408 Talaga bang Inalay Mo na ang Iyong Buhay sa Iyong Pananampalataya?

1 Alin sa paniniwala mo sa Diyos? Talaga bang inihandog mo na ang iyong buhay? Kung dinanas ninyo ang mga pagsubok na kagaya ng kay Job, wala ni isa man sa inyong sumusunod sa Diyos sa kasalukuyan ang makapaninindigan, lahat kayo ay babagsak. At mayroon, sa simpleng pananalita, na isang gamundong pagkakaiba sa pagitan ninyo at ni Job. Sa kasalukuyan, kung kalahati sa inyong mga ari-arian ang sinamsam mangangahas kayong ikaila ang pag-iral ng Diyos; kung ang inyong anak na lalaki o babae ay kinuha mula sa inyo, magtatatakbo kayo sa mga lansangan na sumisigaw nang napakasama; kung ang iyong tanging paraan para kumita ay wala nang patutunguhan, makikipagtalo ka sa Diyos; itatanong mo kung bakit Ako nagsabi ng napakaraming salita sa simula upang takutin ka. Walang bagay na hindi ninyo pangangahasang gawin sa gayong mga pagkakataon.

2 Hindi kayo nakatamo ng anumang tunay na pagkaunawa, at walang totoong tayog. Kaya, ang mga pagsubok sa inyo ay napakalaki, sapagka’t napakarami ninyong nalalaman, nguni’t ang inyong tunay na naiintindihan ay ni hindi isa sa isanlibo ng kung ano ang inyong nababatid. Huwag tumigil sa pagkaunawa at kaalaman lamang; pinakamainam ninyong tingnan kung gaano karami ang totoo ninyong maisasagawa, kung gaano sa kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu ang natamo sa pamamagitan ng katas ng inyong sariling pagsisikap, at ilan sa inyong mga pagsasagawa ang napagtanto ninyo ang inyong sariling kapasyahan. Dapat mong seryosohin ang iyong tayog at pagsasagawa. Sa iyong paniniwala sa Diyos, hindi ka dapat nagtatangkang magpatianod na lamang para kaninuman—kung makapagkakamit ka o hindi sa huli ng katotohanan at buhay ay nakasalalay sa iyong sariling paghahangad.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 3

Sinundan: 407 May Natamo Ka na Ba mula sa Maraming Taon ng Iyong Paniniwala?

Sumunod: 409 Ang mga Tao ay Hindi Totoong Naniniwala sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

966 Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat

IKung ang tanongay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.Ang Diyos ay ‘di mapapabayaano maiiwan sa likod ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito