Kitang nagpatotoo na ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos ay nagpahayag ng milyun-milyong mga salita at isinagawa ang Kanyang gawain ngpaghatol magsimula sa bahay ng Diyos. Malinaw na wala ito sa Biblia. Madalas sabihin sa atin ng mga pastor at pinuno na ang lahat ng gawain at salita ng Diyos ay nasa Biblia. Walang salita at gawain ng Diyos ang nasa labas ng Biblia. Ang gawain na pagliligtas ng Panginoong Jesus ay nakumpleto na. Ang pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araway upang dalhin nang direkta ang Kaya sa tinagal-tagal, Kaya sa tinagal-tagal, naniwala tayong nakabatay sa Biblia ang paniniwala sa Panginoon. Hangga’t nananampalataya tayo sa Biblia magagawa nating pumasok sakaharian ng langit at tumanggap ng buhay na walang hanggan. Ang paglayo mula sa Biblia ay ang pag-iwan sa daan ng Panginoon. Ito ay paglaban at pagtataksil sa Kanya. Ganoon ang iniisip ng lahat ng mga relihiyosong pastor at pinuno. Ano ang maaaring mali doon?

Agosto 29, 2018

Sagot: Sa relihiyon, ang lahat ng naniniwala sa Panginoon ay iniisip na lahat ng salita at gawain ng Diyos ay nasa Biblia. Kumpleto sa Biblia ang pagliligtas ng Diyos, at walang salita at gawain ng Diyos sa labas ng Biblia. Ang paniniwala sa Panginoon ay nakabatay sa Biblia at pananampalataya sa Biblia. Hangga’t hindi natin iniiwan ang Biblia, kapag dumating ang Panginoon, tayo ay dadalhin sa kaharian ng langit. Ang naturang pananaw ay maaaring sumunod sa mga paniniwala at imahinasyon ng tao, ngunit batay ba iyon sa mga salita ng Panginoong Jesus? Natitiyak mo bang sumusunod iyon sa katotohanan? Ang Panginoong Jesus ay hindi kailanman sinabi na ang salita at gawain ng Diyos ay nakatala lahat sa Biblia, na walang salita at gawain ng Diyos sa labas ng Biblia. Totoo iyan. Alam lahat ng mga taong nauunawaan ang Biblia na ang Biblia ay pinagsama-sama ng sangkatauhan nang maraming taon pagkatapos ng gawain ng Diyos. Unang dumating ang gawain ng Diyos, at pagkatapos ay ang Biblia. Sa madaling salita, sa tuwing nakukumpleto ng Diyos ang yugto ng Kanyang gawain, ang mga nakaranas ng gawain ng Diyos ay itatala ang salita at gawain ng Diyos mula sa panahong iyon, at ang mga talang ito ay tinipon ng mga tao sa Biblia. Kung iisipin natin iyon, paano matitipon nang maaga sa Biblia ang gawain ng Diyos na hindi pa nagawa? Ang gawainng paghatolng Diyos lalo na sa mga huling araw, ay hindi maaaring naitala sa Biblia. Naging bahagi na ng Biblia ang Bago at Lumang Tipan nang halos 2000 taon. Kakasimula pa lang ng Makapangyarihang Diyos sa Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Samakatuwid, ang salita at gawain ng Diyos sa mga huling araw ay hindi maaaring naitala sa Biblia libong taon na ang nakakalipas. Hindi ba iyon isang katotohanan? Sa mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos ay isinagawa ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos, inihahayag ang ilang milyong mga salita. Mga katotohanan lahat ang mga salitang ito na dumadalisay at nagliligtas sa sangkatauhan, at ang daan sa buhay na walang hanggan na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw. Pinagsama-sama na ang mga ito sa Biblia ng Kapanahunan ng Kaharian. Ito ang libro, “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao.” Kahit na ang mga katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay hindi itinala sa Biblia nang maaga, ganap na nakumpleto ng mga ito ang mga propesiya ng Panginoong Jesus. “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia(Pahayag 2:17). Ang katotohanang inihayag ng Makapangyarihang Diyos ay ganap na pinatunayan na ang Makapangyarihang Diyos ang sagisag ng Espiritu ng katotohanan. Siya ang nagkatawang-taong Diyos. Ang lahat ng mga salitang inihayag ng Makapangyarihang Diyos, iyon ay, ang mga paghahayag ng Espiritu ng katotohanan sa mga huling araw, ay mga salitang mula sa Banal na Espiritusa mga iglesia. Maglalakas-loob ba tayong sabihin na hindi ito ang mga salita ng Diyos? Maglalakas-loob pa rin ba tayong tanggihan ito? Kung makikita natin ang katunayan ng pagsasalita at paggawa ng Diyos sa mga huling araw, masasabi pa rin ba nating naitala sa Biblia ang lahat ng mga salita ng Diyos at walang salita o gawain ng Diyos ang nasa labas ng Biblia? Hindi natin nauunawaan ang panloob na kuwento kung paano nabuo ang Biblia. Hindi natin alam ang katotohanan na ang Biblia ay nabuo lamang matapos makumpleto ng Diyos ang bawat yugto ng Kanyang gawain, gayunman, basta na lang tayong naghihinuha at nagpapasya na walang salita at gawain ng Diyos sa labas ng Biblia. Hindi ba’t masyado tayong hindi makatwiran at hindi makatotohanan tayo? Kung hindi natin nauunawaan kung paano nabuo ang Biblia at ang panloob na kuwento nito, magiging napakadali ang mapalihis ng landas sa paniniwala sa Diyos. Sa katunayan, sa loob ng dalawang yugto ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusanat ang Kapanahunan ng Biyaya, ang lahat ng mga salitang inihayag ng Diyos ay hindi ganap na naitala sa Biblia. Halimbawa, saKapanahunan ng Kautusan, may mga propetang ang kanilang propesiya ay hindi naitala sa Biblia. Ang ilan sa mga propesiya ng propetang si Ezra ay hindi naitala sa Biblia. Pagkatapos, noong Kapanahunan ng Biyaya, may higit pang mga salitang winika ng Panginoong Jesus. Ngunit ang mga salitang naitala sa Biblia ay masyadong limitado. Isipin lamang. Ang Panginoong Jesus ay nangaral sa lupa sa loob ng tatlo at kalahating taon. Ilang mga salita ang winika Niya araw-araw? Ilang mga salita ang winika Niya sa bawat sermon? Napakaraming mga sermon at salita ang winika ng Panginoong Jesus sa tatlo at kalahating taong iyon. Walang paraan ang kahit sino na kalkulahin iyon. Tulad ng sinabi ni Apostol Juan: “At mayroon ding iba’t ibang bagay na ginawa si Jesus, na kung susulating isa-isa, ay sa palagay ko kahit sa sanlibutan ay hindi magkakasya ang mga aklat na susulatin” (Juan 21:25). Tingnan natin ngayon ang Apat na Bagong Tipan ng mga Ebanghelyo. Ang mga salita ng Panginoong Jesus na naitala rito ay masyadong limitado! Ito ay dulo lamang ng malaking bato ng yelo! Kung iyong ilang salitang iyon ang sinabi lamang ng Panginoong Jesus sa Apat na Ebanghelyo sa tatlo at kalahating taong iyon, paano Niya nagawang lupigin ang mga taong sumunod sa Kanya sa panahong iyon? Paanong ang gawain ng Panginoong Jesus ay nagawang pukawin ang lahat ng Judea? Samakatuwid, tiyak na ang mga salita ng Diyos na naitala sa Biblia ay naglalaman lamang ng napakalimitadong bahagi, tiyak na hindi lahat ng mga salitang winika ng Diyos sa panahon ng Kanyang gawain. Isa itong katotohanang walang sinuman ang maaaring magkaila! Alam nating lahat na ang Diyos ang Panginoon ng paglikha, ang pinagmumulan ng buhay ng sangkatauhan, ang bukal ng buhay na tubig na hindi natutuyo. Hindi nauubos ang kayamanan ng Diyos at laging maaaring gamitin, samantalang ang Biblia ay isang talaan lamang ng unang dalawang yugto ng gawain ng Diyos. Ang bilang ng mga salita ng Diyos na naitala ay masyadong limitado. Tulad ito ng isang patak sa dagat ng buhay ng Diyos. Paano natin nagawang limitahan lamang sa Bibilia ang salita at gawain ng Diyos? Para bang kaya lang sabihin ng Diyos ang mga limitadong salitang iyon sa Biblia. Hindi ba ito naglilimita, nagmamaliit at naglalapastangan sa Diyos? Samakatuwid, ang paglimita sa lahat ng salita at gawain ng Diyos sa Biblia at ang pag-iisip na walang salita at gawain ng Diyos ang nasa labas ng Biblia ay isang malaking pagkakamali!

Basahin natin sa susunod ang ilan sa mga sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at mas maliliwanagan tayo sa aspetong ito ng katotohanan. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang mga naitala sa Biblia ay limitado; hindi nito kayang kumatawan sa kabuuan ng gawain ng Diyos. Ang Apat na Ebanghelyo sa kabuuan ay wala pang isang daang kabanata, kung saan nakasulat ang takdang bilang ng mga pangyayari, tulad ng pagsumpa ni Jesus sa puno ng igos, tatlong pagtatwa ni Pedro sa Panginoon, pagpapakita ni Jesus sa mga alagad kasunod ng Kanyang pagkapako sa krus at muling pagkabuhay, pagtuturo tungkol sa pag-aayuno, pagtuturo tungkol sa panalangin, pagtuturo tungkol sa diborsiyo, ang kapanganakan at talaangkanan ni Jesus, ang paghirang ni Jesus sa mga alagad, at iba pa. Subalit, pinahahalagahan ang mga ito ng tao bilang mga kayamanan, at ikinukumpara pa sa mga ito ang gawain sa ngayon. Naniniwala pa nga sila na gumawa lamang nang gayon karami si Jesus sa Kanyang buhay, na para bang gayon lamang karami ang kayang gawin ng Diyos at wala nang iba pa. Hindi ba ito katawa-tawa?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 1).

Kung sabagay, alin ang mas dakila: ang Diyos o ang Biblia? Bakit kailangang maging ayon sa Biblia ang gawain ng Diyos? Maaari kaya na walang karapatan ang Diyos na higitan ang Biblia? Hindi ba maaaring lumayo ang Diyos sa Biblia at gumawa ng ibang gawain? Bakit hindi ipinangilin ni Jesus at ng Kanyang mga disipulo ang araw ng Sabbath? Kung magsasagawa Siya nang isinasaalang-alang ang araw ng Sabbath at nang ayon sa mga utos ng Lumang Tipan, bakit hindi nangilin si Jesus sa Sabbath nang dumating Siya, at sa halip ay naghugas ng mga paa, nagtaklob ng ulo, naghati-hati ng tinapay, at uminom ng alak? Hindi ba wala itong lahat sa mga utos ng Lumang Tipan? Kung iginalang ni Jesus ang Lumang Tipan, bakit Niya hindi isinagawa ang mga doktrinang ito? Dapat mong malaman kung alin ang nauna, ang Diyos o ang Biblia! Bilang Panginoon ng Sabbath, hindi ba Siya maaaring maging Panginoon din ng Biblia?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 1).

Ang katotohanan na nais Kong ipaliwanag dito ay ito: Kung ano at kung anong mayroon ang Diyos ay di-nauubos magpakailanman at walang katapusan. Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay at ng lahat ng bagay; hindi Siya maaaring maarok ng anumang nilalang. Ang panghuli, dapat Kong patuloy na ipaalala sa lahat: Huwag lagyan ng limitasyon ang Diyos batay sa mga aklat, mga salita, o sa Kanyang nakaraang mga pagbigkas. Mayroon lamang iisang salita na naglalarawan ng katangian ng gawain ng Diyos: bago. Ayaw Niyang tahakin ang lumang mga landas o ulitin ang Kanyang gawain; higit pa riyan, ayaw Niyang sambahin Siya ng mga tao sa pamamagitan ng paglalagay sa Kanya ng limitasyon sa loob ng partikular na saklaw. Ito ang disposisyon ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pangwakas na Pananalita).

mula sa iskrip ng pelikulang Basagin ang Sumpa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.