Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 10

Ngayon ay itutuloy natin ang pagbabahaginan sa paksa ng ating huling pagtitipon. Tungkol saan ang pagbabahaginan sa huli nating pagtitipon? (Noong huli, pangunahing nagbahagi ang Diyos tungkol sa dalawang paksa. Una, nagbahagi ang Diyos tungkol sa itinatanong ng mga tao: “Kung hindi hinangad ng sangkatauhan ang kanilang mga mithiin at hangarin, uunlad kaya nang ganito ang kasalukuyang mundo?” Sunod, nagbahagi ang Diyos tungkol sa ilang maling perspektiba at pananaw ng mga tao tungkol sa pag-aasawa, at pagkatapos ay nagbahagi Siya tungkol sa tamang konsepto at depinisyon ng pag-aasawa.) Noong huli, nagbahagi Ako sa isang napakalawak na paksa—ang pag-aasawa. Ang pag-aasawa ay isang malawak na paksa na tumutukoy sa buong sangkatauhan at laganap sa kasaysayan ng pag-unlad ng tao. Ang paksang ito ay tumutukoy sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao, at ito ay mahalaga para sa lahat. Noong huli, nagbahaginan tayo sa ilang nilalaman na may kaugnayan sa paksang ito, pangunahing tungkol sa pinagmulan at pagkakabuo ng pag-aasawa, pati na rin sa mga tagubilin at inorden ng Diyos para sa dalawang taong mag-asawa, at sa mga responsabilidad at obligasyong dapat akuin ng dalawang taong mag-asawa. Ano ang pangunahing batayan ng nilalaman na ito? (Ang nakatala sa Bibliya.) Ang pagbabahaginang ito ay batay sa mga salita at talatang naitala sa Bibliya, kung saan matapos likhain ng Diyos ang sangkatauhan, inorden Niya ang pag-aasawa para sa kanila, tama? (Tama.) Sa pamamagitan ng ating huling pagbabahaginan, at sa pagbabasa ng ilang pahayag at gawain ng Diyos tungkol sa pag-aasawa ng tao gaya ng naitala sa Bibliya, mayroon na ba kayong tumpak na depinisyon sa pag-aasawa ngayon? Sinasabi ng ilang tao: “Bata pa kami, wala kaming konsepto ng pag-aasawa, ni wala kaming karanasan. Mahirap para sa amin ang bigyang-kahulugan ang pag-aasawa.” Mahirap ba ito? (Hindi.) Hindi ito mahirap. Kung gayon, paano nga ba natin dapat bigyang-kahulugan ang pag-aasawa? Batay sa mga pahayag at gawain ng Diyos tungkol sa pag-aasawa ng tao, hindi ba’t dapat na mayroon kayong tumpak na depinisyon sa pag-aasawa? (Oo.) Tungkol sa pag-aasawa, may asawa ka man o wala, kailangan mong magkaroon ng tumpak na kaalaman sa mga salita ng Aking pagbabahagi ngayon. Ito ay isang aspekto ng katotohanan na dapat mong maunawaan. Mula sa perspektibang ito, kung mayroon ka mang karanasan sa pag-aasawa o wala, at interesado ka man sa pag-aasawa o hindi, at anuman ang iyong mga kalkulasyon at plano noon tungkol sa pag-aasawa, hangga’t ang usaping ito ay may kaugnayan sa iyong paghahangad sa katotohanan, dapat mong malaman ito. Ito rin ay isang bagay na dapat mong makita nang malinaw, sapagkat ito ay may kinalaman sa katotohanan, sa mga ideya at pananaw ng tao, sa paghahangad ng mga tao sa katotohanan, at sa iyong mga prinsipyo at landas ng pagsasagawa sa iyong daan ng paghahangad sa katotohanan. Kaya, may karanasan ka man sa pag-aasawa noon o wala, interesado ka man sa pag-aasawa o hindi, o anuman ang sitwasyon ng iyong buhay may-asawa, kung nais mong hangarin ang katotohanan at kamtin ang kaligtasan, kailangan mong magkaroon ng tumpak na kaalaman at wastong mga ideya at pananaw tungkol sa pag-aasawa, tulad ng sa anumang bagay na may kaugnayan sa katotohanan; hindi mo ito dapat labanan sa iyong puso, o magkaroon ng mga pagkiling at mga kuro-kuro tungkol dito, o harapin ito batay sa iyong pinagmulan at sitwasyon, o gumawa ng anumang pasya tungkol dito. Lahat ng ito ay maling pananaw. Ang pag-aasawa, tulad ng anumang bagay, ay may kaugnayan sa mga pananaw, opinyon, at perspektiba ng mga tao. Kung nais mong magkaroon ng tama, naaayon-sa-katotohanan na mga ideya, pananaw, perspektiba, at opinyon sa usapin ng pag-aasawa, kailangan mong magkaroon ng tumpak na kaalaman at depinisyon sa usaping ito, na lahat ay may kaugnayan sa katotohanan. Kaya, pagdating sa pag-aasawa, dapat mayroon kang tamang kaalaman at dapat mong maunawaan ang katotohanan na nais ng Diyos na malaman ng mga tao tungkol sa usaping ito. Sa pamamagitan ng pagkaunawa sa katotohanan dito, saka ka lamang magkakaroon ng mga wastong ideya at pananaw sa pagharap sa pag-aasawa kapag ikinasal ka na, o kapag may mga bagay na lumitaw sa iyong buhay na may kaugnayan sa usapin ng pag-aasawa; saka ka lang magkakaroon ng mga wastong opinyon at perspektiba rito, at siyempre, saka ka lang magkakaroon ng tumpak na landas sa paglutas sa mga problemang may kaugnayan sa pag-aasawa. Sinasabi ng ilang tao: “Hinding-hindi ako mag-aasawa.” At marahil ay hindi ka nga mag-aasawa, ngunit hindi maiiwasan na magkakaroon ka pa rin ng mga ideya at pananaw tungkol sa pag-aasawa, malaki man o maliit, tama man o mali. Dagdag pa rito, sa iyong buhay, hindi mo maiiwasang maharap sa ilang tao o bagay na may mga problemang may kinalaman sa pag-aasawa, kaya, paano mo titingnan at lulutasin ang mga problemang ito? Kapag lumitaw ang mga problemang ito na may kinalaman sa pag-aasawa, ano ang dapat mong gawin para magkaroon ng mga tumpak na ideya, pananaw, opinyon, at prinsipyo ng pagsasagawa? Paano ka dapat kumilos upang maging ayon sa kalooban ng Diyos? Ito ay isang bagay na dapat mong maunawaan, isang bagay na dapat mong hangarin simula ngayon. Ano ang ibig Kong sabihin kapag sinasabi Ko iyon? Ibig Kong sabihin, may ilang tao na maaaring nag-aakala na walang kinalaman sa kanila ang pag-aasawa, kaya’t nakikinig sila nang wala sa loob. Ito ba ang tamang pananaw? (Hindi.) Hindi. Anuman ang paksang Aking ibinabahagi, hangga’t ito ay may kaugnayan sa katotohanan, may kaugnayan sa paghahangad sa katotohanan, at may kaugnayan sa mga batayan at pamantayan sa pagtingin sa mga tao at bagay, at sa pag-asal at pagkilos, dapat mo itong tanggapin at taimtim at maingat na pakinggan. Sapagkat ito ay hindi karaniwang pagkaunawa, hindi ito kaalaman, lalong hindi ito propesyonal na pagkaunawa—ito ay ang katotohanan.

Balikan natin at ipagpatuloy ang pagbabahaginan sa paksa ng pag-aasawa. Ano ang dapat na depinisyon ng pag-aasawa? Batay sa inorden at mga pagsasaayos ng Diyos tungkol sa pag-aasawa, pati na rin sa Kanyang mga paalala at tagubilin sa dalawang taong mag-asawa na ibinahagi Ko noong huli, ang inyong konsepto at depinisyon sa pag-aasawa ay hindi na dapat magulo; sa halip, dapat ay malinaw at maliwanag na ito. Ang pag-aasawa ay dapat na pag-iisa ng isang lalaki at isang babae sa ilalim ng inorden at mga pagsasaayos ng Diyos. Ito ang bumubuo sa pag-aasawa, na may mga pangunahing kondisyon. Sa ilalim ng inorden at mga pagsasaayos ng Diyos, ang pag-iisa ng isang lalaki at isang babae ang bumubuo sa pag-aasawa. Hindi ba’t totoo iyon? (Oo.) Hindi ba’t tumpak sa teorya ang gayong depinisyon sa pag-aasawa? (Oo.) Bakit sinasabi na ito ay tumpak? Paano kayo makasisigurong ito ay tumpak? Dahil ito ay batay sa nakatala sa Bibliya, at ito ay may mga indikasyon na maaaring sundan. Malinaw na ipinaliliwanag ng tala sa Bibliya ang pinagmumulan ng pag-aasawa. Ito ang depinisyon ng pag-aasawa. Sa pundasyon ng malinaw na depinisyong ito ng pag-aasawa, tingnan natin kung ano ang mga tungkuling inaako ng dalawang taong mag-asawa. Hindi ba’t malinaw itong nakatala sa mga sipi ng Bibliya na binasa natin noong huling pagtitipon? (Oo.) Ang pinakasimple sa lahat ng tungkuling inaako ng dalawang taong mag-asawa ay ang samahan at tulungan ang isa’t isa. Ano naman ang tagubilin ng Diyos sa babae? (Sinabi ng Diyos sa babae: “Pararamihin Kong lubha ang iyong kalumbayan at ang iyong paglilihi; manganganak kang may kahirapan; at ang iyong pagnanais ay magiging sa iyong asawa, at siya ang mamamahala sa iyo” (Genesis 3:16).) Ito ang orihinal na pananalita sa Bibliya. Gamit ang ating mga modernong salita, ang tagubilin ng Diyos sa babae ay ang kanyang tungkulin. Ano ang tungkuling iyon? Ang manganak, palakihin ang kanyang mga anak, at alagaan at mahalin ang kanyang mister. Ito ang tagubilin ng Diyos sa babae. Ano naman ang itinagubilin ng Diyos na tungkulin ng lalaki? Bilang pinuno ng pamilya, ang lalaki ang dapat na pumasan sa buhay-pamilya at magtustos para sa pamilya sa pamamagitan ng kanyang pagsisikap. Dapat din niyang pasanin ang pamamahala sa mga miyembro ng pamilya, sa kanyang asawa, at sa kanyang sariling buhay. Ito ang paghahati ng Diyos ng mga tungkulin sa pagitan ng mga babae at lalaki. Dapat maging malinaw at tiyak sa iyo ang mga tungkulin ng mga babae at lalaki. Ito ang depinisyon at pagkabuo ng pag-aasawa, pati na rin ang mga responsabilidad na dapat akuin ng magkabilang partido at ang mga obligasyong dapat nilang tuparin. Ito ang mismong pag-aasawa at ang tunay na nilalaman nito. Mayroon bang anumang negatibong bagay sa nilalaman na tinalakay natin tungkol sa pag-aasawa? (Wala.) Walang negatibong bagay rito. Lahat ito ay napakalinis, naaayon sa katotohanan, at naaayon sa mga katunayan, at ito ay naaayon sa batayan ng mga salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng biblikal na mga tala bilang pundasyon, ang usapin ng pag-aasawa ay nagiging napakatiyak at napakalinaw sa mga modernong tao; hindi natin kailangang maglatag ng maraming paunang kondisyon o gumamit ng masyadong maraming salita para pag-usapan ang pinagmulan ng pag-aasawa. Hindi ito kinakailangan. Ang depinisyon ng pag-aasawa ay malinaw, at ang mga tungkulin na dapat akuin ng parehong partido sa pag-aasawa, at ang mga obligasyon na dapat nilang tuparin, ay malinaw at tiyak. Kapag malinaw at tiyak na sa isang tao ang mga bagay na ito, ano ang epekto niyon sa kanyang paghahangad sa katotohanan? Ano ang kahulugan sa likod ng pagkaunawa sa depinisyon at sa kayarian ng pag-aasawa at sa mga tungkulin ng parehong partido? Ibig sabihin, ano ang mga resulta ng pagbabahagi ng nilalamang ito sa mga tao, at ano ang mga epektong idinudulot nito? Sa madaling salita, ano ang mabuting nagagawa sa inyo ng pakikinig sa nilalamang ito? (Tinutulutan tayo nitong magkaroon ng tama at naaayon-sa-katotohanan na pananaw para tingnan ang mga bagay-bagay kapag hinaharap natin ang pag-aasawa, o kapag tinitingnan natin ang pag-aasawa; hindi tayo maiimpluwensiyahan o maliligaw ng masasamang kalakaran o ng mga ideya na itinanim ni Satanas.) Ito ay isang positibong epekto. Ang pagbabahaginan ba tungkol sa depinisyon ng pag-aasawa at pagkabuo nito at ang mga tungkulin ng parehong partido ay nagtutulot sa mga tao na magkaroon ng tamang mga ideya at pananaw tungkol sa pag-aasawa? (Oo.) Kapag ang isang tao ay may mga tamang ideya at pananaw, ang mga pakinabang at positibong epekto ba nito ay nagtutulot sa kanila na magkaroon ng tamang pananaw sa pag-aasawa sa kanilang kamalayan? Kapag mayroon nang tamang pananaw sa pag-aasawa at tamang mga ideya at opinyon ang isang tao, mayroon ba siyang partikular na pagtutol at panangga laban sa mga sumasalungat, mga negatibong ideya at pananaw, na nabibilang sa masasamang kalakaran? (Mayroon.) Ano ang tinutukoy ng pagtutol at pananggang ito? Ito ay nangangahulugang, sa pinakamababa, mayroon kang pagkilatis pagdating sa ilang buktot na ideya at pananaw tungkol sa pag-aasawa na mula sa mundo at lipunan. Kapag mayroon ka nang pagkilatis, hindi mo na titingnan ang pag-aasawa batay sa mga ideya at pananaw na nagmumula sa mga buktot na kalakaran ng mundo, hindi mo na rin tatanggapin ang mga ideya at pananaw na iyon. Kaya, ano ang pakinabang sa iyo ng hindi pagtanggap sa mga ideya at pananaw na iyon? Hindi na kokontrolin ng mga ideya at pananaw na iyon ang iyong mga perspektiba at pagkilos tungkol sa pag-aasawa, at hindi ka na matitiwali ng mga ito, at hindi na rin maitatanim ng mga ito sa iyo ang mga buktot na ideya at pananaw; samakatuwid, hindi mo titingnan ang pag-aasawa sa pamamagitan ng pagsunod sa mga buktot na kalakaran ng mundo, hindi ka na rin matatangay ng mga buktot na kalakarang iyon, kaya magagawa mong manindigan sa iyong patotoo sa usapin ng pag-aasawa. Kaya, sa partikular na punto, mabibitiwan mo na ba ang ilang sataniko, makamundong ideya, pananaw, at perspektiba tungkol sa pag-aasawa? (Oo.) Pagkatapos magkaroon ng tumpak na depinisyon sa pag-aasawa ang mga tao, nabibitiwan nila ang ilan sa kanilang mga paghahangad, mithiin, at hangarin tungkol sa pag-aasawa, pero sapat na ba ito? Nagagawa ba nilang ganap na bitiwan ang kanilang mga paghahangad, mithiin, at hangarin tungkol sa pag-aasawa? Hinding-hindi pa ito sapat. Ang mayroon lang sila ay isang tumpak na depinisyon at konsepto ng pag-aasawa, isa lamang pangunahin at batayang konsepto at kaalaman ng pag-aasawa sa kanilang isipan. Ngunit ang iba’t ibang ideya, pananaw, at paksa na ipinapakalat ng mundo at lipunan tungkol sa pag-aasawa ay makakaimpluwensiya pa rin sa iyong mga ideya at pananaw, at makakaapekto sa iyong mga perspektiba—at maging sa iyong mga kilos—tungkol sa pag-aasawa. Kaya, hanggang sa ngayon, pagkatapos magkaroon ng tumpak na depinisyon sa pag-aasawa, hindi pa rin ganap na nabibitiwan ng mga tao ang kanilang mga paghahangad, mithiin, at hangarin tungkol sa pag-aasawa. Kaya sa susunod, hindi ba’t dapat tayong magbahaginan tungkol sa iba’t ibang paghahangad, mithiin, at hangarin na lumilitaw sa mga tao tungkol sa pag-aasawa? (Oo.)

Tatapusin Ko na ang pagbabahaginang ito tungkol sa depinisyon ng pag-aasawa. Sunod, pagbabahaginan natin kung paano bitiwan ang iba’t ibang paghahangad, mithiin, at hangarin na lumilitaw dahil sa pag-aasawa. Una, magbahaginan tayo tungkol sa iba’t ibang pantasya ng mga tao tungkol sa pag-aasawa. Kapag sinabi Kong pantasya, ang tinutukoy Ko ay ang mga larawan na nasa imahinasyon ng mga tao. Ang mga larawang ito ay hindi pa nagiging totoo; mga imahinasyon lamang ang mga ito na napupukaw ng mga pang-araw-araw na buhay ng mga tao o ng mga sitwasyong kanilang nakahaharap. Ang mga imahinasyong ito ay bumubuo ng mga larawan at ilusyon sa isipan ng mga tao, at nagiging ang kanilang mga paghahangad, mithiin, at hangarin pa nga tungkol sa pag-aasawa. Kaya, upang mabitiwan ang iyong mga paghahangad, mithiin, at hangarin tungkol sa pag-aasawa, dapat mo munang bitiwan ang iba’t ibang pantasya na minsang naitanim na sa iyong isipan at sa kaibuturan ng puso mo. Ito ang unang kailangan ninyong gawin upang mabitiwan ang inyong mga paghahangad, mithiin, at hangarin tungkol sa pag-aasawa—ibig sabihin, bitiwan ninyo ang inyong iba’t ibang pantasya tungkol sa pag-aasawa. Kaya, pag-usapan muna natin kung ano-anong pantasya mayroon ang mga tao tungkol sa pag-aasawa. Ang iba’t ibang opinyon ng mga sinaunang tao tungkol sa pag-aasawa mula sa daan-daan o libo-libong taon na ang nakalilipas ay masyado nang malayo sa kasalukuyan, kaya hindi na natin tatalakayin ang mga iyon. Sa halip, tatalakayin natin kung ano ang sariwa, popular, uso, at pangunahing mga opinyon at kilos ng mga modernong tao tungkol sa pag-aasawa; ang mga bagay na ito ay nakakaimpluwensiya sa inyo, nagdudulot na patuloy na lumitaw ang iba’t ibang pantasya tungkol sa pag-aasawa sa kaibuturan ng inyong puso o sa inyong isipan. Una, ang ilang opinyon tungkol sa pag-aasawa ay nagiging popular sa lipunan, at pagkatapos, iba’t ibang akda ng literatura ang naglalaman ng mga ideya at opinyon ng mga may-akda tungkol sa pag-aasawa; habang ang mga akdang ito ay ginagawang mga palabas sa telebisyon at mga pelikula, mas malinaw na naipaliliwanag ng mga ito ang iba’t ibang opinyon ng mga tao tungkol sa pag-aasawa, at ang kanilang iba’t ibang paghahangad, mithiin, at hangarin tungkol dito. Mas marami man o mas kaunti, nakikita man o hindi, patuloy na itinatanim ang mga bagay na ito sa inyo. Bago kayo magkaroon ng anumang tumpak na konsepto sa pag-aasawa, ang mga opinyon at mensaheng ito ng lipunan tungkol sa pag-aasawa ay lumilikha ng mga paunang konsepto sa inyo at tinatanggap ninyo ang mga ito; pagkatapos, nagsisimula kayong magpantasya kung ano ang mangyayari sa sarili ninyong buhay may-asawa, at kung ano ang mga katangian ng inyong magiging kabiyak. Tinatanggap mo man ang mga mensaheng ito sa mga palabas sa telebisyon, pelikula, at nobela, o sa pamamagitan ng iyong mga kaibigan at mga tao sa iyong buhay—anuman ang pinanggalingan, ang mga mensaheng ito ay pawang galing sa mga tao, lipunan, at mundo, o sa mas tumpak na pananalita, umuusbong at umuunlad ang mga ito mula sa mga buktot na kalakaran. Siyempre, sa mas tumpak pang pananalita, ang mga ito ay galing kay Satanas. Hindi ba’t totoo ito? (Oo.) Sa prosesong ito, anuman ang uri ng mga ideya at pananaw tungkol sa pag-aasawa ang tinatanggap ninyo, ang totoo, habang tinatanggap ang iba’t ibang ideya at pananaw tungkol sa pag-aasawa, patuloy kayong nagpapantasya tungkol sa pag-aasawa sa inyong isipan. Ang mga pantasyang ito ay umiikot lahat sa isang bagay. Alam ba ninyo kung ano ito? (Romantikong pag-ibig.) Sa lipunan ngayon, ang mas popular o pangunahing mensahe ng pagsasalita tungkol sa pag-aasawa ay nasa konteksto ng romantikong pag-ibig; ang kaligayahan ng pag-aasawa ay nakasalalay sa pag-iral ng romantikong pag-ibig, at kung ang mag-asawa ay nag-iibigan. Ang mga opinyong ito ng lipunan tungkol sa pag-aasawa—ang mga bagay na ito na pinapasok ang isipan ng mga tao at ang kaibuturan ng kanilang kaluluwa—ay pangunahing tungkol sa romantikong pag-ibig. Ang mga opinyong ito ay itinatanim sa mga tao, na nagdudulot sa kanila na magkaroon ng iba’t ibang pantasya tungkol sa pag-aasawa. Halimbawa, nagpapantasya sila tungkol sa kung sino ang taong iibigin nila, kung anong klaseng tao ito, at kung ano ang mga pamantayan nila sa kanilang magiging asawa. Partikular na may iba’t ibang mensaheng mula sa lipunan na nagsasabing kinakailangan nilang ibigin ang taong iyon at na kailangan ding ibigin sila ng taong iyon, na ito lamang ang tunay na romantikong pag-ibig, na tanging ang romantikong pag-ibig ang hahantong sa pag-aasawa, na tanging ang pag-aasawa na batay sa romantikong pag-ibig ang mabuti at masaya, at na ang pag-aasawa nang walang romantikong pag-ibig ay imoral. Kaya, bago nila matagpuan ang taong iibigin nila, lahat ay naghahanda na makahanap ng romantikong pag-ibig, naghahanda nang maaga para sa pag-aasawa, naghahanda para sa araw na matatagpuan nila ang taong iibigin nila para maaari nilang walang-ingat na hangarin ang kanilang iniibig, at maisakatuparan ang kanilang pag-ibig. Tama? (Tama.) Noon, hindi nababanggit ng mga tao ang romantikong pag-ibig, o ang diumano’y kalayaan sa pag-aasawa, o na ang pag-ibig ay inosente, na ang pag-ibig ay dakila. Noong panahong iyon, nahihiya ang mga tao na pag-usapan ang tungkol sa pag-aasawa, pag-ibig, at romansa. Lalo na kapag may kinalaman ito sa kabilang kasarian, nahihiya ang mga tao, namumula ang kanilang mukha at bumibilis ang tibok ng kanilang puso, o nahihirapan silang magsalita. Ngayon, nagbago na ang mga saloobin ng mga tao. Kapag nakikita nila ang iba na nagtatalakay tungkol sa pag-ibig at pag-aasawa nang kalmado at nang may kumpiyansa, nais din nilang maging ganoong klase ng tao, nagtatalakay nang malaya at bukas tungkol sa pag-ibig at pag-aasawa, nang hindi namumula ang mukha o bumibilis ang tibok ng puso. Higit pa rito, nais din nilang maging bukas sa pag-amin ng kanilang nararamdaman kapag natagpuan nila ang taong nais nilang ligawan, na masabi nila ang nilalaman ng kanilang puso; nagpapantasya pa sila tungkol sa lahat ng uri ng eksena ng pagliligawan, at higit pa rito, nagpapantasya sila kung anong klase ng tao ang iibigin at liligawan nila. Nagpapantasya ang mga kababaihan na ang taong hahangarin nila ay isang Prinsipe, hindi bababa sa 1.8 metro ang tangkad, matalinong kausap, may mabuting asal, may pinag-aralan, may magandang pamilyang pinagmulan, at mas maganda pa nga kung ito ay may sasakyan at bahay, may katayuan sa lipunan, may angking yaman, at iba pa. Para naman sa mga kalalakihan, nagpapantasya sila na ang kanilang magiging kabiyak ay isang magandang babae na maputi ang balat, isang superwoman na mamumukod-tangi sa mga pagtitipon pati na rin sa kusina. Nagpapantasya pa nga sila na ang kanilang magiging kabiyak ay isang maganda at mayamang babae, at mas maganda kung maykaya ang pinagmulan nitong pamilya. Pagkatapos ay sasabihin ng mga tao na ang pagsasama nilang dalawa ay parang sina Romeo at Juliet, tulad ng magkasintahang perpekto o tinadhana ng langit, ang magkasintahang kinaiinggitan ng mga tao sa paligid, na hindi kailanman nag-aaway o nagagalit sa isa’t isa, na hindi kailanman nagbabangayan tungkol sa kung anu-ano, na lubos na nagmamahalan—tulad ng mga magkasintahan sa mga pelikula na sumusumpang mamahalin ang isa’t isa hanggang sa matuyo ang mga dagat at ang mga bato ay maging alikabok, na tatanda silang magkasama, na hindi sila kailanman mayayamot o iiwas sa isa’t isa, na hindi nila kailanman susukuan ang isa’t isa, at na hindi nila kailanman iiwanan ang isa’t isa. Ang mga babae ay nagpapantasya na balang araw ay papasok sila sa pook-kasalan kasama ang kanilang iniibig, at sa pagpapala ng ministro, sila ay magpapalitan ng singsing, ng mga pangako, sumusumpa ng taimtim na pangako ng pag-ibig, nangangakong mamumuhay nang magkasama at hindi iiwan o tatalikdan ang isa’t isa, sila man ay dumaranas ng sakit o kahirapan. Ang mga lalaki ay nagpapantasya rin na isang araw ay papasok sila sa pook-kasalan kasama ang babae na kanilang iniibig, at sa pagpapala ng ministro, sila ay magpapalitan ng singsing at mangangako, sumusumpa na gaano man tumanda o pumangit ang kanilang bagong asawa, hindi nila ito iiwan o tatalikdan, at na bibigyan nila ito ng pinakamaganda, pinakamasayang buhay may-asawa, at gagawin siyang pinakamasayang babae sa buong mundo. Ang mga lalaki at babae ay pawang nagpapantasya nang ganito, naghahangad nang ganito, at sa kanilang tunay na buhay, patuloy nilang natututunan ang lahat ng uri ng paghahangad, mithiin, at hangarin tungkol sa pag-aasawa. Kasabay nito, palagi rin nilang inuulit-ulit ang mga pantasyang ito sa kaibuturan ng kanilang puso, umaasa na isang araw ay matutupad sa tunay na buhay ang kanilang mga pantasya, na ang mga ito ay hindi na magiging isang mithiin o hangarin lamang, kundi totoo na. Sa ilalim ng impluwensiya ng makabagong pamumuhay at ng pagkokondisyon ng lahat ng uri ng mensahe at impormasyon sa lipunan, ang bawat babae ay umaasa na magsusuot sila ng puting damit pangkasal at magiging ang pinakamagandang ikakasal, ang pinakamaligayang babae sa mundo; umaasa rin sila na makapagsusuot sila ng sarili nilang singsing na diyamante, na talagang dapat ay higit pa sa isang karat, at dapat na napakaganda ng kalidad nito. Hindi ito dapat magkaroon ng anumang depekto, at dapat itong isuot ng kanyang pinaka-iniibig na lalaki sa kanyang daliri. Ito ang pantasya ng isang babae sa pag-aasawa. Sa isang banda, may mga pantasya siya tungkol sa anyo ng pagpapakasal; sa kabilang banda, may mga pantasya rin siya tungkol sa buhay may-asawa, umaasa na ang lalaking kanyang iniibig ay hindi bibiguin ang kanyang mga ekspektasyon, na iibigin siya nito kapag mag-asawa na sila gaya ng pag-ibig nito sa kanya noong nagsisimula pa lang ang kanilang pag-iibigan, na hindi ito magmamahal ng ibang babae, na bibigyan siya nito ng masayang buhay, na tutuparin nito ang mga pangako nito, at na hanggang sa matuyo ang dagat at ang mga bato ay maging alikabok, mananatili silang magkasama sa buhay na ito at sa susunod. Sa isang banda pa, may mga pantasya at pamantayan din siya tungkol sa taong kanyang iibigin. Sa pinakamababa, dapat ito ay isang Prinsipe, kung hindi man ito nakasakay sa isang puting kabayo, pwede rin naman sa itim na kabayo. Tiyak na ito ang antas ng pagka-prinsipe na iniisip ng isang babae para sa kanyang minimithing lalaki—napakaromantiko at napakamarangya niyon, napakasaya ng kanyang magiging buhay. Ang batayan ng mga pantasyang ito na nabubuo ng mga tao tungkol sa pag-aasawa ay nagmumula sa lipunan, sa kanilang mga kakilala, o mula sa lahat ng uri ng mensahe, aklat, literatura, at pelikula; dagdag pa roon ang ilang medyo burgesyang elemento sa kanilang puso na naaayon sa kanilang sariling mga hilig, at kaya sila ay nagpapantasya tungkol sa lahat ng uri ng tao na kanilang iibigin, lahat ng uri ng kasintahan, lahat ng uri ng anyo at buhay may-asawa. Sa madaling salita, ang iba’t ibang pantasya ng mga tao ay pawang batay sa pagkaunawa, interpretasyon, at iba’t ibang opinyon ng lipunan tungkol sa pag-aasawa. Ganito ang kababaihan, pati na rin ang kalalakihan. Ang iba’t ibang paghahangad ng mga lalaki sa pag-aasawa ay hindi naiiba sa mga babae. Umaasa rin ang isang lalaki na makahanap ng babaeng kanyang magugustuhan, na malinis, mahinhin, mabait, at maalalahanin, na tatratuhin siya nang may malasakit at pagmamahal, at na umaasa sa kanya gaya ng isang munting ibon, na buong-pusong tapat sa kanya, na hindi nanghahamak sa kanyang mga pagkukulang at kapintasan, na tatanggapin pa nga ang lahat ng kanyang kapintasan at kakulangan, na tutulong at susuporta sa kanya kapag siya ay pinanghihinaan ng loob o nadidismaya, at saka magsasabi sa kanya na: “Mahal, ayos lang iyan, narito ako. Wala tayong hindi malalampasan nang magkasama. Huwag kang matakot. Kahit kailan, palagi akong narito sa iyong tabi.” May iba’t ibang pamantayan ang mga babae sa mga lalaki, at gayundin, may iba’t ibang pamantayan ang mga lalaki sa mga babae, kaya, lalaki man o babae, hinahanap nila ang kanilang kabiyak sa gitna ng mga tao, at ang batayan nila sa paghahanap sa kanilang kabiyak ay ang kanilang iba’t ibang pantasya tungkol sa pag-aasawa. Siyempre, mas madalas na magpapantasya ang isang lalaki tungkol sa pagkakaroon ng matibay na katayuan sa lipunan, pagtatatag ng isang propesyon, paglilikom ng partikular na yaman, at pag-iipon ng partikular na dami ng kapital, pagkatapos ay maaari na siyang maghanap ng isang kabiyak na kapantay niya sa katayuan, pagkakakilanlan, panlasa, at mga hilig. Hangga’t gusto niya ang kabiyak na ito at naaayon ito sa kanyang mga pamantayan, handa siyang gawin ang lahat para dito, kahit maglakad pa sa nagbabagang mga uling para dito. Siyempre, kung magsasalita nang mas praktikal, bibilhan niya ito ng magagandang gamit, tutugunan ang mga materyal na pangangailangan nito, bibilhan ito ng kotse, bahay, singsing na diyamante, ng bag at mga damit na may tatak. Kung may kakayahan siya, bibili rin siya ng isang pribadong yate at eroplano, at isasama ang kanyang minamahal na babae sa dagat na silang dalawa lang, o isasama ito upang makita ang mundo, maglakbay sa mga pinakasikat na bundok, lupain, at magandang tanawin sa buong mundo. Napakaganda ng gayong buhay. Ang mga babae ay nagbabayad ng iba’t ibang halaga para sa kanilang iba’t ibang pantasya sa pag-aasawa, at gayundin, ang mga lalaki ay nagsusumikap at nagtatrabaho para sa kanilang iba’t ibang pantasya sa pag-aasawa. Anuman ang klase ng pantasya na mayroon ka tungkol sa pag-aasawa, hangga’t ito ay nagmumula sa mundo, nagmumula sa pagkaunawa at opinyon ng tiwaling sangkatauhan tungkol sa pag-aasawa, o nagmumula sa impormasyon tungkol sa pag-aasawa na itinatanim sa iyo ng mundo at ng tiwaling sangkatauhan, ang mga ideya at pananaw na ito, sa isang antas, ay makakaimpluwensiya sa iyong buhay at pananampalataya, at makakaimpluwensiya sa iyong pananaw sa buhay at sa landas na tinatahak mo sa buhay. Ito ay dahil ang pag-aasawa ay isang bagay na hindi maiiwasan ng sinumang nasa hustong gulang na, at ito rin ay isang paksang hindi maiiwasan. Kahit na piliin mong manatiling walang asawa sa buong buhay mo, hindi mag-aasawa kailanman, ang iyong mga pantasya sa pag-aasawa ay iiral pa rin. Maaaring piliin mong manatiling walang asawa, ngunit mula sa sandaling nagkaroon ka ng batayang mga konsepto at kaisipan tungkol sa pag-aasawa, mayroon ka nang iba’t ibang klase ng pantasya tungkol dito. Ang mga pantasyang ito ay hindi lamang umookupa sa iyong isipan, pinupuno rin nito ang iyong pang-araw-araw na buhay at nakakaimpluwensiya sa iyong mga ideya, pananaw, at mga desisyon habang hinaharap mo ang iba’t ibang bagay. Sa madaling salita, kung ang isang babae ay mayroong pamantayan para sa taong gusto niyang ibigin, kahit na gaano ka-mature o kahusay ang pamantayan, gagamitin niya ito upang sukatin ang kabutihan at kasamaan ng pagkatao at katangian ng mga taong nasa kabilang kasarian, pati na rin kung ang mga ito ba ang uri ng tao na gusto niyang makasama. Ang pamantayan na ito ay hindi maihihiwalay sa pamantayan na ginagamit niya sa pagpili ng mapapangasawa. Halimbawa, sabihin nating gusto niya ng lalaking kapansin-pansin ang hitsura, malaki ang mukha na medyo mapanga, at makinis ang balat; elegante kung magsalita, tila mahilig magbasa, at magalang. Sa kanyang pananaw sa pag-ibig, gusto niya ang ganitong klase ng lalaki, at may pagkiling siya sa ganitong klase ng lalaki. Kaya, sa kanyang buhay, ang gayong tao man ang kanyang iibigin o hindi, tiyak na magugustuhan niya ito. Ibig Kong sabihin, kapag nakaugnayan niya ang gayong tao, mabuti man o masama ang pagkatao nito, anuman ang katangian nito, kahit na ito ay isang mapanlinlang o masamang tao, ang mga bagay na ito ay hindi pangunahin; ang mga ito ay hindi ang pamantayan na ginagamit niya para tingnan ang ibang kasarian. Ano ang kanyang pamantayan? Ito ang pamantayan na ginagamit niya sa pagpili ng asawa. Kung ang kanyang kapareha ay naaayon sa pamantayan niya sa pagpili ng asawa, kahit na hindi ito ang taong mismong pinili niyang maging asawa niya, ito pa rin ang taong gusto niyang makasama. Ano ang ipinapakita ng isyung ito? Ang pananaw ng isang tao sa pag-ibig—sa mas partikular, ang pamantayan ng isang tao sa kanyang kasintahan o asawa—sa malaking antas, ay nakakaimpluwensiya sa kanyang pananaw sa lahat ng nasa kabilang kasarian. Kapag nakakatagpo siya ng isang lalaking tumutugma sa kanyang pamantayan sa nais niyang mapangasawa, natutuwa siya sa lahat ng bagay tungkol sa lalaking ito, ang boses nito ay masarap pakinggan, at komportable siyang masdan ang mga salita at kilos nito. Kahit na hindi ito ang taong plano niyang ibigin at hangarin, masaya pa rin siyang pagmasdan ito. Ang kasiyahang ito ang pinagmumulan ng problema. Anuman ang kanyang sinasabi, hindi mo nakikilatis kung ito ba ay tama o mali; nakikita mo na ang lahat ng bagay tungkol sa kanya ay mabuti at tama, at iniisip mong lahat ng kanyang ginagawa ay mahusay. Mula sa magagandang nararamdaman mo tungkol sa kanya, unti-unti mo siyang hinahangaan at sinasamba. Saan nagmumula ang paghanga at pagsambang ito? Ang pinagmulan ay ang pamantayang iyong ginagamit sa pagpili ng iibigin at mapapangasawa. Sa isang partikular na antas, nililihis ng pamantayang ito ang iyong paraan ng pagtingin sa ibang tao; sa mas tumpak na pananalita, pinalalabo nito ang mga pamantayan at batayan na iyong ginagamit sa pagtingin sa kabilang kasarian. Ang kanyang panlabas na hitsura ay tumutugma sa iyong mga pamantayan ng kagandahan, kaya anuman ang uri ng katangiang mayroon siya, naaayon man ang kanyang mga kilos sa mga prinsipyo o hindi, mayroon man siyang mga katotohanang prinsipyo o wala, hinahangad man niya ang katotohanan o hindi, mayroon man siyang tunay na pananalig at pagpapasakop sa Diyos o wala—ang mga bagay na ito ay nagiging napakalabo sa iyo, at malamang na maaapektuhan ang iyong emosyon sa pagtingin mo sa taong ito. Dahil maganda ang nararamdaman mo sa taong ito, at dahil sa emosyonal na antas ay natutugunan niya ang iyong pamantayan, itinuturing mo ang lahat ng kanyang ginagawa bilang mabuti at maganda; pinoprotektahan mo siya at sinasamba, hanggang sa punto na kahit na gumawa siya ng masama, hindi mo ito kikilatisin, o hindi mo siya ibubunyag o tatalikdan. Ano ang dahilan nito? Ito ay sapagkat ang iyong damdamin ang nangunguna, ito ang umookupa sa iyong puso. Sa sandaling ang iyong mga damdamin ang manguna, madali ba para sa iyo na gawin ang mga bagay nang ayon sa mga prinsipyo? Ang iyong mga damdamin ang nangunguna, kaya wala kang mga prinsipyo. Kaya, ang mga resulta na dala ng usaping ito ay lubos na malubha. Kahit na hindi siya ang taong iniibig mo, o hindi siya ang taong nais mong pakasalan, tumutugma pa rin siya sa iyong mga pamantayan ng kagandahan at sa iyong mga emosyonal na pangangailangan; sa ilalim ng ganitong paunang kondisyon, hindi maiiwasan na ikaw ay maimpluwensiyahan at makokontrol ng iyong mga damdamin, at magiging napakahirap para sa iyo na tingnan ang taong ito, harapin ang mga problemang lumitaw sa taong ito, at harapin ang iyong sariling mga problema batay sa mga salita ng Diyos. Sa sandaling kontrolin ka ng iyong mga damdamin at ang mga ito ang mangingibabaw na puwersa sa iyo, napakahirap na makawala mula sa mga emosyonal na tanikala na gumagapos sa iyo, na makapasok sa realidad ng pagsasagawa sa katotohanan. Kaya ano ang ibig Kong sabihin sa lahat ng ito? Ang ibig Kong sabihin, ang lahat ay may iba’t ibang pantasya tungkol sa pag-aasawa. Ito ay dahil hindi ka namumuhay nang hiwalay sa iba o namumuhay sa ibang planeta, at siyempre, hindi ka menor de edad, lalong wala kang kapansanan sa isipan o hindi ka isang hangal; ikaw ay nasa hustong gulang na, at mayroon kang mga ideya ng sa isang taong nasa hustong gulang na. Kasabay nito, hindi sinasadyang tinanggap mo rin ang iba’t ibang opinyon ng lipunan tungkol sa pag-aasawa, natanggap mo ang impormasyon tungkol sa pag-aasawa na nanggagaling sa lipunan at sa buktot na sangkatauhan. Pagkatapos tanggapin ang mga bagay na ito, hindi sinasadyang nagpapantasya ka sa kung sino ang iyong magiging romantikong kasintahan. Ano ang ibig sabihin ng pagpapantasya? Ang ibig sabihin nito ay pagbibigay-pansin sa mga hindi makatotohanan, walang kabuluhang kaisipan. Batay sa ating pinagbahaginan at inihayag, ito ay pangunahing nakatuon sa iba’t ibang opinyon tungkol sa pag-aasawa na nagmumula sa lipunan at sa buktot na sangkatauhan. Dahil wala kang tama, naaayon-sa-katotohanan na pananaw sa pag-aasawa, hindi maiiwasan na ikaw ay naiimpluwensiyahan, nasisira, at natitiwali ng iba’t ibang opinyon tungkol sa pag-aasawa na nagmumula sa lipunan at sa buktot na sangkatauhan, ngunit hindi mo ito alam at hindi mo ito namamalayan. Hindi mo nararamdaman na ito ay isang pagkasira, isang pagtitiwali. Hindi namamalayang tinatanggap mo ang impluwensiyang ito, at hindi namamalayang nagsisimula ka nang mag-isip na ito ay lubos na makatarungan at makatwiran, at iniisip mong natural lang ito, iniisip mong ito ay mga ideya na nararapat taglayin ng mga nasa hustong gulang na. Natural mong gagawin ang lahat ng ito na iyong sariling naaangkop na mga pamantayan at pangangailangan—ang mga wastong ideya na nararapat mayroon ang isang taong nasa hustong gulang na. Kaya, mula sa oras na matanggap mo ang mga mensaheng ito, lalo pang titindi at lalalim ang iyong mga pantasya tungkol sa pag-aasawa. Kasabay nito, patuloy na maglalaho ang iyong hiya tungkol sa pag-aasawa, o maaaring sabihin na mas lalo mong aayawan na tanggihan ang mga pantasyang ito tungkol sa pag-aasawa. Sa madaling salita, ang iyong mga pantasya tungkol sa iyong kasintahan o ang iba’t ibang eksena at bagay na may kinalaman sa pag-aasawa ay lalo pang magiging hindi sinasadya at mapangahas. Hindi ba’t totoo ito? (Totoo nga.) Habang mas tinatanggap ng mga tao ang mga opinyon at impormasyon tungkol sa pag-aasawa mula sa lipunan at sa buktot na sangkatauhan, mas lalo silang nagiging mapangahas at walang habas sa pagpapantasya tungkol sa sarili nilang pag-aasawa, sa paghahanap ng iibiging kasintahan, at pagpupursigi sa kasintahang iyon. Kasabay nito, umaasa sila na ang kanilang iniibig ay magiging katulad ng isang karakter na inilarawan sa isang romantikong nobela, TV drama, o romantikong pelikula—na mamahalin sila nito nang walang kondisyon, hanggang sa matuyo ang mga dagat at ang mga bato ay maging alikabok, nananatiling tapat hanggang sa kamatayan. Samantalang sila, labis din nilang iniibig ang kanilang kasintahan tulad ng ipinakikita ng mga TV drama at romantikong nobela, hanggang sa matuyo ang mga dagat at ang mga bato ay maging alikabok, nananatiling tapat hanggang sa kamatayan. Sa madaling salita, ang mga pantasyang ito ay hiwalay sa mga pangangailangan ng tunay na mundo ng pagkatao at ng buhay. Siyempre, ang mga ito ay hiwalay rin sa diwa ng pagkatao; ito ay ganap na hindi tugma sa totoong buhay. Kagaya ng anumang bagay na iniisip ng mga tao na mabuti, ang mga ito ay mga kaaya-ayang kaisipan lamang na nilikha ng imahinasyon ng mga tao. Sapagkat ang mga kaisipang ito ay hindi naaayon sa depinisyon ng Diyos sa pag-aasawa at sa Kanyang mga pagsasaayos para dito, dapat bitiwan ng mga tao ang mga ideya at pananaw na ito na lubusang hindi naaayon sa mga katunayan, na hindi nila dapat hangarin sa una pa lamang.

Paano dapat bitiwan ng mga tao ang mga hindi makatotohanang pantasya tungkol sa pag-aasawa? Dapat nilang ituwid ang kanilang mga iniisip at pananaw tungkol sa pag-iibigan at pag-aasawa. Una, dapat bitiwan ng mga tao ang kanilang diumano’y pananaw sa pag-ibig, bitiwan ang mga ilusyon at kasabihan tulad ng ang ibigin ang isang tao hanggang sa matuyo ang mga dagat at maging alikabok ang mga bato, ang hindi natitinag na pag-iibigan hanggang sa kamatayan, at ang pag-ibig na nagtatagal hanggang sa susunod na buhay. Hindi alam ng mga tao kung magkakaroon sila ng ganoong pag-ibig nang buong buhay nila, lalong hindi nila alam sa buhay sa hinaharap o hanggang sa matuyo ang mga dagat at maging alikabok ang mga bato. Ilang taon ang aabutin bago matuyo ang mga dagat at maging alikabok ang mga bato? Hindi ba’t mga halimaw na ang mga tao kung mabubuhay sila nang ganoon katagal? Sapat na ang ipamuhay ang buhay na ito nang maayos, at ipamuhay ito nang may kamalayan at kalinawan. Sapat na ang magampanan nang maayos ang iyong papel sa pag-aasawa, ang gawin ang dapat gawin ng isang lalaki o babae, tuparin ang mga obligasyon at responsabilidad na dapat gampanan ng isang lalaki o babae, tuparin ang inyong mga responsibilidad sa isa’t isa, suportahan ang isa’t isa, tulungan ang isa’t isa, at samahan ang isa’t isa habambuhay. Ito ay isang perpekto at wastong pag-aasawa, at ang lahat ng iba pang bagay, ang diumano’y pag-ibig, ang diumano’y mga taimtim na pangako ng pag-ibig, na ang pag-ibig ay nagtatagal hanggang sa susunod na buhay—ang mga ito ay lahat walang silbi, mga walang kinalaman sa pag-aasawa na inorden ng Diyos, at walang kinalaman sa mga tagubilin at paalala ng Diyos sa mga lalaki at babae. Ito ay dahil kahit ano pa ang pangunahing batayan sa anumang pag-aasawa, o anuman ang indibidwal na mga kalagayan ng mag-asawa, mahirap man o mayaman, o anumang talento, katayuan sa lipunan, at pinagmulan sa lipunan ang mayroon sila, o sila man ay perpekto para sa isa’t isa o perpektong magkabiyak; nag-asawa man sila dahil sa pag-ibig sa unang sulyap o dahil isinaayos ito ng kanilang mga magulang, aksidente man itong nangyari o nabuo sa pamamagitan ng pag-iibigan ng matagalang pagsasama—anumang uri ng pag-aasawa ito, basta’t ang dalawang tao ay nagpapakasal at pumapasok sa pag-aasawa, ang pag-aasawang ito ay kinakailangang humarap sa realidad, bumalik sa totoong buhay ng mga pang-araw-araw na pangangailangan. Walang makatatakas sa totoong buhay, at ang bawat buhay mag-asawa, may pag-ibig man ito o wala, kalaunan ay dapat na bumalik sa pang-araw-araw na buhay. Halimbawa, kinakailangang bayaran ang mga bayarin sa kuryente at tubig, at nagrereklamo ang misis, “Ay naku, tumaas na naman ang mga bayarin. Tumataas na lahat, maliban sa sahod. Paano mabubuhay ang mga tao kung tumataas nang ganito ang presyo ng bagay-bagay?” Ngunit sa kabila ng kanyang mga reklamo, kailangan pa rin niyang gumamit ng tubig at kuryente, kaya wala siyang magagawa. Kaya’t binabayaran niya ang mga bayarin, at kapag bayad na ang mga iyon, kailangan naman niyang magtipid sa pagkain at gastusin, sinusubukan niyang matipid ang perang natira na kailangan niyang ibayad para sa mas malalaking bayarin. Kapag nakita niyang may mga gulay sa palengke na bagsak-presyo, sinasabi ng mister, “Bagsak-presyo ang munggo ngayon. Bumili ka ng marami, iyong sapat para sa dalawang linggo.” Sasabihin ng misis, “Magkano ang dapat nating bilhin? Kung masyado tayong maraming bibilhin at hindi natin mauubos, masisira lang ito. At kung bibili tayo ng ganoon karami, hindi natin mapagkakasya ang lahat ng iyon sa freezer!” Sasagot ang mister, “Kung hindi natin mapagkakasya lahat, hindi ba pwedeng kumain na lang tayo nang mas marami? Pwede tayong kumain ng munggo dalawang beses sa isang araw. Huwag mong palaging isipin ang pagbili ng mahal na pagkain!” Kapag sumahod na ang mister, sasabihin niya, “May bonus na naman ako ngayong buwan. Kung malaki ang makukuha kong bonus sa katapusan ng taon, pwede tayong magbakasyon. Nagbabakasyon ang lahat sa Maldives o Bali. Dadalhin kita roon para magbakasyon, para makapaglibang ka.” Masagana ang bunga ng mga puno ng prutas sa paligid ng kanilang tahanan, at nag-usap ang mag-asawa: “Hindi maganda ang naging ani natin noong nakaraang taon. Marami ang bunga ngayong taon, kaya pwede nating ibenta ang ilan at kikita tayo ng pera. Kapag kumita na tayo, baka pwede nating ipagawa ang bahay natin? Pwede tayong maglagay ng mas malalaking aluminum na bintana at maglagay ng malaki at bagong pintuang bakal.” Nang dumating ang taglamig, sinabi ng misis, “Anim o walong taon ko nang suot itong cotton jacket na ito, at panipis na ito nang panipis. Kapag sumahod ka na, pwede kang magtipid nang kaunti at magtabi ka ng pera para maibili ako ng winter jacket. Nasa tatlo hanggang apat na raan ang down jacket, o nasa mga lima hanggang anim na raang yuan siguro.” “Sige,” sabi ng mister. “Magtatabi ako ng pera at bibilhan kita ng maganda at makapal na duck down jacket.” Sinabi ng misis, “Gusto mo akong bilhan, pero wala ka rin namang ganoon. Bumili ka rin ng para sa iyo.” Sumagot ang mister, “Kung sapat ang pera ko, bibili ako. Kung wala naman, pagtiyatiyagaan ko na lang ang jacket ko ng isa pang taon.” May isa pang mister ang nagsabi naman sa kanyang misis, “Nabalitaan kong may malaking kainan na nagbukas malapit dito na nagluluto ng iba’t ibang klase ng seafood. Gusto mo bang pumunta tayo?” Sabi ng misis, “Sige, pumunta tayo. May sapat naman tayong pera, pwede tayong kumain doon.” Kumain sila roon ng seafood at umuwi nang masaya at tuwang-tuwa. Iniisip ng misis, “Napakaginhawa ng buhay ko ngayon. Napangasawa ko ang tamang lalaki. Nakakakain ako ng sariwang seafood. Hindi kayang bumili at makakain ng seafood ng mga kapitbahay namin. Ang ganda ng buhay ko!” Hindi ba’t ito ang buhay mag-asawa? (Oo.) Ginugugol nila ang buhay nila sa pagkakalkula at pagtatalo. Araw-araw silang nagtatrabaho mula umaga hanggang gabi, pumapasok sa trabaho nang alas-otso ng umaga kaya gumigising sila nang alas-singko ng umaga. Kapag tumutunog na ang alarm, iniisip nila, “Hay, ayaw ko talagang bumangon, pero wala akong magagawa. Kailangan kong bumangon para may makain kami at para mabuhay,” kaya pinipilit nilang bumangon. “Buti na lang at hindi ako late ngayon, kaya hindi nila babawasan ang bonus ko.” Matapos ang trabaho, umuuwi sila at sinasabi, “Ang hirap ng araw na ito, nakakapagod! Kailan kaya darating ang araw na hindi ko na kailangang magtrabaho?” Kinakailangan nilang maging abala araw-araw para kumita at may makain; kailangan nilang mamuhay nang ganito para mamuhay nang maginhawa, para mapanatili ang buhay ng dalawang tao sa loob ng balangkas ng pag-aasawa, o para magkaroon ng isang maayos na buhay. Ginugugol nila ang kanilang buhay sa ganitong paraan hanggang sa sila ay tumanda at maabot nila ang kanilang mga huling taon, at sasabihin ng matandang misis sa kanyang mister, “Naku, tingnan mo, puti na ang buhok ko! Kulubot na ang balat sa paligid ng aking mga mata at may mga linya na ang aking pisngi. Matanda na ba ako? Ayaw mo na ba sa matanda kong hitsura at maghahanap ka na ng ibang babae?” Sumagot ang mister, “Hinding-hindi mangyayari iyon, ikaw talaga. Ginugol ko na ang buong buhay ko nang kasama ka pero hindi mo pa rin ako kilala. Sa tingin mo ba ay ganoon akong klase ng lalaki?” Palaging nag-aalala ang kanyang misis na aayawan niya ito kapag tumanda na ito at natatakot ito na hindi na niya ito magugustuhan. Nangungulit ito nang nangungulit, paunti nang paunti ang sinasabi ng mister, hindi na sila gaanong nag-uusap, at nanonood sila ng kanya-kanyang palabas sa TV, na hindi pinapansin ang isa’t isa. Isang araw, sinabi ng misis, “Ang dami na nating naging pagtatalo sa buhay natin. Napakahirap mabuhay kasama ka sa loob ng maraming taong ito. Hindi ko na gugugulin ang susunod kong buhay kasama ang lalaking katulad mo. Kapag tapos na tayong kumain, hindi ka man lang tumutulong sa pagliligpit, umuupo ka lang at wala kang ginagawa. Hindi mo man lang inayos ang pagkukulang mong ito sa buong buhay mo. Kapag nagpapalit ka ng damit, hindi ka man lang naglalaba, ako lagi ang kailangang maglaba at magligpit ng mga iyon para sa iyo. Kung mamamatay ako, sino na ang tutulong sa iyo?” Sabi ng mister, “Akala mo ba ay hindi ako mabubuhay kung wala ka? Napakaraming mas batang babae ang naghahabol sa akin na hindi ko na nga sila maiwasan.” Sumagot ang misis, “Puro salita ka lang naman! Tingnan mo nga ang hitsura mo, ang dugyot mo. Wala nang ibang magtitiis sa iyo kundi ako.” Sabi naman ng mister, “Magalit ka kung gusto mo, pero maraming tao riyan ang may gusto sa akin. Ikaw lang naman ang nangmamaliit sa akin at hindi ako sineseryoso.” Anong klase ng buhay mag-asawa ang mayroon sila? Sabi ng misis, “Kahit na walang dahilan para maging masaya ako at wala akong naging magandang alaala sa buhay na kasama ka, ngayong matanda na ako, naiisip ko: Kung mawawala ka, mararamdaman kong parang may kulang sa akin. Kung mauuna kang mamatay, malulungkot ako at wala na akong makukulit. Ayaw kong maging mag-isa. Dapat ako ang maunang mamatay para ikaw ang mamumuhay nang mag-isa at walang maglalaba ng damit mo o magluluto ng pagkain mo, walang mag-aasikaso sa iyo araw-araw, para maalala mo ang aking kabutihan. Hindi ba’t sinabi mo na maraming mas batang babae ang naghahabol sa iyo? Kapag namatay ako, pwede ka nang kumuha agad ng kapalit.” Sabi ng mister, “Kumalma ka lang, sisiguruhin kong ikaw ang mauunang mamatay. Kapag wala ka na, tiyak na makakahanap ako ng mas mabuting katuwang sa buhay kaysa sa iyo.” Pero ano nga ba ang totoong iniisip niya sa kanyang puso? “Mauna ka nang mamatay, at kapag wala ka na, titiisin ko ang lungkot. Mas pipiliin kong tiisin ang hirap na ito at magdusa nang ganito kaysa ikaw ang magdusa.” Subalit ang matandang misis ay palaging nagrereklamo tungkol sa mister, na mali ang ginagawa nitong ganyan at ganoon, na ang dami-dami nitong pagkukulang, at bagama’t hindi pinupunan ng kanyang mister ang mga pagkukulang nito, patuloy silang namumuhay nang ganito, at sa paglipas ng panahon ay nakasanayan na niya ito. Sa huli, tinatanggap na lang ito ng babae, tinitiis ito ng lalaki, at sa ganitong paraan ay namumuhay sila nang magkasama sa kanilang buong buhay. Ganito ang buhay mag-asawa.

Bagamat maraming bagay sa pag-aasawa ang hindi nagugustuhan ng isang tao, at maraming pagtatalo, at dumaranas ang mag-asawa ng pagkakasakit, kahirapan, pinansiyal na mga kagipitan sa buhay, at nahaharap pa nga sila sa mga labis na maligaya at malungkot na kaganapan, pati na sa iba pang gayong kaganapan, ngunit magkasama nilang nalalampasan ang lahat ng uri ng hamon, at ang kanilang kabiyak ay isang taong hindi nila kayang iwanan kailanman, isang taong hindi nila kayang bitiwan bago nila isara ang kanilang mga mata sa pinakahuling pagkakataon. Ano ang isang kabiyak? Ito ay isang asawa. Tinutupad ng lalaki ang panghabambuhay na mga responsabilidad niya para sa babae, at gayundin, tinutupad ng babae ang panghabambuhay na mga responsabilidad niya para sa lalaki; sinasamahan ng babae ang lalaki sa buhay, at sinasamahan ng lalaki ang babae sa buhay. Wala sa kanila ang makapagsasabi nang malinaw kung sino sa kanila ang mas madalas na sumasama sa kanilang kabiyak; wala sa kanila ang makapagsasabi nang malinaw kung sino ang mas maraming naiambag, sino ang mas maraming nagawang pagkakamali, o sino ang may mas maraming pagkukulang; wala sa kanila ang makapagsasabi nang malinaw kung sino sa kanila ang pangunahing tagasuporta o ang pangunahing tagapagtustos sa kanilang buhay nang magkasama; wala sa kanila ang makapagsasabi nang malinaw kung sino ang ulo ng tahanan o kung sino ang nangangasiwa at sino ang tagasuporta lang; wala sa kanila ang makapagsasabi nang malinaw kung sino sa kanila ang hindi kayang mang-iwan sa kanilang kabiyak, kung ang lalaki ba ang hindi kayang mang-iwan sa babae, o ang babae ang hindi kayang mang-iwan sa lalaki; at wala sa kanila ang makapagsasabi nang malinaw kung sino ang tama at sino ang mali kapag sila ay nagtatalo: Sadyang ganito ang buhay, at ito ang normal na buhay ng isang lalaki at isang babae sa loob ng balangkas ng pag-aasawa, at ito ang pinakanormal at pinakakaraniwang sitwasyon ng pamumuhay para sa mga tao. Ganito talaga ang buhay, hindi maihihiwalay sa iba’t ibang uri ng kapintasan at pagkiling ng pagkatao, at lalo na, sa iba’t ibang pangangailangan ng pagkatao, pati na rin, siyempre, sa lahat ng tama o mali, makatwiran o hindi makatwiran na mga pasya na ginagawa sa ilalim ng kapamahalaan ng konsensiya at katwiran ng isang tao. Sadyang ganito ang buhay, ito ang pinakanormal na buhay. Wala itong kinalaman sa tama o mali, sadyang ito ay isang relatibong wasto at tipikal na sitwasyon ng pamumuhay at ang aktuwal na kalagayan ng buhay. Ngayon, anong katunayan ang ibinubunyag sa mga tao nitong aktuwal na kalagayan ng buhay at sitwasyon ng pamumuhay sa loob ng balangkas ng pag-aasawa? Ito ay na dapat bitiwan ng mga tao ang lahat ng kanilang iba’t ibang hindi makatotohanang pantasya tungkol sa pag-aasawa, bitiwan ang lahat ng ideya na walang kinalaman sa tamang depinisyon ng pag-aasawa at sa mga inorden at pagsasaayos ng Diyos. Lahat ito ay mga bagay na dapat bitiwan ng mga tao, dahil walang kinalaman ang mga ito sa buhay ng normal na pagkatao o sa mga obligasyon at responsabilidad na tinutupad ng normal na tao sa buhay. Kaya, dapat bitiwan ng mga tao ang iba’t ibang pakahulugan at kasabihan tungkol sa pag-aasawa na nanggagaling sa lipunan at sa buktot na sangkatauhan, lalo na ang diumano’y pag-ibig na wala namang kinalaman sa tunay na buhay mag-asawa. Ang pag-aasawa ay hindi isang panghabambuhay na dedikasyon, o isang panghabambuhay na taimtim na pangako ng pagmamahal, at lalong hindi ito isang panghabambuhay na pagtutupad ng mga panata. Sa halip, ito ay ang tunay na buhay ng isang lalaki at babaeng mag-asawa, ito ang kanilang kinakailangan sa tunay na buhay at ang kanilang pagpapahayag sa tunay na buhay. Sinasabi ng ilang tao, “Kung nagbabahagi Ka tungkol sa paksa ng pag-aasawa at hindi Mo tinatalakay ang tungkol sa pag-ibig, hindi Mo binabanggit ang tungkol sa mga taimtim na pangako ng pag-ibig, o ang pag-ibig na nagtatagal hanggang sa matuyo ang mga dagat at maging alikabok ang mga bato, o ang mga panata ng mga mag-asawa sa isa’t isa, kung gayon ay ano nga ba ang tinatalakay Mo?” Ang tinatalakay Ko ay tungkol sa pagkatao, sa responsabilidad, sa paggawa ng dapat na ginagawa ng lalaki at babae ayon sa mga paalala at tagubilin ng Diyos, tungkol sa pagtupad sa mga obligasyon at responsabilidad na dapat tuparin ng lalaki at babae, tungkol sa pagpapasan ng mga obligasyon at responsabilidad na dapat pasanin ng lalaki at babae—sa ganitong paraan, ang iyong mga obligasyon, responsabilidad, o ang iyong misyon ay matutupad. Ano’t anuman, ano ang tamang paraan ng pagsasagawa ukol sa pagbitiw sa iba’t ibang pantasya tungkol sa pag-aasawa na kinakailangan nating pagbahaginan? Ito ay na hindi mo dapat ibatay ang iyong mga iniisip o ikinikilos sa iba’t ibang ideya na nagmumula sa buktot na sangkatauhan at mga buktot na kalakaran, sa halip, dapat mo itong ibatay sa mga salita ng Diyos. Paano man talakayin ng Diyos ang tungkol sa isyu ng pag-aasawa, dapat mong ibatay ang iyong mga iniisip at ikinikilos sa Kanyang mga salita. Tama ang prinsipyong ito, hindi ba? (Oo.) Natapos na ba natin ang pagbabahaginan ngayon tungkol sa pagbitiw sa iba’t ibang pantasya tungkol sa pag-aasawa? Malinaw na ba ito sa inyo ngayon? (Oo, malinaw na ito ngayon.)

Kakatapos lang nating magbahaginan tungkol sa pagbitiw sa iba’t ibang pantasya tungkol sa pag-aasawa, at sinabi ng ilang tao na, “Kung ayaw kong manatiling walang asawa at plano kong magkaroon ng kasintahan at makahanap ng mapapangasawa, paano ko dapat isagawa ang mga salita ng Diyos upang mabitiwan ko ang aking iba’t ibang pantasya tungkol sa pag-aasawa? Paano ko dapat isagawa ang prinsipyong ito?” Hindi ba’t may kaugnayan ito sa mga prinsipyo tungkol sa pagpili ng mapapangasawa, sa mga prinsipyo tungkol sa pagpili ng pakakasalan? Ano ang mga prinsipyo tungkol sa pagpili ng mapapangasawa ang itinanim sa iyo ng mundo? Isang Prince Charming, isang maputi at magandang babae, isang gwapo at mayamang lalaki, isang maganda at mayamang babae, pinakamainam kung sila ay nagmula sa pangalawang henerasyon ng isang mayamang pamilya. Sa pamamagitan ng pag-aasawa ng ganoong tao, nababawasan mo ng 20 taon ang pagdurusa mo sa iyong buhay. Ang lalaki ay dapat na may kakayahang bumili ng diyamenteng singsing, ng damit pangkasal, at kaya kang bigyan ng isang magarbong kasal. Dapat siya ay isang taong may ambisyon sa propesyon, may kakayahang kumita ng malaking pera, o mayroon nang partikular na dami ng kayamanan. Hindi ba’t ang mga ito ang mga kaisipan at pananaw na itinatanim sa iyo ng mundo? (Oo.) Mayroon ding mga nagsasabi na, “Ang aking mapapangasawa dapat ay iyong taong iniibig ko.” May iba na nagsasabing, “Hindi tama iyan. Hindi tiyak na iibigin ka rin ng iniibig mo. Nag-iibigan dapat kayo; dapat ay iniibig ka rin ng iyong iniibig. Kung iniibig ka niya, hindi ka niya tatalikuran o susukuan kailanman. Kung ang iniibig mo ay hindi ka iniibig, isang araw ay bigla ka na lang niyang iiwan.” Tama ba ang mga pananaw na ito? (Hindi.) Kung gayon ay sabihin mo sa Akin, anong prinsipyo ang dapat mong sundin kapag pumipili ng isang mapapangasawa na batay sa mga salita ng Diyos at gumagamit ng katotohanan bilang pamantayan? Talakayin ang paksang ito nang ayon sa tamang mga kaisipan at pananaw na mayroon kayo ngayon. (Kung gusto kong makahanap ng kabiyak, kahit papaano, dapat siya ay isang taong nananalig sa Diyos, isang taong naghahangad sa katotohanan, isang taong pareho ng sa akin ang mga hinahangad sa buhay at sumusunod sa parehong landas na tinatahak ko.) Isang taong kaparehas mo ng mga adhikain at sumusunod sa parehong landas na tinatahak mo at isang taong nananalig sa Diyos—nagbanggit ka ng partikular na pamantayan sa pagpili ng mapapangasawa. Sino pa ang gustong magsalita? (Kailangan din nating tingnan kung siya ay isang taong may pagkatao, at kung kaya niyang tuparin ang kanyang mga responsabilidad at obligasyon sa buhay may-asawa. Mayroon pang isang bagay: Hindi tiyak na makakahanap na ng mapapangasawa ang isang tao dahil lang sa gusto na niyang makahanap. Nasa Diyos ang pagsasaayos nito, at kailangang magpasakop at maghintay ng isang tao.) Mayroong partikular na pagsasagawa at mayroon ding partikular na batayan ng kaisipan at teorya. Kailangan mong magpasakop at maghintay, ipagkatiwala ang usaping ito sa Diyos at hayaan Siyang isaayos ito para sa iyo, at kasabay nito, kailangan mo ring harapin ang isyung ito nang may mga prinsipyo. Sino pa ang nais magsalita? (O Diyos, pareho ang pananaw ko sa kanila, na ang isang tao ay kailangang makahanap ng mapapangasawa na kaparehas niya ng mga adhikain at sumusunod sa parehong landas, isang taong may pagkatao at kayang umako ng responsabilidad. Dapat bitiwan ng isang tao ang mga maling pananaw sa pag-aasawa na itinatanim sa kanya ni Satanas, isapuso ang kanyang tungkulin, magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at maghintay sa mga pagsasaayos ng Diyos.) Kung hindi niya kayang bumili ng diyamenteng singsing para sa iyo, pakakasalan mo pa rin ba siya? (Kung siya ay isang lalaking may pagkatao, tatanggapin ko siya kahit na hindi niya kayang bumili ng diyamenteng singsing para sa akin.) Sabihin nating mayroon siyang pera at kaya ka niyang bilhan ng diyamanteng singsing na may isang karat, pero sa halip ay binilhan ka niya ng 0.3 na karat na diyamanteng singsing—pakakasalan mo pa rin ba siya? (Hindi ko igigiit ang gayong bagay sa kanya.) Ayos lang na hindi mo igiit ang gayong bagay. Sa pamamagitan ng pagtitipid ng pera, maaari mo itong gastusin sa paglipas ng panahon, at ito ay pagkakaroon ng isang pangmatagalang pananaw. Bago pa man makahanap ng mapapangasawa, mayroon ka nang kaisipan para mamuhay nang maayos—iyan ay napakapraktikal! Sino pa? (O Diyos, sa tingin ko ay una sa lahat, kailangan kong bitiwan ang mga makamundong pamantayang iyon sa pagpili ng mapapangasawa. Ibig sabihin, hindi ako dapat laging nagpapantasya na makakahanap ako ng isang Prince Charming, o ng gwapo at mayamang lalaki, o ng isang taong romantiko. Kapag nabitiwan ko na ang mga bagay na ito, dapat kong harapin ang pag-aasawa nang may tamang pananaw, at pagkatapos ay magpasakop at maghintay sa oras ng Diyos. Kahit pa dumating ang ganitong tao, dapat siya ay isang taong may mga kaparehas na adhikain sa akin at sumusunod sa parehong landas na tinatahak ko. Hindi ako dapat umasa sa aking mga makamundong pananaw para igiit na isasaalang-alang ako ng lalaki. Ang pinakamahalaga ay na kaya niyang hangarin ang katotohanan at isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos.) Kung hinahangad niya ang katotohanan, isinasaalang-alang niya ang mga layunin ng Diyos, kung lumalabas siya para gampanan ang kanyang tungkulin kaya palagi siyang wala sa bahay at kinakailangan mong pasanin ang buhay-pamilya nang mag-isa, at nauubos na ang laman ng tangke ng gas kaya ikaw na lang ang magbubuhat nito paakyat—ano ang gagawin mo kung magkagayon? (Ako na lang ang magbubuhat.) At kung hindi mo ito kayang buhatin, maaari kang kumuha ng taong makakatulong. (O maaari akong magpatulong sa isang brother o sister.) Oo, ito ang lahat ng paraan ng pagharap sa sitwasyong ito. Kung siya ay mawawala ng isa o dalawang taon, o ng tatlo o limang taon, magagalit ka ba? “Hindi ba’t ito ay pamumuhay na parang isang balo, bakit ko pa siya pinakasalan? Hindi ba’t katulad lang ito noong wala pa akong asawa, namumuhay lang nang mag-isa? Ako lang ang nag-aasikaso sa lahat ng bagay. Napakamalas naman na pinakasalan ko siya!” Hindi ba’t ganito ang iisipin mo? (Hindi, hindi ako dapat mag-isip nang ganito, dahil ginagampanan niya ang kanyang tungkulin at nagtatrabaho para sa isang makatarungang layunin. Hindi ko dapat ikasama ng loob iyon.) Magandang mga kaisipan iyan, pero kaya mo bang lagpasan ang lahat ng ito sa tunay na buhay? Kung ang lalaking iyong nahanap ay napakatino, karaniwang tahimik at walang kibo, hindi romantiko, at hindi ka kailanman binilhan ng mga maayos na damit, hindi ka kailanman binigyan ng bulaklak, at lalong hindi ka kailanman sinabihan ng “mahal kita” o ng mga gayong bagay, kaya sa iyong puso ay hindi mo alam kung mahal ka niya o hindi, ngunit siya ay isang tunay na mabuting lalaki na lubos kang isinasaalang-alang at siyang nag-aalaga sa iyo sa buhay, na sadyang hindi nagsasabi ng gayong mga bagay at hindi gumagawa ng anumang romantiko, at hindi man lang sinusubukan na suyuin ka o aluin ka kapag nagmamaktol ka—hindi ba’t magkikimkim ka ng sama ng loob sa kanya sa iyong puso? (Marahil ay sasama ang loob ko kung hindi ako nananalig sa Diyos at hindi ko nauunawaan ang katotohanan, ngunit pagkatapos makinig sa pagbabahagi ng Diyos, alam kong hindi mahalaga kung sinabi man niya ang mga bagay na iyon at kung ginawa man niya ang mga romantikong bagay o hindi. Ito ay mga pananaw ng mga makamundong tao at hindi ito ang dapat na hangarin ng mga tao na may normal na pagkatao. Dapat kong bitiwan ang mga bagay na ito at hindi ako magrereklamo.) Hindi ka dapat magreklamo, tama? (Tama.) Sa ngayon, wala ka sa sitwasyong iyon, at hindi mo alam kung ano ang mararamdaman mo sa gayong sitwasyon, o kung paano magbabago-bago ang iyong lagay ng loob. Ngunit sa ngayon, sa teorya, alam ninyong lahat na dahil nananalig kayo sa Diyos, hindi kayo dapat gumawa ng mga hindi makatwirang hinihingi sa iyong kabiyak, o hindi kayo dapat magreklamo sa inyong kabiyak kapag nangyari ang mga bagay na iyon, dahil sa hindi ninyo gusto ang mga bagay na ito. Mayroon kayo ng mga ideyang ito ngayon, pero kaya ba ninyong gawin ang mga ito? Madali bang gawin ang mga ito? (Kailangan naming maghimagsik laban sa aming mga kagustuhan at ang aming mga makamundong pananaw; kung magkagayon ay medyo magiging madali nang bitiwan ang mga bagay na ito.) Sasabihin Ko sa iyo kung paano pangasiwaan ang bagay na ito. Lahat ng lalaki at babae ay mahaharap sa mga problemang ito at magkakaroon ng mga ganitong kaisipan at lagay ng loob sa buhay mag-asawa at lahat ay magkakaroon ng ganitong mga pangangailangan. Gayunpaman, ang pinakapundamental na punto na dapat mong maunawaan ay na kung ang asawang pinili mo ay ang ninanais ng iyong puso—ito man ang isinaayos ng Diyos o hindi—ikaw mismo ang pumili sa kanya at kontento ka sa lahat ng bagay tungkol sa kanya, at lalo na, magkapareho kayo ng mga adhikain at ng mga sinusundang landas, ginagampanan niya ang kanyang tungkulin sa sambahayan ng Diyos, at ang lahat ng kanyang ginagawa ay makatarungan, kung gayon ay dapat mo itong harapin nang makatwiran at tulutan siyang gawin iyon, tulutan siyang hindi pansinin ang iyong mga damdamin, tulutan pa nga siyang hindi pansinin ang iyong presensiya—sa teorya, ito ay isang bagay na dapat mong makamit. Dagdag pa rito, kung may gayong pangangailangan o lagay ng loob na lumitaw sa iyo dahil sa isang espesyal na sitwasyon o partikular na pangyayari, kailangan mong humarap sa Diyos at manalangin. Ganap mo bang mabibitiwan ang mga bagay na ito pagkatapos mong manalangin? Hindi maaari iyon. Kung tutuusin, ang mga tao ay namumuhay sa loob ng kanilang normal na pagkatao, mayroon silang isipan, at magdudulot ang kanilang isipan na lumitaw sa kanila ang iba’t ibang lagay ng loob. Hindi natin tatalakayin ngayon kung ang mga lagay ng loob na ito ay tama o mali. Sa ngayon, ang pinakapraktikal na problema ay na nahihirapan kang bitiwan ang mga lagay ng loob na ito. Kahit na mabitiwan mo ang mga ito ngayon, maaaring muling lumitaw ang mga ito sa isang uri ng obhetibong sitwasyon. Kaya, ano ang dapat mong gawin? Hindi mo na kailangan pang alalahanin ang mga ito, sapagkat sa teorya, at sa usapin ng anyo at pangangatwiran, nabitiwan mo na ang paghahangad o pangangailangan na ito. Sadya lamang na dahil sa kanilang pagkatao, ang mga tao na may iba-ibang edad ay magkakaroon ng mga pangangailangang ito at mararanasan ang mga lagay ng loob na ito sa magkakaibang antas. Malinaw na sa iyo ang mga totoong sitwasyong ito at nanalangin ka na sa Diyos, binitiwan mo ang lagay ng loob na ito ngayon, o kaya ay hindi masyadong malubha ang nararanasan mong lagay ng loob at hindi mo ito masyadong sineseryoso. Gayunpaman, tiyak na mararanasan mo ulit ang lagay ng loob na ito sa susunod na pagkakataon. Kung gayon, ano ang iyong partikular na pagsasagawa? Ito ay na hindi mo ito kailangang alalahanin o seryosohin, sinasabing, “Naku, ang aspektong ito ng aking disposisyon ay hindi pa rin nagbabago.” Hindi ito isang uri ng disposisyon; ito ay isang pansamantalang lagay ng loob lamang na walang kinalaman sa iyong mga disposisyon. Hindi mo rin kailangang palakihin ang isyu, sinasabing, “Naku, bakit ganito pa rin ako? Hindi ba’t hinahangad ko ang katotohanan? Bakit ako umaasal nang ganito? Grabe na ito!” Hindi na kailangan pang palakihin ang isyu; ito ay isang ekspresyon lamang ng isang lagay ng loob na nabibilang sa iba’t ibang emosyon ng iyong normal na pagkatao. Huwag mo itong alalahanin. Ito ay isang saloobin sa pangangasiwa ng mga lagay ng loob. Dagdag pa rito, hangga’t hindi ito nakakaapekto sa kaayusan at regularidad ng iyong normal na buhay, ng iyong espirituwal na buhay, o ng paggampan mo sa iyong tungkulin, ayos lang iyon. Halimbawa, dahil abala ang iyong asawa sa paggampan ng kanyang tungkulin, matagal na kayong hindi nagkikita, at wala kayong oras na mag-usap. Isang araw, bigla mong nakita ang isang sister na kausap ang mister nito, at may umusbong na lagay ng loob sa iyong puso, at naisip mo, “Kita mo, nagagampanan niya ang kanyang tungkulin kasama ang kanyang mister. Masaya at maligaya sila. Bakit walang pakiramdam ang asawa ko? Bakit hindi niya ako tinatanong ng ‘Kumusta ka na? Ayos ka lang ba?’ Bakit hindi siya nag-aalala sa akin? Bakit hindi niya ako pinahahalagahan o iniibig?” Nararanasan mo ang ganitong uri ng lagay ng loob, at pagkatapos ng ilang sandali ay naiisip mo, “Naku, hindi maganda ang magmukmok.” Alam mong hindi maganda na makaramdam ng ganoon pero nagagalit ka pa rin nang kaunti at nakikipagtalo ka sa sarili mo, sinasabing, “Hindi na ako mag-aaksaya ng oras sa kanya, maghihintay na lang ako na magkusa siyang bigyan ako ng pansin. Kung hindi niya gagawin iyon, saka ako magagalit sa kanya. Ilang taon na kaming kasal, ang tagal na naming hindi nagkikita at hindi pa rin niya sinasabi na nangungulila siya sa akin. Nangungulila ba siya sa akin o hindi? Hindi niya ako inaalala kaya hindi ko na rin siya aalalahanin!” Nakikipagtalo ka sa sarili mo at namumuhay ka sa lagay ng loob na ito. Sandaling lumitaw ang galit at sama ng loob. Hangga’t nagagawa mo pang matulog at kumain nang normal, magbasa ng mga salita ng Diyos, dumalo sa mga pagtitipon, regular na gumampan sa iyong tungkulin, at makisama nang normal sa iyong mga kapatid, hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa gayong mga lagay ng loob, at maaari mong isipin ang anumang nais mo sa iyong puso. Anuman ang iyong isipin, hangga’t normal ang iyong pangangatwiran at normal mong ginagampanan ang iyong tungkulin, ayos lang iyon. Hindi mo kailangang pwersahang pigilan ito, hindi mo rin kailangang pwersahang manalangin sa Diyos at hilingin sa Kanya na disiplinahin o ituwid ka o maramdaman na ikaw ay makasalanan. Hindi mo kailangang palakihin ang isyung ito, sapagkat ang lagay ng loob na ito ay agad na mawawala. Kung sobra ka talagang nangungulila sa iyong asawa, maaari mo siyang tawagan at tanungin kung kumusta na siya, maaari ninyong buksan ang inyong puso sa isa’t isa at mag-usap, at hindi ba’t mawawala na ang mga pansamantalang lagay ng loob at mga hindi pagkakaintindihang iyon? Sa totoo lang, hindi mo siya kailangan na gumawa ng anumang bagay. Minsan ay sadyang magkakaroon ka lang ng pansamantalang damdamin at gugustuhin mong marinig ang kanyang boses, o maaaring makaramdam ka ng panandaliang pagkalumbay, o maaaring saglit na sumama ang loob mo, o maaaring malungkot ka, at pagkatapos ay tatawagan mo siya at maririnig mo siyang nagsasalita. Malalaman mo na ayos lang naman siya, na iniibig ka pa rin niya tulad ng dati at ikaw ay nasa isipan niya. Sadya lamang na abala siya sa pagtatrabaho, o maaaring ang mga lalaki ay sadyang hindi masyadong maingat sa maliliit na detalye at siya ay naging abala sa kanyang tungkulin at hindi niya iniisip na matagal na panahon na pala ang lumipas, kaya hindi ka niya tinawagan. Hindi ba’t maganda na abala siya at regular niyang ginagampanan ang kanyang tungkulin? Hindi ba’t ito mismo ang gusto mo? Kung gumawa siya ng kasamaan, na nagdudulot ng mga kaguluhan at pagkagambala, at pinaalis siya, hindi ba’t mag-aalala ka sa kanya? Ngayon, normal ang lahat sa kanya, at ang lahat ay katulad ng dati—hindi ba’t mapapanatag ang isipan mo? Ano pa ba ang mahihiling mo? Hindi ba’t ganito ang nangyayari? (Oo, ganito nga.) Ang pagtawag sa ganitong paraan at pagsasabi ng ilang salita sa isa’t isa ay nagpapahupa sa pagkalumbay ng puso at sa pangungulila, gaya ng sinasabi ng mga walang pananampalataya, at hindi ba’t nalutas na, kung gayon, ang isyung ito? May mahirap ba rito? Ang pagtawag sa iyong asawa at pagpapakita ng pag-aalala sa isa’t isa—sabihin ninyo sa Akin, kinokondena ba ng Diyos ang gayong bagay? (Hindi.) Kayo ay legal na mag-asawa, at ang pagtawag sa kanya, ang pag-uusap, at ang pagtatapat ng inyong pangungulila sa isa’t isa ay pawang nararapat, ito ay normal na damdamin ng tao, at ito ay isang bagay na dapat ninyong gawin sa loob ng saklaw ng pagkatao. Dagdag pa rito, ito ay bahagi ng pag-orden ng Diyos sa pag-aasawa ng sangkatauhan—ang pagsama sa isa’t isa, pagbibigay-ginhawa sa isa’t isa, at pagsuporta sa isa’t isa. Kung hindi niya tinutupad ang mga responsabilidad na ito, hindi ba pwedeng tulungan mo siya na matupad ang mga ito? Ito ay isang napakasimpleng bagay na napakadaling pangasiwaan. Hindi ba’t nalulutas ang problemang ito sa pamamagitan ng pagsasagawa sa ganitong paraan? Kinakailangan ba na lumitaw ang iba’t ibang lagay ng loob sa iyong puso? Hindi. Simple lang na isagawa ito.

Balikan natin ang katanungan Ko kanina lang: “Paano dapat bitiwan ng mga tao ang kanilang iba’t ibang pantasya tungkol sa pag-aasawa?” Lahat kayo ay nagbigay na ng ilang ideya bilang sagot sa katanungang ito. Kung nais ng mga tao na bitiwan ang kanilang iba’t ibang pantasya tungkol sa pag-aasawa, kailangan muna nilang magkaroon ng pananalig at magpasakop sa mga pagsasaayos at ordinasyon ng Diyos. Hindi ka dapat magkaroon ng anumang personal o hindi makatotohanang pantasya tungkol sa pag-aasawa, tungkol sa sino ang iyong kabiyak o kung anong klase ng tao ang iyong kabiyak; dapat mayroon kang saloobin ng pagpapasakop sa Diyos, dapat kang magpasakop sa mga pagsasaayos at ordinasyon ng Diyos, at magtiwala na ang Diyos ay maghahanda ng isang taong pinakanaaangkop para sa iyo. Hindi ba’t kinakailangan ang isang mapagpasakop na saloobin? (Oo.) Pangalawa, kailangan mong bitiwan ang mga pamantayang iyon sa pagpili ng kabiyak na itinanim sa iyo ng mga buktot na kalakaran ng lipunan, at pagkatapos ay itatag ang tamang pamantayan sa pagpili ng kabiyak, ibig sabihin, sa pinakamababa, ang iyong kabiyak ay dapat isang taong nananalig sa Diyos katulad mo at pareho kayo ng landas na tinatahak—ito ay mula sa pangkalahatang perspektiba. Dagdag pa rito, dapat kayang gampanan ng iyong kabiyak ang mga responsabilidad ng isang lalaki o babae sa pag-aasawa; dapat niyang magampanan ang mga responsabilidad ng isang kabiyak. Paano mo mahuhusgahan ang aspektong ito? Kailangan mong tingnan ang kalidad ng kanyang pagkatao, kung siya ay may pagpapahalaga sa responsabilidad, at kung siya ay may konsensiya. At paano mo mahuhusgahan kung may konsensiya at pagkatao ang isang tao? Kung hindi ka nakikipag-ugnayan sa kanya, hindi mo malalaman kung ano ang kanyang pagkatao, at kahit na makipag-ugnayan ka sa kanya, kung ito ay sa loob lang ng maikling panahon, maaaring hindi mo pa rin matutuklasan kung anong klase siya ng tao. Kaya, paano mo mahuhusgahan kung may pagkatao ang isang tao? Tingnan mo kung umaako siya ng responsabilidad sa kanyang tungkulin, sa atas ng Diyos, at sa gawain ng sambahayan ng Diyos, at tingnan mo kung kaya niyang protektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos at kung siya ay tapat sa kanyang tungkulin—ito ang pinakamainam na paraan upang mahusgahan ang kalidad ng pagkatao ng isang tao. Sabihin nang ang katangian ng taong ito ay napakamatuwid at, pagdating sa gawain na inihahabilin sa kanya ng sambahayan ng Diyos, labis ang kanyang dedikasyon, pagiging responsable, seryoso at taimtim, siya ay napakametikuloso, napaka-ingat, at hindi kailanman nagpapabaya, at hinahangad niya ang katotohanan, at nakikinig siyang mabuti at nang may konsensiya sa lahat ng sinasabi ng Diyos. Kapag malinaw na sa kanya at nauunawaan na niya ito, agad niya itong isinasagawa; bagamat maaaring hindi mataas ang kahusayan ng gayong tao, kahit papaano, hindi siya pabasta-basta sa kanyang tungkulin at sa gawain ng iglesia, at nagagawa niyang taimtim na umako ng responsabilidad. Kung siya ay may konsensiya at responsable sa kanyang tungkulin, tiyak na buong puso siyang mamumuhay kasama ka at pananagutan ka niya hanggang sa pinakadulo—ang katangian ng gayong tao ay kayang magtiis sa gitna ng mga pagsubok. Kahit na ikaw ay magkasakit, tumanda, pumangit, o kahit mayroon kang mga pagkakamali at pagkukulang, palagi kang tatratuhin nang tama ng taong ito at pagpapasensiyahan ka niya, at gagawin niya ang lahat para pangalagaan ka at ang inyong pamilya at protektahan ka, bigyan ka ng maayos na buhay, upang makapamuhay ka nang may payapang isipan. Ito ang pinakamaligayang bagay para sa isang lalaki o babae sa buhay mag-asawa. Hindi man tiyak na mabibigyan ka niya ng isang mayaman, marangya, o romantikong buhay, at hindi tiyak na maibibigay niya sa iyo ang anumang naiiba pagdating sa pagmamahal o sa iba pang aspekto, ngunit kahit papaano, gagawin niyang panatag ang damdamin mo, at sa piling niya, magiging maayos ang buhay mo, at hindi magkakaroon ng panganib o pangamba. Kapag tiningnan mo ang taong iyon, makikita mo kung ano ang magiging buhay niya 20 o 30 taon mula ngayon at kahit ang hanggang sa pagtanda niya. Ang ganitong tao ang dapat mong maging pamantayan sa pagpili ng kabiyak. Siyempre, medyo mataas ang pamantayang ito sa pagpili ng kabiyak at hindi madaling makakita ng ganitong tao sa modernong sangkatauhan, tama ba? Para husgahan kung ano ang katangian ng isang tao at kung magagampanan niya ang kanyang mga responsabilidad sa pag-aasawa, kailangan mong tingnan ang kanyang saloobin sa kanyang tungkulin—ito ang isang aspekto. Ang isa pang aspekto ay kailangan mong tingnan kung siya ay may-takot-sa-Diyos na puso. Kung mayroon siya nito, kahit papaano, hindi siya gagawa ng anumang hindi makatao o imoral o hindi etikal, at kaya, tiyak na tatratuhin ka niya nang mabuti. Kung wala siyang may-takot-sa-Diyos na puso, at siya ay mapangahas, sutil, o ang kanyang pagkatao ay malupit, mapanlinlang, at mayabang; kung wala ang Diyos sa kanyang puso at iniisip niyang mas mataas siya kaysa sa iba; kung pinangangasiwaan niya ang gawain, tungkulin, at maging ang atas ng Diyos at anumang malaking usapin ng sambahayan ng Diyos nang walang ingat at nang naaayon sa kanyang sariling kagustuhan, kumikilos nang walang pakundangan, hindi kailanman nag-iingat, hindi hinahanap ang mga prinsipyo, at lalong-lalo na sa pangangasiwa sa mga handog, basta-basta na lang siyang kumukuha at ginagamit ito nang hindi tama, wala siyang kinakatakutan, kung gayon ay hinding-hindi ka dapat maghanap ng ganoong klase ng tao. Kung walang may-takot-sa-Diyos na puso, magagawa niya ang anumang bagay. Sa ngayon, ang ganoong tao ay maaaring dinadaan ka sa matatamis na salita at pinapangakuan ka ng walang hanggang pag-ibig, pero kapag dumating ang araw na hindi na siya masaya, kapag hindi mo na natutugunan ang kanyang mga pangangailangan at hindi ka na ang kanyang minamahal, sasabihin niya na hindi ka na niya mahal at wala na siyang nararamdaman para sa iyo, at iiwanan ka nalang niya kung kailan niya gusto. Kahit hindi pa kayo hiwalay, maghahanap na siya ng iba—posible ang lahat ng ito. Maaari ka niyang iwan anumang oras, saanmang lugar, at kaya niyang gawin ang anuman. Ang gayong mga lalaki ay napakamapanganib at hindi karapat-dapat na ipagkatiwala mo ang iyong buong buhay sa kanila. Kung ganitong lalaki ang iyong magiging kasintahan, iyong minamahal, ang iyong piniling kabiyak, mamomroblema ka lang. Kahit na siya ay matangkad, mayaman, at gwapo, may mahusay na mga talento, at inaalagaan ka niya nang mabuti at siya ay maaalalahin sa iyo, at sa panlabas ay pasok siya sa iyong pamantayan bilang iyong kasintahan o asawa, ngunit wala siyang may-takot-sa-Diyos na puso, kung gayon, hindi maaaring maging ang iyong piniling kabiyak ang taong ito. Kung nahuhumaling ka sa kanya at nagiging magkasintahan kayo at pagkatapos ay nagpakasal kayo, siya ay magiging isang bangungot at kapahamakan para sa iyo sa buong buhay mo. Sinasabi mo, “Hindi ako natatakot, hinahangad ko ang katotohanan.” Napasakamay ka na sa isang diyablo, at kinapopootan niya ang Diyos, sinusuway ang Diyos, at gumagamit ng lahat ng paraan upang guluhin ang iyong pananalig sa Diyos—makakayanan mo ba ito? Hindi makakaya ng iyong maliit na tayog at pananalig ang pagpapahirap niya, at pagkatapos ng ilang araw ay sobrang mahihirapan ka na, kaya magmamakaawa ka at hindi mo na magagawang patuloy na manalig sa Diyos. Nawala na ang iyong tiwala sa Diyos at paulit-ulit na nagtatalo ang iyong kalooban. Para kang inilagay sa gilingan ng karne at dinudurog nang pira-piraso, nang walang wangis ng tao, lubos nang nalugmok dito, hanggang sa huli ay nagkapareho na kayo ng kinasadlakang kapalaran ng diyablong pinakasalan mo, at magiging katapusan na ng iyong buhay.

Kakatapos lang nating magbahaginan tungkol sa dalawang pamantayan ng kung paano mahuhusgahan kung ang isang tao ay kayang gampanan ang kanyang mga responsabilidad sa pag-aasawa. Naaalala mo ba kung ano ang mga ito? (Oo.) Ang dalawang pamantayang ito ay may kinalaman sa kalidad ng pagkatao ng mga tao. Ang isang pamantayan ay ang tingnan kung ginagampanan nila ang kanilang tungkulin nang may konsensiya at responsable, at kung mapapangalagaan nila ang gawain ng iglesia at ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Maaaring hindi mo mahuhusgahan nang malinaw ang ilang tao sa simpleng pagtingin sa kanila; maaaring nagagampanan nila ang kanilang tungkulin at napapangalagaan ang gawain ng iglesia upang maghangad ng katayuan o kapag may katayuan sila, ngunit hindi mo pa malinaw na nakikita kung anong klaseng tao sila kapag wala na silang katayuan. Sa panahong ito, hindi mo sila tumpak na mahuhusgahan. Gayunpaman, kapag nakita mo silang nagwawala, minumura ang Diyos at nilalapastangan ang Diyos kapag wala na silang katayuan, sinasabing hindi matuwid ang Diyos, saka mo sila makikilatis, at iisipin mo na, “Ang taong ito ay talagang walang may-takot-sa-Diyos na puso. Buti na lang at agad na lumitaw ang kanyang totoong kulay. Kung hindi, malamang na siya sana ang pinili kong mapangasawa.” Kita mo na, ang isa pang pamantayan para sa pagpili ng kabiyak—kung siya ay may-takot-sa-Diyos na puso—ay mahalaga rin. Kung huhusgahan at susukatin mo ang mga tao gamit ang pamantayang ito, maililigtas ka nito sa bangungot ng gayong buhay may-asawa. Mahalaga ba ang dalawang pamantayang ito ng pagpili ng kabiyak? (Oo.) Naiintindihan mo ba ang mga ito? (Oo.) May ilang babae na sobrang nahuhumaling sa pera. Kapag naging kasintahan niya ang isang lalaki, sa simula ay mukha silang sobrang mahinhin at matino, at iniisip ng lalaki, “Ang babaeng ito ay kaibig-ibig! Para siyang isang maliit na ibon, palaging nakayakap at nakadikit sa akin. Siya mismo ang klase ng babae na pinapangarap at hinahangad ng isang lalaki. Kailangan ng isang lalaki ng ganitong babae, malumanay magsalita, umaasa sa kanyang kabiyak, at isang babaeng talagang ipinararamdam sa kanyang kabiyak na kailangan niya ito. Kung ganito ang babaeng kabiyak ko at nasa aking tabi, ang buhay ay magiging napakasaya.” Kaya, nagpakasal sila, ngunit pagkatapos ay nakita niya na nananalig ito sa Diyos ngunit hindi ito nagsisikap na hangarin ang katotohanan. Tuwing binabanggit niya ang paggampan nito ng tungkulin, sinasabi nitong wala itong oras, palagi itong nagdadahilan at nagsasabing pagod ito, at hindi ito handang magdusa ng anuman. Sa bahay, hindi ito nagluluto o naglilinis kundi nanonood lang lagi ng TV; kapag nakita nito na may bumili ng designer bag, o na ang pamilya ng isang tao ay nakatira sa isang marangyang mansiyon at bumili ng mamahaling sasakyan, nagkokomento ito na napakahusay siguro ng lalaki sa pamilyang iyon; madalas itong maluho sa paggastos, at sa tuwing pumupunta ito sa tindahan ng ginto, tindahan ng alahas, o tindahan ng mga mamahaling gamit, lagi nitong gustong gumastos at bumili ng magagandang bagay. Hindi mo ito naiintindihan at iniisip mo, “Dati ay sobrang kaibig-ibig niya. Paano siya naging ganitong klase ng babae?” Nakikita mo ba? Nagbago siya, hindi ba? Noong magkasintahan pa lang kayo, nagagampanan niya ang kanyang tungkulin at nakakapagdusa siya nang kaunti, pero lahat iyon ay sa panlabas lamang. Ngayong mag-asawa na kayo, hindi na siya ganoon. Nakikita niyang hindi mo kayang tugunan ang kanyang mga materyal na pangangailangan at nagsisimula siyang sisihin ka, sinasabing, “Bakit hindi ka nagtatrabaho para kumita ng pera? Ano ang silbi ng pananalig sa Diyos at paggampan ng iyong tungkulin? Mapapakain ba tayo ng pananalig sa Diyos? Mapapayaman ka ba ng pananalig sa Diyos?” Sinasabi pa nga niya ang mga bagay na sinasabi ng isang walang pananampalataya—tunay bang nananalig ang babaeng ito sa Diyos? (Hindi.) Kahit kailan ay ayaw niyang gampanan ang kanyang tungkulin, wala siyang pakialam sa pananalig sa Diyos, paghahangad sa katotohanan, o paghahangad na makamtan ang kaligtasan, hanggang sa huli ay nagsasabi na siya ng labis na mapaghimagsik na mga bagay at wala man lang siyang may-takot-sa-Diyos na puso. Kaya, ano ang palaging iniisip ng babaeng ito? (Pagkain, damit, at pagsasaya.) Ang iniisip niya lamang ay pera at pisikal na kaligayahan, iyon lang. Masyado siyang mukhang pera at makamundo. Kung pakakasalan mo siya at hahadlangan niya ang iyong pananalig sa Diyos at hihimukin kang bitiwan ang iyong tungkulin at hangarin ang mga makamundong bagay, ano ang gagawin mo? Gusto mo pa ring hangarin ang katotohanan at kamtin ang kaligtasan, ngunit kung susundin mo siya, hindi mo makakamtan ang kaligtasan. Kung hindi mo siya susundin, makikipagtalo at makikipagdiborsiyo siya sa iyo. At pagkatapos ninyong magdiborsiyo, mamumuhay ka nang mag-isa nang walang kabiyak—makakaya mo ba ito? Kung wala ka pang naging kabiyak noon, ayos lang, pero ngayon ay maraming taon mo nang kasama ang iyong kabiyak at nasanay ka nang mamuhay kasama siya. Bigla na lang ay nagdiborsiyo na kayo at wala ka nang kabiyak—kakayanin mo ba ito? Hindi ito madali, hindi ba? Sa aspekto man ito ng iyong mga pangangailangan sa buhay, mga emosyonal na pangangailangan, o ng iyong espirituwal na mundo, hindi mo ito kakayanin. Ang iyong pamumuhay ay nagbago na kumpara sa dati, at ang nakagawian, takbo, at paraan ng iyong pamumuhay ay lubos nang nagulo. Ano bang klase ang iyong naging pag-aasawa? Ano ang idinulot sa iyo ng pag-aasawang ito? Kaligayahan o kapahamakan? (Kapahamakan.) Kapahamakan ang idinulot nito. Kaya, kung hindi mo alam kung paano manghusga ng mga tao at sinusukat mo ang mga tao nang hindi ito ibinabatay sa mga tamang prinsipyo at salita ng Diyos, kailangan mong gawin ang iyong makakaya na huwag kaswal na makipagrelasyon o paunlakan ang anumang ideya o plano na makipagrelasyon, magpakasal, o pumasok sa pag-aasawa. Iyon ay dahil, sa kasalukuyan, ang pang-e-engganyo ng mga buktot na kalakaran ng lipunang ito sa mga tao ay masyadong matindi, at ang bawat tao ay nahaharap sa maraming tukso at sa iba’t ibang uri ng tukso sa buhay; hindi makakayanan ninuman ang mga ito, at kahit na hinahangad mo ang katotohanan, mahihirapan ka pa ring makayanan ang mga ito. Kung hinahangad mo ang katotohanan at nakakamtan ang pagkaunawa sa katotohanan at nakakamtan ang katotohanan, malaanmakakayanan mo ang mga ito. Gayunpaman, bago mo maunawaan at makamtan ang katotohanan, palagi kang maaakit sa tukso, at palagi kang manganganib dito. Dagdag pa rito, may isang kritikal na isyu para sa inyo, at iyon ay na hindi ninyo alam kung paano husgahan ang mga tao at hindi ninyo makita nang malinaw ang diwa ng mga tao—ito ang pinakakritikal na isyu. Ano lang ba ang alam ninyong husgahan? Marunong lang ang mga lalaki na humusga kung ang babae ay maganda, nakapagkolehiyo, may mayamang pamilya, nagdadamit nang maganda, marunong maging romantiko, at maging mapagmahal. Sa mas detalyadong salita, kayang alamin ng mga lalaki kung ang babae ay magiging mabuting asawa at ina, kung matuturuan nito nang mabuti ang kanilang mga anak sa hinaharap, at kung kaya nitong pangasiwaan ang tahanan. Ito ang mga bagay na pinakakabisado ng mga lalaki na husgahan. At ano naman ang kayang husgahan ng mga babae tungkol sa mga lalaki? Kaya nilang husgahan kung ang lalaki ay marunong maging romantiko, may kakayahan, kayang punuin ang kaban ng pamilya, kung nakatakda itong maging mayaman o mahirap, at kung madiskarte ito sa buhay. Sa mas mahusay na antas, kayang husgahan ng mga babae kung ang lalaki ay kayang magdusa, kayang mapamahalaan nang maayos ang pamilya, kung makakakain at mabibihisan ka nang maayos kapag ito ang napangasawa mo, kung ano ang pinagmulan ng pamilya nito, kung mayaman ang pamilya nito, kung may pag-aari silang bahay, sasakyan, at negosyo, kung negosyante sila o magsasaka o manggagawa, kung ano ang kasalukuyang kalagayang pang-ekonomiya ng pamilya nito, at kung may naitabi bang pera ang mga magulang nito para kapag nag-asawa ito. Ito ang mga bagay na pinakanalalaman ng mga babae. Tungkol naman sa kung kumusta ang diwa ng pagkatao ng potensyal na manliligaw, o kung ano ang magiging desisyon nito tungkol sa landas ng pananalig sa Diyos, malinaw ba ninyong nakikita ang mga bagay na ito? (Hindi.) Sa mas tumpak na salita, magagawa kaya ng taong ito na sundin ang landas ng isang anticristo? Siya ba ay masama? Kung huhusgahan ang buod ng mga inilalabas at ipinapahayag ng kalidad ng kanyang pagkatao, siya ba ay isang taong naghahangad sa katotohanan o isang taong tutol sa katotohanan? Kaya ba niyang sundin ang landas ng paghahangad sa katotohanan? Kaya ba niyang makamtan ang kaligtasan? At kung pakakasalan mo siya, pareho ba kayong makapapasok sa kaharian bilang mag-asawa? Hindi mo makita nang malinaw ang mga bagay na ito, hindi ba? May ilang taong nagsasabi, “Bakit kailangan pa natin itong makita nang malinaw? Napakaraming mag-asawa sa mundo. Hindi rin nila makita nang malinaw ang mga bagay na ito, ngunit nagpapatuloy pa rin sila sa kanilang buhay, hindi ba?” Maraming tao ang hindi malinaw na nakikita ang pag-aasawa. Kung makatagpo ka ng isang mabuting tao na namumuhay nang disente at na maaari mong makasama sa iyong buhay nang walang matinding kaguluhan o mga pagsubok, at maaari mong makasama nang walang labis na pagdurusa, kung gayon ay maaari itong ituring bilang isang magandang buhay at magandang buhay mag-asawa. Gayunpaman, may ilang tao na hindi nakikita nang malinaw ang ibang tao at tumutuon lamang sa hitsura ng ibang tao at sa katayuan nito. Sila ay nadadaan sa matatamis na salita, at pagkatapos magpakasal ay saka lang nila natutuklasan na ang kanilang kabiyak ay isang masamang tao, isang diyablo, at na ang bawat araw kasama ang ganoong klase ng tao ay parang isang taon ang itinatagal. Madalas na lumuluha ang mga babae, habang ang mga lalaki ay lubha ring nalilinlang at nabibiktima, na nagreresulta sa diborsiyo pagkatapos ng ilang taon. May ilang mag-asawa na nagdidiborsiyo kapag ang kanilang mga anak ay nasa tatlo o apat na taong gulang na o kaya ay teenager na, at may ilan pa nga na may mga apo na nang matanto nilang hindi na nila kayang mamuhay nang magkasama, kaya nagdidiborsiyo sila. Ano ang sinasabi ng mga taong ito sa huli? “Ang pag-aasawa ay isang libingan,” at “Ang pag-aasawa ay isang krematoryo.” Kaya, ang ganitong resulta ba ay dahil sa pagkakamali sa parte ng mga babae o ng mga lalaki? Pareho silang nagkamali, at pareho rin silang hindi naging mabuti. Hindi nila alam kung ano ang kalikasan ng pag-aasawa o ng buhay mag-asawa. Ang kalikasan ng pag-aasawa ay ang panagutan ang isa’t isa, ang pumasok sa tunay na buhay at ang suportahan ang isa’t isa. Nakasalalay ito sa normal[a] na pagkatao ng dalawang magkabiyak upang masaya at maayos nilang marating ang katandaan at manatili silang magkasama hanggang sa dulo. At ano ang kalikasan ng buhay mag-asawa? Nakasalalay rin ito sa normal[b] na pagkatao ng magkabiyak, at sa ganitong paraan lamang sila makapamumuhay nang payapa, maayos, at masaya. Kailangang maging responsable ang magkabiyak sa isa’t isa, at saka lamang sila makapamumuhay nang magkahawak-kamay hanggang sa pagtanda at hanggang sa wakas. Ngunit hindi iyon ang pagpasok sa kaharian; hindi madali para sa mag-asawa na pumasok sa kaharian nang magkasama. Kahit hindi sila makapasok sa kaharian, para mamuhay nang magkahawak-kamay ang mag-asawa hanggang sa katandaan, hinihingi sa kanila na kahit papaano ay magkaroon sila ng konsensiya at katwiran, at ng pagkataong naaayon sa pamantayan. Hindi ba’t ganoon it? (Oo.) Sa pagbabahagi sa ganitong paraan, nadaragdagan o nababawasan ba ang inyong pananalig sa pag-aasawa? O binibigyan ka ba nito ng tamang saloobin at pananaw? (Binibigyan kami nito ng tamang saloobin at pananaw.) Ang pagbabahagi sa ganitong paraan ay walang kinalaman sa kung mas higit o mas kaunti ang pananalig, hindi ba? Tinatalakay Ko ang tungkol sa pagbitiw sa iba’t ibang pantasya tungkol sa pag-aasawa hindi para sukuan o tanggihan mo ang pag-aasawa, kundi upang maging tama at makatwiran ang pagharap mo sa usaping ito. Sa mas tumpak na pananalita, ito ay upang isaalang-alang, harapin, at lutasin mo ang usaping ito nang ayon sa mga salita ng Diyos. Hindi ito para ganap mo nang tigilan ang pag-iisip tungkol sa pag-aasawa—ang hindi pag-iisip ay hindi katumbas ng pagbitiw. Ang tunay na pagbitiw ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng tama at tumpak na mga kaisipan at pananaw. Ngayon, sa pamamagitan ng pagbabahaginan sa ganitong paraan, hindi ba’t nabitiwan na ninyo ang ilan sa inyong iba’t ibang pantasya tungkol sa pag-aasawa? (Oo.) Mas natatakot na ba kayo ngayon sa pag-aasawa, o mas nananabik na kayo rito? Wala sa mga ito ang totoo. Hindi kailangang matakot o manabik dito nang husto. Kung wala kang asawa ngayon at sasabihin mo na, “Gusto kong hangarin ang katotohanan at gugulin ang aking sarili para sa Diyos. Hindi ko iniisip ang pag-aasawa ngayon at wala akong planong mag-asawa, kaya pipiliin kong hindi magkaroon ng puwang ang pag-aasawa sa aking puso, hahayaan ko na lang itong maging isang blangkong pahina,” ito ba ay tamang pananaw? (Hindi, ibinabahagi sa amin ng Diyos ang katotohanang ito dahil kailangan namin itong isangkap sa aming sarili, unawain ito, at isagawa ito. Dapat din kaming kumilos ayon sa sinasabi ng Diyos, tingnan ang mga tao at bagay, at umasal at kumilos, nang ganap na ayon sa mga salita ng Diyos, na ang pamantayan ay ang katotohanan. Iniisip man namin ang pag-aasawa sa ngayon o hindi, kailangan pa rin naming maunawaan ang katotohanang ito, at saka lang namin maiiwasang magkamali.) Tama ba ang pagkaunawang ito? (Oo.)

Mayroon bang sinuman ngayon na nagsasabing, “Wala kaming asawa ngayon at ang mundo ng mga walang pananampalataya ay nagsasabing marangal ang maging walang asawa, kaya, hindi ba natin maaaring sabihin na sa sambahayan ng Diyos, ang mga walang asawa ay mga banal at ang mga may asawa ay marurumi?” Mayroon bang sinumang nagsasabi ng ganitong bagay? Mayroong mga may-asawa na laging may maling konsepto sa kanilang pagkaunawa tungkol sa pag-aasawa. Naniniwala sila na pagkatapos nilang mag-asawa, ang kanilang mga iniisip ay hindi na kasingdalisay, kasingsimple, o kasinglinis tulad ng dati, na nagiging komplikado ang kanilang mga iniisip pagkatapos nilang mag-asawa, at partikular silang naniniwala na ang mga may asawa ay nakikipagsiping sa kabilang kasarian at hindi na banal ang mga ito. Kaya naman, pagkatapos tanggapin ang gawain ng Diyos, determinado nilang sinasabi sa kanilang kabiyak, “Tinanggap ko na ang gawain ng Diyos, at mula ngayon, dapat kong hangarin ang kabanalan. Hindi na kita pwedeng tabihan sa pagtulog. Dapat ka nang matulog nang mag-isa, at ako ay matutulog sa ibang kwarto.” Mula sa oras na iyon, natutulog sila nang magkahiwalay at natutulog ang kanilang kabiyak nang mag-isa, ngunit magkasama pa rin sila sa bahay. Ano ang hinahangad ng ganitong mga tao? Hinahangad nila ang isang uri ng kabanalan ng laman. Hindi ba’t ito ay isang maling pagkaunawa sa pag-aasawa? (Oo.) Madali bang lutasin ang maling pagkaunawang ito? May mga may-asawa na naniniwalang hindi na sila banal pagkatapos nilang makipagsiping sa kabilang kasarian. Ang ibig sabihin dito ay kung hindi sila nakikipagsiping sa kabilang kasarian, kung iiwan nila ang kanilang asawa at sila ay makikipagdiborsyo, sila ay magiging banal. Kung ganoon nagiging banal ang isang tao, hindi ba’t ibig sabihin niyon ay mas banal ang mga walang asawa? Dahil sa mga baluktot na pagkaunawang ito, naguguluhan at nagagalit ang mga kabiyak ng mga tao dahil sa kanilang mga desisyon at kilos. Ang ilang walang pananampalatayang asawa ay nagkakamali ng pagkaunawa at nagkakaroon ng pagtutol sa pananampalataya, at may ilan pa nga na nagsasalita ng kalapastanganan sa Diyos. Sabihin ninyo sa Akin, tama ba ang ginagawa ng mga taong ito na naghahangad ng “kabanalan”? (Hindi.) Bakit hindi? Una sa lahat, may problema sa kanilang pag-iisip. Ano ang problemang iyon? (Nagkakamali sila ng pagkaunawa sa mga salita ng Diyos.) Una, ang kanilang mga pananaw sa pag-aasawa ay baluktot; pangalawa, ang kanilang mga depinisyon at pagkaunawa sa kabanalan at karumihan ay baluktot. Naniniwala sila na ang hindi pakikipagsiping sa kabilang kasarian ay pagiging banal, kung gayon ay ano naman ang karumihan? Ano ang kabanalan? Ang ibig bang sabihin ng kabanalan ay pagiging walang tiwaling disposisyon? Kapag nakamit ng isang tao ang katotohanan at nagbago ang kanyang disposisyon, wala na siyang mga tiwaling disposisyon. Wala bang mga tiwaling disposisyon ang isang taong hindi nakipagsiping sa kabilang kasarian? Lumilitaw lang ba ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao kapag nakikipagsiping sila sa iba ang kasarian? (Hindi.) Malinaw na mali ang pagkaunawang ito. Kapag nag-asawa ka na at nakipagsiping sa kabilang kasarian, hindi lumalala ang iyong mga tiwaling disposisyon, sa halip ay katulad pa rin ang mga ito ng dati. Kung wala kang asawa at hindi pa nakipagsiping sa kabilang kasarian, mayroon ka bang anumang tiwaling disposisyon? Marami kang tiwaling disposisyon. Kaya naman, lalaki man o babae, ang pagkakaroon ng isang tao ng mga tiwaling disposisyon ay hindi nasusukat batay sa kung siya ay may asawa o wala, kung siya man ay kasal o kung nakipagsiping siya sa kabilang kasarian. Bakit ang mga taong nag-iisip at kumikilos nang ganito ay may ganitong klase ng maling konsepto tungkol sa pag-aasawa? Bakit sila kumikilos nang ganito? Hindi ba’t ito ay isang problemang dapat lutasin? (Oo.) Kaya ba ninyo itong lutasin? Kailangan lang ng isang tao na makipag-ugnayan at makipagsiping sa kabilang kasarian para siya ay maging marumi at lubusang tiwali—ganoon ba iyon? (Hindi.) Dahil kung ganoon, ang pag-orden ng Diyos sa pag-iisa ng lalaki at babae ay mali. Kaya, paano natin malulutas ang problemang ito? Ano ang pinagmulan ng problemang ito? Ang problemang ito ay maaaring malutas sa pamamagitan ng pagsusuri at pag-unawa sa pinagmulan nito. Hindi ba’t mayroon din kayong ganitong pananaw? Hindi ba’t ang lahat, may asawa man o wala, ay mayroong ganitong pananaw sa pag-aasawa? (Oo.) Alam Kong hindi ninyo matatakasan ang problemang ito. Kaya, ano ang pinagmulan ng pananaw na ito? (Hindi malinaw sa mga tao kung ano ang kabanalan at karumihan.) At ano ang pinagmulan ng hindi pagkaalam ng mga tao sa kung ano ang kabanalan at karumihan? (Hindi tunay na naaarok ng mga tao ang mga salita ng Diyos o nauunawaan ang katotohanan.) Anong aspekto ng mga salita ng Diyos ang hindi nila tunay na naaarok? (Ang pag-aasawa ay isang bagay na dapat na normal na maranasan ng mga tao sa kanilang buhay at ito rin ay inorden ng Diyos, subalit iniuugnay ng mga tao ang pag-aasawa at pakikipagsiping sa kabilang kasarian sa kung sila ay banal o hindi, kahit na ang totoo, ang pagiging banal ay nangangahulugang ang isang tao ay walang tiwaling disposisyon, at wala itong kinalaman sa kung siya ay may asawa o wala. Gamitin nating halimbawa ang mga madre sa simbahang Katoliko. Kung hindi nila tinatanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at hindi nila nauunawaan ang katotohanan, kahit na buong buhay silang walang asawa, hindi pa rin sila masasabing banal, dahil hindi pa nalutas ang kanilang tiwaling disposisyon.) Malinaw ba nitong naipapaliwanag ang usapin? Nakasalalay ba ang pagkakaiba ng kabanalan at karumihan sa pagiging may asawa o wala? (Hindi.) Hindi, at may sapat na ebidensiyang nagpapatunay rito. Halimbawa, ang mga may kapansanan sa utak, mga hangal, mga may sakit sa pag-iisip, mga Katolikong madre, mga Budistang madre, at mga Budistang monghe ay pawang walang asawa, ngunit banal ba sila? (Hindi.) Ang mga taong may kapansanan sa utak, mga hangal, at mga may sakit sa pag-iisip ay walang normal na katinuan; hindi sila nakakapag-asawa, wala sa kanila ang nakakahanap ng asawa, at hindi sila banal. Ang mga Katolikong madre, mga Budistang madre, at mga Budistang monghe, pati na rin ang ilang espesyal na grupo, ay hindi nag-aasawa, at hindi rin sila banal. Ano ang ibig sabihin ng “hindi banal”? Ibig Kong sabihin, sila ay marumi. Ano ang ibig sabihin ng “marumi”? (Sila ay may mga tiwaling disposisyon.) Tama, ito ay nangangahulugang may mga tiwaling disposisyon sila. Lahat ng taong ito na walang asawa ay may mga tiwaling disposisyon at wala sa kanila ang banal. Kung gayon, paano naman ang mga may asawa? May pagkakaiba ba sa diwa ng mga may asawa at ng mga walang asawa na ito? (Wala.) Sa usapin ng diwa, wala silang pagkakaiba. Ano ang ibig Kong sabihin sa pagsasabing wala silang pagkakaiba? (Lahat sila ay ginawang tiwali ni Satanas at may mga tiwaling disposisyon silang lahat.) Tama iyan, silang lahat ay ginawang tiwali ni Satanas at may mga tiwaling disposisyon silang lahat. Hindi nila nagagawang magpasakop sa Diyos o sa katotohanan, at hindi nila magawang sumunod sa landas ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Hindi sila pinupuri ng Diyos, hindi sila inililigtas, at silang lahat ay marumi. Kaya, hindi nasusukat ang pagiging banal o marumi ng isang tao batay sa kung siya ay may asawa o wala. Bakit nga ba mayroong ganitong maling konsepto ang mga tao tungkol sa pag-aasawa, naniniwala sila na ang mga nag-aasawa ay hindi banal, na marumi ang mga ito? Ano ang sentro ng maling konseptong ito? (Ang kanilang pananaw sa pag-aasawa ay baluktot.) Ito ba ay dahil ang kanilang pananaw sa pag-aasawa at sa buhay may-asawa ay baluktot, o dahil sa ang mga pananaw nila sa ibang bagay ay baluktot? Mayroon bang sinumang makapagpaliwanag tungkol dito nang malinaw? Tulad ng sinabi natin dati, ang anumang klase ng pag-aasawa ay babalik sa totoong buhay sa huli. Kaya, ito bang buhay mag-asawa ang pinagmulan ng pinaniniwalaan ng mga tao na marumi? (Hindi.) Hindi ito ang pinagmulan ng pinaniniwalaan ng mga tao na marumi. Ang pinagmulan sa isipan ng mga tao ng kanilang pinaniniwalaang marumi ay alam talaga nila sa kanilang isipan at sa kaibuturan ng kanilang puso: Ito ay ang kanilang seksuwal na pagnanasa, at dito nagmumula ang maling konsepto. Ang pagtatakda at pagtutukoy sa isang tao bilang banal o marumi batay sa kung siya ay may asawa o wala ay isang maling pagkaunawa at maling konsepto, at ang pinagmumulan nito ay ang nakalilinlang at hindi tamang pagkaunawa ng mga tao sa seksuwal na pagnanasa ng kanilang laman. Bakit Ko sinasabi na ang pagkaunawang ito ay nakalilinlang? Naniniwala ang mga tao na sa sandaling makaramdam sila ng seksuwal na pagnanasa at nag-asawa sila at pagkatapos ay nakipagsiping sila sa kabilang kasarian at na, kapag nakipagsiping sila sa kabilang kasarian, saka sila nagsisimulang ipamuhay ang diumano’y buhay ng seksuwal na pagnanasa ng laman, at sila ay nagiging marumi. Hindi ba’t ito ang kanilang pinaniniwalaan? (Oo, ito nga.)

Kaya pag-usapan natin kung ano nga bang uri ng bagay ang seksuwal na pagnanasa. Hangga’t tama ang pagkaarok mo rito at mayroon kang tumpak, tama, at makatwirang pagkaarok at pagkaunawa rito, mauunawaan mo ang problemang ito at ang maling konseptong ito sa karumihan at kabanalan. Hindi ba’t totoo iyon? Kapag nag-asawa ang mga tao, natutugunan nila ang kanilang seksuwal na pagnanasa at naipapahayag nila ang kanilang seksuwal at pisikal na pagnanasa, at kaya iniisip nila, “Kaming mga may asawa ay hindi banal, marumi kami. Ang mga binata at dalaga na walang asawa ay banal.” Malinaw na ito ay isang baluktot na pagkaunawa, na nagmumula sa hindi pagkaaalam kung ano nga ba mismo ang seksuwal na pagnanasa. Ngayon, tingnan natin ang pinakaunang tao: Nagkaroon ba ng seksuwal na pagnanasa si Adan? Ang sangkatauhang nilikha ng Diyos ay mayroong kaisipan, wika, pandama, pananaw, pati na rin ng malayang kalooban at emosyonal na mga pangangailangan. Ano ang ibig sabihin ng “mga emosyonal na pangangailangan”? Ito ay nangangahulugan na ang mga tao ay nangangailangan ng isang kabiyak upang samahan at suportahan sila, ng isang kabiyak na makakausap nila, na magmamalasakit, mag-aalaga, at magmamahal sa kanila—ito ay mga emosyonal na pangangailangan. Ang isa pang aspekto ay na mayroon ding seksuwal na pagnanasa ang mga tao. Ano ang basehan sa pagsasabi nito? Ito ay na, pagkatapos likhain ng Diyos si Adan, sinabi ng Diyos na kailangan nito ng isang kabiyak, isang kabiyak lamang para sa kanyang mga pangangailangan sa buhay at mga emosyonal na pangangailangan. Ngunit may isa pang pangangailangang binanggit ang Diyos. Ano ang sinabi ng Diyos? Genesis, kabanata 2, talata 24: “Kaya’t iiwan ng lalake ang kanyang ama at ang kanyang ina, at makikipisan sa kanyang asawa: at sila ay magiging isang laman.” Ang kahulugan ng mga salitang ito ay napakalinaw; hindi na natin kailangan pang maging masyadong tuwiran tungkol dito. Nauunawaan mo ang mga salitang ito, hindi ba? Malinaw na nang likhain ng Diyos si Adan, ang ninuno ng sangkatauhan, may ganitong pangangailangan si Adan. Siyempre, ito ay isang obhetibong interpretasyon. Ang mas mahalaga, nang likhain siya ng Diyos, mayroong pandama ang kanyang katawan, at mayroon siyang mga pisyolohikal na kondisyon at katangian—ito ang aktuwal na sitwasyon ni Adan, ang unang ninuno ng sangkatauhan na nilikha ng Diyos, na siyang unang tao ng laman. Mayroon siyang wika, siya ay nakakarinig, nakakakita, nakakalasa, at mayroon siyang mga pandama, mga emosyonal na pangangailangan, seksuwal na pagnanasa, mga pisyolohikal na pangangailangan, at siyempre, mayroon siyang malayang kalooban, tulad ng nabanggit natin kanina. Ang mga bagay na ito, kapag pinagsama-sama, ay bumubuo ng isang tao na nilikha ng Diyos. Hindi ba’t ito ang aktuwal na sitwasyon? (Oo.) Ito ang pisyolohikal na kayarian ng mga lalaki. Paano naman ang mga babae? Nilikha ng Diyos para sa mga babae ang isang pisyolohikal na kayarian na iba sa mga lalaki, at siyempre ay nilikha rin Niya ang seksuwal na pagnanasang katulad ng sa mga lalaki. Ano ang basehan sa pagsasabi nito? Genesis, kabanata 3, talata 16, sabi ng Diyos: “Pararamihin Kong lubha ang iyong kalumbayan at ang iyong paglilihi; manganganak kang may kahirapan.” Saan nanggagaling ang mga anak na binanggit sa “manganganak ka”? Sabihin nang may isang babae na walang ganitong pisyolohikal na pangangailangan, o sa mas tumpak na pananalita, wala siyang mga pangangailangan ng seksuwal na pagnanasa ng babae—maaari ba siyang mabuntis? Hindi, at ito ay napakalinaw. Kaya ngayon, kung titingnan ang dalawang linyang ito mula sa Diyos, ang mga lalaki at babaeng nilikha ng Diyos ay may magkaibang pisyolohikal na kayarian, ngunit pareho silang may pisyolohikal na katangian ng seksuwal na pagnanasa. Ito ay kinumpirma ng mga gawang ito ng Diyos at ng mensahe sa likod ng mga tagubilin na ibinigay sa sangkatauhan. Ang mga nilikhang tao ng Diyos ay may mga pisyolohikal na kayarian at mayroon ding pangangailangan ang kanilang mga pisyolohikal na kayarian. Kaya, paano natin ito dapat tingnan ngayon? Ang bagay na ito na tinatawag na seksuwal na pagnanasa ay bahagi ng laman, tulad ng isang organo ng tao. Halimbawa, kumain ka ng almusal ng alas sais ng umaga, at pagdating ng tanghali, halos natunaw na ang lahat ng pagkain sa iyong tiyan at wala na itong laman. Ipinapasa ng tiyan sa utak ang impormasyong ito, at sinasabi sa iyo ng utak, “Wala nang laman ang tiyan mo; oras na para kumain.” Ano ang pakiramdam na ito sa iyong tiyan? Pakiramdam mo ay wala itong laman at hindi ito komportable, at gusto mong kumain. At paano nagkakaroon ng pakiramdam na ito na nais mong kumain? Ito ay resulta ng operasyon at metabolismo ng iyong buong nervous system at ng iyong mga organo—ganoon ito kasimple. Ang seksuwal na pagnanasa ay may kalikasang katulad ng iba pang organo sa katawan; ang bawat organo ay konektado sa nervous system, na nagpapadala ng mga mensahe sa iba’t ibang organo mo. Halimbawa, ang ilong mo ay nakakaamoy, at kapag ito ay nakaamoy ng mabaho, ang amoy na ito ay pumapasok sa iyong nervous system, at sinasabi ng nervous system sa iyong utak na, “Mabaho ang amoy na ito, hindi kaaya-aya ang amoy na ito.” Ipinapasa nito ang impormasyong ito sa iyo, at kaagad mong tinatakpan ang iyong ilong o ipinapaypay ang iyong kamay sa harap ng iyong ilong—may ganitong serye ng mga paggalaw. Ang serye ng mga paggalaw at pagkilos na ito, at ang ganitong uri ng pakiramdam at kamalayan ay lahat kinokontrol ng ilang partikular na organo at ng nervous system sa iyong katawan. Halimbawa, nakarinig ka ng isang napakalakas, masakit-sa-tainga na tunog, at pagkatapos matanggap ng iyong pandinig ang impormasyong ito, naiinis o nasusuklam ka, at tinatakpan mo ang iyong mga tainga. Ang totoo, ang natanggap lang ng iyong mga tainga ay isang tunog, isang piraso ng impormasyon, ngunit tinutukoy ng utak kung ang tunog na ito ay nakakabuti sa iyo o hindi. Kung ito ay walang malaking epekto sa iyo, naririnig mo lang ito at nakikilatis, at pagkatapos ay lumilipas na lang ito nang hindi mo gaanong napapansin; kung mayroon itong negatibong epekto sa iyong puso o katawan, tutukuyin ito ng iyong utak at saka nito sasabihin sa iyo na takpan mo ang iyong mga tainga o ibuka mo nang malapad ang iyong bibig—isang serye ng ganitong mga kilos at kaisipan ang mangyayari. Ganoon din ang seksuwal na pagnanasa ng tao, may mga katumbas na organo na may iba’t ibang pasya at interpretasyon sa ilalim ng mga kaukulang ugat. Ang seksuwal na pagnanasa ng tao ay ganoon lang din kasimple. Ang bagay na ito ay nasa parehong antas at katumbas ng iba pang organo sa katawan ng tao, ngunit may sarili itong partikularidad, at kaya palaging magkakaroon ng iba’t ibang ideya, pananaw, o kaisipan ang mga tao tungkol dito. Kaya, sa pamamagitan ng pagbabahaginan sa ganitong paraan, hindi ba’t dapat ay mayroon kayong tamang pagkaunawa ngayon? (Oo.) Ang seksuwal na pagnanasa ng tao ay hindi misteryoso; ito ay nilikha ng Diyos at ito ay umiiral na simula nang magkaroon ng mga tao. Dahil ito ay inorden ng Diyos at nilikha ng Diyos, hindi ito maaaring maging isang negatibong bagay o isang maruming bagay dahil lamang maraming maling pagkaunawa at kuru-kuro ang mga tao tungkol dito. Ito ay gaya lamang ng iba pang organo ng pandama ng tao; ito ay umiiral sa katawan ng tao at, kung ito ay nasa loob ng wastong pag-aasawa na isinaayos at itinakda ng Diyos, ito ay isang makatwirang bagay. Ngunit, kung nagpapakasasa ang mga tao rito at inaabuso nila ang paggamit nito, nagiging isang negatibong bagay ito. Siyempre, ang seksuwal na pagnanasa mismo ay hindi negatibo, ngunit ang mga taong gumagamit nito o ang mga kaisipang iyon ay negatibo. Halimbawa, ang pakikipagrelasyon sa higit pa sa isang tao, ang pakikipagsiping sa higit pa sa isang tao, ang insesto, pati na rin ang panggagahasa at seksuwal na pang-aabuso at iba pa—ang mga bagay na ito na may kaugnayan sa seksuwal na pagnanasa ay nagiging negatibong mga bagay at wala nang kinalaman sa orihinal na seksuwal na pagnanasa ng laman ng tao. Ang seksuwal na pagnanasa ng laman ay katulad ng isang pisikal na organo: Ito ay nilikha ng Diyos. Ngunit, dahil sa kabuktutan at katiwalian ng sangkatauhan, nangyayari ang lahat ng uri ng buktot na bagay na may kinalaman sa seksuwal na pagnanasa, at wala na itong kinalaman sa wasto at normal na seksuwal na pagnanasa—ito ay dalawang bagay na may magkaibang kalikasan. Hindi ba’t totoo ito? (Oo.) Ang pakikipagrelasyon sa higit pa sa isang tao, pakikiapid, pati na rin ang insesto at seksuwal na pang-aabuso—lahat ito ay buktot na bagay na may kaugnayan sa seksuwal na pagnanasa na nangyayari sa tiwaling sangkatauhan. Ang mga bagay na ito ay walang kinalaman sa wastong seksuwal na pagnanasa at pag-aasawa; ang mga ito ay marumi, hindi wasto, at hindi positibong bagay. Nauunawaan mo na ba ito ngayon nang malinaw? (Oo.)

Sa pamamagitan ng pagbabahaginan sa ganitong paraan, malinaw mo na bang nauunawaan ang mga baluktot na pagkaunawa at kilos na iyon ng mga may asawa, at nakikilatis mo na ba ang tama at mali sa mga ito? (Oo.) Kapag nakatagpo ka ng isang tao na bago sa pananampalataya na nagsasabing, “Tinanggap na namin ang gawain ng Diyos, kaya bilang mag-asawa, kailangan ba naming maghiwalay ng tirahan?” ano ang sasabihin mo? (Sasabihin namin na hindi.) Maaaring mo silang tanungin, “Bakit ninyo kailangang maghiwalay ng tirahan? Nagkaroon ba kayo ng pagtatalo? Sobrang lakas bang humilik ng isa sa inyo kaya hindi makatulog ang isa pa? Kung gayon nga, problema ninyo iyon at pwede kayong maghiwalay ng tirahan. Kung para sa ibang dahilan kaya kayo maghihiwalay, eh hindi naman na kailangan.” May iba pang nagsasabi, “Halos apat na dekada na kaming nagsasama. Matatanda na kami, lahat ng aming anak ay malalaki na, kaya dapat ba kaming maghiwalay sa pagtulog? Hindi na kami dapat matulog nang magkatabi, pagtatawanan lang kami ng aming mga anak. Dapat naming panatilihin ang aming dignidad sa pagtanda.” Makatwiran bang sabihin ito? (Hindi.) Hindi. Gusto nilang panatilihin ang kanilang dignidad sa pagtanda; anong klaseng bagay ang dignidad na ito? Ano ang kanilang ginagawa noong bata pa sila? Hindi ba’t nagpapanggap lang sila? Hindi ba’t nakasusuklam ang ganitong mga tao? (Oo.) Kapag nakatagpo ka ng gayong mga tao, sabihin mo sa kanila, “Hindi kami nagsasabi ng mga ganyang bagay sa aming pananampalataya sa Diyos, at wala ring gayong mga hinihingi at alituntunin sa sambahayan ng Diyos. Matututunan mo rin ito. Maaari kang mamuhay sa kahit anong paraan na gusto mo; nasa sa iyo na iyan, at wala itong kinalaman sa pananampalataya sa Diyos o sa paghahangad sa katotohanan, ni wala itong kinalaman sa pagtatamo ng kaligtasan. Hindi mo na kailangang hilingin ang mga bagay na ito, at wala kang kailangang isakripisyo para sa mga ito.” Hindi ba’t nalutas na ang usapin kung gayon? (Oo.) Ang isyu ng seksuwal na pagnanasa ng tao sa pag-aasawa ay nalutas na—ang pinakamalaking suliranin ay nalagpasan na. Malinaw na ba ito sa inyong lahat sa pamamagitan ng ganitong pagbabahaginan? Iniisip pa rin ba ninyo na misteryoso ang seksuwal na pagnanasa? (Hindi.) Iniisip pa rin ba ninyo na marumi ang seksuwal na pagnanasa? (Hindi.) Tungkol sa seksuwal na pagnanasa, hindi ito marumi; ito ay wasto. Gayunpaman, kung lalaruin ito ng mga tao, hindi na ito wasto, at ito ay ganap nang naiiba. Ano’t anuman, matapos magbahaginan sa ganitong paraan, hindi ba’t nalutas na ang iba’t ibang makatotohanan at hindi makatotohanang pantasya ng mga tao tungkol sa pag-aasawa? (Oo.) Matapos magbahaginan tungkol sa mga depinisyon at konsepto ng pag-aasawa, ang iyong lihis at baluktot na paghahangad, mithiin, at hangarin tungkol sa pag-aasawa ay nabitiwan na, sa isang antas, sa inyong isipan. Ang mga natitira pa ay kailangan ninyong unti-unting matukoy sa inyong sarili at kailangan ninyong patuloy na dumanas at matuto sa pamamagitan ng inyong personal na karanasan sa totoong buhay. Siyempre, ang pinakamahalaga ay dapat magkaroon ang mga tao ng tamang pagkaunawa at perspektiba sa pag-aasawa mismo—ito ay napakahalaga. Plano mo mang mag-asawa sa hinaharap o hindi, ang iyong saloobin at perspektiba sa pag-aasawa ay makakaimpluwensiya sa iyong paghahangad sa katotohanan, at kaya kailangan mong basahin nang husto ang mga salita ng Diyos tungkol sa paksang ito, at sa wakas ay makamit ang tamang perspektiba at pagkaunawa sa pag-aasawa, na sa pinakamababa ay dapat na naaayon sa katotohanan. Kapag natapos na tayong magbahaginan tungkol sa usaping ito, hindi ba’t mas lalawak ang iyong kaalaman? (Oo.) Hindi ka na magiging parang bata at makitid ang isip, hindi ba? Kapag tinalakay mo sa ibang tao ang usaping ito sa hinaharap, makikita nila na mukha kang bata ngunit nauunawaan mo ito, at itatanong nila, “Gaano katagal ka nang may asawa?” Sasagot ka ng, “Hindi pa ako nag-aasawa.” Sasabihin nila, “Eh paano ka nagkaroon ng pagkaunawa sa pag-aasawa na pang-nasa hustong gulang na, parang mas mature pa nga ang pagkaunawa mo kaysa sa mga nasa hustong gulang na?” Sasagot ka, “Nauunawaan ko ang katotohanan, at may mga batayan ang mga katotohanang ito na nauunawaan ko. Kung hindi ka naniniwala sa akin, kukuhain ko ang aking Bibliya at ipapakita ko sa iyo ang sitwasyon noong nilikha ng Diyos si Adan, at makikita mo kung ang sinasabi ko ay tumpak o hindi.” Sa huli, buong puso mo siyang nakukumbinsi, at iyon ay dahil lahat ng iyong sinasabi ay nagmumula sa iyong dalisay na pagkaunawa at pagkaarok, nang hindi dinudungisan ng mga imahinasyon o kuru-kuro ng tao o ng anumang baluktot na pananaw ng tao—ang lahat ng iyong sinasabi ay naaayon sa katotohanan at sa mga salita ng Diyos.

Ngayong natapos na tayong magbahaginan sa problema ng baluktot na pagkaunawa at pagsasagawa ng mga taong may asawa, magbahaginan naman tayo sa paksa ng “ang paghahangad ng kaligayahan sa pag-aasawa ay hindi ang iyong misyon.” Ang pagbitiw ng mga tao sa iba’t ibang pantasya tungkol sa pag-aasawa ay nangangahulugang nagkaroon na sila ng mga wastong pagkaunawa at ideya na medyo naaayon sa katotohanan sa usapin ng konsepto at depinisyon ng pag-aasawa; subalit, hindi ibig sabihin nito na ganap na nilang mabibitiwan ang kanilang mga paghahangad, mithiin, at hangarin tungkol sa pag-aasawa. Para naman sa mga nag-asawa na, paano nila napapanatili ang kaligayahan nila bilang mag-asawa? Masasabing hindi wastong nahaharap ng maraming tao ang kaligayahan sa pag-aasawa, o hindi nila wastong nahaharap ang ugnayan ng kaligayahan sa pag-aasawa at ng misyon ng tao. Hindi ba’t problema rin ito? (Oo, problema nga ito.) Palaging itinuturing ng mga may asawa bilang isang malaking kaganapan sa buhay ang pag-aasawa at pinapahalagahan nila ito nang husto. Kaya, ipinagkakatiwala nila ang kanilang kaligayahan sa buhay sa kanilang buhay may-asawa at sa kanilang kabiyak, naniniwala sila na ang paghahangad ng kaligayahan sa pag-aasawa ang tanging layon na dapat hangarin sa buhay na ito. Kaya maraming tao ang nagsisikap nang husto, nagbabayad ng malaking halaga, at nagsasakripisyo nang malaki para sa kaligayahan ng pag-aasawa. Halimbawa, nagpakasal ang isang tao, para akitin ang kanilang kabiyak at mapanatiling “sariwa” ang kanilang buhay mag-asawa at ang kanilang pag-iibigan, marami siyang gagawin. Ang ilang babae ay nagsasabi na, “Ang daan patungo sa puso ng isang lalaki ay sa pamamagitan ng kanyang tiyan,” at kaya natututo siya mula sa kanyang ina o mga nakatatanda kung paano magluto, at gumawa ng masasarap na putahe at tinapay, ginagawa niya ang lahat ng gustong kainin ng kanyang asawa at nagsisikap siyang maghanda ng masasarap na pagkain na paborito nito. Kapag nagugutom ang kanyang mister, naiisip nito ang masasarap niyang putahe, pagkatapos ay naiisip din nito ang kanilang tahanan, naiisip siya nito, at kaya, nagmamadali itong umuwi. Sa ganitong paraan, madalas na hindi naiiwang mag-isa sa bahay ang asawang babae at madalas ay nasa tabi niya ang kanyang mister, at kaya nararamdaman niya na ang pag-aaral ng pagluluto ng masasarap na putahe para makuha ang puso ng kanyang asawa ay napakahalaga. Dahil ito ay isang paraan upang mapanatili ang kaligayahan sa buhay mag-asawa at ito ay ang halagang dapat bayaran ng isang babae at ang responsabilidad na dapat niyang gampanan alang-alang sa kaligayahan ng kanyang buhay may-asawa, nagsisikap siya nang husto para mapanatili niya nang ganito ang kanyang buhay may-asawa. May mga babae rin na walang kumpiyansa sa kanilang buhay may-asawa, at madalas nilang ginagamit ang iba’t ibang paraan upang mapasaya, maakit, at mahikayat ang kanilang asawa. Halimbawa, madalas na itinatanong ng ganitong babae sa kanyang mister kung naaalala ba nito kung kailan sila unang lumabas, kailan ang kanilang unang pagkikita, kailan ang kanilang anibersaryo, at ang iba pang petsa. Kung naaalala ng kanyang mister, pakiramdam niya ay mahal siya nito, na siya ay nasa puso nito. Kung hindi nito naaalala, nagagalit siya at nagrereklamo, “Hindi mo man lang maalala ang ganito kahalagang petsa. Hindi mo na ba ako mahal?” Nakikita mo, sa patuloy na pagtatangkang akitin ang kanyang kabiyak, kuhain ang atensyon nito, at panatilihin ang kaligayahan sa kanilang buhay mag-asawa, kapwa gumagamit ang mga lalaki at babae ng mga makamundong paraan para hikayatin ang kanilang kabiyak, at lahat sila ay gumagawa ng mga bagay na walang kabuluhan at kumikilos sila na parang mga bata. Mayroon ding ilang babae na nagbabayad ng anumang halaga para gawin ang mga bagay na mapanganib sa kanilang kalusugan. Halimbawa, may ilang babae na lampas sa edad na trenta, nang makita nila na ang kanilang balat ay hindi na ganoon kaganda at kaputi, at ang kanilang mukha ay hindi na ganoon kakinis at kaganda, nagpapa-facelift sila o kumukuha ng hyaluronic acid injection. Upang magmukhang mas maganda, may ilang babae na sumasailalim sa double eyelid surgery at nagpapatattoo sila ng kanilang kilay, madalas silang nagbibihis nang maganda at seksi para maakit ang kanilang mister, at natututo pa nga silang gawin ang mga romantikong bagay na ginagawa ng iba alang-alang sa kaligayahan ng kanilang buhay may-asawa. Halimbawa, sa isang espesyal na araw, ang ganitong babae ay maaaring maghanda ng masarap na hapunan na may kasamang mga kandila at red wine. Pagkatapos, pinapatay niya ang mga ilaw, at pagdating ng kanyang mister, papipikitin niya itong pumikit at tatanungin, “Anong araw ngayon?” Matagal na mag-iisip ang kanyang asawa kung anong mayroon sa araw na iyon pero hindi nito maisip. Sinindihan ng asawang babae ang mga kandila at nang buksan ng kanyang mister ang mga mata nito, ang araw na iyon ay ang sariling kaarawan pala nito, at sinasabi nito, “Ang ganda! Mahal na mahal kita! Hindi ko man lang naalala ang sarili kong kaarawan. Naaalala mo ang kaarawan ko, nakakatuwa ka!” Dahil doon, natutuwa at nasisiyahan ang babae. Dahil lamang sa ilang salitang ito mula sa kanyang mister, nasisiyahan siya at napapanatag. Ang mga lalaki at babae ay parehong nag-iisip nang husto kung paano mapapanatili ang kaligayahan sa kanilang buhay mag-asawa. Ang misis ay maraming binabago at isinasakripisyo, gumugugol siya ng maraming oras at pagsusumikap, at ganoon din ang ginagawa ng mister, nagtatrabaho nang husto at kumikita ng pera sa mundo, pinupuno ang kanyang pitaka, nag-uuwi ng mas maraming pera, at binibigyan ng mas magandang buhay ang kanyang misis. Upang mapanatili ang kanyang kaligayahan sa buhay may-asawa, kinakailangan din niyang matutunan ang ginagawa ng iba at bumibili siya ng mga rosas, regalo sa kaarawan, regalo sa Pasko, tsokolate tuwing Araw ng mga Puso, at iba pa, pinag-iisipan niya nang husto kung paano mapapasaya ang kanyang misis, ginagawa ang lahat ng kanyang makakaya para sa mga walang kabuluhang bagay na ito. At isang araw, nawalan siya ng trabaho at hindi siya naglakas-loob na sabihin sa kanyang misis, natatakot siya na baka hiwalayan siya nito o hindi na magiging masaya ang kanilang buhay mag-asawa. Kaya patuloy siyang nagpapanggap na pumapasok siya sa trabaho at na araw-araw niyang natatapos ang kanyang trabaho sa tamang oras, samantalang ang totoo ay naghahanap siya ng malilipatang trabaho. Ano ang ginagawa niya kapag dumating ang araw ng sahod at wala siyang natatanggap na pera? Nangungutang siya kung saan-saan para lang mapasaya ang kanyang misis, at sinasabi niya, “Tingnan mo, may 2,000 yuan akong bonus ngayong buwan. Bumili ka ng kahit anong gusto mo.” Walang alam ang kanyang misis sa totoong nangyayari, at bumibili nga ito ng ilang mamahaling bagay. Punong-puno ng pag-aalala ang kanyang isipan at pakiramdam niya ay wala siyang mapupuntahan, at lumalala ang kanyang pagkabalisa. Lalaki man o babae, silang lahat ay maraming ginagawa at naglalaan ng maraming oras at pagsusumikap upang mapanatili ang kaligayahan ng kanilang buhay may-asawa, kahit na umabot sa punto ng paggawa ng mga bagay na labag sa kanilang konsensiya. Sa kabila ng pag-aaksaya ng maraming oras at pagsusumikap, hindi pa rin alam ng mga taong sangkot kung paano tamang harapin o pangasiwaan ang mga bagay na ito, pinipiga pa nga ang kanilang utak para matuto, mag-aral, at kumonsulta sa iba upang mapanatili ang kaligayahan sa kanilang buhay may-asawa. May ilang tao pa nga na, pagkatapos manampalataya sa Diyos, tinatanggap ang kanilang tungkulin at ang atas sa kanila ng sambahayan ng Diyos, subalit upang mapanatili ang kaligayahan at kasiyahan sa kanilang buhay may-asawa, nagkukulang sila sa paggampan sa kanilang tungkulin. Dapat sana ay pumunta sila sa malayong lugar upang ipangaral ang ebanghelyo, umuuwi sa kanilang tahanan nang isang beses kada linggo o kahit minsan lang sa loob ng mahabang panahon, o maaari nilang lisanin ang kanilang tahanan at gampanan ang kanilang tungkulin nang buong oras at nang ayon sa kanilang iba’t ibang kakayahan at kalagayan, ngunit natatakot silang hindi matutuwa ang kanilang asawa sa kanila, na hindi magiging masaya ang kanilang buhay may-asawa, o na tuluyan nang matatapos ang kanilang buhay may-asawa, at para sa ikasasaya ng kanilang buhay may-asawa, isinusuko nila ang maraming oras na dapat sana ay iginugugol sa paggampan ng kanilang tungkulin. Lalo na kapag naririnig nila ang kanilang kabiyak na nagrereklamo o umaangal, mas lalo silang nagiging maingat sa pagpapanatili ng kanilang buhay may-asawa. Ginagawa nila ang lahat para mapasaya ang kanilang kabiyak at nagsisikap sila nang husto upang gawing masaya ang kanilang buhay may-asawa, para hindi ito magwakas. Siyempre, ang mas malubha pa rito ay may ilang tumatanggi sa tawag ng sambahayan ng Diyos at tumatangging gampanan ang kanilang tungkulin upang mapanatili ang kaligayahan sa kanilang buhay may-asawa. Kapag dapat sana ay nililisan nila ang kanilang tahanan upang gampanan ang kanilang tungkulin, dahil hindi nila kayang mawalay sa kanilang asawa o dahil tutol ang mga magulang ng kanilang asawa sa kanilang pananampalataya sa Diyos at tutol ang mga ito na iwanan nila ang kanilang trabaho at lisanin nila ang tahanan para magampanan ang kanilang tungkulin, nakikipagkompromiso sila at tinatalikdan nila ang kanilang tungkulin, sa halip ay pinipili nilang panatilihin ang kaligayahan at integridad ng kanilang buhay may-asawa. Upang mapanatili ang kasiyahan at integridad ng kanilang buhay may-asawa, at upang maiwasan ang pagkasira at pagtatapos ng kanilang buhay may-asawa, pinipili na lang nilang tuparin ang kanilang mga responsabilidad at obligasyon sa buhay may-asawa at tinatalikdan nila ang misyon ng isang nilikha. Hindi mo naiisip na, anuman ang iyong papel sa pamilya o sa lipunan—ito man ay bilang asawa, anak, magulang, empleyado, o ano pa man—at mahalaga man o hindi ang iyong papel sa buhay may-asawa, iisa lamang ang iyong pagkakakilanlan sa harap ng Diyos at iyon ay bilang isang nilikha. Wala kang pangalawang pagkakakilanlan sa harap ng Diyos. Kaya, kapag tinatawag ka ng sambahayan ng Diyos, iyon ang oras na dapat mong gampanan ang iyong tungkulin. Ibig sabihin, bilang isang nilikha, hindi mo dapat tuparin lang ang iyong tungkulin kapag natutupad na ang kondisyon ng pagpapanatili ng kaligayahan at integridad sa iyong buhay may-asawa, sa halip, hangga’t ikaw ay isang nilikha, ang misyon na ibinibigay sa iyo at ipinagkakatiwala sa iyo ng Diyos ay dapat na tuparin nang walang kondisyon; anuman ang sitwasyon, obligasyon mo na gawing priyoridad ang misyon na ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos, habang ang misyon at responsabilidad na ibinigay sa iyo ng pag-aasawa ay hindi priyoridad. Bilang isang nilikha, ang misyon na dapat mong gampanan at na ibinigay sa iyo ng Diyos ang dapat palagi mong unang priyoridad sa ilalim ng anumang kalagayan at anumang sitwasyon. Kaya, gaano mo man ninanais na mapanatili ang kaligayahan ng iyong buhay may-asawa, o ano man ang sitwasyon ng iyong buhay may-asawa, o gaano man kalaki ang halagang ibinabayad ng iyong kabiyak para sa inyong buhay mag-asawa, wala sa mga ito ang dahilan upang tanggihan ang misyong ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos. Ibig sabihin, gaano man kasaya ang iyong buhay may-asawa o gaano man katibay ang integridad nito, hindi nagbabago ang iyong pagkakakilanlan bilang isang nilikha, at kaya, ang misyong ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos ay ang nakatakdang tungkulin na dapat mong unahin sa lahat, at wala itong kondisyon. Kaya, kapag ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos ang iyong misyon, kapag nagkaroon ka ng tungkulin at misyon ng isang nilikha, dapat mong bitiwan ang iyong paghahangad sa masayang buhay may-asawa, talikdan ang iyong paghahangad na panatilihin ang isang matibay na buhay may-asawa, gawing unang priyoridad ang Diyos at ang misyon na ipinagkatiwala sa iyo ng sambahayan ng Diyos, at huwag kang kumilos na parang isang hangal. Ang pagpapanatili ng kaligayahan sa buhay may-asawa ay responsabilidad mo lamang bilang asawa sa loob ng balangkas ng buhay mag-asawa; ito ay hindi ang responsabilidad o misyon ng isang nilikha sa harap ng Lumikha, kaya hindi mo dapat talikdan ang misyon na ipinagkatiwala sa iyo ng Lumikha upang mapanatili ang kaligayahan ng iyong buhay may-asawa, ni gawin ang maraming walang kabuluhan, mababaw, at pambatang bagay na wala namang kinalaman sa mga responsabilidad ng pagiging isang asawa. Ang kailangan mo lang gawin ay tuparin ang iyong mga responsabilidad at obligasyon bilang isang asawa nang ayon sa mga salita at hinihingi ng Diyos—ibig sabihin, nang ayon sa mga pinakaunang tagubilin ng Diyos. Sa pinakamababa, dapat mong tuparin ang mga responsabilidad ng isang asawa nang may konsensiya at katwiran ng normal na pagkatao, at sapat na iyon. Tungkol naman sa diumano’y “Ang daan patungo sa puso ng isang lalaki ay sa pamamagitan ng kanyang tiyan,” o sa pagiging romantiko, o sa palaging pagdiriwang ng iba’t ibang uri ng anibersaryo, o sa mundo ng mag-asawa, o sa paghahangad sa “magkahawak kamay at tatanda nang magkasama,” o “Iibigin kita magpakailanman tulad ng pag-ibig ko sa iyo ngayon,” at iba pang walang kabuluhang bagay, ang mga ito ay hindi ang responsabilidad ng normal na lalaki at babae. Siyempre, upang maging mas tumpak, ang mga bagay na ito ay hindi ang mga responsabilidad at obligasyon sa loob ng balangkas ng pag-aasawa ng isang taong naghahangad sa katotohanan. Ang mga paraan ng pamumuhay at mga paghahangad sa buhay na ito ay hindi ang dapat na isagawa ng isang taong naghahangad sa katotohanan, at kaya bago ang lahat, dapat mo munang bitiwan ang mga walang kwenta, walang kabuluhan, pangbata, paimbabaw, nakakasuya, at nakakasuklam na kasabihan, pananaw, at pagsasagawa mula sa kailalim-laliman ng iyong isipan. Huwag hayaang masira ang iyong buhay may-asawa, at huwag hayaan ang iyong paghahangad sa kaligayahan ng buhay may-asawa na magapos ang iyong mga kamay, paa, isipan, at mga hakbang, ginagawa kang parang bata, hangal, bulgar, at buktot. Ang mga makamundong paghahangad ng isang masayang buhay may-asawa ay hindi ang mga obligasyon at responsabilidad na dapat tuparin ng isang taong may normal na katwiran, sa halip, ito ay ganap na nagmula sa buktot na mundong ito at sa tiwaling sangkatauhan at may nakasisirang epekto sa pagkatao at isipan ng lahat ng tao. Dahil dito, mabubulok ang iyong isipan, babaluktutin nito ang iyong pagkatao, at magiging sanhi ang mga ito na maging buktot, komplikado, magulo ang iyong mga kaisipan, at maging labis-labis pa nga. Halimbawa, nakikita ng ilang babae na nagiging romantiko ang ibang lalaki, nagbibigay ng mga rosas sa kanilang misis tuwing anibersaryo ng kanilang kasal, o sinasamahan ang kanilang misis sa pamimili o niyayakap ang kanilang misis o binibigyan ng espesyal na regalo kapag galit o malungkot ito, o sinosorpresa pa nga ito upang pasayahin ito, at iba pa. Kapag tinanggap mo ang mga kasabihan at kaugaliang ito sa iyong sarili, nanaisin mo rin na gawin ng iyong kabiyak ang mga bagay na iyon, nanaisin mo rin ang ganoong uri ng buhay at ganoong klase ng pagtrato, kaya ang iyong katwiran ay magiging hindi normal at magugulo at masisira ito ng gayong mga kasabihan, ideya, at kaugalian. Kung hindi ka binibilhan ng rosas ng iyong kabiyak, hindi nagsisikap na pasayahin ka, o hindi gumagawa ng anumang romantikong bagay para sa iyo, ikaw ay nagagalit, sumasama ang loob, at hindi nasisiyahan—nararamdaman mo ang iba’t ibang bagay. Kapag napuno ng ganitong mga bagay ang buhay mo, ang mga obligasyon na dapat mong tuparin bilang isang babae at ang tungkulin at mga responsabilidad na dapat mong gampanan sa sambahayan ng Diyos bilang isang nilikha ay pawang nagugulo. Mamumuhay ka sa kalagayan ng kawalang-kasiyahan, at ang iyong normal na buhay at kinagawian ay magagambala ng mga damdamin at isipin ng kawalang-kasiyahan. Kaya, makakaimpluwensiya ang iyong mga paghahangad sa lohikal na pag-iisip ng iyong normal na pagkatao, sa iyong normal na paghusga at, siyempre, sa mga responsabilidad at obligasyon na dapat mong tuparin bilang isang normal na tao. Kung maghahangad ka ng mga makamundong bagay at ng kaligayahan sa buhay may-asawa, hindi maiiwasan na ikaw ay maging “sekularisado.” Kung naghahangad ka lamang ng kaligayahan sa buhay may-asawa, tiyak na palagi mong kakailanganin ang iyong asawa na magsabi ng mga bagay na tulad ng “Mahal kita,” at kung ang iyong asawa ay hindi kailanman nagsasabi ng “Mahal kita,” iisipin mo, “Napakalungkot ng aking buhay may-asawa. Ang aking mister ay kasingmanhid ng bato, parang isang hangal. Ang ginagawa lang niya ay kumita ng kaunting pera, gumugol ng kaunting pagsisikap, at gumawa ng mano-manong trabaho. Sa oras ng pagkain, sinasabi niya, ‘Kumain na tayo,’ at sa oras ng pagtulog, sinasabi niya, ‘Oras na para matulog, sana ay maging maganda ang panaginip mo, at makatulog ka nang mahimbing,’ at iyon na iyon. Bakit hindi niya kayang sabihin ang ‘Mahal kita’ kahit kailan? Hindi man lang ba niya masabi ang kahit isang romantikong bagay na ito?” Maaari ka bang maging isang normal na tao kapag puno ang iyong puso ng gayong mga bagay? Hindi ba’t palagi kang nasa isang hindi normal at emosyonal na kalagayan? (Oo.) May mga taong walang pagkilatis sa mga buktot na kalakaran ng mundo; walang panlaban, walang panangga. Itinuturing ng ganitong babae ang usaping ito, ang penomenong ito ng pagsasabi ng mga romantikong bagay bilang isang tanda ng kaligayahan sa buhay may-asawa, at kaya nais niyang hangarin ito, tularan ito, kamtin ito, at kapag hindi niya ito nakakamtan ay nagagalit siya, at madalas niyang itinatanong sa kanyang mister, “Sabihin mo nga, mahal mo ba ako o hindi?” Dahil napakaraming beses na itong natanong, naiinis na ang kanyang mister at, nang namumula sa galit, nabubulalas nito na, “Mahal kita.” At sinasabi ng asawang babae, “Sabihin mo nga ulit.” Sobrang nagpipigil ang kanyang mister hanggang sa namumula na ang mukha at leeg nito, at sinabi nito, “Mahal kita.” Kita mo, sinasabi ng disenteng lalaking ito ang nakayayamot na bagay na ito, pero hindi ito galing sa puso nito, at kaya ito ay naiilang. Kapag narinig ito ng misis, siya ay labis na natutuwa at sinasabi niya, “Sapat na iyan!” At ano ang sinasabi ng kanyang mister? “Tingnan mo nga ang sarili mo. Masaya ka na ba ngayon? Naghahanap ka lang ng gulo.” Sabihin ninyo sa Akin, kapag ang isang babae at isang lalaki ay namumuhay sa ganitong klase ng buhay may-asawa, ito ba ay kaligayahan? (Hindi.) Masaya ka ba kapag naririnig mo ang mga salitang “Mahal kita”? Ito ba ang paliwanag sa kaligayahan sa buhay may-asawa? Ganito lang ba ito kasimple? (Hindi.) May isang babae na laging nagtatanong sa kanyang mister, “Tingin mo ba ay mukha na akong matanda?” Ang kanyang mister ay matapat, kaya sinasabi nito, “Oo, kaunti. Sino ba naman ang hindi magmumukhang matanda kapag kuwarenta anyos na?” Tutugon ang babae, “Hindi mo na ba ako mahal? Bakit hindi mo sinasabi na mukha akong bata? Ayaw mo ba na tumatanda ako? Gusto mo na bang maghanap ng ibang babae?” Sinasabi ng kanyang asawa, “Nakakainis naman! Ni hindi ako makapagsalita nang matapat sa iyo. Ano ba ang problema mo? Nagiging matapat lang naman ako. Sino ba ang hindi tumatanda? Gusto mo bang maging isang uri ng halimaw?” Ang mga ganitong babae ay wala sa katwiran. Ano ang tawag natin sa mga taong naghahangad sa ganitong uri ng diumano’y kaligayahan sa buhay may-asawa? Kung gagamit ng bulgar na salita, sila ay basura. At ano ang maaari nating itawag sa kanila kung hindi tayo nagpapakabulgar? Sila ay may sakit sa pag-iisip. Ano ang ibig Kong sabihin sa “may sakit sa pag-iisip”? Ang ibig Kong sabihin ay wala silang pag-iisip ng normal na pagkatao. Sa edad na kuwarenta o singkuwenta, malapit na sila sa katandaan at hindi pa rin nila nakikita nang malinaw kung ano ang buhay, kung ano ang pag-aasawa, at palagi silang gumagawa ng mga bagay na walang kabuluhan at nakayayamot. Naniniwala silang ito ang kaligayahan ng buhay may-asawa, na kalayaan at karapatan nila ito, at na dapat silang maghangad sa ganitong paraan, mamuhay sa ganitong paraan, at harapin ang pag-aasawa sa ganitong paraan. Hindi ba’t hindi sila kumikilos nang wasto? (Hindi nga.) Marami bang tao ang hindi kumikilos nang wasto? (Oo.) Marami sa mundo ng mga walang pananampalataya, pero mayroon bang ganoon sa sambahayan ng Diyos? Marami bang ganoon? Ang pagiging romantiko, mga regalo, yakap, sorpresa, at ang mga salitang “Mahal kita,” at iba pa ay pawang mga tanda ng kaligayahan sa buhay may-asawa na kanilang hinahangad at ito ang mga layon ng kanilang paghahangad ng kaligayahan sa buhay may-asawa. Ganito ang mga taong hindi nananalig sa Diyos, at hindi maiiwasan na marami ang nananalig sa Diyos ngayon na may gayong paghahangad at mga gayong pananaw. Kaya, marami ang nananalig sa Diyos sa loob ng sampung taon o higit pa, na nakapakinig na ng ilang sermon at nakaunawa sa ilang katotohanan, ngunit para mapanatili ang kaligayahan ng kanilang buhay may-asawa, masamahan ang kanilang asawa, at matupad ang kanilang mga ipinangako tungkol sa kanilang buhay may-asawa at ang layon ng kaligayahan sa buhay may-asawa na kanilang ipinangakong hangarin, hindi nila kailanman natupad ang kanilang mga responsabilidad at tungkulin sa harap ng Lumikha. Sa halip, hindi sila lumalabas ng kanilang tahanan, hindi nila iniiwan ang kanilang tahanan kahit gaano pa kaabala ang gawain sa sambahayan ng Diyos, at hindi nila iniiwan ang kanilang asawa upang tuparin ang kanilang tungkulin, sa halip, itinuturing nila ang paghahangad at pagpapanatili ng kaligayahan sa buhay may-asawa bilang isang panghabambuhay na layon na kanilang ipinaglalaban at pinagsusumikapan nang husto. Sa pagkakaroon ng gayong paghahangad, hinahangad ba nila ang katotohanan? Malinaw na hindi. Dahil sa kanilang isipan, sa kaibuturan ng kanilang puso, at maging sa kanilang mga kilos, hindi pa nila nabibitiwan ang paghahangad sa kaligayahan sa buhay may-asawa, ni ang ideya, pananaw, at perspektiba sa buhay ng “ang paghahangad ng kaligayahan sa pag-aasawa ay ang misyon ng isang tao sa buhay,” kaya hinding-hindi nila nakakamit ang katotohanan. Hindi pa kayo ikinakasal at hindi pa nakapasok sa buhay may-asawa. Kung ganito pa rin ang inyong pananaw kapag pumasok na kayo sa buhay may-asawa, hindi rin ninyo makakamit ang katotohanan. Kapag natamo na ninyo ang kaligayahan sa buhay may-asawa, hindi na ninyo makakamit ang katotohanan. Dahil itinuturing mong misyon sa buhay ang paghahangad ng kaligayahan sa buhay may-asawa, hindi maiiwasan na iwawaksi at tatalikuran mo ang pagkakataon na tuparin ang iyong misyon sa harap ng Lumikha. Kung tatalikuran mo ang pagkakataon at karapatan na tuparin ang misyon ng isang nilikha sa harap ng Lumikha, tinatalikuran mo na rin ang paghahangad sa katotohanan, at siyempre, tinatalikuran mo ang pagkakamit ng kaligtasan—ito ang iyong pasya.

Nagbabahaginan tayo tungkol sa pagbitiw sa paghahangad ng kaligayahan sa pag-aasawa hindi upang sukuan mo ang pag-aasawa bilang isang pormalidad, o upang hikayatin ka na makipagdiborsiyo, sa halip, ito ay upang talikuran mo ang mga paghahangad tungkol sa kaligayahan sa pag-aasawa. Una sa lahat, dapat mong bitiwan ang mga pananaw na nangingibabaw sa iyo sa iyong paghahangad ng kaligayahan sa pag-aasawa, at pagkatapos ay dapat mong bitiwan ang kaugalian ng paghahangad ng kaligayahan sa pag-aasawa at ilaan ang karamihan sa iyong oras at lakas sa paggampan ng tungkulin ng isang nilikha at sa paghahangad sa katotohanan. Tungkol naman sa pag-aasawa, hangga’t hindi ito sumasalungat o kumokontra sa iyong paghahangad sa katotohanan, hindi magbabago ang mga obligasyon na dapat mong tuparin, ang misyon na dapat mong isakatuparan, at ang papel na dapat mong gampanan sa loob ng balangkas ng buhay may-asawa. Kaya, ang paghingi na bitiwan mo ang paghahangad ng kaligayahan sa pag-aasawa ay hindi nangangahulugan ng paghingi sa iyo na talikuran ang pag-aasawa o na makipagdiborsiyo ka bilang isang pormalidad, sa halip, nangangahulugan ito ng paghingi sa iyo na tuparin mo ang iyong misyon bilang isang nilikha at gampanan nang tama ang tungkulin na dapat mong gampanan sa batayan ng pagtupad sa mga responsabilidad na dapat mong gampanan sa buhay may-asawa. Siyempre, kung ang iyong paghahangad sa kaligayahan sa pag-aasawa ay nakakaapekto, nakahahadlang, o nakakasira pa nga sa paggampan mo ng tungkulin bilang isang nilikha, kung gayon, dapat mong talikdan hindi lang ang iyong paghahangad ng kaligayahan sa pag-aasawa, kundi pati na ang iyong buong buhay may-asawa. Ano ang pinakalayon at kahulugan ng pagbabahaginan tungkol sa mga isyung ito? Ito ay upang ang kaligayahan sa buhay may-asawa ay hindi humadlang sa iyong mga hakbang, gumapos sa iyong mga kamay, bumulag sa iyong mga mata, magpalabo sa iyong paningin, gumulo at umokupa sa iyong isip; ito ay upang hindi ang paghahangad ng kaligayahan sa pag-aasawa ang pumupuno sa landas ng iyong buhay at pumupuno sa iyong buhay, at upang tama ang iyong pagharap sa mga responsabilidad at obligasyon na dapat mong tuparin sa buhay may-asawa at upang tama ang iyong maging mga pasya tungkol sa mga responsabilidad at obligasyon na dapat mong tuparin. Ang mas mabuting paraan ng pagsasagawa ay ang maglaan ng mas maraming oras at lakas sa iyong tungkulin, gampanan ang tungkulin na dapat mong gampanan, at isakatuparan ang misyon na ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos. Huwag mong kalimutan kailanman na ikaw ay isang nilikha, na ang Diyos ang nag-akay sa iyo sa buhay patungo sa sandaling ito, na ang Diyos ang nagbigay sa iyo ng buhay may-asawa, ang nagbigay sa iyo ng pamilya, at na ang Diyos ang nagkaloob sa iyo ng mga responsabilidad na dapat mong tuparin sa loob ng balangkas ng buhay may-asawa, at na hindi ikaw ang pumili ng buhay may-asawa, hindi ka nag-asawa nang bigla-bigla na lang, o na hindi mo kayang panatilihin ang iyong kaligayahan sa buhay may-asawa sa pamamagitan ng sarili mong mga kakayahan at lakas. Malinaw Ko na ba itong naipaliwanag ngayon? (Oo.) Naiintindihan mo na ba kung ano ang dapat mong gawin? Malinaw na ba sa iyo ang landas? (Oo.) Kung walang di-pagkakatugma o kontradiksiyon sa pagitan ng mga responsabilidad at obligasyon na dapat mong tuparin sa buhay may-asawa at sa iyong tungkulin at misyon bilang isang nilikha, kung gayon, sa gayong mga sitwasyon, dapat mong tuparin ang iyong mga responsabilidad sa loob ng balangkas ng buhay may-asawa paano man dapat tuparin ang mga ito, at dapat mong tuparin nang maayos ang iyong mga responsabilidad, pasanin ang mga responsabilidad na dapat mong pasanin, at huwag subukang iwasan ang mga ito. Dapat mong panagutan ang iyong kabiyak, at dapat mong panagutan ang buhay ng iyong kabiyak, ang kanyang mga damdamin, at ang lahat ng bagay tungkol sa kanya. Gayunpaman, kapag may pagkakasalungat sa pagitan ng mga responsabilidad at obligasyon na iyong pinapasan sa loob ng balangkas ng buhay may-asawa at sa iyong misyon at tungkulin bilang isang nilikha, kung gayon, ang iyong dapat bitiwan ay hindi ang iyong tungkulin o misyon kundi ang iyong mga responsabilidad sa loob ng balangkas ng buhay may-asawa. Ito ang ekspektasyon ng Diyos sa iyo, ito ang atas ng Diyos sa iyo, at siyempre, ito ang hinihingi ng Diyos sa sinumang lalaki o babae. Kapag nagawa mo na ito ay saka ka lamang maghahangad sa katotohanan at susunod sa Diyos. Kung hindi mo kayang gawin ito at hindi mo kayang magsagawa sa ganitong paraan, ikaw ay isang mananampalataya sa pangalan lamang, hindi ka sumusunod sa Diyos nang may tapat na puso, at hindi mo hinahangad ang katotohanan. Mayroon ka na ngayong pagkakataon at mga kondisyon na umalis ng Tsina para gampanan ang iyong tungkulin, at may ilang taong nagsasabing, “Kung aalis ako ng Tsina upang gampanan ang aking tungkulin, kakailanganin kong iwan ang aking asawa sa bahay. Hindi na ba kami muling magkikita? Hindi ba’t mamumuhay kami nang magkahiwalay? Hindi ba’t mawawala na ang aming buhay may-asawa?” Iniisip ng ilang tao na, “Paano mamumuhay ang aking kabiyak kung wala ako? Hindi ba’t mawawasak ang aming buhay may-asawa kung wala ako? Magwawakas na ba ang aming buhay mag-asawa? Ano ang gagawin ko sa hinaharap?” Dapat mo bang isipin ang hinaharap? Ano ang dapat mong pinaka-isipin? Kung nais mong maging isang taong naghahangad sa katotohanan, ang dapat mong pinaka-isipin ay ang kung paano bitiwan ang hinihingi sa iyo ng Diyos na bitiwan at kung paano isakatuparan ang hinihingi sa iyo ng Diyos na isakatuparan mo. Kung hindi ka mag-aasawa at wala kang kabiyak sa iyong tabi sa hinaharap, sa mga darating na araw, maaari ka pa ring mabuhay hanggang sa pagtanda at mamuhay nang maayos. Ngunit kung tatalikdan mo ang oportunidad na ito, iyon ay katumbas ng pagtalikod mo sa iyong tungkulin at sa misyon na ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos. Para sa Diyos, hindi ka na isang taong naghahangad sa katotohanan, isang taong tunay na ninanais ang Diyos, o isang taong naghahangad sa kaligtasan. Kung aktibo mong ninanais na talikuran ang iyong oportunidad at karapatan na makamit ang kaligtasan at ang iyong misyon, at sa halip ay pinipili mo ang buhay may-asawa, pinipili mong manatiling kaisa ng iyong asawa, pinipili mong makasama at bigyang-kasiyahan ang iyong asawa, at pinipili mong panatilihing matibay ang iyong buhay may-asawa, kung gayon, sa huli ay makakamit mo ang ilang bagay at mawawala sa iyo ang ilang bagay. Nauunawaan mo naman kung ano ang mawawala sa iyo, hindi ba? Ang buhay may-asawa at ang kaligayahan sa buhay may-asawa ay hindi ang lahat-lahat para sa iyo—hindi ito ang magpapasya ng iyong kapalaran, hindi ito ang magpapasya ng iyong hinaharap, at mas lalong hindi ito ang magpapasya ng iyong hantungan. Kaya, kung ano ang mga pasya ng mga tao, at kung dapat ba nilang bitiwan ang paghahangad ng kaligayahan sa pag-aasawa at gampanan ang tungkulin bilang isang nilikha ay nasa sa kanila na para pagdesisyonan. Napagbahaginan na ba natin nang malinaw ang paksang “ang paghahangad ng kaligayahan sa pag-aasawa ay hindi ang iyong misyon”? (Oo.) Mayroon bang isyu na mahirap at nakababahala para sa inyo, na pagkatapos marinig ang Aking pagbabahagi, ay hindi ninyo alam kung paano ito isagawa? (Wala.) Pagkatapos makinig sa pagbabahaging ito, mas malinaw na ba ang pakiramdam ninyo, na mayroon kayong tumpak na landas ng pagsasagawa, at na mayroon kayong tamang layon na dapat isagawa? Alam na ba ninyo ngayon kung paano kayo dapat magsagawa simula ngayon? (Oo.) Kung gayon, dito na natin tatapusin ang pagbabahaginang ito. Paalam!

Enero 14, 2023

Mga Talababa:

a. Wala sa orihinal na teksto ang salitang “normal.”

b. Wala sa orihinal na teksto ang salitang “normal.”

Sinundan: Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 9

Sumunod: Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 11

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito