971 Lumalago ang Tao sa Ilalim ng Proteksyon ng Diyos

‘Pag tinitiwali ni Satanas ang tao,

Diyos ay ‘di tumatalikod.

Nang ‘di tumatawag ng pansin,

ginagawa Niya’ng kinakailangan.


I

Pumipili ang Diyos ng pamilya mo’t

ang petsa ng iyong pagsilang.

Nakikita Niyang umiiyak kang

pumarito sa mundo’t

binibigkas iyong unang mga salita,

Siya’y nanonood habang nadarapa ka

sa unang hakbang mo habang nag-aaral lumakad.


Habang ika’y lumalaki,

maa’ring masagupa mo’ng maraming bagay;

ila’y ‘di mo magugustuhan,

gaya ng karamdama’t kabiguan.

Ngunit sa pagtahak mo rito,

mahigpit ang alaga Niya sa buhay mo.

Mabubuhay ka’t tatanda sa pagbabantay Niya.


Ang pinakamahalagang gawain ng Diyos

ay garantiyahan iyong kaligtasan,

garantiyang ika’y ‘di kailanman

lalamunin ni Satanas.

Sa pagdaraanan ng buhay ng tao,

lahat nakasasagupa ng panganib,

dahil katabi mo’y kasamaan,

nasa paningin ka ni Satanas.


II

‘Pag kapahamaka’y dumarating at

kalamidad ay sumasapit sa’yo,

‘pag napupulupot ka sa sapot ni Satanas,

matutuwa rito si Satanas.

Ngunit protektado’t ginagabayan ka ng Diyos.

Kontrol Niya’ng kaligtasan,

galak at kapalaran ng tao.


Inaakay Niya ang bawat isa,

binabantayan ang bawat isa

sa bawat sandaling lumilipas,

at kailanma’y ‘di umalis sa tabi mo.

Tao’y lumalaki sa gan’tong paligid

at uri ng karanasan.

Sa katunayan tao’y lumalaki

sa palad ng kamay ng Diyos.


Dala ng gawa ng Diyos

sa tao’y kapayapaa’t galak;

tapos nabubuhay sa harap Niya,

tinatanggap ang Kanyang kaligtasan

nang may normal na katwiran.

Diyos ay tapat, totoo sa lahat ng bagay,

mapagkakatiwalaan ng tao sa buhay nila,

lahat ng mayro’n sila,

ang tanging Isang maaasahan.


Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI

Sinundan: 970 Napakahalagang Maunawaan ang Banal na Diwa ng Diyos

Sumunod: 972 Patuloy na Ginagabayan ng Diyos ang Buhay ng Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito