639 Wala pa ba Kayong Gaanong Natatamo mula sa Diyos?
1 Bagaman si Job ay dumaan sa mga pagsubok mula kay Jehova, siya ay isa lamang na matuwid na tao na sumamba kay Jehova, at kahit na nang dumaraan sa gayong mga pagsubok siya ay hindi nagreklamo tungkol sa Kanya, nguni’t pinagkaingat-ingatan niya ang kanyang pakikipagtagpo kay Jehova. Hindi lamang sa hindi pinahahalagahan ng mga tao ngayon ang presensya ni Jehova, ngunit tinatanggihan, kinamumuhian, inirereklamo, at kinukutya pa nila ang Kanyang pagpapakita. Wala ba kayong nakamit na higit pa sa kaunti? Ang pagdurusa ba ninyo ay talagang naging napakalaki? Hindi ba naging mas malaki pa ang inyong mga pagpapala kaysa doon kina Maria at Santiago? Ang inyo bang pagtutol ay naging walang saysay? Maaari kayang ang Aking kinailangan sa inyo, na ang Aking hiningi sa inyo ay naging napakalaki at napakadami?
2 Ang Aking poot ay pinakawalan lamang sa mga Israelitang hindi sumunod sa akin, hindi direkta sa inyo, ngunit ang inyong natamo ay ang Akin lamang walang awang paghatol at mga pagsisiwalat pati na rin ang walang-humpay na maningas na kapinuhan. Sa kabila nito ang mga tao ay nanlalaban at nakikipagtalo pa rin sa Akin nang walang katiting na pagsunod. At mayroon pang mga iba na inilalayo ang mga sarili nila mula sa Akin at itinatatwa Ako; ang ganoong uri ng tao ay hindi mas mabuti kaysa sa pangkat nina Korah at Datan na kumontra kay Moises. Ang mga puso ng mga tao ay naging napakatigas, at ang kanilang mga kalikasan ay napakasutil. Hindi sila kailanman magpapalit ng kanilang mga lumang paraan. Paano malalaman ng mga taong may ganitong uri ng disposisyon na sila ay nagtatamasa ng mga pagpapala na isang daang beses na higit sa dinanas ni Job?
3 Paano nila matutuklasan na ang kanilang tinatamasa ay mga pagpapala na hindi halos nakita sa loob ng buong mga kapanahunan, na wala kahit sinumang tao ang kailanman nakapagtamasa noon? Paano mararamdaman ng mga konsiyensya ng tao ang ganitong uri ng pagpapala na nagdadala ng kaparusahan? Para sabihin nang deretsahan, lahat ng hinihingi Ko sa inyo ay upang kayo ay magiging mga modelo para sa Aking gawain at magiging mga saksi para sa Aking buong disposisyon at lahat ng Aking mga pagkilos, at upang kayo ay maaaring makalaya mula sa mga pagpapahihirap ni Satanas. Subalit ang sangkatauhan ay laging nasusuklam sa Aking gawain at sadyang laban dito. Paano Ako hindi mauudyukan ng ganoong uri ng tao na ibalik ang mga batas ng Israel at dalhin sa kanila ang Aking poot sa Israel?
Hango sa “Ano ang Iyong Pagkaunawa sa mga Pagpapala?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao