga ito? Alam mo ba ang mga bagay na ito? May mga taong nagsasabi na: “Wala akong pakialam sa mga bagay na iyon, ang mahalaga ay ang mga bagay na gusto ko, bilang kanilang magulang. Mayroon akong mga inaasam para sa kanila batay sa sarili kong mga kagustuhan.” Hindi ba’t masyadong makasarili iyon? (Oo.) Masyadong makasarili ito! Sa magandang pagkasabi, ito ay pansariling saloobin lang, na sila lang ang namamahala sa lahat ng desisyon, pero ano ba ito, sa realidad? Ito ay sobrang pagiging makasarili! Hindi iniisip ng mga magulang na ito ang kakayahan o mga talento ng kanilang mga anak, wala silang pakialam sa mga pagsasaayos ng Diyos para sa bawat tadhana at buhay ng tao. Hindi nila isinasaalang-alang ang mga bagay na ito, ipinipilit lang nila ang sarili nilang mga kagustuhan, mga intensiyon, at mga plano sa kanilang mga anak habang nangangarap nang gising. May ilang taong nagsasabi na: “Kailangan kong ipilit ang mga bagay na ito sa anak ko. Masyado pa silang bata para maunawaan ito, at pagdating ng araw na maunawaan na nila, magiging masyado nang huli.” Ganoon ba ang lagay? (Hindi.) Kung talagang masyado nang huli, kapalaran nila iyon, hindi iyon responsabilidad ng kanilang mga magulang. Kung ipipilit mo ang mga bagay na nauunawaan mo sa iyong mga anak, mauunawaan ba nila ito nang mas mabilis dahil lang sa nauunawaan mo ang mga ito? (Hindi.) Wala namang koneksiyon sa pagitan ng paraan ng pagtuturo ng mga magulang at kung kailan mauunawaan ng mga anak ang mga usapin tulad ng kung anong uri ng landas sa buhay ang dapat piliin, anong klase ng propesyon ang dapat kunin, at kung ano ang mangyayari sa kanilang buhay. Ang mga anak ay may sariling mga landas, sariling bilis, at sarili nilang mga batas. Isipin mo, kapag maliit pa ang mga anak, kahit paano pa sila turuan ng kanilang mga magulang, ganap na blangko ang kanilang kaalaman sa lipunan. Mararamdaman nila ang kompetisyon, komplikasyon, at kadiliman ng lipunan, at ang iba’t ibang hindi makatarungang bagay sa lipunan, kapag lumago na ang kanilang pagkatao. Hindi ito isang bagay na maituturo ng mga magulang sa kanilang mga anak mula sa murang edad. Kahit na ituro ng mga magulang sa kanilang mga anak mula sa murang edad na, “Kailangan mong mag-ingat kapag nakikisalamuha sa ibang tao,” ituturing lamang nila ito bilang isang uri ng doktrina. Kapag tunay na nilang kayang kumilos batay sa payo ng kanilang mga magulang, doon pa lamang nila ito tunay na mauunawaan. Kapag hindi pa nila nauunawaan ang payo ng kanilang mga magulang, kahit paano pa sila turuan ng kanilang mga magulang, mananatili pa rin itong isang uri ng doktrina para sa kanila. Samakatuwid, ang ideya ba ng mga magulang na, “Masyadong mapagkumpitensya ang mundo, at ang mga tao ay namumuhay sa matinding panggigipit; kung hindi ko sisimulang turuan ang mga anak ko mula sa napakamurang edad, magdurusa at masasaktan sila sa hinaharap,” ay may saysay ba? (Hindi.) Maaga mong ipinapapasan sa iyong mga anak ang panggigipit na iyon para hindi sila gaanong mahirapan sa hinaharap, at kinakailangan nilang pasanin ang panggigipit na iyon mula sa edad kung saan wala pa silang nauunawaan—sa paggawa nito, hindi ba’t ipinapahamak mo ang iyong mga anak? Talaga bang ginagawa mo ito para sa ikabubuti nila? Mas mainam kung hindi nila nauunawaan ang mga bagay na ito, nang sa gayon ay makapamumuhay sila nang ilang taon na komportable, masaya, malinis, at simple. Kung mauunawaan na nila ang mga bagay na iyon nang maaga, iyon ba ay magiging isang biyaya o isang kasawian? (Kasawian.) Oo, ito ay magiging isang kasawian.

Ang mga tao ay dapat gumawa ng mga bagay na angkop sa kanilang edad at sa paglago ng kanilang pagkatao, hindi batay sa pagtuturong natatanggap nila mula sa kanilang mga magulang. Bago sila umabot sa hustong gulang, ang mga bata ay dapat lang na maglaro, matuto ng kaunting simpleng kaalaman at makatanggap ng kaunting batayang edukasyon, matuto ng iba’t ibang bagay, matuto kung paano makisalamuha sa iba pang mga bata at paano makisama sa mga nasa hustong gulang, at matuto kung paano humarap sa ilang bagay sa paligid nila na hindi nila nauunawaan. Bago umabot sa hustong gulang ang mga tao, dapat silang gumawa ng mga bagay na hindi para sa mga ganoong edad. Hindi sila dapat magtiis sa anumang panggigipit, mga pamantayan ng pag-uugali, o mga komplikadong bagay na dapat pinapasan ng mga taong nasa hustong gulang. Ang mga gayong bagay ay nagdudulot ng pinsalang sikolohikal sa mga taong wala pa sa hustong gulang, at ang mga ito ay hindi mga pagpapala. Kung mas maagang natututunan ng mga tao ang mga bagay na ito, mas lalong makakaapekto ito sa kanilang murang isipan. Hindi lamang walang anumang maitutulong ang mga bagay na ito sa mga tao sa kanilang buhay o pag-iral kapag nasa hustong gulang na sila; sa kabaligtaran, dahil natututunan o nararanasan nila ang mga bagay na ito nang napakaaga, nagiging pasanin ang mga ito o nag-iiwan ng hindi nahahalatang negatibong epekto sa kanilang murang isipan, hanggang sa puntong maaaring bumalot ang mga ito sa kanila sa buong buhay nila. Pag-isipan ito, kapag ang mga tao ay napakabata pa, kung makarinig sila ng isang kakila-kilabot na bagay, isang bagay na hindi nila kayang tanggapin, isang bagay na para lang sa mga nasa hustong gulang na hindi nila mawari o maunawaan, kung gayon, ang eksena o usaping iyon, o maging ang mga tao, bagay, at salitang may kinalaman dito, ay susundan sila sa buong buhay nila. Magdudulot ito ng negatibong epekto sa kanila, na makakaimpluwensiya sa kanilang personalidad, at sa kanilang mga pamamaraan ng pag-asal sa buhay. Halimbawa, medyo makulit ang mga bata sa edad na anim o pito. Sabihin nang ang isang bata ay pinagagalitan ng kanyang guro sa klase dahil nakikipagbulungan sa isang kaklase, at hindi lang siya pinagagalitan ng guro nang diretsahan, kundi personal din siyang inaatake, iniinsuto ang kanyang hitsura, pinagagalitan pa nga siya sa pagsasabing: “Tingnan mo kung gaano kaliit ang pag-asa mo. Hindi ka magtatagumpay sa buong buhay mo! Kung hindi ka mag-aaral nang mabuti, magiging isa ka lang trabahador. Sa hinaharap, kakailanganin mong manlimos ng pagkain! Para kang magnanakaw; may tendensiya kang maging isang magnanakaw!” Bagamat hindi naiintindihan ng bata ang mga salitang ito, at hindi niya alam kung bakit sinasabi ng kanyang guro ang mga bagay na ito, o kung totoo ba o hindi ang mga bagay na ito, itong mga salita ng personal na pag-atake ay magiging isang hindi nakikitang masamang pwersa sa loob ng kanyang puso, sinusugatan ang kanyang pagpapahalaga sa sarili, at sinasaktan siya. “Mayroon kang mukha na parang ferret, at mga mata na parang daga, at isang maliit na ulo!”—ang mga salitang ito ng personal na pag-atake na binibigkas ng kanyang guro ay susundan siya sa buong buhay niya. Kapag pumipili siya ng isang propesyon, kapag kaharap niya ang kanyang mga nakatataas at mga katrabaho, at kapag kaharap niya ang mga kapatid, ang mga salitang iyon ng personal na pag-atake na binibigkas ng kanyang guro ay paminsan-minsang umuusbong, na nakakaapekto sa kanyang mga emosyon, at kanyang buhay. Siyempre, ang ilang hindi tamang ekspektasyon ng iyong mga magulang para sa iyo, at ang ilang emosyon, mensahe, salita, kaisipan, pananaw, at iba pa na ipinasa nila sa iyo, ay nagdulot din ng negatibong epekto sa iyong murang isipan. Mula sa perspektiba ng personal na kamalayan ng iyong mga magulang, wala silang anumang masamang intensiyon, ngunit dahil sa kanilang kamangmangan, dahil sila ay mga tiwaling tao, at wala silang mga tamang pamamaraan na naaayon sa mga prinsipyo ng kung paano ka tatratuhin, sumusunod lang sila sa mga kalakaran ng mundo sa kung paano ka nila tatratuhin, at ang pinakahuling resulta nito ay na nagpapasa sila ng iba’t ibang negatibong mensahe at emosyon sa iyo. Sa mga sitwasyon kung saan wala kang pagkilatis, ang lahat ng sinasabi ng iyong mga magulang, at lahat ng maling ideya na iniindoktrina at isinusulong ng iyong mga magulang sa iyo, ay nangingibabaw sa iyo dahil nalantad ka muna sa mga ito. Ang mga ito ay nagiging layon ng iyong panghabambuhay na paghahangad at pagpupunyagi. Bagamat isang uri ng dagok at pagkawasak sa iyong murang isipan ang iba’t ibang ekspektasyong isinusulong ng iyong mga magulang para sa iyo bago ka umabot sa hustong gulang, namumuhay ka pa rin sa ilalim ng mga ekspektasyon ng iyong mga magulang, pati na rin sa ilalim ng iba’t ibang halagang ibinabayad nila para sa iyo, pag-unawa sa kanilang kagustuhan, at pagtanggap at pasasalamat sa iba’t ibang ipinapakita nilang kabaitan. Pagkatapos mong tanggapin ang iba’t ibang halagang ibinabayad nila at ang iba’t ibang sakripisyong ginagawa nila para sa iyo, nakakaramdam ka ng pagkakautang sa iyong mga magulang at nahihiya kang harapin sila sa kaibuturan ng iyong puso, at iniisip mong kailangan mo silang suklian paglaki mo. Suklian ang ano? Suklian ang kanilang mga hindi makatwirang ekspektasyon para sa iyo? Suklian ang pagkawasak na idinulot nila sa iyo bago ka umabot sa hustong gulang? Hindi ba’t ito ay pagkalito sa kung ano ang itim at puti? Sa totoo lang, kung pag-uusapan ito mula sa ugat at diwa ng usapin, ang mga ekspektasyon ng mga magulang mo para sa iyo ay pansariling saloobin lamang, ang mga ito ay ilusyon lamang. Ang mga ito ay talagang hindi mga bagay na dapat taglayin, isagawa, o isabuhay ng isang bata, at ang mga ito ay hindi isang bagay na kinakailangan ng isang bata. Upang sumunod sa mga kalakaran ng mundo, upang umangkop sa mundo, upang makasabay sa pag-usad ng mundo, ipinapasunod sa iyo ng iyong mga magulang ang mga ito, ipinapapasan nila sa iyo ang panggigipit na ito tulad ng ginagawa nila, at ipinapatanggap at ipinapasunod sa iyo ang masasamang kalakarang ito. Samakatuwid, sa ilalim ng mga marubdob na ekspektasyon ng kanilang mga magulang, maraming bata ang nagsisikap na mag-aral ng iba’t ibang kasanayan, iba’t ibang kurso, at iba’t ibang kaalaman. Nagsisimula silang magsikap na tugunan ang mga ekspektasyon ng kanilang mga magulang, tungo sa aktibong paghahangad sa mga nilalayon ng mga ekspektasyon ng kanilang mga magulang. Sa madaling salita, bago sila umabot sa hustong gulang, pasibong tinatanggap ng mga tao ang mga ekspektasyon ng kanilang mga magulang, at pagkatapos nilang unti-unting umabot sa hustong gulang, aktibo nilang tinatanggap ang mga ekspektasyon ng personal na kamalayan ng kanilang mga magulang, at kusa nilang tinatanggap ang ganitong uri ng panggigipit at ganitong panlilinlang, pagkontrol, at paggapos na nagmumula sa lipunan. Sa kabuuan, unti-unti silang nagiging aktibo mula sa pagkapasibo. Sa ganoong paraan, nasisiyahan ang kanilang mga magulang. Nararamdaman din ng mga anak ang kapayapaan sa loob nila, at na hindi nila binigo ang kanilang mga magulang, na sa wakas ay naibigay na nila sa kanilang mga magulang ang gusto ng mga ito, at na lumaki na sila—hindi lang simpleng paglaki tungo sa hustong gulang, kundi pagiging mga indibidwal na may talento sa mga mata ng kanilang mga magulang, at pagtupad sa mga ekspektasyon ng kanilang mga magulang. Bagamat nagtatagumpay ang mga taong ito sa pagiging mga indibidwal na may talento sa mga mata ng kanilang mga magulang pagkatapos nilang umabot sa hustong gulang, at sa panlabas, tila nasuklian na ang mga halagang binayaran ng kanilang mga magulang, at na hindi naging walang saysay ang mga ekspektasyon ng kanilang mga magulang para sa kanila, ano ang totoo? Nagtagumpay ang mga anak na ito sa pagiging mga tuta ng kanilang mga magulang, nagtagumpay sila sa pagkakaroon ng utang sa kanilang mga magulang, nagtagumpay sila sa paggugol ng kanilang buhay para maisakatuparan ang mga ekspektasyon ng kanilang mga magulang, para magpakitang-gilas sa kanilang mga magulang, nagdadala ng kapurihan at katanyagan sa kanilang mga magulang, at nagtagumpay sila sa pagbibigay-kasiyahan sa kanilang mga magulang, na ipinagmamalaki at ikinagagalak sila ng kanilang mga magulang. Saanman magpunta ang kanilang mga magulang, binabanggit ng mga ito ang mga anak: “Ang anak kong babae ay manager sa kompanyang iyan at kompanyang ito.” “Ang anak kong babae ay taga-disenyo para sa ganito-at-ganyang sikat na brand.” “Ang anak kong babae ay nasa ganito-at-ganyang antas ng galing sa wikang banyaga, nakapagsasalita siya nito nang matatas, isa siyang tagasalin para sa ganito-at-ganyang wika.” “Ang anak kong babae ay isang computer engineer.” Ang mga anak na ito ay ipinagmamalaki at ikinagagalak ng kanilang mga magulang, at nagtagumpay sila na maging kopya ng kanilang mga magulang. Ito ay dahil gagamitin nila ang parehong mga pamamaraan para turuan at sanayin ang kanilang sariling mga anak. Iniisip nila na nagtagumpay ang kanilang mga magulang sa pagsasanay sa kanila, kaya gagayahin nila ang mga pamamaraan ng pagtuturo ng kanilang mga magulang para sanayin ang sarili nilang mga anak. Sa ganitong paraan, kailangang tiisin ng kanilang mga anak ang parehong paghihirap, kalunos-lunos na pagdurusa, at pagkawasak mula sa kanila gaya ng naranasan nila sa kanilang mga magulang.

Ang lahat ng ginagawa ng mga magulang para maisakatuparan ang kanilang mga ekspektasyon para sa kanilang mga anak bago umabot ang mga ito sa hustong gulang ay salungat sa konsensiya, katwiran, at likas na batas. Higit pa rito, ito ay salungat din sa ordinasyon at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Bagamat wala pang abilidad ang mga anak na makakilatis kung ano ang tama at mali, o mag-isip nang nakapagsasarili, nasa ilalim pa rin ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos ang kanilang kapalaran, hindi sila pinamumunuan ng kanilang mga magulang. Samakatuwid, bukod sa pagkakaroon ng mga ekspektasyon para sa kanilang mga anak sa kanilang kamalayan, isinasagawa ng mga hangal na magulang ang mas maraming gawain, sakripisyo, at pagbabayad ng halaga pagdating sa kanilang pag-uugali, ginagawa nila ang lahat ng gusto nila at handa silang gumawa para sa kanilang mga anak, ito man ay paggugol ng pera, oras, lakas, o iba pang bagay. Bagamat ginagawa ng mga magulang ang mga bagay na ito nang kusang-loob, ang mga ito ay hindi makatao at hindi mga responsabilidad na dapat gampanan ng mga magulang; lumagpas na sila sa saklaw ng kanilang mga abilidad at ng kanilang mga angkop na responsabilidad. Bakit Ko sinasabi ito? Dahil ang mga magulang ay nagsisimulang magtangkang planuhin at kontrolin ang kinabukasan ng kanilang mga anak bago umabot sa hustong gulang ang mga ito, at sinusubukan din nilang itakda ang kinabukasan ng kanilang mga anak. Hindi ba’t kahangalan iyon? (Oo.) Halimbawa, sabihin nating inorden ng Diyos na maging isang ordinaryong manggagawa ang isang tao, at sa buhay na ito, magagawa lamang niyang kumita ng kaunting sahod para pakainin at bihisan ang kanyang sarili, ngunit iginigiit ng kanyang mga magulang na siya ay maging isang tanyag na tao, mayaman, mataas na opisyal, pinaplano at isinasaayos ang mga bagay-bagay para sa kanyang kinabukasan bago pa siya umabot sa hustong gulang, binabayaran ang iba’t ibang uri ng halaga, at sinusubukang kontrolin ang kanyang buhay at kinabukasan. Hindi ba’t kahangalan iyon? (Oo.) Bagamat nakakakuha ng magandang marka ang kanilang anak, pumapasok sa unibersidad, natututo ng iba’t ibang kasanayan paglaki niya, at mayroong ilang kasanayan, kapag sa wakas ay naghanap na siya ng trabaho, gaano man siya maghanap, nauuwi pa rin siya sa pagiging isang ordinaryong manggagawa. Sa pinakamainam, susuwertehin siya at magiging isang foreman, na mabuti na rin. Sa bandang huli, kumikita lamang siya ng minimum na sahod, at hindi niya kailanman nagagawang kitain ang sahod ng isang mataas na opisyal o ng isang mayamang tao tulad ng hinihingi ng kanyang mga magulang. Palaging ninanais ng kanyang mga magulang na umunlad siya sa mundo, na kumita ng maraming pera, na maging isang mataas na opisyal, upang makibahagi sa tagumpay kasama niya. Hindi nila kailanman inasahan na, bagamat magaling siya sa eskuwela at napakamasunurin, bagamat nagbayad sila ng napakaraming halaga para sa kanya, at bagamat nagtungo siya sa unibersidad paglaki niya, sa buhay na ito ay itinadhana pa rin siyang maging isang ordinaryong manggagawa. Kung nahulaan lang ito ng mga magulang niya, hindi sana masyadong nagpakahirap ang mga ito noon. Pero maiiwasan ba ng mga magulang na pahirapan ang kanilang sarili? (Hindi.) Binebenta ng mga magulang ang kanilang mga bahay, lupa, ari-arian ng pamilya, at may ilan pa nga na nagbebenta ng kidney para lang makapagtapos ang kanilang mga anak sa kilalang unibersidad. Kapag hindi pumapayag ang anak dito, sinasabi ng ina: “Dalawa ang kidney ko. Kung mawala man isa, mayroon pa akong natitirang isa. Matanda na ako, isang kidney lang ang kailangan ko.” Ano ang mararamdaman ng kanyang anak matapos itong marinig? “Kahit na ibig sabihin nito ay hindi ako makakapag-aral sa unibersidad, hindi ko hahayaang ibenta mo ang kidney mo.” At sasabihin ng ina: “Hindi ka mag-aaral? Isa kang suwail at walang galang na anak! Bakit ko ibinebenta ang kidney ko? Hindi ba’t para magkaroon ka ng magandang kinabukasan?” Naaantig ang anak pagkatapos itong marinig, at iniisip na, “Sige, hahayaan ko na lang na ibenta ni mama ang kidney niya. Hindi ko siya bibiguin.” Sa huli, talagang gagawin ito ng ina—ipagpapalit ang kanyang kidney para sa kinabukasan ng kanyang anak—at sa huli, nagiging isang manggagawa lamang ang anak at hindi nagtatamo ng tagumpay. Kung gayon, nagbenta ng kidney ang ina, at ang tanging nakuha niyang kapalit ay isang manggagawa—angkop ba iyon? (Hindi.) Sa huli, mapagtatanto ito ng ina at sasabihing: “Nakatadhana ka lang na maging isang manggagawa. Kung nalaman ko lang sana iyon nang mas maaga, hindi ko sana ibinenta ang aking kidney para paaralin ka sa unibersidad. Pwede naman palang dumiretso ka na lang at maging isang manggagawa, hindi ba? Ano ang silbi ng pag-aaral mo sa unibersidad?” Huli na! Sino ba ang nagsabing umakto siya nang hangal noon? Sino ang nag-udyok sa kanya na masiyahan sa ideya na magiging isang mataas na opisyal ang kanyang anak at kikita ng malaking pera? Nabulag siya sa kasakiman, nararapat lang sa kanya ito! Nagbayad siya ng napakaraming halaga para sa kanyang anak, ngunit mayroon bang aumang utang sa kanya ang kanyang anak? Wala. Kusa niyang binayaran ang mga halagang iyon, at nakuha niya kung ano ang nararapat sa kanya! Kahit pa nagbenta siya ng dalawang kidney, iyon ay kusang-loob pa rin. Upang maipadala ang kanilang mga anak sa prestihiyosong unibersidad, may mga taong nagbebenta ng kanilang cornea, may ilan na nagbebenta ng kanilang dugo, isinasakripisyo naman ng iba ang lahat ng mayroon sila at ibinebenta ang mga ari-arian ng kanilang pamilya, at sulit ba ito? Para bang sa tingin nila ay na ang pagbebenta ng kaunting dugo o isang organ ay makapagpapasya sa kinabukasan ng isang tao at makapagpapabago sa kanyang kapalaran. Pwede ba iyon? (Hindi.) Napakahangal ng mga tao! Naghahanap sila ng mga mabilisang resulta, binulag sila ng katanyagan at pakinabang. Palagi nilang iniisip na, “Sabagay, ganito lang talaga ang buhay ko,” kaya’t inihahabilin nila sa kanilang mga anak ang kanilang mga inaasam. Ibig bang sabihin niyon ay na tiyak na magiging mas maganda ang kapalaran ng kanilang mga anak kaysa sa kanilang kapalaran? Na uunland ang kanilang mga anak sa mundo? Na magiging iba sila? Bakit ba napakahangal ng mga tao? Akala ba nila na dahil lang sa mataas ang kanilang mga ekspektasyon para sa kanilang mga anak, tiyak na magiging mas nakatataas ang mga ito kaysa sa iba at na matutugunan ang kanilang mga ekspektasyon? Ang kapalaran ng mga tao ay hindi itinatakda ng kanilang mga magulang, ito ay itinatakda ng Diyos. Siyempre, wala namang mga magulang na nagnanais na makitang nanlilimos ang kanilang mga anak. Pero gayunpaman, hindi nila kinakailangang igiit na umunlad sa mundo ang kanilang mga anak at maging mataas na opisyal o prominenteng tao sa mataas na antas ng lipunan. Ano ba ang maganda sa pagiging nasa mataas na antas ng lipunan? Ano ang maganda sa pag-unlad sa mundo? Iyon ay mga delubyo, hindi magagandang bagay. Maganda bang maging tanyag na tao, dakila, superman, o isang taong may posisyon at katayuan? Ang buhay ay pinakamaginhawa kapag isa kang ordinaryong tao. Ano ba ang masama sa pamumuhay nang medyo mas salat, mas mahirap, mas nakakapagod, nang medyo mas pangit ang mga pagkain at damit? Kahit papaano, isang bagay ang natitiyak, sapagkat hind ka namumuhay sa mga kalakarang panlipunan ng mataas na antas ng lipunan, kahit papaano, hindi ka gaanong magkakasala at mababawasan ang mga bagay na ginagawa mo para labanan ang Diyos. Bilang isang ordinaryong tao, hindi ka mahaharap sa napakalaki o madalas na tukso. Bagamat magiging medyo mas mahirap ang buhay mo, hindi naman mapapagod ang iyong espiritu. Isipin mo, bilang isang manggagawa, ang kailangan mo lang alalahanin ay tiyakin na makakakain ka ng tatlong beses sa isang araw. Iba ang sitwasyon kapag ikaw ay isang opisyal. Kailangan mong makipaglaban, at hindi mo malalaman kung kailan darating ang araw na hindi na ligtas ang iyong posisyon. At hindi iyon doon natatapos, hahanapin ka ng mga taong nasaktan mo para pagbayarin ka, at parurusahan ka nila. Sobrang nakakapagod ang buhay ng mga tanyag na tao, dakilang tao, at mayayaman. Ang mayayaman ay palaging natatakot na hindi sila magiging napakayaman sa hinaharap, at na hindi nila kakayaning magpatuloy sa buhay kung mangyari iyon. Ang mga tanyag na tao ay palaging nag-aalala na mawawala ang kanilang magandang imahe, at palagi nilang gustong protektahan ito, natatakot na mapalayas sila ng panahong ito at ng mga kalakaran. Sobrang nakakapagod ng buhay nila! Hindi kailanman malinaw na nauunawaa ng mga magulang ang mga bagay na ito, at palagi nilang gustong itulak ang kanilang mga anak sa gitna ng paghihirap na ito, ipinadadala sila sa mga mapanganib at komplikadong sitwasyon. Mayroon ba talagang mabubuting intensiyon ang mga magulang? Kung sasabihin Kong wala silang mabubuting intensiyon, hindi mo gugustuhing pakinggan ito. Kung sasabihin Ko na ang mga ekspektasyon ng iyong mga magulang ay negatibong nakakaapekto sa inyo sa maraming bagay, handa ba kayong kilalanin ito? (Oo.) Malalim na nakapipinsala sa inyo ang mga ito, hindi ba? May ilan sa inyo na hindi handang kilalanin ito, sinasabi ninyo na: “Nais ng mga magulang ko kung ano ang nakabubuti para sa akin.” Sinasabi mong nais lang ng iyong mga magulang kung ano ang nakabubuti para sa iyo—kung gayon, nasaan na ang mabubuting bagay na iyon? Nais lang ng iyong mga magulang kung ano ang nakabubuti para sa iyo, pero gaano ba karaming positibong bagay ang naipaunawa nila sa iyo? Nais lang ng iyong mga magulang kung ano ang nakabubuti para sa iyo, pero gaano karami sa iyong mga mali at hindi kanais-nais na kaisipan at pananaw ang naituwid nila? (Wala.) Kung gayon, malinaw mo na bang nauunawaan ngayon ang mga bagay na ito? Nararamdaman mo na hindi makatotohanan ang ekspektasyong ito ng magulang, hindi ba?

Sa pamamagitan ng pagsusuri sa diwa ng mga ekspektasyon ng mga magulang para sa kanilang mga anak, makikita natin na ang mga ekspektasyong ito ay makasarili, na sumasalungat ang mga ito sa pagkatao, at higit pa rito ay walang kinalaman ang mga ito sa mga responsabilidad ng mga magulang. Kapag nagpataw ang mga magulang ng iba’t ibang ekspektasyon at hinihingi sa kanilang mga anak, hindi nila tinutupad ang kanilang mga responsabilidad. Kung gayon, ano nga ba ang kanilang “mga responsabilidad”? Ang pinakabatayang responsabilidad na dapat gampanan ng mga magulang ay ang turuan ang kanilang mga anak na magsalita, turuan sila na maging mabait at huwag maging masamang tao, at gabayan sila sa positibong direksiyon. Ito ang kanilang mga pinakabatayang responsabilidad. Bukod dito, dapat nilang tulungan ang kanilang mga anak sa pag-aaral ng anumang uri ng kaalaman, talento, at iba pa, na angkop sa mga ito, base sa edad ng mga anak, sa kung ano ang kaya nila, at sa kanilang kakayahan at mga interes. Tutulungan ng mga medyo mas mabuting magulang ang kanilang mga anak na maunawaan na ang mga tao ay nilikha ng Diyos at na mayroong Diyos na umiiral sa sansinukob na ito, ginagabayan ang kanilang mga anak na magdasal at magbasa ng mga salita ng Diyos, sinasabi sa kanila ang ilang kwento mula sa Bibliya, at umaasa sila na susunod ang kanilang mga anak sa Diyos at gagampanan ang tungkulin ng isang nilikha paglaki nila, sa halip na hangarin ang mga kalakaran ng mundo, masangkot sa iba’t ibang komplikadong ugnayan sa tao, at mawasak ng iba’t ibang kalakaran ng mundo at lipunang ito. Ang mga responsabilidad na dapat gampanan ng mga magulang ay walang kinalaman sa kanilang mga ekspektasyon. Ang mga responsabilidad na dapat nilang gampanan sa kanilang papel bilang mga magulang ay ang bigyan ng positibong gabay at angkop na tulong ang kanilang mga anak bago umabot sa hustong gulang ang mga ito, pati na rin ang agarang pag-aalaga sa kanila sa kanilang mga pangangailangan sa katawan, tulad ng pagkain, kasuotan, tirahan, o sa mga panahong nagkakasakit sila. Kung mangyari namang magkasakit ang kanilang mga anak, dapat gamutin ng mga magulang ang anumang sakit na kailangang gamutin; hindi nila dapat pabayaan ang kanilang mga anak o sabihan sila ng, “Magpatuloy kang pumasok sa paaralan, magpatuloy ka sa pag-aaral—hindi ka pwedeng mahuli sa iyong mga klase. Kung masyado ka nang mahuhuli, hindi ka na makakahabol.” Kapag kailangan ng kanilang mga anak na magpahinga, dapat hayaan ng mga magulang na magpahinga ang mga ito; kapag may sakit ang kanilang mga anak, dapat tulungan ng mga magulang ang mga ito na gumaling. Ito ang mga responsabilidad ng mga magulang. Sa isang aspekto, kinakailangan nilang alagaan ang pisikal na kalusugan ng kanilang mga anak; sa isa pang aspekto, kinakailangan nilang tulungan, turuan, at suportahan ang kanilang mga anak pagdating sa kalusugang pangkaisipan ng mga ito. Ito ang mga responsabilidad na dapat gampanan ng mga magulang, sa halip na magpataw ng anumang hindi makatotohanang ekspektasyon o mga hinihingi sa kanilang mga anak. Dapat gampanan ng mga magulang ang kanilang mga responsabilidad hindi lamang sa mga pangangailangan ng kalusugang pangkaisipan ng kanilang mga anak kundi pati na rin sa mga bagay na kinakailangan ng kanilang mga anak sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga ito. Hindi dapat pabayaan ng mga magulang ang kanilang mga anak na lubhang ginawin sa taglamig; dapat turuan nila ang mga ito ng ilang karaniwang kaalaman sa buhay, tulad ng kung anong mga sitwasyon sila magkakasipon, na dapat silang kumain ng mainit na pagkain, na sasakit ang kanilang tiyan kung kakain sila ng malalamig na pagkain, at na hindi nila dapat basta-bastang ilantad ang kanilang katawan sa hangin o hubarin ang kanilang damit sa lugar na masyadong mahangin kapag malamig ang panahon, tinutulungan sila na matutong alagaan ang kanilang sariling kalusugan. Bukod dito, kapag lumitaw sa murang isipan ng kanilang mga anak ang ilang batang-isip at hindi mature na ideya tungkol sa kinabukasan ng mga ito, o ilang labis-labis na kaisipan, dapat maging maagap ang mga magulang sa pagbigay ng tamang gabay sa mga anak sa sandaling matuklasan nila ito, sa halip na piliting supilin ang mga ito; dapat nilang hikayatin ang kanilang mga anak na magpahayag at ilabas ang mga ideya ng mga ito, upang tunay na malutas ang problema. Ito ay pagtupad sa kanilang mga responsabilidad. Ang pagtupad sa mga responsabilidad ng isang magulang ay nangangahulugan na, sa isang aspekto, ay pangangalaga sa kanilang mga anak, at sa isa pang aspekto, paggabay at pagtutuwid sa kanilang mga anak, at pagbibigay ng patnubay sa mga ito hinggil sa mga tamang kaisipan at pananaw. Ang mga responsabilidad na dapat gampanan ng mga magulang ay walang kinalaman sa mga ekspektasyon nila para sa kanilang mga anak sa totoo lang. Maaari kang umasa na magiging malusog ang pangangatawan ng iyong mga anak at na magtataglay sila ng pagkatao, konsensiya, at katwiran paglaki nila, o maaari kang umasa na magpapakita sila ng pagiging mabuting anak sa iyo, ngunit hindi ka dapat umasa na ang iyong mga anak ay magiging isang ganito at ganyang uri ng tanyag na tao o dakilang tao paglaki nila, at mas lalong hindi mo dapat palaging sabihin sa iyong mga anak na: “Tingnan mo kung gaano kamasunurin si Xiaoming na kapitbahay natin!” Ang mga anak mo ay mga anak mo—ang responsabilidad na dapat mong tuparin ay hindi ang sabihin sa iyong mga anak kung gaano kabuti si Xiaoming na kapitbahay nila o na hikayatin silang matuto mula sa kanilang kapitbahay na si Xiaoming. Ito ay hindi dapat gawin ng isang magulang. Ang bawat tao ay iba. Nagkakaiba ang mga tao sa kanilang mga kaisipan, pananaw, hilig, libangan, kakayahan, personalidad, at kung mabuti ba o masama ang kanilang pagkataong diwa. May mga taong likas na madaldal, samantalang ang iba naman ay likas na hindi palakibo, at hindi sumasama ang loob nila kahit pa lumipas ang buong araw nang walang ni isang salitang sinasabi. Kaya, kung nais gampanan ng mga magulang ang kanilang mga responsabilidad, dapat nilang sikaping unawain ang mga personalidad, disposisyon, hilig, kakayahan, at mga pangangailangan ng pagkatao ng kanilang mga anak, sa halip na iasa sa kanilang mga anak ang sarili nilang mga paghahangad sa mundo, katanyagan, at pakinabang bilang taong nasa hustong gulang na, ipinapataw sa kanilang mga anak ang mga bagay na nauugnay sa katanyagan, pakinabang, at mundo na nagmumula sa lipunan. Magandang pakinggan ang tawag ng mga magulang sa mga bagay na ito—mga ekspektasyon para sa kanilang mga anak, pero ang totoo, hindi ganoon ang mga ito. Malinaw na nagtatangka silang ipahamak ang kanilang mga anak at ipadala sila sa mga bisig ng diyablo. Kung ikaw ay talagang isang magulang, dapat mong gampanan ang iyong mga responsabilidad hinggil sa pisikal at mental na kalusugan ng iyong mga anak, sa halip na ipataw sa kanila ang iyong kagustuhan bago sila umabot sa hustong gulang, pinipilit ang kanilang murang isipan na tiisin ang mga bagay na hindi naman nila dapat tiisin. Kung tunay mong mahal at iniingatan sila at talagang gusto mong gampanan ang iyong mga responsabilidad sa kanila, dapat mong alagaan ang kanilang katawan at siguraduhing malusog ito. Siyempre, may mga batang ipinanganak na mahina at hindi malusog. Kung talagang may mga magagawang paraan ang mga magulang, maari nilang bigyan ang kanilang mga anak ng mga pandagdag-nutrisyon o kumonsulta sa isang tradisyunal na doctor sa China o sa isang nutrisyonista, higit pang alagaan ang mga anak na ito. Bukod dito, sa bawat edad bago umabot sa hustong gulang ang kanilang mga anak, mula sa pagkasanggol at pagkabata hanggang sa pagtanda, dapat pagtuunan ng higit pang atensiyon ng mga magulang ang mga pagbabago sa mga personalidad at hilig ng kanilang mga anak, at sa mga pangangailangan ng mga anak pagdating sa pagtuklas ng mga ito sa sariling pagkatao, pinapakitaan ng higit pang malasakit ang kanilang mga anak. Dapat din nilang bigyan ang kanilang mga anak ng positibo at makataong gabay, tulong, at panustos pagdating sa mga pangkaisipang pagbabago at mga maling akala, at sa ilang bagay na walang nakakaalam tungkol sa mga pangangailangan ng kanilang pagkatao, gamit ang praktikal na kabatiran, karanasan, at mga aral na natutunan nila sa pagdanas ng ganoon ding mga bagay. Dapat tulungan ng mga magulang ang kanilang mga anak na lumaki nang maayos sa bawat edad, at umiwas sa pagtahak sa mga pasikot-sikot o maling landas, o umasal nang sobra-sobra. Kapag napinsala o negatibong naapektuhan ang kanilang mura at nalilitong isipan, dapat silang magkaroon agad ng lunas, pati na rin ng pagmamalasakit, pagmamahal, pag-aalaga, at gabay mula sa kanilang mga magulang. Ito ang mga responsabilidad na dapat gampanan ng mga magulang. Tungkol naman sa anumang plano na mayroon ang mga anak para sa kanilang sariling kinabukasan, kung nais ba nilang maging guro, artist, o opisyal, at iba pa, kung makatwiran naman ang kanilang mga plano, maaari silang hikayatin ng mga magulang at bigyan ng tamang tulong at suporta batay sa sariling mga sitwasyon, edukasyon, kakayahan, pagkatao, sitwasyon ng pamilya ng mga ito, at iba pa. Ngunit, hindi dapat lumagpas ang mga magulang sa saklaw ng kanilang sariling mga abilidad, hindi nila dapat ibenta ang kanilang mga sasakyan, bahay, kidney, o ang kanilang dugo. Hindi ito kailangang gawin, hindi ba? (Oo.) Dapat lang nilang bigyan ng tamang tulong ang kanilang mga anak sa abot ng kanilang makakaya bilang mga magulang. Halimbawa, kung sasabihin ng kanilang mga anak, “Gusto kong mag-aral sa kolehiyo,” maaaring sabihin ng mga magulang, “Kung gusto mong mag-aral sa kolehiyo, susuportahan kita, at hindi ako kokontra, pero hindi gaanong may-kaya ang pamilya natin. Simula ngayon, kakailanganin kong mag-ipon ng pera araw-araw para sa isang taon ng iyong matrikula. Kung makakaipon na ako nang sapat, pwede ka nang mag-aral sa kolehiyo. Pero kung hindi pa rin ako makakaipon nang sapat, kakailanganin mong maghanap ng sarili mong solusyon.” Dapat magkasundo nang ganito ang mga magulang at ang kanilang mga anak, nagkakasang-ayunan at nagkakaroon ng kasunduan, at nilulutas ang problema sa mga pangangailangan ng kanilang mga anak kaugnay sa kinabukasan ng mga ito. Siyempre, kung hindi maisasakatuparan ng mga magulang ang mga plano at layunin ng kanilang mga anak para sa kinabukasan ng mga ito, hindi nila kailangang makonsensya at iisipin na: “Binigo ko ang mga anak ko, wala akong kakayahan, at dahil dito ay kailangan pang magdusa ang mga anak ko. Ang mga anak ng ibang tao ay kumakain ng masasarap, nagsusuot ng mga sikat na brand, at nagmamaneho ng mga sasakyan sa kolehiyo, at kapag umuuwi sila, sumasakay sila ng eroplano. Samantalang ang mga anak ko ay kailangang sumakay ng tren sa matitigas na upuan—hindi ko man lang sila kayang ipadala sa mga ordinaryong sasakyan. Binigo ko lang ang mga anak ko!” Hindi kailangang makonsensya ng mga magulang, ganito ang mga sitwasyon nila, at kahit na magbenta sila ng kidney, hindi pa rin nila maibibigay ang mga bagay na iyon, kaya dapat nilang tanggapin ang kanilang kapalaran. Isinaayos ng Diyos ang ganitong kalagayan para sa kanila, kaya ang mga magulang ay hindi kailangang makonsensya sa kanilang mga anak, na sasabihing: “Binigo kita. Kung hindi ka magiging isang mabuting anak sa hinaharap, hindi ako magrereklamo. Wala kaming kakayahan, at hindi ka namin binigyan ng magandang kapaligiran sa pamumuhay.” Hindi ito kailangang sabihin ng mga magulang. Kailangan lamang tuparin ng mga magulang ang kanilang mga responsabilidad nang may malinis na konsensiya, gawin ang lahat ng kanilang makakaya, at gawing malusog ang kanilang mga anak sa katawan at isipan. Sapat na iyon. Ang “Kalusugan” ay nangangahulugan na ginagawa ng mga magulang ang lahat ng kanilang makakaya para siguraduhing mayroong mga positibong kaisipan ang kanilang mga anak, pati na mga aktibo, positibo, at optimistikong kaisipan at saloobin patungkol sa kanilang pang-araw-araw na buhay at pag-iral. Kapag mayroong nagpapasama ng loob nila, hindi dapat magwala ang mga anak, hindi sila dapat magtangkang magpakamatay, magsanhi ng gulo sa kanilang mga magulang, o na pagalitan nila ang kanilang mga magulang dahil sa pagiging walang kakayahan at walang kwentang tao na hindi marunong kumita ng pera, sasabihing: “Tingnan mo ang mga magulang ng iba. Nagmamaneho sila ng magagandang sasakyan, nakatira sa mga mansiyon, sumasakay sa mararangyang cruise ship, at naglalakbay sa Europa. Samantalang tayo ay hindi man lang nakakaalis sa bayan natin kahit kailan o nakakabiyahe sa high-speed rail!” Kung magmamaktol sila nang ganito, paano ka dapat sasagot? Dapat sabihin mo na: “Tama ka, wala kaming labis na kakayahan. Ipinanganak ka sa pamilyang ito, at dapat mong tanggapin ang kapalaran mo. Kung kaya mo, ikaw mismo ay kikita ng pera sa hinaharap. Huwag mo kaming bastusin, at huwag mong igiit na gawin namin ang mga bagay-bagay para sa iyo. Natupad na namin ang aming mga responsabilidad sa iyo, at wala kaming utang sa iyo. Balang araw, magiging isa kang magulang, at kakailanganin mo ring gawin ito.” Kapag may sarili na silang mga anak, malalaman nilang hindi ganoon kadali para sa mga magulang na kumita ng pera para suportahan ang sarili at ang buong pamilya, kapwa bata at matanda. Sa kabuuan, dapat mo silang turuan ng ilang prinsipyo tungkol sa kanilang pag-asal. Kung tatanggapin ito ng mga anak mo, dapat kang magbahagi sa kanila tungkol sa pananampalataya sa Diyos at sa pagtahak sa landas ng paghahangad sa katotohanan para makamit ang kaligtasan, pati na rin ang ilang tamang kaisipan at pananaw na iyong natanggap mula sa Diyos. Kung handang tanggapin ng mga anak mo ang gawain ng Diyos at manampalataya sa Diyos kasama mo, mas mainam iyon. Kung walang ganitong pangangailangan ang mga anak mo, sapat na ang tuparin mo ang mga responsabilidad mo sa kanila; hindi mo na kailangang magtalak o magbanggit ng mga salita at doktrina ukol sa pananampalataya sa Diyos para ipangaral sa kanila. Hindi mo ito kailangang gawin. Kahit hindi nananampalataya ang mga anak mo, basta’t sumusuporta sila sa iyo, maaari pa rin kayong maging mabuting magkaibigan, at mag-usap at magtalakayan tungkol sa anumang bagay. Hindi kayo dapat maging magkaaway, o na magdamdam ka sa kanila. Sa huli, magkaugnay ang dugo ninyo. Kung handang tuparin ng mga anak mo ang mga responsabilidad nila sa iyo, na maging mabuting anak sa iyo, at sumunod sa iyo, kung gayon, maaari mong papanatilihin ang iyong ugnayang pampamilya sa kanila, at makisalamuha sa kanila nang normal. Hindi mo kailangang palaging murahin o pagalitan ang iyong mga anak dahil lang sa iba ang kanilang mga opinyon at pananaw sa iyo tungkol sa pananalig. Hindi kailangang gawin iyon. Hindi mo kailangang maging mainitin ang ulo, o isipin na malaking isyu na hindi nananampalataya sa Diyos ang mga anak mo, na para bang nawalan ka ng buhay at kaluluwa. Hindi iyon ganoon kaseryoso. Kung hindi sila nananampalataya, natural na may sarili silang mga landas na napiling tahakin. Mayroon ka ring isang landas na dapat tahakin at isang tungkulin na dapat gamapanan, at walang kinalaman ang mga bagay na ito sa iyong mga anak. Kung hindi nananampalataya ang mga anak mo, hindi mo kailangang igiit ito. Marahil ay hindi pa lang dumating ang tamang oras, o na sadyang hindi pa sila hinirang ng Diyos. Kung sadyang hindi pa sila hinirang ng Diyos, at pinipilit mo silang manampalataya, kung gayon, isa kang mangmang at suwail. Siyempre, kung hinirang na sila ng Diyos, ngunit hindi pa dumating ang tamang oras, at iginigiit mong manampalataya sila ngayon, medyo masyadong maaga pa. Kung nanaisin ng Diyos na kumilos, walang taong makakatakas sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan. Kung isinaayos ng Diyos na ang mga anak mo ay manampalataya, maisasakatuparan Niya ito sa isang salita o kaisipan. Kung hindi isinaayos ng Diyos na sila ay manampalataya, hindi sila maaantig, at kung hindi sila maaantig, gaano ka man magsalita, wala itong silbi. Kung hindi nananampalataya ang mga anak mo, wala kang pagkakautang sa kanila, kung nananampalataya naman ang mga anak mo, hindi ito dahil sa iyo. Hindi’t ba’t ganoon ang lagay? (Oo.) Mayroon man kayong mga parehong layon sa iyong mga anak ukol sa pananalig o kung pareho man kayong mag-isip sa aspektong ito, ano’t anuman, kailangan mo lang tuparin ang iyong mga responsabilidad sa kanila. Kung natupad mo na ang mga responsabilidad na ito, hindi ito nangangahulugan na napakitaan mo sila ng kabutihan, at kung hindi nananampalataya ang iyong mga anak, hindi ito nangangahulugang may utang ka sa kanila, dahil natupad mo na ang iyong mga responsabilidad, at doon iyon natatapos. Nananatiling hindi nagbabago ang inyong relasyon, at maaari ka pa ring makipag-ugnayan sa iyong mga anak tulad ng dati. Kapag nahaharap sa mga suliranin ang iyong mga anak, dapat mo silang tulungan hangga’t kaya mo. Kung nasa iyo ang mga materyal na kakailanganin para matulungan ang iyong mga anak, dapat kang tumulong; kung magagawa mong ituwid ang mga kaisipan at pananaw ng iyong mga anak sa ng sikolohikal o mental na antas, at bigyan sila ng tamang gabay at tulong upang makaahon sila mula sa kanilang mga suliranin, kung gayon ay mabuting bagay iyon. Sa kabuuan, ang dapat gawin ng mga magulang bago umabot sa hustong gulang ang kanilang mga anak ay ang tuparin ang mga responsabilidad ng mga magulang, alamin kung ano ang gustong gawin ng kanilang mga anak, at kung ano ang mga hilig at hangarin ng kanilang mga anak. Kung gusto ng kanilang mga anak na pumatay ng mga tao, magsunog ng mga gamit, o gumawa ng krimen, dapat seryosong disiplinahin ng mga magulang o parusahan pa nga ang kanilang mga anak. Pero kung sila ay mga masunuring anak, at pareho lang din sa ibang ordinaryong bata, at umaasal sila nang maayos sa paaralan, ginagawa ang kahit anong iniuutos sa kanila ng kanilang mga magulang, wala nang ibang dapat gawin ang mga magulang kundi tuparin ang mga responsabilidad nila sa kanilang mga anak. Maliban sa pagtupad sa kanilang mga responsabilidad, iyong mga diumano’y ekspektasyon, hinihingi, at pag-iisip tungkol sa kanilang kinabukasan ay pawang hindi kinakailangan. Bakit Ko sinasabing hindi kinakailangan ang mga ito? Ang kapalaran ng bawat tao ay inorden ng Diyos at hindi mapagpapasyahan ng kanilang mga magulang. Anuman ang ekspektasyon ng mga magulang para sa kanilang mga anak, imposibleng maisasakatuparan ang lahat ng ito sa hinaharap. Hindi maitatakda ng mga ekspektasyong ito ang kinabukasan o buhay ng kanilang mga anak. Kahit gaano kalaki ang mga ekspektasyon ng mga magulang para sa kanilang mga anak, o gaano kalaki ang mga sakripisyo o halagang inilalaan nila para sa mga ekspektasyong iyon, walang saysay ang lahat ng ito; walang epekto ang mga bagay na ito sa hinaharap o buhay ng kanilang mga anak. Kaya, hindi dapat gumawa ng mga kalokohan ang mga magulang. Hindi sila dapat magsakripisyo nang walang kabuluhan para sa kanilang mga anak bago sila umabot sa hustong gulang, at natural na hindi sila dapat sobrang mag-alala tungkol dito. Ang pagpapalaki ng mga anak ay tungkol sa pagkatuto ng isang magulang habang nagkakaroon din ng iba’t ibang karanasan mula sa iba’t ibang kapaligiran, at pagbibigay ng pagkakataon sa kanilang mga anak na makinabang mula sa mga ito. Iyon lang ang kailangang gawin ng mga magulang. Tungkol naman sa kinabukasan at landas ng buhay sa hinaharap ng mga anak, walang kinalaman ang mga bagay na ito sa mga ekspektasyon ng kanilang mga magulang. Ibig sabihin, hindi mapagpapasyahan ng mga ekspektasyon ng iyong mga magulang ang iyong kinabukasan. Hindi ibig sabihin na dahil mataas ang mga ekspektasyon ng iyong mga magulang sa iyo, o dahil umaasa sila ng magagandang bagay mula sa iyo ay magtatagumpay at magiging maayos ang pamumuhay mo, at hindi rin ibig sabihin na dahil walang mga ekepektasyon sa iyo ang iyong mga magulang ay magiging isa ka nang pulubi. Wala itong kaukulang ugnayan sa mga bagay na ito. Sabihin Mo sa akin, madali bang unawain itong mga paksang ibinahagi Ko? Madali ba para sa mga tao na isakatuparan ang mga bagay na ito? Mahirap ba ang mga ito? Kailangan lang tuparin ng mga magulang ang kanilang mga responsabilidad sa kanilang mga anak, palakihin sila, at itaguyod tungo sa hustong gulang. Hindi nila kailangang palakihin ang kanilang mga anak bilang isang taong may talento. Madali bang tuparin ito? (Oo.) Madali lang gawin ito—hindi mo kailangang magpasan ng anumang responsabilidad para sa kinabukasan o buhay ng iyong mga anak, o bumuo ng anumang plano para sa kanila, o magtakda kung magiging anong uri sila ng tao, anong klase ng buhay mayroon sila sa hinaharap, sa anong mga grupo sa lipunan sila matatagpuan sa mga susunod na panahon, kung ano ang magiging kalidad ng buhay nila sa mundong ito sa hinaharap, o kung anong uri ng katayuan ang mayroon sila kasama ng mga tao. Hindi mo kailangang itakda o kontrolin ang mga bagay na ito; kailangan mo lang na tuparin ang iyong responsabilidad bilang magulang. Ganoon lang iyon kasimple. Kapag umabot na ng school-age ang mga anak mo, kailangan mong maghanap ng paaralan at ipasok sila roon, bayaran ang kanilang matrikula kapag kinakailangan, at bayaran ang anumang kailangan nila sa eskuwela. Sapat na ang tuparin ang mga responsabilidad na ito. Pagdating sa kung ano ang kanilang kinakain at sinusuot sa buong taon, kailangan mo lang alagaan ang kanilang katawan base sa mga sitwasyon. Huwag hayaang hindi sila magamot mula sa isang karamdaman bago pa sila umabot sa hustong gulang, kung kailan hindi pa nila naiintindihan kung paano alagaan ang kanilang sariling katawan. Maagap na ituwid ang kanilang mga kapintasan at masasamang gawi, tulungan mo silang bumuo ng mabubuting kagawian sa buhay, at pagkatapos ay payuhan at patnubayan ang kanilang mga isipan, at tiyaking hindi sila umasal nang sobra-sobra. Kung gusto nila ang ilang masamang bagay sa mundo, pero nakikita mo na mababait silang anak, at na naimpluwensiyahan lamang sila ng masasamang kalakaran sa mundo, dapat mo silang ituwid kaagad at tulungan silang ayusin ang kanilang mga kapintasan at masasamang gawi. Ito ang mga responsabilidad na dapat gampanan ng mga magulang at ang mga tungkuling kailangan nilang paglingkuran. Hindi dapat itulak ng mga magulang ang kanilang mga anak sa mga kalakaran ng lipunan, at hindi nila dapat ipapasan sa kanilang mga anak ang iba’t ibang uri ng panggigipit nang masyadong maaga, na karaniwan ay para lang sa mga taong nasa hustong gulang, samantalang wala pa sa hustong gulang ang kanilang mga anak. Hindi dapat gawin ng mga magulang ang mga bagay na ito. Ito ay mga simpleng bagay lang na dapat tuparin, ngunit hindi ito kayang isakatuparan ng ibang tao. Dahil hindi kayang bitiwan ng mga taong iyon ang kanilang paghahangad sa makamundong katanyagan at pakinabang, o ang masasamang kalakaran ng mundo, at dahil natatakot silang itakwil sa mundo, bago pa man umabot sa hustong gulang ang kanilang mga anak, maaga nilang hinihikayat ang mga ito na pumasok sa lipunan at mabilis na makiangkop sa lipunan sa aspektong pangkaisipan. Kung may mga ganitong magulang ang mga anak, wala silang swerte. Anuman ang mga pamamaraan o dahilan ng pagmamahal, pagtatangi, at pagbabayad ng mga halaga para sa kanila ng kanilang mga magulang, para sa mga anak na may ganitong pamilya, hindi ibig sabihin na magagandang bagay ang mga iyon—kung tutuusin, ang mga iyon ay mga uri ng sakuna. Ito ay dahil, sa likod ng mga ekspektasyon ng magulang, ang idinudulot ng mga magulang na iyon sa murang isipan ng kanilang mga anak ay pagkawasak. Sa madaling salita, ang mga ekspektasyon ng mga magulang na iyon, sa totoo lang, ay hindi naman talaga tungkol sa pagkakaroon ng kanilang mga anak ng malusog na isipan at katawan; ito ay mga ekspektasyon lang kung saan magagawang ipundar ng kanilang mga anak ang sarili sa lipunan at na hindi maitakwil ng lipunan. Ang layon ng kanilang mga ekspektasyon ay ang magkaroon ng magandang buhay ang kanilang mga anak, o maging mas nakatataas kaysa sa ibang tao, upang hindi maging manlilimos, upang hindi diskriminahin o apihin ng ibang tao, at upang makapasok sa masasamang kalakaran at masasamang grupo ng tao. Mabubuting bagay ba ang mga ito? (Hindi.) Kaya, hindi mo kailangang isapuso ang mga ganitong ekspektasyon ng magulang. Kung minsan nang pinanghawakan ng mga magulang mo ang mga ganitong ekspektasyon para sa iyo, o kung nagbayad na sila ng maraming halaga para maisakatuparan ang kanilang mga ekspektasyon para sa iyo, kaya pakiramdam mo ay may utang ka sa kanila, at nilalayon mong gamitin ang buong buhay mo para masuklian ang mga halagang binayaran nila para sa iyo—kung mayroon kang ganitong ideya at hangarin, dapat mo na itong bitiwan ngayon. Wala kang anumang utang sa kanila, sa halip, sila ang nagdulot ng pagkawasak at pinsala sa iyo. Bukod sa hindi nila naisakatuparan ang kanilang mga responsabilidad bilang magulang, sa kabaligtaran, sinaktan ka nila, nagdulot ng iba’t ibang pinsala sa iyong murang isipan, at nag-iwan ng maraming masasamang alaala at marka sa iyong isipan. Sa madaling salita, ang mga magulang na gaya nito ay hindi mabubuting magulang. Kung, bago ka umabot sa hustong gulang, sa kanilang paraan ng pagtuturo, pag-impluwensiya, at pagsasalita sa iyo ay palaging umaasa ang iyong mga magulang na mag-aaral ka nang mabuti, magtatagumpay, at na hindi ka magiging isang manggagawa lamang, na tiyak na magkakaroon ka ng magandang kinabukasan, na ikaw ay magiging anak nila na ipinagmamalaki at ikinagagalak, at na magdadala ka ng karangalan at kaluwalhatian sa kanila, kung gayon, sa araw na ito, dapat kang kumawala sa kanilang mga diumano’y kabutihan, at hindi mo na kailangang isapuso ang mga ito. Hindi ba’t tama iyon? (Oo.) Ito ang mga ekspektasyon ng mga magulang para sa kanilang mga anak bago umabot sa hustong gulang ang mga ito.

Ang likas na katangian ng mga ekspektasyon ng mga magulang para sa kanilang mga anak ay nananatiling pareho kapag umabot na sa hustong gulang ang kanilang mga anak. Bagamat nakapagsasariling mag-isip ang kanilang mga anak na nasa hustong gulang, at kayang makipag-ugnayan, magsalita, at makipagtalakayan sa kanila mula sa perspektiba ng isang taong nasa hustong gulang, ganoon pa rin ang mga kinikimkim na ekspektasyon ng mga magulang para sa kanilang mga anak mula sa perspektiba ng isang magulang. Ang kanilang mga ekspektasyon ay nag-iiba mula sa mga ekspektasyon para sa isang anak na wala pa sa hustong gulang tungo sa mga ekspektasyon para sa isang taong nasa hustong gulang. Bagamat naiiba ang mga ekspektasyon ng magulang para sa mga taong nasa hustong gulang kumpara sa mga anak na wala pa sa hustong gulang, bilang ordinaryo, tiwaling tao, at miyembro ng lipunan at mundo, pareho pa rin ang mga ekspektasyon ng mga magulang para sa kanilang mga anak. Umaasa silang magiging maayos ang takbo ng trabaho ng kanilang mga anak, na magkakaroon ang mga ito ng masayang buhay may asawa at perpektong pamilya, magkakaroon ng mga pagtaas sa sahod at promosyon, magkakamit ng parangal mula sa kanilang mga amo, at na magiging maayos ang lahat para sa kanila sa kanilang mga trabaho, nang hindi sila nakakaranas ng anumang paghihirap. Ano ang silbi ng mga ekspektasyong ito? (Walang silbi ang mga ito.) Walang silbi at hindi kinakailangan ang mga ito. Iniisip ng mga magulang na kaya nilang basahin ang iyong isipan dahil sila ang nagpalaki at sumuporta sa iyo, kaya naman naniniwala silang alam na nila ang lahat tungkol sa iniisip mo, kung ano ang gusto mo, at kung ano ang iyong personalidad, kahit na ikaw ay nasa hustong gulang na ngayon. At kahit na isa kang taong nasa hustong gulang na nakapagsasarili, at kaya mo nang kumita ng pera para suportahan ang sarili mo, pakiramdam nila ay kaya ka pa rin nilang kontrolin, at na may karapatan pa rin silang magsalita, makialam, magdesisyon, manghimasok, o maghari-harian pa nga pagdating sa anumang bagay tungkol sa iyo. Ibig sabihin, iniisip nila na maaaring sila ang may huling pasya. Halimbawa, pagdating sa pag-aasawa, kung may nililigawan ka, kaagad na sinasabi ng iyong mga magulang: “Hindi maganda iyan, hindi siya kasing-edukado mo, hindi siya gaanong kagandahan, at nakatira sa probinsiya ang pamilya niya. Kapag naikasal ka na sa kanya, dadagsa ang kanyang mga kamag-anak mula sa probinsiya, hindi nila alam kung paano gumamit ng banyo, at dudumihan lang nila ang lahat. Tiyak na hindi ka magkakaroon ng magandang buhay niyan. Hindi maganda ito, hindi kita pinapayagang makasal sa kanya!” Hindi ba’t ito ay pangingialam? (Oo.) Hindi ba’t sobra-sobra na ito at nakakasuklam? (Oo, sobra-sobra na ito.) Kinakailangan pa ring humingi ng pahintulot ang mga anak mula sa kanilang mga magulang kapag naghahanap sila ng katuwang sa buhay. Bilang resulta, may ilang anak ngayon na hindi na nagsasabi sa kanilang mga magulang na nakahanap na sila ng kasintahan, para lang maiwasan ang pangingialam ng kanilang mga magulang. Kapag tinatanong sila ng kanilang mga magulang, “May kasintahan ka na ba?” sinasabi lang nila, “Wala pa, maaga pa, bata pa ako, hindi ko kailangang magmadali,” pero ang totoo, dalawa o tatlong taon na silang may kasintahan, hindi lang nila sinasabi sa kanilang mga magulang. At bakit hindi nila sinasabi sa kanilang mga magulang? Dahil gustong makialam ng kanilang mga magulang sa lahat ng bagay; masyadong pihikan ang mga ito, kaya’t hindi na lang nila ikinukuwento sa kanilang mga magulang ang tungkol sa kanilang kasintahan. Kapag handa na silang magpakasal, diretso na lamang nilang dinadala ang kanilang kasintahan sa bahay ng kanilang mga magulang, at nagtatanong sila, “Ibinibigay mo ba ang iyong pahintulot? Magpapakasal na ako bukas. Ganito ang gagawin ko sa bagay na ito, papayag ka man o hindi. Kung hindi ka papayag, magpapatuloy pa rin kami at magkakaanak.” Masyadong nakikialam ang mga magulang na ito sa kanilang mga anak, pati na sa buhay may asawa ng mga anak. Hangga’t hindi naaayon sa kanilang inaasam ang kasintahan ng kanilang mga anak, kung hindi nila nakakasundo ang mga ito, o kung ayaw nila sa mga ito, susubukan nilang paghiwalayin ang kanilang anak at ang kasintahan nito. Kung hindi sumasang-ayon ang kanilang anak dito, pumapalahaw sila ng iyak, gagawa ng gulo, at magbabantang magpapakamatay, hanggang sa puntong hindi malaman ng kanilang mga anak kung maaiyak o matatawa ang mga ito—hindi malaman ng mga ito kung ano ang gagawin. May mga anak din na nagsasabing matanda na sila at ayaw nang mag-asawa, at sinasabi sa kanila ng kanilang mga magulang: “Hindi maganda iyan. Umasa akong lalaki ka, mag-aasawa, at magkakaroon ng mga anak. Nasaksihan ko na ang paglaki mo, at ngayon, gusto kong makita na mag-aasawa ka at magkakaanak. Saka na lang ako pwedeng mamatay nang mapayapa. Kung hindi ka mag-aasawa, hinding-hindi ko matutupad ang pangarap na ito. Hindi ako maaaring mamatay, at kung mamatay man ako, hindi ako mapapayapa. Kailangan mong mag-asawa, bilisan mo at humanap ka na ng kapareha. Ayos lang kahit pansamantala ka lang makahanap ng kapareha, ipakilala mo muna sa akin.” Hindi ba’t pangingialam ito? (Oo.) Pagdating sa pagpili ng kanilang mga anak ng kapareha, maaaring magbigay ng angkop na payo ang mga magulang, maari nilang paalalahanan ang kanilang mga anak, o tulungang suriin ang kanilang kapareha, pero hindi sila dapat makialam, hindi nila dapat tulungan ang kanilang mga anak na magdesisyon. May sariling damdamin ang mga anak kung gusto ba nila ang kanilang kasintahan, kung magkasundo ba sila, kung pareho ba ang kanilang mga hilig, at kung magiging masaya ba sila sa hinaharap. Hindi palaging alam ng mga magulang ang mga bagay na ito, at kahit na alam nila, maaari lamang silang magbigay ng mga suhestiyon, hindi sila dapat lantarang humadlang o lubhang makialam sa usaping ito. May mga magulang pa nga na nagsasabing: “Kapag naghanap ng kasintahan ang anak ko, dapat kapantay ng sa pamilya namin ang estado nito sa lipunan. Kung hindi, at may mga motibon sila sa anak ko, hindi ko sila papayagang makasal, kailangan kong putulin ang kanilang mga plano. Kung gusto nilang pumasok sa bahay ko, hindi ko sila papayagan!” Nararapat ba ang ekspektasyong ito? Ito ba ay makatwiran? (Hindi ito makatwiran.) Mahalagang bagay ito sa buhay ng kanilang mga anak, hindi makatwirang makialam ang mga magulang dito. Ngunit mula sa perspektiba ng mga magulang na ito, may higit pang dahilan para makialam sila sa mahahalagang bagay sa buhay ng kanilang mga anak. Kung kaswal lang na nagkakaroon ng kaibigan sa ibang kasarian ang kanilang mga anak, hindi sila makikialam, pero kung may kinalaman ito sa malaking usapin na tungkol sa pag-aasawa, iisipin nila na kinakailangan nilang makialam. May mga magulang pa nga na nagsusumikap na tiktikan ang kanilang mga anak, tinitingnan kung sino sa mga ibang kasarian ang mayroon silang mga numero at impormasyon sa kanilang mga telepono at computer, nakikialam at minamanmanan ang kanilang mga anak, hanggang sa puntong wala nang matatakbuhan ang kanilang mga anak, kung saan sila ay hindi makakapaglaban, hindi makakasagot, o makakaiwas sa hadlang na ito. Ito ba ay tamang paraan ng pagkilos para sa isang magulang? (Hindi.) Kung dahil sa mga magulang ay sumasama ang loob ng kanilang mga anak, nakakabahala, hindi ba? Ang dapat gawin ng mga magulang para sa kanilang mga anak na nasa hustong gulang ay ang patuloy na gampanan ang kanilang mga responsabilidad at obligasyon bilang mga magulang, tulungan ang mga anak sa mga landas ng mga ito sa hinaharap, at bigyan ang mga anak ng makatwiran at mahalagang payo, patnubay, at paalala, upang hindi malinlang sa trabaho o kapag nakikipag-ugnayan ang mga ito sa iba’t ibang uri ng tao, pangyayari, at bagay, at upang maiwasan ng mga anak ang pagtahak sa mga pasikot-sikot na landas, ang maharap sa mga hindi importanteng problema, o ang makasuhan pa nga. Ang mga magulang ay dapat tumindig mula sa perspektiba ng isang taong may karanasan, at bigyan ang kanilang mga anak ng kapaki-pakinabang at mahalagang payo at mga sanggunian. Hinggil sa kung makikinig man sa kanila o hindi ang kanilang mga anak, problema na iyon ng kanilang mga anak. Ang dapat gawin ng mga magulang ay tuparin lamang ang kanilang mga responsabilidad. Hindi maiimpluwensiyahan ng mga magulang kung gaano karaming paghihirap ang dadanasin ng kanilang mga anak, kung gaano katinding pasakit ang titiisin ng mga ito, o kung gaano karaming biyaya ang tatamasahin ng mga ito. Kung kinakailangang tiisin ng kanilang mga anak ang ilang malalaking pagsubok sa buhay na ito, at itinuturo na nila ang mga bagay na kinakailangang ituro sa kanilang mga anak, ngunit kapag may nangyayari sa kanilang mga anak ay nananatiling napakasutil pa rin ng mga ito, kung gayon, ang mga anak ay nararapat lang na magdusa, iyon ang kapalaran ng mga ito, at hindi na kailangang sisihin ng mga magulang ang kanilang sarili, hindi ba’t totoo iyon? (Oo.) Sa ilang sirkumstansiya, hindi nagiging maayos ang buhay may asawa ng mga tao, hindi sila magkasundo ng kanilang asawa, at nagdedesisyon silang maghiwalay, at pagkatapos nilang maghiwalay, magkakaroon ng alitan kung sino ang magpapalaki sa kanilang mga anak. Umasa ang mga magulang ng mga taong iyon na magiging maayos ang lahat sa trabaho ng kanilang mga anak, na magkakaroon sila ng masayang buhay may asawa at na walang anumang hidwaan o problema na lilitaw, ngunit sa huli, hindi nangyari ang gusto nila. Dahil dito, nag-aalala ang mga magulang` sa kanilang mga anak, umiiyak, nagsusumbong sa kanilang mga kapitbahay tungkol dito, at tinutulungan ang kanilang mga anak na makahanap ng mga abogado para ipaglaban ang kustodiya ng sariling anak ng mga ito. May mga magulang pa nga na nakakakita na naagrabyado ang kanilang anak na babae, at tumitindig sila para ipaglaban ang kanilang anak, pumupunta sila sa bahay ng asawa ng kanilang anak at bumubulyaw, “Bakit mo ginawan nang masama ang anak ko? Hindi ko mapapalampas ang panghahamak na ito!” Dinadala pa nga nila ang kanilang mga kamag-anak para maglabas ng galit sa ngalan ng kanilang anak, at humahantong ito sa mga pag-aaway. Bilang resulta, nagdudulot ito ng malaking eksena. Kung hindi dumating ang buong pamilya para manggulo, at kung unti-unting nawala ang tensiyon sa pagitan ng mag-asawa, pagkatapos nilang kumalma, malamang ay hindi na sana sila maghihiwalay. Ngunit, dahil sa kaguluhang ginawa ng mga magulang na ito, naging malaking isyu ito; hindi na maaayos ang kanilang nasirang pagsasama, at nagkaroon ng lamat. Sa huli, sobrang laking gulo ang ginawa ng mga magulang kaya’t hindi naging maayos ang buhay may asawa ng kanilang mga anak, at kinailangan ding mag-alala ang mga magulang tungkol dito. Sabihin mo sa Akin, sulit ba ang gulong ito? Ano ang silbi ng pangingialam nila sa mga bagay na iyon? May kinalaman man ito sa buhay may asawa o sa trabaho ng kanilang mga anak, iniisip ng lahat ng magulang na may malaking responsabilidad sila: “Dapat akong makialam, kailangan kong subaybayan at obserbahang mabuti ang bagay na ito.” Inoobserbahan nila kung masaya ba o hindi ang buhay may asawa ng kanilang mga anak, kung may mga problema ba sa pagmamahalan ng mga ito, at kung may kabit ba ang kanilang mga anak na lalaki o ang manugang. Ang ibang magulang ay nakikialam, namumuna, o nakakaisip pa nga ng mga pakana ukol sa iba’t ibang aspeto ng buhay ng kanilang mga anak para masunod ang kanilang mga ekspektasyon sa buhay may asawa ng kanilang mga anak o sa iba pang bagay, at lubha itong nakakaapekto sa normal na ayos ng buhay at trabaho ng kanilang mga anak. Hindi ba’t kasuklam-suklam ang mga ganitong magulang? (Oo.) May mga magulang pa nga na nakikialam sa pamumuhay at kagawian sa buhay ng kanilang mga anak, at kapag wala silang magawa, pumupunta sila sa bahay ng kanilang mga anak para makita kung kumusta ang kanilang manugang na babae, para tingnan kung palihim itong nagpapadala ng mga regalo o pera sa sarili nitong mga pamilya, o kung nakikipag-ugnayan ba ito sa ibang lalaki. Para sa kanilang mga anak, talagang kasuklam-suklam at kamuhi-muhi ang mga kilos na ito. Kung magpapatuloy nang ganito ang mga magulang, mararamdaman ng kanilang mga anak na kasuklam-suklam at kamuhi-muhi ito, kaya’t napakalinaw na hindi makatwiran ang mga ganitong kilos. Siyempre, kung titingnan natin ito mula sa ibang perspektiba, ang mga ganitong kilos ay imoral din at walang pagkatao. Anuman ang uri ng mga ekspektasyon mayroon ang mga magulang para sa kanilang mga anak, kapag umabot na sa hustong gulang ang mga anak, hindi na dapat makialam ang mga magulang sa pamumuhay o trabaho ng mga ito, o sa pamilya ng mga ito, at mas lalong hindi sila dapat makialam o magkontrol sa iba’t ibang aspekto ng buhay ng kanilang mga anak. May mga magulang pa nga na talagang mahilig sa pera, at sinasabi nila sa kanilang mga anak: “Para mabilis kang kumita ng mas maraming pera, kailangan mong palakihin ang iyong negosyo. Tingnan mo ang anak ni ganito at ganyan, pinalawak nila ang kanilang negosyo—malaki na ngayon ang maliit nilang tindahan, at ginawa nilang pang-franchise ang malaking tindahan na iyon, at ngayon ay nakakasama na nila ang kanilang mga magulang sa pagkain at pag-inom nang maayos. Kailangan mong kumita ng mas maraming pera. Kumita ng mas maraming pera at magbukas ng mas maraming tindahan, pagkatapos ay maaari kaming sama-samang makibahagi sa iyong kaluwalhatian.” Sa kabila ng mga paghihirap o mga pagnanais ng kanilang mga anak, nais lamang nilang matugunan ang sarili nilang mga kagustuhan at makasariling hangarin; nais lamang nilang gamitin ang kanilang mga anak para kumita ng malaking pera, upang matamo ang kanilang layon na magtamasa ng mga kasiyahan sa laman. Lahat ng ito ay mga bagay na hindi dapat gawin ng mga magulang. Ang mga ito ay imoral at walang pagkatao, at ang mga magulang na ito ay hindi tumutupad sa kanilang mga responsabilidad. Hindi dapat ganito ang saloobin ng mga magulang sa kanilang mga anak na nasa hustong gulang na. Sa halip, sinasamantala ng mga magulang na ito ang kanilang katandaan, nanghihimasok sila sa buhay ng kanilang mga anak na nasa hustong gulang, pinakikialaman nila ang buhay may asawa ng kanilang mga anak, at ang iba pang bagay, sa ilalim ng pagkukunwaring nagpapakita ng pagkaresponsable para sa kanilang mga anak. Gaano man kahusay ang mga anak na nasa hustong gulang, anuman ang kanilang kakayahan, katayuan sa lipunan, o ang kanilang kinikita, ito ang kapalarang itinakda ng Diyos para sa kanila—ito ay nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Hindi dapat nakikialam ang mga magulang sa uri ng pamumuhay ng kanilang mga anak, maliban na lamang kung hindi tumatahak sa tamang landas ang kanilang mga anak o kung nilalabag ng mga ito ang batas, kung saan, dapat mahigpit na disiplinahin ng mga magulang ang kanilang mga anak. Ngunit, sa mga normal na sitwasyon, kung saan nasa tamang kaisipan at may kakayahang mamuhay at nakapagsasarili ang mga nasa hustong gulang, dapat lang na umatras ang mga magulang, dahil nasa hustong gulang na ang kanilang mga anak. Kung bago lang umabot sa hustong gulang ang kanilang mga anak, at sila ay 20 o 21 taong gulang, at hindi pa rin alam ng mga ito ang iba’t ibang kumplikadong sitwasyon sa lipunan, o kung paano umasal sa buhay, at hindi naiintindihan kung paano makipag-ugnayan sa iba, at mahina ang mga kasanayan ng mga anak na ito sa pamumuhay, kung gayon, dapat silang bigyan ng tamang tulong ng mga magulang, na magbibigay-daan sa kanila na unti-unting marating ang puntong kaya na nilang mamuhay nang nakapagsasarili. Ito ay tinatawag na pagtupad sa kanilang responsabilidad. Subalit, sa sandaling mailagak na nila sa tamang landas ang kanilang mga anak, at may kakayahan nang makapamuhay ang mga ito nang nakapagsasarili, dapat nang umatras ang mga magulang. Hindi nila dapat patuloy na ituring ang kanilang mga anak na parang wala pa sa hustong gulang ang mga ito, o na parang may kakulangan sa pag-iisip. Hindi sila dapat magkaroon ng anumang di-makatotohanang ekspektasyon sa kanilang mga anak, o manghimasok sa pribadong buhay ng kanilang mga anak o sa mga saloobin, pananaw, at kilos ng mga ito patungkol sa trabaho, pamilya, pag-aasawa, mga tao, at mga pangyayari, sa ilalim ng pagkukunwaring mayroong mga ekspektasyon para sa kanilang mga anak. Kung gagawin nila ang alinman sa mga bagay na iyon, hindi sila tumutupad sa kanilang mga responsabilidad.

Kapag kaya ng kanilang mga anak na mamuhay nang nakapagsasarili, ang dapat gawin ng mga magulang ay magpakita lang ng pagmamalasakit sa kanilang mga anak at ng karampatang pag-aalala pagdating sa trabaho, buhay, at pamilya ng mga ito, o magbigay ng naaangkop na tulong sa mga sitwasyon kung saan hindi kaya ng kanilang mga anak na isakatuparan o pangasiwaan ang isang bagay gamit ang kanilang sariling mga abilidad. Halimbawa, sabihin nating mayroong sanggol ang iyong anak, at parehong napakabusy nilang dalawa ng asawa niya sa trabaho. Napakaliit pa ng sanggol, at kung minsan, walang nag-aalaga rito. Sa mga sitwasyong ito, maaari mong tulungan ang iyong anak na alagaan ang kanilang sanggol. Ito ang responsabilidad ng isang magulang, dahil dugo at laman mo ang sanggol, at mas ligtas kung ikaw ang mag-aalaga ng kanilang sanggol kaysa sa ibang tao. Kung pinagkakatiwalaan ka ng iyong anak na mag-alaga sa kanyang sanggol, dapat mo itong alagaan. Kung hindi sila panatag na ipagkatiwala sa iyo ang kanilang sanggol at ayaw nilang alagaan mo ito, o kung hindi sila papayag na alagaan mo ito dahil iniingatan ka nila, dahil iniisip ka nila, at takot silang baka hindi kayanin ng katawan mo, kung gayon ay hindi mo ito dapat hanapan ng mali. May mga anak pa nga na sadyang hindi nagtitiwala sa kanilang mga magulang, iniisip nila na hindi kaya ng kanilang mga magulang na mag-alaga ng isang sanggol, na marunong lang na magpalayaw ng maliliit na bata ang kanilang mga magulang pero hindi marunong magturo sa mga bata, at hindi rin maingat pagdating sa kinakain ng mga bata. Kung walang tiwala sa iyo ang anak mo at ayaw nitong ikaw ang mag-alaga sa kanilang sanggol, mas mainam iyon, magkakaroon ka ng mas maraming libreng oras. Ito ay tinatawag na pagkakasundo ng parehong panig: Parehong hindi nakikialam sa isa’t isa ang magulang at anak, at kasabay nito ay nagpapakita sila ng konsiderasyon sa isa’t isa. Kapag nangangailangan ng tulong, pagmamalasakit, at pag-aalaga ang kanilang mga anak, kailangan lang magbigay ng angkop at karampatang pagmamalasakit, pag-aalaga, at pinansyal na suporta ang mga magulang sa kanilang mga anak sa emosyonal o iba pang aspekto. Halimbawa, ipagpalagay na mayroong kaunting ipon ang isang magulang, o magaling sila sa kanilang trabaho at mayroong pinagkukunan ng kita. Kapag nangangailangan ng pera ang kanilang mga anak, maaari silang magbigay ng kaunting tulong kung kaya nila. Kung hindi nila kaya, hindi nila kinakailangang isuko ang lahat ng kanilang ari-arian o mangutang ng pera mula sa 5-6 para lang matulungan ang kanilang mga anak. Kailangan lamang nilang gawin kung ano ang makakaya nila para tuparin ang mga responsabilidad na mayroon sila sa mga ugnayan ng pamilya. Hindi kailangang ipagbili ang lahat ng mayroon sila, o ibenta ang kanilang mga kidney o dugo, o magtrabaho nang todo para lang matulungan ang kanilang mga anak. Ang buhay mo ay pagmamay-ari mo, ito ay ibinigay sa iyo ng Diyos, at mayroon kang sarili mong mga misyon. Taglay mo ang buhay na ito upang maisakatuparan mo ang mga misyon na iyon. Taglay din ng iyong mga anak ang kanilang buhay upang matapos nila ang kanilang mga landas sa buhay at makumpleto ang kanilang mga misyon sa buhay, hindi para ipakita sa iyo ang pagiging isang mabuting anak. Samakatuwid, nasa hustong gulang man ang kanilang mga anak o wala, ang buhay ng mga magulang ay pagmamay-ari lamang nila, hindi pagmamay-ari ng kanilang mga anak. Natural na hindi isang libreng yaya o alipin sa kanilang mga anak ang mga magulang. Anuman ang mga ekspektasyon ng mga magulang para sa kanilang mga anak, hindi ibig sabihin na hahayaan na lamang nila ang kanilang mga anak na basta-basta silang utus-utusan nang walang anumang kabayaran, o na maging utusan, kasambahay, o alipin sila ng kanilang mga anak. Anuman ang nararamdaman mo para sa iyong mga anak, ikaw ay isa pa ring taong nakapagsasarili. Hindi mo dapat akuin ang responsabilidad sa kanilang buhay kapag nasa hustong gulang na sila, na para bang ganap na tamang gawin iyon, dahil lang sa sila ay mga anak mo. Hindi mo kailangang gawin ito. Sila ay mga taong nasa hustong gulang na; natupad mo na ang iyong responsabilidad na palakihin sila. Mamumuhay man sila nang maayos o hindi sa hinaharap, kung sila man ay magiging mayaman o mahirap, at kung sila man ay mamumuhay nang masaya o malungkot, sila na ang bahala roon. Wala kinalaman ang mga bagay na ito sa iyo. Bilang isang magulang, wala kang obligasyon na baguhin ang mga bagay na iyon. Kung hindi masaya ang kanilang buhay, hindi mo obligadong sabihin na: “Hindi ka masaya—mag-iisip ako ng paraan para ayusin ito, ibebenta ko ang lahat ng ari-arian ako, uubusin ko ang lahat ng lakas ko sa buhay para pasayahin ka.” Hindi mo kinakailangang gawin ito. Kailangan mo lang tuparin ang iyong mga responsabilidad, iyon lang. Kung gusto mong tulungan sila, maaari mo silang tanungin kung bakit hindi sila masaya, at tulungan silang maunawaan ang problema sa teoretikal at sikolohikal na antas. Kung tatanggapin nila ang tulong mo, mas mainam pa iyon. Kung hindi, kailangan mo lang tuparin ang iyong mga responsabilidad bilang magulang, at iyon lang. Kung nais ng iyong mga anak na maghirap, problema na nila iyon. Hindi mo kailangang mag-alala o mabahala tungkol dito, o na hindi makakain o makatulog nang maayos. Sobra-sobra na kung gagawin mo iyon. Bakit sobra-sobra na? Dahil nasa hustong gulang na ang iyong mga anak. Dapat silang matutong mamahala sa lahat bagay na kinakaharap nila sa buhay nang sila mismo. Kung nagmamalasakit ka sa kanila, iyan ay pagmamahal lang; kung hindi ka nagmamalasakit sa kanila, hindi ito nangangahulugang wala kang puso, o na hindi mo natupad ang iyong mga responsabilidad. Ang mga anak mo ay nasa hustong gulang na, at ang mga nasa hustong gulang ay dapat humarap sa mga problema ng ganitong edad at pangasiwaan ang lahat ng bagay na dapat gawin ng mga taong nasa hustong gulang. Hindi sila dapat umasa sa kanilang mga magulang sa lahat ng bagay. Siyempre, hindi dapat akuin ng mga magulang ang responsabilidad hinggil sa kung magiging maayos ba ang trabaho, propesyon, pamilya, o buhay may asawa ng kanilang mga anak kapag nasa hustong gulang na ang mga ito. Maaari kang mag-alala tungkol sa mga bagay na ito, at maaari kang magtanong tungkol dito, ngunit hindi mo kailangang lubusang pangasiwaan ang mga ito, iginagapos ang iyong mga anak sa tabi mo, dinadala sila kahit saan ka magpunta, binabantayan sila kahit saan ka magpunta, at iniisip sila: “Kumakain kaya sila ng nang maayos ngayon? Masaya kaya sila? Maayos kaya ang trabaho nila? Pinahahalagahan ba sila ng kanilang amo? Mahal ba sila ng kanilang asawa? Masunurin ba ang kanilang mga anak? Matataas ba ang marka ng kanilang mga anak?” Ano ang kinalaman ng mga bagay na ito sa iyo? Kayang lutasin ng iyong mga anak ang sarili nilang mga problema, hindi mo kailangang makialam. Bakit Ko itinatanong kung ano ang kinalaman ng mga bagay na ito sa iyo? Sa pamamagitan nito, ang ibig Kong sabihin ay walang kinalaman sa iyo ang mga bagay na iyon. Natupad mo na ang iyong mga responsabilidad sa iyong mga anak, napalaki mo na sila tungo sa hustong gulang, kaya dapat ka nang umatras. Sa sandaling gawin mo ito, hindi ibig sabihin na wala ka nang gagawin. Napakarami pa ring bagay na dapat mong gawin. Pagdating sa mga misyong kinakailangan mong tapusin sa buhay na ito, bukod sa pagpapalaki ng iyong mga anak tungo sa hustong gulang, mayroon ka pang ibang misyon na dapat tapusin. Maliban sa pagiging magulang sa iyong mga anak, ikaw ay isang nilikha. Dapat kang humarap sa Diyos at dapat mong tanggapin ang iyong tungkulin mula sa Kanya. Ano ang iyong tungkulin? Natapos mo na ba ito? Inialay mo na ba ang iyong sarili rito? Natahak mo na ba ang landas tungo sa kaligtasan? Ito ang mga bagay na dapat mong pag-isipan. Tungkol sa kung saan sunod mapupunta ang iyong mga anak kapag nasa hustong gulang na sila, kung ano ang magiging buhay nila, kung ano ang magiging mga sitwasyon nila, kung magiging masaya at masigla sila, walang kinalaman sa iyo ang mga bagay na ito. Nakapagsasarili na ang iyong mga anak, sa anyo at sa pag-iisip. Dapat mo silang hayaan na nakapagsasarili, dapat kang bumitiw, at hindi mo dapat subukang kontrolin sila. Sa aspekto man ng pormalidad o mga ugnayan ng damdamin o pamilya, natupad mo na ang iyong mga responsabilidad, at wala nang ugnayan sa pagitan mo at ng iyong mga anak. Wala nang ugnayan sa kanilang mga misyon at sa iyong mga misyon, at wala nang ugnayan sa pagitan ng mga landas sa buhay na kanilang tinatahak at sa iyong mga ekspektasyon. Natapos na ang iyong mga ekspektasyon para sa kanila at ang iyong mga responsabilidad sa kanila. Natural na hindi jka dapat magkaroon ng mga ekspektasyon para sa kanila. Sila ay sila, at ikaw ay ikaw. Kung hindi mag-aasawa ang iyong mga anak, kung gayon, pagdating sa inyong kapalaran at misyon, kayo ay ganap na hindi konektado at mga indibidwal na nakapagsasarili. Kung mag-aasawa sila at magsisimula ng pamilya, kung gayon, ang inyong mga pamilya ay ganap na mga pamilyang hindi konektado. Ang iyong mga anak ay may kanilang mga kagawian sa pamumuhay at uri ng pamumuhay, mayroon silang mga pangangailangan ukol sa kalidad ng kanilang buhay, at mayroon ka ring mga kagawian mo sa pamumuhay at iyong mga pangangailangan ukol sa kalidad ng iyong buhay. Mayroon kang sariling landas sa buhay at sila ay mayroon ding kanilang mga landas sa buhay. Mayroon kang sariling mga misyon, at sila ay mayroon ding kanilang mga misyon. Siyempre, mayroon kang sariling pananalig, at mayroon din sila. Kung ang kanilang pananalig ay nakasalalay sa pera, katanyagan, at pakinabang, kayo ay ganap na magkaibang tao. Kung pareho ang kanilang pananalig sa iyo, kung hinahangad nila ang katotohanan at tinatahak ang landas ng kaligtasan, natural lang na kayo ay magkakaibang indibidwal pa rin. Ikaw ay ikaw, at sila ay sila. Hindi mo kailangang makialam pagdating sa landas na tinatahak nila. Maaari mo silang suportahan, tulungan, at tustusan, maaari mo silang paalalahanan at payuhan, pero hindi mo kailangang makialam o manghimasok. Walang sinuman ang makapagpapasya kung anong uri ng landas ang tatahakin ng isang tao, kung magiging anong uri sila ng tao, o kung anong uri ng mga paghahangad ang magkakaroon sila. Pag-isipan ito, sa anong batayan Ako nakaupo rito, nakikipag-usap sa inyo at nagsasalita sa inyo tungkol sa lahat ng bagay na ito? Batay sa inyong kahandaang makinig. Nagsasalita Ako dahil handa kayong makinig sa Aking mga taimtim na payo. Kung hindi kayo handang makinig, o kung aalis kayo, hindi na Ako magsasalita. Ang bilang ng mga salitang binibigkas Ko ay nakasalalay sa kung handa kayong makinig at kung handa kayong gumugol ng inyong oras at enerhiya para dito. Kung sasabihin mo na, “Hindi ko naiintindihan ang sinasabi Mo, maaari bang gawin Mong mas detalyado?” kung gayon, gagawin Ko ang lahat ng aking makakaya para maging mas detalyado, upang maipaunawa sa iyo ang Aking mga salita at nang makapasok ka rito. Kapag nailagak na Kita sa tamang landas, nadala ka sa harap ng Diyos at ng katotohanan, at naipaunawa sa iyo ang katotohanan at kapag napasunod Kita sa daan ng Diyos, matatapos na ang Aking gampanin. Subalit, pagdating sa kung magiging handa ka bang isagawa ang Aking mga salita matapos marinig ang mga ito, o kung anong uri ng landas ang tatahakin mo, anong uri ng buhay ang pipiliin mo, o kung ano ang hahangarin mo, hindi Ko na problema ang mga bagay na ito. Kung sasabihin mo na, “May tanong ako tungkol sa aspektong iyon ng katotohanan, gusto ko itong hanapin,” matiyaga Kong sasagutin ang iyong tanong. Kung hindi mo nanaising hanapin ang katotohanan kahit kailan, iwawasto ba Kita dahil dito? Hindi. Hindi Kita pipiliting hanapin ang katotohanan, o kukutyain o pagtatawanan ka dahil dito, at lalong hindi Kita tatratuhin nang may malamig na loob. Kikilos pa rin Ako tulad ng dati. Kung gagawa ka ng kamalian sa iyong tungkulin o sadyang magdudulot ng pagkagambala o kaguluhan, narito ang Aking mga prinsipyo at pamamaraan sa pangangasiwa sa iyo. Subalit, maaaring sabihin mo na: “Ayaw Kitang marinig na nagsasalita tungkol sa mga bagay na ito, at hindi ako handang tanggapin ang mga pananaw Mo na iyan. Patuloy kong gagampanan ang aking tungkulin sa paraang nakagawian ko.” Kung gayon, hindi ka dapat lumabag sa mga prinsipyo o mga atas administratibo. Kung lalabag ka sa mga atas administratibo, pangangasiwaan Kita. Pero kung hindi ka lalabag sa mga atas administratibo, at kaya mong umasal nang maayos habang namumuhay sa buhay-iglesia, hindi ako makikialam sa iyo, kahit na hindi mo hinahangad ang katotohanan. Hindi ako manghihimasok pagdating sa iyong personal na buhay, sa kung ano ang gusto mong kainin, isuot, o sinong mga tao ang gusto mong makasalamuha. Ipinagkakaloob Ko sa iyo ang kalayaan sa mga aspektong ito. Bakit ganoon? Nalinaw Ko na sa iyo ang lahat ng prinsipyo at nilalaman tungkol sa mga usaping ito. Ang natitira ay nakasalalay sa sarili mong mga pagpapasya. Ang landas na pinipili mong tahakin ay nakasalalay sa kung anong uri kang tao, ito ay malinaw. Kung hindi ka isang taong nagmamahal sa katotohanan, sino ang makakapilit sa iyo na mahalin ito? Sa huli, ang bawat tao ay magiging responsable sa landas na kanilang tinatahak, at sa mga resultang papasanin nila. Hindi Ko kailangang maging responsable para dito. Kung hahangarin mo ang katotohanan, gawin mo nang kusang-loob. Kung hindi mo hahangarin ang katotohanan, gawin mo rin nang kusang-loob—walang pumipigil sa iyo. Kung talagang hahangarin mo ang katotohanan, hindi ka mabibigyan ng espesyal na biyaya o mga materyal na pagpapala. Ginagampanan at tinutupad Ko lamang ang Aking mga responsabilidad, sinasabi sa inyo ang lahat ng katotohanan na dapat ninyong maunawaan at kailangan ninyong pasukin. Tungkol sa kung paano kayo mamumuhay sa inyong pribadong buhay, hindi Ako kailanman nag-usisa o nakialam tungkol dito. Ito ang saloobing taglay Ko. Dapat ganito rin ang ipakita ng mga magulang sa kanilang mga anak. Ang mga taong nasa hustong gulang ay may kakayahang tukuyin ang tama sa mali. Nasa sa kanila na iyon kung pipiliin nila ang tama o mali, kung pipiliin nila ang itim o puti, kung pipiliin nila ang mga positibo o negatibong bagay—depende ito sa kanilang panloob na mga pangangailangan. Kung masama ang diwa ng isang tao, hindi siya pipili ng mga positibong bagay. Ngunit kung nagsisikap ang isang tao na maging mabuti, at nagtataglay siya ng pagkatao, kamalayan ng konsensiya, at pakiramdam ng kahihiyan, pipiliin niya ang mga positibong bagay; kahit na medyo mabagal gawin iyon, sa huli ay tatahakin niya ang tamang landas. Ito ay hindi maiiwasan. Kaya, dapat magkaroon ng ganitong saloobin ang mga magulang sa kanilang mga anak, at hindi manghimasok sa kanilang mga desisyon. Ang mga hinihingi ng ilang magulang para sa kanilang mga anak ay: “Dapat tumahak sa tamang landas ang ating mga anak, manampalataya sa Diyos, tumalikod sa sekular na mundo, at bumitiw sa kanilang trabaho. Kung hindi, kapag pumasok na tayo sa kaharian, hindi makakapasok ang ating mga anak, at mahihiwalay tayo sa kanila. Napakaganda sana kung ang buong pamilya natin ay sama-samang makakapasok sa kaharian! Maaari tayong magkasama sa langit, tulad ng pagsasama natin dito sa lupa. Habang nasa kaharian tayo, hindi natin dapat iwan ang isa’t isa, dapat magkakasama tayo sa buong kapanahunan!” Subalit, lumabas na hindi nananampalataya ang kanilang mga anak sa Diyos, bagkus ay hinahangad ng mga ito ang mga makamundong bagay, at nagsusumikap na kumita ng maraming pera at na maging napakayaman; sinusuot nila ang anumang uso, ginagawa at pinag-uusapan nila ang anumang sikat, at hindi nila tinutupad ang mga pagnanais ng kanilang mga magulang. Bilang resulta, sumasama ang loob ng mga magulang na ito, nagdarasal at nag-aayuno ang mga ito dahil dito, nag-aayuno nang isang linggo, 10 araw, o nang dalawang linggo, at nagsusumikap nang husto para sa kapakanan ng kanilang mga anak tungkol sa usaping ito. Madalas silang nagugutom na nakakaramdam na sila ng pagkahilo, at madalas silang nagdarasal sa harap ng Diyos habang umiiyak. Subalit, kahit gaano pa sila magdasal o gaano man sila magsikap, hindi naaantig ang kanilang mga anak at hindi alam kung paano magising. Habang mas lalong tumatangging manampalataya ang kanilang mga anak, mas lalong naiisip ng mga magulang na ito na: “Naku, binigo ko ang aking mga anak, nadismaya sila nang dahil sa akin. Hindi ko naipalaganap ang ebanghelyo sa kanila, at hindi ko sila naisama tungo sa landas ng kaligtasan. Ang mga hangal na iyon—ito ang landas ng kaligtasan!” Hindi sila mga hangal; wala lang silang ganitong pangangailangan. Ang mga magulang na ito ang mga hangal, dahil sinusubukan nilang pilitin ang kanilang mga anak sa landas na ito, hindi ba? Kung may ganitong pangangailangan ang kanilang mga anak, kinakailangan pa ba ng mga magulang na magsalita tungkol sa mga bagay na ito? Darating ang panahon na mananampalataya ang kanilang mga anak nang sila mismo. Palaging iniisip ng mga magulang na ito: “Binigo ko ang mga anak ko. Hinikayat ko silang magkolehiyo mula pa sa murang edad, at simula nang magkolehiyo sila, hindi na sila bumalik. Hindi sila tumitigil sa paghahangad ng mga makamundong bagay, at sa tuwing bumabalik sila, nagkukuwento lang sila tungkol sa trabaho, pagkita ng pera, tungkol sa kung sino ang na-promote o bumili ng kotse, sino ang nakapag-asawa ng mayaman, sino ang pumunta ng Europe para sa mag-advance studies o maging exchange student, at pinag-uusapan nila kung gaano kaganda ang takbo ng buhay ng ibang tao. Sa tuwing umuuwi sila, pinag-uusapan nila ang mga bagay na iyon, at ayaw kong marinig ang mga iyon, pero wala akong magawa. Kahit anong sabihin ko para mahimok silang manampalataya sa Diyos, ayaw pa rin nilang makinig.” Dahil dito, nagkakaroon ng hidwaan ang mga magulang at ang kanilang mga anak. Sa tuwing nakikita nila ang kanilang mga anak, dumidilim ang kanilang mga mukha; kapag nakikipag-usap sila sa kanilang mga anak, nalulukot ang mukha nila. Hindi alam ng ibang anak kung ano ang gagawin, at iniisip nila na: “Hindi ko alam kung ano ang problema sa mga magulang ko. Kung hindi ako mananampalataya sa Diyos, edi hindi ako nananampalataya sa Kanya. Bakit ba palaging ganito ang trato nila sa akin? Akala ko pa naman, kapag mas nananampalataya ang isang tao sa Diyos, nagiging mas mabuting tao siya. Bakit napakaliit ng pagmamahal ng mga mananampalataya para sa kanilang mga pamilya?” Masyadong nag-aalala ang mga magulang na ito sa kanilang mga anak na halos puputok na ang kanilang ugat, at sinasabi nila na: “Hindi ko sila anak! Pinuputol ko na ang anumang ugnayan namin, itinatakwil ko na sila!” Sinasabi nila iyon, pero hindi talaga iyon ang nararamdaman nila. Hindi ba’t hangal ang mga ganitong magulang? (Oo.) Palagi nilang gustong kontrolin at pangasiwaan ang lahat, palaging gustong pangasiwaan ang kinabukasan ng kanilang mga anak, ang pananalig at ang mga landas na tinatahak ng mga ito. Napakahangal nito! Hindi ito nararapat. Sa partikular, may mga anak na naghahangad ng mga makamundong bagay, mga anak na na-promote sa mga posisyon ng pamamahala at kumikita ng maraming pera. Nagdadala sila ng malalaking pirasong ginseng, mga gintong hikaw, at gintong kuwintas bilang regalo sa kanilang mga magulang, at sinasabi ng kanilang mga magulang: “Hindi ko gusto ang mga bagay na ito, ang gusto ko lamang ay maging malusog kayo, at sumunod kayo sa akin sa pananampalataya sa Diyos. Ang pananampalataya sa Diyos ay isang napakagandang bagay!” At sinasabi naman ng kanilang mga anak: “Huwag mo nang umpisahan iyan. Na-promote na ako, at wala ka man lang ginawa para batiin ako. Kapag nababalitaan ng ibang magulang na na-promote ang kanilang mga anak, nagbubukas sila ng champagne, lumalabas para magkaroon ng malalaking kainan, pero kapag binibilhan kita ng mga kuwintas at hikaw, hindi ka masaya. Ano ang nagawa kong pagkukulang sa iyo? Nagtatampo lang kayo kasi hindi ako nananampalataya sa Diyos.” Tama bang magtampo ang mga magulang nang ganito? May iba’t ibang paghahangad ang mga tao, iba’t ibang landas ang tinatahak nila, at sila mismo ang pumipili sa mga landas na ito. Dapat harapin ng mga magulang ang bagay na ito nang tama. Kung hindi kinikilala ng iyong mga anak ang pag-iral ng Diyos, hindi mo dapat igiit na manampalataya sila sa Diyos—hindi kailanman nagtatagumpay ang pagpilit sa mga bagay-bagay. Kung ayaw nilang manampalataya sa Diyos, at hindi sila ang ganoong uri ng tao, kung gayon, kapag mas palagi mo itong binabanggit, mas lalo ka nilang iinisin at iinisin mo rin sila—pareho lang kayong maiinis. Ngunit ang pagkainis ninyong pareho ay hindi ang mahalaga—ang pinakamahalaga ay na kamumuhian ka ng Diyos, at sasabihin Niya na napakatindi ng pagmamahal mo. Dahil kayang-kaya mong magbayad ng mga napakalaking halaga dahil lang sa hindi nananampalataya sa Diyos ang mga anak mo, at lubos na masama ang loob mo tungkol sa kanilang paghahangad ng mga makamundong bagay, kung isang araw ay kukunin sila ng Diyos, ano ang gagawin mo? Magrereklamo ka ba sa Diyos? Kung sa puso mo, ang iyong mga anak ay ang lahat-lahat sa iyo, kung sila ang iyong kinabukasan, ang iyong pag-asa, at ang iyong buhay, kung gayon, isa ka pa rin bang taong nananampalataya sa Diyos? Hindi ba’t kamumuhian ka ng Diyos sa pagkilos nang ganito? Ang pagkilos mo ay napakahangal, hindi tugma sa mga prinsipyo, at hindi ito masisiyahan ang Diyos ito. Kaya, kung matalino ka, hindi mo gagawin ang mga ganitong bagay. Kung hindi nananampalataya ang mga anak mo, dapat mong hayaan na lang ito. Naiparating mo na ang lahat ng argumento na dapat mong iparating, at nasabi mo na ang nararapat mong sabihin, kaya hayaan mo silang gumawa ng sarili nilang mga pagpapasya. Patuloy mong ingatan ang relasyon mo sa iyong mga anak tulad ng dati. Kung nais nilang maging mabuting anak sa iyo, kung gusto nilang pahalagahan at alagaan ka, hindi mo ito kailangang tanggihan. Kung gusto ka nilang dalhin sa isang paglalakbay sa Europa, ngunit nakakahadlang ito sa paggampan mo sa iyong tungkulin, at ayaw mong sumama, kung gayon ay huwag ka nang sumama. Pero kung nais mong sumama, at may oras ka, kung gayon ay sumama ka. Walang masama sa pagpapalawak ng iyong mga kaalaman. Hindi madudumihan ang iyong mga kamay rito, at hindi ito kokondenahin ng Diyos. Kung bibilhan ka ng iyong mga anak ng ilang magagandang bagay, masasarap na pagkain o mga damit, at iniisip mo na nababagay sa isang santo na suutin o gamitin ang mga ito, kung gayon ay tamasahin mo ang mga ito, at ituring na biyaya mula sa Diyos. Kung namumuhi ka sa mga bagay na iyon, kung hindi ka nasisiyahan sa mga ito, kung sa tingin mo ay sagabal at kasuklam-suklam ang mga ito, at kung ayaw mong tamasahin ang mga ito, maaari mong tanggihan ang mga ito, sabihin na: “Masaya na ako na makita kayo, hindi ninyo kailangang magdala ng mga regalo o gumastos para sa akin, hindi ko kailangan ang mga bagay na iyon. Gusto ko lang na maging ligtas at masaya kayo.” Hindi ba’t kahanga-hanga iyon? Kung sasabihin mo ang mga salitang ito, at pinaniniwalaan mo ang mga bagay na ito sa iyong puso, kung talagang hindi mo hinihingi sa iyong mga anak na magtustos sa iyo ng anumang materyal na kaginhawahan, o na tulungan ka na makibahagi sa kanilang tagumpay, kung gayon ay hahangaan ka ng iyong mga anak, hindi ba? Tungkol sa anumang paghihirap nila sa trabaho o buhay, gawin mo ang lahat ng iyong makakaya na tulungan sila sa tuwing may magagawa ka. Kung ang pagtulong sa kanila ay makakaapekto sa paggampan mo ng iyong tungkulin, maaari kang tumanggi—karapatan mo iyon. Dahil wala ka nang anumang utang sa kanila, dahil wala ka nang anumang responsabilidad sa kanila, at sila ay mga nasa hustong gulang na at marunong magsarili, kaya na nilang pamahalaan ang sarili nilang buhay. Hindi mo sila kailangang paglingkuran nang walang kondisyon o sa lahat ng oras. Kung hihingan ka ng tulong ng iyong mga anak, at ayaw mo silang tulungan, o kung gagawin mo man iyon ay makakaapekto ito sa paggamapan mo ng iyong tungkulin, maaari kang tumanggi. Karapatan mo iyon. Bagamat kadugo mo sila, at ikaw ang magulang nila, ito ay isang relasyon lamang ng pormalidad, dugo, at pagmamahalan—pagdating sa iyong mga responsabilidad, malaya ka na mula sa relasyon ninyo. Kaya, kung matalino ang mga magulang, hindi sila magkakaroon ng anumang ekspektasyon, hinihingi, o pamantayan para sa kanilang mga anak kapag umabot na ang mga ito sa hustong gulang, at hindi nila hihilinging kumilos sa partikular na paraan ang kanilang mga anak o na gumawa ng mga partikular na bagay mula sa perspektiba o posisyon ng isang magulang, dahil ang kanilang mga anak ay marunong nang magsarili. Kapag ang iyong mga anak ay marunong nang magsarili, ibig sabihin ay natupad mo na ang lahat ng iyong responsabilidad sa kanila. Kaya, anuman ang gawin mo para sa iyong mga anak kapag pinahihintulutan ng mga sitwasyon, pinakikitaan mo man sila ng malasakit o pag-aalaga, ito ay pagmamahal lamang, at ito ay kalabisan. O kung hihilingin sa iyo ng mga anak mo na gumawa ng isang bagay, iyon ay kalabisan din, hindi ito isang bagay na may tungkulin kang gawin. Dapat mong maunawaan ito. Malinaw na ba ang mga bagay na ito? (Oo.)

Ipagpalagay na may isa sa inyo ang magsasabi na: “Hindi ko kayang bitiwan ang mga anak ko. Ipinanganak sila na may mahinang katawan, at likas silang duwag at mahiyain. Hindi rin gaanong mahusay ang kakayahan nila at palagi silang inaapi ng ibang tao. Hindi ko sila kayang bitiwan.” Kung hindi mo kayang bitawan ng iyong mga anak, hindi ito nangangahulugang hindi ka pa tapos sa pagtupad ng iyong mga responsabilidad sa kanila, ito ay bunga lamang ng iyong mga damdamin. Maaaring sabihin mo na: “Palagi akong nag-aalala at napapaisip kung kumakain ba nang maayos ang mga anak ko, o kung mayroon silang anumang problema sa tiyan. Kung hindi sila kumakain sa tamang oras at palagi na lang nag-oorder ng pagkain sa labas sa mahabang panahon, magkakaroon ba sila ng mga problema sa tiyan? Magkakasakit ba sila? At kung may sakit sila, mayroon bang mag-aalaga sa kanila, magpapakita ng pagmamahal sa kanila? Mag-aalala ba sa kanila ang kanilang mga asawa at aalagaan sila?” Ang iyong mga alalahanin ay sadyang nagmumula sa iyong mga damdamin at sa pagiging kadugo ninyo ng mga anak mo, ngunit ang mga ito ay hindi mo mga responsabilidad. Ang mga responsabilidad na ibinigay ng Diyos sa mga magulang ay ang mga responsabilidad lamang ng pagpapalaki at pag-aalaga ng kanilang mga anak umabot sa hustong gulang ang mga ito. Kapag umabot na sa hustong gulang ang kanilang mga anak, wala nang responsabilidad sa kanila ang mga magulang. Ito ang pagtingin sa mga responsabilidad na dapat tuparin ng mga magulang mula sa perspektiba ng ordinasyon ng Diyos. Nauunawaan mo ba ito? (Oo.) Gaano man kalakas ang iyong mga damdamin o kapag umandar na ang iyong likas na pagiging magulang, hindi ito pagtupad sa iyong mga responsabilidad; ito ay bunga lamang ng iyong mga damdamin. Ang mga bunga ng iyong damdamin ay hindi nagmumula sa katwiran ng pagkatao, o sa mga prinsipyo na itinuro ng Diyos sa tao, o sa pagpapasakop ng tao sa katotohanan, at lalong hindi nagmumula ang mga ito sa mga responsabilidad ng tao; bagkus, ito ay nagmumula sa mga damdamin ng tao—tinatawag ang mga ito na mga damdamin. May kaunting pagmamahal at pagiging kamag-anak ng magulang ang nakapaloob dito. Dahil mga anak mo sila, palagi kang nag-aalala sa kanila, iniisip kung nagdurusa ba sila, at kung sila ba ay inaapi. Iniisip mo kung maayos ba ang takbo ng kanilang trabaho, at kung kumakain ba sila sa tamang oras. Iniisip mo kung nagkasakit ba sila, at kung makakaya ba nilang bayaran ang kanilang mga gastusin kung sakaling magkasakit sila. Madalas mong iniisip ang mga bagay na ito, at wala itong kinalaman sa iyong mga responsabilidad bilang magulang. Kung hindi mabitiwan ang mga alalahaning ito, masasabi lang na namumuhay ka nang nababalot sa iyong mga damdamin at hindi makalaya rito. Namumuhay ka lang nang na nababalot sa iyong mga damdamin, pinangangasiwaan ang iyong mga anak ayon sa iyong mga damdamin, sa halip na mamuhay ayon sa depinisyon ng mga responsabilidad ng magulang na ibinigay ng Diyos. Hindi ka namumuhay ayon sa mga salita ng Diyos, ikaw ay dumadama, tumitingin, at nangangasiwa lang sa lahat ng bagay na ito ayon sa iyong mga damdamin. Nangangahulugan ito na hindi mo sinusunod ang daan ng Diyos. Ito ay halata. Ang iyong mga responsabilidad bilang magulang—ayon sa itinuro sa iyo ng Diyos—ay natapos na sa sandaling umabot sa hustong gulang ang iyong mga anak. Hindi ba’t madali at simple ang paraan ng pagsasagawa na itinuro sa iyo ng Diyos? (Oo.) Kung magsasagawa ka ayon sa mga salita ng Diyos, hindi ka makikilahok sa mga walang kabuluhang gawain, at bibigyan mo ang iyong mga anak ng tamang kalayaan at pagkakataon na mapaunlad ang kanilang sarili, nang walang dagdag na problema o abala, o dagdag na pasanin sa kanila. At dahil sila ay nasa hustong gulang na, ang ganitong paraan ay magbibigay-daan sa kanila na harapin ang mundo, ang kanilang buhay, at ang iba’t ibang problemang kinakaharap nila sa kanilang pang-araw-araw na buhay at pag-iral, nang may perspektiba ng isang taong nasa hustong gulang, nakapagsasariling mga pamamaraan ng isang taong nasa hustong gulang sa pangangasiwa at pagtingin sa mga bagay-bagay, at nakapagsasariling pananaw sa mundo ng isang taong nasa hustong gulang. Ito ang mga kalayaan at karapatan ng iyong mga anak, at higit pa rito, ito ang mga bagay na dapat nilang gawin bilang mga nasa hustong gulang na, at walang kinalaman sa iyo ang mga bagay na ito. Kung palagi mong gustong masangkot sa mga bagay na ito, medyo nakakasuya iyon. Kung palaging gustong kusang isingit ang iyong sarili sa mga bagay na ito at makialam sa kanila, makakagambala at makakasira ka, at sa huli, hindi lamang hahantong ang mga bagay nang salungat sa iyong mga kagustuhan, kundi higit pa roon ay kasusuklaman ka rin ng iyong mga anak, at magiging labis na nakakapagod ang buhay mo. Sa huli, mapupuno ka ng mga hinaing, at magrereklamo ka na hindi mabuti ang iyong mga anak sa iyo, hindi masunurin, o maalalahanin sa iyo; magrereklamo ka na wala silang utang na loob, walang pagpapahalaga, at mga walang malasakit na ingrata. May mga magulang din na bastos at hindi makatwiran na iiyak din, manggugulo, at magbabantang magpakamatay, gumagamit ng anumang panlalansi na magagawa nila. Mas lalo itong nakakasuya, hindi ba? (Oo.) Kung matalino ka, hahayaan mo ang takbo ng mga bagay-bagay, mamumuhay ka nang panatag, at tutuparin lang ang iyong mga responsabilidad bilang magulang. Kung sinasabi mong gusto mong alagaan ang iyong mga anak at magpakita sa kanila ng malasakit alang-alang sa pagmamahal, kung gayon, ayos lang na magpakita sa kanila ng nararapat na malasakit. Hindi Ko sinasabi na dapat basta na lang putulin ng mga magulang ang ugnayan nila ng kanilang mga anak sa sandaling umabot na sa hustong gulang ang mga ito at natupad na ng mga magulang ang kanilang mga responsabilidad. Hindi dapat lubusang pabayaan ng mga magulang ang kanilang mga anak na nasa hustong gulang, hindi nila dapat sabihin sa kanilang mga anak na basta na lang umalis nang mag-isa, o balewalain ang mga ito kahit gaano pa kalaki ang mga suliraning kinakaharap ng mga ito—kahit itinutulak ng mga suliraning iyon ang kanilang mga anak sa bingit ng kamatayan—o tumangging mag-alok ng tulong sa kanilang mga anak kapag kailangan sila ng mga ito. Mali rin ito—ito ay labis-labis. Kapag kinakailangan ng iyong mga anak na magpahayag sa iyo, dapat kang makinig, at pagkatapos mong makinig, dapat mong itanong sa kanila kung ano ang kanilang iniisip at balak na gawin. Maaari ka ring magbigay ng sarili mong mga suhestiyon. Kung may sarili silang mga iniisip at plano, at hindi nila tinatanggap ang iyong mga suhestiyon, sabihin mo na lang na: “Sige. Dahil nakapagpasya ka na, anuman ang kahihinatnan nito sa hinaharap, ikaw na ang bahala roon. Buhay mo ito. Kailangan mong tahakin at tapusin ang iyong sariling landas sa buhay. Walang iba ang maaaring umako ng responsabilidad sa buhay mo. Kung buo na ang isip mo, susuportahan kita. Kung kailangan mo ng pera, pwede kitang bigyan nang kaunti. Kung kailangan mo ang tulong ko, pwede kitang tulungan sa abot ng makakaya ko. Tutal, magulang mo ako, kaya wala nang iba pang dapat sabihin. Pero kung sasabihin mo na hindi mo kailangan ang aking tulong o pera, at kailangan mo lang ako para makinig sa iyo, mas mainam iyon.” Pagkatapos, masasabi mo na ang kinailangan mong sabihin, masasabi na rin nila ang kinailangan nilang sabihin; maibubuhos na ang lahat ng kanilang hinaing, lahat ng kanilang galit ay mailalabas na. Pupunasan nila ang kanilang mga luha, aalis sila at gagawin ang dapat nilang gawin, at matutupad mo na ang iyong mga responsabilidad bilang magulang. Ito ay ginagawa ito alang-alang sa pagmamahal; tinatawag itong pagmamahal. At bakit ganoon? Dahil bilang isang magulang, wala ka namang anumang masamang intensiyon sa mga anak mo. Hindi mo sila sasaktan, hindi ka magpapakana laban sa kanila, o kukutyain sila, at tiyak na hindi mo sila pagtatawanan dahil sa pagiging mahina at walang kakayahan. Maaaring umiyak ang mga anak mo, maglabas ng nararamdaman, at magreklamo sa harap mo nang walang pagpipigil, na para bang sila ay maliliit na bata; maaari silang maging spoiled, matampuhin, o sutil. Gayunpaman, pagkatapos nilang mailabas ang kanilang mga emosyon at maging matampuhin at sutil, dapat pa rin nilang gawin ang dapat nilang gawin, at pangasiwaan ang anumang bagay na nasa harap nila. Kung magagawa nila iyon nang hindi ka gumagawa ng anumang bagay para sa kanila o nagbibigay ng anumang tulong, napakainam niyon, at magkakaroon ka ng mas maraming libreng oras, hindi ba? At dahil sinabi na ng iyong mga anak ang mga bagay na iyon, dapat magkaroon ka ng kaunting pagkakilala sa sarili. Malaki na ang mga anak mo, marunong na silang magsarili. Gusto ka lang nilang kausapin tungkol sa bagay na iyon, hindi nila hiningi ang tulong mo. Kung wala kang pag-unawa rito, baka isipin mo na: “Mahalagang bagay ito. Dahil sinabi mo ito sa akin, ibig sabihin ay nirerespeto mo ako, kaya, hindi ba’t nararapat lang na bigyan kita ng kaunting payo tungkol dito? Hindi ba’t nararapat kitang tulungan sa pagdedesisyon?” Ito ay tinatawag na sobrang pagpapahalaga sa sarili mong kakayahan. Kinakausap ka lang ng mga anak mo tungkol sa bagay na iyon, pero tinatrato mo talaga ang sarili mo na isang napakahalagang tao. Hindi ito tama. Sinabi ng iyong mga anak ang bagay na iyon dahil ikaw ang kanilang magulang nila, at nirerespeto at pinagkakatiwalaan ka nila. Ang totoo, matagal na rin silang may sariling mga ideya tungkol dito, pero ngayon ay gusto mong palaging makialam dito. Hindi iyon tama. Pinagkakatiwalaan ka ng iyong mga anak, at dapat kang maging karapat-dapat sa tiwalang iyon. Dapat mong igalang ang kanilang desisyon at hindi ka makisali o makialam dito. Kung gusto ka nilang makisali, maari mo itong gawin. At ipagpalagay natin na, nang makisali ka na nga, napagtanto mo na: “Naku, napakalaking problema nito! Maaapektuhan nito ang paggampan ko sa aking tungkulin. Hindi talaga ako pwedeng makisali rito; bilang isang mananampalataya sa Diyos, hindi ko ito magagawa ang mga bagay na ito.” Kung gayon, dapat agad kang humiwalay sa isyung iyon. Sabihin nating gusto pa rin nilang makialam ka, at iisipin mo na: “Hindi ako makikialam. Ikaw mismo ang dapat mangasiwa rito. Sapat na yatang nakinig ako sa pagpapahayag mo ng hinaing na ito at lahat ng basurang ito. Natupad ko na ang mga responsabilidad ko bilang magulang. Hindi talaga ako pwedeng makikialam sa bagay na ito. Iyan ay parang balon ng apoy, at hindi ako tatalon doon. Kung gusto mo, sige, tumalon ka roon nang mag-isa.” Hindi ba’t tama ito? Ito ay tinatawag na pagkakaroon ng paninindigan. Hindi mo dapat bitiwan ang mga prinsipyo o ang iyong paninindigan. Ito ang mga bagay na dapat gawin ng mga magulang. Naintindihan mo ba ito? Madali bang gawin ang mga bagay na ito (Oo.) Madali, sa katunayan, madali itong gawin, pero kung palagi kang kumikilos ayon sa iyong mga damdamin, at kung palagi kang nakakulong sa iyong damdamin, magiging mahirap para sa iyo na makamit ang mga bagay na iyon. Mararamdaman mo na napakasakit nitong gawin, na hindi mo kayang talikuran ang bagay na ito, at na hindi mo rin ito kayang pasanin, o na hindi mo kayang sumulong o umatras. Anong salita ang magagamit para ilarawan ito? “Naiipit.” Maiipit ka roon. Nais mong makinig sa mga salita ng Diyos at isagawa ang katotohanan, ngunit hindi mo kayang bitiwan ang iyong mga damdamin; mahal na mahal mo ang mga anak mo, pero nararamdaman mong hindi ito tamang gawin, na lumalabag ito sa mga turo ng Diyos at sa mga salita ng Diyos—nagkakaproblema ka. Kailangan mong magpasya. Maaari mong bitiwan ang iyong mga ekspektasyon para sa iyong mga anak, at hindi na magtangkang pamahalaan ang iyong mga anak, bagkus ay hayaan silang maging malaya, dahil sila ay mga nasa hustong gulang na at marunong magsarili, o maaari kang sumunod sa kanila. Kailangan mong pumili ng isa sa dalawang opsyon na iyon. Kung pipiliin mong sundin ang daan ng Diyos at makinig sa mga salita ng Diyos, at bibitiwan mo ang iyong mga alalahanin at damdamin para sa iyong mga anak, kailangan mong gawin ang dapat gawin ng isang magulang, mahigpit na kumapit sa iyong paninindigan at sa iyong mga prinsipyo, at iwasang gawin ang mga bagay na kinamumuhian at kinasusuklaman ng Diyos. Kaya mo ba ito? (Oo.) Sa totoo lang, madaling gawin ang mga bagay na ito. Sa sandaling bitiwan mo ang kaunting pagmamahal na iniingatan mo, maisasakatuparan mo na ang mga bagay na ito. Ang pinakasimpleng pamamaraan ay ang huwag makisali sa buhay ng iyong mga anak at hayaan silang gawin ang nais nila. Kung gusto ka nilang kausapin tungkol sa kanilang mga paghihirap, pakinggan mo sila. Sapat na na malaman mo na ganoon ang sitwasyon. Pagkatapos nilang magsalita, sabihin mo sa kanila: “Naririnig kita. May iba ka pa bang gustong sabihin sa akin? Kung gusto mo ng makakain, pwede akong magluto ako para sa iyo. Kung hindi, pwede ka nang umuwi. Kung kailangan mo ng pera, pwede kitang bigyan nang kaunti. Kung kailangan mo ng tulong, gagawin ko ang makakaya ko. Kung hindi kita matutulungan, ikaw mismo ang kailangang maghanap ng solusyon.” Kung igigiit nilang tulungan mo sila, pwede mong sabihin na: “Natupad na namin ang aming mga responsabilidad sa iyo. Ito lang ang mga abilidad namin, nakikita mo naman iyon—hindi kami kasinghusay mo. Kung nais mong magtagumpay sa mundo, ikaw na ang bahala roon, huwag mo na kaming isali. Medyo matanda na kami, at tapos na kami sa ganyang responsabilidad. Ang responsabilidad namin bilang magulang ay ang ang palakihin ka tungo sa hustong gulang. Tungkol sa kung anong uri ng landas ang tatahakin mo, at kung paano mo pahihirapan ang sarili mo, huwag mo na kaming isali sa mga bagay na iyon. Hindi namin pahihirapan ang aming sarili kasama mo. Natapos na namin ang aming misyon kaugnay sa iyo. May sarili kaming mga isyu, sariling paraan ng pamumuhay, at sarili naming mga misyon. Ang mga misyon namin ay hindi patungkol sa paggawa ng mga bagay para sa iyo, at hindi namin kailangan ang tulong mo para matapos ang mga ito. Tatapusin namin ang aming mga misyon nang kami mismo. Huwag mo kaming isali sa iyong pang-araw-araw na buhay o sa iyong pag-iral. Walang kinalaman sa amin ang mga iyon.” Ipahayag mo nang malinaw ang iyong sarili, at tapos na ang usapan; maaari kang makipag-ugnayan, makipag-usap, at makipagkamustahan sa kanila kung kinakailangan. Ganoon lang kasimple! Ano ang mga pakinabang sa pagkilos nang ganito? (Nagiging napakadali ng buhay.) Kahit papaano, mapapangasiwaan mo na ang usapin ng pisikal na pagmamahal sa pamilya nang tama at maayos. Ang iyong mundo ng isipan at espiritu ay magiging panatag, hindi ka gagawa ng mga walang kabuluhang sakripisyo, o magbabayad ng anumang karagdagang halaga; magpapasakop ka sa gitna ng mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Diyos, at hahayaan mo Siya na mangasiwa sa lahat ng bagay na ito. Tutuparin mo ang bawat isa sa mga responsabilidad na dapat gawin ng mga tao, at hindi mo gagawin ang alinman sa mga bagay na hindi dapat gawin ng mga tao. Hindi ka mag-aabot ng tulong para makialam sa mga bagay-bagay na hindi dapat gawin ng mga tao, at mamumuhay ka ayon sa itinuturo sa iyo ng Diyos. Ang paraan ng pamumuhay na itinuturo ng Diyos ay ang pinakamagandang landas, magbibigay-daan ito na mamuhay sila nang magaan, masaya, maligaya, at payapa. Subalit, ang pinakamahalaga, bukod sa magkakaroon ka ng mas maraming libreng oras at lakas para gampanan nang maayos ang iyong tungkulin, at magpakita ng debosyon sa iyong tungkulin, magkakaroon ka rin ng mas maraming lakas at oras para maglaan ng pagsusumikap hinggil sa katotohanan. Sa kabaligtaran, kung ang iyong lakas at oras ay nakatali at abala sa iyong mga damdamin, laman, iyong mga anak, at iyong pagmamahal sa pamilya, hindi ka magkakaroon ng karagdagang lakas para hangarin ang katotohanan. Hindi ba’t totoo iyon? (Totoo.)

Kapag ang mga tao ay nakilahok sa mga propesyon sa mundo, ang tanging iniisip nila ay paghahangad sa mga bagay tulad ng mga makamundong uso, katanyagan at pakinabang, at kasiyahan ng laman. Ano ang ipinapahiwatig nito? Ipinapahiwatig nito na ang iyong lakas, oras, at kabataan ay lahat sinasakop at nilalamon ng mga bagay na ito. Makabuluhan ba ang mga ito? Ano ang makakamit mo mula sa mga ito sa huli? Kahit na magkamit ka ng katanyagan at pakinabang, magiging walang kabuluhan pa rin ito. Baguhin mo kaya ang iyong paraan ng pamumuhay? Kung ang iyong oras, lakas, at isipan ay nasasakupan lamang ng katotohanan at ng mga prinsipyo, at kung ang iniisip mo lang ay mga positibon bagay, tulad ng kung paano gampanan nang maayos ang iyong tungkulin, at paano humarap sa Diyos, at kung ginugugol mo ang iyong lakas at oras para sa mga positibong bagay na ito, kung gayon, iba ang makakamit mo. Ang makakamit mo ay ang mga pinakamakabuluhang pakinabang. Matututo ka kung paano mamuhay, paano umasal, paano harapin ang bawat klase ng tao, pangyayari, at bagay. Sa sandaling matuto ka kung paano harapin ang bawat klase ng tao, pangyayari, at bagay, sa malaking antas, likas kang magpapasakop sa mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Diyos. Kapag likas kang nakakapagpasakop sa mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Diyos, hindi mo man lang mamamalayan na ikaw ay magiging isang uri ng tao tinatanggap at minamahal ng Diyos. Isipin mo, hindi ba’t magandang bagay iyon? Marahil ay hindi mo pa ito alam, ngunit sa proseso ng iyong pamumuhay, at ng iyong pagtanggap sa mga salita ng Diyos at sa mga katotohanang prinsipyo, ikaw ay mamumuhay, titingnin sa mga tao at bagay, at aasal at kikilos alinsunod sa mga salita ng Diyos nang hindi napapansin. Ito ay nangangahulugan na magpapasakop ka sa mga salita ng Diyos, at susunod at tutugon sa Kanyang mga hinihingi nang hindi namamalayan. Kung gayon, ikaw ay magiging isa nang uri ng tao na tinatanggap, pinagkakatiwalaan, at minamahal ng Diyos, nang hindi mo man lang namamalayan. Hindi ba’t maganda iyon? (Oo.) Samakatuwid, kung igugugol mo ang iyong lakas at oras para hangarin ang katotohanan at gampanan nang maayos ang iyong tungkulin, mamakamit mo sa huli ang mga pinakamahalagang bagay. Sa kabilang banda, kung palagi kang namumuhay para lang sa iyong mga damdamin, sa iyong laman, sa mga anak mo, sa trabaho mo, at sa katanyagan at pakinabang, kung palagi kang sangkot sa mga bagay na ito, ano ang makakamit mo sa huli? Isang kahungkagan lamang. Wala kang anumang makakamit, at lalayo ka nang lalayo sa Diyos, at sa huli ay lubusan kang kamumuhian at itatakwil ng Diyos. Ang buhay mo ay magwawakas, at mawawala ang pagkakataon mong maligtas. Kaya, dapat bitiwan ng mga magulang ang lahat ng kanilang mga emosyonal na pag-aalala, pagkagiliw, at obligasyon tungkol sa kanilang mga anak na nasa hustong gulang, anuman ang ekspektasyon nila para sa mga ito. Hindi sila dapat maglaan ng anumang ekspektasyon sa kanilang mga anak sa emosyonal na aspekto mula sa katayuan o posisyon ng isang magulang. Kung maisasakatuparan mo ang mga bagay na ito, maganda iyon! Kahit papaano, matutupad mo na ang iyong mga responsabilidad bilang magulang, at ikaw ay magiging sapat na tao—na nagkataong isang magulang—sa mga mata ng Diyos. Sa anumang perspektiba ng tao mo ito tinitingnan, mayroong mga prinsipyo para sa mga bagay na nararapat gawin ng mga tao at sa perspektiba at posisyon na dapat nilang panghawakan, at mayroong mga pamantayan ang Diyos ukol sa mga bagay na ito, hindi ba’t iyon ang tama? (Oo.) Tapusin na natin dito ang ating pagbabahaginan tungkol sa mga ekspektasyon ng mga magulang para sa kanilang mga anak at sa mga prinsipyong dapat nilang isagawa kapag nasa hustong gulang na ang kanilang mga anak. Paalam!

Mayo 21, 2023

Sinundan: Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 17

Sumunod: Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 19

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messenger