2. Naniniwala kami na ang Paghatol ng Dakilang Puting Trono na ipinropesiya sa Aklat ng Pahayag ay nakatuon sa mga hindi mananampalataya na kabilang sa diyablong si Satanas. Pagdating ng Panginoon, ang mga naniniwala sa Kanya ay maiaangat sa langit, kasunod nito ay ibubuhos ng Panginoon ang mga sakuna upang wasakin ang mga hindi mananampalataya. Ito ang Paghatol ng Dakilang Puting Trono, gayunpaman nagpapatotoo ka na ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay nagsimula na. Kaya’t bakit hindi pa natin nakita ang Diyos na nagpaulan ng mga sakuna upang wasakin ang mga hindi mananampalataya? Paano ito magiging Paghatol ng Dakilang Puting Trono?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Sapagkat dumating na ang panahon ng pasimula ng paghatol sa bahay ng Diyos” (1 Pedro 4:17).

“At kung ang sinumang tao’y nakikinig sa Aking mga pananalita, at hindi sumasampalataya, ay hindi Ko siya hinahatulan: sapagkat hindi Ako naparito upang humatol sa sanlibutan, kundi upang iligtas ang sanlibutan. Siya na nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang Daang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47–48).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang gawain ng mga huling araw ay ang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, at ang tapusin ang plano ng pamamahala ng Diyos, sapagkat ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay dumating na. Dinadala ng Diyos ang lahat ng pumapasok sa Kanyang kaharian—ang lahat ng tapat sa Kanya hanggang sa katapusan—patungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo. Subalit, bago dumating ang kapanahunan ng Diyos Mismo, ang gawain ng Diyos ay hindi ang siyasatin ang mga gawa ng tao, o mag-usisa tungkol sa pamumuhay ng tao, kundi ang hatulan ang pagiging mapaghimagsik ng tao, sapagkat dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lumalapit sa harap ng Kanyang luklukan. Lahat ng nakasunod sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsisilapit sa harap ng luklukan ng Diyos, at yamang ganito, ang bawat isang taong tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pakay ng pagdadalisay ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng taong tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pakay ng paghatol ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan

Si Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ilantad ang diwa ng tao, at para himayin ang mga salita at gawa ng tao. Ang mga salitang ito ay naglalaman ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, kung paano dapat magpasakop sa Diyos ang tao, kung paano dapat maging tapat sa Diyos ang tao, kung paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang mga tiwaling disposisyon. Sa partikular, iyong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay lalong mas nakatuon sa kung paanong ang tao ay isang pagsasakatawan ni Satanas, at isang mapanlabang puwersa laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi ganap na ipinapaliwanag ng Diyos ang kalikasan ng tao sa iilang salita; naglalantad at nagpupungos Siya sa mahabang panahon. Ang lahat ng iba’t ibang pamamaraan na ito ng paglalantad at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita; sa halip, ang katotohanang hinding-hindi taglay ng tao ay ginagamit para isakatuparan ang gawaing ito ng paglalantad at pagpupungos. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay magkakamit ng tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa sarili niyang paghihimagsik. Ang gawain ng paghatol ay nagbigay-kakayahan sa tao na magkamit ng malawak na pagkaunawa sa mga layunin ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya kayang arukin. Binigyang-kakayahan din nito ang tao na maunawaan at makilala ang kanyang tiwaling diwa at ang ugat ng kanyang katiwalian, pati na ang matuklasan ang kanyang pangit na mukha. Ang mga epektong ito ay bungang lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananalig sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan

Naniniwala ang ilan na maaaring pumarito sa lupa ang Diyos sa isang hindi pa batid na panahon at magpakita sa tao, kung saan hahatulan Niya mismo ang buong sangkatauhan, susubukan ang bawat isa nang walang sinumang naiiwan. Hindi alam ng mga nag-iisip sa ganitong paraan ang yugtong ito ng gawain ng pagkakatawang-tao. Hindi hinahatulan ng Diyos ang mga tao nang isa-isa, ni hindi sila pinadadaan sa pagsubok nang paisa-isa; hindi magiging gawain ng paghatol ang paggawa ng gayon. Hindi ba’t magkakatulad ang katiwalian ng lahat ng sangkatauhan? Hindi ba’t magkakatulad ang diwa ng lahat ng sangkatauhan? Ang hinahatulan ay ang tiwaling diwa ng sangkatauhan, ang diwa ng tao na ginawang tiwali ni Satanas, at ang lahat ng kasalanan ng tao. Hindi hinahatulan ng Diyos ang maliliit at di-mahahalagang kapintasan ng tao. Ang gawain ng paghatol ay representatibo, at hindi ito isinasagawa nang partikular para sa isang tiyak na tao. Sa halip, gawain ito na kung saan hinahatulan ang isang pangkat ng mga tao upang kumatawan sa paghatol sa lahat ng sangkatauhan. Ang gawaing ginagawa ng Diyos sa katawang-tao ay ang gamitin ang Kanya Mismong gawain sa isang pangkat ng mga tao para katawanin ang gawain sa buong sangkatauhan, pagkatapos ay unti-unti itong ipinalalaganap. Ganito rin ang gawain ng paghatol. Hindi hinahatulan ng Diyos ang isang partikular na uri ng tao o isang partikular na grupo ng mga tao, bagkus ay hinahatulan ang hindi pagkamatuwid ng buong sangkatauhan, tulad ng paglaban ng tao sa Diyos, o ng hindi pagkatakot ng tao sa Kanya, o ng panggugulo ng tao sa gawain ng Diyos. Ang hinahatulan ay ang diwa ng paglaban ng sangkatauhan sa Diyos, at ang gawaing ito ng paghatol ay ang gawain ng paglupig sa mga huling araw. Ang gawain at salita ng Diyos na nagkatawang-tao na nasaksihan ng tao ay ang gawain ng paghatol sa harap ng malaking puting trono sa mga huling araw, na tinaglay ng tao sa kanyang mga kuru-kuro sa mga nakaraang panahon. Ang gawaing kasalukuyang ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ay ang mismong paghatol sa harap ng malaking puting trono. Ang Diyos na nagkatawang-tao ngayon ay ang Diyos na humahatol sa buong sangkatauhan sa panahon ng mga huling araw. Ang katawang-tao na ito at ang gawain, salita, at buong disposisyon ng katawang-taong ito ay ang kabuuan Niya. Bagama’t may hangganan ang saklaw ng gawain ng katawang-taong ito, at hindi direktang sumasaklaw sa buong sansinukob, ang diwa ng gawain ng paghatol ay ang direktang paghatol sa lahat ng sangkatauhan—ang gawaing ito ay hindi lamang para sa kapakanan ng mga hinirang na tao sa Tsina, at hindi rin ito isinasakatuparan para sa kapakanan ng isang maliit na bilang ng mga tao. Sa panahon ng gawain ng Diyos sa katawang-tao, bagama’t hindi kabilang ang buong sansinukob sa saklaw ng gawaing ito, kumakatawan ito sa gawain ng buong sansinukob, at pagkaraan Niyang tapusin ang gawain sa loob ng saklaw ng gawain ng Kanyang katawang-tao, agad Niyang ipapalaganap ang gawaing ito sa bawat lugar sa loob ng sansinukob, sa katulad na paraan na lumaganap ang ebanghelyo ni Jesus kasunod ng Kanyang muling pagkabuhay at pag-akyat sa langit. Gawain man ito ng Espiritu o gawain ng katawang-tao, gawain ito na isinasagawa sa loob ng isang limitadong saklaw, ngunit kumakatawan sa gawain ng buong sansinukob. Sa panahon ng mga huling araw, ginagampanan ng Diyos ang Kanyang gawain sa pamamagitan ng pagpapakita sa Kanyang nagkatawang-taong pagkakakilanlan, at ang Diyos sa katawang-tao ay ang Diyos na humahatol sa tao sa harap ng malaking puting trono. Espiritu man Siya o ang katawang-tao, Siya na gumagawa ng gawain ng paghatol ay ang Diyos na humahatol sa sangkatauhan sa mga huling araw. Natutukoy ito batay sa gawaing Kanyang ginagawa, hindi batay sa Kanyang panlabas na kaanyuan o iba pang mga bagay. Bagama’t nagkikimkim ang tao ng mga kuru-kuro sa mga salitang ito, walang sinuman ang makapagtatatwa sa katunayan ng paghatol at paglupig ng Diyos na nagkatawang-tao sa lahat ng sangkatauhan. Kung anuman ang iniisip ng tao hinggil dito, ang mga katunayan, sa kabila ng lahat, ay mga katunayan. Walang sinuman ang makakayang magsabi na “Ang gawain ay ginagawa ng Diyos, ngunit ang katawang-tao ay hindi Diyos.” Maling kaisipan ito, dahil ang gawaing ito ay maaari lamang gawin ng Diyos sa katawang-tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Higit ang Pangangailangan ng Tiwaling Sangkatauhan sa Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao

Ang gawain ngayon ng paglupig ay naglalayong ibunyag ang magiging kinalabasan ng tao. Bakit sinasabi na ang pagkastigo at paghatol ngayon ay paghatol sa harap ng malaking puting trono ng mga huling araw? Hindi mo ba nakikita ito? Bakit ang gawain ng paglupig ang huling yugto? Hindi ba’t ito mismo ay para ibunyag kung anong klase ng kinalabasan ang sasapitin ng bawat uri ng tao? Hindi ba’t ito ay para tulutan ang lahat, sa panahon ng gawain ng paglupig ng pagkastigo at paghatol, na ipakita ang kanilang tunay na sarili at maibukod-bukod ayon sa kanilang uri? Sa halip na sabihing ito ay paglupig sa sangkatauhan, baka mas maiging sabihin na ito ay pagbubunyag sa kung ano ang magiging uri ng kinalabasan para sa bawat klase ng tao. Ito ay tungkol sa paghatol sa mga kasalanan ng mga tao at pagkatapos ay pagbubunyag sa iba’t ibang klase ng tao, sa gayon ay pinagpapasyahan kung sila ay masama o matuwid. Pagkatapos ng gawain ng paglupig, susunod naman ang gawain ng paggagantimpala sa mabuti at pagpaparusa sa masama. Ang mga taong ganap na nagpapasakop—ibig sabihin ang mga lubusang nalupig—ay ilalagay sa susunod na hakbang ng pagpapalaganap ng gawain ng Diyos sa buong sansinukob; ang mga hindi nalupig ay ilalagay sa kadiliman at mahaharap sa kapahamakan. Sa gayon, ang mga tao ay ibubukod-bukod ayon sa kanilang uri, ang masama ay igugrupo sa masama, mawawalan ng sikat ng araw magpakailanman, at ang mga matuwid ay igugrupo sa mabuti, upang tumanggap ng liwanag at mamuhay sa liwanag magpakailanman.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Totoong Kuwentong Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig (1)

Ang mga huling araw ay kung kailan ang lahat ng bagay ay ibubukod-bukod ayon sa kanilang uri sa pamamagitan ng paglupig. Ang paglupig ay ang gawain sa mga huling araw; sa ibang salita, ang paghatol sa mga kasalanan ng bawat tao ay ang gawain sa mga huling araw. Kung hindi, paano maibubukod-bukod ang mga tao ayon sa kanilang uri? Ang gawain ng pagbubukod-bukod ng bawat isa ayon sa kanilang uri na ginagawa sa gitna ninyo ay ang umpisa ng gayong gawain sa loob ng buong sansinukob. Pagkatapos nito, ang mga tao ng lahat ng lupain at lahat ng bayan ay kakailanganin ding tanggapin ang gawain ng paglupig. Nangangahulugan ito na ang bawat tao sa sangnilikha ay kakailanganing ibukod-bukod ayon sa kanilang uri at magpasailalim sa harap ng hukumang-luklukan upang mahatulan. Walang tao at walang bagay ang makakatakas sa pagdurusa ng pagkastigo at paghatol na ito, at wala ring sinumang tao o bagay ang hindi ibubukod-bukod ayon sa uri nito; ang bawat tao ay kaklasipikahin, dahil ang mga kinalabasan ng lahat ng bagay ay nalalapit na, at ang buong sansinukob ay nakarating na sa pagtatapos nito. Paano makatatakas ang tao sa araw kung kailan ang pag-iral ng tao ay magwawakas na?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Totoong Kuwentong Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig (1)

Naghahari Ako sa kaharian, at, higit pa rito, naghahari Ako sa buong sansinukob; Ako’y kapwa Hari ng kaharian at Pinuno ng sansinukob. Mula sa oras na ito, titipunin Ko ang lahat ng hindi hinirang na mga tao at sisimulan ang Aking gawain sa mga Hentil, at i-aanunsyo Ko ang Aking mga atas administratibo sa buong sansinukob, upang maayos Kong masimulan ang susunod na hakbang ng Aking gawain. Gagamit Ako ng pagkastigo para ipalaganap ang Aking gawain sa mga Hentil, ibig sabihin, gagamit Ako ng “puwersa” laban sa lahat ng Hentil. Natural, ang gawaing ito ay isasagawa kasabay ng Aking gawain sa gitna ng hinirang na mga tao. Kapag gumamit ng kapangyarihan ang Aking mga tao bilang mga hari sa lupa, iyon din ang araw na lahat ng tao sa lupa ay nalupig na, at, higit pa rito, iyon ang panahon na magpapahinga Ako—at saka lamang Ako magpapakita sa lahat ng nalupig na. Nagpapakita Ako sa banal na kaharian, at itinatago ang Aking Sarili mula sa lupain ng karumihan. Lahat ng nalupig at naging mapagpasakop sa Aking harapan ay nagagawang makita ang Aking mukha gamit ang sarili nilang mga mata, at nagagawang marinig ang Aking tinig gamit ang sarili nilang mga tainga. Ito ang pagpapala sa mga isinilang sa mga huling araw, ito ang pagpapalang pauna Kong inorden, at hindi ito mababago ng sinumang tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos Para sa Buong Sansinukob, Kabanata 29

Sinundan: 1. Naniniwala kami na ang Paghatol ng Dakilang Puting Trono ay tumutukoy sa isang malaking mesa na itinakda ng Diyos sa langit, kung saan ang bawat tao ay nakaluhod sa lupa upang ipagtapat ang mga kasalanan na kanilang nagawa sa buong buhay nila, at pagkatapos ay tutukuyin ng Diyos kung papasok sila sa kaharian ng langit o bababa sa impiyerno. Habang ikaw ay nagpapatotoo na ang Diyos ay dumating sa lupa sa katawang-tao at ipinapahayag Niya ang katotohanan at isinasagawa ang gawain ng paghatol ng mga huling araw. Bakit ito naiiba sa ating sariling pag-unawa? Tungkol saan ba talaga ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw?

Sumunod: 3. Sa krus, sinabi ng Panginoong Jesus, “Ito’y tapos na!(Juan 19:30), na nagpapatunay na ang gawain ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan ay ganap nang naisakatuparan. Yamang naniniwala tayo sa Panginoong Jesus, ang ating mga kasalanan ay napatawad na, at tayo ay nabigyang-katwiran sa pamamagitan ng ating pananampalataya. Pagdating ng Panginoon, tayo ay maiaangat nang direkta sa makalangit na kaharian. Bakit kailangan pa ring ipahayag ng Diyos ang katotohanan at isagawa ang gawain ng paghatol at pagdadalisay sa tao?

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 17: Pinatotohanan n’yo na ang Makapangyarihang Diyos ang Diyos ng mga huling araw na nagpapakita at gumagawa, at sinabi n’yo ring naghahanap ng katotohanan ang paniniwala n’yo sa Kanya, at tinatahak n’yo ang tamang daan ng buhay. Pero sa pagkakaalam ko, marami sa mga naniniwala sa Kanya sa Makapangyarihang Diyos ay katulad ng mga misyonaryo ni Jesus, na sa layunin ng pagpapakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos, ay hindi nag-alinlangang iwan ang pamilya at propesyon, at ibinigay ang katawan at kaluluwa sa Diyos. Sa kanilang lahat marami sa mga kabataan ang hindi nagpapakasal, ginagawa nila ang tungkulin nila sa pagsunod kay Cristo ng mga huling araw. Hindi n’yo yata alam na, dahil iniiwan n’yo ang pamilya n’yo at kumikilos para ikalat ang ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos, lalong dumarami ang mga taong naniniwala sa Diyos. Kapag ang lahat ng tao ay napalapit na sa Diyos, sino pang maniniwala sa Partido Komunista, at susunod sa kanila? Malinaw na dahil dito, pinipigilan kayo at inaaresto ng gobyerno. May nakikita ba kayong mali rito? Dahil naniniwala kayo sa Diyos sa ganitong paraan kaya maraming tao ang inaresto at sinintesyahang makulong, at marami ang umalis ng bahay at lumikas. Maraming mag-asawa ang nagdiborsyo, at maraming bata ang walang mga magulang na, magmamahal sa kanila. Maraming matatanda ang walang karamay para mag-alaga sa kanila. Sa paniniwala sa Diyos sa ganitong paraan, dinanas ng mga pamilya ninyo ang matinding paghihirap. Ano ba talagang gusto ninyong makamit? Hindi kaya ito ang tamang daan para sa buhay ng tao na sinasabi n’yo? Ang tradisyunal na kultura ng Tsina ay nagbibigay ng higit na pagpapahalaga sa kabanalan ng pamilya. Ayon sa kasabihan: “Sa lahat ng kabutihan, ang paggalang ng anak sa magulang ang pinakamahalaga.” Sabi ni Confucius: “Habang buhay pa ang mga magulang n’yo, huwag kayong maglalakbay nang malayo.” Ang pagrespeto sa mga magulang ang pundasyon ng pag-uugali ng tao. Sa paniniwala at pagsunod sa Diyos sa paraang ginagawa n’yo, hindi nyo magawang alagaan kahit na ang mga magulang n’yong nagbigay-buhay at nag-aruga sa inyo, pa’no ito naituring na tamang daan para sa buhay ng tao? Madalas kong marinig sa mga tao na, mabubuti ang lahat ng sumasampalataya. Hindi mali yon. Pero naniniwala kayong lahat sa Diyos, sumasamba at nagtatanghal sa Kanya bilang dakila. Ito ang dahilan para magpuyos sa galit ang Partido Komunista, at mapuno ng pagkamuhi. Ginagawa n’yo ang tungkulin n’yo para maikalat ang ebanghelyo, pero ni hindi n’yo maalagaan ang mga sarili n’yong pamilya. Paano ito maituturing na kagandahang asal? Anong masasabi n’yo? Posible kaya na kahit hindi nakikita ay nagkamali kayo ng tinahak na daan sa paniniwala sa Diyos? Sa pagpapakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos sa ganitong paraan, hindi ba’t sinisira n’yo ang pagkakaisa at katatagan ng lipunan? Nakikiusap ako sa inyo na itigil n’yo na ang paggawa ng mali. Bumalik na kayo sa lipunan sa lalong madaling panahon, samahan n’yo na ang pamilya n’yo, magkaro’n ng normal na buhay, at alagaang mabuti ang inyong pamilya. Dapat n’yong gawin ang tungkulin n’yo bilang mga anak at magulang. Ito lang ang pundasyon sa pag-uugali ng tao, at ito lang ang pinakapraktikal.

Sagot: Paulit-ulit mong sinasabi na maling daan ang tinahak namin sa paglisan sa mga pamilya at propisyon namin para maniwala sa Diyos at...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito