5. Sa mga kapanahunan ng Luma at Bagong Tipan, ang Diyos ay gumawa sa Israel. Ipinropesiya ng Panginoong Jesus na Siya ay babalik sa mga huling araw, kaya’t sa Kanyang pagbabalik, Siya ay dapat dumating sa Israel. Gayunpaman nagpapatotoo ka na ang Panginoong Jesus ay bumalik na, na Siya ay nagpakita sa katawang-tao at isinasagawa ang Kanyang gawain sa China. Ang China ay isang bansa na pinamumunuan ng isang ateistang partidong politikal. Walang bansa ang mayroong mas matinding pagtutol sa Diyos at pag-uusig ng mga Kristiyano. Papaanong ang pagbabalik ng Panginoon ay sa China?
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“Sapagkat mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyaon, magiging dakila ang Aking pangalan sa mga Hentil…, sabi ni Jehova ng mga hukbo” (Malakias 1:11).
“Gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. Saan man naroon ang bangkay, ay doon mangagkakatipon ang mga uwak” (Mateo 24:27–28).
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang Diyos ang Panginoon ng Lahat ng Nilikha
Ang isang yugto ng gawain ng naunang dalawang kapanahunan ay isinakatuparan sa Israel, at ang isa ay isinakatuparan sa Judea. Sa pangkalahatan, alinman sa mga yugto ng gawaing ito ay hindi iniwan ang Israel, at bawat isa ay isinagawa sa unang mga taong hinirang. Dahil dito, naniniwala ang mga Israelita na ang Diyos na si Jehova ay Diyos lamang ng mga Israelita. Dahil gumawa si Jesus sa Judea, kung saan tinapos Niya ang gawain ng pagpapapako sa krus, ang tingin sa Kanya ng mga Hudyo ay Manunubos ng mga Hudyo. Akala nila ay Hari lamang Siya ng mga Hudyo, hindi ng sinumang iba pang mga tao; na hindi Siya ang Panginoong tumutubos sa mga Briton, ni hindi Siya ang Panginoong tumutubos sa mga Amerikano, kundi Siya ang Panginoong tumutubos sa mga Israelita; at ang mga Hudyo ang tinubos Niya sa Israel. Sa totoo lang, ang Diyos ang May Kataas-taasang Kapangyarihan sa lahat ng bagay. Siya ang Diyos ng lahat ng nilikha. Hindi lamang Siya Diyos ng mga Israelita, ni ng mga Hudyo; Diyos Siya ng lahat ng nilikha. Ang naunang dalawang yugto ng Kanyang gawain ay naganap sa Israel, at ang mga tao ay nagkaroon ng mga kuru-kuro bilang resulta nito. Naniniwala sila na ginawa ni Jehova ang Kanyang gawain sa Israel, na si Jesus Mismo ang nagsakatuparan ng Kanyang gawain sa Judea, at, bukod pa rito, na ginawa ni Jesus ang gawaing ito sa laman. Ano’t anuman, iniisip nila, ang gawaing ito ay hindi lumagpas pa sa Israel. Hindi gumawa ang Diyos sa mga taga-Ehipto o sa mga Indiano; gumawa lamang Siya sa mga Israelita. Sa gayon ay nakabuo ng iba’t ibang kuru-kuro ang mga tao, at nilimitahan ang gawain ng Diyos sa isang tiyak na saklaw. Sinasabi nila na kapag gumagawa ang Diyos, kailangan Niyang gawin iyon sa mga taong hinirang, at sa Israel; maliban sa mga Israelita, hindi na gumagawa ang Diyos sa iba, ni wala nang anumang mas malawak na saklaw ang Kanyang gawain. Napakahigpit nila pagdating sa pagkokontrol sa Diyos na nagkatawang-tao, at hindi nila Siya pinapayagang kumilos nang lampas sa mga hangganan ng Israel. Hindi ba mga kuru-kuro lamang ng tao ang lahat ng ito? Ginawa ng Diyos ang lahat ng langit at lupa at lahat ng bagay, ginawa Niya ang lahat ng nilikha, kaya paano Niya lilimitahan ang Kanyang gawain sa Israel lamang? Kung magkagayon, ano ang silbi ng paglalang Niya sa lahat ng nilikha? Nilikha Niya ang buong mundo, at naisakatuparan Niya ang Kanyang anim na libong taong plano ng pamamahala hindi lamang sa Israel, kundi sa bawat tao sa sansinukob. Ano ka man—Tsino, Amerikano, Briton, Ruso—bawat tao ay inapo ni Adan; lahat sila ay nilalang ng Diyos. Walang isa man sa kanila ang makakatakas sa mga hangganan ng mga nilikha, at wala ni isa sa kanila ang makakahiwalay sa titulo na “inapo ni Adan.” Lahat sila ay mga nilikha, at lahat sila ay supling ni Adan, at lahat sila ay mga tiwaling inapo rin nina Adan at Eba. Hindi lamang ang mga Israelita ang mga nilikha, kundi lahat ng tao; kaya lamang ay isinumpa na ang ilan, at napagpala ang ilan. Maraming kanais-nais na bagay tungkol sa mga Israelita; gumawa ang Diyos sa kanila sa simula dahil sila ang mga taong pinaka-hindi gaanong tiwali. Hindi maikukumpara ang mga Tsino sa kanila; hamak na mas mababa ang mga ito. Kaya, gumawa ang Diyos sa mga tao ng Israel sa simula, at ang pangalawang yugto ng Kanyang gawain ay isinakatuparan lamang sa Judea—na humantong na sa pagkabuo ng maraming kuru-kuro at regulasyon sa mga tao. Sa katunayan, kung kikilos ang Diyos ayon sa mga kuru-kuro ng tao, magiging Diyos lamang Siya ng mga Israelita, at sa gayon ay hindi Niya makakayang ipalaganap ang Kanyang gawain sa mga bayan ng Hentil, sapagkat magiging Diyos lamang Siya ng mga Israelita, at hindi Diyos ng lahat ng nilikha. Isinaad sa mga propesiya na ang pangalan ni Jehova ay magiging dakila sa mga bayan ng Hentil, na lalaganap ito sa mga bayan ng Hentil. Bakit ito ipinropesiya? Kung ang Diyos ay Diyos lamang ng mga Israelita, sa Israel lamang Siya gagawa. Bukod pa riyan, hindi Niya palalaganapin ang gawaing ito, at hindi Siya gagawa ng ganitong propesiya. Dahil ginawa nga Niya ang propesiyang ito, siguradong ipapalaganap Niya ang Kanyang gawain sa mga bayan ng Hentil, sa loob ng bawat bansa at lahat ng lupain. Dahil sinabi Niya ito, kailangan Niyang gawin ito; ito ang Kanyang plano, sapagkat Siya ang Panginoon na lumikha sa langit at lupa at lahat ng bagay, at ang Diyos ng lahat ng nilikha. Gumagawa man Siya sa mga Israelita, o sa buong Judea, ang gawaing Kanyang ginagawa ay ang gawain ng buong sansinukob, at ang gawain ng buong sangkatauhan. Ang gawaing Kanyang ginagawa ngayon sa bansa ng malaking pulang dragon—sa isang bayan ng Hentil—ay gawain pa rin ng buong sangkatauhan. Ang Israel ay maaaring maging pundasyon ng Kanyang gawain sa lupa; gayundin, maaari ding maging pundasyon ang Tsina sa Kanyang gawain sa mga bayan ng Hentil. Hindi ba natupad na Niya ngayon ang propesiya na “ang pangalan ni Jehova ay magiging dakila sa mga bayan ng Hentil”? Ang unang hakbang ng Kanyang gawain sa mga bayan ng Hentil ay ang gawaing ito, ang gawaing Kanyang ginagawa sa bansa ng malaking pulang dragon. Salungat talaga sa mga kuru-kuro ng tao ang paggawa ng Diyos na nagkatawang-tao sa lupaing ito, at ang paggawa sa mga isinumpang taong ito; sila ang mga taong pinakaaba sa lahat, wala silang halaga, at sa simula ay inabandona sila ni Jehova. Ang mga tao ay maaaring talikuran ng ibang mga tao, ngunit kung inabandona sila ng Diyos, sila na ang may pinakamababang katayuan, sila na ang may pinakamababang halaga. Para sa isang nilikha, ang maangkin ni Satanas o matalikuran ng mga tao ay isang bagay na napakasakit—ngunit ang isang nilikha na inabandona ng Lumikha ay nangangahulugan na wala nang mas mababa pa sa kanyang katayuan. Ang mga inapo ni Moab ay isinumpa, at isinilang sila sa paurong na bansang ito; walang duda, sa lahat ng taong nasa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman, ang mga inapo ni Moab ang may pinakamababang katayuan. Dahil ang mga taong ito ay may pinakamababang katayuan noon pa man, ang gawaing ginagawa sa kanila ang pinakabumabasag sa mga kuru-kuro ng tao, at pinakakapaki-pakinabang din sa buong anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos. Ang paggawa ng gayong gawain sa mga taong ito ang pinakanakakabasag sa mga kuru-kuro ng tao, at sa pamamagitan nito ay inilulunsad ng Diyos ang isang kapanahunan; sa pamamagitan nito ay binabasag Niya ang lahat ng kuru-kuro ng tao; sa pamamagitan nito ay tinatapos Niya ang gawain ng buong Kapanahunan ng Biyaya. Ang Kanyang inisyal na gawain ay isinakatuparan sa Judea, sa loob ng mga hangganan ng Israel; sa mga bayan ng Hentil, wala Siyang ginawang anumang gawain para maglunsad ng isang bagong kapanahunan. Ang huling yugto ng gawain ay hindi lamang isinasakatuparan sa mga Hentil, kundi lalo na sa mga taong isinumpa. Ang isang puntong ito ang katibayan na may pinakamalaking kakayahang pahiyain si Satanas, at sa gayon, ang Diyos ay “nagiging” Diyos ng lahat ng nilikha sa sansinukob, ang Panginoon ng lahat ng bagay, ang pakay ng pagsamba para sa lahat ng bagay na may buhay.
Ngayon, may mga hindi pa rin nakakaunawa kung anong bagong gawain ang nasimulan ng Diyos. Sa mga bayan ng Hentil, nagpasimula na ang Diyos ng isang bagong panimula. Nagpasimula Siya ng isang bagong kapanahunan, at nagpasimula ng bagong gawain—at ginagampanan Niya ang gawaing ito sa mga inapo ni Moab. Hindi ba ito ang Kanyang pinakabagong gawain? Wala pang sinuman sa lahat ng kapanahunan at henerasyon ang nakaranas ng gawaing ito kailanman. Ni wala pang nakarinig dito, lalo nang walang nakaarok dito. Ang karunungan, pagiging kamangha-mangha, pagiging di-maarok, kadakilaan, at kabanalan ng Diyos ay pawang naibubunyag sa yugtong ito ng gawain, ang gawain sa mga huling araw. Hindi ba ito bagong gawain, gawaing bumabasag sa mga kuru-kuro ng tao? May mga nag-iisip ng ganito: “Yamang isinumpa ng Diyos si Moab at sinabi na aabandonahin Niya ang mga inapo ni Moab, paanong ililigtas Niya sila ngayon?” Sila iyong mga Hentil na isinumpa ng Diyos at pinaalis sa Israel; tinawag sila ng mga Israelita na “mga asong Hentil.” Sa paningin ng lahat, hindi lamang sila mga asong Hentil, kundi mas masahol pa, mga anak ng pagkawasak; na ibig sabihin, hindi sila mga taong hinirang ng Diyos. Bagama’t inisyal silang isinilang sa loob ng mga hangganan ng Israel, hindi sila kabilang sa mga tao ng Israel, at pinatalsik sila sa mga bayan ng Hentil. Sila ang pinakaaba sa lahat ng tao. Ito ay dahil mismo sa sila ang pinakaaba sa sangkatauhan kaya isinasakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawain ng paglulunsad ng isang panibagong kapanahunan sa kanila, sapagkat kinakatawan nila ang tiwaling sangkatauhan. Ang gawain ng Diyos ay hindi walang pagpili o walang layon; ang gawaing Kanyang ginagawa sa mga taong ito ngayon ay gawain ding isinasagawa sa lahat ng nilikha. Si Noe ay isang nilikha, gayundin ang kanyang mga inapo. Sinuman sa mundo na may laman at dugo ay isang nilikha. Ang gawain ng Diyos ay nakatuon sa lahat ng nilikha; hindi ito nakasalalay sa kung isinumpa ang tao matapos siyang likhain. Ang Kanyang gawain ng pamamahala ay nakatuon sa lahat ng nilikha, hindi roon sa mga taong hinirang na hindi isinumpa. Dahil nilalayon ng Diyos na isakatuparan ang Kanyang gawain sa lahat ng Kanyang nilikha, tiyak na isasakatuparan Niya ito hanggang sa matagumpay na matapos, at gagawa Siya sa mga taong kapaki-pakinabang sa Kanyang gawain. Samakatwid, binabali Niya ang lahat ng regulasyon kapag gumagawa Siya sa mga tao; ang mga salitang “isinumpa,” “kinastigo” at “pinagpala” ay hindi umiiral para sa Kanya! Ang mga Hudyo ay mabuti, gayundin ang mga taong hinirang sa Israel; sila ay mga taong may mataas na kakayahan at mabuting pagkatao. Sa simula, sa kanila inilunsad ni Jehova ang Kanyang gawain, at isinagawa ang Kanyang pinakaunang gawain—ngunit ang gawin silang mga tagatanggap ng gawain ng paglupig ngayon ay magiging walang kabuluhan. Bagama’t sila rin ay bahagi ng mga nilikha, at may maraming positibo tungkol sa kanila, ngunit walang silbi ang pagsasagawa ng yugtong ito ng gawain sa kanila; hindi nito malulupig ang mga tao, ni hindi nito makukumbinsi ang lahat ng nilikha. Ito mismo ang kabuluhan ng paglilipat ng Kanyang gawain sa mga taong ito sa bansa ng malaking pulang dragon. Ang may pinakamalaking kabuluhan dito ay ang Kanyang paglulunsad ng isang kapanahunan, ang Kanyang pagbali sa lahat ng regulasyon at lahat ng kuru-kuro ng tao at ang Kanyang pagtatapos ng gawain ng buong Kapanahunan ng Biyaya. Kung isinasakatuparan pa rin ang Kanyang kasalukuyang gawain sa mga Israelita, kapag natapos na ang Kanyang anim na libong taong plano ng pamamahala, maniniwala ang lahat na ang Diyos ay Diyos lamang ng mga Israelita, na ang mga Israelita lamang ang mga taong hinirang ng Diyos, at na ang mga Israelita lamang ang karapat-dapat na magmana ng pagpapala at pangako ng Diyos. Isinasakatuparan ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga huling araw sa bayan ng Hentil ng malaking pulang dragon ang Kanyang gawain ng pagiging ang Diyos ng lahat ng nilikha, tinatapos ang kabuuan ng Kanyang gawain ng pamamahala, at winawakasan ang pinakamahalagang bahagi ng Kanyang gawain ng pamamahala sa bansa ng malaking pulang dragon. Ang sentro ng tatlong yugto ng gawain ay ang pagliligtas sa tao—iyon ay, pasambahin sa Lumikha ang lahat ng nilikha. Sa gayon, may malaking kahulugan ang bawat yugto ng gawain; walang anumang ginagawa ang Diyos na walang kahulugan o halaga. Sa isang banda, pinasisimulan ng yugtong ito ng gawain ang isang bagong kapanahunan at winawakasan ang naunang dalawang kapanahunan; sa kabilang banda, binabasag nito ang lahat ng kuru-kuro ng mga tao at lahat ng lumang paraan ng paniniwala at mga lumang paraan ng pag-unawa sa mga bagay. Ang gawain ng naunang dalawang kapanahunan ay isinakatuparan ayon sa iba’t ibang mga kuru-kuro ng tao; gayunman, ganap na inaalis ng yugtong ito ang mga kuru-kuro ng tao, sa gayon ay lubos na nalulupig ang sangkatauhan. Sa pamamagitan ng paglupig sa mga inapo ni Moab, sa pamamagitan ng gawaing isinakatuparan sa mga inapo ni Moab, lulupigin ng Diyos ang mga tao sa buong sansinukob. Ito ang pinakamalalim na kabuluhan ng yugtong ito ng Kanyang gawain, at ito ang pinakamahalagang aspekto ng yugtong ito ng Kanyang gawain. Kahit alam mo na ngayon na aba ang iyong sariling posisyon at na mababa ang iyong halaga, madarama mo pa rin na nagmana ka ng isang napakalaking pagpapala at tumanggap na ng isang napakadakilang pangako, at na makakatulong kang isakatuparan ang dakilang gawaing ito ng Diyos, makita ang tunay na mukha ng Diyos, malaman ang likas na disposisyon ng Diyos, at makasunod sa kalooban ng Diyos, na makikita mong ang pinakanakagagalak na bagay. Ang naunang dalawang yugto ng gawain ng Diyos ay isinakatuparan sa Israel. Kung isinasakatuparan din ang yugtong ito ng Kanyang gawain sa mga huling araw sa mga Israelita, hindi lamang maniniwala ang lahat ng nilikha na ang mga Israelita lamang ang mga taong hinirang ng Diyos, kundi mabibigo rin ang buong plano ng pamamahala ng Diyos na makamit ang nais nitong epekto. Sa panahon kung kailan isinakatuparan ang dalawang yugto ng Kanyang gawain sa Israel, walang bagong gawain—ni walang anumang gawain ng paglulunsad ng isang bagong kapanahunan—ang isinakatuparan sa mga bayan ng Hentil. Ang yugto ng gawain sa ngayon—ang gawain ng paglulunsad ng isang bagong kapanahunan—ay unang isinasakatuparan sa mga bayan ng Hentil, at, dagdag pa rito, pauna itong isinasakatuparan sa mga inapo ni Moab, sa gayon ay inilulunsad nito ang buong kapanahunan. Binabasag ng Diyos ang anumang kaalamang nakapaloob sa mga kuru-kuro ng tao, na hindi tinutulutang manatili ang anuman dito. Sa Kanyang gawain ng paglupig, binasag na Niya ang mga kuru-kuro ng tao, at ang mga luma at dating paraan ng pag-unawa sa mga bagay. Hinahayaan Niya na makita ng mga tao na walang mga regulasyon sa Diyos, na walang anumang luma tungkol sa Diyos, na ang gawaing Kanyang ginagawa ay lubos na napalaya, lubos na malaya, at na tama Siya sa lahat ng Kanyang ginagawa. Kailangan mong lubos na magpasakop sa anumang gawaing Kanyang ginagawa sa mga nilikha. Lahat ng gawaing Kanyang ginagawa ay may kahulugan, at isinasakatuparan ayon sa Kanyang sariling mga layunin at karunungan, at hindi ayon sa mga pagpili at kuru-kuro ng tao. Kung may anumang kapaki-pakinabang sa Kanyang gawain, ginagawa Niya iyon; at kung may hindi kapaki-pakinabang sa Kanyang gawain, hindi Niya iyon ginagawa, gaano man iyon kaganda! Gumagawa Siya at pumipili ng mga tatanggap at lugar ng Kanyang gawain alinsunod sa kahulugan at layunin ng Kanyang gawain. Hindi Siya kumakapit sa mga dating regulasyon kapag gumagawa Siya, ni hindi Siya sumusunod sa mga lumang pormula. Sa halip, ipinaplano Niya ang Kanyang gawain ayon sa kabuluhan ng gawain. Sa huli, matatamo Niya ang isang tunay na epekto at ang inaasam na layon nito. Kung hindi mo nauunawaan ang mga bagay na ito ngayon, hindi magkakaroon ng bisa ang gawaing ito sa iyo.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos
Ang gawain ni Jehova ay ang paglikha sa mundo, iyon ang simula; ang yugtong ito ng gawain ay ang katapusan ng gawain, at ito ang kongklusyon. Sa simula, isinagawa ang gawain ng Diyos sa mga taong hinirang sa Israel, at ito ay gawaing nagbukas ng bagong yugto sa pinakabanal sa lahat ng lugar. Ang huling yugto ng gawain ay isinasagawa sa pinakamarumi sa lahat ng bansa, upang hatulan ang mundo at wakasan ang kapanahunan. Sa unang yugto, ang gawain ng Diyos ay isinagawa sa pinakamaliwanag na lugar sa lahat, at ang huling yugto ay isinasagawa sa pinakamadilim na lugar sa lahat, at ang kadilimang ito ay itataboy, ang liwanag ay dadalhin, at ang lahat ng tao ay malulupig. Kapag ang mga tao sa ganitong pinakamarumi at pinakamadilim sa lahat ng lugar ay nalupig na, at kinilala ng buong populasyon na mayroong Diyos, na Siyang tunay na Diyos, at ang bawat tao ay lubusan nang nakumbinsi, ang katunayang ito ay gagamitin upang isagawa ang gawain ng paglupig sa buong sansinukob. Ang yugtong ito ng gawain ay representatibo. Kapag natapos na ang gawain sa kapanahunang ito, ang gawain ng anim na libong taon ng pamamahala ay ganap nang magwawakas. Sa oras na ang mga nasa pinakamadilim sa lahat ng lugar ay nalupig na, tiyak na ganoon din ang mangyayari sa iba pang lugar. Kung gayon, tanging ang gawain ng panlulupig sa Tsina ang nagtataglay ng representatibong kabuluhan. Kinakatawan ng Tsina ang lahat ng puwersa ng kadiliman, at ang mga tao sa Tsina ay kumakatawan sa lahat ng sa laman, kay Satanas, at sa karnalidad. Ang mga Tsino ang pinakaginawang tiwali ng malaking pulang dragon, ang may pinakamasidhing pagsalungat sa Diyos, na ang pagkatao ay pinakamababa at pinakamarumi, at kaya sila ang tipikal na halimbawa ng lahat ng tiwaling sangkatauhan. Hindi ito nangangahulugan na walang anumang problema sa ibang mga bansa; ang mga kuru-kuro ng tao ay magkakaparehong lahat, at bagama’t ang mga tao sa mga bansang ito ay maaaring mayroong mahusay na kakayahan, kung hindi nila kilala ang Diyos, tiyak na sinasalungat nila Siya. Bakit kumontra at naghimagsik din ang mga Hudyo laban sa Diyos? Bakit kinontra rin Siya ng mga Pariseo? Bakit ipinagkanulo ni Hudas si Jesus? Sa panahong iyon, marami sa mga disipulo ang hindi nakakilala kay Jesus. Bakit, pagkatapos ipako sa krus si Jesus at muling mabuhay, ay hindi pa rin nananampalataya sa Kanya ang mga tao? Hindi ba’t pare-pareho lamang ang paghihimagsik ng tao? Ginagawa lamang halimbawa ang mga tao ng Tsina, at kapag sila ay nalupig, sila ay magiging mga huwaran at uliran, at magsisilbing reperensiya para sa iba. Bakit palagi Kong sinasabi na kayo ay dugtong sa Aking plano ng pamamahala? Sa mga tao sa Tsina pinakalubos na naipapamalas ang katiwalian, karumihan, pagiging di-matuwid, pagsalungat, at paghihimagsik sa lahat ng iba’t ibang anyo ng mga ito. Sa isang banda, sila ay may mahinang kakayahan, at sa kabilang banda, ang kanilang mga buhay at pag-iisip ay paurong, at ang kanilang mga gawi, kapaligirang panlipunan, pamilya ng kapanganakan—ang lahat ay salat at pinakapaurong. Ang kanilang katayuan ay mababa rin. Ang gawain sa lugar na ito ay representatibo, at pagkatapos ganap na gawin itong gawain ng pagsubok, ang susunod na gawain ng Diyos ay magiging higit na madali. Kapag natapos na ang hakbang na ito ng gawain, ang susunod na gawain ay hindi na magiging mahirap kahit kaunti. Sa oras na maisakatuparan na ang hakbang na ito ng gawain, lubos nang makakamit ang malaking tagumpay, at ang gawain ng paglupig sa buong sansinukob ay ganap nang magwawakas. Sa katunayan, kapag nagtagumpay na ang gawain sa inyo, ito ay magiging katumbas ng tagumpay sa buong sansinukob. Ito ang kabuluhan ng kung bakit pinagsisilbi Ko kayo bilang huwaran at uliran. Ang paghihimagsik, pagsalungat, karumihan, at pagiging hindi matuwid—ang lahat ng ito ay matatagpuan sa mga taong ito, at sa kanila ay kinakatawan ang lahat ng paghihimagsik ng sangkatauhan. Sila ay tunay ngang namumukod-tangi. Kaya nga sila ay itinuturing na pinakatumpak na halimbawa ng paglupig, at sa oras na sila ay nalupig na, sila ay natural na magiging mga huwaran at uliran para sa iba.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (2)
Ganap na itinuon ng Diyos ang gawain Niya sa sansinukob sa grupong ito ng mga tao. Isinakripisyo na Niya ang lahat ng dugo ng puso Niya para sa inyo; binawi at ibinigay na Niya sa inyo ang buong gawain ng Espiritu sa sansinukob. Ito ang dahilan kung bakit kayo ang mapapalad. Bukod pa rito, inilipat na Niya ang Kanyang kaluwalhatian mula sa Israel, ang Kanyang hinirang na mga tao, patungo sa inyo, at lubos Niyang ipamamalas ang layunin ng Kanyang plano sa pamamagitan ng grupong ito. Samakatwid, kayo ang mga tatanggap ng pamana ng Diyos, at higit pa rito, kayo ang mga magmamana ng kaluwalhatian ng Diyos. Marahil ay naaalala ninyong lahat ang mga salitang ito: “Sapagkat ang magaan na pagdurusa na panandalian lamang ay nagdudulot sa atin ng lalong dakila at walang hanggang kaluwalhatian.” Narinig na ninyong lahat dati ang mga salitang ito, subalit walang sinuman sa inyo ang nakaunawa sa tunay na kahulugan ng mga ito. Ngayon, malalim ninyong nauunawaan ang tunay na kabuluhan ng mga ito. Ang mga salitang ito ay isasakatuparan ng Diyos sa mga huling araw, at matutupad doon sa mga brutal na inusig ng malaking pulang dragon sa lupain kung saan ito nakahimlay nang nakapulupot. Inuusig ng malaking pulang dragon ang Diyos at ito ang kaaway ng Diyos, kaya nga, ang mga tao sa lupaing ito ay sumasailalim sa pamamahiya at pang-uusig dahil sa pananampalataya nila sa Diyos, at natutupad ang mga salitang ito sa inyo, ang grupong ito ng mga tao, bilang resulta. Dahil isinasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa isang lupain na lumalaban sa Diyos, ang lahat ng gawain Niya ay nahaharap sa malalaking balakid, at marami sa Kanyang mga salita ang hindi maisasakatuparan kaagad; kaya, ang mga tao ay pinipino bilang resulta ng mga salita ng Diyos, na bahagi rin ng pagdurusa. Napakahirap para sa Diyos na isagawa ang Kanyang gawain sa lupain ng malaking pulang dragon, ngunit sa pamamagitan ng hirap na ito, ginagawa ng Diyos ang isang yugto ng gawain Niya, nang sa gayon ay maipamalas Niya ang Kanyang karunungan at mga kamangha-manghang gawa, at ginagamit ng Diyos ang pagkakataong ito upang gawing ganap ang grupong ito ng mga tao. Sa pamamagitan ng pagdurusa ng mga tao, sa pamamagitan ng kanilang kakayahan, at sa pamamagitan ng lahat ng satanikong disposisyon ng mga tao sa maruming lupaing ito, ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagdadalisay at paglupig, nang sa gayon, mula rito, magkakamit Siya ng kaluwalhatian at niyaong mga nagpapatotoo sa Kanyang mga gawa. Ito ang buong kabuluhan ng lahat ng halagang ibinayad ng Diyos para sa grupong ito ng mga tao. Ibig sabihin, ginagawa ng Diyos ang gawain ng paglupig sa pamamagitan ng mga lumalaban sa Kanya, at sa gayon lamang maipapamalas ang dakilang kapangyarihan ng Diyos. Sa madaling salita, yaon lamang mga nasa maruming lupain ang karapat-dapat na magmana ng kaluwalhatian ng Diyos, at ito lamang ang makapagpapatingkad sa dakilang kapangyarihan ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit mula sa maruming lupain, at sa mga yaon na naninirahan sa maruming lupain, nakakamit ng Diyos ang kaluwalhatian—iyon ang layunin ng Diyos. Katulad lang ito ng yugto ng gawain ni Jesus: Maaari lamang Siyang magtamo ng kaluwalhatian sa gitna ng mga Pariseo na umusig sa Kanya; kung hindi sa pag-uusig ng mga Pariseo at sa pagkakanulo ni Hudas, hindi sana napagtawanan o nasiraang-puri si Jesus, lalong hindi sana Siya ipinako sa krus, at hindi sana Siya nagkamit ng kaluwalhatian. Kung saan gumagawa ang Diyos sa bawat kapanahunan, at kung saan Siya gumagawa ng Kanyang gawain sa katawang-tao, doon Siya nagkakamit ng kaluwalhatian at doon Niya nakakamit yaong mga nais Niyang makamit. Ito ang plano ng gawain ng Diyos, at ito ang Kanyang pamamahala.
Sa plano ng Diyos ng ilang libong taon, dalawang bahagi ng gawain ang ginagawa sa katawang-tao: Ang una ay ang gawain ng pagpapapako sa krus, kung saan Siya ay nagtatamo ng kaluwalhatian; ang isa pa ay ang gawain ng panlulupig at pagpeperpekto sa mga huling araw, kung saan Siya ay nagtatamo ng kaluwalhatian. Ito ang pamamahala ng Diyos. Kaya huwag ninyong ituring na simpleng bagay ang gawain ng Diyos, o ang atas ng Diyos sa inyo. Kayo ang lahat ng magmamana ng lubhang nakahihigit at walang hanggang bigat ng kaluwalhatian ng Diyos, at ito ay espesyal na inorden ng Diyos. Sa dalawang bahagi ng Kanyang kaluwalhatian, ang isa ay naipapamalas sa inyo; ang kabuuan ng isang bahagi ng kaluwalhatian ng Diyos ay ipinagkaloob na sa inyo, upang siyang maging inyong pamana. Ito ang pagtataas sa inyo ng Diyos, at ito rin ang plano na matagal na Niyang paunang itinakda. Dahil sa kadakilaan ng gawaing nagawa ng Diyos sa lupain kung saan nananahan ang malaking pulang dragon, kung nalipat ang gawaing ito sa ibang lugar, matagal na sana itong nagkaroon ng malaking bunga at madaling natanggap ng tao. Bukod pa rito, naging napakadali sanang tanggapin ang gawaing ito para sa mga pastor ng Kanluran na nananampalataya sa Diyos, sapagkat ang yugto ng gawain ni Jesus ay nagsisilbing naunang halimbawa. Ito ang dahilan kung bakit hindi nagagawang isakatuparan ng Diyos ang yugtong ito ng gawain ng pagkakamit ng kaluwalhatian sa ibang lugar; kapag sinusuportahan ng mga tao at kinikilala ng estado ang gawain, walang lugar kung saan maitatatag ang kaluwalhatian ng Diyos. Ito mismo ang pambihirang kabuluhang taglay ng yugtong ito ng gawain sa lupaing ito.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Simple Ba ang Gawain ng Diyos na Tulad ng Inaakala ng Tao?
Sa maraming lugar, ipinropesiya na ng Diyos na magkakamit Siya ng isang grupo ng mga mananagumpay sa lupain ng Sinim—sa Silangan ng mundo makakamit ang mga mananagumpay. Kaya, walang duda na sa lupain ng Sinim tumatapak ang Diyos sa Kanyang ikalawang pagkakatawang-tao, sa mismong lugar kung saan nakapulupot ang malaking pulang dragon. Doon, makakamit ng Diyos ang mga supling ng malaking pulang dragon upang ito ay lubusang matalo at mapahiya. Gigisingin ng Diyos ang mga taong ito, na labis na pinabibigatan ng pagdurusa, upang pabangunin sila hanggang sila ay maging lubos na gising, at upang palakarin silang palabas ng hamog at tanggihan ang malaking pulang dragon. Gigising sila mula sa kanilang panaginip, makikilala ang diwa ng malaking pulang dragon, magagawang ibigay ang kanilang buong puso sa Diyos, aahon mula sa pang-aapi ng mga puwersa ng kadiliman, tatayo sa Silangan ng mundo, at magiging patunay ng tagumpay ng Diyos. Sa ganitong paraan lamang makakamit ng Diyos ang kaluwalhatian. Ito ang tanging dahilan kaya dinala ng Diyos ang gawaing natapos sa Israel sa lupain kung saan namamalaging nakapulupot ang malaking pulang dragon at, halos dalawang libong taon pagkatapos lumisan, ang Diyos ay muling nagkatawang-tao upang ipagpatuloy ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya. Sa pisikal na paningin ng tao, naglulunsad ang Diyos ng bagong gawain sa katawang-tao. Ngunit sa pananaw ng Diyos, ipinagpapatuloy Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, na may pagitan lamang na ilang libong taon, at may pagbabago lamang sa lokasyon at sa programa ng Kanyang gawain.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok (6)
Ikaw man ay isang Amerikano, Ingles, o anumang iba pang nasyonalidad, dapat kang humakbang palabas ng mga hangganan ng iyong sariling nasyonalidad, nang hinihigitan ang iyong sarili, at tingnan ang gawain ng Diyos mula sa perspektiba ng pagkakakilanlan ng isang nilikha—sa gayong paraan, hindi mo lilimitahan ang mga yapak ng Diyos sa anumang partikular na saklaw. Ito ay dahil, ayon sa kanilang mga kuru-kuro, maraming tao ngayon ang naniniwala na hindi posibleng magpapakita ang Diyos sa isang partikular na bansa o sa gitna ng isang partikular na bayan. Napakalalim ng kabuluhan ng gawain ng Diyos, at napakahalaga ng pagpapakita ng Diyos! Paano masusukat ang mga ito ng mga kuru-kuro at pag-iisip ng tao? At kaya sinasabi Ko, dapat kang kumawala sa iyong mga kuru-kuro tungkol sa nasyonalidad at katutubong pinagmulan upang hanapin ang pagpapakita ng Diyos. Sa ganitong paraan ka lamang hindi magagapos ng sarili mong mga kuru-kuro; sa ganitong paraan ka lamang magiging karapat-dapat na salubungin ang pagpapakita ng Diyos. Kung hindi, mananatili ka sa walang-hanggang kadiliman, at hindi kailanman makakamtan ang pagsang-ayon ng Diyos.
Ang Diyos ay ang Diyos ng buong lahi ng tao. Hindi Niya itinuturing ang sarili Niya bilang pribadong pag-aari ng anumang bansa o bayan, kundi ginagawa ang Kanyang gawain nang ayon sa Kanyang plano, nang hindi nalilimitahan ng anumang anyo, bansa, o bayan. Marahil hindi mo kailanman naisip ang anyong ito, o marahil ay pagtatatwa ang iyong saloobin sa anyong ito, o marahil ang bansa at bayan kung saan nagpapakita ang Diyos ay nagkataon lamang na dinidiskrimina ng lahat at nagkataon lamang na ang pinakapaurong sa lupa. Ngunit ang Diyos ay may karunungan Niya. Sa Kanyang dakilang kapangyarihan at sa pamamagitan ng Kanyang katotohanan at Kanyang disposisyon, tunay na nakamit na Niya ang isang grupo ng mga tao na kaisa Niya sa isipan, at ang isang grupo ng mga tao na nais Niyang gawing ganap—isang grupong nalupig Niya, na nagtiis ng lahat ng uri ng mga pagsubok at mga pagdurusa at lahat ng uri ng pag-uusig, at kayang sumunod sa Kanya hanggang sa katapus-tapusan. Ang layunin ng pagpapakita ng Diyos, na hindi limitado sa anumang anyo o bansa, ay ang matapos Niya ang Kanyang gawain alinsunod sa Kanyang plano. Gaya lamang ito nang ang Diyos ay nagkatawang-tao sa Judea: ang Kanyang pakay ay tapusin ang gawain ng pagpapapako sa krus upang tubusin ang buong lahi ng tao. Ngunit naniwala ang mga Hudyo na imposibleng magawa ito ng Diyos, at inisip nila na imposibleng maging tao ang Diyos sa anyo ng Panginoong Jesus. Ang kanilang “imposible” ang naging batayan ng kanilang pagkondena at paglaban sa Diyos, at sa kahuli-hulihan ay humantong sa pagkawasak ng Israel. Ngayon, maraming tao ang nakagawa na ng katulad na pagkakamali. Buong-kalakasan nilang ipinoproklama ang nalalapit na pagpapakita ng Diyos, ngunit kasabay nito ay kinokondena nila ang Kanyang pagpapakita; ang kanilang “imposible” ang muling nagkukulong sa pagpapakita ng Diyos sa loob ng mga hangganan ng kanilang imahinasyon. At sa gayon nakita Ko na maraming tao ang tumawa nang walang habas at napakalakas matapos matagpuan ang mga salita ng Diyos. Ngunit hindi ba ang pagtawang ito ay walang ipinagkaiba sa pagkondena at paglapastangan ng mga Hudyo? Hindi kayo nagpipitagan sa presensya ng katotohanan, lalong hindi ninyo taglay ang saloobin ng pananabik. Ang ginagawa lamang ninyo ay matigas ang ulong magsiyasat, at maghintay lamang nang walang pakialam. Ano ang mapapala ninyo sa pagsisiyasat at paghihintay nang ganito? Inaakala ba ninyong tatanggap kayo ng personal na patnubay mula sa Diyos? Kung hindi mo makilatis ang mga pagbigkas ng Diyos, sa anong paraan ka kalipikadong mamasdan ang pagpapakita ng Diyos? Kung saanman nagpapakita ang Diyos, doon ipapahayag ang katotohanan, at naroon ang tinig ng Diyos. Tanging ang mga nagagawang tanggapin ang katotohanan ang nakakarinig sa tinig ng Diyos, at tanging ang mga ganitong tao ang kalipikadong mamasdan ang pagpapakita ng Diyos. Pakawalan mo ang iyong mga kuru-kuro! Patahimikin ang iyong sarili at basahing mabuti ang mga salitang ito. Hangga’t mayroon kang pusong nananabik sa katotohanan, bibigyang-liwanag ka ng Diyos para maunawaan mo ang Kanyang mga layunin at Kanyang mga salita. Bitiwan na ninyo ang mga argumento ninyo ng pagiging “imposible”! Habang lalong naniniwala ang mga tao na imposible ang isang bagay, mas lalong maaari itong mangyari, sapagkat ang karunungan ng Diyos ay mas mataas pa sa mga kalangitan, ang mga kaisipan ng Diyos ay higit pa sa mga kaisipan ng tao, at ginagampanan ng Diyos ang gawain Niya nang lampas sa mga hangganan ng kaisipan at mga kuru-kuro ng tao. Habang mas imposible ang isang bagay, lalong higit na mayroong katotohanang mahahanap dito; habang mas hindi kayang maisip ng mga kuru-kuro ng tao ang isang bagay, lalong naglalaman ito ng mga layunin ng Diyos. Ito ay dahil, kahit saan pa Siya nagpapakita, ang Diyos ay nananatiling Diyos, at ang Kanyang diwa ay hinding-hindi magbabago dahil lamang sa lugar o paraan ng Kanyang pagpapakita. Ang disposisyon ng Diyos ay hindi magbabago saanman naroon ang Kanyang mga yapak, at nasaan man ang mga yapak ng Diyos, Siya ay ang Diyos ng buong sangkatauhan, gaya ng ang Panginoong Jesus ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, kundi ang Diyos din ng lahat ng tao sa Asya, Europa, at Amerika, at higit pa rito, Siya ang nag-iisa at natatanging Diyos sa itaas at kabuuan ng sansinukob. Kaya hanapin natin ang mga layunin ng Diyos at tuklasin ang Kanyang pagpapakita mula sa Kanyang mga pagbigkas at salita, at sabayan ang Kanyang mga yapak! Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ang Kanyang mga salita at ang Kanyang pagpapakita ay sabay na umiiral, at ang Kanyang disposisyon at mga yapak ay hayagang ipinakikita sa sangkatauhan sa lahat ng oras. Minamahal na mga kapatid, umaasa Akong makikita ninyong lahat ang pagpapakita ng Diyos sa mga salitang ito, uumpisahan ninyong makasabay sa Kanyang mga yapak at humakbang pasulong tungo sa isang bagong kapanahunan, at papasok kayo sa magandang bagong langit at lupa na naihanda na ng Diyos para sa mga naghihintay sa Kanyang pagpapakita!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 1: Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan