2. Dahil hindi nila nakita ang Diyos, sinasabi ng ilang tao na walang Diyos sa mundo, habang ang iba ay gumagamit ng kanilang mga personal na karanasan upang magpatotoo sa pag-iral ng Diyos. Hindi namin alam kung mayroon ba talagang Diyos, kaya paano namin malalaman kung mayroon ngang Diyos o wala?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang kaalaman tungkol sa awtoridad ng Diyos, kapangyarihan ng Diyos, sariling pagkakakilanlan ng Diyos, at diwa ng Diyos ay hindi makakamit sa pamamagitan ng pag-asa sa iyong imahinasyon. Dahil hindi ka makakaasa sa imahinasyon para malaman ang awtoridad ng Diyos, kung gayon, sa anong paraan mo makakamit ang tunay na kaalaman tungkol sa awtoridad ng Diyos? Ang paraan para magawa ito ay sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom sa mga salita ng Diyos, sa pamamagitan ng pagbabahagian, at sa pamamagitan ng pagdanas sa mga salita ng Diyos. Samakatuwid, magkakaroon ka ng unti-unting karanasan at pagpapatunay sa awtoridad ng Diyos at magtatamo ka ng paunti-unting pagkaunawa at nadaragdagang kaalaman tungkol rito. Ito lamang ang tanging paraan para makamit ang kaalaman tungkol sa awtoridad ng Diyos; walang mga madaliang paraan. Ang paghingi sa inyo na huwag itong ilarawan sa isip ay hindi katulad ng pagpapaubaya sa inyo na maupong walang ginagawa at maghintay ng pagkawasak, o pagpigil sa inyo sa paggawa ng anumang bagay. Ang hindi paggamit ng utak ninyo para mag-isip at maglarawan sa isip ay nangangahulugang hindi paggamit ng pangangatwiran para maghinuha, hindi paggamit ng kaalaman para magsuri, hindi paggamit sa siyensya bilang basehan, bagkus ay pagpapahalaga, pagpapatunay, at pagkumpirma na ang Diyos na iyong pinaniniwalaan ay may awtoridad, kinukumpirma na hawak Niya ng kataas-taasang kapangyarihan sa iyong kapalaran, at ang Kanyang kapangyarihan ay nagpapatunay sa lahat ng sandali na Siya ang tunay na Diyos Mismo, sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, sa pamamagitan ng katotohanan, sa pamamagitan ng lahat ng bagay na hinaharap mo sa buhay. Ito ang tanging paraan para magkamit ang sinuman ng pagkaunawa sa Diyos. May mga nagsasabi na ninanais nila na makahanap ng simpleng paraan para makamit ang layuning ito, ngunit may naiisip ba kayong gayong paraan? Sinasabi Ko sa iyo, hindi na kailangang mag-isip: Wala nang ibang paraan! Ang tanging paraan ay matapat at matiyagang alamin at patunayan kung anong mayroon at kung ano ang Diyos sa pamamagitan ng bawat salita na Kanyang ipinahahayag at sa lahat ng Kanyang ginagawa. Ito ang tanging paraan para makilala ang Diyos. Dahil kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, at ang lahat ng bagay na tungkol sa Diyos, ay hindi hungkag at walang-kabuluhan, kundi tunay.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I

Sa kalakhan ng sansinukob at ng kalangitan, di-mabilang na mga nilikha ang naninirahan at nagpaparami, sumusunod sa batas ng siklo ng buhay, at sumusunod sa isang tuntuning hindi nagbabago. Yaong mga namamatay ay tinatangay ang mga kuwento ng mga buhay, at yaong mga buhay ay inuulit ang parehong kalunus-lunos na kasaysayan ng mga pumanaw na. Kaya nga, hindi maiwasan ng sangkatauhan na tanungin ang sarili: Bakit tayo nabubuhay? At bakit kailangan nating mamatay? Sino ang nag-uutos sa mundong ito? At sino ang lumikha sa sangkatauhang ito? Tunay bang nilikha ng Inang Kalikasan ang sangkatauhan? Tunay bang nasa kontrol ng sangkatauhan ang kanyang sariling kapalaran? … Ito ang mga bagay na walang tigil na itinatanong ng sangkatauhan sa loob ng libu-libong taon. Sa kasamaang-palad, habang mas nasasaisip ng tao ang mga katanungang ito, mas nagkakaroon siya ng pagkauhaw sa siyensya. Handog ng siyensya ang panandaliang kaluguran at pansamantalang kasiyahan ng laman, ngunit hindi sapat upang palayain ang tao mula sa pag-iisa, kalungkutan, at halos di-maitagong takot at kawalan ng magagawa sa kaibuturan ng kanyang kaluluwa. Ginagamit lamang ng sangkatauhan ang kaalaman sa siyensya na nakikita ng kanyang mata at nauunawaan ng kanyang utak upang gawing manhid ang kanyang puso. Gayunma’y hindi sapat ang gayong kaalaman sa siyensya upang pigilan ang sangkatauhan sa pagsisiyasat sa mga hiwaga. Hindi lamang alam ng sangkatauhan kung sino ang Pinakamakapangyarihan sa sansinukob at sa lahat ng bagay, lalo na ang simula at hinaharap ng sangkatauhan. Ang tao ay nabubuhay lamang, nang sapilitan, sa gitna ng batas na ito. Walang makakatakas dito at walang makakapagpabago rito, sapagkat sa lahat ng bagay at sa kalangitan ay Iisa lamang ang nagmumula sa walang hanggan hanggang walang hanggan na nagtataglay ng kataas-taasang kapangyarihan sa lahat. Siya Yaong hindi pa nakikita ng tao kailanman, Yaong hindi pa nakikilala ng sangkatauhan kailanman, na kung kaninong pag-iral ay hindi pa napaniwalaan ng sangkatauhan kailanman—gayunma’y Siya ang nagbuga ng hininga sa mga ninuno ng sangkatauhan at nagbigay ng buhay sa sangkatauhan. Siya Yaong nagtutustos at nangangalaga sa sangkatauhan, na nagpapahintulot na siya ay umiral; at Siya Yaong nakagabay sa sangkatauhan hanggang ngayon. Bukod pa rito, Siya at Siya lamang ang inaasahan ng sangkatauhan para sa kaligtasan. Siya ang nagtataglay ng kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay at namumuno sa lahat ng nabubuhay sa sansinukob. Siya ang nag-uutos sa apat na panahon, at Siya ang tumatawag sa hangin, nagyelong hamog, niyebe, at ulan. Siya ang nagdadala ng sikat ng araw sa sangkatauhan at nagpapasimula sa gabi. Siya ang naglatag ng kalangitan at lupa, na nagbibigay sa tao ng mga kabundukan, lawa, at ilog at lahat ng nabubuhay roon. Ang Kanyang mga gawa ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang kapangyarihan ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang karunungan ay nasa lahat ng dako, at ang Kanyang awtoridad ay nasa lahat ng dako. Bawat isa sa mga batas at tuntunin na ito ay sagisag ng Kanyang mga gawa, at bawat isa ay naghahayag ng Kanyang karunungan at awtoridad. Sino ang hindi magpapasaklaw ng kanilang sarili sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan? At sino ang hindi magpapasakop ng kanilang sarili sa Kanyang mga plano? Lahat ng bagay ay umiiral sa ilalim ng Kanyang titig, at bukod pa rito, lahat ng bagay ay nabubuhay sa ilalim ng Kanyang kataas-taasang kapangyarihan. Ang Kanyang mga gawa at Kanyang kapangyarihan ay nag-iiwan sa sangkatauhan na walang pagpipilian kundi kilalanin ang katunayan na Siya ay totoong umiiral at nagtataglay ng kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay. Wala maliban sa Kanya ang makapag-uutos sa sansinukob, lalong walang makapaglalaan nang walang katapusan para sa sangkatauhang ito. Nagagawa mo mang kilalanin ang mga gawa ng Diyos, at naniniwala ka man sa pag-iral ng Diyos, walang duda na ang Diyos ang nagpapasiya sa iyong kapalaran, at walang duda na palaging tataglayin ng Diyos ang kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay. Ang Kanyang pag-iral at awtoridad ay hindi nakasalalay sa kung sila ay kinikilala at naiintindihan ng tao o hindi. Siya lamang ang nakakaalam ng nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap ng tao, at Siya lamang ang maaaring magpasiya sa kapalaran ng sangkatauhan. Kaya mo mang tanggapin ang katunayan na ito, hindi na magtatagal bago masaksihan ng sangkatauhan ang lahat ng ito sa kanyang sariling mga mata, at ito ang katunayan na malapit nang isagawa ng Diyos. Ang sangkatauhan ay nabubuhay at namamatay sa ilalim ng mga mata ng Diyos. Ang tao ay nabubuhay para sa pamamahala ng Diyos, at kapag pumikit ang kanyang mga mata sa huling pagkakataon, para din sa pamamahalang ito kaya pumipikit ang mga ito. Ang tao ay dumarating at umaalis nang paulit-ulit, paroo’t parito. Walang eksepsyon, lahat ng ito ay bahagi ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at ng Kanyang plano. Ang pamamahala ng Diyos ay hindi kailanman tumigil; ito ay patuloy na sumusulong. Papangyayarihin Niyang malaman ng sangkatauhan ang Kanyang pag-iral, pagtiwalaan ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan, mamasdan ang Kanyang mga gawa, at magbalik sa Kanyang kaharian. Ito ang Kanyang plano, at ang gawain na Kanyang pinamamahalaan sa loob ng libu-libong taon.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 3: Maaari Lamang Maligtas ang Tao sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos

Sa sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinisimulan mong gawin ang iyong tungkulin. Para sa plano ng Diyos at sa Kanyang ordinasyon, ginagampanan mo ang iyong papel at sinisimulan ang iyong paglalakbay sa buhay. Anuman ang iyong pinagmulan, at anumang paglalakbay ang nasa iyong harapan, walang makakaiwas sa mga pagsasaayos at plano ng Langit, at walang sinumang may kontrol sa sarili nilang tadhana, dahil Siya lamang na namumuno sa lahat ng bagay ang may kakayahang gawin iyon. Mula nang umiral ang tao, iyon na ang ginagawa ng Diyos, pinamamahalaan ang sansinukob, pinangangasiwaan ang mga panuntunan ng pagbabago para sa lahat ng bagay at kung paano gagalaw ang mga ito. Tulad ng lahat ng bagay, tahimik at hindi alam ng tao na pinalulusog siya ng tamis at ulan at hamog mula sa Diyos; tulad ng lahat ng bagay, hindi alam ng tao na nabubuhay siya sa ilalim ng pagsasaayos ng kamay ng Diyos. Ang puso’t espiritu ng tao ay nasa kamay ng Diyos, lahat ng tungkol sa buhay niya ay namamasdan ng mga mata ng Diyos. Naniniwala ka man dito o hindi, anuman at lahat ng bagay, buhay man o patay, ay lilipat, magbabago, mapapanibago, at maglalaho alinsunod sa mga iniisip ng Diyos. Ganito pinamumunuan ng Diyos ang lahat ng bagay.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

Mula nang sinimulan Niya ang paglikha sa lahat ng bagay, nagsimulang mahayag at mabunyag ang kapangyarihan ng Diyos, dahil gumamit ang Diyos ng mga salita para likhain ang lahat ng bagay. Kahit sa ano pa mang paraan Niya nilikha ang mga iyon, ano man ang dahilan kung bakit Niya nilikha ang mga iyon, ang lahat ng bagay ay nalikha at nanindigan at umiral dahil sa mga salita ng Diyos; ito ang natatanging awtoridad ng Lumikha. Noong panahon bago lumitaw ang sangkatauhan sa mundo, ginamit ng Lumikha ang Kanyang kapangyarihan at awtoridad para likhain ang lahat ng bagay para sa sangkatauhan, at ginamit ang Kanyang mga natatanging pamamaraan para ihanda ang angkop na kapaligiran para sa pamumuhay ng sangkatauhan. Lahat ng Kanyang ginawa ay paghahanda para sa sangkatauhan, na hindi maglalaon ay tatanggap ng Kanyang hininga. Ibig sabihin, noong panahon bago nilikha ang sangkatauhan, naipakita ang awtoridad ng Diyos sa lahat ng nilalang na iba sa sangkatauhan, sa mga bagay na kasing laki ng kalangitan, ng mga tanglaw, ng mga karagatan, at ng kalupaan, at doon sa maliliit na hayop at mga ibon, gayon din sa lahat ng uri ng mga insekto at mikroorganismo, kasama na ang mga iba’t ibang mikrobyo na hindi nakikita ng mata. Binigyan ng buhay ang bawat isa sa pamamagitan ng mga salita ng Lumikha, lumaganap ang bawat isa dahil sa mga salita ng Lumikha, at namuhay ang bawat isa sa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha dahil sa Kanyang mga salita. Kahit na hindi nila natanggap ang hininga ng Lumikha, ipinakita pa rin nila ang buhay at kasiglahan na ipinagkaloob sa kanila ng Lumikha sa pamamagitan ng kanilang mga iba’t ibang anyo at mga kayarian; kahit na hindi sila nakatanggap ng abilidad na makapagsalita na ibinigay sa sangkatauhan ng Lumikha, nakatanggap ang bawat isa ng paraan ng paghahayag ng kanilang buhay na ipinagkaloob sa kanila ng Lumikha, at naiiba sa wika ng tao. Ang awtoridad ng Lumikha ay hindi lamang nagbibigay ng kasiglahan ng buhay sa mga animo’y di-gumagalaw na mga materyal na bagay, para hindi sila kailanman maglaho, kundi nagbibigay rin ng likas na kaisipan sa bawat nabubuhay na manganak at magparami, para hindi sila maglalaho kailanman, at para, sa mga susunod na henerasyon, ipapasa nila ang ipinagkaloob sa kanila ng Lumikha na mga batas at mga prinsipyo ng pananatiling buhay. Ang paraan kung paano ginagamit ng Lumikha ang Kanyang awtoridad ay hindi mahigpit na nakakapit sa malawak o malalim na pananaw, at hindi limitado sa anumang anyo; kaya Niyang pamahalaan ang pagtakbo ng sansinukob at hawakan ang kataas-taasang kapangyarihang sa pagkabuhay at pagkamatay ng lahat ng bagay, at, higit pa rito, kaya Niyang patakbuhin ang lahat ng bagay para sila’y magsilbi sa Kanya; kaya Niyang pamahalaan ang lahat ng ginagawa ng mga kabundukan, ilog, at lawa, at pagharian ang lahat ng bagay na nakapaloob sa kanila, at, higit pa rito, ay kaya Niyang ibigay kung ano ang kailangan ng lahat ng bagay. Ito ang pagpapamalas ng natatanging awtoridad ng Lumikha sa lahat ng bagay bukod sa sangkatauhan. Ang naturang pagpapamalas ay hindi lamang panghabambuhay; ito ay hindi kailanman hihinto, o magpapahinga, at hindi ito mababago o masisira ng sinumang tao o bagay, ni madaragdagan o mababawasan ng sinumang tao o bagay—dahil walang makakapalit sa pagkakakilanlan ng Lumikha, at, samakatuwid, hindi mapapalitan ng anumang nilikha ang awtoridad ng Lumikha; hindi ito naaabot ng anumang di-nilikha.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I

Bago nilikha ang sangkatauhang ito, umiiral na ang kosmos—ang lahat ng planeta at ang lahat ng bituin sa kalangitan. Sa malawakang antas, palagiang umiikot ang mga bagay na ito sa kalangitan, sa ilalim ng kontrol ng Diyos, sa kabuuan ng pag-iral ng mga ito, gaano man karami ang mga nagdaang taon. Kung anong planeta ang pupunta sa kung saan sa kung anong tiyak na oras; kung anong planeta ang gagawa ng kung anong gawain, at kailan; kung anong planeta ang iikot sa kung anong landas ng planeta, at kung kailan ito maglalaho o mapapalitan—lahat ng bagay na ito ay nagpapatuloy nang walang bahagya mang pagkakamali. Ang mga posisyon ng mga planeta at ang mga agwat sa pagitan ng mga ito ay sumusunod sa mahigpit na mga disenyo, na mailalarawang lahat ng tumpak na mga datos; ang mga landas na kanilang tinatahak, ang bilis at mga disenyo ng kanilang mga orbit, ang mga panahon na ang mga ito ay nasa iba’t ibang posisyon—ang lahat ng ito ay makakayang bilangin at ilarawan ng mga natatanging batas. Sa loob ng napakahabang panahon, sumunod ang mga planetang ito sa mga batas na ito, nang walang bahagya mang paglihis. Walang kapangyarihan ang may kakayahang baguhin o gambalain ang kanilang mga landas o ang mga disenyong kanilang sinusundan. Sapagkat naitadhana na ng awtoridad ng Lumikha ang natatanging mga batas na namamahala sa galaw ng mga ito at ang tumpak na mga datos na naglalarawan sa mga ito, kusang sinusunod ng mga ito ang mga batas na ito, sa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan at kontrol ng Lumikha. Sa malawakang antas, hindi mahirap para sa tao ang matuklasan ang ilang disenyo, ilang datos, at ilang naiiba at di-maipaliwanag na mga batas o di-karaniwang kaganapan. Bagama’t hindi tinatanggap ng sangkatauhan na mayroong Diyos, o ang katunayan na ang Lumikha ang gumawa at may kapamahalaan sa lahat ng bagay, at bukod pa rito ay hindi kinikilala ang pag-iral ng awtoridad ng Lumikha, patuloy na higit pang natutuklasan ng mga siyentipiko, astronomo, at pisiko na ang pag-iral ng lahat ng bagay sa sansinukob, at ang mga prinsipyo at mga disenyo na nagtatakda ng kanilang mga pagkilos, ay pinamamahalaan at kinokontrol na lahat ng isang malawak at di-nakikitang madilim na enerhiya. Ang katotohanang ito ang pumipilit sa tao na harapin at kilalanin na may Isang Makapangyarihan sa gitna ng mga disenyong ito ng pagkilos, na nagsasaayos sa lahat ng bagay. Hindi pangkaraniwan ang Kanyang kapangyarihan, at bagama’t walang sinuman ang nakakakita sa Kanyang tunay na mukha, Siya ang namamahala at kumukontrol sa lahat ng bagay sa bawat saglit. Walang tao o lakas ang may kakayahang lumampas sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan. Dahil nahaharap sa ganitong katotohanan, dapat kilalanin ng tao na ang mga batas na namamahala sa pag-iral ng lahat ng bagay ay hindi makakayang kontrolin ng mga tao, hindi makakayang baguhin ninuman; dapat din niyang tanggapin na hindi makakayang ganap na unawain ng mga nilikhang tao ang mga batas na ito; at ang mga ito ay hindi likas na nangyayari, bagkus ay ipinag-uutos ng isang Kataas-taasang Kapangyarihan. Ang lahat ng ito ay pagpapahayag ng awtoridad ng Diyos na maaaring makita ng sangkatauhan sa malawakang antas.

Sa pangmaliitang antas, lahat ng bundok, ilog, lawa, dagat, at kalupaan na maaaring makita ng tao sa lupa, lahat ng nararanasan niyang panahon, lahat ng bagay na naninirahan sa mundo, kabilang na ang mga halaman, hayop, mikroorganismo, at mga tao, ay napaiilalim sa kataas-taasang kapangyarihan at kontrol ng Diyos. Sa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan at kontrol ng Diyos, lahat ng bagay ay nalilikha o naglalaho ayon sa Kanyang mga saloobin; lumilitaw ang mga batas na namamahala sa pag-iral ng mga ito, at lumalago at dumarami ang mga ito sa pagtalima sa mga batas na ito. Walang tao o bagay na hindi saklaw ng mga batas na ito. Bakit ganito? Ang tanging sagot ay ito: Ito ay dahil sa awtoridad ng Diyos. O, sa ibang salita, ito ay dahil sa mga saloobin ng Diyos at mga salita ng Diyos; dahil sa mga pansariling kilos ng Diyos Mismo. Nangangahulugan ito na ang awtoridad ng Diyos at isip ng Diyos ang pinagmumulan ng mga batas na ito na nag-iiba at nagbabago sang-ayon sa Kanyang mga saloobin, at ang mga pag-iiba at mga pagbabagong ito ay nagaganap o lumilipas na lahat alang-alang sa Kanyang plano. Gamiting halimbawa ang mga epidemya. Kumakalat ang mga ito nang walang babala. Walang sinumang nakaaalam sa mga pinagmulan ng mga ito o sa tiyak na dahilan kung bakit nangyayari ang mga ito, at tuwing umaabot ang isang epidemya sa isang partikular na lugar, ang mga tiyak na mapapahamak ay hindi makatatakas sa sakuna. Nauunawaan ng agham ng tao na ang epidemya ay idinudulot ng paglaganap ng mga mabagsik at nakapipinsalang mikrobyo, at ang bilis, saklaw at paraan ng pagkalat ng mga ito ay hindi nahuhulaan o nakokontrol ng agham ng tao. Bagama’t nilalabanan ng mga tao ang mga epidemya sa pamamagitan ng lahat ng posibleng paraan, hindi nila mapipigil kung aling mga tao o hayop ang di-maiiwasang maapektuhan kapag lumaganap ang mga epidemya. Ang tanging magagawa ng mga tao ay ang subukang hadlangan, labanan, at saliksikin ang mga ito. Subalit walang nakaaalam sa mga ugat na sanhi na magpapaliwanag sa simula o katapusan ng anumang epidemya, at walang sinumang makapipigil sa mga ito. Sa harap ng paglitaw at paglaganap ng isang epidemya, ang unang hakbang na isinasagawa ng mga tao ay ang gumawa ng isang bakuna, ngunit kadalasang kusang nawawala ang epidemya bago pa maging handa ang bakuna. Bakit nawawala ang mga epidemya? Sinasabi ng ilan na nakontrol na ang mga mikrobyo, samantalang sinasabi ng iba na namatay ang mga ito dahil sa pagbabago ng panahon…. Kung mapaninindigan man ang mga ligaw na haka-hakang ito, ang agham ay hindi makapaghain ng paliwanag at hindi makapagbigay ng tiyak na sagot. Hindi dapat maniwala ang sangkatauhan sa mga haka-hakang ito, gayundin sa kawalan ng pagkaunawa at takot sa mga epidemya ng sangkatauhan. Sa huling pagsusuri, walang sinumang nakaaalam kung bakit nagsisimula ang mga epidemya o kung bakit natatapos ang mga ito. Sapagkat nananalig lamang ang sangkatauhan sa agham, ganap na umaasa rito, at hindi kinikilala ang awtoridad ng Lumikha o tinatanggap ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan, kailanman ay wala silang matatamong sagot.

Sa ilalim ng dakilang kapangyarihan ng Diyos, ang lahat ng bagay ay isinisilang, nabubuhay, at namamatay dahil sa Kanyang awtoridad at sa Kanyang pamamahala. May ilang bagay na dumarating at umaalis nang tahimik, at hindi masasabi ng tao kung saan nanggaling ang mga ito o maunawaan ang mga disenyong sinusunod ng mga ito, lalong hindi maunawaan ang mga dahilan kung bakit dumarating at umaalis ang mga ito. Bagaman maaaring makita ng tao ang lahat ng nangyayari sa lahat ng bagay, at maaaring marinig ito ng kanyang mga tenga, at maaaring maranasan ito ng kanyang katawan; bagaman may epekto ang lahat ng ito sa tao, at bagama’t halos hindi namamalayang inuunawa ng tao ang pagiging hindi pangkaraniwan, regular, o maging ang pagiging kataka-taka ng iba’t ibang pangyayari, wala pa rin siyang alam tungkol sa kalooban at isipan ng Lumikha na nasa likod ng mga ito. Maraming kuwento sa likod ng mga pangyayaring ito, maraming natatagong katotohanan. Dahil ang tao ay nalihis nang malayo mula sa Lumikha, dahil sa hindi niya tinatanggap ang katotohanan na ang awtoridad ng Lumikha ang namamahala sa lahat ng bagay, kailanma’y hindi niya malalaman at mauunawaan ang lahat ng nangyayari sa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan ng awtoridad ng Lumikha. Sa kalakhang bahagi, ang pagkontrol at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos ay lumalampas sa mga hangganan ng imahinasyon ng tao, ng kaalaman ng tao, ng pagkaunawa ng tao, ng kayang makamit ng siyensiya ng tao; lumalampas ito sa kakayahan ng nilikhang sangkatauhan. May ilang tao ang nagsasabi, “Yamang hindi mo mismo nasaksihan ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, paano mo mapaniniwalaan na ang lahat ay nasa ilalim ng Kanyang awtoridad?” Ang pagkakita ay hindi palaging paniniwala; at hindi rin ito palaging pagkilala at pagkaunawa. Kaya saan nagmumula ang paniniwala? Masasabi Ko nang may katiyakan na, “Ang paniniwala ay nagmumula sa antas at lalim ng pangamba ng tao, ng karanasan ng tao, sa realidad at ugat na mga dahilan ng mga bagay.” Kung ikaw ay naniniwala na mayroong Diyos, ngunit hindi mo makilala, at mas lalong di-makita, ang katotohanan ng pagkontrol ng Diyos at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay, samakatuwid hindi mo kailanman aaminin sa puso mo na ang Diyos ay may ganitong uri ng awtoridad at ang awtoridad ng Diyos ay natatangi. Kailanma’y hindi mo tunay na matatanggap ang Lumikha bilang iyong Panginoon at iyong Diyos.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III

Madalas na sinasabi ng mga tao na hindi madaling bagay ang makilala ang Diyos. Ngunit sinasabi Ko na ang pagkilala sa Diyos ay hindi talaga isang mahirap na bagay, sapagkat madalas na ipinapakita ng Diyos sa tao ang Kanyang mga gawa. Hindi kailanman itinigil ng Diyos ang Kanyang pakikipag-usap sa sangkatauhan; at hindi Niya kailanman ikinubli ni itinago ang Sarili Niya mula sa tao. Ang Kanyang mga kaisipan, ang Kanyang mga ideya, ang Kanyang mga salita at ang Kanyang mga gawa ay ibinubunyag na lahat sa sangkatauhan. Samakatuwid, hangga’t nais ng tao na kilalanin ang Diyos, maaari niyang unawain at kilalanin Siya sa pamamagitan ng lahat ng uri ng mga paraan at pamamaraan. Ang dahilan kung bakit bulag na iniisip ng tao na sinasadyang iwasan siya ng Diyos, na sinasadyang pagtaguan ng Diyos ang sangkatauhan, na ang Diyos ay walang intensyon na pahintulutan ang tao na unawain at kilalanin Siya, ay yaong hindi niya alam kung sino ang Diyos, ni ninanais na maunawaan ang Diyos. Lalong higit pa riyan, wala siyang pakialam sa mga kaisipan, mga salita o mga gawa ng Lumikha…. Sa totoo lang, kung ginagamit lamang ng isa ang kanilang bakanteng oras upang pagtuunan ng pansin at unawain ang mga salita o gawa ng Lumikha, at kung magbibigay sila ng kaunting pansin sa mga kaisipan ng Lumikha at sa tinig ng Kanyang puso, hindi magiging mahirap para sa kanila na mapagtanto na nakikita at malinaw ang mga kaisipan, mga salita at mga gawa ng Lumikha. Gayundin, kakailanganin ang kaunting pagsisikap upang mapagtanto na ang Lumikha ay kasama ng tao sa lahat ng pagkakataon, na lagi Siyang nakikipag-usap sa tao at sa kabuuan ng sangnilikha, at Siya ay gumaganap ng mga bagong gawa sa araw-araw. Ang Kanyang diwa at disposisyon ay ipinahahayag sa Kanyang pakikipag-usap sa tao; ang Kanyang mga kaisipan at mga ideya ay ganap na ibinubunyag sa Kanyang mga gawa; Sinasamahan Niya at inoobserbahan ang sangkatauhan sa lahat ng pagkakataon. Tahimik Siyang nakikipag-usap sa sangkatauhan at sa buong sangnilikha sa Kanyang tahimik na mga salita: Ako ay nasa kalangitan, at Ako ay kasama ng Aking sangnilikha. Ako ay patuloy na nagmamasid; Ako ay naghihintay; Ako ay nasa iyong tabi…. Ang Kanyang mga kamay ay mainit-init at malakas; ang Kanyang mga yapak ay magaan; ang Kanyang tinig ay mahina at kaaya-aya; ang Kanyang anyo ay pabalik-balik, niyayakap ang buong sangkatauhan; ang Kanyang mukha ay maganda at magiliw. Hindi Siya kailanman lumisan, ni naglaho man. Araw at gabi, Siya ang palaging kasama ng sangkatauhan, hindi umaalis sa kanilang tabi kailanman.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II

Sa ilalim ng awtoridad ng Diyos, aktibo o di-aktibong tinatanggap ng bawat tao ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at ang Kanyang mga pagsasaayos, at kahit paano pa nakikibaka sa kurso ng kanyang sariling buhay ang tao, kahit gaano pa karami ang mga baluktot na daan na nilalakaran niya, sa huli ay babalik siya sa landas ng kapalaran na iginuhit ng Lumikha para sa kanya. Ito ang pagiging di-nagagapi ng awtoridad ng Lumikha at ang paraan kung saan ang Kanyang awtoridad ang nagkokontrol at namamahala sa sansinukob. Ang pagiging di-nagagaping ito, ang anyong ito ng pagkontrol at pamamahala na may pananagutan sa mga batas na nagdidikta sa mga buhay ng lahat ng bagay, na nagpapahintulot sa mga taong isilang muli’t muli nang walang panghihimasok, na regular na nagpapaikot at nagpapasulong sa mundo, araw-araw, taun-taon. Nasaksihan ninyo ang lahat ng katotohanang ito at nauunawaan ang mga ito, sa mababaw man o malalim na paraan, at ang lalim ng inyong pagkaunawa ay nakabatay sa inyong karanasan at kaalaman sa katotohanan, at sa inyong kaalaman sa Diyos. Kung gaano kahusay mong nalalaman ang katotohanang realidad, kung gaano mo naranasan ang mga salita ng Diyos, kung gaano kahusay na nalalaman ang diwa at disposisyon ng Diyos—ang lahat ng ito ay kumakatawan sa lalim ng iyong pagkaunawa sa kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos. Ang pag-iral ba ng kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos ay nakabatay sa pagpapasakop ng mga tao sa mga ito? Ang katotohanan ba na nag-aangkin ang Diyos ng awtoridad na ito ay tinutukoy ng pagpapasakop ng sangkatauhan dito? Umiiral ang awtoridad ng Diyos kahit ano pa ang mga kalagayan. Sa lahat ng sitwasyon, idinidikta at isinasaayos ng Diyos ang kapalaran ng bawat tao at ng lahat ng bagay ayon sa Kanyang mga iniisip at sa Kanyang mga ninanais. Hindi ito magbabago dahil nagbabago ang mga tao; ito ay hindi umaasa sa kalooban ng tao at hindi maaaring baguhin ng anumang pagbabago sa panahon, espasyo, at heograpiya, sapagkat ang awtoridad ng Diyos ay ang Kanyang pinakadiwa. Nalalaman at tinatanggap man ng tao ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos o hindi, nagpapasakop man ang tao dito o hindi—hindi nito binabago nang kahit kaunti ang katotohanan ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao. Ibig sabihin, kahit ano pa man ang saloobin ng tao sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, hindi nito maaaring basta na lang baguhin ang katotohanan na ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa kapalaran ng tao at sa lahat ng bagay. Kahit na hindi ka nagpapasakop sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, Siya pa rin ang may hawak sa iyong kapalaran; kahit na hindi mo nalalaman ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan, umiiral pa rin ang Kanyang awtoridad. Ang awtoridad ng Diyos at ang katotohanan ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao ay hindi umaasa sa kalooban ng tao, at hindi nagbabago ayon sa mga kagustuhan at mga pinipili ng tao. Ang awtoridad ng Diyos ay nasa lahat ng dako, sa bawat oras, sa bawat sandali. Ang Langit at lupa ay lilipas, ngunit ang Kanyang awtoridad ay hindi kailanman lilipas, sapagkat Siya ay ang Diyos Mismo, Siya ang nag-aangkin ng natatanging awtoridad, at ang awtoridad Niya ay hindi nalalagyan ng hangganan o nalilimitahan ng mga tao, mga pangyayari, o mga bagay, ng espasyo o ng heograpiya. Sa lahat ng panahon, hawak ng Diyos ang Kanyang awtoridad, ipinakikita Niya ang Kanyang lakas, ipinagpapatuloy gaya ng dati ang Kanyang gawaing pamamahala; sa lahat ng panahon ay pinamamahalaan Niya ang lahat ng bagay, naglalaan para sa lahat ng bagay, isinasaayos ang lahat ng bagay—gaya ng palagi Niyang ginagawa. Walang sinuman ang makapagpapabago rito. Ito ay katotohanan; ito ang hindi nagbabagong katotohanan mula pa noong unang panahon!

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III

Sinundan: 1. Bakit dapat manalig ang mga tao sa Diyos?

Sumunod: 3. Ang buhay ng mga tao ay matatapos sa isang iglap, sa loob ng ilang dosenang taon. Sa pagbabalik tanaw, inaalala nila ang kanilang buhay: pagpasok sa paaralan, pagtatrabaho, pag-aasawa, pagkakaroon ng mga anak, paghihintay sa kamatayan, ang kanilang buong buhay ay abalang ginugol sa pagsisikap para sa kapakanan ng pamilya, pera, katayuan, suwerte at kasikatan, lubos na walang tunay na direksyon at mga layunin ng pag-iral ng tao, at hindi makahanap ng anumang halaga o kahulugan sa buhay. Kaya’t ang mga tao ay nabubuhay nang sunod-sunod na henerasyon sa pasakit at hungkag na pamamaraang ito. Bakit ang buhay ng mga tao ay napakasaklap at hungkag? At paano malulutas ang kirot at kahungkagan ng pag-iral ng tao?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 7: Ang CCP ay isang rebolusyonaryong partido. Ang pinaniniwalaan nito ay kabastusan at karahasan, ibig sabihin, pag-agaw sa kapangyarihan nang may karahasan! Kung tatanggapin natin ang katwiran ng CCP, “Ang isang kasinungalingan ay nagiging katotohanan kung uulit-ulitin nang sampung libong beses.” Gaano man karaming tao ang nagdududa sa salita nito, tumatanggi at hindi naniniwala rito, walang pakialam ang CCP kahit bahagya, at patuloy pa rin itong nagsisinungaling at nanlilinlang. Basta’t makakamtan nito ang mga agarang epekto at minimithi nito, wala itong pakialam sa magiging kapalit! Kung magrebelde at magprotesta ang mga tao laban dito, gagamit ito ng mga tangke at machine gun para lutasin ang lahat. Kapag kailangan, gagamit ito ng mga bomba atomika at missile para labanan ang mga puwersa ng kalaban. Maaaring gawin ng CCP ang lahat para manatili ito sa paghahari. Nang ipahayag sa publiko ang kaso sa Zhaoyuan sa Shandong, ang CCP ay nagpasimula ng maramihang pagpapadala ng mga sandatahang pulis para supilin at arestuhin ang mga Kristiyano anuman ang mangyari. Sino ang makakapigil dito? Sino ang nangahas na lumaban? Kahit nang makita ng mga dayuhan ang panloloko ng CCP, ano ang magagawa nila? Maraming paraan ang CCP para labanan ang pagtuligsa ng mga demokratikong puwersa ng mga taga-Kanluran. Gumagamit ito ng pera para ayusin ang lahat. May kasabihan nga na, “Sinumang tumanggap ng regalo ay ibinebenta ang kanyang kalayaan.” Paunti nang paunti ang mga bansang tumutuligsa sa CCP ngayon. Takot ang puwersa ng mga kaaway ng CCP na iparinig ang kanilang opinyon. Paano man n’yo ito sabihin, naigigiit pa rin ng CCP ang paghahari nito. Hangga’t may kapangyarihan ang Communist Party, kayong mga nananalig sa Diyos ay hindi makakaasang maging malaya! Ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa China ay talagang kamumuhian at ipagbabawal ng CCP. Makamtan man ng CCP ang mithiin nitong magbuo ng ateismo sa China o hindi, hindi ito titigil kailanman sa pag-aresto at pagsupil sa inyo! Matagal na itong malinaw sa akin. Kaya nga tinututulan kong mabuti ang pananalig n’yo sa Makapangyarihang Diyos. Para sa kapakanan n’yo ’yan, hindi n’yo ba nauunawaan?

Sagot: Napakasama ng CCP, pero umuunlad pa rin ito sa mundo at walang nangangahas na hadlangan ito. Ibig kayang sabihin n’yan ay permanente...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito