Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Klasikong Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

XI Mga Klasikong Salita tungkol Pagpasok sa Realidad ng Katotohanan

(XIII) Mga Salita tungkol sa Kung Paano Magsikap na Mahalin ang Diyos

160. Ang substansya ng Diyos ay hindi lamang para paniwalaan ng tao; ito ay, higit pa rito, para ibigin ng tao. Subalit karamihan ng tao na naniniwala sa Diyos ay hindi kayang tuklasin itong “lihim.” Hindi naglalakas-loob ang mga tao na ibigin ang Diyos, ni sinusubukan man lang na ibigin Siya. Hindi nila kailanman natuklasan na marami ang kaibig-ibig sa Diyos, hindi nila kailanman natuklasan na ang Diyos ay ang Diyos na nagmamahal sa tao, at Siya ang Diyos na dapat ibigin ng tao. Ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos ay ipinahahayag sa Kanyang gawain: Kapag naranasan lamang nila ang Kanyang gawain, saka lamang matutuklasan ng mga tao ang Kanyang pagiging kaibig-ibig, sa tunay na mga karanasan lamang nila maaaring pahalagahan ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos, at sa hindi pagsunod nito sa tunay na buhay, walang sinuman ang maaaring makatuklas ng pagiging kaibig-ibig ng Diyos. Marami ang kaibig-ibig sa Diyos, nguni’t hindi ito nagagawang tuklasin ng mga tao nang hindi nakikipag-ugnayan sa Kanya nang aktwal. Na ang ibig sabihin, kung hindi naging tao ang Diyos, hindi magagawa ng mga tao ang aktwal na makipag-ugnayan sa Kanya, at kung hindi nila magawang aktwal na makipag-ugnayan sa Kanya, hindi rin sila makararanas ng Kanyang gawain—at pati ang kanilang pag-ibig sa Diyos ay mababahiran ng mga kasinungalingan at imahinasyon. Ang pag-ibig sa Diyos sa langit ay hindi tunay na tulad ng pag-ibig sa Diyos sa lupa, sapagka’t ang pagkilala ng mga tao sa Diyos sa langit ay gawa lamang sa kanilang mga imahinasyon, sa halip na kung ano ang kanilang nakita na sa kanilang sariling mga mata, at kung ano ang kanilang naging sariling karanasan. Kapag dumarating ang Diyos sa lupa, nagagawang pagmasdan ng mga tao ang Kanyang aktwal na mga gawa at Kanyang pagiging kaibig-ibig, at maaari nilang makita ang lahat ng Kanyang praktikal at karaniwang disposisyon, ang lahat ng ito ay libu-libong beses na mas totoo kaysa sa pagkilala sa Diyos sa langit. Hindi alintana kung gaano kamahal ng mga tao ang Diyos sa langit, walang kahit ano ang totoo sa pag-ibig na ito, at ito ay puno ng kuru-kuro ng tao. Gaano man kaliit ang kanilang pag-ibig para sa Diyos sa lupa, ang pag-ibig na ito ay totoo; kahit na may kaunti lamang nito, ito ay totoo pa rin. Nagpapakilala ang Diyos sa tao sa pamamagitan ng tunay na gawain, at sa pamamagitan ng kaalaman na ito nakakamit Niya ang kanilang pag-ibig. Katulad ito ni Pedro: Kung hindi siya nanirahan kasama si Jesus, magiging imposible para sa kanyang sambahin si Jesus. Kaya, gayundin, ang kanyang katapatan kay Jesus ay nabuo sa kanyang pakikipag-ugnayan kay Jesus. Upang mahalin Siya ng tao, ang Diyos ay dumating sa gitna ng tao at namumuhay kasama ng tao, at lahat ng Kanyang ginagawa na makita at maranasan ng tao ay ang realidad ng Diyos.

—mula sa “Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mamumuhay sa Kanyang Liwanag Magpakailanman” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

161. Walang leksiyon na mas malalim kaysa sa turo ng maibiging Diyos, at maaaring sabihing ang leksiyong natututuhan ng mga tao sa habambuhay na paniniwala ay kung paano mahalin ang Diyos. Na ang ibig sabihin, kung naniniwala ka sa Diyos dapat mong mahalin ang Diyos. Kung ikaw lamang ay naniniwala sa Diyos ngunit hindi mo Siya minamahal, hindi pa nakamtan ang pagkilala sa Diyos, at hindi kailanman nagmahal sa Diyos nang tunay na pagmamahal na mula sa loob ng iyong puso, sa gayon ang iyong paniniwala sa Diyos ay walang saysay; kung, sa iyong paniniwala sa Diyos, hindi mo mahal ang Diyos, ikaw ay nabubuhay nang walang kabuluhan, at ang iyong buong buhay ay ang pinakamababa sa lahat ng buhay. Kung, sa kabuuan ng iyong buong buhay, hindi mo kailanman inibig o napasaya ang Diyos, sa gayon ano ang saysay ng iyong pamumuhay? At ano ang saysay ng iyong paniniwala sa Diyos? Hindi ba iyon isang pag-aaksaya ng pagsisikap? Na ang ibig sabihin, kung ang mga tao ay paniniwalaan at iibigin ang Diyos, dapat silang magbigay ng kabayaran. Sa halip na subuking kumilos sa isang tiyak na paraang panlabas, dapat nilang hanapin ang tunay na pag-unawa sa kailaliman ng kanilang mga puso. Kung ikaw ay masigasig tungkol sa pag-awit at pagsayaw, ngunit hindi maisagawa ang pagpapatupad ng katotohanan, maaari bang sabihing ikaw ay umiibig sa Diyos? Ang pag-ibig sa Diyos ay nangangailangan ng paghahanap sa kalooban ng Diyos sa lahat ng bagay, at iyong siyasating mabuti sa kalooban kapag may anumang nangyari sa iyo, subukang maunawaan ang kalooban ng Diyos, at subukang makita kung ano ang kalooban ng Diyos sa bagay na ito, kung ano ang nais Niya na iyong makamit, at kung paano mo dapat alalahanin ang Kanyang kalooban. Halimbawa: May nangyaring kailangan mong pagtiisan ang hirap, sa panahong dapat mong maunawaan kung ano ang kalooban ng Diyos, at kung paano ka dapat umunawa sa Kanyang kalooban. Hindi ka dapat magpakasasa ng iyong sarili: Isantabi muna ang iyong sarili. Wala nang mas kasukla-suklam kaysa sa laman. Kailangan mong magsikap na mapasaya ang Diyos, at dapat tumupad sa iyong tungkulin. Sa gayong saloobin, ang Diyos ay magdadala ng espesyal na kaliwanagan sa inyo sa bagay na ito, at ang inyong puso ay makakahanap din ng kaginhawaan.

—mula sa “Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

162. Ang “pag-ibig,” gaya ng tawag dito, ay tumutukoy sa isang damdamin na dalisay at walang kapintasan, kung saan ginagamit mo ang iyong puso upang magmahal, makaramdam, at maging maalalahanin. Sa pag-ibig walang mga kundisyon, walang mga balakid, at walang agwat. Sa pag-ibig walang paghihinala, walang pandaraya, at walang katusuhan. Sa pag-ibig walang agwat at walang karumihan. Kung nagmamahal ka, hindi ka manlilinlang, magrereklamo, magkakanulo, magrerebelde, mangunguha, o hihiling na tumanggap ng anumang bagay o magtamo ng anumang halaga. Kung nagmamahal ka, malugod kang magsasakripisyo at magtitiis ng kahirapan, at magiging kaayon sa Akin kung gayon. Isusuko mo ang lahat ng iyo para sa Akin: ang iyong pamilya, ang iyong hinaharap, ang iyong kabataan, at ang iyong pag-aasawa. Kung hindi, ang iyong pag-ibig ay hindi tunay na pag-ibig kahit kailan, bagkus ay panlilinlang at pagkakanulo!

—mula sa “Marami ang Tinatawag, Datapuwa’t Kakaunti ang Nahihirang” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

163. Kapag kinakausap ng mga tao ang Diyos gamit ang kanilang mga puso, kapag nagawa ng kanilang mga puso na ganap na bumaling sa Kanya, ito ang unang hakbang ng pag-ibig ng tao para sa Diyos. Kung nais mong ibigin ang Diyos, kailangan mo munang magawang ibaling ang iyong puso sa Kanya. Ano ang pagbaling ng iyong puso sa Diyos? Ito ay kapag ang lahat ng iyong hinahangad sa iyong puso ay para sa kapakanan ng pag-ibig at pagkakamit sa Diyos, at ipinakikita nito na ganap mo nang naibaling ang iyong puso sa Diyos. Maliban sa Diyos at sa Kanyang mga salita, halos wala ng iba pa sa iyong puso (pamilya, kayamanan, asawang lalaki, asawang babae, mga anak o iba pang mga bagay). Kung mayroon man, hindi sila makakapanahan sa iyong puso, at hindi mo iniisip ang iyong hinaharap na mga inaasahan ngunit hahangarin mo lamang ang pag-ibig sa Diyos. Sa gayong pagkakataon naibaling mo na nang ganap ang iyong puso sa Diyos. Ipagpalagay na ikaw ay gumagawa pa rin ng mga panukala para sa iyong sarili sa iyong puso at hinahangad mong palagi ang iyong sariling personal na pakinabang, laging iniisip: “Kailan ako makagagawa ng munting kahilingan sa Diyos? Kailan magiging mayaman ang aking pamilya? Paaano ako makakakuha ng ilang magandang damit? …” Kung ikaw ay nabubuhay sa gayong kalagayan ipinakikita nito na ang iyong puso ay hindi pa ganap na nakabaling sa Diyos. Kung taglay mo lamang ang mga salita ng Diyos sa iyong puso at nakakapanalangin ka sa Diyos at nagiging malapit sa Kanya sa lahat ng pagkakataon, na parang Siya ay talagang malapit sa iyo, na parang ang Diyos ay nasa loob mo at ikaw ay nasa loob Niya, kung ikaw ay nasa loob ng gayong kalagayan, nangangahulugan ito na ang iyong puso ay nasa harapan na ng Diyos. Kung ikaw ay nananalangin sa Diyos at kinakain at iniinom ang Kanyang mga salita sa araw-araw, at palaging iniisip ang ukol sa gawain ng iglesia, kung nagpapakita ka ng pagsasaalang-alang para sa kalooban ng Diyos, ginagamit ang iyong puso upang mahalin Siya nang tunay at mapaluguran ang Kanyang puso, kung gayon ang iyong puso ay pag-aari ng Diyos. Kung ang iyong puso ay tinatahanan ng maraming bilang ng ibang mga bagay, kung gayon ito ay tinatahanan pa rin ni Satanas at ito ay hindi tunay na ibinaling sa Diyos. Kapag ang puso ng sinuman ay tunay na ibinaling tungo sa Diyos, magkakaroon sila ng tunay, kusang pag-ibig sa Kanya at magagawang isaalang-alang ang gawain ng Diyos. Bagamat magtataglay pa rin sila ng hangal at walang saysay na mga kalagayan, maaari silang magkaroon ng pagsasaalang-alang para sa mga kapakanan ng bahay ng Diyos, para sa Kanyang gawain, at para sa isang pagbabago sa kanilang disposisyon. Ang kanilang puso ay ganap na magiging tama.

—mula sa “Ang Tunay na Pag-ibig sa Diyos ay Kusa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

164. Lahat ng bagay na nangyayari sa tao ay kapag kailangan ng Diyos na sila ay manindigan sa kanilang pagpapatotoo sa Kanya. Walang malaking pangyayari sa iyo sa sandaling ito, at hindi ka lubos na nagpapatotoo, nguni’t ang bawat detalye ng iyong pang araw-araw na buhay ay kaugnay sa patotoo sa Diyos. Kung kaya mong makamit ang paghanga ng iyong mga kapatid, mga miyembro ng iyong pamilya, at lahat ng tao sa iyong paligid; kung, isang araw, dumating ang mga hindi naniniwala, at humanga sa lahat na iyong ginagawa, at makitang ang lahat na ginagawa ng Diyos ay kahanga-hanga, sa gayon ikaw ay nagpatotoo. Kahit wala kang panloob-na-pananaw at ang iyong kakayahan ay mababa, sa pamamagitan ng pagperpekto sa iyo ng Diyos, magagawa mong Siya ay bigyang-kasiyahan at pahalagahan ang Kanyang kalooban. Makikita ng iba kung ano ang dakila Niyang nagawa sa mga tao na may pinakamababang kakayahan. Dumarating ang mga tao sa pagkakilala sa Diyos, at nagiging mga mananagumpay laban kay Satanas at matapat sa Diyos sa isang antas ng lawak. Kaya walang sinuman ang mas magkakaroon ng lakas kaysa sa grupong ito ng mga tao. Ito ang magiging pinakadakilang pagpapatotoo. Kahit na ikaw ay walang kakayahan sa paggawa ng dakilang gawa, makakaya mong bigyang-kasiyahan ang Diyos. Hindi maisasantabi ng iba ang kanilang mga paniniwala, nguni’t kaya mo; ang iba ay hindi kayang magbigay patotoo sa Diyos sa panahon ng kanilang aktwal na mga karanasan, nguni’t maaari mong gamitin ang iyong aktwal na tayog at mga pagkilos upang suklian ang pagmamahal ng Diyos at magbigay ng umuugong na pagpapatotoo sa Kanya. Tanging ito lamang ang mahalaga bilang aktwal na pagmamahal sa Diyos.

—mula sa “Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

165. Ang tao ay nabubuhay sa ilalim ng pagkabalot sa impluwensya ng kadiliman, nakagapos sa impluwensya ni Satanas nang walang matatakasan. At ang disposisyon ng tao, pagkatapos nitong napasailalim na sa pagpoproseso ni Satanas, ay nagiging lalo pang tiwali. Masasabi ng isa na ang tao ay noon pa namumuhay kasama ang kanyang tiwali at malasatanas na disposisyon, walang kakayahang tunay na ibigin ang Diyos. Yamang ganito, kung nais ng tao na ibigin ang Diyos, kailangan niyang mahubaran ng kanyang pagmamagaling, labis na pagpapahalaga sa sarili, pagmamataas, pagkamakasarili, at mga gaya nito, na kabilang lahat sa disposisyon ni Satanas. Kung hindi, ang pag-ibig ng tao ay isang maruming pag-ibig, isang pag-ibig kay Satanas, at isa na siguradong hindi makakatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos. Kung hindi nagiging direktang ginagawang perpekto, pinakikitunguhan, binabasag, tinatabas, dinidisiplina, kinakastigo, o pinipino ng Banal na Espiritu, walang sinuman ang tunay na nakakaibig sa Diyos.

—mula sa “Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayahang Kumatawan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

166. Sa kasalukuyan, karamihan sa mga tao ay walang ganoong kaalaman. Naniniwala sila na ang pagdurusa ay walang kabuluhan, tinatalikuran sila ng mundo, ang kanilang buhay sa tahanan ay nililigalig, hindi sila pinakaiibig ng Diyos, at ang kanilang mga inaasahan ay nakapanlulumo. Ang pagdurusa ng ilang tao ay umaabot sa isang partikular na punto, at ang kanilang mga saloobin ay nagiging kamatayan. Hindi ito ang tunay na pag-ibig sa Diyos; ang gayong mga tao ay mga duwag, wala silang pagtitiyaga, sila ay mahihina at walang kapangyarihan! Ang Diyos ay sabik para ibigin Siya ng tao, ngunit habang lalo Siyang iniibig ng tao, lalong mas dumarami ang pagdurusa ng tao, at habang lalong iniibig ng tao ang Diyos, lalong mas dumarami ang mga pagsubok ng tao. Kung iniibig mo Siya, kung gayon lahat ng uri ng pagdurusa ay sasapit sa iyo—at kung hindi mo siya iniibig, kung gayon marahil ang lahat ay magiging maayos para sa iyo, at ang lahat ay magiging payapa sa paligid mo. Kapag iniibig mo ang Diyos, madadama mo na ang marami sa paligid mo ay hindi mapagtatagumpayan, at sapagkat ang iyong tayog ay sobrang liit ikaw ay pipinuhin; bukod dito, wala kang kakayahan na mapalugod ang Diyos, at palagi mong madadama na ang kalooban ng Diyos ay masyadong matayog, na ito ay hindi maaaring abutin ng tao. Dahil sa lahat ng ito ikaw ay pipinuhin—sapagkat maraming kahinaan sa loob mo, at lalo nang wala itong kakayahan na mapalugod ang kalooban ng Diyos, pipinuhin ka sa loob. Ngunit dapat na makita ninyo nang malinaw na ang pagdadalisay ay natatamo lamang sa pamamagitan ng kapinuhan. Kaya, sa panahon ng mga huling araw na ito dapat kayong magpatotoo sa Diyos. Gaano man kalaki ang inyong pagdurusa, dapat kayong magpatuloy hanggang sa kahuli-hulihan, at maging sa inyong huling hininga, dapat pa rin kayong maging tapat sa Diyos, at sa pagsasaayos ng Diyos; tanging ito ang tunay na pag-ibig sa Diyos, at ito lamang ang malakas at matunog na patotoo. Kapag ikaw ay natukso ni Satanas, dapat mong sabihin: “Ang aking puso ay pag-aari ng Diyos, at nakamit na ako ng Diyos. Hindi kita mapalulugod—dapat kong italaga ang lahat sa akin sa pagpapalugod sa Diyos.” Habang lalo mong pinalulugod ang Diyos, lalo kang mas pagpapalain ng Diyos, at lalong lumalaki ang lakas ng iyong pag-ibig para sa Diyos; kaya, gayundin, magkakaroon ka ng pananampalataya at paninindigan, at madadama na walang anuman ang higit na mahalaga o makabuluhan kaysa sa isang buhay na ginugol sa pag-ibig sa Diyos. Maaaring sabihin na hangga't iniibig ng tao ang Diyos, kung gayon walang magiging kalungkutan. Bagama’t may mga pagkakataon na ang iyong laman ay mahina at ikaw ay napaliligiran ng maraming totoong kaligaligan, sa mga panahong ito tunay kang aasa sa Diyos, at sa loob ng iyong espiritu ikaw ay aaliwin, at makadadama ka ng katiyakan, at na magkakaroon ka ng isang bagay na maasahan. Sa ganitong paraan, magagawa mong mapagtagumpayan ang maraming kapaligiran, at kaya hindi ka na magrereklamo tungkol sa Diyos dahil sa kadalamhatian na iyong dinadanas; nanaisin mong umawit, sumayaw, at manalangin, makipagtipon at makipagniig, magbigay ng saloobin sa Diyos, at madadama mo na ang lahat ng tao, mga usapin, at mga bagay sa paligid mo na isinaayos ng Diyos ay naaangkop.

—mula sa “Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

167. Sa panahon ng mapait na pagpipino madaling nahuhulog ang tao sa ilalim ng impluwensiya ni Satanas—kaya paano mo dapat ibigin ang Diyos sa panahon ng gayong pagpipino? Dapat mong patatagin ang iyong kalooban, ialay ang iyong puso sa harap ng Diyos at italaga ang iyong huling sandali sa Kanya. Hindi alintana kung paano ka man pinipino ng Diyos, dapat mong isagawa ang katotohanan upang tuparin ang kalooban ng Diyos, at dapat kang magkusa sa sarili mo na hangarin ang Diyos at hangarin ang pakikipagniig sa Diyos. Sa mga panahong kagaya nito, habang lalo kang walang kibo, lalo kang magiging mas negatibo at magiging mas madali para sa iyo na umurong. Kapag kinakailangan para sa iyo na ipaglingkod ang iyong tungkulin, bagama’t hindi mo ito naipaglilingkod nang mabuti, gawin mo ang lahat ng iyong makakaya, at gawin ito gamit lamang ang iyong pag-ibig sa Diyos; maging anuman ang sasabihin ng iba—sabihin man nilang mahusay ang ginawa mo, o na pangit ang ginawa mo—ang iyong mga pagganyak ay tama, at hindi ka mapagmagaling, sapagka’t ikaw ay kumikilos sa pangalan ng Diyos. Kapag naipagkakamali ka ng iba, nagagawa mong manalangin sa Diyos at sinasabi: “O Diyos! Hindi ko hinihingi na pahintulutan ako ng iba o tratuhin ako nang maayos, ni ako ay maintindihan o sang-ayunan nila. Hinihiling ko lamang na magawa kong ibigin Ka sa aking puso, na ako ay makatitiyak sa aking puso, at na ang aking konsensiya ay malinis. Hindi ko hinihingi na purihin ako ng iba, o tingalain ako; hinahangad ko lamang na mapalugod Ka mula sa aking puso, ipinaglilingkod ko ang aking tungkulin sa pamamagitan ng paggawa sa lahat ng aking makakaya, at bagama’t ako ay hangal at mangmang, at may mahinang kakayahan, at bulag, nalalaman ko na Ikaw ay kaibig-ibig, at nakahanda akong italaga ang lahat ng mayroon ako sa Iyo.” Sa sandaling mananalangin ka sa ganitong paraan, ang iyong pag-ibig para sa Diyos ay lumilitaw, at nakadarama ka ng higit pang katiyakan sa iyong puso. Ito ang kahulugan ng pagsasagawa sa pag-ibig ng Diyos.

—mula sa “Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Pagpipino Maaaring Ibigin Nang Tunay ng Tao ang Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

168. Paano dapat ibigin ng tao ang Diyos sa panahon ng pagpipino? Sa paggamit ng paninindigan upang ibigin ang Diyos upang tanggapin ang Kanyang pagpipino: Sa panahon ng pagpipino ikaw ay nagdurusa sa loob, na para bang isang kutsilyo ang pinipihit sa iyong puso, nguni’t nakahanda kang mapalugod ang Diyos gamit ang iyong puso, na umiibig sa Kanya, at hindi ka nakahandang mag-alala para sa laman. Ito ang kahulugan ng pagsasagawa sa pag-ibig sa Diyos. Ikaw ay nasasaktan sa loob, at ang iyong pagdurusa ay nakarating na sa isang partikular na punto, nguni’t nakahanda ka pa ring lumapit sa harap ng Diyos at manalangin, na sinasabi: “O Diyos! Ikaw ay hindi ko maaaring iwan. Bagama’t mayroong kadiliman sa loob ko, nais kong mapalugod Ka; kilala Mo ang aking puso, at hinihiling ko na maglaan ka ng mas marami sa Iyong pag-ibig sa loob ko.” Ito ay pagsasagawa sa panahon ng pagpipino. Kung gagamitin mo ang pag-ibig sa Diyos bilang saligan, madadala ka ng pagpipino nang mas malapit sa Diyos at gagawin kang mas kapalagayang-loob ng Diyos. Yamang naniniwala ka sa Diyos, dapat mong isuko ang iyong puso sa harap ng Diyos. Kung iaalok mo at iaalay ang iyong puso sa harap ng Diyos, kung gayon sa panahon ng pagpipino magiging imposible para sa iyo na itatwa ang Diyos, o iwan ang Diyos. Sa ganitong paraan ang iyong kaugnayan sa Diyos ay magiging mas malapit na, at mas normal na, at ang iyong pakikipagniig sa Diyos ay magiging mas madalas na. Kung palagi kang nagsasagawa sa ganitong paraan, kung gayon gugugol ka ng mas maraming panahon sa liwanag ng Diyos, at ng mas maraming panahon sa ilalim ng paggabay ng Kanyang mga salita, magkakaroon din ng higit pang mas maraming mga pagbabago sa iyong disposisyon, at ang iyong kaalaman ay madaragdagan araw-araw. Kapag dumating ang araw at ang mga pagsubok ng Diyos ay biglang sumapit sa iyo, hindi ka lamang makapaninindigan sa panig ng Diyos, nguni’t magagawa mo ring magpatotoo sa Diyos. Sa panahong iyon, ikaw ay magiging kagaya ni Job, at ni Pedro. Sa pagpapatotoo sa Diyos iibigin mo Siya nang tunay, at isusuko nang may kagalakan ang iyong buhay para sa Kanya; ikaw ay magiging saksi ng Diyos, at yaong pinakaiibig ng Diyos. Ang pag-ibig na nakaranas ng pagpipino ay matatag, at hindi mahina. Hindi alintana kung kailan o kung paano ka isasailalim ng Diyos sa Kanyang mga pagsubok, nagagawa mong huwag mag-alala kung mamamatay ka man o mabubuhay, isasantabi ang lahat nang may kagalakan para sa Diyos, at masayang titiisin ang anuman para sa Diyos—at kaya ang iyong pag-ibig ay magiging dalisay, at magiging totoo ang pananampalataya. Sa gayon ka lamang magiging yaong tunay na iniibig ng Diyos, at yaong tunay na ginawang perpekto ng Diyos.

—mula sa “Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Pagpipino Maaaring Ibigin Nang Tunay ng Tao ang Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

169. Hindi alintana kung paano man gumagawa ang Diyos o kung anumang uri ng kapaligiran ka naroroon, kung magagawa mong habulin ang buhay, hanaping isagawa ang gawain ng Diyos sa loob mo, at habulin ang katotohanan, at kung mayroon kang pagkaunawa sa mga pagkilos ng Diyos at kaya mong kumilos alinsunod sa katotohanan, sa gayon ito ang iyong dalisay na pananampalataya at ipinakikita nito na hindi ka nawalan ng pag-asa sa Diyos. Tanging kung kaya mo pa ring habulin ang katotohanan sa pamamagitan ng pagpipino, kaya mong tunay na ibigin ang Diyos at hindi mabuuan ng mga alinlangan sa Kanya, kung maging anuman ang Kanyang ginagawa, isinasagawa mo pa rin ang katotohanan upang mapalugod Siya at kaya mong hanapin nang taos-puso ang Kanyang kalooban at maging mapagsaalang-alang sa Kanyang kalooban, sa gayon ito ay nangangahulugang mayroon kang tunay na pananampalataya sa Diyos. Dati, nang sinabi ng Diyos na ikaw ay mamumuno bilang isang hari, inibig mo Siya, at nang hayagan Niyang ipinakita sa iyo ang Kanyang Sarili, hinabol mo Siya. Nguni’t ngayong nakatago ang Diyos, hindi mo Siya nakikita, at dumatal sa iyo ang mga kaguluhan. Sa panahong ito, nawawalan ka ba ng pag-asa sa Diyos? Kaya sa lahat ng panahon dapat mong habulin ang buhay at hanapin na mapalugod ang kalooban ng Diyos. Ito ang tinatawag na dalisay na pananampalataya, at ito ang pinakatotoo at pinakamagandang uri ng pag-ibig.

—mula sa “Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

170. At ano ang pinanghihinayangan ni Pedro nang higit sa lahat? Tinanong ni Jesus si Pedro ng isa pang tanong (bagaman hindi ito nakatala sa Biblia sa ganitong paraan) hindi nagtagal pagkatapos sabihin ni Pedro ang “Ikaw ang Anak ng buhay na Diyos,” at ang tanong ay: “Pedro! Inibig mo ba Ako kahit minsan?” Naunawaan ni Pedro kung ano ang ibig Niyang sabihin, at sinabi: “Panginoon! Minsan kong inibig ang Amang nasa langit, ngunit inaamin ko hindi Kita inibig kailanman.” Pagkatapos sinabi ni Jesus: “Kung hindi iniibig ng mga tao ang Ama sa langit, paano nilang maiibig ang Anak na nasa daigdig? At kung hindi iniibig ng mga tao ang Anak na ipinadala ng Diyos Ama, paano nilang maiibig ang Ama sa langit? Kung tunay na iniibig ng mga tao ang Anak sa daigdig, kung gayon tunay na iniibig nila ang Ama sa langit.” Nang marinig ni Pedro ang mga salitang ito ay natanto niya ang kanyang pagkukulang. Palagi niyang nadarama ang pagsisisi hanggang sa puntong luluha sa kanyang mga salitang “Minsan kong inibig ang Amang nasa langit, ngunit hindi Kita inibig kailanman.” Pagkatapos ng muling-pagkabuhay at pag-akyat sa langit ni Jesus lalong nadama niya ang pagsisisi at pighati sa mga iyon. Inaalala ang kanyang nakaraang gawain at kasalukuyang tayog, madalas siyang nag-uukol ng panalangin kay Jesus, palaging nakadarama ng panghihinayang at pagkakautang dahil sa hindi niya nabigyang-kasiyahan ang ninanasa ng Diyos, at hindi makaabot sa mga pamantayan ng Diyos. Ang mga usaping ito ang naging pinakamalaking pasanin niya. Sinabi niya: “Isang araw iaalay ko sa Iyo ang lahat ng bagay na mayroon ako at lahat ng kung ano ako, ibibigay ko sa Iyo kung anuman ang pinakamahalaga.” Sinabi niya: “O Diyos! Mayroon lamang akong isang pananampalataya at isang pag-ibig. Walang katuturan ang aking buhay, at walang katuturan ang aking katawan. Mayroon lamang akong isang pananampalataya at isang pag-ibig. May pananampalataya ako sa Iyo sa isip ko at pag-ibig para sa Iyo sa aking puso; ang dalawang bagay na ito lamang ang mayroon ako na maibibigay ko sa Iyo at wala nang iba pa.” Lubhang nahikayat si Pedro ng mga salita ni Jesus, dahil bago naipako sa krus si Jesus sinabi Niya sa kanya: “Hindi ako mula sa mundong ito, at ikaw rin ay hindi mula sa mundong ito.” Kinalaunan, nang dumating si Pedro sa sandali ng matinding pasakit, pinaalalahanan siya ni Jesus: “Pedro, nakalimutan mo na ba? Hindi ako mula sa mundo, at dahil lamang sa gawain Ko kaya Ako ay lumisan nang mas maaga. Ikaw rin ay hindi mula sa mundo, nakalimutan mo na ba? Sinabi ko na sa iyo nang dalawang beses, hindi mo ba natatandaan?” Narinig Siya ni Pedro at sinabi: “Hindi ko nakalimutan!” Pagkatapos sinabi ni Jesus: “Minsan mo nang ginugol ang maligayang panahon na kasama Ako sa langit at ilang panahon sa Aking tabi. Nangungulila ka sa Akin, at nangungulila Ako sa iyo. Bagaman hindi karapat-dapat na banggitin ang mga nilalang sa Aking mga mata, paano Kong hindi maiibig ang isang inosente at kaibig-ibig? Nakalimutan mo na ba ang pangako Ko? Dapat mong tanggapin ang Aking tagubilin sa daigdig; dapat mong tuparin ang gawain na ipinagkatiwala Ko sa iyo. Isang araw tiyak na aakayin kita patungo sa Aking tabi.” Pagkatapos marinig ito, mas nahikayat si Pedro, at tumanggap ng mas malaking inspirasyon, nang sa gayon nang siya ay nasa krus, kinaya niyang sabihin: “O Diyos! Hindi Kita maiibig nang sapat! Kahit na hilingin Mo akong mamatay, hindi pa rin Kita maiibig nang sapat! Saan Mo man ipadala ang aking kaluluwa, tuparin Mo man o hindi ang mga pangako Mo, anuman ang gawin Mo pagkatapos, Ikaw ay iniibig ko at naniniwala ako sa Iyo.” Ang kanyang pinanghawakan ay ang kanyang pananampalataya, at tunay pag-ibig.

—mula sa “Paano Nakilala ni Pedro si Jesus” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

171. Noong malapit na siyang mamatay, pagkatapos siyang magawang perpekto, sinabi ni Pedro, “O Diyos! Kung ako ay mabubuhay ng ilan pang mga taon, nais kong magkaroon nang higit pang dalisay at higit pang malalim na pag-ibig sa Iyo.” Noong siya ay ipapako na sa krus, nanalangin siya sa kanyang puso, “O Diyos! Ang Iyong panahon ay dumating na ngayon, ang panahong Iyong inihanda para sa akin ay dumating na. Ako ay dapat maipako sa krus para sa Iyo, dapat akong magpatotoo nito sa Iyo, at umaasa ako na ang aking pag-ibig ay makatutugon sa Iyong mga kinakailangan, at na ito ay magiging higit pang dalisay. Ngayon, ang makayang mamatay para sa Iyo, at maipako sa krus para sa Iyo, ay umaaliw at nagbibigay-katiyakan sa akin, sapagkat wala nang higit pang kasiya-siya sa akin kaysa makayang mapako sa krus para sa Iyo at mabigyang-kasiyahan ang Iyong mga nais, at makayang ibigay ang sarili ko sa Iyo, maialay ang aking buhay sa Iyo. O Diyos! Ikaw ay lubhang kaibig-ibig! Kung tulutan Mo akong mabuhay, lalo pa akong magiging handang ibigin Ka. Habang ako ay buhay, iibigin Kita. Nais kong ibigin Ka pa nang higit na malalim. Hatulan Mo ako, at kastiguhin ako, at subukin ako dahil ako ay hindi matuwid, dahil ako ay nagkasala. At ang Iyong matuwid na disposisyon ay nagiging higit na maliwanag sa akin. Ito ay isang pagpapala sa akin, sapagkat naiibig Kita nang higit na malalim, at handa akong ibigin Ka sa ganitong paraan kahit na hindi Mo ako iniibig. Handa akong makita ang Iyong matuwid na disposisyon, sapagkat mas lalo ako nitong binibigyang-kakayahan upang isabuhay ang isang makahulugang buhay. Nararamdaman ko na ang buhay ko ngayon ay higit na may kabuluhan, sapagkat ipinapako ako sa krus para sa Iyong kapakanan, at napakahalagang mamatay alang-alang sa Iyo. Gayon pa man hindi pa rin ako nakakaramdam na nasisiyahan, sapagkat lubhang kakaunti ang nalalaman ko hinggil sa Iyo, batid ko na hindi ko ganap na matutupad ang Iyong mga nais, at kakaunti ang mga naibayad ko sa Iyo. Sa aking buhay, hindi ko nakayang ibigay ang buong sarili ko sa Iyo; malayo pa ako roon. Habang lumilingon ako sa sandaling ito, nararamdaman ko ang lubhang pagkakautang ko sa Iyo, at mayroon na lamang ako ng sandaling ito upang bumawi mula sa lahat ng pagkakamali ko at lahat ng pag-ibig na hindi ko naibalik sa Iyo.”

—mula sa “Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

172. Tanging ang mga taong umiibig sa Diyos ang nakakayang magpatotoo sa Diyos, sila lamang ang mga saksi ng Diyos, sila lamang ang pinagpala ng Diyos, at tanging sila ang nagagawang makatanggap ng mga pangako ng Diyos. Yaong mga nagmamahal sa Diyos ay mga kaniig ng Diyos, sila ang mga tao na iniibig ng Diyos, at matatamasa nila ang mga pagpapala kasama ang Diyos. Tanging ang mga taong tulad nito ang mabubuhay hanggang sa kawalang-hanggan, at sila lamang ang magpakailanmang mabubuhay sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Diyos. Ang Diyos ay para ibigin ng tao, at Siya ay karapat-dapat sa lahat ng pag-ibig ng tao, nguni’t hindi lahat ng tao ay may kakayahang ibigin ang Diyos, at hindi lahat ng tao ay maaaring magpatotoo sa Diyos at humawak ng kapangyarihan kasama ang Diyos. Dahil sa kaya nilang magpatotoo sa Diyos, at maglaan ng lahat ng kanilang mga pagsisikap sa gawain ng Diyos, ang mga taong tunay na umiibig sa Diyos ay maaaring maglakad saanman sa ilalim ng mga kalangitan nang walang sinumang susubok na tutulan sila, at maaari nilang gamitin ang kapangyarihan sa lupa at pamunuan ang lahat ng tao ng Diyos. Ang mga taong ito ay nagsasama-sama mula sa iba’t ibang dako ng mundo, sila ay nagsasalita ng iba’t ibang wika at may iba’t ibang kulay ng balat, nguni’t ang kanilang pag-iral ay may parehong kahulugan, lahat sila ay may pusong nagmamahal sa Diyos, lahat sila ay dala ang parehong patotoo, at mayroong parehong kapasyahan, at parehong hangarin. Ang mga umiibig sa Diyos ay maaaring maglakad nang malaya sa buong mundo, ang mga taong nagpapatotoo sa Diyos ay maaaring maglakbay sa buong sansinukob. Ang mga taong ito ay minamahal ng Diyos, sila ay pinagpapala ng Diyos, at sila ay magpakailanmang mabubuhay sa Kanyang liwanag.

—mula sa “Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mamumuhay sa Kanyang Liwanag Magpakailanman” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:(XII) Mga Salita tungkol sa Pagkilala sa Diyos

Sumunod:(XIV) Mga Salita tungkol sa Kung Paano Sumailalim sa Paghatol at Pagkastigo, at mga Pagsubok at Pagpipino

Baka Gusto Mo Rin